You are on page 1of 5

ANG PULITIKA

-Richard Dean V. Alcantara


Puro katiwalian at puro kasinungalingan ang mga pulitiko. Yan nag lagi ang iniisip ng
dalawangput walong taong gulang na lalaki na si Roy. Si Roy ay isang taong matiyaga,
matulingin, mapagmahal, may malasakit sa lipunan at mataas nag pangarap ngunit siya ay hindi
mayaman at hindi rin mahirap. May isa siyang natatanging pangarap yun ay mabago ang maling
pamumuno ng mga kurakot na gobyerno.
Tuwing papasok siya sa trabaho ay palagi niyang nakikita ang mga nanlilimos na tao at
mga namumulot ng mga basura upang may makain lang. awang-awa siya sa mga nakikita at
dahil dito ay isinisi niya ito sa gobyerno. Tuwing susuweldo siya ay bumibili siya ng mga
pagkain upang ipamigay sa mga walang makain at dahil dito kilala na siya ng mga mahihirap
dahil sa kanyang kabaitan. Pag uwi ni Roy ay pagod na pagod siya sa kanyang trabaho, dadatnan
niya nag kanyang alaga na Aso na tuwang tuwang sasalubungin siya pag dating. Wala siyang
ibang kasama sa bahay niya kundi ang kanyang alaga na aso.
Papasok na siya sa kanyang trabaho at nakasalubong niya nag isang mahirap na
tinulungan niya dati at sinabihan siyang tumakbo sa darating na halalan, dahil doon bigla siyang
natahimik at napaisip. Mga ilang segundo pa ay bigla siyang ngumiti sa matanda at sinabi na siya
ay papasok na at baka siya ay mahuli pa. Nakangiting paalis na si Roy at tumatakbo.

Nakauwi na si Roy sa kanila at tila halatang nag-iisip siya, iniisip niya kung siya ba ay
tatakbo sa pagka-Mayor. Malapit na ang eleksyon at tiyak marami na naming maglalaban para sa

isang katungkulan na purong kasinungalingan lang nag ipagsasabi sa mga taong-bayan at


pagkayari ng eleksyon at sila na ang nanalo ay kakalimutan na nila nag mga ipinagako at
babawiin ang mga ginastos sa sa eleksyon gamit ang pera ng sambayanan na kanilang
kinukurakot pag sila ay nakaupo na sa gobyerno. yoon ang gustong baguhin ni Roy, gusto niyang
mabago ang maling kalakalan ng pulitika.
Makalipas ang ilang araw ay nagpunta si Roy sa mga dating naging pulitiko at nagtanong
kung anong mga kailangang gawin at anong kakailanganin para makatakbo bilang isang pulitiko.
Ayon sa kanyang nakuhang resulta ang pinakamahalagang bagay na kailangan ay pera, naiisip
niya na ito nga ang pinakamahalaga dahil sa panahon ngayon kung wala kang pera wala kang
halaga sa lipunan, ngunit hindi ganoon kayaman si Roy, hindi katulad ng mga Pulitiko na mga
milyonaryo. Si Roy ay balak baguhin ang kaugalian ng mga pilipino na salip na masilaw sa pera
ay gamitin nila ang kanilang karapatan sa botohan at wag silang masilaw sa pera dahil ang pera
na ibibigay ng pulitiko ay sandali lang maubos at magastos ngunit ang paghihirap na matatamo
ay napakahaba kapag ipinagpalit nila ang pera sa pagboto ng tama.
Nakabalik na si Roy sa kanyang trabaho ngunit naghahanap na sya ng mga kakailanganin
para sa eleksyon, malapit na rin ang pasahan ng mga papel upang makatakbo sa dadarating na
eleksyon. Naghahanap na din ng campaign manager si Roy at mga konsehal na kasamang niyang
lalaban. Matagal tagal pa ang eleksyon ngunit pinaghahandaan na ni Roy ang eleksyon,
naghahanap na siya ng mga magdodonate ng tarpulin poster at iba pang mga tutulong sakanya
dahil nga siya ay kapos sa pera, nakahanap na rin siya ng ilang mga magiging konsehal niya sa
pagtakbong mayor sa kanilang bayan.

Alam na ni Roy ang kanyang makakalaban, dalawang milyonaryo ang kanyang


kakalabanin sa eleksyon, ang isa ay may kumpanyang malaki na at ang isa naman ay may ari ng
isang maunlad na resort na may maraming branch sa ibang lugar.
Ilang buwan nalang ang natitira at magsisimula na ang kampanyahan ngunit si Roy ay
kulang pa ang pondo patuloy pa rin siyang naghahanap ng mga sponsor, ang gagawin niya ay
lalaban siya ng walang suhol at walang kasinungalingan, di kagaya ng ibang pulitiko pawang
kasinungalingan at binabayaran ang mga tao upang sila ay manalo, yan ang ayaw na mangyari
Roy.
Mag susumite na sila sa COMELEC ng mga kailangan para sa pagtakbo, buo na rin ang
partido ni Roy, may sampo siyang konsehal, isang campain manager at ang sarili niya bilang
isang mayor, ngunit ang kanyang mga kasama ay hindi rin ganoon kayaman. Sakanilang tatlong
tatakbo bilang pagka Mayor tila siya lang ang walang bodyguard. Nayari na ang sumitehan at
sila Roy ay papunta na sa isang lugar upang magmeeting. Pagmimeetingan nila ang tungkol sa
paglaban ng patas at walang binabayarang tao at dadaanin nila sa mga katotohanang salita,
ngunit ang isa niyang konsehal ay sumagot at sinabing, hindi na uso ang pagsasabi ng
katotohanan ngayon tsaka dapat marami kang pera kung lalaban ka. Biglang natahimik ang
lahat ng mga ilang segundo at biglang tumayo si Roy sabay sabing, kaya nga babaguhin natin
ang kamaliang iyon. Nag-usap pa sila sa mga ibang bagay at kung papaano sila mananalo ay
kung paano nila matatalo ang mga mayayaman. Makalipas ang ilang oras ay napag desisyonan
na nilang umuwi sa kani-kanilang tahanan, pero hindi pa umuwi si Roy at nagpunta siya sa ibang
lugar upang maghanap ng makakatulong sa kanya.

Kinabukasan simula na ng kampanyahan at mukang handa na ang lahat ng kandidato


hihintay nalang nila ang opisyal na pagbubukas ng pangagampanya. Si Roy ay mukang handa na
rin.
Nagsimula na ang kampanyahan at gabi-gabi ay ibat ibang baranggay ang kanilang
pinupuntahan. Ang Dalawang tumatakbong Mayor ay tila totoo ang sinasabi at pagkayari ng
pangagampanya ay binibigyan nila ang mga botante ng limang daang piso kada tao, ngunit si
Roy ay iba, pagkayari ng pangagampanya ay kinakamayan niya lang isa-isa at nagpapasalamat sa
pagdalo doon at sinasabi niya na uunlad ang kanilang bayan.
Ilang linggo nalang ang natitira ngunit mainit parin ang labanan ng tatlong koponan. Ang
dalawa ay dinodoble na ang bayad sa mga tao nang sila ay manalo.
Araw na ng botohan at si Roy ay kinakabahan, magkakasama silang mga kapartido niya.
Kinahapunan nakita na nila ang resulta at nagulat sila, ni walang nanalo kahit isa sa kanila si Roy
ay nadismaya dahil triple ang boto ng dalawa sa boto na nakuha niya. Hindi yom matanggap ni
Roy kayat umuwi siya sa bahay nila at nagkulong.
Kinabukasan ay tila balisang balisa si Roy, may sinasabi siyang isang bagay yoon ay
wala nang pag asang umunlad ang Pilipinas.

PALAYAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL


ATATE, PALAYAN CITY

MAIKLING KUWENTO
(TEORYANG REALISMO)

IPINASA NI:
RICHARD DEAN V. ALCANTARA
IV-SSC

IPINASA KAY:
MAAM REBIE LADIGNON
GURO

You might also like