PANIMULA

Sa nobelang “Noli Me Tangere” na isinulat ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal, naipakita doon ang mga kanser sa ating lipunan noong panahon ng mga kastila. Sa panahong iyon, may mga Pilipinong tumalikod na sa ating bayan para lamang sa sariling kapakanan. Sa nobelang ito ay naipakita ang mga problema ng ating lipunan noon na hanggang ngayon ay atin pa rin napapansin. Tayo ay isang lipunang may karamdaman. Maraming tao ngayon ang naghahangad na mawala na ang nabubulok na moralidad ng ating bansa. Nabubulok man ang ating moralidad sa bansa dahil sa mga sakit ng lipunan, marami pa rin tayong mabubuting katangian. Upang maging maayos an gating lipunan nararapat na tayo ay magbago na. Maliwanag na an gating mga katangian ang pinagmumulan ng ating kahinaan. Ang nobelang “Maganak na Cruz,” isang katipunan ng mga kathang sinulat ni Liwayway Arceo, ay nagpapakita ng mga pagpapahalagang Pilipino. Ang “Mag-anak na Cruz” ay kasaysayan ng isang mag-anak na Pilipino na kabilang sa panggitnang antas ng makabagong panahon, at namumuhay sa kalunsaran. Ang Mag-anak na Cruz ay isang nobela tungkol sa isang Pilipinong pamilya. Ang nobela ay binubuo ng mga maiikling kwento ng mga pangyayari si araw-araw ng pamumuhay ng pamilya Cruz, ngunit ang mga ito ay magkakaungay. Sinusundan ng mga kwento ang mag-asawang Remy at Tinoy, mula sa unang mga taon ng kanilang pagsasama, hanggang sa lumaki’t nag-asawa na ang kanilang mga anak. Ang nobelang ito ay batay sa mga tunay na tao at totoong mga pangyayari. Ang kwento sa katipunang ito na naging nobela ay mga kuwento ng ating sarili, at kasasalaminan ng katauhan ng isang Pilipino.

TALAMBUHAY NG MAY-AKDA
LIWAYWAY A. ARCEO Si Liwayway A. Arceo ay ipinanganak sa Tondo, Manila noong January 30, 1924. Ang kanyang mga magulang ay sina Gregorio Arceo at Amada Ablaza.

Sa tunay na buhay, siya ay ginang ni Manuel Prinsepe Bautista, isa sa ating mga pangunahing makata. Ngunit minabuti niyang ipagpatuloy ang paggamit ng kanyang pangalan noong dalaga pa, sa paniniwalang silang mag-asawa’y may kanya-kanyang landas sa pagsusulat. Hindi naging magaan ang pagpasok niya sa larangan ng panitikan. Tumutol ang kanyang kapatid na manunulat, si Jesus A. Arceo, at ang kanyang ina. Bagay lang daw sa lalaki ang pagiging manunulat, sabi ni Jesus. At naging mahigpit naman sa pag-ayaw ng kanyang ina pagkaraang atakihin sa puso si Jesus at mamatay ito habang kinokopya ang naisulat nang “Pusa sa Aking Hapag.” Ang tanging nagbigay kay Liwayway ng pahintulot sa pagsusulat ay ang kanyang ama, na siya ring unang nagturo sa kanya ng pagbasa. “Bahala ka kung ano ang propesyong gusto mo,” sabi nito. “Kaya lamang, pagbutihin mo, at maging isa ka sa pinakamahusay kundi man pinakamahusay na nga.” At tulad ng hiniling ng kanyang ama, ibinuhos ni Liwayway A. Arceo ang kanyang kakayahan sa pagsusulat. Siya ang naging unang babaing peryodista sa Tagalog noong 1945. Nakalikha siya ng mga akdang nagkamit ng mga gantimpala sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Nakapagwagi sa Catholic Mass Media Awards ang kanyang akdang Francisco ng Assisi sa unang pagkakataon, bilang dula sa sa radyo. At patuloy pa rin siya sa pagtulong sa pagpapalawak at pagpapaunlad ng ating sariling wika. Si Liwayway A. Arceo (mangangatha, nobelista, mananaysay, tagasalin-wika, editor), ayon sa isang kritikong gumawa ng pag-aaral noong 1979 sa kanyang mga katha ng dekada 40, ay feminista na bago pa “nauso” ang katagang iyon. Sa mga aklat ni Liwayway A. Arceo na nasa ika-3 limbag na, namumukod ang sosyo-ekonomikong nobela, ang Canal de la Reina (1985) na isinalin sa Japanese (1990) at dinaluhan ng awtor ang paglulunsad sa Tokyo. Samantala, patuloy na muli’t muling inilalathala ang kanyang premyadong maikling katha, ang klasiko nang "Uhaw ang Tigang na Lupa" (1943), na itinuturing na panulukang-bato ng makabagong maikling kuwentong Tagalog.

Ang dedikasyon ni Liwayway A. Arceo sa Panulatan ay nagsanga sa Panitikang relihiyoso at espiritwal nitong huling 13 taon, na nagbunga sa kanyang Catholic Author’s Award (1990) mula sa Asian Catholic Publishers. Kabilang pa rin sa kanyang mga gawad ang Life Achievement Award sa Panitikan (1994) mula sa Komisyon ng Wika, ang Gawad CCP sa Literatura (1993), at ang Doktorado sa Humane Letters, honoris causa (1991) mula sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.

BUOD

Si Remy ay isang mananahi at si Tinoy naman ay isang namang kawani. Nag-aarala ang kanilang dalawang anak na sina Baby, panganay at si June, bunso. Nagsimula ang kwento sa isang sitwasyon na si Remy, sa sobrang katarantahan, ay nawan ang sinaing niya at nasunog. Sa sitwasyong iyon, walang bagay na matino ang pumapasok sa isip niya dahil siya ay hirap na hirap na at may nag-aalala siyang wala na silang pambili ng bagong bigas. Bigla naman dumating si Tinoy at pinalakas ang kaniyang loob a sinabing ang sinaing na nasunog ay maaring dalhin kay Aling Tomasa. Ikinatuwa naman iyon ni Remy. Masayang masaya ang mag-asawang Remy at Tinoy nang mabanggit ni Tinoy ang tungkol sa promosyon sa trabaho ni Tinoy. Matapos ng nangyari, naisipan ni Tinoy na bumalik muli sa pag-aaral at dito nakaroon ng pangyayaring tila sisira sa kanilang pagsasama. Nagkaroon ng kaklasi si Tinoy na inakala ni Remy na kalaguyo ni Tinoy. Nang makita ni Remy si Tinoy at may kasamang ibang babae, natuwa siya, dahil ito palang babae ay si Mrs. Esteban. Pinakilala ito ni Tinoy si Remy sa kanya at napatawa naman si Tinoy dahil nag-seselos si Remy sa isang babae na kasal at napakataba pa. Hindi natuloy ang promosyon sa dibisyon nila dahil nag-hire ang kumpanya ng bagong Ahente na ikinalungkot ng buong pamilya at ng mga umaasa sa promosyon. Minsan nabigla si Remy nang may isang babaeng kalahok sa Peach face powder na nanghihingi ng singkwenta sentimos at sulat upang manalo sa nasabing progarama. Hindi ito pinaunlakan ni Remy. Nang ikinuwento ni Remy kay Tinoy ang nangyari, natawa na lamang si Tinoy dahil papara singkwenta sentimos na lamang ay hindi pa nito naibigay. Isang araw matapos umuwi ni Baby galling sa kanyang iskuwelahan nagtanung ito sa kanyang nanay kung mayaman ba sila Sioning. Sumingit naman si Petra at sinabing hindi ito mayaman at nagalit si Remy at pinatahimik ito. Pinagusapan nila kung paano nagpapataasan ang pamilya nila Sioning at nina Misis Rubio.

Naiyamot si Remy nang makita niya namay isang lasenggero sa tapat ng kaniyang patahian at ito ay nanghaharang ng mga dyip upang manghingi ng abuloy daw para sa namatay nilang kapitbahay. Alam ni Remy na ang mga nakokolektang pera ng lasenggero ay hindi mapupunta mismo sa patay kundi sa kaniyang mga alak. Ibibili na lamang niya iyon ng alak kaya ayaw niyang magpabiktima sa lasenggerong ito. Magpipista na kina Remy at napakadami nitong dapat tapusin na mga tahiin mula sa kaniyang mga suki. Gabi na at nagising si Tinoy nang makita niya si Remy at inaakalang nananahi pa ito. Sabi ni Remy, titingnan na lamang niya ang mga order sa kaniya kung maayos na at naghahanda na rin siya ng ilang tela para maipagtahi naman niya ng damit ang kaniyang mga anak na sina Baby at June. Inintay nina Baby at June ang kanilang ina para makapagpaalam dito dahil naimbitahan sila sa kaarawan ng kanilang kaibigan. Noong una ay nagaalala si Remy kaya hindi sila pinayagan. Nang dumating si Tinoy, pinayagan na ang dalawa. Nagtagal sila bago nakabalik na pinag-alala naman ni Remy ngunit natuwa din ito nang ihatid sina Baby at June ng kanilang mga kaibigan. Kinabukasan, bumisita sa bahay nina Remy si Mr. Bernal kasama ang anak niyang si Eddie at ipinakilala kay Baby. Sumunod na Sabado, mag-isang pumunta sa bahay nina Remy si Eddie para bisitahin si Baby. At tila nagkakaroon na ng relasyon sa pagitan nilang dalawa. Nagplano sina Tinoy at Remy na magpagawa ng bahay sa naibili nilang bakanteng lote. Ang napili nilang gagawa ng kanilang bahay ay sina Tata Ponso. Sa paggawa ng kanilang bahay nakita ang bayanihan ng mga kasama ni Tata Ponso at nila sa paggagawa ng bahay. Nakatipid man sila ng gastos sa pagpapagawa, hindi naman nila mababayaran ang utang na loob nila sa matanda. Dumating ang araw na ang si June ay magpapaksala na kay Fred. Ayaw man makialam ni Remy sa kasal ng dalawa, napilit pa rin siya ng kaniyang anak na tumahi ng trahe de boda nito. Matapos ang kasal kahit na may konting kalungkutan siyang nararamdaman, masaya pa rin siya para kay June. Abalang abala si Remy sa pag aayos sa kanyang bakuran. Nagulat na lamang siya ng makaita ang kaniyang apong si Vic sa tabi niya. May nakita

silang uod at papatayin na sana ito ni Remy dahil makasasama ito sa halaman. Hindi naman pumayag si Vic dahil alam niyang ang uod na iyon ay magiging isa pang magandang paru-paro. Natutuwa si Remy sa apo niyang si Vic dahil alam niyang napalaki siya ng maayos ng kaniyang mga magulang. Naalala niya tuloy ang kaniyang mga anak noong ito ay mga maliliit pa. Ngiti-ngiti si Remy habang nakatingin sa mga larawan sa hawak niyang magasin. Pahapyaw niyang binabasa ang mga nakasulat na kasama ng mga larawan. Nag-aaway sila ni Tinoy kung bakit hindi totoo ang mga nasa magasin. SInabi ni Tinoy na hindi naman ito katulad ng diyaryo na pawang katotohanan lamang ang nilalaman. Sabi ni Tinoy na kung maglalagay ang magasin ng masasamang artikulo ay magiging bad publicity ito. Noong una hindi pinansin ni Remy ang kaibigan ni June galing amerika na si Joan. Isa itong amerikana na nais tumulong sa community nila Remy. Naging masaya ang mga tao sa pagtulong ni Joan lalo na nang tumulong ito sa housing project para sa mga nakatira sa bukid. Sa isang programa, akangiti si Joan ng humarap sa mikropono at sinabing “Meynga Keybigeyn Meyreming Seleymet pow sa leyhat” at masigla itong yumukod. Si Remy ang unang pumalakpak bago ito nagpatuloy sa mga sasabihin nito. Sinabi ni Remy kay Tinoy na malapit nang ilibing ang Tata Mante nito. At sa lamayan na kanilag pinuntahan, samu’t saring tradisyon ang kanilang nagawa. Katulad na lamang ng paglalakad ng lahat nang ihatid ang namatay sa huli nitong hantungan. Sina Remy at Tinoy lamang ang hindi sumama sa pagliliwaliw ng mga magkakapitbahay papuntang Tagaytay. Ayaw ni Remy sumama sa araw na iyon dahil noon ay Biernes Santo. Mariing idinidiin ni Remy kay Tinoy na ang mga tradisyon tuwing Mahal na Araw hindi nararapat baguhin. Bigla na lamang pumasok si Petra at binalita nito na naaksidente ang kanilang mga kapitbahay na napunta sa Tagaytay. Ang buong mag-anak na Cruz ay masayang pinagdiriwang ang kanilang Bagong Taon. Sa pagdiriwang nilang iyon, naalala ni Remy na ang mga panahon noong bata pa sina Baby at June. Noon ay kumpleto silang nagdiriwang at ngayon naman ay may kani-kaniya na silang mga pamilya na nagdiriwang ng Bagong Taon sa kani-kanilang bahay. Masaya si Remy dahil alam niyang kayang palakihin ng kaniyang mga anak nang maayos ang kaniyang mga apo.

Ipapadala sa Amerika si Tinoy dahil sa kaniyang trabaho. Noong una ay ayaw pang sumama ni Remy dahil napamahal na siya sa kanilang bahay. Nakumbinsi naman siya ni Tinoy nang sabihin nitong wala na siyang dapat alalahanin dahil ang kaniyang mga anak ay maayos na ang kalagayan sa piling ng kani-kanilang mga pamilya. Ang kaniyang mga apong sina Vic, Lina at Osi. Sa huli naiyak si Remy at hindi na nagawang kumaway pa sa kanyang mag-anak dahil sa lungkot na nararamdaman.

PAGSUSURI

TAUHAN
REMEDIOS “REMY” CRUZ Si Remedios Cruz o mas kilala sa palayaw na Remy ay ang ilaw ng tahanan ng mag-anak na Cruz. Siya ay isang modista na nagmamay-ari ng kanyang sariling patahian. Una siyang ipinakilala bilang isang maybahay na lumalagi lamang sa bahay, ngunit nalaman natin na siya ay dating nagtuturo. Dito ay sinasabi na may karera siya dati, ngunit ipinagpalit niya ito para maalagaan ang asawa at sa sanggol na anak na si Baby. Sa mga susunod na kwento ay ipapakita ang pagbabago o pagma-“mature” ni Remy bilang isang asawa, ina, lola, entrepreneur, at kaibigan. Hindi lang sa kanyang mga relasyon sa ibang tao, kundi ang paraan ng pagtanaw niya sa mga kaugalian, gaya ng handa tuwing Bagong Taon at mga kaugalian tuwing nagdadalamhati sa namatay na kamag-anak o kaibigan. Ngunit may mga bagay na mahirap baguhin para kay Remy, tulad ng mga kaugalian tuwing Mahal na Araw at ang kanyang pagiging “protective” sa kanyang mga anak at mga mahal sa buhay. Si Remy ang pangunahing tauhan sa mga maiikling kwentong bumubuo sa nobela. Sa mga paunang kwento, siya ay isa lamang tipikal na maybahay; laging nasa bahay at inaalagaan ang anak at asawa. Nang makita niya ang kaniyang kaibigang si Gloria na may-ari ng isang paaralan, inanyayahan nito na maging guro si Remy sa nasabign paaralan. Ang pangyayaring iyon ay naging mitsa ng pag-unlad ni Remy. Dahil muling

nagbuntis si Remy, nawala siya sa paaralan. Ngunit hindi iyon naging dahilan na siya ay manatili muli sa bahay kundi magsimula ng bagong buhay; bagong anak at bagong trabaho. Mabait at mapagmahal na asawa si Remy. Siya ang pumilit kay Tinoy na ipagpatuloy ang pag-aaral nito. Dumating din yung oras na nagselos si Remy sa isang kaklase ni Tinoy. Ngunit hindi naman ito naging problema sa mag-asawa dahil hindi naman totoo na may ibang kalaguyo si Tinoy. Si Remy ay taong punung-puno ng pagtataka, mapagmasid at kung minsan ay palaisip. Lagi siyang nagtataka sa mga bagay bagay na nasa kaniyang paligid. Lagi niyang pinupuna ang mga bagay na hindi niya nakasanayang gawin o makita tulad na lang ng mga paiba-ibang tradisyon nating mga Pilipino. Mapagmasid din siya sa iba’t ibang ugali at katauhan ng mga taong nkakasalamuha niya tulad na lang nina Aling Barang na mahilig magpautang at magpatong ng malaking interes; Donya Clara na tumutulong sa mga magsasaka sa kanialng housing project; Mimosa na sobra kung magayos ng sarili; Fidel Moreno na isang sikat na mang-aawit na puro kasinungalingan ang pagkatao sa magasin; Joan na isang amerikanong tumutulong sa mga magsasaka; Nonoy na isang tagalinis ng sapatos pero isa pa lang anak ng negosyante; Purita na isang kandidata para kumatawan sa isang peryodikong Tagalog at kun sinu-sino pa. Si Remy ay isang mapagmahal na ina. Mahal na mahal niya ang kanyang mga anak na sina Baby at June. Lubus-lubos ang kaniyang pag-alala sa dalawa niyang anak. Noong mga pauna, hindi niya npapansin na siya ay nagiging “protective” na sa kaniyang mga anak. Noong una, inaakala niya na ang kaniyang anak tulad pa rin noong dati, maliit pa, pero ngayon ay malalaki na at may kani-kaniya ng pamilya. Lagi niyang iniisip ang kapakanan ng kaniyang mga anak. Mabait na lola din si Remy. Natutuwa siya sa kaniyang mga apo. Sa kaiyang mga apo, nakikita niya ang mga anak niyang sina Baby at June. Alm niya na ang kaniyang mga anak ay napalaki niya ng maayos gayun na din ang kaniyang mga anak na maganda ang pagpapalaki sa kaniyang mga apo. Madami nang okasyon ang napuntahan ni Remy. Sa bawat okasyon na kaniyang pupuntahan ay may iba’t iba din tradisyon na sinusunod. Si Remy ay magada ang pananaw sa mga tradisyong nakagisnan na at medyo protective naman sa mga tradisyong nabago na. Ito ang mga bagay na madalas isipin ni Remy.

FAUSTINO “TINOY” CRUZ Si Faustino Cruz o Tinoy ay isang kawani, ngunit sa pagtutulak ni Remy ay muli siyang nag-aral at nakapagtapos bilang isang CPA o Certified Public Accountant. Isa siyang mabuting ama, asawa, at kaibigan ngunit minsan ay sinusumpong ng mga “mood swings”. Handa siyang tumulong at hindi makahindi sa mga malapit sa kanya, kahit ng sa huli ay napapasama pa siya, gaya ng pagiging guarantor niya sa utang sa bangko ng kasamahang si Pepe, at sa pagiging kontraktor ng kanyang Tata Ponso sa pinapatayo niyang bahay-bakasyunan. Si Tinoy ay magaan ang loob, at siya ang taga-pawi ng kaba at mga agam-agam ni Remy sa mga bagay-bagay, gaya ng paglisan ng anak nila patungong Estados Unidos. May ambisyon siya, at gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang matupad ang mga ambisyong iyon, kaya’t siya ay naging opisyal ng isang bangko. Si Tinoy ay hindi katulad ng ibang haligi ng tahanan na talagang namumuno sa buong bahay kumbaga, mahigpit. Si Tinoy ay isang masayahing tao, hindi mainitin ang ulo. Siya ang laging tagapakinig ng mga kwento ni Remy. Sa pagkakarinig naman niya sa mga kwento ng asawa, lagi din siyang tumatawa. Kung minsan kinokontra niya si Remy dahil masyadong nagiging palaisip si Remy at ayaw niya mag-isip masyado si Remy sa mga kung anu-anong bagay. Siya ang taga-salo ng bawat agam-agam ni Remy. Siya ang nag-iisang balikat na pwedeng sandalan ni Remy. Si Tinoy ang palaging nakakapansin kung mayroon bang mali sa asawa. Lagi din nitong napapansin o nalalaman agad ang saloobin ng kaniyang asawa pagdatng sa kanialang mga anak. Kung minsan, padalos-dalos si Tinoy pagdating sa pagdedesisyon. Hindi naman nag-aaway ang mag-asawa dahil mabilis na humihingi ng tawad si Tinoy kay Remy kung may problema sila. Isang mabuting asawa at ama si Tinoy. BABY CRUZ Si Baby ang panganay na anak ng mag-asawang Remy at Tinoy. Sa simula ng nobela ay isa pa lamang siyang sanggol, ngunit nagtatapos ang kwento na mayroon na siyang sariling pamilya.

Si Baby ay isang masunuring anak na babae, ngunit mayroon din siyang sariling pag-iisip at hindi siya natatakot na kumilos upang sundin ang kanyang damdamin. Bilang isang bata, si Baby ay kuntento sa kanilang paraan ng pamumuhay. Hindi siya ang tipo ng bata na mapaghangad. Nasa nobela din ang pagdadalaga ni Baby – ang una niyang parti at unang manliligaw. Ngunit sa huli ay ibang binata ang nakatuluyan ni Baby. Ipinapakita nito na hindi nakukuha ang isang matatag na pagsasama sa isang tignin lamang. Siya ay nagtapos sa kolehiyo, at lakas-loob na nagtungo sa Estados Unidos. Doon ay nag-asawa siya, lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang. Bumalik din siya sa Pilipinas at dito na itinaguyod ang kanyang pamilya. JUNE CRUZ Si June ay ang pangalawa at panghuling anak nina Remy at Tinoy. Malapit sila ng kanyang ate. Si June ang mas maambisyon sa dalawa, ngunit sa aking palagay ay ang mas mahina ang loob. Noong una, ang gusto niyang kunin ay ang kursong katulad ng sa kaniyang ate, pero sa bandang huli, napaliwanagan ang kaniyang isip ng kausapin siya ng kaniyang ina. Pinagsumikapan niyang makatapos ng kolehiyo at naging isa siyang nars. Doon niya nakilala ang kanyang unang pag-ibig. Labis na nasaktan si June nang ang kaniyang unang pag-ibig ay nagpakasal na sa ibang babae. Akala niya’y hindi na siya muling iibig pa, ngunit nagkamali siya. Nakilala niya sa Fred na isang doktor mula sa mayamang pamilya at sila ay lumalim ang pagsasama at naging mag-asawa na sila. Nagkaroon na rin siya ng sariling pamilya sa bandang huli ng nobela.

TAGPUAN
Tahanan ng mag-anak na Cruz Halos kalahati ng mga pangyayari sa nobela ay naganap sa tahanan ng mag-anak na cruz. Hindi naging iisa ang kanilang tahanan. Noong mga paunang parte ng nobela at bagong mag-asawa pa lamang sina Remy at Tinoy, ang kanilang tahanan ay isa lang maliit na bahay na para bang isang bahay na saka pa lalaki sa pagtagal ng pagsasama nilang mag-asawa. Sa pagtakbo ng mga pangyayari nagkaroon na sila ng isang bagong bahay na maayos at pinagawa pa nila sa kanilang kakilalang si Tata Mante. Ang tahanan nila ang saksi sa bawat pag-uusap at pagkakaroon ng koneksyon ng mag-anak na Cruz. Ang bawat nangyayari kay Remy ay kinukwento niya iyon

kay Tinoy pagdating ng hapon o kinagabihan. Sa tahanan nila pumupunta ang iba nilang kapitbahay, mga kamag-anak at mga kaibigan nila. Paaralan ni Tinoy Sa paaralan ni Tinoy nakikilala ni Remy si Gng. Esteban na kakalase ni Tinoy na inakalang kabet ni Tinoy dahil sa paniyo ni Gng. Esteban na nakita sa libro ni Tinoy. Sa paaralan niya nakilala na si Gng. Esteban nga ay kaklase lamang ni Tinoy. Sa paaralang iyon nakita ni Remy na talagang pursigido si Tinoy na makapagtapos ng pag-aaral para sa ikabubuti nila. Patahian ni Remy Nang sila ay medyo nakaangat na sa buhay, nagpatayo si Remy ng isang patahian na malapit sa kanilang bahay. Ang kaniyang patahian ay hindi ganoon kalaki pero madami siyang suki. Binabalik-balikan ng mga nagpapatahi ang patahian ni Remy dahil sa pagtatapos nila ng mga patahi sa tamang oras. Dito niya sinasalubong ang kaniyang mga suki at kung minsan dito din siya nakalagi at dito din niya nararanasan ang iba’t ibang panyayari sa buhay niya. Sa patahian niya ginagawa ang mga patahi sa kaniya kasama ang iba niyang manlililip at pati na rin ang kaniyang kasambahay na si Petra. Bahay ni Aling Tale Ang bahay ni Aling Tale ay hindi gaanong inilarawan sa nobela. Si Aling Tale ay ang ina ni Remy. Sa bahay ni Aling Tale nagpunta si Remy upang makipag-usap dito. Sa bahay na iyon nakatira ang isa pang kapatid ni Remy na si Celso. Si Celso ang pinoporoblema ni Aling Tale. Sa bahay na iyon nakatira sina Celso at ang asawa nitong si Ely. Sa bahay na iyon nagsimula sina Celso at Ely bilang mag-asawa pero ng magtagal ay nagsarili na din ang dalawa. Kalye Ang kalyeng tinutukoy sa nobela ay ang kalsada sa harapan ng patahian nina Remy. Napapansin ni Remy sa kalye ang samu’t saring mga bagay, mga bagay na sobra niyang iniisip. Sa kalye niya nakita ang isang lasenggero na nanghihingi ng abuloy para daw sa patay pero ginagawa naman nito ay pinangbibili lang niya ng alak. Sa kalye din niya narinig ang makabagong paraan ng pagbabasa ng pasyon. Hindi na iyon tulad ng dati na

mabagal. Puro na kabataan ang mga nagbabasa. Sa kalye din niya nakita ang mga taong wala ng ginawa kundi ang maglasing pagkatapos ay haharasin ang mga kaibigang matitino upang huthutan ng pera pang-inom. Bahay ni Pepe Ang bahay ni Pepe ay isang bahay na talgang pinuntahan pa ni Remy mag-isa. Hinanap iyon ni Remy upang kausapin si Pepe dahil sa utang nitong dalawang libong piso kay Tinoy. Nang makita niya ang bahay ni Pepe iba na ang nakatira doon dahil naipagbili na ito ni Pepe. Nakausap ni Remy ang caretaker ng bahay at nalaman niya na walang taong hindi pa nauutangan ni Pepe. Si Pepe at ang asawa nito ay walang pakundangan sa pagwaldas ng pera. Sinabihan ng caretaker na huwag ng hanapin sina Pepe dahil ito ay nagpakalayu-layo na para makaiwas sa mga utang nito. Palengke Ang pagkakalarawan ng palengke sa nobela ay isang napakabalang palengke kung saan ang bawat nagtitinda ay mga hindi na halos magkaintindihan sa sobrang dami ng mga mamimili. Namalengke si Remy ng ilang pagkain para magluto ng iilang putahe para sa araw ng pista. Doon niya nakita si Luming at si Aling Mudring. Nakita niya dito ang madaming mamimili na halos hindi na magkaintindihana ng mga nagtitinda. Nakita niya ang palengke bilang isa talagang palengkeng Pilipino na kahit na anong gulo at ingay ay nagkakaintindihan pa rin ang mga tao at nakakuwi ng maayos. Hindi man ito kasing perpekto ng palengke sa iabang bansa masasabi pa rin itong isang tatak pinoy! Bahay ni Ismael Ang bahay noon nina Ismael ay maliit lang pero dahil nagsumikap si Ismael at ang asawa nitong si Senyang. Sa bahay nina Ismael naranasan nina Remy at Tinoy ang maging isang señora at señor. Ang bahay ni Ismael ay hindi naman kalakihan, hindi naman ganoon kaliit. Ang bahay nina Ismael ay pinaglilingkuran ng madaming kasambahay. Ang bahay nina Ismael ang pinagdausan ng Despedida Party ni Ismael. Si Ismael ay tutungo ng abroad dahil pinadala ito ng kanilang opisina doon. Madaming tao ang mga nagsipunta sa okasyong iyon. Sa bahay ni Ismael nakita ang pagkakaibigan ng iab’t ibang uri ng tao. Ermita

Sa Ermita nagpunta sina Baby at June nang sila ay anyayahan sa kaarawan ng kaibigan nila. Noong una ay nag-aalala si Remy sa kaniyang mga anak dahil unang beses pa lamang na aalis sa kaniyang puder ang kaniyang mga anak. Sa Ermita nila nakita ang sang masayang lugar na punung-puno ng kasiyahan kasama ang kanilang mgakaibigan. Ang Ermita man ay isang magandang lugar, wala pa ring tatalo sa kanilang tahanan. Estados Unidos Nang makapagtapos si Baby sa pag-aaral tumungo na itong Estados Unidos upang doon na magtrabaho. Sa Estados Unidos nagkakilala sina Baby at Leonardo. At doon na din sila nagpakasal. Sa bandang huli ng nobela, sa Estados Unidos din tumungo sina Remy at Tinoy dahil doon na magtatrabaho si Tinoy. Lote sa Labas ng Lungsod Sa loteng ito sila nagpatayo ng isang simpleng bahay na ginawa nilang isang bakasyunan. Sa loteng ito nakita ang bayanihan ay normal pa talaga sa mga Pilipino. Noong mga panahong ginagawa pa lamang ang bahay doon nakita ni Remy at Tinoy ang bayanihan ng kaniyang mga Tata Ponso sa paggawa ng bahay nila. Dito sila nagpupunta ng ilang linggo para matapos ng maaga ang pinagagawa nilang bahay. Beauty Parlor Ni Glecy Ang parlor ni glecy ay isang ordinaryong parlor na may lima hanggang pitong empleyado. Natanggap sila ng serbisyo kahit kanino. Dito binantayan ni Remy ang kaniyang kaibigang balikbayan habang ito ay nagpapaayos ng mukha at sarili dahil may pupuntahan daw itong isang party. Si Glecy ay pamangkin ni Remy kaya ayos lamang na nandoon siya. Si Mimosa ang nagpapaayos kay Glecy. Napakakulit niya at napakapihikan. Napakaarte din niya, halos lahat na ata ng gamit sa parlor ni Glecy ay nagamit na niya. Nang umalis si Mimosa sa parlor ni Glecy, animo’y dinaanan ito ng isang ipu-ipo. Sa isang Bulwagan Sa isang bulwagan na kung saaniba’t ibang tao ang nagmimiting nagpunta si Remy. Sa nobela, dalawang bulwagan ang napuntahan ni Remy. Ang unang bulwagan na kaniyang pinuntahan ay yaong bulwagan ng samahan ng kaniyang kumadreng Luz. Sa bulwagang iyon nakakilala siya ng

iba’t ibang klase ng tao – halos lahat ay mayayaman. Sa bulwagang iyon niya ipinakita ang kaniyang mga tahi na maaring imoda mga limang taon mula ngayon. Ang grupong iyon ay mga taong tumutulong sa mga batang ina o mga nag-iisang babaeng bumubuhay sa pamilya. Ang pangalawang bulwagang kaniyang pinuntahan ay ang election hall ng mga peryodiko. Sa bulwagang iyong niya nakilala si Purita na kandidato ng grupo ng kaniyang kaibigang si Lody. Sa bulwagang iyon na punung puno ng iba’t ibang kandidato, nakita ang isang karaniwang eleksyon ng mga pulitiko. Sa bulwagang iyon nagbotohan ang mga kasapi ng iba’t ibang peryodiko. Sa Hardin Sa hardin naglalaro ang kaniyang mga apo. Sa hardin nakakita ng isang uod si Vic. Sa hardin din madaming natutunan si Vic, apo ni Remy. Doon nakita ni Vic ang isang uod na kaniyang inalagaan at binantayan hanggang sa ito ay maging isang ganap na paru-paro. Sa hardin na iyon nakita ni Remy ang tunay na kasiyahan ni Vic. Nayon ng mga Magsasaka Sa isang nayon na binubuo ng mga magsasaka nagpunta sina Remy at ang kaibigan nitong si Joan na isang amerikana. Sa nayong iyon makikita ang likas na katangian ng mga Pilipino na pinakikita sa mga bahay ng mga magsasaka, kanilang kinakain at ang kanilang mga kaugalian. Sa nayong iyon nakita ni Remy ang Tunay na pagkakaisa ng bawat isa. Nayon nina Tata Mente Ang nayon nina Tata Mente ay katulad ng ibang nayon na ang mga mamamayan ay hindi mayayaman, hindi mahihirap pero mga may-kaya. Sa nayon nina Tata Mente nakita ang iba’t ibang kaugalian ng mga Pilipino pagdating sa paglalamay ng isang kamag-anak na namatay. Sa burol na iyon nasaksihan ni Remy ang tunay na pagkakabuklud-buklod ng pamilyang Pilipino. Nakita din niya doon na sinusunod talaga ng mga tao ang iba’t ibang pamahiin habang nagbuburol tulad ng pagtataklob ng mga salamin, hindi pagligo sa bahay ng namatay at kung anu-ano pa. Bahay nina Baby

Nang mga ilang taon na ang nakalipas, sina Baby at Leonardo ay umuwi na ng bansa at nagpatayo na ng kanilang sariling bahay. Si Lita na naging kaibigan ni Baby sa Amerika, ay umuwi ng Pilipinas. Sa bahay nina Baby sila nagkwentuhan tulad ng dati. Nagkamustahan ng todo-tdo at walang humpay. Bahay nina Nana Onang Sa bahay nina Nana Onang muling nagkita ang mga magkakamaganak. Nagpunta doon sina Remy at Tinoy dahil may kamag-anak silang namatay. Doon nila nakita ang pagbabago ng mga kabataan sa paligid nila. Sa lugar na iyon kakaunti na lamang ang mga kabataang nag-aaypos ng pag-aaral at nagtitino sa buhay. Sa lugar na iyon nakita ni Remy ang isang kapitbahay nina Nana Onang na talagang sunud-sunod ang edad ng mga anak. Sa lugar na iyon nakita ni Remy na talaga ngang nag-iba na ang panahon. Kasalan nina Ben Inanyayahan sina Remy at Tinoy na dumalo sa isang kasalan ng malayong kamag-anak ni Tinoy. Sa kasalang iyon nakita ni Remy ang magandang mga kaugalian ng mga Pilipino tuwing nagdaraos ng isang kasal tulad ng pagsasaboy ng bigas sa bagong kasal, paghahain ng mga malalagkit na pagkain, at pagbibigay ng regalo ng pamilya ng lalaki sa pamilya ng babae. Airport Dahil paalis na patungong Amerika sina Remy at Tinoy, hinatid sila ng kanilang mga anak at apo at pati na rin ang kanilang mga kapitbahay. Sa airport nadama ni Remy ang tunay na kalungkutan na may halong kasiyahan. Dito siya naghagulgol sa kakaiyak kasi tuluyan na siyang mawawalay sa kaniyang mga anak. Sa airport na punung-puno ng tao ay nahiya na siyang umimik pa kya tuloy-tuloy na lamng siyang sumakay sa eroplano.

PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN
Sa pamamagitan ng tauhang si Remy ay nakita natin ang pagpapahalaga niya sa kulturang Pilipino. Si Remy ang tauhang sumisimbolo sa mga Pilipinong ayaw mapawi o mabura ng makabagong panahon ang mga kaugaliang likas na sa mga Pilipino. Sa katauhan ni Remy nakita ang pagpapahalagang tao sa pagtitipid ng bawat bagay. Sa isang parte ng nobela kung saan ay hindi niya pinalampas ang utang ni Pepe ay makikita ang pagiging matipid niya dahil ayaw niyang magbayad ng isang utang na hindi naman siya ang umutang. Nakita natin ang kahalagahan ng pagbubudget sa buhay ng tao noong mga panahong babagong nagsisimula sina Remy at Tinoy. Nagbudget sila ng kanilang mga sahod upang magkasya sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. At nakita din natin kay Remy ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang hanapbuhay. Ang paghahanapbuhay ay nakatutulong sa bawat isa sa atin na magkaroon ng mga panustos sa ating pang-arawaraw na pangangailangan. Sa pamamagitan ng tauhang si Tinoy, nakita natin ang pagpapahalaga niya sa edukasyon. Nagpatuloy siya ng kaniyang pag-aaral kahit na siya ay agy asawa’t anak na. Pinakita ni Tinoy na walang makakahadlang sa isang tao na magkaroon ng edukasyon kahit ano pang katayuan mo sa buhay. Para sa kaniya ang edukasyon ang pinakmahalagang yaman ng tao. Ang edukasyon ang nakatulong sa kanilang pamilya upang makaahon sa kahirapan na kanilang dinanas noong sila ay babago pang mag-asawa. Ang kahalagahan ng respeto ay atin ding nakit sa katuhan ng magasawang Remy at Tinoy. Nakita natin ang respeto nila sa isa’t isa pagdating sa paggawa ng desisyon nila. Ang pagkakaroon ng respeto sa ibang tao ay napakahalaga dahil doon makikita kung ano ang iyong katayuan sa buhay. Hindi yaong kung sin-sino na lamang ang iyong binabangga. Kung sinu-sino na lamang ang iyong nilalampasan. Sa katauhan ni Celso at Ely, nakita nakita natin ang kahalagahan ng pagtayo sa sariling mga paa. Sa pagtindig sa sariling mga paa ay nakatutulong sa atin na mamuhay ng matatag at kayang lampasan ang bawat problema sa sariling pamamaraan. Ang pagiging independent ay nakatutulong sa atin na makilala ng husto ang ating mga sarili at maging malayo sa puder ng iba. Sa mag-anak na Cruz nakita natin ang pagiging

kuntento sa kung anong ipagkaloob ng Panginoong Maykapal sa kanila. Hindi sila tulad ng mag-anak na Perez na wala nang hinangad kundi ang magkaroon ng isang pabolosong tahanan, magagarang sasakyan, mamahaling luho sa katawan at pagpasok sa mga primyadong paaralan. Sa pagiging masipag at responsable ni Remy nakita natin ang kahalagahan ng mga ito. sa pagkakaroon ng sipag at tiyaga maaga naing natatapos ang ating mga gawain sa takadang oras. Nakakabawas ito sa mga abala na atin pang iintindihin. Sa pagiging masipag ni Remy ay nakapagtayo siya ng siang patahian na knakatulong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin. Sa katauhan ni Tinoy at Remy nakita natin ang pagtanaw ng utan na loob nila kay Tata Ponso matapos ang paggawa sa kanilang bahay sa labas ng lungsod. Tumanaw sila ng utang naloob sa matanda dahil alam nilang buong duso’t pawis ang pinuhunan ng matanda sa paggawa ng bahay nila. Sa katauhan ni Remy nakita ang isang mabuting pagdedesisyon. Nagiisaip muna siya ng mabuti kung sasali ba siya o hindi sa samahan nina Luz. Ang pagtupad sa pangako ay nakita sa katauhan ni Remy. Ang pagtupad sa pangako ay dapat nasa bawat isa upang hindi natin paasahin ang ibang tao sa kung anong pinangako natin sa kanila. Si Mimosa na labis kong mag-ayos gustong iparating sa atin na tayo ay dapat makuntento sa mga simpleng bagay lamang. Huwag nang maghahangad sa mga glamorosong bagay kung pwede naman ang simple. Masama ang lahat ng labis. Ang pagiging mababang loob ay nakita natin sa karakter ni Noynoy. Siya bilang tagalinis ng sapatos nina Remy ay isa palan anak ng mayamang negosyante. Sa kaniyang karakter nakita natin ang pagtayo sa sarili niyang mga paa at ang pagkakaroon ng “low profile”. Sa karakter din niya nakita ang kahalagahan ng oras sa buhay ng tao. Ang pagpapahalaga sa oras ay napakahalaga dahil kung bsasayangin mo ang iyong mga oras sa kung anuanong walang kabuluhang bagay, wala tayong magagawang maganda. Tandaan, Sa katauhan ni Purita, nakita natin ang pagpapahalaga sa kakayahan. Kahit na ang kanilang grupo ay hindi kasing yaman ng ibang grupo, umaasa pa rin siya na ang sukatan ng pagiging isang tao ay ang kaniyang kakayahan

at hindi sa kaniyang kayamanan. Nakita din sa kaniyang katauhan ang pagiging matpat dahil hidni siya humingi ng suhol sa kaninumang pulitiko para lamang magkaroon ng publicity.

PAGPAPAHALAGANG PAMPAMILYA
Sa nobelang ito, madaming mga pagpapahalagang may kaugnayan sa pamilya ang makikita. Sa pamamagitan ng bawat miyembro ng mag-anak, naipakita nila ang pagkakabuklod-buklod ng isang pamilya. Ang pamilya nila ay maituturing na perpekto dahil ang bawat isa ay hindi nagkakaroon ng samaan ng loob. Sila man ay magkaroon ng samaan ng loob, mabilis naman itong nasosolusyonan. Ang pamilya nila ay palaging magkakasama noon, pero nang mangibang bansa ang mga anak nilang si June at Baby, nakahiwahiwalay na sila. Sina Baby at June ay hindi tulad ng ibang tao na kinalimutan na ang pamilya nila sa Pilipinas. Sina Baby at June ay bumalik rin sa kanilang bansang sinilangan – ang Pilipinas. Dahil mahal nila ang kanilang mga magulang hindi nila hinahayaang sila ay mapalayo dito. Nagpagawa sila ng sari-sariling bahay na madaling mapupuntahan nina Tinoy at Remy. Sa pamamagitan noon, nakakapunta ang mga apo nina sa Remy at Tinoy sa bahay ng mga lolo’t lola nito. Hindi nawawala sa kanilang mga apo ang mga kaugaliang Pilipino tulad ng pagmamano sa mga nakakatanda at paggamit ng mga salitang “po” at “opo”. Ang pamilya nila ay magkakasama din nagdidiwang ng Bagong Taon at pati na rin ng Mahal na Araw. Sa pamamagitan nina Remy at Tinoy ay nakita natin ang pagpapahalaga sa sa relasyn bilang mag-asawa. Ganoon din sina Leonardo at Baby, at June at Fred. Sa nobela, naipakita nito ang isang eprpektong pagsasama na kung saan ang mag-asawa ay may galang sa isa’t isa, ang desisyon ng isa ay desisyon na din nilang dalawa. Ang relasyon nila bilang mag-asawa ay nagpapakita na sila ay may magandang pagsasama na nagbunga ng isang magandang pamilya. Naipakita ng mag-anak na cruz ang isa sa mga bagay na pinakamahalaga pagdating sa isang pamilya – ang pagkain ng sabay-sabay. Sabay-sabay silang kumakain upang magkasama-sama sila kahit na ilang minuto lamang sa kabila ng pagkakaroon ng isang abalang pamilya. Ang bawat isa sa kanila ay abala sa kani-kanilang gawain pero hindi pa rin nila nakakaligtaan na kumain ng sabay-sabay.

Ang pagkakaroon ng isang bukas na komyunikasyon sa bawat miyembro ng pamilya ay nakita sa mag-anak na Cruz. Lahat ng nangyayari kay Remy ay alam ni Tinoy dahil sila ay bukas sa isa’t isa. komyunikasyon, ang bawat problema nila ay nalulutas kaagad dahil madami ang mga nakasuporta sa isa’t isa. Naipakita ni Remy ang pagpapahala sa pamilya. Hindi niya hinahayaang ang isa sa kanila ay mawalan ng koneksyon sa kanila o mapalayo ang loob sa isa’t isa. Ang pagpapahalaga sa pamilya ay isa sa mga bagay na nakakaapekto sa pagdedesisyon nilang mag-asawa. Noong una ay ipapadala na din sana si Tinoy sa Amerika ng kanilang kumpanya pero hindi siya pinayagan ni Remy dahil pano na ang kanilang mga anak, e di lalaki silang minsan lang makikita ang kanilang ama. Hindi na nga tumuloy si Tinoy patungong Amerika. Ang pagpapahalaga sa pamilya ay napakaimportanteng bagay sa pagtataguyod ng isang pamilya. Sa pagpapahalaga sa bawat miyembro nito, nakakabuo ng isang magandang relasyon ang bawat isa. Hindi nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan ang bawat isa. Ang bawat isa sa kanila ay kayaman ng isa’t isa. ang bawat isa ay tinuturing nilang kaibigan. Minsan tinuturing ni Remy si Tinoy bilang knaiyang matalik na kaibigan dahil halos lahat ng tungkol kay Remy ay alam nito. Walang kwento ni Remy ang hindi pa niya naririnig.

PAGPAPAHALAGANG PANLIPUNAN
Sa nobelang ito, makikitaan natin ito nang iba’t ibang sitwasyon na kung saan ang iba’t ibang kaugaliang Pilipino ay naipakita. Hindi lamang mga kaugaliang Pilipino ang naipakita kundi pati na rin ang iba’t ibang kapintasan sa ating lipunan na kontra sa iba’t ibang pagpapahalagang panlipunan. Ang pag-iinuman ay isang paraan ng mga Pilipino upang magsaya o magdiwang sa isang selebrasyon. Si Tinoy ay nakipag-inuman sa kaniyang mga katrabaho kya siya inabot ng hating gabi sa pag-uwi. Ito ay ikinagalit ni Remy dahil magdamag siyang hinintay ng asawa. Hindi nakontrol ni Tinoy ang kaniyang sarili na umuwi ng maaga. ang pag-iinuman ay hindi masamang paraan ng pagdidiwang basta alam lang natin kung ano ang ating mga limitasyon. Hindi nararapat na tayo ay sige lang ng sige sa bawat bagay na ating pakakabangga. Ang bawat gagawin natin ay dapat pagdesisyonan

ng maayos dahil nakasalalay ang ating kinabukasan sa tamang desisyon. Sa isang lipunan mahalaga ang pagkakaroon ng tamang desisyon. Halimbawa, sa ating pamahalaan. Ang pamahalaan ay dapat magpatupad o gumawa ng mga tamang desisyon na ikabubuti ng bawat mamamayan. Ang desiyson ay nararapat na makatugon sa pangangailangan ng bawat mamamayan. Ang pagkakaroon ng ospitalidad ng mga Pilipino ay likas na sa atin. Nang pumunta ang kumare ni Remy na si Nenita kasama ang kanyang inaanak na si Josie ay malugod niyang tinggap ang mga ito. Ang malugod na pagtanggap sa mga bisita, ay dapat nating panatilihin upang makabuo pa tayo ng mas maraming magandang relasyon o ugnayan sa ibang tao. Ang bahay ng bawat isa ay bahay na din nila. Ang pagtanggap ng mga bisita ay isang magandang katangian nating mga Pilipino. Ito din ang dahilan kung bkait madaming turista ang dumadayo sa atin dahil mababait tayong mga Pilipino pagdating sa mga bisita. Ang pakikiramay sa mga namatayan ay ugali na nating mga Pilipino. Kahit n anong layo ng koneksyon natin sa taong pumanaw na, tayo ay naglalaan pa rin ng panahon para sila ay ating bisitahin. Ipinakita ito sa nobela sa pamamagitan ng pagbisitab ni Tinoy at Remy sa kanilang Tata Mente na matagal na nilang hindi nakikita. Sa burol na iyon nakita nila ang iba’t ibang kaugaliang Pilipino. Ang kapintasan lamang nating mga Pilipino ay ang paghahanda ng madami sa ganoong okasyon. Sa sitwasyong iyon nina Tinoy nalaman nila nang matapos ang libing na mas madami pang nagastos sa burol kaysa sa ginastos sa taong namatay noong ito ay nasa ospital pa lamang. Araw ng pista noon at likas na sa ating mga Pilipino ang maghanda tuwing ganitong okasyon. Sa nobela, nalaman ni Remy na ang iba niyang kapitbahay ay mga nangutang pa sa iba para lamang makapaghanda sa araw ng pista. Bakit nga ba may mga ganoong tao? Hindi naman ganoon kailangan ang paghahanda hangga’t alam mo ang tunay na kahalagahan ng selebrasyon eh may mga tao pa rin hindi makuntento sa kung anong meron. Hindi masama ang paghahanda sa mga ganoong okasyon pero dapat nating alalahanin ang mga bagay-bagay. Kung hindi sapat ang ating perang hawak huwag na lamang tayo maghanda dahil mas mabuti pa ang hindi maghanda kaysa sa magkautang pa sa iba. Madaming sitwasyon sa nobela ang nagpakita ng bayanihan nating mga Pilipino. Ang unang sitwasyon ay ang pagtulong nina Aling Tale at

Luming kay Remy noong araw ng pista. Ang isa pa ay ang paggagawa nina Tata Ponso ng kanilang bahay bakasyunan. At isa na rin ang pagbabayanihan ng mga magkakamag-anak noong kasal ni June at Fred. Ang bayanihan ay talagang nakikita pa rin natin sa mga panahon ngayn. Ngayong panahon ng paghihirap ng ating mga kababayan dahil sa sinapit sa mga Bagyong Ondoy at Pepeng, nakita pa rin ang pagbabayanihan ng bawat Pilipino upang matulungan ang mga nasalanta. Sa katauhan ni Remy nakita din natin ang isang mahalagang katangian ng isang Pilipino, yoon ay ang pagiging praktikal sa mga bagay-bagay lalo na pagdating sa pera. Sa simula pa lamang ay nakilala na natin si Remy bilang isang praktikal na asawa’t ina. Hindi niya pinilit na ipasok ang kaniyang mga anak sa mga pribadong paaralan. Hindi niya inuunang bilhin ang mga luho kundi inuuna niya nag mga bagay na kailangang kailangan. Hindi din siya bumibili ng mga mamahaling gamit na kung saan pwede na naman bumili ng mumurahin. Ang pagiging praktikal ay hindi pagiging kuripot. Ang colonial mentality nating mga Pilipino ang nagtutuklak sa atin na huwag tangkilikin ang sariling atin. Dahil dito, mas naiisip nating mas maganda ang yaring ibang bansa kaysa sa sariling-atin dahil iyon ay imported. Dahil madami na ngang mga dayuhan ang nasa ating bansa. Kailangan nating irespeto ang kanilan kultura. Sa sitwasyon na kung saan ang kaibigan ni Remy na si Joan, isang amerikano, ay nakita natin ang pagpapahalagang ito. Isa sa mga pagpapahalagang panlipunan ang hindi paglimot sa mga tradisyon nating mga Pilipino tulad ng mga tradisyon tuwing Bagong Taon, Mahal na Araw o Pasko. Ang mag-anak na Cruz ay hindi nakakalimot sa mga kaugalian ng atin nang nakagisnan.

KAISIPAN

• •

Dapat hindi tayo mawalan ng respeto kaninuman dahil ang kawalang respeto ay kawalang moral. Dapat hindi tayo mawalan ng respeto kaninuman dahil ang kawalang respeto ay kawalang moral.

• • •

• • • •

Matututo tayong hindi umasa sa ibang tao pagdating sa mga bagaybagay. Ang mangarap lampas langit ay hindi masama hangga’t marunong makuntento sa kung anong meron ka. Sa buhay ng tao nararapat lamang na isipin natin ang bawat desisyon na ating gagawin dahil sa desisyon natin nakasalalay ang mga mangyayari sa atin sa kinabukasan. Ang pagtupad sa pangako ay nagpapakita na ang isang tao ay may matatag na pagkatao at may paninindigang walang makakaumba. Ang oras na nawaglit di na muling magbabalik. Ang pamilya ay kayamanan kaya’t atin itong alagaan. Ang pagbabayanihan ay hindi natin dapat kalimutan dahil ito na ang sumimbolo sa ating mga Pilipino.

URI

Ang nobelang “Ang Mag-anak na Cruz” ay isang nobelang tauhan. Ang nobelang tauhan ay nagbibigay-diin katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan. Si Remy bilang pangunahing tauhan ay naipaita na isa siyang tunay na Pilipino sa isip, salita ta sa gawa. Hindi niya hinahayaang ang mga kaugalian ng mga Pilipino ay mawala na lamang parang bula. May sarili siyang persepsyon pagdating sa mga ganitong bagay. Nakita din natin sa kaniya ang pagiging isang mabuting ina na talagang kahahangaan ng bawat inang makakabasa sa nobela. Ang hangarin ng nobela ay maipamulat sa mga mambabasa ang iba’t ibang pagpapahlagang Pilipino na unti-unti nang nawawala sa ating panahon ngayon. Gusto din ng may-akda na ang bawat Pilipino ay makarealize na dapat talagang maging taas noo tayo sa ating pagiging Pilipino. Sa mga sitwasyon na ipinakita sa bawat katha ng nobela, nakita natin ang iba’t ibang bagay na tumutukoy sa mga uri ng tao sa ating paligid.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful