You are on page 1of 2

PASIMULA

Awiting Pambungad
PARI (P): Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng
Espiritu Santo.
BAYAN (B): Amen!
P: Ang pagpapala ng ating Panginoong
Hesukristo, ang pag-ibig ngDiyos Ama, at
ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo
nawaysumainyong lahat
B: At sumaiyo rin!
PAGSISISI SA KASALANAN
P: Panginoon, kaawaan mo kami.
B: Panginoon, kaawaan mo kami.
P: Kristo, kaawaan mo kami.
B: Kristo, kaawaan mo kami.
P: Panginoon, kaawaan mo kami.
B:Panginoon, kaawaan mo kami.
P: Kaawaan tayo ng makapangyarihang
Diyos, patawarin tayo saating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na
walanghanggan.
B: Amen
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
P: Manalangin Tayo(tumahimik). Ama
naming makapangyarihan
sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
B: Amen.
(Umupo)
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG
DIYOS
Unang Pagbasa
Tagapaglahad(T): Pagbasa mula sa unang
aklat ng Macabeo
Noong mga araw na iyon, may sumipot na
masamang binhi. Itoy si Antioco Epifanes,
ang anak ni Haring Antioco. Siyay isa
lamang bihag sa Roma bago nagmana ng
kaharian. Nagsimula siyang maghari nang
taong sandaat tatlumput pito.
Noong kapanahunan ni Antioco Epifanes,
may lumitaw na mga masasamang Judio na
ayaw sumunod sa Kautusan, bagkus ay
inaakit pa ang mga mamamayan na
makipagkasundo sa mga Hentil sa palibot
nila. Makipagkasundo na tayo sa kanila;
wala naman tayong nakikita sa hindi

pakikipagkasundo kundi pawang kamalasan,


wika nila. Ang ganitong panukala ay
nagustuhan ng marami at ang ilan sa kanilay
agad nagpunta sa hari. Nagtayo sila ng isang
malaking palaruan sa Jerusamlen, alinsunod
sa kaugalian ng mga Hentil.
Ang hari ay nagpalabas ng isang kautusan
para sa buong kaharian. Iniutos niyang
maging isa ang tuntunin sa bansa, kayat
ipinagbawal niya ang dating kautusan at ang
relihiyon. Lahat ng Hentil ay sumang-ayon at
marami ring Israelita ang sumunod.
Naghandog din sila sa mga diyus-diyosan at
nilabag ang Araw ng Pamamahinga.
Noong taong sandaat apatnaput lima,
ikalabinlima ng buwan ng Kislev, si Haring
Antioco ay nagpatayo ng Kalapastanganang
Walang Kapantay sa altar ng pinagsusunugan
ng mga hain. Nagpatayo rin siya ng mga
dambanang pagano sa lahat ng lungsod sa
palibot ng Judea. Kahit sa mga harap ng
bahay at mga lansangan, pinagsusunog ng
kamanyang ang mga tao. Lahat ng makitang
mga balumbon ng Kautusan ay ipinapatay. Sa
kabila ng lahat ng ito, marami pa ring mga
Israelita ang nananatiling tapat at hindi
kumain ng anumang pagkaing marumi.
Matamis sa kanila ang mamatay kaysa
maging marumi dahil sa pagkain ng mga
hindi ipinahihintulot ng kautusan at kaysa
sumuway sa banal na tipan. Marami nga ang
namatay sa kanila. Katakut-takot na hirap ang
dinanas ng buong Israel.
T: Ang Salita ng Diyos.
B: Salamat sa Diyos.
Salmong Tugunan
Tugon: Poon, akoy lingapin mo; ang utos
moy susundin ko.
Nag-aapoy ang galit ko sa tuwi kong
mamamalas,
yaong mga masasamang lumalabag sa
yong batas. (Tugon)
Silang mga masasama kahit ako ay
gapusin,
ang bigay mong mg autos ay di ko rin
limutin. (Tugon)
Sa sinumang naghahangad na ako ay
alipinin,

iligtas mo ang lingkod mot ang utos


mo ang susundin. (Tugon)
Palapit na nang palapit ang sa akiy
umuusig,
mga taong walang galang sa utos
mong isinulit. (Tugon)
Iyang mga masasamay tiyak na di
maliligtas,
dahilan sa kautusang hindi nila
ginaganap. (Tugon)
Nagdaramdam akong labis kapag
aking namamasdan,
yaong mga taong taksil na laban sa
kautusan (Tugon)
(Tumayo)
Mabuting Balita
P: Sumainyo ang Panginoon
B: At sumaiyo rin
P: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon
kay San Lucas
B: Papuri sa iyo, Panginoon
Malapit na si Hesus sa Jerico, at dooy
may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi
ng daan at nagpapalimos. Nang marinig
nitong nagdaraan ang maraming tao,
itinanong niya kung ano ang nangyayari.
Nagdaraan si Hesus na taga-Nazaret, sabi
nila. At siyay sumigaw, Hesus, Anak ni
David! Mahabag po kayo sa akin! Sinaway
siya ng mga nasa unahan, ngunit lalo pa
niyang nilakasan ang sigaw: Anak ni David,
mahabag po kayo sa akin! Kayat tumigil si
Hesus, at iniutos na dalhin sa kanya ang
bulag. Inilapit nga ito at tinanong ni Hesus,
Ano ang ibig mong gawin ko sa
iyo?Panginoon, ibig ko po sanay
manumbalik ang aking paningin,sagot niya.
At sinabi ni Hesus, Mangyari ang ibig mo!
Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.
Noon din, nakakita siya at sumunod kay
Hesus, at nagpasalamat sa Diyos. Nang
Makita ito ng mga tao, silang lahat ay
nagpuri sa Diyos.
P: Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
B: Pinupuri ka namin, Panginoong
Hesukristo.

Homiliya (Umupo)
Panalangin ng Bayan
P: Hilingin natin sa Diyos Ama na buksan
ang ating mga mata upang malinaw nating
makita ang kanyang daan at sundan siya ng
buong puso.
Tugon: Panginoon, dinggin mo an gaming
panalangin.
1. Ang mga pinuno ng Simbahan, sa
pamamagitan ng kanilang huwarang
pamumuhay, naway maipakita sa atin
ang daan patungo sa Kaharian ng Diyos
Amang nasa Langit, manalangin tayo sa
Panginoon
2. Sa pamamagitan n gating paggawa ng
kabutihan, naway palagi nating bigyangpansin ang mga hinatulan, tinanggihan, at
hindi minahal ng lipunan, manalangin
tayo sa Panginoon..
3. Katulad ng bulag ng Jerico tayo naway
magkaroon ng matatag na pananalig sa
nakapagpapagaling na presensya ni Hesus
ay sundan siya sa daan ng buhay,
manalangin tayo sa Panginoon
4. Ang mga maysakit at nagdurusa sa
kalabuan ng paningin o pagiging bulag
naway makatagpo ng kagalingan at
kasiyahan, manalangin tayo sa
Panginoon
5. Ang mga yumao naway tumanggap ng
walang hanggang kapayapaan at liwanag
sa kaluwalhatian ng kaharian ng Diyos,
manalangin tayo sa Panginoon
6. Para sa matagumpay na pagdiriwang ng
DOST 4A ng ika-50 anibersaryo,
manalangin tayo sa Panginoon
7. Para sa namumuno, mga kasalukuyan at
dating kawani ng DOST 4A at mga tagatangkilik ng mga proyekto nito, nawa
poy patuloy ninyo ibuhos sa kanila ang
inyong pagpapala at paggabay,
manalangin tayo sa Panginoon
P: Ama naming nasa Langit, punuin mo kami
ng iyong pagmamahal at pawiin mo ang
kadiliman sa aming buhay upang mabuhay
kami sa liwanag ni Kristo, ang iyong Anak na

nabubuhay at naghahari kasama mo ngayon


at magpakailanman.
B: Amen.
(Umupo para sa pagaalay)
PAGHAHAIN NG ALAY
P: Manalangin kayo
B: Tanggapin nawa ng Panginoon itong
paghahain sa iyong mga kamay sa
kapurihan niya at karangalan sa ating
kapakinabangan at sa buong Sambayan
niyang banal.
(Tumayo)
Panalangin ukol sa mga Alay
P: Ama naming Lumikha, gawin mong
banal
sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
B: Amen.

P: Sa tagubilin ng mga nakagagaling at turo


ni Hesus na Panginoon natin at Diyos,
ipahayag natin ng lakas loob.
P&B: Ama namin, sumasalangit Ka,
Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo.
Sundin ang Loob Mo Dito sa lupa, para ng
sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo kami sa aming mga sala,
Para ng pagpapatawad namin Sa mga
nagkakasala sa amin. At huwag Mo
kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya Mo kami sa lahat ng masasama
P: Hinihiling naming
B: Sapagkat sa iyo ang kaharian at ang
kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailanman. Amen.
Pagbati ng Kapayapaan

Prepasyo
P: Sumainyo ang Panginoon
B: At sumaiyo rin
P: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
B: Itinaas na namin sa Panginoon.
P: Pasalamatan natin ang Panginoong ating
Diyos
B: Marapat na siya ay pasalamatan
P:Ama naming makapangyarihan, tunay
ngang marapat na ikaw ay aming
pasalamantan
Kamiy nagbubunyi sa iyong kadakilaan
B: Santo, santo, santo
Panginoong Diyos na Makapangyarihan
Napupuno ang langit at lupa ng
kaluwalhatian mo!
Osana sa kaitaasan
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng
Panginoon
Osana sa kaitaasan!
(Lumuhod)
Pagbubunyi
(Tumayo)
B: Si Kristoy namatay! Si Kristoy
nabuhay! Si Kristoy babalik sawakas ng
panahon!
PAKIKINABANG

Paanyaya sa Pakikinabang (Lumuhod)


P: Narito si KristoMapalad tayong mga
tumatanggap sa kanya.
B: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na
magpatuloy sa iyo ngunit sa isang salita
mo lamang ay gagaling na ako.
Panalangin Pagkapakinabang
P: Manalangin Tayo (Tumahimik)
Ama naming mapagmahal
sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
B: Amen.
PAGTATAPOS
P: Sumainyo ang Panginoon
B: At sumaiyo rin.
Pagbababasbas
P: Magsiyuko kayo habang iginagawad ang
pagbabasbas
Pagpalain kayo ng Makapangyarihang
Diyos(+), Ama, at Anak at Espiritu Santo.
B: Amen
Pangwakas
P: Tapos na ang Misa, Humayo kayot
ipahayag ang taglay na kapayapaan upang
ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.
B: Salamat sa Diyos

You might also like