You are on page 1of 36

A N A T O

M

I Y A

N G P A G - I B I G

JULIA
DING
FERDIE
RUDY AT DIVINO
SEPTEMBER AT SIMON
MARIA
LOPE
TISOY
DELIA AT WENG
PAULA
EVA
DENCIO AT MENG

Dulang Ganap ang Haba

Ang Anatomiya ng Pag-ibig ay may 12 bahagi. Dahil ang mga tauhan ay sa iisang
bahagi lamang lumilitaw, maaaring gumanap ng maski ilang role ang mga artista.
Maganda nga kung gagawin ito. Higit nitong maisasabuhay ang gusto sabihin ng
kabuuan ng dula; makakatulong ito sa pagbibiswalays sa konsepto ng Anatomiya.
Dapat ay minimal lang ang ayos ng entablado. Gayundin ang gamit ng props.
Ang mga bahagi ng dula ay mangyayari sa unang hati ng isang araw, mula ika-isa ng
umaga hanggang katanghalian.
I. JULIA
Buwan.
Pang-dalawahang mesa sa isang restawran. Nakaupo ang Lalaki. Nakatayo sa may
bintana si Julia, tumititig sa buwan.
JULIA

:

Palagi mong sinasabi noon.

LALAKI

:

Noon. Lipas na ang noon.

JULIA

:

Paikot-ikot ka lang naman. Umikot ka ulit. Ako rin. Pareho tayo.

LALAKI

:

Sawa na ako... Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa 'yo?

Katahimikan. Uupo si Julia.
JULIA

:

Ako, hindi pa. Palagi ka namang bumabalik. Sa akin. Bumabalik ka
palagi sa akin. Umaalis ka, tapos bumabalik. Alis, balik. Ginugulo
mo'ng buhay ko. Pero gusto ko... Ginugulo mo, pero gusto ko.
Ganoon naman ako. Mahilig sa gulo. Mahilig sa'yo.

LALAKI

:

Hindi ka pa talaga nagsasawa sa akin.

JULIA

:

Mabuti alam mo.

LALAKI

:

Alam ko pero hindi ko maintindihan kung bakit.

JULIA

:

Ako man. Hindi ko rin maintindihan kung bakit. Siguro walang
dahilan. Siguro init lang. Libog, baga. Kati. Alam kong babalik ka
kung mangangati ako. Parang buwan. Dumarating kung gumagagabi.
Minsan nandidilat, tulad ngayon. Minsan sumisilip lang. Minsan
nagtatago. Pero alam mong nandiyan lang, babalik bukas kung didilim
ulit. Parang ikaw. Balik ng balik... Ayan, umuulit na naman tayo.

Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG

Page 2 of 36

LALAKI

:

Kung mamamatay akong bigla, hindi na ako makakabalik.

JULIA

:

Ngayon. Hindi ka makakabalik ngayon, pero darating ka ulit. Hindi
ko alam kung paano.

LALAKI

:

Mahal mo ba ako?

JULIA

:

Hindi ko alam. Siguro. Medyo. Parang ganoon na nga. 'Ewan ko
kung paano sasagutin 'yan. Sa dami ng p'wedeng sabihin mahirap nang
mamili. Basta ang alam ko... matagal kang nawala. Nakakauhaw ka.

LALAKI

:

May mga nakilala ako. Magkakapatid.

JULIA

:

Kukuwentuhan mo ako ng mga nangyari sa inyo?

LALAKI

:

Parang ayoko. Baka masaktan ka. Balat sibuyas ka. Sa totoo lang,
kayo. Balat sibuyas kayong lahat.

Katahimikan.

Sandaling katahimikan.
JULIA

:

Iniwan mo sila?

LALAKI

:

Iniwan ko sila. Kaya magkasama tayo ngayon.

JULIA

:

Nagbago ka ba?

LALAKI

:

Ikaw?

JULIA

:

Una akong nagtanong, kaya una ka ring sumagot.

LALAKI

:

Oo.

JULIA

:

Ako, hindi. Katoliko pa rin ako. Katolikong sarado pa rin ang lahat
ng mga taong lumiligid-ligid sa akin. Sa bahay. Sa trabaho. Sa jeep.
Maski saan. Hindi ako ganito kapag araw. Ganito lang ako kapag
kasama kita... (Magaatubili sa susunod na sasabihin) Anong oras na
ba? Hatinggabi na? Lagpas na? Kasama na naman kita. Palagi
namang lagpas hatinggabi lang kung magkita tayo.

LALAKI

:

Para tayong mga aswang.

Katahimikan.

Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG

Page 3 of 36

LALAKI : Ganyan ba lahat ng tao? JULIA : Hindi ko alam. JULIA : Kailangan. mahirap sumagot ng mga ganyan. maski iba-iba ang tao. Depende lang sa oras. Sabi mo nga. Ikaw ba? LALAKI : Hindi ko rin alam. 'Ewan ko kung bakit. bawat oras. Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 4 of 36 . Mabubuang ka kung pipilitin mong intindihin. mahal na rin kita. ngayong gabi. Sandaling katahimikan. Basta magkakarugtong sila. mga aswang. hatinggabi na. Katahimikan. Ang dami-daming nangyayari. mahal na kita. LALAKI : Wala na akong pera. magulo ang isip ko. Lagpas na. LALAKI : Mahal mo ako? JULIA : Kung lagpas hatinggabi na. Pero alam mo magkakarugtong sila. may papatayin tayo.JULIA : Oo. JULIA : Anong oras na? LALAKI : Sabi mo. LALAKI : Aaswangin? JULIA : Kung ganoon ang gusto mong itawag roon. mahal kita. JULIA : Sa tingin ko. Huwag mo na ako tanungin. Tamang-tama. LALAKI : Bakit ganyan ka? JULIA : Bakit paano? LALAKI : Bakit ang gulo-gulo ng isip mo? JULIA : Hindi magulo ang isip ko. LALAKI : Sa tingin ko. lahat nabubuo sa dulo. Magtatawanan silang dalawa.

. JULIA : Hindi mo na kailangang intindihin pa. na inenjoy ko rin naman. Basta mahal kita. pumatay tayo ng tao. Ako man... pero hindi ko makakalimutan 'yung moment. LALAKI : Sa buwan lang 'yan. LALAKI : Nasa Pilipinas ka. iba kasi... JULIA : Baliw na siguro ako. LALAKI : Akala mo ba tuwang-tuwa ako kapag naririnig ko 'yan? JULIA : Mahal na mahal kita. JULIA : Hindi. JULIA : Bakit ganyan ka? Tuwing kasama kita. Hindi ko alam kung bakit.. 'yung adrenaline rush. ako rin naman. gusto ko kasi kasama kita. Hindi ko lang kasi talaga makalimutan 'yung hiyaw ni.. LALAKI : Masyado mo namang niroromanticize. I mean... o kasama kita. LALAKI : Ako man. kapag kasama ka. LALAKI : Hindi kita maintindihan.. natatandaan mo pa ba ang pangalan noong gago? Kunsabagay. LALAKI : Ilang ulit mo na sinabi 'yan... Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 5 of 36 ... Pero ibang-iba ako.JULIA : Kapag sumaksak ako't sumuntok ka. 'yung bilis ng moment. Sinisisi lang lahat sa buwan.. Walang baliw rito. Naaalala ko lang. JULIA : Totoo? LALAKI : Oo. JULIA : Mahal kita.. Mas inenjoy ko pa 'yon kaysa sa sex natin.. hindi na. nagbabago ako.. JULIA : Mahal kita. Katahimikan. Halika. erotic para sa akin 'yon.. 'yung ideya na ginagawa ko 'yon tapos kasama kita..

Tumigil ka. Pinagusapan natin ito noon. Hindi ko alam kung bakit. Kasi tumigil ka rin. mukha kang pamilyar. Katahimikan. I mean.. Hindi p'wedeng nakatayo ka d'yan dahil gusto mo lang.. 'di kalayuan sa isa't-isa.. Mga ganitong pagkakataon. Hindi ako p'wedeng magkamali kasi ikaw lang naman ang. Katulad ngayon. hindi na tayo magkikita. Hindi ka naman siguro magsasayang ng oras kung wala kang sasabihin. Oo. magiiwan ng pera sa mesa. magkatalikod. Hindi rin ako sanay. natatandaan ko. ng ganitong pagkakataon.. Naiintindihan ko naman siguro. pero siguro hinahanap mo rin ako. DING Nakatayo ang isang Lalaki at isang Babae. alam ko.. Pinagusapan natin ng mabuti. Hindi mo ba ako naririnig? Dito rin tayo nagkita. Tatayo silang dalawa. Ako rin naman. Hinahanap mo nga ba? May balak ka bang magsalita? Oo. Haharap sa Lalaki ang Babae. Hindi gagalaw ang Lalaki. Sabi mo noon. Tumigil ka sa paglalakad. BABAE : Kilala kita. BABAE : Kilala kita..Katahimikan.. ganyan ang hitsura. Alam kong meron. 'di ba? Mga ganitong oras rin? Ikaw 'yon? Ikaw 'yon. Hinihintay mo rin ako. aalis. Halimbawa ngayon. Hinahanap mo rin siguro. magiiwasan tayo. Titngin lamang ito sa relo niya.. Nagkasundo tayo sa maraming bagay. ng ganito. Katahimikan. Kanina sabi ko. hindi tayo titigil kung nagkataon. Magdidilim. II. Hindi ka sanay. Walang pinagkaiba. Sino ba naman kasi? Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 6 of 36 .

Pipihit. Nagkasundo tayo. Akmang aalis ang Babae. LALAKI : Wala naman akong balak makipagusap sa'yo. Alam ko 'yon. Alam ko 'yon. hindi tayo dapat nagkikita. Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 7 of 36 . Ikaw 'tong madaldal. BABAE : Kasi naghihintay ka. Hindi tayo magkikita dahil hindi tayo magkakahanapan. LALAKI : Pero ikaw ang nagsalita. Katahimikan. BABAE : Pero tumigil ka sa paglalakad. BABAE : Umiikot ang buhay mo sa akin. Pipihit ang Lalaki para magkaharap sila. Alam mo ba kung gaano kasakit ang ginawa mo sa akin? Titigil ang Babae. LALAKI : Hinahanap mo ako. LALAKI : Tumigil ka rin.LALAKI : Sabi mo noon. LALAKI : Una ka namang nagsalita. BABAE : Pero tumigil ka rin. LALAKI : Huwag mong kakalimutan. LALAKI : Sinusundan mo ako! BABAE : Nagkasalubong tayo! Maghihintay ang Lalaki at Babae na magsalita ang bawat isa pero walang mamagitan sa kanilang dalawa. LALAKI : Kasi tumigil ka. BABAE : Kasi naghihintay ka nga. Natatandaan ko. BABAE : Ikaw 'tong nakikinig. magiiwasan tayo. BABAE : Una kang tumigil. BABAE : Hindi ko kasalanan.

.. Ibabato ni Ferdie ang hawak na aparato. Wala sa usapan 'to.. Walang mangyayari. (Maghihintay ng sagot si Ferdie sa liwanag) Ikaw ba? Ikaw ba'ng may kagagawan nito? Bakit ganito? Bakit hindi mo na lang ako pinaholdap? Tama 'yon.. Kukuha ng isang aparatong parang plais sa katabing mesa. Hindi patatalo ang Babae. Magdurugo ang ilong nito. basta sasabihin mo. Sobra na masyado. O maski isang buwan. Akmang tatayo ang Babae. Sobra sobra na 'tong ginagawa mo.. Hindi pera sa ngipin. Ipapasok ito sa bunganga niya. FERDIE : Kung pinaparusahan mo ako.LALAKI : Ang kapal naman ng mukha mo! BABAE : Ikaw itong hayok na hayok. Katahimikan. Sasalubungin siya ng suntok sa mukha. Wala ka man lang babala.... Mahaba at marahas ang kanilang pagbubugbugan. sige lang. Magdidilim. Gagapang papunta sa dental chair ang nanghihinang si Ferdie. itodo mo lang.. itodo mo kung paano mo gusto.. buong ingat siyang uupo. Mapapasigaw ng pagkalakaslakas.. Wala kang sinabi. Hindi na tama 'to. Hindi p'wede. kung ano man ang gusto mong gawin sa akin. Bubugbugin ng Lalaki ang babae. Hindi p'wedeng ganito. May sobra ka pa. Sasapakin ng Lalaki ang Babae. Isang buwan lang. Unfair 'yon. FERDIE Isang dental chair. maski isang araw lang sana. III. Maski isang linggo... Matalim na ilaw — animo'y galing langit — ang nakatutok rito. O kung gusto mo talaga. Kung sina Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 8 of 36 . Pilit na bubunutin ang isang ngipin. Dahan-dahan. Hindi na p'wede. Pera sa pera. Wala akong problema sa isang buwan..

Papuputukin ng papuputukin hanggang sa maubos na lang ang bala. Maghahanap siya ng bala ngunit walang makikita. Magiiiyak. Nakadilat pa rin siya. Sasakay ang isang Lalaki. Pupunan niya ito ng bala. tatanggalin ni Ferdie ang baril sa bibig niya... (Bubuksan niya ang katabing drawer at kukunin ang isang rebolber. Sisimulan niya ang makina at magsisimulang magmamaneho. Sasandal siya. Pagsulyap sa rear-view mirror. Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 9 of 36 . Hahawak sa namamagang ngipin. Titingin sa liwanag. Dadaloy ang dugo mula sa batok ni Ferdie.. papuputukin sana kaya lang wala ng bala. sina Rudi at Divino. Maya-maya'y titigil. Kakapain ang batok. pero hindi titigil sa pagmamaneho. Dapat ako rin! Dapat ako rin. Mapapasandal na lang muli. matatawang mag-isa si Ferdie. Babatingting ang orasan ng tatlong beses. Sasandal siya sa upuan. IV. Titingin sa liwanag. papuputukin niya ang rebolber.) Hindi ako papayag sa ganito. Mahihintakutan siya. ANO'NG KASALANAN KOOO?! Ano'ng ginawa ko sa'yo?! Ano'ng mali ang ginawa ko?! (Unti-unti. isusubo niya ang dulo rebolber. RUDI AT DIVINO Loob ng isang kotse. (Matatawa muli si Ferdie. Pakakalmahin ang sarili.) Magdidilim. makikita niyang nakaupo sa likod ang dalawang malalaking lalaking naka-bestida. At papuputuking muli. Hinihingal.) Ano'ng gusto mong malaman ko.. Manananghoy sa liwanag. Parang lawang aagos ang dugo mula sa batok ni Ferdie. Papuputukin. Tatawa siya ng tatawa hanggang sa hingalin siya't hindi na makatawa. Nakatitig sa liwanag. 'tang-ina mo kung may ina kang b'waka ng ina mo! Matagal na katahimikan. Kukunin ang baril at itututok sa ngipin. Muli.Noah binigyan mo ng babala. makikitang duguan ang sarili.

Napagod tayo sa kakahanap. dapat kilala din niya tayo. RUDI : Sa wakas nahanap ka rin namin." DIVINO : Sabihin mo na. sa kakahanap. ikaw at ako. Divino. Siya nga ang hinahanap natin. magdamag.. Tama ka. DIVINO : Napagod tayo. Kilala ba natin siya. tama ba ako? DIVINO : Oo." RUDI : Sige. Kilala na ba natin siya? Katahimikan. Sabihin na nating "Sa Wakas.. DIVINO : Sasabihin ko na.. Handa ka na ba? RUDI : Handang-handa na. LALAKI : Hindi." RUDI : Oo. Inabot tayo ng. Alas kuwarto na. Masasabi na rin nating "Sa wakas. RUDI : Sasabihin ko kung sasabihin mo. At inumaga siya. Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 10 of 36 .RUDI : Siya ang hinahanap natin. Matagal natin siyang hinanap. Hindi ko kayo kilala. RUDI : (Tatawa ng malakas) Hindi raw niya kilala? DIVINO : Hindi mo kami kilala? Dapat bang kilala mo kami? Ikaw kilala ka ba namin? RUDI : Oo nga. Ngayon masasabi na rin nating "Sa wakas. DIVINO : Sa wakas nahanap ka na rin namin." DIVINO : Sabihin na nating "Sa Wakas.. Rudi. RUDI : Napakatagal. tama ka. Divino? DIVINO : Kung kilala natin siya.

kilala natin siya. tawanan! Magtatawanan ng pagkalakas-lakas sina Rudi at Divino. dapat natutuwa tayo. 'di kakilala natin siya. tuwang-tuwa na rin ako. may nakikita ka ba sa tabi mo? Katahimikan. tuwang-tuwa na ako. Ititigil ng Lalaki ang sasakyan. Kung kilala natin siya. Tuwang-tuwa ka na nga ba? DIVINO : Oo. tuwang-tuwa ka na ba ngayon? RUDI : Kung tuwang-tuwa ka. RUDI : Oo. Tapusin na nating lahat. tumatawa. Ikaw ba. Kasi.RUDI : Sa tingin ko. RUDI : At dahil magkakakilala tayo. magkakakilala tayong lahat.. DIVINO : Sino kaya ang kinakausap niya? RUDI : May nakikita ka ba sa tabi mo? DIVINO : Wala. tama ba? DIVINO : Magtatawanan na ba tayo ngayon? RUDI : Magtatawanan na tayo ngayon! Hala sige. kinakausap natin siya. Tayo. masaya. DIVINO : May kinakausap siya. Siya galit.. Rudi. Kung kilala niya tayo. Dapat tuwang-tuwa na tayong lahat. Kasi dapat natutuwa ang mga magkakakilala kung nagkikita-kita. Divino. siya hindi. At dahil tuwang-tuwa ako. RUDI : Oo nga. kilala niya tayo. DIVINO : At hindi tayo. Divino.. Ayoko na ng gulo. bumaba na kayo. DIVINO : Tuwang-tuwang-tuwa. At kung magkakakilala tayong lahat. Rudi. dahil tayo masaya. Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 11 of 36 . RUDI : Tayo. DIVINO : Tama ka. siya hindi. tuwang-tuwa tayong lahat! At magtatawanan tayo. LALAKI : Bu. tuwangtuwa ka na rin. Rudi. may kinakausap siya..

tayong tatlo lang ang nasa sasakyan. Malungkot siya. dapat isa sa atin. Pero hindi siya masaya. RUDI : Pero hindi isa sa atin. sino ang kinakausap niya? DIVINO : Hindi kaya tayo? Kung tayo kasi. kapag may kinakausap siya. 'yung nakangiti. dapat masaya siya. Kung hindi isa sa atin. tayong tatlo lang ang nasa sasakyan. DIVINO : Oo. hindi ko maintindihan kung bakit. DIVINO : Siya kaya. RUDI : Hindi ko rin maintindihan kung bakit. naghihintay siya. Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 12 of 36 . O naiinis. baka magalit siya — Katahimikan. RUDI : Hindi nga siya masaya. DIVINO : At katulad mo rin. Ang masaya kasi. Kung wala kang katabi. At kung tayong tatlo lang ang nasa sasakyan. at wala akong katabi. DIVINO : Gusto niyang itanong pa sa kanya? RUDI : Gusto niyang itanong pa sa kanya! DIVINO : Kung ganoon. ibig sabihin. RUDI : Oo. RUDI : Pagbibigyan ba natin siya? DIVINO : Kung naghihintay siya. O galit. alam niya kung bakit? RUDI : Tanungin natin siya.RUDI : Wala. DIVINO : Hindi katulad niya. Anupaman. Baka naman gusto niyang itanong pa sa kanya. dapat sasabihin niya. Pero hindi siya nagsasalita. katulad natin. DIVINO : Tatanungin ba natin siya o sasabihin na lang niya? RUDI : Kung naririnig niya. Katulad mo.

. Paaandarin ng lalaki ang sasakyan. DIVINO : Panaginip? RUDI : Panaginip na masama? DIVINO : Panaginip na masama. Magtatawanan sina Rudi at Divino.. Dahil may kinakausap siya at tayo lang ang kasama niya. RUDI : Ano kaya ang masamang panaginip niya? DIVINO : Oo nga. Katahimikan. sa tingin ko. alam ko. alam ko.. Mabilis niya itong patatakbuhin. LALAKI : (Naiiyak na) Bakit.. DIVINO : Oo. May sinasabi siya sa atin. bakit suot ninyo ang mga damit ng asawa't anak ko? RUDI : May sinasabi siya sa atin. RUDI : (Pabulong rin) Oo nga. RUDI : At sa tingin ko alam niya rin. nagalit siya. RUDI : Para siyang nananaginip ng masama. Magdidilim.LALAKI : TUMAHIMIK NA NGA KAYONG DALAWA!!! DIVINO : (Pabulong) Rudi.. Umiiyak ang lalaki. nagalit siya.. Ano kaya ang bangungot na p'wede niyang ikamatay? RUDI : Sa tingin ko. Matagal na katahimikan.. V.. DIVINO : Sa tingin ko rin. SEPTEMBER AT SIMON Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 13 of 36 . Sa tingin ko.

SIMON Masarap nga ang kamatis kapag mainit ang sinangag. Nakikinig sila sa ratsada ng mga balita sa radyo. SEPTEMBER : Alas-sinko na. : SEPTEMBER : Masarap ang kamatis kapag mainit ang sinangag. Ratsada balita! Ratsada balita!" Maririnig ang program Id ng isang programa sa radyo. Hindi rin sabay sabay. SEPTEMBER : Alas-sinko na. : SEPTEMBER : Hindi.. Mahihirapan sila maglista. P'wedeng matulog habang nagiisip pero hindi p'wedeng magisip habang natutulog. SIMON Kung kulang o sobra ang mga oras. Kasi susundan lang nila ang araw. : Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 14 of 36 . Maririnig natin ang sigawan nang kaning binuhos sa kumuluhong mantika at kutsilyong tinataga sa sangkalan. Magliliwanag ang entablado. Hindi natin alam kung alas kuwatro na ba o alas-dalawang daan na. hindi mo alam ang sinasabi mo! : SEPTEMBER : Ikaw ang walang alam. Parang mga hindi marunong magbilang. gisingin ang subconscious at isubo ng isubo ng isubo ang masusubo namin sa inyo ngayong alas-sinko ng umaga dito sa. Katahimikan. Hindi tayo makakagising para magluto ng pangalmusal. Hihina ito't magiging background. Mamatay ang lahat ng mga may-sakit.. SIMON Hay naku. Kasi. hindi nila alam kung anong oras sila papasok. SIMON Alam ba nilang gigising sila mamaya? : SEPTEMBER : Paano mo malalamang gigising ka kung natutulog ka pa? SIMON Nag-iisip tayo kapag natutulog. SIMON : Alas-sinko na.TINIG "Ratsada balita! Ratsada balita! Sumisilip na ang araw at nandirito na naman kami para maghatid ng sariwang-sariwang balita sa inyong : lahat na natutulog pa! Hala. mahihirapan tayong magbilang. Nagtatadtad ng kamatis si Simon. Nagsasangag si September.

Mamatay lahat ng mga tao kung walang kusina. : SEPTEMBER : Kung walang magsasangag mapupuno ang mundo ng bahaw. Hindi sa kama. SEPTEMBER : Alam ko. SIMON Dapat bang magutom ang buong mundo dahil nagpapalit tayo ng mga gawain? Tama bang maging ganoon ang ayos ng tadhana? : SEPTEMBER : Hindi maiiwasan ang ganoon. Sa kusina tayo unang nagkausap. wala rin ako. hindi magiging makabuluhan ang dilis. ngunit sa kusina. Magugutom ang buong mundo. SIMON Alas-sinko na. Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 15 of 36 . wala rin ako. : Katahimikan. SIMON : Kung walang maghihiwa ng kamatis. may ibang magsasangag at ibang maghihiwa ng kamatis. lahat nagsisimula sa kusina. Hindi sa kama. SIMON Mahalaga tayo sa mundo. Tama ka. SIMON Paano kung wala silang disiplina? : SEPTEMBER : Magugutom tayo. SIMON : SEPTEMBER : Walang halaga ang kama. Hindi na tayo gigising ng ganito kaaga. Hindi sa kama. SEPTEMBER : Darating ang araw. : SEPTEMBER : Tayong dalawa.SEPTEMBER : Kung wala ka. pero hindi tayo mamamatay kung walang kama. Sino'ng p'wedeng mabuhay sa kama! Pero tayo nabubuhay sa kusina. SIMON Ano? : SEPTEMBER : Tama tayong dalawa. Sa kusina kita unang nakita. na sa mundo natin. SIMON Kung wala ka. Papatayin ni Simon ang radyo. Katahimikan. Simon. Magtitinginan lang silang dalawa. Hindi sa kama. Ginawa ang mundo para sa ating dalawa. September.

. Sa 'tin nga. Kapag nagising silang lahat. O ng kamatis na nilayo sa talas ng itak. VI. SIMON Oo. SIMON Oo. : SEPTEMBER : At buto ng kamatis. Magdidilim. Sa taas ng tokador ay may nakasabit na orasan. iba na.. SIMON Walang tatalo sa mga katas ng kusina.. : Makikita sa kanilang mga mukha ang 'di masukat na kasiyahan. SIMON Na may sabaw.. Katahimikan. Simon. : SEPTEMBER : Tayo lamang ang makakaamoy noon. : Katahimikan.SIMON : Marami na ang nangyari sa atin rito sa kusina. SEPTEMBER : Sa atin umiikot ang mundo. Tama tayo. SIMON Alas-sinko na. Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 16 of 36 . Dalawang Babae sa magkabilang bahagi ng salamin. SEPTEMBER : Marami ang nangyayari kapag may naaamoy kang mga katas. : SEPTEMBER : Ng kawali. September. MARIA Isang tokador. BABAE 1 : Basta tatandaan mo.. Sa init ng kawali.. umiikot ang mundo. BABAE 2 : Tatandaan ko. tama ka. Iba na ang amoy ng sinangag kapag tinanggal na sa mainit na kawali. SEPTEMBER : Alas-sinko na. kung magigising man silang lahat. Ganap na ika-anim.

BABAE 1 : Wala ka pang nakikitang bayag. BABALE 2 : Dinalhan ako ng milagro ng anghel. P'wedeng nakakita ka na ng bayag. BABAE 1 : Ikaw ay nagdadalang tao sa anak ng Diyos. BABAE 1 : Bigla ka na lang nabuntis.. BABAE 2 : Hindi pa ako nakakahawak o nakakakain man lang ng bayag! BABAE 1 : Hindi pa rin kapani-paniwala.. Sabihin mo pa ulit.. BABAE 2 : Hindi pa ako nakakahawak o nakakakain man lang ng bayag!!!! BABAE 1 : Malapit na. Ikaw ang ina ng anak ng Diyos. Maniniwala na ako. pero. Sandaling katahimikan..BABAE 1 : Huwag na huwag ka lang makakalimot. BABAE 2 : HINDI PA AKO NAKAKAHAWAK O NAKAKAKAIN MAN LANG NG BAYAG! BABAE 1 : Isa na lang. BABAE 2 : Pero. Pero hindi ka pa nakakahawak o nakakakain man lang nito. BABAE 2 : HINDI PA AKO NAKAKAHAWAK O NAKAKAKAIN MAN LANG NG BAYAG!!! Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 17 of 36 . BABAE 1 : Dinalhan ka ng milagro ng anghel. nakakita na ako ng bayag! Marami na! BABAE 1 : Sige. BABAE 2 : Dinadala ko ang anak ng Diyos. Ulitin mo. Ulitin mo pang muli. BABAE 2 : Ako ang ina ng anak ng diyos. Kailangang maniwala sila. BABAE 2 : Bigla na lang akong nabuntis. BABAE 2 : Hindi pa ako nakakahawak o nakakakain man lang ng bayag. BABAE 1 : Hindi kapani-paniwala.

Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 18 of 36 . BABAE 2 : Hindi sila papasok kapag kaarawan niya. BABAE 1 : Tatandaan nilang lahat ang pangalan niya. lumpia. (Matatahimik ng matagal. Maganda ka. BABAE 2 : Maniniwala sila sa akin. BABAE 1 : Magaling.. litson. BABAE 2 : Dala ko ang anak ng Diyos. spam at kung ano ano pa. BABAE 2 : Magbibigayan sila ng regalo. Ang anak ng Diyos. BABAE 1 : Susunod sila sa akin. BABAE 1 : Tatandaan ko.spaghetti.Katahimikan. BABAE 2 : Kakalimutan nila ang mga kasalanan. BABAE 2 : Walang kaduda-duda BABAE 1 : Walang kaduda-duda. BABAE 2 : Papangalanan ko siyang Emmanuel. BABAE 1 : Kung mamimili nga ang Diyos. Katahimikan. BABAE 2 : Walang kaduda-duda. BABAE 1 : Emmanuel ang ipapangalan mo sa kanya.. BABAE 1 : Magbabatian sila ng Merry Christmas kapag kaarawan niya. BABAE 1 : Kakain sila ng marami -. pihadong ikaw ang una't-huling titignan niya. tititigan ang sarili) Basta tatandaan mo. BABAE 1 : Ako ang ina ng anak ng Diyos. keso de bola. BABAE 2 : Emmanuel.

hindi na sila bumabalik. Kapag kinakatay natin ang mga manok. VII. LOPE Katawan ng isang matanda't matabang babae na nakahiga sa mesang kainan. BABAE 1 : Napili ka nang maging ina ng anak ng Diyos.BABAE 2 : Handa na ako. LOPE : Saan po siya nagpunta? LOLO : Sumama na siya sa mga manok. BABAE 2 : Dahil ako ang pinili. nakaupo ang maglolo. Napili ka na. BABAE 2 : Napili akong maging ina ng anak ng Diyos. BABAE 2 : Kapag sumikat na ang araw. Sa magkabilang dulo ng kainan. LOPE : Sa mga manok po. Napili na ako. BABAE 2 : Walang magagalit sa akin. BABAE 2 : At ako ang ina ng anak ng diyos. BABAE 1 : Walang magagalit sa'yo. BABAE 1 : At ikaw ang ina ng anak ng diyos. Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 19 of 36 . hindi na babalik ang lola mo. BABAE 2 : Dahil banal ako. BABAE 1 : Kapag sumikat na ang araw. Magdidilim. LOLO : Lope. ibang tao na ako. lolo? LOLO : Sa mga manok. BABAE 1 : Dahil ikaw ang pinili. BABAE 1 : Dahil banal ka. ibang tao ka na.

LOLO : Kayo talagang mga kabataan kayo. Matatawa ang lolo ni Lope. 'di ba. Nagugutom ka na ba? LOPE : Hindi pa po. LOLO : Gusto mo bang ulamin ang lola mo? LOPE : Masarap po ang mga manok. kung ano-ano ang pinapasok sa isip.LOPE : Hindi na po siya babalik? LOLO : Hindi na siya babalik. Ang lola po noon. Katahimikan. LOLO : Tinola? LOPE : Hindi po ba masarap ang tinola? LOLO : Tinola? Nagpapatawa ka bang bata ka? Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 20 of 36 . lolo? LOLO : Oo. Pero malapit na po. LOPE : Uulamin po natin siya? LOLO : Kung gusto mo. kapag may namamatay na manok. Magkakamot ng ulo si Lope. LOLO : Ano ba'ng gusto mong luto sa lola mo? LOPE : Masarap po ang tinolang manok. Hah! Uulamin ang matanda! Sino ba naman ang nagpasok sa isip mo niyang mga bagay na 'yan. maaari. LOPE : Inuulam po natin ang mga manok. oo. tinitinola niya. LOLO : Hindi pa? LOPE : Hindi pa po. Kung gusto mong ulamin ang lola mo.

hindi ka pa nagkakaroon ng manok... Masarap ang tinola kapag maganda ang pagkakalaga. Hindi p'wedeng almusalin ang tinola. Kailangang labanan ng amoy ng luya ang lansa.... Hindi mo alam kung gaano kalaking sugat ang naiiwan sa puso ko.. AYOKO NANG MARIRINIG NA BABANGGITIN MO ANG SALITANG 'YAN SA PAMAMAHAY NA 'TO! Katahimikan.. sa tamang Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 21 of 36 . huwag na lang po tinola.. LOLO : ANO? LOPE : Huwag na... Kailangang labanan ng matagal na pagpapakulo ang tigas ng laman... balang araw magkakaroon ka rin ng manok. Lintek kang bata ka.LOPE : Tinola po! Gusto ko po ng tinola! LOLO : Iho. Kailangan lahat nilalagay sa tamang panahon. Hindi p'wedeng magluto ng tinola kapag kasisikat pa lang ng araw! LOPE : Hindi po. Masarap kapag maraming luya... Hindi mo alam kung gaano kasakit... hindi ka pa nawalan.... LOLO : HUWAG ANO? LOPE : Huwag na. Hindi p'wedeng kumain ng tinola sa umaga... Matagal na katahimikan. Hindi mo alam.... Hindi p'wedeng may kulang sa paghahanda. ang tinola masarap lang pananghalian. Hindi po p'wedeng magluto ng tinola kapag maaga pa? LOLO : HINDEE!!! HINDI PWEDE ANG TINOLA KAPAG MAAGA PA! LOPE : Huwag....... LOLO : MULA NGAYON. Hindi mo maiintindihan. huwag na lang. kapag matagal na pinakukuluan ang manok. wala pang kinuha sa 'yong mahal sa buhay. palibhasa'y bata ka pa. maiintindihan mo rin. maiintindihan mo rin ang mawalan. Yuyuko lamang si Lope. Hindi p'wedeng may kulang sa rekado. Katahimikan. Lalo na kapag matanda na.....

Ngayon. hindi mo itataaas ang kamay mo. DOCTORA : Napakaaga mo. Kapag hindi kita pinatatayo. hindi ka magsasalita. Papasok ang Doktora-... Sa totoo lang. nambubuwisit na kayo. Kapag sinabi kong maiintindihan mo ang sinabi ko. pumupunta naman kayo — LALAKI : Hindi ko alam.. Natutulog sa upuan ang isang Lalaki. hindi ka hihinga. Kapag hindi ko pinatataas ang kamay mo. Kung saan kayo pinapupunta. Kayo talagang mga nagagawan sa trabaho. Sa araw-araw na lang na ginawa ng diyos. 'yang mukha mo ang sumasalubong sa akin. Kapag hindi kita pinahihinga. Kung sabagay. Alam niya. Kapag hindi kita pinatutuwad. hindi ka titingin sa akin.pagkakataon. Iho. Kung anong pinagagawa sa inyo. Sampung beses na kitang nakita. ginagawa naman ninyo. Alam ng lola mo 'yan. palagi naman kayong maaga. Sa bawat umaga na lang. Katahimikan. Siguro mas marami pa. nandirito ka. TISOY Isang klinika. hindi ka tutuwad. maiintindihan mo ang sinabi ko. anong luto ang gusto mo sa lola mo? Magdidilim. Sa dinami-dami ng manok na niluto niya alam niya 'yan. Kapag hindi ko sinasabing magsalita ka. sabi ko ang Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 22 of 36 . Para kayong mga linta. Kukunin ng Doctora ang record niya sa mesa. Kapag hindi kita tinitignan.. (Hindi pa rin magigising ang lalaki) NAPAKAAGA MO!!! Mapapabalikwas ang Lalaki. DOCTORA : — Manahimik ka! Hindi ko sinabing magsalita ka. naaalibadbaran na ako sa mukha mo. naiintindihan mo ba ang sinabi ko?!? Tatango lamang ang Lalaki. Hindi niya alam kung bakit siya nandoon. Alas-siyete pa lang. (Hindi magigising ang lalaki) Napakaaga mo. VIII. Ikaw na naman. Noong una.isang maliit na babae. hindi ka tatayo.

Tumigil ka na sa pagtalon. Hanga ako sa iyo. (Itatabi ng lalaki ang mesa ng Doktora) Gagawin mo ang bawat sasabihin ko kung hindi babarilin kita. (Tutuwad ang Lalaki. (Maghuhubad ang Lalaki) Tumuwad ka.) Maghubad ka. Tumalon ka lang ng tumalon hanggang sa patigilin kita. Maganda ang katawan mo. Tumalon ka ng nakatuwad. Ganyan ang gusto ng kumpanya. Tamang-tama. Ayong-ayon sa istandard ng kumpanya. Ang butas ng p'wet mo na siguro ang pinakamagandang butas ng p'wet sa buong mundo. uma-umaga? Tanggalin mo ang lamesa ko. pero utos ng kumpanya. Huminga ng malamim. Huwag na huwag kang titigil. Huwag na huwag kang uutot. Maganda ang pagbubukas ng p'wet mo. (Uupo ang Doktora. Huminga ng malalim. Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 23 of 36 . Maganda ang katawan mo. Huwag na huwag mo ring susubukang tumayo. Perpekto ang anatomiya ng p'wet mo.g'wapo naman ng batang ito. Alam mo namang utos lang ito ng kumpanya. Ayaw ko. Magiging mabuti kang empleyado. Pero fucking shit! Sa araw-araw na lang na ginawa ng diyos mukha mo ang nakikita ko! Alam mo ba kung gaano kalaking penitensiya sa akin ang ganoon? Alam mo ba kung anong klaseng parusa sa akin ang makita ka araw-araw. Hindi diyan. Diyan mismo sa butas ng p'wet mo. Babarilin kita. Para kang hindi kumakain. gagawing lahat ng iutos sa kanya) Tumalon ka. Sa harapan ko. Ibuka mo ang p'wet mo. Mahusay. (Maglalabas ng baril ang Doktora) Huwag ka nang maarte. Ayaw mo rin siguro.

Hindi lamas. Bukas muli. Huwag kang gagalaw. Napapagod ka na ba? Laruin mo ang itlog mo. hindi mo paglalaruan. sabi ng kumpanya. Hindi pa napupuno. Bilisan mo. Bukas muli. Dahan dahan lang. Magbihis ka na. 'Yung nakakakiliti. Himas. Huwag mong lalamasin. bilisan mo. Himas. himasin mo lang.Huwag mong paglalaruan. IX. Hindi ko sinabing tayuan ka. Huwag lamas. Ganap na ika-walo ng umaga. Dahan-dahan lang. (Kukuha ng maraming dugo ang Doctora. Sige lang. Kung hindi ko pinalalaro sa'yo. Huwag kang gagalaw. Parang kagat lang ng langgam. Magdidilim. Huwag na huwag kang gagalaw kundi sa itlog ko itutusok ito. Ngayon naman. Pero himas pa rin. Kagaya ngayon. DELIA AT WENG (Ang bahaging ito ay maaaring gawing isang movemen piece) Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 24 of 36 . mapapapihit sa sakit ang Lalaki ngunit susubukang hindi gumalaw) Ngayon tumayo ka na. Dahan-dahan lang. Dahan-dahan. Hihimasin mo lang. Huwag kang gagalaw. Himasin mo lang. Huwag kang tatayuan. Hindi masakit ito. (Maglalabas ng herengilya ang Doctora) Kailangan kong kumuha ng dugo. Hindi pa. Huwag kang gagalaw.

Green light. Pero mahahagip din si Weng. X. May malaking iskrin sa pagitan nila. footage ng isang mahaba't malawak na kalsada mula sa punto de bista ng nagmamaneho. Magsisindi siya ng sigarilyo. Papabarurutin ni Weng ang sasakyan. Malakas ang hangin. Titigil muli sa kasunod na red light. DELIA : Asawa ko ang asawa mo. Pilit pinapatilapon sa tabi ng kalsada. Pareho silang pilit tinatandaan ang mukha ng isa't-isa. nakaupo sa anidoro. Green light. Iiwasan ito ni Weng. Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 25 of 36 . nakaupo sina Delia at Weng. Magsusuot ng seatbelt si Weng. Maluwag ang trapik. Sabay silang mababangga. May mababangga si Delia. May mababangga muli si Delia. Magpapaikot-ikot ang sasakyan niya. PAULA Si Paula. aaninagin ang hitsura ng bawat isa sa likod ng tinted windows. Mawawala ang ngiti ni Weng. Gayun din si Delia. Hahabol si Delia. Mangaasar si Delia. maya't-maya'y sumusulyap pa rin sa isa't-isa. Bubuksan ni Weng ang bintana ng auto niya. Magkakatinginan sina Delia at Weng. Kalmado si Delia. Sabay na titigil sina Delia at Weng sa red light. Gigiliran ni Weng si Delia. WENG : Inagaw mo ang asawa ko.Sa magkabilang dulo ng tanghalan. Ikaiinis ito ni Delia. Sa iskrin. Sabay silang mamamatay. Papatakbo sila ng kanya-kanyang sasakyan. Mapapangiti si Weng. Maaalala ni Weng kung sino si Delia. PAULA : Ibalik mo ang panty ko. nagmamaneho. Bubuksan ni Delia ang sa kanya. Pareho silang magpapaikot-ikot. Mas malaki ang sasakyan niya. Sabay na tatapak sa gas sina Delia at Weng. Pareho silang may hawak na manibela. Maya-maya'y maaalala ni Delia kung sino si Weng.

.... Kanina pa ako nandirito. Ni hindi mo maipapakita sa kung kanino. Hindi nakakatawa ang ginawa mo. Ano ba'ng magagawa mo sa panty? (Hahampasin ang pinto) Ano ba?!? Ilang araw pa akong maghihintay rito? Ilan. Pero hindi mo mabebenta. Bibigyan kita. (Makikinig siya.(Makikiramdam.. (Makikiramdam) Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 26 of 36 . Hindi ako lalabas. o ninyo.. Muntik na akong lumubog rito.. Panty. Hindi ako lumalabas ng walang panty. Walang maririnig) Akala mo ba maipagmamalaki mo sa pamilya mo ang ginawa mo? Anong sasabihin mo sa mga anak mo? Ipagmamalaki mo sa kanilang nakapagnakaw ka ng panti ng isang babaeng umiiihi? (Katahimikan) Ipagmamalaki mo ba 'yon? Ipagmamalaki mo ang panti ko? (Katahimikan) Ano'ng gagawin mo doon? Hindi siya kagandahan.. ibalik na ninyo ang panty ko. bibigyan ko kayo. Maski ilan.. Utang na loob. (Titingin siya sa relo niya) Utang na loob. Naririnig kita. Maski anong kulay. Katahimikan) Mag-isa ka lang ba? Baka marami kayo. Marami akong panty. (Sisilip siya sa ilalim na siwang) Naririnig ko kayo. Kung gusto ninyo. O bibigyan ko kayo.. Medyo hindi kagandahan pero hindi naman pangit. Nasaktan ako. katahimikan lang) Ibalik ninyo ang panty ko. Panty lang 'yan. (Muli. Alam mo bang nasaktan ako kanina? Alam mo ba 'yon? Masakit.. Hindi siya bago. o kita.. Basta ibalik lang ninyo. Hindi na ako nagbibiro.

Ingat ka. Alam mo ba 'yon? Nakikita mo ba sa panty ko? Nalalasahan mo ba? (Magsisimulang dukutin ang sarili) Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 27 of 36 . mas gusto ko pa sa lasa ng lalaki. Nandiyan pa ang lasa niyan. gustong gusto ko. Inunahan mo lang ako. Mas mabango. sa bus.... Malaki ang katawan ng kundoktor.. (Muling uupo sa anidoro) Madalas akong maglaway.. Alam mo ba kung gaano katagal ko 'yan dinudukot-dukot kapag umaga. (Taimtim na makikinig) Nilalasahan mo ba ako? (Matutuwa) Gusto mo ba ang lasa ko? Ako.Alam ko na. Gusto mo akong lumabas. Minsan. Naamoy kita. Naaamoy mo ba ang basa ko? Nakikita mo ba? Oo... Kanina lang. Bumabakat ang basa ko. Mas gusto ko pa sa lasa ng iba. Kung hindi mo inagaw 'yan ako sana ang lalasa. nakikita ang basa. hindi mabaho ang hininga. Gusto ko palaging malinis para kapag naglaway hindi. (Makikinig) Inaamoy mo rin ako? Nakikita mo ba ako kapag tinititigan mo 'yan? Nakikilala mo ba ako? Maski ang puday ko ba nakikita mo? Bumabakat ba? Bakat ba? Ano? Kakausapin mo man lang ba ako? (Makikinig) Nandiyan ka pa ba? (Makikinig) Naaamoy mo ba ako? Kanina. Ganoon sana ang gagawin ko rito. namasa ako. ano? Gusto mo akong lumabas ng walang panty.. Lalasahan ko sana kung hindi mo dinukot mula sa akin. Nakikita mo? Inaamoy mo ba? Tinitikman mo ba? Kaninang umaga lang 'yan. Mas maalat ang sa akin.

Katahimikan. Kung minsan. Guguhit na ang laway sa panty ko. Gusto mo bang malaman kung ano'ng nangyayari sa hawak mo? Kung ano'ng mga pinagdadaanan ng dinaanan niyan? (Matagal na katahimikan) Kung ibabalik mo sa akin. Ari ko ang pumapasok sa akin. Gusto ko ako lang. Ayoko ng ganoon. Kung may katalik ako iniisip ko palagi mukha ko ang nakadikit sa mukha ng nakapatong sa akin. naglalaway na 'ko. XI. bakit sa tingin mo maganda ka? LALAKI 1 : Eva. Alam mo ba kung gaano kasarap 'yon? (Katahimikan) Nakikita mo ba 'yon sa panty ko? (Katahimikan) Gusto mo bang malaman kung ano pa ang pinaggagagawa ko sa puday ko? Maaga pa pero kung handa kang makinig handa akong magkuwento. Maghihintay si Paula. Gusto ko sarili ko lang ang pumapasok. Sumisinga na ako. bakit maaga pa gising ka na? LALAKI 2 : Eva.May dumapo lang sa aking kahit lamok. bakit gusto ka nila? LALAKI 1 : Eva. dinadaliri ko ang sarili ko. Makaramdam lang ako ng hininga. EVA Si Eva ay nasa elevator.. LALAKI 1 : Eva. bakit boba ka? Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 28 of 36 . Gusto ko may nanonood.. Sinisipon na ako doon. naglalaway na ako. bakit marami pang pera? LALAKI 2 : Eva. Pero hindi ako nagpapahawak. ikukuwento ko. Magdidilim.

(Saksak muli) LALAKI 1 : Gusto kong nakawan ka. (Piko) LALAKI 2 : Gusto kong saksakan ka ng mga uod sa bunganga. (Suntok) LALAKI 1 : Naaalibadbaran ako kapag nakikita kita. LALAKI 1 : Hindi kita gusto. Eva. (Lagare) Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 29 of 36 . (Hambalos ng tubo) LALAKI 1 : Gusto kong ututan ang mukha mo. (Saksak) LALAKI 2 : Gusto kong putulan ka ng kamay. (Sinsil) LALAKI 1 : Gusto kong ilibing ka ng buhay. Eva. Eva. Eva. Eva.LALAKI 2 : Eva. Eva. Eva. Si Eva ay nasa sako. bakit hindi ka marunong magpatawa? Magdidilim. Eva. (Sipa) LALAKI 2 : Gusto kong plantsahin ang ilong mo. (Tadyak) LALAKI 2 : Sana mamayapa ka na. Eva. (Palo ng martilyo) LALAKI 2 : Gusto kong tahiin ang bibig mo. (Palo ng dos por dos) LALAKI 1 : Gusto kong parusahan ka. Eva. (Power drill) LALAKI 2 : Gusto kong makita mong hindi ka gusto ng tao. Eva. Eva. (Nail gun) LALAKI 1 : Gusto kong tanggalin ang mga suso mong bubuwit. Eva.

Eva. LALAKI 2 : Hindi ka nagpapautang. nilulunod. Eva. Eva. LALAKI 2 : Hindi ka maintindihan. (Martilyong tuloy-tuloy) LALAKI 1 : Gusto kong sagasaan ka ng tren. Eva. LALAKI 2 : Hindi ka dapat gayahin. LALAKI 1 : Hindi ka dapat mabuhay. (Titigil) LALAKI 2 : Gusto kong lunurin ang lahat ng humahanga sa'yo. (Lagare pa rin) LALAKI 2 : Gusto kong uurin ka. Eva. LALAKI 1 : Hindi ka nakakaalaliw. Eva. Si Eva nasa sako. (Martilyong paulit-ulit) LALAKI 1 : Gusto kong makita mong namamatay ang magiging anak mo. (Titigil) LALAKI 2 : Gusto kong mamatay ka. (Patuloy na lagare) LALAKI 2 : Gusto kong itulak ka mula sa eroplano. Eva. (Dirediretsong pukpok ng martilyo) LALAKI 1 : Gusto kong saksakin ang lahat ng nagmamahal sa'yo. Eva. Eva. (Titigil) LALAKI 1 : Gusto kong mamatay ang lahat ng rumerespeto sa'yo. Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 30 of 36 . (Martilyo muli) LALAKI 1 : Gusto kong sunugin ka ng unti-unti. (Lagareng walang-tigil) LALAKI 2 : Gusto kong lamunin ka ng buwaya.LALAKI 2 : Gusto kong patayin ang lahi mo. Eva. LALAKI 1 : Hindi ka nagpapatawa. Eva.

Si Eva nasa duguang sako. MENG : Alam ko kung ano'ng gusto mong gawin. XII.LALAKI 1 : Hindi ka dapat binibigyan ng trabaho. DENCIO : Oo. MENG : Hindi ako nagkakamali. Si Dencio ay may malaking kahon. Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 31 of 36 . MENG : Tayo lang ang tao? DENCIO : Ano? MENG : Tayo lang ang tao? DENCIO : Ako ba ang kinakausap mo? MENG : Ikaw lang ang tao. DENCIO : Nagkakamali ka. MENG : Tayo lang ang tao? DENCIO : Oo. LALAKI 2 : Hindi ka dapat humaharap sa amin. Magkaharap sina Dencio at Meng. LALAKI 1 : Binababoy mo kami. DENCIO AT MENG Tren. DENCIO : Hindi kita maintindihan. Magdidilim. Si Meng ay bulag. MENG : Alam ko kung ano ang laman ng kahon mo.

Alis. MENG : May ipinaglalaban ka. kuwento. Ngayon lang kita nakita. Ibig ko sabihin. Hindi naman kita kakilala. MENG : Hindi kita sinisisi. DENCIO : Pabalik-balik saan? Alam mo. MENG : Kami naman talaga ang nakakaintindi sa mundo.. Alam mo masakit ang ulo ko. Tanghali na kasi. ganitong k'wento. MENG : Hindi kita nakikita kaya alam kong magkakilala tayo. pabalik-balik lang tayo. Alam naming walang kuwento. Kataasan ng araw. walang kuwentong nabuo. Umaalis ka. Paulit-ulit lang ang sinasabi mo.. MENG : Magkakilala tayo.. Hindi mo lang marahil natatandaan. MENG : Naiintindihan kita. Ang mundo walang kuwento.DENCIO : Hindi ko alam kung ano'ng tinutukoy mo. ngayon lang kita nakita. DENCIO : Hindi pa rin kita nakikita. Bumabalik ka palagi sa akin.. Para kang luko-luko. Naiintindihan ko.. Nagpapabalik-balik lang ang sinasabi mo. MENG : Palagi ka namang bumabalik. DENCIO : Hindi mo ako kakilala. alam ko. Wala akong panahon sa ganito. Sa akin. DENCIO : Hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo. 'yung kuwento.. DENCIO : Kayo? Sinong kayo? At ano ba'ng kuwento ang tinutukoy mo? MENG : Kaming mga luko-luko. tapos bumabalik. Maraming dumadaan sa isip ko ngayon. DENCIO : Huwag na tayo magusap. Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 32 of 36 . balik. umiikot tayo. Sa bawat nakikita. Alam naming walang nangyayari.. Nagkita't nagkahiwalay tayong dalawa. Init lang siguro 'yan. DENCIO : Huwag ka magagalit. Ginugulo mo'ng buhay ko. MENG : Sabi ko na nga sa'yo.. Sa bawat nakikilala. 'Yung kuwento nating dalawa. DENCIO : Teka. Sanay tayong maghanap ng kuwento. At ang kuwentong binabanggit ko.

pagkapananghali. DENCIO : Natatakot ka ba? MENG : Hindi.. kasama ba kita? MENG : Hindi. MENG : Alam ko. DENCIO : Paano mo. Hindi ka kasama.. Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 33 of 36 . Pagkapananghali. DENCIO : Para sa kanila ito. maraming tao. DENCIO : Huwag ka matakot. MENG : Hindi ako natatakot.. DENCIO : Kasama. nakita? MENG : Naramdaman. Ginugulo mo. pero gusto ko. Naiintidndihan kita.... Ganoon naman ako. Katahimikan. Paano mo naramdaman? MENG : Matagal na tayo magkakilala. Makakatakas ka pa. DENCIO : Ano'ng balak mong gawin? Magsusumbong ka? MENG : Hahayaan kita. Mahilig sa'yo. MENG : Alam ko. nagkita na naman tayo. Naiintindihan kita.Pero gusto ko. MENG : Alam ko.. Mahilig sa gulo. DENCIO : Huwag ka matakot. DENCIO : Oo. At ngayon. DENCIO : Magkakilala? Katahimikan. DENCIO : Maya-maya..

DENCIO : Maganda ka.MENG : Oo. DENCIO : Hindi kita maintindihan. MENG : Huwag mo ituloy. Palaging nagkakahiwalay. Pero palagi kong napapanaginipan. Magkakilala. Patatahimikin ka nila. Hindi mo ba natatandaan. MENG : Kakilala mo ako. maski isa? DENCIO : Hindi. Hahanapin ka nila. MENG : Alam ko. DENCIO : Noon? MENG : Hindi sa panahong ito. MENG : Ako rin. Palagi kitang nakikita sa panaginip. Naiinitan ka lang siguro.. DENCIO : Hindi kita maintindihan. DENCIO : Hindi kita kakilala. DENCIO : Hindi kita maintindihan. DENCIO : Nakita mo na ang sarili mo? MENG : Kilala ko ang sarili ko. DENCIO : Kahapon? MENG : Hindi sa buhay na ito. Parang pagkakakilala mo sa akin. MENG : Nagkita na tayo noon. O parang pagkakakilala ko sa'yo. Ilang beses na tayong nagkakilala. Nagkahiwalay. MENG : Huwag mo ituloy.. Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 34 of 36 . Palagi tayong nagkikita. Katahimikan. Alam nila kung saan ka magtatago.

DENCIO : Hindi kita maintindihan. DENCIO : Hindi. MENG : Sasamahan kita. Hindi na mahalaga kung sino. DENCIO : 'Yun din ang gusto ko. maaaring ibang tao. Ayoko na. Ikaw ang mamili. Matatawa si Dennis. dahil ganito ang Anatomiya. Ilang beses na tayong nagkahiwalay. DENCIO : Pero may tungkulin ako. MENG : At ikaw naman ang mangingibig ko. Babantayan ko ito. kung sino ka man. Puputok ito.mamamatay ako ngayon. Hindi tayo magkakilala. Tatakas ka. hindi mahalaga kung sino.Titigil sa susunod na istasyon. mapupuno ang tren ng mga tao. maaaring mga tauhan na nakita natin kanina. DENCIO : Bakit mo ako pinipigilan? Ano'ng problema mo? MENG : Gusto kong manahimik na tayong dalawa. MENG : Sasamahan kita. Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 35 of 36 .. Kung ano man ang alam mo. Mabubuhay ka.. Tatakas ka. MENG : Gusto kong magkasama na tayo sa wakas. Hindi ako lalabas. 'eto lang ang masasabi ko -. DENCIO : Hoy. Agad ring matitigilan. Katahimikan. Naiintindihan mo ako... Ako ang mensahero nila. DENCIO : Akala ko magkakilala tayo? MENG : Magkakilala tayo pero hindi ko alam ang pangalan mo. Babantayan kong walang makialam rito. MENG : Hindi.DENCIO : Bakit ang dami mong alam? MENG : Hindi ko alam ang pangalan mo. Hindi ko hahayaang may gumalaw rito. O pinaghihiwalay. Katahimikan. Patuloy na aandar ang tren.

Aandar muli ang tren. Unti-unting magdidilim. WAKAS Allan Lopez’ ANATOMIYA NG PAG-IBIG Page 36 of 36 .