Professional Documents
Culture Documents
ni Artemio Ricarte
(b) Ang mga dimasambitlang kapaitang dinanas nitong may akda sa pangalawang
pagkapatapun niya sa Hongkong mula ng Hulyo ng 1910, hanggang Mayo ng 1915,
na dahil sa digmaan sa Europa'y ang Pamahalaang Ingles sa Hongkong ay tinapun
siya, makalawa rin, sa siyudad ng Shanghai.
c) Yaong mga napakasungit na paghihikaos sa buhay niya mula ng Hunyo ng 1915 na
siyang pagdating niya dito sa Imperiong Hapon hanggang sa ngayon, 20 ng Oktubre
ng 1927, araw na kaniyang pagsilang, kaya ihahakbang niya sa 62 taong gulang.
Ang anomang panukala, laluna kung may kaunting kabuluhan sa kinamulatang Inangbayan, kung mabigo man, ay nakaiiwan din ng isang bakas, at itong hubad na
"SALAYSAY" bagay sa Katipunan at sa Himagsikan, talang pinamagatan sa wikang
ingles nang:- "THE MEMOIRS OF GENERAL RICARTE", ay siyang tunay na anino
nyaong maalab na tangkang umakay sa akin sa pag-owing kong lihim sa Pilipinas ng
Disyembre ng 1903, upang magtatag, sa ilalim ng pangangasiwa ng Gobierno
Triunvirato Dictatorial, ng mga kawal para sa bagong Himagsikang isasabay sana sa
digmaan ng Hapon at Rusia, 1904; at sa gayo'y mapilit ang Estados Unidos ng Norte
Amerika, upang tupdin na niya ang kaniyang pangako sa bayang Pilipinas. Gumalagala akong, hila ng magandang pakay na yaon, sa mga lalawigang kanugnog ng
Maynila; ngunit, sa ab ko! nang mga 6 na buwan na sa ganitong gawain, ay siyang
paglitaw ng isang Hudas (Luis Baltazar, Escribano ng lalawigang Bataan) at ako'y
ipinagkanulo at ipinadakip sa bayang Mariveles ng ika 29 ng Mayo ng 1904.
Iniharap ako sa Hukuman sa Maynila at sa kasalanang,'CONSPIRACION" ay
hinatulan ako ng Hukom, Mrl. (marangal) na G. Manuel Araullo nang "ANIM NA
TAON, at sa rebolber nama'y "ISANG TAON AT ILANG BUWAN"; kaya't mula ng
Hunyo, 1904, hanggang Hunyo rin, 1910, nakulong akong nag-iisa sa isang silid na
pinanganganlang "BARTOLINA" sa Piitang Bilibid, Maynila.
Ubud nang kapanglawan ang kabuhayang tatalaktakin nang sinoman sa loob nang
silid na yaon, at lalu pang ngitngit ng kalungkutan sa isang gaya kong, hindi napiit
dahil sa maraming kasalanan, kungdi sa pagsalungat sa pamamanihala ng Estados
Unidos ng Norte Amerika sa buong kapuluan Pilipinas. Kahit kapiranggit na papel na
may titik na mabasa, ay wala, ni wala ring makausap man lamang, maliban sa tanod
na Amerikanong mukhay hitik ng kapootan, sa mga kuliglig at mga langgam na
nakasusuut sa guwang ng makiput na pintoan, at yaong mahahabaging gagambang sa
apat na panulok ng mga pader, ay nagsisihuling, upang maligtas ako sa kagat ng mga
kawan-kawang lamok, liglig langaw na nagsisilusot sa isang pabilog na butas na
batbat ng rehas, upang sa gabi'y madalaw nila yaong kulang palad na nabibilanggo.
Sa oras na pagbisita ng pinuno sa araw-araw ako'y humihingi ng trabahong sukat
mapagpalampasan ng masasaklap na saglit-saglit; kahit yaong magpison sa lupa,
Simula
1. Ang Panghihimagsik ng mga kaanib sa Katipunan, ay nagsimula noon ding araw na
si Dr. Jose Rizal, ay nabilanggo sa Fuerza de Santiago sa siyudad ng Maynila.
Isaac del Carmen Valentin Diaz Francisco Carrcon Guillermo Masangkay Dr. Pio
Valenzuela nila, G. Wenceslao (Ladislao) Diwa, G. Valentin Diaz, G. Aguedo del
Rosario, G. Alejandro Santiago, G. Pantaleon Torres, G. Vicente Molina (binaril), G.
Francisco Carreon at G. Briccio Pantas.
Ang Kataas-taasang Pamahalaang ito, ay itinayo sa pangulong-bayan ng Kapuluang
Pilipino. Sa mga lalawigan o bayang tinatahanan ng maraming kaanib, ay nagtatag din
ng isang Sangguniang Bayan na binubuo naman ng isang Pang-ulong SangguniangBayan, ng isang Kalihim, ng isang Tagausig at ng isang Tagaingat-yaman
Sa mga bayang kakaunti ang kaanib ay nagtayo rin naman ng isang SangguniangBalangay, na binubuo ng mga taong kasing-dami rin ng mga kagawad ng
Sangguniang Bayan, at ang mga kasangguni, ay ang lahat ng Pinunong Balangay. Ang
pangkat na pinamamagatang Balangay ay katulad na katulad ng sa "cabeza de
barangay" na isang katipunang katutubo sa mga Pilipino at dinatnan na aito ng mga
Kastila at pinag-ayos pa nila.
4. Ang pagpapatala sa Katipunan. Ang sinomang umaanib, matapus hingan ng
ilang katunayan ng katibayangloob, tapang at pagka-makabayan, ay pinapanunumpa
at pinalalagda ng kanya ring dugong tinigis sa isa niyang bisig, tuloy ipinangangako
Pangalan sa Paghihimagsik
Magdiwang
Mapagtiis
Salinas
Naic
Magtagumpay
Katwatwa, (sa huli) Molukas
Walangtinag
Naghapay (kay Alfonso)
Magdalo
Haligue
Gargano
Magpuri
Bagongsinag
Maypagibig
At noon din ay tinungo ng mga katipunan ang himpilan ng Guardiya Civil na nalalayo
lamang ng mga 300 metro sa tribunal ng bayan. Ang mga katipunan ay
pinasalubungan ng kagitla-gitlang paputok, pagkat nakuhang maipinid ang pinto ng
himpilan ng mga Guardia Civil, sapagkat nakarating doon ang tinurang kapitan sa
bayan na patakbong nakasalisi sa nagugulong tao at ipinagbigay-alam sa
pangsamantalang Teniente ng mga sibil, dahil sa ang talagang pinuno'y nagtungong
Nobeleta nang umaga pa, at dito'y nag-alsa na ang buong bayan. Binalak ng mga
katipunan nang mga sandali ring yaon kung ano ang mabuting paraan, upang makuha
ang himpilan ng mga sibil; ngunit walang nangyari. Sa pagpupumilit ng mga
sumasalakay, sila'y namatayan ng isa, na nagngangalang Pablo, taga-Naik, at isang
nasugatan na nagngangalang Felicisimo, taga nayon ng Presa, Mapagtiis. Nang mga
ika-5 ng hapon ng tinurang araw, isa sa mga sibil na walang dalang sandata at
nakapaisano na, sapagkat isa siya sa mga sibil na nagsisuko sa tapat ng tribunal ng
Nobeleta, ay humarap sa guro ng paaralan at siya'y dinala nito sa lansangan ng
himpilan ng mga sibil at pinasigaw mula rito na tawagin si Cabo Aclan; nang marinig
nito at makilala ang tinig ng kanyang kawal, ay tumanong ng kung ano ang ibig, na
Makaraan ang pagbubuno, ang mga sibil ay pinaghubad ng kasuutan ng mga taong
bavan at inanyayahang magsianib sa paghihimagsik, na tinalima namang walang
alinlangan ng mga sibil na noon di'y naging mga kawal na ng Katipunan.
Pagkaraan nito, ang mga katipunan ay nagsitungo sa himpilan ng mga sibil, na
nalalayo lamang ng mga dalawang libong metro mula sa bahay Munisipal; nau-una sa
lakad ang mga asa-asawa ng mga kawal at ilang mga anak-anak nila na hatid ng isa sa
mga guardiyang nabihag. Ang himpilang pinamamahalaan noon ng Cabong Pilipinong
Gojonera, ay hindi man nakapangahas magpaputok kahit isa at isinuko ang lahat ng
sandata, dahil sa gayong kalungkut-lungkot na pangyayaring napagmalas. Noon din,
ang asawa ng kapitan Robledo at ang anak, ay bihag na dinala sa bahay ng naging
gobernadorsilyong si G. Ariston Villanueva, na kinatanggapan nila ng lahat ng
mabuting pagtingin at paggalang ng tanang pagsisipaghimagsik.
Ang Sangguniang-Bayang Magdalo, na binubuo ng hukom pamayapa noo'y si G.
Baldomero Aguinaldo, Pang-ulo, ng kapitan munisipal, G. Emilio Aguinaldo, na
sumasagot sa buong panahon ng panghihimagsik sa pamagat na Magdalo, salitang
hango sa Magdalena na siyang pintakasi sa Cavite el Viejo (Kawit), ni G. Candido
Tirona, G. Tomas Mascardo, G. Benigno Santi, guro sa paaralang-bayan, atb. pa.
kahima't mahigpit na nagsitutol, gaya ng nabanggit na sa unahan nito, sa pagkaigaya
marahil sa tagumpay na tinamo ng mga taga Magdiwang, ay nagbangon din sa huli at
pinagpilitang madakip ang isang pareha ng guardiya sibil na naparaan lamang doon sa
pagtungo sa Imus. Ito'y utang din sa matatapang na sina Tirona at Mascardo na silang
nangulo sa pangkat na humuli sa mga naturang sibil. Nang magbalik si G. Emilio
Aguinaldo, na nang umagang yaon ay nagtungo sa pangulong-bayan ng lalawigan,
upang makipanayam sa Gobernador tungkol sa isang pangkat ng mga tulisang
lumitaw sa nayon ng bayang kaniyang nasasakop; kayat humingi tuloy ng abuloy na
mga sandata, ay nakipisan kapagkaraka sa mga kabig nina Tirona at Mascardo, at
noon di'y kanilang nilusob ang asyenda ng mga prayle sa Imus na binabantayan ng
ilang kawal na guardiya sibil, at gayon din naman ang himpilan ng mga ito roon. Ang
asyenda ay dalawang araw na kinubkob, hanggang nakatakas ang mga nanglalaban sa
loob kasama ang lahat ng naroong mga prayle. Ang himpilan ng mga sibil ay sumuko
namang nagkataon pinapasok ng mga naghihimagsik ang asyenda.
Ang masigla't walang lagot na sigawan ng madlang: Mabuhay ang Pilipinas!,
Mabuhay ang mga Anak ng Bayan!, dahil sa mga tagumpay na natatamo, hangan sa
mga sandaling yaon, ay umalingawngaw hanggang sa kasuluk-sulukang pook ng
lalawigan; kaya wala pang isang linggo noon at ang karamihan sa mga bayan,
matapus pasuking ang mga bantay na sibil sa kani-kanilang pook, ay nagsianib sa
Sangguniang-bayang Magdiwang ang iba, at ang iba nama'y sa Sangguniang-bayang
Magdalo. Mula nga noon ay nahulog ang buong lalawigan ng Kabite sa
kapangyarihang naghihimagsik, maliban ang pangulong-bayan at ang San Roque, La
Caridad at Carmona, saka ang himpilan ng mga kawal na impanteryang pangdagat sa
Binakayan na sakop ng Kabite el Viejo at ang sa guardiya sibil sa pook ng Carmen
(Puting Kahoy) na nasasakupan ng Silang.
13. Mga sandatang ginamit ng Lalawigan. Ang mga himpilan ng guardiya sibil
na nakuha ng mga naghihimagsik, ay ang sa Nobeleta, na siyang pangulong-bayan
noon ng mga sibil sa boong lalawigang Kabite, ang sa San Francisco de Malabon,
Buenavista, Kintana, Naik, Polangui, Magallanes, Alfonso, Silang, Paliparan at Imus,
at sa pamamag-itan ng mga baril at punlong nasamsasn sa mga naturang himpilan at
saka sa ginawa ng mga naghihimagsik na mga lantakang binilibiran ng kawad ng
telegrapo at saka sa mga kampanang tinunaw sa maestransa sa pamamahala ng insik
na binyagang si G. Jose Ignacio Pawa, sa Imus, at ng isang Pilipinong taga-Maynila,
sa San Francisco de Malabon, ang Lalawigan ay nakapananggol laban sa paglusob ng
mga Kastila mula sa una pang kilusan ng paghihimagsik hangga noong mga unang
araw ng Hunyo ng 1897 na ikinabalik ng buong lalawigan sa kapangyarihang kastila.
14. Mga bihag na Kastila. Lima katao ang nabihag na mga kastila: Fr. Eckavarria
(Agapito Echegoyen), kura sa Amadeo; Fr. Piernavieja, naging kura, matagal pa bago
maghimagsik, sa San Miguel de Mayumo, Bulakan, na pumatay ng dalawa sa
kanyang mga alila; isang prayleng di nagmimisa kundi tagapangasiwa ng asyenda sa
Buenavista (San Francisco de Malabon); isang kabo ng guardiya sibil at isang
sinasaklolohan ng isa; ngunit napakapait alalahanin ang nangyari nang dakong huli,
palibhasa, samantalang napapalapit ang pagtatapus ng taong 1896, ang dalawang
Pamahalaang iyan ay walang abug-abog na nagwalaang-bahala kapwa sa mga
pangangailangan at kapahamakang inaabot ng isa, hanggang sa sila'y nagtatanimang
unti-unti, at lumala nang lumala hanggang sumapit ang sandaling muntik nang
ipagbaka ng nga magkakabayan din. Ang ganitong inanyo ng dalawang pamahalaang
iyan ng Panghihimagsik ay maliwanag na napagkilala nang ganapin ang pagpupulong
sa Teheros at lalo na nang tanggapin ang tungkol ng mga nahalal sa pulong na yaong
sina GG. Emilio Aguinaldo, sa pagka-Pang-ulo ng Republika Pilipina; Mariano Trias
Closas, sa pagka-Pangalawang Pang-ulo, at Artemio Ricarte sa pagka-Kapitan
Heneral, na idinaos naman sa kombento ng Santa Cruz de Malabon noong gabi ng
sumunod na araw sa pagkaganap ng pulong sa Teheros, gaya ng ating makikita sa
ibang bahagi ng ulat na ito.
18. Mga pagpapabaril. Nang kalahatian ng Setyembre ng 1896, ay binaril ang
kapitan munisipal ng Fan Francisco de Malabon, na si G. Eugenio Viniegra sa utos ng
Sangguniang-Lalawigan ng Nobeleta na ang tumupad ay si G. Santos Nocon, Pangulo ng Sanggunian-Balangay sa naturang bayan. Ilan ang pinagusig na pagkakasala
laban sa naturang kapitan munisipal ng kanyang mga kaaway namanghihimagsik: Na
ang nabanggit na Viniegra ay masugid na kalaban ng pakikianib sa Katipunan at sa
gayo'y tahas na kaaway ng dakilang layon; na noong ika-31 ng Agosto ay tinangka
niyang ipabaril ang guro sa paaralang bayan, pagkakasalang sinaksihan ng isang
babaing si Binibining Clotilde Portilla; at saka ang marami niyang mga kamag-anakan
ay hinihimok na huwag makipanig ni makitulong sa mga naghihimagsik. Sa pagbaril
sa kanyang ginanap sa tabi ng libingan ng bayan, ay kaharap, ang Kagawad ng mga
Biyaya at Katarungan, G. Labong, saka ang paring si G. Manuel Potenciano Trias, na
siyang pinangkumpisalan ng nahatulan. Sa Imus ay mayroon ding isang binaril sa atas
ng Sangguniang-Bayang Magdalo at ang nahatulang ito'y ang kapitan ng mga
kuwadrilyero sa bayang iyon na kilala sa tawag na kapitang Poro; ito'y hindi namatay
sa punlong tumama sa kanya, kundi nasugatan lamang ng malubha sa itaas ng
baywang, gawa ng naturang punlo, na pumasok sa likod at lumabas sa may tagilirang
kanan. Tulad din sa nauna, ito'y pinag-usig sa pagkakasalang siya'y kaaway ng
Katipunan, at dahil pa sa pagtulong niya sa mga kalabang nagsanggalang ng
pangatawanan sa bahay-asyenda ng mga prayle sa Imus. Ang ginanap na kahatulang
ito sa mga taong litaw sa mga bayang nasabi na, ay ikinasugpong lubos, sa loob ng
Pamahalaang Naghihimagsik, ng mga pagnanakawan at katampalasanang napakalimit
mangyari sa lalawigan yaon sa ilalim ng Pamahalaang Kastila.
19. Ang mga kurang prayle at ang mga asendero. Samantalang ang mga
katipunan ng dalawang Sangguniang-Lalawigan, ay nagsisilusob sa mga himpilan ng
mga guardiya sibil na di pa nagsisisuko, gaya ng sa Buenavista (S F. de Malabon), at
iba pang maraming nagsisipagtanggol sa mga bayang nasabi, laban sa mga abuloy na
kawal kastilang nagsisilusot sa iba't ibang dako, paris ng nagbuhat sa Kintana (Santa
Cruz de Malabon), na binaka ng mga kabig ng Mapagtiis sa pook ng Pasong Malaki,
kalapit ng S. F. de Malabon at Sta. Cruz, na ikinapatay sa sarhento ng mga kawal
kastila; at samantalang ang pulutong ng tenyente ng guardiya sibil ng Naik ay
kinabaka mula sa Rosario hangang Nobeleta, na ikinapatay dito sa huli sa pinuno at
ilan sa kanyang mga kawal; samantalang ang pangkat ng impanteryang-pangdagat na
nagbuhat sa Kabite, ay kinakalaban ng mga kawal ng Panghihimagsik mula naman sa
himpilang sibil sa Nobeleta, na nakuha ng mga katipunan ng sinundang araw lamang,
pangkat na matapus mapaurong ay kinasamsaman pa ng ilang mnga baril na mauser,
bagay na lubhang ikinagalak ng mga naghihimagsik, sa dahilang noon pa lamang sila
nakakita ng gayon yaring baril; at sa huli'y, samangtalang ang kagulat-gulat na
pangkat ng komandante Aguirre, na galing Maynila at sa mabilis na pagkakapaglagos
sa mga bayang Palanyag at Las Pinias, ay nakuhang walang laban ang Bakood, kayat
matuling nakapagpatuloy noon din sa Imus, ay kinakalaban ng boong higpit ng mga
katipunang nahihimpil sa bahay-asyenda na pinangunguluhan ni G Emilio Aguinaldo,
at ang naturang Aguirre, ay di lamang napaurong kungdi hinabol pa ng mga
naghihimagsik hanggang sa tulay ng Las Pias, at sa tabi ng tulay na ito kinakitaan ng
maraming bangkay ng matatanda, bata, babai, lalaki; - samantalang - ang lahat ng ito'y
nangyayari, - aking inuulit, - bukod pa ang ilang maliliit na bagay sa mga bayanbayan,- sina GG. Francisco Valencia naman, kapitan munisipal ng Santa Cruz de
Malabon, Jose del Rosario, at ang kapatid nitong Valeriano del Rosario, parmaseutiko
at butikaryo sa bayan ng Rosario, Juan Cailles, guro sa paaralang nayon ng Amaya
(Sta. Cruz de Malabon), Cesareo Nazareno, naging gobernadorsilyo ng Naik, at iba
pa, ay nagsisigawa ng mga paraan, upang matulungan sa pag-alis sa lalawigan ang
mga kura paroko, kasama ng mga prayleng tagapangasiwa ng mga asyenda, gayon din
ng sa Santa Cruz at Teheros na si Fr. Torcuato Palomo. Ang mga tinurang prayle'y
nagsilulan sa isang bangka na sinamahan pa ng mga Pilipinong nasabi, upang
magsipagtungong Korehidor. Ngunit dahil mandin sa pagkaalala sa kanilang mga
anak na maiiwan, o kaya nama'y dahil sa utos ng kanilang mga among na prayleng
kasama, ay nagsitalon sa tubig, upang makapagbalik ng langoy ang mga Pilipinong
nasabi na, pagkat malayo na rin ang nararating ng kanilang bangkang sinasakyan; at
salamat sa kadiliman ng gabi, at sa pag-uulan, palibhasay Setyembre noon, ay
nangakaowi rin sila sa kani-kanilang bahay na di namalayan ng madla; gayon ma'y
napagtalastas din ng mga naghihimagsik ang nangyari; kung kaya ang mga yao'y
kinabigatan ng dugo, matangi si Cailles na natutong manuyo at nakapagtamo naman
ng pagtingin nina GG. Mariano Alvarez at Santiago Alvarez, na silang tumanggap sa
kanya sa sinapupunan ng Katipunan at siya'y inihalal tuloy na Koronel ng hukbong
naghihimagsik, tungkulin na inalis sa kanya ng Kagawad-Digma na si G. Ariston
Villanueva, pagkatapus ng pagsalakay sa bayan ng Liyang, Patangan, dahil sa di
tumpak na ginawi ng Koronel sa labanang yaon, at dahil pa sa pagkatuklas sa kanyang
Ikalawang Bahagi
20. Paglusob sa La Caridad. Nang kasalukuyang si G. Santiago Alvarez at ay
nagsisipagsiyasat sa Naik at Maragundong isang araw na magtatapos na ang
Setyembre, ang dating kabo Aklan ng guardiya sibil, na sumuko sa San Francisco de
Malabon, at noo'y halal nang Komandante ng Paghihimagsik, ay lumusob sa mga
kawal-kastilang tanod sa La Caridad, kasama ang mga tao ng Mapagtiis na
kinabibilangan ng matatapang na kabataang Julian Montalan, Justo Soto at Calixto
Colorina. Pagkatapus ng mga apat na oras na pakikilaban ng buong bigpit ang mga
sumalakay ay umurong na dala ang bangkay ni Calixto Colorina at marami pang
sugatan, isa rito na malubha, ay si Komandante Aklan, na pagkaraan ng isang oras
mula sa pagdating sa himpilang sibil sa Nobeleta, ay nalagutan ng hininga, at ang
kanyang bangkay ay ipinadala sa San Francisco de Malabon na kinaroroonan ng
kanyang asawa't, anak. Ang paglilibing na buong kalingkutang ginanap kabukasan, ay
dinaluhan ng mga pinunong naghihimagsik, at doon din sa bahay ng nasira, ay
pinagkaisahan nila ang pagkakaloob ng sampung piso sa buwan-buwan, bilang abuloy
sa naiwang balo. Ang buong nangyari sa pagsalakay na yaon, ay gaya ng sumusunod:
Ang mga kawal kastila ay nagbalak magtayo ng mga kuta sa kipot (istmo) ng
Dalahikan, pag-itan ng La.Caridad at Nobeleta, at ang mga tanggulang iyon, kahit di
pa nasisiyasat, ay pinasalakay na ng Pang-ulong Digma, ng gabi ng ika-3 ng Oktubre
at sa labanang yaon, ay nagkaroon nga ng maraming sugatan, nakaiwan ng mga
bangkay ng nangasawi at saka nawalan pa ng pitong baril.
Ang mga naghihimagsik na pinamumunuan ni G. Emilio Aguinaldo ay gumawa ring
makailan ng pagtatangkang paglusob sa Las Pias, at sila GG. Vito Velarmino at
Tomas Mascardo sa kinatatayuan naman sa Carmen ng mga guardia sibil na kilala sa
tawag na Puting-kahoy, pag-itan ng Silang at Santa Rosa (Laguna de Bay), ngunit
hindi nagkapalad ang kanilang pagtatangka. Halos araw-araw ay may nangyayaring
pagpapanagpo at paglalaban ng mga kastila sa naghihimagsik ng pamahalaang
Magdalo at ng Magdiwang.
21. Sasakyang kastilang nabagok, Noong mnga sumunod na araw, pagkaraan ng
ika-4 ng Oktubre, ang isang sasakyang pangdigmang-dagat ng mga kastila na
humahabol noon sa mga bangka ng mga mamamalakaya sa baybayin ng bayang
Rosario ay napasadsad, isang umaga, sa buhanginan, at sa dahilang ang mga
naghihimagsik noon na pinangunguluhan ni G. Mariano San Gabriel, ay nagpupumilit
makalapit, upang masamantala ang nangyari, masalakay ang sasakyan at masamsam
ang mga lulang sandata nito, ay pinasimulan pagdakang paulanan ang kabayanan ng
mga punlong iba't ibang sukat; kayat maraming lalaki't babaing mga nanahimik sa
kani-kanilang tahanan, ay nangapatay. Sa buong maghapong yaon, ay di nagtigil sa
kapapadala sa bayan ng mga putul-putol na bakal na pamatay, at ito'y umabot
hanggang gabi na ikinaalis sa pagkasadsad ng tinurang sasakyan, salamat sa paglaki
ng tubig at lumutang muli ang nabanggit na sasakyang-pangdigma.
22. Paglusob sa bayan ng Liyang, Batangan, ng Kapitan Heneral at punonghukbo ng pamahalaang Magdiwang Ilang raw pagkatapus ng pagkagahis na yaon
ng hukbo ng Magdiwang sa harap ng mga tanggulang kastila sa Dalahikan noong ika3 ng Oktubre, sina GG. Santiago Alvarez, Pang-ulong-Digma, Mariano Riego de
Dios, Heneral ng Brigada, at Juan Cailles, Koronel, at iba pang mga bantog na
katipunan, ay nagsitungo sa bayan ng Magallanes, at sa pamamag-itan ng mga
kasamang sandatahan, may gulok, sibat at pana at ilan-ilan lamang ang may baril, ay
kanilang sinalakay ang mga tanod na kawal kastila sa Liyang, isa sa mga bayan ng
lalawigan Batangan. Sa una pa lamang pagpapanagupa, ay nakuha ng mga katipunan
may ligpit sa kombento ang tanod na kastila at kanilang nakubkob. Sa galak ng mga
naghihimagsik sa pagkakapalad na ito, at habang hinihintay sa isa't, isang sandali ang
pagsuko ng mga nakukubkob, ang halos lahat ng pinuno, nang ikatlong araw na, ay
nagsipagsadyang may banda pa ng musika sa himpilang pangkalahatan. upang batiin
ang Pang-ulong-Digmang si G. Santiago Alvarez. Langung-lango sa kagalakan ang
madla, nang kaginsaginsa'y biglang tinanggap na lamang ang makapal na paputok ng
baril; kayat ang lahat pati ng Kapitan Heneral na ipinagbubunyi, ay nagpanakbuhang
palabas sa himpilan, upang makaligtas sa sakuna; patakbong tinawid ng marami ang
malalawak na kaparangan, pinanhik ang mga burol at kabundukan at nilusong at
nilangoy ng pangatawanan ang mga ilog na ang tubig ay may dalawa o tatlong sikong
lalim lamang. Napataw kay Koronel Cailles ang pananagutan sa nangyari, pagkat sa
pook na kinatayuan niya sa Balayang, ay doon nakapamusot ang mga abuloy na
kastila, at ang ganito'y hindi man naipagbigay alam sa himpilang pangkalahatan
23 Pagsalakay sa bayan ng Talisay, Batangan, ng Pangulong-Digma sa
pamahalaang Magdalo, G. Emilio Aguinaldo Kasabay ng paglusob sa bayan ng
Liyang ni G. Santiago Alvarez, Pang-ulong Digma ng Magdiwang, ay lumusob din
naman si G. Emilio Aguinaldo, Pang-ulong-Digma ng Magdalo, sa mga tanod na
kastila sa Talisay, isa sa nmga bayang sakop ng Batangan. Si G. Emilio Aguinaldo ay
nagkapalad noon ng higit kay G. Santiago Alvarez, pagkat, makaraan lamang ang
ilang araw na pagkubkob, ay nakuha niya ang Talisay. Ang mga tanod na kawal
kastila, nang nagtitiis na ng gutom at iba pang kahirapang dulot ng pagkakulong, ay
nagtangkang tumakas isang hating-gabi at iniwan ang kombento at simbahan, ngunit
hindi naari; pagkat karamihan sa mga naturang tanod na mga kastila at pilipino, ay
pawang nahulog sa kamay ng mga naghihimagsik. Ang mga kastila ay nangapalagay
na bihag nang mga ilang araw; ngunit nang dakong huli, ay nagsianib na rin sila sa
banal na layon ng Panghihimagsik at nagsiganap naman ng di kakatinting
paglilingkod ng buong katapatang-loob.
24 Paglikom ng mga abuloy sa Digma Sa dahilang ang kabang-yaman ng
Himagsika'y walang salapi, ang dalawang pamahalaa'y nagkaisang humingi ng abuloy
ukol sa digma sa mga may-kaya sa kani-kanilang bayang sakop: ang ganitong
akala, ay ipinag-katipon ng mga Kagawad sa nasasakupan ng Magdiwang, at ang
napagkaisahang manungkol ng pangingilak, ay itong mga sumusunod: G. Ariston
Villanueva, kinatawan sa mga bayang Rosario, Santa Cruz de Malabon at Naik; G.
Emiliano Riego de Dios, sa Maragundong, Ternate, Magallanes at Bailen; Mariano
Trias Closas, sa Indang at Alfonso; G. Diego Mojica at ang Pang-ulo ng Sanggunian,
G. Mariano Alvarez, sa San Francisco de Malabon at Nobeleta.
Ang lahat halos ng mayayaman ay nagsisitangging magbigay ng halagang hinihingi sa
kanila ng mga kinatawang nasabi, na naaalinsunod sa angking kayamanan ng isa't isa.
Dahilan sa pagtanggi nilang ito, ang Kagawad-Digma sa pamahalaang Magdiwang na
si G. Ariston Villanueva, ay napilitang gumawa ng mahihigpit na pamalakad, at
sinamsam ang mga ari-arian ng tanang nagsisitangging magbigay sa kaban ng
kalooban, mula sa isang tribunang sadyang itinayo na gaya rin ng sa San Francisco de
Malabon. Sumunod sa pista ng Naik ang sa Ternate, na pagdadapit-hapon ay
nagkaroon din ng talumpatiang magigiting; napatangi sa mga nagsibigkas si G.
Ariston Villanueva, Kagawad-Digma ng Magdiwang, dahil sa matalinong
pagkakadugtong niya sa kanyang talumpati, ng isang kuwentong katawa-tawa, na ang
sabi sa pagtatapus ay ito;
"Noong mga nakaraang araw, ay ipinagbawal ng isang kura sa bayang ito, ang
pananabi sa mga tagiliran ng simbahan, at ang kabawalang ito ay makatuwiran nga,
palibhasa ang simbahan ay bahay na nauukol sa Poong Bathala at dapat ngang laging
maging malinis sa lahat ng dumi, maging sa loob, maging sa labas at sa batong
paligid-ligid niya. Matagal na panahong walang sinomang lumalabag sa kabawalang
iyon; ngunit isang araw na pista ring paris nitong ating ipinagdiriwang ngayon, na
pagbubunyi sa Nio Jesus, mapaghimalang Pintakasi ng bayang ito, ay nakakita ng
dumi ng tao sa isa sa mga pinto pa namang tagiliran ng simbahan.
"Isipin ninyo ngayon, mga kababayan ko, ang malaking samang loob na dinamdam ng
kura. Ipinakaon ang lahat ng tagisuyo ng Nio Jesus na nagkatipon sa pista, upang
masiyasat kung sino ang pangahas na sumuway sa naturang kabawalan. Inaakala kong
itatanong ninyo ngayon sa akin kung paano ang paraan ng pagkakasiyasat, at
sinasagot ko kayo na madali lamang ang kaparaanang ginawa ng lupong sadyang
hinirang sa gayon. Sinuri ang dumi at naipalagay, pagkatapus, na isang babae ang nagiwan doon, pagkat ang pinaka-tubig ay buhos na buhos sa ibabaw na rin ng tumpok;
bagay na hindi mangyayari kung lalaki, anila, ang may-gawa; at kung gayon nga, ay
dapat mapabuhos lamang sa isang tabi ng nasabing tumpok. Umalingawngaw nang
gayon na lamang ang palagay na ito, at, sabihin pa, ang mga babae sa bayan ay
nagsitutol ng pagtutol namang makatuwiran, pagkat gaya ng nasabi na nga ay ganap
ang kanilang paggalang sa nasabing kabawalan ng kura. At sinabayan ito ng panaog sa
tribuna ng mananalumpati, kayat siya'y pinasundan ng umaatikabok na alakpakan at
tugtog ng banda nang musika."
g Paglusob sa bayan ng Balayang, Batangan. Ang Heneral ng Brigada sa hukbo
ng Magdiwang na si G. Eleuterio Marasigan, na natatayo sa mga pook na nasa pagitan
ng Kabite at ng Batangan, ay nagharap sa Kagawad-Digma ng kanyang balak na
natutungod sa tinatangkang paglusob, ay pinanguluhan ng naturang Kagawad-Digma
at ng Pangulung-Digma ang pagsalakay. Nagkahigpitang mabuti ang paglalabanan at
maraming namatay na kawal ng Panghihimagsik, kabilang sa kanila'y si Ambrosio
Olasiman, isa sa mga nalabing buhay sa pagkatakas ng mga bilanggo sa piitan ng
kabesera, noong buwan ng Oktubre, pagkatakas yaong ikinabaril kay G. Ladislao
Nocon, isa sa mga tanyag sa San Francisco de Malabon, dahil sa kanyang kabihasnan
at madagubdub na pag-ibig sa bayan. Pagkakitang di mapaalis ang mga kaaway, ay
nagsiurong ang mga sumasalakay na naghihimagsik na maraming kasamang sugatan,
ilan dito'y sina GG. Domingo Dones, Komandante, at Rafael Sotto, Tenyente. Itong
huli ay nasugatan sa dalawang palad ng kamay nang sandaling siya'y may hawak na
isang munting aklat na dasalan at anyong dumadalangin, kaya'y nag-o "oremus",
ayon sa palasak na katawagan sa gawaing ito.
i Pamahalaang sarili ng lalawigang Batangan. Ang mga litaw na taga-Batangang
nagsisipangubli sa mga bayan-bayan ng Kabite, ay nagkatipon at nagdaos ng pulong
sa bayan ng Indang (Kabite), at kanilang pinagkaisahan ang pagtatatag ng
pamahalaang pang-lalawigan lamang ng Batangan (Gobierno Regional de Batangas).
Ang mga pang-unang naging kagawad ng pamahalaang itong sarilinan (regional). ay
itong mga sumusunod:
G. Lorenzo Fenoy. pangalawang Pang-ulo ng Pamahalaan (Vice-Presidente).
G. Ananias Diokno, Kagawad o Kalihim-Digma
G. Santiago Rillo, Kagawad o Kalihim-pangloob (Interior), gaya ng makikita sa big.
32 ng mga talang ito, titik c.
G. Miguel Malvar, Pang-ulong-D:gma, at
G. Eleuterio Marasigan, Heneral ng Brigada
j. Si G. Feliciano Jocson at isang nagngangalang Totong na taga Santa Ana,
Maynila, kilala sa Katipunan sa pangalan "Patola". Ang dalawang tanyag na
katipunerong ito ay nagsirating sa lalawigan buhat sa Maynila, may dalang maraming
salitre, pulbura, tingga, krisol na gamit sa pagtunaw ng bakal at marami pang
kasangkapang ukol sa pagawaan ng armas (maestranza). Iminungkahi ni G. Jocson sa
dalawang pamahalaang, Magdiwang at Magdalo, na magkaloob kapuwa ng nararapat
na halagang salapi, upang makapagpabili ng mga armas sa Hongkong, at siya na rin
ang maaaring magsadya sa tinurang lupain. Sinang-ayunan naman ng dalawaag
pamahalaan ang mungkahi, at si G. Jocson ay binigyan ng malaking halaga ng salapi,
upang ibili niya sa Hongkong ng mga armas na baril at mga punlo.
k Nang buwan ding ito ng Enero ng 1897, ay dumating sa San Francisco de
Malabon ang isang malaking pulutong ng mga kawal na namuhatan sa mga
kabundukan ng Bulakan at Maynila; ang mga kawal na ito ay nagsipag-alsa sa bayan
ng San Jose, sakop ng lalawigang Bulakan. Sina GG. Arsenio Mauricio, taga-Tundo,
Maynila, at Pedro Giron, taga Baliwag, ang silang nahirang na maging pinuno ng mga
kawal na ito, na sa ilalim ng pamamanihala ni "Vibora", ay nagsipagtanod sa mga
tanggulan sa Nobeleta. Isang bahagi ng pangkat na ito'y ipinagsama sa paglusob sa
Balayang, at doo'y minsan pa nilang naipamalas ang maapoy nilang pag-ibig sa
tinubuang-lupa.
Ikatlong Bahagi
33. Mga pangyayari nang buwan ng Pebrero, 1897.
a Sa loob ng unang kalahatian ng buwang ito, ay kumalat ang balita sa buong
lupaing nasasakop na ng Panghihimagsik, na si Heneral Polavieja, na humalili kay
Heneral Blanco sa Pamahalaang kastila sa Pilipinas, ay nagtatangkang lumusob ng
buong higpit laban sa mga naghihimagsik; sa dahilang ito, ang ating mga kawal ay
nagsisipaghanda, nagtatayo ng mga tanggulang makakapal at matataas, gumagawa ng
mga hukay at yungib sa lahat ng pook na inaakalang mapaglalagusan ng mga kaaway.
Araw-gabi ay nagsisigawang walang likat ang mga taong naghihimagsik sa gayo't
ganitong tanggulan, at kasabay nito ay nagsisipagtatag naman ang ilang pinuno ng
mga pangkat na mamaman; ang mga iba ay ng tinatawag na mga manunumpit, na
ang gamit na sandata'y mga tubong kahoy o kaya'y tanso na mangdipang mahigit ang
hahaba at matutuwid, mga sandata itong gamit sa pamamaril pagtudla ng walang
kilatis, at ang iba namang mga pinuno'y nangatawan sa pagbabaon ng mga di
pumutok na punlong pampasabog na ibinuga ng mga kanyon ng mga kastila, at saka
nagsipaglagay na sa mga tagong lugal na dapat pagdaanan ng mga kaaway, ng mga
tinatawag na balatik o balaes, malalaking paigkas o patibong na nakatali sa mga
punong kahoy at paharap ang mga pinaka-palaso sa iba't ibang dako, upang umigkas
sa bahagyang pagkasaling at ang mga palaso'y pasugod na mabibilis sa magkabikabila. Ito ang mga gawaing pinagkaabalahan ng mga naghihimagsik sa loob ng mga
unang araw ng Pebrero ng 1897.
b. Ang Kagawad ng Biyaya at Katarungan ng Pamahalaang Magdiwang, na si G.
Mariano Trias Closas. Sanhi sa pagkakaroon ng sama ng loob kina G. Diego
M6jica, Kagawad-Kayamanan; G. Nicolas Portilla, Koronel, at G. Santiago Alvarez,
Pang-ulong-Digma, si G. Mariano Trias Closas ay umanib sa Pamahalaang Magdalo
at dito'y nagtaglay siya ng tungkuling pagka-Tenyente Heneral. Kasama niyang
nagsilipat sa Majdalo ang mga Kapitan Mariano San Gabriel at Julian Montalan, pati
mga pangkat na pinamumunuan ng dalawang ito. Ang paglilipatang nasabi, ay
nangyari rin sa loob ng unang kalahatian ng Pebrero, 1897.
mga kastila ng ika-19 ang kabayanan, at pagkapasok dito'y sinunog ang buong bayan,
matangi ang simbahan at kombento na siyang tinahanan nila. Napataw sa isang
Kapitang nagngangalang Ado ang buong sagutin sa pagkagahis na ito, dahil sa
pagkapadala niya sa mga kastila ng mga mapa at ulat ng mga tanggulan ng
naghihimagsik, at tuloy pang inisa-isa ang bilang ng mga kawal na doo'y natatanod,
saka itinuro pa ang mga dakong mahihina ng mga tanggulan. Dahil sa pagkakasalang
ito ay ipinag-utos ng Pamahalaang Magdalo na ipabilanggo si Ado sa piitang
naghihimagsik sa Buenavista. Inamin ang pagkakasalang nasabi at siya'y
humingingtawad kalakip ang pangangakong magbibigay naman siya sa mga
naghihimagsik ng lahat ng ulat at paraan, upang makubkob at mapaalis ang mga
kastila sa Silang. Nang ikatlong araw na ng pagkakuha sa Silang ng mga kastila, ay
inihanda na ng iba't ibang pulutong ng himagsikan ang pangatawanang pagtutulungan,
upang mabawi ang nasamsam na bayang yaon Lumagay ang mga kawal ng
Pamahalaang Magdalo sa hilaga (norte) ng kabayanan sa ilalim ng pamamanihala ni
G. Emilio Aguinaldo, at ang mga tao ng Magdiwang ay sa dakong kanluran sa
paninimuno nila GG. Andres Bonifacio, Mariano Trias Closas, Pascual Alvarez at
"Vibora", sa timog (sur) ang mga kawal na pinamumunuan ng Heneral ng Brigadang
G. Crisostomo Riel at G. Cristobal Bustamante sa Naik sa ilalim ng pamamahala ng
Kagawad-Pagpaunlad ng Pamahalaang Magdiwang, na si G. Emiliano Riego de Dios,
at nang nahahanda na ang lahat sa ganitong hanay, ay nagkalabanan ng kinabukasang
bagong nagliliwanag at nagkaroon ang magkabilang panig na magkaaway ng
maraming bawas. Hindi rin napaalis noon ang kaaway, at si G. Emilio Aguinaldo
naman ay patakbong napatungo sa Imus kasama ang lahat niyang kawal ng walang
anomang pasabi sa mga natatayo sa kanluran, ni sa mga nasa sa timog, ni yaong sa
hilaga. Ang mga ibang pangkat ay nagsiurong na rin kinabukasan at ang natirang magisa upang bantayan ang mga kaaway na kastila, ay ang pangkat ng Komandante
Montalan. Mula sa pook na pinamamagatang Putik, na pinagpasimulaan ng paglusob
sa dakong kanluran, ay nagsitungo sa Imus sina GG. Andres Bonifacio, Mariano Trias
Closas, Pascual Alvarez, Nicolas Portilla at "Vibora", upang makipanayam kay G.
Emilio Aguinaldo tungkol sa kung ano ang tinatangka niyang gawin sa bayan ng
Silang. Matapus ang pagpapanayam, si G. Daniel Tirona, Kagawad-Digma ng
Magdalo, ay patagong nag-abot ng mga katibayang pagka-Heneral ng Dibisyon kay
Bagong-Buhay at Vibora.
e. Ang mga kastila, pagkatapus ng ilan pang araw ay nagsialis sa Silang at
nagtungo sa Perez Dasmarias noong ika-27 ng Pebrero, ngunit sila'y hinarang sa
daan ng mga naghihimagsik, na bagama't siyang tiyak na mahina, dahil sa laging
pananalat ng punlo, ay di nagpapabayang di makipaglaban sa lahat ng sandali at saan
mang pook matagpuan ang mga kaaway. Nang mapag-alaman nang tinatangkang
makuha ng mga kastila'y ang bayang Perez Dasmarias, ang Magdalo at Magdiwang,
ay nagkaisang maglagay ng maraming taong sandatahan ng mga gulok at may sibat
ang iba sa dalawang bahay na batong malalaki sa bayang yaon, upang kung dumating
ang kaaway sa gitna ng kabayanan, ay bigla silang dumaluhong sa mga kaaway, at
sila'y pagpupuksain sa taga at ulos. Nagsirating nga sa bayan ang mga kastila noong
ika-28 ng Pebrero, ngunit sa halip na magsipasok sila sa gitna ng kabayanan ay
binakod ito sa mga palagid at saka pinagsisindihan ng apoy ang mga bahay-bahay.
Maramdaman ng mga gulukang nangakatago ang sunog na nagbabala, ay nagsilabas
sa kanilang kinakukublihan, nguni't sila'y pinasalubungan ng paputok at saksak ng
mga bayoneta ng mga kastila. Kakaunti ang nakaligtas sa mga sandatahang yaon na
hindi nangamatay. Ilang mga ganting-pagsalakay pa rin ang ginanap ng mga namayan
sa pamunuan ng Magdiwang, at ng mga namayan sa Magdalo ang nagsisipanguna, at
kung minsa'y ang hukbo ni G. Andres Bonifacio, ngunit ang kahit isa nito'y walang
mabuting kinasapitan. Sa mga nasawi sa mga laba-labanang ito, ay kasama ang isa sa
mga Heneral ng Magdalo na nagngangalang Yenco, taga Santa Cruz, Maynila, si G.
Alipio Dragon o Piorrodas at si G. Esteban Moya, mga pinuno sa pangkat ng
Komandante Montalan.
Mariano Alvarez, Pascual Alvarez, Santiago Alvarez, Luciano San Miguel, Mariano
Trias Closas, Severino de las Alas, Santos Nocon, at iba pa; at sa nga kaanib ng
Magdalo naman, ay kabilang sina GG. Baldomero Aguinaldo, Daniel Tirona,
Cayetano Topacio at Antonio Montenegro at iba pang mga ginoo.
Pagkabukas ng pulong na pinangunguluhan ni G. Jacinto Lumbreras, na siyang, sa
maiksing pananalita'y, nagpatalastas sa lahat ng sanhi ng pagpupulong, si G. Severino
de las Alas ay huminging-tulot na makapagsalita, at pagkabigay sa kanya ng
pahintulot, ay nagsabi, na bago mag-usap ng tungkol sa pagtatanggol sa isang maliit
na lupain ng lalawigang Kabite, ay dapat munang pag-usapan ang uring pamahalaang
dapat pairalin sa Kapuluan sa loob ng kasalukuyang kalagayang yaon, at sa
pamahalaang ito, anya, ay maaaring manggaling ang lahat ng ibigin at kailanganing
pagtatanggol.
Siya ay sinagot ng Pang-ulo sa pulong, na ang Kapuluan ay may Pamahalaan na, mula
pa sa pagkakatatag ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan, ng Ktt. Sanggunian nito, ng
mga Sangguniang Lalawigan, at ng mga Sangguniang-Bayan. At saka inulit noon din
ng Pang-nlo ang pagpapaalala ng dahilan ng pagpupulong na isang bagay na tutoong
mahalaga sa mga gayong sandaling panganib. Si G. Andres Bonifacio sa
kapahintulutan ng Pang-ulo, ay nagsalita at pinatunayan niya ang unang ipinahayag ni
G. Lumbreras hinggil sa pamahalaang sa kasalukuya'y umiiral na sa Kapuluan; at
ipinaliwanag tuloy niya ang kahulugan ng K na nakalagay sa gitna ng araw na bagong
sumisikat sa Watawat, na "Kalayaan" ang ibig sabihin, ayon sa nasasaad sa ulat ng
Bandila ng Panghihimagsik.
Si G. Severino de las Alas ay muling nagsalita at anya: Na ang titik "K" sa bandila at
ang bandila na ring iyan, ay di maaring magpakilala kung anong uring pamahalaan
ang umiiral sa kasalukuyang panghihimagsik, na anopat hindi masabi kung
"Monarquico" o maka-hari o kung "Republikano" kaya naman (makabayan). Ipinakli
ni G. Andres Bonifacio na ang mga Katipunan mula sa Ktt. Parng-ulo ng Mataas na
Sanggunian hanggang sa kababa-babaan, ay ganap na kumikilala sa mga simulaing
ito: Pagkakaisa, Pagkakapatiran at Pagkakapantay-pantay; at sang-ayon dito'y
mapagkikilalang maliwanag na ang Pamahalaan ng Katipunan ng mga Anak ng
Bayan, ay hubog republikano makabayan.
Tumayo si G Antonio Montenegro at siya namang nagsalita ng pagkatig sa palagay ni
G. De las Alas, at sa isang tinig na di pangkaraniwan, ay sinabi ang ganito: Kung di
natin pagpasyahan dito ang kahilingan ni G. De las Alas, tayong lahat na mga
naghihimagsik, ay mapapatulad sa isang hamak na pangkat lamang ng mga tulisan
kaya'y masahol pa rito, kaparis lamang tayo ng mga hayop na walang mga
katuwiran.
Hindi ba natin pinagkayariang igagalang ang boto ng nakararami, maging anoman ang
uri ng kalagayan sa kapisanan ng taong napahalal? Pagkasabi nito'y hiningi kay G.
Daniel Tirona na bawiin nito ang lahat niyang ipinahayag, at bigyan ang kapulungan
ng isang kasyahang-loob tungkol sa kanyang sinalitang nakasisirang puri sa nahalal;
ngunit dahilan sa si G. Tirona'y nagtangkang magpawala-wala sa karamihan ng tao, at
ipinagwalang-bahala ang hinihingi ni G. Andres Bonifacio, binunot nito ang kanyang
rebolber, upang paputukan si Tirona, subalit naagapan ng kalihim ng mesa na pigilin
ang kanyang kamay (ang kay G. Bonifacio), kung kaya ang nangyari'y naowi na
lamang sa gayon. Sa dahilang ang madla ay nag-aalisan na noon, si G. Andres
Bonifacio ay nagsalitang malakas ng ganito: "Ako, sa aking pagka-Pang-ulo ng
kapulungang ito, at sa pagka-Pang-ulo rin naman ng Ktt. Sanggunian ng Katipunan,
na di nalilingid sa labat, ay ipinahahayag kong lansag na ang kapulungang ito at
pinawawalaan ng kabuluhan ang lahat ng sa loob niya'y pinagkayarian at
pinagpasyahan". At siya'y umalis din naman, na sinusundan ng kanyang mga kabig.
Ika-Apat na Bahagi
c. Sina GG. Emilio Aguinaldo, Luciano San Miguel at Vibora Noong ika-6 ng
hapon nang ika-25, araw na ikinakuha ng mga kastila sa bayan ng Imus, ang tatlong
ginoong nasabi, ay nagsilagay sa dakong labas na malapit sa kabayanan at ang
tangka'y maharang ang mga kastila sa pagtungong San Francisco de Malabon,
Nobeleta at Cavite el Viejo Nang di makatagpo ng mabuting pook na dapat katayuan,
sina GG. San Miguel at "Vibora'y" nagsiuwing kasama ang lahat nilang mga kawal,
gayon din ang ginawa ni G. Aguinaldo, na umowi raman sa Naik at dito'y nagkasakit
siya nang may kalubhaan sa loob ng dalawang linggo.
d. Nang isa sa mga huling araw ng Marso, 1897, ang mga kastila'y umalis sa
Imus; nagsipagdaan sa mga lupang sakahan sa dakong timog ng kabayanan ng Cavite
el Viejo at nagsipasok sa lupang sakop ng San Francisco de Malabon hanggang
mangakarating sila sa nayon ng Bakaw ng naturang bayan. Sa pook na ito'y natagpuan
nila ang pangkat ni G. Andres Bonifacio, saka ang mga tao ng Magdiwang.
Pinaglunggatian ng mga naghihimagsik na ang mga kastila'y mapabalik sana muli sa
Imus, ngunit walang nangyari. Nagsitulog noon ang mga kastila sa naturang nayon ng
Bakaw, at nang kinabukasan, ay nasilakad, na ang malaki nilang pangkat ay
naliligiran ng maraming kalabaw at mga kabayong napaghuli nila sa mga kaparangan
at sila'y nagsitungo sa asyenda ng Teheros, ngunit nilusob ng buong higpit ng mga
kawal ni Tenyente Heneral San Miguel, ni Koronel Antonio Virata at Koronel Esteban
San Juan, ng Komandante Montalan, kasama pa ang mga sariling kawal ni G. Andres
Bonifacio. Sa pagurong sa labanang ito ng mga kastila, ay nakuha nila ang Nobeleta,
at ang tanggulan nitong, di nagahis kailan man, ay napilitang iwan ng mga tanod na
pinangunguluhan ni Heneral San Miguel. Sa mga namatay sa labanang ito, ay
kabilang ang isang nagngangalang Gregorio Dampot.
35. Mga bagay-bagay at pangyayari sa buwan ng Abril, 1897.
a Nang nagsisimula pa lamang ang buwang ito, si G. Andres Bonifacio at
"Vibora" ay lumusob sa mga kastilang nasa Nobeleta, at bagaman gayon na lamang
ang naging kasiglaan sa pakikilaban ng mga naghihimagsik, na tumagal tuloy ng
maghapon, ay di rin nagbunga ng kasyahang-loob. Kasama naman sa nangapatay ang
isang nagngangalang Juan Munti, na ang bangkay ay naiwan sa pintuan na rin halos
ng tahanang kinahihimpilan ng mga kastila.
b Pagkakuha ng San Francisco de Malabon. Noong ika-7 o 9 ng umaga, ang
mga kastilang pinangunguluhan ni G. Francisco Valencia (Talang 19 at 20), ay
nagsialis sa Nobeleta at kanilang sinalakay ang San Francisco de Malabon; sa
pagsalakay na ito, ang mga kastila't naghihimagsik ay nagkaroon ng isang labanang
napakahigpit at madugo. Marami sa mga sumalakay ang nasawi gayon din naman sa
mga naghinimagsik; katunaya'y halos kalahati sa mga tao ni G. Andres Bonifacio ang
nangamatay, dahilan sa banal na pagtupad sa kanilang sinalita nang di pa nangyayari
ang pagsalakay ng kaaway, na anila: "Dito'y iiwan namin ang amin-aming mga
buhay", palibhasa, sa bayang Mapagtiis ay nagtamo sila ng mga pagmamahal at
mabuting pagtingin ng mga taong-bayan. Kabilang sa mga nasawi ang Komandante
Pio Bayot, Lucio at Valeriano Poblete (ama at anak), Nicomedes at Cornelio Esguerra
(ama at anak), Juan Broas, ang anak ng nasawing Kapitan, G. Mariano San Gabriel,
isang nagngangalang Vicente Pulot, Santiago Sangafiar at ang Kapitan-Ayudante at
Kalihim ni "Vibora" na si G. Francisco Arnaldo.
Dapat din namang banggitin na si Heneral G Pio del Pilar at kanyang maraming kawal
at isang maliit na pangkat ng Imus na pinangunguluhan ng isang Komandante, ay
nagsigibik sa pagtatanggol ng San Francisco de Malabon; ngunit bago magsimula ang
paglalabanang nasabi na, ay nagsialis din nang walang anomang paalam sa tnga
pangkat na nasa pook ng Tarike. Nakuha nga ng mga kastila ang bayan, at pagkaraka'y
sinunog nila ang maraming bahay sa harap ng simbahan, mula sa dakong silangan
hanggang kanluran Nang sumunod na araw sa pagkakuha ng San Francisco de
Malabon, sina "Vibora", ang Heneral ng Brigadang G. Nicolas Portilla at iba pa, mula
sa Katibayan (Buenavista) ay nagsitungo sa bayan ng Kampupot (Aliang, Santa Cruz
de Malabon Pangwagi) at sa pagpapatuloy nila sa dakong Indang (Walangtinag), ay
natagpuan dito si G. Mariano Trias Closas sa piling ng kasintahan niyang si Bbng.
Maria Ferrer, kasama nito ang ama at ang kapatid na si G. Luis Ferrer. Itong mga huli
ay luha-luhaang nagpapaalam sa naturang pinunong Trias, na siyang nagtulot upang
ang kanyang magiging biyanan at mga anak nit6, ay magsiharap na at pumailalim sa
kapatawaran "amnistia" na ipinagkakaloob ng pamahalaang kastila, sanhi sa
pagkakuha sa bayan ng Nobeleta ng mga pulu-pulutong na kastilang
pinamamanihalaan ni Heneral Lachambre. Maraming salin ng pamahayag tungkol sa
amnistia ng mga kastila ang kanilang ipinadala bago salakayin ang San Francisco de
Malabon, at sa mga bayang nasa kamay pa noon ng mga naghihimagsik at sa iba pang
pook, sa pamamag-itan ng mga taga Santa Kurus de Malabon, na gaya ng naiulat na'y,
nagpahalata sila (taga Tansa), nang mga una pang sandali, ng pagwawalang bahala at
panghihinabang ng loob sa ating mga kawal, lubha pa nga nang makuha na ng mga
kastila ang Imus at Nobeleta. Ang mga taga Santa Krus de Malabon, ay nagpamalas
ng tunay na kapootan sa mga naghihimagsik, sa katunaya'y isa man halos sa mga
a. Nang mnga huling araw ng Abril 6 mga unang araw ng Mayo ay tinipon ni G.
Andres Bonifacio ang kanyang mga kabig sa nayon ng Limbon, Indang, sa nasang
umalis na sa lupang Kabite, at magtungo sa kabundukan ng San Mateo (Maynila) at sa
mga kabundukan ng Bulakan. Samantalang inaantabayanan ang kanyang mga tao, na
sa pagsunod sa kanya'y nagsipatungo rin sa lupang Kabite, at samantalang inaantay
niya ang pagbabalik ng mga kawal niyang nagsisiyasat ng kanilang mabuting
pagdaanan. ay maraming mga litaw na taga Kabite, kabilang sa kanila'y si G. Severino
de las Alas at ang Koronel Jose Coronel, ang nagharap kay G. Emilio Aguinaldo ng
ilang sumbong(???) laban sa naturang si G. Andres Bonifacio. Ilan sa mga sumbong
ay itong mga sumusunod:
Na, ang nasabing si G. Andres Bonifacio ay binayaran ng mga prayle, upang magtatag
ng Katipunan at ibunsod ang bayang pilipino sa digma ng walang sandata, laban sa
Pamahalaang Kastila na sagana sa lahat ng kailangan, ukol sa pakikibaka.
Na, ang nasabing G. Bonifacio ay nag-utos sa kanyang mga tao na sunugin ang
simbahan at kombento ng lndang kung makuha ng mga kastila ang kabayanan. Na,
ang mga kawal ni G. Bonifacio ay nagsisikuha, sa pamamag-itan ng lakas, ng mga
kalabaw at iba pang mga hayop na pangsaka na pinapatay at kinakain nila.
Na, si G. Bonifacio ay may tangkang sumuko na sa mga kastila, pati kanyang mga
kawal.
Pagkabatid ng Pang-ulo ng Republika Pilipina sa naturang mga sumbong (???), ay
dagling ipinadala sa Limbon ang mga Koronel Agapito Bonzon at Jose Pawa, kasama
ang kani-kanilang mga tao ng taganas na barilan. Sa Limbon ay tinanong sila ni G.
Bonifacio kung saan magsisiparoon at nagsisagot na lumabas lamang sila, upang
makapagsiyasat; kaya nagsipagpatuloy ng lakad pagkatapus na sinusundan ng
Koronel Julian Montalan; ngunit pagdating nila sa Banay-banay, Amadeo, ay
nagsipihit din muli sa Indang. Kinabukasan ng umaga, ang mga kawal ni G. Andres
Bonifacio na noo'y nakabantay sa daan ng nayong Limbon, ay nilusob nat sukat ng
pangkat ng nagsibalik doong mga Koronel Bonzon. at Pawa at agad nilang napatay
ang matandang kapatid ng Supremo na si G. Ciriaco Bonifacio, at pagkatapus ay
hinandulong na nila ng mga kasamang kawal ng namatay, hanggang sa mangahuli at
maalisan silang labat ng sandata.
Pagkarinig sa putukan, si G. A. Bonifacio at isa pang kapatid niyang si G. Procopio,
saka ang mga kasamang G. Alejandro Santiago, G. Francisco Carreon, G. Apolonio
Samson, G. Antonino Guevara at iba pa, ay nagsidalo sa pook na pinangyayarihan ug
gulo; ngunit babahagya pa silang nakalalapit, ay sinagupa na sila nina Bonzon at
Pawa. Si Koronel Bonzon ang bumaril ng rebolber kay G. Andres Bonifacio na
ipinagkasugat nito sa kaliwang bisig. Dumaluhong din noon si Koronel Pawa kay G
Andres Bonifacio at ito'y sinaksak ng sundang sa gawing kanan ng leeg. Nang anyong
bibigyan uli ng isa pang saksak si G. Bonifacio, ay siyang pagdaluhong kay Pawa ni
G. Alejandro Santiago na nagsabing: "Ako ang patayin ninyo, huwag iyan!" Noon din
ay inilagay si G. Andres Bonifacio sa isang duyan at dinalang bihag sa Indang, pati ng
kapatid. na Procopio na nagagapus ng buong higpit; kasama ring bihag sina GG.
Francisco Carreon, Arsenio Mauricio, isang,binatang nag-aaral pa na nagngangalang
Leon Novenario, na naging Kapitan Ayudante't Kalihim ni Vibora at iba pang di ko na
mapagtatandaan ang mga panga-pangalan. Ang labat ng nabihag, matangi kay G.
Andres Bonifacio at kapatid nitong G. Procopio, ay pinagpipiit sa bilangguang
madilim at di binigyan ng pagkain, kundi makalawa lamang sa loob ng tatlong araw
na ikinabilanggo nila. Ang Konsehong inilagay upang magsiyasat, tungkol sa mga
pagkakasalang ibinubuhat kay G. Andres Bonifacio at sa kapatid nitong G. Procopio,
ay humatol ng parusang kamatayan sa magkapatid.
b Sa likod ng dalawang araw mula sa pangyayari sa Limbon kina GG. Bonifacio, ay
sinalakay at nakuha ng mga kastila ang Naik, bagama't gayon na lamang ang
ginawang pagtatanggol ng mga naghihimagsik na nangapaurong sa Maragundong.
Naagaw din ng mga kastila ang bayan ng Indang, na dahil sa kakulangan ng punlo ng
mga naghihimagsik ay nagkaroon lamang ng sandaling labanan at ang ating mga
kawal ay nagsilipat sa nayong Dain, Indang, na ginawang bayan ng Himagsikan at
nginalanang Labong, bilang parangal kay G. Mariano Trias Closas, na nagtaglay ng
gayong pamagat sa panahon ng paghihimagsik. Buhat sa Labong ay inilipat uli ang
himpilan ng himagsikan sa Kaytitingga, isang nayon ding ginawang bayan at
pinamagatang Mainam, sa kapurihan naman ng Pang-ulo ng Sangguniang-Lalawigang
Magdiwang, G. Mariano Alvarez na gumagamit ng gayong pamagat simboliko.
Maraming mga dating nayon lamang ng Kabite bago maghimagsik ang nagawang
bayan dahil sa karamihan ng naninirahang tao, gaya na nga ng mga nasabi na. Kaya
ang dating nayong kilala sa ngalang Buenavista ng San Francisco de Malabon, ay
ginawang bayan at pinamagatang Katibayan, pagpaparangal bilang kay G. Diego
Mojica, Kagawad-Kayamanan ng Magdiwang na siyang may gayong sagisag sa
Katipunan; ang nayong Aliang ng Santa Cruz ay bininyagan namang Kampupot, na
siyang pamagat sa Katipunan ni G. Ariston Villanueva, Kagawad-digma ng
Magdiwang, at ang dating nayong Binakayan, Cavite el Viejo, ay pinanganlang
Bakay.
c. Nang nasa Maragundong na ang pamahalaan ng Republika Pilipina, si G.
Feliciano Jocson ay dumating at mula sa liwasan ng kabayanan hanggang sa
kombento, ay sumigaw ng buong lakas na: "Mabuhay ang Kalayaan ng Pilipinas!"
At upang mapasigla ang loob ng tao, ay nagsabi, bukod sa iba't iba pa, na sa madaling
panaho'y darating ang mga armas na kanyang binili sa Hongkong, at sa pamamag-itan
ng kaunti pang pagmamatigas sa labanan, ay matitiyak nang lubusan ang ating
Ika-Limang Bahagi
Bagay sa napakalungkot na pagkamatay ng Kataastaasang Pang-ulo ng Katipunan, si
G. Apolinario Mabini, naging-unang Kasangguni ng Pang-ulong Heneral G. Emilio
Aguinaldo, at kinikilala ng madlang "UTAK NG HIMAGSIKAN", ay nagsalaysay, sa
ika VIII Kabanata ng kanyang isinnlat na "ANG HIMAGSIKAN NG BAYANG
PILIPINO", ng mga sumusunod:
"Sa inasal na ito ni G. Emilio Aguinaldo, ang
manunuligsang kasaysayan, ay di makakakita ng
anomang katwirang sukat makapagtakip o makabawas
man lamang sa kanyang sagutin. Si Andres Bonifacio ay
di huli sa pinag-aralan sa sino man sa mga napahalal sa
naturang pagpupulong, at tangi sa rito'y nagpakilala ng
talino at lakas loob na di pangkaraniwan sa pagtatatag
niya ng Katipunan. Ang lahat ng mga naghalal ay
kaibigan ni G. Emilio Aguinaldo at ni G. Mariano Trias
na noon ay nangagkakaisa, samantalang si Bonifacio ay
tinitingnan nila ng may hinalang tingin, gayong
nakapagpakilala na ng isang kaasalang malinis at
pusong buo, at ito'y dahil lamang sa siya'y hindi tubo sa
Kabite; ito ang sanhi ng kanyang pagdaramdam. Gayon
pa man, ang pagdaramdam niya'y hindi ipinakita sa
isang magahasang paraan ng pagsalungat, at ang
katunayan, nang nakita niyang walang sinomang nagmamalasakit sa ikapagkakasundo ng
lahat, ay nagkasya na lamang siya sa pag-alis sa lalawigan tungong San Mateo na kasama
ang kanyang mga kapatid. Kung pag-iisiping si G. Aguinaldo ang una-unang dapat managot
sa di niya pagsunod at sa di pagkilala sa naturang pinuno ng Katipunan na kanya ring
kinaaniban; kung pagbubulay-bulayin ang pagkakasundo ng lahat ay siyang tanging angkop
na lunas sa mapanganib na kalagayan noon ng Panghihimagsik, ang dahil at layon ng
pagpatay, ay di maikakait na bunga ng mga damndaming nakasisirang totoo ng puri sa
Panghihimagsik; sa paano't paano man, ang gayong katanmpalasanan, ay siyang
masasabing unang tagumpay ng kasakiman ng isang tao laban sa tunay
na pag-ibig sa bayan.
ng lalong malaking kagalingan sa mga kabatayan niya. Ang isang munting kabutihang
magawa mula sa isang mababang katungkulan, ay isa nang kadakilaan at kapurihan;
samantalang ang isang maliit na kabutihang ginawa mula sa isang mataas na katungkulan,
ay nagpapakilala ng kapabayaan o ng pagkawalang-kaya. Ang tunay na karangalan ay
lumilitaw sa isang bahagyang gawain lamang ng isang kaluluwang malinis at dakila, at hindi
sa dingal ng mga papuri at palamuti na bahagya nang makapagtakip sa nga kapangitan ng
ating katawan. Ang tunay na kapurihan ay natatamo sa paglilinang ng ating isip, upang
matutuhang kilalanin ang katotohanan, at sa pagtuturo sa ating puso upang makaugalyang
yao'y mahalin. Sa pagkakilala sa katutohanan ay atin din namang masasapit ang hangganan
ng ating mga tungkulin at karapatan, at sa ating pagtupad ng tutohanan ay pararangalan ang
anomang gawin natin sa buhay. Hindi dapat kalimutan kailan man ang kabuhayan ng ating
bansa, at gayon din ang katutohanang hindi nakaakyat sa tugatog ng kadakilaan, kungdi
magdaraan sa hagdan ng mabubuting gawa at kabayanihan; huwag nating lilimutin, lalunglalo na, na kung di tayo magpapaunlad, ay mamatay tayong di man lamang aabot sa
karampatang laki at gulang, bagay na sukat lamang makita sa mga bayan o lahing bansot at
palipol".
buong higpit at katulad ng mga asong hinandulong ang mga kastila, kaya ang mga ito,
matapus ang anim na oras na paglalaban, ay nagsiurong at tumakas na sabug-sabog;
kaya't nakapag-iwan ng maraming bangkay ng kanilang mga kasama at mga baril at
punlo. Sa tagumpay na ito ay naging matunog sa lahat ng dako ang pangalan ni G.
Glicerio Geronimo, na noon din ay napataas sa pagka-Tenyente Heneral ng hukbong
pilipino.
Mula rito'y umalis si G. Emilio Aguinaldo, at matapus bagtasin ang mga tanggulang
naghihimagsik sa Minuyan (Norsagaray) at sa Baras Bakal (Anggat), ay dumating sa
Biyak-na-Bato (San Miguel de Mayumo) at dito na humimpil na patuluyan ang
pamahalaan ng Republika Pilipina hanggang sa pagkatanggap ng kapayapaan na kilala
sa tawag na "Paz de Biyak-na-Bato".
h Nang si G. Emilio Aguinaldo'y makaalis nang tungo sa Biyak-na Bato at
maiwan sa Buntis ang direktor de guerra G. Emiliano Riego de Dios, ang
pangalawang Pang-ulo noong si G. Mariano Trias Closas, ay nagnasa na ring
magpaiwan sa lupang Kabite, kaya nga ang kanyang himpilan ay itinayo sa
"Mainam", sa paanan ng bundok Pinagbanderahan, at sa tulong ng mga direktor de
estado at interior, mga GG. Jacinto Lumbreras at Pascual Alvarez, ay ipinagkatiwala
sa kanya ang pamamanihala sa mga lalawigan sa Timog ng Luson. Ang himpilan sa
"Mainam" ay kung makailang nilusob ng mga kastila; bagamat di nila napatinag doon
ang mga naghihimagsik. Sa himpilang ito inabot ng pagkamatay sa sakit si G. Jacinto
Lumbteras. Nang buwan ng Agosto, 1897, ay nagpasimula na ng pag-alis sa
himpilang iyon ang hukbong naghihimagsik, upang magtungo sa dakong Laguna,
dahil sa payo ni Heneral G. Mignel Malvar na humantong sa bundok ng Makiling, at
nang ika-9 ng Oktubre ay lumusob sina Trias at Malvar sa bayan ng San Pablo, na
tatlong araw nilang nakubkob, ngunit iniwan din nang ikaapat na araw, dahil sa
pagdating ng mga abuloy na kastilang nagsipanggaling sa Nagkarlang. Sa pagsalakay
na ito ay nangapatangi sina Henerala Agueda at Koronel Luis Banaag, ang Tenyente
Koronel Rosendo Banaag, Koronel Aniceto Oruga at ang nangasugatan ay ang
Heneral ng Brigada Esteban San Juan at at si Kapitan Hilino Mendoza.
i Ang Sugo ukol sa kapayapaan, Kgg. na G. Pedro A. Paterno. Dahil sa isang
pamahayag ng pamahalaang kastila, na kilala sa tawag na "Concentracion y guerra sin
cuartel", (Pagtitipon ng tao at pagbakang walang hinto), ang Kgg. na Ginoong Pedro
A. Paterno ay humarap na kusa sa Heneral na kastilang Mrlg. na G. Fernando Primo
de Rivera, at ipinamanhik ditong pigilin ang naturang pamahayag at ipinangakong
hihimukin sa kapayapaan ang kanyang mga kababayan, na nasa pananandata, laban sa
pamahalaang natatatag. Ang kahilingan ni Paterno ay tinanggap ng Gobernador
Heneral ng Pilipinas, na siyang nagbigay kay Paterno ng mga kasulatang pahintulot,
upang siya'y makaraan sa mga pook na natatanuran ng mga kastila. Gumayak nga sa
paglakad si G. Paterno, upang tupdin ang mapanganib niyang tungkulin, at nang
Ika-Anim na Bahagi
d. Dapat ding sambitin dito, na bago dumating sa Biyak-na Bato ang mga Heneral
na Kastilang Tejeiro at Monet, bilang sangla, si Heneral Tomas Mascardo kasama ang
maraming mga kamag-anak ni G. Emilio Aguinaldo, isa sa kanila'y ang balo ni G.
Candido Tirona (unang Ministro de guerra ng Magdalo), ay nagsirating upang
makipagpaalam kay G. Aguinaldo, at maipagsama na tuloy ang mga anak nito sa
lalawigan ng Kabite.
e Pagsalangsang ni G. Feliciano Jocson. sa kapayapaan. Ang kanyang
paghihimagsik, pagkahuli at pagkawala Nang araw na dumating si Heneral G.
Mascardo sa Biyak-na -Bato, ay dumating din doon si G. Feliciano Jocson at
nagpakilala nang lubos ang hindi niya pagsang-ayon sa kasunduan, hindi sa pagtanggi
sa kapayapaan, kungdi sa walang dalisay na pakikisama sa kanya ni G. Aguinaldo,
tungkol sa pakikipagtalastasang ginanap, maging sa paglalagda ng mga patakaran at
maging sa pagtanggap na rin ng kapayapaan. Dahil sa mahigpit niyang pagsalangsang,
ay hindi tuloy siya napangahasang anyayahan ni G. Aguinaldo sa paglalakbay sa
Hongkong. Sa ganito'y bahagya pang nakakaalis si G. Aguinaldo na patungong
Hongkong, nang Si Jocson, pagkauwi sa kanyang himpilan sa Pugad-baboy, sakop ng
Kalookan, Maynila, ay nagpasimulang mangyakag ng mga tao upang ipagpatuloy ang
Pangbihimagsik na kanya na ring pinangunguluhan, at sapagkat ginamit niya ang
pangalan ni G.Andres Bonifacio, ay marami siyang naakit na mga Katipuneros at
hindi man katipuneros. At sapagkat hinuwad ni Jocson ang mga kasulatang may-lagda
ni G. Emilio Aguinaldo at may tatak ng Pang-ulo, ay nakuha niyang mapigil ang
pagharap ng maraming mga pinunong naghihimagsik, lalung-lalo na ang mga nasa sa
paligid ng Maynila, kabilang na rito'y ang Koronel Modesto Ritual na inihalal na
Heneral ni G. Jocson at ang Tenyente Koronel G. Nicomedes Carreon, kapatid na bata
ni G. Francisco Carreon. Ang dalawang ito ay napatay kapwa sa Matikiw, sakop ng
Pangil, Laguna de Bay, sa utos ng Kalihim ng Heneral, ng mga nagngangalang
Enrique at Leon.
Nang nagsisimula ang Marso, 1898, ay talaga sanang biglang lulusubin ni Jocson ang
siyudad na rin ng Maynila, kung di nasubukan ang pinagtataguan ng mga tao ni
Jocson na sadyang tinipon niya sa daang Camba, Binundok (Maynila). Ang natitipong
mga taong yao'y pinasabog ng mga kawal-kastila sa pamamag-itan ng di gagaanong
paputok. Kakaunti ang nangabihag nila dahil sa ang mga hindi nabiglang namatay, ay
tinapus sa malalakas na kulata at mga sipa. Ang pamamaraang itong napakalupit na
ginawi ng mga kastila sa daang Camba, ay siya rin nilang inasal sa bayan ng
Kandong, llokos Sur, at sa San Nikolas, Sebu, dahil sa ang mga tagaroon man ay
nagsipag-alsa rin nang nagsisimula ang taong 1898, pawang nanga-akit sa masiglang
pagpapalaganap ni Jocson. Ito'y ipinagsakdal ng mga kaanib ni Aguinaldo sa
minarapat ni Heneral Torres na iwan na yaon kasama ng lahat niyang mga tao, at nang
makarating sila sa may baybayin ng dagat Pasipiko, ay humantong sa isang bundok,
na hangga ngayo'y kilala pa sa tawag na Biyak-na-Bato, pamagat na ipinagiging-dahil,
kaipala, ng pangyayaring sa naturang pook, ay may isang yungib na pinamamahayan
ng malaking langkay ng mga kabagkabag na, sa tuwing ika-5 ng hapon sa araw-araw,
ay umaalis sa paghanap ng makakain at di tumitigil kungdi sa mga ika-8 na ng gabi,
na walang puknat na paghahakot ng mga butil ng palay at halos magdalawang dipa
ang kalapad ng kanilang hanay sa paglabas na mahahayag dahil sa ugong. Si G. Torres
ay nilusob din sa pook na ito ng mga kastila, ngunit sa tulong na makabuluhan nina
GG. Melecio Carlos, Simn Tecson Bustamante, Cabling at iba pa, ay napipilan nila
ang mga kaaway, at kanilang naitaboy hanggang sa may dakong San Miguel de
Mayumo, pagkatapus makapagiwan ng maraming patay sa ilog Biyak-na-Bato, na
pawang doon na lamang nangabulok.
d. Ang batang-batang H. del Pilar at ang
pagtambang na naganap sa nayon ng Atlag, Malulos.
Si G. Gregorio H. del Pilar, binatang may 18 taon
lamang, sibol sa Bulakan, kabesera ng lalawigan ding ito,
batsilyer sa Artes sa Unibersidad ng Santo Tomas
(Maynila I. F.), matapus iwan ang kanyang pag-aaral na
pinasimulan noon 1890, ay napasa kaparangan ng dangal
na uhaw sa dugo, upang tumulong, taglay ang kanyang
mga kaalaman at katapangan sa mapangnib ngunit
maningning at marangal na gawaing paglagot ng tanikala
ng kaalipinang gumagapus sa lahi at bayan nina
Lakandula, Raha Soliman, Burgos, Gomez at Zamora at,
nang siya'y makapangubli sa pook na tinatawag na Late,
sakop ng Malulos, ay nagpasimula na siyang maisagawa
ang kanyang mga balak at tangkang mapupusok.
Babahagya pa siyang nakapagtitipon ng ilan-ilang kataong
may mga buong loob, ay nakapangahas nang manambang sa nayon ng Atlag sa isang
pangkat na mga kasadores na kastila na noo'y kasalukuyang nangagsitungo sa
kabayanan ng Malulos, kasama ang kura sa bayan ding yaon. Halos di pa napapaloob
na mabuti ang mga kastila sa hanay ng mga taong nakatago at naghihintay sa kanila,
ay bigla na silang sinugod at pinagtatabas ng taga, na sa pagkagulat at
pagkagulumihanan, ay di man lamang nakuhang makapagpaputok, bagkus nagpulasan
ng takbong sabug-sabog, matapus iwan ang pitong kasama, mga baril at punlong
maraming marami at pati ang kura'y nabihag na buhay ng mga naghihimagsik.
e Magandang patibong na ginawa sa Paumbong ni Gregorio H. del Pilar.
Udyok ng kasiglahang naghahari kay G. H. del Pilar, dahil sa tagumpay na natamo sa
una pa lamang pakikipanagpo sa Atlag, ay nakuha niyang natutop muli ang buong
nagtagumpay, ay nalibang sa pagbabalita sa kanilang mga kaibigan tungkol sa buhaybuhay nila sa pook na kinahihimpilan, samantala namang sina G. Felipe Estrella, ang
pangalawa niyang si Tato, taga Kingwa. at iba pang mga pinuno, ay nagsisihingi ng
abuloy na bigas at iba pang pagkain sa mayayaman sa bayan, upang madala nila sa
Kakaron. Nasa ganito silang kalagayan nang dumating ang isang taong nanggaling sa
kalapit ng Kakaron at nagbigay-alam kay G. Estrella na ang himpilang yaon ay
kasalukuyang nilulusob ng maraming kastila, kung kaya noon din, si Estrella at
kanyang mga tao, pati ng marami pang taga-San Rafael, dala ang mga armas na
kanilang naagaw sa nasabing bayan, ay nagsilakad nang buong pagmamadali, upang
abuluyan ang mga naiwang kasama; ngunit hindi pa halos sila nakalalabas sa
kabayanang nililisan, ay natanaw na sa malapit ang makapal na kaaway na
kumukubkob sa kanilang paligid, at sa gayo'y wala nang nagawa kungdi biglaang
magsiurong ang mga ibang kawal at taglay ang kanilang mga armas na nagsipasok sa
ilang malalapit na tindahan at nakihalubilo sa mga may-ari nito; ang mga iba'y
nagsitakbo na walang malamang sulingan, at ang mga iba pa'y nagsipagkulong na
kasama ng makapal na taong-bayan sa simbahan at kombento. Ang mga da-dalawang
oras pa lamang nagtagumpay, ay siyang ganap na nangapipilan noon sa biglang dating
ng kaaway, at maging ang mga nagsipangubli sa bahay-bahay, maging ang nagsipasok
sa simbahan at kombento, na halos binaha ng dugo, ay pawang nangapuksa, sampu ng
mga may-bahay, may kasalanan at walang kasalanan. Tinitiyak ng marami na sa
patayang ito ay mahigit sa dalawang libo katao ang nangapuksa, kasama na rito ang
dalawang pinunong Estrella at Tato.
g Mga mahalagang pangyayari sa Giginto.(Bulakan) Pagkaalam ni Fr.
Leocadio Sanchez, agustino at naging kura sa bayan ng Norsagaray, Bulakan, sa
pamamag-itan ng kanyang kalunyang nagngangalang Paula Bafia at ng
Gobernadorsilyo Manuel Gatchalian, na sumipot ang mga katipunan sa Giginto, na
noo'y kasalukuyang pinagkukurahan niya, ay nagsuplong agad-agad sa pinuno ng mga
kasadores na natatanod sa bayan at ipinahuli niya aug mga sumusunod na ginoong
tagaroon:- Espiridion Fernando, Jose Kapulong, Basilio Mojica, Mariano Angtanda at
Francisco Palipat.
Pagkatapus ng di kakaunting pahirap na ginawa sa lima kataong ito, ay pinagbabaril at
ang kanilang mga bangkay ay patagong ipinabaon sa libingan ng bayan.
Ang inasal na ito sa lima katao ng walang anomang paglilitis, ay ikinabalisa ng mga
taga-Giginto at ipinag-isip ng paghihiganti. Noon din ay kumilos ang magpinsang
Paulino at Agapito Garcia, kapwa naninirahan sa nayong Tabang, Giginto, at pinatay
ang dalawang kawal na kasadores na malimit nagsisilabas sa kanilang himpilan at
nangloloob sa bahay-bahay, na matapus pagpapadapain ang lahat ng maratnang tao sa
loob, ay hinihingi ang susi ng mga kaban at baul. Upang maitago ang
katampalasanang ito sa mata ng mga kastila at maka-kastila sa bayan, ang mga bakas
at bahid ng dugo ng dalawang pinatay, ay pinagsasabuyan ng alikabok ng mga
babaing natitira sa kalapit na bahay, na pinangyarihan ng pagpatay na nasa may
bungad lamang ng nayon, mula sa bungad na ito hanggang sa pook ng Pinyahan na
pinaglibingan sa dalawa.
Pagkaalam, kinabukasan, ng mga pinunong kasadores at sarhento sa himpilan ng
Giginto sa pagkawala ng dalawang kawal, kapagkaraka'y ipinag-utos sa mga kawal
ang pagsisiyasat sa lahat ng bahay-bahay sa kabayanan, at sapagkat hindi makakita ng
anomang bakas na sukat ikakilala sa naturang pagkamatay ng dalawang kasama, sa
malaking pagkapoot ng punong kasadores sa lahat ng taong-bayan, ay nag-utos ng
ibang paraan ng pagsisiyasat. Kinabukasan noon, at nang kasalukuyarg nagmimisa, na
sanhi ng ipinagkatipon ng maraming tao sa simbahan, sapagkat sa Pilipinas nang
kasalukuyang nangyayari ang panghihimagsik, ay lalung napagkilala sa taong bayan
ang banal na pag-ibig sa Diyos nang higit sa alin mang panahon ng kapayapaan
ang ginawa ng nasabing pinunong kastila, ay ipinag-utos sa kanyang mga kawal na
bantayan ang mga pinto ng simbahan at huwag tulutang may isa mang lumabas na tao,
man tapus ang misa, hangga't walang sinomang nagsasabi ng totoo sa pagkamatay ng
dalawang kawal na hinahanap. Dahil sa pasyang ito ay isang matandang babaing
nagngangalang Buro ang kusang humarap, sa pamamag-itan ng kurang Leocadio
Sanchez, at nagsabing noong kamakalawa sa gabi, ay nakita niyang nagdaan sa nayon
ng Tabang ang dalawang kasadores na patungong kabesera ng lalawigan. Nang
masiyahang-loob ang pinuno sa pahayag na ito, at ng maypahinto ang pagpapabantay
sa simbahan, ay lumakad na kasama nang lalung maraming kawal na kasadores at
nagtungo sa labasan ng nayong Tabang; dito'y pinagdadakip at pinigil ang lahat ng
taong masumpungan at makita sa daan, at dahil sa isa man sa mga taong ito'y walang
makapagsabing tumpak sa itinatanong bagay sa dalawang kawal na nawawala, ay
ipinag-utos sa rnga kawal na pagbabarilin noon din ang lahat, utos itong sinunod, kaya
sa mga kulangpalad na pinaghuli ay wala isa mang nakaligtas sa biglang kamatayan.
Ang dami ng mga bangkay na natimbuwal sa paraan ding yaon, ay may pitong kariton
na pawang ipinadala sa kabesera ng lalawigan.
g. Ang kura Leocadio Sanchez at anim pang prayle at isang doktor na kastila sa
himpilan ng tren sa Giginto, Nang kasalukuyang ang magkakasamang ito'y
nagsisipaghintay sa pagdaraan ng tren patungong Maynila, ay dinaluhong sila't sukat
nang isang pangkat na taong may mga gulok at sundang at inagawan ng mga riple at
rebolber, at sinamsam tuloy pati ng mga armas sa himpilan ng tren. Ang pangkat na
lumusob na, sa udyok ng pari Valentin Tanyag, sa Taguig (Maynila) kaya nagsitungo
sa himpilan ukol sa gayong bagay, ay binubuo ng nga sumusunod:
Inocencio Tolentino, Kapitan; Paulino Garcia, Benito Garcia, kapatid ni Agapitong
nabanggit na sa unahan, Angel Valencia, Kabisang Gracio, isang nagngangalang
Albino, kapitan; Simon Landayan, Ape Alimango at ilan pa.
Ang lahat ng magkakasamang kastila ay napatay, matangi ang isang prayle, na
bagamat nasugatan ng malubha, ay nakuha ring makalulan sa tren, na natatanaw na
lamang na dumarating nang sandaling nagsisimula pa lamang ang patayan. Dapat
banggitin na nang si Fr. Leocadio Sanchez, ay ulusin sa may dibdib, ng papatay sa
kanya, ay agad nakaganti at ang sumaksak ay nabigyang bigla ng isang hataw ng riple
na ikinabuwal na halos walang-malay, ngunit siya'y (si prayleng Sanchez)
tumimbumwang din noon na wala nang hininga, at sa gayong paraan natapus ang
lalawigan ng Kabite noong Disyembre ng taon ding yaon, 1896. Kasama ang mga
ilang kasunod nito ng mga naturang pangyayaring di pa namin naiyuulat:
a Nang magsibalik ang mga Katipunan, pagkatapus ng pagsalakay sa San Juan del
Monte, ay nagsilantong sa isa sa mga burol o gulod ng kabundukang gumigitna sa
Marikina, San Mateo at Montalban, at dahil sa pagdami ng kanilang bilang sa walang
tigil na pakikipisan sa kanila araw-araw ng taong galing sa iba't ibang dako, gawa ng
mahihigpit na pag-usig ng mga kastila; at nang manauli nang muli ang kaloobang
tumanggap ng masaklap na pagkabigo sa San Juan del Monte ng mga naghihimagsik,
ay pinagkaisahang lusubin ang mga kastila sa San Mateo ng hukbo ng Supremo ng
Katipunan, sa tulong nina GG. Emilio Jacinto, G. Apolonio Samson, G. Macario
Sakay, G. Faustino Guillermo at ng Heneral Lucino na kilala sa Katipunan sa pamagat
na "Payat" at saka pa rin sa pakikiisa ng mga Heneral Francisco de los Santos at
Hermogenes Bautista na tinatawag na Heneral Menes. Ang mga nilusob, matapus ang
ilang bahagyang paglaban, ay nagsialis, iniwan ang bayan at nagtungo sa Marikina,
kayat nahulog sa mga naghihimagsik ang buong San Mateo, pati na ang kabayanan ng
Montalban.
b Ang paglalabanan sa ilog ng San Mateo at Marikina. Nang ikatatlong araw ng
pagkakuha sa San Mateo, ay lumusob doon ang mga kawal-kastilang galing sa
Marikina, na marami sa karaniwan; at bagamat gayon na lamang ang pagtatanggol na
ginawa ng mga nanghihimagsik sa lahat ng tanggulan nilang pangsamantalang itinayo
sa iba't ibang dako, lalung-lalo na sa kahabaan ng ilog ng Langka, na kinalalagyan ng
tatlo pang susong mga lantakang kawayan na binigkisang mahigpit ng lubid, yari ng
mga mangagawa ng paputok (kastilyeros) sa kabayanang nasabi, ay napaalis din ng
kaaway ang mga naghihimagsik, kaaway na kahit daan-daan halos kung mangabuwal
sa tama ng mga lantakang nasabi na, ay di rin nasansala ng pagsulong hanggan sa
makuha ang mga tanggulang naghihimagsik, at ang mga ito'y hinabol hanggan sa mga
kabundukan, nang di binigyan-luwag man lamang si Heneral Santos, ni si Heneral
Menes, na makapagpasabi kay G. Andres Bonifaciong noo'y nasa San Mateo, kung
kayat ito man nama'y nasubukan ng mga kastila na, sa pagpasok nila, ay di kakaunting
paputok ang ipinagbukas ng kanilang daraanan.
Pagkatapus ng pagkagahis na ito, at nang si G. Andres Bonifacio, ay mapahimpil muli
sa kagubatan ng Balara, kasama ang buo niyang hukbo, ay binaka siyang muli at ang
paglalabana'y nangyari sa loob ng isang tubuhan, at di lamang napasabog ang kanyang
mga tao, kungdi siya'y (ang Supremo) kamuntik na ring mapatay doon, pagkat ang
kuwelyo ng kanyang barong suot, ay pinaglagusan ng isang punlo.
44. Mga bagay-bagay at pangyayari sa lalawigan. ng Patangan.
mga naturang pinunong kanyang ipinatawag, na sila'y makianib sa Espanya laban sa,
anang Gobernador Pea'y kaaway ng nagkabilang panig, kastila't pilipino. Sa
mungkahing ito'y nagsipagbigay ng mararangal na pangako ang mga ipinatawag, na
itutulong hindi lamang ang kanilang lakas kungdi pati ng kanilang mga asyenda
sampu ng kanilang mga buhay sa Pamahalaang nakasasakop sa Kapuluan, maliban
ang isa sa kanila (si Vibora) na di nangako, at ang idinadahila'y ang di pagtupad ng
Pamahalaang Kastila, at tikis na di pagganap, sa kanyang ipinangako ukol sa
kasunduan sa Biyak-na-Bato. Sa malabis na pagkagalak marahil ng Heneral Pea sa
pakikianib sa kanya ng anim, ay lubusang hinamak ang pagtanggi ng isa, at sa pag-alis
nila'y nagsabi ng ganito: "Iniibig ko pa ang isang kaaway na hayagan, kaysa isang
kaibigang nagpapanggap lamang".
Ang mga bagay-bagay at pangyayaring di lubhang maliwanag ang pagkakatala rito o
magusot ang pagkakasalaysay, ay siyang lalong may matingkad na uri, kaysa tunay na
mga nangyari sa buong buhay ng Panghihimagsik ng Katipunan. Ang watawat nito na
nakita naming sumilang at pinagmamalas pa rin nang mamatay, ay pinalitan ng
bandilang may tatlong kulay, noong ang pangdigmang-dagat na kastila ay supilin ni
Dewey sa loob ng Maynila nang 1 araw ng Mayo, 1898 at magbalik dito mula sa
Hongkong si G. Aguinaldo, bandilang may tatlong kulay na napaukol sa ikalawang
Panghihimagsik laban sa Pamahalaang Kastila, na dapat makilala sa tawag na
"Insurreccion Dewey-Aguinaldina". Ngunit ang bandila mang yaong ipinalit, matapus
mapawagayway nang buong pagmamalaki sa lahat ng sulok ng Kapuluan, ay
pinagpahamakan ding yurakan at paggutay-gutayin ng lagi nang mapanagumpay na
bandila ng Estados Unidos, na siyang kinasisilungan ngayon, nang buong
pagkakatiwala, ng Kapuluang Pilipinas sa gitna ng tinatawag na Panahon ng
Kaliwanagan.
Nang di malilimot at dakilang unang araw ng Mayo ng 1898, ay namatay na lubusan
ang Panghihimagsik ng Katipunan sa Pilipinas, upang mabigyang buhay 6 simula
naman ang "Insurreccion Dewey-Aguinaldina laban sa Pamahalaang Kastila sa
kapultiang Pilijinas", na nais kong isunod na salaysayin ang mga nasaksihang kong
pangyayari.
WAK AS
Kapag ang isang bayan ay sinisisilan; kapag niyuyurakan ang kanyang dangal, puri at lahat
ng kalayaan; kapag wala ng natitirang wastong paraan upang tutulan ang panggagaham ng
nangakakasakop; kapag inalintana ang kanyang mga pagdaing, pagsamo't, pananambitan;
kapag hindi man lamang pahintulutang tumangis; kapag pinahi sa puso ang huling pag-asa,
ay... talaga... talagang-talaga... na wala ng dapat gawin kundi pigtasin, sa mga dambanang
nakapangingilabot, ang SUNDANG NANG PANGHIHIMAGSIK.
Artemio Ricarte
Webmaster's Note: Very little has been written about Gen.
Artemio Ricarte, and there is only one fairly long biography, "A
Biographical Sketch of "Vibora'", written by the Spanish professor J.
A. Ranes. This was appended to Ricarte's Ang Paghihimagsik ng mga
Pilipino Laban sa Kastila, and is being reproduced here only for
educational purposes, for students who have no access to the book.
messenger came who was ordered to release the prisoner off the
manacles and later he was removed to another chamber at the
entrance of which a guard was detailed. The prisoner was conducted
into the Court of First Instance with Judge Manuel Araullo presiding
to answer the two charges presented against him by an American
prosecutor.
At the close of the investigation, it was found that Vibora has to
serve a sentence of one year and a half imprisonment for the alleged
illegal possession of firearms and six years imprisonment with hard
labor and $10,000 fine for the crime of conspiracy.
In the latter part of June, 1904, Ricarte began to serve his sentence
terminating it with good conduct before the expiration of the term in
1910 as it was the practice in the Philippines that all prisoners
conducting themselves excellently while serving out their term in
the prison has the chance to have their sentence commuted varying
from two months each year and upward.
From the headquarters of the constabulary, hardly after the
sentence has been pronounced by Judge Araullo, Ricarte was then
taken to the Bilibid Prison where in a lonely dark cell he was shut in
from the rest of the world and not even allowed to communicate to
his people nor to keep in his possession any letter from his family. It
has to be read in the hands and in the presence of the guard. For six
years with nothing to do Ricarte passed the time in monotony and
obscured meditation, except by the little change of the daily exercise
which he had found convenient and which he had methodically
designed to amuse himself and to preserve his health while serving
out his term, He spoke to only one man and that was his custodian,
the guard of the prison. Every day he implored him for something to
work on and in vain for six years he received no answer to his daily
supplication. The day were months and the months years in the
prisoners calendar. He would not suggest for him clemency of the
Government of the United States implanted in the Philippine Islands.
There was not a spark of mercy for him and the daily grind of
monotony was slowly tearing his heart.
During his confinement in the Billbid Prison until his release on the
26th of June, 1910, Ricarte was frequently visited by several
American Government officials, among them was Mr. Fairchild, exVice-President of the United States in the Roosevelt administration.
All of them held council with him in which he was asked to
acknowledge the protection of the American flag as well as high
of Shanghai wishes to see Ricarte; and we would like to know the answer if the
Consul could have a conference before disembarking." Ricarte accepted the
invitation and accompanied by the two Americans he went down to
the launch where the said Consul was suppoesed to meet him; but
once in the launch Ricarte learned that he was deceived for the
Consul was nowhere to be found, while the launch started
immediately for the City.
Ricarte after landing was secretly handed over to John Cavanaugh,
warden of the Shanghai penitentiary. After two hours in the cell
which resembled a bird's cage built with iron bars, Ricarte, after a
strong protest, was set free by John Kavanaugh by the order of the
American Consul who refused to confirm the legality of Ricarte's
arrest; and while taking a rickshaw to the Filipino Club where he
directed his wife and daughter to take shelter, Ricarte was again
detained by White and other Americans with the order of his arrest
for "vagrancy" issued by the American Magistrate
in Shanghai, Mr. Lobinger, and once more Ricarte entered the same
cell in the custody of Kavanaugh and one hour later he received a
visit from Boff who, in order to evade further molestation on his
part, invited Ricarte to return with him to Manila embarking on
board the steamer "Namur" which sailed for Hongkong in that same
day. Ricarte accepted the invitation with the greatest plaesure with
the condition that he would be accompanied by his family who were
staying in the Filipino Club. In an autombile the three, Messrs.
White, Boff, and Ricarte, went to take the latter's family from the
Filipino Club to the steamer "Namur" which weighed anchor almost
immediaely on their arrival for Hongkong, not a surprise to Ricatte
inasmuch as he had no intention to make a trip to the port of
Shanghai and he heartily rejoiced when the boat pulled off the
harbor of Shanghai for Honigkong his former place of banishment.
As soon as the steamer " Namur" dropped anchor at the port of
Hongkong Ricarte said to Boff: "Inasmuch as you and Mr. White had
deceived me in Shanghai, for the same reason, today, I will refuse to go with you
to Manila."
The Britannic Government of Hongkong charged Ricarte as violator
of the martial law upon his return to Hongkong while the American
General Consul in Hongkong and Mr. Boff asked the British
Government to hand them the person of Vibora to be taken to
Manila. Ricarte in this junction defended himself from being carried
away by his two powerful enemies and in the early part of June,
1915, he was again, under his energetic protest, deported to
Shanghai with the full protection of the British Government free
from outside annoyance while living peacefully and observing the
laws faithfully. Ricarte, through his wife, Agueda, on arriving at
Shanghai secured passage for Moji, Japan, on a Japanese boat. to
get rid of the clutches of the yankees who were tracking him. From
Moji he bought another ticket to continue his trip on the same boat
to Kobe. At Kobe he slept during the night: and in the following
morning he took the express, train for Nagoya, Aichiken, and on
reaching this point he transferred to an electric car for Seto-cho,
Iligashi-Kaigaigun, Aichiken, where he met two Filipino students,
Ariston Gonzales of San Rafael, Bulakan, and Felisberto Procopio of
Nagcarlan, Laguna. Ricarte resided in Aichiken until the year 1921
when he moved with his wife to Tokyo to teach Spanish in a private
school called "Kaigai Shokumin Gakko." In April of the year 1923 he
again moved to Yokohama and when the Great Earthquake (Sept.
1st, 1923) followed by a terrific fire and typhoon, had occurred, he
together with his wife, Mr. Jose A. Ranes and Mrs. Pedro Bartolome
with her twine boys miraculously escaped sure and instant death.
An American news-paper "THE MANILA TIMES" on its number of
Sept. 19, 1923, when the "Great Earthquake" had happened,
published the following: "Unless he (Ricarte) swears allegiance to
the United States, General Artemio Ricarte, the "Viper", whose
stubborness threatened for a time the peace between Filipinos and
Americans, cannot come to the Philippines, it was declared officially