You are on page 1of 46

FILIPINOTEK

Ang blogsite na ito ay may kinalaman sa buhay ng isang guro na nagtuturo ng WIKA at PANITIKAN, gayundin sa mga bagay na may kinalaman sa wikang
Filipino bilang wikang pambansa. Mabuhay ang Pilipinong may marubdob na pagmamahal sa ating wika.

Skip to content

Home
About
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG KORIDONG IBONG ADARNA TULANG ROMANSA
MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG FILIPINO

ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA AT ANG PAMARAANG


KOMUNIKATIB SA PAGTUTURO NG WIKA
Posted on March 29, 2013by filipinotek

PAMAGAT: MAKABAGONG PARAAN NG PAGTUTURO NG FILIPINO


TARGET: MASTER OF ARTS IN EDUCATION
(Major in Filipino Language Teaching) MAED FLT
TAPIK: ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA AT ANG PAMARAANG KOMUNIKATIB
SA PAGTUTURO NG WIKA

LAYUNIN:
1. Nalalaman ang ibat ibang katangian ng isang mabuting estratehiya sa pagtuturo at ang iba pang makabagong
paraan sa pagtuturo nito (wika).
2. Natatalakay ang ang mga paraan/estratehiya at pagdulog sa pagtuturo ng wika.
3. Napalalawak ang kaalaman sa paggamit ng pamaraang komunikatib sa pagtuturo ng wika.
4. Nabibigyang-halaga ang ibat ibang estratehiya sa pagtuturo ng wika at ang pamaraang komunikatib para sa
makabuluhang pagtuturo.
1. I. Ang mga Katangian ng Isang Mabisang Estratehiya sa Pagtuturo
Nasa ibaba ang talaan ng panukatan sa pagpili ng estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ng Filipino na ipinalalagay na
mabisa:
1. Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral.
2. Bungan g pagtutulungan ng guro at ng mga mag-aaral.
3. Nagtataglay ng probisyon para sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral.
4. Nagsasaalang-alang sa mga nakaraang karanasan ng mga mag-aaral.
5. Humahamon sa kakayahan ng mga guro at mga mag-aaral.
6. Nagtataglay ng maayos na pagkakasunud-sunod ng mga hakbang.
7. Nakaaakit sa aktibong partisipasyon ng klase.
8. Bunga ng masusing paghahanda ng gurong nagsasagawa nito.
9. Nakatutulong sa ikatutupad ng layunin ng pagtuturo.
10. Nagsasaalang-alang sa mga batas o simulain ng pagkatuto.

1. II.

Ang mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika

1.
2.
3.
4.
5.
6.

EDCOM REPORT nagpanukala na maging midyum ng pagtuturo ang Filipino sa pagsapit ng taong 2000.
Sa una, ikalawa at ikatlong baiting ay bernakular ang midyum ng pagtuturo para sa lahat ng asignatura.
Sa ikatlong baiting, ipapasok ang Ingles bilang hiwalay na subject at patuloy na ituturo bilang hiwalay na
subject hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.
Sa ikaapat na baiting, Filipino ang midyum ng pagtuturo at patuloy na magiging wika ng pagtuturo para sa
lahat ng subject maliban sa Ingles, hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.
Sa malaon, ililipat sa Filipino ang edukasyong teknikal-bokasyunal.
Sa pagkilala sa karapatan sa academic freedom ng mga institusyon ng higit na mataas na larangan, dapat
ipaubaya sa DepEd ang pagpili ng wika ng pagtuturo sa edukasyong pangkolehiyo.
Sa taong 2000, lahat ng asignatura matangi sa Ingles at iba pang mga wika ay ituturo sa pamamagitan ng
Filipino.

1. III.
Ang Ibang Makabagong Pananaw sa Pagtuturo ng Wika
Malaki na ang pagbabagong nagaganap sa kalakaran ng pagtuturo ng wika.
NOON- Kaalamang istraktural o kayarian ng wika ang pinagtutuanan ng pansin
NGAYON- Paglinang ng kahusayan sa paggamit ng wika, kasanayan sa pakikipagtalastasan o
ang kasanayang KOMUNIKATIB. Ano nga ba ang kasanayang KOMUNIKATIB?
Ayon kay CHOMSKY, ang kasanayang komunikatib ay magkasamang language competence (kaalaman
sa wika) at language performance (kakayahan sa paggamit ng wika).
TITON, ang kasanayan sa wika ay hindi lamang sa kaalaman sa gramatika o sa tuntuning gramatikal kundi
gayundin ang kasanayan sa angkop at matagumpay na pag-unawa at pagpapaunawa ng nais ipahayag ng naguusap.

Narito naman ang komponents na kailangan upang makapagsalita at matanggap ng lipunan na


binuo ni Hymes sa akronim na SPEAKING.
SPEAKING ni Hymes. . . .
S-Setting (saan nag-uusap)
P-Participants (sino ang nag-uusap)
E-Ends (ano ang layon ng pag-uusap)
A-Act Sequence (paano ang sunud-sunod na gawain, pagbati, pangungumusta, pagtatanong)
K-Keys (anong istilo o speech register, pormal o di-pormal)
I-Instrumentalities (kung pasalita o pasulat)
N-Norms (ano ang paksa ng usapan)
G-Genre (ano ang uri ng pagpapahayag)

1. IV.
Ang mga Paraan/Estratehiya at Pagdulog sa Pagtuturo ng Wika
Limang gamit ng wika ang maaaring iugnay sa ideya at kaisipan ng mga mag-aaral:personal, interpersonal,
directive, referential at imaginative.
Dahil sa kasanayang komunikatib, hindi tinatalikuran ang pagtuturo ng kayarian ng wika kundi binibigyang-diin ang
paglinang ng kakayahang umunawa at gumamit ng mga wastong pananalita sa aspetong pambalarila.
Mahalaga sa pagkatuto ng wika ang mga sumusunod na estratehiya gaya ng inilalarawan sa dayagram.

Mga Estratehiyang Tuwiran

Mga Estratehiyang Di-tuwiran


(Mga Estratehiyang Pangmetakognitib, Pang-apektib at Pansosyal)

1. V. Ang Pamaraang Komunikatib sa Pagtuturo ng Wika


2. A. Ano ang Pamaraang Komunikatib?
Nag-ugat sa notional-functional approach na pinaunlad ni David Wilkins ng Britanya. (pokus sa
mensahe kaysa sa porma o istruktura)
Pinansin at binago ni Wilkins ang kanyang sariling pagtuturo ng wika.
1. B. Ang Batayan ng Pamaraang Komunikatib
Ibat iba ang batayang lumalaganap na teorya ng communicative competence.
Pinakapopular ang batayang pinaunlad ni Michael Canale at Merril Swain.
Ayon sa kanila may apat aspekto o elemento ng communicative competence
1. Linguistic Competence-kakayahang umunawa at makagawa ng mga istruktura sa wika na sang-ayon sa mga
tuntunin sa gramatika.
2. Socio-Linguistic Competence-isang batayang interdisciplinary. Nakakaunawa at nakagagamit ng
kontekstong sosyal ng isang wika.
3. Discourse Competence-may kinalaman sa pag-unawa, hindi ng isa-isang pangungusap kundi ng buong
diskurso.
4. Strategic Competence-Wala raw taong perpekto ang kaalaman tungkol sa kanyang wika at nakagagamit ng
kaalamang ito sa tuwina na walang problema. (Coping o survival Strategies)

1. C. Ang mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Pamaraang Komunikatib


Ano ang mga prinsipyong sinusunod ng pamaraang komunikatib?
Una, sa paggamit ng wika, malinaw sa mga makikipagtalastasan kung ano an konteksto ng talastasan.
Pangalawa, ang wika ay isang kasangkapan sa pakikipagtalastasan, di katulad noong araw na ang gawain ng
guro ay ituro partas o istruktura ng wika na gumagamit ng mga pagsasanay tulad ng substitution drills, pattern
practice at iba pa.

Pangatlo,higit na mahalaga sa gumagamit ng pamaraang komunikatib kung gaano kahusay sa


pakikipagtalastasan sa wika ang isang tao, hindi kung gaano ang nalalaman sa gramatika ng isang wika.
Pang-apat, mahalagang gamitin sa loob ng klase ang mga sitwasyong tunay na tumatawag sa
pakikipagtalastasan.
Panlima, may ibat ibang antas ng communicative competence, lalo na hindi maasahan na ang isang hindi
negative speaker ay magiging mahusay sa bawat uri ng pakikipagtalastasan.
EBALWASYON
1. I. MALAYANG TALAKAYAN
A. A. Paghambingin ang mga sumusunod:
i. estratehiyang tuwiran at estratehiyang di-tuwiran
ii. language competence at language performance
iii. socio-linguistic competence at discourse competence
iv. linguistic competence at strategic competence
v. B. Sagutin at pagbigyang paliwanag ang mga sumusunod na katanungan:
a. Sa iyong palagay, bakit kailangang ang estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ay dapat na nakaugnay
sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral? Maglahad ng mga patunay.
b. Anu-ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ibat ibang makabagong kaalaman sa mga estratehiya
sa pagtuturo?
c. Ano ang pamaraang komunikatib? Paano ito nakatutulong sa mabisang pagtuturo ng wika?
d. II.
PAGLALAPAT
a. Muling ilahad ang nilalaman ng akronim na SPEAKING ni Hymes pagkatapos ay bumuo ka ng
isang sitwasyon na aangkop dito.

PAMAGAT: MAKABAGONG PARAAN NG PAGTUTURO NG FILIPINO


TARGET: MASTER OF ARTS IN EDUCATION
(Major in Filipino Language Teaching) MAED FLT
TAPIK: ANG PAGTUTURO NG FILIPINO SA BINAGONG KURIKULUM
LAYUNIN:
1. Napalalawak ang kaalaman sa binagong kurikulum tungo sa pagtamo ng layunin sa pagtuturo ng Filipino sa
ibat ibang antas ng pag-aaral.
2. Natatalakay at nasusuri ang ibat ibang estratehiya/pagdulog na nakapaloob sa binagong kurikulum sa ibat
ibang antas ng pagtuturo ng Filipino.
3. Nalalaman ang kalagayan ng nakaraan at kasalukuyang kalagayan ng pagtuturo ng Filipino sa batayang
edukasyon.
4. Nabibigyang-halaga ang kurikulum ng batayang edukasyon ng 2002 sa mga naisin nitong mapaunlad ang
pagtuturo ng Filipino sa ibat ibang antas.

1. A. Ang mga Kasanayang Pangwika sa Pagtatamo ng kasanayang Akademik


- Pinangunahan ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagrereistruktura ng kurikulum sa batayang edukasyon dahil sa
mga sumusunod na dahilan:

1. Higit na magiging malikhain o inobatibo sa interdisiplinari ang mga guro sa kanilang mga estratehiya sa
pagtuturo.
2. Higit na mahahamon ang mga mag-aaral na makapag-isip nang kritikal upang mahikayat silang masikap na
matamo ang kanilang interes o pangarap sa buhay.
3. Interaktib ang pinakaideyal na proseso ng pagtuturo at pagkatuto.
4. Magkakaroon ng resiprokal na interaksyon ang mga guro at mga mag-aaral sa ibat ibang disiplina, sa mga
gagamiting kagamitang paturo at multi-media sources.
5. Kasangkapan ang wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyong sosyal at interpersonal at itoy behikulo sa
pagtuturo ng mga disiplinang itinuturo sa Filipino.
Sa ginawang pagrebyu ng DepEd sa dating kurikulum sa Filpino lumitaw ang mga sumusunod na obserbasyon:
(1) Paulit-ulit lamang ang istrukturang gramatikal na itinuro mula elementary hanggang tersyarya. Hindi panglinggwistika ang pagsusuri at pag-aanalisang ginagawa
(2) Hindi maihanda ang mga mag-aaral tungo sa pagpapalawak ng kaalamang kailangan sa pag-aaral sa kolehiyo.
(3) Hindi lubusang nalilinang ang apat na komponent ng kasanayang komunikatibo (kaalamang gramatikal,
kaalamang diskorsal, kaalamang istratedyik at kaalamang sosyo-linggwistik.)
(4) Hindi wastong natatalakay ang panitikan bilang isang disiplina.
(5) Hindi halos napagtutuunan ng pansin ang paglinang sa mga kasanayan at kaalaman sa maunawang pagbasa at
malikhaing pagsulat.
(6) Hindi lubusang nakatutulong upang matutuhan ng mga mag-aaral ang iba pang sabdyek na ginagamitan ng
Filipino bilang wikang panturo at

(7) Nananatiling napakababa ang iskor sa NSAT (kabuuang 64% sa loob ng 3 taon)

Napagpasyahang magkaroon ng pagrepokus sa kurikulum ng Filipino sa batayang framework.


nilinaw na ang pangunahing mithiin sa pagtuturo ng Filipino ay ang makalinang ng mag-aaral na
pangkomunikasyon.(gramatikal, diskirsal,istratedyik at sosyo-linggwistik)
Tiniyak na ang diskripsyon ng Filipino bilang isang sabdyek.
bilang pantulong na sabdyek sa elementary, bibigyan ng diin ang paglinang ng apat na kasanayang makro at
kaisipang Pilipino.
lebel 1-3, idedebelop ito sa mga komunikasyong sitwasyunal sa tulong ng ibat ibang awtentikong materyal.
lebel 4-6, lilinang naman sa paggamit ng Filipino sa malikhain at kritikal na pag-iisip
Sa lebel sekundarya,makikilala bilang Filipino sa iskolarling pakikipagtalastasan.

Sa unang dalawang taon, ang pokus ay gramatika at pagbasa (1-2)


sa huling dalawang taon naman ay panunuring pampanitikan.(3-4)
Maibubuod sa mga sumusunod na katangian ng pagtuturo ng Filipino ayon sa bagong kurikulum.

a)

May integrasyon ng apat na makrong kasanayang pangkomunikasyon at mga kasanayan sa pag-aaral.

b) Pinalalawak o pinayayaman sa pamamagitan ng integrasyon ng bokabularyo, mga pagpapahalaga o values at


mga kompetensi mula sa Agham Panlipunan at iba pang lawak ng makabayan.

c) Nakapokus sa paglinang ng mga kasanayan sa akademikong wika at mga kasanayan sa batayang


komunikasyong interpersonal at sosyal.
d) Nakasentro sa pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng akses na matutuhan ang nilalaman anuman ang
anyo nito-teksto, grap, ilustrasyon at iba pa.
e)

May interaksyong mag-aaral-guro-teksto at multimedia.

f)

Humahamon sa mga mag-aaral upang mapag-isip ng kritikal at malikhain sa target na wika.

g) Binibigyang-diin ang aktibasyon at integrasyon ng dating kaalaman, ginagamit ng mga alternatibong paraang
ebalwasyon, kooperatib/kolaboratibong pagkatuto, scaffolding at paglinang ng mga estratehiya sa pag-aaral.
h)

Hinihikayat ang mga mag-aaral na magkaroon ng control sa disenyo ng pagkatuto at pag-oorganisa ng klase

KASALUKUYANG KALAGAYAN NG PAGTUTURO


NG FILIPINO SA BATAYANG EDUKASYON
Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya sa Batayang Edukasyon
A. DESKRIPSYON
MGA LAWAK O KASANAYAN

SAKLAW NG MGA LAWAK O


KASANAYAN

Ang Filipino bilang isang aralin o


asignatura ay lumilinang sa kasanayan sa
PAKIKINIG, PAGSASALITA,
PAGBASA, PAGSULAT at PAG-IISIP.

Bukod sa kasanayan sa
PAKIKINIG, PAGSASALITA,
PAGBASA, PAGSULAT, ang FILIPINO
bilang isang aralin ay lumilinang sa
kasanayan ng PAG-IISIP.

Para sa MABISANG
PAGTUTURO, ang mga TIYAK NA
KASANAYAN ay nililinang sa
pamamagitan ng mga sitwasyon ng ibatibang kagamitan sa LUBUSANG
PAGKATUTO.
KONSEPTO NG SIBIKA AT
KULTURA, ang NILALAMAN ng
Filipino sa una hanggang ikatlong baitang
a. Maaaring gamitin ng Filipino ang
nilalaman ng SK/HKS. Ang pokus ay nasa
PAGLILINANG ng mga kasanayan sa
PAKIKIPAGTALASTA-SAN.
b.Inaasahang ang mgaBATAYANG
KASANAYAN sa pagbasa ay matutuhan
nang lubusan sa tatlong unang baitang.

2. PAGBABAGO SA MGA KASANAYAN O KOMPETENSI SA PAGKATUTO


1.

Pagsasaayos ,pagbabawas at pagpapangkat sa kasanayang magkakatulad upang


maiwasan ang pag-uulit-ulit ng mga ito.

2.

Pagtuon sa mga tiyak o batayang kasanayan

3.

Pagbibigay diin sa PAGBASA at PAKIKIPAGTALASTASAN para sa pag-unawa


sa mga BATYANG KAISIPAN O KONSEPTO SA MATEMATIKA AT
AGHAM.

3. MGA INAASAHANG BUNGA


MITHIIN
Nagagamit ang Filipino sa MABISANG PAKIKIPAGTALASTASAN (pasalita o
pasulat) , nagpapamalas ng kahusayan sa pagsasaayos ng ibat-ibang impormasyon at
mensaheng narinig at nabasa para sa KAPAKINABANGANG PANSARILI at
PANGKAPWA at sa patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa mabilis na pagbabagong
nagaganap sa daigdig.

4. NAKALAAN/NAKATAKDANG ORAS SA PAGTUTURO NG FILIPINO


PAGBABAGO
BAITANG

NESC

RBEC

PAGBABAGO

I-III

60

80

Dagdag na 20
minuto

IV-VI

60

60

Walang dagdag

PAGBABAGO
1. Para sa Baitang I-III, ang pang araw-araw na pagkakabahagi ng oras ay 80 minuto
samantalang sa Baitang IV-VI ang nakabahagi ay 60 minuto
2. May dagdag na 20 minuto sa Baitang I-III. Mula 60 minuto na naging 80 minuto. Walang
dagdag sa Baitang IV-VI.
3. Katulad ng sa ENGLISH, WALANG PAGTAAS NG BILANG NG MINUTO SA BAITANG
IV-VI sa pagsasaalang-alang na ang BATAYANG KASANAYAN sa pag-aaral ay natutuhan
na sa unang tatlong baitang..

5. MGA DAPAT ISINASAALANG ALANG SA PAGTUTURO NG FILIPINO


1.

PAMAMARAANG PAGSASANIB (INTEGRATIVE METHOD


Integrasyon o pagsasanib ng mga kasanayan/Lawak sa Filipino (Skills Based

Integration)

HULWARAN 1
May pagkakataon na maaaring maituro o mapag-ugnay ang limang kasanayan sa isang aralin,
kung saan sama-sama o sabayang nalilinang ang limang kasanayan sa mga mag-aaral.
Ang paglilinang na gawain ay PAKIKINIG tungo sa PAGSULAT sa paglinang ng mga
kasanayan sa PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGSULAT AT PAG-IISIP.
Isaalang alang sa paglinang ng mga kasanayan ang ANTAS ng MASTERI O LUBUSANG
PAGKATUTO.
HULWARAN 2
Sa pagsasanib ng mga kasanayan o lawak, hindi dapat na malinang ang lahat ang lawak o
kasanayan nang sabay-sabay.
2. PAGSASANIB NG TIYAK NA KASANAYAN SA FILIPINO SA NILALAMAN O
KONSEPTO NG IBANG ASIGNATURA (CONTENT-BASED INTEGRATION
TANDAAN
a.)

SA BAITANG I-III

Sibika at Kultura (SK) ang nilalaman ng Filipino Paglinang sa kasanayan sa


Pakikipagtalastasan ang pokus.

b.)

TEKSTO/BABASAHIN/PAKSANG ARALIN NG SK AT
PAGPAPAHALAGA O EKAWP GINAGAMIT NA MGA
KAGAMITANG PANLITERATURA (TULA, KWENTO, ALAMAT
AT IBA PA)
Itoy nagiging LUNSARAN/SPRING BOARD sa paglinang ng mga kasanayan sa

Filipino.

Ang gagamiting LUNSARAN ng ARALIN ay isang kwento. Ang PAKSA o


NILALAMAN ng kwento ay nauukol sa SK at EKAWP , sa ganitong sitwasyon nalilinang
hindi lamang kaalaman sa SK ngunit lalot higit ang mga KASANAYAN sa FILIPINO.
BIGYANG DIIN ANG GANITONG PAGSASANIB
SA ORAS NG TALAKAYAN SA NILALAMAN NG
MGA TEKSTO O KAGAMITANG
PANLITERATURA NA GINAGAMIT NA
LUNSARAN NG PAGLINANG NG KASANAYAN

c.)

INTERAKTIBONG PAGDULOG (INTERACTIVE


APPROACH)

3.
GURO

BATA

BATA

K-PANG

PAGTUTURO

a.)

Mahalaga para sa isang makabuluhan o makahulugang


interaksyon (meaningful interaction)

b.)

Isang gawaing sama-sama (collaborative activity)

c.)
Pagkakaroon ng komunikasyon o pakikipagtalastasan
Pagpaphayag ng sariling ideya

1.)

2.)
Pag-unawa sa ideya ng iba
3.)
Nakikinig sa iba
4.)

Bumubuo ng kahulugan sa isang bigayang


konteksto (shared context)

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Sekundarya sa Batayang Edukasyon


MGA PANGUNAHING MITHIIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA
SEKUNDARYA SA BATAYANG EDUKASYON

1.

Ang makadebelop ng isang gradweyt na mabisang komyunikeytor sa Filipino,


kinakailangang taglay niya angm mga kasanayang makro: ang pagbasa, pagsulat,
pagsasalita, pakikinig at pag-iisip.

2.

Ang makadevelop ng isang mahusay o sanay sa komunikatibong


pakikipagtalastasan , nararapat na may kabatiran at kasanayan siya sa apat na
komponent ng kasanayang komunikatib tulad ng diskorsal, gramatika, sosyolinggwistik at istratedyik.

Sa Unang Dalawang Taon

Ang binibigyan ng pokus ang masusing pag aanalisa at pag aaral ng mga tiyak na
istrukturang gramatikal ng Filipino bilang isang kasabay ng pagtatamo ng wastong
kasanayan sa maunawang pagbasa. Upang matamo ang mga ito, pinagsanib ang mga
interdisiplinaring paksa at ang makabagong nakapaloob sa ibat-ibang uri ng teksto tulad ng
mga tekstong prosidyural, reperensyal, journalistic, literasi at politico-ekonomik at ang
pagkatuto ng ibat ibang istrukturang gramatikal.
Sa Huling Dalawang Taon
Ang pokus ay ang pagtatamo ng mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng kritikal na
pagbasa at pag-unawa sa ibat-ibang genre ng panitikan na nakasalin sa Filipino.
Sa Bawat Taon
Binibigyan ng tiyak na atensyon sa paglinang sa pasulat na komunikasyon sa
pamamagitan ng eksposyur sa ibat-ibang uri ng komposisyon at malikhaing pagsulat. Ito ay
pinagtutuunan ang isang liggong leksyon sa bawat markahan.
Sa Apat na Taon
Binibigyan ng pansin ang pag-aaral ng Filipino ay ang pagtatamo ng kasanayan sa
akademikong wika.
Mga Akdang Pampanitikan na Binibigyan ng Pansin sa bawat Taon
Unang Taon

Ikalawang Taon

Ikatlong Taon

Ikaapat na Taon

Florante at Laura

Noli Me Tangere

El Filibusterismo

Ibong Adarna

Ang Thematic Curriculum


Ang Thematic Curriculum ay isang set ng mga organisadong karanasan sa pagkatuto
gaya ng programa, kurso at iba pang mga gawain pampaaralan na naglalaan sa mga mag-aaral

sa higit na malawak at pangnilalamang tema.


Ang mga Benepisyong Matatamo sa Paggamit ng Thematic Curriculum
1.

Oportunidad na matutuhan sa pamamagitan ng higit na kontekstwalisadong mga


karanasan sa pagkatuto.

2.

Eksposyur sa mga lingkedyes sa pagitan ng pagkatutong ibinase sa paaralan at


pagkatutong nagaganap sa lugar ng paggawa at komunidad.

3.

Oportunidad na mailantad ang malawakang mga karanasan awtentik.

4.

Malalim na eksposyur sa kinagigiliwang Gawain.

5.

Oportunidad na masuri ang malawakang pagkakaloob ng hanapbuhay.

6.

Higit na malawak na potensyal sa paghahanda ng higit na mataas na edukasyon at


paghahanapbuhay.

7.

Kakayahang makilala ang mga naiiba at di-pangkariniwang interes

Ang mga Benepisyong Matatamo Para sa mga Edukador


1.

Oportunidad para sa mga guro na magsama-sama silang mga miyembro ng grupo


ng mga propesyunal na may mga estratehiya sa pagkatuto.

2.

Oportunidad para sa mga gurong tagapamatnubay namay mga positibong impak


sa mga mag-aaral.

3.

Oportunidad para sa mga administrador na magpakita ng pamumuno sa


pagsasaayos ng paaralan at pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga
matagumpay na karanasan sa paaralan.

Ang mga Pangunahing Salik sa Lahat ng Aspeto ng Thematic Curriculum


1.

Ang Thematic Curriculum ay maaaring maipatupad sa maraming paraan gaya ng


kurso, akademya klaster, magnet at ang buong paaralan.

2.

Ang Thematic Curriculum ay maaaring maisanib sa ibang mga reporma gaya ng


integrasyon ng edukasyong bokasyunal at akademiko, transisyong paaralanpaggawa.

3.

Ang Thematic Curriculum ay nakalaan para sa paaralang sekundarya ,bagamat


maaari ring maging kapakipakinabang sa paaralang elementarya.

4.

Ang Thematic Curriculum ay magsisilbing tulay upang mapagsama angmga


karanasan sa pagkatuto na ibinatay sa paaralan at paggawa.

5.

Ang mga hadlang sa lugar ng paggawa gaya ng suplay sa paggawa, maliit na


produksyon at tradisyon ay binawasan ang pagpapatupad ng thematic curriculum na
nabuo mula sa mga aspekto.

Ang mga Pangunahing Pagdulog sa Pagtuturo ng Filipino sa Antas ng Elemenytarya


Lapit/Pagdulog

Tradisyunal
Isang
organismo
nasusulat,
kumbensyunal
ang wika
pagkilala at
pagbuo

Istruktural

Komunikatib

Whole Language

Isang pormal na sistema ang wika at may mga


gamit ding functional para

Isang prosesong Global at


nakabase sa wika
(language-based) ang
pagkatuto kaya nasa mga
integradong kasanayan
angoryentasyon.Mapagaralan
ang wika bilang tugon sa
espisipikong
pangangailangan.

Sistemang pasalita,
arbitraryo at pang
komunikasyon ang
wika, mekanikal ang

Teorya/Prinsipyo

pagkatuto at huhubog
sa mga kaugalian

sa mga komunikatibong
pangangailangan

(habits)

Pagkilala at
pagbuo ng mga
bahagi ng
pananalita, wastong gamit ng
salita

Pagtatamo ng kasanayan
-linggwistik
Pagtatamo ng mga
kasanayan pang-linggwistik (pagbuo ng
mga ponema, morpe-

-sosyo-linggwistik
-pang-diskors
-pang-estratehiya

ma at pangungusap
Magkahiwalay
na pagsasa-

Mga Layunin

ng magkasanib na
paggamit ng mga kasanayang pangwika
sa ibat-ibang gamit
(akademik , komunikasyon)

nay sa pagbuo
ng mga bahagi ng
pananalita

Pagtatamo ng literasi
na nangangahulugan

Patterns, substitution
Drills, mimicry,tagmemics (pokus sa
anyo ng
wika)magkahiwalay
na pagtuturo ng wika
at pagbasa

Cooperative/interacttive
learning (dyadic
exchange, group work
information gap,taskoriented)

Cooperative/interactive learning,problem
solving , peer coach-

ing student empowerinteraktibong pag-

ment

aaral ng wika at
pagbasa

interaktibong pagaaral ng wika at


pagbasa/panitikan

IBAT-IBANG MODELO
Ang Modelong Batay sa Tema o Paksa ng Pag-aaral (Theme o Topic CourseModel)

Wika
Agham
Matematika
Agham Panlipunan
Iba pang saklaw ng nilalaman

Ang Modelong Magkakahiwalay (Sheltered Courses Model)

Ang Modelong Magkasanib (The Adjunct Model)

Ang Pagdulog sa Pagtuturong Batay sa Nilalaman (Content Based Instruction o CBI)


Binibigyang kahulugan nina Brinton , Snow at Iverche (1989) Ang
pagtuturong Batay sa Nilalaman bilang integrasyon ng pagkatuto sa nilalaman
at sa mga layunin sa pagtuturo ng wika. Itoy tumutukoy sa kasalukuyang pagaaral ng paksa at paksang aralin , nang may porma at pagkakasunud-sunod ng
presentasyong taglay ng nilalaman ng teksto. Naka-pokus ito hindi lamang sa
pagkatuto, kundi sa wikang gamit bilang midyum ng pagkatuto ng matematika,
agham panlipunan, at iba pang mga asignaturang pang-akademiko.

Ang Cognitive Academic Learning Approach (CALA)


MGA ESTRATEHIYA

1.

Ang estratehiyang metakognitib. Itoy tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan,


kaalaman at kasanayan sa pagkontrol sa sariling proseso ng pag-iisip o pag-unawa
(Royo,1992). Itoy pagpaplano para sa pagkatuto, pagmomonitor at produksyon, sa
pagtataya kung paano natamo ang layunin sa pagkatuto.

2.

Ang estratehiyang kognitib. Itoy interaksyong may kasamang materyal


(pagpapangkat-pangkat, pagtatala, pagbubuod) o paggawa ng imaheng mental,
pagbabahagi ng bagong impormasyon sa dati nang natutuhang mga konsepto o mga
kasanayan. Itoy estratehiyang gingamit ng mga manmbabasa sa pagkatuto ng mga
akademikong disiplina.

3.

Ang Estratehiyang sosyo-apektib. Itoy interaksyon sa iba pa upang makatulong sa


kanyang pagkatuto.

PARAAN/TEKNIK
Pagkatutong Tulung-tulong (Cooperative Learning)
Itoy isang paraan/teknik sa pagtuturo at kabilang sa mga pilosopiya ng edukasyon na
humihikayat sa mga mag-aaral na gumawa nang sama-sama bilang isang pangkat upang
matutuhan ang aralin. Natutuhan ng pangkat ang isang partikular na konsepto o nilalaman
kung saan inaasahan ang pakikibahagi ng bawat isang miyembro sa diskusyon/usapan.
Ang Apat na mga kasanayan sa Pagkatutong tulung-tulong na nilahad nina Johnson at
Johnson (1986):
1.

Pagbuo ng pangkat

2.

Paggawa bilang isang pangkat

3.

Paglutas ng suliranin bilang isang pangkat

4.

Pagbuo ng magkakaibang ideya.

Mga Kasanayan sa Pagbuo ng Pangkat

Mga Kasanayan sa Paglutas ng Problema

PANGKAT

1. Pagbuo ng suliranin

2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.

brainstorming
paglinaw ng mga ideya
pagsang-ayon sa mga ideya
pagpapalawak ng mga ideya
pagtingin sa maaaring maganap
pagpuna sa mga ideya
pagbuo ng impormasyon
paghanap ng solusyon

Ang Mga Estratehiya sa Pagkatutong Tulung -Tulong

1.
2.
3.
4.

Pagsasatao (Role Playing)


Mag-isip, Humanap ng Kapareha at Makibahagi (THINK, PAIR, and SHARE)
Brainstorming
Graphic Organizer

ANG FILIPINO SA BATAYANG ANTAS NG EDUKASYON


ni Clemencia C. Espiritu, Ph. D
Ang Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002

Ang mga sumusunod ang naging batayan ng Kurikulum 2002


Ang layunin ng edukasyong elementary, ayon sa Education Act of 1982
batayang patakaran sa edukasyon sa isinasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987
Governance of Basic Education Act of 2001 GOVERNANCE OF BASIC EDUCATION ACT OF 2001
Inilahad ang pangkalahatang tunguhin ng batayang edukasyon:
linangin ang mga mag-aaral na Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga batayang kasanayan sa literasi,
numerasi, kritikal na pag-iisip at mga kasanayang pampag-aaral at mga kanais-nais na halagahan(values) upang
silay maging mapagkalinga, makatayo sa sarili, maging prodaktibo, magkaroon ng kamalayang panlipunan, maging
makabayan at responsableng mamamayan.
Sa nireistrukturang Kurikulum 2002, binigyang ibayong pansin ang pagsasanay para sa pagtatamo ng mga
kasanayan sa pamumuhay, pagtukoy at pagsusuri sa mga halagahan at ang pagkilala sa ibat ibang katalinuhan ng
mag-aaral (multiple intelligence)
Ang Kurikulum ng Filipino sa Antas Elementarya
Mithiin sa pagtuturo ng Filipino ang:
Nagagamit ang Filipino sa makabuluhang pakikipagtalastasan, (pasalita at pasulat): nagpapamalas ng kahusayan sa
pagsasaayos ng ibat ibang impormasyon at mensaheng narinig at nabasa para sa kapakinabangang pansarili at
pangkapwa at sa patuloy na pagkatuto para makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig

Layunin ng pagtuturo ng Filipino sa elementary na linangin ang apat na makrong kasanayang


pangwika:pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat gayundin ang pag-iisip, sa mga baiting I-VI, ang mga tiyak
na kasanayang ito ay lilinangin sa mga sitwasyong pangkomunikasyon, gamit ang ibat ibang materyal tungo sa
pagkakaroon ng masteri.
Dinagdagan ang oras sa pagtuturo ng Filipino sa mga baiting I-III upang magkaroon ang mag-aaral ng sapat
pag-unawa sa bawat aralin at maisama ang barayti ng mga tekstong literari at di-literari sa mga gawain sa
pagbasa at pag-unawa.

Ang Filipino sa Antas Sekundarya


Ilan sa mga obserbasyong iniulat ni G. Arturo Cabuhat ang mga sumusunod:
a) Repetisyon at overlapping ng mga itinuro lalo na sa wika mula sa elementarya hanggang tersyarya.
b)

Kakulangan, kundi man kawalan ng artikulasyon ng mga kurikula sa tatlong antas.

c)

Mababaw na nilalaman at kasanayang nililinang

d)

Walang kaayusan at pokus sa pagpili ng kontent at pagtalakay sa panitikan

e) Di-lubusang paglinang ng kahusayang magamit ang wikang natutuhan sa pagkatuto ng mga asignaturang
itinuturo sa Filipino.

Nagsagawa ang DepEd ng mga hakbang tungo sa pagrereporma ng kurikulum. Sa antas Sekundarya, mithiin ng
pagtuturo ng Filipino na makadebelop ng gradweyt na mahusay na komyunikeytor sa Filipino
May atas din na ang pagtuturo ng Filipino ay dapat gamitan ng mga tekstong hango sa mga asignaturang
pangnilalaman tulad ng Aralin/Agham Panlipunan, Agham at Teknolohiya. Literatura at iba pang kaugnay na
disiplina.
bago makagradweyt sa batayang edukasyon, dapat taglay ng mag-aaral hindi lamang ang mga kasanayang
pangwikang batayan at interpersonal, kundi pati ang mga kasanayang pangwikang kognitib at akademik.

Pananaw sa Wikang Filipino sa Bagong Kurikulum


Ang WIKA sa dating KURIKULUM ay tinitingnan bilang asignatura na nakapokus sa paglinang ng kaalamang
panggramatika at ng apat na makrong kasanayang pangwika.
Sa binagong KURIKULUM ang WIKA ay itinuturing ito hindi lamang obdyek ng pagkatuto o isang asignatura, kundi
instrument rin para matuto ang mag-aaral ng marami pang bagay bukod sa Filipino.
PANANAW SA PAGTUTURO NG WIKA
Tunguhin ng bagong kurikulum sa Filipino na:
a) maituro ng holistic at natural ang wika

b) malinang hindi lamang ang kasanayan sa komunikasyong interpersonal kundi ang kognitib-akademik na
kasanayang pangwika.
c)

mabigyan ang mag-aaral ng eksposyur sa mga paksang nakapaloob sa mga asignaturang pangnilalaman.

d)

malinang ang mataas na kasanayan sa pagbabasa at pagsulat

e)

malinang ang kritikal na pag-iisip ng mga-aaral

f)

maitaas ang kaalaman at pagpapahalagang pampanitikan.

MGA BAGONG PANANAW SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO


a) Muling pagtingin at pagsusuri sa mga layunin ng wika at ang kaugnayan ng mga ito sa nagbabagong layunin ng
edukasyon
b)

Pagbibigay-diin sa pagtuturo ng wika para sa mabisa at makatotohanang pakikipagtalastasan.

c) Pag-angat nang kaunti sa istruktural na pamamaraan at paggamit ng alternatibong pagdulog sa pagtuturo ng


wika na batay sa pangangailangang komunikatib.

d)

Pagbibigay-halaga sa gamit ng wika sa ibat ibang sitwasyong komunikatib

e) Higit na malawak na pagkaunawa sa pagkakaugnay-ugnay o integrasyon ng mga kasanayang pangwika tulad ng


pagbasa at pagsulat, pakikinig at pagsasalita .
f)

Pokus sa paglinang ng mga programang pangwika na tutugon sa ibat ibang antas ng pangangailangan.

g)

Interes sa mga pinagsanib na programa tulad ng wika at araling panlipunan.

h) Pokus sa pangangailangan, interes at motibasyon ng mag-aaral; pagbibigay-diin sa proseso ng pagkatuto at ang


mga estilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
i)
Pagbabagong-pananaw sa kaayusan ng mag-aaral sa silid-aralan. Pagbibigay-diin sa tambalan at pangkatang
interaksyon at sa peer teaching.
j)

Pagbuo sa pamamaraang eklektik at pragmatic tulad ng pagdulog na komunikatib.

Batay sa mga nabanggit, nagmungkahi ang DepEd ng mga pananaw at estratehiya sa pagtuturo:
1. PAGTUTURONG BATAY SA NILALAMAN O CONTENT-BASED INSTRUCTION (CBI)
C Integrasyon ng kontent ng mga asignaturang tulad ng Heograpiya, Kasaysayan, Sibika at Kultura, Agham at iba pa
sa pagtuturo ng wika.

C mahalaga ang kolaborasyon ng guro ng wika at ng content area subject dahlia sa paggamit ng input sa dalawang
lawak.
C ang layunin ng guro ay malinang nang sabay ang kasanayang pangwika at pagtatamo ng akademikong kaalaman.
Pangunahing katangian ng Pinagsanib na Pananaw
a)

Nalilinang ang mga kasanayang kognitib at pangwika

b) Higit na natutuhan ang wika kung hindi tungkol dito sa pokus kundi kung ginagamit itong instrument sa
pagkatuto.
c) Naipauunawa ang input sa ibat ibang kaparaanan tulad ng demonstrasyon, biswal, aktwal na pagsasagawa at
manipulasyon ng nilalaman na isinasama ng guro sa mga aralin.
d)

Inaalam ang eskrima o datihang kaalaman at iuugnay ito sa bagong tapik.

e) Ipinakikita ang mga kasanayang komunikatib sa pamamagitan ng ibat ibang teknik, interaksyon sa materyal,
kapwa mag-aaral at mga guro
f)

Hinihikayat/Inaaplay ang ibat ibang estratehiya sa pagkatuto

g)

Nililinang/Inaaplay ang ibat ibang estratehiya sa pagkatuto

h)

Nahahamon ang katalinuhan ng mag-aaral.

i)
Ginagamitan ng whole language na mga teknik. Gumagamit ang guro ng awtentikong materyal para maituro
nang makabuluhan ang pagbasa at pagsulat.
2. TEMATIK NA PAGTUTURO
Ipinaliliwanag ng DepEd ang pakahulugan dito:
Thematic teaching recognizes learning around ideas. It provides a framework for linking content and processes from
a variety of disciplines. The theme provides coherence and focus for accompanying activities. The theme enables
learners to see the meaningful connections across content or skills areas. .
3. INTERAKTIB NA MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO
C Mahalaga ang interaksyon sa anumang pagtuturo.
C ayon kay Well Rivers (1987) ay isang gawaing kolaboratib na kinapapalooban ng tatsulok na ugnayang
nagpapahatid ng mensahe, ng tagatanggap at ng konteksto ng sitwasyon, maging pasalita o pasulat man ang
komunikasyon.
C May tatlong interaksyon na maaaring lahukan ang mag-aaral:
interaksyon sa guro
sa kapwa mag-aaral
sa teksto o mga kagamitang pampag-aaral
4. KOLABORATIBONG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO
C Nakapokus sa KOOPERASYON ng mga mag-aaral sa mga gawaing pagkatuto.

SINTAKS NG KOOPERATIBONG MODELO SA PAGKATUTO

a)

Ilahad ang tunguhin ng gawain.

b)

Ilahad ang impormasyon.

c)

Pangkatin ang mga mag-aaral.

d)

I-monitor ang mga pangkat.

e)

Ipalahad sa pangkat ang resulta ng kanilang gawain.

f)

Kilalanin ang pagsisikap ng indibidwal at pangkat, gayundin ang kanilang natamo.

g)

Paglaanan ang mga gawaing lilinang sa ibat ibang katalinuhan.

h)

Pagsanibin ang kahalagahan (values) sa pagtuturo at aplikasyon ng mga pagpapahalagang ito.

Samakatuwid
C Napakalaking hamon sa kaalaman at kakayahan ng guro ang pagpaptupad ng kurikulum lalo na ng 2002 sapagkat
ang kurikulum ng 2002 ay interaktib, kolaboratib at integratib, nakapokus sa mga batayang kasanayan at
kahalagahan at lumilinang ng ibat ibang katalinuhan.

EBALWASYON

1. I. MALAYANG TALAKAYAN
A. A. Ipaliwanag ang mga sumusunod na mahahalagang salita/parirala sa Binagong
Kurikulum:
2. tematik na pagdulog
3. interaktibong pagdulog
4. kooperatibong pagkatuto
5. kolaboratibong pagdulog
6. pagtuturong batay sa nilalaman
A. B. Sagutin at ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong:
i. Anu-ano ang naitulong ng binagong kurikulum sa pagtatamo ng layunin sa pagtuturo ng Filipino sa ibat
ibang antas? Maglahad ng ilang patunayan.
ii. Sa iyong palagay, bakit kinakailangang magkaroon ng pagbabago o baguhin ang/sa kurikulum ng ating
edukasyon? Makabuluhan ba ito? Bakit? Patunayan ang iyong kasagutan.
iii. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng Thematic Curriculum sa pagpapatupad ng binagong
kurikulum sa batayang edukasyon?
iv. Ipaliwanag ang sumusunod na kasabihan. Ano kaya ang kaugnayan nito sa pagtamo nang layunin ng
binagong kurikulum ng 2002 sa batayang edukasyon?
Tell me and I forget
Show me and I remember,
Involve me and I understand
-Chinese Proverb
1. II. PAGLALAPAT
2. Pag-aralan ang mga pangunahing pagdulog sa pagtuturo ng Filipino sa antas elementary. Pumili ng 1-2 angkop
na gamitin sa pagtuturo. Ipaliwanag kung bakit ang mga ito ang napili.

Share this:

Twitter

Facebook31

Related

MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG FILIPINOIn "MAED-FLT"


Wika? ano ba ang WIKA?In "kahalagahan"
ANG EDUKASYONG BILINGGUWAL NG 1974 (1974-1986)In "MAED-FLT"

About filipinotek
Si G. De Juan ay nagtapos ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa isang katolikong paaralan, ang Mt. Carmel College. Siya ay nagtapos ng may
natatanging karangalan. Si G. De Juan ay nagtuturo ng asignaturang Filipino sa Hayskul hanggang sa kasalukuyan. Siya rin ay
kasalukuyang nag-aaral ng kursong Masteral sa Aurora State College of Technology medyor ng Filipino Language Teaching (MAED-FLT).
Binuo nya ang blogsite na ito sapagkat nais niyang makatulong sa pagpapalaganap ng kaalaman hinggil sa wika at panitikan. Hangad din
niyang makatulong ang blogsite na ito sa kanyang mga mag-aaral sa larangan ng asignaturang kanyang itinuturo.
View all posts by filipinotek
This entry was posted in MAED-FLT and tagged estratehiya, pagtuturo, teknik, wika. Bookmark the permalink.
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG KORIDONG IBONG ADARNA TULANG ROMANSA
MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG FILIPINO

7 Responses to ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA AT ANG


PAMARAANG KOMUNIKATIB SA PAGTUTURO NG WIKA

1.

jovina lazo says:

June 13, 2013 at 3:24 am

Ano po ang mga saklaw na ituturo ngayong K-12 na ang kurikulum? Salmat po
Reply

filipinotek says:

July 8, 2013 at 10:56 am

@jovina lazo, depende sa asignatura at sa antas ng pag-aaral ng mag-aaralmay inihanda ng Learning Materials at
Teachers Guide ang department of Education upang maituro sa mga mag-aaralisa ka rin bag guro?
Reply

2.

Mary Ann Hortilano says:

July 8, 2013 at 7:52 am

dagdag impormasyon lang po tungkol sa makabagong pagdulog at estratehiya sa malikhaing pagtuturo ng


komposisyon..
Reply

3.

teresa f. espinosa says:

December 5, 2013 at 1:19 pm

ano po ang diskripsiyon ng asignaturang filipino para sa mag-aaral sa unang baitang?


Reply

4.

alice says:

March 16, 2014 at 10:13 pm

maraming salamat sa mga impormasyong ibinahagi ninyonakakatulong ito nang malaki sa akin bilang isang
guroMabuhya po kayo!
Reply

5.

cristy rolle says:

March 23, 2014 at 9:23 am

anu pa po ung ibang estratehiya sa pagtuturo ng filipino


Reply

6.

julie ann bolivar says:

April 4, 2014 at 10:43 am

PAMAMARAAN SA PAGTUTURO NG WIKANG PILIPINO AT ANTAS NG KASANYANG PANG-KOMUNIKATIBO


NG MGA MAG AARAL SA IKA- 7 BAITANG.
TESIS NMIN TO.SA FIL. TULONGAN MONAMAN AKO KAHIT KAUNTE LANG. THAXKS
Reply

Leave a Reply

Search

FILIPINOTEK CALENDAR
M

Jun
2 3

9 10

11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31

March 2013
MAY-AKDA

KATHA #6: SINO AKO?


KATHA #5: LIPUNAN ATING TANGGULAN
KATHA#4: DAIGDIG ATING ILIGTAS
KATHA #3: SA AKING SINISINTA
FILIPINO 7
FILIPINO IV
KATHA
MAED-FLT
PANITIKAN
Uncategorized

Archives

Tula tungkol sa Pag-ibig

Categories

filipinotek

Recent Posts

June 2014
March 2013

Recent Comments

em-em on Kasabihan ng dalubhasa tungkol


julie ann bolivar onANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTU
cristy rolle on ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTU
alice on ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTU
teresa f. espinosa onANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTU

Blogs I Follow
1.

Metamorphosis of Letters

2.

Aklatang Bayan

3.

FILIPINOTEK

Meta

Register
Log in
Entries RSS
Comments RSS
WordPress.com

FILIPINOTEK
The Twenty Ten Theme. Blog at WordPress.com.

Follow

Follow FILIPINOTEK
Get every new post delivered to your Inbox.
Join 514 other followers

Sign me up

Powered by WordPress.com

You might also like