“The Shining Moon” September 9, 1980, Incheon, South Korea… “Whaaaaa!!! Anong oras na! Late na ko.

Pambihirang relo ito oh… Hindi gumagana.” Sigaw ni Seoul-gi nang magising sya. “Seoul- gi anak, bakit ka ba nagmamadali? Halika, kumain ka muna.” “Maliligo na muna ako… Late na kasi ako eh.” “Ikaw ang bahala.” At dali-daling pumunta si Seoul-gi sa banyo para maligo. Wala nang ayos-ayos. Agad na syang dumiretso sa opisina matapos syang maligo at nakalimutan narin nyang kumain. “Seoul-gi! Nasa’n ka na Seoul-gi?! Pambihira!” sambit ng boss nyang galit na galit. “Tok-tok-tok..!!!” at binuksan ngkanyang boss ang pinto. “Sir, pasensya na po. Hindi po kasi tumunog ang alarm clock eh.” Dahilan ni Seoul-gi. “Parati ka nalang ganyan! Alam mo ba na maraming nawawala kapag ganyan ka nang ganyan! Lagi ka na lang nahuhuli! Nasa’n na ang mga sinulat mo?” “Ah, heto po. Patawad talaga. Di ko po sinasadya.” “Hay, Tama na. Magtrabaho ka na. Gumawa ka ng isang kwento na magpapaantig sa puso ng buong bansa. Yung tipong di nila makakalimutan na minsan silang napaibig nito.” “Huh? Parang… ang hirap naman nun…”Änong mahirap?! Tandaan mo, nahuli ka ngayong araw na ito, at iyon ang kabayaran sa pagiging huli mo!” “Ganoon po ba? Sige.” “Teka, mag- ayos ka nga muna… para kang sinabunutan!” “Si sir talaga… hmmf!!” at dumiretso na kaagad si Seoul-gi sa kanyang silid para magisip ng kwentong isusulat niya. Sa kabilang dako naman ay binabasa naman ng kanyang boss ang nauna nyang sinulat. Habang syaý nasa silid… “Ano bang topic ang isusulat ko? Isang kwento na magpapaibig sa buong bansa…? Anong klaseng kwento naman yun? Ang hirap naman isipin nun… hmmmm… Maraming umaasa sa’kin kaya dapat mapagbuti ko pa ang mga isusulat ko, kagaya ng ginawa ko dati.” At patuloy syang nag- isip ng nag- isip kung anong paksa ba ang isusulat nya. Kinagabihan, nang sya’y makarating sa bahay, dali- dali syang tumungo sa kanyang silid habang pinag- iisipan kun gamo ang isusulat. “kwentong magpapaibig sa buong bansa… di nila makaklimutan… magpapaantig sa kanilang damdamin…”sinabi nya ito sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit na matatanaw sa bintana ng kanyang silid. Sa kanyang pagtingin sa mga bituin, bigla nyang naisip na… “Aha! Alam ko na! Kailangan, isang kwento ng pag- ibig na wagas ang isulat ko… Na may halong pagiging makasining at makakalikasan. Tama… oo, yun nga ang aking isusulat. Tiyak na iibigin ng buong bansa ang kwentong iyon.” Sinimulan nyang sumulat ng kwento nang gabing yon rin. Lumabas sya sa kanyang silid at nagpunta sa hardin upang makapagsulat. Tuluy- tuloy ang daloy ng mga idea sa kanyang isipan na tila ilog na umaagos. Sobrang haba na ng kanyang naisulat at di na nya namalayan na nakatulog na pala sya.

Kinabukasan nakita sya ng kanyang nanay na natutulog sa hardin. “Seoul- gi, Seoul- gi anak… gumising ka na at baka mapagalitan ka pa ulit ng iyong boss kapag nahuli ka.” “Huh? Hmmm…” sambit ni Seoul- gi nang syaý magising. “Seoul- gi ano bang balak mo? Bakit di ka pa bumabangon hanggang ngayon? Anong oras na!” “Mama, di ako papasok.” “Ano? Eh, baka mapagalitan ka nanaman kapag di ka pumasok nyan.” “Hayaan mo na nga sya. Puro sya sermon, eh ginagawa ko naman ang trabaho ko eh. At di ko kailangang pumunta sa opisina para lang makapagsulat ng isang magandang kwento.” “Anak, ano bang sinasabi mo riyan? Sya parin ang iyong boss kahit na anong gawin mo.” “Isa syang boss na walang ginawa kundi mag- utos ng mag- utos. Wala saying kwenta” “Anak… ano bang pinagsasasabi mo?” “Aalis ako mama. Di uunlad ang mga sulatin ko kung mananatili ako rito.” “Seoul- gi!” at tumayo si Seoul- gi para ihanda ang kanyang mga dadalhin at gagamitin sa isang paglalakbay. Sumakay sa isang bus si Seoul- gi papunta sa sa isang probinsya. At habang nasa sasakyan ay patuloy parin nyang iniisip kung paano sya makakapagsulat ng isang kwento na magpapaantig sa mga mambabasa. Pagkatapos ng tatlong oras na biyahe… “Hay sa wakas! Narito narin ako sa bayang ito.” Naglakad sya ng naglakad. Napansin nyang kakaunti lamang ang naninirahan sa lugar na ito at magkakalayo ang mga bahay; lalong lumalamig ang kapaligiran dahil sa lakas ng hangin. “Naku ano ba ‘tong napuntahan kong lugar? Parang masyadong tahimik. Di naman ito ang hiniling kong puntahan ah.” Sabi nya sa sarili nya. Sa kanyang paglalakad, mayron syang nakasalubong na ale. “Ahm… inay, magtatanong lang po sana ako kasi di ako pamilyar sa lugar na ito eh. Kararating ko lang po rito pwede po bang humingi ng tulong?” “Tulong? Ano ba ang maitutulong ko saýo? Bago ang lahat, ano ba ang pakay mo sa lugar na ito at dito ka nagawi?” “Eh kasi po balak kong magsulat ng isang kwentong magpapaantig sa puso ng buong bayan.” “Isa kang manunulat?” “Opo, isa akong tanyag na manunulat. Ako po si Park Seoul- gi mula sa Incheon, South Korea.” “Pamilyar ang pangalan mo. Hindi ko alam kung natagpuan na ba kita o ano… Pero parang nakita na kita sa isang panahon sa aking nakaraan…” “Huh? Mukhang malayo pong mangyari ang sinasabi ninyo. 22 years old palang po ako.” “Ang hugis ng iyong mukha… ang iyong mga mata, kaparehong- kapareho ng sa kanya.” “Uhm, inay maaari po bang makituloy muna ako sa inyo? Kasi wala po akong matutuluyan sa lugar na ito eh. Sana okay lang sa inyo yon.” “Aba siempre naman. Halika at humayo tayo sa aking munting tahanan. At nagalakad na nga sila patungo sa bahay para makapagpahinga na. Kinabukasan… “Iha, pagpasensyahan mo na ang pagkain dito ha… wala kasi akong pambili ng mga pagkaing sa siyudad lamang matatagpuan.” “Ayos lang naman po kung ito ang kakainin ko. Bumibili rin naman ng ganito si mama kung minsan eh.” “Ganun ba? Salamat naman at hindi ka pihikan sa pagkain. O sya, maaari mo ba akong samahan sa kakahuyan mamaya? Doon kasi ako kumukuha ng mga prutas na kinakain ko eh.” “Inay, hindi po ba napaka delikado na para sa inyo ang pumunta roon?” “Alam mo iha, mas gugustuhin ko pang mapadpad roon dahil sa kakahuyang iyon makukumpleto ang aking buhay.” “Buhay? Bakit, mayro’n po ba kayong ala-ala sa kakahuyang iyon?” “Oo,

at hanggang ngayon ay buhay na buhay pa ang lahat ng iyon sa’king puso’t isipan…” “Mukha nga po eh. Hehehe. Sige po inay, sasama ako sa inyo. At gusto kong marinig ang inyong kwento. Baka makatulong po kasi iyon sa aking pagsusulat.” “O sige, maghanda ka na para sa ating pagtungo sa kakahuyan.” “Inay, ano nga po pala ang pangalan ninyo?” “Ako si Kim Hyang, at bakit mo naman naitanong?” “Ah, wala po. Gusto ko lang po kayong makilala ng lubos. Salamat po sa pagpapakilala ninyo sakin.” “Walang anuman.” Ipinrepara na ni Seoul- gi ang kanyang mga dapat dalhin sa kanilang pagpunta sa kakahuyan. “Inay, napaka sukal ng lugar na ito ah… Hindi po ba kayo natatakot kapag mag-isa kayo rito?” “Ano pa bang dapat kong ikatakot kung ang lahat ng pinaka nakakatakot ay naranasan ko na? Ang isang sundalo ay lalong tumatapang habang nasusugatan…” “Ano po ang inyong ibig sabihin sa sinabi ninyo?” “Isa kang manunulat hindi ba? Marapat lang na maunawaan mo ang aking sinabi.” Natahimik si Seoul- gi at nag-isip kung ano nga ba ang nais iparating na mensahe ng matanda. Palakad- lakad sya hanggang sa… “Inay, nasa’n na po kayo? Inaaaayyy!!!” naliligaw si Seoul- gi at iyon ang kanyang sigaw. Inabot na sya ng dilim at hindi parin nya makita ang matandang babae; bigla na lang itong nawala na parang bula at iniwan si Seoul- gi. Di nya malaman ang gagawin at balisang- balisa sa kakaisip kung paano makakaalis sa lugar na iyon. Sa kanyang paglalakad, ay nakadama sya ng isang matinding pagkahapo kaya sya umupo sa tabi ng isang puno. Doon ay nakatulog sya ng mahimbing at di alintana na sa kanyang paggising ay isang surpresa ang naghihintay sa kanya. “Nasa’n na ako? Anong lugar ito?” Luminga- linga sya sa kanyang paligid at nakita nyang sya’y nasa isang bahay- dalanginan. “Mabuti naman at gising ka na binibini. Ano ang iyong pangalan?” tanong ng babaylan. “Sino po kayo? Kagabi lang nasa kakahuyan pa ako. Paano ako napunta rito?” tanong niya sa babaylan. “Sa kakahuyan? Anong kakahuyan ang tinutukoy mo? Napakalayo ng kakahuyan sa bayang ito. Natagpuan kita sa ilog at inahon kita dahil baka ka malunod. Pinalitan ko rin ang iyong kasuotan dahil basing- basa ito.” At napatingin sya sa kanyang damit at napansin nga nyang nag- iba ang kanyang damit; napalitan ito ng isang tradisyunal na kasuotan sa bayang iyon. “Impo, sigurado po ba talaga kayong sa ilog ninyo ako nakita? Kasi po ang pagkakaalam ko ay natulog ako kagabi sa tabi ng isang puno sa kakahuyan. Iniwan po kasi ako ng matandang kasama ko doon kagabi ng di manlang nagpapaalam sakin eh.” “Iha, ikaw ay isang dayuhan sa lugar na ito at iyon ang totoo.” “Matanong ko lang po sana- bakit napaka sinauna ng mga kasuotan rito?” “Ano bang iyong mga pinagsasasabi riyan? Tayo’y namumuhay at nabibilang sa panahon ng Dinastiyang Joseon!” Laking gulat ni Seoul- gi nang marinig nya na sila’y nasa Dinastiyang Joseon. Hindi rin nya mapaniwalaan ang sinabi ng babaylan kaya tumahimik na lamang sya. “Ano ba’ng kasalanan ko, Panginoon? Bakit ako napadpad sa lugar at sa panahong napakalayo sa aking kinagisnan?” sabi nya sa sarili nya. Nanatili sya sa bahay- dalanginan ng mga babaylan at doon nagpalipas ng magdamag. Kinagabihan, biglang dumating ang isang mensahero mula sa kaharian. “Punong babaylan, mayroong nais na kumausap sa inyo.” Sabi ng isa pang babaylan. “Sino sya?” “Isang mensahero po mula sa kaharian.” “Papasukin mo sya.” At pumasok nga ang isang

mensaherong sinugo mula sa kaharian. “Punong babaylan, pinapasabi ng mahal na hari na ang lahat ng mga naninirahan sa inyong dalanginan ay dadakpin!” “Hindi ako makakapayag! Ang dalanginang ito ay di na nararapat pang halughugin ng hari dahil wala rito ang hinahanap niya.” “Iyon ang sabi ng hari at iyon ay dapat na maisakatuparan!” ang mga sundalo mula sa kaharian ay nilusob ang bahay- dalanginan at tinangay ang lahat ng mga taong natagpuan nila. Napasama si Seoul- gi sa mga taong dinakip ng mga sundalo. “Teka, sino po ba kayo? Bakit ninyo ako isasama? Wala akong alam sa mga sinasabi ninyo! Pakawalan ninyo ako!” sigaw ni Seoul- gi. “Sumama ka na lang at sa hari magpaliwanag.” “Ayoko! Bitiwan ninyo ako!” Walang nagawa si Seoul- gi kundi ang umiyak ng umiyak. Ang lahat ng mga tao sa bahay dalanginan ay dinala na sa palasyo upang parusahan. Ngunit paano na si Seoul- gi? “Kamahalan, heto na ang mga bilanggong nagtatago sa bahay dalanginan ng punong babaylan.” At sumagot naman ang hari. “Bakit kayo nagtatago sa bahaydalanginan? Anong inyong pakay sa pagtatago roon? Kakampi nyo ba ang punong babaylan sa paghihimagsik laban sa aking kaharian?” at sumagot si Seoul- gi sa Katanungan ng hari. “Hindi po! Ngayon lang ako napadpad sa lugar na ito. Nagmula po ako sa hinaharap at di ko rin po alam na mapupunta ako rito. Wala po akong alam sa mga sinasabi ninyo!” “At sino ka namang lapastangan ka? Sino ang nagbigay sa iyo ng pahintulot na sumagot?” “Bakit ba ayaw ninyong maniwala sa’kin? Nagsasabi naman akong totoo ah. Di ako lumalaban sa inyong pamahalaan at di ko rin mapapayagang saktan ninyo ako kahit na wala akong kasalanan!” “Ikulong ang tampalasang babaeng iyan! Lapastangan!” dinakip si Seoul- gi at dinala sa bilangguan. “Diyan ka! Yan ang nababagay sa mga sumusuway sa hari!” “Pakawalan nyo ako! Ano ba?! Buksan nyo ang pinto!!! Hoy!” Sa kanyang pagkakabilanggo, mayroong isang tao ang kumausap sa kanya. “Bakit ka naririto? Sumusuway ka ba sa hari?” “Hindi po. Wala akong alam sa ibinibintang nila. Aksidente lang ang pagpunta ko sa panahong ito. At di ko akalaing ito ang sasapitin ko.” “Ano ang iyong ibig sabihin? Di ka nabibilang sa panahong ito? Kalokohan.” “Bakit ba ayaw ninyo akong paniwalaan? Mula ako sa hinaharap- sa taong 1980.” “Sa hinaharap? Kung totoo ang sinasabi mo, paano ka nagawi rito? Napakahirap paniwalaan ng mga sinasabi mo iha. Ano nga pala ang pangalan mo?” “Ako po si Park Seoul- gi. Kayo po ba?” “Ako si Heneral Wong. Dinakip ako dahil sa pag-aaklas ko sa kaharian. Marami ka pang di nalalaman sa mga nangyayari.”natawa si Seoul- gi sa sinabi ni Heneral Wong. “Eh kayo po ang walang alam sa mga mangyayari. Nagmula po ako sa hinaharap at napag- aralan na namin ang inyong buhay sa Kasaysayan ng Korea. Kayo po ay isang mahusay na heneral na lumaban sa pamahalaan dahil nais ninyong magtatag ng isang panibagong bayan. Sa kasamaang palad, kayo ay… kayo ay…” “Ako ay ano?” “Kayo ay mamamatay sa isang digmaan at ang makakapaslang sa inyo ay ang nas- iisang anak ng hari na si Prinsipe Gyeo.” “Si Gyeo, ang papaslang sa akin? Ngunit paano?” “Papanain nya kayo at iyon ang inyong ikamamatay.” “Iha, paano mo nalaman na si Prinsipe Gyeo ang anak ng hari?” “Nagmula po ako sa hinaharap at inaral namin ang tungkol sa kasaysayan. Ang inyo pong anak ay nawawala hindi ba? At di nyo sya makita sa kahit anong lugar nyo sya hanapin.” “Iha, tutulungan kitang makatakas sa bilangguang ito, tulungan mo rin akong maitatag ang bagong bayan.” “Ngunit paano po? Hindi po ako malakas katulad nyo.” “Sabihin mo sa’kin ang mga maaaring mangyari nang sa gayo’y maiwasan ang

katuparan nito.” “Hindi ko po alam kung ano ang gagawin ko para matulungan kayo pero susubukan kong gawin iyon.” “Maraming salamat.” Noong gabing iyon rin ay tumakas sila ni Heneral Wong at nagpakalayu- layo. “Iha, maraming salamat ulit sa tulong mo. Ito ang paaralan ng mga kisaeng, maaari kang mamasukan riyan kung nais mo.” “Paaralan ng mga kisaeng? Maaari akong sumulat ng mga tula at kwento doon diba?” “Oo, at maaari kang maging tanyag sa buong bayan na ito. Katulad ni Shimdae at ng aking mahal…” “Mahal? Sino po ang tinukoy ninyo?” “Ah, wala… Huwag mo nang intindihin pa ang aking sinabi.” Kumatok si Seoul- gi sa pintuan ng paaralan ng mga kisaeng. “TOK- TOK- TOK!” at binuksan ng isang kisaeng ang pintuan sa kanilang paaralan makalipas ang sampung minuto. “Ano ang iyong sadya sa aming paaralan? Sino ka?” “Ako nga pala si Park Seoul- gi. Nais ko sanang humingi ng tulong sa inyo.” “Ano ang maitutulong ko?” “Maaari bang manatili ako sa inyong paaralan? Wala kasi akong matutuluyan eh.” “Patawad. Sa Tingin ko nagkamali ka ng nilapitan. Hindi taguan ng mga bilanggo ang aming paaralan.” “Sandali lang, hindi ako masamang tao. Kasama ko si Heneral Wong kanina at sinabi nya na dito raw ako humingi ng tulong.” Itinulak siya ng kisaeng papalayo at doon sa labas ng paaralan sya kinausap. “Si Heneral Wong ba kamo? Nasa’n sya ngayon?” “Umalis sya. Hindi ko alam kung sa’n ang tungo nya pero sabi nya, dito raw ako humingi ng tulong.” “Paano mo sya nakilala?” “Nakasama ko sya sa bilangguan kanina. Dinakip ako ng mg aalagad ng hari kahit na hindi dapat.” “Paano mo nasabing di ka dapat dakpin?” “Mahabang kwento. Nagmula pa ako sa… Sa malayong lugar at ngayon lang ako napadpad rito. Kaya hindi ako dapat na dakpin.” “Halika, sumama ka sa akin. Ipapakilala kita sa aming guro na si Yeong Kyo.” “Salamat ha.” “Mamaya ka na magpasalamat sa’kin kapag natulungan na kita.” “Sige, sabi mo eh.” At pumasok sila sa loob ng paaralan. “Guro, paumanhin kung nagambala ko kayo, mayron ang akong nais na sabihin sa inyo.” Sabi ng kisaeng. “Ano ang sasabihin mo sa’kin sa ganitong oras, Kim Hyang?” “Mayroon pong isang tao na nais humingi ng tulonong sa atin. Sana po ay matulungan natin sya.” “Nasa’n sya kung ganoon?” “Heto po sya.” At pumasok sa loob ng silid si Seoul- gi at umupo sa sahig. “Magandang gabi po.” “Sabihin mo na ang iyong nais.” “Kasi po, ahm… wala po akong matutuluyan. Maaari po ba akong tumuloy rito sa inyo?” “At paano ka nakasisigurong matutulungan kita?” at biglang natahimik si Seoul-gi sa sinabi ni Yeong Kyo. “Pero guro! Kailangan nya ang tulong natin!”sabat ni Kim Hyang. “Ano ba ang kaya mong gawin para sa ikauunlad ng aming kultura? Hindi ko kailangan ng isang pabigat rito sa aming paaralan.” “Manunulat po ako. Kung inyong tatanggapin ang aking kahilingan, maaari akong sumulat ng mga tula at kwentong magpapaibig sa buong bayan.” Laking gulat ni Yeong Kyo sa sinabi ni Seoul- gi. “Ganoon ba? Sumama ka sa’kin…” tumayo si Yeong Kyo at itinuro kay Seoul-gi ang kanyang silid. “Heto ang iyong silid. Kayong dalawa ni Kim Hyang ang magpapanatili sa kalinisan ng silid na ito.” “Maraming salamat po talaga sa inyo gurong Yeong Kyo!” sabi ni Kim Hyang. “Seoul- gi, simula ngayon ay magkasama na tayo rito sa kwartong ito. May gusto nga pala akong itanong sa iyo. Ano ba ang nalalaman mo kay Heneral Wong? Nagtataka lang kasi ako kung paano kayo nagkakilala.” “Kagaya ng sinabi ko sa iyo, nakilala ko sya sa bilangguan. At nag-usap kami tungkol sa…” “Tungkol sa alin? Sige na sabihin mo na.” “Ako ay nagmula sa hinaharap at sinabi ko sa kanya ang kanyang tadhana ayon sa mga pinag- aralan namin sa aming paaralan nuon. Hindi ba’t isa syang mahusay na heneral na

nagalayong makapagtatag ng isang bayan?” “Oo. Sya rin ang tangi kong mahal. Ngunit ang aming pag- ibig ay ipinagbabawal. Ang mga tulad kong kisaeng…” “… ay di maaaring magmahal. Kayo ay nakatadhana upang maging taga-aliw ng hari at ng iba pang ministro sa kaharian, tama ako hindi ba?” “Oo. Paano mo nalaman ang tungkol sa amin kung ikaw ay isang dayuhan lamang?” “Nagmula ako sa hinaharap. At di ko rin alam kung paano ako napunta rito sa panahong ito. Mayroong isang matanda na syang dahilan ng pagparito ko. Ang pangalan nya ay Kim…” natigilan si Seoul- gi at napatingin sa kisaeng. “Ano ang pangalan nya?” “Naku! Paano nangyari ang mga ito? Hindi ito maaari. Isa itong malaking kahibangan!” “Kahibangan? Ano ba’ng mga sinasabi mo?” “Hindi maaari ito. Dahil ang pangalan ng matandang babaeng sanhi ng aking pagparito ay Kim Hyang, at ikaw yon di ba?” “Ano? Paanong naging ako?” “Hindi ko rin alam eh. Sa isang kakahuyan ay isinama nya ako para mamitas ng mga prutas na makakain. At bigla na lang syang nawala. Iniwan nya ako. Sinabi rin nya sa’kin na sa kakahuyang iyon ay matatagpuan ang buhay nya.” “Isang kakahuyan ba? Naalala ko nang magkakilala kami ni Heneral Wong sa isang kakahuyan na malapit sa ilog. Lasing na lasing ako noon at halos di ko na nga maalala pa ang lahat nang nangyari. Ang sabi nya ay iniligtas nya ako sa pagkakalunod. At di ko na matandaan ang mga nangyari. Iyon lang ang sinabi nya.” “Kim Hyang… Sana’y makamit mo na ang tagumpay na iyong inaasam.” Napatingin lang sa kanya si Kim Hyang nang sinabi nya iyon. Inayos nila ang kanilang mga kagamitan at natulog na. Kinabukasan… “Kim Hyang! Bumangon ka! Anong oras na at hindi pa kayo nageensayo!” sigaw ng guro nilang si Yeong Kyo. “Hay madam ano ba naman kayo, wag nyo naman akong sigawan ng ganyan.” “Aba’t sumasagot ka pa riyan? Bakit hindi ka na lang tumayo at sumama sa iba pang kisaeng? Nalalapit na ang pista sa kaharian at magkakaroon ng paligsahan. Ang mananalo ay tatanghaling pinaka mahusay na kisaeng sa ating bayan.” “Madam, ano po ba ang paglalabanan sa paligsahang iyon? Sayaw? Pagsulat ng tula?” tanong ni Kim Hyang. “Lahat. Kaya nangangailangan ng pageensayo. Ang mga pinaka mahuhusay na punong kisaeng mula sa iba’t- ibang lugar ang hahatol sa lahat ng kalahok sa paligsahan.” “Ganon po ba madam?” kitang- kita ang kalungkutan sa mukha ni Kim Hyang. Tumalikod sya at umalis nang di nagpapaalam sa kanilang lahat. Bumalik si Seoul- gi sa paaralan ng mga kisaeng upang doon hintayin si Kim Hyang ngunit hindi nangyari ang kanyang inaasahan. “TOK- TOK- TOK!!!” at binuksan ni Seoul- gi ang pintuan. “Madam, kayo pala. Ano po ang sadya ninyo sa inyong pagparito?” “Kailangan kita makausap.” “Tungkol po saan?” “Batid mo ba kung nasaan si Kim Hyang?” “Madam… Patawad po.” “Tinatanong kita. Sagutin mo ako. Nasaan sya?” “Madam, hindi ko po talaga alam.” “Kung ganon, ikaw ang ipapalit ko sa kanya. Nalalapit na ang paligsahan, at kinakailangan maging kumpleto ang aming pangkat.” “Madam hindi ko po kaya. Patawarin nyo ako. Wala po akong kaalaman sa inyong mga gawain.” “May tatlong buwan pa para makapag- ensayo. Matututo ka rin.” “Madam… Hindi po pwede.” “Tumatanggi ka ba? Nakaklimutan mo ba na dahil sa akin kaya ka nailigtas sa pagkakadakip ng mga kawal? Tatanggapin mo ba ang aking paanyaya, o lilisanin mo na ang lugar na ito?” “Pero madam, paano po si Kim Hyang? Hindi nyo na ba talaga sya hahanapin?” “Ako ang bahala sa kanya. Tinatanggap mo na ba ang akin g paanyaya?” “Kung yon lang ang paraan para manatiling ligtas… Pumapayag ako.” Walang nagawa si Seoul- gi kundi tanggapin ang inaalok sa kanya ni Yeong Kyo.

Sa kabilang dako naman, si Kim Hyang ay tumakas upang makita si Heneral Wong. Pumunta si Kim Hyang sa Kakahuyan kung saan sila lagi nagkikita. “Kim Hyang. Nagkita tayong muli.” At niyakap ni Heneral Wong si Kim Hyang. “Heneral, patawarin mo ako … Nang dahil sa akin, dumaranas ka ng matinding kaungkutan. At hindi ko maalagaan ang iyong puso.” “Mahal kita KimHyang. At batid ko ang kalagayan nating dalawa. Bakit di ka pa sumama sa akin at magpakalayo na lang tayo sa isang tahimik na lugar kung saan hindi tayo kilala ng mga tao.” “Paano natin gagawin ang mga sinasabi mo? Kailangan ka ng ating bayan, at lubos na nagtitiwala ang mahal na hari sa iyo. Hindi natin maaaring gawin ang sinasabi mo.” “Tatakas tayo. Ngayong gabi, tatakas tayo at mamumuhay bilang mga ordinaryong tao.” Sa kalagitnaan ng gabi, habang umuulan ay tumakbo sila patungo sa pampang upang maglayag palayo sa kanilang bayan. Sumakay sila sa bangka at nagpakalayo na nang tuluyan. Si Yeong Kyo naman ay ginamit ang kakayahan ni Seoul-gi sa pagsulat at ginawa syang isang kisaeng bilang kapalit ni Kim Hyang. “Isuot mo na ang iyong hanbok. Yan ang iyong gagamitin mula ngayon. Bilang isang kisaeng, nararapat kang sumunod sa mga alituntunin sa loob ng paaralan. Unang- una sa lahat, bawal ang umibig. Tayong mga kisaeng,” “…ay pinagbabawalang umibig sa kadahilanang tayo ay mga taga aliw ng mga maharlika.” “Magaling. Mabuti naman at alam mo na ang ating mga alituntunin. Marami pa akong ituturo sayo bago ka maging isang ganap na kisaeng.” Napailing si Seoul- gi dahil di nya inakalang dadanasin nya ang dapat na kalagayan ni Kim Hyang. Nagsimula na ang kanyang pagsasanay ng mga sayaw at pagsulat ng mga awit at tula. “Tila mahusay ang iyong pagsayaw. Ngunit kinakailangan ko pang makita ang kagaangan sa iyong pagsayaw. Isaisip mo, na ikaw ay sumasayaw kasabay ng hanging malaya… Na tila isang tunay na ibon sa himpapawid.” At ikinumpas nga nya ang kanyang mga kamay na tulad ng isang tagak. “Madam. Hindi nyo ba talaga hahanapin si Kim Hyang? Hindi Ako nabibilang sa panahong ito. Akoý dala lamang ng isang panahon rito. Ngunit di ako nabibilang sa inyo.” “Ano ba ang iyong mga pinagsasasabi? Maliwanag na ikaw ay nabibilang sa panahong ito.” “Madam hindi nyo ko nauunawaan…” “Wala kang dapat na ipaliwanag. Ang mga sinasabi mo ay malabong mangyari. Sinong hangal ang maniniwala sa iyong mga sinasabi? Paano mo mapapatunayan na hindi ka nabibilang sa panahong ito?” “Nagmula po ako sa hinaharap. Ang mga bagay na tungkol sa inyo ay alam ko dahil inaral namin yon sa aming paaralan… Sa aming panahon.” “Hangal ka Seoul- gi! Isa kang hangal! Walang maidudulot sa iyo ang iyong mga sinasabi!” “ Bakit ba kailangan ko pang gawin itong mga bagay na to? Bakit ba ayaw nyong maniwala sa’kin?” “Kung gayon, paano mo mapapatunayan sa akin ang iyong sinasabi?” “Si Heneral Wong…” “Ano naman ang nalalaman mo kay Heneral Wong?” “Isa syang mahusay na heneral sa bayang ito.” “Hindi nakapagtataka kung alam mo ang bagay na iyan dahil sya’ y tanyag na heneral. Ang kanyang kahusayan ang dahilan ng kanyang katanyagan.” “Ngunit mayron pa kayong di alam sa kanya. Alam nyo bang sa likod ng kanyang pagiging mahusay na heneral ay isa syang nilalang na may puso…” “May puso? Hangal ka na nga talaga. Ano bang iyong nais sabihin? Na sya’y umiibig? Nakakatawa.” “Oo. Umiibig si Heneral Wong. Isa syang tunay na tao. Dahil di sya kagaya ng ibang tao na walang alam sa pag-ibig.” “Ipinagbabawal sa mga alagad ng mahal na hari ang umibig kaya ano bang mga sinasabi mo? Nauunawaan mo ba ang mga sinasabi mo?” “Oo. Si

Heneral Wong, ay umiibig kay Kim Hyang. Matagal na silang nagmamahalan. Hindi mo alam, tama ba?” At nanggilalas si Yeong Kyo sa sinabi ni Seoul-gi. Sumigaw sya ng pagkalakaslakas at itinumba ang mesa. “Lumayas ka sa harapan ko! Kim Hyang!!! Shim Dae, Hanapin nyo si Kim Hyang! Madali kayo.” “Opo madam.” Sagot ng isang kisaeng na nagngangalang Shim Dae. Nagulat si Seoul- gi sa reaksyon ni Yeong Kyo at bigla nyang naisip ang matinding kaparusahan na sasapitin ng dalawa kapag nalaman ng mahal na hari ang ginawa nila. Tumakbo sya sa tabing ilog at doon ay bigla syang napaluha nang di nya namamalayan. “Patawarin nyo ako Heneral Wong at Kim Hyang. Hindi ko sinasadya ang mga nasabi ko kay Madam Yeong Kyo. Kaibigan ko, patawarin mo ako…” Habang nakatayo sya sa tabing ilog, isang binata ang nakakita sa kanya. “Binibini, tila lumuluha ka. Nais mo bang pahirin ko ang iyong mga luha?” “Isang kasalanan ang ginawa ko sa aking kaibigan. Nagtaksil ako sa kanya pero di ko kagustuhan yon.” “Ano bang nais mong sabihin?” “Si Madam Yeong Kyo, ginawa nya akong kisaeng bilang kapalit ng kaibigan kong si Kim Hyang. Pero di pwede ang kagustuhan nya dahil di ako nabibilang sa panahong ito.” “Mukhang mahirap paniwalaan ang mga sinasabi mo. Paano ka makapaglalakbay sa isang panahon?” “Hindi ko rin alam kung bakit at paano nangyari ang mga bagay na ito sa’kin. Mula ako sa hinaharap.” “Binibini, nasisiraan ka na ba? Ngunit ano ba ang ginawa mo at ikinababahala mo ito ng lubos?” “Nasabi ko kay Madam Yeong Kyo na si Heneral Wong at Kim Hyang ay nag-iibigan.” “Huh? Ano kamo? Si… Si Heneral Wong ay umiibig sa isang kisaeng?” “Huwag mo ipagsasabi sa iba ang mga bagay na iyon. Parang awa mo na.” “Oo, makakaasa ka, ngunit alam mo ba kung anong maaaring mangyari dahil sa ginawa mo? Nakatitiyak ako na nakarating na sa mahal na hari ang bagay na yan. Si Madam Yeong Kyo ay isang malupit na Punong Kisaeng. Sya ay ang tinuturing na pinakamataas na uri ng kisaeng sa buong bansa at maaari syang lumapit sa hari kung nanaisin nya. Ang kasalanan ni Heneral Wong at ni Kim Hyang ay maaaring maiparating sa hari kung sasabihin nya ito at maaari silang mahatulan ng kamatayan.” “Ginoo…” “Wag mo na akong tawaging ginoo. Di pa naman ako ganoon katanda. Jung Min na lang. Ano bang pangalan mo binibini?” “ Park Seoul- gi ang pangalan ko.” “Seoul- gi? Napakagandang pangalan. Kung iyong nais, manatili ka muna sa aming munting tahanan.” “Kailangan kong mahanap ang daan pabalik sa panahong kinabibilangan ko.” “Paano mo magagawa yon? Saang panahon ka ba nagmula?” “Mula ako sa ika-20 siglo panahon ni Hesukristo. Taong 1980 ang kasalukuyang panahon kung babalik ako sa aming panahon.” “Mukhang mahirap ang sinasabi mo. Nais mo bang sumama sa akin?” “Sige, pumapayag ako.” Sumama nga si Seoul- gi kay Jung Min at tuluyan nang lumayo sa paaralan ni Madam Yeong Kyo. Ipinakilala ni Jung Min si Seoul- gi sa kanyang ina sa kanilang pagtuloy sa bahay. “Ina, maaari po ba ninyong payagan ang aking kaibigan.” “Aba Jung Min, sino naman sya?” “Sya po si Seoul- gi. Kailangan nya ng ating tulong ina.” “Ganoon ba? Sige, patuluyin mo na sya.” “Seoul- gi, pagpasenyahan mo na ang aming bahay ha. Hindi kami mayaman kaya sana hindi ka maghanap ng labis sa aming bahay.” “Ayos lang ako rito. Malaking tulong na ang iyong ginawa.” “Nalalapit na ang araw ng paligsahan ng mga kisaeng sa iba’t ibang bayan, hindi ka ba dadalo?” “Ayokong dumalo

roon. Hindi ako kisaeng. Isa akong manunulat sa aming panahon at hindi pagiging kisaeng ang aking pinangarap.” “Ngunit tinanggap mo ang alok ni Madam Yeong Kyo sayo bilang kisaeng hindi ba?” “Tinanggap ko yon, at ngayon ay tinatalikuran ko na ito.” “Ganoon ba? Ano nang balak mo ngayon?” “Bahala na. Kung makakabalik ako sa aming panahon, ay gagawin ko na lang yon.” Mababakas sa mukha ni Jung Min ang kalungkutan nang sinabi ni Seoul- gi ang tungkol sa pagbalik nya sa kanilang panahon. “Bakit naman ganyan ang iyong hitsura? May nasabi ba akong mali?” “Huh? Wala. Wala naman.” Kinagabihan, habang naghahapunan Sila Jung Min at Seoul- gi… “Anak! Ano bang problema ang dinala mo sa’ting pamilya?” “Bakit po ina?” “Ang babaeng yan, sya si Seoul- gi hindi ba? Pinaghahahanap na sya sa ating bayan!” at nagulat si Seoul- gi sa sinabi ng ina ni Jung Min. “Ano pong ibig nyong sabihin sa sinabi nyo ina?” “Hinahanap sya ng mga alagad ni Madam Yeong Kyo upang parusahan sa publiko dahil sa ginawa nyang pagtakas sa paaralan.” “Hindi. Hindi natin sya ibibigay. Itatago natin sya ina.” “Nahihibang ka na ba Jung Min? Madadamay tayo sa kasalanan nya! Ilayo mo na ang babaeng yan dito.” “Hindi ina. Ilalayo ko sya at sasamahan ko sya. Hindi sya maaaring mag- isa.” “Anak, ano bang nasa isip mo?” hindi na kumibo si Jung Min at inihanda ang mga gagamitin nila ni Seoul- gi sa paglalakbay palayo sa bayang iyon. “Mamayang gabi, Seoul- gi, maglalakbay tayo patungo sa Pyongyang. Doon, hindi tayo makikilala. May kalayuan ang lugar na yon dito kaya kailangan nating maghanda ng mabuti. Magkakaroon tayo ng mga paghinto sa ibang lalawigan kaya kailangan nating magbalat- kayo.” “Jung Min, patawarin mo ako at pati ikaw ay nadadamay pa sa mga problema ko.” “Walang anuman Seoul- gi. Wag ka humingi ng tawad sakin dahil nais ko rin namang tulungan ka. Napakaganda mo.” “Ikaw naman, nakuha mo pang magbiro.” “Hindi ako nagbibiro. Tunay kang maganda.” Napangiti na lang si Seoul- gi sa sinabi ni Jung Min. Sinimulan na nila ang kanilang paglalakbay patungo sa Pyongyang. May kahabaan ang kanilang paglalakbay kaya huminto muna sila sa isang syudad upang magpahinga at bumili ng ilang pagkain. Habang sila’y nasa pamilihan… “Mga kasama, may masamang balita! Si Heneral Wong ay dinakip ng mga kawal ng hari! Kasama nya ang isang kisaeng na nagdadalang- tao.” Napalingon at napahinto si Seoul- gi nang marinig nya ang balita. Puno ng takot at pangamba ang naramdaman ni Seoul- gi nang marinig nya yon at halos maiyak na sya sa sobrang takot. “Kim Hyang. Patawarin mo ako. Hindi ko ito kagustuhan. Di ko yon sinadya.” Sabi nya sa sarili nya habang namumungad na ang mga luha sa kanyang mata. “Wag ka nang umiyak. Balang araw, mauunawaan rin ng kaibigan mo ang nangyari at di mo ito kagustuhan.” “jung Min… Paano nya ako mapapatawad kung pati ang batang nasa sinapupunan nya ay mamamatay ng dahil sa kasalanan ko? Habang buhay kong dadalhin ang sakit na ito sa aking kalooban. Na ang mga taong tumulong sa akin ay ipinagkanulo ko…” “Wag mong isisi sa sarili mo ang lahat… Wag mo nang isipin yon. Kapalaran ang may nais nyan.” Niyakap ni Jung Min si Seoul- gi at nagmadali na silang umalis. Sa kanilang paglalakad, nakasalubong nila ang isang karwahe na tangan ang kulungan na kinalalagyan ni Heneral Wong. Nakita ni Seoul- gi ang mukha ni Heneral Wong na puro sugat at hinang- hina na. Sa kabilang dako naman, isang babae ang

hinihila ng mga kawal upang ihatid sa kaharian. “Maawa kayo! Wag nyo syang sasaktan! Wag nyo syang kikitilin! Ako nalang ang patayin nyo. Parang awa nyo naaaaa!!!!”sigaw ng babae. Napalingon rin si Seoul- gi nang marinig nya yon. “Kim Hyang…” bulong ni Seoul- gi sa sarili nya. Pumikit sya at napaluha na ng tuuyan. Inakay sya ni Jung Min papunta sa bangka upang ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay. Pagdating ng mga kawal sa kaharian, magkasabay nilang pinakawalan si Kim Hyang at si Heneral Wong. “Heneral Wong, nagtiwala ako sa’yo. Paano mo nagawang pagtaksilan ang ating bayan?” “Patawarin nyo ako kamahaan, ngunit umiibig ako sa isang babae.” “Lapastangan ka Heneral Wong! Bibigyan pa kita ng pagkakataon upang iwanan ang babaeng yan. Bakit di mo na lang ipagpatuloy ang paglilingkod mo sa ating bayan?” “Hindi ko maaaring gawin yon. May mas maganda pang dahilan para mabuhay. Ang mabuhay ng may pag –big sa puso ay ang mas magandang dahilan upang manatili sa mundong ito. Kung ang lahat sana ng mga tao ay marunong magmahal, walang kaguluhan sa ating bayan. Magiging mapayapa ang lahat.” Tumalikod ang hari at si Kim Hyang naman ang kanyang kinausap. “Ikaw isang kisaeng na nagduot ng kataksilan ni Heneral Wong, ano na ang iyong mga pinaplano? Nanaisin mo pa rin bang makita sya na naghihirap ng dahil sa iyo? Papayag akong mamuhay ka bilang isang kisaeng at ipagpatuloy mo ang iyong pagsasayaw, kung lalayuan mo si Heneral Wong.” “Hindi ko magagawa yon. Patawarin nyo ako kamahalan, alang- alang sa aming anak, hindi ko sya maaaring iwanan at kung maari sana, wag nyo sya papatayin.” “Hindi maaari ang sinasabi mo. Mamili ka, lalayuan mo si Heneral Wong, ngunit hindi daranas ng kamatayan omananatili ka rito habang pinahihirapan sya hanggang sa kanyang kamatayan?” “Kamahalan…Nagmamahalan kami. Palayain nyo na lang kame.” “Pagmamahalan… Mas higit na mahalaga ang kinabukasan ng bayan.” “Hindi ako makapapayag na mawalay sa aking mahal.” “Binibigyan kita ng pagkakataon upang kalimutan ang damdamin mo kay Heneral Wong. Sa loob ng apat na pu’t walong oras. At kung di parin magbabago ang isip mo, ay wala na akong magagawa kundi ituloy ang hatol na kamtayan sa kanya.” Tumalikod na ang hari at ipinakulong na muli sina Heneral Wong at Kim Hyang. Lumipas ang dalawang araw na palugit ng hari ngunit hindi parin nagbabago ang desisyon ni Kim Hyang. “Kung gayon, matigas parin ang kanyang desisyon. Ipagdiriwang natin ang kamatayan ni Heneral Wong. Nais kong magkaroon ng pista sa araw ng kanyang kamatayan at ang kisaeng na si Kim Hyang ang sasayaw habang sya’y pinahihirapan.” Ang utos ng hari ay di mababali at agad na ipinatupad ang utos na iyon. Lumaganap ang balita sa buong lungsod at… “Mga kababayan, Magkakaroon daw ng pista mamaya para ipagdiwang ang kamatayan ni Heneral Wong!” sigaw ng isang mama sa kalsada. Narinig ni Seoul- gi ang balitang iyon at halos masiraan na sya ng bait ng dahil sa pang-uusig sa kanya ng kanyang konsensya. “Jung Min, hindi ko na kaya… Paano ako hihingi ng tawad sa mga taong ipinahamak ko?” “Seoul- gi…” at niyakap sya ni Jung Min at pinatahan sya sa pag- iyak. Sa kanilang paglalakad, napadaan sila sa isang lugar kung saan maraming tao. At nakita nga nila ang isang di makataong pagpaslang kay Heneral Wong. Sa kalagitnaan ng paghihirap ni Heneral Wong ay sumasayaw si Kim Hyang. Unti- unting pumatak ang

luha sa mga mata ni Kim Hyang at pati narin ng mga tao. Kahit ang hari ay naiyak sa pagsasayaw niya. “Ahhhhh!!!!! Whoooo….!!!!” Sigaw ni Heneral Wong habang ang mga kamay at paa nya ay hinihila ng apat na kabayo. Tumalikod si Seoul- gi dahil di nya na natiis ang kanyang nakita. Nang mamatay si Heneral Wong ay biglang natumba si Kim Hyang sa gitna ng madla. “Oh, ang kisaeng! Ano ang nangyari sa kanya?” Sigaw ng isang lalaki. Ang katawan ni Heneral Wong ay dinala ng mga kawal sa tabing- dagat upang doon mahimlay. Ang mga tao naman ay unti- unti nang nagsi- alisan at iniwan si Kim Hyang na nag- iisa sa harap ng isang estatua. Lumapit si Seoul- gi at Jung Min sa kanya. “Kim Hyang, kaibigan ko, patawarin mo ako… Hindi ko sinasadya…” “Wa.. Wala kang… Ka- sa- lanan… Seoul- gi, ikaw ang saksi sa aming pagmamahalan… At mabubuhay ka sa ng matagal upang ipaalam sa mga susunod pang henerasyon ng ating lahi na kailanman, ang pag- ibig naming dalawa ay nabigo… At nang sa gayo’y…” hinawakan ni Kim Hyang ang kamay ni Seoul- gi at nawalan na sya ng malay. Sa paghawak ni Kim Hyang sa kanyang kamay ay biglang nagkaroon ng isang napakaliwanag na ilaw. Sa pagmulat ng kanyang mga mata, ay bumalik na syang muli sa kakahuyan. Lumingon sya sa kanyang paligid, at nakita nya ang estatua na tila lumangluma na ang hitsura. Napaiyak sya ng lubos at nasambit na “Ako ang nagdulot ng kanilang kamatayan… Napakasama ko… Bakit ko ginawa iyon? Ako ang dahilan ng kabiguan ng kanilang pag- ibig…” Humayo sya at nang makalampas sya sa kakahuyan ay napansin nyang nagiba ang hitsura ng paligid. Na tila isang libong taon syang nawala sa kanilang panahon at di na nya alintana ang pagbabago ng panahon. Bumalik sya sa Incheon at ang lahat ng bagay na nasaksihan nya ay syang isinulat nya. Makalipas ang ilang panahon nang isulat nya ang kwentong iyon ay ipinadala nya ang kanyang sulatin sa kanyang boss. “Seoul- gi… Napakahusay ng iyong sinulat. May pagkamakaluma ang dating ng iyong sulat, pero mahusay… Napakabigat ng kwentong ito at sa tingin ko, maaari nating isa- aklat ang sinulat mong ito. At kung magiging mabenta, ay ipapasa ko ito sa movie industry director para isapelikula.” “Sa likod ng kagandahan ng kwentong iyan ay may isang kataksilan sa kaibigang naganap… Libong taong nakalipas… Na kailanman ay di maiaalis sa aking puso’t isipan…” Napatingin ang kanyang boss sa kanya. “Ano nanamang drama yan Seoul- gi? Ang drama mo eh. Sige, babalitaan kita kung ano ang mangyayari ok.” “Sige po. Salamat.” Isang buwan ang nakalipas at nabalitaan ni Seoul- gi sa pahayagan ang pagkapanalo ng kanyang sulatin. Nabasa rin nya ang mga komento ng mga tao rito, at tuwang – tuwa sya. Tinignan nya ang mga aklat ng kasaysayan na mayron sya; ang mga aklat na ginamit niya noong sya’y nag- aaral at nabasa nya na ang kamatayan ni Heneral Wong ay dahil sa kaparusahan ng hari dahil sa pagtalikod nya sa kaharian. Ang kasaysayan ay nabago nang minsan syang magawi sa nakaraan upang saksihan ang isang kwento ng pagmamahalang nabigo. At ang kamatayan naman ng isang kisaeng na hindi

binanggit ang pangalan, na syang nagdulot ng kapahamakan sa heneral ay hindi alam, at kailanman hindi naisulat sa kasaysayan. “Kim Hyang, salamat. Naging bahagi ako ng iyong buhay at nasaksihan ko ang inyong pagmamahalan. Heto na at tinupad ko ang pangako ko sa iyo… Sana ay mapatawad mo ana ako at maging matagumpay ang inyong pagmamahalan kung saan man kayo naroroon ngayon…”

Written By: Kim Jin Yi April 01,2008 10: 12 PM

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful