You are on page 1of 5

Mangyan

Ang salitang "Mangyan" ay tumutukoy sa walong pangkat etnolinggwistiko na may ugat na ProtoMalay. Sila ang isa sa mga grupong orihinal na naninirahan sa Mindoro, na pampito sa
pinakamalaking isla sa Pilipinas.

Pinagmulan
Nagsimulang nanirahan ang mga Mangyan sa may pampang ng isla ng Mindoro
simula pa noong 600 hanggang 700 taon na ang nakalilipas. Pinaniniwalang lumakbay
sila patungo dito mula sa timog na bahagi ng kapuluan. Dahil sa sila ay tradisyonal na
mapayapang grupo, pinili ng mga Mangyan na unti-unting lumikas mula sa kanilang mga
tahanan sa tabing-dagat kaysa makipaglaban sa mga mas makapangyarihang mga
grupong nanirahan din sa pampang ng Mindoro. Bago pa sinakop ng Espanya ang
Pilipinas, nakikipagkalakaran na ang mga Mangyan sa mga Intsik. Ang ginamit ng mga
Mangyan sa pakikipagkalakal ay ang sumusunod na likas na yaman: bulak, mga
halamang-ugat at halamang-gamot, at “beeswax” para sa mga plato, garapon, gong at
“beads”.
Populasyon
Ang populasyon ng mga Mangyan sa kasalukuyan ay nasa 100,000, mahigitkumulang mga sampung porsyento ng kabubuang bilang ng tao sa buong isla ng
Mindoro. Sila rin ay isa sa 110 etnolinggwistikong tribo sa Pilipinas. Ang grupo ng mga
Mangyan ay karaniwang ginu-grupo sa dalawang malaking pangkat: ang Hilagang
Mangyan at ang Timog Mangyan. Ang Hilagang Mangyan ay binubuo ng mga tribong
Tadyawan, Alangan at Iraya, habang ang Timog Mangyan naman ay binubuo ng mga
tribong Buhid, Taobuid at Hanunuo. Nahahati pa ang mga grupong ito sa mas maliliit na
grupo, tulad ng mga Bangon (na kasapi sa grupong Taobuid) at mga Ratagnon. Tignan
ang ibaba para sa mga detalye ng bawat grupo. Maliban sa pagiging mapayapa, kilala rin
ang mga Mangyan dahil sa kanilang mahigpit na pagprotekta sa kanilang kultura at sa
kanilang pag-iwas sa dayuhang impluwensiya. Isa pa nilang katangian ay ang patuloy na
paglipat ng kanilang tirahan. Ang gawain nilang maging palipat-lipat ay dahil na rin sa
kanilang pangunahing pangkabuhayan: pangangaso, pangingisda, pangongolekta ng
pagkain mula sa kalikasan, at pakikipagkalakalan.

Tribong Mangyan ___Hanunuoo
Ang mga Hanunuoo ay mga sistema ng pagsusulat na tinatawag na Surat Mangyan
na nagmula pa sa mga panahon bago dumating ang mga Kastila. Ang sistema ng
pagsulat na ito ay may ugat na Indic, at isinusulat sa paraang pagpapantig. Ito ay
tinuturo hanggang ngayon sa maraming paaralang Mangyan sa Mansalay at Bulalacao.

Alpabeto ng Mangyan -Alibata

IPINAGDIRIWANG MAHAL NA ARAW MANGYAN FESTIVAL .Produkto ng mga Mangyan Basket.somblero. Ito ang kanilang pang hanap buhay.duyan at iba pang native product na gawa sa uway at kawayan ang ginagawa ng mga katutubo. bilao.

041 katao sa 7. ang Mansalay ay may populasyong 39.Mansalay. Sa munisipalidad na ito matatagpuan ang mga katutubong Mangyan. Ayon sa census. Ang Mansalay ay may 17 barangay BUKTOT BEACH SAN ANTONIO .316 kabahayan. Oriental Mindoro Ang Mansalay ay kabilang sa ikatlong antas ng munisipalidad sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

IBA PANG HANAPBUHAY .PANGINGISDA .

REPIQUE Guro p S.2014-2015 . JANILYN R.Y.PROYEKTONG PANTURISMO FILIPINO -7 RONALD BARTULO GRADE -7 EAGLE Gng.