You are on page 1of 6

Rechell Suarez

September 8, 2013 2:10 pm


Researcher: ok, uhm ako si Kaycee ulit. Andito po ako para maginterview . Ikaw ano po
nararamdaman mo ngayon?
Rechell: uhm, ok lang naman. Medyo kikabado.
Researcher: bakit ka kinakabahan?
Rechell: kinakabahan? Uhm wala lang. hmm
Researcher: ilang taon ka na ulit?
Rechell: magna-nineteen. So totally, 18 years old ako ngayon, this October 3 magna-nineteen
na.
Researcher: kelan pa ikaw nadiagnose na may hypertension?
Rechell: uhm, yung nararamdaman ko nung una, sa ulo pa lang. kasi that time na baby pa ako
lagi nahuhulog sa floor o sa hagdanan pagulong-gulong. Tas yun nga epekto sa ulo ko kaya
nagka o sinasabi nilang migraine, tas eto naman na sinasabi sakin na tong highblood ahm last
year ko pa lang nalaman kasi yung pananakit ng batok ko tapos yung paghinga, ay yung
nagpacheck up din ako dun para sa diabetic ang sabi normal naman daw. Then, ito ang hindi ko
naman nalalaman tong ngayon kasi meron nanghihina, tas nahihilo, tas sumasakit yung batok,
yung pananakit nung dito nga sa may tiyan tas meron pananakit ng dibdib tas paghina ng
paghinga.
Researcher: uhm, ok lang ba na magopen/kwento ka tungkol sa sarili mo?
Rechell: sa sarili ko? Uhm, ok pwede. Ako baby pa ako makulit, pasaway, umaakyat maski saan,
puno sa bintana. Tapos nung bata ako mahilig ako sa labas, yung tita ko nga pagtatalikod lang,
pagtalikod lang ay pagtingin nila sakin wala na nasa labas na. tapos nung umabot ako ng seven
years old, nung naiintindihan ko na kaya naghiwalay yung family ko parang yung nakikita ko na
kung anong reason naghiwalay, yun nga nung seven years old ako hanggang ngayon
pinapangarap kong magkabalikan yung parents ko pero wala naman ako magagawa kasi gusto
nila, hindi naman sila totally hiwalay kasi hindi pa sila ngaanull kaya sabi ko maypag-asa pa o
wala pero nasa sakanila na yun then nung umabot ako ng nagkaroon ng Lovelife ay family ko ya
sa mother ay sa mama ko yung bang lagi kami nagaaway kasi sa kapatid ko nga selos then sa
mama ko parang kasi dati nung bata pa ako spoiled ako sa mama ko lahat ng gusto ko nasusunod
ng mama ko pero ngayon na nglaki na may kapatid na ako syempre yung iba hindi ko na yung
iba hindi na nasusunod kasi yung kapatid ko madaming kinakailangan, iniintindi ko yung mother
ko. Tas nung time yun na pumunta yung papa ko dito kasi mas inuna pa kasi sabi sakin mas
inuna daw ni papa yung bulod kesa sa pagtatarabaho nya, yun natupad nya wala syang trabaho,

sugalero, babaero, palainum din si papa. Yung family yung papa ko sa side, may mga sakit din
diabetic, yung highblood nga, dito din samin yung sabi ko baga may cancer din, tapos ung
diabetic din, dun na lang pinaka sa side ng father ko grabe ang kwan dun sa highblood, tas father
ko diabetic din. Tas kwenento ko sayo na akala ko nga bulag yung papa ko yun pala hiwalay lang
pala, kaya so yun din ung time na nung umiyak ako, ung hindi na talaga ako makahinga kasi
hindi ko matanggap kung bakit nangyari ung sa father ko, di ko talaga matatangap kasi madami
akong pagkukulang kay papa. Kasi yung time na un, last nung july nung pumunta ako dun
nagaway kami parang pinakita ko ung tunay na ugali ko ngayon na parang ang sama ko, pero
hindi naman pero nagsisisi ako kasi sinabihan ko si papa na wala kang kwentang ama, pero di
dapat ako nagsabi ng ganun kasi father ko pa rin sya. Inaway ko talaga papa ko, hindi pa kami
ngaaway nun umiinum kami ng father ko na kaming dalawa lang tas nung nalasing ako dun ko
kasi nagkwentuhan kami ng father ko, nilabas ko talaga yung sakit na nandito na hanggang
ngayon hindi pa nawawala, kasi time na nakikita ko mga friends ko na may family na ngkicare
sa kanila, na buo yung family nila, masaya. Eh ako nangangarap din na magkaron din ng family
na happy, na kasama na, yung father na magkicare sayo na oh wag kang lalabas, wag ka dyan,
wag mong gagawin kasi masama yan, ako gusto ko din marinig sa mama ko na, wag ka dyan
lalabas kasi babae ka, tapos aalagaan ka, pag pasok lulutuan ka ng masarap na pagkain, yung
pagmamahal talagang sobrang sobra gusto mong marating, na di na, di mo mararating talaga,
pero di pa rin ako magigive up dun sa family na pinapangarap kong magkabalikan, kaya pray
kay lord lang, kaya pag every Friday lagi kong pinagpipray na sana always healthy ang mama
ko wealthy, papa ko sana hindi na mangyari ulit yung naconfine sya, kasi ayoko sa kanilang
dalawa na mawala, kasi parang su pagnawala sila yung bang mga kasalanan kong ginawa
sakanila, parang pagsisisi sa huli, kaya ngayon nagsisisi ka na sa kasalanang ginawa,
Researcher: ahm, ok lang ba na sabihin mo sakin kung ano alam mo dun sa highblood?
Rechell: pagkaalam ko sa highblood kasi pag highblood, kumakain ka palagi nang karne, yun
lang tapos ayun lang ang alam ko, pag nahighblood ka kumakain ka ng karne kaya sabi ko di
naman ako medyo kumakain ng karne ay oo kumakain naman ako ng karne pero mahilig ako sa
matataba, tapos yung laman pero di naman masyadong grabe, pero nung nalaman ko yun minsan
na man sana kami nagkakarne, tapos yung tita ko minsan na lang kasi highblood nga sya di nga
sya masyodo kumakain ng apay, yun kasi pagkinakati nga sya parang yung asthma nya tas yung
highblood nya, tapos ang bawal diba sa, tapos ngayon ang alam ko sa highblood is sumasakit
yung dito tapos yung bang pag nagagalit ka yung parang, taas talaga yung ewan parang di mo
mapigilan, yun lang tas nanginginig ka na pag nagagalit ka, tapos ako pagnagagalit kasi
namumutla tuloy ako tapos nanginginig yun lang.
Researcher: sa tingin mo anu pa yung mga dahilan kung bakit ka ngkaroon ka ng highblood?
Yung mga cause?
Rechell: siguro, kaya ako nagkaroon ng highblood kasi mahilig ako sa rice, tapos sa maooily,
tapos yung fried chicken gusto ko dun yung maoily, tapos crispy yung balat yun talaga yung

kinakain ko yung balat, sa karne naman yung sinabawan, tapos yung talagang yung taba nya
talagang lalasahan mo talaga, yung bang malalambot, basta masarap talaga yun, kaya yun siguro
sa kakakain ko nun, yun.
Researcher: may iba pa bang dahilan kung sa tingin mo ngkaroon ng sa highblood?
Rechell: yung ibang cause? Wala naman, yun lang. Ay! Mahilig ako sa tulog tapos anong oras
ako nyan nagigising, kunyari natulog ako ng 10 magigising ako nyan ng 8 ng umaga or 9, o 10,
minsan tanghali na. Kaya minsan sumasakit batok ko, tapos yun, kaya minsan pag sobra tulog ko
grabe sakit ng katawan ko, tas sumasakit din yung dito ko.
Researcher: ahm anu naman yung pagkakaroon mo ng highblood, ano naging epekto nito sa
sarili mo, parang sa everyday na gawain mo sa buhay?
Rechell: ahm everyday, ahm kwan pag sometimes kasi nagbubuhat din ako kasi naglalagay dun
ng sinampay sumasakit dito ko pag nagbubuhat, dito part (batok), tapos nung time na may
intrams samin, talagang sumasakit to, yun lang nararamdaman ko, sumasakit lang dito ko, dito
part yun lang nakwan ko eh
Researcher: yun sa pagsakit ng batok mo ano naging epekto nya sa mga ginagawa mo?
Napapatuloy mo pa ba yun?
Rechell: hindi, pag ako na, yung sa intrams nga, naglalakad ako nun tas sumakit to, then huminto
na lang ako sa pataas dahil hindi na talaga parang hindi mo na magalaw minsan, tas dyan
sumasakit din dyan (chest) di mo na yan maano.
Researcher: ahm ok, dun naman sa family mo yung highblood mo pano sya nakaapekto sa
samahan ng pamilya nyo?
Rechell: wala naman, alin ba?
Researcher: yung sa family nyo, yung before ngaya.
Rechell: wala naman.
Researcher: sa friends naman, panu sya naging epekto?
Rechell: sa friends pag yung bang sa sobrang saya mo na tapos yung pinagtatrayduran ka, yung
galit mo parang di mo maipaliwanag, galit na galit ka tapos pag gusto mo talagang matapos
grabeng high ng dugo mo kasi galit ka sakanya, ginagawa ko nyan rinerelax ko lang sa tabi-tabi,
minsan emote-emote lang sa gilid, para hindi na makasakit, minsan sugod ng sugod lang.
Researcher: sa anu na, sa academics mo, sa school kung pano naapektuhan ng hypertension,
yung highblood mo nga sa pagaaral mo.

Rechell: pag nagsasaulo ka ng something na sa math nagsosolve ka sumasakit ulo ko tapos pag
walang class, sa classroom naming pag maiingay ba ahm yun tahimik ka lang sa kwan isang tabi
hindi ka makiki-join, minsan kapag wala ka sa mood wala hindi ka talaga makiki-join lagi ka na
lang anu, ah oo ako pag breaktime hindi naman ako lumalabas sa classroom kasi lagi palagi lang
ako nyan sa loob kaya minsan nagpapabili na lang ako ng foods, minsan hindi talaga ako
kumakain ng breaktime kasi wala nga sa mood tapos wala hindi naman ako mahilig kumain sa
canteen, kasi alam mo na delikado kaya yun.
Researcher: sa spirituwal na anu mo, panu ka naging anu kay God? Panu sya nakaapekto sayo?
Rechell: parang pinapaanu nya sakin na hindi ko igigive-up yung lahat na dapat, tapos hindi
mo sya, pag may problem ka, sasabihin mo hihingi ka ng tulong,sabi ko nga wag mo naman po
akong pababayaan, yun lang, tas humihingi lang ako minsan ng tulong, minsan oo aaminin ko
nagagalit din ako kay God pero wala naman akong karapatan kasi wala naman sya ginagawa,
kasi dun nga sa family ko, bakit ngyari yun parang sinumbatan ko sya, sabi ko ganito ba binigay
mo sakin na family, broken. Eh gusto ko naman yung, gusto ko. Parang unfair ba. Parang ah,
parang hindi ako binigyan ng buong, magandang family ba. Laging nagaaway, tapos wala
parang ewan lang. kaya yun ang feel ko.
Researcher: yung anu, yun nga yung parang nafeel mo na naging unfair si God ano yung mga
ginawa mo?
Rechell: yung pagsuicide
Researcher: Pano?
Rechell: ahm nung time nun, nagsuicide ako nun.
Researcher: anong klaseng suicide ginawa mo?
Rechell: ah nandun ako sa kwarto, uminom ako ng gamot, sa ibang bansa yung gamot galing,
500 yung nakalagay, then dinala ako dun sa emergency kasi yun nga, yung papa ko nandito yung
papa ko kasi nagaway kami kasi ahm hindi ko na kasi matandaan kasi matagal na din yun.
Researcher: mga kelan yun, mga ilang taon ka or mga ilang years na?
Rechell: ilang taon na nangyari yun? Hmm mga kwan na ngayon, mga 5 years ata.
Researcher: bakit mo naisipang magsuicide?
Rechell: yung time nay yun nagaway kami ng papa ko kasi nga yung about kay mama. Then
uminum ako sa pumunta ako ng pequenyo, tas nawala yung mobile ko tas yung papa ko
sinusugod yung ex ko lalaki nga na friend ko, akala nya boyfriend ko. Tas yun talagang nagalit
ako nun kay papa kasi nawala nga yung cellphone ko kaya hinanap,

Researcher: so yun, yun nga na may nararamdaman kang masasakit ano mga ginagawa mo pag
naramdaman mo yun?
Rechell: wala, wala lang. minsan tulog lang. Yun lang ginagawa ko, higa pinapahinga.
Researcher: so ahm may mga gusto ka pang ishare? Kwento?
Rechell: kwento, sa catanduanes ako nung 21, pumunta ako dun para, yun nga yung tita ko kaya
pinapunta dun kasi gusto akong makita, tas time nun nung naglalaba ako may naramdaman ako,
yung dito na naman sa batok ko tas pagtayo ko nun kasi nakaupo ako nun bigla akong nahilo tas
rinelax ko lang, tas relax hindi ako gumalaw baka matumba tas yun pumunta ako ng kwarto
pinahinga ko nalang, tas yung papa ko sya na nagtapos nung nilalabhan, yun lang.
Researcher: eh sa hmm, everyday na.
Rechell: kasi pag naglalakad parang hinahabol ba ako ng kabayo kasi yung kwan yung hininga
ko parang kwan yung feel mo parang pagod ka pero hindi naman, konting lakad mo lang parang
pagod ka na pagod na pagod ka, and kinukulang ka sa hininga yun, kasi ahm umuuwi ako dito
mula nung git akong Kuwait ang taba ko talaga, sobra sobra 80 kilos ako nun, sobra tas yun pag
kwa wala na ko nun leeg eh, tas hirap na ko nun huminga tas hindi ko na talaga kaya gagawin
mo kasi di mo talaga parang mabigat sa katawan ba, tas yun pag pinapawisan grabe, grabe
pinapawisan, kasi ang pagkain dun sa Kuwait grabe ang oily, kahit ang rice nilalagyan nila ng
oil. Kahit na ang isda, maoily ang isda dun.
Researcher: yun naman, yung everyday mong pagpunta ng school, kumusta naman?
Rechell: ahm everyday sa pagpunta ng school, Ahm ang nahihirapan ko lang dyan is yung
umakayat. Kasi pataas yan eh, tas nandyan ka na sa gitna hihingal hingal ka na, aakbayan mo na
yung kasama mo kasi pagod ka na, sabi ko bat kaya ganito tapos minsan pag flag ceremony hindi
naman ako umaattend ng flag ceremony kasi umiikot kami nyan sa school kasi kami nga nila
Bethlehem ang nagbabantay kasi faci kami, bantay kami sa gate sa mga over the bakod tas
nagoover mga studyante dyan, tas hindi yung hindi sumasama sa flagceremony, tas pag sa
everyday ahm ngayong kwan hindi pa naman ako pumapasok kasi, yun intrams lang kasi ng
bakasyon nga ako nung 21-27 tapos parehong wala pang pasok tas teacher, hindi naman ako
pumapasok pag walang teacher, busy yung teacher sa pagawa ng activity para sa intrams naming,
yun lang tas nung time nung intarms namin nung volleyball, pagkatapos ng volleyball grabe
hirap ako huminga, sumasakit naman batok ko, yun lang.
Researcher: ano pang ibang activities na ginawa mo para sumakit yung batok mo tas yung iba
pa,
Rechell: CAT tapos yung pagintrams namin, minsan ahm minsan, parang sumasakit nalang pag
minsan.

Researcher: ano ang ginagawa mo kapag nasa school ka para mawala yung sakit?
Rechell: wala, kwan ahm sa tabi lang, sa upuan ka lang. minsan pag hindi na kaya tinutulugan sa
school, kaya minsan ang ginagawa ko lang sa school text lang tas tulog, tas kapag may teacher
na ginigising na lang ako ng mga classmate ko, more kwan ako sa pagtulog. Tas sa rice
Researcher: ahm sa tingin mo anong type of personality meron ka? Kung anong paguugali
meron ka?
Rechell: ako kasi mahilig lang ako sa tambay, tambay with friends, nagdadalaw lang sa
girlfriend, palagi ako sa labas hindi ako makatahimik dito sa loob, naboboring minsan, wala
kasing ginagawa, minsan nagwawalis lang dito, pag nagwawalis naman ako medyo nahihilo
minsan tapos minsan konti lang pinagwalis mo parang pagod na pagod ka, tapos pag ewan basta
kahit dito lang, dyan oh dyan sa dalawang bukol na yan (batok) dyan. Minsan pinapaanu ba yan,
pinaragatok ba yun.
Researcher: eh pag anu, pag lumalabas ka sino palagi kasama mo?
Rechell: ngayon? Ay nood yung bestfriend ko si madelle, dyan lang bahay nila. Ngayon wala
sya, labas lang ako jan, tambay lang ako dun sa labas ng bahay ng girlfriend ko. Yun lang naman
Researcher: ano mga common na ginagawa nyo ng mga kaibigan mo dati?
Rechell: inum, smoke, tapos lakad-lakad, malayo grande o pequenyo, tapos pag ngkatuwaan,
naggaganun (marijuana). Di kasi nila alam. Hinahandle ko para hindi sila lumayo sakin
sinusunod ko gusto nila tapos pero pag masasama na hindi, tapos tawanan lang, mapasaya sila.
Tapos minsan ako bumibili ng mga gusto nila ng smoke mga ganun ganun, inum yun lang naman
katuwaan naming barkada, yun lang smoke tas drinks naman para enjoy, tas partner-partner with
gf, yun pero hindi naman ako umiinum kapag may kaharap na lalaki, puro lang kami lesbian
minsan bakla, yun yun lang.
Researcher: kelan ka pa nagstart uminun? then smoke?
Rechell: nagstart ako magsmoke mga, I smoke grabe 6, tapos uminum mga 1st year.
Researcher: tapos anu mga naramdaman mo habang tumatagal na?
Rechell: smoke ahm ang drinks wala, smoke lang yun nga yung sinabi kong nanghihina ako after
magsmoke tapos yung bang hindi ka msyado makahinga, yun lang.