You are on page 1of 11

Ati-Atihan Festival

Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero


kada taon ang pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila
sa Santo Nio. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga
mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring
nagsasagutan sa himig ng Hala, Bira! Makikilahok ang buong bayan sa
pista, magbabahaginan ng pagkain at inumin, at isang linggong malalango
ang mga lansangan. Hinango ang pista sa maalamat na pagtatagpo ng mga
katutubo at ng mga Kristiyanong mananakop, at ang pagsamba sa Santo
Nio na malimit hinihingan ng milagro.
Ang selebrasyon ng Ati-atihan ay dinadagsa ng mga lokal at dayuhang
turista hanggang ngayon.

Sinulog Festival

Sumisiklab ang Lungsod Cebu, Cebu tuwing Enero dahil sa


pagdiriwang ng Sinulog. Gaya ng Ati-atihan, ang Sinulog ay tinatampukan
ng sagradong imahen ng Santo Nio, at sa himig ng Pit Seor! Hala,
Bira! ay yayanigin ng tambol, palakpak, at hiyawan ng mga tao ang
buong lungsod. Ang Sinulog ay binubuo ng halos isang buwan na
paggunita sa mahal na patron ng mga Sebwano, at kabilang dito ang
Sinulog Bazaar, ang timpalak Sinulog, ang sining at pangkulturang
pagtatanghal, prusisyon, ang parada doon sa Ilog Mactan, ang Reyna ng
Sinulog, at ang makukulay na kuwitis na pinasasabog sa himpapawid.

Dinagyang Festival

Ang Dinagyang Festival ay isang relihiyoso at kultural na


pagdiriwang na ginaganap sa lungsod ng Iloilo tuwing ikatlong linggo ng
Enero o pagkatapos ng Sinulog sa Cebu at Ati-Atihan sa Aklan. Ginagawa
ito bilang pagdiriwang sa pista ng Santo Nio at para na rin sa pagdating
ng mga Malay sa Panay na nagdala ng ita sa lugar. Simula ng ito ay
gawing taunang selebrasyon, marami ang nakapansin sa pagdiriwang at
nabigyan ito ng National Commission for the Culture and the Arts ng
karangalan bilang Festival of Excellent Folk Choreography.

Panagbenga Festival

Ang Pista ng Panagbenga o ang Baguio Flower Festival ay ang taunang


kapistahan sa Lungsod Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero.
Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun
din ang mayamang kultura nila kung kaya't ito ay dinarayo taon-taon ng
mga turista.
Ang salitang panagbenga ay may kahulugang, "panahon ng
pagyabong, panahon ng pamumulaklak". Tatak nito ang magarbong
kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa
hardin, paligsahan ng pagayos ng bulaklak, maningning na pagsabog ng
mga paputok, at iba pa.

Kaamulan Festival

Ipinagdiriwang ang Kaamulan sa lalawigan ng Bukidnon, partikular


sa lungsod ng Malaybalay, simula sa ikatlong linggo ng Pebrero hanggang
ika-10 ng Marso. Bilang isang etnikong pagtitipon, ipinagdiriwang ng
Kaamulan ang mga tradisyon at pinagmulan ng pitong tribo na orihinal na
bumuo sa lalawigan ng Bukidnon. Ang mga tribung ito ay kinabibilangan
ng Bukidnon, Higaonon, Talaandig, Manobo, Matigsalug, Tigwahanon at
Umayamnon. Marami sa mga miyembro ng nasabing mga tribo ang
nagtitipon-tipon na nakasuot ng mga hinabing kasuotan at mga aksesorya
katulad ng mga hikaw, kwintas, pulseras, mga anting at iba pang adorno
sa katawan. Nagsasayaw sila, kumakanta at gumagawa ng mga ritwal ng
makakasama.

Moriones Festival

Ang Pista ng Moriones ay isa sa makukulay na pagdiriwang sa pulo


ng Marinduque. Ang Morion ay nangangahulugan maskara, na parte ng
armor ng Romano na ipinapantakip sa mukha noong panahong Medyibal.
Ang Moriones ay ang mga taong nakasuot ng maskara at nakagayak, na
nagmamartsa paikot sa bayan, sa loob ng pitong araw sa paghahanap kay
Longhino. Ang isang linggong pagdiriwang na ito ay nagsisimula sa Araw
ng Lunes Santo at nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay.

Flores De Mayo Festival

Ang Flores de Mayo ay ang pista ng bulaklak na ipinagdiriwang ng


mga Filipino sa buong buwan ng Mayo bilang pagbibigay parangal kay
Birheng Maria. Bawat isang araw sa buong buwan ng Mayo ay
naghahandog ng bulaklak kay Maria para sa kaniyang taglay na huwarang
kalinisan at kabutihan.
Ang pagdiriwang ng Flores de Mayo ay pinaniniwalaang nagsimula noong
1854 nang ang Vatican ay nag- proklama ng doktrina ukol kay Imakulada
Conception. Ito ay unang ipinagdiwang sa Bulacan at kinalaunan ay
lumaganap sa mga lalawigan ng Laguna, Batangas, at Pampanga.

Piesta ng Kalabaw

Ipinagdiriwang ang pistang ito ang taos-pusong pagpapsalamat ng


mga mamamayan sa buong taon ng masaganang ani sa kanilang
munisipalidad. Ang mga kasiyahan tulad ng pagsayaw sa kalsada;
prusisyon ng mahigit na dalawampung pinalamutiang kalabaw; iba'tibang prutas, gulay, bulaklak, mga kendy at iba pang mga talbos na naka
sabit sa kawayan ay ilan lamang sa mga nagaganap at napapanood sa
dalawang araw na selebrasyon ng pista ng kalabaw. Ang mga kariton na
kung saan ang kalabaw ang humihila ay nagsisilbi bilang karosa.
Sa unang araw, ang mga magsasaka ay nagbibigay pugay sa mga
kalabaw sa pamamagitan ng paglinis at pagpapakintab ng kanilang
balahibo at sungay. Ang mga kalabaw na ito ay tinuruan at sinanay
lumuhod ilang linggo bago ang okasyon.
Sa ikalawang araw, ang mga kalabaw naman ay isasali sa karera.
May mga premyong naghihintay sa mga may-ari ng pinakamagandang
palamuti sa kalabaw at kariton.

Pahiyas Festival

Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing


ika-15 ng Mayo sa Lucban, Quezon. Sa pamamagitan ng pistang ito,
pinasasalamatan ng mga magsasaka dahil sa kanilang masaganang ani ang
kanilang patron na si San Isidro Labrador. Ang selebrasyon kalimitan ay
isinasagawa sa pamamagitan ng isang prusisyon ng imahe ni san Isidro at
ng parada. Lahat ng mga bahay sa bayan ay napapalamutian ng kanilang
sariling ani tulad ng mga prutas, gulay, palay, bulaklak, dahon, 'pako' at
'kiping' na siyang nagdadala ng isang makulay na kabuuan.

MassKara Festival

Ang MassKara Festival ay ipinagdiriwang sa Bacolod tuwing


Oktubre. Kilala ito bilang isa sa pinakamakulay na pagdiriwang sa
buong Pilipinas.
Bahagi ng pagdiriwang ang ilang mga kompetisyon sa pagsasayaw
sa kalsada, kung saan lahat ng kalahok ay nakasuot ng makukulay na
maskara at magagarbong pananamit. Kasama rin sa pagdiriwang ang
patimpalak para sa pinakamagagandang binibini mula sa lungsod, ang
MassKara Queen. Mayroon ring mga karnabal, mga kompetisyong
pampalakasan at mga konsyerto.

Higantes Festival

Ang Higantes Festival na kilala rin sa tawag na Pista ni San Clemente


ay ipinagdiriwang tuwing ika-23 ng Nobyembre sa Angono, Rizal. Ito ang
pinakamalaking pagdiriwang para kay San Clemente, patron ng mga
mangingisda. Ang imahen ng santo ay binibitbit ng mga lalaking deboto
habang nagpuprusisyon kasabay ang mga pahadores, (mga deboto na
nakadamit ng makukulay na kasuotan o ng kasuotan ng mga mangingisda,
sapatos na yari sa kahoy at may bitbit na sagwan, lambat at iba pang gamit
sa pangingisda) at mga higantes (mga higanteng gawa sa papel na may
taas na umaabot sa sampu hanggang labindalawang talampakan.)
Nagtatapos ang pagdiriwang sa isang prusisyon patungong Laguna de Bay
hanggang maibalik ang imahen ng santo sa parokya.