You are on page 1of 7

Dekada ‘70

Introduksyon

Ang Dekada '70 (Dekada '70: Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon), ay isang
nobelang Pilipino na isinatitik ni Lualhati Bautista. Ito ay isang pagsasalaysay ng mga
pangyayari sa buhay ng isang pamilyang nahagip sa kalagitnaan ng mga magulong
dekada ng 1970. Tinatalakay nito kung paano nakibaka ang isang mag-anak na nasa
gitnang antas ng lipunan, at kung paano nila hinarap ang mga pagbabago na nagbigay ng
kapangyarihan upang bumangon laban sa pamahalaang Marcos. Naganap ang sunud-
sunod na mga pangyayari matapos ang pagbomba ng Plasa Miranda noong 1971, ang
pagkitil sa Batas ng Habeas Corpus, ang pagpapatupad ng Batas Militar at ang walang
anu-anong pagdakip sa mga bilanggong pampulitika. Nawalan ng katiwasayan ang mga
mamamayan dahil sa paniniil ng rehimeng Marcos. Napagmasdan ng babaeng katauhan
na si Amanda Bartolome ang mg pagbabagong ito na humubog sa dekada. Ina ng limang
anak na lalaki si Amanda Bartolome. Habang nagsisilaki at nagkaroon ng sari-sariling
mga paniniwala, pananaw at buhay ang mga anak na lalaki ni Amanda, itinaguyod naman
ni Amanda ang kaniyang pagkakakilanlan bilang isang mamamayang Pilipino, ina at
babae. Ibinungad ng Dekada '70 sa bagong salinlahi ng mga mambabasang Pilipino ang
salaysaying ng isang mag-anak na nasa isang partikular na panahon sa kasaysayan ng
Pilipinas. Ang nakahihikayat na katangian ng nobela ay nakasalalay sa pagunlad ng mga
tauhan nito na kumakatawa sa bagong henerasyon ng mga Pilipino. Ito ay isang kuwento
hinggil sa isang ina at sa kaniyang mag-anak, at sa lipunang nakapaligid sa kanila. Isa
itong salaysayin kung paano ang damdamin ng isang ina ay napupunit sa pagitan ng
panitik ng batas ang kaniyang mga katungkulan bilang ina.
I.Kakayahan ng may-akda sa pagsulat ng aklat

A. Talambuhay ng May-akda

Si Lualhati Torres Bautista ay isa sa pinakabantog na babaeng nobelista sa
kasaysayan ng kontemporaryong panitikan ng Pilipinas. Ipinanganak siya sa Tondo,
Manila noong ika-2 ng Disyembre taong 1945. Ang kanyang mga magulang ay sina
Esteban Bautista and Gloria Torres.

Nagtapos siya ng elementarya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958,
at sekondarya sa Torres High School noong 1962. Isa siyang journalism student sa
Lyceum of the Philippines, ngunit pinili niyang magdrop-out kahit hindi pa siya tapos ng
kanyang freshman year. Naging vice-president siya ng Screenwriters Guild of the
Philippines at chair ng Kapisanan ng mga Manunulat ng Nobelang Popular.

Bilang karagdagan sa pagiging isang nobelista, si Lualhati Bautista ay isa ring
manunulat ng mga maiikling kuwento, at maging sa larangan ng pelikula at telebisyon.
Ang pinakaunang akdang-pampelikulang isinulat niya ay ang Sakada (mga magsasaka ng
tubo), isang kuwentong naisatitik ni Bautista noong 1972 na naglantad ng katayuan at
pamumuhay ng mga mahihirap ng Pilipino. Nakatanggap ng pagkilala at parangal na
Gantimpalang Don Carlos Palanca para sa Panitikan ng Pilipinas, maging mula sa
Surian ng Wikang Pambansa noong 1987. Ilan sa mga ginantimpalaang sulating-
pampelikula niya ang Bulaklak sa City Jail (1984), Kung Mahawi Man ang Ulap (1984),
Sex Object (1985). Para sa pagsusulat para sa pelikula, nakatanggap siya ng pagkilala
mula sa Metro Manila Film Festival (best story-best screenplay), Film Academy Awards
(best story-best screenplay), Star Awards (finalist para sa best screenplay), FAMAS
(finalist para sa best screenplay), at mga gantimapalang URIAN. Dalawa sa kaniyang mga
maiikling kuwento ay nagwagi rin mga gantimpalang Carlos Palanca para sa Panitikan:
ang Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra, unang gantimpala, 1982, at Buwan,
Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang, pangatlong gantimpala, 1983. Sumulat rin si
Bautista ng mga dramang pang-telebisyon: ang Daga sa Timba ng Tubig (1975) at Isang
Kabanata sa Libro ng Buhay ni Leilani Cruzaldo (1987). Nanalo ang huling akda ng
pinakamagaling na kuwentong pandrama para sa telebisyon mula sa Catholic Mass
Media Awards.
Pinarangalan si Bautista ng Ateneo Library of Women’s Writings (Aklatan ng mga
Sulatin ng mga Kababaihan ng Ateneo) noong Marso 10, 2004 habang idinaraos ang ika-
8 Taunang Panayam sa Panitikang Isinulat ng mga Kababaihan sa Katutubong Wika.

B. Iba pang Aklat

• Gapo (1980)
• Dekada ‘70 (1983)
• Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa (1984)
• Sa mga Gabing Wala ang Diyos… Ipagdasal N’yo Kami! (1987)
• Charity Ward (1991)
• Sayaw sa Apoy (1991)
• Ang Babae sa Basag na Salamin (1994)
• Apartment 3-A Mariposa St. (1994)
• Araw ng mga Puso (1994)
• Isang Buong Laot at Kalahati ng Daigdig (1994)
• Sila at ang Gabi (1994)
• Hugot sa Sinapupunan (2004)
• Ang Kabilang Panig ng Bakod (2005)
• Desisyon (2005)

C.Batayan ng May-akda sa Pagsulat ng Aklat

Naging batayan ng may-akda ang isang lipunang noo'y nasa bingit ng pagbabago
sa gitna ng papalalang krisis pang-ekonomiya at pampulitikang ligalig bago naganap ang
tinaguriang EDSA People Power Revolt ng 1986.

Sa akdang ito, ipinakita ni Amanda Bartolome (tagapagsalaysay ng nobela) ang
mga sakit, ligaya, problema, at adhikain niya bilang babae.

II. Pagtataya

Sa Dekada '70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga aktuwal na kuwento
ng panunupil at karahasan ng mga militar sa mga inosenteng sibilyang nasasangkot sa
digmaan, mga paglabag sa karapatang pantao, iba't ibang mukha ng karukhaan at
pagsasamantala sa aping mamamayan, at ang walang humpay na paglaban ng
mamamayan sa diktadurya sa panahon ng batas militar.
Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada '70 ay tila nakapagsisilbing
panggatong sa lumalakas at umiigting na tinig ng paghihimagsik sa mga unang taon ng
sumunod na dekada.

Sa akdang ito, ipinakita ni Amanda Bartolome (tagapagsalaysay ng nobela) ang
mga sakit, ligaya, problema, at adhikain niya bilang babae.

III. Kongklusyon

A. Nagustuhan mo ba ang aklat? Bakit?

Masasabing nagustuhan ko ang akdang ito dahil minulat nito ang mga
mata ko ukol sa mga naganap noong panahon ng martial law.Kung paanong
naapektuhan ng martial law ang buhay ng bawat pamilya noon. Bukod pa rito,
maliban sa pagpapaalaala sa ating mahalagang bantayan ang ating kalayaan at
gampanan ang ating mga pananagutan dito, naniniwalaakong wala itong tunay
mabigat na mensaheng pulitikal. Ngunit muli, hindi ko sinasabing kakulangan ito.
Sa katunayan, nauunawaan kong tama naman na dito ituon ang mga pangunahing
tema ng akda: sa kahalagahan ng pamilya, sa ikabubuti ng isang mas malaking
komunidad, katulad ng sarili nating bansa. Sa ganitong paraan, hindi nakakahon at
nakakulong lamang sa isang dekada ng ating kasaysayan ang mensahe nito.

B. Karapat-dapat bang irekomenda ang aklat?

Karapat-dapat lang na irekomenda ang aklat na ito upang sa ganon ay
magkaroon din ng pagkakataon ang ibang mambabasa na malaman ang gustong
iparating ng akdang ito. Mahalagang mabatid din nila ang nilalaman at mensahe
ng nasabing aklat.

C. May natutunan ka ba sa aklat?

Marami akong natutunan sa aklat na ito. Sa mga panahong gaya ng dekada
70—na dekada ng pagkamulat at pakikibaka—natutunan ko ang aral na ang bawat
isa'y bahagi ng mas malawak na lipunan kung saan ang mga kabataan ngayon, na
"isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang panahon", ang siyang
magpapasya ng kinabukasan ng bayan. Ang luma'y sadyang napapalitan ng bago.

D.Paano mo mapapaunlad ang aklat?

Mapapaunlad ko ang akdang ito sa pamamagitan ng pamamahagi ng
kaalaman ko ukol dito at paghikayat sa ibang bata na basahin ang aklat na ito.
Para sa mga estudyanteng may progresibong kaisipan, makakaambag ang akda sa
pagpapataas ng kanilang pampulitikang kamulatan at pagkamakabayan.

Itinuring ko na ang nobelang ito bilang nirerekomendang reading material
para sa pagmumulat at pag-oorganisa sa masang estudyante.

IV. Buod

Amanda, Julian, Jules, Gani, Emmanuel, Jason, Bingo

Kahit pa sumuong
sa matitinding trahedya Panahon ng Batas
ang pamilyang Bartolome, Militar
nananatili pa rin silang
buo sa kabila ng
pagkakaiba-iba Dekada
nila ng prinsipyo.
Kahit hindi nagkaka-
‘70
intindihan
sa mga diskursong
pang-intelektuwal,
di nawawala ang mahigpit
na ugnayang emosyonal.

Pagkakroon ng tanggulian Sa Maynila
at kung paano haharapin
ng pamilya Bartolome
ang mga trahedya sa buhay nila.
Sa di-inaasahang pagkakatao'y
nalasap ng buong pamilya
ang dagok ng batas military.