You are on page 1of 3

Tinatawag na Fertile Crescent ang rehiyon mula sa kanlurang baybayin ng Golpo ng Persia at

may malaarko o kalahating buwan na hugis patungo sa hangganan nito sa Dagat Mediterranean.
Dalawang mahahalagang ilog ang matatagpuan sa rehiyong itoang Tigris sa hilaga at ang Euphrates
sa timog. Ang lambak sa pagitan ng dalawang ilog ay tinawag ng mga Griyego na Mesopotamia.
Ang Mesopotamia ay naging tagpuan ng ibat-ibang grupo ng tao na naghahanap ng
matabang lupa. Sa mga pamayanang agrikultural na nabuo, may mga hamon ang kalikasan ng
Mesopotamia. Hindi regular ang panahon ng pag-apaw ng ilog at pagbagsak ng ulan. Para
paghandaan ang pagbaha, kailangang gumawa ng mga dike at kanal. Kailangan naman ng irigasyon
at imbakan ng tubig para sa panahon ng tagtuyot. May isang lider ang mapipili upang mamahala sa
mga pampublikong proyekto ng dike, kanal, irigasyon at imbakan ng tubig. Ito ang simula ng pagusbong ng organisadong pamahalaan.
Dalawa sa mga sibilisasyong nanatili dito ay ang Kabihasnang Sumerian at Kabihasnang
Babylonia. Unahin nating unawain ang sibilisasyong Sumerian.
Sumer ang tawag sa rehiyon ng timog na bahagi ng Mesopotamia kung saan nabuo ang
unang kabihasnan sa daigdig noong 3500 B.C.E. Sumerian ang tawag sa mga taong nagtatag ng mga
unang lungsod-estado tulad ng Ur, Erech, Eridus, Nippur, Kush, Laisa at Lagash. Dito nila itinayo ang
magagara nilang palasyo at templo at pinalibutan ito ng mga pader bilang depensa laban sa mga
kaaway. Karaniwang hugis parihaba ang mga lungsod sa Sumer at may malalapad na kalsada.
Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga Sumerian. Gumamit sila ng mga hayop sa
pag-araro ng kanilang mga bukid. Butil, dates, gulay, trigo at barley ang kanilang mga pangunahing
ani. Nag-aalaga rin sila ng mga hayop tulad ng baka, kambing at tupa na pinagkukunan nila ng telang
pandamit at pagkain. May matatag na industriya rin sila ng pangangalakal kung saan ilan sa mga
pangunahing produkto ay ang habi nilang lana at lino.
Ang pinakamalaking gusali ay tinatawag na ziggurat. Nasa gitna ng lungsod ang ziggurat at
mula rito nakaplano ang pagkakalatag ng iba pang gusali. Malapit sa templo ang imbakan ng mga
butil, palasyo na may courtyard at bahay ng iba pang opisyal sa lungsod. Papalayo sa sentro ang mga
bahay ng mga ordinaryong mamamayan.
Ang mga ziggurat o templo ay tahanan ng mga diyos ng mga Sumerian. Maraming palapag
ang ziggurat na habang tumataas ito ay lumiliit ang baitang patungong tuktok nito. Ang bawat
palapag ay pinag-uugnay ng mga hagdan. Pagsapit sa tuktok, matatagpuan ang isang dambana na
alay sa diyos na pinanampalatayaan ng mga mamamayan ng bawat lungsod. Ang base ng ziggurat ay
nagsisilbing bahay ng mga pari at gawaan ng mga artisano.

ZIGGURAT
Naniniwala ang mga Sumerian sa maraming diyos at diyosa. Apat sa pinakamahalaga nilang
diyos ay pinaniniwalaang siyang may kontrol sa sandaigdigan: si An ay diyos na kumakatawan sa
kalangitan; si Enlil naman ay diyos ng hangin; si Enki ang diyos ng katubigan; at si Ninhursag, ang
dakilang diyosa ng sangkalupaan. Bukod sa kanila, ang bawat lungsod ay may espesyal na diyos o
diyosa na nagsisilbing patron nila. Kontrolado ng mga diyos at diyosa ang bawat aspeto ng buhay ng
tao. Kontrolado nila ang mga pwersa ng kalikasan. Tunkulin ng mga pari na panatilihing malakas at
masaya ang mga diyos o diyosa sa pamamagitan ng mga alay na hayop, butil, at alak, at ibat-ibang
mga seremonya at dasal. Sa pamamagitan nito, naniniwala ang mga Sumerian na magiging
masagana ang ani at ipagtatanggol ng diyos o diyosa ang kanilang mga lungsod sa mga kalaban nito.
Ang mga Sumerian ay may mga espelisasyon sa trabaho na nagbigay-daan sa pag-usbong
ng mga uring panlipunan, Nasa tuktok ng lipunan ang mga pinunong pulitikal at ispiritwal. Kasama sa
naghaharing uri ang matataas na opisyal at kanilang pamilya. Kasunod ang mga mangangalakal,
artisano, scribe o tagasulat at mababang opisyal. Pangatlo ang nakakaraming magsasaka at nasa
ibabang uri ang mga alipin.
Maraming kontribusyon sa kabihasnang pandaigdig ang mga Sumerian. Isa sa
pinakamahalagang sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform ay galing sa kanila. Sila rin ang
nakatuklas ng gulong kung kayat sila rin ang nakalikha ng unang karwahe na hila ng asno. Sa
matematika, ginamit nila ang sistema ng pagbilang na nakabatay sa 60. Natuklasan din nila ang
paggamit ng kalendaryong lunar na may labindalawang buwan. Mga Sumerian din ang unang
gumamit ng sistema ng panukat ng timbang o haba. Sila rin ang unang nagtatag ng organisadong
pwersa sa pagtatayo ng mga dike at ang nagtuklas ng agham ng pag-oopera.
Sa kabilang banda, ang isa pang grupo ng mga tao na nanirahan sa Mesopotamia ay ang
mga Babylonians.
Ang pagdating ng mga Amorite sa dating lupain ng mga Sumerian noong 1850 B.C.E. ay
naging hudyat ng pag-usbong ng bagong dinastiya ng mga Babylonian. Una itong pinamunuan ng
limang hari ngunit sa ika-anim na hari ng Babylonia na si Hammurabi sumikat ang kabihasnang ito.
Siya ang nagbuklod sa mga lupain sa timog-silangan at hilagang-kanluran ng Ilog Euphrates sa ilalim
ng kanyang pamamahala.

HAMMURABI
Hindi tulad ng mga Sumerians na pinamumunuan ng pari, ang mga Babylonians ay
pinamumunuan ng hari na gumaganap bilang pinunong ehekutibo, ng hukuman at ng militar.
May mga batas na ipinatupad ang mga Babyloniansang Kodigo ni Hammurabina
nagsilbing gabay ng mga mamamayan sa araw-araw nilang pamumuhay.
Halos kaparehas ng mga Babylonians ang mga Sumerians sa kanilang sistemang panlipunan.
Nahahati sa tatlong pangkat ang kanilang lipunan. Ang una na tinatawag na mataas na uri,
ay kinabibilangan ng mga aristokrasya, mga opisyal ng pamahalaan at militar, at mga pari. Ang
pangalawa, gitnang uri, ay binubuo ng mga mangangalakal, artisano, eskriba at mga propesyonal.
Ang huli naman, ang mababang uri ay binubuo ng mga ordinaryong mamamayan at mga alipin. May
karapatan ang mga alipin na magkaroon ng mga ari-arian, makipagkalakalan, mangutang o bilhin ang
kanilang kalayaan.
Mga mangangalakal ang mga Babylonians at umaabot hanggang Egypt, India, at Syria ang
kanilang pakikipagkalakalan. Ang mga mangangalakal na ito ang nagdala sa Babylon ng mga
materyales na wala sa imperyo tulad ng mga metal, kahoy, at bato.
Tulad ng mga Sumerians, ang mga malayang tao, mga alipin, at mga serf ang nagsasaka ng
mga lupaing pag-aari ng mga hari, aristokrasya at mga pari. Ang produkto ng mga lupaing ito ay
kabilang sa mga kinakalakal nila sa ibang lugar.
Ang dalawang kabihasnang ito ay hindi nagtagal sapagkat marami ring mga tribo ang
nagnanais na manirahan sa lupang kanilang kinatitirikan dahil sa mataba nitong lupa. Bumagsak ang
mga sibilisasyong ito dahil sa pagsakop ng iba pang grupo ng tao na may mas malakas na mga armas
kaysa kanila.
Sanggunian:
Kabihasnang Asyano Kasaysayan at Kultura
ni Luisa Camagay, Ricardo Jose, Evelyn Miranda at Celestina Boncan
Makabayan Serye: Daigdig Tungo sa Globalisasyon
ni Evelina Viloria at Mayumi Abrecea

You might also like