You are on page 1of 6

Ang Nanay mo, Kabit ng Tatay Ko!

Dear Diary,

Bakit ganito ang mabuhay sa mundo? Lagi na lamang api ang mahihirap. Sa milyun-milyong
tao, bakit ako pa ang napunta sa sitwasyong ito? Pero wala naman siguro akong magagawa
kundi ang mangarap
Mangarap na sana isang araw ay mababago ng panahon ang buhay ko!

Ako nga pala si Ana, labing-pitong taong gulang. Ako ay nagmula sa bayan ng Cotabato. Dahil
sa pagnanais na makatapos ng pag-aaral at dahil mataas ang aking pangarap, sumabay ako
roon at nakipagsapalaran sa Holy Angel University.

Sa pamamalagi ko roon, nakilala ko ang isang mabuti at tunay na kaibigan, si Elizabeth.


Kakaiba siya sa aking paningin. Kahit siyay mayaman, marunong pa rin siyang makisalamuha
sa kapwa mahihirap.
Masaya ang aming samahan noon. Nang biglang
Ang nanay mo kabit ng tatay ko! Layuan mo na ako hindi kita kailangan sa buhay ko! sigaw ni
Elizabeth.
Napako ako sa aking pagkaka-upo at naalala ko ang mga salitang lumabas sa kaniyang bibig.
Ang nanay mo kabit ng tatay ko!
Ang nanay mo kabit ng tatay ko!
Ang nanay mo kabit ng tatay ko!

Paulit-ulit itong sumisiksik sa aking kaispan. Para akong gulay na unti-unting nalanta at nawalan
ng sigla. Sa pagkakatulalang iyon ay unti-unting bumalik sa aking kaisipan ang mga nangyari
noong nakaraan.

Isang bariles ng tawanan, walang humpay na harutan at tila baga hindi nakakaramdam ng
kapaguran.
Masakit para sa akin na ang pagdating ng aking ina rito sa Pampanga ang gugulo sa aming
lahat! Mabuti pa nga noong nasa Cotabato pa siya. Nag-uusap naman kami gamit ang
telepono.

Isang araw na umuwi ako sa bahay mula sa aking paaralan ay nakita ko ang kasagutan at labis
na nanlaki ang aking mata sa aking nakita.

Lihim na nagtatagpo ang aking ina at ang ama ni Elizabeth na si G. Glenn. At kapag nag-uusap
sila ay wala na akong ibang naririnig kung hindi matatamis na halakhakan at sigawan.
Nagkukulong sila sa isang silid. Hinihintay ko silang lumabas hanggang sa pagkagat ng gabi.
Dumalas ang mga pangyayaring yon. Kaya wala na talaga akong mukhang ihaharap kay
Elizabeth. Pero sa isang banda, wala naman akong nararamdaman na galit sa kanya.

Lumipas ang mga panahon na namutawi ang kalungkutan sa aking buhay. Tuluyan na akong
nilayuan at iniwasan ni Elizabeth. Mayroon na siyang mga bagong kaibigan ngayon na
kumukumpleto sa buhay niya. Hindi ko man sinasabi ngunit nasasaktan ako sa mga pangyayari
ngayon parang unti-unti niyang winawasak ang puso ko.

Kung sa una pa lamang ay nabatid ko na na maibabasura lamang ang samahang matagal na


naming binuo, sanay nilasap ko na ang bawat sandaling labis ang kagalakang namumutawi sa
aming mga mukha.

O mundong napakabilis umikot! Bakit hinayaan mong masanay ako sa isang bagyay na hindi
kalaunay maglalaho naman pala! Nababatid mo ba ang pasakit na nararamdaman ko! At ikaw
tadhanang mapaglaro, ako bay pinaglalaruan mo? Bakit mo ako isinadlak sa ganitong
kalagayan? Nanaisin ko pang mamauhay ng mag-isa! Sanay hindi ko na lamang siya nakilala!

Sa galit at poot ko noon hindi ko napigilan ang mga salitang lumabas sa aking bibig. Paulit-ulit
kong isinisisi at isinusumbat sa aking ina ang nangyari sa amin ng aking kaibigan. Labis ko
siyang nasaktan. Nakita kong namuo ang luha sa kanynang mga mata at patuloy itong umagos.

Hindi mo ba napapansin na aking nararamdaman ang kabalustugang ginagawa mo! Paano


mo natitiis na maghirap ang iyong anak! Kaya ba iniwan tayo ni ama! Dahil sa pag-uugali mong
hindi makabasag pinggan!

Hindi ko inaasahang mararamdaman ko ang bigat ng kanyang mga kamay. Nakita ko sa


kanyang mukha ang magkakahalong emosyon. Nariyan ang pagkadismaya, galit, lungkot at
poot!
Anong klaseng ina ka?

At patuloy na akong naglaho sa dilim.

Habang naglalakad sa kalsaday damang-dama ko ang bigat sa aking puso. Nasilaw ako sa
ilaw ng isang kotse, pamilyar ito sa akin. Si G.Glenn ito. Bumaba siya sa kotse. Dahil sa bugso
ng aking damdamin ay kinomprontahan ko siya. Tinanong kung ano ang namamagitan sa kanila
ng aking ina. Ano ba ang kakulangan sa ina ni Elizabeth na pinupunan ng aking ina? Ang
kakulangan bang iyon ang nagdadala sa kanya sa kasukdulan? Hindi ba maaaring layuan niya
na lamang kami!
Ngunit ni isang salita ay walang lumabas sa kanyang bibig. Hinila niya lang ako papasok sa
kotse. At ibinalik papunta sa amin.
Kailangan na niyang malaman ang totoo wika ni G. Glenn.
Hindi pa ito ang tamang panahon pakli namin ni Aling Elena, ang ina ni Ana.
Bakit hindi niyo pa sabihin sa akin ang katotohanan dagdag ko pa.
Sinabi sa akin ni G. Glenn malalaman ko rin ang kanilang lihim sa takdang panahon. Dahil
hindi nagbubunga ang aking pamimilit, pinagpaliban ko na lamang iyon. Ngunit sa kalooblooban ko ay may natitirang pang panghihinala.

Mabilis lumipas ang panahon, nalalapit na pala ang aming kaarawan ni Elizabeth. Hindi naman
namin inaasahan na sabay ang araw at oras na kami ay sinilang. Nakakapanghinayang naman
sanay sabay kaming nagdiriwang ng kaarawan. Kung sana ay maibabalik ko lamang ang
kahapon.

Dumating ang araw na aking hinihintay. Subalit kakaiba ang ihip ng hangin ngayon. Wala akong
narinig ng pagbati mula sa king ina. Wala ring handa sa aming lamesa. Ito nga dapat ang araw

na kanilang pinghahandaan sapagkat akoy maglalabing-walong taon na. Si Elizabeth nga pala.
Nasaaan kaya siya ngayon? Siguradong nasa mamahaling restaurant sila ngayon.
Dahil sa pagnanais na makita siya, maaga akong pumasok sa paaralan. Sa kabutihang palad
akoy nabigo.
Patapos na ang klase. Naramdaman kong tumunog ang aking telepono. Mabilis kong tinignan
kung kanino nagmula ang mensahe. Abot tainga ang aking ngiti. Mula ito kay Elizabeth. Mabilis
ko itong binuksan at ang nilalaman nito ay :

Kung gusto mong malaman kung gaano kakati ang balat ng iyong ina at nagawang makiapid
sa aking ama pumunta ka sa lugar na ito: #8 Seorita St., Brgy. Saguin, CSFP! Sanay magising
ka na sa katotohanan!

Sa pagnanasang malaman ko ang katotohanan. Mabilis akong nagtungo roon. Kakaiba ang
nararamdaman ko. Napakabilis ng kabog sa aking dibdib. Binuksan ko ang pinto, nababalot ng
kadiliman ang lugar na yon. Naririnig ko ang boses ng aking ina na parang kinikiliti. Binuksan
ko ang ilaw. Nagulat ako sa aking nakita, nanlaki ang aking mga mata kasabay nito ang pagtulo
ng aking mga luha.
Bakit ninyo ginawa sa akin ito! Ano ba ang nagkulang sa akin! Bakit ganyan ang ayos ng damit
ninyo? Pati ang inyong buhok?
Tumakbo ako palabas habang pumapatak ang aking mga luha. Ngunit hinarang ako ni
Elizabeth.

Sinabi ko na sayo noon pa! Bakit hindi mo maramdaman? Manhid ka ba Ana?! sigaw ni
Elizabeth,
May kinuha siyang bagay mula sa kanyang likuran. Mahaba ito. Iginuhit niya ito sa aking
mukha. Napasigaw ako! Hinila niya ang aking buhok pataas.
Hindi pa tayo tapos! dagdag ni Elizabeth.

Kinaladkad niya ako papasok sa kanyang kwarto. At nagwikang Magbihis ka nga! Espesyal
ang araw na ito para sayo. Ayusin mo ang sarili mo. Maganda na ang ayos ng mukha at buhok
mo. Isuot mo na ang mga ito at babalik pa tayo roon para magdiwang.

Napakasaya ko noong mga sandaling iyon. Halos humagulgol na ako sa pagkainis na hindi man
nila ako sinama sa kanilang plano. Bumalik kami sa lugar kung nasaan ang aking ina, Ang
ganda ng kanilang mga suot at nakaayos ang kanilang mga buhok. Nakakabusog ng mata ang
mga palamuti sa palagid. Sa pagbibigay mensahe ng aking ina ay naramdaman ko kung gaano
niya ako kamahal. At doon ko na rin nalaman na matagal na pala silang magkaibigan ni
G.Glen. Maraming salamat sa Diyos at nabigyan na rin ng kasugatan ang bagay na matagal ng
bumagabag sa akin. Sa huling bahagi ng aking kwento si Elizabeth naman ang naghadtid ng
napakagandang mensahe. Ito ang nilalaman ng kanyang mensahe.
Una sa lahat, magaling lamang talaga akong magdrama. Ang lahat ng mga paghihirap na
aming ginawa at naranasan ay bahagi lamang ng aming plano upang maging makabuluhan ang
kaarawan namin ni Ana. Alam ko nagtataka kayo kung bakit nasama ako sa planong ito. Isang
araw kasi ay narinig ko ang pag-uusap ng aking ama at ni Aling Elena. Kayat napagpasyahan
ko na sumama sa kanilang inihandang sorpresa. Sa tingin ko ay epektibo naman ito.
Maligayang kaarawan Ana, wala akong ibang hinahangad kung hindi mapasaya ka!

Hindi ko pa maaring tuldukan ang kabanatang ito ng aking buhay. Pero positibo pala ang
naidudulot nito kapag lumipad ka kasama ng iyong mga pangarap. Ibat ibang uri ng tauhan ang
papasok sa iyong kwento. Ang mahalaga ay naging masaya ang bahagi ng aking buhay dahil
sa mga taong kumukumpleto at nagbibigay kulay rito.

Nagmamahal,
Ana

Isinulat nina:
Airra Shane D. Sunga
Lian Joy L. Concepcion