Professional Documents
Culture Documents
by Rebecca Rosal
Chapter 1
Napanganga si Lenneth na tinitingala ang gusali na pinapatayo malapit
sa kanilang lugar. Kasalukuyan pa lang silang naglalagay ng mga malalaking
bakal para sa sahig at poste ng pangalawang palapag, at sa tantiya niya‟y nasa
three thousand square meters ang luwang ng gusaling iyon.
Tatlong buwan na mula ng umpisahan ang gusaling iyon, ngunit nung
nakaraang araw lang nag-umpisang magtrabaho ang kanyang ama doon dahil
nagkasakit daw ang isa sa mga trabahador kaya‟t naghahanap sila ng kapalit.
Ayaw sana niyang payagan ito dahil kagagaling lang nito sa trangkaso, ngunit
malubha kasi ang sakit ng kanyang ina kaya‟t kailangang-kailangan nila ng pera.
“Lenlen?”
Napalingon si Lenneth sa isang mamang tumawag sa kanyang
pangalan. Palayaw niya iyon nung bata siya kaya‟t sigurado siyang kakilala niya
iyon. “Ay, tito Lambert, kayo pala.” Kapitbahay niya iyon at malapit na kaibigan
ng kanyang ama. Ito ang nagrekomenda sa kanyang ama na mamasukan doon.
“Babaunan mong papa mo?” tanong ni Lambert sa kanya.
“Opo,” sagot ni Lenneth na lumapit sa mama. Nakatayo ito sa harapan
ng gate ng binakurang construction site. “Breaktime na po ba ninyo?”
“Hindi pa. Maaga lang akong lumabas at may kukunin ako sa bahay.”
“Eh si papa?”
“Nasa loob. Puntahan mo lang siya doon. Mag-ingat ka lang at baka
mabagsakan ka.”
Ngumiti si Lenneth. “Opo.”
Pumasok na siya sa construction area at umalis naman na si Lambert.
Pagpanhik pa lang niya‟y naglingunan na sa kanya ang mga trabahador. Hindi
naman siya nahiya dahil kakilala niya halos lahat ng mga nandoon.
“Mang Larry!” sigaw ng lalaking unang nakakita sa kanya. Si Johnson
iyon, ang kilalang lasinggero sa kanilang barangay, pero mabait naman ito at
hindi nakikipag-away. “Andito ng dalaga mo!”
Mula sa kung saan ay nakita niyang lumabas ang kanyang ama na
nasa ikalawang palapag ng gusali. Bumaba ito gamit ang ladder at lumapit sa
kanya.
“Ba‟t andami yata niyang dala mo?” tanong ng kanyang ama na.
“Sa akin po „tong isa. Sabay na po tayong kumain. Wala akong
kasama eh.”
“Ba‟t si mama mo?”
“Nakatulog. Ayaw raw niyang kumain.”
Bumuntung-hininga si Larry. “Talaga yang nanay mo. Kaya hindi
gumagaling eh. Antigas ng ulo.”
“Mang Larry!” sigaw ng isang lalaking na abalang nagpuputol ng bakal.
Iyon naman si Renato. Kilala rin sa barangay nila ito dahil sa madalas na mala-
armalite na bunganga ng asawa nito. “Buti ka pa may nagdadala ng pagkain
mo. Samantalang ako yung misis ko madjong ang inaatupag.”
“Aba, siyempre naman,” pagmamalaki ng kanyang ama. “Palibhasa
kasi yung mga anak mo puro mga barako.”
May mga ilang kalalakihang nagtawanan. May mga nakikiususero pala
sa kanilang usapan. Nang biglang tumunog ang bell na hudyat ng kanilang
lunch break.
Nagsitayuan ang mga trabahador at nagsibabaan ang mga nasa itaas.
Halos sabay-sabay ang mga itong nagtanggal ng mga helmet at nagpunas ng
pawis, saka nagsipuntahan sa kinaroroonan ng faucet para maghugas.
“Doon ka na muna at maghuhugas din ako,” anang kanyang ama.
Nang nakaalis ang na ito ay nagtungo siya sa isang tabi kung saan may isang
mahabang bench na yari sa kahoy.
Umupo siya doon at naghintay. Mula sa kinaroroonan niya ay nakita
niya ang bulletin kung saan nakaguhit doon kung ano ang magiging itsura ng
building kapag natapos na. Nagulat siya. Limang palapag pala ang taas ng
building. Hindi niya maiwasang matakot na baka mahulog ang kanyang ama
kapag umakyat ito sa itaas, lalo na‟t may edad na ito.
Tinitigan niya ang larawan ng ilang sandali. Mukhang isang malaking
kompanya nga talaga ang tatayo doon. Kung sabagay ay kilala naman si
Severino Fajardo na milyonaryo. Hindi malayong makakapagpatayo ito ng
ganoon kalaking gusali.
Habang naghihintay ay binasa niya ang mga nakasulat sa design.
Naroon ang pangalan ni Severino bilang may-ari. Andun rin ang engineer, ngunit
ang nakakuha ng pansin niya ay ang architect nito.
“Architect Darian Fajardo,” pabulong niyang binasa ang pangalan.
Anak siguro iyon ni Severino.
Naagaw ang atensyon ni Lenneth ng isang lalaking nakayuko pa rin sa
ikalawang palapag at pinapahigpitan ang turnilyo ng mga malalaking bakal.
Nakasuot ito ng helmet kaya‟t hindi niya masyadong makita ang mukha nito.
Napakatahimik nito at para bang iisa lang ang focus ng mga mata nito.
Kaiba sa karaniwang mga karpintero na payat o kaya‟y malaki ang
tiyan, maganda ang pangangatawan ng lalaking ito. Kahit naka-tshirt ito ay
halata ang muscles nito sa mga braso. Parang hindi pa niya ito nakita.
Malamang ay taga-ibang lugar ito.
“Anong tinitignan mo dyan?”
“Ay!” Nagulat si Lenneth ng napansing nasa tabi na niya pala ang
kanyang ama. Nang sundan nito ang kanyang tingin at ngumiti ng makahulugan
sa kanya ay batid niyang nabuko nito ang kanyang tinititigan.
“Oy, iho!” sigaw ni Larry sa lalaki. “Tama na yan. Kumain ka na muna.”
Lumingon sa kanilang direksyon ang lalaki, at para bang nagulat si
Lenneth ng makita ang mukha nito. Bata pa pala ang lalaking, at parang kaedad
lang niya. Hindi niya sigurado ngunit parang napatingin ito sa kanya at tinitigan
siya ng ilang sandali. Maya-maya‟y wala itong imik na ipinagpatuloy ang trabaho
na para bang walang narinig.
“Papa, ba‟t di ka niya pinansin?” tanong niya sa ama. “Mukhang
masama ang ugali niyan.”
Umupo si Larry sa tabi niya at binuksan ang baunan. “Hindi naman.
Bago lang kasi siya dito gaya ko kaya siguro nahihiya pa, pero masipag namang
magtrabaho. Masyado nga lang tahimik. Balita ko kasi naulila na raw yan eh.
Kailan lang daw namatay nanay niyan eh. Kaya dinala ni boss Fajardo dito para
tumulong.”
Nakangangang tinitigan ni Lenneth ang lalaki. “Ay ganun? Kawawa
naman pala siya. Nalulungkot siguro siya kaya hindi nagsasalita.”
“Siguro,” sagot ng kanyang ama. “Hala, kumain na tayo at balikan mo
na ang mama mo. Baka magising yun walang kasama sa bahay magtatampo na
naman.”
Pagkatapos nilang mananghaliang mag-ama ay noon lang napansin ni
Lenneth na wala na pala ang lalaki doon. Malamang ay tahimik itong bumaba
para kumain sa labas.
***
“Lenlen?”
Narinig ni Lenneth ang boses ng kanyang ama mula sa sala. Abala
siya noon na naghuhugas ng pinggan. Sa tono nito ay parang may sorpresa ito
sa kanya. Nangiti siya. Araw pala ng suweldo noon.
“Bakit papa?”
Pumasok ang kanyang ama at may kung anong tinatago sa likuran
nito. Makahulugan ang ngiti nito sa kanya. “Sabi ko na tama ang hinala ko eh.”
Pilit sinilip ni Lenneth ang tinatago nito sa likuran ngunit hindi niya iyon
makita. “Ano po ba yan?”
“May gusto nga talaga sa‟yo si Dhar.”
Nagsalubong ang kilay ni Lenneth, at ng ilabas ni Larry ang tinatago
nito sa likuran ay naunawaan niya ang ibig nitong sabihin. Parang isang box ng
chocolates iyon na nakabalot pa.
“ Para daw sa‟yo.”
Napatunganga ng ilang sandali si Lenneth, at saka siya suminghal na
tinanggap iyon. Special pa ang ginamit na wrapper. Nakakakonsensya sa
kanya na tanggapin iyon dahil batid niya ang hirap ng trabaho nito, pagkatapos
ay ibibili lang nito ng walang saysay na chocolate. “Ba‟t niyo naman tinanggap?”
“Alangan namang tanggihan ko. Masasaktan naman yung tao.”
“Isipin mo naman papa. Isang linggo siyang nagpakahirap tapos
pambili lang niya nito. Ba‟t di na lang niya ipunin?”
“Lenlen, bukal sa puso niyang ibinigay yan sa‟yo. At least yan
pinaghirapan niya, hindi niya ninakaw. Kaya dapat magpasalamat ka at special
ka sa kanya. Ikaw lang ang narinig kong nagreklamo na binibigyan.”
Bumuntung-hininga si Lenneth at ibinaba ang chocolate sa mesa, saka
niya ipinagpatuloy ang paghuhugas.
“Ito pala.”
Nilingon niya ang kanyang ama na nagbibilang ng pera.
“Pamalengke mo bukas. Tipirin mo na at ipapa-check-up pa natin ang
mama mo.”
Nagulantang silang mag-ama ng makarinig sila ng nabasag na baso sa
kuwarto. Naunang tumakbo ang kanyang ama para tignan iyon. Agad naman
niyang pinunasan ang kanyang mga kamay at sumunod sa kuwarto.
Napamulagat siya ng nakitang nangingisay ang kanyang ina sa kama na para
bang nawawalan na ng buhay. Kaya siguro nito binasag ang baso para makuha
ang atensyon nila. Agad itong binuhat ng kanyang ama.
“Lenlen, mauna ka na! Pumara ka ng taxi!”
Noon lang siya nakagalaw at mabilis na tumakbo palabas ng bahay.
Napakalayo pa ng highway na pag-aabangan niya ng taxi at baka matagalan
siya sa paghihintay, kaya‟t para bang hulog ng langit na nasilayan niyang
paparating ang tricycle ni Lambert na gagarahe na sana.
“Tito Lambert!” humihingal siyang humawak sa tricycle. “Si mama,
inatake yata. Pakidala naman natin siya sa hospital.”
“Saan siya?”
“Iniwan ko sila sa bahay!”
Hindi na nag-aksaya ng panahon ang kapitbahay at pinasakay siya nito
sa tricycle. Nakasalubong nila ang kanyang ama na buhat-buhat ang walang
malay na asawa nito.
Chapter 2
Pinahid ni Lenneth ang luha mula sa kanyang mga pisngi habang
tinatahak niya ang daan pauwi. Hindi maalis sa isipan niya ang pagsuka ng
kanyang ina ng dugo na isinalin dito. Hindi na raw tinatanggap ng katawan nito
ang dugo kaya‟t wala ng silbi pang salinan itong muli. Wala na raw magagawa
ang ospital. Pinayuhan na rin sila ng doktor na ihanda ang mga sarili nila sa
anumang maaaring mangyari.
“Hi Lenneth.” Isang mababang boses ng lalaki ang narinig niya. Nang
lumingon siya sa kanyang kanan ay nakita niya si Dhar na nakangiting papalapit
sa kanya. Mukhang galing ito sa kalenderya kung saan kumakain ang mga ito.
“H-hi,” pinilit niyang ngumiti pabalik.
“Ba‟t pala wala ang papa mo?” tanong nito ng nakatayo na ito sa
harapan niya.
“N-nasa ospital eh. Binabantayan niya si mama. Sige, nagmamadali
ako eh,” aniya at magpapatuloy na sana ng muling nagsalita si Dhar.
“Samahan na kita.”
Muling niya itong nilingon. “Hindi ka ba male-late?”
Nagkibit-balikat lang si Dhar. “Okay lang yun. Para makita ko naman
ang lagay ng mama mo.”
“Pero uuwi muna ako. May kukunin lang ako sa bahay.”
“Sige, samahan na rin kita.”
Hindi na umimik si Lenneth at sabay silang naglakad sa kalsada.
“Hinihintay kita kanina eh,” ani Dhar makaraan ang ilang sandaling
katahimikan. “Nagtaka ako ba‟t hindi ka dumating. Iyon pala wala ang papa
mo.”
Napatingin si Lenneth sa binata. “Ba‟t mo naman ako hinihintay?”
Ngumiti si Dhar. “Gusto lang siguro kitang makita.”
Hindi nakapagsalita si Lenneth. Wala siya sa kondisyon para
maapektuhan sa ganoong mga bagay. Isa pa‟y wala siyang balak na patulan
ito. Sa totoo lang ay hindi niya iyon nagustuhan.
Nagkaroon uli ng katahimikan. Napansin niyang panay ang titig sa
kanya ni Dhar, at kapag nahuhuli niya ito ay nginingitian siya nito.
“Lenneth,” binasag ni Dhar ang katahimikan. “May date ka ba sa
Valentine?”
“W-wala. Wala naman akong boyfriend.”
Tumawa ng mahina si Dhar. “In that case, would you like to spend
dinner with me on the fourteenth?”
Natigil sa paglalakad si Lenneth at hinarap ang binata. Naiinis na siya
dito. “Nililigawan mo ba ako?” mataray niyang tanong.
Saglit na natulala si Dhar. Parang nagulat ito sa kanyang naging
reaksyon. “H-hindi pa ba obvious?”
“Hah!” sarkastiko ang tawa ni Lenneth. “Puwede ba? Pili-piliin mo
naman ang liligawan mo. Alam mo na ngang ang hirap hirap ng buhay namin,
papatol pa ako sa isang karpinterong kagaya mo? Hindi pa ako baliw!”
Tulalang nakatitig sa kanya si Dhar. Hindi ito makapaniwala sa
narinig. Sa sobrang kahihiyan ay namula pa ito.
“Huwag mo na akong samahan,” aniya dito at nagpatuloy sa
paglalakad. Nang nakalayo na siya ay saglit niya itong nilingon para
siguraduhing hindi siya nito sinusundan. Nakita niya itong nakatayo pa rin sa
kung saan niya ito iniwan. Tulala pa rin ito.
Bumuntung-hininga si Lenneth at di na muling lumingon. Para siyang
nakonsensya sa kanyang sinabi. Wrong timing naman kasi ang pakikipag-usap
nito sa kanya. Kung hindi sana ganun ang nangyayari sa kasalukuyan ay sana‟y
kinausap niya ito ng mabuti para naman hindi ito nasaktan ng ganun.
Chapter 3
Six months later
“Hello papa?” bati ni Lenneth sa kanyang ama na tinawagan niya sa
telepono. Limang buwan na siyang namamasukan bilang admin sa isang maliit
na kompanya na inirekomenda ni Esther kaya‟t binilhan niya ng celphone ang
kanyang ama para makumusta niya ito paminsan-minsan.
“O, anak! Kumusta ka na dyan?” sagot ng kabilang linya.
“Mabuti naman po. Kayo po?”
“Mabuti rin. Yun nga lang wala pa akong trabaho. Natapos na kasi
yung building ni Fajardo kaya halos lahat kami dito nakatambay na lang,” natawa
ang kanyang ama, at bigla na lamang itong napaubo.
Nagsalubong ang kilay ni Lenneth. “Papa, may sakit ka?”
“Konting ubo la--.” Hindi na nito naituloy ang sinasabi dahil muli itong
umubo. Hindi pangkaraniwan iyon. Malalim at tuyo ang ubo nito.
“Papa, magpa-check up ka kaya? Papadalhan kita ng pera.”
“Ay, huwag na anak. Hindi naman malala.”
Hindi naniwala si Lenneth, pero hindi na rin siya umimik.
“Ay, Lenlen.” Sa wakas ay tumigil sa pag-ubo ang kanyang ama.
“Magbubukas na pala yung kompanya ni Fajardo. May mass hiring sila ngayon.
Subukan mo kayang mag-apply? Kaysa nagtiyatiyaga ka dyan na umuupa.
Wala ka namang naiipon.”
Lumaki ang mga mata ni Lenneth. “Talaga papa? Kailan pa?”
“Nung lunes pa. Nakalimutan kong sabihin sa‟yo.”
“Sige nga. Magfa-file ako ng leave. Pupunta kami ni Esther dyan sa
makalawa.”
Pagkatapos makipag-usap ni Lenneth ay agad niyang pinuntahan si
Esther na naliligo sa banyo. Kahit nasa labas siya ng saradong pinto ay doon na
niya ito binalitaan.
“Sigurado ka?” pasigaw na tanong ni Esther mula sa loob. “Baka
naman hindi totoo sayang yung leave natin.”
“Hindi naman sinungaling si papa eh.”
“Malay mo, sinasabi lang niya para umuwi ka doon.”
“Hindi. Hindi ganun si papa. Basta, mag-leave tayo bukas.”
“Sige nga, at ng makaalis na sa impiyernong ito.”
Hinaplos-haplos ni Lenneth ang noo niya palabas ng examination
room. Napakahirap ng ibinigay nilang exam. Duda siyang pumasa siya doon.
Mas nauna pa nga si Esther na nakatapos sa kanya kaya lumabas na ito agad.
Tumingin-tingin siya sa paligid. Wala doon si Esther, pero sigurado
siyang hindi pa ito umuuwi. Marahil ay sa labas ito naghihintay.
Malapit sa glass door ay may naaninag siyang isang matangkad na
lalaki na may inaayos na isang malaking makina. Tinitigan niya ito, at ng marahil
ay naramdaman nitong may paparating ay napatingin ito sa kanya. Sa gulat ay
napahinto siya sa paglalakad. Hindi niya inakalang makikita niya uli si Dhar
doon. Nakuha pala itong isang handyman sa kompanya. Huling beses niya
itong nakita nung burol ng kanyang ina, at pagkatapos nun ay di na raw ito
pumasok sa trabaho. Nasabi minsan ng kanyang ama na marahil ay nasaktan
ito sa ginawa niya kaya nagdesisyon itong magpakalayo. Hindi niya inakalang
magbabalik ito, hindi na bilang karpintero, kundi isang handyman.
Nagulat din si Dhar, ngunit agad din nitong ibinalik ang atensyon sa
ginagawa. Batid ni Lenneth na masama ang loob nito sa kanya. Hindi pa nga
pala siya nakakahingi ng dispensa sa mga sinabi niya noon dito.
“Kumusta?” tanong niya na nilapitan ito. Ni hindi man lang siya nito
nilingon at nagpatuloy sa ginagawa. Noon niya napansin na ina-assemble pala
nito ang makina. “Pasensya ka na nga pala sa mga sinabi ko sa‟yo noon ah.
Marami lang akong problema noon.”
Sinulyapan siya saglit ni Dhar, at saka ito huminga ng malalim at
pinahigpitan ang isang turnilyo. “Ba‟t ka nag-aapologize?” anito sa mababang
boses. “Totoo namang isa lang akong pobreng karpintero. Ang lakas din ng
loob ko para ligawan ang katulad mo na ubod ng ganda.”
Napakagat si Lenneth sa labi. Talagang masama pa rin ang loob nito
sa kanya kahit anim na buwan na ang nakakaraan. Para pa itong nang-iinsulto.
“Oy, Lenneth!” sigaw ni Esther na paparating.
Nilingon ni Lenneth ang kaibigan. “Saan ka galing?”
“Wala lang. Nilibot ko lang itong building. Anlaki pala.”
“Dito nagtrabaho noon ang papa ko,” pagmamalaki niya.
“Tara na nga. Gusto kong mamasyal sa mall.”
Paalis na sana sila ng naalala niya si Dhar. “Ay, sige Dhar. Mauna na
kami sa‟yo.”
Ni hindi man lang siya nilingon ni Dhar na parang walang narinig. Hindi
na rin umimik si Lenneth at naglakad na sila palayo ni Esther.
“Boyfriend mo?” tanong ni Esther bago sila lumabas ng glass door.
“Hindi ah!” halos pahiyaw niyang sagot.
Tumawa si Esther. “Akala ko handyman‟s girl ka na rin.”
“Excuse me ah! Grabe ka naman!”
Muling tumawa si Esther at ng nasa labas na sila at lingunin niya ang
binata ay nakita niya itong matalim ang mga matang nakatingin sa kanila.
Naglaho ang kanyang ngiti. Sigurado siyang narinig nito ang kanilang usapan.
Nasaktan na naman ito, at malamang ay nainsulto pa.
“Narinig niya?” tanong ni Esther ng tumalikod na sila.
“Oo yata. Ang lakas kasi ng boses mo eh.”
“Ikaw din naman ah.” Nilingon ni Esther ang binata. “Pero guwapo ah.
Pero diyos ko! Mahirap pa sa daga yang mga handyman.”
“Practical ka rin pala ha.”
“Of course!” sagot ni Esther. “Para namang di mo ako kilala. Pero
alam mo, kung mayaman lang ako, puwede na sa akin yung handyman na yun.
Kahit ako ng magpalamon sa kanya. At least maipagmamalaki ko ang
kaguwapuhan niya. Pero hindi ako rich eh, kaya sorry na lang siya. Hindi para
sa kanya ang beauty ko.”
Nangiti si Lenneth. Parehong-pareho pala ang andar ng isip nila ni
Esther.
“ Aba, ang ganda naman ng anak ko,” anang kanyang ama paglabas
nito ng kuwarto.
Ngumiti si Lenneth na abalang ikinakabit ang kuwintas sa kanyang
leeg. Marahil ay napansin nito ang suot niyang spaghetti strap na berdeng
bestida. Hindi siya gaanong komportable dahil may kaliitan ang kanyang dibdib
kumpara kay Esther, pero may laman naman yun kahit papaano at maputi
naman ang sumisilip niyang cleavage. Maganda ang fit ng dress sa kanyang
katawan, masikip sa maliit niyang baywang at sinlambot ng tubig na umaagos
pababa sa kanyang mga paa. Kinailangan pa niyang magsuot ng sandal na may
mataas na takong para hindi niya iyon maapakan.
“Para ka namang pupunta sa party niyan,” dagdag pa ng kanyang ama.
“Papa, semi formal kasi ang sinabi sa amin. Si Esther nga may gold
gold pa yung binili niyang damit. Simple na nga ito eh.”
Mula sa salamin ay nakita niyang napangiwi ang kanyang ama. “Iba na
rin ang panahon ngayon ano? Noon kasing panahon namin, kapag semi-formal,
pinakamatindi na yung mini-skirt na sinusuot ng mga babae. Ngayon palakihan
na kayo ng dibdib.”
Nangiti si Lenneth na naglalagay naman ng hikaw. “Eh hindi po natin
maiiwasan ang pagbabago. Baka kapag ako na rin ang may anak, bra at panty
na lang siguro ang suot ng mga kababaihan,” biro niya at sabay silang tumawa.
“Lenneth!”
Agad na sumilip si Lenneth sa nakabukas na pinto. May taxi na nag-
aabang doon at nakadungaw sa bintana si Esther. Talagang nagpa-parlor pa
ito. Naka-blower ang buhok nito at maganda ang pagkaka-makeup.
“Sandali lang,” sigaw niya dito at muling tumingin sa salamin. Parang
nahiya tuloy siyang tumabi kay Esther sa itsura niya. Puro pink lang kasi ang
pinta ng mukha niya. Pink na eyeshadow, pink na blusher, at pink na lipstick.
Nasasagwaan tuloy siya kaya‟t kumuha siya ng tissue at pinunasan iyon,
maliban sa lipstick.
“Mas maganda yan anak,” komento ng kanyang ama na nanonood
pala. “Kaysa sa nagmumukha kang manika.”
Tinitigan ni Lenneth ang itsura. “Talaga po, papa?”
“Oo, ganyan ka na lang. Dalian mo‟t hinihintay ka na.”
Ibinaba niya ang kanyang mga gamit at pinulot ang shoulder bag sa
upuan. “Sige po, papa. Alis na kami.” Humalik siya sa kanyang ama at saka
tinungo ang pinto.
“Mag-enjoy ka doon. Sana makahanap ka ng boyfriend at ng magka-
apo na ako,” pahabol ng kanyang ama.
Nakangiting sinulyapan ni Lenneth ang ama. Mula nung namatay ang
kanyang ina ay ang pagkakaroon naman nito ng apo ang lagi nitong iniisip. Pero
sana nga ay totoong may makita siyang binata doon na maaari niyang
matipuhan. Apat na taon na rin ang nakakaraan ng maghiwalay sila ng kaisa-isa
niyang naging boyfriend dahil lamang sa selosan.
Chapter 4
Pumagilid si Lenneth ng may bumusinang kotse sa kanyang likuran.
Nang nakita niya ang sasakyan ay agad siyang yumuko hanggang sa nilagpasan
siya nito. Kay Dhar iyon. Mula ng mai-proclaim itong president ng company ay
lagi na itong naka-kotseng pumapasok sa trabaho.
Halos isang buwan na rin ang nakalipas mula nang malaman niya ang
tunay nitong pagkatao. Anumang iwas ang gawin niya ay may mga ilang
pagkakataon na nakakasalubong niya ito sa spine. Kahit presidente na ito ay
hindi ito nagbago. Tahimik pa rin ito at masipag mag-kutingting ng mga makina.
Isang bagay lang ang nabago. Dati ay napapatingin pa rin ito sa kanya kahit di
siya nito pinapansin, subalit ng maging presidente ito ay dinadaanan lang siya
nito na parang hangin. Ibig lang sabihin ay wala na itong kainte-interes sa
kanya.
Naalala niya ang nasabi sa kanya ng kanyang ama ng unang beses
niyang naikuwento ang tunay na pagkatao ni Dhar.
“Ngayon ka pa nagsisi? Kung hindi ka kasi ambisyosa noon na
namimili. Para mong itinapon ang blessing sa’yo ng Panginoon.”
Napakagat siya sa labi. Totoong nagsisisi siya. Hindi naman kasi niya
akalain ang ganoong pangyayari. Karma siguro niya iyon dahil sa kanyang
pagiging ambisyosa at mapangmata. Ngayo‟y siya naman ang tinatapakan na
lamang nitong si Dhar.
Pagpasok niya ng building ay dumiretso siya sa Human Resources
office. Noong araw na yun lalabas ang resulta ng in-applyan niyang position. Sa
production ang pinasukan niya dahil naisip niyang mas madali siyang ma-hire sa
ganoong paraan, ngunit nung nakaraang linggo lamang ay nag-resign ang isang
HR staff at BS Psychology naman ang natapos niya kaya‟t sinubukan niyang
mag-apply.
“Sino?” gulat na tanong ni Lenneth kay Mildred na siyang namamahala
sa employment. “Si Shiela? Yung fresh graduate?”
Tumango si Mildred. “Mismo.”
Napanganga si Lenneth. Parang hindi siya makapaniwala na si Shiela
na isang fresh graduate at wala man lang experience ang nakakuha ng
pinakaaasam niyang posisyon. Marami silang nag-apply, at ang ilan pa‟y may
dalawang taon ng experience sa ganoong trabaho, kaya‟t nakapagtataka na ang
pinakabata pa ang nakatalo sa kanila.
“Si Sir Dhar kasi ang namili eh,” ani Mildred na parang nabasa ang
kanyang iniisip.
Napatingin siya kay Mildred. “Talaga?”
“Oo,” tumango si Mildred. “Kayo sana ni Sharon ang pinagpipilian ko,
pero wala akong magagawa.”
Bumuntung-hininga si Lenneth. Hindi na siya nagtaka pa. Hindi talaga
siya bibigyan ni Dhar ng break sa loob ng company nito. Parang gusto na niyang
mag-resign, subalit hindi basta-basta ang makapasok sa ganoon kalaking
kompanya. Mahihirapan na naman siyang makahanap ng trabaho kaya‟t
kailangan na lang niyang magtiis. Balang-araw ay darating din ang kanyang
suwerte.
Kinahapunan ay naunang umuwi ni Esther sa kanya dahil
kinakailangan pa niyang bumili ng gamot ng kanyang ama sa pharmacy.
Matagal-tagal na rin ang ubo nito kaya‟t kinakailangan na niya itong ipa-check up
sa susunod niyang suweldo.
Tatawid na sana siya ng kalsada ng may isang pamilyar na kotse ang
dumaan sa harapan niya. Nang nakalampas ito ay tinignan niya ang plate
number sa likuran nito para makasigurado. Ang kotse nga iyon ni Dhar, at
papunta iyon sa isang kilalang hotel na natatanaw niya mula sa kinatatayuan
niya.
Lihim niyang pinagmasdan ang kotse hanggang sa ito‟y huminto sa
tapat ng entrance ng hotel. Bumaba ang bell boy para asikasuhin ito. Nakita
nga niyang lumabas doon si Dhar at nagtungo sa kabilang pinto ng kotse para
pagbuksan ang kasama nito.
Laking gulat ni Lenneth ng lumabas ang isang matangkad at sosyal na
babae. Sexy at kulot ito, ngunit hindi niya makita nag mukha nito dahil hindi ito
humarap sa kinaroroonan niya. Para bang nadurog sa isang libong piraso ang
kanyang puso ng akbayan ito ni Dhar at sabay silang pumasok ng hotel. Kaya
pala hindi siya nito pinapansin, dahil may girlfriend na pala ito. At hindi na niya
kailangan pang tanungin kung ano ang gagawin nila sa loob ng hotel na iyon.
Para bang naglahong bula ang kakaunting pag-asa na muli siyang
pansinin ni Dhar. Kung bakit kasi nangarap pa siyang muli siyang iibigin nito.
Umalis na siya at dumiretso sa botika. Pagkatapos niyang mabili ang gamot ay
umuwi na rin siya agad.
Padilim na ng nakauwi siya ng bahay. Nadatnan niya ang kanyang
ama na nakaupo sa harapan ng mesa at hinihimas ang noo habang tinititigan
ang isang pirasong papel. Nakahain na ang pagkain sa mesa at hinihintay lang
siya nitong dumating.
“Papa?”
Parang nagulat si Larry at biglang napatingin sa kanya. “Ay, andyan ka
na pala, anak. Kain na tayo.”
Nilapitan niya ang kanyang ama at sinilip ang papel na hawak nito.
“Ano po yan?”
Bumuntung-hininga ang kanyang ama at ipinasa sa kanya ang papel.
“Ultimatum. Galing sa bangko.”
Nanginig ang mga kamay ni Lenneth na binabasa ang sulat. Binibigyan
na lamang sila ng bangko ng isang buwan para magbayad. Naisanla nila ang
kanilang lupa noong tinangka nilang ipa-chemotherapy ang kanyang ina noon.
Nung malakas pa ang kanyang ama para magtrabaho ay nababayaran pa nila
ang interes, ngunit mula ng magkasakit ito at lumala ang lagay ng kanyang ina
ay hindi na nila ito nabayaran, hanggang sa lumaki ito. Kahit sabihin niyang
malaki-laki ang suweldo niya sa isang buwan, kasyang-kasya lamang iyon na
pambayad ng interes. Paano naman sila kakain? At paano ang gamot ng
kanyang ama?
Huminga siya ng malalim na ibinaba ang bag sa katabing silya at
umupo sa tapat ng ama. “Ano ng gagawin natin ngayon papa? Wala naman
akong alam na uutangan ko ng ganyan kalaki. Hindi pa naman ako puwedeng
mag-loan.”
“Naisip ko,” anang kanyang ama. “Ano kaya kung ibenta na lang natin
itong lupa? Kahit papaano may konti pa tayong makukuha.”
Napatingin si Lenneth sa ama at nag-isip. Pagmamay-ari pa ng lolo
niya ang lupang iyon, at maganda ang location. Maaari nilang ibenta yun sa
malaki-laking halaga, subalit para sa kanya‟y hindi mababayaran ng salapi ang
lupang iyon. “Huwag na papa. Mag-oovertime na lang ako. Pilitin kong bayaran
ang interes next month, pag naka-isang taon na ako sa trabaho, puwede na
akong mag-loan para mabayaran na natin lahat ng utang natin sa bangko.”
Ilang sandaling hindi umimik ang kanyang ama. “Paano ka
makakapag-ipon niyan?”
“Pareho din lang kung ibenta natin ito at mangupahan tayo. Yung
suweldo ko sa upa lang mapupunta. Kaya paghirapan ko na lang na bayaran
itong lupa.”
Hindi na umimik ang kanyang ama at nagsimulang kumain. Kapag rest
day niya ay puwede rin siyang pumasok para doble bayad. Puwede rin naman
siyang mag-sixteen hours sa trabaho. Malapit lang naman ang tirahan niya sa
kompanya kaya‟t sapat na sa kanya ang kahit anim na oras na tulog.
“Lenneth!”
Nagulantang si Lenneth sa lakas ng boses ng kanyang supervisor at
nakita niya itong nakapamaywang na papalapit sa kanya.
“Yung one thousand pieces ng reject na nakita sa test! Na-trace nilang
ikaw ang nag-process nun!”
Napanganga si Lenneth. “Totoo?”
“Nagtanong ka pa? Tara na sa conference room. Pinapatawag tayo ni
Sir Dhar.”
Lalo pang nagulat si Lenneth. Hindi niya halos maisip na
magkakaharap sila ni Dhar sa ganoong nakakahiyang sitwasyon.
“Ano, tara na!”
Kahit ayaw man niya ay kinaladkad niya ang kanyang sarili papuntang
conference room. Pagpasok pa lang nila ay nakita na niya si Dhar na siyang
nakaupo sa ulunan ng mahabang mesa. May dalawa pa itong kasama na
marahil ay mga tao ng test area.
Namula ng husto ang kanyang mga pisngi ng tumingala ito at
nagsalubong ang kanilang mga mata. Yuyuko na sana siya ng bigla itong
nagsalita.
“Please sit down.”
Sinundan niya ang kanyang supervisor at magkatabi silang umupo. Sa
ibabaw ng mesa ang kanyang tingin at nilaru-laro ang kanyang mga daliri.
“What happened?” tanong ni Dhar.
Ang bisor niya ang sumagot. “Eh, Sir maalala ko po kasi nung last
week, nagka-deperensya yung machine ni Lenneth. Siguro hindi niya
napansin. Nung dumating yung ka-endorse niya saka lang namin nakita. Akala
ko naman noon lang nasira yung machine.”
“After a thousand pieces hindi man lang ninyo nahalata?”
“Eh, siguro po sa puyat at pagod,” pagtatanggol ng kanyang bisor.
“Paano naman kasi everyday siyang sixteen hours.”
Saglit na sinulyapan ni Lenneth si Dhar at nakita niya itong salubong
ang mga kilay na nakatitig sa kanyang bisor. “Sixteen hours everyday?
Pinapayagan mo sila na mag-overtime ng ganyan?”
“Eh makulit po sila eh.”
“I know we have lots of loads to finish, but you have to be concerned of
their health. Pinapayagan ko ang sixteen hours if once or twice a week, but
everyday, no!”
Hindi na nakapagsalita ang kanyang bisor at siniko siya nito saka
bumulong. “Ikaw kasi eh.”
“Alright,” ani Dhar makaraan ang panandalian katahimikan. “You may
go back to your areas. Miss Hilario will have to stay here.”
Muling namula ang mga pisngi ni Lenneth. Hindi siya nakapagsalita
habang tinitignan ang tatlong taong sabay-sabay na tumayo at lumabas ng
kuwarto. Nang tahimik na ang paligid ay huminga siya ng malalim at yumuko.
“Kailan ka pa nag-umpisang mag-sixteen hours?” tanong ni Dhar
makaraan ang ilang segundo.
Napasulyap siya sa binata na walang emosyong nakatingin sa kanya.
“Last month pa po.”
“…Hindi ka napapagod?”
Umiling si Lenneth.
“How long do you think can you process a thousand pieces?”
Saglit siyang nag-isip. “Mga six hours po.”
“Six hours,” tango ni Dhar. “And within that span of time, hindi mo man
lang napansin na may depekto na pala ang makina mo?”
Hindi nakaimik si Lenneth. Wala siyang maisip na rason dahil talagang
hindi niya napansin ang depekto ng makina ng araw na iyon.
“Isn‟t that a manifestation that you are very stressed out?”
Yumuko na lamang siya. Iyon din ang pagkakaalam niya. Marahil dahil
sa pagod at puyat kaya‟t hindi man lang niya namalayan na may problema na
pala ang makina.
“If you read the regulations, do you know what sort of penalty you will
be given?”
Takot na napatingin si Lenneth kay Dhar. Sana‟y hindi iyon sapat na
dahilan para matanggal siya.
“You will be terminated.”
Napapikit siya‟t napakagat sa ibabang labi. Ganun pala kabigat ang
nagawa niyang kasalanan.
“Is that alright with you?”
Hindi niya napigilan ang biglaang pagpatak ng kanyang luha. Agad
niya iyong pinahid pero ng mapatingin siya kay Dhar ay batid niyang nakita nito
iyon. Ganunpaman ay parang hindi man lang ito naawa sa kanya. “Final na po
ba yun?” naglakas loob niyang tinanong.
Tumango si Dhar. “Sa ano pang may mga regulations kung hindi
naman natin susundin?”
Para bang nandilim ang mundo ni Lenneth. Hindi siya makapaniwalang
sa isang iglap ay mawawalan siya ng trabaho. Papaano na niya ngayon
mababawi ang naisanla nilang lupa?
Kaysa muli siyang maluha sa harapn ni Dhar ay tumayo na lamang
siya. Hindi naman na siya nito tinawag kahit ng tumalikod na siya at akmang
papalabas na ng glass door ng may bigla siyang naalala. Muli siyang humarap
sa binata.
“Eh, Sir,” lakas loob niyang sinimulan. “Tatanggapin ko po ang
termination… pero hindi po ba talaga ninyo puwedeng kunin si papa para
tumulong sa mini park?”
Ilang sandali siyang tinitigan ni Dhar, at saka ito bumuntung-hininga.
“Your father needs to rest. Alagaan mo na lang siya. Kapag magaling na siya,
hahanapan ko siya ng puwede niyang gawin dito sa kompanya bilang kapalit
mo.”
Napayuko si Lenneth. Talagang hindi na magbabago ang desisyon
nitong tanggalin siya. Hindi na siya nagreklamo pa at muling tumalikod.
Papalabas sana siya ng pinto ng bigla siyang nauntog sa glass door.
“Aray!” napasigaw siya sa sakit. Dahil sa linis at linaw nun ay hindi niya
inakalang nakasara pala iyon. “Punyeta kang pinto ka!” Noon lumabas ang init
ng ulo niya at nasipa niya ang pinto. Itinigil niya iyon ng naisip na maaari niyang
mabasag iyon.
“Huwag mong pag-initan yan.”
Napalingon siya kay Dhar sa likuran niya at nakita niya itong
bahagyang nakangiti. Napahiya siya ng husto sa kanyang ginawa. “Pasensya
na po,” aniya at binuksan ang glass door. Dire-diretso na siyang umalis papunta
sa kanyang locker. Paglabas niya ng building ay naramdaman niyang nanikip
ang kanyang lalamunan at nais kumawala ng masaganang luha sa kanyang mga
mata, ngunit pinigil niya iyon. Batid niya ang kanyang responsibilidad, at kung
magpagapi siya sa kahinaan ay kawawa naman ang kanyang ama. Baka lalo
itong ma-depress. Ayon kasi sa doktor nung nakaraang buwang pinacheck-up
niya ito ay depression daw ang dahilan ng paghina ng katawan nito, dahil daw
iyon sa pagkamatay ng kanyang ina.
Paglabas niya ng gate ay napatingala siya sa langit. Ano na lamang ang
sasabihin niya sa kanyang ama? Ang masakit sa lahat, ni hindi man lang siya
kinaawaan ni Dhar.
Chapter 5
Tahimik na nakadungaw si Lenneth sa bintana ng kanyang kuwarto.
Kasisikat pa lang ng araw. Dati-rati ay nagmamadali na siyang naghahanda sa
pagpasok sa trabaho, ngunit nung araw na iyon ay wala na siyang papasukan
pa.
Bago siya maiyak sa sama ng loob ay naisip niyang ayusin ang
kanyang resume para makapag-apply siya sa ibang kompanya. Wala siyang
sariling computer kaya‟t kinakailangan niyang magpunta sa computer center,
ngunit sa ganoong oras ay sarado pa ang mga ito.
“Lenlen,” tinawag siya ng kanyang ama na nasa kusina. Kinaugalian
na nitong ipagluto siya. Hindi pa nito alam na wala na siyang trabaho. “Halika
na, kain na tayo.”
Sinulyapan niya ang nakasarang pinto at para bang kay bigat ng
pakiramdam niyang bumaba ng kama at lumabas ng kuwarto. Pagpasok niya sa
kusina ay nagtaka siya kung bakit nakabihis ang kanyang ama. “Saan po kayo
pupunta?”
Nangiti ang kanyang ama na umupo sa harap ng mesa. “May good
news ako. Tinawagan ako ni Dhar kagabi. Puwede na raw akong magtrabaho.”
Nagulat si Lenneth. “Talaga? Saan?”
“Siyempre sa gagawin nilang park. Sabi ko na hindi rin ako matitiis ng
batang yun eh.”
Hindi na umimik si Lenneth at nangiti na lamang ng makita ang
kakaibang sigla ng kanyang ama. Kahit papaano ay may magandang kapalit
ang pagkakatanggal sa kanya sa trabaho.
Uupo na sana siya para saluhan ang kanyang ama ng may marinig
siyang kumatok sa pinto. “Ako na po,” aniya sa kanyang ama na tatayo na sana
para pagbuksan ang kumakatok at tinungo ang pinto. “Esther!” gulat niyang
nasambit ng bumungad sa harapan niya ang kanyang kaibigan.
“Hoy! Magbihis ka na, bilisan mo!”
Nagsalubong ang kilay ni Lenneth. “Hindi pa ba sinabi sa‟yo?,”
pabulong niyang sagot para hindi marinig ng kanyang ama. “Natanggal na ako
sa trabaho.”
“Kaya nga ako nandito eh, kasi pinapasundo ka ni ma‟am. Kinokontak
ka raw kanina, naka-off yata celphone mo. Magreport ka daw ngayon.”
Lalong siyang nagtaka. “Para ano?”
“Ni-lift up daw ni Sir Dhar yung termination mo. Puwede ka na raw
bumalik sa trabaho.”
Napamulagat si Lenneth. Parang napakahirap paniwalaan na sa isang
iglap ay naibalik ang lahat ng nawala sa kanya. “Sigurado ka?”
“Ayaw mong maniwala eh.” Binuksan ni Esther ang bag at nilabas ang
isang piraso ng papel doon saka ibinigay sa kanya. “Yan, basahin mo.”
Binasa ni Lenneth ang papel. Totoo nga ang sinabi ni Esther. Order
iyon para magreport siya sa trabaho nung araw mismong iyon. Pirmado pa iyon
ni Dhar at ng kanyang supervisor. Sa tuwa ay halos napalundag siya.
“Ba‟t anong pinagkakatuwaan niyo diyan?” tanong ng kanyang ama na
biglang sumulpot mula sa kusina.
Agad itinago ni Lenneth ang hawak niyang papel ngunit nakita na iyon
ni Larry.
“Ano yan?” tanong nito.
“Wala po, Papa,” pailing niyang sagot.
“Eh ba‟t di ka pa maligo? Dalian mo na at sabay-sabay na tayong
pumasok.”
Nilingon ni Lenneth ang kaibigan. “Pasok ka muna. Hintayin mo ako
sandali,” aniya at nagmamadaling nagtungo sa banyo. May konting awa pa
naman palang natitira kay Dhar. Siguro ay hindi rin nito matiis ang kanyang ama
kaya‟t binalik na nga siya sa trabaho, binigyan pa ng trabaho ang kanyang ama.
Chapter 6
Nagtaka si Lenneth ng pumasok siya ng bahay at nadatnan niya ang
kanyang ama na malungkot na nakaupo sa sofa at nakatingala sa kisame.
Nilapitan niya ito at umupo sa katabing sofa. “Bakit po papa?”
Tumingin sa kanya ang kanyang ama at tumango sa mababang mesa.
Nakita niya ang isang maliit na papel doon. Nang pulutin niya iyon ay
napagtanto niyang tseke pala iyon. Pirmado iyon ni Dhar, at isang milyon ang
halaga nun. Napangiti siya sa tuwa. “Binenta niyo na pala?”
Naglaho ang kanyang ngiti ng makitang malungkot na bumuntung-
hininga ang kanyang ama. “Ayaw daw ni Severino na bilhin ito kasi maliit, kaya
si Dhar na lang ang bumili.”
“Ang sabi niya sa akin wala siyang pera?”
“Ewan ko.” Parang hindi interesado ang kanyang ama. “Buti nga
mabait yung batang yun eh. Hindi ko naman akalain na ganun na pala kamahal
ang lupa.”
“Hanggang kailan daw ang palugit sa atin?”
“Wala naman siyang sinabi. Pero binayaran naman na niya tayo ng
buo, kaya dapat umalis na rin tayo agad. Sabi ko sa kanya isusunod ko yung
titulo. Ayos lang naman sa kanya.”
Noon naintindihan ni Lenneth ang kalungkutan ng kanyang ama.
Lilisanin na nila ang bahay na kinalakhan niya. Kahit luma na ang bahay nila ay
napamahal na ito sa kanya. Sigurado siyang ipapagiba rin ito ni Dhar para
patayuan ng mas malaking bahay. Paano na ang alaala ng kanyang ina na
naiwan doon?
Chapter 7
Dahan-dahang dumilat si Lenneth at para ba siyang nagulat kung bakit
iba ang nagisnan niyang lugar. Nang iangat niya ang kanyang ulo ay nakita niya
si Dhar na mahimbing na natutulog sa tabi niya, at nakaunan siya sa dibdib nito.
Kaya pala parang napakasarap ng tulog niya.
Naluluha siyang pinagmasdan ang mala-anghel nitong mukha. Madilim
pa sa labas, pero bukas ang lampshade kaya‟t nakikita niya ito. Para bang isang
panaginip lamang ang nangyari sa magdamag. Mahirap paniwalaan na sa ilang
sandali ay nakasalo niya ito sa kaligayahan.
Dahan-dahan siyang bumangon at bababa na sana ng bigla itong
umungol at niyakap siyang muli. Hindi siya gumalaw, hanggang sa lumuwag ang
hawak nito sa kanya, saka siya marahang lumayo at bumaba ng kama. Saglit
siyang napaimpit ng maramdaman ang kirot sa pagitan ng kanyang mga hita,
subalit kailangan pa niyang puntahan ang kanyang ama sa ospital. Marahil ay
nagtataka ito kung bakit hindi siya nakarating nung nakaraang gabi.
Bago siya lumabas ay muli niyang pinagmasdan ang nahihimbing na
binata. Totoong napaligaya siya nito ng husto. Kahit sa isang iglap sa buong
buhay niya ay masasabi niyang naging masaya siya, pero mayroon ng
nagmamay-ari sa lalaking ito. Kung totoo man ang naibulong nito na mahal siya
nito ay huli na ang lahat. Ayaw niyang mang-agaw ng boyfriend ng iba.
Napakarami na niyang kamalasan sa buhay. Ayaw niyang karmahin pa siya.
Lumabas na siya ng kuwarto. Nagtungo siya sa kabilang kuwarto para
maligo at magbihis. Kailangan niyang makaalis doon bago pa sumikat ang
araw. Mahirap na kapag may nakakita sa kanya doon. Baka kumalat pa ang
tsismis at umabot pa ito sa girlfriend ni Dhar. Ayaw niya ng gulo. Baka lalong
atakehin sa puso ang kanyang ama kapag nagkaroon ng eskandalo.
Ilang minuto lang siya sa ospital at agad ding umuwi para magbihis
papuntang trabaho. Hindi naman na siya tinanong ng kanyang ama kung bakit
hindi siya nakapunta doon nung nakaraang gabi. Siguro ay inisip nitong nasa
apartment lang siya at nagpapahinga.
Habang siya‟y abalang nagbibilang ng kanyang output sa maghapon ay
may isang admin staff na lumapit sa kanya at iniabot ang isang sobre. Nang
buksan niya iyon ay nalaman niyang tseke pala iyon galing kay Dhar. Bayad nito
iyon sa kanya sa naging serbisyo niya dito nung nakaraang gabi. Nagulat siya‟t
isang daang libo ang halagang sinulat nito doon.
Kahit pakiramdam niya‟y isa talaga siyang bayarang babae ay natuwa
na rin siya. Kakasya na siguro iyon na pambayad sa bill nila sa ospital at pambili
ng kaunting gamot.
Hindi na siya nag-overtime ng araw na iyon dahil kailangan niyang ipalit
ang tseke sa bangko. Habang naglalakad siya sa spine ay hindi niya akalaing
masasalubong niya doon si Dhar. Huminto siya at tumayo sa tabi para hintayin
ito. Nais niya sanang magpasalat, subalit para bang napakalaking dagok sa
dibdib ang naramdaman niya ng nilagpasan lamang siya nito na parang walang
nakita.
Sinundan niya ng tingin ang papalayong binata hanggang sa ito‟y
nawala. Naluluha ang kanyang mga matang umalis na lamang. Mas bumaba pa
ang tingin niya sa kanyang sarili. Marahil dahil natikman na siya ni Dhar kaya
wala na itong interes pa sa kanya.
Pagdating niya ng ospital ay agad niyang kinausap ang doktor. Bago
pa lalong tumaas ang kanilang bill ay gusto na niyang ilabas ang kanyang ama.
Sa tingin naman niya‟y gumaganda na ang lagay nito.
“Mag-iisang buwan na po siya dito eh,” reklamo niya sa doktor na
siyang umaasikaso sa kanyang ama.
Bumuntung-hininga si Doktor Ignacio. Thirty-four years old pa lang ito,
pero nagtapos daw itong cumlaude sa isang kilalang university. “Hindi ko pa
masasabi sa ngayon. Wala kasi akong makitang improvement sa kalagayan
niya. Kung iuuwi mo siya, baka lalong mapaiksi ang buhay ng papa mo.”
Kinurap-kurap niya ang kanyang mga mata para hindi siya maluha.
“Gaano na po ba kalala ang sakit niya?”
“Malala na ang bronchitis niya kaya nagkaroon ito ng complication.
More than that, dahil sa deppression, nagkaroon siya ng mild stroke. Kapag
nasundan yun, maaari niyang ikamatay. That‟s why you have to make sure na
hindi mo siya bibigyan ng sama ng loob.”
“Pero wala naman pong nasira sa mga vital organs niya?”
“Wala naman. Medyo paralyze nga lang yung kaliwang kamay niya
dahil sa mild stroke, but he‟ll get over it.”
“Then it‟s possible na sa bahay na lang siya magpagaling?”
Tumango ang doktor. “Possible, but not now. Kailangan muna natin
siyang obserbahan. After one week, kahit hindi pa siya gumagaling pero hindi
naman lumala ang lagay niya, you can take him home para doon mo na lang siya
alagaan.”
Nangiti si Lenneth. “Talaga po?”
Tumango uli ang doktor.
“Pasensya na po kung kinukulit ko kayo. Wala na kasi akong
pagkukunan ng pambayad dito sa ospital eh.”
Ngumiti si Doctor Ignancio at tinapik ang kanyang balikat. “Alam ko
kung paano ka nagsasakripisyo para sa papa mo, kaya nga hindi na kita
sinisingil ng professional fee. Hanggang doon nga lang ang puwede kong itulong
sa‟yo dahil hindi naman ako mayaman, at may pamilya naman ako.”
“Sobra-sobra na nga po ang tulong niyo sa akin eh. Hindi ko po alam
kung papaano ko kayo pasasalamatan.”
Ngumiti uli ang doktor. “It‟s my duty, as a doctor, to save lives. Kaya
huwag mong isiping may utang na loob ka sa akin.”
Chapter 8
Para bang nananadya ang pagkakataon. Kung kailan niya iniiwasan
itong si Dhar ay saka naman niya ito nasalubong ng papalabas na siya ng
building. May kasama itong dalawang hapon. Napatingin ito sa kanya, ngunit
dahil sariwang-sariwa pa ang mga masasakit na salitang isinampal sa kanya nito
nung isang araw ay yumuko lang siya‟t nilampasan ito. Kahit hindi niya nakikita
ay para bang nararamdaman niya ang dalawang pares ng mata na nakatingin sa
kanyang likuran.
Hindi niya ginamit ang service dahil kailangan niyang dumiretso sa
ospital. Kailangan niyang makausap si Doctor Ignacio hinggil sa paglabas ng
kanyang ama kinabukasan.
Naglakad siya patungong highway. Dati-rati ay nagtataxi siya, subalit
gipit siya sa pera kaya nakipagsiksikan na lamang siya sa jeep. Papasok pa
lang siya noon ng gate ng ospital ng may marinig siyang bumusina sa kanyang
likuran. Nang lingunin niya iyon ay nakita niya ang dalawang kotse na muntikan
nang nagbanggaan. Kagaya ng kotse ni Dhar ang asul na kotseng iyon, pero
imposibleng si Dhar iyon dahil may mga bisita itong inaasikaso sa kompanya.
Dinungaw niya saglit ang kanyang ama. Mahimbing ang tulog nito
kaya‟t minabuti niyang kausapin na muna ang doktor. Marahil pagbalik niya ay
gising na ito.
May kausap ang doktor pagdating niya sa office nito kaya‟t naghintay
siya ng mga sampung minuto bago siya nito naharap. Nagbigay ito ng reseta ng
gamot at ipinaliwanag kung paano at gaano kadalas niya itong ipapainom sa
kanyang ama. Binilin din siya nito ng mga pagkain at gawain na dapat nitong
iwasan. Nagtagal ang kanilang pag-uusap ng halos dalawampung minuto, at ng
nagbalik siya sa kuwarto ng ama ay nagulat siya sa dinatnan doon.
Nakaupo sa tabi ng kama si Dhar. Hinihimas nito ang noo na nakatitig
sa natutulog pa rin niyang ama. Naalala niya ang kotse na nakita niya kanina.
Kung sinundan man siya nito o nagkataon lang na napadaan ito doon at nakita
siya ay hindi niya alam.
Marahil ay naramdaman ni Dhar ang kanyang pagpasok at dahan-
dahan itong tumingin sa kanya. May galit man siyang tinatago dito, subalit mas
nanaig ang hiya niya dito. Yumuko na lamang siya at lumapit sa mesa para
iwanan ang reseta doon. Nang biglang hawakan ni Dhar ang kanyang kamay at
hinila siya nito sa isang tabi kung saan sila makakapag-usap.
“Kailan pa na-ospital ang papa mo?” Mahina ang pananalita nito para
hindi magising ang kanyang ama, pero halatang pinipigil lang nito ang galit.
Natakot si Lenneth sa nanlilisik nitong mga mata. “…Last month pa.”
“Ba‟t hindi mo sinabi sa akin?”
“…Ba‟t ko naman sasabihin sa‟yo?”
Natahimik si Dhar. Parang nasaktan ito, pero hindi binawi ni Lenneth
ang kanyang sinabi. Sa totoo namang wala siyang pananagutan na sabihin ito
kay Dhar. Katrabaho lang naman ito ng kanyang ama noon, at boss naman niya
ito ngayon sa kompanya. Wala naman silang relasyon. Wala siyang nakikitang
malaking dahilan para ipagsabi niya ito kay Dhar.
“Sabihin mo sa akin ang totoo,” ani Dhar makaraan ang ilang sandali.
“Kailan pa nagkasakit ang papa mo?”
“Matagal na.”
“Kailan?”
Tinikom ni Lenneth ang bibig. Talagang pinipilit siya nitong
pagsalitahin. “Ba‟t kailangan mong malaman?”
“…Mula ng nagtrabaho siya sa park, di ba?”
Nang hindi siya umimik ay binitiwan nito ang kanyang kamay at
huminga ng malalim habang tumitingin sa paligid, at saka ito muling tumingin sa
kanya. “Sabi ko na nga ba eh. May sakit ang papa mo nung nagpunta ako sa
bahay niyo para tignan yung lupang binebenta niyo. Ayaw lang niyang umamin.”
“Wala ka namang pananagutan dun eh.”
“What are you saying?” asik ni Dhar. “Hindi mo lang alam ang guilt na
nararamdaman ko ngayon. I shouldn‟t have allowed him to work at the park.”
Hindi nakapagsalita si Lenneth.
“Kaya niyo ba binenta yung lupa niyo?”
Yumuko lang siya. Hindi na niya kailangan pang sumagot.
“Naubos bang lahat yung pera?”
“…Pinambayad namin sa bangko ang kalahati. May four hundred
thousand pa sa bangko pero ayaw pa-withraw ni papa kasi para sa akin daw
yun.”
“Kaya pati katawan mo binenta mo na rin?”
Napalunok sa hiya si Lenneth. Nagbabadyang bumagsak ang mga
luha sa mata niya. Magsasalita na sana si Dhar ng may narinig silang hikbi ng
matanda. Sabay silang napalingon at laking gulat ni Lenneth ng makita ang ama
na hirap na hirap sa paghinga.
“Papa!” Tumakbo siyang nilapitan ito. Nang makita niya itong
naghihikaos ay lalo siyang natakot. Pakiramdam niya‟y iiwanan na siya ng
kanyang ama. Lalabas na sana siya para tumawag ng doktor ngunit nakita niya
si Dhar na mabilis na lumabas.
Alam niya ang dahilan ng biglaang pagka-atake ng kanyang ama.
Narinig nito ang sinabi ni Dhar.
“Papa,” naluluha siyang kinausap ang ama. “Hindi totoo yung narinig
niyo. Hindi niyo lang naintindihan.”
Biglang pumasok ang dalawang nurse, at maya-maya lamang ay
sumunod si Doctor Ignacio. Agad na nilagyan ng oxygen ang bunganga ng
kanyang ama. Sinuri saglit ito ng doktor at saka nag-utos ito na dalhin sa
emergency room ang pasyente.
Umiiyak siyang sinundan ang kanyang ama, hanggang sa isinara ang
pinto ng emergency room at siya‟y naiwanan sa labas. Naramdaman niyang
may pumisil sa kanyang balikat, at ng lingunin niya iyon ay nakita niya si Dhar na
pinipigil din ang luha.
Sa galit niya‟y natapik niya ang kamay nito. “Kung anu-ano kasing
sinasabi mo! Kung lalaitin mo ako, siguraduhin mong hindi maririnig ng papa
ko!”
“I‟m sorry,” pabulong nitong sagot. “I didn‟t know he was listening.”
Hindi na umimik si Lenneth at umupo sa mahabang bench. Kahit
sisihin niya ito, walang magagawa iyon. Sana nga lang ay walang masamang
mangyari sa kanyang ama.
Halos isang oras silang naghintay doon. Ni isang salita ay wala silang
binigkas. Nakaupo lang siya habang si Dhar naman ay nakasandal sa dingding.
Maya-maya‟y lumabas si Doctor Ignacio. Tumayo si Lenneth at sinalubong ito.
“Okay na ang papa mo, Lenneth,” anito. “Muntikan ng atakehin.”
Piniin ni Lenneth ang mga labi. Pakiramdam niya‟y maiiyak na naman
siya. “Salamat po.”
Bumuntung-hininga ang doktor. “Ano bang nangyari? Ba‟t biglang
nagkaganun ang papa mo?”
Napasulyap si Lenneth kay Dhar na tahimik na nakikinig. Mga
dalawang metro ang layo nito. “May napag-usapan lang po kaming hindi
gaanong maganda. Akala po kasi namin tulog siya.”
Muling bumuntung-hininga ang doktor. “Sabi ko naman sa‟yo mag-
ingat-ingat ka. Huwag mong pasasamain ang loob niya. Ayun, tumaas tuloy ang
blood pressure niya. Hindi mo na siya puwedeng ilabas bukas. Dito na muna
siya ng ilang araw.”
Para bang nagunaw ang mundo ni Lenneth. Tatlong libo sa isang araw
ang binabayaran niya sa room at services lamang. Saan na naman siya
hahagilap ng ganung halaga sa loob ng ilang araw?
Tinapik ng doktor ang kanyang balikat. “Oobserbahan lang muna siya
ng mga nurses sandali. Pag okay na, ibabalik na siya sa room niya.”
Tumango si Lenneth at pinanood ang doktor na papalayo. Nang wala
na ito ay tinakpan niya ang kanyang bibig para pigilan ang sarili na mapaiyak.
May mga brasong yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran. Alam niya kung
sino iyon. Hinarap niya ito at itutulak sana ng bigla siya nitong yakapin ng
mahigpit. Noon bumagsak ang kanyang luha at isinubsob niya ang kanyang
mukha sa dibdib nito.
“I am here, Lenneth,” ibinulong nito sa kanya at hinaplos-haplos ang
kanyang buhok. “You‟re not alone anymore.”
Lalong naluha si Lenneth. Sa unang pagkakataon ay may nagsabi nun
sa kanya. Sa unang pagkakataon din ay naramdaman niyang may nagmamahal
at nakikiramay sa kanya. Sa unang pagkakataon ay may masasandalan na
siya. Sana nga lang ay totoo ito at hindi isang panaginip.
Nahihiyang ngumiti si Lenneth ng subuan siya ni Dhar ng binili nitong
mainit na sopas. Magkatabi silang nakaupo sa mahabang bench na katabi ng
kama ng kanyang ama na nahihimbing pa sa pagtulog.
“Hindi ka pa ba uuwi?” tanong niya sa binata.
“Gusto mo na ba akong umalis?” balik ni Dhar at sinubuan siyang muli.
“Hindi naman. Nakakahiya kasi, baka mapuyat ka.”
“Kasalanan ko naman kasi eh, kaya dapat lang na ako ang
magbantay.”
Ngumiti si Lenneth. “Ano palang sasabihin natin kapag nagising siya?”
Sinulyapan ni Dhar ang matanda. “Iniisip ko nga rin eh. Sorry talaga
ha.”
“Wala yun. Basta mag-explain na lang tayo.”
Isinubo sa kanya ni Dhar ang huling laman ng mangkok, saka nito iyon
ibinaba sa mesa. “Para makabawi naman ako, ipasa mo na sa akin ang mga
bills dito sa ospital.”
Nagulat si Lenneth. Ngumiti si Dhar sa naging reaksyon niya at
pumalibot sa kanyang balikat ang isang braso nito.
“To ease my guilt. Ako na ang bahala.”
Naluluhang ngumiti si Lenneth at sumandal sa balikat nito at saka
pumikit. Hindi na nga talaga siya nag-iisa. Mas madali pala ang lahat kapag
may karamay siya. Sana nga ay hindi na siya nito iiwanan pa.
“Gusto mong matulog?” tanong ni Dhar.
Tumango lang siya, maya-maya‟y naramdaman niya itong dahan-
dahang humiga at hinihila siya sa ibabaw nito, hanggang sa natagpuan niya ang
sarili na nakahiga patagilid at nakaunan sa dibdib nito. Gustuhin man niya iyon,
subalit nasa tabi lang niya ang kanyang ama. “Baka makita tayo ni papa sa
ganitong posisyon. Ano pang isipin nun.”
Ngumiti si Dhar na hinaplos ang kanyang buhok. “Ako ng bahalang
mag-explain sa kanya paggising niya. Matulog ka na lang muna.”
Muling pinikit ni Lenneth ang mga mata. Para bang napakapayapa ng
mundo niya ng sandaling iyon. Parang wala siyang nararamdamang
kalungkutan. Ang totoo ay masayang-masaya siya. Sana ay nasa tabi niya
parati si Dhar. Sana ay may kahulugan ang paghaplos-haplos nito sa kanyang
buhok. Sana ay mahal siya nito.
Chapter 8
“Hindi lang po sa gusto kong panagutan ang nangyari sa amin.”
Biglang nagtago si Lenneth sa likuran ng dingding. Papasok na sana
siya noon ng pinto ng marinig ang boses ni Dhar. Nagpaalam ito sa kanya
kanina para umuwi sandali at pumasok sa trabaho. Nagkataon namang rest day
niya kaya umuwi lang siya para maligo at magbihis. Hindi niya inakalang
dadatnan niya doon ang binata, at kausap nito ang kanyang ama na malamang
ay kagigising lamang.
“Mahal ko po talaga si Lenneth,” pagpapatuloy ni Dhar.
Napahawak si Lenneth sa kanyang dibdib. Parang biglang lumukso
ang kanyang puso. Bahagya siyang napangiti. Totoo kaya ang sinabi ni Dhar na
iyon o baka gumagawa lang ito ng kuwento para mawala ang sama ng loob ng
kanyang ama?
“Kung totoo yan,” balik ng kanyang ama. “Bakit walang nababanggit si
Lenneth sa akin tungkol sa relasyon niyo?”
Napamulagat si Lenneth. Parang naiintindihan na niya kung ano ang
gustong palabasin ni Dhar, ngunit mukhang nabubuko ang kasinungalingan nito.
“Hindi ko nga rin po alam kung bakit,” rason ni Dhar.
“Alam mo iho, wala akong nakikitang dahilan para ilihim ni Lenneth sa
akin ang relasyon niyo. Nung una pa man, alam mo at alam niya na botong-boto
ako sa‟yo.”
Naghintay si Lenneth, ngunit wala na siyang narinig pa mula kay Dhar.
Mukhang nawalan na ito ng mairarason. Minabuti na lang niyang pumasok para
iligtas ito.
“Papa?” Kunwari ay nagulat siyang nakita itong nakasandal sa
headboard ng kama. “Gising na po pala kayo.”
Sinulyapan siya ni Dhar na nakaupo sa harapan ng kanyang ama.
Natatawa siyang isipin na ang presidente ng kompanya ay narito‟t ginigisa ng
isang ordinaryong matanda.
“Halika dito, Lenneth,” anang kanyang ama.
Hindi na umimik si Lenneth at umupo sa tabi ni Dhar. Nagtinginan
silang dalawa. Lihim na sinenyasan siya ni Dhar ngunit hindi niya iyon
maintindihan.
“Totoo ba na may relasyon kayo nitong si Dhar?” tanong ng kanyang
ama.
Napadilat si Lenneth, pero agad siyang umasta ng normal para hindi
makahalata ang kanyang ama. “Opo,” sagot niya.
“Kailan pa naging kayo?”
Sinulyapan ni Lenneth si Dhar na tumango lang sa kanya. “Nung isang
linggo pa po.”
“Ba‟t wala kang binabanggit sa akin?”
Bago siya pumasok ay naisip na niya ang rason na ito. “Gusto ko po
sana kasing dalawa kaming magsabi sa inyo, kaso lagi pong busy si Dhar. Isa
pa, hindi po niya alam na narito kayo sa ospital, dahil ayaw niyong ipasabi sa
kanya.”
Nanahimik ang kanyang ama na para bang pinag-iisipan kung
paniniwalaan siya o hindi. Naramdaman naman niya ang dahan-dahang pagpisil
ni Dhar sa kanyang kamay. Sinulyapan niya ito at bahagya silang nagngitian.
“Ganun ba?” Bumuntung-hininga ang kanyang ama. “Yung isang
daang libo na dala mo noon, ang sabi mo nag-loan ka.”
Lihim na kinabahan si Lenneth. Hindi niya alam kung ano ang pinag-
usapan nila tungkol sa pera na ibinayad sa kanya ni Dhar. Muli niyang tinignan
ang katabi para makakuha ng idea, subalit blangko rin ang expression nito.
Parang natatakot pa ito na baka mali ang kanyang masabi.
“Ang totoo po, si Dhar po ang nagbigay nun.” Sinabi na niya ang totoo,
pero dinagdagan niya ng kasinungalingan. “Nalaman po kasi niyang nag-file ako
ng loan. Nagrason po ako sa kanya na pandagdag sa binibili nating bahay at
lupa, kaya niya ako binigyan.”
Naramdaman niyang muling pinisil ni Dhar ang kanyang kamay.
Mukhang nabibilib ito sa bilis niyang makapag-isip ng kasinungalingan.
Bumuntung-hininga ang kanyang ama at kay Dhar naman tumingin.
“Pasensya ka na, Dhar ha,” anito. “Kung minsan itong anak ko, hindi marunong
mahiya.”
Natawa si Dhar habang si Lenneth ay nakasimangot na nakikinig sa
kanila. “Wala pong anuman yun. Bilib nga po ako dito sa anak niyo, ginagawa
niya ang lahat para sa inyo.”
Malungkot ang naging ngiti ni Larry. “Ang hinihiling ko lang para dito sa
dalaga ko, na sana ay biyayaan naman siya sa lahat ng mga sakripisyong
ginawa niya sa amin ng nanay niya.”
Totoo nga ang kanyang hinala. Nung gabing iyon ay halos ayaw siya
nitong pakawalan sa pagkakayakap, at hindi matapos-tapos ang paghalik nito sa
kanya. Halos maghaha-tinggabi na rin ito noon umuwi, at bago ito umalis ay
napakahigpit ng yakap nito sa kanya… Iyon na pala ang huli nilang pagkikita.
Limang araw na ang lumipas mula ng gabing iyon. Maging sa
kompanya ay hindi na niya ito nakita pa. May mga bali-balita pa siyang naririnig
na nag-resign na raw ito bilang presidente ng kompanya, kaya‟t ang isang
pinagkakatiwalaang manager ang siya munang pumalit pansamantala.
Alam na alam niya ang dahilan ng biglang paglayo nito sa kanya. Dahil
iyon sa hiniling ng kanyang ama na pakasalan siya nito. Siguro ay nahiya itong
tanggihan ang kanyang ama ng harapan, kaya‟t minabuti na lamang nitong
huwag ng magpakita pa. Minsa‟y naitanong ng kanyang ama kung kailan uli
dadalaw si Dhar. Pinagtakpan niya iyon sa pagsasabing medyo busy ito sa
trabaho, pero sa pagkadismayang nakita niya sa mukha nito ay alam niyang
hindi ito naniwala sa kanya.
Nang gabing iyon ay maaga niyang pinatulog ang kanyang ama at
nakaupo siya sa tabi ng bintana, pinapanood ang mga ilaw ng kalsada habang
nagkakape. Para bang napakatagal ng limang araw na hindi niya nakikita si
Dhar. Parang napakalungkot ng bawat sandali. Kung hindi sana humiling ang
kanyang ama ng ganoon ay siguro‟y patuloy pa rin itong dumadalaw doon. Isa
pang suliranin niya‟y, malapit ng maubos ang gamot ng kanyang ama. Dahil
wala na si Dhar ay doon na naman mapupunta ang kanyang suweldo.
May narinig siyang nag-doorbell. Kahit kay bigat ng kanyang
pakiramdam ay dahan-dahan siyang tumayo at iniwan ang kape sa mesa. Nang
buksan niya ang pinto ay nagulat siya sa bumungad sa kanya.
Naroon si Dhar na nakasandal sa balcony. Nakatingin ito sa kanya at
may kaunting ngiti sa mga labi nito, ngunit para bang wala ni anumang emosyon
sa mukha nito. Isa pa‟y naka-jeans at t-shirt lamang ito. Nasanay siyang
nakikita itong laging naka-formal, kaya‟t kapansin-pansin ang bagay na iyon.
Ngunit para bang mas gusto niya na nakikita itong ganoon.
Nung mga nakaraang araw ay nakaramdam siya ng galit kay Dhar dahil
sa biglaan nitong pagkawala, subalit naisip niyang wala siyang karapatang
magalit dito dahil marami siyang utang na loob dito. Ngunit ng sandaling iyon ay
ni kaunting galit ay naparam sa dibdib niya. Parang gusto niya itong yakapin ng
mahigpit, pero nagpigil siya. “P-pasok ka,” naluluha niyang wika sa labis na
kaligayan.
Hindi umimik si Dhar. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya na ikina-
conscious niya ng husto. Pakiramdam niya‟y may dumi sa mukha niya.
“H-halika muna sa loob. Baka ginawin ka.”
Ilang sandali pa siyang tinitigan ni Dhar, saka ito huminga ng malalim.
“Busy ka ba?”
“H-hindi,” natawang umiling si Lenneth. “Wala naman akong ginagawa
ngayon. Bakit?”
“…Puwede ba kitang makausap?”
Nagtaka si Lenneth. Parang may importante itong sasabihin. Natakot
siya na baka magpapaalam na ito sa kanya kaya‟t ni ayaw nitong pumasok. “Oo
naman. Pero puwedeng sa loob na tayo mag-usap? Nakakahiya sa mga
kapitbahay.”
Tumango si Dhar at saka ito pumasok.
“Gusto mong magkape?” tanong niya dito at pupunta na sana ng kusina
ng bigla nitong tawagin ang kanyang pangalan. Huminto siya at hinarap ito.
Nakita niya itong marahang lumapit sa kanya at hinawakan ang isa niyang
kamay.
“Marami akong ipagtatapat sa‟yo,” ibinulong nito sa kanya.
Sandaling walang imik si Lenneth. Parang napakaseryoso ng
sasabihin nito sa kanya. Sana nga lang ay hindi totoo ang ikinatatakot niya. “S-
sige,” sagot niya at hinila ni Dhar ang kanyang kamay at magkatabi silang umupo
sa mahabang sofa, hawak pa rin nito ang kanyang kamay.
Nagkaroon ng maiksing katahimikan, saka pinisil ni Dhar ang kanyang
kamay at sila‟y nagtinginan. “Kumusta nga pala ang papa mo?”
“Ganun pa rin. Parang walang pinagbago.”
Bumuntung-hininga si Dhar. “Pasensya ka na kung ngayon lang ako
nakabalik. May mga hinarap lang akong importanteng bagay.”
“Okay lang yun.” Pinilit ngumiti ni Lenneth, kahit ang totoo‟y masama
ang loob niya sa binata. “Ano ba yung sasabihin mo?”
Tinitigan siya ni Dhar. “…Di ba nasabi ko sa‟yo noon na bastardo
akong anak ni Severino Fajardo?”
Tumango si Lenneth.
“Alam mo, mula bata ako pinangarap kong makita ang aking ama, pero
hindi ako pinagbigyan ni mama dahil sa sama ng loob niya kay daddy. Nung
nabuntisan kasi niya si mama, pinipilit niyang ipalaglag ako, kaya nilayuan siya ni
mama… Pero nung nasa terminal stage na yung cancer ni mama, tinawagan din
niya si daddy para maipakilala niya ako sa kanya bago siya mamatay.”
Hindi umimik si Lenneth. Tahimik lang siyang nakikinig. Nagtataka
siya kung bakit bigla nitong naisipan na magkuwento tungkol sa personal nitong
buhay.
“A week later,” pagpapatuloy ni Dhar. “Namatay siya, with my father
beside her.”
Naantig ang puso ni Lenneth sa nakitang mga luhang namumuo sa
mga mata ni Dhar. Parang nagbabalik dito ang sakit na naramdaman nito sa
pagpanaw ng ina.
“Tinanggap naman ako ni Daddy, in fact sa unang tingin pa lang niya sa
akin alam niyang anak niya ako, dahil may mga pagkakahawig kami… At siguro
masyado siyang naawa sa akin nung namatay si mama. I was too deppressed
that time. I felt so lonely. Masamang-masama ang loob ko pero wala akong
masandalan… Kay siguro naawa sa akin si Daddy, kahit hindi pa ako kilalang
architect, pinilit niya akong mag-design ng building na gagawin daw niyang
company, at ipapamana din niya sa akin. Pero hindi ko tinanggap. Pumayag
lang akong gumawa ng design.”
“Daddy mo rin ang nagpalit ng pangalan mo?”
Tumango si Dhar. “Pinapalitan niya para mas madali raw akong
makikilala bilang Architect. Pumayag naman ako dahil… may punto nga naman
siya. Kilala ang pamilya Fajardo na mayayaman at matatalino.”
“Pero bakit kinailangan mong magtrabaho noon sa construction?
Pinagkamalan tuloy kitang karpintero.”
Ngumiti si Dhar at pinisil ang kanyang kamay. “Nahihiya kasi akong
magpakilala bilang isang Fajardo, kaya nagkarpintero na lang ako para masiguro
kong nasusunod ang plano. Isa pa, I wanted to keep myself occupied that time
para hindi ako malungkot.”
Tumango si Lenneth. Nauunawaaan na rin niya ang mga pangyayari.
“Nung una nga kitang nakita, parang wala kang kabuhay-buhay.”
Muling ngumiti si Dhar. “It‟s true. Pakiramdam ko talaga noon namatay
na ako… pero may isang taong nagbigay kulay uli sa buhay ko.”
Napatingin si Lenneth sa mga mata nito. “S-sino?”
Makahulugan ang naging ngiti ni Dhar. Napakalagkit din ng titig nito sa
kanya. “This girl here… before me.”
Saglit na natulala si Lenneth, saka siya ngumiti. “Totoo?”
Tumango si Dhar. “After my mother‟s death, ikaw ang unang
nakapagpangiti sa akin. Araw-araw kitang hinihintay noon, at basta‟t may
pagkakataon na makapag-usap kami ng papa mo, ikaw parati ang pinag-
uusapan namin.”
Piniin ni Lenneth ang mga labi. Ganun pala ito tinamaan sa kanya
noon.
“Hindi ko lang nasabi sa‟yo noon, pero totoong minahal kita ng husto
noon kahit madalang tayong mag-usap. Natutuwa akong nakikita ka na
binabaunan ang papa mo. Nag-iimagine ako na kapag naging tayo, ganun din
ang gagawin mo sa akin… Kaya masamang-masama ang loob ko nung
binasted mo ako.”
Nahiyang tinakpan ni Lenneth ang kanyang bibig. “Pasensya ka na
ha. Ambisyosa lang siguro ako noon.”
“Alam mo ba na dahil sa sinabi mo, pakiramdam ko noon napakababa
ko kasi kaya hindi mo ako nagustuhan. Napilitan akong tanggapin ang alok ni
Daddy na i-manage ang company. Nagpunta ako ng US at nag-training ako
doon ng six months.”
“Kagagaling mo ng states nung nagkita uli tayo noon na pinagkamalan
kitang handyman?”
Tumango si Dhar. “Aside from business management, tinuruan din ako
kung papaano i-setup at ayusin ang mga machines. Hindi pa kasi na-train ang
mga engineers at handyman noon, kaya ako na muna ang gumawa ng mga
yun.”
Ngumiti si Lenneth. “Sorry ha.”
“Pero alam mo ba na nung nagkita uli tayo, na-realize ko na… hindi pa
pala kita nakakalimutan?”
Napanganga si Lenneth. Hindi niya iyon inasahan.
“Pero huli na… I tried to stay away from you… pero para bang
nananadya ang tadhana at pilit tayong pinaglalapit sa isa‟t isa.”
“Why did you have to stay away from me? Dahil ba hindi mo
nagustuhan ang ugali ko?”
Umiling si Dhar. “I knew that when you‟ll learn of my true identity,
mababago ang tingin mo sa akin… pero may usapan kasi kami ni Daddy.”
Naintriga si Lenneth. “Ano yun?”
Bumuntung-hininga si Dhar at saka siya tinitigan. “That if I would be
the president of the company, I‟ll have to refrain from any relationships with
women for at least five years.”
“Kaya mo rin ba ako binasted?”
Nangiti si Dhar, at saka ito tumango. “Ganun na nga.”
Naluluhang yumuko si Lenneth, saka niya ito muling tinignan. “Pero
bakit kinailangan mong mag-resign sa company? Kung gusto mo akong iwasan,
lalayo naman ako eh. Kung gusto mo, kahit ako na lang ang mag-resign para
hindi na tayo muling magkita. Sabihin mo lang, gagawin ko, promise.”
Ilang sandaling tulala si Dhar. “Hindi naman yun ang dahilan kaya nag-
resign ako.”
“Eh ano?”
“…Pinapili kasi ako ni Daddy. Either the company, or my wish to get
married.”
Napamulagat si Lenneth. Malamang ay sinabi nito sa ama na may
gusto itong pakasalan, ngunit hindi siya sigurado. “Anong desisyon mo?”
Bahagyang ngumiti si Dhar, saka nito pinisil ang kanyang kamay. “I‟ve
decided… to ask you to marry me.”
Lalong napadilat si Lenneth. Halos hindi siya makapagsalita. “A-are
you sure?”
Lumapit sa kanya si Dhar at hinaplos ang kanyang pisngi. “I am very
sure of it, hindi lang dahil sa hiniling ng papa mo pero dahil mahal na mahal kita.”
Halos pumatak ang luha ni Lenneth. Para siyang nananaginip. “P-
pero… yung girlfriend mo?”
“I don‟t have a girlfriend,” sagot ni Dhar. “Yung nakita mong kasama ko
noon, kaklase ko noong college yun. I admit, nagloko ako at that time dahil
sumama ako sa kanya, but I promise you… hindi na yun mauulit.”
Naluha si Lenneth sa labis na kaligayahan at yumakap ng mahigpit sa
binata. “It‟s okay. Hindi naman sinasama ng loob ko yun eh. Nagselos lang ako
noon.”
Naramdaman niyang hinaplos ni Dhar ang kanyang buhok. “Eversince
I met you, I‟ve never loved anyone else,” ibinulong nito.
Lalong humigpit ang yakap niya dito at isinubsob ang kanyang mukha
sa dibdib nito.
“Lenneth,” ibinulong nito. “I have something for you.”
Dahan-dahang tumingala si Lenneth at saka siya nito nginitian.
Nagtaka siya kung ano ang ipapakita nito sa kanya, at laking gulat niya ng ipakita
nito sa kanya ang isang kumikinang na diamond ring. Hindi niya alam kung saan
nito iyon kinuha. Wala siyang napansin na hawak nito kanina.
Sa gulat ay matagal siyang natulala, hanggang sa naramdaman na
lang niyang isinusuot na pala nito ang singsing sa kanyang daliri. Nang natapos
ay pinagmasdan nila pareho ang singsing sa kanyang daliri.
“Do you like it?” tanong nito sa kanya.
Naluluhang tumango si Lenneth. Parang napakahirap paniwalaan ang
mga nangyayari. “Bakit mo sinuot agad hindi pa naman ako sumasagot kung oo
o hindi,” biro niya.
Ngumiti si Dhar at hinawakan ang magkabilaan niyang pisngi. “Hindi
na. Sigurado naman akong hindi mo matatanggihan ang kahilingan ng papa
mo.”
Natawa si Lenneth. “Para ka namang nananamantala.”
“Parang ganun na nga,” biro ni Dhar.
Tumawa uli si Lenneth. “Pero Dhar, sigurado ka ba? Ipagpapalit mo
ang company para lang pakasalan ako? Baka kailangan mo uling pag-isipan?”
“Kahit ano pang isuhol ni daddy sa akin, pipiliin pa rin kita. May
natapos naman ako. Hindi ko man maipangako ang marangyang buhay, I‟m
willing to work hard to give you all that you need. Kung okay lang sa‟yo.”
“Oo naman,” sagot ni Lenneth. “Kahit naman ambisyosa ako, hindi
naman ako nangangarap ng milyonaryo. Sapat na sa akin yung may trabaho.”
“Pero ang problema, maghahanap pa ako ng trabaho ko. Kaya
pagtiyagaan mo muna kung pobre ang boyfriend mo. Don‟t worry, magsisikap
ako ng husto para sa‟yo.”
Nangiti si Lenneth at kumapit sa batok nito. “Ikaw talaga, hindi mo pa
rin makalimutan yun. Sorry na. Kahit maging karpintero ka ulit, gugustuhin pa
rin kita.”
Natawa si Dhar at pumalibot ang mga braso nito sa kanyang likuran.
“Sige nga. May pinapagawang bahay diyan sa kabila eh. Mag-aapply ako
bukas. Basta‟t dalhan mo ako parati ng baon ko ah.”
Tumawa rin si Lenneth, at saka sila nanahimik at nagtitigan. Maya-
maya‟y napansin niya ang mga labi nitong papalapit. Pumikit siya at
pinakiramdaman ang init ng mga iyon. Napakasarap ng kanyang pakiramdam.
Parang ng sandaling iyon ay perpekto ang kanyang mundo.
Chapter 9
“Dhar, please tell me the truth!” pagmamakaawa ni Lenneth habang
kinakausap si Dhar na nakahawak sa railings ng bintana ng ospital at nakatingin
sa labas. Nung nakaraang araw ay nadatnan niyang walang malay ang kanyang
ama kaya‟t kinailangan nilang ibalik ito sa ospital, ngunit sa kanyang pagtataka
ay narinig niya ang doktor na binibilin si Dhar na iuwi na ang kanyang ama. “Ano
ba talaga ang tunay na lagay ni papa?”
Parang walang narinig si Dhar. Napakalayo ng tingin nito sa kung saan
man. Parang alam na niya ang kahulugan ng katahimikan nito.
“Wala ng pag-asang gagaling si papa, hindi ba?” naluluha niyang
tanong.
Dahan-dahan siyang nilingon ni Dhar, saka rin ito muling tumingin sa
labas.
Para bang dinurog ang puso ni Lenneth. Hindi niya napigilan ang
bugso ng kanyang damdamin. “Ang sabi mo sa akin noon okay na si papa!
Ganun din ang sabi ng doktor! Pinagkakampihan niyo ba akong lokohin?!”
“Lenneth,” napakalumanay pa rin ng pananalita ni Dhar, kahit
naghihimutok na siya sa galit. “Ginagawa ko ang lahat para sa papa mo. Huwag
ka naman sanang magalit. Kagustuhan ng papa mo na huwag kang pag-
alalahanin.”
Naparam bigla ang galit ni Lenneth, pero hindi niya napigilang maluha.
“Wala na raw ba silang magagawa para kay papa?” tahimik niyang tanong.
Tumingin sa kanya si Dhar. Ilang sandali siya nitong tinitigan, saka ito
marahang umiling.
Biglang tumulo ang kanyang luha. Para hindi siya humagulgol ay
tinakpan niya ang kanyang bibig. Maya-maya‟y naramdaman niyang lumapit si
Dhar at banayad siya nitong niyakap.
“We have to get married soon,” ibinulong nito sa kanya. “Mag-civil wedding na
lang muna tayo, saka na tayo magpakasal sa simbahan.”
Lalong nanikip ang dibdib ni Lenneth sa hinagpis. Naunawaan niya
ang ibig nitong sabihin. Bilang na ang araw ng kanyang ama. “Pero kailan?”
Pinilit niyang magsalita at tumingala sa binata. “Last week lang tayo nag-file. Di
ba three weeks yun?”
“May ninong akong judge. Magagawan niya ng paraan yan. Kung
kaya niyang i-schedule bukas, bukas na bukas din magpapakasal tayo.”
Walang nasabi si Lenneth at tumango na lamang. Nalalaman niya na
ginagawa ito ni Dhar alang-alang sa kanyang ama. Naaawa siya sa binata.
Marahil ay hindi pa ito handang mag-asawa, ngunit dahil sa awa sa kahilingan ng
kanyang ama ay isinasakripisyo na nito ang lahat, maging ang pagkabinata nito.
***
Chapter 9
“Hay naku! Gulat na gulat ang lahat nung nalaman nilang nagpakasal
na pala kayo ni Sir ano,” balita sa kanya ni Esther ng minsang dumalaw ito sa
kanilang condo. “Ang tsismis nga, ayaw daw sa‟yo ni Sir Severino kaya nag-
resign si Sir Dhar. Imagine, mas pinili ka pa niya.”
Pinilit ngumiti ni Lenneth. “Hindi naman sa ganun. Mas gusto raw kasi
niya ang pagde-design kaysa sa mag-manage.”
“Ganun? So false pala ang tsismis. Sige, late na ako sa work.
Napadaan lang ako para kamustahin ka.”
Tumango si Lenneth at kinawayan ang kaibigan na nagmamadaling
lumabas ng pinto. Matagal na panahon na ring hindi niya nakita si Esther. Kung
hindi pa namatay ang kanyang ama ay hindi pa ito nagpakita.
Bumuntung-hininga siya at pumasok sa kuwarto. Dalawang araw na
ang lumipas mula ng mailibing ang kanyang ama ngunit parang napakabigat pa
rin ng kanyang pakiramdam. Mula pagkabata ay sadyang naging malapit silang
mag-ama, kaya‟t kakaiba ang kanyang mundo na wala ito, at kailanman ay hindi
na niya ito makikita pa.
Nakita niya ang laptop ni Dhar sa ibabaw ng mesa. Nakalimutan siguro
nitong isara. Malamang ay hindi pa ito tapos mag-shower. Dahil sa pagkamatay
ng kanyang ama ay napilitan itong ipasa sa iba ang dati nitong project. Talagang
sinunod nito ang kahilingan ng kanyang ama. Ni minsan, ay hindi siya nito
iniwan. Nung nasa funeral chapel pa sila ay lagi siyang natutulala, at laging
walang ganang kumain. Naunawaan siya nito. Hinarap nito ang mga bisita at
pinagtiyagaan siya nitong subuan kahit konting pagkain, basta‟t magkalaman
lang ang kanyang sikmura. Hindi niya alam kung papaano siya makakabawi sa
asawa. Sadyang napakabait nito sa kanya.
Umupo siya sa harapan ng laptop at isasara na sana iyon ng napansin
niya ang larawan na naka-display doon. Nagsalubong ang kanyang mga kilay.
Larawan iyon ng sala ng condo unit. Tinignan pa niya ang ibang mga larawan,
halos lahat ay larawan ng bawat sulok ng condo unit.
Isinara niya ang mga larawan at nakita niyang bukas ang email address
ni Dhar. Tinignan niya ang mga sent items, at nakita niya doon ang isang sulat
na naka-address sa isang Mister Sanchez, at naka-attach ang mga larawang
nakita niya doon. Isa lang ang ibig sabihin nun, binebenta na rin ni Dhar ang
condo unit nito.
Nagulat siya ng biglang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si
Dhar na nakatapis lamang ng tuwalya. Agad niyang binitiwan ang laptop kahit
alam niyang nakita nito ang kanyang pakikialam.
Ngumiti si Dhar at lumapit sa kanya, saka nito hinalikan ang kanyang
labi. “Paki-logout naman yung email ko. Magbibihis lang ako sandali.”
Tumango si Lenneth at pinilit ngumiti. Nang nakapasok na si Dhar sa
closet ay isinara na niya ang lahat ng nakabukas na programs sa laptop at
pinatay ang power. Hindi niya mapigilang magtaka kung bakit kinakailangang
ibenta ni Dhar ang condo, pero nasagot din niya ang kanyang tanong.
Tatlong revival daw ang ginawa nila para sa kanyang ama sa ospital.
Hindi man niya alam kung magkano yun dahil ayaw ipakita sa kanya ni Dhar ang
resibo ay alam niyang mahal iyon. Si Dhar lahat ang umako sa hospital bills at
maging sa funeral bills nito. Kahit ang lupa na pinaglibingan sa kanyang ama ay
si Dhar din ang nagbayad. Malamang ay naubos na ang pinagbentahan nito ng
kotse kaya‟t kinakailangan nitong ibenta ang condo unit.
Nang lumabas si Dhar sa closet ay muli itong ngumiti sa kanya.
Parang alam nitong nakita niya ang mga larawang mga iyon, pero ayaw lang
nitong pag-usapan. Nilapitan niya ito at tinulungang ibutones ang sleeve ng polo
nito, at ng natapos ay napansin niyang nakatitig pala ito sa kanya.
“I‟m happy to see you recovering,” anito sa kanya.
Bahagya siyang ngumiti. “Because of you.”
Ngumiti rin si Dhar at hinaplos nito ang kanyang pisngi, saka siya nito
hinalikan sa labi. Ilang minutong nagtagal iyon, na parang ayaw na siya nitong
pakawalan. Damang-dama niya ng mga sandaling iyon kung gaano siya nito
kamahal.
“I love you so much, Dhar,” naibulong niya.
Nakangiting tumitig sa kanya si Dhar. “I love you so much too… more
than my life.”
Halos maluha si Lenneth sa narinig. “Thank you!”
Natawa si Dhar at hinalikan siyang muli. “Iwanan muna kita sandali
ha,” anito makaraan ang isang minuto. “Medyo in-demand itong asawa mo
ngayon eh. Babalik din ako agad.”
Tumango si Lenneth. “Ingat ka ha?”
“Sure sweetheart.”
Inihatid niya ito hanggang sa may pintuan. Alam niyang mag-aabang
na naman ito ng taxi, o kaya‟y maglalakad ito hanggang sa hintayan ng jeep.
Nakakahiya na ang isang Fajardo ay namumuhay na isang mahirap. Lalo na
kapag naibenta itong condo unit. Sa apartment na lang sila titira. Ano na
lamang ang maipagmamalaki ni Dhar. Baka tawanan pa ito ng ama nito kapag
nakita ang nakakaawa nitong lagay.
Bumalik siya ng kuwarto at lumingon-lingon sa paligid. Para bang may
bumubulong sa kanyang isipan, at natagpuan na lamang niya ang kanyang
sariling naglabas ng isang malaking suitcase. Bigla siyang huminto at nag-isip.
Siguro nga ay kailangan niya iyong gawin. Masyado ng maraming
pahirap ang nagawa niya kay Dhar. Kahit hindi man ito nagrereklamo, kahit
mukhang masaya man ito sa piling niya, subalit hindi na niya kayang makita
itong naghihirap ng dahil lamang sa kanya. Kailangan na niya itong pakawalan.
Iyon lamang ang paraan para maibalik ito sa dati nitong marangyang buhay,
bago pa nito ibenta ang condo unit.
Chapter 10
One Month Later
“Lenneth?”
Nilingon ni Lenneth ang kanyang tita Celine, kapatid ng kanyang ama,
na nagpupunas ng mesa. Siya naman ay naghuhugas ng pinggan.
Pansamantala ay sa kanila muna siya tumira habang naghahanap siya ng
mapapasukang trabaho. “Bakit po tita?”
“Naisip ko lang. Hindi ka kaya hinahanap ng asawa mo ngayon?”
Nagulat siya sa tanong nito, pero pinilit niyang ngumiti. “Hindi naman
po niya alam dito eh.”
“Paano kung isipin niya na… ginamit mo lang siya?”
Natigilan si Lenneth sa ginagawa, malaking posibilidad na ganun nga
ang iniisip ni Dhar. “Nag-iwan naman po ako ng sulat sa kanya. Nagpasalamat
naman ako, at saka, kaya ko nga siya iniwan para bumalik sa normal ang buhay
niya.”
“Pero sayang ano? Nakatagpo ka nga ng mayaman, mamumuhay
mahirap din lang pala kayo.”
Nangiti si Lenneth. “Ewan ko nga po eh. Parang sinalo ko lahat ng
malas.”
“Hmmm, huwag kang mag-alala. Darating din ang panahon na
magiging masaya ka.”
Natigil ang kanilang pag-uusap ng may marinig silang kumakatok. Ang
kanyang tita ang lumabas ng kusina para buksan ang pinto. Siguro ay mga
kapitbahay na naman ang mga iyon na gustong makipanood ng TV.
“Lenlen!” sigaw ng kanyang tita mula sa sala. “Halika muna dito.”
Agad niyang hinugasan ang kanyang kamay at lumabas ng kusina.
“Bakit po?” tanong niya at tinabihan ang kanyang tita sa pinto. Napamulagat siya
sa nakitang matangkad na ginoo na bumungad sa harapan niya.
Ngumiti si Severino. “Misis Lenneth Fajardo, I finally found you.”
“I only have one wish to ask from you both,” ani Severino habang
nagmamaneho ito sa kahabaan ng highway.
Kinakabahan na noon si Lenneth sa nalalapit nilang pagkikita ni Dhar.
Totoo kayang mapatawad siya nito? “Ano po yun?”
“Sana, magpakasal uli kayo ni Darian. And this time, sa simbahan na.
My relatives would surely want to meet you.”
Namula si Lenneth. “Depende po yun kay Dhar kung papayag siya.”
“Sabihin mo kapag hindi siya pumayag at magsusuntukan kami,” biro
nito.
Natawa si Lenneth. Magsasalita na sana siya ng biglang ihinto ni
Severino ang kotse. Nagtataka siyang dumungaw sa bintana, parang hindi iyon
ang tirahan ni Dhar. Lumingon-lingon siya sa paligid at laking gulat niya ng
napansing iyon ang dati niyang tirahan, nung nabubuhay pa ang kanyang mga
magulang.
“Let‟s go?” ani Severino at lumabas ng kotse.
Tulala pa rin si Lenneth, hanggang sa buksan ni Severino ang pinto.
Salubong ang mga kilay niyang lumabas ng kotse, at laking gulat niya ng
makitang iba na ang dati nilang bahay, mas malaki na iyon at bagung-bago.
“I think that he did a good job with this house.”
Napatingin si Lenneth sa katabi. Pareho pala sila ng tinitignan.
“This is your home,” anito sa kanya.
Hindi pa rin makapaniwala si Lenneth, pero sumunod na siya ng
pumasok si Severino sa gate at kumatok ito sa pinto. Nang walang sumagot ay
dahan-dahan nitong binuksan ang pinto. Unti-unti niyang naaninag si Dhar na
nakatalikod at nakatayo sa bintana. Parang may tinitignan ito sa labas.
“Darian?” ani Severino at sinenyasan siya nitong pumasok. Kahit
kinakabahan siya ay sumunod siya dito. “I have something for you here.”
Ni hindi man lang lumingon si Dhar, na parang walang narinig.
“Darian?”
“…If it is not my wife,” mahinang sagot ni Dhar, na parang wala itong
kabuhay-buhay. “I don‟t want it.”
Piniin ni Lenneth ang mga labi para pigilan ang mga luha. Ganun pa rin
pala talaga ang pagpapahalaga ni Dhar sa kanya.
“Well, it is,” sagot ni Severino.
Kahit nakatalikod ito ay alam niyang nagulat ito. Ilang sandali itong
natulala, at bigla itong humarap sa kanila. Halata ang pagka-sorporesa nito ng
makita siyang nakatayo doon.
Ngumiti si Severino at tinapik siya sa balikat. “I‟ll leave you both to
talk. Isusunod ko yung mga gamit mo.”
Tumango si Lenneth, at ng wala na si Severino ay tumingin siyang muli
kay Dhar na parang hindi pa rin makapaniwala sa nakikita. Maya-maya‟y dahan-
dahan itong lumapit sa kanya.
“I‟m so sorry.” Hindi niya napigilan ang kanyang luha.
Banayad na hinawakan ni Dhar ang magkabilaan niyang pisngi at
tinitigan siya nito sa mata. “You don‟t have to say that,” anito. “Just tell me that
you‟ve come back to stay and it will all be okay.”
Muling tumulo ang kanyang mga luha at tumango-tango siya. Maging
si Dhar ay naluha na rin at niyakap siya nito ng buong higpit, na para bang ilang
taon silang hindi nagkita.
“I love you so much, Lenneth!” ibinulong ni Dhar at hinalikan ang
kanyang buhok. “Please don‟t leave me again!”
Humigpit ang yakap ni Lenneth sa asawa. Hindi siya makapaniwalang
ganun lang siya nito kadaling napatawad. “I won‟t ever. I love you too!”
EPILOGUE
“How does it feel to get married twice?” tanong ni Dhar sa kanya
habang yakap-yakap siya nito mula sa likuran sa balcony ng bago nilang bahay.
Gabi na noon at katatapos lamang ng celebration ng kasal nila sa simbahan na
dinaluhan ng buong angkan ng mga Fajardo. Iilan lamang ang mga nakadalo
niyang kamag-anak dahil nahihiya raw ang mga ito.
“I don‟t know,” nakangiti niyang sagot. “But it feels good na… sa wakas
open na sa lahat na mag-asawa tayo.”
Tumawa si Dhar at hinalikan siya sa pisngi. “Kailan ba naging sikreto?”
“Ikaw naman ang naglihim diyan eh.”
Muling tumawa si Dhar. “Hindi naman. Actually, nakaplano na ang
church wedding natin noon eh, kaya ko binebenta yung condo unit para lumipat
na tayo dito, pero iniwan mo naman ako.”
Humarap si Lenneth at masuyong niyakap ang asawa. Halata pa rin
ang pagtatampo nito. “Sorry talaga, akala ko kasi binebenta mo yung condo kasi
walang-wala ka na. Nakonsensya lang ako masyado.”
Ngumiti si Dhar. “Kahit naman maging karpintero ako, basta‟t kasama
lang kita, masaya na ako. Do you not feel the same?”
Kumapit siya sa batok nito. “Kahit ano pang trabaho mo, basta‟t
kasimbait mo, at ganito mo ako kamahal, masaya na ako.”
Nangiti si Dhar at hinalikan siya sa labi. “I knew that… there will come
a time for us… to be happy finally.”
“It has come,” ibinulong ni Lenneth at inabot ang mga labi nito.
- WAKAS -