You are on page 1of 4

Katrina Halili can forgive Hayden Kho, but she will still pursue case against him

By Noel Orsal & Trisha Alvarez

"Itutuloy ko yung kaso para hindi na ito


maulit. Kasi kung ganun lang mangyayari, e,
di lahat ng tao magugulat na lang kayo, yung
mga anak ninyo, mga pamangkin ninyo, na-
video na diyan ng kung sino-sino. Kung hindi
man sex video, mamaya may nagtatago ng
hidden cam. At least, sa paglabas ko, kahit
papa'no, nakatulong din sa atin, na nakatulong
din sa ibang tao na warning na para gawin
yun," says Katrina Halili about the case she
filed against Hayden Kho.

Halos kasabay ng birthday ni Katrina Halili


last January 4 ang pagsampa sa korte ng
kasong inihain niya laban kay Hayden Kho.
Kaya itinuturing ng aktres na "birthday gift"
ito para sa kanya.

"Opo, siyempre naman, di ba? Masaya din


ako kasi nangangahulugan lang na may
kaso talaga. 'Tsaka ang haba ng mga nilakad
ko sa kaso, di ba? Nag-PRC [Professional
Regulation Commission], nag-PMA [Philippine Medical Association] ako, nag-DOJ
[Department of Justice], nag-Senate pa ako. Tapos lahat yun, ikukuwento mo isa-isa.
Tapos lahat yun, tatanungin ka. Nakakapagod yun. Pero at least, may mga nangyayari sa
ginawa ko," saad ni Katrina sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment
Portal).

Paano at kailan niya nalaman na sumampa na sa korte ang kaso na inihain niya laban kay
Hayden?

"Nalaman ko, tumawag sa akin yung Papa ko. Tapos attorney ko, tumawag. Yun nga
raw, may kaso. Kaya lang, natunugan 'ata ni Hayden agad kaya hindi ko siya naposasan...
Hindi, joke!" biro niya.

Pero dugtong niya, "Well, sana lang nakulong siya. Kaya lang nakapagpiyansa siya agad.
Kahit one hour lang. Ma-piktyuran ko lang sana siya."
Nag-voluntary surrender kasi si Hayden at agad nakapag-post ng P20,000 bail.

KATRINA WANTS HAYDEN BEHIND BARS. Firm pa rin talaga si Katrina sa


pagnanasa niyang makulong si Hayden dahil sa pagkuha nito ng sex video nila na
kumalat sa Internet.

"Siyempre po, sana makulong siya para po sa mga nagawa niya. Kasi sa lahat ng mga
nagawa niya, parang puro ano... Huwag na lang, baka ma-quote-unquote ako na
mayabang. Kasi, parang sa tingin ng tao, siya yung kawawa, ganun," bitin na sabi ni
Katrina.

Ganun pa rin ba kataas ang level ng galit niya kay Hayden?

"Opo, pero ginagawa ko lang po ito para hindi siya gayahin ng ibang tao," paliwanag
niya. "Para matuto po yung ibang tao na huwag gawin yun, yun po. Kasi yung sa akin,
kaya ko na siyang patawarin. Kung sincere siya na hihingi ng tawad, papatawarin ko.

"Itutuloy ko yung kaso para hindi na ito maulit. Kasi kung ganun lang mangyayari, e, di
lahat ng tao magugulat na lang kayo, yung mga anak ninyo, mga pamangkin ninyo, na-
video na diyan ng kung sino-sino. Kung hindi man sex video, mamaya may nagtatago ng
hidden cam. At least, sa paglabas ko, kahit papa'no, nakatulong din sa atin, na nakatulong
din sa ibang tao na warning na para gawin yun."

Noong dumaan ang Pasko, naisip ba niya na patawarin na lang si Hayden at ipasa-Diyos
na lang ang lahat?

"Mahirap po kasing magpatawad sa isang tao na hindi humihingi ng tawad, di ba?" sagot
niya. "Hindi ko naisip yun kasi hindi naman siya humihingi ng tawad, e. At ano kasi,
puro trabaho lang inisip ko. Iniisip ko na lalabas na yung warrant of arrest. Yun ang
iniisip ko nung Christmas. Kaso, napahaba pa nung Christmas. Pero lumabas naman."

FIRST HEARING. Nakahanda na ba siya sa unang pagdinig ng kaso niya, Violation of


R.A. 9262 (Anti-Violence Against Women and Children Act) laban kay Hayden sa
korte?

"Siyempre po. Pero sa totoo po, ayoko po talaga. 'Tsaka hindi ko kaya. Mahina ang loob.
Nilalakasan ko lang ang loob ko kasi ano, e, kailangan kong tapusin [ang laban]. Iniisip
ko na lang po, tutulungan ako ng attorney ko, family ko, and siyempre si God, pray. Wala
namang ibang makakatulong sa akin kahit ibang tao, sarili ko lang.

"Pero kahit paano, alam ko po na iba kasi kapag nasa korte na kami magharap. Kasi
hindi ko alam kung yayabangan pa rin niya ako. Kasi sa tuwing magkikita kami, lagi niya
akong niyayabangan. Laging masama ang titig niya sa akin. Hindi ko alam kung
bakit. Yun nga po ang nakakaloka.
"So, paano mo patatawarin ang taong ganun? Ang sama ng tingin sa 'yo. Para siyang
babae. Parang nagtataas ng kilay. Bakla ba siya? Joke! Kasi wala namang lalakeng
ganun. Kung lalake siya, hindi ka na magsasalita ng kahit ano, kahit may kasalanan ka, di
ba?

"Parang ang ano, 'Okey lang 'to, malalampasan ko 'to.' Pinaglalaban ko lang ang sarili
ko. Manalo, matalo, haharapin ko yung kaso ko. Ayos lang sa akin. Mahalaga lang sa
akin na ipagtanggol ko ang sarili ko, na ipaglaban ko ang sarili ko. Alangan namang
itinulak niya ako, dinuruan niya ako sa mukha, ganun na lang, hayaan ko siya? So,
ipinaglalaban ko lang ang sarili ko," mahabang pahayag ni Katrina.

Ano ang inaasahan niyang mangyayari ngayong naka-one step forward na siya sa kasong
isinampa niya kay Hayden?

"Siyempre, sana po may mangyari sa ipinaglalaban ko. 'Tsaka ako po kasi, ang gusto ko
po talaga, malaman niya ang pagkakamali niya. At saka huwag siyang tularan ng ibang
tao. Malaman po niya yung mali niya, tapos magsisisi siya. Ngayon po, yung makulong,
yung korte na lang po ang magdedesisyon kung ikukulong siya.

"Ako, malaman lang niya at ma-realize niya. Kasi hanggang ngayon, hindi pa niya nare-
realize. At i-clear ko ulit, kasi ako na naman ang lumalabas na mayabang. Hindi po ako
nagyayabang. Ipinaglalaban ko lang po ang sarili ko at saka wala naman akong sinabi na
malinis akong tao at saka mabait at wala akong kasalanan. May kasalan po ako at
hinaharap ko yun. Ipinaglalaban ko lang ang sarili ko," diin ni Katrina.

HAYDEN-VICKI RECONCILIATION. Ano ang reaksiyon niya sa pagbabati nina


Hayden at Dra. Vicki Belo?

"Nag-sorry naman kasi siya [Hayden] sa mga taong yun, di ba? So, ayun. Hindi siya
humingi ng tawad sa akin," sagot ng aktres.

Patatawarin ba niya si Hayden kapag humingi ito ng tawad sa kanya?

"Kapag humingi siya ng tawad, oo naman po. Tao lang naman po ako. Pero, siyempre,
itutuloy ko po yung kaso," paglilinaw ni Katrina.

Pati mga anak ni Dra. Belo na sina Cristalle at Quark Henares ay napatawad na rin daw
si Hayden. Ayon pa kay Cristalle, baka hindi lang bukas ang mata at tenga ni Katrina
kaya wala siyang ibang nakikita o naririnig. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Yung mga nagsasabi naman po na mga ganyan na tao, e, yung ibang tao. Pero, di ba, si
Hayden, parang wala naman? Parang hindi naman siya sincere."

Pakiramdam ba niya ay nag-iisa na lang siyang tumutugis sa mga ginawa ni Hayden?


"Minsan po," sagot ni Katrina. "Kasi nung lumabas po yun, nung inisip ko pa lang na
lalaban ako, wala naman akong inisip na kasama, e. Basta sinabi lang ng tatay ko at
attorney ko na, 'Kung gusto mong lumaban, nandito lang kami sa likod mo parati. Pero
alam mong ikaw lang talaga 'yan.' So, sabi ko, oo."

OTHER PEOPLE INVOLVED. Ayaw namang mag-comment ni Katrina sa dalawang


kaibigan ni Hayden na nasangkot din sa uploading ng sex video nila ng dating cosmetic
surgeon.

"Isa pa lang kasi ang isinampa namin na case sa DOJ, yung kay Hayden," aniya. "Pero
yung uploading, wala pa. Pero pinaayos na po ng DOJ. Ni-request ng DOJ na
imbestigahan pa nang malalim yung uploading. So, may mga taong sampu po doon.
Ayoko pong mag-comment sa mga taong yun. Kasi, di ba?

"Pero hindi pa rin po ako tapos, like yung sa mommy ni Hayden [Mrs. Irene Kho], libel
po. Sa DOJ, inakyat pa po siya. Siguro, hindi ko sure kung next week or ano, basta
lalabas na rin po yun. So, hindi pa po ako tapos doon. Pero ngayon, concentrate muna ako
sa kaso ko."

What about si Lolit Solis? Nagkausap na ba sila?

"Hindi po. Hindi rin kami nagkikita. Hindi ko naman po kaaway si Nanay Lolit. Konting
iwas lang kasi marami akong ano, e... Siyempre, mahirap pong ano dahil may case ako at
nasa isang circle of friends sila kaya mahirap," sabi ni Katrina.