You are on page 1of 3

Mga Hiram na Sandali

Isang gabing nababalot ng katahimikan


Hetot may papel at panulat sa aking harapan,
Nais kong ipahayag ang gumugulo sa king isipan
Sana man lang ay magkaroon na ito ng kalinawan.

Mga tanong na hindi ko mahanap ang kasagutan,


Isang pighati na kahit sinumay hindi kayang malunasan,
Tulad ng isang papel na hindi matukoy ang papel na gagampanan
O kaya namay

bolpen na said na ang tinta upang lumaban.

Nababatid kong hindi niyo pa lubusang maunawaan,


Pero mahirap ito kung inyong mararanasan,
Pakinggan, itoy aking ilalarawan,
At pagsulat ng tula ang nakikita kong dahilan.

Mga matatamis na araw na kay sarap balikan


Masarap balikan, masarap balikan sa aking kaisipan,
Mga bangungot ng kasiyahan mula sa nakaraan
Mga paulit-ulit na pumapatay sa aking kaligayahan.

Bakit nga ba kay bilis umikot ng mundo?

Sumasabay din ditto ang mga tao,


Bakit kailangan pa nilang magbago?
Kulang ba ang mga bagay na ibinigay at ipinaramdam ko?

Sino pa ba ang nilalang na maniniwala?


Sa taong bigla na lamang naglaho at nawala
Ang ibig kong sabihin ay nagbago at nagkasala,
Sa tagahanga nitong lubos na nagtiwala.

Kung masaya ang nakaraan,


Bakit hindi na ito pwedeng balikan?
Kung Masaya ang nakaraan,
Bakit kailangan pa itong kalimutan?

Aking naaalala, isang bariles ng tawanan,


Malalakas na halakhakan ,
Hindi nakararamdam ng kapaguran
Matapos man ang walng humpay na harutan.

Ngunit sa isang iglap lahat ng itoy napawi,


Mga ngiti sa mukha koy hindi na muling namutawi,
Kung ano ang dahilan ito ay hindi ko mawari
Tila gumuho ang malaking palasyo ng isang hari.

Subalit gaano ko man kagustong itoy ulitin,


Ito lang ang patuloy na magdudulot ng sakit sa akin,

Ano ba ang nararapat kong gawin?


Ipakita o labanan ang aking damdamin?

Masasabi kong
Masarap ang mga hiram na sandali
Mga sandal na pwede pa sanang itali,
At maaaring ulit-ulitin
Sa mga araw na iyong nanaisin.

01/20/15