You are on page 1of 6

Ang Pagbasa at Pagsulat sa Disiplinang Likas na Agham (Natural Science)

Batayang Kaalaman sa Disiplinang Likas na Agham


Katulad ng disiplina ng Agham Panlipunan at kasaysayan, faktwal ang mga kaisipang nakapaloob sa Likas
na Agham, non-fiksyunal ito sapagkat naklaan ang pagkatuto sa aplikasyon ng mga teorya at pangagham na pag-aaral.Hindi halos makatagpo ng mga pahiwatig at imahinatibong pahayag. Kadalasang
naglalahad, nangangatwiran o naglalarawan ang akdang nasusulat sa mga lrangang sakop nito tulad ng
Matematika, Medisina, Agrikultura, Inhinyero, Kompyuter Sayans at iba pang Pisikal na Agham.
Pagsusuri sa mga Akdang Pang likas na Agham Batay sa Anim na Lawak (Scope)
1. Terminolohiya
Mga konbensyonal, makabago at napapanahon. Ang isang lumang salita ay nare-recycle
upang maipagkahulugan sa bagon katawagan.
Halimbawa: Application paglalapat (karaniwang kahulugan)
- programa/software sa kompyuter
User ang taong gumagamit sa kompyuter
2. Mga pangunahing ideya/kaisipan
Ang mga simulain at teoryang kadalasang hinahanapan ng pagpapatunay at pagsusuri ay
ipinapalagay at tinatanaw bilang katotohanan.
Halimbawa: Kung ang a = b at ang b = c, samakatwid ang a = c.
3. Pagbubuo ng Teksto
Kronolohikal at lohikal na nanangauhlugan na nag pag-aaral at pagbabasa ay simula sa
unang hakbang patungo sa kasukdulan. Hindi ikabubuti ang paglalaktaw upang makuha
ng isip ang kabuuang mensahe o kaisipan. HInahati ang talakayan sa kabanatang may
sari-sariling pagdulog. ANg ilang talata a6 italisado upang matukoy ang kaukulang
terminolohiya.
4. Paggamit ng Grafikong Representasyon
Katulad ng Agham Panlipunan, mahalaga ang grap, tsart, alrawan at anumang tala na
ispesipikong makatutukoy sa kaisipan o paksa. Karamihan ay patungkol sa mga
ekwasyon (equation) at bilang.
5. Mga Iskemata / Iskema ng Mambabasa sa Nilalaman
Mahalaga ang oryentasyon sa maka-agham na panunuri (scientific inquiry). Ang
kabatiran at pagkaunawa ay lubhang mahalaga upang matukoy ang pakahulugan sa mga
ekwasyon at grafikong tala.
6. Pagsusulit
Ang MCQ, Fill-in-the-blanks at paglelabel sa mga bahagi o puwang. Sapat na kaalaman
sa pagtataya at pagkalkula (calculation). ANg maingat na pagsusunod-sunod ng detalye
at i-aytem ay mahalaga upang matamo ang tumpak na sagot.

Mga Mahalagang Terminolohiya Para sa Mabisang Pagsulat sa Disiplinang Likas na Agham


Agham (Science)
Acid asido
Astronomy dalubtala / astronomiya
Bacteria bakterya
Chemical kemikal
Cloud ulap
Earth daigdig
Echo alingawngaw
Eclipse paglalaho
Energy enerhiya
Experiment eksperimento
Fertilizer pataba
Habitat tirahan
Insect insekto
Kidney bato
Membrane lamad
Mold amag
Moon buwan
Night gabi
Nucleus pinakagitnang bahagi
Oxygen hangin / oksiheno
Pesticide pestisido / pamatay kulisap
Rain ulan
Science agham
Skeleton kalansay
Star bituin
Sun araw
Water tubig
Pagsasaka (Agriculture)
Abundance kasaganaan
Agronomy agronomiya
Animal breeder tagapaglahi
Bagasse sepal
Budding pagpapatulo sa puno
Compost abono / layak/ pataba
Crop diversification pag-iiba-iba ng pananim
Cross pollination pagpopolinahan

Depletion pagbabawas
Matematika
Addition pagdaragdag; pagsusuma
Altitude taas
Angle anggulo; sulok
Area kabuuang laki
Circumference kabilugan
Cost halaga
Convert palit
Count bilang
Decimal panampunan; decimal
Deduction pagabbawas
Degree antas
Division dibisyon, paghahati, pagbabahagi
Divisor dibisor, pambahagi
Denominator denominador, pambahagi
Deposit deposito, lagak
Depreciation depresasyon, pagabba ng halaga
Digit numero, bilang, pigura
Discount diskuwento, bawas
Dividend dibidendo
Equation pantayan, pagpapantay
Equivalent ekwibalente, katumbas
Exact eksakto, tiyak
Estimate tantiya, estimasyon
Formula pormula
Fraction praksiyon, bahagi
Horizontal addition orisontal o pahigang pagdaragdag
Interest interest, tubo
Invert baligtarin
Minuend minuwendo, ang babawasan
Monthly buwan-buwan, buwanan
Multiplicand multiplikando
Multiplier multiplikador
Numerator numerador, pambilang
Ordinary ordianryo, karaniwan
Percent bahagdan, porsiyento
Price presyo
Principal principal
Profit tubo
Proportion proporsyon

Purchases binili, pinamili


Quarterly tatluhang buwan, trimestral
Quotient kosyente, kabahaginan
Reduce paliitin
Remainder natitira
Subtract bawasin, bawasan
Subtraction pagababawas
Sum kabuuan, total
Tax buwis
Vertical addition patayong pagdaragdag
Earning kita
Factor sangkap
Graph talangguhit
Hectare ektarya
Installment hulugan
Length haba
Measure sukat
Number bilang
Operation paraan
Percentage bahagdan
Quality kalidad
Time oras
Value halaga
Width kalaparan
Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat sa Masining na Pananaliksik sa Antas Tersaryo
Cynthia, B. Cruz, ph,d
Diosa N. Morong, ph.d.
Crisleta L. Gomaez, m.a.
Susan A. reyes, m.a.
Nora A. Magsino, m.a.
COPYRIGHT 2010
Published by: Mindshapers Co., Inc
Place of Publication : Intramuros, Manila

Maugnaying Talasalitaan sa Pagtuturo ng Agham ni Gonsalo del Rosario (Tagapangulo, Kublupon sa


Pananaliksik)
Ano ang maugnaying talasalitaang Filipino?
Ito ay katipunan ng mga salitang pangkaalaman at pang-agham na batay o hango sa mga salitang-ugat
ng Tagalog, Bisaya, Bikol, Iloko, Pangasinan, Kapampangan, Maranaw, Tausug at iba pang wikain sa
Pilipinas at maging ng ibang wika sa daigdig.
Sa maugnaying talsalitaang Filipino, ang mga katutubong salitang-ugat na hiram sa Ingles, Kastila, Malay,
Intsik, Sanskristo a iba pang datuhang wika, ay sama-sama silang pinaghahanguan ng mga maugnaying
katwagang pang-agham sagitan n gating sariling panlapi, panambal at palabuuan ng mga salita.
Hindi dalisay ang maugnaying talsalitaang Filipino sapagkat tumatanggap ng mga salitang-ugat ng
Ingles, Kastila at wikang dayuhan.
Hindi rin haluan ang maugnaying talasalitaang Filipino na tulad ng wikang-lansangan na
ipinangangalandakan ng ilang babasahing may mababang pamantayan.
Ang wikang dalisay kung mayroon nga nito at ang wikang haluan ay kapwa linsil sa anyo ng wika na
hindi mabisa sa pagtuturo ng kaalaman. Nasa pagitan nila ang mauganying wika na nakasalalay sa
Balarila ng Wikang Pambansa.
Ang maugnaying talasalitaang Filipino ay isang panimulang talasalitaang panturo (initial teaching
vocabulary). Ito ay inihanda para sa mga guron nagtuturo ng agham sa mga batang Pilipino. Lalong
mabuti kung ito ay kagigiliwang gamitin ng madla sa hinaharap, ngunit sa ngayon ay sapat nang ituring
ito na isang panimulang talsalitaang pampaaralan, higit sa anupaman. Kailangan ang ganitong
panimulang talsalitaang panturo sapagkat hanggang ngayon ay bigo ang pagtuturo ng agham sa mga
batang Pilipino.
Tatlong taon ng pagtuturo ng agham sa bansa
Maibabahagi sa tatlong panahon ang pagtuturo ng agham sa Pilipinas.
Sa unang panahon, mula sa pagkakatatag ng Pamantasan ng Santo Tomas noong 1611 hanggang sa
pagkasulat ni Rizal sa El Filibusterismo noong 1887 panahong maituturing na yugto ng pagtuturo ng
agham sagitan ng wikang Kastila ay wala kahit isang aghamanon (scientist) na gumitaw sa baying
Pilipino. Pinatutunayan ni Rizal sa Fili (salin ni P.Mariano) na hanggang sa ngayon ay hindi pa
sumisibol ang isang kahit munti man lamang na Lavoisier, isang Secchi, ni isang Tyndall, sa lahing
Malayong Pilipino. Bigo ang agham sa buong yugtong ito na tumagal nang 275 taon.
Sa ikalawang panahon, mula 1887 hanggang 1901, ay hindi kataka-taka kung wala ring sumibol na
aghamanon. Ito ang yugto ng madagungdong himagsikan at pakikidigma. Nabuhos ang buon lakas at
talino ng magigiting na Pilipino sa pagtatanggol sa bayan.

Sa ikatlong panahon, mula noong 1901 hanggang sa kasalukuyan, ay umiral ang pagtuturo ng agham sa
mga Pilipino sa sagitan ng wikang Ingles.
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
Reynaldo L. Aguilar
Magdalena O. Jocson
Deogracia D.C. Santos
Inilathala ng : Grandbooks Publishing
Place of Publication : Pateros, Metro Manila
Date of Publication: 2013

You might also like