You are on page 1of 3

Panel discussion : C5 extension project

Fariha – host 1
Virginia – host 2
Jericho – senador
Kim – Winnie monsod
Antonette - mamamayan
Francis – botante
John paul – attorney
Jamie – teacher
Bianca – secretay to the cabinet
Rodney – convernor
nar12&3 :

host 1&2 : Magandang hapon mga Marians

host 1 : : nagtipon tipon po tayo para sa isang “panel discussion “ at ang paksa
ay tungkol sa kontrobersyal na C5 extension project .

host 2 : bago natin simulan mabuting kilalanin muna natin ang mga inanyayaang
dumalo para sa ating panel disucussion.

Host 1 : at sila ay sina UP economist Prof Kim De leon, DPWH secretary Rodney
Palma , senate president Juan ponce Enrile at and lead convernor ng Kaya natin
at director ng Ateneo school of government na si Rodney Palma

Host 2 : nandito rin sina secretary to the cabinet Bianca Alvarez , mamamayang
si Antonette San Agustin

Host 1 : Bago natin simulan ano ba ang tungkol sa C5 extension ni Villar


partner ?

Host 2 : Ang C5 road extension ay isang walang kwenta at hindi kailangang


proyekto kung saan nakakuha ng maraming benepisyo ang presedentiable na si
Many Villar. Ang Gobyerno ay nagtapon ng P. 6.96- bilyong pondo para sa
extension , ito ay isa lamang na duplikasyon ng Manila-Cavite Toll Expressway
(MCTEP) project, kasama ang South Luzon Expressway (SLEX) to the Coastal Road.

Host 2 : Kung gayoon ano po ang masasabi niyo Ms . De Leon?

Kim : Itong proyektong ito ay ideya ni Villar para makinabang siya sa perang
inilaan ng Gobyerno para sa proyekto………
Jamie : bukod pa rito Ang C5 extension project na sinasabing ginastusan ng P4.28
bilyon bukod pa sa pagbili ng right of way na P1.8 bilyon ay may kabuuang halaga na
P6.2 bilyon kung saan ang nasabing halaga ay maaari nang makapagtayo ng 10,366 fully-
furnished na mga silid-aralan na mayroong mga palikuran; ng 73,500 Gawad Kalingang
mga bahay na nagkakahalaga ng P85,000 bawat isa.

Antonette : Maaari rin umano itong makapagbigay ng isang milyon at kalahating trabaho
sa agrikultura; o ‘di kaya ay mga bagong libro para sa lahat ng estudyanteng grade 1
hanggang highschool.

Host 1 : sayang ! nagamit sana para sa mahihirap ang perang iyan . pero nabalitaan
naming na may kinalaman ang Malacanang totoo po ba ito bb. Alvarez ?

Bianca : hindi makikialam ang Malacañang sa bangayan sa Senado na may kaugnayan sa


C-5 road at kay Villar dahil ito ay isang Internal na usapin sa mataas na kapulungan..

Host 2 : matanung ko lang po kung ano po ang pwedeng gawin o ihatol ng gobyerno
bilang kaparusahan sa ginawa n Villar ?

John paul : pinakamagandang gawin ng gobyerno ang pagkumpiska sa mga ari-arian ni


Villar, kabilang ang alegasyong nagmula sa mga kinita ng senador sa C-5 road scandal
ang ipinambabayad nito ngayon sa kaliwa’t kanang TV ads.

Jerico : Alam niyo nagsususpetsya rin ako na kaya maraming senador ang hindi pumasok
sa sesyon ng Senado kahapon ay upang hindi matalakay ang report ng Senate Committee
of the Whole hinggil sa naging hatol nila kay Villar kaugnay ng kontrobersyal na C-5
road extension project.

francis: Pero Dapat harapin ni Villar ang isyung ito dahil palagian na lamang lumalabas
sa resulta ng kanilang konsultasyon sa mga tao na ang korapsiyon sa bansa ang ugat ng
kahirapan sa Pilipinas.

Host 2 : sumasangayon po ako riyan. ginoong Samonte na isa pong masugid na


taga suporta ni presedentiable Villar ,sino po iyong iboboto sa darating na
halalan ?

Rodney : bilang Isang Boto patroller dapat bumoto tayo ng tama at pagisipan
nating mabuti kung sino ang dapat umupo sa posisyon na kayang pamunuan
ang buong Pilipinas . Napagtanto ko na hindi karapatdapat si Manny Villar sa
pwestong iyon kaya pagiisipan ko pa po kung sino ang aking manok sa darating
na eleksyon.

Host 1 : maraming salamat sa inyong opinion at sa mga dumalo sa ating Panel


discussion, at sanay nagbigay daan po tong programa namin patungo sa
katotohanan .
Host 2 : hanggang sa muli paalam po