You are on page 1of 81

-------------------------------------BOOK TITLE : My Evil Girlfriend

BOOK AUTHOR :
BOOK COVER URL :
BOOK ID :
-------------------------------------BOOK SYNOPSIS/DESCRIPTION/AUTHOR's NOTE
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------*******************************************
Chapter 1- Satan's Daughter
*******************************************
Ako si Ramz Vega at ako'y Second year college student sa Down Town University. B
usiness Administration ang kinuha kong kurso, kasi gusto kong maging business ma
n. Hindi ako pala-kaibigan na tao at wala pa akong nagiging girlfriend. Wala kas
ing ibang mahalaga para sa akin kundi ang makakuha ng mataas na grades at maging
numero uno sa klase.
Mahirap lang kasi kami at kung hindi pa dahil sa scholarship program ng aming mu
nisipyo ay hindi ako makakapag-aral ng college. Kaya naman lahat ng oras ko ay g
inugugol ko lang sa pag-aaral. Wala akong paki-elam sa mga taong nasa paligid k
o. Hindi na ako muling nakipag-kaibigan simula nang traydurin at lokohin ako ng
dati kong kaibigan.
Para sa akin hindi naman mahalaga ang kaibigan, dahil nandyan lang naman sila ka
pag may kailangan sila. Ayaw kong mag-aksaya ng oras para sa walang kwentang bag
ay na yan. Nandyan naman ang mga kaibigan kong libro at bukod sa hindi ka nila i
iwan, marami ka pang matututunan sa kanila.
Sa bandang dulo ako ng First Row nakaupo at katabi si Janela Miranda na ngayon a
y hindi na pumapasok dahil sa ginawa niyang gulo. Usap-usapan sa buong campus an
g ginawa niyang panghahampas ng laptop sa mukha ng isang estudyanteng lalake na
naging sanhi ng pagkaka-ospital nito. Pagkatapos ng trahedyang yun ay hindi na m
uling pumasok si Janela sa lahat ng klase namin.
Kumakain ako ng lunch sa canteen nang biglang may lumapit sa aking estudyante. H
indi ko siya mamukhaan, pero sabi niya kaklase ko daw siya. Tignan mo, maging ka
klase ko hindi ko kilala. Wala kasi talaga akong paki-elam sa paligid ko.
"Ano nga pala ang kailangan mo?" tanong ko sa kanya habang ngumunguya ako.
"Pinapatawag ka kasi ni Mrs. Reyes sa office." sabi niya.
Nagulat naman ako, kung bakit ako pinapatawag ni Mrs. Reyes sa office kaya naman
tinanong ko siya.
"Bakit daw?"
"Hindi ko alam, basta pumunta ka nalang." sagot niya sabay tumalikod siya at nag
lakad palabas ng canteen.
Wala akong ideya kung bakit ako pinapatawag, kaya naman binilisan ko ang pagkain
at nagtungo agad ako sa office.
Kumatok ako sa pinto ng opisina ng mga guro at pinagbuksan naman ako agad. Tinan
ong ko ang taong nagbukas ng pinto kung nasaan ang lamesa ni Mrs. Reyes at mabil

is naman niya itong itinuro.


Pumasok ako at nilapitan si Mrs. Reyes.
"Oh, nandito ka na agad?" gulat na tanong niya at inalok niya ako na umupo.
"Ma'am, bakit niyo po ako pinatawag?" diretsong tanong ko sa kanya.
"May hihilingin sana ako sayo, Ramz. Kung pwedeng pumunta ka naman sa bahay nila
Janela." sambit niya.
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Mrs. Reyes, kaya naman agad ko siyang tinanong
.
"Ma'am, bakit ako? Hindi naman kami close nun, eh."
"Eh, kasi diba? Ikaw ang katabi niya sa upuan kaya alam kong mas close kayo kesa
sa ibang kaklase niya."
Napaisip ako sa sinabi ni Mrs, Reyes. Ganito na pala sa panahon ngayon, kapag ma
gkatabi kayo ng upuan ng kaklase mo ay close na kayo.
"Don't worry, Ramz. May kapalit namang reward ang gagawin mo. Sa darating na mid
term exam ay plus five ka sa akin." alok niya at nakangiti ito ng nakakaloko.
Gusto ko sanang sabihin kay Mrs. Reyes na palagi naman akong perfect sa exam niy
a at hindi ko kailangan ng plus five. Pero ayokong sabihin ito dahil baka magali
t siya.
"Eh, ano po ba ang gagawin ko dun, ma'am?" tanong ko.
"Kakausapin mo lang naman ang mga magulang niya kung may balak pa bang pumasok s
i Janela."
"Hindi pa ba drop yun?" mabilis na tanong ko.
"Malapit na nga siyang ma-drop eh, kaya naman kailangan nating malaman kung papa
sok pa ba siya." Paliwanag ni Mrs. Reyes.
Wala akong nagawa kundi sumunod sa inuutos niya. Kaya naman pagkatapos ng huling
subject ko ay pumunta na agad ako sa bahay nila Janela.
Nang makarating ako sa address na ibinigay sa akin ni Mrs. Reyes ay namangha ako
sa laki ng bahay nila Janela. Mayaman pala sila, kaya naman pala pinanghampas n
iya lang sa mukha yu'ng laptop. Nag-door bell ako ng dalawang ulit at maya-maya
lang ay may nagbukas na ng gate. Lumabas ang isang matabang babae na naka-suot n
g pang-katulong at tinanong ako.
"Ano po ang kailangan nila?" tanong niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang
paa.
"Nandyan po ba ang mga magulang ni Janela? Kailangan ko po kasi silang makausap
tungkol sa anak nila." magalang na sagot ko.
"Naku! Dalawang taon ng nasa ibang bansa ang father at mother ni ma'am Janela.."
sagot ng katulong. "..pero nandito ang tita niya na nag-aalaga sa kanya."
"Maaari ko po bang maka-usap ang tita niya?" tanong ko.
"O sige, halika sa loob." agad naman niya akong pinapasok sa loob. Napakalawak n

g loob ng bahay na yun at napaka-ganda. Sa lobrang linis ng mansyon na yun ay na


g-aalangan akong ipasok ang sapatos ko, kaya naman napahinto ako sa may pintuan.
Tinawag naman ng katulong sa itaas ang tita ni Janela. Nanatili akong nasa pintu
an at naghihintay nang biglang dumating si Janela galing sa labas. Naka-kulay bl
ue itong jersey at sobrang luwag nito para sa kanya. Tulad ng dati ay naka-tirin
tas pa rin ang buhok niya at parang lalake pa rin kung maglakad. May dala itong
baseball bat at gloves. Nakita niya ako at napahinto siya.
"Anong ginagawa mo dito?!!" maangas na tanong niya sa akin at tila naghahamon ng
away.
Ako kasi yu'ng tipo na hindi sanay na inaangasan. Kahit tahimik akong tao, lalak
e pa rin ako at palaban. Hindi ako nagpasindak sa angas niya at sinagot ko rin s
iya.
"Nandito ako para kausapin ang tita mo at hindi para makipag-away sayo!"
Nainis siya sa sinagot ko.
"Eh, ang baho naman pala ng lumalabas dyan sa bunganga mu eh!!" sambit niya at s
inugod ako para paluin ng baseball bat.
Napa-atras ako dahil alam kong ipapalo niya talaga sa'kin ang napaka-tigas na ba
gay na yun. Akmang ipapalo na niya sa'kin ang bat nang biglang dumating ang tita
niya.
"Janela!!!" sigaw ng tita niya. Napahinto naman siya at ibinaba ang baseball bat
.
Nakahinga ako ng maluwag ng mga oras na yun. Palaban talaga siyang babae. Alam k
o na ngayon kung bakit siya kinakatakutan sa buong campus namin. Sa buong buhay
ko, ngayon lang ako nakaramdam ng takot sa babae. Sinabi ko sa sarili ko na ito
na ang pinaka-huling beses na pupunta ako sa mansyon na ito.
"Janela, go to your room!" utos ng tita niya at nakasimangot itong sumunod. Bago
siya pumasok sa loob ay tumingin muna siya sa akin ng masama. Tila pinagbabanta
an ako ng mga mata niya. Agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya.
"Naku, pasensya ka na sana sa pamangkin ko ha? Mainitin kasi ang ulo nun." sambi
t ng tita niya sa akin.
"Okay, lang po." at agad niya akong niyaya sa loob.
Sinabi ko sa tita niya lahat ng pinapasabi ni Mrs. Reyes. Habang nagsasalita ako
ay napansin ko sa mukha niya ang lungkot. Naiintindihan ko siya. Kahit naman si
guro sino, kapag naging pamangkin mo ang isang tulad ni Janela siguradong malulu
ngkot ka.
"Mabait na bata yang si Janela dati.. pero mula ng maging busy ang daddy at momm
y niya ay nagsimula na siyang mag rebelde." kwento sa akin ng tita niya. Tahimik
akong nakikinig, pero hindi ko maintindihan kung bakit napakahirap para sa akin
na maniwalang dating mabait si Janela.
"Apat na beses lang kasi kung umuwi ang mga magulang niya dito.. tuwing birthday
niya tanging mga katulong lang ang kasama niyang nagdiriwang. Mula noon nag-iba
na ang ugali niya." pagpapatuloy ng kanyang tita.
Napansin ko ang lungkot sa mga mata niya habang nagkukwento. Naisip ko ng mga or
as na yun, hindi pala lahat ng mayayaman masaya sa buhay. May mga mayayaman din

pa lang, kahit nasa kanila na ang lahat ng karangyaan ay kulang pa rin dahil hin
di mo naman palaging kasama ang mga mahal mo sa buhay.
Lampas alas-sais na ng hapon nung magpaalam ako na uuwi na. Hinatid naman ako ng
kanyang tita hanggang sa gate. Palabas na ako, nang biglang may sinabi siya.
"Sana, iho. Maging kaibigan mo si Janela." nakangiti siya habang sinasabi ito.
Tanging ngiti rin lang ang sinagot ko sa kanya at muli akong nagpaalam.
Kung bastos lang ako na tao, gusto kong sagutin ang tita niya ng NEVER. Never ka
ming magiging magkaibigan.
Habang naghihintay ako ng jeep ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga kwento
ng kanyang tita. Naisip ko lang, mala-teleserye pala ang buhay ni Janela, eh. Su
bukan niya kayang ipadala ang kwento niya sa MMK, baka sakaling matauhan ang mga
magulang niya pag napanood nila ito. Para akong sira na napapangiti mag-isa sa
mga naiisip ko. Ilang sandali pa ay may huminto ng jeep at sumakay na ako.
Kinabukasan.
Habang naglalakad ako papasok ng DTU ay bigla na lang may taong humila sa damit
ko. Nilingon ko ito at inalam kung sino. Nagulat ako ng makita ko ang nakakatako
t na itsura ni Janela. Nakasuot ito ng itim na damit at naka-maong ito ng butasbutas. Makapal din ang pagkakalagay niya ng eye liner sa mata at kulay itim ang
lipstick nito. Tinanong ko siya.
"November 1, na ba?? Saan ang holloween party niyo?" hindi ko naiwasang mapangit
i sa sinabi ko at nagulat na lang ako ng sinampal niya ako ng napakalakas.
"Tarantado ka! May holloween- holloween ka pang nalalaman ha!" inis na sambit ni
ya.
Napahawak ako sa mukha ko. Tila nabingi ako sa lakas ng sampal na tinamo ko. Nai
nis ako at sasampalin ko din sana siya nang mapansin kong pinagtitinginan kami n
g mga tao. Hindi ko na tinuloy ang binabalak ko. Ikinagulat ko na lang nang bigl
ang umiyak si Janela ng napakalakas.
"Ano?!! Ituloy mo! Lagi mo na lang akong sinasaktan! Patayin mo na lang kaya ako
!!" malakas niyang sambit habang umiiyak. Nagtinginan sa amin ang mga tao. Hiyan
g-hiya ako habang lumalapit kay Janela para patahanin.
Wala akong ideya kung ano ang pinagsasabi niya at hindi ko alam kung bakit bigla
ng na lang siyang umiyak. Iba-iba ang naging reaksiyon ng mga tao na nakatingin
sa amin. May mga nagbubulungan at ang iba naman ay nakatingin sa akin ng masama.
Hindi ko alam kung paano patatahanin si Janela.
Maya-maya pa ay nagulat ako ng bigla na lang siyang tumawa ng nakakaloko. Napaat
ras ako at napakunot ang noo.
"Joke lang!!" bigla niyang sambit at muli itong tumawa ng malakas.
Bwisit na bwisit ako ng mga oras na yun. Hindi ko matanggap na pinagtripan niya
lang ako. Sa isip-isip ko, kung hindi lang siya babae malamang sinuntok ko na an
g pagmumukha niya. Galit na galit akong tumalikod sa kanya at naglakad papasok n
g DTU. Hanggang sa loob ay naririnig ko pa rin ang mala-bruhang tawa niya.
Bwisit na bwisit talaga ako ng umagang yun. Sobrang bad vibes. Iniwasan ko ng is
ipin yu'ng ginawa sa'kin ni Janela. Sa loob ng classroom namin ay naupo ako at k
umuha na lang ako sa bag ko ng libro at nagbasa. Maya-maya lang habang nagbabas

a ako ay narinig ko sa isang kaklase ko na paparating na si Janela. Lahat ng nas


a labas ay biglang nagpasukan at bumalik sa kani-kanilang upuan.
Nagulat ako kasi lahat pala ng kaklase ko ay takot sa kanya. Kung sabagay demony
o naman talaga ang babaeng yun, kulang na lang tubuan ng sungay at buntot. Napaisip ako, ano nga ba ang paki-elam ko sa kanya? Napa-buntong hininga ako at pina
gpatuloy ko na lang ang aking pagbabasa dahil baka biglang magbigay ang professo
r namin ng short quiz.
Ilang sandali pa ay dumating na nga ang demonya.. ay este si Janela. Inabutan ni
ya kaming tahimik at nagbabasa ng libro. Pasimple ko siyang sinisilip at nakita
ko sa mukha niya ang pagtataka. Siguro nagtataka siya kung bakit walang reaksiyo
n ang mga kaklase namin sa kanyang pagdating.
Naglakad siya papunta sa tabi ko at naupo. Nagkunwari akong hindi ko siya napans
in na dumating. Tinitigan niya ako sa mukha ng matagal. Medyo naiilang ako sa gi
nagawa niya, pero hindi ko na lang siya pinansin.
Binuksan niya bigla ang bag niya at kinuha ang kanyang notebook. May sinusulat s
iya sa kanyang kwaderno ng mga sandaling yun. Nagulat na lang ako ng bigla niyan
g inabot sa akin ang kanyang notebook at pinapabasa sa akin ang sinulat niya. Ay
oko sanang basahin kung ano man ang nakasulat sa kwaderno niya, pero binasa ko n
a lang para hindi na niya ako istorbohin pa.
Nanlaki ang dalawang mata ko sa aking nabasa.
MAY KULANGOT KA SA ILONG
Mabilis kong kinapa ang dalawang butas ng ilong ko, pero wala naman akong makapa
. Bigla na lang humalakhak ng tawa si Janela. Napatingin sa amin ang lahat ng ka
klase namin sa lakas ng tawa niya. Sobra uli akong nainis at binato ko sa labas
ng bintana ang kwaderno niya.
"Hoy!! Bakit mo binato?!!" malakas na tanong niya, pero hindi ko siya sinagot at
muli akong nagbasa ng libro.
"Kunin mo yun!! Kung hindi babasagin ko ang mukha mo!" pagbabanta niya sa akin,
pero hindi ko pa rin siya pinansin.
Nainis siya at binuhat ang upuan niya. Balak niya itong ibato sa akin. Nagulat a
ko sa taglay niyang lakas.
"Teka! Teka!" mabilis na awat ko sa kanya at napatayo akong bigla. "Oo na! Kukun
in ko na." muling sambit ko.
Ibinaba niya ang kanyang upuan at muling naupo.
"Bilisan mo!! Baka mabasag ko pa yang pangit mo'ng pagmumukha!" maangas na sambi
t niya sa akin.
Sa isip-isip ko, kung hindi lang masamang pumatay ng tao. Malamang kanina pa siy
a bangkay. Napabuntong hininga ako at kinalma ang sarili. Labag man sa kalooban
ko ay sinunod ko na lang ang utos niya.
Nang makuha ko yu'ng notebook niya ay bumalik na agad ako. Inis na inis pa rin a
ko ng mga sandaling yun. Habang papalapit ako sa room namin ay narinig ko ang bo
ses ng aming professor. Napamura ako. "Shit! Nasa loob na si Mr. Sanchez". Hindi
ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa prof. ko na hindi ako late. Sumilip ako s
a loob ng klase at nakita naman ako ni Janela.

"Sir! Late po si Vega!" Sigaw ni Janela kay Mr. Sanchez.


Napatingin sa may pinto ang prof. ko at nakita ako.
"Vega! Ang aga mo naman ata para bukas!" sambit ni Mr. Sanchez sa akin.
Nagtawanan ang mga kaklase ko sa sinabi ng prof. namin.
"Hahahahaha!!!"
Hiyang-hiya ako habang naglalakad patungo sa upuan ko. Kitang-kita ko naman ang
mala-demonyong ngiti ni Janela. Gusto ko sanang tadyakan ang nakaka-asar niyang
mukha, pero baka pag ginawa ko yun ay ako na naman ang mapahiya. Iba talaga kapa
g anak ka ni satanas. Hay, naku! Lord, ilayo niyo po ako sa diablo'ng ito.
please.. .. ..
*******************************************
Chapter 2- The Paper Roses
*******************************************
Hindi ako nakatulog ng gabing yun. Paano ba naman kasi, maghapon akong ipinahiya
ng demonyong si Janela. Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang naranasan ang mapah
iya ng sobra. Lahat ng ito ay kasalanan ni Mrs. Reyes. Kung hindi niya sana ako
inutusang magpunta sa bahay nila Janela ay hindi sana mangyayari ito sa akin. Hi
nayaan na lang sana niyang ma-drop ang demonyitang yun. Salot eh.
Nang gabi'ng yun ay ipinangako ko sa sarili ko na iiwas na ako kay Janela. She's
not good for me. Baka maaga akong mamatay dahil sa mga kalokohan niya. Hindi na
ako muling magpapa-apekto pa sa mga trip niyang pang out of this world. Hayyyyy
!
Kinabukasan.
Habang naglalakad ako sa campus ng DTU ay nagmamasid ako sa paligid ko. Baka kas
i bigla na namang lumapit si Janela at pagtripan na naman ako. Nakahinga na ako
ng maluwag ng makarating ako ng safe sa room namin. Grabeh! May phobia na yata a
ko sa kanya. Nagulat naman ako dahil ako pa lang ang mag-isa sa silid-aralan nam
in. Napaaga ata ako ng dating. Umupo ako at nagbasa na lang ng libro.
Maya-maya lang ay nagdatingan na ang aking mga kaklase, pero nakapagtataka wala
pa rin ang demonyita. Siguro may ginagawa na naman yu'ng kalokohan. Ilang sandal
i pa ay dumating na si Mrs. Reyes at wala pa rin si Janela. Napangiti ako sa say
a dahil buong araw ko siyang hindi makikita.
Nag-Lunch Break kami at pumunta ako sa canteen. Kumakain ako, nang biglang may e
studyanteng tumabi sa akin. Nagulat ako ng makita ko kung sino ang taong yun. An
g demonyong si Janela. Umusog ako palayo sa kanya at umusog naman siya palapit s
a akin. Paulit-ulit akong umuusog palayo sa kanya at paulit-ulit din siyang umuu
sog palapit sa akin. Naasar ako sa ginagawa niya, kaya naman binitbit ko ang tra
y ko at lumipat na lang ako ng mesa. Nakita niyang tumabi ako sa maraming estud
yante at sa wakas hindi na niya ako sinundan pa.
Habang kumakain ako ay napalingon
pansin kong nag-iisa lang siya sa
bubulungan siya ng mga estudyante
ng mapansin ko ang lungkot sa mga

ako sa lamesa kung saan naroroon si Janela. Na


malaking lamesa'ng yun. Napansin ko ding pinag
sa paligid niya. Ang labis kong ikinagulat, na
mata niya.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng mga oras na yun. Pakiramdam ko, par
ang may ginawa ako na hindi tama. Ang mga mata niya nang oras na yun ay tulad sa

mga mata ng mama ko, noong iwan kami ng papa ko. Naisip ko, kahit pala demonyo
marunong ding malungkot.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, parang gustong maglakad ng mga pa
a ko pabalik sa tabi ni Janela. Naiinis ako, kasi nagpapa-apekto na naman ako. M
aya-maya lang ay hindi ko na natiis at bumalik ako sa tabi ni Janela.
Nagulat siya nang bigla ko siyang tabihan.
"Oh, bakit ka bumalik?" tanong niya sa akin at nakakapagtataka na hindi na maang
as ang kanyang salita.
"Nainitan kasi ako, ang dami kc namin dun eh." sagot ko. Nagulat naman ako ng bi
gla siyang mapangiti. May kakaiba sa ngiti niya nang mga oras na yun. Ngiti na n
agpalitaw sa nakatago niyang ganda. Hindi ko namamalayan na nakatulala na pala a
ko ng matagal sa kanya. Napatingin siya sa akin.
"Oh, anong problema?" tanong niya at bigla akong umiwas ng tingin.
"Wala naman." sagot ko.
Nang matapos akong kumain ay agad na akong lumabas sa canteen at iniwan siya. Hi
ndi ko kasi maintindihan kung ano ang nangyayari sa akin. Dati naman ay wala ako
ng paki-elam sa mga tao sa paligid ko, pero ngayon parang may kakaiba sa kinikil
os ko.
Nasa banyo ako at kasalukuyang dumudumi, nang biglang may tatlong lalake ako na
narinig na lihim na nag-uusap. Tahimik kong pinakikinggan ang usapan nila at iki
nagulat ko ng marinig ko na binanggit nila ang pangalan ni Janela. Narinig ko na
may pina-plano silang masama para sa kaklase ko. Binabalak nilang abangan si Ja
nela sa labas ng DTU para gumanti.
Napa-isip ako, siguro isa sila sa mga naging biktima ni Janela. Sa dami ba naman
kasing pinerwisyo at sinaktan ng demonyita, malamang marami talagang magagalit
sa kanya. Ang sabi ko sa sarili ko. Ayaw kong madamay sa gulong yan, kaya magkuk
unwari na lang akong walang narinig.
Nag-umpisa ang huling subject namin at tahimik akong nakikinig. Si Janela naman
ay gumagawa ng mga bulaklak na papel sa tabi ko. Hindi ko na lang siya pinansin
sa ginagawa niya at ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa professor namin. May
a-maya ay may naamoy akong pabango. Lumingon ako kay Janela at nakita kong nilal
agyan niya ng pabango ang mga papel na bulaklak.
Sa isip-isip ko, ang weird talaga
ipan niya. May tama na ata ito sa
ko sa harap at muling nakinig sa
ang klase namin at ipinasok ko na
at nagsimulang maglakad ng bigla

ng babaeng ito. Kung anu-ano na lang ang naiis


utak. Hayyy.. Ibinaling kong muli ang atensyon
sinasabi ng guro. Ilang sandali pa ay natapos
ang libro at notebook ko sa bag ko. Tumayo ako
na lang akong tinawag ni Janela.

"Ramz!!"
Napalingon ako sa kanya at nakita kong papalapit siya sa akin. Hinanda ko ang sa
rili ko, dahil baka may gawin na naman itong masama.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumasagot at nakangiti lang siya habang palapit sa akin. Napaatras ak
o, dahil alam kong maypina-plano na naman siya. Nakarating siya sa harapan ko at
bigla akong nagulat sa ginawa niya. Inabot niya sa akin ang tatlong pirasong bu
laklak na papel at sabay takbo ng mabilis palabas ng classroom namin.

Naiwan ako sa loob ng classroom nang nakatulala at hawak-hawak ang tatlong papel
na bulaklak. Wala akong ideya, kung ano ang nangyari. Ang tanging alam ko lang
ng mga oras na yun ay wala siyang ginawang masama sa akin.
Napaupo ako sa sobrang gulat at napatingin sa mga hawak kong papel na bulaklak.
Parang nawala ako sa katinuan ng mga sandaling iyon at para akong babae na inamo
y ang mga ito. Ang bango ng mga bulaklak na yun, kasing bango ni Janela.
Nang maisip ko ang pangalan ni Janela ay bigla akong napahinto sa ginagawa kong
pag amoy. Napaisip ako, ano ba itong ginagawa ko? Para akong tanga na inaamoy-am
oy ang papel na bulaklak. Natawa ako sa sarili ko. Maging ako ay naninibago sa k
inikilos ko ng mga oras na yun. Napabuntong-hininga na lang ako at naglakad pala
bas ng classroom.
Palabas na ako ng gate ng DTU, nang bigla kong matanaw sa di-kalayuan ang tatlon
g lalake at pinalilibutan nila ang isang babae na nakadapa sa lupa. Nagulat ako
sa aking nakita, dahil ang babaeng nakadapa ay walang iba kundi si Janela. Nagta
go ako malapit sa kinaroroonan nila, para marinig ko ang kanilang mga sinasabi.
Namukhaan ko ang isang lalake, dahil siya yu'ng estudyante na hinampas ni Janela
ng laptop sa mukha.
Sabi ko na nga ba at kakarmahin din si Janela sa mga pinag-gagawa niya. Kahit ga
ano pa siya katapang ay wala siyang laban sa tatlong malalaking lalake.
"Ano?!! Lumaban ka!!" hamon ng isang matabang lalake na may nakabalot na panyo s
a kanang kamay.
Nanatiling tahimik si Janela at pinapagpag ang dumi sa kanyang damit. Nagsalita
naman ang lalakeng pinalo niya ng laptop sa mukha.
"Yan ang napapala ng mga babaeng paki-elamera! Kung hindi ka sana dumating at na
ki-elam sa ginagawa namin kay Sylvia, eh di sana hindi mangyayari ito sayo!!"
Sumagot naman si Janela.
"Hindi ako makiki-elam, kung hindi niyo sana siya sinasaktan" sambit niya.
Napaisip ako at naliwanagan ng mga sandaling yun. Kaya niya pala nagawang hampas
in sa mukha ang lalake, dahil ipinagtatangol niya ang isang babae. Nagkamali ako
sa paghusga ko sa kanya. Hindi pala talaga siya masamang tao. Maya-maya lang ay
nagulat ako nang biglang tadyakan ng isang lalake ang mukha ni Janela at napahi
ga ito sa lupa.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, dahil bigla ko na lang hinawakan ang kapira
so ng kahoy sa tabi ko at sinugod ang tatlong lalake. Pinalo ko sa tagiliran ang
lalakeng una kong nalapitan at nabigla naman ang dalawa sa pagdating ko. Bumags
ak sa lupa ang lalakeng pinalo ko at sinugod ko naman ang dalawa pang natitira.
Napatakbo sila ng makita nila na bumagsak ang kasama nila. Balak ko pa sana sila
ng habulin, pero tinatamad ako. Kaya napalingon muli ako sa lalakeng pinalo ko.
Nakita ko siyang biglang bumangon at tumakbo ng mabilis.
Nakahinga ako ng maluwag ng sandaling yun at agad kong nilapitan si Janela. Naki
ta ko na may dugo sa gilid ng kanyang labi. Sinampal-sampal ko siya para magisin
g.
"Aray!!" daing niya at iminulat ang kanyang mata.
"Bakit mo ako sinampal?!!" inis na sambit niya sa akin.

"Ginigising lang kita, kasi nahimatay ka." mabilis na sagot ko.


Nagulat naman ako nang bigla siyang ngumiti ng nakakaloko.
"Tae ka!! siyempre acting lang yun. Kunwari patay-patayan para tigilan ka na nil
a." nakakalokong sambit niya.
Nagmukha akong tanga sa mga sinabi niya. Hindi ko maintindihan, pero feeling ko
napaglaruan ako ng mga oras na yun. Napatayo ako at natawa sa sarili ko. Hindi k
o alam kung maiinis ba ako o matatawa, dahil pakiramdam ko ay sumawsaw lang ako
sa eksena. Hay, naku!!
Kahit naman pala hindi ako tumulong ay kayang-kaya naman pala niya ang sarili ni
ya. Sino ang matinong tao na makaka-isip na magpatay-patayan sa sitwasyon na yun
? Sa isip-isip ko, abnormal talaga ang takbo ng utak ni Janela. Grabeh!!
*Hushtag*
#NakakaBobo
#NakakaTanga
#NakakasiraNgBait..
Haizzzzzz....
*******************************************
Chapter 3- Confession
*******************************************
Alas-sais na hapon ng mga oras na yun at medyo madilim na ang paligid. Kalahatin
g oras na kaming nakaupo sa labas ng DTU at pinapapak na ako ng lamok. Tinignan
ko si Janela at tahimik pa rin ito. Tila malalim ang kanyang iniisip ng mga oras
na yun. Gusto ko na sanang magpaalam na uuwi, pero pakiramdam ko na kailangan n
iya pa ng kasama. Nagpasya akong samahan pa siya ng konti, kasi delikado para sa
isang tulad niya na babae na mag-isa sa madilim na lugar na yun.
Nakaupo ako habang nagpapatay ng lamok na dumadapo sa akin, nang biglang magsali
ta si Janela.
"Hindi ka pa ba uuwi? Medyo madilim na." tanong niya sa akin.
"Uuwi lang ako, sa oras na umuwi ka." sagot ko sa kanya.
"Eh, di simulan mo ng maglatag ng banig dahil wala akong balak umuwi." seryosong
sambit niya.
Nagulat ako sa sinabi niya at napakamot ako sa ulo.
"Hindi nga?? Seryoso??" tanong ko sa kanya at napangiti naman siya sa reaksiyon
ko.
"Shunga!! Sempre biro lang yun! Tae ka talaga!" nakakaloko niyang sagot.
"Sorry ha? Hindi kasi ako sanay makipagbiruan!"
Inis na inis ako, kasi nakakagago yu'ng sagot niya. Nagtatanong ako ng maayos, t
apos dinadamay niya pa yu'ng tae sa usapan. Hayyy.. Ano bang klaseng tao ito. Na
turingang mayaman, pang iskwater naman ang ugali. Maya-maya ay muli siyang nagsa
lita.

"Ramz, bakit mo ako tinulungan?" seryosong sambit niya.


Napaisip ako at tinanong ang sarili ko. Bakit ko nga ba siya tinulungan? Ang nat
atandaan ko lang ay bigla ko na lang hinawakan yu'ng kahoy sa tabi ko at sinugod
ang tatlong lalake. Pagkatapos napansin ko na lang na nagtakbuhan na sila. Nata
galan ako bago sumagot.
"Naawa kasi ako sayo, kaya tinulungan kita." muli na naman siyang natawa ng naka
kaloko.
Hindi ko maintindihan, kung bakit naiinis ako pag naririnig ko ang nakaka-asar n
a tawa niya. Para kasing tawa ng bruha. Tsk!..
"Mas mukha ka ngang nakaka-awa kesa sa'kin, eh!" sambit niya habang patuloy sa p
agtawa.
Pinipigilan ko ang sarili ko na wag mapikon sa mga sinasabi niya. Pero sobrang n
akaka-asar na. Sa isip-isip ko, walang utang na loob ang demonyitang ito. Ni-hi
ndi man lang magawang magpasalamat. Kung kaya ko lang ibalik ang oras, pababayaa
n ko siyang bugbugin ng tatlong lalakeng yun. Bwisit!!
Lampas alas-siyete na nun, nang magyaya siyang umuwi. Sa wakas! Nakaramdam din s
iyang wala na ako sa mood. Naglalakad kami papuntang sakayan ng jeep, nang bigla
siyang huminto sa paglalakad at nagulat naman ako.
"Oh, bakit?" tanong ko sa kanya.
Bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Nagulat ako sa ginawa niya. Tila hu
minto sa pag-ikot ang mundo ng mga oras na yun. Blanko ang utak ko at hindi ako
makapag-react. Matagal siyang nakayakap sa akin at maya-maya ay may ibinulong si
ya na labis ko namang ikinagulat.
"Gusto kita, Ramz." bulong niya sa kaliwang tenga ko.
Nagulat ako at napaatras sa narinig ko. Napabitaw siya sa pagkakayakap sa'kin.
"Gusto mo ako?" pagtatakang tanong ko sa kanya. Tila nahiya siya at biglang napa
yuko.
"Oo." mahinang sagot niya.
"Teka-teka! Parang kailan lang tayo nag-usap, tapos gusto mo na ako?"
Parang nainis siya sa tanong ko at bigla na naman nag-iba ang mood niya.
"Bakit?!! Anong masama kung gusto kita?!!" pasigaw niyang sagot.
Nagulat ako sa mga sinabi niya at bigla akong natahimik. Maging siya ay naging t
ahimik ng mga oras na yun. Ilang sandali pa ay muli akong nagsalita.
"Bigyan mo ako ng time, para pag-isipan ang sinabi mo." sambit ko sa kanya.
Bakas sa mukha niya ang lungkot dahil sa sinabi ko. Natahimik kaming muli ng mga
sandaling yun.
"Kahit hindi mo ako gusto, gusto pa rin kita. Gagawin ko ang lahat para magustuh
an mo rin ako." seryosong sambit niya.
Nabigla ako, dahil seryoso talaga siya. Kitang-kita ko sa mga mata niya na desid

ido siya sa gagawin niya. Hindi niya ako masisisi, kung nabigla man ako sa pagta
tapat niya ng kanyang nararamdaman. First time ko kaya na maranasang may nag-con
fess ng pag-ibig sa akin. What do you expect? Sasagutin agad kita? No way! Ano
na lang ang sasabihin nila sa akin? Easy to get ako?
Ang haba ng hair ko ng mga oras na yun. Hindi ko alam, pero kahit papaano may tu
wa akong naramdaman sa mga nalaman ko. Napapangiti na nga lang ako bigla sa jeep
, eh. Kahit pinagtitinginan ako ng mga katabi ko, hindi ko sila iniintindi. Eh,
sa masaya ako eh!!! #Lakampake!!
Nang lumipas ang ilang linggo..
Habang nagre-review ako ay panay ang pangungulit ni Janela sa akin. Pilit niyang
pinapakita sa akin yu'ng flier ng isang amusement park.
"Ramz, sige na!! Punta tayo bukas dito, oh." pakiusap niya habang pinapakita sa'
kin ang hawak niyang flier.
"Okay, ka lang??? Midterm Exam bukas tapos nagyayaya ka pumunta ng Amusement par
k?" sagot ko.
"Eh, Half-day lang naman ang exam bukas, ha?" pangangatwiran niya.
"Kailangan ko'ng umuwi ng maaga, kasi tutulungan ko sa pagtitinda si Mama."
Napasimangot naman siya sa sagot ko. Naaawa man ako sa kanya, pero hindi ko gust
o ang mga lugar na maraming tao. Ayoko kasi ng maingay, mabilis akong mairita.
"Mabuti pa, mag-review ka na lang! Para hindi ka ma-zero bukas." sambit ko sa ka
nya.
Umupo naman siya at nilabas ang kanyang libro. Natutuwa ako, kasi sumusunod na s
iya sa mga sinasabi ko. Maayos na ang trato niya sa akin mula noong sinabi niyan
g gusto niya ako. Pero minsan pag sinumpong siya ng kamalditahan naku, umiiwas n
a agad ako sa kanya. Sa ngayon hindi pa siya sinusumpong, ewan ko lang mamaya.
Minsan, may napagtripan siyang mga estudyante sa kabilang building. Nakita niyan
g kumakain ng chocolate kisses ang mga ito at may hawak-hawak na foil na pinagba
lutan ng kisses. Sinumbong niya ang mga estudyanteng yun sa professor at ang sab
i niya nagsha-shabu daw ang mga ito. Pinagalitan sila ng professor at binantaan
ang mga estudyante na isusumbong sa mga pulis.
Minsan din sa canteen.
May napagtripan din siyang isang estudyanteng
g upuan nito at nang tumayo ang estudyante ay
y tagos!! Ahhh.. May tagos!!" Pinagtawanan ng
obra itong napahiya at tumakbo ito papuntang

lalake. Nilagyan niya ng ketsup an


sumigaw si Janela ng.. "Ahhhh.. Ma
lahat ng estudyante ang lalake. S
banyo.

Minsan naman sa Classroom namin ay natabig ng kaklase naming si Robert yu'ng bot
e ng mineral water niya at nabasa ang pantalon nito. Sinumbong siya ni Janela sa
professor, ang sabi niya... "Sir! Si Robert, umihi sa Classroom!!" Nagtawanan a
ng mga kaklase ko, habang nakatingin kay Robert. Maging ako ay hindi ko na napig
il ang tawa ko.
Sa ilang linggo kong nakasama si Janela ay napansin kong walang ibang laman ang
isip niya kundi puro katarantaduhan. Naisip ko nga, paano kung maging girlfriend
ko ang isang katulad niya? Sigurado marami akong magiging kaaway sa DTU.
Pero sa kabilang banda, masaya din naman ako pag kasama ko siya. Lagi akong tuma

tawa, pero kadalasan ay hindi ko maiwasang ma-miss yu'ng dating tahimik kong buh
ay. Ang buhay ko na gumulo mula ng papasukin ko si Janela sa aking mundo.
..
..
..
..
..
#EvilGirlfriend??
#WTF
*******************************************
Chapter 4- The Admirer
*******************************************
Alas-nuebe ng umaga nagsimula ang midterm exam namin. Tulad ng inaasahan ko, lum
abas na ang nakatagong kakayahan ni Janela. Ang kakayahang mangopya. Animo'y kas
ing bilis ng kidlat ang mga mata niya sa pagtingin ng papel ng iba. Maging ang p
rof. nga namin ay hindi siya mahuli-huli sa husay niya. Napansin ko sa kanya na
sanay na sanay siya sa pangongopya. Grabeh!! Dinaig pa niya si kuya Kim. #MATANG
LAWIN.
Madali lang ang exam namin, kaya mabilis ko itong natapos. Kaya naman pasimple k
o siyang tinitignan sa ginagawa niya. Nagtataka ako, kung bakit hindi siya nango
ngopya sa'kin. Eh, ako ang mas malapit sa kanya at di-hamak na mas matalino nama
n sa iba. Naisip ko, siguro nahihiya siyang mangopya sa taong mahal niya. Hahaha
! Malas niya, nagkagusto siya sa akin.
Pagkalipas ng apat na oras ay nag-uwian na kami. Hindi na ako nagpaalam kay Jane
la, dahil baka pilitin na naman niya ako na magpunta sa amusement park. Naglalak
ad ako palabas ng DTU, nang biglang salubungin ako ng tatlong babae. Base sa org
anizational shirt nila, estudyante sila sa College of Education.
Napahinto ako at huminto din sila sa harap ko. Hindi ko alam kung ano ang kailan
gan nila sa akin, kaya tinanong ko sila.
"May kailangan kayo?" tanong ko at nagtinginan silang tatlo. Napansin ko ang isa
ng estudyante, na nakayuko at tila nahihiya sa akin. Narinig ko na ibinulong ng
isang babae sa kanya.
"Ibigay mo na."
Hindi ko alam kung ano ang problema nila, nagulat na lang ako nang iabot sa akin
ng babaeng nakayuko ang isang pink na sobre. Kinuha ko naman at bigla na lang s
ilang nagtakbuhan. Napakamot ako sa ulo. Sa isip-isip ko, ang dami pala talagang
weird sa mundo.
Umupo muna ako sa gilid para tignan ang laman ng pink na sobre. Nagulat ako at n
amula ng mabasa ko kung ano ang nakasulat sa loob.
Hi Ramz!
Ako nga pala si Erika De Guzman. I'm an Elementary Education Student. Sumulat ak
o sayo.. kasi wala akong lakas ng loob para kausapin at lapitan ka. When I firs

t saw you.. kumakain ka nun sa canteen. Nahihiya man akong sabihin pero.. na-Lov
e at first sight ako sayo.. Simula nun hindi ka na nawala sa isip ko. Sana magin
g malapit tayong kaibigan.. kahit kaibigan lang.. mag iingat ka palagi.
-Erika :-)
Hindi ko maintindihan, pero parang huminto ang oras ng mga sandaling yun. First
time ko kaya na makatanggap ng love letter mula sa admirer. Ang sarap pala ng fe
eling na alam mong may mga taong nagkaka-gusto sayo. Una si Janela, ngayon naman
yu'ng Erika. Hindi ko maiwasang mapangiti ng wagas. Sa isip-isip ko, napaka-gwa
po ko pala. Oh, wag ka ng kumontra!! Umayos ka! Magbasa ka na lang.
Nakauwi ako ng bahay at agad kong pinalitan si mama sa pagbabantay ng tindahan.
Habang nakaupo ako at nagbabantay ay binasa ko na namang muli ang love letter. E
wan ko ba kung bakit gusto kong paulit-ulit na basahin yu'ng sulat. Ang alam ko
lang, masaya ako pag nababasa ko ito.
Kinabukasan.
Habang papasok ako ng DTU ay nakita ko si Erika na nakatambay sa gate. Nakatingi
n siya sa akin at parang hinihintay niya talaga ako na dumating. Hindi ko alam,
pero hindi ko na siya kayang tignan ng matagal. May hiya na akong nararamdaman s
a kanya. Nilapitan niya ako at binati.
"Goodmorning, Ramz!" nakangiti niyang bati sa akin.
Tanging ngiti lang ang nasagot ko sa kanya.
"Ramz, gusto sana kitang imbitahang magkaraoke bukas kasama ang mga friends ko."
sambit niya at hinawakan niya ang kanang kamay ko. Tila naninigas ang buong kat
awan ko ng mga oras na yun. Ang lambot ng kamay niya. Napatingin ako sa kanya at
napansin ko ang taglay niyang ganda.
Halos lahat ata ng gusto ko sa isang babae ay na kay Erika na. Morena, mahinhin,
malambing magsalita, mukhang matalino, matangkad at higit sa lahat maganda. Kab
aliktaran siya ni Janela. Kung pipili man ako sa kanilang dalawa. Hindi ako magd
adalawang isip na piliin si Erika.
Hindi ako agad nakasagot sa imbitasyon niya, dahil nabigla ako. Napatingin ako s
a mga mata niya at ito'y nangungusap. Naisip ko, wala akong dahilan para tumangg
i. Isa pa, mukha naman siyang mabait na tao.
"Oh, sige. Anong oras ba?" tanong ko at napangiti siya.
"2pm, Ramz! Magkita na lang tayo dito sa gate." nakangiting sambit niya.
"Okay, sige. Kita-kits na lang." sagot ko at sabay na kaming pumasok sa loob ng
DTU.
Nang makarating ako ng classroom ay nagulat ako sa aking nakita. Nandoon na si J
anela at nagbabasa ng libro. Ano kaya ang nakain nito at bigla siyang nag-review
? Umupo ako sa tabi niya, pero hindi niya ako pinansin. Naglabas din ako ng libr
o para magbasa. Maya-maya lang ay nagsalita na siya.
"Ramz, matatapos na ngayon ang midterm exam natin. Siguro naman pwede na tayong
pumunta ng amusement park bukas?" nakangiti niyang sambit sa'kin.
Napakamot ako sa ulo at medyo nainis. Kasi naman, nandito na naman kami sa amuse
ment park. Ipipilit na naman niya sa akin maghapon yan. Bigla kong naalala, na m
ay lakad pala kami bukas nila Erika. Napangiti ako, dahil may dahilan na ako par

a hindi magpunta ng amusement park.


"Ay sorry, Janela. Naalala ko, may lakad pala kami bukas nila Erika." sagot ko s
a kanya.
Napakunot ang noo niya at mabilis niya akong tinanong.
"Erika?!! Sino yun??"
Napangiti ako sa kanya, dahil parang pinagdududahan ako ng mga mata niya.
"Ah, Eh... Friend ko siya." pag-aalangan na sagot ko.
"Kelan ka pa natutong makipag-kaibigan??" muli na namang tanong niya.
Nabigla ako at hindi nakasagot. Tama naman siya, hindi ko naman talaga ugaling m
akipag-kaibigan. Napa-isip akong bigla. Ano ba ang karapatan nito, para paki-ela
man ako.
"Teka, teka. Kung makapag-tanong ka, akala mo girlfriend kita." sagot ko sa kany
a.
Napatigil siya sa katatanong at muling natahimik sa upuan niya. Matagal kaming,
hindi nag-imikan. Pasimple ko siyang tinitignan at napansin ko ang lungkot sa mg
a mata niya. Maya-maya ay napilitan akong magsalita.
"Sasamahan kita sa amusement park, sa susunod na araw. Hindi lang talaga pwede b
ukas." sambit ko.
Nanatiling tahimik siya, kahit pumayag na akong samahan siya sa susunod na araw.
Hindi ko alam kung anong problema niya.
Natapos ang huling araw ng exam namin at nag-uwian na kami. Tumayo siya at nagla
kad palabas ng classroom. Nagtaka ako, kasi tuwing uwian naman ay nagpapaalam si
ya sa akin na uuwi. Kaya naman tumakbo ako at hinabol siya.
Nang makita ko siya na pababa ng hagdanan ay tinawag ko siya.
"Janela, wait!!"
Napahinto siya at napalingon sa akin. Nilapitan ko siya at kinausap.
"Ano ba ang problema mo? Pumayag na akong samahan ka di ba?" sambit ko sa kanya.
Napayuko siya at hindi sumagot.
"Naka-Oo na kasi ako kila Erika, kaya naman hindi ako pwede bukas. 2pm ang alis
namin papuntang Mall." muling paliwanag ko sa kanya. Maya-maya ay nagsalita na d
in siya.
"Hanggang anong oras ba kayo sa mall?" mahinang tanong niya.
"Siguro gagabihin kami ng uwi. Hindi ako sure!" sagot ko.
"Maghihintay ako sa amusement park ng alas-singko. Ikaw na ang bahala kung pupun
ta ka." sambit niya. Tumalikod siya at naglakad pababa ng hagdan.
Nabigla ako sa sinabi niya. Alas-singko? Eh, baka hindi pa kami tapos nun. Napabuntong hininga ako at sinabi ko sa sarili ko. Bahala siyang maghintay. Mapapago
d din yun pag natagalan siya sa kahihintay sa akin. Umuwi na rin ako at hindi ko
na muling inisip pa ang mga sinabi niya.

Kinabukasan.
Nagtataka ako, dahil hindi pumasok si Janela sa lahat ng subject namin. Sa isipisip ko, masayado yata siyang excited pumunta ng amusement park. Napatingin ako
sa relo ko at nakita ko na alas-onse pa lang. Tatlong oras na lang at pupunta na
kami sa mall kasama ang mga friend ni Erika. Hindi ko alam kung bakit excited n
a akong makita si Erika. Sa tingin ko, gusto ko na yata siya.
Sumapit na nga ang Alas-dos ng hapon at nagpunta na ako agad sa gate ng DTU. Mal
ayo pa lang ay natanaw ko na agad sila Erika at ang mga kaibigan niya. Napansin
kong, lahat sila ay may partner maliban kay Erika. Napangiti ako, dahil ang ibig
sabihin ay si Erika ang partner ko.
Pagdating ko ay umalis na kami at nagpunta na agad ng mall. Sa dami namin ay mun
tik na naming mapuno ang isang jeep. Nagkukwentuhan sila habang nagtatawanan ng
malakas. Hindi ako maka-relate sa mga pinag-uusapan nila, kaya na-out of place a
ko ng mga oras na yun.
Nang makarating kami sa mall ay agad kaming pumasok sa videoke room. Nahati kami
sa dalawang grupo dahil sa dami namin ay hindi kami kasya sa isang room.
Masayang nagkakantahan ang mga kaibigan ni Erika. Masaya naman kasi, hindi ko la
ng maintindihan kung bakit nababagot ako. Ang tahimik kasi ni Erika at hindi man
lang ako kinakausap. Sinubukan ko siyang kausapin, pero tumatango lang siya sa
mga tanong ko. Sa isip-isip ko, siguro mahal ang presyo ng laway ni Erika at hin
di man lang niya magamit sa akin.
Maya-maya lang ay napatingin ako sa relo ko at nakita kong 6pm na. Naisip ko big
la si Janela. Siguro napagod na yun sa kakahintay sa akin. Malamang nagra-rides
na yun o di kaya naman kumakain na siya ng mga pagkain na tinitinda dun. Naisip
ko din, siguro kung si Janela ang kasama ko ngayon malamang hindi ako mababagot.
Ang dami kasing kalokohan ng babaeng yun. Napapangiti na lang ako, kapag naiisi
p ko ang mga nakakatawang trip ni Janela.
Alas-siyete na kami lumabas ng videoke room. Sa totoo lang, hindi ako naging mas
aya. Sila-sila lang kasi ang nag-uusap at nagtatawanan sa loob. Nagpapasalamat n
a lang ako at naisipan din nilang umuwi.
Palabas na kami ng mall, nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Ramz!!!"
Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Nagulat ako sa nakita ko, dahil tita pa
la ni Janela yun. Agad ko siyang nilapitan dahil parang hingal na hingal siya.
"Tita, bakit hingal na hingal ka?" tanong ko sa kanya.
Huminga muna siya ng malalim bago niya ako sinagot.
"Nakita kasi kita, kaya naman mabilis kitang hinabol."
"Bakit po?" tanong ko.
"Paalam kasi sa akin ni Janela kanina, kasama ka daw niyang pupunta ng amusement
park. Kaya nagulat ako kung bakit hindi mo siya kasama." sambit niya.
"Sinabi ko po sa kanya tita, hindi ako sure na makakapunta sa amusement park kas
i may pupuntahan ako." sagot ko. Napakamot sa ulo ang tita ni Janela at tila nag
uguluhan. Natagalan siya, bago muling nagsalita.

"Sinabi ko kasi kay Janela, na sa bahay na lang siya mag-celebrate ng Birthday n


iya at imbitahan ka nalang. Ayaw naman niya, gusto niya pumunta ng amusement par
k kasama ka." kwento ng tita niya.
Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko, nang marinig ko ang kwento ng tita niya
. Hindi nabanggit sa akin ni Janela na kaarawan niya pala ngayon. Bigla na lang
bumilis ang tibok ng puso ko. May kaba akong nararamdaman ng mga oras na yun. Na
patingin ako sa relo ko at nakita kong 7:30pm na. Hindi ako sigurado kung nandoo
n pa siya, pero gusto ko siyang puntahan.
Hindi na ako nagpaalam kila Erika at tumakbo na lang ako agad palabas ng mall. I
sa lang ang nasa isip ko ng mga oras na yun, gusto kong makita si Janela. Gusto
ko siyang samahan sa pinaka-importanteng araw sa buhay niya.
..
..
..
..
..
Maghintay ka pa ng konti Janela..
parating na ako..
*******************************************
Chapter 5- Weird Feelings
*******************************************
Nakarating ako ng amusement park ng alas-otso ng gabi at nagulat ako sa taglay n
a laki nito. Sa isip-isip ko, paano ko hahanapin ang isang tao sa laki at lawak
ng lugar na ito? Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko alam kung kaya ko ba siyang
hanapin sa dami ng tao na naroroon.
Nagsimula na akong maglakad para hanapin si Janela. Wala man akong ideya kung na
saan siya ay ipinagpatuloy ko pa rin ang paghahanap. Ang tanging mahalaga lang s
a akin ay ang mahanap siya at wala akong paki-elam kung mahirapan man ako. Halos
kalahating oras na akong naglalakad, pero hindi ko pa rin siya makita. Pagod na
pagod na ako ng mga oras na yun at gusto ko ng sumuko. Umupo muna ako sa isang
tabi para magpahinga.
Maya-maya lang ay may lumapit sa akin na isang matandang babae. Kulot ang buhok
nito at napaka-weird ng suot na damit. Napatingin ako sa kanya at bigla siyang n
agsalita.
"Mukhang may hinahanap ka, iho." sambit niya.
Nagulat naman ako, kung paano niya nalaman na may hinahanap ako.
"Meron nga po, ate. Paano niyo po nalaman?" sagot ko.
Tinabihan niya ako sa pagkakaupo at kinausap.
"Kanina pa kasi kita nakikita na parang may hinahanap ka."
Napalingon ako sa kanya at tahimik na nakikinig.

"Hindi mo siya makikita, kung gagamitin mo ang iyong mga mata." muli niyang samb
it.
Naguluhan ako at napakunot ang noo sa sinabi niya, kaya naman tinanong ko siya.
"Eh, ano po ang gagamitin ko?? Ilong ko, po? Eh, di para na po akong aso nun." p
abirong sambit ko.
Natawa siya sa sinabi ko at tinapik ang balikat ko.
"Ikaw talaga, iho. Napaka-pilosopo mo." sambit niya habang patuloy sa pag ngiti.
Napangiti din ako, ang weird kasi ng sinabi niya. Maya-maya pa ay muli siyang na
gsalita.
"Subukan mong gamitin ang puso mo para hanapin siya."
Nagsimula na akong maging interesado sa sinasabi niya at tahimik akong nakikinig
.
"Alam mo kasi, iho. May mga bagay na nakikita ang puso mo, na hindi kayang makit
a ng iyong mga mata. Subukan mong pakinggan ang bulong ng puso mo at sigurado ak
ong makikita mo ang hinahanap mo."
Napaka-lalim ng sinabi ng matandang babae, pero nakukuha ko na ang ibig niyang s
abihin. Tahimik akong nag-iisip ng mga oras na yun at bigla na lang pumasok sa i
sip ko ang Ferris Wheel. Napatayo ako at tinatanaw kung nasaan naroroon ang Ferr
is Wheel. Nang makita ko ito ay nagpasalamat at nagpaalam na agad ako sa matanda
ng babae. Malakas ang kutob ko na naroroon siya. Tumakbo na ako agad ng mabilis
papunta sa lugar na yun.
Papalapit na ako ng Ferris Wheel nang matanaw ko siya. Tama ang kutob ko, na nan
dito siya. Nagulat ako sa suot niyang damit. Naka-dress siya ng itim at nakasuot
ng sandals. Kahit kelan ay hindi pumasok sa isip ko na kaya niyang mag-suot ng
pambabaeng damit. Palapit na ako sa kanya nang mapansin kong nakatulala siya at
may luha sa mga mata, habang pinapanood ang isang pamilya. Isang pamilya na masa
ya habang nakasakay sa Ferris Wheel.
Naiintindihan ko siya, siguro nami-miss na niya ang mommy at daddy niya. Naawa a
ko sa kanya ng mga sandaling yun, kaya naman nilapitan ko na siya.
"Sayang naman ang ganda ng make-up mo, kung buburahin lang ng mga luha mo." samb
it ko.
Nagulat siya at napatingin sa'kin. Nilapitan ko naman siya para punasan ang luha
niya. Hindi siya nagsasalita ng mga oras na yun, siguro nagulat talaga siya sa
pagdating ko.
"Sorry, medyo na-late ng dating ang ka-date mo." pagbibiro ko.
Bigla na lang siyang humagulgol ng iyak at niyakap ako ng mahigpit. Pinagtingina
n kami ng mga tao, dahil sa lakas ng kanyang pag-iyak.
"Ssssshh.. tama na! Huwag ka ng umiyak. Nakakahiya sa mga tao!" sambit ko, haban
g hinahaplos ang likod niya.
Mas lalo naman niyang nilakasan ang pag-iyak dahil sa sinabi ko.
"Bakit ngayon ka lang kasi!! Gago ka! Gago! Gago! Gago!" sambit niya habang patu

loy sa pag-iyak.
Kung baril lang siguro ang pagmumura, siguro namatay na ako. Tadtad ako ng mura
eh! Grabeh!!
"Sorry, na nga." muli kong sambit.
Maya-maya ay tumahan na din siya. Ilang minuto din kaming tahimik habang nakaupo
sa gilid. Ilang sandali pa ay nagsalita na rin siya.
"Akala ko, hindi ka na darating."
Napatingin ako sa kanya at napangiti.
"Maaari ba akong mawala sa pinaka-importanteng araw ng manliligaw ko?" sagot ko.
Napakunot ang mukha niya at napatakip ng bibig.
"My god!! Ang kapal mo!! Grabeh!!" sambit niya.
Nagtawanan kaming dalawa na parang mga baliw. Naisip ko, ang sarap talagang kasa
ma ni Janela. Hindi ko maintindihan, pero pag kasama ko siya para kaming nasa ib
ang planeta. May sarili kaming mundo. Mundo kung saan malayo sa kalungkutan at u
maapaw sa kasiyahan. Nang mga oras na yun, nakatingin ako sa kanyang mga mata. H
indi ko alam, kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako sigurado kung
ano ang nararamdaman ko para sa kanya at ayoko munang isipin. Ang tanging impo
rtante lang para sa akin ng gabing yun... ay ang mapasaya siya sa kanyang kaaraw
an.
Nagsimula na nga kaming maghanap ng paglilibangan at parang bata si Janela na tu
wang-tuwa. Niyaya ko siyang sumakay ng Ferris Wheel, pero ayaw niya. Gusto niya
sa basket ball. Kababaeng tao, basket ball ang laro. Grabeh!! Nagsimula na nga s
iyang tumira ng bola. Natulala ako dahil wala siyang mintis, puro pasok ang tira
niya. Maging ang mga tao sa paligid namin namangha sa galing niya.
Maya-maya lang ay lumapit siya sa akin at nagulat ako kung bakit niya pinunasan
ang bibig ko. Tinanong ko siya.
"Oh, bakit mo pinunasan ang bibig ko??"
Napangiti siya ng nakakaloko.
"Nag-laway ka kasi, eh." sambit niya at pinipigilan niya ang tawa niya.
Nainis ako sa sinabi niya at sinagot ko siya.
"Oo, natulala ako pero hindi ako naglaway!!" pangangatwiran ko.
Hindi ko alam na napalakas pala ang boses ko, nagulat na lang ako ng nagtawanan
ang mga tao sa likod ko. Hiyang-hiya naman ako ng mga oras na yun at isa lang an
g nasa isip ko. Kailangang makaganti ako.
Sa kagustuhan kong gumanti ay niyaya ko siya sa Horror House. Napangiti naman ak
o dahil agad siyang pumayag. Sa isip-isip ko, makakaganti na rin ako.
Pumasok kami sa Horror House at nakakapit siya sa braso ko. Sabi ko na eh, matat
akutin itong babaeng ito. Maya-maya lang habang naglalakad kami ay biglang may l
umitaw na zombie sa harap namin, napasigaw ako sa gulat at napatakbo ng mabilis.
Naiwan ko si Janela sa lugar na yun at ayoko ng bumalik dun. Naalala ko, first
time ko pa lang pumasok ng horror house. Takot na takot ako ng mga sandaling yun

. Wala akong matanaw na liwanag sa paligid. Naglalakad ako nang biglang may lumi
taw na tiyanak at balak kagatin ang leeg ko. Nagulat ako at sinuntok-suntok ko a
ng tiyanak. Nang magkaroon ako ng pagkakataon na tumakas ay kumaripas ako ng tak
bo. Hindi ko alam kung paano ako lalabas sa lugar na yun. Isa lang ang nasa isip
ko, kailangang makalabas ako ng buhay dito.
Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Janela na pinapaypayan ako. Nakahiga
ako sa isang mahabang upuan. Bumangon ako at tinanong kay Janela, kung ano ang
nangyari.
"Natagpuan ka kasi ng mga tao na walang malay sa loob ng horror house. Ano ba ka
si ang naisip mo? Bakit mo ako niyaya sa horror house? Eh, matatakutin ka naman
pala." sambit ni Janela.
Hindi ako nakasagot sa sobrang kahihiyan. Sobrang nakakahiya kasi sa sobrang tak
ot ko ay nahimatay ako.
"Buti na lang hindi ka napa-ihi sa sobrang takot, noh?" muling pagbibiro niya at
hindi na niya napigil pa ang tawa.
Naiirita ako sa mala-bruhang halakhak ni Janela, pero wala akong magawa. Napatay
o ako at niyaya na lang siyang kumain, para hindi na namin mapag-usapan ang nang
yari.
Nasa isang restaurant kami at kumakain ng lomi, nang bigla niya itong kinamay. N
anlaki ang mga mata ko sa nakita ko, kinamay niya ang lomi at tila sarap na sara
p siya. Parang nawalan ako ng ganang kumain sa nakita ko, napansin ko ding pina
gtitinginan siya ng mga tao. Ako ang nahihiya sa ginagawa niya. Napaka-baboy ng
babaeng ito. Hindi ako naka-tiis at pinigilan ko ang kamay niya sa pagsubo. Nagu
lat siya sa ginawa ko.
"Oh, bakit?" mabilis na tanong niya habang ngumunguya.
"Ano ba yang ginagawa mo?? Bakit ka nagkakamay?? Tignan mo, pinagtatawanan ka ng
mga tao!" inis na sambit ko.
Nilunok niya muna ang kinain niya, bago siya nagsalita.
"Yun nga ang plano ko, eh. Ang pagtawanan nila ako, para patas na tayo." naguluh
an ako sa sinabi niya kaya tinanong ko siya.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
Napatingin siya sa mga mata ko at nagsalita.
"Kanina pinagtawanan ka nila sa horror house, di ba? Kaya naman dapat pagtawanan
din nila ako. Pangit naman kung ikaw ang laging napapahiya." sagot niya.
Hindi ko alam, pero napangiti ako sa sinabi niya. Pinahiya niya ang sarili niya
para lang patas kami na napahiya. Ang weird di ba? Sinong matinong tao ang makak
a-isip nun? Sa kabilang banda, parang mas lalo ko siyang nagustuhan. Hindi man n
iya sinasabi na mahal niya ako, pero nararamdaman ko naman ito.Kaya naman binita
wan ko na ang kamay niya at pareho naming kinamay ang lomi.
..
..
..

..
sarap!! try niyo!!
*******************************************
Chapter 6- First Kiss
*******************************************
Hating-gabi na, nang magyaya siyang umuwi. Hindi namin namalayan na lampas alasdose na. Sa isip-isip ko, napaka-bilis naman ng oras. Parang gusto ko pa siyang
makasama, pero mukhang pagod na siya. Hinatid ko siya hanggang sa bahay nila, pa
ra masigurado kong ligtas siyang makakauwi. Nasa labas kami ng kanilang gate at
patuloy pa rin kaming naguusap.
"Ramz, salamat! Pinasaya mo ang birthday ko." nakangiti niyang sambit.
Nakatingin ako sa kanyang mga mata at hindi ko maipaliwag kung bakit parang ayaw
ko'ng matapos ang gabi'ng yun.
"Wala yun! Alam mo namang malakas ka sa'kin di ba?" sagot ko.
Matagal kaming nagtitigan, na para bang nag-uusap ang aming mga mata. Nang mga o
ras na yun ay gusto ko ng sabihin ang aking nararamdaman para sa kanya, pero hin
di ko alam kung bakit hindi ko masabi. May takot akong nararamdaman, na hindi ko
maipaliwanag. Naisip ko, siguro hindi pa ako handa para sa isang relasyon. Gust
o ko munang sulitin ang mga araw na masaya kaming magkasama bilang magkaibigan.
Maya-maya ay nagsalita muli si Janela.
"Ramz, hindi mo pa ba ako gusto?" seryosong sambit niya, na sobra kong ikinabigl
a.
Napayuko ako at hindi nakasagot sa tanong niya. Nilapitan niya ako at hinawakan
ang kanang kamay ko. Nagulat ako, dahil inilagay niya ang kamay ko sa tapat ng k
anyang puso.
"Naririnig mo ba, Ramz?" sambit niya at napatingin ako sa kanyang mga mata.
"Naririnig mo ba na sinisigaw niya ang pangalan mo?.. Walang araw na hindi ka ni
ya hinahanap.. Hindi siya napapagod maghintay, Ramz.. Hindi siya napapagod na um
asa.. umasa na ba lang araw ay pagbubuksan mo siya ng pinto.. at patutuluyin mo
siya sa puso mo.."
Hindi ko maipaliwanag, kung bakit kusa na lang tumulo ang mga luha ko. Habang na
sa dibdib niya ang kamay ko, nararamdaman ko na totoo ang lahat ng sinasabi niya
.
"Wag kang umiyak, Ramz. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na magustuhan
ako.. patuloy akong maghihintay.. patuloy akong aasa, Ramz.." at niyakap niya ak
o ng sobrang higpit. Yakap na pumawi sa lahat ng pag-aalinlangan ko. Yakap na na
gsasabing, magiging masaya ako sa kanya.. Yakap na nagsasabing mahalin ko siya..
Hindi ko na natiis at niyakap ko na din siya ng mahigpit. Nag-uusap ang aming mg
a puso ng mga sandaling yun. Hindi namin kailangang magsalita, para maintindihan
namin ang isa't-isa. Dahil nagkakaunawaan kami sa pamamagitan ng aming mga nara
ramdaman.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay.
Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata at handa na akong sabihin ang nararamdama
n ko para sa kanya.

"Inaamin ko, nu'ng una ay naiinis ako sayo... Lagi mo kasi akong pinagtri-tripan
at sinasaktan.. sinabi ko sa sarili ko.. Hindi ko mamahalin ang tulad mo.." sam
bit ko, habang nakatingin pa rin ako sa kanyang mga mata. Nanatili siyang tahimi
k at nakikinig sa mga sinasabi ko.
"..pero habang tumatagal at nakikilala kita ng husto.. unti-unting nagbago ang p
agtingin ko sayo.. nalaman kong hindi ka naman pala masama.. pag-kasama kita.. p
arang ayaw kong gumalaw ang oras.. dahil pag kasama kita.. doon ko lang nararamd
aman ang maging masaya.." pagpapatuloy ko. Lumuluha siya, habang nakangiti ng mg
a oras na yun.
"ang pagiging weird mo... yan ang nagustuhan ko sayo... palagi ka kasing totoo s
a sarili mo... sa nararamdaman mo... para sa'kin..." napayuko siya, na parang na
hihiya sa mga sinasabi ko. Nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita.
"Sa totoo lang, Janela... may nararamdaman ako para sayo... pero hindi ako sigur
ado... hindi ko alam kung mahal ba kita... dahil kailangan kita... o kailangan k
ita dahil mahal kita... parang yu'ng movie ni claudine at piolo (Milan).. parang
ganon..." napangiti siya sa sinabi ko. Ewan ko ba, kung bakit pumasok sa isip k
o yun.
"konting panahon pa, Janela... konting panahon pa... sisiguraduhin ko lang itong
nararamdaman ko para sayo... ayoko kasi dumating ang araw na masaktan kita... d
ahil nagkamali ako sa nararamdaman ko para sayo... naiintindihan mo ba, Janela?"
Napangiti siya at muli niya akong niyakap.
"Salamat, Ramz! Salamat sa pagiging honest mo... pangako... maghihintay ako." sa
mbit niya at mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Masaya ako, dahil naiintindihan niya ang nararamdaman ko. Maya-maya ay kumalas n
a siya sa pagkakayakap sa'kin at napatingin siya sa mga mata ko ng seryoso.
"Ramz, ah eh... ano... pwede ko na ba makuha ang gift ko??" sambit niya.
Nagulat ako sa sinabi niya at napakamot sa ulo. Alam naman niyang, wala akong da
la kahit ano mula ng nasa amusement park kaming dalawa.
"Ah, eh.. wala akong gift eh." sambit ko at bigla na lang niya akong hinalikan s
a labi ng mabilis. Natulala ako at nagulat sa ginawa niya.
"Thank you sa gift, Ramz! Bye!" at agad siyang tumakbo papasok ng bahay nila.
Sa isip-isip ko, anyare?? Naninigas ang buong katawan ko ng mga oras na yun. Sa
isang iglap ay nagawa niyang kunin ang first kiss ko. Ilang minuto din akong nak
atulala sa labas ng gate nila Janela. Napa-hawak ako sa labi ko at bigla na lang
akong napangiti. Hindi ko alam, kung bakit parang gusto kong lumundag sa tuwa.
Maya-maya pa ay naglakad na ako papuntang sakayan ng jeep at umuwi.
Kinabukasan.
Habang naglalakad ako papasok ng DTU ay bigla ko na lang nakita si Janela at Eri
ka, na kapwa nakatambay sa gate. Napahinto ako, dahil hindi ko alam kung dapat b
a akong magpakita sa kanilang dalawa. Napatingin ako sa relo ko at 10mins. na la
ng male-late na ako. Wala akong ibang nagawa, kundi ituloy na lang ang paglalaka
d papasok.
Nakita naman ako agad ng dalawa at sabay nila akong tinawag.
"Ramz!!"

Nagtinginan ang dalawa, dahil nalaman nilang pareho pala sila ng taong hinihinta
y. Matagal silang nagtitigan at parang may mga kuryente ang kanilang mga mata. K
inabahan naman ako, dahil baka mag-away ang dalawa. Agad akong puma-gitna sa pag
itan nilang dalawa para maputol ang pagtititigan nila. Nakahinga naman ako ng ma
luwag ng huminto sila sa ginagawa.
Naglalakad kaming tatlo, nang biglang magsalita si Erika.
"Ramz, gusto ko sanang tikman mo itong niluto kong adobo." sambit ni Erika, saba
y abot ng lunch box.
Napangiti ako, dahil sa bigay ni Erika. Sa isip-isip ko, sa wakas hindi ako gaga
stos ng lunch ngayon.
"Thanks, Erika!"
"You're welcome!" agad na sagot niya.
Napalingon ako kay Janela at napansin kong nanggigigil ang mga kamay niya ng mga
oras na yun. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin kay Erika. Kinabaha
n ako at agad kong hinila palayo si Erika. Alam kong puputok na ang Mayon Volcan
o, kaya naman mabilis ko siyang inilayo kay Janela.
Napansin naman ni Janela, na tumatakbo kami palayo sa kanya at tinawag niya ako
ng pagkalakas-lakas.
"RAMZ!!!!" sigaw ni Janela. Mas lalo pa naming binilisan ang pagtakbo.
"SIGE TAKBO, RAMZ!! WAG KAYONG MAGPAPAHULI SA'KIN!! PAG NAHULI KO KAYO, GUGULPIH
IN KO KAYO!!!"
Narinig ko ang lahat ng pagbabanta ni Janela. Sabi ko na eh, puputok na ang Mayo
n Volcano. Nagtataka naman si Erika, kung bakit kami tumatakbo palayo kay Janela
.
"Bakit tayo tumatakbo?" tanong ni Erika.
"Hindi mo ba kilala si Janela?" tanong ko habang patuloy kaming tumatakbo.
"Hindi. Bakit??"
"Siya ang kinatatakutan na Evil Girl dito sa DTU!" sagot ko. Sobra siyang nagul
at, dahil hindi niya akalain na si Janela ang kinatatakutang Evil Girl sa buong
campus.
Huminto kami, malapit sa College of Law at malayo-layo na rin ang aming natakbo.
Lumingon kami sa pinanggalingan at napansin naming hindi na nakasunod si Janela
. Nakahinga ako ng maluwag at napaupo. Hingal na hingal kaming dalawa ng mga ora
s na yun.
"Ano mo ba si Janela??" biglaang tanong ni Erika. Nakita ko sa mga mata niya ang
pagdududa.
"Kaibigan ko lang yun.. classmate.. seatmate.. yun lang." sambit ko.
Napakunot ang noo niya.
"Eh, bakit kung magalit siya parang asawa ka na niya?!!" inis na sambit ni Erika
.

Napaisip ako, tama si Erika. Hindi ko pa naman siya Girlfriend at hindi pa naman
niya ako Boyfriend. Anong rason para magalit siya? Matagal akong napaisip ng mg
a sandaling yun at napansin ko ding hindi na ako nakapasok. Sa buong buhay ko, n
gayon lang ako hindi nakapasok sa isang subject at sinisisi ko si Janela ng mga
oras na yun.
..
..
..
..
#nakakabwisitkajanela
*******************************************
Chapter 7- Parting Time
*******************************************
Pumasok ako sa aming pangalawang subject, dahil alam ko na mag-bibigay si Mr. Ro
driguez ng short quiz. Bago ako pumasok sa classroom namin ay sinilip ko muna ku
ng ano ang ginagawa ni Janela. Nagtaka ako, dahil wala siya sa loob. Napaisip ak
o, siguro hindi din siya pumasok sa first subject namin. Mabilis akong pumasok s
a classroom namin at umupo.
Nakatingin sa akin ang mga kaklase ko, marahil nagtataka sila dahil ngayon lang
ako umabsent sa isang subject namin. Hindi ko na lang sila pinansin at nagbasa n
a lang ako ng libro. Maya-maya ay dumating na ang prof. namin at wala pa rin si
Janela. Hindi ko maintindihan, pero bigla na lang akong kinabahan. Parang may hi
ndi magandang mangyayari.
Natapos ang klase namin at nag-lunch break na kami. Palabas na ako ng classroom
nang salubungin ako ng isang estudyante at pansin ko ang pagkabahala sa kanyang
mukha.
"Ramz!! Si Janela, may binubugbog na estudyante!" mabilis na sambit nito.
Bigla akong kinabahan, kaya agad ko siyang tinanong.
"Saan??"
"Sa building ng college of education!!" sagot niya.
Sobra akong kinabahan kaya naman mabilis akong nagtungo doon. Naisip ko, malaman
g si Erika yun. Binilisan ko pa ang pagtakbo at wala akong paki-elam, kahit may
mga nabubunggo na akong estudyante. Isa lang ang nasa isip ko ng mga oras na yun
. Kailangan kong iligtas si Erika, mula sa galit ni Janela.
Nang makarating ako sa building ng College of Education ay natanaw ko agad ang k
umpulan ng mga estudyante doon. Nagulat ako nang makita ko na sakal-sakal ni Jan
ela si Erika at may hawak itong baseball bat. Umiiyak at nagmamakaawa na si Erik
a, pero parang walang naririnig si Janela. Nanlilisik ang mga mata nito at tila
handang pumatay ng mga sandaling yun.
Agad kong hinawakan ang balakang ni Janela at malakas kong hinila ito. Natanggal
ang kamay niya mula sa leeg ni Erika at bigla siyang natumba sa lakas ng paghil
a ko. Mabilis kong nilapitan si Erika at nakita kong may mga dugo sa mukha nito.
Napayakap si Erika sa akin at humagulgol ng iyak. Awang-awa ako sa sinapit niya
sa kamay ni Janela.

"Sorry, nahuli ako ng dating." bulong ko kay Erika at mas hinigpitan niya pa ang
pagkakayakap sa'kin.
Nilingon ko at tinignan ng masama si Janela. Nakita ko na may luha siya sa kanya
ng mga mata. Nakatingin siya sa kanyang mga kamay na tila hindi niya alam ang gi
nawa niya. Galit ang tanging nararamdaman ko, nang mga oras na yun. Nakatingin a
ko sa kanya at nagsalita.
"Sobra na! Hindi ko na kaya." sambit ko. Napatingin siya sa akin at patuloy pari
ng tumutulo ang kanyang luha.
"Natitiis ko ang mga
... Kahit iniisip ng
awa mo'ng ito... ang
sama sayo.... walang

kalokohan mo, kahit masama na ang tingin sa akin ng mga tao


mga tao na kasabwat kita.. Binabalewa ko lang...pero sa gin
saktan ang isang inosenteng tao, na wala namang ginawang ma
kapatawaran, Janela!!" inis na sambit ko.

Natulala si Janela sa akin at walang tigil ang pagtulo ng luha niya sa mata. Tan
ging galit lang ang nararamdaman ko para sa kanya ng mga oras na yun.
"Simula sa araw na ito. Pinuputol ko na ang anomang ugnayan ko sayo, Janela." mu
li kong sambit. Napatayo si Janela at naglakad palapit sa'kin. Hinawakan niya an
g kamay ko at nagmakaawa
"Ramz, wag mong gawin sa'kin ito. Please... please, Ramz... wag.." pagmamakaawa
niya, habang patuloy sa pag-iyak.
Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at tinalikuran ko siya. Itinayo
ko si Erika at inakay papuntang clinic. Hindi na siya muling sumunod pa. Masaki
t man sa akin na putulin ang ugnayan ko sa kanya, pero wala akong magagawa. Kail
angan kong gawin yun, para wala ng madamay na tao na malapit sa akin.
Nasa clinic kami ni Erika at nag-uusap.
"Okay, ka na ba??" tanong ko.
"Yup! Salamat pala sa tulong mo."
nakangiti niyang sambit.
"Nahihiya nga ako sayo, eh. Dahil sa akin, kaya ka nasaktan."
"Sssssshhhh... Wag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan." sambit niya
. Nilapitan niya ako at hinawakan niya ang aking kamay.
Nagulat ako at bumilis ang tibok ng puso ko. Habang hawak niya ang kamay ko ay n
akangiti siya.
"Lahat gagawin ko para sayo, Ramz. Kapag kailangan mo ng kakwentuhan, kasama at
kausap... nandito lang ako.. pwede mo akong lapitan.." muli niyang sambit. Napat
ingin ako sa mata niya at naramdaman ko ang init ng pagmamahal niya.
Matagal kaming nagtinginan, nang bigla na lang akong mamalikmata at nakita ko si
Janela sa katauhan ni Erika. Napa-atras akong bigla at nagulat.
"Bakit?" tanong ni Erika.
Kinamot ko ang dalawang mata ko at muling tumingin sa kanya. Nang makita ko na s
i Erika talaga yun ay napa-buntong hininga ako. Sa isip-isip ko, guni-guni ko la
ng pala yun. Hayyy... buti na lang!

Bumalik ako sa classroom, para sa huling subject namin. Nakita kong wala si Jane
la dun at umupo na ako. Nakapag-pasya na ako, na bukas na bukas ay magpapalipat
na ako ng upuan. Ayoko ko nang, makatabi pa si Janela, para hindi na ako madamay
sa mga kalokohan niya.
Nang sumunod na araw.
Pumayag ang lahat ng Professor ko na lumipat ako ng upuan. Mula sa dulo ng first
row ay lumipat ako sa dulo ng third row. Nagtataka ang mga kaklase ko sa biglaa
n kong paglipat ng pwesto. Nagtatanong ang iba, kung bakit ako lumipat at isa l
ang ang sagot ko.. "Mainit dun, eh!" Hindi ko alam, kung kumbinsido sila sa sago
t ko at wala akong paki-elam sa iniisip nila.
Maya-maya lang ay dumating na si Janela. Nagulat siya at napahinto sa paglalakad
. Marahil nagulat siya, na iba na ang pwesto ng upuan ko. Matagal niya akong tin
ignan, pero hindi ko siya pinansin. Sa isip-isip ko, sa wakas matatahimik na mul
i ang buhay ko. Wala ng taong mangungulit sa'kin. Ang hindi ko maintindihan, kun
g bakit ang bigat ng pakiramdam ko. Parang may mahalagang bagay akong nawala, na
hindi ko maipaliwanag.
Natapos ang klase namin at lunch break na namin. Kumakain ako sa canteen, nang b
igla akong tabihan ni Janela. Umusog ako palayo sa kanya at pinagpatuloy ko ang
pagkain. Nagtaka ako, dahil nanatili lang siya sa pwesto niya. Hindi na katulad
ng dati na paulit-ulit siyang umuusog sa tabi ko. Ibinaling ko na lang ang atens
yon ko sa pagkain.
Nang matapos akong kumain ay lumabas na agad ako ng canteen. Umupo muna ako sa b
lue house, kung saan maraming nakatambay na estudyante. Ipinikit ko muna ang mat
a ko, para umidlip ng konti. Maya-maya ay may lumapit sa akin at tinabihan ako.
Napatingin ako sa taong katabi ko at nakita ko si Janela. Napatayo akong bigla a
t naglakad, nang bigla siyang magsalita.
"Ramz, sorry!!"
Napahinto ako sa paglalakad, dahil bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"Ramz, sorry! sorry! sorry!" paulit-ulit niyang sambit habang umiiyak.
Nakatingin sa amin ang lahat ng estudyante doon. Animo'y parang isang pelikula a
ng eksena naming dalawa. Inalis ko ang kamay niya sa katawan ko at kinausap ko s
iya.
"Janela, iba na lang ang kulitin mo!.. Iba na lang ang guluhin mo!.. Iba na lang
ang mahalin mo, please!!" inis kong sambit at tumalikod na ako sa kanya.
"Sana, Ramz... ganon lang yun kadali.." napahinto ako sa paglalakad dahil sa sin
abi niya.
"Sana parang magic lang... na pag sinabi kong.. wag kitang isipin... bigla na la
ng kitang hindi maiisip... at pag sinabi kong.. wag kitang mahalin.. ay bigla na
lang kitang hindi mamahalin... sana, Ramz... ganon lang kadali yun... pero hin
di, eh!!" sambit niya habang patuloy na umiiyak.
Hindi ko naiwasang mapaluha sa mga sinabi niya. Naramdaman ko ang sakit na kanya
ng nararamdaman ng mga oras na yun. Hindi ako nakapagsalita at tahimik lang akon
g nakikinig sa kanya.
"Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pagdating sayo. Lahat yata ng bagay gagawi

n ko, wag ka lang mawala sa'kin... Kapag sinabi mong tumalon ako sa bangin... hi
ndi ako magdadalawang isip na tumalon sa bangin... pag sinabi mong... magpabungg
o ako sa truck... magpapabunggo ako sa truck.. isang bagay lang ang hindi ko kay
ang gawin, Ramz... ang sabihin mong... wag kitang mahalin." sambit niya. Umiiyak
siyang tumakbo palabas ng blue house.
Pinagtitinginan ako ng mga estudyante doon at patuloy na tumutulo ang luha ko mu
la sa aking mga mata. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kung bakit ako nasasa
ktan. Pakiramdam ko ang mga paa ko ay gusto siyang sundan, pero ayaw naman sumun
od ng utak ko. Pakiramdam ko, nag-Break kami na hindi nagiging Kami. Ang gulo!!
..
..
..
..
..
#PunasLuha
*******************************************
Chapter 8- New Beginning
*******************************************
Lumabas ako ng blue house at nakita kong umuulan ng mga oras na yun. Tila sumasa
bay ang sama ng panahon sa lungkot na aking nararamdaman. Hindi ko alam, kung ba
kit ang bigat-bigat ng nararamdaman ko at parang unti-unti akong nauubusan ng la
kas. Parang kalahati ng pagkatao ko ay nawawala at hindi ko maipaliwanag. Lingid
sa aking kaalaman, na yun na pala ang huling pag-uusap namin ni Janela. Dahil p
agkatapos ng araw na yun ay hindi ko na siya muli pang nakita.
Lumipas ang ilang buwan at third year college student na ako. Ganun pa rin ang D
TU, parang walang pinagbago. Nandyan pa rin ang mga mag-syota, na naghahalikan s
a labas ng gate. Ang security guard namin, na panay ang text ang ginagawa. Ang m
ga estudyante na nagpapayabangan ng suot nilang damit. Ang mga lalakeng estudyan
te na puro dota ang kwentuhan. Ang mga nerd na dinagdagan ng grado ang salamin.
Ang mga kaklase kong nagliligawan at mga professor na panay ang utos sa mga estu
dyante na ibili sila sa canteen ng almusal.
Halos walang nagbago, maliban na lang sa dalawang upuan na bakante sa classroom
namin na dating pwesto namin ni Janela. May mga usap-usapan na nag-shift daw siy
a ng course. May mga nakakita daw sa kanya na lumabas sa building ng college of
criminology at hinala nila na criminology student na ito. Sa isip-isip ko, bagay
naman talaga sa kanya ang mag-pulis. Sa tapang niya at sa lakas niya, bagay na
bagay talaga siya sa course niya.
Lunch break namin ng sunduin ako ni Erika sa classroom. Hindi ko pa pala nababan
ggit, pero dalawang buwan na kaming mag-syota ni Erika. Ang bilis ng mga pangyay
ari eh, bigla na lang isang araw pag-gising ko girlfriend ko na pala siya. Hahah
aha!! Araw-araw niya akong dinadalhan ng lunch at sabay kaming kumakain sa blue
house. Nakakatipid nga ako palagi eh, minsan nga hindi na ako nagbabaon ng pera.
Sa totoo lang, napaka-swerte ko sa kanya.
Maalagain kasi siya, mabait, masipag mag-aral at masarap magluto. Kahit sinong l
alake mai-inlove sa kanya dahil sa ugali niya. Wala na akong mahihiling pa, kund
i ang magtagal kaming dalawa.

Natapos ang klase namin at nagmadali akong lumabas ng classroom para sunduin si
Erika. Napatingin ako sa relo ko at nakita kong 5:30pm na, malamang nakalabas na
siya ng classroom nila.
Tumatakbo ako ng bilis sa campus, nang biglang may nabunggo akong isang lalakeng
estudyante at sabay kaming napahiga. Ang sakit ng balikat ko ng mga sandaling y
un, dahil napaka-tigas ng katawan ng lalakeng nabunggo ko. Napatingin ako sa kan
ya at nakita kong nakatingin siya sa akin ng masama.
"Sorry, bro! Hindi ko sinasadya." sambit ko.
Napatayo siya at nilapitan ako. Kinabahan ako, dahil nanggigil ang kamao niya ha
bang papalapit siya sa akin. Napaatras ako, dahil sa takot ko sa malaking katawa
n ng lalake. Mabilis niyang dinakma ang damit ko at akmang susuntukin na ako, na
ng biglang sinigawan siya ng isang babae.
"Harold!!" sigaw ng babae.
Inalis ng lalake ang kamay niya sa damit ko at nilapitan ang babaeng sumigaw sa
pangalan niya. Nakahinga ako ng maluwag, dahil may umawat sa kanya. Sa isip-isip
ko, malamang manghihiram ako ng mukha sa aso kung natuloy yung suntok na yun. N
apa-buntong hininga ako at pinagpag ko ang dumi sa damit ko.
Maya-maya ay nilapitan ako ng babae at kinausap. Napayuko naman ako dahil sa sob
rang hiya.
"Sa susunod, wag kang tatanga-tanga! Ano ba yan! Lampa ka pa rin, hanggang ngayo
n!" sambit niya.
Nagulat ako at napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Hindi ko napansin,
i Janela pala yun. Nanlaki ang mga mata ko at nagulat dahil sa pinagbago ng
ra niya. Hindi na nakatirintas ang buhok niya at straight na ito. Ang damit
ay damit na ng isang babae. Hindi na siya tulad ng dati, na naka-tshirt ng
ki at naka-pantalon ng butas-butas. Kung titignan mo siya mula sa malayo ay
i mo masasabing, siya si Janela ang Evil Girl ng DTU.

na s
itsu
niya
mala
hind

Matagal akong napatitig sa kanya ng mga sandaling yun. Hindi ko maintindihan, pe


ro biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang pakiramdam ko ay may natagpuan akon
g bagay, na matagal ko ng hinahanap. Nakatingin din siya sa mga mata ko, pero pa
rang may hindi tama. Ang mga mata niya ngayon ay kakaiba, parang punong-puno ito
ng galit. Parang sinasabi ng mga mata niya, na hindi na siya si Janela ang dati
ng minahal ako.
Maya-maya ay dumating si Erika at hinawakan ako sa braso.
"Babe, may problema ba?" tanong ni Erika.
Nagulat ako sa biglaan niyang pagdating. Napa-iwas ng tingin sa akin si Janela a
t nagsimula na siyang maglakad paalis. Nagulat ako, dahil hindi man lang siya na
gpaalam. Habang papalayo silang dalawa ng lalake ay patuloy ko pa rin siyang pin
agmamasdan. Sa isip-isip ko, siguro naka-move on na siya sa akin. Siguro dapat,
mag-move on na din ako sa kanya. Naglakad na rin kaming dalawa ni Erika palabas
ng DTU.
Habang naglalakad kami papuntang bahay nila Erika ay hindi mawala-wala sa isip k
o ang muli naming pagkikita ni Janela. Marami akong bagay na gustong itananong s
a kanya kanina, pero natatakot ako dahil parang hindi na siya ang Janela na dati
ng kong kaibigan. Hindi ko napapansin na kanina pa pala ako kinakausap ni Erika
at bigla niya akong tinapik sa balikat.

"Babe, may problema ba? Kanina ka pa wala sa sarili mo. May nangyari ba kanina?"
pag-aalalang tanong ni Erika.
Nagulat ako sa sunod-sunod na tanong niya, kaya naman hindi ako agad nakasagot.
"Babe, ano ba?!!" muling sambit ni Erika at pansin sa kanya ang pagkainis.
"Babe, wala. Iniisip ko lang ang exam namin kanina. Medyo nahirapan kasi ako." p
agdadahilan ko.
"Exam, daw??" napansin ko ang pagdududa sa kanyang mga mata, kaya naman niyakap
ko siya ng mahigpit.
"Babe, i love you." sambit ko.
Hindi naman niya napigilang ngumiti at niyakap din ako ng mahigpit.
"I love you too, Babe." malambing niyang sambit.
Madali lang amuhin si Erika. Yakapin mo lang siya at mawawala na ang inis niya.
Hindi ko alam, pero never pa niya akong natiis. Kaya naman napaka-swerte ko sa k
anya.
Kinabukasan.
Habang papasok ako ng DTU ay nagkaka-gulo ang mga estudyante sa labas ng gate. P
arang may nag-aaway, hindi ko makita ng mabuti kung ano ang nangyayari dahil sa
dami ng estudyanteng naroroon. Napatingin ako sa security guard namin. Walanjo,
nagsa-soundtrip ang mokong! Lumapit ako at sumingit sa mga estudyante. Nagulat a
ko sa nakita ko, dahil may binubugbog si Janela na lalake. Walang tigil niya ito
ng pinaghahampas ng baseball bat, habang nakadapa ang lalaki. Hindi ko alam kung
bakit niya ito binubugbog, kaya nagtanong ako sa katabi ko.
"Bro, bakit ba sila nag-aaway?" tanong ko sa isang estudyante na tuwang-tuwa sa
pinanonood.
"Dre, kaaway ng grupo ni Janela ang lalakeng yan. Sa ibang university yan galing
, nahuli siya ni Janela na sumisilip dito kaya binugbog niya." sambit ng lalake.
Wala akong masabi sa tapang ni Janela. Basta yata hawak-hawak niya yang baseball
bat niya, wala siyang kinakatakutan. Maya-maya ay may narinig kaming sirena ng
pulis. Mabilis na nagtakbuhan ang mga estudyante papasok sa loob ng DTU. Napatin
gin ako kay Janela at nagulat ako na naglakad siya papasok ng gate na parang wal
a siyang ginawa.
Napangiti ako, dahil parang walang nangyari. Hindi ko namamalayan na nasa likod
ko na pala ang mga pulis.
"Sino ang may gawa nito?!!" tanong ng pulis sa akin.
"Sir, kararating ko lang! Hindi ko alam." sagot ko.
Nagulat ako ng bigla akong ituro ng lalakeng binugbog ni Janela.
Napatingin sa akin ang mga pulis at kinabahan ako ng husto. Nagulat ako nang big
la nila akong hawakan at pusasan.
"Sir, ano to?!!" sambit ko.
"Sumama ka na lang ng maayos! Hala sige, sakay!!" utos ng pulis.

Pinipilit nila akong ipasok sa sasakyan, pero nagpupumiglas ako.


"Sir, kararating ko lang! Wala akong kasalanan!" katwiran ko.
Tila wala silang naririnig sa mga sinasabi ko. Hanggang sa loob ng sasakyan ng p
ulis ay nagpupumiglas ako. Natahimik na lang ako, nang biglang ikasa ng isang pu
lis ang baril niya. Napalunok ako at hindi na ako muling nagsalita pa.
Sa loob ng prisinto ay kinakausap ako ng mga pulis.
"Bakit mo binugbog ang lalake??" tanong ng kalbong pulis.
"Sir, wala akong ginawa. Hindi ako ang bumugbog sa kanya. Isang babae po ang bum
ugbog sa kanya." sambit ko.
Nagtinginan ang mga pulis at bigla na lang nagtawanan.
"Hahahahahaha!!!"
Para nila akong pinaglalaruan sa loob ng prisinto. Kung anu-ano ang tinatanong n
ila sa akin, na wala namang kinalaman sa nangyaring pambu-bugbog.
"Ano ang itsura ng babaeng yun?? Naka-panty ba at naka-bra tapos may star sa ulo
??" nakakalokong tanong ng isang pulis.
"Chief, si darna yung sinasabi mo, eh." sambit naman ng isang pulis at nagtawana
n na naman silang muli.
Hindi ko alam, kung anong problema ng mga pulis na ito. Sa isip-isip ko, taranta
do itong mga pulis na to! Para akong ginagago. Ang sarap bunutin ang baril sa be
wang nila at iputok sa ulo nilang makikitid. Muli na namang nagtanong ang isang
pulis.
"Wala ka bang napasin sa paligid, habang binubugbog ang lalake?"
"Sir, wala po. Kararating ko lang po kasi talaga." sagot ko.
"Hindi mo ba napansin si Captain Barbel or si Lastikman sa paligid?" sambit niya
at nagtawanan na naman ang mga baliw na pulis.
Maghapon nila akong pinagtripan sa prisinto. Kung anu-ano ang pinapagawa nila sa
akin. Pinagwalis nila ako, pinabili ng lunch nila at nagpahilot sila sa akin. S
inabi ko sa sarili ko, na pag may nakita uli akong nagkaka-gulo sa DTU ay hindi
ko na papansinin. Kahit magpatayan pa sila sa harap ko, wala akong paki-elam sa
kanila.
Gabi na nila ako pina-uwi, nang malaman nilang inosente ako. Buti na lang may ta
ong nagpatunay na wala talaga akong kasalanan. Sa wakas naka-alis na din ako sa
prisinto ng mga baliw. Grabeh!! Dinaig pa nila ang mga naka-shabu!! Mga Adik!!
Nang sumunod na araw.
Habang naglalakad ako papasok ng DTU ay may nagtakip sa dalawa kong mata mula sa
likod ko. Sa isip-isip ko, si Erika ito at naglalambing na naman.
"Babe?? Alam ko ikaw yan." sambit ko.
"Babe??? sino yun???" sambit ng taong nagtakip sa mata ko.

Nagulat ako, dahil hindi boses ni Erika yung narinig ko. Kaya lumingon agad ako
sa likod ko at nagulat ako, dahil si Janela pala yun.
"Ay, sorry! Akala ko, ikaw si Erika." sambit ko habang nakakamot sa ulo.
"Ahhh.. So, kayo na pala ni Erika?" tanong niya.
Tanging ngiti lang ang nasagot ko sa kanya.
"Maganda siya, ha."
"Di na naman masyado." sagot ko.
Natahimik kaming dalawa ng ilang sandali. Tila nagkakahiyaan kami ng mga oras na
yun. Maya-maya lang ay nagsalita na siya.
"Salamat nga pala, dahil hindi mo ako itinuro sa mga pulis." nakangiting sambit
niya.
"Wala yun, patas na tayo. Niligtas mo ako mula sa lalake noong nakaraan, tapos h
indi naman kita tinuro sa mga pulis kahapon. So, bayad na tayo sa isa't- isa." s
agot ko.
Napangiti siya sa sinabi ko at maya-maya lang ay pumasok na kami sa loob ng DTU.
..
..
..
..
..
#satotoolang
#parangsiyapa
#angmayutang
#saakindahil
#mahirapang
#pagtripanngmga
#baliwnapulis
#damnit!!
*******************************************
Chapter 9- Serendipity
*******************************************
Linggo ng hapon, habang pauwi ako ng bahay galing ng cainta. Nadaanan ng sinasak
yan kong jeep ang amusement park, kung saan naganap ang unang date namin ni Jane
la. Kaarawan niya noon at hindi niya inaasahang darating ako. Isa yata yun sa pi
naka-masayang araw ko, na kailanman ay hinding-hindi ko makakalimutan.

Habang pinagmamasdan ko ang amusement park ay tila may parte ng pagkatao ko ang
gustong magtungo doon. Hindi ko maintindihan, pero malakas ang kutob ko na naror
oon si Janela. Bago pa man kami tuluyang lumampas sa lugar na yun ay nag-para na
ako para bumaba.
Hindi ko alam, kung bakit excited akong pumasok sa lugar na ito. Dati-rati naman
ay ayaw ko sa mga lugar na kagaya nito, mabilis kasi akong mairita kapag marami
ng tao at sobrang ingay. Pero ngayon, para akong bata na sabik pumasok sa loob n
g amusement park.
Naglalakad ako sa loob, nang madaanan ko ang restaurant kung saan namin kinamay
ni Janela ang lomi. Bigla na lang akong natawa ng maalala ko yun. Hindi ko alam
, kung ano ang pumasok sa isip ko at ginaya ko si Janela na kamayin ang lomi. Sa
isip-isip ko, mauulit pa kaya yun? Sa totoo lang hindi ko alam, dahil hindi na
kami tulad ng dati. May kanya-kanya na kaming buhay ngayon.
Muli akong naglakad at nadaanan ko naman ang horror house. Grabeh!! Isang malaki
ng kahihiyan ang nangyari sa akin dati sa loob ng horror house na ito. Balak ko
sanang takutin si Janela noong araw na yun, pero kabaliktaran ang nangyari. Ako
itong takot na takot at ang malala pa dun ay nahimatay pa ako sa loob. Tsk!..
Sa maikli na panahon na nakasama ko si Janela ay nakaipon ako ng isang daang pah
ina ng karanasan. Karanasan na tanging sa mga ala-ala ko na lang yata matatagpua
n. Napa-upo muna ako sa tabi at napaisip. Maya-maya lang ay bigla ko na lang naa
lala ang sinabi sa akin ng matandang babae dati. Ang sabi niya ay may mga bagay
daw na nakikita ang puso ko, na hindi kayang makita ng aking mga mata.
Bumilis ang tibok ng puso ko at napatingin ako sa lugar kung nasaan ang ferris w
heel. Malakas ang kutob ko na naroroon si Janela. Mabilis akong tumakbo papunta
sa lugar na yun. Hindi ko maintindihan, kung bakit gustong-gusto ko siyang makit
a. Hindi ko na ma-kontrol ang sarili ko ng mga oras na yun at unti-unti na akong
tinatalo ng kasabikang nadarama ko.
Nang marating ko ang lugar ng ferris wheel ay mabilis ko siyang hinanap sa palig
id nito. Halos dalawang beses ko ng nalibot ang paligid ng ferris wheel, ngunit
wala talaga siya. Sa isip-isip ko, marahil hindi talaga siya nagpunta dito. Naup
o na lang ako sa tabi at nagpahinga.
Maya-maya ay may narinig akong palakpakan ng mga tao, sa may basket ball area. N
apangiti ako ng makita kong si Janela, ang kanilang pinapalakpakan. Tumakbo ako
ng mabilis papunta sa kanya at hindi ko maintindihan, kung bakit bigla ko na lan
g siyang niyakap ng mahigpit. Nagulat siya sa pagdating ko.
"Oh, Ramz! Bakit ka nandito?" sambit niya at nanatili lang akong tahimik habang
nakayakap sa kanya.
Hindi ko maipaliwanag, kung bakit gusto siyang yakapin ng mga bisig ko. Pakiramd
am ko, ito yung yakap na matagal ko ng hinahanap. Pakiramdam ko, nagdiriwang ang
puso ko sa sobrang saya na aking nararamdaman. Maliwanag na sa akin ngayon ang
lahat. May nararamdaman ako, para kay Janela.
"Ramz, medyo nakakahiya na po. Baka gusto mo ng bumitaw?" sambit ni Janela.
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Wala akong paki-elam sa kanila! 10mins. na lang po , please!" sagot ko.
Matagal ko siyang niyakap ng mahigpit at maya-maya ay niyaya niya akong kumain,
dahil gutom na daw siya. Kaya naman nagtungo na kami agad sa dating restaurant n
a aming kinainan.

Naglalakad kami papuntang restaurant, nang bigla kong mapansin na may tagos siya
sa may pwetan niya. Nanlaki ang mata ko at agad ko siyang tinakpan sa mga tao.
Nagtataka siya, kung ano ang ginagawa ko at agad ko naman siyang binulungan.
"Pumunta tayo ng C.R." bulong ko.
"Ano?? Umayos ka nga, Ramz! Ayoko ng ganyang biro." sagot niya.
"Bilisan mo na, habang walang nakatingin sa atin." muli kong bulong.
"Tarantado ka, Ramz! Manyak ka, hayop!! Layuan mo nga ako!" galit niyang sambit.
Itinulak niya ako ng malakas at napaatras ako. Nagtataka ako, kung ano ang sina
sabi niya. Napakamot ako sa ulo at muli ko siyang nilapitan.
"Ano ba ang sinasabi mo?!! Bobo, may tagos ka!!" sambit ko.
Nagulat siya sa sinabi ko at bigla siyang napasandal sa may pader.
"Sheeeet!! Tae ka, bakit ngayon mo lang sinabi?" pabulong na tanong niya.
"Ewan ko sayo!! Alis na nga ako." sambit ko.
Nainis siya sa sinabi ko at inilabas niya mula sa lalagyan ang baseball bat niya
.
"Sige, umalis ka! Wag mo ko'ng susubukan, Ramz! Kahit sa impyerno susundan kita!
!" galit na sambit niya.
Napangiti ako sa sinabi niya at pansin kong naiinis siya ng sobra. Pagkakataon k
o na, para makabawi sa lahat ng kalokohan niya.
"Sige nga, sundan mo'ko!" pabiro kong sambit. Alam kong hindi siya makaka-alis s
a pader, dahil baka makita ng mga tao na may tagos siya.
Nanlilisik ang dalawang mata niya, habang nakatingin sa akin.
"Ramz, bibilang ako ng tatlo.. at pag hindi ka pa lumapit.. patay ka sa'kin!!" p
agbabanta niya sa akin.
Napalunok ako sa sinabi niya. Alam kong seryoso at galit na siya, kaya naman hin
di ko na hinintay pa na magbilang siya. Agad ko na siyang nilapitan.
"Gago ka! Lalapit ka din pala!" sambit niya.
"Halika na, tatakpan na kita."
At nagtungo na nga kami sa comfort room. Ilang sandali lang ng paglalakad namin
ay narating na namin ang C.R.
"Hintayin na lang kita dito sa labas." sambit ko.
"Teka, Ramz! Ibili mo muna ako ng napkin." utos niya sa akin.
Napakunot ang noo ko at sinagot siya.
"No way! I-utos mo na lahat, wag lang yan! Nakakahiya!" sambit ko.
"Magmumukha ka talagang kahiya-hiya sa gagawin ko sayo, pag hindi mo pa ako bini

lhan!" pasigaw niyang sambit.


Nahihiya man akong bumili, pero wala akong choice. Kaya naman nagtungo na ako sa
isang mini-store malapit sa amusement park, para makabili na ng napkin.
Nasa area na ako ng mga napkin, pero hinihintay ko munang makaalis ang mga babae
doon. Ayokong makita nila ako na bumibili ng napkin, nakakahiya! Nang makaalis
ang mga tao doon ay mabilis akong kumuha ng napkin at dumiretso agad ako sa cash
ier para bayaran.
Ang nakakainis pa dun ay nakakaloko ang ngiti ng kahera sa akin, nang makita niy
a ang bibilhin ko. Agad naman akong nagsalita, para hindi siya mag-isip ng masam
a.
"Miss, pinabili lang yan ng kaibigan ko." sambit ko.
"Sir, hindi ko naman po tinatanong eh." sagot niya at patuloy pa rin siya sa nak
aka-insultong ngiti niya.
Hindi ko alam, pero nakaka-asar talaga yung nakakaloko niyang ngiti. Kaya sinago
t ko siya.
"Hindi mo nga tinatanong, Miss. Pero kung maka-ngiti ka naman, akala mo ako yung
may tagos!"
Natahimik siya at nagbayad na agad ako sa kanya.
Bwisit na bwisit ako, habang naglalakad pabalik ng amusement park. Ipinangako ko
sa sarili ko, na hindi na ako muling bibili pa ng napkin. Shit!! Nakakahiya!!
Inabot ko kay Janela yung napkin.
"Leche ka! Ang tagal-tagal mo!" galit na sambit ni Janela.
"Oo na!! Sige na itapal mo na yan at nang makaalis na tayo!" sambit ko.
At nagbihis na nga siya agad. Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na siya. Hi
niram niya ang jacket ko para ipantakip sa mantsa ng dugo sa pwetan niya. Nagtun
go na kami sa restaurant para kumain.
Hotsilog ang kinakain ko, samantalang siya naman ay Tosilog. Kumakain kami nang
bigla ko siyang inutusan.
"Janela, paabot naman ng ketsup." sambit ko.
Inabot naman niya agad sa akin. Maya-maya lang, habang kumakain ako ay bigla siy
ang nagsalita.
"Ramz, alam mo! Yung ketsup mo, parang kakulay ng regla ko kanina." sambit niya.
Nahinto ako sa pagsubo at pakiramdam ko masusuka ako. Agad akong tumakbo sa C.R,
para isuka ang kinain ko. Sa isip-isip ko, napaka-baboy ng babaeng yun. Bwiset!
! Nawalan na ako ng gana kumain ng mga oras na yun at mula noon hindi na ako sum
asawsaw sa ketchup. Ewan ko ba!! Ayoko naaaaahhh!!
..
..
..

..
#wtfkajanela
..
..
..
..
#bastoskangbabae!!
#nakakabwisitka!!
*******************************************
Chapter 10- The Game
*******************************************
Tanghali na akong nagising kinabukasan, dahil madaling araw na kaming naka-uwi n
i Janela. Hanggang sa jeep ay hindi ko maiwasang maka-tulog. Kung hindi pa dahil
sa miss call ni Erika, malamang tulog pa rin ako hanggang ngayon. Naglalakad na
ako papasok ng DTU, nang makita ko si Erika na naghihintay sa labas ng gate.
Nagtataka ako, kung bakit hindi siya nakasuot ng uniform. Agad naman niya akong
nilapitan at hinalikan.
"Babe, bakit ngayon ka lang?" tanong niya.
Napangiti ako at napakamot sa ulo.
"Sorry, Babe. Tinanghali ako ng gising eh." sagot ko.
"Bakit naman?"
Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya. Ayoko namang sabihin na pumunta ako sa
amusement park at kasama ko buong gabi si Janela. Malamang magagalit siya sa aki
n, kaya naman nag-isip na lang ako ng idadahilan sa kanya.
"Ah.. kasi, Babe. Nagreview ako magdamag eh. May exam kasi kami ngayon." pagsisi
nungaling ko.
"Ahh.. Ganon ba.. Anyway, Babe. Tatlong araw akong mawawala." sambit niya.
"Huh?? Bakit naman, Babe?" tanong ko.
"May educational tour kasi kami sa Paoay Ilocos Norte eh. Medyo malayo yun, kaya
aabutin kami ng tatlong araw."
"Ah, ganon ba, Babe... Oh sige, ingat ha? Magte-text ka lagi!" sambit ko.
"Sure, Babe! Ikaw pa!.. Alam mo namang, mahal na mahal kita, eh." naka-ngiting s
ambit niya, sabay yakap sa'kin ng mahigpit.
"I love you, Babe." bulong ko.
"I love you more!" sagot naman niya.

Hinatid ko siya, hanggang sa tour bus nila. Sa isip-isip ko, tatlong araw ko din
siyang mami-miss. Tatlong araw akong, walang kasabay mag-lunch at walang kasaba
y pag-uwi. Pagkapasok niya sa bus ay pumasok na rin ako sa DTU. Tumakbo na ako n
g mabilis, dahil malapit na akong ma-late.
Tamang-tama lang ang dating ko sa classroom namin. Wala kaming professor sa dala
wang subject, kaya naman natulog na lang ako sa klase.
Nang mag-lunch break kami ay nagtungo na agad ako sa canteen. Habang naglalakad
ako ay bigla na lang lumapit si Janela sa akin at nakangiti ito ng wagas.
"Lunch break mag-isa??" tanong niya.
"Yup. Wala si Erika eh. May educational tour siya." sagot ko.
"Ahh.. kaya pala.. Ano nga pala ang oras ng next subject mo?" muli niyang tanong
.
"Mga 3pm pa nga eh. Ang haba ng vacant ko. Nakaka-inis!"
Ilang sandali pa ay nakarating na kami ng canteen at sabay kaming kumain. Habang
kumakain kami ay patuloy kaming nag-uusap tungkol sa nangyari sa amin kagabi sa
amusement park. Ayoko sanang pag-usapan yun, dahil kumakain kami. Pero wala siy
ang tigil sa kasasalita.
Nang matapos kaming kumain ay sabay kaming lumabas sa canteen. Niyaya niya akong
tumambay sa lugar kung saan masarap humiga. Tinanong ko, kung saang lugar yun p
ero hindi niya sinabi. Ang sabi niya sundan ko na lang daw siya at wag na akong
magtanong pa.
Habang naglalakad kami ay natanaw ko agad ang baseball field. Napaka-laki nito a
t napaka-lawak. Nang pumasok kami sa loob ay nakita naming may mga players dun n
a nagpa-praktis, kaya napahinto kami.
"Ooops! Shit! May mga players, tae!" sambit niya at napakamot siya sa ulo.
"Tara sa iba na lang tayo. May practice ata sila ngayon." pagyayaya ko sa kanya.
Nag-umpisa na akong maglakad palabas ng baseball field at napansin kong hindi si
ya gumagalaw sa pwesto niya. Tahimik lang siya nakatingin sa mga players na nasa
field. Nilapitan ko siya at kinausap.
"Oh, bakit? Anong problema?" tanong ko, ngunit hindi siya sumasagot.
Napatingin din ako sa kinaroroonan ng mga players at nakita kong inaapi ng mga v
arsity players, ang mga freshmen. Tila pinagsasalitaan nila ito ng masama. Nagul
at na lang ako nang mapansin kong, wala na si Janela sa tabi ko at nakita ko siy
ang papalapit sa kinaroroonan ng mga players. Agad ko siyang hinabol para pigila
n na pumunta doon, ngunit huli na ako.
"MGA TARANTADONG, VARSITY!!" malakas na sigaw ni Janela.
Napatingin sa kanya ang lahat ng players at nagulat. Nilapitan ni Janela ang mga
ito at kinausap. Wala akong nagawa, kundi sundan si Janela, dahil baka saktan n
ila ito.
"Anong karapatan niyong apihin ang mga freshmen?" maangas na tanong ni Janela sa
mga varsity players.
"Bakit?!! Sino ka ba??" maangas din na sagot ng isang player.

Agad naman itong binatukan ni Janela ng malakas at napahawak ito sa kanyang ulo.
Gulat na gulat ang mga players sa ginawa ni Janela at napatingin ito ng masama s
a kanya. Sa isip-isip ko, masama ito. Walang laban si Janela sa dami ng players
na ito. Hindi ko alam, kung anong gagawin ko ng mga oras na yun.
"Mag-laro na lang tayo, kung gusto niyo!" paghahamon ni Janela.
Nagtinginan ang mga varsity players at sabay-sabay na humalakhak sa tawa, kaya n
aman pinagbabatukan silang muli ni Janela.
"Gago kang babae ka!! Papatulan na kita eh!" sambit ng isang varsity player at i
nambahan ng suntok si Janela. Agad naman nila itong inawat, dahil babae ang sasa
ktan niya.
"Ang lakas naman ng loob mo, para hamunin kaming mga varsity. Pero sige, maglaro
tayo. Pero dapat may pusta!" nakangiting sambit ng isang player.
Halata sa mga mukha ng varsity players na kumpiyansa silang mananalo laban kay J
anela. Maging ako, alam kong walang siyang pag-asang manalo. Kaya naman nilapita
n ko siya para pigilan.
"Janela, wag mo na itong ituloy. Wala kang laban sa mga varsity players. Matatal
o ka lang." bulong ko sa kanya, ngunit nagulat ako dahil napangiti lang siya sa
sinabi ko.
"Oh sige, pumapayag ako. Pag nanalo kami, hahayaan niyong sumali sa inyo sa prac
tice game ang mga freshmen." sambit ni Janela.
"At pag kami naman ang nanalo, binibini??" tanong ng isang varsity player.
"Pag kayo ang nanalo... ahmm.. gawin niyo na ang lahat ng gusto niyong gawin sa
akin." sagot ni Janela.
Nabigla ako sa sinabi niya at natulala. Napangiti naman ng wagas ang mga varsity
players at naghanda na sa sila sa isang laro. Pilit namang pinipigilan ng mga f
reshmen si Janela, pero parang wala itong naririnig.
"Janela, please! Huwag mo na itong ituloy! Matatalo ka lang sa kanila!" sambit k
o. Nilapitan naman ako ni Janela at tinignan ako sa mga mata.
"Ramz, hindi nila ako matatalo... Hangga't kasama kita... at nandito ka sa tabi
ko... Walang sinuman ang pwedeng tumalo sa'kin." sambit niya at nagtungo na nga
siya sa mound para pumwesto.
Ang mound ay lugar kung saan naka-pwesto ang Pitcher na magde-deliver ng bola. S
iya ang magbabato ng bola patungo sa lugar, kung saan naroon ang Batter o taga-p
alo.
Wala na akong nagawa ng mga sandaling yun, kundi pagmasdan siya habang naka-pwes
to sa mound. Kakampi niya ang mga freshmen, na tila wala pang gaanong karanasan
sa paglalaro ng baseball. Pansin sa mga mukha nila ang kaba at pagkabahala. Muli
ng nagsalita si Janela.
"Sino ang magiging umpire natin??" tanong niya.
Agad naman na may nag-volunteer na apat na varsity players at pumwesto na nga si
la sa bawat base.

Ang umpire ang nagsisilbing referee o taga-hatol sa laro. Sila ang gumagawa ng d
esisyon sa loob ng field.
Handa na ang lahat at ako naman ay napaupo na lang sa gilid, katabi ang ibang pl
ayers. Hindi ko alam kung bakit sobra akong kinakabahan ng mga oras na yun. Wala
ng kasiguraduhan kung may pag-asa bang mananalo sila Janela, laban sa mga varsit
y players ng DTU.
Nag-umpisa na nga ang laro at sinimulan ng ibato ni Janela ang bola patungo sa B
atter.
Nagulat ang lahat sa bilis ng bato ni Janela sa bola at hindi man lang nagawang
pumalo ng Batter. Natahimik ang lahat at namangha. Pakiramdam ko ay nananaginip
lang ako ng mga sandaling yun. Ni-hindi ko man lang nasundan ang lipad ng bola,
dahil sa sobrang bilis nito.
"STRIKE!!!" sigaw ng umpire.
Nanatiling nakatulala ang bawat players sa kanilang nakita. Walang sinuman ang n
akapag-salita ng mga oras na yun. Halos mapa-nganga naman ang Batter sa sobrang
gulat.
Muli na namang ibinato ni Janela ang bola at tulad ng nauna niyang bato ay ganun
din kabilis ito.
"STRIKE TWO!!!" muling sigaw ng umpire.
Tila naging istatwa ang Batter sa kanyang pwesto. Wala siyang nagawa kundi ang m
atulala sa bilis ng bato ni Janela.
"Fredo!! Gumising ka, tanga!!" sigaw ng isang varsity player.
Nagsimula namang mapangiti ang mga freshmen, dahil sa taglay na galing ni Janela
. Tila nagkaroon sila ng pag-asang manalo sa laban.
Sinasampal naman ng Batter ang sarili niya para magising.
Muli na namang bumato si Janela at pinilit itong paluin ng Batter, ngunit hindi
niya ito natamaan.
"STRIKE THREE, OUT!!!" hatol ng umpire.
Napa-sigaw naman sa tuwa ang mga freshmen at maging ako ay napangiti. Hindi ko a
lam, na ganyan pala kagaling si Janela sa paglalaro ng baseball. Ang akala ko da
ti ay dinadala niya lang ang baseball bat niya para gawing pamalo sa tao, pero n
agkamali ako.
Lumipas ang kalahating oras ng paglalaro, ngunit wala pa ring nakaka-score sa ka
nila. Walang sinuman sa mga varsity players ang nagawang tamaan ang pitch ni Jan
ela. Tila ngayon lang sila nakatagpo ng ganitong Pitcher na bumabato ng higit sa
140km/hour. Sa isip-isip ko, lumikha ang diyos ng isang halimaw. Isang babaeng
halimaw na kayang lampasan ang kakayahan ng isang lalake.
Maya-maya ay napansin kong humihinga na ng malalim si Janela at muli na naman ak
ong kinabahan. Kahit sino naman ay mapapagod, dahil sa lakas ng pwersa na inilal
abas niya sa pagbato ng bola. Naka-upo ako at nagdadasal na sanay walang mangyar
ing masama.
Nagsimula na muli ang laro at bakas sa mukha ni Janela ang sobrang pagod. Patulo
y sa pag-ngiti ang mga freshmen at walang kaalam-alam sa nadaramang pagod ni Jan

ela.
Muling ibinato ni Janela ang bola at tulad ng ikinakatakot ko ay nagawa na ngang
tamaan ng Batter ang pitch niya. Lumipad ang bola sa malayo at mabilis namang t
umakbo ang Batter, patungong 1st Base.
Napatalon naman sa tuwa ang mga varsity player dahil sa wakas ay nagkaroon na ng
tao sa 1st Base.
Nilingon ko si Janela at nakita kong mapungay na ang mga mata niya. Kinabahan na
man ako ng husto ng matamaan ng pangalawang Batter ang pitch niya at nakatakbo p
atungong 2nd Base ang unang Batter. Napa-talon muli sa tuwa ang mga varsity play
ers.
Binalot na ako ng matinding kaba, nang makita kong hingal na hingal na si Janela
sa ibabaw ng mound. Napatayo ako, pero wala akong magawa. Hindi ko alam, kung a
no ang gagawin ko. Sinisisi ko ang sarili ko ng mga oras na yun. Kasalanan ko'to
! Kung ginawa ko sana ang lahat para pigilan si Janela, hindi sana kami hahanton
g sa ganito.
Maya-maya lang ay nagulat ang lahat ng magsalita si Janela.
"Time-out!!" sambit niya at unti-unti siyang naglakad patungo sa'kin.
Hindi ko alam, kung ano ang iniisip niya at kung bakit gusto niya akong lapitan.
Namumungay ang mga mata niya, habang nakatingin sa akin. Awang-awa ako sa itsur
a niya ng mga oras na yun at nagulat ako, nang bigla niya akong niyakap.
Napatingin sa amin ang lahat ng players na nasa field. Maging ako ay hindi nakap
ag-react sa ginawa ni Janela. Nakayakap siya sa akin at hingal na hingal.
"Ramz..... 2 minutes lang... magcha-charge lang ako..." bulong niya sa akin.
Wala akong nagawa kundi hayaan na lang siya. Gusto ko man sabihing, tama na. Per
o nararamdaman kong gusto niya pang lumaban. Maya-maya ay muli siyang nagsalita.
"Natatandaan mo ba yung sinabi ko sayo kanina, Ramz?... Sabi ko, hangga't nandit
o ka sa tabi ko at kasama ko. Walang sinuman ang makakatalo sa akin... Manood ka
, Ramz... patutunayan ko yun sayo."
Hindi ko maintindihan, pero bigla na lang akong napangiti sa sinabi niya. Ilang
sandali pa ay bumalik na siya sa mound at handa na muling mag-pitch. Napansin ko
sa kanya, na hindi na mapungay ang kanyang mga mata.
Ibinato niya muli ang bola at muli niyang pinahanga ang lahat ng tao na nasa fie
ld.
"STRIKE!!!" sigaw ng umpire.
"Whooooahhh!!!"
Napasigaw sa tuwa ang mga freshmen dahil nakita nilang bumalik na ang lakas ni J
anela. Hindi naman makapaniwala ang Batter sa nasaksihan niyang bilis ng pagbato
.
Hindi na nila muli pang natamaan ang mala-kidlat na bilis na bato Janela. Isang
tao na lang ang kailangan niyang i-strike out at may pag-asa na sila muling umis
kor.
Muli na sanang ibabato ni Janela ang bola, nang biglang dumating ang coach ng ba

seball team.
"Anong kalokohan 'to!!" pasigaw na sambit ng coach.
Nagulat ang lahat ng varsity players at freshmen sa pagdating ng kanilang coach.
"Maaari bang ipaliwanag niyo, kung ano ang nangyayari dito!!" galit na sambit ng
coach.
Natahimik ang lahat ng tao sa loob ng field at dahan-dahan namang umaatras palay
o si Janela. Palapit na siya sa akin, nang biglang mapansin siya ng coach.
"Ikaw!! Saan ka pupunta?!!" malakas na tanong ng coach at nagulat na lang ako na
ng biglang tumakbo ng mabilis si Janela palabas ng Baseball field. Natulala ako
at napa-Nganga sa ginawa niya. Ang buong akala ko ay pagod na pagod siya. Pero k
ung makatakbo naman siya, kulang na lang humampas yung paa niya sa likod niya. A
ba, eh.. Takbong magnanakaw yata yung ginawa niya eh. Ang bilis!! Hahayyy.. Sa h
uli, ako na naman ang kawawang napagalitan ng coach ng baseball team. Ang swerte
ko noh??
..
..
..
..
..
#MadapaKaSanangHayopKa!!!
*******************************************
Chapter 11- Baseball Hearthrob
*******************************************
Nang sumunod na araw ay usap-usapan sa loob ng campus ang nangyaring laro kahapo
n. Malaking kahihiyan para sa baseball club ang balitang, hindi nila nagawang ma
ka-iskor laban sa isang estudyanteng babae. Usap-usapan din na wala kahapon ang
baseball hearthrob at ace player nilang si Clarence. Bigla kong naalala, noong f
irsr year college ako ay napanood ko ang laban ng DTU at HGU (Heaven's Gate Univ
ersity).
First year college pala'ng nun si Clarence, pero nagawa na niyang makapaglaro sa
UAAP. Naalala ko, siya ang kauna-unahang rookie na naka-home run laban sa sikat
na pitcher ng HGU na si Felix De Guzman. Nagawa niyang tamaan ang pitch ni De G
uzman na may bilis na 150km/hour. Mula noon ay pumutok na ang pangalan ni Claren
ce Imperial sa iba't-ibang unibersidad.
Sa isip-isip ko, buti na lang talaga wala kahapon si Clarence. Kung hindi, malam
ang may kalalagyan si Janela sa kamay ng mga varsity players. Hindi uubra kay Cl
arence ang pitch niya na 140km/hour fast ball. Kahit babae pa siya, hindi siya a
atrasan nito pagdating sa paglalaro ng baseball.
Kumakain ako sa canteen, nang bigla na lang dumating si Janela. Naka-ngiti ito,
habang naglalakad ng maangas. Nilapitan niya ako at kinausap.
"Ramz, pasensya ka na pala kahapon, kung iniwan kita. Bigla kasi akong na-tae eh
." sambit niya.

Walang-hiya itong taong 'to. Nakikita niyang kumakain ang tao, kung anu-ano ang
kabastusang sinasabi. Hindi ako umimik ng mga sandaling yun. Hinayaan ko lang si
ya na patuloy magsalita. Wala ako sa mood na kausapin siya, eh. Badtrip, ako!!
Maya-maya ay nakarinig kami ng tilian ng mga babae. Tila kilig na kilig ang mga
ito. Nagtayuan naman ang mga estudyanteng kumakain, para tignan kung sino ang ti
nitilian ng mga babae. Maging kami ni Janela ay napalingon sa pintuan, para maki
ta ang taong pinagkakaguluhan. Nagulat ako, nang makita kong si Clarence pala yu
n. Naka-puti itong t-shirt at naka-maong na pantalon. May suot din siyang sumbre
ro at may hawak na baseball bat. Nilapitan niya si Janela at kinausap.
"Ikaw ba si Janela? Yu'ng babaeng nakalaro ng mga team mates ko kahapon?" tanong
ni Clarence kay Janela.
Hindi agad nakasagot si Janela, dahil nagulat din ito sa biglaang paglapit ni Cl
arence sa kanya. Pero maya-maya lang ay nagsalita na rin ito.
"Sino ka at anong kailangan mo sa'kin?" tanong ni Janela.
Tila nabigla si Clarence sa tanong niya. Marahil nagtataka siya kung bakit hindi
siya kilala nito. Sikat kasi siya sa buong campus, kaya naman nabansagan siyang
baseball hearthrob.
"Ako nga pala si Clarence. Ang ace player ng baseball club dito sa DTU. Nais ko
sanang hamunin ka sa isang laro." sambit nito.
Napangiti naman si Janela sa sinabi niya at naglakad siya palapit kay Clarence.
"Wala akong paki-elam kung ace player ka o kahit ikaw pa ang pinaka-magaling dit
o sa DTU... Sa oras na ibato ko ang bola sayo, sigurado akong matutulala ka rin
tulad ng mga team mates mo!" maangas na sambit ni Janela.
Biglang tumawa ng malakas si Clarence at nagsalita.
"Bakit hindi natin subukan? Kapag hindi ko nagawang tamaan ang pitch mo. Maari m
o na akong i-date." sambit ni Clarence.
Humalakhak naman sa tawa si Janela, dahil sa sinabi niya. Tila nainis naman si C
larence sa mala-bruhang halakhak nito.
"Anong nakakatawa??" tanong ni Clarence.
"Ano ang nakakatawa?? Nakakatawa yung sinabi mo tanga!!" sagot ni Janela.
Umiral na naman yung salitang iskwater ni Janela. Pansin sa mukha ni Clarence an
g matinding inis. Ang mga babae naman sa paligid ay nabigla dahil sa pamamaraan
na pakikipag-usap ni Janela.
"Hoy! Ikaw mukhang unggoy ha? Huwag mo'kong itutulad sa mga Admirers mong patay
na patay sayo! Ano yang sinasabi mong, kapag natamaan mo yung pitch ko papayag k
a ng makipag-date sa'kin?? ULOL!! I-date mo ang mukha mo!!" malakas na sambit ni
Janela.
Tuluyan ng nainis si Clarence sa mga sinabi ni Janela at nagsalita na itong muli
.
"O sige, ito na lang ang kasunduan natin. Kung sino man ang matatalo sa ating da
lawa ay magiging alipin siya sa loob ng isang taon.. Ano payag ka??!!" sambit
ni Clarence at napaisip naman si Janela. Maya-maya lang ay sumagot na ito

"Sige! Deal!" sagot ni Janela.


Naghiyawan naman ang mga estudyante sa loob ng canteen. Si Janela at Clarence na
man ay patuloy sa pagtititigan. Ako naman ay nananatiling naka-upo at kinakabaha
n para kay Janela. Hindi niya alam kung gaano kagaling ang taong kinakalaban niy
a. Napabuntong-hininga na lang ako at pinagpatuloy ang pagsubo ng pagkain.
Ilang sandali pa ay nagsalita nang muli si Clarence.
"Mamayang 4pm. Hihintayin kita sa baseball field. Patunayan mo sa akin na hindi
ka lang puro yabang!" sambit ni Clarence. Tumalikod na ito at naglakad palabas n
g canteen.
Nanatiling tahimik si Janela ng mga oras na yun. Hindi ko alam kung ano ang inii
sip niya at ngayon ko lang siya nakitang parang kinakabahan. Marahil naisip niya
ng hindi basta-basta ang kanyang makakalaban. Sa isip-isip ko, ano ang laban niy
a sa clean-up hitter ng DTU. Ipapahiya niya lang ang sarili niya. Hay, naku!! Ya
n ang napapala ng mayabang!
Maya-maya ay bigla niya akong kinausap.
"Ramz, please pumunta ka mamayang 4pm ha? Hihintayin kita." sambit niya at bigla
na lang siya tumakbo palabas ng canteen.
Hindi ko alam, pero nawala na lang bigla ang angas sa kanyang pagsasalita. Nakik
iusap pa ito na pumunta ako. Para saan? Para panoorin siyang matalo laban kay Cl
arence? Nababaliw na siya, kung iniisip niyang matatalo niya ito. Maya-maya pa a
y natapos na akong kumain at naglakad na rin ako palabas ng canteen.
Kasalukuyang nagka-klase kami ng mga oras na yun at hindi ko maintindihan kung b
akit paulit-ulit akong tumitingin sa relo ko. Nasa loob ako ng classroom, pero n
asa labas ang utak ko. Patuloy kong iniisip ang pustahan ni Janela at Clarence.
Hindi biro ang maging alipin sa loob ng isang taon. Sa tingin ko, nakatagpo na s
i Janela ng kanyang katapat at yun ay walang iba kundi ang baseball hearthrob na
si Clarence.
Maya-maya pa ay natapos na nga ang klase namin at
ng classroom. 4:15pm na kasi kami natapos at late
apalapit ako sa baseball field ay natanaw ko agad
nito. Nandoon sila para panoorin ang magaganap na
la.

mabilis akong tumakbo palabas


na ako ng 15 minutes. Habang p
ang mga estudyante sa paligid
paglalaban ni Clarence at Jane

Ibat-iba ang ginagawa ng mga estudyante na nandoon. May mga nagpupustahan, nagti
tilian, sumisigaw at may nagbebenta pa ng pagkain. Sa isip-isip ko, anong meron?
? Official game?? Hahayyyy!!
Nakipagsiksikan ako para maka-pasok sa baseball field. Sa dami kasi ng estudyant
e ay naharangan na ang entrance. Pinilit kong makalapit kay Janela, pero nabigo
ako dahil sobrang dami ng estudyante na naroroon. Sinubukan ko siyang tawagin, p
ero hindi niya ako marinig dahil sa ingay. Wala akong nagawa kundi panoorin na l
ang siya mula sa malayo.
Nasa ibabaw na ng mound si Janela ng mga oras na yun. Nakatayo lang siya doon at
pinagmamasdan ang paligid. Tila may tao siyang hinihintay at hindi niya magawan
g makapag-simula. Maya-maya ay may sumigaw na isang estudyante.
"ANO PA ANG HINIHINTAY NIYO?!! UMPISAHAN NIYO NA!!"
Nagsuot na ng helmet si Clarence at nakahanda na itong pumalo. Si Janela naman a
y panay pa rin ang tanaw sa paligid. Sa isip-isip ko, sino ba ang hinihintay niy

a at hindi niya magawang makapaglaro. Maya-maya pa ay nagsalita na si Clarence.


"Ano, baseball girl? Umpisahan na natin." sambit ni Clarence.
Nanlilisik ang mga mata ni Janela, habang nakatingin sa kanya. Pumorma na ito at
handa ng ibato ang bola. Biglang tumahimik ang paligid at hinihintay nila na ib
ato ni Janela ang bola. Ilang sandali pa ay binato na nga niya ito.
Namangha ang lahat ng nanonood sa bilis ng pagbato ni Janela sa bola at hindi ma
n lang nagawang pumalo ni Clarence.
"STRIKE!!!" sigaw ng umpire.
Natulala ang mga tao sa paligid dahil sa kanilang nasaksihan. Tila ngayon lang s
ila nakakita ng babaeng Pitcher na sobrang bilis bumato ng bola. Nakahinga naman
ako ng maluwag, dahil naka-strike one na si Janela. Ang hindi ko maipaliwanag k
ung bakit parang may hindi tama. Tinitigan ko ang mukha ni Clarence at napansin
kong nakangiti ito. Walang bakas ng pagkabigla sa mukha niya. Tila inaasahan na
niyang mangyayari ito.
Pumorma na muli si Janela sa mound at sinimulan na niya muling ibato ang bola. M
ala-kidlat pa rin ang bilis nito at hindi pa rin nagawang pumalo ni Clarence.
"STRIKE TWO!!!" muling sigaw ng umpire.
"BOOOOOOOOOOHH!!! ANO BA YAN!! PUMALO KA NAMAN!!" sigaw ng mga nanonood na estud
yante.
Hindi ko maintindihan, kung bakit nakangiti pa rin si Clarence kahit na-strike t
wo na siya ni Janela. Kinakabahan ako, habang tinitignan ko siya.
"Ace player!! Baka may balak ka namang pumalo??" pang-aasar ni Janela.
Nanatili pa ring kalmado at naka-ngiti si Clarence. Pumorma na muli si Janela
ibinato na ang huling bola. Sobrang bilis pa rin nito at parang hindi kayang
maan ng isang normal na tao, pero nagkamali ako. Dahil malinis itong tinamaan
Clarence ng walang kahirap-hirap. Lumipad palabas ng baseball field ang bola
maliwanag na isa itong home run. Nagsigawan ang mga estudyante sa loob.

at
ta
ni
at

"WHOOOOOOAAAH!!!"
Maging ako ay natulala sa aking nakita. Sa isang iglap ay tinamaan niya ang mala
-kidlat na bilis ng bola. Wala ngang duda. Siya nga ang clean-up hitter at ace p
layer ng DTU na si Clarence Imperial. Napalingon naman ako sa mound, kung saan n
aroroon si Janela at nagulat ako sa aking nakita. Nakaluhod at nakatulala si Jan
ela. Tila gulat na gulat siya sa nangyari.
Nilapitan naman siya ni Clarence at kinausap.
"Napahanga mo ako sa bilis ng pag pitch mo. Kaso kahit sobrang bilis ang pagbato
mo, kung fast ball lang ang alam mo.. kahit bulag kaya itong tamaan.. Let's cal
l it a day... Ms. Evil Girl." sambit ni Clarence at naka-ngiti itong naglakad pa
labas ng baseball field.
Nanatiling nakatulala at nakaluhod si Janela. Siguro, ngayon lang siya natalo sa
buong buhay niya. Naubos na ang mga estudyante sa field at nagawa ko na siyang
lapitan. Nag-aalangan akong kausapin siya, dahil parang hindi pa rin ito makapan
iwala sa nangyari. Matagal siyang nanatiling nakaluhod at maya-maya pa ay kinaus
ap ko na siya.

"Tara na, Janela. Umuwi na tayo, magdidilim na." sambit ko.


"Bakit ngayon ka lang?!!" tanong niya at may halong galit sa tono ng pananalita
niya.
Hindi ko alam, pero kinabahan ako. Parang galit siya sa akin ng mga oras na yun.
"Kanina pa ako nandito, Janela. Napanood ko ang laban niyo. Hindi ako nakapa..."
"Tumigil ka!! Mula ng 1st year college pa lang tayo, hindi ko naramdamang sinupo
rtahan mo ako. Kahit konting effort lang, Ramz!.. kahit konting effort lang!!..
hindi mo magawa para sa'kin!!" sambit niya at sobra itong galit.
Nagulat ako sa mga sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan at wala akong ideya k
ung ano ang sinasabi niya. Nanatili akong tahimik at pinapakinggan siya.
".. bakit, Ramz??! Dahil alam mong mahal kita?!.. kaya napakahirap para sayo na
ibaba ang pride mo?!!.. Alam mo, Ramz?.. Napaka-hirap mong mahalin.. at pagod na
ako.. pagod na ako.." sambit niya, habang humahagulgol siya sa pag-iyak.
Pinipigilan ko ang luha ko ng mga oras na yun. Pakiramdam ko, ang sama-sama kong
tao. Pero tama naman ang mga sinabi niya, eh. Hindi ko man lang magawang mag-ef
fort para sa kanya. Gusto ko siyang yakapin ng mga sandaling yun, pero hindi ko
magawa. Gusto kong mag-sorry sa kanya, pero ayaw gumalaw ng labi ko. Nakatulala
lang ako at parang namamanhid ang buong katawan ko. Hindi ko namamalayan na umal
is na pala siya at iniwan na niya akong mag-isa sa baseball field.
.
.
.
.
.
.
#ImSorry!!
#ImSorry!!
#ImSorry!!
#ImSorry!!

:-(
:-(
:-(
:-(

*******************************************
Chapter 12- Jealousy
*******************************************
Madilim na ang paligid nun at nakatayo pa rin ako mag-isa sa loob ng baseball fi
eld. Iniisip ko pa rin, ang lahat ng sinabi ni Janela sa akin. Hindi ko alam, ku
ng bakit parang ako ang sinisisi niya sa pagkatalo niya. Tinatanong ko ang saril
i ko, ano ba ang nagawa kong mali? Pumunta naman ako dito sa field tulad ng paki
usap niya. Masyado lang talagang maraming tao, kaya hindi ako masyadong nakalapi
t sa kanya.
Maya-maya ay bigla kong naalala ang sinabi niya sa akin noong isang araw. Ang sa
bi niya ay hangga't kasama niya ako at nasa tabi niya, hindi daw siya matatalo.
Sa isip-isip ko, kahit anong gawin niya ay wala talaga siyang pag-asang manalo k
ay Clarence. Kahit nasa tabi pa niya ako, malabong matalo niya ito. Ilang sandal
i pa ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Nilabas ko ito at tinignan.
Nagulat ako, dahil ang daming message at miss call ni Erika sa akin. 24 messages
at 31 miss calls. Marahil hindi ko napansin na tumunog ang cellphone ko kanina

dahil sa ingay ng mga estudyante. Kinabahan ako, kaya binasa ko isa-isa ang mga
text niya.
"Babe.. dito kami now pagudpud.. last day na kasi namin dito sa ilocos... gawa m
o?" 4:20 pm - BabeKoh
"Babe, tagal mong magreply.. asan ka ba now?" 4:48 pm -BabeKoh
"Ui, Babe! 5pm na.. di ba uwian niyo na?.. ket di ka nagrereply???" 5:05 pm -Bab
eKoh
"Babe, ano ba?!! Naiinis na q!!" 5:18 pm -BabeKoh
"Babe, naiiyak na q.. reply ka naman.. T_T " 5:33 pm -BabeKoh
Hindi ko na binasa ang lahat ng text niya at nag-reply na agad ako sa kanya. Mal
amang nagtatampo na sa'kin ito, dahil kahapon ko pa siya hindi nate-text. Nag-so
rry ako sa kanya sa text at dinahilan kong masama ang pakiramdam ko. Maya-maya l
ang ay agad siyang nag-reply.
"ah ganon ba, babe... kumain kana po at uminom ng gamot.. tapos magpahinga ka na
ha??.. sorry kung nainis ako kanina.. kasi kahapon ka pa hindi nagtetext eh...
loveu babe.. gudnyt!!" text niya sa'kin.
Nakahinga naman ako ng maluwag sa reply niya. Buti na lang nakaisip ako ng idada
hilan, kung hindi baka tuluyan na siyang nagalit. Sa loob-loob ko, nakukunsensya
na ako sa pagsisinungaling ko kay Erika. Sobra niya akong pinagkakatiwalaan, ta
pos nagagawa ko pa siyang lokohin. Ipinasya ko na ito na ang huling beses na mag
sisinungaling ako sa kanya. Hindi ko na muling inisip pa ang nangyari sa amin ni
Janela. Kasi alam ko, na bukas bati na naman kami nun. Umuwi na ako dahil sobra
ng dilim na.
Kinabukasan.
Nag-lunch break kami at nagtungo na agad ako sa canteen. Nagtataka ako, kung bak
it hindi pa nagpaparamdam si Janela. Sa isip-isip ko, talaga kayang galit siya s
a'kin? Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko, kung ano ba talaga ang ginawa k
ong mali at nagalit siya sa akin ng sobra. Hindi na ako nag-isip pa, dahil sumas
akit na ang ulo ko.
Maghapon ko siyang hindi nakita ng araw na yun. Kahit sa baseball field wala din
siya. Ayoko namang puntahan siya sa klase nila, baka kung ano pa ang maging iss
ue. Ang sabi ko sa sarili ko, siguro hindi pa siya handa na harapin ako. Marahil
nahihiya pa siya, dahil sa natamo niyang pagkatalo. Umuwi na lang ako at ininti
ndi ko na lang ang nararamdaman niya.
Nang sumunod na araw.
Habang papasok ako sa DTU ay napangiti ako, dahil nakita kong nasa gate si Erika
at inaabangan ako. Agad ko siyang nilapitan at kinausap.
"Hi, Babe! Na-miss kita!!" sambit ko.
Agad naman niya akong hinalikan at niyakap.
"I miss you too, Babe. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya.
Agad ko namang naalala na sinabi ko pala sa kanya nung isang araw na masama ang
pakiramdam ko. Agad naman akong sumagot.

"Okay na ako, Babe. Mas lalo na ngayon, dahil nakita na kita." nakangiti kong sa
mbit.
Napangiti naman siya at niyakap uli ako ng mahigpit. Sabay kaming pumasok sa loo
b ng magkahawak ang mga kamay. Naglalakad kami, nang bigla kong makita ang mga e
studyanteng lalake na may pinagkaka-guluhan. Wala akong ideya kung sino ang pina
gmamasdan nila. Nagulat na lang ako, nang mapatingin ako sa lugar kung saan sila
nakatingin.
Nakita ko si Janela at napatulala ako sa taglay niyang ganda ng oras na yun. Par
a siyang artista dahil sa suot-suot niya. Naka-fitted dress siya ng itim at naka
-high heeled wedge siya ng kulay silver. Tamang-tama dahil friday ngayon at naka
-civilian kami. Habang naglalakad siya ay napapatingin lahat ng lalake na madada
anan niya. Maging ako ay nagulat sa malaking pagbabago niya. Hindi na siya paran
g lalake maglakad, para na siyang isang tunay na babae na hinahangaan ng lahat.
Maya-maya ay bigla siyang sinalubong ni Clarence at sabay na silang naglakad. Hi
ndi ko alam, kung bakit bigla akong nairita nung makita ko si Clarence. Siguro h
indi lang ako sanay na may ibang lalakeng kasama si Janela, bukod sa'kin.
"Babe?... Babe?.. Hoy, Babe!!" tawag ni Erika.
Hindi ko napapansin na kanina pa pala ako tinatawag ni Erika. Napahinto kasi ako
sa paglalakad ng makita ko bigla si Janela.
"Ay, sorry Babe!!" sagot ko.
"May problema ba, Babe?" tanong ni Erika.
"Babe, wala. Parang may nakita lang ako na kakilala ko. Tara na! Baka ma-late pa
tayo." sambit ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad ni Erika.
Hanggang sa klase ay hindi na ako nakapag-concentrate sa pakikinig sa prof. nami
n, dahil patuloy kong iniisip si Janela at Clarence. Hindi ko alam, kung bakit p
arang naba-badtrip ako. Parang ayaw kong makikita na may ibang lalakeng kasama s
i Janela, maliban sa'kin.
Sabay kaming nag-lunch break ni Erika, pero wala ako sa mood kumain ng mga oras
na yun. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kung bakit parang tinatamad ako sa
lahat ng ginagawa ko. Lingid sa kaalaman ko, na napapansin na pala ni Erika ang
pagbabago sa galaw ko.
Nang matapos kaming kumain ay agad ko na siyang niyaya na bumalik ng classroom.
Tumayo ako at nagsimula ng maglakad, nang bigla niyang binato ang lunch box. Nag
ulat ako at napatingin sa kanya.
"Babe, bakit mo binato ang lunch-box?" tanong ko.
Hindi siya sumasagot at bakas ang inis sa kanyang mukha.
"Babe, may problema ba?" muli kong tanong.
"Wala!! Sige na bumalik ka na ng room mo!!" galit na sambit niya.
Napa-buntong hininga ako at nilapitan siya.
"Babe, eh bakit ka naiinis? May nagawa ba ako?" tanong ko at hinawakan ko ang ka
may niya.
"Sino ba naman kasing, hindi maiinis?!! Eh isang oras na nga lang tayo magkakasa
ma, nagmamadali ka pang umalis!!" inis na sagot niya sa'kin.

Natahimik ako at hindi nakasagot. Tama naman kasi lahat ng sinabi niya. Hindi ko
lang talaga maintindihan ang sarili ko, kung bakit masyado akong nagpapa-apekto
sa nakita ko kaninang umaga.
"Di ba, 3pm pa ang klase mo?!! My god, Ramz!! 12:30 pa lang!!" muli niyang sambi
t.
Galit na talaga siya ng mga
indi na Babe. Nag-sorry ako
ang parang nasasaktan, kasi
t hindi ko magawang mahalin

sandaling yun, dahil Ramz na ang tawag niya sa'kin h


at niyakap ko siya ng mahigpit. Ayokong makikita siy
sobra niya akong minamahal. Hindi ko alam, kung baki
din siya, tulad ng pagmamahal niya sa'kin.

"Babe, sorry!" sambit ko at hindi siya umiimik. Patuloy parin akong nakayakap sa
kanya, para pakalmahin siya. Maya-maya ay niyakap na rin niya ako.
"Babe, sorry talaga. Di na mauulit promise!!" muli kong sambit at bigla niyang h
inigpitan ang pagkakayakap sa'kin. Iniiwasan ko na masaktan ko siya, pero bakit
nasasaktan ko pa rin siya nang hindi ko namamalayan. Wala siyang ibang ginawa ku
ndi mahalin ako ng sobra. Hindi ko siya dapat nasasaktan ng ganito. Unti-unti na
akong naniniwala, na hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal niya.
Ala-una ng hapon, nang magpaalam na si Erika na babalik na siya ng classroom nil
a. Alas-tres pa kasi ang klase namin, kaya matutulog na muna ako sa classroom na
min.
Naka-upo ako sa room namin at naka-pikit, nang marinig ko na pinag-uusapan ng m
ga kaklase ko si Janela. Tahimik akong nakikinig sa pinag-uusapan nila. Narinig
ko na sinabi ng kaklase ko na si Clarence daw ang dahilan, kung bakit nag-ayos n
g sarili si Janela. Naisip ko, siguro tinutupad na ni Janela ang kasuduan nila n
i Clarence. Narinig ko rin sa kaklase ko, na nakita nilang magka-sabay na nag-lu
nch sa baseball field ang dalawa.
Bigla na naman akong nainis at dinilat ko ang mata ko. Tumingin ako sa relo ko a
t nakita kong 1:30 pa lang ng hapon. Nagmadali akong lumabas sa classroom namin
at mabilis na nagtungo sa baseball field.
Nakarating ako sa baseball field at nakita kong naglalaro silang dalawa. Naka-ng
iti si Janela habang nasa ibabaw ng mound, tila masaya siyang nakikipaglaro kay
Clarence. Napansin kong kakaiba ang ngiti niya ng mga oras na yun. Ngiti na nagp
alitaw sa totoong pagkatao niya. Hindi siya demonyo tulad ng pagkakakilala ng ib
a. Sadyang kulang lang siya sa atensyon at pagmamahal ng mga taong nasa paligid
niya.
Naisip ko, yan kaya ang kaligayahang matagal na niyang gustong maramdaman mula s
a akin? Kaligayahan na ipinagdamot ko sa kanya sa mahabang panahon. Tama siya sa
mga sinabi niya sa akin, mahirap nga talaga akong mahalin. Hindi ko alam, kung
bakit sobra akong nasasaktan ng mga sandaling yun. Pakiramdam ko, unti-unti na s
iyang naglalakad palayo sa buhay ko. Pakiramdam ko, na sa isang kurap lang ng mg
a mata ko ay maari siyang maglaho sa paningin ko. Kaya naman ng mga oras na yun
ay ipinasya kong hintayin siya sa labas ng field. Gusto kong kausapin siya at ay
usin ang hindi namin pagkaka-unawaan.
Halos kalahating oras din akong naghintay sa labas ng baseball field. Ilang sand
ali pa ay lumabas na nga sila at agad naman akong nakita ni Janela. Napahinto si
ya sa paglalakad at nilapitan ko naman siya.
"Janela, can we talk?" sambit ko.
Napatingin si Clarence kay Janela.

"Kilala mo ba siya, Janela?" tanong ni Clarence sa kanya.


Biglang umiwas ng tingin sa akin si Janela at nagsalita.
"Ahmmm... Siguro isa siya sa mga classmate ko dati. Hindi ko na matandaan." sago
t niya kay Clarence.
Nagulat ako sa mga sinabi niya. Nagtataka ako, kung bakit itinatanggi niya na ki
lala niya ako. Hindi na ako muling nakapag-salita pa, dahil pakiramdam ko ay nap
ahiya ako.
"Dre, may kailangan ka ba kay Janela?" tanong sa'kin ni Clarence.
Napatingin ako sa kanya at napangiti.
"Ahhhh... Wala... wala, Bro.. ammmm.. gusto ko lang sabihin na bagay kayong dala
wa... hehehe... yun lang... sige, Bro.. sige, Janela... mauna na ako.." tumaliko
d na ako at naglakad palayo sa kanila.
Habang naglalakad ako, pakiramdam ko ay unti-unting nauubusan ng lakas ang mga b
inti ko. May galit akong nararamdaman, pero hindi galit para kay Janela kundi ga
lit para sa sarili ko. Sinisisi ko ang aking sarili ng mga oras na yun. Kung pin
ahalagahan ko lang sana si Janela, hindi sana mangyayari ito. Maya-maya pa ay tu
makbo na ako ng mabilis papuntang banyo, dahil hindi ko na mapigilan ang pagtulo
ng luha ko.
..
..
..
..
..
..
..
#Pain
..and
#Tears
..
#WorstDayEver!!!
*******************************************
Chapter 13- The Power of Love
*******************************************
Lumipas ang ilang linggo at dala-dala ko pa rin ang sakit na naramdaman ko mula
kay Janela. Ilang araw akong wala sa sarili at palaging walang ganang kumain. Hi
ndi ko maintindihan, kung bakit sobra akong nasasaktan. Naalala ko, na ganitongganito kasakit ang naramdaman ko noong huli naming pag-uusap ni Janela bago siya
nag-shift ng course dati. Ilang buwan din ang lumipas bago maglaho ang sakit na
naramdaman ko nun. Buti na lang at lagi kong nasa tabi si Erika ng mga araw na
yun.
Si Erika ang naging dahilan, kung bakit naghilom ang sugat ko sa nakaraan. Nagaw
a ko muling buksan ang puso ko para sa iba. Pinili kong mahalin si Erika, dahil

siya ang laging nandyan at palaging sumusuporta sa akin. Minahal niya ako ng sob
ra at higit pa sa kanyang sarili. Minsan nga naiisip ko, karapat-dapat ba ako sa
pagmamahal niya? Napaka-unfair ko, kasi hanggang ngayon ay may nararamdaman pa
rin ako para kay Janela. Ilang beses kong sinubukang lumayo kay Janela, pero par
ang ang tadhana na ang pilit na naglalapit sa aming dalawa.
Mula sa malayo ay lihim kong pinagmamasdan si Janela at Clarence na magkasama. K
apwa sila masaya habang nag-uusap. Naisip ko, panahon na siguro para sumaya nama
n siya sa piling ng taong nagpapahalaga sa kanya. Sa piling ko, lagi lang siyang
masasaktan dahil napaka-walang kwenta kong tao. Masakit man sa akin na nakikita
siyang may kasamang iba, pero wala akong magagawa. Doon siya masaya eh, wala ak
ong karapatan para ipagkait yun sa kanya.
Natapos ang klase namin at umuwi na ako agad. Naglalakad ako ng bigla kong makit
a si Janela at Clarence, na pinapalibutan ng apat na kalalakihan. Mabilis akong
nagtago sa gilid ng vendo machine at pinagmamasdan sila. Nakita ko na may hawakhawak ang apat na lalake na balisong at ice pick. Hindi nagawang pumalag ni Jane
la at Clarence, dahil armado ang mga ito. Kinaladkad silang dalawa papunta sa ku
lay asul na kotse at pilit silang isinasakay ng mga ito. Gusto ko man silang tul
ungan, pero ano naman ang magagawa ko sa apat na lalake na puro may hawak na pat
alim.
Wala silang ibang nagawa, kundi ang sumakay na lang sa kotse. Nang makasakay sil
ang lahat ay agad din silang umalis sa lugar na yun. Walang ibang tao ang nakaki
ta sa pangyayari maliban sa akin. Tamang-tama naman na may dumaang traysikel sa
lugar na yun at agad ko itong pinara. Huminto ang traysikel at tinanong ako.
"Saan tayo, Boss?" tanong ng drayber.
"Manong, bilis! Sundan po natin ang asul na kotse'ng yun! Tinangay nila ang mga
kaibigan ko!" natatarantang sambit ko sa drayber.
Agad naman niya akong pinasakay sa loob at mabilis niyang sinundan ang asul na k
otse na tinuro ko. Mabilis mag-drive si manong, kahit kotse ang hinahabol niya a
y nagagawa pa rin niya itong sundan. Ilang sandali pa ay biglang lumiko ang kots
e papunta sa lugar kung saan sira-sira ang mga bahay. Dating subdivision ang lug
ar na yun. Nasira lang dahil sa naganap na malaking sunog. Mula noon ay wala ng
tumira sa lugar na yun at balita ko ay pinamumugaran na daw yun ng mga adik. May
a-maya pa ay pumasok ang kotse sa isang maliit na eskinita at huminto ito. Agad
naman akong bumaba sa traysikel at kinausap ang drayber.
"Manong, pwede po bang tumawag kayo ng mga tanod o di kaya mga pulis! Nasa panga
nib po ang mga kaibigan ko." sambit ko at sumang-ayon naman siya. Tumalikod ako
sa kanya at naglakad papasok ng eskinita, nang bigla niya akong tinawag.
"Psst!! Bosing!!" tawag niya sa'kin.
Napalingon ako sa kanya at muli ko siyang nilapitan.
"Oh, bakit po manong?" tanong ko.
"Nasaan yu'ng bayad mo?" sagot niya.
Napakamot ako sa ulo at mabilis kong kinuha ang wallet ko.
"Jusko naman, manong! Nasa peligro na ang mga kaibigan ko, yan pa rin ang nasa i
sip niyo!" sambit ko at inabot ko sa kanya ang 100 pesos.
Sa isip-isip ko, grabe naman itong manong na 'to. Hindi ba pwedeng mamaya na lan
g ang bayad? Akala mo naman tatakasan eh noh. Tsk!

"Basta, Manong! Tumawag po kayo ng mga tanod o di kaya pulis ha?" muli kong paal
ala sa kanya.
"Oo. Ako'ng bahala!" agad naman siyang umalis at binilisan ang pagpapatakbo ng t
raysikel.
Maingat akong naglakad papasok ng eskinita. Pinagmamasdan ko ang paligid at napa
katahimik ng lugar na yun. Wala na kasing nakatira sa mga lumang bahay na yun ka
ya naman ginagawa na ring hide-out ng mga masasamang tao. Narating ko ang pinto
ng lumang bahay kung saan sila pumasok at sumilip ako. Masyadong madilim sa loob
at wala akong maaninag na liwanag. Pumasok ako ng dahan-dahan at may narinig ak
ong boses sa bandang kaliwa ko. May nakita akong liwanag mula sa sirang pinto at
sinilip ko, kung naroroon sila.
Nakita ko ang apat na lalake na tinatali nila si Clarence at Janela sa kahoy na
upuan. Nagpupumiglas si Janela, pero wala itong magawa dahil dalawang lalake ang
may hawak sa kanya.
"Gago kayo!! Ano'ng kailangan niyo sa'min?!!" Malakas na sambit ni Janela sa mga
masasamang lalake.
"Ang talas ng dila mo'ng babae ka ha!!" sambit ng isang lalake, sabay sinampal s
a mukha si Janela.
"Putang-ina niyo!! Pati babae sinasaktan niyo!!" Galit na sambit naman ni Claren
ce.
Nilapitan naman ng isang lalake si Clarence at sinikmuraan ng malakas. Nagulat a
t nawalan ng malay si Clarence dahil sa sobrang lakas na suntok na natamo niya.
"Gago kayo!! Ano ba ang kasalanan namin sa inyo?!! Bakit niyo kami ginaganito?!!
" maluha-luhang sambit ni Janela.
Napangiti naman ang apat na lalake at nagsalita ang isa na nakasuot ng puting sa
ndo.
"Sa amin, wala kayong kasalanan.. pero sa Boss namin.. malaki!!" at muling sinam
pal ng lalake si Janela.
Hindi ko na matagalan ang pananakit ng mga lalake kay Janela. Hindi ko alam, kun
g ano ang gagawin ko. Pinagmasdan ko ang paligid ko, pero wala akong makitang ba
gay na pwede kong maging armas. Napalingon muli ako kila Janela at nakita kong h
inihipuan nila ito.
"GAGO KAYO!!! MGA MANYAKIS!!!" malakas na sigaw ni Janela. Nagtatawanan naman an
g apat na lalake.
"HAHAHAHAHAHA!!"
Habang pinagmamasdan ko sila ay bigla na lang may tumutok sa akin ng baril mula
sa aking likuran. Nagulat ako at nanigas sa takot.
"Sumisilip ka pa ha!! Sige pasok!!!" utos ng lalakeng tumutok sa'kin ng baril.
Wala akong nagawa, kundi pumasok sa loob kung saan naroroon sila Janela. Nagulat
ang apat na lalake at si Janela ng makita nilang papalapit ako.
"Mga Gago!! Hindi niyo man lang napansin na nasundan kayo!!" galit na sambit ng
lalake na nakahuli sa'kin.

"Boss!! Sorry!!" sabay-sabay na sagot ng apat na lalake.


Napatingin ako kay Janela. Nakita kong nakatulala siya akin at tumutulo ang luha
mula sa kanyang mata.
"Huwag ka ngang umiyak diyan. Nandito ako para iligtas ka.. kaya wag ka ng mag-a
lala.." sambit ko sa kanya at nagulat ako ng nagtawanan ang apat na lalake.
"HAHAHAHAHA!!!"
"Kaya mo siyang iligtas?? Laban sa aming lima?? Sino ka ba?? Si Superman??" pang
ungutya sa akin ng kalbong lalake at muli silang nagtawanan.
"BAKIT KA PUMUNTA DITO?!! TANGA KA, RAMZ!! TANGA KA!! TANGA KA!! TANGA!! Tanga!!
" malakas na sambit ni Janela, habang patuloy na umiiyak.
Napangiti ako sa sinabi niya at hindi ko alam kung bakit nawala ang kaba ko. Wal
a na akong nararamdamang takot ng mga oras na yun. Nakahanda na ako, sa kung ano
man ang mangyayaring masama sa'kin. Maya-maya ay lumapit ang Boss nila kay Jane
la.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko, kung sino ang mastermind nila. Siya ang la
lake'ng binugbog ni Janela dati sa harap ng DTU. May malaking peklat ito sa mukh
a, marahil natamo niya ito kay Janela.
"Siguro naman, natatandaan mo ako??" nakangiting sambit ng Boss nila kay Janela.
Umiwas ng tingin sa kanya si Janela at hindi nakapag-salita.
Hinawakan ng mastermind ang mukha ni Janela at hinimas-himas ito.
"Bitawan mo'ko!! Hayop ka!!" galit na sambit ni Janela.
"Ako hayop?? Eh, ikaw?? Anong tawag sayo?? Halimaw?!!" sagot ng mastermind.
Hindi naka-sagot si Janela at nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sa kany
a.
"Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito, Janela Miranda. Sa tuwing tumitingi
n ako sa salamin.. at pinagmamasdan ko ang malaking peklat na ito sa mukha ko..
Nanggigigil ako sa galit!.. Sabik na sabik akong gumanti sayo!.." sambit ng mast
ermind kay Janela at nararamdaman ko ang tindi ng galit nito. Napayuko si Janela
at nanatiling tahimik. Marahil hindi siya makasagot, dahil alam niyang siya ang
mali.
"Sagutin mo nga ako, Janela. Ano ba ang naging atraso ko sayo nang araw na yun?!
! Tahimik ko lang naman na pinagmamasdan pumasok ang girlfriend ko sa DTU... Pe
ro ano ang ginawa mo?!! Walang awa mo akong pinaghahampas ng baseball bat sa muk
ha!!... TANG-INA MO!!" galit na galit na sambit ng mastermind sa kanya.
Maging ako ay napayuko dahil sa kwento niya. Kasalanan pala talaga ni Janela ang
lahat, kaya naman hindi niya magawang sagutin ito. Hindi pala talagang masamang
tao ang mastermind. Naging masama lang siya, dahil sa matinding galit niya kay
Janela.
"Alam mo kung ano ang mas masakit, Janela?? Nang dahil dito sa malaking peklat s
a mukha ko na tinamo ko sayo.. ay iniwan ako ng girlfriend ko!!.. Narinig mo?!!
INIWAN AKO NG GIRLFRIEND KO!!" pagpapatuloy na kwento ng mastermind.

Nagulat ako ng biglang nagsalita si Janela.


"Sorry!.. sorry.. sorry.." umiiyak na sambit ni Janela.
Nagulat ako ng makita kong tumutulo ang luha ng mastermind.
"Sorry?? Yun lang?? Pagkatapos mong sirain ang buhay ko, sorry lang?!! Mararamda
man mo ngayon, kung gaano kasakit ang ginawa mo sa'kin!" sambit ng mastermind at
tumalikod na ito kay Janela.
"Boss, ano na ang gagawin namin?" tanong ng lalakeng naka-suot ng sandong puti.
"Unahin niyo yang lalake'ng yan!!" utos ng mastermind at nagsimula na itong magl
akad paalis.
Nagulat ako, dahil ako ang itinuro niya. Agad ako'ng pinalibutan ng apat na lala
ke.
"Parang awa niyo na!! Ako na lang ang saktan niyo wag siya!! Wala siyang kasalan
an!!" malakas na sambit ni Janela.
Hindi siya pinansin ng mga lalake, parang wala silang narinig. Nag-salita ako at
kinausap ko si Janela.
"Janela... nakikita mo ba ang orasan na yun?" sambit ko, habang tinuturo ko ang
wall clock sa bandang kaliwa ko.
Napatingin si Janela at ang apat na lalake sa orasan na nakasabit sa ding-ding n
g malaking kwarto na yun.
"Bigyan mo ako ng 10 minutes at maiiligtas kita." sambit ko.
Nagtinginan ang apat na lalake at nagtawanan.
"HAHAHAHAHA!!"
"Anong sinasabi mo, Ramz?!! Tumakbo kana bilis!!" sambit sa akin ni Janela at pa
tuloy pa rin itong umiiyak.
"Kung tatakbo ako, ikaw ang sasaktan nila. Kaya maghintay ka lang... sigurado ak
ong maililigtas kita." muli kong sambit.
"Tama na ang ka-dramahan mo!!" sambit ng isang lalake at bigla akong hinampas ni
to ng kahoy sa likod.
Napaluhod ako at tinakpan ko ang ulo ko. Walang awa nila akong pinaghahampas at
pinagtatadyakan. Bawat hagupit ng kahoy sa katawan ko ay napapa-sigaw ako sa sak
it. Nanginginig ang buong katawan ko ng mga oras na yun. Pakiramdam ko ay malapi
t ng mabali ang tadyang ko. Mula sa di kalayuan ay naririnig ko ang malakas na s
igaw ni Janela, pero hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya. Ang tangi
ng alam ko lang ay humahagulgol siya sa pag-iyak. Sa huling pagkakataon ay pilit
kong nilingon ang orasan. Limang minuto pa ang kailangan kong tiisin, bago ko s
iya mailigtas. Pahina na ng pahina ang palo nila sa akin. Marahil nakaramdam din
sila ng pagod sa ginagawa nilang paghampas at pagtadyak sa akin.
Gusto ng pumikit ng mga mata ko, pero pinipigilan ko ito. Dahil natatakot ako na
kapag nawalan ako ng malay ay si Janela naman ang puntiryahin nila. Tiniis ko p
a ng ilang sandali ang nararamdaman kong sakit. Wala na akong marinig ng mga ora
s na yun. Maya-maya pa ay napansin kong dumating na nga ang mga pulis na kanina
ko pa hinihintay. Napangiti ako sa kabila ng sakit na nararamdaman ng buong kata

wan ko. Alam ko na ligtas na si Janela, mula sa masasamang tao. Sa isip-isip ko,
ngayon ay maaari na akong magpahinga. Dahan-dahan kong pinikit ang mga mata ko
at nawalan na ako ng malay.
.
.
.
.
.
#thanksGodLigtasnaSiJanela..
#KayoNaPoAngBahalaSakin..
*******************************************
Chapter 14- Confused
*******************************************
Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, dahil nasisilaw ako sa liwanag. Wal
a akong ideya kung nasaan ako at napansin ko na lang na natutulog si Mama sa gil
id ko. Pinilit ko siyang hawakan pero nahihirapan akong igalaw ang kamay ko. Nan
ghihina ako ng mga oras na yun at maging ang ulo ko ay hindi ko maigalaw, dahil
naka-neck brace (cervical collar) ako. Nararamdaman ko rin na may mga nakatapal
sa mukha ko. Tanging mga mata ko lang ang paikot-ikot sa silid na yun, pero wala
akong ideya kung saan ako naroroon. Maya-maya ay may narinig akong nagbukas ng
pinto at may lumapit sa akin na babae na naka-kulay puti ang suot. Napangiti siy
a ng makita niya ako at bigla niyang ginising si Mama, naririnig ko ang mga sina
sabi siya.
"Ma'am, gising po. Dumilat na po ang mata ng anak niyo." sambit ng babaeng nakaputing damit. Agad namang napatayo si Mama at nakita kong ngumiti siya.
"Salamat sa diyos at nagising ka na anak." sambit ni Mama at mabilis niya akong
niyakap.
"Ma, nasaan ako?" mahinang tanong ko.
"Nandito ka sa ospital anak! Hindi mo ba natatandaan ang nangyari sayo?" tanong
ni Mama sa'kin.
Napaisip ako at bigla kong naalala na pinagbubugbog nga pala ako ng apat na kala
lakihan.
"Sobra akong nag-alala, anak! Akala ko hindi ka na magigising. Walong araw ka na
kasing tulog." umiiyak si Mama, habang nagsasalita.
Sa isip-isip ko, napakasama kong anak. Kasi pinag-alala ko ng husto si Mama. May
a-maya lang ay bigla kong naalala si Janela.
"Ma, si Janela po? Kamusta na siya?" tanong ko.
"Walang nangyaring masama sa kanya anak. Kauuwi lang nilang dalawa ni Erika. Buo
ng gabi silang nagbantay sayo." sagot niya.
Napangiti ako sa aking narinig at dahan-dahan kong pinikit ang aking mga mata, d
ahil nakaramdam agad ako ng pagod.

"ANAK!! ANAK!! GUMISING KA!! NURSE!! NURSE!!" nagtatarantang sambit ni Mama, hab
ang niyuyogyog ang balikat ko.
"SShhhhhhh... Ma, wag ka ngang maingay... nakapikit lang ako... matutulog muna a
ko." sambit ko.
"Ay ganon ba, anak.. Sorry!.. sige magpahinga ka na." at hinalikan niya ako sa m
ay noo ko.
Hindi ko naman masisisi si Mama, kung grabe siyang mag-alala. Grabe ba naman ang
nngyari sa akin at muntik ng malagay sa panganib ang aking buhay. Mabuti na lan
g mabait ang diyos at binigyan pa niya ako ng pagkakataong mabuhay. Maya-maya l
ang ay nakaramdam na ako ng antok at nakatulog na ako.
Lumipas ang ilang linggo at tinanggal na ang brace na nakakabit sa leeg ko. Naka
kaupo na rin ako at nakakasandal na sa may head board ng higaan. Naigagalaw ko n
a ang buong katawan ko at wala na ang dextrose na nakakabit sa braso ko. Maayos
na ang pakiramdam ko, pero hindi ko maintindihan, kung bakit hindi pa ako binibi
gyan ng clearance ng duktor. Ilang sandali pa ay dumating na si Mama at kasama n
iya si Ninang Joy. May dala-dala silang cake at softdrinks.
"Kamusta na ang inaanak ko?" nakangiting tanong ni Ninang Joy.
"Okay na po ako, Ninang. Hindi ko nga alam kila Mama, kung bakit ayaw pa nila ak
o ilabas dito eh." sagot ko at agad namang nagsalita si Mama.
"Naku! Naninigurado lang kami. Baka mamaya pag-uwi natin, may maramdaman ka na n
amang sakit sa katawan. Mahirap na!" sambit niya.
Maya-maya ay nagpaalam muna si Mama na lalabas, dahil aalamin daw niya sa cashie
r kung magkano na ang aming hospital bill. Naiwan kami ni Ninang sa silid, kinak
ausap naman ako ni Ninang ng mga sandaling yun.
"Ano ba kasi ang nangyari sayo sa nakakatakot na lugar na yun?" tanong niya.
Sinagot ko naman siya at kinwento ko ang lahat ng nangyari sa loob ng lumang gus
ali. Tahimik siyang nakikinig sa kwento ko at ng matapos akong magsalita ay bigl
a naman siyang nagtanong.
"Ano mo ba yung, Janela?" tanong ni Ninang Joy sa akin.
Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya, dahil masyado akong nabigla. Natahahimi
k ako at nag-isip. Ilang sandali pa ay muli na akong nagsalita.
"Ninang, mahalaga po siya sa'kin." sagot ko at muli na naman siyang nagtanong.
"Pero di ba, may girlfriend ka na?... Yung Erika ba yun?" pagtatakang tanong niy
a.
"Yes, Ninang... Hindi ko nga po maintindihan ang nararamdaman ko sa kanilang dal
awa eh... Pag kasama ko si Erika.. busog na busog ako sa pinaparamdam niyang pag
mamahal.. pero pag kasama ko naman si Janela.. pakiramdam ko... kumpleto ang ar
aw ko.. parang ganon po, Ninang... Ang gulo!!" mahabang paliwanag ko.
Natahimik siya at parang napa-isip sa kwento ko. Ilang sadali pa ay muli siyang
nagsalita.
"Hindi ka pwedeng magmahal ng dalawa, Inaanak.. Kailangan mo'ng mamili sa kanila
ng dalawa.. Alam ko na ayaw mo'ng saktan ang isa sa kanila.. pero mas lalo mo si
lang masasaktan.. kung patuloy mo silang paaasahin sa isang bagay na pinaniniwal

aan nila." sambit ni Ninang. Napakalalim ng sinabi niya, pero maliwanag ko itong
naintindihan. Hindi na ako muling nakapag-salita, dahil napa-isip ako sa mga si
nabi ni Ninang Joy.
"Inaanak.. dapat hanggang mas maaga ay mag-desisyon ka na, kung sino sa kanilang
dalawa.. The one who loves you, completely... or the who completes you... O sig
e.. maiwan na muna kita, inaanak. May pupuntahan pa kasi ako. Magpagaling ka ha?
" muling sambit niya at tanging tango lang ang nasagot ko. Naglakad na siya patu
ngo sa pintuan ng silid at lumabas.
Mag-isa na lang ako sa loob ng kwarto at patuloy na nag-iisip. Tama si Ninang, k
ailangan ko ng magdesisyon kung sino sa kanilang dalawa ang pipiliin ko. Sinabi
ko sa sarili ko, na paglabas na paglabas ko ng ospital na ito ay mamimili na ako
sa kanilang dalawa.
Ilang araw lang ang lumipas ay nakalabas na din ako ng ospital. Nakakalakad na a
ko ng maayos, pero patuloy pa rin akong inaalalayan ni Erika at Janela. Nakakain
is na nga eh, kasi habang inaalalayan nila ako ay nag-paparinigan silang dalawa.
Hanggang sa loob ng taxi ay nagbabangayan ang sila. Nasa gitna pa naman nila ak
o at sobrang na akong nabibingi. Si Mama naman ay panay ang ngiti sa kanilang da
lawa at parang tuwang-tuwa pa ito sa naririnig. Maya-maya ay kinausap ako ni Eri
ka.
"Babe, hindi ka ba napapagod?" tanong ni Erika.
"Hindi naman, babe. Bakit?" sambit ko. Napayuko naman siya at dahan-dahang nagsa
lita.
"Eh kasi, Babe.... kanina ka pa tumatakbo sa isip ko eh." sagot niya. Napangiti
naman ako, kasi hindi ko inaasahang pick-up line pala yun. Maya-maya ay bigla na
ming narinig na bumulong si Janela.
"Ang korni naman ng babaeng 'to. Bwiset!" bulong niya at nainis naman si Erika,
dahil narinig niya ito.
"Ano'ng sabi mo?!!" galit na tanong ni Erika at inawat ko naman agad ang dalawa.
"Oops!! Oops!! Tama na yan! Umayos nga kayo! Mabibinat ako sa ginagawa niyo eh."
sambit ko at agad namang natahimik ang dalawa. Ilang sandali pa ay humarap sa a
kin si Janela at kinausap ako.
"Infairness, Ramz ha! Bagay sayo yang damit mo." sambit niya. Napangiti naman ak
o at nagsalita.
"Salamat! Favorite t-shirt ko nga ito eh." sabi ko.
"Pero alam mo, Ramz... Mas BAGAY tayo!" sambit ni Janela at muli akong nabigla,
kasi pick-up line din pala yun. Napatingin ako kay Erika at pansin ko ang inis s
a kanyang mukha ng mga oras na yun. Nagulat ako nang biglang binanatan ni Erika
si Janela.
"Alam mo, Janela?.. Para kang Fishball." sambit ni Erika. Napakunot naman ang no
o ni Janela at inis na nagtanong.
"At bakit?!!"
"Kasi ang hilig mong maki-SAWSAW sa amin ni Ramz eh!" sagot nito at nagulat kami
ng biglang nagsalita ang drayber ng taxi.
"BOOMPANES!!" malakas na sambit ng drayber at agad namang nagsalita si Janela.

"Aba, Manong! Gusto mo ata'ng mapanis ya'ng mukha mo eh!! Sabihin mo lang!! Hind
i ko ipagkakait yun sayo!" galit na sambit ni Janela at agad namang tumigil ang
drayber sa pag-ngiti.
Ang gulo-gulo talaga nilang dalawa at parang hindi titigil sa pagbabangayan. Pak
iramdam ko nga, mabibinat ako eh. Nagulat din ako kay Erika, dahil parang hindi
na siya takot kay Janela. Parang kailan lang, walang awa siyang binugbog nito sa
DTU. Nakauwi naman ako ng safe sa bahay at sabi ng duktor magpahinga daw muna a
ko. Binilin niya na wag daw muna ako galaw ng galaw, dahil baka bumuka ang mga s
ugat ko sa katawan. Kaya naman wala akong ginawa sa bahay, kundi magpahinga ng m
agpahinga.
.
.
.
.
#AmBoring!!
#Sheeeeeet!!

*******************************************
Chapter 15- The Decision
*******************************************
Lumipas na nga ang dalawang linggo at nag-umpisa na ako muling pumasok sa DTU. M
alakas na ang buong katawan ko at medyo naghihilom na ang aking mga sugat. Pag-p
asok ko sa classroom ay agad akong nilapitan ng mga kaklase ko at kinamusta. Ang
iba ko namang kaklase ay ginagawa akong idolo, dahil nabalitaan nila kung paano
ko iniligtas si Janela at Clarence. Hindi ko maintindihan, kung bakit hindi ako
nabibilib sa sarili ko. Siguro kasi, wala naman talaga akong ginawa kundi ang m
agpabugbog lang at hintayin ang pagdating ng mga reresponde. Bigla akong natawa
sa sarili ko, kasi tinuturing nilang bayani ang isang katulad ko. Hinayaan ko na
lang sila, dahil mas importante para sa akin ngayon na makahabol sa mga na-miss
kong lesson.
Dumating na nga ang oras ng lunch break namin at naglakad na kami palabas ng cla
ssroom. Nakalabas na ako ng pinto, nang biglang gulatin ako ni Janela.
"BULAGA!!"
Sobra akong nagulat at bumilis ang pintig ng puso ko.
"Sus! Nakakagulat ka naman! Oh, anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Agad naman n
iyang ipinakita sa akin ang lunch box na stainless na hawak-hawak niya at mabili
s siyang nagsalita.
"Ramz, ipinagluto tayo ni Tita Mildred. Tara kain tayo sa baseball field." pagya
yaya niya.
Napaisip ako, kasi baka hinihintay na ako
g ako, nang bigla akong hawakan ni Janela
na ako nakatanggi at nagtungo na nga kami
ay nakarating na kami sa lugar at isa-isa

ni
at
sa
na

Erika sa blue house. Nagulat na lan


kinaladkad pababa ng hagdan. Hindi
baseball field. Ilang sandali lang
niyang binuksan ang tatlong patong

na stainless na lunch box niya. Nanlaki ang mga mata ko, nang makita ko kung ano
ang mga ulam. Adobong manok at sisig ng pampanga.
"Wow!! Paborito ko 'to, Janela! Paki-sabi sa tita mo thank you.!" nakangiting sa
mbit ko. Sabik na sabik na akong kumain ng mga oras na yun. Pero nagtataka ako,
kung bakit wala siyang dala na pinggan at kutsara kaya tinanong ko siya.
"Hindi ka man lang nagdala ng pinggan at kutsara?"
Napakunot ang noo niya at nagsalita.
"Ang arte mo naman, Ramz. Magkamay na lang tayo at itong takip na lang ng lunch
box ang pinggan natin." sambit niya, habang inaabot sa akin ang stainless na tak
ip.
Hindi ako makapaniwala sa babaeng ito. Kung umasta akala mo boy scout. Wala akon
g nagawa kundi kunin ang takip at magkamay na lang. Muli na naman nanlaki ang ma
ta ko, nang biglang kamayin ni Janela ang kanin at hindi man lang naghugas ng ka
may. Mabilis kong pinalo ang kamay niya.
"ARAY!! Problema mo?!!" agad na tanong niya.
"DUGYOT KA!! Kung kamayin mo ang pagkain akala mo ikaw lang ang kakain! Maghugas
ka nga muna!" inis na sambit ko at inabot ko sa kanya ang malaking bote ng mine
ral water na baon ko. Nakasimangot siya habang naghuhugas ng kamay. Sa isip-isip
ko, walangya 'to siya pa talaga ang galit.
Nag-umpisa na nga kaming kumain at hindi ako makapaniwala sa itsura ni Janela, h
abang kumakain. Nakataas ang isang paa nito sa upuan at kung kumain parang patay
gutom. Sa isip-isip ko, walangya! Mayaman ba talaga itong tao na 'to? Tsk!! Nag
ulat siya nang bigla akong magsalita.
"Baka naman gusto mong huminga, Janela? Aba eh, sunod-sunod ang subo mo! Bibitay
in ka na ba mamaya?" sambit ko at bigla na lang siyang natawa. Nainis ako, kasi
natalsikan pa ako ng kanin sa mukha na galing sa bunganga niya.
"Pambihira!! Kung baril lang siguro yang bunganga mo napatay mo na ako!" inis na
sambit ko, pero parang wala siyang narinig at patuloy lang siya sa pagkain.
Kahit paborito ko pa yung ulam, bigla na lang ako nawalan ng gana kumain. Sino b
a naman ang gaganahan kumain, kung ganito naman kababoy ang kasama mo. TSK!! Big
la kong naalala si Erika at napaisip ako.
"SHIT!!.. Janela, bilisan mong kumain at may pupuntahan pala akong importante."
natatarantang sambit ko.
Agad naman siyang uminom ng tubig at naghugas ng kamay. Niligpit na namin ang ka
lat at agad na kaming lumabas ng baseball field. Habang naglalakad kami palabas
ay nagulat na lang kami, nang makita namin si Erika na nakatayo sa may gate ng b
aseball field. Kinabahan ako at napatingin kay Janela.
"Ako na ang magpapaliwanag sa kanya, Ramz." sambit ni Janela. Agad kaming lumap
it kay Erika at nagsalita si Janela.
"Erika, sorry! wala na--."
"Hindi ikaw ang gusto kong makausap! Kaya sana kung pwede, iwan mo kami ni Ramz
at kami'ng dalawa ang mag-uusap!" may galit sa tono ng pananalita ni Erika, kaya
naman binalot na ako ng matinding kaba. Muling nagsalita si Janela.

"Erika, pero wala nama--."


"ANG SABI KO, UMALIS KA MUNA!!" at tinulak ng malakas ni Erika si Janela, kaya n
aman napa-upo ito sa lupa. Agad akong nagsalita.
"Erika!! Wag mong saktan si Janela! Wala naman siyang kasalanan. Ako ang may kas
alanan!" paliwanag ko.
"Ah ganon?! Siya na ang kinakampihan mo!.. Bakit, Ramz? Siya na ba ang mahal mo.
. at hindi na ako?!!" sambit ni Erika.
"Hindi naman sa ganon.. wala siyang ginagawang masama Erika.. Ako ang may kasala
nan!" muling sambit ko. Huminga ng malalim sa Erika at muling nagsalita.
"Ganito na lang, Ramz... Tutal nandito na rin lang si Janela.. Mamili ka na lang
sa aming dalawa.. Ako ba o siya?!!" tanong ni Erika.
Nagulat ako sa tanong niya at hindi ako nakasagot. Hindi ko inaasahan na aabot k
ami sa ganito. Muli na namang nagsalita si Erika.
"Ano ba, Ramz?!! Ako ba o siya?!! Sumagot ka!!"
Nagulat ako, nang biglang hawakan ni Janela ang mga kamay ko at may luha sa mga
mata nito. Nagsalita siya, ngunit mahina lang.
"Ramz, okay lang. Wag mo 'kong alalahanin.. Piliin mo siya.. hinanda ko na ang s
arili ko sa ganitong sitwasyon." sambit niya.
Napaluha ako sa sinabi niya. Pansin ko sa mga mata niya ang lungkot at hindi ko
maintindihan, kung bakit nasasaktan ako pag nakikita ko siyang lumuluha. Huminga
ako ng malalim at tumingin kay Erika, para sagutin ang tanong niya.
"I'm sorry, Erika.." mahina kong sambit at bigla na lang siyang nalupasay sa lup
a. Parang nawalan siya ng lakas at tila hirap siyang himinga ng mga oras na yun.
Tahimik lang siya at nakatulala, kaya naman muli akong nagsalita.
"Alam ng diyos, Erika.. na ayaw kitang saktan.. pero kung patuloy akong magsisin
ungaling at maglilihim sayo.. mas lalo lang kitang masasaktan.. Mahal kita, Erik
a.. alam mo yan.. pero alam ng diyos... kung sino talaga ang mas mahal ko.. Ayaw
na kitang lokohin... ayaw na kitang paasahin... at ayaw na kitang masaktan.. ka
ya sana Erika.. mapatawad mo ako." mahabang sambit ko, habang patuloy sa pagdalo
y ang luha ko sa aking magkabilang pisngi.
Tumayo si Erika at kinuha ang bag niya mula sa lupa. Patuloy pa rin ito sa pag-i
yak at tumalikod siya sa akin. Bago siya maglakad palabas ay muli siyang nagsali
ta.
"Ramz... malaya ka na." patuloy pa rin siyang umiiyak, habang sinasambit ito. Tu
makbo siya palabas ng gate at pilit pinupunasan ang luha niya sa pisngi. Masakit
man para sa akin na makita siyang nasasaktan, pero alam ko na tama lang ang gin
awa ko.
Napa-upo ako sa gilid at patuloy sa pagluha. Paulit-ulit kong pinupunasan ang lu
ha sa aking mga mat at pinipilit kong patahanin ang sarili. Ang hindi ko maintin
dihan, kung bakit parang ayaw huminto sa paglabas ng tubig mula sa aking mga mat
a. Kaya naman hinayaan ko na lang na patuloy itong dumaloy, dahil alam kong mama
ya ay titigil din ito.
Matagal kaming nakatambay sa loob ng baseball field. Tahimik lamang kami ng mga
oras na yun at nag-iisip. Maya-maya lang ay bigla akong nilapitan ni Janela at t

inabihan.
"Bakit, Ramz? Bakit ako ang pinili mo?" tanong ni Janela at sinagot ko naman siy
a agad.
"Ikaw ang mahal ko eh... at kung tatanungin mo ako.. kung paano nangyari yun.. i
sa lang isasagot ko sayo.. Hindi ko alam."
Natahimik siya at hindi na muling nakapagsalita. Napaka-bilis ng oras at hindi k
o na nagawang makapasok sa klase namin. Nanatili lang kami sa baseball field at
nakatambay. Nang dumilim na ang paligid ay nagpasya na kaming umuwi.
Habang naglalakad kami ni Janela ay bigla siyang nagsalita.
"Ramz... ahmmm.. ibig bang sabihin nito... tayo na?" nag-aalangan na tanong ni J
anela. Agad ko naman siyang sinagot.
"Ayaw mo bang ligawan muna kita?" sambit ko.
"Wag na!! Pampatagal lang yun eh! Time is gold ang motto ko sa buhay." mabilis n
a sagot niya.
Bigla akong natawa sa sinabi niya at agad napawi ang lungkot na nadarama ko. Mul
i akong nagsalita.
"Hindi ka naman siguro atat, Janela ano? Walangya! May pa motto-motto ka pang na
lalaman." pabirong sambit ko.
"Hoy, Ramz! Mahigit dalawang taon kong hinintay na mangyari ito! Kung patatagali
n ko pa.. eh baka masungkit ka na naman ng iba!! Aba eh, pagod na akong maghinta
y! Kung pwede nga lang ikasal na tayo agad bukas eh!" sambit niya.
Hindi na naalis ang ngiti sa labi ko ng mga oras na yun. Alam talaga ni Janela,
kung paano ako pasasayahin. Kaya naman napahinto ako at niyakap ko siya.
Nagulat siya sa ginawa ko, pero agad din naman niya akong niyakap. Hindi ko main
tindihan ang nararamdaman ko ng mga oras na yun. Parang nagdiriwang ang puso ko
sa sobrang saya. Sa wakas, natapos din ang aking problema at natupad na ang kahi
lingan kong maging kasintahan si Janela. Napakasaya ko ng gabi'ng yun, kaya nama
n kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at mabilis ko siyang hinalikan sa labi
.
Nakita kong nabigla
pinikit ang kanyang
atin ito sa sobrang
abi ko sa labi niya

at natulala siya sa ginawa ko, pero dahan-dahan din niyang i


mga mata. Napakalambot ng labi niya at parang gusto kong kag
gigil, pero hindi ko ginawa. Maya-maya ay inalis ko na ang l
at bigla akong nagsalita.

"Walangya, Lasang sisig, Janela!!" sambit ko at mabilis din siyang nagsalita.


"Akala ko ba paborito mo ang sisig? Ang arte nito!" sagot niya at hindi ko napig
ilang tumawa. Hinatid ko na siya sa sakayan ng jeep at agad din naman siyang nak
asakay. Naglakad ako pauwi ng bahay na sobrang saya.
.
.
.
.

.
.
.
.
#YAHOOOO!!

*******************************************
Chapter 16- Missing You
*******************************************
Kinabukasan, habang palabas ako ng bahay ay nagulat ako, nang bigla kong makita
si Janela. Nakatambay siya sa tindahan, sa may harap ng bahay namin. Napangiti n
aman ako, dahil mukhang doon pa siya nag-aalmusal. Kumakain kasi siya ng biscuit
at umiinom ng softdrinks. Agad naman niya akong nilapitan, nang makita niya ako
ng palabas ng bakuran namin.
"Good morning, Ramz!" bati niya, habang patuloy na ngumunguya.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Sinusundo ko lang naman ang boyfriend ko!" malakas na sambit niya at narinig na
man ito ng mga tambay sa gilid ng bahay namin.
"Uuuuuyyy!! May syota na si Ramz!!" sambit ng isang tambay sa amin at nagtawanan
sila ng sabay-sabay. Ewan ko, kung bakit sobra akong nahihiya. Nagulat ako, nan
g biglang ilabas ni Janela ang baseball bat niya mula sa lalagyan at mabilis na
nagtungo sa mga tambay.
"PUNYETA KAYO!! MGA CHISMOSO!!" sigaw ni Janela at sabay-sabay na nagtakbuhan an
g mga tambay. Inawat ko naman si Janela, dahil may balak talaga itong habulin an
g mga yun.
"Bakit mo 'ko inawat! Masasabunutan ko sa sana yung kalbo e!" mabalis na sambit
niya.
"ULOL!! Paano mo naman masasabunutan ang kalbo?.. Tara na nga at mahuhuli na tay
o." sambit ko.
Naglalakad kami papasok ng DTU at hindi ko alam, kung bakit panay ang lingon ni
Janela sa paligid. Maya-maya ay may bumati sa akin na kaklase kong babae.
"Hi, Ramz! Sabay na tayo papuntang classroom!" sambit ng kaklase kong si Nilda a
t lumapit ito sa akin. Nagulat ako ng biglang pumagitna sa amin si Janela at nag
salita.
"Ehemm! Ehemm! Mawalang-galang na, Miss ano? Mas mabuti siguro'ng mauna ka na sa
classroom niyo.. Kasi... pag hindi ko na-kontrol ang sarili ko ay baka maihampa
s ko na lang bigla itong hawak ko sa mukha mo!" pananakot ni Janela at agad nama
ng naglakad ng mabilis si Nilda. Tawa ako ng tawa sa itsura ng kaklase ko, nang
marinig niya ang sinabi ni Janela. Takot na takot ito, na parang nakakita ng hal
imaw. Maya-maya ay bigla na naman akong kinausap ni Janela.
"Umayos ka, Ramz ha! Naku! Pag nabalitaan ko lang na may kinausap kang babae, ma

lilintikan kayong dalawa sa'kin!" pagbabanta niya.


"Grabe ka naman! Kahit kausapin lang sila bawal?" tanong ko!
"Ano ba?!! Bingi ka ba o ano?!! Di ba sabi ko BAWAL!!" galit na sambit niya.
Napahinto ako sa paglalakad at nagtaka siya.
"Oh, bakit ka huminto?" tanong niya. Napayuko ako at nagsalita.
"Naisip ko lang.. hindi ko na pala pwedeng kausapin ang Mama ko ngayon." sambit
ko.
"Aba, pilosopo ang gago!" mabilis na sambit ni Janela.
Bigla akong natawa sa sinabi niya at pumasok na kaming dalawa sa loob ng DTU. Na
iinis ako, kasi kailangan niya pa talaga ako'ng ihatid sa classroom namin. Pumas
ok kami sa loob at umupo na ako.
"Oh, siguro naman pwede ka ng umalis!" sambit ko at napansin kong tinitignan niy
a ang katabi kong babae na si Dianne. Kinausap niya ito, pero pabulong ang pagsa
salita niya.
"Miss, pwede lumipat ka na lang ng upuan? Ang sakit mo kasi sa mata eh. Kung pwe
de lang?" bulong niya sa katabi ko at pabulong din siyang sinagot nito.
"Ahmmmmm.. baka kasi mapagalitan ako ni--" napahinto sa pagsasalita si Dianne, n
ang makita niyang unti-unting nilalabas ni Janela ang baseball bat niya.
"Gusto mo bang mapagalitan ka nitong hawak ko?" muling bulong ni Janela at mabil
is namang lumipat ng upuan si Dianne.
Sa isip-isip ko, walangya itong si Janela. Lahat na lang ng babae sa paligid ko
tinakot na niya. Maya-maya lang ay nagulat ako, nang biglang pumunta sa harap si
Janela at nagsalita.
"EXCUSE ME!! PWEDE MAKINIG KAYO SA'KIN?!!" sigaw niya at napatingin naman lahat
ng kaklase ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang binabalak niya, pero nahihiya
ako sa ginagawa niya.
"GUYS, GUSTO KO LANG PO NA MALAMAN NIYO, NA BOYFRIEND KO PO SI RAMZ!! KAYA KUNG
MAY BALAK KAYONG LANDIIN ANG BOYFRIEND KO. ABAH EH, NGAYON PA LANG AY MAG-ISIP I
SIP NA KAYO!! MASAMA AKONG MAGALIT, ALAM NIYO YAN!" sambit niya at naglakad na s
iya palabas ng classroom namin. Nagtinginan at nagbulungan naman ang mga kaklase
ko sa sinabi ni Janela. Inis na inis ako sa ginawa niya at nagulat ako, dahil m
aya-maya ay bigla na naman siyang bumalik.
"RAMZ!!" sigaw niya sa pangalan ko.
Napatingin ako sa kanya at pati ang mga kaklase ko.
"Bakit?!" tanong ko sa kanya.
"I LAB YU, RAMZ!!" sigaw niya. Napalingon ang mga kaklase ko sa'kin at bigla ako
ng napayuko.
"HOY, Ramz!! Sabi ko, I LAB YU!" muling sigaw ni Janela, habang nakatayo siya sa
may pintuan ng aming classroom. Pero nanatili akong nakayuko sa sobrang hiya. B
igla namang nagsalita si Robert.

"Hoy, Ramz. I LAB YU daw sabi ni Janela. Sagutin mo ng I Lab yu too." bulong sa
akin ni Robert.
"Ayoko nga!" sagot ko. Bigla na lang akong nilapitan ni Janela at nagsalita.
"Itext mo na lang sa'kin yung sagot mo ha? Alam kong mahiyain ka." at nagulat na
lang ako nang bigla niya akong halikan sa noo at mabilis siyang lumabas ng clas
sroom. Paglabas ni Janela ay biglang naghiyawan ang mga kaklase ko.
"WHOOOOAHH!!"
"Nice one, Ramz! Nice one!" sambit ni Robert.
Hiyang-hiya ako ng mga oras na yun, pero inaamin ko na may naramdaman naman akon
g kilig sa mga ginawa ni Janela. Hindi ako galit sa kanya, kasi alam kong ipinik
ita niya lang kung gaano niya ako kamahal. First day pa lang namin na magkasinta
han, pero parang asawa na turing niya sa akin. Pero habang lumilipas ang mga ara
w ay unti-unti na rin akong nasasanay sa kanyang mga ginagawa. Kahit minsan medy
o nakakasakal na din, pero naiintidihan ko naman siya. Sadyang pinoprotektahan n
iya lang ang aming relasyon.
********
Lumipas ang mahigit isang taon at ngayon ay magtatapos na kami ni Janela sa coll
ege. Mahigit isang taon na rin kaming magkasintahan. Hindi nga ako makapaniwala
na tumagal kaming dalawa, na hindi man lang nag-aaway. Mahal na mahal niya ako a
t siyempre, mahal na mahal ko din naman siya. Palagi kaming masaya, sa tuwing ma
gkasama kaming dalawa. Walang humpay na kulitan, asaran at mga trip niya na pang
-out of this world. Para ngang wala na akong mahihiling pa, kundi sana ay hindi
na kami magkahiwalay. Iba talaga ang feeling, kapag palagi mo'ng kasama ang baba
e na tunay mo'ng minamahal. Lagi kang masaya at parang palagi kang inspired sa l
ahat ng iyong ginagawa.
Tatlong araw na lang at magpapaalam na kami sa Down Town University. Dati-rati a
y sabik na sabik na akong maka-graduate, pero ngayon ay parang hindi pa ako hand
ang lisanin ang DTU. Malaking bahagi sa buhay ko ang unibersidad na ito. Madami
kasi akong natutunan at naranasan dito. Natutunan kong, mahalaga pala talaga ang
magkaroon ka ng kaibigan. Natutunan ko rin dito, na hindi lang pala puro pag-aa
ral ang mahalaga. Minsan kailangan mo rin pa lang subukan ang ibang bagay, para
mas lalo mong ma-enjoy ang college life. Kasi pagkatapos nito, ibang mundo naman
ang papasukan mo. Yun ang mundo kong saan magsisimula ka ng magkaroon ng respon
sibilidad at sisimulan mo ng maglakad patungo sa iyong mga pangarap.
Iba't-ibang mga karanasan naman ang naranasan ko dito sa DTU. Dito ko naranasan
kung paano maging masaya, masaktan at magmahal. Kaya naman, hindi'ng-hindi ko ma
kakalimutan ang unibersidad na ito. Dahil dito sa lugar na ito nahulma ang aking
pagkatao.
Wala kaming klase ng mga oras na yun, nang biglang dumating si Janela. Niyaya ni
ya akong magmeryenda at agad naman akong sumama. Nagtungo kami sa canteen at nag
ulat naman ako, nang makita kong budget meal ang binili niya. Hindi pa daw kasi
siya nag-aalmusal, dahil tinanghali siya ng gising kaninang umaga. Maya-maya lan
g ay napansin ko na namumutla ang mukha niya at para siyang nanghihina. Agad ko
siyang tinanong.
"Janela, masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya at parang nagulat siya
.
"Hindi noh! Puyat lang ako." mabilis niyang sagot at hindi na ako muling nagtano
ng pa.

Nang matapos kaming kumain ay tumambay kami sa baseball field. Naninibago ako sa
ikinikilos ni Janela, buhat pa kanina. Paulit-ulit ko naman siyang tinatanong,
kung ayos lang ba talaga siya. Sumasagot naman siya ng "Oo", pero hindi talaga a
ko mapalagay. Maya-maya lang ay isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at ang
sabi niya ay iidlip lang daw siya ng konti. Hinayaan ko naman siya sa gusto niy
a. Isang oras mahigit din siya nakasandal sa kanang balikat ko at napakahimbing
ng tulog niya. Naisip ko, puyat nga talaga itong taong 'to. Kaya naman hinayaan
ko pa siyang matulog ng konti. Lumipas muli ang kalahating oras at hindi pa rin
siya nagigising, kaya naman sinimulan ko na siyang tapik-tapikin. Pero ayaw niya
talagang magising, kahit medyo napapalakas na ang pagtapik ko sa kanya. Parang
walang epekto, kaya naman unti-unti na akong binalot ng matinding kaba. Hindi ko
alam kung bakit hindi siya nagigising. Sobrang natataranta na ako ng mga oras n
a yun. Naisip kong dalhin siya sa clinic, pero ng simulan ko na siyang buhatin a
y hindi ko man lang siya maiingat kahit konti. Kaya naman tumawag ako ng isang e
studyante sa di-kalayuan, para magpa-tulong na buhatin si Janela papuntang clini
c.
Nang makarating kami ng clinic ay agad nilang sinuri si Janela. Buti na lang nan
doon si Dr. Presto at kakatapos niya lang na mag-klase sa College of Medicine. H
indi nila ako pinapasok sa loob at ang sabi nila ay sila na daw ang bahala. Nagh
intay ako sa labas ng clinic ng matagal. Hindi ako mapakali ng mga oras na yun a
t maya-maya lang ay nagulat ako sa pagdating ng tita ni Janela.
"Ramz, iho. Kamusta na si Janela?" pag-aalalang tanong ni tita Mildred.
"Tita, nasa loob pa siya at sinusuri ng duktor." mabilis na sagot ko.
"Naku po, diyos ko! Buti na lang tinawagan agad ako ni Dr. Presto, dahil paalis
na sana kami ng mga ka-office mate ko papuntang cebu." sambit niya.
Hindi mapakali si Tita Mildred ng mga sandaling yun. Pabalik-balik siya sa pagla
lakad sa harapan ng clinic at pansin sa kanya ang matinding nerbyos. Maya-maya p
a ay bumukas ang pinto ng clinic at tinawag ng duktor si Tita Mildred. Agad nama
ng pumasok si Tita sa loob at isinara din nila agad ang pinto. Gusto ko sanang p
umasok, pero parang pinagbabawal ng duktor. Kaya naman naupo na lang ako sa gili
d at muling naghintay. Mahigit kalahating oras ang lumipas, nang biglang bumukas
ang pintuan ng clinic. Nakita kong inaakay ni Tita Mildred si Janela at napansi
n kong nanghihina pa rin ito. Agad ko silang sinalubong at kinamusta si Janela.
Napangiti naman ito at nagsalita.
"Ano ka ba, Ramz. Napaka-nerbyoso mo naman. Kumalma ka nga! Hinimatay lang ako,
kasi low blood ako. Kaya naman minsan nahihilo at nawawalan ako ng malay." paliw
anag niya.
Nakahinga ako ng maluwag sa mga sinabi niya. Akala ko, kung ano na. Kinabahan ak
o ng husto sa nangyari, akala ko malalang karamdaman na. Napangiti ako at muling
nagsalita.
"Basta magpahinga ka na ha? Wag ka na kasing magpupuyat! Alam mo naman pa lang l
ow blood ka. Ang tigas talaga ng ulo mo!" sambit ko.
"Oo na, Boss! Sorry na! Di na mauulit." pabirong sagot niya.
Bigla namang nagsalita si Tita Mildred.
"O sige, Ramz. Iuuwi ko muna itong pamangkin ko at ng makapag-pahinga. Ikaw din
bumalik ka na sa klase mo ha?" sabi niya.
"Opo, Tita... Sige po, mag-iingat po kayo ha." at naglakad na kami palabas ng cl

inic.
Hinatid ko sila hanggang sa gate ng DTU at bago sumakay si Janela ay kinausap ko
muna siya.
"Janela, paano ang graduation ball natin? Makakapunta ka ba?" tanong ko.
Napangiti siya sa tanong ko at bumitaw siya sa Tita niya para lapitan ako. Hinaw
akan niya ang pisngi ko at tinignan niya ako sa mga mata.
"Oo naman! Gusto ko kaya makasayaw ang boyfriend ko. Kailangan ko lang magpahing
a ng konti, para may lakas akong makapunta sa graduation ball natin." sagot niya
.
Napangiti naman ako at niyakap ko siya. Sa isip-isip ko, wala na akong dapat pan
g alalahanin. Sumakay na sila sa kotse at agad silang umalis. Bumalik na rin ako
sa klase, dahil baka may professor na kami.
Kinabukasan.
Pag-gising ko ay bigla kong napansin ang Coat and Tie na naka-hanger sa ding-din
g ng kwarto ko. Agad akong napabangon at tinignan ko ito. Kinuha ko ito at mabil
is akong lumabas ng kwarto. Nakita ko si Mama na nagluluto sa kusina at nilapita
n ko siya.
"Ma, saan galing ito? Ang ganda!" nakangiting tanong ko.
"Ah.. yan ba?.. Galing yan sa pinsan mo'ng si Clifford. Hiniram ko, para may isu
ot ka sa Graduation ball niyo bukas!" sagot ni Mama.
Mabilis ko siyang nilapitan at niyakap.
"Thanks, Ma! Hindi mo alam, kung gaano ako kasaya at ka-excited na isuot ito buk
as!" sambit ko at hinalikan ko siya sa pisngi.
Hindi maalis ang ngiti ko sa labi, habang pinagmamasdan ang isusuot ko sa gradua
tion ball. Napaka-ganda nito at mukhang mamahalin.
Papasok na ako sa DTU, nang makasabay ko si Clarence na pumasok sa gate. Agad na
man niya akong binati at kinamusta.
"Dude, magandang umaga. Kamusta na ang mga sugat mo?" sambit niya.
"Ayos lang naman, bro. Naghilom na ang mga sugat, pero paminsan-minsan sumasakit
pa rin." sagot ko.
"Ahh.. ganon ba, dude... By the way... kamusta naman si Janela?.. Narinig ko na
isinugod mo daw siya sa clinic yesterday." muling tanong niya.
"Oo, bro. Ang sabi niya.. normal lang daw sa kanya na himatayin.. kasi low blood
daw siya.. pero wala na tayong dapat ipag-alala sabi niya. Hindi naman ata gano
n kalala yung karamdaman niya." mahabang sagot ko.
Naghiwalay kaming dalawa sa gitna ng campus. Bandang dulo pa kasi ang building n
ila, malapit sa building nila Janela. Nang makarating ako sa klase ay abala ang
lahat sa pakikipag-kwentuhan. Katulad ko, excited din sila sa magaganap na gradu
ation ball bukas. Nagpapayabangan sila sa kanilang mga isusuot, kaya naman hindi
ko rin maiwasan na mapangiti. Dahil naiisip ko din, kung gaano kaganda ang isus
uot ko bukas. Wala na kaming klase nang araw na yun. Sandali lang nagpakita ang
Adviser namin, para ipaalam ang oras ng program bukas. Nag-uwian kami, nang hind

i ko man lang nakikita si Janela. Sa isip-isip ko, malamang nagpapalakas siya pa


ra maka-attend siya sa graduation ball bukas. Umuwi ako ng malungkot, dahil hind
i ko nakita buong araw ang babae'ng pinaka-mamahal ko.
.
.
.
.
.
.
#IMISSYOUNA!!

*******************************************
Chapter 17- Graduation Ball
*******************************************
Sumapit na nga ang araw ng Graduation ball namin. Ilang oras na lang ay pupunta
na ako sa DTU at makikita ko na muli si Janela. Hindi ako mapakali ng mga sandal
ing yun. Paulit-ulit kong tinitignan ang sarili ko sa salamin, habang suot-suot
ang Coat and Tie na nahiram ni Mama sa pinsan ko. Paulit-ulit kong inayos ang bu
hok ko at pinaliguan ko ang buong katawan ko ng pabango. Alas-siyete kasi magsis
imula ang program, kaya naman alas-sais pa lang ay umalis na ako ng bahay.
Nang makarating ako sa DTU ay napansin ko agad ang tumpukan ng mga estudyante do
on. Bawat kurso ay may sariling grupo, kaya naman naglakad ako sa paligid para h
anapin ang mga ka-grupo ko. Ilang sandali lang ng paglalakad ko ay nakita ko na
ang mga kaklase ko at agad naman akong tinawag ni Robert, para lumapit sa kanila
.
"Ang astig ng suot mo, dre! Ang bangis!! Mukha ka na talagang business man ngayo
n." pagbibiro ni Robert.
Napangiti naman ako sa sinabi niya at maya-maya ay may lumapit sa aking babae. N
aka-dress ito ng kulay pink at may design na bulaklak sa may bandang dibdib nito
. Nang pagmasdan ko ang mukha niya ay napansin kong si Erika pala yun.
"Hi, Babe!... ay este, Ramz." nakangiting sambit nito.
Napangiti naman ako, pero hindi ako nakapag-salita.
"Long time no see, ha! Kumusta naman kayo ni Janela?" tanong niya at medyo nahih
iya naman akong sagutin siya.
"Ahmmm.. medyo ayos naman.. ikaw? Kamusta ka na?" tanong ko.
"Eto, hindi okay. Mula nang magkahiwalay tayo, palagi na akong malungkot." pagta
tapat niya.
Hindi ko alam, kung bakit masyado akong guilty sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko
, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakaka-recover sa paghihiwalay namin.
"Erika.. ahmmm.. I'm so, sorry! Hindi ko nama---." bigla na lang niya tinakpan n

g isang daliri niya ang bibig ko.


"Stop!! Di mo kailangang humingi ng tawad, Ramz. Naiintindihan ko!... Thankful n
ga ako.. kasi ikaw ang naging first BF ko. Kung sa iba ako napunta... malamang b
aka nag-take advantage na sila sa kahinaan ko... pero ikaw... nirespeto mo 'ko."
mahabang sambit niya, habang nakangiti.
Hinalikan niya ako sa pisngi at niyakap.
"Ramz, i hope... hindi mo 'ko makalimutan.. kahit hindi na tayo!" muling sambit
niya.
"Oo, naman! Naging malaki'ng parte ka ng buhay ko, Erika. Kaya hinding-hindi kit
a makakalimutan." pabulong na sagot ko sa kanya. Naramdaman ko, na mas hinigpita
n niya pa ang pagkakayakap sa'kin at maya-maya lang ay nagpaalam na siya.
"Sige, Ramz! Good luck sa inyo ni Janela!... Bye!" tumalikod siya at napansin ko
ng pinupunasan niya ang mga mata niya habang naglalakad.
Naawa ako sa kanya ng mga oras na yun, habang pinagmamasdan siyang naglalakad pa
layo. Sa isip-isip ko, darating din ang tamang lalake para sayo, Erika. Ang lala
keng karapat-dapat sa pagmamahal mo. Huwag ka sanang mapagod magmahal at maghint
ay.
Ilang sandali pa ay may nagsalita na professor at pinapapasok na kaming lahat. K
ami'ng mga estudyante muna ang unang pumasok sa Gym, kung saan magaganap ang Gra
duation Ball. Napansin ko na pinapalibutan ng mga kulay dilaw na ballons ang ent
rance ng Gym at ang ganda nito. Habang naglalakad kami papasok ay panay ang ling
on ko sa paligid. Pilit kong tinatanaw si Janela, pero hindi ko pa rin siya maki
ta. Nang makapasok ang grupo namin ay namangha kami sa pagkaka-ayos ng loob ng G
ym. Nakalagay ang mga pangalan ng bawat kurso sa mga mapuputing lamesa at upuan.
Punong-puno naman ng mga dekorasyon ang paligid at maganda rin ang pagkaka-ayos
ng stage. Agad naman silang nag-picture taking sa loob. Ako naman ay tumayo sa
ibabaw ng bleacher at patuloy na tinatanaw kung nasaan si Janela. Hindi ko pa ri
n siya mahanap, hanggang sa nagsimula na nga ang program.
Unang nagsalita ang mga Dean at nang matapos ang seremonyas nila ay nagsimula na
kaming mag-dinner. Masarap ang nakahandang pagkain para sa amin at madami ang k
lase ng putahe. Isang oras din mahigit ang tinagal ng aming kainan at pagkatapos
nun ay nagsimula na nga silang magpatugtog ng mga masasayang kanta. Ang iba ay
nag-umpisa ng sumayaw at ang iba naman ay nagpapahinga dahil katatapos pa lamang
kumain.
Nanatili akong nakaupo sa harap ng lamesa namin at pinapanood ang mga estudyante
ng sumasayaw. Maya-maya ay bigla akong napatingin sa entrance ng Gym at nakita k
ong nakatayo doon si Janela.
Napatingin ang lahat sa pagdating niya. Ang iba naman ay natutulala sa taglay ni
yang ganda ng mga oras na yun. Hindi ko alam, kung bakit biglang nag-slowmo ang
paligid ko habang nakatingin ako sa kanya. Dahan-dahan akong napatayo at patuloy
pa rin akong nakatulala sa kanya. Naka-cocktail dress siya na shade of gray ang
kulay at may shimmering effect pa. Ang mga paa naman niya ay naka-suot ng wedge
na kulay silver na mas lalo namang bumagay sa suot-suot niya. Medyo curly naman
ang pagkaka-ayos ng buhok niya at naka-pink lipstick ang labi niya.
Lalapitan ko na sana siya, nang bigla nilapitan siya ni Clarence at hinalikan an
g kamay niya. Napangiti naman si Janela at agad siyang hinila ni Clarence sa git
na para sumayaw. Sa isip-isip ko, ganon sila ka-close? Kailangan may pahalik-hal
ik pa sa kamay? Pinagmasdan ko silang dalawa, habang sila ay sumasayaw at napans
in kong bagay pala silang dalawa. Gwapo si Clarence at maganda naman si Janela,

para silang prinsipe at prinsesa nang gabi'ng yun. Hindi ko maintindihan, kung b
akit nanliliit ako sa sarili ko ng mga sandaling yun. Pakiramdam ko, hindi kami
bagay ni Janela. Hindi ako gwapo at cool, tulad ni Clarence. Hindi ako marunong
ng baseball, na paboritong laro ni Janela. Hindi ako sikat sa DTU at mas lalong
hindi ako mayaman.
Muli akong naupo at patuloy silang pinagmamasdan na dalawa, habang patuloy na su
masayaw. Maya-maya pa ay nabigla ako, nang lapitan ako ni Erika at nakangiti ito
.
"Pwede ba kitang maisayaw kamahalan?" sambit niya at nakayuko ito, habang nasa h
arapan ko ang kamay niya.
Napa-ngiti naman ako sa sinabi niya at sa itsura niya. Kaya naman sinagot ko siy
a.
"Ikinararangal kong maisayaw ka, magandang Binibini." sagot ko at hinawakan ko a
ng kamay niya. Nagulat ako, nang bigla niya akong hinila papunta sa kinaroroonan
nila Clarence at Janela. Hinawakan ni Erika ang dalawa kong kamay at sapilitang
inilagay sa bewang niya. Hindi na ako nakatanggi at agad naman niyang inilagay
ang dalawa niyang kamay sa magkabilang balikat ko. Napangiti na lang ako at nagumpisa na kaming sumayaw. Nabigla ako, nang makita kong nakatingin na pala sa ak
in ng masama si Janela. Napalunok ako sa sobrang takot, dahil tila pinagbabantaa
n ako ng mga mata niya. Umiwas ako ng tingin sa kanya, dahil hindi ko na kinaya
ang tensiyon. Maya-maya lang ay biglang nag-iba ang music at naghiyawan naman an
g mga estudyante nang marinig nila kung anong kanta yun. "A Little bit" by. MYMP
. Bigla namang nag-iba ang kulay ng disco lights at napuno ang paligid ng kulay
pulang ilaw.
Nagulat naman ako, nang bigla akong bitawan ni Erika at naglakad siya palapit sa
pwesto nila Janela. Kinausap niya si Clarence.
"Pwede ba kitang maisayaw, Renz? Crush kasi kita!" sambit niya at nagulat naman
si Clarence sa sinabi niya. Napakamot ito sa ulo at nagsalita.
"Sure! Sure!" pagsang-ayon niya. Binitawan ni Clarence si Janela at agad niyang
hinawakan ang kamay ni Erika.
Nagulat ako ng biglang lumingon sa akin si Erika at sinenyasan niya ako sa pamam
agitan ng nguso niya. Itinuturo ng nguso niya si Janela, nais niya yatang lapit
an ko ito.
Napakamot ako sa ulo at nakangiting nilapitan si Janela. Pareho kaming nakayuko
at tila nagkakahiyaan. Hindi ko alam, kung paano ako magsisimula at paano ko siy
a isasayaw. Maya-maya ay bigla na lang niya akong pinalo sa ulo.
"Aray!! Bakit?" mabilis na tanong ko, habang hinihimas ko ang ulo ko na tinamaan
ng kamay niya.
"Wala ka bang balak isayaw ang girlfriend mo?!!" malakas na sambit niya at pinag
tinginan kami ng mga estudyanteng sumasayaw.
"Huwag mo namang lakasan ang boses mo." pabulong na sambit ko. Hinawakan ko ang
dalawang kamay niya at inilagay ko sa magkabilang balikat ko. Medyo nahiya siya
at umiwas ng tingin sa akin. Hinawakan ko ang bewang niya at sinimulan ko na siy
ang isayaw. Napaka-tahimik naming dalawa, habang sumasayaw. Tila nagpapakiramdam
an lang kaming dalawa at hinihintay kung sino ang unang magsasalita. Napa-bunton
g hininga ako at nilakasan ko ang loob ko na magsalita.
"Ang ganda mo ngayong gabi, Janela." bulong ko. Nagulat ako, nang biglang kumuno

t ang noo niya at napatingin siya sa'kin ng masama.


"Ano'ng ibig mong sabihin, Ramz?! Ngayong gabi lang ako maganda?!... Sinasabi mo
bang panget ako araw-araw?!!" inis na sambit niya. Nagulat ako sa reaksiyon niy
a at agad naman akong nagsalita.
"Hindi naman sa ganon, Janela... Maganda ka araw-araw, pero mas maganda ka ngayo
ng gabi." pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Siguraduhin mo lang na totoo yang sinasabi mo ha?!! Kung hindi puputulin ko yan
g ano mo!" pagbabanta niya, habang nakatingin sa may bandang zipper ng pantalon
ko.
"Ooops! Ooops! Easy ka lang! Ang bilis namang uminit ng ulo mo eh."
Bigla na lang niya akong hinila palapit sa kanya at niyakap ako. Magkayap na kam
ing dalawa ng mga sandaling yun, habang patuloy na sumasayaw. Naamoy ko ang maba
ngong perfume ni Janela at napaka-sarap niya talagang yakapin. Ilang sandali pa
ay muli siyang nagsalita.
"Ramz, mahal mo ba ako?" pabulong na tanong niya at natawa naman ako sa sinabi n
iya.
"Siyempre naman! Mahal kita, Janela" pabulong din na sagot ko.
"Gaano mo naman ako ka-mahal?" muling tanong niya.
Napaisip ako at parang nahirapan akong sagutin ang tanong niya.
"Gaano nga ba?... ahmmmm.. Hindi ko maipaliwanag eh... Ang alam ko lang.. para k
ang Hangin... Na kapag nawala ka sa buhay ko.. maaari ko itong ikamatay!" sagot
ko.
Bigla na lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin at nagsalita.
"Natututo ka na rin bumanat ha!" sambit niya at nararamdaman ko na naka-ngiti si
ya.
Maya-maya lang ay huminto na ang music at may nagsalita na sa stage. Nagulat ako
, nang bigla akong hinila ni Janela patungong Exit at lumabas kami. Nang makalab
as kami ay bigla kaming huminto sa gilid ng Gym.
"Bakit tayo lumabas?" pagtatakang tanong ko.
"May sasabihin kasi ako, Ramz. Importante!" at halata sa mukha niya ang pagiging
seryoso. Tumahimik ako at hinintay ang sasabihin niya.
"Ganito kasi yun, Ramz. Tumawag si Papa kagabi sa akin at pinapapunta niya ako n
g London. Kailangan niya daw ako doon eh." sambit niya.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa mga sinabi niya. Napayuko ako at hindi naka
pag-salita. Hinawakan naman niya ang baba ko at inangat para tumingin sa kanya.
"Ramz, wag ka ng malungkot. Tatlong taon lang naman ako mawawala eh. Pagkatapos
nun babalik ako agad at di na ako muling aalis pa. Pangako!" pagpapaliwanag niya
. Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa baba ko at hinalikan ko ito.
"Kailan ba ang alis mo?" mahina kong sambit.
"Three days, after ng graduation." sagot niya.

Napayuko akong muli at nagsalita.


"Masyado naman yatang mabilis, Janela. Hindi ako handa para dito. Isang araw pa
nga lang na hindi kita makita, parang mababaliw na ako. Tatlong taon pa kaya?" n
apangiti siya at nagsalita.
"Ramz, mahirap din para sa akin 'to. Pero kailangan nating magtiis. Para sa atin
din naman itong gagawin ko. Para maipakilala na kita kay Daddy at Mommy, pagbal
ik ko." sambit niya.
Naisip kong tama ang mga sinabi niya. Sabagay, kailangan din naman niyang makasa
ma ang Mommy at Daddy niya. Alam ko, na gusto niya na rin itong makapiling. Masa
kit man para sa akin, pero kailangan ko itong tiisin. Napatingin ako sa mga mata
niya at nagsalita.
"O sige na. Pumapayag na ako." pagsang-ayon ko.
Agad naman niya akong niyakap ng mahigpit at nagpasalamat.
"Thanks, Ramz! Salamat at naintindihan mo."
"Lahat kaya kong tiisin para sayo, Janela." bulong ko.
Maya-maya ay bigla siyang kumalas sa pagkakayakap at nagsalita.
"Ramz, gusto kong subukin ang relasyon natin." muli niyang sambit.
Napakunot ang noo ko at agad ko siyang tinanong.
"What do you mean?"
"Gusto kong malaman, kung mamahalin pa rin ba natin ang isa't-isa kahit na wala
tayong communication ng tatlong taon." seryosong sambit niya.
"Ha??? Are you out of your mind, Janela? Okay ka lang?? Three years na walang co
mmunication? Niloloko mo ba ako?" inis na tanong ko sa kanya.
"Gusto ko lang naman malaman, kung kakayanin nating dalawa eh at kung hanggang s
aan aabot ang relasyon natin?!! Pero sa tingin ko hindi mo kaya, kaya wag na lan
g!" may tono ng galit sa kanyang pananalita. Naglakad siya patungong entrance n
g Gym, pero agad ko naman siyang pinigilan.
"Wait! Wait!" hinawakan ko ang braso niya at hinarap ko ang katawan niya sa akin
.
"Mahirap ang pinapagawa mo, Janela. Pero sige! Gawin natin, pero sa isang kundis
yon." sambit ko.
"Anong kundisyon?" tanong niya.
"Bago ka umalis, dapat isang buong araw muna tayong magsasamang dalawa." sagot k
o.
Napangiti siya at agad akong niyakap ng mahigpit.
"Sige! Pumapayag ako sa kundisyon mo." sambit niya.
Kumalas ako sa pagkakayakap at tinignan ko siya sa mga mata.

"Teka-teka!! Bakit parang tuwang-tuwa ka na wala tayong communication sa loob ng


tatlong taon? Nakakapagduda, Janela ha!" seryosong sambit ko.
Niyakap niya akong muli at bumulong siya sa kaliwang tenga ko.
"Wala kang dapat ipagduda, Ramz. Mahal na mahal kita, alam mo yan! Ikaw ang buha
y ko."
Napangiti ako sa sinabi niya at ginantihan ko din siya ng yakap. Maya-maya lang
ay muli siyang nagsalita.
"Ramz, alam ko na kung saan tayo pwedeng mamasyal na dalawa." sambit niya.
"Saan naman?" mabilis na tanong ko.
"Sa bulacan, kung saan naroroon ang Puno ng Pag-ibig!" sagot niya.
"Puno ng Pag-ibig? Meron ba'ng ganon?"
"Oo! Basta dadalhin na lang kita dun." sambit niya. Ilang sandali pa ay muli kam
ing pumasok sa loob ng Gym at muli kaming sumayaw. Sa totoo lang, malungkot ako
ng mga oras na yun. Pero dinaan ko na lang ang lahat sa sayaw at kinalimutan ko
ang mga sinabi ni Janela. Gusto kong maging memorable sa aming dalawa ang gabi'n
g yun. Sumayaw kami ng sumayaw, hanggang sa kaming dalawa ay mapagod.
.
.
.
.
.
#DANCE! #DANCE! #DANCE!

*******************************************
Chapter 18- The Promise
*******************************************
Handang-handa na ako para sa pamamasyal namin ni Janela. Sabik na sabik na akong
pumunta sa lugar kung saan matatagpuan ang Puno ng Pag-ibig. Medyo nako-korniha
n nga ako, pero hayaan mo na mukhang masaya naman. Sa kabilang banda ay nalulung
kot din ako, kasi bukas na ang alis ni Janela papuntang London. Tatlong taon din
siyang mawawala at tatlong taon din ako mangungulila sa kanya. Ilang oras ko ng
inaayos ang buhok ko, pero parang hindi ako makuntento. Paulit-ulit kong inaayo
s at maya-maya guguluhin ko uli. Napatingin si mama sa'kin at napangiti.
"Tama na yan! Gwapo ka na! Mababasag na yung salamin, kanina ka pa kasi dyan." p
agbibiro ni Mama.
"Ma, umayos ka nga! Hindi ako makapag-concentrate sa pag-aayos ng buhok ko." sam
bit ko.
Nilapitan ako ni Mama at niyakap.
"Anak, dahan-dahan lang sa pagmamahal ha? Magtitira ka, para sa sarili mo. Para

kahit masaktan ka, hindi siya masyadong masakit at magagawa mo pang muling magma
hal." pabulong na sambit ni Mama, habang nakayakap sa'kin.
"Ma, wag kang mag-alala. Hindi ako sasaktan ni Janela, mahal ako nun."
"Kahit na, anak! Basta limitahan mo lang ang sarili mo, pagdating sa pag-ibig. T
andaan mo, mapaglaro ang tadhana at hindi mo alam kung hanggang kelan kayo susub
ukin nito. Magpakatatag kayong dalawa. " muling sambit ni Mama.
"Opo, Ma. Tatandaan ko po ang mga sinabi niyo." at niyakap ko din siya ng mahigp
it.
Nagpaalam na ako at umalis na papunta sa bahay nila Janela. Kalahating oras lang
ang biyahe ko at nakarating na agad ako sa kanila. Naghihintay ako sa may pintu
an nila at ilang sandali pa ay nakita ko na siyang pababa ng hagdan. Napa-nganga
ako sa ganda ni Janela ng mga oras na yun. Hindi ko alam, kung bakit nag-slowmo
na naman ang paligid habang nakatingin ako sa kanya. Malayong-malayo na siya sa
Janela, na kinatatakutan sa DTU. Ito na ang bagong Janela na hinahangaan ng lah
at, dahil sa taglay niyang ganda.
Tumakbo siya palapit sa akin at mabilis akong hinalikan sa pisngi.
"Kanina ka pa?" tanong niya, pero parang wala pa ang diwa ko ng mga sandaling yu
n. Nakatulala pa rin ako sa kanya at parang nahipnotismo ako sa taglay niyang ga
nda.
"Ramz?! Hello?? Ayos ka lang?" muling sambit niya, habang kinakaway-kaway ang ka
may niya sa mukha ko.
Bumalik naman ako sa katinuan at napa-buntong hininga ako.
"Whooah!! Ano tara na?" tanong ko. Inilapit ko sa kanya ang braso ko at agad nam
an niya itong hinawakan.
"Let's go!"
Gamit namin ang kotse nila at kasama namin ang drayber na pumunta sa bulacan. Ha
bang nasa biyahe kami ay walang tigil kaming nag-selfie ni Janela. Grabeh adik s
a selfie! Maya-maya lang ay solo na lang niya akong pini-picturan. Ang kulit-kul
it, sabi niya para daw may mapagmasdan siya kapag nalulungkot siya sa London. In
abot din kami ng mahigit dalawang oras sa biyahe, bago namin marating ang San Mi
guel bulacan. Bumaba kami sa gilid ng isang gubat at naglakad papunta sa sinasab
i niyang, Puno ng Pag-ibig.
Medyo malayo-layo din ang nilakad namin bago namin marating ang punong yun. Nama
ngha ako sa ganda ng lugar na yun. Maraming damo sa paligid at madaming ligaw na
bulaklak. Sariwa din ang simoy ng hangin at napaka-sarap sa pakiramdam. Dati-ra
ti sa pelikula ko lang nakikita ang mga ganito kagandang lugar, pero ngayon nand
irito ako at kasama ang pinaka-mamahal kong babae. Ang laki ng puno at nag-iisa
lang ito sa lugar na yun. Maya-maya ay nagsalita si Janela.
"Alam mo, Ramz? Nalaman ko kay tita Mildred ang lugar na ito. Ang sabi niya, noo
ng kabataan daw nila ay madalas daw puntahan ang lugar na ito ng mga magkakasint
ahan." kwento niya, habang pinagmamasadan niya ang malaking puno na yun.
Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanang kamay niya.
"Salamat, Janela. Kasi dinala mo ako sa napaka-gandang lugar na ito." sambit ko.
Napangiti siya at tinignan ako sa mga mata.

"Ramz, ano ang pangarap mo sa buhay?" seryoso niyang tanong at napaisip ako ng m
atagal.
"Ako?? Ahmmm.. Gusto kong makahanap ng magandang trabaho at magkaroon ng maganda
ng posisyon sa kumpanya... Gusto kong guminhawa ang buhay namin ni Mama... yun l
ang!..." sagot ko.
Napangiti siya at ibinaling ang tingin sa paligid. Pinikit niya ang mga mata niy
a at tila dinadama niya ang simoy ng sariwang hangin. Muli akong nagsalita.
"Eh ikaw, Janela?.. Ano ang pangarap mo sa buhay?" tanong ko. Natagalan bago siy
a sumagot at muli siyang napatingin sa akin.
"Ahmmm... Wala na! Kasi natupad na ang nag-iisang pangarap ko." sambit niya at n
akangiti ito.
Nagtataka ako, kung ano ang pangarap niya na natupad. Kaya naman agad ko siyang
tinanong.
"Ano'ng pangarap yun?" muli kong tanong.
Natahimik siya ng ilang sandali, bago siya nakasagot.
"Ikaw!... Ikaw lang naman ang pangarap ko... at ngayon na akin kana... wala na a
kong mahihiling pa!" napangiti ako sa sagot niya at medyo kinilig, kaya naman ni
yakap ko siya ng mahigpit.
"Ang korni mo!" bulong ko sa kanya.
"Anong korni? Hoy, Ramz! Pag nagmahal ka, wala yang korni-korni na yan! Ang arte
nito!" seryoso niyang sambit.
Napangiti ako sa reaksiyon niya at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap
ko sa kanya. Ilang sandali pa, habang nakayakap ako sa kanya ay muli siyang nags
alita.
"Teka-teka!! May bago pala akong pangarap, Ramz." sambit niya. Napakalas ako sa
pagkakayakap sa kanya at tinanong ko siya.
"Ano namang pangarap yan?"
" Pangarap kong matupad... ang lahat ng mga pangarap mo, Ramz.." sagot niya.
"Hay naku, Janela. Malapit ka ng maging pop corn! Ang corni-corni mo eh!" sambit
ko at napatawa ako ng malakas.
"Sige, tawa pa! Malapit na akong maasar sa pagmumukha mo, Ramz ha! Pag ako naini
s iuuntog kita sa puno!!" asar na asar siya ng mga oras na yun. Umupo kami sa ta
bi ng puno at naka-akbay ako sa kanya.
"Janela, bukas na ang alis mo papuntang London. Alam mo mami-miss kita." bulong
ko sa kanya.
"Ramz... 3 years lang naman ako doon eh.. pagkatapos nun.. uuwi na rin ako agad.
.. at gusto ko dito tayo magkita pagbalik ko.."
Medyo nalungkot ako, nang maalala ko na paalis na pala siya bukas. Tinignan ko a
ng relo ko at nainis ako dahil parang napaka-bilis ng oras. Napa-buntong hininga
ako at muling nagsalita.

"Hihintayin kita, Janela. Magsisikap akong makahanap ng magandang trabaho, para


maging karapat-dapat ako sayo... Gusto ko balang-araw maipag-malaki mo ako sa Mo
mmy at Daddy mo." seryoso kong sambit at niyakap naman ako ng mahigpit ni Janela
.
Hindi na siya nagsalita mula nun. Nanatili lang siyang nakapikit at nakayakap sa
akin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung kakayanin kong malayo sa kanya ng tatlo
ng taon. Pero kakayanin ko at gusto ko pagbalik niya ay may maayos na akong buha
y. Isang oras din kaming nakaupo sa tabi ng malaking puno na yun at maya-maya la
ng ay biglang nagsalita si Janela.
"Ramz, sabi nila.. Pag nagsumpaan daw tayo na magmamahalan dito sa harap ng Puno
ng Pag-ibig.. sabi nila... ay magsasama daw tayo habang buhay... Sumumpa tayo,
Ramz!"
Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at tinignan ako sa mga mata.
"Totoo ba yan?" tanong ko.
"Wala namang mawawala, Ramz. Kung susubukan natin di ba?" sambit niya at sumangayon naman ako sa gusto niya.
Itinaas niya ang kanang kamay niya, bilang simbolo ng kanyang panunumpa.
"Ako.. Si Janela Miranda.. ay nangangako.. na mamahalin si Ramz Vega.. habang bu
hay..."
Napapangiti ako sa ginagawa niya, pero maya-maya lang ay bigla na lang tumulo an
g luha niya mula sa kanyang mga mata. Nagulat ako at huminto ako sa pag-ngiti.
"... sa kanya ko lamang iaalay... ang buong buhay ko... pati ang aking kaluluwa.
.. Ano man ang pagsubok na dumating... ay hindi magiging hadlang... sa pagmamaha
l ko sa kanya.. Maging sa kabilang buhay... ay mananatili akong tapat sa kanya..
. Ako si Janela Miranda at ito ang pangako ko... sa harap ng Puno ng Pag-ibig."
sambit niya at pinunasan na niya ang luha sa kanyang magkabilang pisngi.
Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit at nagpasalamat.
"Salamat, Janela."
Patuloy pa rin siyang umiiyak at hindi ko alam, kung bakit? Kaya naman umisip ak
o ng paraan, para patawanin siya ng mga oras na yun. Maya-maya ay kumalas ako sa
pagkakayakap sa kanya at itinaas ko ang aking kanang kamay, bilang simbolo ng p
anunumpa. Nagulat siya at napangiti ng nakakaloko.
"Ako... Si Ramz Vega.. ay nangangako.. na hindi kailanman pagtataksilan... si J
anela Miranda... Tatakpan ko... ang aking mga mata... pag may makikita akong...
babaeng maganda.."
Napapangiti siya sa mga sinasabi ko at nagpatuloy ako sa panunumpa.
"... akoy maghihintay... sa kanyang pagbabalik... at nangangako... na siya lang
ang aking mamahalin... peksman... mamatay man... super man... bat man... gulaman
... Saksi ang mga damo... mga bulaklak... at hanging amihan... sa pununumpa kong
ito... Ako si Ramz Vega... at ito ang pangako ko... sa harap ng Puno ng Pag-ibi
g." patuloy pa rin siya sa pag-ngiti at bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"Ramz, I Love You." bulong niya.
"Ano??" tanong ko.

"Sabi ko.... I Love you." muli niyang sambit.


"Ano yun?"
"Putcha!! ang bingi ng ilong mo ha!! Sabi ko... I LOVE YOU!!!"
"Ay, ganon ba... I Love You too. hahaha!!"
Matagal kaming magkayakap ng mga sandaling yun. Parang ayaw ko ng umandar ang or
as, parang gusto kong magkayakap na lang kami habang buhay. Hindi ko maintindiha
n ang nararamdaman ko. Masaya ako, pero may halong lungkot at kaba.
Ilang sandali pa ay napagod kami sa kauupo at humiga kami sa damuhan. Habang nak
ahiga kami at nakatingin sa isat-isa. Ang mga mata lang namin ang nag-uusap, per
o ang mga puso namin ang nagkakaintindihan. Hinawakan ko ang kamay niya at paran
g ayaw ko na itong bitawan pa. Hindi ko alam, kung bakit panay ang tulo ng luha
niya nang araw na yun. Sa isip-isip ko, siguro dahil mami-miss niya ako ng sobra
sa pag alis niya. Alam kong mahirap, pero kailangan niyang sundin ang Daddy niy
a. Masakit man para sa amin na maghiwalay ng tatlong taon, pero kailangan naming
magsakripisyo. Naniniwala akong malalampasan namin ang pagsubok na ito.
Umuwi na kami at hinatid ako ni Janela sa bahay namin. Sa labas ng bakod namin a
y matagal kaming nakatayo na dalawa. Hindi ko alam, kung ano ang sasabihin ko at
maging siya ay parang nag-aalangan magsalita. Maya-maya ay nagulat na lang ako,
nang bigla siyang lumapit sa'kin at hinalikan ako sa labi ng matagal.
Ang bilis ng tibok ng puso ko ng mga oras na yun. Napapikit ako at nadama ang in
it ng labi ni Janela. Ang sarap sa pakiramdam at parang ayoko ko na itong matapo
s pa. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang luha niya na dumampi sa aking pisngi
. Dinilat ko ang mata ko at nakita ko, na muli na naman siyang umiiyak. Hindi ko
maintindihan, kung bakit sa tuwing nakikita ko siyang lumuluha ay bumibigat ang
aking pakiramdam. Parang may hindi tama at hindi ko maipaliwanag.
Niyakap niya ako ng mahigpit at napaka-tagal. Yakap na naging susi para tuluyang
makalabas ang tubig, na kanina pa gustong tumulo mula sa mga mata ko. Isang kla
se ng tubig na sumisimbolo sa nadarama kong matinding kalungkutan. Maya-maya ay
labis kong ikinagulat, nang bigla siyang tumalikod at tumakbo papasok ng kotse n
g walang paalam. Mabilis silang umalis, pero patuloy kong tinatanaw ang kanilang
kotse habang naglalaho sa kadiliman ng gabi. Ang sabi ko sa sarili ko, kaya ko
'to. Kakayanin namin ni Janela ang pagsubok na ito.
.
.
.
.
.
.
#Paalam...
#HanggangSaMuli...
*******************************************
Chapter 19- The Writer

*******************************************
Dalawang taon na ang lumipas mula ng magkahiwalay kami ni Janela. Isang taon na
lang at magkikita na muli kaming dalawa. Naging branch manager na ako ng isang f
ood company, kaya naman maginhawa na ang buhay namin ni mama. May bahay na rin a
kong hinuhulog-hulugan sa cainta, para makalipat na kami ni mama sa mas maayos n
a tirahan. Sunod-sunod ang swerte na dumating sa buhay ko, mula ng makatapos ako
ng college. Pero hindi ko maintindihan na sa kabila ng mga swerte na natatangga
p ko, pakiramdam ko meron pa ring kulang.
Marahil kulang kasi, hindi ko kasama ang taong pinaka-mahalaga sa buhay ko. Ang
taong naging inspirasyon ko, kaya nagsikap akong magtrabaho at marating ang kina
tatayuan ko ngayon. Walang araw na hindi ako nangungulila sa kanya. Minsan nga n
aiisip ko, pinaparusahan ba niya ako? Kasi kahit communication man lang, ipinagb
awal niya na magkaron kami. Napaka-unfair!! Hindi niya ba ako nami-miss?? Abah e
h, siyempre nasasabik din ako sa kanya. Kahit man lang sana tumawag siya kahit i
sang beses lang sa isang taon. Gusto ko lang marinig ang boses niya at malaman k
ung nasa maayos ba siyang kalagayan.
Nagla-lunch kami ng mga katrabaho ko sa isang japanese restaurant. Habang kumaka
in kami ay kinu-kwento ko sa kanila ang mga experience ko sa college, kasama si
Janela. Tawa sila ng tawa sa kwento ko, dahil sa mga kalokohan na pinaggagawa ni
Janela.
"Sir, ang hard naman pala ng girlfriend mo. Nakakaloka!! Hahahaha!!" sambit ng k
atrabaho kong babae, habang tawa ng tawa.
Napangiti naman ako, kasi kung makatawa naman siya tumatalsik pa yung kanin mula
sa bibig niya. Nagsalita naman ang isang katrabaho kong lalake.
"Sir, Isulat mo kaya ang kwento niyo ng girlfriend mo sa wattpad!" sambit niya.
Napaisip ako sa sinabi niya at tinanong ko siya.
"Anong wattpad??" tanong ko.
"Sir, sa wattpad po pwede kang magsulat ng story mo. Yu'ng girlfriend ko nga, su
lat ng sulat dun. Madami kasing nagbabasa ng story niya." sagot niya.
"Talaga?? Nababasa ng ibang tao ang story niya?? Ayos ha!!" sambit ko at medyo n
amangha ako.
"Yes, sir! Kaya im sure na papatok yang story niyo ng girlfriend mo, pag nabasa
nila ito." muli niyang sambit.
Buong araw ko inisip ang tungkol sa sinabi ng katrabaho ko. Pinuntahan ko ang we
bsite ng wattpad at nasaksihan ko nga na pwede ka talagang magsulat dun ng saril
i mong kwento. Madaming mga batang writer akong nakita na nagpa-publish ng story
nila. Muli akong namangha at nagdesisyon akong isulat ang kwento namin ni Janel
a. Pinamagatan ko itong "My Evil Girlfriend" at unang labas ko pa lang ng chapte
r 1 ay marami na agad ang nagbasa. Napangiti ako, dahil sa mainit nilang pagtang
kilik sa kwento ko. Ang iba ay nagco-comment na.. sobrang natatawa daw sila kay
Janela at ang iba naman ay humihingi ng update sa kwento ko.
Nagkaroon ako ng libangan, habang hinihintay ko ang araw na magkita kaming muli
ni Janela. Pinagsabay ko ang pagtratrabaho at ang pagsusulat. Kahit sobrang pago
d ako sa trabaho ay pinipilit ko pa rin na mag-update sa kwento ko. Marami kasin
g nangungulit na readers ng MEG (My Evil Girlfriend) at sabik na silang malaman
kung ano ang susunod na mangyayari. Masarap magsulat ng kwento, lalo na kapag an
g kwento na sinusulat mo ay ang mga karanasan mo kapiling ang taong pinakamamaha

l mo. Masarap magbalik-tanaw sa nakaraan. Mapapangiti ka na lang minsan, kapag m


ay naalala kang nakakatawang eksena niyong dalawa ng mahal mo.
Gusto kong ipakita sa kanya pagdating niya, na sinulat ko ang kwento naming dala
wa. Ang kwento,kung paano pinasaya ng isang demonyang babae, ang isang tahimik a
t nerd na lalake'ng katulad ko. Isa rin sa dahilan, kung bakit isinulat ko ang k
wento naming dalawa sa wattpad ay para ipaalam sa mundo.. kung gaano ko siya ipi
nagmamalaki bilang girlfriend ko. Gusto kong malaman ng buong pilipinas o buong
mundo, kung gaano ako kaswerte na maging boyfriend niya. Hindi sapat ang madamin
g salita, madaming pahina at madaming kabanata, para ipaliwanag kung gaano ko si
ya kamahal.
Ang tanging pangarap ko lang naman dati ay makapasok sa isang magandang trabaho
at magkaroon ng mataas na posisyon sa kumpanya. Akala ko dati yun ang pangarap k
o, pero nagkamali ako. Dahil ang totoong pangarap ko pala ay ang makasama habang
buhay ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng makakatuwang ko sa buhay at bub
uo ng sarili naming pamilya. Ang babaeng makakasama ko hanggang sa kumulubot ang
aming mga mukha, magkaroon ng rayuma at pumuti na ang aming mga buhok. Ang baba
eng mamahalin ko hanggang sa dulo ng walang hanggan. Hanggang sa dumating ang pa
nahong bumalik na kami sa katawang lupa at maglaho dito sa mundong ibabaw.
Lumipas ang isang taon at dumating na nga araw na pinaka-hihintay ko. Ang araw n
a muling pagkikita namin ni Janela. Hindi ako magkanda-ugaga sa salamin at pauli
t-ulit kong inaayos ang buhok ko. Nag rent a car din ako, para siguradong may sa
sakyan kami ni Janela kapag kumain kami sa labas. Sabik na sabik na akong makita
siya, kaya naman maaga akong umalis sa bahay at natungo muna ako sa flower shop
para bumili ng bulaklak. Pagkatapos kong bumili ng bulaklak para sa kanya ay na
tungo na agad ako sa San Miguel Bulacan, kung saan naroroon ang puno ng pag-ibig
. Doon sa tabi ng puno na yun kami nagkahiwalay at gusto namin na doon din kami
sa tabi ng puno muling magkita. Umabot din ng mahigit sa dalawang oras ang biyah
e ko papuntang Bulacan. Alas-tres ng hapon ang usapan namin ni Janela na magkiki
ta at Alas-dos 'y medya pa lang ay nakarating na ako dun sa aming tagpuan.
Umupo muna ako sa tabi ng puno at naghihintay. Hindi ko maintindihan, kung bakit
habang papalapit ng papalapit ang oras ng pagkikita namin ay pabilis naman pabi
lis ang pintig ng puso ko. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako sa sobrang kaba na a
king nararamdaman. Muli kong kinuha ang salamin at suklay sa bag ko at muling ko
na namang inayos ang buhok ko. Maya-maya pa ay may natanaw na akong tao na papa
lapit sa kinaroroonan ko. Muli akong kinabahan at napatalikod, dahil alam kong s
i Janela yun. Hindi ko alam, kung ano ang sasabihin ko sa kanya at kung paano ak
o magsisimulang magsalita. Grabeh ang nararamdaman kong kaba ng mga oras na yun
at hindi ko maipaliwanag. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na palapit na ang ta
ong naglalakad papunta sa kinatatayuan ko, ikinalma ko ang aking sarili at taas
noong humarap sa kanya.
Nanlaki ang mata ko sa gulat, dahil hindi si Janela ang taong yun kundi ang Tita
Mildred niya. Napakamot ako sa ulo at agad ko siyang nilapitan para halikan sa
pisngi.
"Ang laki mo na, Ramz! At ang gwapo-gwapo mo pa! Kumusta ka na?" nakangiting sam
bit ng tita ni Janela.
Napayuko ako at medyo nahiya sa sinabi niya.
"Okay, lang naman po ako tita. Eto medyo busy sa work ko. Maayos naman po ang na
pasukan kong trabaho, kahit medyo mahirap at nakakapagod kinakaya ko naman." sag
ot ko.
"Good for you, iho. Pagbutihin mo para gumanda ang kinabukasan mo." muling sambi
t ni Tita Mildred.

Napangiti ako at napakamot sa ulo. Maya-maya pa ay nagtanong na ako sa kanya.


"Siya nga pala, tita. Nasaan po si Janela? Kasama niyo po ba siya?" tanong ko at
nagulat ako nang mag-iba ang timpla ng kanyang mukha.
"Iho, yun nga ang pinunta ko dito. Hindi siya makakarating, dahil nandoon pa siy
a sa London. Medyo busy daw siya at hindi siya pinapayagang umalis ng Daddy niya
." paliwanag ng Tita niya.
Nalungkot ako sa aking mga narinig. Parang nanghina ako, pero pinilit ko pa rin
na ngumiti dahil kaharap ko si Tita Mildred. Natahimik ako at hindi na muling na
kapag-salita. Medyo disappointed ako, at nakaramdam ako ng inis. Ilang sandali p
a ay may biglang inabot sa'kin si Tita Mildred. Isa itong puting sobre at muli s
iyang nagsalita.
"Eto pala, iho. Sulat galing kay Janela. Sabi niya ibigay ko daw sayo at pasensy
a na daw kung hindi siya nakarating sa usapan niyo."
Nagulat ako at mabilis kong kinuha ito. Nagpaalam na din si Tita Mildred, dahil
may importanteng aasikasuhin pa daw siya sa opisina nila. Niyakap niya ako at hi
nalikan.
"Ramz... iho, mahal na mahal ka ni Janela... tandaan mo yan!" pabulong niyang sa
mbit at naglakad na siya paalis.
Hindi ko alam, kung bakit bigla na lang akong kinabahan sa mga sinabi ni Tita Mi
ldred. Umupo ako sa tabi ng puno at sinimulan ko ng basahin ang sulat na nasa so
bre.
Ramz,
Alam ko na naiinis ka, habang binabasa mo ang sulat na ito. Hindi kita masisisi,
kasi kasalanan ko naman talaga. Pasensya ka na kung hindi ako sumipot sa ating
usapan. Ayaw kasi akong payagan ni Daddy na bumalik sa pilipinas. Ramz, wag ka s
anang magagalit at malulungkot sa sasabihin ko. Isipin mo na lang, na ginawa ko
ito para sa ikabubuti nating dalawa. Ramz, ikinasal na ako last month sa anak ng
business partner ni Daddy. Ayoko sana, pero wala akong magawa... Ramz, mahal ki
ta alam mo yan. Pero mahal ko rin ang Daddy ko at gusto kong mapaligaya ko siya.
Sana Ramz mahanap mo na rin ang tamang babae para sayo. Kalimutan mo na ako, Ra
mz at pagtuunan mo na lang ng pansin ang iyong kinabukasan. Patawad Ramz..
-Janela
Pinunit-punit ko ang sulat sa sobrang inis. Hindi ko maintindihan, pero ayaw tum
igil sa pagtulo ng luha ko. Binalot ako ng galit at nilamon ako ng sakit. Sa isi
p-isip ko, hindi man lang niya akong nagawang ipaglaban!! Anong klaseng tao siya
?! Hinintay ko siya ng tatlong taon at ito lang ang mapapala ko?! Sakit lang ang
bunga ng lahat ng sakriprisyo ko?! Sinipa-sipa ko ng paulit-ulit ang puno.
"AKALA KO BA, PUNO KA NG PAG-IBIG?!!.. SABI NILA TOTOO KA!! SABI NILA PAG SA HAR
AP KA NAMIN NAGSUMPAAN MAGSASAMA KAMI HABANG-BUHAY!!! SHIT KA!!! WALA KANG KWENT
ANG PUNO KA!!" Patuloy kong sinipa-sipa ang puno, sa sobrang galit. Maya-maya na
ng mapagod ako ay lumupasay ako sa damuhan. Galit na galit ako ng mga oras na yu
n at napahiga ako. Nanghihina ako at hindi ko maigalaw ang katawan ko. Parang gu
sto ko ng mamatay ng mga oras na yun. Hiniling ko sa diyos na kunin na niya ako,
kasi hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko. Ang sabi ko sa sarili ko, p
agbabayaran niya ang lahat ng ginawa niya. Pag nagkita kami balang araw, ipapamu
kha ko sa kanya na nagkamali siya sa kanyang desisyon. Nagkamali siya na hindi a
ko ang pinili niya. Ilang sandali pa ay napapikit ako at nakaramdam ako ng antok

. Sa isip-isip ko, sana pag-gising ko wala na ang sakit na nadarama ko. Sana pag
-gising ko, makalimutan ko na may isang Janela na dumating sa buhay ko. Sana mak
alimutan na kita..
.
.
.
Sana.......
*******************************************
Chapter 20- Old Diary
*******************************************
Lumipas ang dalawang taon at medyo naka-move on na ako sa sakit na aking naranas
an. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang pagtratrabaho ko at nabili ko na nga an
g bahay namin sa cainta. Ginamit ko ang sakit na naramdaman ko mula kay Janela,
para mas lalo pang magsikap sa buhay. Mataas na ang posisyon ko sa kumpanya at t
inatawag na rin nila akong boss. Si Mama naman ay tumigil na sa pagtitinda, dahi
l ayoko ng nagtratrabaho siya. May nabili na rin akong kotse, pero isang Honda C
ivic pa lang. Wala na akong mahihiling pa, kundi ang magkaroon na ng sariling pa
milya.
Muli kong binalikan si Erika na ngayon ay isang ganap na Teacher na sa isang aca
demy. Nang balikan ko siya, akala ko hindi na niya ako matatanggap. Pero nagkama
li ako, dahil hindi nawala ang pagmamahal niya para sa akin. Walang pinagbago si
Erika. Ganon pa rin siya mula ng naging kaming dalawa dati. Maalaga pa rin siya
at mapagmahal. Nagpa-plano na nga kaming magpakasal sa lalong madaling panahon.
Sabik na din kasi si Mama na magkaroon ng apo, kaya naman inaatat na akong magasawa.
Palagi ko pa rin binubuksan ang wattpad account ko. Ang dami na nga'ng nagtatano
ng kung bakit hindi ko na itinuloy ang kwento ng MEG (My Evil Girlfriend). Hindi
ko na lang sila sinagot pa at sa halip ay gumawa na lang ako ng bagong kwento.
Pinamagatan ko ang bago kong kwento na "Midnight Romance" at isa itong Vampire S
tory. Ito ay tungkol sa high school student na lalake na palaging inaapi sa eskw
elahan, dahil sa mahirap lang siya. Ang pangalan niya ay Ramil at lihim din siya
ng umiibig sa kanyang kaklaseng babae na si Mikaela, pero sa kasawiang palad ay
ayaw sa kanya nito. Hanggang sa isang araw, dahil sa kagustuhan niyang iligtas s
i Mikaela mula sa isang bampira ay nalagay sa peligro ang buhay niya at nakagat
siya nito. Pagkatapos ng trahedyang yun ay hindi na muli pang nakita si Ramil. M
adami din ang nagbasa ng story ko na Midnight Romance, pero hindi kasing dami ng
readers ng MEG ko. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung paano ko tutuldukan ang kwe
nto ng My Evil Girlfriend. Alam ko na darating ang araw na madudugtungan ko ito
at matatapos, pero hindi pa sa ngayon.
Isang araw, habang nagmamaneho ako ng kotse ay bigla kong nakita si Tita Mildred
na naglalakad. May kasama siyang isang lalake at isang babae. Kung titignan sa
kanilang mga itsura ay kasing tanda niya ang mga ito at papasok sila sa isang se
menteryo. Ang pangalan ng sementeryo ay Golden Paradise. Hindi ko maintindihan,
parang may bumubulong sa aking tenga na sundan ko daw sila. Itinabi ko ang kotse
malapit sa gate ng sementeryo at bumaba ako para sundan sila. Nakita ko sila na
pumasok sa isang maliit na parang bahay at nasa loob na yun ang puntod. Papalap
it na ako sa kanila, nang bigla akong mapansin ni Tita Mildred. Tila nagulat siy
a sa pagdating ko at napatingin din sa akin ang dalawang kasama niya.
"Ramz, bakit ka nandito?" pagtatakang tanong ni Tita Mildred.

Hindi ko siya sinagot at hindi ko maintindihan, kung bakit kusang naglalakad ang
mga paa ko patungo sa puntod. Nagulat ako at biglang kinabahan, nang makita ko
ang mga bulaklak na papel na nasa ibabaw ng puntod. Pero ang mas lalo kong ikina
gulat, nang makita ko ang pangalan ng taong nakalibing doon.
Rest In Peace
Janela E. Miranda
August 18, 1988 - May 16, 2012
Kusang tumulo ang luha ko sa mata, dahil sa aking nakita. Tumatayo ang balahibo
ko ng mga oras na yun. Hindi ko alam, kung bakit nanginginig ang kalamnan ko, ha
bang nakatingin sa puntod. Pakiramdam ko unti-unting nauubos ang hangin sa aking
katawan. Hindi ako makahinga at parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang sakit.
Maya-maya ay napahagulgol na lang ako ng iyak, nang bigla akong yakapin ni Tita
Mildred.
"Ramz... Wala na siya!... Iniwan na niya tayo!.." umiiyak na sambit ng Tita ni
anela. Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking natuklasan ng mga sandaling yun.
inagat ko ang labi ko, para gisingin ang aking sarili sa masamang panaginip na
un. Pero hindi ako nagising, dahil ito ang reyalidad... Wala na siya.. wala na
iya. Maya-maya ay muling nagsalita si Tita Mildred.

J
K
y
s

"Naaalala mo ba, Ramz? Noong araw na sinugod mo siya sa clinic, dahil nahimatay
siya. Pinayuhan kami ng duktor na magpatingin sa ospital sa lalong madaling pana
hon... Ipinagtapat sa akin ni Janela na ilang buwan na niya nararamdaman ang mat
inding pananakit ng kanyang ulo... pero binalewala niya lang ito at umiinom na l
ang siya ng pain killer. Nang suriin si Janela sa ospital ay natuklasan nilang
may tumor siya sa utak. May brain cancer siya at ito'y stage 4 na.... Nagulat ka
mi sa sinabi ng duktor.. pinayuhan nila kami na mag udergo ng mga treatments.. t
ulad ng radiation theraphy at maging chemotheraphy.. Kaya naman nagpasya si Jane
la na sabihin sayo na pupunta siya sa london at tatlong taon siyang titira doon.
. pero ang totoo.. ayaw niyang malaman mo na may sakit siya.. dahil ayaw niyang
mag-alala ka.. at baka siya pa ang maging hadlang sa mga pangarap mo sa buhay..
Tatlong taon, Ramz.. tatlong taon.. umasa siya na gagaling siya.. at makakasipot
sa inyong usapan.. nasubukan na namin ang lahat para lang gumaling siya.. pero
walang namang nangyari.. Hanggang sa sinabi na lang sa amin ng duktor na pwede s
iyang mawala ano'mang oras.. Masakit sa kanya, Ramz.. na hindi ka siputin sa usa
pan niyong dalawa.. pero tiniis niya ang sakit... Nagpasya siyang sulatan ka.. a
t sabihin sayo na nagpakasal na siya sa london.. Alam mo ba, Ramz.. kung gaano k
asakit para sa kanya na sabihin sayo sa sulat... na kalimutan mo na siya?.. nasa
ksihan ko na umiiyak siya ng sobra.. nanginginig siya habang nagsusulat.. pero t
iniis niya ang lahat, Ramz... ang sakit sa kanyang utak.. at maging sakit sa kan
yang puso.." umiiyak si Tita Mildred habang nagkukwento.
Napaupo ako, dahil parang nawalan na ng lakas ang mga binti ko. Gumapang ako pap
alapit sa puntod ni Janela at niyakap ko ito. Wala ng sasakit pa sa nararamdaman
ko ng mga sandaling yun. Pakiramdam ko, pinarurusahan ako ng diyos ng sobra. An
g sabi ko sa sarili ko. Ito ba ang kapalit ng lahat ng biyaya na nakamit ko sa b
uhay? Ang mawala ang taong kasama kong bumuo ng aking mga pangarap. Maya-maya pa
ay may napansin akong isang maliit na notebook sa tabi ng mga papel na bulaklak
at agad ko itong kinuha. Napagtanto kong diary ito ni Janela at napakaluma na n
ito, dahil nakita kong noong year 2000 pa siya nagsimulang magsulat dito. Binasa
ko ang diary niya at nang marating ko ang huling pahina ay napaluha ako sa akin
g nabasa.
Dear, Diary
kumusta ka na diary?? 12years old pa lang ako noong huling beses na sumulat ako

sayo... Alam mo ba?.. 23 years old na ako ngayon.. hindi ko nga alam kung aabot
pa ako ng 24 years old eh... Pasensya ka na diary..kung ngayon lang uli ako naka
sulat ha?... mahabang kwento kasi... Alam mo diary?... masayang-masaya ako ngayo
ng araw na ito... kasi lumampas ako sa expiration date ko.... Noong isang araw p
a dapat ako mamamatay... pero heto pa rin ako ngayon at buhay na buhay... Masaya
din ako ngayon diary kasi... nabalitaan kong na-promote si Ramz sa kanyang trab
aho... Matalino talaga ang boyfriend ko na yun... at naniniwala akong mapo-promo
te pa siya uli... Alam mo diary kagabi... inatake na naman ako ng sakit sa ulo..
. Napapasigaw ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko at parang hindi ko na kaka
yanin... Alam mo ba diary.. imbes na kunin ko ang gamot ko para mawala ang saki
t... mas pinili kong kunin ang picture ni ramz at ito na lang ang pinagmasdan ko
... hehehe... maya-maya lang ay nawala na ang sakit... Sabi ko na eh.. si ramz l
ang ang gamot ko... pero diary... hindi ako pwedeng manatili sa tabi niya eh...
kasi gusto kong matupad ang lahat ng mga pangarap niya... kapag kasi nalaman niy
a na may brain cancer ako naku mag-aalala yun at baka hindi pa siya makapag-focu
s sa pangarap niya sa buhay... Pangarap ko na matupad ang mga pangarap niya diar
y... kaya nga nagsakripisyo na lang ako at kahit masakit para sa'kin na malayo s
a kanya ay ginawa ko... Alam mo diary... kung bibigyan lang ako ng pagkakataon
ng diyos na makabalik sa nakaraan kahit 30 minutes lang... babalikan ko ang araw
na nasa amusement park kami ni ramz... Alam mo ba diary.. kung ano ang gagawin
ko?... sasakay kami ni ramz sa ferris wheel dahil hindi ko pa naeexperiece sumak
ay dun.. nakakatawa ba??... hehehe... ang isip bata ko noh?... Alam mo ba diary.
. walang araw na hindi ko naiisip si ramz... siya kasi ang buhay ko... pero kail
angan ko ng isauli sa diyos ang hiniram kong buhay... Kagabi nga diary... napagi
nipan ko ang diyos... Ang sabi niya kukunin na daw niya ako... at sabi pa niya m
asaya daw doon sa lugar niya... kaya tinanong ko siya... ang sabi ko... lord nan
doon ba si ramz?... ang sabi niya wala daw... nalungkot ako at muli ko siyang ki
nausap... lord paano ako magiging masaya doon kung wala naman dun si ramz?... hi
ndi na siya muli pang sumagot at nagising na lang ako kasi umatake na naman ang
sakit ko... Akala ko nga...
Naputol ang pagsusulat ni Janela, dahil inatake na naman daw siya ng gabi'ng yun
habang nagsusulat siya. Sinubukan daw nilang buhayin pa si Janela, pero wala n
a daw talagang pag-asa. Namatay daw si Janela na hawak-hawak ang diary at pictur
e ko. Nang mabasa ko ang diary niya, muli na naman akong napahagulgol ng iyak. N
ilalamon ako ng sakit na nararamdaman ko ng mga oras na yun. Nilabanan niya ang
sakit niya ng mag-isa. Iniisip ko nga, ilang araw kaya siyang namimilipit sa sak
it? Ilang araw niya kayang nilabanan ang sakit niya ng mag-isa? Nandoon dapat ak
o ng mga oras na yun at sinasamahan siya. Hindi niya dapat nilihim sa'kin ang ka
ramdaman niya, kasi ngayong wala na siya. Hindi ko na alam, kung paano ako mulin
g magsisimula. Parang naputulan ako ng mga pakpak at biglang nawalan ako ng gana
ng labanan ang buhay. Gusto ko sumama sa kanya, kung saan man siya naroroon. Ala
m ko, sa mga oras na ito ay masaya na siya, dahil nandoon na siya sa lugar kung
saan hindi na niya mararanasan ang lumuha at masaktan. Nandoon na siya, kapiling
ang maykapal at alam kong pinagmamasdan niya ako sa mga oras na ito. Alam kong
ayaw niya akong makikitang umiiyak at nasasaktan. Kaya naman pinunasan ko na ang
luha sa mga mata ko at pinatahan ko na ang aking sarili.
Hindi nangangahulugan na kapag namatay na ang katawang lupa ng tao ay wala na it
o sa mundo. Ang totoo.. namamatay lang ang isang tao.. kapag nawala na siya sa p
uso at isipan ng iba. Para sa akin, buhay pa rin si Janela. Nandyan lang siya sa
paligid at binabantayan ako. Alam kong gusto niyang makita na patuloy kong tinu
tupad ang aking mga pangarap. Ang pangarap ko na minsan..... ay naging sarili ni
yang pangarap.
It was a good fight, Janela. Kahit wala ako sa tabi mo ng mga oras na yun, alam
ko na pinilit mong lumaban. Alam ko na sa mga huling araw ng buhay mo ay patuloy
mo pa rin akong minamahal. Maging ako, Janela. Gusto ko rin bumalik sa nakaraan
. Gusto kong balikan ang mga araw na nag-away tayong dalawa at ang mga hindi nat
in pagkakaunawaan. Gusto kong itama lahat ng yun at papahalagahan na kita ng sob

ra. Kapag dumating ang araw na yun, hinding-hindi na kita bibitawan Janela at hi
nding-hindi na kita muli pang sasaktan. Alam kong magtatagpo pa muli ang ating m
ga landas, pero hindi na sa mundong ito. Kundi sa lugar kung saan wala na tayong
mararamdamang sakit at puro kasiyahan na lamang ang ating mararanasan. Wag kang
mag-alala Janela, dahil hindi kamatayan ang magiging hadlang para huminto akong
mahalin ka. Hindi ko nararamdamang nawala ka, dahil hanggang sa mga oras na ito
ay naamoy ko pa rin ang iyong pabango, naririnig ko pa rin ang iyong mga sigaw
at nararamdaman ko pa rin ang iyong walang hanggang pagmamahal. Mananatili kang
buhay dito sa puso ko, Janela... magpakailanman..
.
.
.
.
.
.
.
#PAALAM.. :-(
*******************************************
EPILOGUE
*******************************************
Maraming nagulat nang isulat ko ang huling kabanata ng My Evil Girlfriend sa wat
tpad. Ang iba ay naiyak, nalungkot at naawa kay Janela. Hindi po natin dapat kaa
waan si Janela, dahil ganon ang paraan niya na magmahal. Ang i-sakripisyo ang sa
riling niyang kaligayahan, para matupad ang pangarap ng taong kanyang minamahal.
Naroroon na si Janela sa Paraiso ng diyos at kasamang kumakanta ang milyon-mily
ong mga anghel. Alam kong masaya siya dun at kapiling ang Maykapal. Marahil sa m
ga oras na ito ay nagkukwentuhan na sila ng diyos. Nagtatawanan at nagkukulitan.
Isa lang naman ang hiling ko para sa kanya. Huwag sana siyang gagawa ng gulo do
on at baka itapon siya pababa ng impyerno. Hahahaha! Biro lang.
Wag kayong malungkot, kung malungkot man ang naging katapusan ng kwento. Natatan
daan ko pa ang sinabi ni Jose Rizal sa kanyang nobela. Sabi niya, hindi lahat ng
kwento ay kailangang matapos sa kasiyahan. May ilang kwento na kailangan na mat
apos din sa kalungkutan. Hindi ko matandaan kung ano pa ang sinabi ni Jose Rizal
, basta ang mahalaga ay napa-mahal, napa-iyak at napasaya tayo ng kwento.
"Sacrifice is the only language of Love."
Yan ang kasabihan na talaga namang lubos kong pinaniniwalaan. Ang diyos nga, dah
il sa labis na pagmamahal niya sa atin ay ibinigay niya ang kanyang kaisa-isa at
bugtong na anak upang mailigtas tayong lahat mula sa kasalanan.
Ganon din ang ginawa ni Janela. Hindi siya naging maka-sarili. Una niya'ng inisi
p ang mga pangarap ni Ramz at hindi ang sarili niyang kagustuhan. Para sa akin,
yan ang tunay na pagmamahal. Hindi nangangahulugan na kapag nagmamahalan kayong
dalawa ng kasintahan mo ay pagmamay-ari mo na siya. Mali po. Tingin mo ba, magig
ing masaya siya kapag nilunod mu lang siya sa iyong pagmamahal? Minsan kaibigan,
kailangan natin silang hayaan sa mga gusto nilang gawin. Kailangan natin silang
pakawalan. Hindi dahil sa hindi natin sila mahal, kundi dahil gusto natin na ma
ging masaya sila sa kanilang buhay. Kung ikukulong natin sila sa ating mga bisig

, darating ang araw na hindi sila makaka-hinga at hahanap sila ng paraan para ma
kawala sa atin.
FOREVER??
Yan ang salita na kadalasan ay pinapangako natin sa ating mga minamahal. Pero ka
ibigan, alam mo ba talaga ang ibig sabihin ng salitang ito? O baka naman ginagam
it mo lang ang salitang ito para mapasaya ang kasintahan mo? Kaya nga minsan, w
ala ng naniniwala sa salitang "Forever", dahil din sa ating mga kagagawan.
Totoo ang salitang "Forever" at pinatunayan yan sa atin ni Janela. Na kahit sa m
ga huling araw niya ay patuloy pa rin niyang minamahal si Ramz, kahit na wala it
o sa tabi niya. Ang pagmamahal kasi, wala yan sa distansya o layo niyo sa isat-i
sa. Kasi pag nagmahal ka, kahit ilang libo'ng milya man ang pagitan ninyo ng iyo
ng minamahal ay hindi mo dapat pinaparamdam sa kanya na magkalayo kayong dalawa.
Iparamdam mo sa kanya, kung gaano mo siya kamahal at wag niyong intindihan ang
layo niyo sa isa't-isa.
Mga kaibigan.. sana ay may natutunan kayo sa aking kwento. Hindi ko alam, kung n
agawa ko ba kayong patawanin o paiyakin. Ang mahalaga lamang sa akin ay sana kah
it papaano ay may napulot kayong aral sa aking kwento. Wala na akong ibang mahih
iling, kundi sana isang araw ay matandaan ninyo na may isang manunulat na sinubu
kang ipakita sa inyo, kung ano ang tunay na itsura ng isang wagas na Pag-ibig. B
ago ko tuldukan ang kwentong ito. Nais ko lang na mag-iwan ng isang katananungan
sa taong nagbabasa nito.
Ikaw kaibigan...
..
..
..
..
.
paano ka magmahal?..
[THE END]
Guys.. may bago akong on-going story.. THE TWO KINGS and Me.. sana subaybayan ni
yo din siya.. babawi ako sa inyo sa ending nito.. hehehe..
MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT NG NAGBASA AT SUMUPORTA SA MEG.. HANGGANG SA SUSUNO
D NA KWENTO... PAALAM!!
-blueberryramz03