You are on page 1of 2

Krista Ranillo on pregnancy rumors: "Talaga?

"

By: Noel Orsal & Rose Garcia

Startalk headed to the NAIA arrival and


departure areas to get it straight from the
actress who was arriving from the States, but
only got a few vague answers.

Krista Ranillo on pregnancy rumors: "Talaga?"

Last December 24, bago lumipad papuntang


U.S. si Krista Ranillo, kasama ang kanyang
lola na si Ms. Gloria Sevilla at ang tiyahin
niyang si Suzette Ranillo, sinubukan itong
ma-interview sa airport ng Startalk reporter
na si Jopay Manago.

Maayos namang bumati si Krista at nagsabing


late na siya, boarding na at pag-uwi na lang
daw magpapa-interview. Nang tanungin ang
lola kung naaapektuhan ba ito sa isyu ng apo
at ni Manny Pacquiao, "Well, a little, a little...,"
ang tugon nito.

Medyo sarkastiko naman ang naging reaction


ng mga Startalk viewers sa naging sagot ni
Suzette. "Ikaw, naapektuhan ka? Ha ha ha!"
ang balik ng tiya ni Krista sa interviewer.

But in fairness to Suzette, nagpadala siya ng apology by way of text message sa


executive producer ng talk show.

Sa U.S. nag-Christmas ang mga Ranillo tulad ng nakaugalian na nila, pero isang
araw bago ang nakatakdang pagbabalik ni Krista sa Pilipinas, nabuhay muli ang
intrigang buntis daw siya. Matatandaang noong Nobyembre, pinabulaanan ito ni
Krista sa isang panayam sa 24 Oras.

Subalit, nabuhay na naman ang balita, at ayon sa iniulat ng Startalk, diumano'y sa


Cebu City pa raw nagpa-pregnancy test si Krista at positive raw ang resulta na labis
ikinatuwa ng aktres.

At para mamatay na ang isyu, nagsalita na ang mismong manager ni Krista na si


Arnold Vegafria at sinabing hindi buntis ang kanyang alaga.

Ayon sa kanya, hindi raw nagpupunta ng Cebu ang sexy star at tinatawanan na
lang daw nila ang intriga. Sinubukan ding kuhanin ng Startalk ang panig ni Manny
Pacquiao, pero hindi ito ma-contact.
AMBUSH INTERVIEW. Noong January 5, nagbantay na sa Ninoy Aquino International
Airport ang Startalk crew matapos makatanggap ng tip na parating na nga raw sa
bansa si Krista.

Dumating yung eroplano niya, 6 a.m. . Medyo nagtagal pa si Krista sa Immigration


office. Pumuwesto naman daw ang Startalk sa arrival at departure areas.

Mas pinili raw ni Krista na lumabas sa departure area. Escorted siya by an


Immigration personnel, pero maliban doon ay walang ibang kasama.

"Pupunta pa po kasi ako ng taping," ang sagot niya sa Startalk nang hingan ito ng
interview.

May balita?

Sagot ni Krista nang nakangiti, "Marami namang balita."

Sinabi sa kanya na ang latest issue ay buntis daw siya.

"Talaga?" ang reaksiyon ng dalaga.

Nagpa-checkup daw siya sa Cebu ?

"Hindi... dito lang ako, di ba? The whole time nagte-taping, nagsu-shoot. Wala
akong time na pumunta sa Cebu," ang matipid na sagot ng aktres sa tanong ng
reporter ng Startalk.