You are on page 1of 211

8

Panitikang Pilipino
Filipino
Modyul ng Mag-aaral

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda


at sinuri ng mga edukador mula sa mga publikong paaralan, kolehiyo, at
/ o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan
ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

Panitikang Pilipino Ikawalong Baitang


Filipino Modyul ng Mag-aaral
Unang Edisyon, 2013
ISBN: 978-971-9990-85-7
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng
Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang
pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang
magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang
kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni
kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring
iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D.
Mga Bumuo ng Modyul ng Mag-aaral
Konsultant: Magdalena O. Jocson
Mga Manunulat: Willita A. Enrijo, Asunsion B. Bola, Arlene B. Maniquis,
Roselyn T. Salum, Jocelyn DR. Canlas, Mary Jane R. Dasig, Sharon A.
Villaverde, Jayson A. Cruz, Roel Cyrus S. Magpantay, Jet O. Gellecanao,
at Maricar L. Francia
Mga Tagasuri: Ericson L. Nepomuceno, Marites V. Mallan, Lucelma O.
Carpio, Noemi H. Garlejo, Roderic P. Urgelles, at Esmeraldo G. Lalo
Illustrator: Joey R. Cabigao
Layout Artist: Joshua A. Villaret
Management Team: Lolita M. Andrada, Joyce DR. Andaya, Bella O. Marinas,
Jose D. Tuguinayo, Jr., Cristina S. Chioco, at Evangeline C. Calinisan
Inilimbag sa Pilipinas ng Book Media Press, Inc. in joint venture with
Printwell, Inc.
Department of
(DepEd-IMCS)
Office Address:

Telefax:
E-mail Address:

Education-Instructional

Materials

Council

2nd Floor Dorm G, Philsports Complex


Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
(02) 634-1054 o 634-1072
imcsetd@yahoo.com

Secretariat

PAUNANG SALITA
Kasabay ng pag-unlad ng bayan ang pag-unlad ng
kaniyang mamamayan, sa lahat ng aspekto ng buhay.
Tugon sa pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng
mundo ang pagyakap at pakikipagsabayan sa agos na ito ng
Panitikang Pilipino. Ang pagpapalit-anyo nito at pagbibihis mula sa
makalumang panitikan hanggang sa kasalukuyan upang manapay
maipabatid

sa

karamihan,

lalot

higit

sa

kabataan

ang

kayamanang angkin ng Panitikang natatangi, ang Panitikang


Pilipino.
Alinsunod sa pagbabago ng kurikulum, ang pagbuo sa mga
kagamitang panturo at pampagkatuto upang makaagapay sa
pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Asignaturang
Filipino.
Pinaglaanan ng mahuhusay at makabagong pamamaraan
upang higit na maiangkop sa uri ng mga mag-aaral ang mga
gawain sa yunit na ito. Sapagkat naniniwala ang Kagawaran ng
Edukasyon na ang mahusay at kalidad na edukasyon ay
makakamtan ng bawat isang Pilipinong mag-aaral mula ngayon at
sa mga susunod pang henerasyon.

iii

PASASALAMAT
Taos-pusong nagpapasalamat ang mga may-akda sa mga manunulat
ng mga akdang ginamit sa yunit na ito. Hindi matatawaran ang naging ambag
ng kanilang mga akdang pampanitikan upang linangin ang pagpapahalaga sa
kulturang Pilipino. Hindi rin mapasusubalian ang kabisaan na maidudulot ng
mga akda upang higit na mapagtibay ang pagkakakilalan ng mag-aaral sa
kaniyang identidad bilang mamamayang Pilipino. Nais naming magpasalamat
sa sumusunod na manunulat.
Andres Bonifacio
Carlo J. Caparas
Dionisio Salazar
Narciso G. Reyes
Severino Reyes
Lualhati Bautista

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa


Mga Klase ng Komiks
Sinag sa Karimlan
Lupang Tinubuan
Walang Sugat
Bata, Bata... Paano Ka Ginawa?

iv

Talaan ng Nilalaman
PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO
Pagbabalik-aral sa Alamat
Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto
Pagbabalik-aral sa Kuwentong-Bayan
Naging Sultan si Pilandok
Mahahalagang Tala sa Katutubong Tugma at Sukat ng
Tulang Tagalog ni Michael M. Coroza

1
1
2
5
5

Ang Katutubong Salawikain


Ang Katutubong Bugtong

10
15
16

Ang Tanaga at Dalit


Balangkas ng Katutubong Tula
Ang Tanaga at Dalit sa Kontemporaryong Panahon
Kalungkutan sa Tag-ani ni Lamberto Antonio
Agahan ni Rio Alma
Panaginip ni Edgar Calabia Samar

20
20
20
23
23
23

Umulan man sa Bundok


Pang-abay na Pamanahon
Ang Epiko
Ang Hudhud ni Aliguyon
Ang Paghahanap ni Matabagka sa Diyos ng Hangin
Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit

24
25
26
27
33
36

PANITIKAN SA PANAHON NG ESPANYOL

40

Tula
Santa Cruz ni Fray Francisco de San Jose

42
42
42

Ang Pasyon
Sipi mula sa Ang Mahal na Passion ni Jesu Christong
Panginoon Natin ni Gaspar Aquino de Belen
Panitikang Rebolusyunaryo
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio
Pahayag ni Emilio Jacinto

43
45
48
51

ANG PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO


Dula
Walang Sugat ni Severino Reyes
Maikling Kuwento
Paglalayag sa Puso ng Isang Bata ni Genoveva Edroza Matute
Balagtasan
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan nina Jose Corazon de Jesus
at Florentino Collantes
Tulang Tradisyonal
Bayan Ko ni Jose Corazon de Jesus
Tulang Modernista
Ako ang Daigdig ni Alejandro G. Abadilla
Pag-ibig ni Teodoro Gener
Erotika 4 ni Alejandro G. Abadilla
Pag-ibig ni Jose Corazon de Jesus
ANG PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON
Maikling Kuwento
Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes
Tula
Tahimik ni Gonzalo K. Flores
Ilang Halimbawa ng Haiku
PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLAN
Dula: Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar

56
57
57
62
63
67
68
78
78
79
80
82
83
84
84
86
87
94
94
95
99

Mga Aspekto ng Pandiwa


Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat

105
122
124

MGA ANYO NG KONTEMPORARYONG PANITIKAN


Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikan
Pahayagan (Tabloid)
Tabloid: Isang Pagsusuri ni William Rodriguez II

128
130
130
130

Magasin
Komiks
Antas ng Wika

132
133
136
vi

ANG BROADCAST MEDIA: MEKANISMO NG PAGBABAGO


AT PAG-UNLAD NG KULTURANG PILIPINO
Ang Radyo at Pananaliksik
Kuwentuhang Media mula sa Online Balita
Konsepto ng Pananaw
Kislap ng Bituin ni Jeystine Ellizabeth L. Francia
Araling Pangwika: Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal
Broadcast Media
DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA: MIDYUM
SA NAGBABAGONG PANLIPUNAN
Mga Dokumentaryo at Pelikula
Bata, Bata... Paano Ka Ginawa? ni Lualhati Bautista
Susog na Ugnay Panitikan: Dokumentaryong Pampelikula
Elemento ng Pelikula
Mga Paraan ng Pagpapahayag
Pintig, Ligalig, at Daigdig ni Jet Oria Gellecanao

vii

139
143
148
150
156
159
162

168
168
171
182
183
186
188

PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO

Mga Aralin

Pagbabalik-aral sa Alamat
o Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto
Pagbabalik-aral sa Kuwentong-Bayan
o Naging Sultan si Pilandok
Mahahalagang Tala sa Katutubong Tugma at Sukat ni Michael Coroza
Ang Katutubong Salawikain
Ang Katutubong Bugtong
Ang Tanaga at Dalit
Balangkas ng Katutubong Tula
Ang Tanaga at Dalit sa Kontemporaryong Panahon
o Kalungkutan sa Tag-ani ni Lamberto Antonio
o Agahan ni Rio Alma
o Panaginip ni Edgar Calabia Samar
Umulan man sa Bundok - isang katutubong tula
Pang-abay na Pamanahon
Ang Epiko
Ang Hudhud ni Aliguyon isang epiko ng mga Ifugao
Ang Paghahanap ni Matabagka sa Diyos ng Hangin - isang epiko mula
sa Bukidnon
Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit - isang epiko ng mga
Bagobo

Pagbabalik-aral sa Alamat
Talasalitaan
Sikaping hanapin sa diksiyonaryo o sa iba pang sanggunian ang kahulugan
ng mga salitang nakasalungguhit sa sumusunod na pangungusap:
1. Taon-taon ay nagdaraos sila ng caao bilang parangal sa kanilang
mga anito.
2. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa ibat ibang
anito.
3. Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala.
4. Siyay bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas.
5. Marahil, ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala.

Panitikan
Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto
Isang Alamat mula sa Baguio
Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga
Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang
pinakamalakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kayat siya ang
ginawang puno ng matatandang pantas.
Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik. Maibigin
sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Taon-taon ay nagdaraos
sila ng caao bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon,
ang mga Igorot ay naniniwala sa ibat ibang anito.
Kung nagdaraos sila ng caao ay naghahanda sila linggo-linggo. Pumapatay
sila ng baboy na iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at
nagkakantahan sila.
Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mangaso. Hindi pa siya
lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang
landas na kaniyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap
ngunit ang ibong ito ay kakaiba.
Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa
gitna ng landas. Nang may iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla
siyang napatigil.
Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago
lumipad. Matagal na natigilan si Kunto. Bagamat siyay malakas at matapang,
sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng
kaniyang nakita.
Hindi na niya ipinagpatuloy ang kaniyang pangangaso. Siyay bumalik sa
nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Sabi ng isang matanda,
Marahil ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin na
dapat tayong magdaos ng caao.
Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng caao, ang pasiya ni Kunto.
Ipinagbigay-alam sa lahat ang caao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay
kumilos upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang
mga babae naman ay naghanda ng masasarap na pagkain.
Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy.
Ang baboy na ito ay siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang
galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila.
Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan.
Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng
isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay-lupa na sa katandaan
2

at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan. Ang mga tao ay natigilan.


Nanlaki ang mga mata sa kanilang nakita. Natakot sila.
Maya-mayay nagsalita ang matanda at nagwika ng ganito: Mga anak,
magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayoy mabuti at may loob
sa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay
sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin.
Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi.
Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy
ninyo ang inyong caao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sa
pook na ito.
Makikita ninyo ang isang punongkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay
hindi pa ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga, dahon, at
sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong
gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.
Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda. Ipinagpatuloy nila
ang kanilang pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na
pinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ng
matanda, nakita nila ang isang punongkahoy na maliit. Kumikislap ito sa
liwanag ng arawlantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitang
dahon.
Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahang
lumapit sa punongkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay
nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga tao.
Bawat isa ay pumitas ng dahon.
Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk. Ang dati
nilang matahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan.
Ang punongkahoy naman ay patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulo
nitoy hindi na maabot ng tingin ng mga tao.
Isang araw, sabi ng isang mamamayan, Kay taas-taas na at hindi na natin
maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin
na natin ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian natin.
Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng
mga sibat. Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang
lumuwag ang mga ugat. Nang malapit nang mabuwal ang punongkahoy ay
kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubod-lakas at parang pinagsaklob
ang lupa at langit.
Nabuwal ang punongkahoy. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na
kinabagsakan ng puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao. Kayo ay binigyan
ng gantimpala sa inyong kabutihan: ang punong-ginto, upang maging
mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayoy higit na mag-ibigan,
kasakiman ang naghari sa inyong mga puso. Hindi ninyo sinunod ang aking
3

ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong


nanaisin ang gintong iyan.
At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno
ay nilulon na ng lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nakukuha lamang ang
ginto sa pamamagitan ng paghukay sa lupa.

Pagpapayaman
Talakayan
Makipagtalakayan sa klase ukol sa kuwento. Maaaring gamiting gabay ang
sumusunod na tanong:
1. Isa-isahing ilarawan ang mga tauhan. Ano-ano kaya ang kanilang
motibasyon sa kung bakit ganoon ang kanilang ikinilos?
2. Makatarungan ba ang naging parusa ng bathala sa inasal ng mga tao?
Bakit o bakit hindi?
3. Sa iyong palagay, bakit kaya masaklap o malungkot ang alamat na
ito? Maaari kayang maging masaya ang isang alamat tungkol sa kung
bakit nasa ilalim ng lupa ang ginto?
4. Ano kaya ang silbi ng alamat sa ating mga ninunong katutubo?
Malikhaing Gawain
Sa isang pirasong papel, gumawa ng isang diagram tungkol sa ibat ibang
kultura at tradisyon ng mga Igorot na ipinakita sa alamat.

Pagbabalik-aral sa Kuwentong-Bayan
Panitikan
Naging Sultan si Pilandok
Isang Kuwentong-bayan ng mga Maranaw
Si Pilandok ay nahatulang ikulong ng isang masamang Sultan sa isang
kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa paghihimagsik na kaniyang
ginawa.
Pagkalipas ng ilang araw, ang Sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok
sa kaniyang harapan na nakasuot ng magarang kasuotan ng Sultan.
Nakasukbit sa kaniyang baywang ang isang kumikislap na ginintuang tabak.
"Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong ng Sultan kay
Pilandok.
"Siya pong tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok.
4

"Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara?


Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng Sultan.
"Hindi po ako namatay, mahal na Sultan, sapagkat nakita ko po ang aking
mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang
nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na mamatay sa
isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?" ang paliwanag ni Pilandok.
"Marahil ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang Sultan.
"Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat.
"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon
ninyo sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto
ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po sa
ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa
hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay
na ako ng aking mga kamag-anak."
Umakmang aalis na si Pilandok.
"Hintay," paghinto ng Sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong
makita ang aking mga ninuno, ang Sultan ng mga Sultan at ang iba ko pang
kamag-anak."
Tatawagin na sana ng Sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok
at pinagsabihang walang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay
mag-isang pupunta roon ang Sultan sa loob ng isang hawla.
"Kung gayon ay ilagay mo ako sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng
dagat," ang sabi ng Sultan.
"Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni
Pilandok. "Kapag nalaman po ng iba ang tungkol sa sinabi ko sa inyong
kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang magtungo rin doon.
Sandaling nag-isip ang Sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang
pansamantalang Sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang
kautusang ikaw ang pansamantalang hahalili sa akin."
"Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat malaman
ng inyong mga ministro."
"Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng Sultan. "Ililihim po natin ang
bagay na ito. Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing,
at espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila ako,"
ang tugon ni Pilandok.
Pumayag naman ang Sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at
isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang
hawlang kinalululanan ng Sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay
ang Sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging Sultan.
5

Pagpapayaman
Talakayan
Makipagtalakayan sa klase ukol sa binasang kuwento. Maaaring gamiting
gabay ang sumusunod na tanong:
1. Ilarawan ang mga tauhan. Ano-ano kaya ang naging motibasyon nila
sa kanilang ikinilos? Makatarungan ba ang mga ikinilos nila?
2. Sa kasalukuyang panahon, sino ang maituturing mong Pilandok?
Bakit?
3. Paano sinalamin ng kuwentong-bayan ang kultura at tradisyon ng
bayang pinagmulan nito?
4. Ano kaya ang silbi ng mga kuwentong-bayan sa buhay ng ating mga
ninuno?
5. Paghambingin ang alamat at kuwentong-bayan batay sa mga
katangiang taglay ng mga ito bilang akdang pampanitikan.

Panimulang Pagtataya
Kumuha ng isang pirasong papel. Sagutan sa abot ng iyong makakaya ang
sumusunod na tanong. Huwag mag-alala kung hindi mo alam ang sagot
ginagawa ang pagtatayang ito upang malaman ng iyong guro kung alin pang
mga aralin ang kailangan ninyong balikan o pag-aralan. ANG RESULTA
NITO AY HINDI ISASAMA SA PAGTATAYA NG IYONG GRADO.
Kakayahang Kumilala ng Pantig
1. Isulat sa papel ang mga salitang nakalista sa ibaba. Sa tabi ng bawat
salita, isulat kung ilang pantig ang mayroon ito.
a. pangarap
b. magnanakaw
c. tinitimbang
d. pinakapaborito
e. kumpas
2. Narito ang ilang pangungusap na may mga kulang na salita. Punan ng
mga salita (maaaring higit sa isa) ang puwang upang maging sampung
(10) pantig ang bilang ng pantig sa bawat pangungusap.
Kinakailangang mayroon pa ring saysay at naiintindihan pa rin ang
mga pangungusap.
a. Kumakain kami sa ______.
b. Nakita ko ang ______.
c. _______ at tumakbo.
d. _______ papel at lapis.
e. Isa lang ang ______.
f. Hayun ang mga _____.
6

g.
h.
i.
j.

______ ang mga radyo.


Kasimbilis ng _____ si Dan.
Hindi ko _____ ang baon.
Gusto mo ba ang mga _____?

Kakayahang Kumilala ng Tudlik o Diin


1. Sa iyong papel, bumuo ng apat na hanay. Isulat sa unang hanay ang
Malumi, sa ikalawa ang Maragsa, sa ikatlo ang Malumay, at sa ikaapat
ang Mabilis.
Malumi

Maragsa

Malumay

Mabilis

Tukuyin ang tudlik ng mga salitang nasa ibaba. Isulat ang salita sa
hanay ng kaniyang tudlik.
muta
hari
anghel
alapaap
talahib
tunggali
halo
bato
tuwa
sampu
masaya
kita
salita
sawi
pantalon
tabo
dakila
agiw
dalaga
motor
2. Ang salitang paso ba ay malumi, maragsa, malumay, o mabilis ang
tudlik? Pangatwiranan ang sagot.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Panitikan sa Panahon ng Katutubo
Bago pa man dumating ang mga una nating mananakop na dayuhan,
mayroon nang mayamang kaban ng panitikan ang grupo ng mga pulong
kalaunan ay tatawaging Pilipinas. Bawat pangkat-etniko at pangkat7

linggwistiko sa katutubong panahon ay may kani-kaniyang anyo ng tula,


alamat, epiko, at mga kuwentong-bayan.
Gayunpaman, marami sa mga panitikang ito ang naglaho na at hindi na natin
mababasa, dahil na rin sa pandarahas ng mga dayuhang mananakop hindi
lamang sa ating mga lupain at yamang pisikal kundi pati na rin sa ating
kaakuhan at kultura. Itinuring ng mga dayuhang mananakop na mababang uri
ang kultura nating mga Pilipino, kung kayat hindi karapat-dapat na sagipin.
Naging mahirap din ang pagligtas sa mga naiwang piraso ng katutubong
panitikan, pangunahin na dahil karamihan sa mga ito ay walang nakasulat na
bersiyon. Karamihan sa panitikan na umiral noong panahon ng katutubo ay
nakatali sa ating mayamang tradisyong pabigkashindi dahil sa wala tayong
kakayahang magsulat (mayroon tayong sistema ng pagsusulat na ang tawag
ay baybayin), kundi dahil mas episyente ang pagpapasa ng mga panitikang
ito sa pamamagitan ng pagbigkas.
Sa unang pagsusuri ng mga mananaliksik at akademiko, inakalang ang lahat
ng naisulat noong panahon na iyon ay ukol sa karaniwan o pambalanang
buhayhalimbawa, kung ang pinagmulan ng panitikan ay isang pangkatetniko na nakatira malapit sa dagat, madalas ay tungkol sa pangingisda o
dagat ang laman ng mga panitikan nila, gaano man kakaraniwan o
kapantastiko ang pagkakalahad. Ngunit habang mas marami pa ang
nauungkat na mga lumang panitikan ng mga akademiko, mas nakikita na
katulad ng mga kontemporaryong akda, hindi maikukulong sa iilang paksa
lamang ang mga katutubong panitikan. Patunay ito na bago pa man dumating
sa atin ang mga Kanluraning paraan ng pag-iisip, mayroon na tayong
napakahusay na orihinal na kultura.
Samakatuwid, ang makikita mong mga panitikan sa yunit na ito ay patikim
lamang, at paimbabaw lamang ng kung anong yaman ng ating sinaunang
kultura.

Katutubong Tugma at Sukat


Panimulang Gawain
Hahatiin ang inyong klase sa sampung grupo. Pipili ang bawat grupo ng isang
tatayong mensahero. Ang layunin ng bawat mensahero ay kunin ang isang
mahabang mensahe sa kaniyang guro, at ihatid ito sa kaniyang grupo. Ang
problema: bibigyan lamang ng lima hanggang sampung minuto ang bawat
mensahero upang aralin ang nilalaman ng mensahe. Bawal nila itong isulat.
Kailangan nila itong matandaan at ihatid sa grupo sa pamamagitan ng
pagbigkas lamang. Pagkatapos, isusulat ng ibang kasapi ng grupo ang
mensahe sa pisara. Ang grupong pinakatumpak ang mensahe ang siyang
magwawagi.
8

Pagkatapos ng gawaing ito, makipagtalakayan sa klase gamit ang


sumusunod na gabay na tanong:
1. Ano ang pagkakaiba sa katangian ng mensahe ng mga grupong
nanalo at ng mga hindi nanalo?
2. Patas ba ang laban? Pangatwiranan.
3. Bakit kaya higit na madaling nakabisado ng mga grupong nanalo ang
kanilang mga mensahe? Bakit mas mahirap ang mensahe ng mga
natalong grupo?
4. Kung hahayaan ang lahat ng mensahero na kopyahin sa papel ang
mga mensahe, ano kaya ang kahihinatnan ng laro? Aling grupo ang
magiging pinakatumpak ang mensahe?

Aralin
Mahahalagang Tala sa Katutubong Tugma at Sukat ng Tulang Tagalog
Michael M. Coroza
TUGMA
1. Depenisyon - Pagkakapare-pareho ng dulong tunog ng dalawa o higit
pang taludtod sa isang saknong ng tula.
2. Prinsipyo - Pag-uulit ang namamayaning prinsipyo sa pagtutugma.
Nauulit ang dulong tunog ng panghuling salita ng sinundang taludtod.
Tandaan: Tunog o ponema ang inuulit, hindi titik. Sa mas payak na
pagsasabi, mga salita (sa dulo ng dalawa o higit pang taludtod) ang
pinagtutugma. Magkatugma ang anumang dalawa o higit pang salita
kung ang mga ito ay nagtatapos sa iisa o magkapamilyang tunog o
ponema.
3. Pangkalahatang Kaurian
3.1. Patinig (a, e, i, o, u)
3.2. Katinig (b, c, d, f, g, h, j, k, l, m, n, , ng, p, q, r, s, t, v, w, x, y, z)
4. Mga Uri ng Tugmang Patinig
4.1. Walang Impit - Magkatugma ang anumang dalawa o higit pang
salitang nagtatapos sa iisang patinig na walang impit o glotal na
pasara.
a
masaya
dalaga
La Paloma
pakikipagkita

e-i
masiste
Tawi-tawi
kostumbre
pagpapakabayani
9

o-u
Sulu
demonyo
datu
asikaso

Tandaan: Sa tradisyon, maaaring magtugma ang mga salitang


nagtatapos sa iisang patinig mabilis man o malumay ang bigkas
ng mga ito. Laging alalahaning mabilis o malumay lamang ang
mga uri ng bigkas na tinataglay ng mga salitang nagtatapos sa
patinig na walang impit.
4.2. May Impit - Magkatugma ang anumang dalawa o higit pang
salitang nagtatapos sa iisang patinig na may impit o glotal na
pasara.
a
salita
dinarakila
mapagpakana
pakikidigma

e-i
luwalhati
katunggali
Aling Tale
naghahari

o-u
siphayo
tabo
paglalaho
halo-halo

Tandaan: Sa tradisyon, maaaring magtugma ang mga salitang


nagtatapos sa iisang patinig maragsa man o malumay ang bigkas
ng mga ito. Laging alalahaning maragsa o malumi lamang ang
mga uri ng bigkas na tinataglay ng mga salitang nagtatapos sa
patinig na may impit.
5. Mga Uri ng Tugmang Katinig
5.1. Mahina - Magkatugma ang anumang dalawa o higit pang salitang
magkatulad ang patinig ng huling pantig at ang pinakadulong
ponemang katinig ay alinman sa l, m, n, ng, r, w, y.
a
kasal
alam
halaman
gatang
lahar
sayaw
bitay
*

e-i
anghel
kulimlim
De Belen
duling
Baler
agiw
isprey

o-u
Bohol
gahum
pantalon
barumbarong
motor
hello*
baduy

Bagamat hindi nagtatapos sa ow/oy ang hello, ang bigkas nito ay


/helow/.
Sa Tagalog/Filipino, walang salitang nagtatapos sa tunog na h.
Ang salitang rajah, bagamat may h sa dulo, ay binibigkas nang
paganito: /raha/.
Tandaan: Sa tradisyon, ang mga salitang may iisang patinig sa
huling pantig at nagtatapos sa alinman sa mga katinig na mahina
ay nagtutugma mabilis man o malumay ang bigkas ng mga ito.
Alalahaning sa pangkalahatan, dadalawa lamang ang uri ng

10

bigkas ng mga salitang nagtatapos sa katinigmabilis at


malumay.
5.2. Malakas - Magkatugma ang anumang dalawa o higit pang salitang
magkatulad ang patinig ng huling pantig at ang pinakadulong
ponemang katinig ay alinman sa b, k, d, g, p, s, t.
a
hikab
tagaktak
paglalahad
pusag
alapaap
patalastas
pag-uulat
*

e-i
talahib
matalik
bilibid
pinipig
susmaryosep
buntis
pinakbet

lukob
Taruc*
panghilod
halughog
kupkop
hulagpos
kilabot

Hindi man nagtatapos sa ok/uk, binibigkas ang Taruc nang


paganito: /taruk/. Kaugnay nito, lahat ng mga bagong katinig na
nadagdag sa ating alpabeto, maliban sa , ay maitutugma sa mga
katutubong katinig na malakas.
a

staff
Iraq
tax
buzz

o-u

e-i
basic
reef
Steve
Kleenex

o-u
havoc
stove
Xerox
Oz

Dahil mas maluwag tayo ngayon sa pagtanggap ng mga salitang


banyaga sa ating pagpapahayag, alalahanin lamang lagi na mga
tunog o ponema ang pinagtutugma, hindi mga titik. Ang Steve,
halimbawa, ay katugma ng talahib, matalik, bilibid, atbp. dahil
binibigkas ito nang paganito: /stiv/. Katugma rin ng mga ito ang
Kleenex dahil ang namamayaning dulong tunog sa bigkas ng
salitang Kleenex /klineks/ ay katinig na malakas.
6. Mga Antas ng Tugmaan
6.1. Payak o karaniwan ang antas ng tugmaan kung simpleng
sinusunod lamang ang natalakay nang panuntunan sa pagtutugma
sa itaas. Ang mahalaga lamang ay ang pag-uulit ng dulong-tunog
ng salita, malumay man o mabilis o malumi man o maragsa ang
bigkas ng mga salita.
6.2. Tudlikan. Sa antas na ito, isinasaalang-alang na ang bigkas ng
salita. Tutugma lamang ang maragsa sa maragsa, ang malumi sa
malumi, ang mabilis sa mabilis, at ang malumay sa malumay.
Kung babalikan ang mga halimbawa sa 4.1, kolum a, magkatugma
ang masaya at dalaga sa antas na payak. Ngunit kung iaakyat sa
11

antas na tudlikan, ang masaya at dalaga ay hindi magkakatugma.


Mabilis ang masaya, malumay naman ang dalaga.
Sa 5.1, kolum o-u, magkatugma sa payak na antas ang pantalon
at barumbarong. Ngunit hindi magkatugma ang mga ito sa antas
na tudlikan dahil ang pantalon ay mabilis samantalang ang
barumbarong ay malumay.
a
ligaya
pag-asa
kasama
harana

e-i
lunti
budhi
hikbi
pagwawagi

o-u
bulalakaw
pakikipag-away
panambitan
parang

6.3. Pantigan. Sa antas na ito, bukod sa bigkas, isinasaalang-alang na


rin ang pagkakapareho ng dulong patinig-katinig (PK) o katinigpatinig (KP) ng mga pinagtutugmang salita.
Lahat ng mga halimbawang ibinigay na sa itaas ay hindi
papasang magkakatugma sa antas na pantigan.
Sa 4.2, kolum o-u, ang siphayo at tabo ay magkatugma sa antas
na tudlikan ngunit hindi sa antas na pantigan. Ang huling KP ng
siphayo ay yo, ang huling KP ng tabo ay bo.
Sa 5.1, kolum a, ang kasal at alam ay magkatugma sa antas na
tudlikan ngunit hindi sa antas na pantigan. Hindi magkaparehongmagkapareho ang huling PK ng mga salitang ito. Ang huling PK
ng kasal ay al samantalang ang sa alam ay am.
a
muta
bata
hita
batuta

e-i
palikpik
halik
pitik
balik

o-u
bilog
dulog
luhog
untog

6.4. Dalisay. Sa antas na ito, bukod sa pagkakapreho ng bigkas at


pagkakapareho ng dulong PK o KP, isinasaalang-alang na rin ang
pagkakapareho ng patinig bago ang huling pantig ng mga
pinagtutugmang salita.
Sa mga halimbawa sa 6.3, magkatugma sa antas na dalisay ang
mga salitang muta at batuta sa kolum a. Pansining sa mga
salitang ito, kapwa u ang patinig bago ang huling pantig. Ang
palikpik at pitik sa kolum e-i ay magkatugma rin sa antas na
dalisay. Kapwa i ang patinig bago ang huling pantig sa mga
salitang ito. Sa kolum o-u, magkakatugma sa antas na dalisay
ang mga salitang dulog, luhog, at untog. Pare-parehong u ang
patinig bago ang huling pantig sa mga salitang ito.
12

a
tula
dula
bula
putla

e-i
mithi
sidhi
binhi
palaihi

o-u
balo
salo
talo
malo

SUKAT
1. Depenisyon - Pagkakapare-pareho ng bilang ng pantig ng dalawa o
higit pang taludtod sa isang saknong ng tula.
2. Prinsipyo - Tulad sa pagtutugma, pag-uulit ang namamayaning
prinsipyo sa pagsusukat. Bilang ng pantig ang inuulit.
3. Pangkalahatang Kaurian
3.1. Gansal (5, 7)
Buhay alamang, (5)
Paglukso: patay. (5)

Katitibay ka, tulos, (7)


Sakaling datnang-agos, (7)
Akoy mumunting lumot (7)
Sa iyoy pupulupot. (7)
3.2. Pares (4, 6, 8)
Kung di ukol,
Di bubukol.

Bumbong kung liwanag,


Kung gabi ay dagat.

Ang sugat ay kung tinanggap,


Di daramdamin ang antak;
Ang aayaw at di mayag,
Galos lamang magnanaknak.

13

Mga Katutubong Salawikain


Ang salawikain, (na minsan ay tinatawag ding sawikain o kasabihan) ay
isang maikli ngunit makabuluhang pahayag, na karaniwang may matulaing
katangian. Naglalaman ito ng mga aral, karunungan, o katotohanan.
Panitikan
Ilang Halimbawa ng Katutubong Salawikain
Nagmamatandang kulit,
Nagmumurang kalumpit

Natutuwa kung pasalop


Kung singiliy napopoot

Kung tubig ay magalaw


Ang ilog ay mababaw

Buhay-alamang
Paglukso, patay

Ubos-ubos biyaya,
Bukas namay tunganga.

Ang sakit ng kalingkingan


Dama ng buong katawan

Ang sugat ay kung tinanggap


Di daramdamin ang antak,
Ang aayaw, at di mayag
Galos lamang magnanaknak

14

Pagpapayaman
Pagsuri sa Anyo ng Salawikain
Sa kuwaderno o sa isang pirasong papel, gumawa ng isang tsart na katulad
nito:
Salawikain

Bilang ng
Taludtod

Sukat

Tugma

Sa unang hanay, kopyahin ang mga salawikain sa itaas. Sa ikalawang hanay,


isulat kung ilan ang bilang ng taludtod o linya ng bawat salawikain. Sa
ikatlong hanay, tukuyin ang sukat (kung gansal o pares, at sabihin ang bilang
ng pantig) nito. Sa ikaapat na hanay, tukuyin ang tugma.
Pagsuri sa Nilalaman ng Salawikain
Kumuha ng isang pirasong bond paper. Gumawa ng dalawang hanay.
Pagkatapos, pumili ng isang salawikain mula sa mga nabasa mo sa itaas. Sa
unang hanay, iguhit ang literal na sinasabi ng salawikain. Sa ikalawang
hanay, iguhit ang sa tingin mong iba pa nitong gustong sabihin.
Pagtalakay sa Anyo at Nilalaman
Maaaring makipagtalakayan sa klase nang ginagamit ang sumusunod na
tanong bilang gabay:
1. Ano ang napansin ninyo sa anyo ng salawikain? Bakit kaya
kinakailangang mayroon itong tugma at sukat?.
2. Ano ang napansin ninyo sa paraan ng paglalahad ng kaisipang
nakapaloob sa sawikain? Bakit kaya mahalaga sa mga ninuno natin na
gawin itong matalinghaga?

Mga Katutubong Bugtong


Ang mga bugtong ay uri ng palaisipan na nasa anyong patula. Subukin
ninyong alamin kung ano ang tinutukoy ng mga katutubong bugtong sa
araling ito.

15

Panimulang Gawain
Muling tatalakayin ng inyong guro ang ilan pang bahagi ng Mahahalagang
Tala sa Katutubong Tugma at Sukat. Sa puntong ito, dapat ay pinagtutuunan
na ninyo ng pansin ang mga antas ng tugmaan. Sa mga susunod na gawain,
sikaping maging higit pa sa payak ang antas ng tugmaan ng mga isusulat
mong tula.
Panitikan
Ilang Halimbawa ng Katutubong Bugtong
May katawan walang mukha,
Walang matay lumuluha

Di matingalang bundok
Darak ang nakakamot

Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis

Kinain nat naubos


Nabubuo pang lubos

Nang walang biring ginto


Doon nagpapalalo

Nang magkaginto-ginto
Doon na nga sumuko
Pagpapayaman
Pagsuri sa Anyo ng Bugtong
Sa kuwaderno o sa isang pirasong papel, gumawa ng isang tsart na katulad
nito:
Bugtong

Bilang ng
Taludtod

Sukat

Tugma

Sa unang hanay, kopyahin ang mga bugtong sa itaas. Sa ikalawang hanay,


16

isulat kung ilan ang bilang ng taludtod o linya ng bawat bugtong. Sa ikatlong
hanay, tukuyin ang sukat (kung gansal o pares, at sabihin ang bilang ng
pantig) nito. Sa ikaapat na hanay, tukuyin ang tugma.
Pagsuri sa Nilalaman ng Bugtong
Hahatiin ang inyong klase sa grupong kinabibilangan ng lima. Bawat grupo ay
kukuha ng kartolina at iba pang panggawa ng poster. Bawat grupo ay pipili ng
isang bugtong sa mga nabasa ninyo sa itaas. Pagkatapos, gagawa ang
bawat grupo ng isang poster na nagpapakita ng anatomiya ng isang bugtong.
Ang nilalaman ng poster ay ang sumusunod:
Guhit o larawan na nagpapakita ng sagot sa bugtong
Pagtukoy sa mga bahagi ng larawan na tinutukoy ng bawat bahagi ng
bugtong.
Representasyon sa kung paano itinago ng bugtong ang tamang sagot.
Paglikha ng Sariling Bugtong
Pabubunutin ng guro ang bawat mag-aaral ng tigalawang piraso ng maliliit na
papel. Sa bawat papel, mayroong nakasulat na isang bagay o gawain.
Kailangan mong makaisip ng isang bagong bugtong para sa bagay o gawain
na iyon. Alalahanin:

Kailangang mayroon itong wastong tugma at sukat. Sikaping gawing


higit pa sa payak ang antas ng iyong tugmaan.
Kailangan ay mayroong malinaw na larawang naipakikita ang iyong
bugtong, na parehong nagpapalinaw at nagtatago sa pinahuhulaang
bagay.
Kailangan ay tiyak na natutukoy ng iyong bugtong ang pinapahulaang
bagay. Ibig sabihin, hindi maaaring mayroon itong ibang bagay pang
natutukoy.

Subuking pahulaan ang mga ito sa inyong klase. Tandaan na hindi nasusukat
ang husay ng bugtong sa hirap o dali ng pagpapahula rito. Ang tagumpay ng
isang bugtong ay hindi lamang sa pagiging mahirap nito, kundi sa husay ng
pagtatagoiyong halatang-halata kung ano ang sagot, pero hindi agad
mahuhulaan.

Tanaga at Dalit
Sa araling ito, makikilala mo ang dalawang katutubong anyo ng tula ng mga
Pilipino: ang tanaga at dalit. Sa ngayon, tutukuyin lang muna natin ang mga
panlabas o paimbabaw na katangian ng mga anyong ito. Hihimayin natin ang
kaisipan at nilalaman sa susunod na aralin.

17

Panimulang Gawain
Ipagpapatuloy ng iyong guro ang pagtalakay sa Mahahalagang Tala sa
Katutubong Tugma at Sukat. Sa puntong ito, inaasahang pinipino na lamang
ng iyong guro ang inyong kasanayan sa pagtutugma at paglalapat ng sukat.
Muli, sa mga susunod na gawaing patula, sikaping gawing higit pa sa payak
ang antas ng tugmaan sa iyong tula.

Panitikan
Basahin ang sumusunod na katutubong tula na nasa anyo ng tanaga at dalit.
Marami-rami ang mga salitang maaaring hindi mo alam ang kahulugan.
Sumangguni sa diksiyonaryo, o di kaya ay hingin sa iyong guro na gabayan
kayo sa pagbabasa.
Ilang Katutubong Tanaga
Katitibay ka tulos
Sakaling datnang agos
Akoy mumunting lumot
Sa iyoy pupulupot

Nang walang biring ginto


Doon nagpapalalo
Nang magkaginto-ginto
Doon na nga sumuko

Matulog ka na, bunso


Ang ina moy malayo
Di ko naman masundo,
May putik, may balaho.
Ilang Katutubong Dalit
Ang sugat ay kung tinanggap
Di daramdamin ang antak,
Ang aayaw, at di mayag
Galos lamang magnanaknak

Isda akong gagasapsap


Gagataliptip kalapad
Kaya nakikipagpusag
Ang kalaguyoy apahap

18

Huwag kang maglingong-likod


Dito sa bayang marupok
Parang palaso, at tunod
Sa lupa rin mahuhulog

Pagpapayaman
Pagsuri sa Anyo ng Tanaga at Dalit
Bumuo ng grupong kinabibilangan ng limang kasapi. Sa grupo, basahin ulit
ang mga tanaga at dalit na nasa itaas. Talakayin sa loob ng grupo ang
panlabas o paimbabaw na katangian ng tanaga at dalit. Pag-usapan ang
sukat, tugma, at bilang ng taludtod. Tukuyin kung ano ang pinagkapareho at
ang pinagkaiba ng dalawang anyo. Inaasahang sa dulo ng inyong talakayan,
makapaglalahad kayo ng hinala sa kung ano ang anyo ng tanaga at ano ang
anyo ng isang dalit.
Pagsulat ng Sariling Tanaga at Dalit
Sa puntong ito, inaasahang naipaliwanag na ng inyong guro kung ano ang
wastong katangian ng tanaga at dalit. Sa iyong kuwaderno o sa isang piraso
ng papel, sumulat ng tatlong tanaga na ang tema ay ang sumusunod:
Unang tanaga: Umaga
Ikalawang tanaga: Tanghali
Ikatlong tanaga: Gabi
Gayundin, sumulat din ng tatlong dalit na ang tema ay ang sumusunod:
Unang dalit: Galit
Ikalawang dalit: Tuwa
Ikatlong dalit: Pagod
Sikaping gawing higit pa sa payak ang antas ng iyong tugmaan. Sa susunod
na pagkikita ng inyong klase, maaaring ibahagi ninyo ang inyong mga gawa
sa harap ng klase.

Balangkas ng Katutubong Tula


Aralin
Bilang isang anyo ng pahayag, hindi isang koleksiyon lamang ang tula ng
mga magkasintunog na titik at makahulugang salita. Dapat itong maging
isang buong pangungusap; ang mga titik at salitay dapat isaayos tungo sa
isang makabuluhang balangkas ng pagpapabatid ng diwa, damdamin,
pangyayari, larawan, o kakintalan.

19

Kayat sa bawat saknong, kinakailangang maglatag ng sapat na estruktura


para mapagsakyan ng ihahayag na damdamin o kaisipan at para
maisakatuparan ang malikhain at makabuluhang layunin ng tula.
Sa pagtataya ni Virgilio S. Almario sa kaniyang librong Taludtod at
Talinghaga, mayroong tatlong balangkas ng saknong ang tulang katutubo.
1. Pasuhay
Sa balangkas na pasuhay, ang tula ay magsisimula sa panukalang layunin
o paksa, at ang sumusunod na taludtod ay magsisilbi lamang na suporta
sa pangunahing paksa na ito.
Tingnan halimbawa ang dalit na ito:
Magdaralita ang niyog,
Huwag magpapakalayog;
Kung ang uwang ang umuk-ok,
Mauubos pati ubod.
Kung kukunin natin ang unang dalawang taludtod, makikita agad natin ang
gustong sabihin ng tula: na anumang taas ng niyog ay hindi dapat ito
magyabang.
Sa unang taludtod pa lamang ay buo na ang ibig sabihin ng tula. Ang
sumunod na mga taludtod (Kung ang uwang ang umuk-ok / Mauubos pati
ubod) ay nagpapakita lamang ng dahilan sa kung bakit hindi dapat
magyabang ang niyog gaano man ito katangkad: dahil ang isang insektong
kasinliit ng uwang ay kaya itong patumbahin.
2. Patimbang
Sa balangkas na patimbang, nahahati ang saknong sa dalawang timbang
na pangkat ng taludtod na maaaring magkaayon o magkasalungat.
Madalas, ang dalawang pangkat na ito ay may pagkakahawig sa
paglalatag ng diwa.
Tingnan ang halimbawang tanagang ito:
Nang walang biring ginto,
Doon nagpapalalo;
Nang magkaginto-ginto,
Doon na nga sumuko.
Pansinin kung paanong ang unang dalawang taludtod ay eksaktong
kabaligtad ng dalawang huling taludtod. Sa unang dalawang taludtod, ang
tinutukoy ng tula ay walang dalang ginto ngunit nagmamayabang. Sa
ikalawang taludtod, nagkaroon na ng ginto ang tinutukoy ng tula, ngunit
naging mapagpakumbaba na ito. Samakatuwid, nagtitimbangan ang
dalawang ideya.
20

3. Pasuysoy
Sa balangkas na pasuysoy, ang mga nauunang taludtod ay tumutulong
lamang upang isulong ang pahayag patungo sa huling linya. Sa balangkas
na ito, sa panghuling taludtod lamang magiging lubos na malinaw ang diwa
ng tula.
Tingnan ang halimbawang dalit na ito:
Isda akong gagasapsap,
Gagataliptip kalapad;
Kaya nakikipagpusag,
Ang kalaguyoy apahap.
Isa itong tula tungkol sa isang maliit na isda na kasinlaki lang ng sapsap at
kasinglapad lang ng taliptip. Pero nagagawang makipagpusag ng isdang ito
isang gawaing para sa mga malalaking isdadahil mayroon siyang
kasintahang mas malaking isda, ang apahap. Kung pag-iisipan pang mabuti,
maaaring maging tungkol din ito sa ugali ng tao na magmayabang dahil
lamang mayroon silang kaibigan o kakilalang malakas, makapangyarihan, o
mayaman.
Sa balangkas na pasuysoy, hindi natin makukuha ang buong diwa ng tula
hanggat hindi natin natatapos ito. Hindi ito katulad sa balangkas na pasuhay,
kung saan alam na natin sa unang dalawang taludtod pa lamang kung ano
ang gustong sabihin ng tula.

Pagpapayaman
Pagtukoy sa Balangkas ng Tula
Narito ang ilang mga tanaga at dalit. Tukuyin ang balangkas ng mga tulang
ito, at ipaliwanag kung bakit.
Huwag kang maglingong likod
Sa bayang marupok;
Parang palaso, at tunod
Sa lupa rin mahuhulog

Ang sugat ay kung tinanggap,


Di daramdamin ang antak;
Ang aayaw, at di mayag,
Galos lamang magnanaknak.

21

Matulog ka na, bunso,


Ang ina moy malayo,
Di ko naman masundo,
May putik, may balaho.

Ang tubig may malalim,


Malilirip kung libdin;
Itong budhing magaling,
Maliwag paghanapin.

Ang Tanaga at Dalit sa Kontemporaryong Panahon


Hanggang sa kasalukuyang panahon, nanatiling buhay ang anyo ng tanaga
at dalit. Narito ang ilang halimbawa ng mga tanaga at dalit na naisulat nitong
nakaraang limang dekada. Maganda kung tatalakayin ninyo sa klase: Ano
ang kaibahan ng mga tanaga at dalit na ito sa mga nilikha noong panahon ng
katutubo?
Panitikan
Kalungkutan sa Tag-ani
Lamberto Antonio
Ang umaalong palay,
Kakulay na ng sinag;
Ang puso koy kakulay
Ng abuhing pinitak.
Agahan
Rio Alma
Isang pinggang sinangag,
Isang lantang tinapa,
Isang sarting salabat,
Isang buntonghininga.
Panaginip
Edgar Calabia Samar
Isang sipi sa magdamag:
nginangatngat nitong ipis
pitong pisi ng pangarap
na nagsalabid sa isip.

22

Pagpapayaman
Muling Pagsulat ng Tanaga at Dalit
Sa iyong kuwaderno o papel, sumulat muli ng tatlong tanaga o dalit
(maaaring magkahalo, hal., isang tanaga at dalawang dalit). Maaaring
kumuha ng kahit anong tema o paksa, ngunit kinakailangang magamit ang
tatlong balangkas ng katutubong tula. Ibig sabihin, susulat ka ng isang tulang
pasuhay, isang patimbang, at isang pasuysoy.
Piliting maging higit sa payak ang antas ng tugmaan. Ihanda ang sarili sa
pagbabahagi ng naisulat sa susunod na pagkikita ng klase.

Isang Halimbawa ng Ibang Katutubong Tula


Panimulang Gawain
Naibigay dapat na takdang gawain ng inyong guro ang pagsusuot ng mga
damit na sa tingin ninyo ay naglalarawan sa isang Pilipinong makata. Sa
isang buong period, magbabasa at magtatalakayan kayo nang suot-suot ang
inyong makata costume. Sikaping magsalita nang may tugma, kung hindi
man may sukat, ang inyong mga sinasabi.
Sisimulan ang talakayan sa pamamagitan ng pag-uusap tungkol sa inyong
konsepto ng Pilipinong makata. Maaaring gamitin ang sumusunod na
tanong bilang gabay:
1. Ano ang napansin ninyong karaniwang suot ng mga mag-aaral sa
inyong klase ngayong makata costume day?
2. Kung maaari, ipakita kung paano kumilos at magsalita ang makatang
Pilipino sa iyong pananaw.
3. Bakit kaya ito ang namumuong larawan ng makatang Pilipino sa
inyong mga isip?
Maghanda upang basahin ang katutubong tulang Umulan man sa Bundok.

Panitikan
Umulan man sa Bundok
Umulan man sa bundok
Huwag sa dakong laot.
Aba, si Kasampalok,
Nanaw nang di ko loob
Wala ni baong kumot.
23

Pagpapayaman
Pagtalakay sa Tula
Tatalakayin ng klase ang tulang Umulan man sa Bundok. Maaaring gamitin
ang sumusunod na tanong bilang gabay:
1. Pansinin ang anyo ng tula. Ano ang pagkakatulad nito sa mga
naunang anyong pinag-aralan natin? Ano ang pagkakaiba nito?
2. Sino sa tingin mo ang nagsasalita sa tula? Sino si Kasampalok?
3. Ano ang hinihiling ng nagsasalita sa tula? Bakit kaya niya ito hinihiling?
4. Ano ang ginawa ni Kasampalok? Sa tingin mo, ano kaya ang ibigsabihin ng ginawa niyang ito sa relasyon nila ng nagsasalita sa tula?
5. Paano ipinakita ng tula ang pagkabalisa ng nagsasalita?
6. Paano kaya naibahagi ng tula ang mga komplikadong damdamin at
pangyayari nang hindi ito kumikiling sa labis na sentimentalidad o
pagdadrama?
7. Pag-isipan: Ito kaya ang klase ng tula na nilikha ng inyong istiryotipikal
na makata?
Pagsulat ng Sariling Tula
Ito na ang huling tulang isusulat mo para sa markahang ito. Dahil dito,
bibigyan ka ng lubos na kalayaan sa paglikha. Kinakailangang may wastong
tugma at sukat pa rin ang iyong tula, ngunit hindi ka na bibigyan ng bilang ng
taludtod o saknong. Maaaring maging lubos na maigsi o lubos na mahaba
ang tulang isusulat mo. Ang mahalaga ay ang kalidad ng tula.
Sikaping gayahin ang kalidad ng Umulan man sa Bundok napakaraming
sinasabing komplikadong damdamin at pangyayari, ngunit labis na
mapagtimpi.
At muli, sikaping gumamit ng antas ng tugmaan na higit pa sa payak.

Pang-abay na Pamanahon
Aralin
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o
magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Napapangkat ang ganitong uri
ng pang-abay: (1) may pananda at (2) walang pananda.
Gumagamit ng nang, sa, noong, kung, tuwing, buhat, mula, umpisa, at
hanggang bilang mga pananda ang pang-abay na pamanahon.
Mga halimbawa:
1. Kailangan ka bang pumasok nang araw-araw?
2. Inaasahan tayo roon sa gabi, hindi sa araw.
24

3. Noong Lunes siya nagsimula sa kaniyang bagong trabaho.


4. Kapag Mahal na Araw ay sinisikap niyang mag-ayuno.
5. Tuwing Pasko ay nagtitipon-tipon silang mag-anak.
May mga pang-abay na pamanahon na walang pananda tulad ng kahapon,
kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba pa.
Mga Halimbawa:
1. Pitong pangunahing alagad ng sining ang tumanggap kahapon ng
National Artist Award buhat sa Pangulo.
2. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang
Pilipino sa CCP.
3. Magsisimula pa maya-maya ang kumbensiyon tungkol sa
pagpapabahay sa mahihirap.
4. Ipinagdiriwang ngayon ng Makati ang ika-262 anibersaryo ng
kaarawan ni Gabriela Silang.
5. Panauhing pandangal mamaya ang bagong pangulo sa pagkakaloob
ng Gantimpalang TOYM.

Ang Epiko
Aralin
Ang epiko ay isang mahabang tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran o
mga ginawa ng isa o higit pang bayani o maalamat na mga nilalang.
Pinaniniwalaang bawat bayan at pangkat-etniko sa Pilipinas ay may
natatanging epiko, ngunit hindi lahat ay nailigtas mula sa pagbura ng kultura
dulot ng pananakop ng mga dayuhan. Halimbawa, may natatanging epiko
ang mga Iloko, Ifugao, at Waray (na may salita para sa epiko: kandu), ngunit
walang may alam kung ano ang epiko ng mga Tagalogpinaghihinalaang
nawala na ito nang tuluyan dahil sa malakas na impluwensiya ng mga
mananakop na Kastila.
Sa madaling salita, mayroon nang epiko ang mga lahi sa Pilipinas bago pa
man makarating sa atin ang salitang epiko. Ang salitang epiko ay mula sa
salitang Griyegong "epos" na nangangahulugang salawikain o awit.
Kilala sa mga Iloko ang epikong Biag ni Lam-ang. Ito ay isinulat ng makatang
si Pedro Bukaneg na sininop at pinag-aaralan pa rin hanggang sa
kasalukuyan. Sa Bikol naman ay tanyag ang epikong Ibalon na ang orihinal
na sipi sa wikang Bikol ay iningatan ni Padre Jose Castao noong ika-19
dantaon. Gayundin ang epikong Handiong ng mga Bikolano na batay naman
sa mga bagong pananaliksik ay likha ng isang paring Espaol at hindi sa
bibig ng mga katutubo.
Sa Visayas naman nagmula ang epikong Maragtas, at sa Mindanao ang
pinakamahabang epiko sa Pilipinas na Darangan. Nakapaloob sa Darangan
25

ang kilalang mga epikong Prinsipe Bantugan, Indarapatra at Sulayman, at


Bidasari. Ang mga kapatid naman natin sa CAR (Cordillera Administrative
Region) partikular sa Ifugao ay may ipinagmamalaki namang Hudhud at Alim.
Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang epikong-bayan. Bukod sa
nagiging aliwan ang epiko, ito ay nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon at
pangkultura. Ginagamit ito sa mga ritwal at pagdiriwang upang maitanim at
mapanatili sa isipan ng mga mamamayan ang mga kinagisnang ugali at
paniniwala, gayundin ang mga tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga
ninuno.

Ang Hudhud ni Aliguyon


Panitikan
Ang Hudhud ni Aliguyon
Isang Buod na Halaw mula sa The Epics ni Damiana Eugenio
Ipinanganak si Aliguyon sa bayan ng Hannanga. Si Amtalao ang kaniyang
ama, at si Dumulao ang kaniyang ina. Nang maliit pa lang siyang bata,
madalas siyang kuwentuhan ng kaniyang tatay ng mga pakikipagsapalaran
niya sa digmaan. Tinuruan din siya ng kaniyang tatay na gumamit ng sibat at
kalasag. Mabilis na natuto si Aliguyon.
Ilang taon pa ang lumipas, at ginawan ni Amtalao si Aliguyon ng isang
trumpo. Tinuruan niya si Aliguyon kung paano ito paikutin, at kung paano ito
gamitin upang talunin at wasakin ang trumpo ng iba pa niyang kalaro.
Tinuruan din niya si Aliguyon kung paanong lumikha ng mga sibat na gawa
sa runo at kung paanong makipaglaban gamit ito.
Habang tumatanda, madalas makinig si Aliguyon sa mga dasal pandigma ng
tribu. Kalaunan, natutuhan din niyang usalin ang mga dasal at salitang
makapangyarihan. Dahil sa mga angking galing ni Aliguyon, siya ang naging
pinuno ng mga kabataan sa kanilang tribu.
Nang naging binata na si Aliguyon, tinipon niya ang kaniyang mga kasama
upang lusubin ang kalaban ng kaniyang tatay, si Pangaiwan ng bayang
Daligdigan. Subalit nang makarating sila sa Daligdigan, ang nakaharap niya
ay hindi si Pangaiwan, kundi ang anak nitong si Pumbakhayon. Kasintapang
at kasinggaling ni Aliguyon si Pumbakhayon. Tumagal ang digmaan ng
tatlong taon, nang hindi malinaw kung sino ang nanalo.
Dahil sa haba ng digmaan, natutuhang irespeto ng dalawang bayani ang
husay ng bawat isa. Dahil tila magkapantay sa galing sa pakikipagdigma,
nagpasya silang tapusin ang digmaan. Sa harap ni Pangaiwan, nagkasundo
silang pananatilihin ang kapayapaan sa pagitan ng kanilang mga pamilya.
Nang matapos ang pagkakasundo, niligawan ni Aliguyon ang pinakabata at
pinakamaganda sa mga kapatid na babae ni Pumbakhayon, si Bugan. Iniuwi
26

ni Aliguyon si Bugan sa Hannanga, at lumaki siyang isang napakagandang


dalaga. Dumalaw si Pumbakhayon sa Hannanga upang saksihan ang
kasalan sa pagitan ni Aliguyon at ng kaniyang babaeng kapatid.
Naging matapat at makatwirang pinuno ng tribu sina Aliguyon at Bugan, at
minahal sila ng kanilang mga katribu.
Dalawang Sipi mula sa Hudhud ni Aliguyon
I. Ang Simula ng Epiko Nang Bata pa si Aliguyon
Isinama sa sipi na ito ang orihinal na bersiyon sa wika ng mga Ifugao.
Subuking pansinin ang mga panlabas na katangian ng epikong ito. May sukat
ba ito at tugma? Ano kaya sa tingin mo ang dahilan ng maraming pag-uulit?
Ifugao
Hi Aliguyon, nak Amtalao
Doladad Hannanga
Ohanan bigbigat ya kanana,
Daan kayuken, a-ay-ayam
Aliguyon?
Gawaon yuy gawanad Hannanga.
Kahingayan nan a-ay-ayam Aliguyon
Ot mun-bowbow-wot aa.
Bow-wot Aliguyon an inkem adna
ohladanda,
Hay bow-wot Aliguyon ya natuhg-ug
baleda,
Ct miptok hi bangibang amanan hi
Iken
Gimangao an pimmingo nan
bangibang;
Ding-gol Aliguyon, nak Amtalao,
Ot hunghop itangadna pintyen di
baleda
Nangitada-nay bangibang ot ilaona,
Hi Aliguyon nana intongbanay
bangibang ke Iken

Filipino
Si Aliguyon, anak ni Amtalao,
Na nakatira sa Hannanga,
Ay bumigkas isang araw:
Nasaan na kayo, mga kasama ni
Aliguyon?
Gawin ang ginagawa sa Hannanga.
Maingay na nagtipon ang mga
kasama ni Aliguyon,
At naglaro sila ng trumpo.
Tumalbog-talbog ang trumpo ni
Aliguyon sa bakuran
Umikot-ikot ito sa loob ng kanilang
bahay,
At tinamaan ang bangibang ng
matandang ama.
Tumunog ang bangibang na parang
isang awit;
Narinig ito ni Aliguyon, anak ni
Amtalao,
Kayat itinaas niya ang kaniyang
noo, tumungo sa pinto ng kanilang
bahay,
At inabot ang bangibang upang
Ya inay-unan hinweng di gullu kayda hanapin ang kaniyang trumpo,
Ot inay-unan iha-ul hi daulonda.
At nang hindi mahanap, ibinato niya
ang bangibang sa amang matanda.
Ilabtakna unligtuwan di kamaligda
Ya kanana, Dakayuken a-ayayamku, gawaonyuy
Pagkatapos, inalis niya sa
Ta mamyu taku gullukay ta
pagkakatali ang kanilang tandang
ngumayetaku.
At dinala ito sa ilalim ng kanilang
Kahingayan di a-ay-ayamna.
bahay.
27

Uming-ingukud da daulonda,
Mahyeto pangal-alawag Aliguyon hi
daulonda,
Ya kanana, Heake gullukaymi,
Gawanah ya yumangudkan pinyuku,
Dieket inilam an ikamligda Aliguyon;
Ya ipidongmo an pinyukan gullukay.
Himmapit hi Indumulao an kanana,
Antipeh ung-unga-unga, Aliguyon!
An bunuhbuh-ku ya inpakainilanah,
Mamyu gullukaymi gawanad
Hannanga?
Abunadih ya lumibwat hi Indumulao
Ot hipduyonay in-yung-nganda,
Ya pemmelek hi ohladanda.
Hi Aliguyon, nak Amtalao, ya ugge
naglongan;
Ya kanana, Ba-at dakanah
yuddungan mi gawana!
Te bokom man lubog Aliguyon, nak
Amtalao,
Te hi inan hi Indumulao.
Anud-udpayan Indumulao ya kanana
Nganne innu-innun Indumulao
Kon ung-unga Aliguyon an
binuhbuhku
Ya impakainilana pamyu?
Indumulao-ana impiditna nakappong ay kawayanda,
Ing-ganah ohladanda;
Im-imbat, Aliguyon ya kanana
Baat dakana! Kawayanmi gawanan
Te bokonna luboy Aliguyon
Te hi inan hi Indumulao.

Nagmadali siya papunta sa kamalig,


At bumigkas: Mga kasama, gawin
ang kailangang gawin.
Dadasalin natin ang dasal ng
tandang dahil pupunta tayo sa isang
digmaan.
Maingay na nagtipon ang kaniyang
mga kasama
Nagtipon-tipon sila sa ilalim ng
bahay;
Taimtim na nagdasal si Aliguyon sa
ilalim ng bahay,
Inuusal, Bigyan kami ng
palatandaan, o tandang,
Bigyan kami ng palatandaan!
Sinasamo kita sa aking dasal,
Na hindi mo makita ang pagkatalo ni
Aliguyon sa digmaan;
Sagutin ang dasal namin ng isang
palatandaan, o tandang.
Lumapit si Dumulao, ang ina, at
sinabing
Itigil mo iyan, anak kong Aliguyon!
Mahal kong anak, kanino mo kaya
natutuhang
Dasalin ang dasal ng tandang ng
Hannanga?
At biglang tumayo si Dumulao
At sinipa ang mangkok na may
lamang alak
At umalingawngaw ang pagkabasag
nito sa kapatagan.
Hindi natakot si Aliguyon, anak ni
Amtalao;
Isinigaw niya, Naway ang basag na
mangkok
Ay hindi maging kasamaang palad ni
Aliguyon, anak ni Amtalao,
Kundi ng kaniyang nanay na si
Dumulao.
Nagulat sa kaniyang narinig, sinabi
ni Dumulao,
O, anong kailangan mong gawin,
Dumulao,
Sa iyong mahal na anak na

28

Aliguyon,
Na masyadong marami ang alam na
dasal?
Sa inis ni Dumulao, kinuha niya ang
kawayang tinutuntungan ng
tandang,
At inihagis ito sa bakuran.
Nawa, sigaw ni Aliguyon,
Na ang kawayang kinuha sa amin
Ay hindi maging kasamaang palad ni
Aliguyon,
Kundi ng kaniyang nanay na si
Dumulao.
II. Ang Labanan ni Aliguyon at Pumbakhayon
At sinabi ni Pumbakhayon kay Aliguyon,
Aliguyon, doon tayo maglaban sa dalampasigan,
Dahil ang palay namin ay halos ginto na at hinog;
Masisira ang aming palay kapag dito tayo nagdigma.
At sumagot si Aliguyon, Anong masama roon?
Hindi ako aalis sa iyong palayan,
Lalabanan kita rito hanggang ang mga kawayan at mga punong alimit
Ay tumubo sa iyong palayan.
At sinukat ni Aliguyon si Pumbakhayon,
Tiningnan niya ang mga paa nito at sinabing,
Tila matipuno si Pumbakhayon?
Sinusubok niyang ideretso ang kulot niyang mga daliri sa paa.
Hindi kaya walang silbi ang pakikidigma
Kung pantay lang kami ng husay at lakas?
Hinawi ni Aliguyon ang mga palay
Upang makausad sa kapatagan.
Ganoon din si Pumbakhayon.
Inihagis ni Aliguyon ang kaniyang sibat,
Deretso kay Pumbakhayon;
Matalas ang pag-iisip, nasalo
Ni Pumbakhayon ang sibat ni Aliguyon.
Sinundan ng mga mata ni Aliguyon ang sibat.
Nakita niyang nasalo ito ni Pumbakhayon
Kung kayat pumalatak siya sa inis.
Inihagis ni Pumbakhayon ang sibat kay Aliguyon.
Matalas, ang pag-iisip, nasalo
Ni Aliguyon ang sibat ni Pumbakhayon.
Nakita ni Pumbakhayon ang husay ni Aliguyon
Kung kayat pumalatak siya sa inis
At sinabing, Napakahusay ni Aliguyon,
29

Anak ni Amtalao!
At inihagis nila ang sibat sa isat isa,
At nasalo nila ang sibat ng isat isa,
At naglaban sila nang matindi sa palayan;
Mula bukangliwayway hanggang tanghali,
Nasisinagan ng kanilang mga sibat ang palayan,
At sinasabayan ito ng kanilang mga sigaw pandigma.
Ang mga dalagang nanonood kay Pumbakhayon
Ay nagsisisigaw,
Laban, laban, Pumbakhayon!
Patayin si Aliguyon! Ibigay sa amin ang kaniyang ulo,
Nang maging sariwa na ang hangin sa aming mga kabahayan!
Tiningnan ni Pumbakhayon ang mga dalaga at sinabing,
Magsitahimik kayo, mga magagandang dilag,
Dahil karapat-dapat na kalaban si Aliguyon;
Magkasinghusay kami.
Nang marinig ni Dangunay at Pangaiwan ang tungkol sa kanilang anak,
Umalis ang ina, puno ng kaba,
Kasama ang kaniyang sanggol na si Bugan.
Ibinalot niya ng kumot ang sanggol at itinali sa likod
At lumabas siya ng bahay
At tumawid siya sa bakuran, ng bayan,
At lumakad siya hanggang sa marating ang pader ng bayan.
Tinanaw niya ang palayan
At nakita si Aliguyon at Pumbakhayon;
Nakita niya ang dalawa at pinaghambing ang mga ito,
Si Pumbakhayon at Aliguyon
At sinabi, Walang mas mahusay, pantay sila sa lahat ng bagay.
Sumimangot siya sapagkat pareho silang magaling.
Sumimangot sa nakitang palayang nauulapan ng alikabok ng digma.
Itinaas ni Dangunay ang isang bolo,
At nakuha nito ang pansin nina Pumbakhayon at Aliguyon.
Sumigaw si Dangunay mula sa pader
Kayong dalawa, ano ang nakukuha ninyo sa paglalaban sa palayan?
Pantay lang ang inyong lakas!
Ano pa ang silbi ng pakikidigma?

30

Pagpapayaman
Talakayan
Tatalakayin ng klase ang binasang epiko. Maaaring gamiting gabay sa
talakayan ang sumusunod na tanong:
1. Ano-ano ang sinaunang paniniwalang ipinakita sa Hudhud ni
Aliguyon? Ano ang halaga ng mga paniniwalang ito sa mga
katutubong Ifugao?
2. Ilarawan si Aliguyon bilang bata. Bakit kaya ganito ang napiling
katangian ng bidang tauhan ng mga mananalaysay?
3. Balikan ang labanan sa pagitan ni Aliguyon at Pumbakhayon. Paano
mo ilalarawan ang labanang ito? Paano ito natapos?
4. Ano kaya ang sinasabi ng epikong ito tungkol sa pagturing ng mga
Ifugao sa digmaan?
Sa iyong palagay, bakit tuwing anihan inaawit ang Hudhud ni Aliguyon?
Malikhaing Gawain
Lumikha ng isang 3-5 pahinang komiks na muling nagsasalaysay ng mga
nabasa mong bahagi ng epiko ni Aliguyon.
Ang Paghahanap ni Matabagka sa Diyos ng Hangin
Panimulang Gawain
Hahatiin ang klase sa dalawang grupo. Sa pisara, isusulat ng guro ang
Lalaking Superhero sa isang bahagi, at Babaeng Superhero sa kabilang
bahagi. Itatakda ng guro kung aling bahagi ang mapupunta sa aling grupo.
Pagkatapos, bibigyan ng limang minuto ang bawat grupo upang maglista ng
mga pangalan ng mga kilala nilang superhero ayon sa naitakdang kasarian
sa kanila. Ang pinakamaraming mailista ang mananalong grupo.
Pagkatapos ng gawain, magkakaroon ng talakayan ang klase. Maaaring
gamiting gabay ang sumusunod na tanong:
1. Patas ba ang laro? Ipaliwanag ang sagot.
2. Bakit kaya mas maraming nailista ang isang pangkat kaysa sa isa
pang pangkat?
3. Alisin ang mga bersiyon ng superhero sa isa pang kasarian na lumitaw
lamang kalaunan. Halimbawa, kung isinulat si Batgirl, ekisan ito dahil
naunang lumitaw si Batman sa kaniya. May nagbago ba sa estado ng
laro? Nagbago ba ang nanalo?
4. Sa iyong palagay, ano kaya ang papel ng kasarian sa dami ng
bayani/superhero na lumilitaw sa kasarian na iyon? Bakit ganoon ang
dami ng mga lalaking superhero? Bakit ganoon ang dami ng mga
babaeng superhero?
31

Panitikan
Ang Epiko ng Nalandangan: Ang Paghahanap ni Matabagka
sa Diyos ng Hangin
Isang Buod na Halaw mula sa The Epics ni Damiana Eugenio
Pinilit ni Matabagka ang kaniyang kapatid na si Agyu na sabihin sa kaniya
ang babalang ibinahagi ng tumanod (gabay na kaluluwa). Napansin kasi ni
Matabagka na hindi mapakali ang kaniyang kapatid noong nakaraang mga
araw dahil sa babalang ito.
Ikinuwento ni Agyu na sinabi sa kaniya ng tumanod na naghahandang
lusubin ni Imbununga ang Nalandangan, ang kaharian ni Agyu. Kapag
nangyari ito, mawawasak ang Nalandangan at mamamatay ang lahat ng
nakatira rito, dahil si Imbununga ang may hawak ng makapangyarihang
taklubu, na kayang lumikha ng napakalakas na mga ipuipo, at ang baklaw,
kung saan nakatira ang pinakamarahas na mga bagyo.
Nang marinig ito, tumawa lang si Matabagka, at sinabi sa kapatid na wala
siyang dapat ipag-alala. Iniwan ni Matabagka si Agyu, pumunta sa kaniyang
silid, at naghanda upang umalis.
Kinuha niya ang kaniyang libon - ang sisidlan ng mga nganga at kung anoano pa. Sumakay siya sa kaniyang sulinday, isang malaking salakot na
nakalilipad. Tahimik na tahimik siyang lumipad palayo ng Nalandangan.
Nang malaman ni Agyu ang pag-alis na ito ng kaniyang kapatid, nag-utos
siya sa kaniyang mga kawal na hanapin ito. Nagpadala siya ng mga sundalo
upang harangin si Matabagka at ibalik siya sa Nalandangan.
Malayo ang nilipad ni Matabagka, ngunit narating niya ang bahay ni
Imbununga. Bumaba siya sa gitna ng silid kung saan nakaupo si Imbununga,
na nagulat sa biglang paglitaw ng isang napakagandang dalaga sa kaniyang
harapan. Para kay Imbununga, parang isang sinag ng araw ang pagdating ni
Matabagka.
Nagkunwari si Matabagka na naligaw lamang papuntang Nalandangan, at
nagtanong kung paano makapunta rito, sa pag-iisip na sasabihin ni
Imbununga ang ilan sa mga plano niya sa paglusob sa Nalandangan. Hindi
nagtagumpay ang plano ni Matabagka. Sinabi ni Imbununga na hindi siya
magbibigay ng kahit anong impormasyon hanggat hindi siya pinakakasalan
ni Matabagka. Hindi rin makaaalis si Matabagka dahil pinipigil ni Imbununga
ang paglipad ng sulinday gamit ang kaniyang kapangyarihan ng hangin.
Napilitan si Matabagka na pakasalan si Imbununga. Samantala, hindi rin
nagtagumpay ang paghahanap ng mga tauhan ni Agyu kay Matabagka.
Naging mabuting asawa si Matabagka. Ngunit hindi niya nalilimutan ang
kaniyang misyon. Nang makita niya kung saan itinatago ni Imbununga ang
taklubu at baklaw, nag-isip siya agad ng isang plano.
32

Binigyan ni Matabagka ng isang nganga na may halong pampatulog si


Imbununga. Nang bumagsak ang diyos at nakatulog dahil sa nganga, agad
na kinuha ni Matabagka ang taklubu at baklaw, at tumakas sakay ng
kaniyang sulinday.
Nang magising si Imbununga, napansin niya agad na nawawala si
Matabagka. Napansin niya rin na nawawala ang kaniyang taklubu at baklaw.
Inutusan niya ang kaniyang mga tauhan na habulin ang tumakas na si
Matabagka. Gamit ang kaniyang kapangyarihan ng hangin, pinigil ni
Imbununga ang paglipad ng sulinday. Bumagsak ito sa dalampasigan, sakay
si Matabagka.
Nahabol ng mga sundalo ni Imbununga si Matabagka. Subalit napakahusay
makipaglaban ni Matabagka na napatay niya ang marami sa mga sundalo.
Nahihirapan ang mga sundalong makipaglaban sa kaniya, lalo na dahil
iniutos ni Imbununga sa kanilang huwag siyang sugatan. Tumagal ang
labanan nang maraming araw.
Nakarating ang ingay ng labanan sa mga sundalo ni Agyu, na napadaan sa
dalampasigan. Sumugod ang mga sundalo at tinulungan nilang makatakas si
Matabagka. Dumiretso siya sa Nalandangan.
Natuwa si Agyu na makita si Matabagka. Sa pagkapagod, ni hindi makaakyat
ang babaeng kapatid sa hagdan paakyat ng kanilang bahay. Agad siyang
inalagaan ng mga manggagamot, at binigyan ng nganga na may kakayahang
magbalik ng lakas ng sinumang ngumuya nito. Ikinuwento ni Matabagka kay
Agyu ang lahat ng nangyari, lalong-lalo na ang pag-aalala sa kaniya ni
Imbununga at ang utos ng diyos sa kaniyang mga sundalong huwag siyang
sasaktan.
Naisip ni Agyu na tapusin na ang laban, at makipag-usap kay Imbununga.
Nagpunta siya sa dalampasigan, at hinarap niya nang mapayapa ang diyos
ng hangin. Pumayag si Imbununga na wakasan na ang digmaan kung
malalaman lang niya ang nagnakaw ng kaniyang taklubu at baklaw.
Ikinuwento ni Agyu ang lahat, mula sa babalang natanggap niya hanggang sa
ginawang pagnanakaw ni Matabagka.
Ngumiti nang malaki si Imbununga, at nagpahayag ng paghanga sa
katapangan ni Matabagka. Subalit napawi ang ngiting ito nang makita niya
ang napakaraming namatay dahil sa digmaan. Sinabi ni Agyu na kayang
ibalik ni Matabagka ang lahat ng pumanaw. Dahil dito, ipinatawag ang
bayaning babae, at iniutos na bitbitin din ang taklubu at baklaw.
Nang makarating sa dalampasigan, ibinalik ni Matabagka ang taklubu at
baklaw sa diyos ng hangin. Iwinasiwas ni Imbununga ang taklubu, at umihip
ang isang napakalakas na ipuipo sa mga naglalabang sundalo. Nanghina ang
mga sundalo dahil sa malakas na hangin, kung kayat natigil silang lahat sa
pakikidigma.
33

Nang matapos ang digmaan, isa-isang nilapitan ni Matabagka ang katawan


ng mga pumanaw. Sinubuan niya ng isang ngangang nakapagbibigay ng
buhay ang bawat isa sa mga patay. Nawala ang mga sugat ng mga ito; at
ilang saglit pa, muli silang nakahinga, at muli silang nabuhay.
Pumunta ang lahat ng mga sundalokay Agyu at kay Imbunungasa
Nalandangan. Nagdaos sila ng pista upang ipagdiwang ang pagsasanib ng
puwersa ng bayani ng Bukidnon at ng diyos ng hangin... na hindi magiging
posible kung hindi dahil sa katapangan ng babaeng bayaning si Matabagka.
Pagpapayaman
Talakayan
Tatalakayin ng klase ang binasang epiko. Maaaring gamiting gabay sa
talakayan ang sumusunod na tanong:
1. Ilarawan si Matabagka. Bukod sa kaniyang kasarian, paano siya
naging iba sa naunang bayani ng epiko na nabasa mo, si Aliguyon?
2. May naging epekto kaya ang pagiging babae ni Matabagka sa
kaniyang mga ikinilos, pati na sa naging daloy ng kuwento?
3. Ano ang kaibahan ni Matabagka sa ibang babaeng superhero na kilala
mo?
4. Sa iyong palagay, paano nasasalamin ni Matabagka ang kalagayan ng
kababaihan sa Bukidnon noong katutubong panahon?
5. Ano ang mapapansin mong pagkakapareho o pagkakaiba sa
pagwawakas ng Hudhud ni Aliguyon at ng epiko ni Matabagka? Bakit
kaya ito ang napiling wakas ng mga mananalaysay?
Malikhaing Gawain
Gamit si Matabagka bilang bida, mag-isip at sumulat ng isang kuwento na
nagpapakita ng isang bago niyang pakikipagsapalaran. Siguruhing gamitin
ang mga mahiwagang mga gamit na ipinakita sa epikong iyong binasa.

Panitikan
Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit
Isang Buod ng Epiko ng mga Bagobo
Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nagngangalang Tuwaang.
Tinawag niya ang kaniyang kapatid na si Bai.
Lumapit si Bai, at ito ay nagdala ng nganga. Ang magkapatid ay ngumuya ng
nganga. Sinabi ni Tuwaang na may dalang mensahe ang hangin na
pinapapunta siya sa kaharian ni Batooy. May dalagang dumating sa kaharian
ngunit hindi nakikipag-usap sa mga kalalakihan doon, kaya pinatawag ng isa
sa mga kalalakihan ang hangin para ipatawag si Tuwaang.

34

Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang. Kinakabahan si


Bai sa maaaring may mangyayaring masama kay Tuwaang. Pero hindi
nakinig si Tuwaang sa sinabi ni Bai. Agad-agad na naghanda si Tuwaang at
isinuot ang kaniyang mga sandata. Kinuha niya ang kaniyang sibat at kalasag
at tinawag ang kidlat upang dalhin siya sa lugar ng Pinanggayungan.
Pagkarating doon ay bumisita siya sa bahay ng Binata ng Pangavukad.
Sinamahan siya ng binata ng Pangavukad sa kaniyang paglalakbay.
Silay nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si Tuwaang sa tabi ng
dalagang nagbalita sa kaniya at kaagad na nakatulog. Bumunot ang dalaga
ng isang buhok ni Tuwaang na nakalawit. Nagsalita ang dalaga at nakilala na
nila ang isat isa.
Ang dalaga ay ang Dalaga ng Buhong na Langit. Tumakas siya at nagtatago
mula sa Binata ng Pangumanon, isang higante na may palamuti sa ulo na
abot ang mga ulap. Gusto siyang pakasalan ng binata ngunit tinanggihan
niya ang alok nito.
Nagalit ang binata at sinunog ang bayan ng dalaga. Sinundan niya ang
dalaga saan man siya mapadpad at sinunog niya ang mga bayan na
pinagtataguan ng dalaga, kaya naghanap ang dalaga ng pagtataguan sa
mundong ito.
Pagkatapos magkuwento ang dalaga kay Tuwaang, dumating bigla ang
Binata ng Pangumanon, balot ng apoy, at pinagpapatay niya ang mga tao sa
kaharian ni Batooy.
Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon gamit ang kanilang mga
sandata. Ngunit magkasinlakas silang dalawa, at nasira ang kanilang mga
sandata. Tinawag ng Binata ng Pangumanon ang kaniyang patung, isang
mahabang bakal. Itoy kaniyang ibinato at pumulupot kay Tuwaang. Lumiyab
ito ngunit itinaas ni Tuwaang ang kaniyang kanang bisig at namatay ang
apoy. Tinawag ni Tuwaang ang kaniyang patung at ibinato sa binata.
Lumiyab ito at namatay ang binata. Pagkatapos ng labanan ay binuhay niya
ang mga namatay na tauhan gamit ng kaniyang laway. Dinala niya ang
dalaga sa kaniyang bayan sakay ng kidlat.
Ikinuwento ng Gungutan na nakita niya sa kaniyang panaginip na darating si
Tuwaang sa Kawkawangan. Inalok naman ni Tuwaang ang Gungutan na
sumama sa paglalakbay niya; tinanggap naman ito ng Gungutan. Tumuloy
na sila sa paglalakbay.
Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa kasal. Dumating ang Binata ng
Panayangan, na nakaupo sa gintong upuan. Dumating din ang Binata ng
Liwanon, ang Binata ng Pagsikat ng Araw, at ang Binata ng Sakadna, ang
ikakasal na lalaki, at kaniyang 100 pang tagasunod. Nakiusap ang Binata ng
Sakadna na linisin ang mga kalat sa kasal (o mga hindi imbitado/kailangang
35

bisita) ngunit sinagot naman siya ni Tuwaang na may pulang dahon (mga
bayani) sa okasyon.
Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga kamaganak ang mga savakan (mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga
nakabalot na pagkain na inaalay ng mga kamag-anak ng lalaking ikakasal) ng
babaeng ikakasal, hanggang may naiwang dalawang hindi mabayaran.
Umamin ang Binata ng Sakadna na hindi niya kayang bayaran ang dalawang
bagay, pero tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng paglikha ng isang
sinaunang gong bilang kapalit sa unang bagay at gintong gitara at gintong
bansi (o gintong plawta) sa pangalawang bagay. Lumabas ang Dalaga ng
Monawon, ang dalagang ikakasal para magbigay ng nganga sa lahat ng
bisita.
Pagkatapos niyang bigyan ang lahat ng panauhin ng nganga, umupo siya sa
tabi ni Tuwaang. Nagalit ang Binata ng Sakadna. Hinamon ng binata si
Tuwaang sa labas ng bahay. Ang Gungutan, samantala ay nakapatay na ng
mga kasama ng binata hanggang sa anim na lang ang natira. Nagkipaglaban
ang dalawa sa anim na kalaban hanggang ang natira na lamang ay si
Tuwaang at ang Binata ng Sakadna.
Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog siya sa lupa at
nakita niya ang isa sa mga tagapagbantay ng mundong ilalim. Bumalik agad
sa mundo ang binata at itinapon naman si Tuwaang sa mundong ilalim, kung
saan nakita rin ang tagapagbantay rito. Nalaman ni Tuwaang ang kahinaan
ng binata, at pagkalabas niya roon, kinuha ang gintong plawta na nagtataglay
ng buhay ng binata. Dahil mas ginusto ng binata na mamatay kaysa
mapabilang sa kampon ni Tuwaang, sinira ni Tuwaang ang plawta at ang
binata ay unti-unting namatay.
Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman kung saan siya ay naghari
habambuhay.

36

Pagpapayaman
1. Isa sa mga katangiang taglay ng epiko ay ang pagkakaroon nito ng
mga pangyayaring may kababalaghan. Isa-isahin ang mga
kababalaghang nakapaloob sa binasang epiko. Pagkatapos, sagutin
mo ang tanong: Sa iyong palagay, paano nakatulong ang nasabing
kababalaghan upang makilala ang mga tauhan? Gamitin mo ang
dayagram sa iyong pagsagot. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.
TUWAANG

Mga Kababalaghan

Para sa akin, nakatulong ang mga kababalaghan sa epiko sa


pagkilala ng mga tauhan sapagkat
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2.___________________________________________________________________
Suriin mong mabuti ang pangunahing tauhan. Batay sa mga detalye at
___________________________________________________________________
pangyayaring nakapaloob sa epiko, bumuo ka ng Character Profile
__________________________________________________________________
tungkol sa pangunahing tauhan .

Pangalan:____________________________
Tirahan: ____________________________
Katangian:__________________________
Pangarap: __________________________

Edad: _______________________
Hilig: _______________________
Kakayahan: __________________
Misyon: ____________________

Naunawaan mo na ba kung bakit itinuturing na bayani sa kani-kanilang


pook ang pangunahing tauhan sa epiko? Katanggap-tanggap bang
maituturing ang katangiang taglay ng pangunahing tauhan upang kilalanin
siya bilang bayani? Ang susunod na gawain ay makatutulong sa iyo upang
maging ganap ang iyong pag-unawa sa kabayanihan ng bawat pangunahing
tauhan sa epiko.
37

3. Bumasa ka ng isa pang halimbawa ng epiko. Suriin mo ang katangian


ng pangunahing tauhan. Pagkatapos, gumawa ka ng paghahambing
sa mga pangunahing tauhan ng epikong iyong binasa at epikong
Tuwaang. Gumamit ng Venn Diagram. Gayahin ang pormat sa papel
at doon isulat ang sagot.

A at B: Pagkakaiba
Tuwaang
C
A

Tauhan sa
ibang
epiko

C: Pagkakatulad

4. Ano ang mga pangyayari na nagpapatunay na ang akdang binasa ay


epiko ng mga Bagobo? Isa-isahin ito.

TUWAANG

Epiko ng mga Bagobo

Mga Patunay

38

Pangwakas na Pagtataya
Portfolio
Balikan ang mga ginawa mong tula, drowing, at kuwento sa markahang ito.
Maaari mong paghusayin pa at rebisahin ang mga nilikha mo. Pumili ng sa
tingin mo ay limang pinakamaganda mong nagawa, at tipunin ito sa isang
folder o envelope. Ito ang magsisilbing portfolio mo para sa markahang ito.

Isang Pagninilay na Papel


Gumawa ng isang mahabang sanaysay na pinagkukumpara ang ating
katutubong kultura at ang kulturang kinasanayan mo sa kasalukuyan.
Maaaring gawing angkla para sa sanaysay na ito ang mga isyu katulad ng:

Ang paniniwala na naging sibilisado lamang ang Pilipinas nang


sakupin ng mga dayuhan.
Ang pananaw na walang orihinal na mga ideya ang mga Pilipino at
madalas lamang tayong manggaya dahil wala tayong kulturang hindi
hiram.

Hinihikayat kang gamitin ang mga napag-aralan mo sa markahang ito.


Mainam kung tutukuyin mo ang ilang mga akda bilang halimbawa o patunay
sa mga punto na isasama mo sa gagawin mong sanaysay.

39

PANITIKAN SA PANAHON NG ESPANYOL


Mga Aralin

Panimulang Pagtataya
Tula
o Santa Cruz ni Fray Francisco de San Jose
Ang Pasyon
o Sipi mula sa Ang Mahal na Passion ni Jesu Christong
Panginoon Natin ni Gaspar Aquino de Belen
Panitikang Rebolusyunaryo
o Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio
o Pahayag ni Emilio Jacinto

Panimulang Pagtataya
Simulan ang pag-aaral sa panitikan sa panahon ng Espanyol sa
pamamagitan ng KWHL chart.
K
Ano ang alam mo na?
(What do you know?)
W
Ano ang nais mong malaman?
(What do you want to find out?)
H
Paano mo makikita ang nais mong
maunawaan?
(How can you find out what you want to learn?)
L
Ano ang iyong natutuhan/
naunawaan?
(What did you learn?)

Kaligirang Pangkasaysayan
Ang mahigit na tatlong daang taong pananakop at paniniil ng mga Espanyol
sa ating bansa ang sanhi ng unti-unting pagkakabuo at paglaganap ng
damdaming makabayan sa mga Pilipino. Nagkaroon ng mga bagong kilusan
sa politika at panitikan sa Pilipinas. Ang dating diwang makarelihiyon ay
napalitan ng damdaming mapanghimagsik. Ang naging paksa ng panitikan sa
panahong ito ay pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan, at pag-

40

udyok sa mga Pilipino na magising at magkaisa upang matamo ang


minimithing kalayaan.
Tula
Isa sa mga pangunahing gawain ng mga misyonero noong panahon ng
Espanyol ay ang likumin at itala ang mga panitikang bayan sa Pilipinas. Sa
Nueva Gramatica Tagalog na isinulat ni Fray Joaquin de Coria noong 1872
ay nailista niya ang sumusunod na halimbawa ng tula: diona, oyayi, talingdao,
dalit, at tanaga. Mahilig din ang mga Pilipino sa dalit at awit. Ginamit ng mga
mananakop ang panitikang bayang ito bilang lunsaran ng mga ideyang
relihiyoso. Isang halimbawa ay ang unang tulang nailimbag sa Pilipinas, ang
Santa Cruz na isinulat ni Fray Francisco de San Jose.

Panitikan
Santa Cruz
Fray Francisco de San Jose
O Diyablong manunuboc
ang dilang aral mo,y, buctot,
houag cang sumumoc sumoc,
camiy hindi natatakot,
At ang aming tinotongcod
ang sandatang Santa Cruz,
pinagpacoan cay Jesus,
(na sa tauo, ay tumubos.)

Pagpapayaman
Talakayan
a. Batay sa natutuhan ninyo sa mga naunang aralin, ano ang tugma at
sukat ng tula (dapat ay bigkasing kurus ang Cruz, dahil ganito ito
binibigkas noong panahong iyon)?
b. Bakit kaya isinulat gamit ang malaking titik ang mga salitang Diyablo,
Santa Cruz, at Jesus?
c. Ano ang sinasagisag ng Santa Cruz?

Alam Ba Ninyo?
Sa karamihan ng mga akda noong panahon ng Espanyol ay may tunggalian
sa pagitan ng Kasamaan at Kabutihan. Napakalat ang ideya na ang panahon

41

bago dumating ang mga mananakop ay siyang panahon ng Kasamaan, at


panahon ng Kabutihan naman ang kanilang pagdating.

Ang Pasyon
Sa pamamagitan ng panitikan napalaganap ng mga mananakop ang
bokabularyong panrelihiyon. Tulad ng tula ni Fray Francisco de San Jose na
binasa ninyo, relihiyoso ang tema ng pasyon. Ang Pasyon ay isang
naratibong tula tungkol sa buhay ni Kristo, mula kapanganakan, hanggang
kamatayan, hanggang sa muli nitong pagkabuhay. Bawat saknong ng Pasyon
ay may limang linya. Bawat linya ay may walong pantig. Inaawit ang Pasyon
tuwing Mahal na Araw.
Ang unang pasyong isinulat sa Tagalog ay pinamagatang Ang Mahal na
Pasin ni Jesu Christong Panginoon Natin na tula. Isinulat ito ni Padre
Gaspar Aquino de Belen. Nasa ibaba ang isang sipi mula sa naturang
Pasyon.
Panitikan
Sipi mula sa Ang Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon Natin
Padre Gaspar Aquino de Belen
I

1
2
3
4
5

Dito, quita minamahal,


nang sariling palalayao,
icao an ibig cong tunay,
di co pinagsasauaan
nang sinta cong ualan tahan.

II

1
2
3
4
5

Dito, quita pinipita


nang boong palalasinta,
yaring monti cong anyaya
tangap din magdalita ca,t,
paeundanganan ang Ina.

III

1
2
3
4
5

Dito, quita quinocosa


nang anyaya cong daquila,
tapat na pagcacalinga,
cun icao bongso,y, mauala
sa aba co, ayang aba.

IV

1
2
3
4
5

Di na aco magbalata
at icao na ang bahala
ay Inang caauaaua,y,
sa lalaot manding guitna
binabagyong ualan tila.

42

1
2
3
4
5

Dito quita nililiyag


nang sisnta cong ualan licat,
aco mandi nababagbag
dilan casam-an nang palad,
longmagmac sa aquing lahat.

VI

1
2
3
4
5

Dito, quita quinacasi


nang budhing di masasabi,
di co maobos an dili,
niring lumbay cong malaqui
pagsira nang iyong puri.

VII

1
2
3
4
5

Dito, quita binabati


nang yoco,t, malaquing bunyi
yaring hapis co,y, maioli
ang Anac quita man ngani
Dios cari,t, Poong Hari.

VIII

1
2
3
4
5

Dito, quita iniibig


nang sinta kong ualan patid,
yaring aquing pananangis
icao ang linao nang langit
baguin ngayo,y, pauang dongis.

IX

1
2
3
4
5

Dito, quita guinigiliu


nang di daya cundi galing,
na aco,y, iyong alipin
cun tauagin mong Inahin,
camatayan co mang dinguin.

1
2
3
4
5

Dito aco napaa aco,


napatatauag Ina mo,
bongso aco,y, paaano?
saan aco magtototo,
un maolila sa iyo?

XI

1
2
3
4
5

Dito, quita sinosoyo


pinacaaamoamo,
icao ma,y, di nalililo,
tonghi ang luha cong lalo
dogong nagmola sa poso.

XII

1
2
3
4
5

Dito, quita iniirog


nang panininta,t, pagsonod,
magpasobali cang loob
mabalino ca,t, pasahot,
sa sosong iyong inot-ot.

43

XIII

1
2
3
4
5

o lagda nang manga Santos


Anac co,t, Anac nang Dios,
icao bagay aling boctot
aling salaring poyapos
ipapaco ca sa Cruz?

XIV

1
2
3
4
5

Dito, quita iguinagalang


ang malaquing pagdarangal,
di co na bongso dagdagan
sucat na ang iyong ngalan
turan co,t, ipanambitan.

XV

1
2
3
4
5

Yaring aquing munting habag,


sa bolinya na narapat
ay di nga bongso salam at,
cun tinatangap mong lahat
na loob mo,y, sinosucat.

Pagpapayaman
Talakayan
1. Nagpapahayag ng matinding pag-ibig si Maria para sa kaniyang anak
ang siping ito. Aling mga salita ang nagpapahayag ng lubos-lubos na
damdamin?
2. Ano ang epekto ng pag-uulit ng dito sa simula ng karamihan sa mga
saknong?
3. Ayon kay Almario (2006), katangian ng panitikan noong panahong ito
ang pagsulong ng labis na pamimighati at kirot ng kawalang pag-asa.
Batay sa pag-aaral ninyo sa panahon ng mga Espanyol, bakit kaya ito
ang damdamin ng mga akda noon?
Gawain: Pagsusuri sa Tradisyon ng Pasyon
Bumuo ng mga pangkat ng 5 hanggang 8 miyembro. Bawat pangkat ay
maghahanap ng kopya ng Pasyon na inaawit sa inyong bayan tuwing Mahal
na Araw. Ikompara ito sa Pasyon ni Gaspar Aquino de Belen. Ano ang
nagbago sa tradisyon ng Pasyon mula noong panahon ng Espanyol
hanggang sa kasalukuyan? May nagbago ba sa teksto o paraan ng pag-awit
nito? Ano ang dahilan ng mga pagbabagong ito? Pinahahalagahan pa ba ng
mga Pilipino ang tradisyong ito? Mag-uulat ang bawat grupo tungkol sa mga
sagot ninyo sa mga katanungang ito.

44

Panitikang Rebolusyunaryo
Hindi lang relihiyoso ang naging paksa ng panitikan sa panahong ito. Dahil sa
pang-aapi ng mga Espanyol sa mga Pilipino, di nagtagal ay nagpahayag ng
pagtuligsa ang mga manunulat. Pangunahin dito ang mga bayani tulad nina
Andres Bonifacio, Marcelo del Pilar, at Emilio Jacinto.
Sa akda ng mga katipunero ay mababatid ang pagnanasa ng ating mga
ninuno na matamo ng tinubuang bayan ang tunay na kalayaan. Sa akda rin
nila malalaman ang uri ng lipunan noong panahon ng pananakop:
pagmamalabis, pang-aalipin, at pagyurak sa pagkatao ng mga Pilipino. Kaya
naman karaniwan sa anumang panitikang rebolusyunaryo na may
pagpapahayag ng kasawian, pati na rin ng pagnanais na lumayang muli.
Panimulang Gawain: Bayanitikan
Ang mga nasa larawan ay ilan lamang sa mga bayaning Pilipino na
nagpahayag ng damdamin sa kani-kanilang panulat. Basahin at unawain ang
bawat saknong. Isulat sa sagutang papel ang letra na tutugon sa angkop na
akda ng nakalarawang manunulat.
A

B
Idalanging lahat yaong nangamatay,
nangagtiim hirap na walang kapantay;
mga ina naming walang kapalaran
na inihihibik ay kapighatian.

mula sa Huling Pahimakas

Jose P. Rizal
Sa cadaquilaang ito, sino kaya sa mundo ang sa
caniyay macacahuad? Huwag na ang sa gawang
lumicha, huag na sa pagdudulot ng buhay at
kaligayahan, may puso caya baga sa lupang
pagmamahal? May puso caya baga sa lupang
macapamumuhunan nang buong pag-irog sa iyo cahit
sucat nang wala cang igaganti cundi catampalasan?
Emilio Jacinto

mula sa Ang Cadaquilaan nang Dios

45

Pagpilitan mo ang kasarinlan ng iyong bayan,


sapagkat ikaw lamang ang tunay na
nakapagmamalasakit sa kanyang kadakilaan at
ikatatanghal, palibhasay ang kanyang pagdakila ang
magdadala sa iyo ng lahat mong kailangan at ang
kanyang pagtatanghal ang siya mong kabantugan at
kabuhayang walang hanggan.
Marcelo H. Del Pilar

Ang Tunay na Sampung Utos ng Diyos

Pinupuri ko sila. Silay kabataang may pagkakaisa at


paninindigan. Dapat silang magsimula: ang kanilang
pagtutol ay makatawag na ng pansin.

mula sa Fray Botod

Graciano Lopez Jaena


Inaalo ng ina ang anak, idinuyan sa mga bisig at wari
bagang ibig bigyan ng lakas ang yayat na katawan
niyon na halos takasan na ng buhay.

mula sa Impresiones

Apolinario Mabini
Paalam na, Ina, itong Pilipinas,
Paalam na, Ina, itong nasa hirap,
Paalam, paalam, Inang walang habag,
Paalam na ngayon, katapusang tawag.
-

sa Katapusang Hibik ng Pilipinas

Ang Pag-Ibig ni Andres Bonifacio


Isa si Andres Bonifacio sa mga bayaning ipinahayag ang kaniyang masidhing
pag-ibig para sa bayan sa pamamagitan ng panulat. Anong alam mo sa
buhay ng Supremo? Paanong naimpluwensiyahan ng kaniyang mga
karanasan ang damdamin ng akdang ito?

46

Talasalitaan
Upang higit mong maunawaan ang tula, bigyang-kahulugan ang ilang
mahihirap na salitang ginamit ng may akda. Hanapin ang kahulugan ng mga
ito sa loob ng kahon, at isulat sa sagutang papel ang letra ng wastong sagot.
Pagkatapos ay gamitin ang mga salitang ito sa pagbuo ng isang talata na
may kaugnayan sa tula, pagkatapos mong magbasa. Gawin sa isang buong
papel.
1.
2.
3.
4.
5.

isinisiwalat
sakbibi
itigis
tatalikdan
lumiyag

a. itapon
b. tatalikuran
c. inilabas
d. kaligayahan
e. umibig
f. matinding kalungkutan

Panitikan
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Ulit-ulitin mang basahin ng isip
At isa-isahing talastasang pilit
Ang salitat buhay na limbag at titik
Ng sangkatauhan itoy namamasid.
Banal na pag-ibig! Pag ikaw ay nukal
Sa tapat na puso ng sinot alinman,
Imbit taong-gubat, maralitat mangmang,
Nagiging dakila at iginagalang.
Pagpupuring lubos ang palaging hangad
Sa bayan ng taong may dangal na ingat;
Umawit, tumula, kumathat sumulat,
Kalakhan din niya'y isinisiwalat.
Walang mahalagang hindi inihandog
ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop;
Dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod,
Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot.

47

Bakit? Alin ito na sakdal laki,


na hinahandugan ng buong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari,
At ginugugulan ng buhay na iwi?
Ay! Ito'y ang Inang Bayang tinubuan,
Siya'y ina't tangi sa kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanag ng araw
Na nagbigay-init sa lunong katawan.
Sa kaniyay utang ang unang pagtanggap
Ng simoy ng hanging nagbibigay lunas
Sa inis ng puso na sisinghap-singhap
Sa balong malalim ng siphayot hirap.
Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan,
Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal
Mula sa masaya't gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa'y mapasalibingan.
Ang nangakaraang panahon ng aliw,
Ang inaasahang araw na darating
ng pagkatimawa ng mga alipin
Liban pa sa Bayan saan tatanghalin?
At ang balang kahoy at ang balang sanga
Ng parang nyat gubat na kaaya-aya,
Sukat ang makitat sasaalaala
Ang inat ang giliw, lumipas na saya.
Tubig nyang malinaw an anakiy bubog,
Bukal sa batisang nagkalat sa bundok,
Malambot na huni ng matuling agos,
Na nakaaaliw sa pusong may lungkot.
Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!
Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay,
Walang alaala't inaasam-asam
Kundi ang makita'y lupang tinubuan.
Pati ng magdusa't sampung kamatayan
Wari ay masarap kung dahil sa bayan
At lalong mahirap. Oh, himalang bagay!
Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay.
Kung ang bayang ito'y masasapanganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid;
Isang tawag niya'y tatalikdang pilit.

48

Dapwat kung ang bayan ng Katagalugan


Ay linapastangan at niyuyurakan
Katuwiran, puri niyat kamahalan
Ng sama ng lilong taga-ibang bayan
Di gaano kaya ang paghihinagpis
Ng pusong Tagalog sa puring nilait
Aling kalooban na lalong tahimik
Ang di pupukawin sa paghihimagsik?
Saan magbubuhat ang paghinay-hinay
Sa paghihiganti't gumugol ng buhay
Kung wala ding iba na kasasadlakan
Kundi ang lugami sa kaalipinan?
Kung ang pagkabaon n'ya't pagkabusabos
Sa lusak ng daya't tunay na pag-ayop,
Supil ng panghampas, tanikalang gapos
At luha na lamang ang pinaaagos?
Sa kaniyang anyo'y sino ang tutunghay
Na di aakayin sa gawang magdamdam?
Pusong naglilipak sa pagkasukaban
Ang hindi gumugol ng dugo at buhay.
Mangyayari kaya na ito'y malangap
Ng mga Tagalog at hindi lumingap
Sa naghihingalong inang nasa yapak
Na kasuklam-suklam sa Kastilang hamak?
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog?
Nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
Baya'y inaapi, bakit di kumilos
At natitilihang ito'y mapanood?
Hayo na nga kayo, kayong nangabuhay
Sa pag-asang lubos na kaginhawahan
At walang tinamo kundi kapaitan
Hayo na't ibigin ang naabang Bayan.
Kayong natuyan na sa kapapasakit
Ng dakilang hangad sa batis ng dibdib,
MuIing pabalungi't tunay na pag-ibig
Kusang ibulalas sa Bayang piniit.
Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak,
Kahoy n'yaring buhay na nilanta't sukat
Ng bala-balaki't makapal na hirap,
MuIing manariwa't sa Baya'y lumiyag.
49

Kayong mga pusong kusang niyurakan


Ng daya at bagsik ng ganid na asal,
Ngayon ay magbango't Baya'y itangkakal,
Agawin sa kuko ng mga sukaban.
Kayong mga dukhang walang tanging palad
Kundi ang mabuhay sa dalita't hirap,
Ampunin ang Bayan kung nasa ay lunas
Pagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.
Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig,
Hanggang sa may dugo'y ubusing itigis,
Kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
Ito'y kapalaran at tunay na langit.

Pagpapayaman
Talakayan
1. Paanong inilarawan ni Bonifacio ang pag-ibig niya sa bayan?
2. Saan maaaring ihambing ang pag-ibig na nadarama ng may-akda para sa
kaniyang bayan? Ipaliwanag. Iguhit din ang maaaring sumagisag sa pagibig na ito.
a. Maghanap ng isang tula sa kasalukuyang panahon na pag-ibig sa
bayan ang paksa. Sipiin mo ito at ihambing sa tulang isinulat ni
Bonifacio.
Gawain: Pananaliksik
Magsaliksik tungkol sa iba pang panitikang rebolusyunaryo. Anong mga
pinangarap ng mga Katipunero para sa ating tinubuang lupa? May pinagkaiba
ba ang halagahan ng Katipunan sa halagahan ng mga Kristiyano?

Panitikan
Pahayag
Emilio Jacinto
Isa iyong gabing madilim.
Wala isa mang bituing nakatanglaw sa madilim na langit ng kagimbalgimbal na gabing iyon.
Ang tahanang katatagpuan sa naturang kabataan ay natatanglawan ng
isang tinghoy, na kukurap-kurap at ang liwanag ay nanganganib nang kusang
panawan ng bhay.
50

Sa yugtong halos isuko na ng kabataan ang sarili sa matinding poot at


sa pag-iisip na kahila-hilakbot at palagiang gumigiyagis sa kaniyang puso, na
waring nakaban sa kaibuturan ngunit sapilitan nang ibinubulalas ng dibdib,
sa yugtong ito niya naramdaman ang isang mabining haplos sa isa niyang
balikat at naulinigan ang isang mahinng tinig, matamis at malungkot, na
nag-uusisa:
"Bakit ka lumuluha? Anong kirot o dalita ang dumudurog sa iyong puso
at yumuyurak at humahamak sa iyong kabataan at lakas?"
Nag-angat siya ng ulo at natigib sa panggigilalas: may kapling siy at
halos apat na hakbang ang lapit, at nabanaagan niya ang isang anino na
waring nabablot ng maputng ulap ang kabuuan.
"Ay, mahabaging anino! Ang mga pighati ko'y walang lunas, walang
katighawan.
Maaaring kung isiwalat ko sa iyo ay sabihin mo o isipin mong walang
anumang halaga. Bakit kailangan mong lumitaw ngayon upang antalahin ang
aking paghibik?"
"Hanggang kailan," sagot ng anino, "ang kamangmangan at ang
katunggakan ay magiging sanhi ng mga hirap at pasakit ng mga tao at ng
mga bayan?
"Hanggang kailan kay makasusunod magbangon pabalikwas mula sa
kabulagan ng pag-unawa tungo sa tugatog ng katwiran at adhika? Hanggang
kailan ninyo ako hindi makikilla at hanggang kailan kayo magtitiwalang
umasa na kahit wala sa aking pling ay maaaring matamo ang tunay at wagas
na ligaya tungo sa kapayapaan ng sangkalupaan?"
"Sino ka samakatwid na nagmamay-ari ng kagila-gilalas
kapangyarihan at kahanga-hangang lumitaw at nag-aalay?"

na

"Ay, sa ab ko! Diyata't hindi mo pa ako nakikilala hanggang ngayon?


Ngunit hindi ako magtataka, sapagkat mahigit nang tatlong daang taon
magmula nang dalawin ko ang tinatahanan mong lupain at kusain ng iyong
mga kababayan na sumampalataya sa mga huwad na idolo ng relihiyon at ng
mga tao, ng mga kapuwa mo nilikha, at kung kaya naglah sa inyong mga
gunita ang pagkakilala sa akin ...
"Nais mo bang malaman kung sino ako? Kung gayo'y makinig: Ako ay
ang simula ng mga bagay na higit na dakila, higit na maganda at higit na
kapuri-puri, marangal at iniingatan, na maaaring matamo ng sangkatauhan.
Nang dahil sa akin ay nalaglag ang mga ulong may korona; nang dahil sa
akin ay nawasak ang mga trono at napalitan at nadurog ang mga koronang
ginto; nang dahil sa aking adhikain ay nabigo at namatay ang sig ng Santa
Ingkisisyon na ginamit ng mga fraile para busabusin ang libo at libong
mamamayan; nang dahil sa adhikain ko'y napagkakaisa ang mga tao at
kinalilimutan ng bawat isa ang pansariling pakinabang at walang nakikta
51

kundi ang higit na kabutihan ng lahat; nang dahil sa akin ay natimawa ang
mga alipin at nahango mula sa lusak ng pagkalugami at kalapastanganan; at
napugto ang kayabangan at kayamuan ng kanilang mababangis na
panginoon; kailangan ako sa bawat naisin at lasapin ng mga bayan at sa
ilalim ng aking kalinga ay may ginhawa at biyaya at kasaganaan ang lahat,
katulad ng idinulot ko sa Hapon, Amerika, at ibang pook; nang dahil sa akin
ay umiimbulog ang diwa upang siyasatin at tuklasin ang mga hiwaga ng
siyensiya, saanmang pinaghaharian ko ay napaparam ang mga pighati at
nakasisinghap nang daglian ang dibdib na nalulunod sa pang-aalipin at
kabangisan. Ang pangalan ko ay KALAYAAN."
Nagulilat at naumid ang kabataan pagkarinig nit at pagkaraan ng
ilang saglit ay saka nakapangusap:
"Sapagkat ang mga kabutihan at biyaya mo ay walang kapantay, o
kataas-taasang Kalayaan! Papawiin ko ang pighati na nagpapabalong ng
labis-labis na luha sa aking mga mata, na ang sanhi ay hindi naiiba sa mga
pagdaralita ng aking lupang sinilangan. Kung mapagmamasdan mo ang mga
alipusta, mga pangangailangan, mga kautusang dapat tiisin at pagdusahan
ng aking bayan ay matitiyak na tutubuan ka ng awa at muling kakalingain sa
iyong magiliw at di-mapag-imbot ngunit kinakailangang pangangalaga. Ay,
ihihibik ng aking mga kapatid!
Ako, sabi nila, ay nagugutom, at siyang nagturo sa akin na pakainin
ang nagugutom ay tumugon: Kainin ang mga labi at mga mumo sa aming
masaganang mga piging, sa aming mariwasang hapag:
Sabi ng aking mga kapatid: Ako'y nauuhaw, at siyang nagturo sa
akin na painumin ang nauuhaw ay tumugon: Lagukin ang inyong mga luha at
ang pawis, sapagkat dudulutan namin kayo ng sapat na kalinga nita:
"Hibik ng aking mga kapatid: 'Wala akong damit, ganap na akong
hubad', at siyang nag-utos sa amin na damitan ang hubad ay tumugon:
Ngayon di'y babalutin ko ang buong katawan ng patong-patong na mga
tanikala:
"Sabi ng aking mga kapatid: 'Nahalay ang aking puri ng isang kura, ng
isang Kastila, ng isang mariwasa,' at ang hukom na matibay na haligi ng
hustisya ay tumutugon: 'Ang taong iyan ay tulisan, isang bandido at isang
masamang tao: ikulong sa piitan!'
"Sasabihin ng aking mga kapatid: 'Kaunting awa at kaunting lingap,' at
mabilisang tutugon ang mga maykapangyarihan at pinunong makatwiran at
mabuting loob kung mamahala: 'Ang taong iyan ay filibustero, isang kaaway
ng Diyos at ng Inang Espanya: Dalhin sa Iligan!'
"Pansinin at pagmasdang mabuti, KALAYAAN; pagmasdan at pansinin
kung dapat magdamdam ang aking puso at kung may sanhi ang pagluha ...

52

"Dapat magdamdam at lumuha," tugon ni KALAYAAN sa himig na


nangungutya at ginagagad ang mapaghimutok na paraan ng
pagsasalita."Lumuha! Lumuha ay dapat kung ang may sugat ay walang
dugong maitigis, kung ang mga sukab ay wala nang buhay na maaaring
putulin, kung tinatanggap nang ang kawalanghiyaan at katampalasanan sa
pagbitay kina Padre Burgos, Gomez, at Zamora, sa pagpapatapon kay Rizal,
ay hindi nangangailangan ng makatwiran at maagap na paghihiganti, na
maaaring mabuhay sa pling ng mga kaaway, at na may mga pagmamalabis
na dapat pang ipagmakaawa ng katubusan. Lumuha sa sariling tahanan, sa
katahimikan at kadiliman ng gabi, ay hindi ko maunawaan. Hindi ito ang
nararapat para sa isang kabataan ... hindi ito ang nararapat."
"Ano ang nais, kung gayon, ano ang dapat gawin? Kaming mga
Tagalog ay naugali na sa ganoon. Sapol pa sa sinapupunan ng aming ina ay
naturuan na kaming magdusa at magtiis sa lahat ng uri ng mga gawain,
upasala, at pagkadusta. Ano ang higit na nararapat naming gawin bukod sa
lumuha? Wala na kundi ito ang naugalian ng aming pagkukusa."
"Hindi lahat ng naugalian ay mabuti," paliwanag ni KALAYAAN, "may
masasamang kahiligan at ang mga ito'y dapat iwaksi lagi ng mga tao."
Ibig sanang tumutol ng kabataan, ngunit hindi pa niya matiyak ang
sasabihin at walang maapuhap na ipangungusap. Sa gayon ay nagpatuloy si
KALAYAAN sa pagpapaliwanag.
"Ang ipinahayag ko sa iyo ay ang katotohanan. Walang kautusan na
maaaring magpabagsak dito, sapagkat hindi maaaring ang wasto at tuwid ay
maging kalaban ng wasto at tuwid, maliban kung ito ay binaluktot.
Samakatwid, makinig ka. Noong unang panahon, noong ang karuwagan at
pagkaalipin ay hindi pa pumapalit sa magagandang naugalian ng iyong mga
ninuno, nasa lilim ko ang bayang Tagalog at nasa ilalim ng aking
pangangalaga, at siya ay maligaya at sinisimsim ang simoy na nagdudulot sa
kaniya ng buhay at lakas ng katawan; tinatanglawan ng aking liwanag ang
kaniyang pag-iisip at iginagalang siya ng mga kalapit bayan. Ngunit isang
araw, na dapat ikarimarim at isumpa, dumating ang Pang-aalipin at
nagpakilalang siya ang kagalingan, ang katwiran, at ang karampatan, at
nangako ng luwalhati sa lahat ng sasampalataya sa kaniya.
"Dumating man siyang nakabihis ng balatkayo ng kagandahan at
kabutihan, at mapayapa at magiliw sa kaniyang mga paggalaw at pagkilos, ay
nakilala ko kung sino siya. Nabatid kong ang kaligayahan ng bayan ay
nagwakas na; na ganap nang napako sa kaniya ang kapuspalad na bayan ...
at inalayan siya ng mga kapatid ng papuri at halos pagsamba ... at ako ay
nakalimutan at halos itakwil nang may pagkamuhi at...Umabot sa akin ang
iyong mga hinagpis at natigib ako sa labis-labis na dalamhati at iyon ang
dahilan ng aking pagparito. Ngayo'y dapat na akong umalis kaya't paalam
na."
53

"Huwag muna, Kalayaan," pakiusap ng kabataan nang makita siyang


tumalikod at nakahandang lumisan. "Pagbigyan mo muna ako ng kaunting
panahon. Naipaliwanag mo ang mga pagmamalabis na pinagdusahan at tiniis
ng aking bayan. Hindi mo ba sila maaaring kahabagan at ibalik sa iyong
pangangalaga?"
"Unawain akong mabuti. Bagamat hindi mo nababanggit, walang
ibang naririnig ang aking tainga at walang ibang nakikita ang aking mga mata,
sapagkat iisa ang pinagbubuhusan at dinaramdam ng aking puso at kung
kaya maagap akong dumadamay at humahanap sa mga naaapi at tuwing
may naririnig na dumaraing. Ngunit walang tao na karapat-dapat sa aking
pangangalaga at kalinga kung hindi siya pumipintuho sa akin at umiibig sa
akin, at kung wala siyang kakayahang mamatay para sa aking adhika. Maaari
mo itong ipahayag sa iyong mga kababayan o katinubuang lupa."
Halos katatapos wikain ito, noon lumamlam ang sinag ng tinghoy, na
pakurap-kurap ang ningas dahil sa kawalan ng langis ...
Kinaumagahan, nang pawiin ng kaliwanagan ng araw ang mga lagim
at karimlan ng gabi, may bagay na kumikislap sa mga mata ng kabataan na
mistulang isang nagbabagang adhika.

Pagpapayaman
Talakayan
1. Balikan ang sariling karanasan, kailan ka nakaramdam ng isang
malalim at tunay na ligaya? Totoo ba ang sinasabi ng tauhan sa
kuwento? Ipaliwanag.
2. Ano kaya ang simbolo ng manunulat sa sumusunod na pahayag?
Ipaliwanag.
a. Sabi ng aking mga kapatid: Akoy nauuhaw, at siyang nagturo sa
akin naLagukin ang inyong mga luha at pawis
b. Hibik ng aking mga kapatid: Wala akong damit, ganap na akong
hubad at siyang nag-utos sa amin na damitan ang hubad ay
tumugon: Ngayon diy babalutin ko ang buong katawan ng patongpatong na mga tanikala.
3. Ano raw ang magagawa ng pag-iyak at pagdadalamhati? Ano ang
maaaring gawin nito para sa isang tao?
4. Mula sa pananaw ni Kalayaan, bakit palaging tiyak ang pagiging wasto
at tuwid?
5. Ayon kay Kalayaan, sino ang mga karapat-dapat sa kaniyang
pagkalinga? Ipaliwanag at gumamit ng mga kongkretong halimbawa.
54

Iba Pang Anyo ng Panitikan sa Panahon ng Espanyol


Naging popular na babasahin sa ikalawang kuwarter ng ika-19 siglo ang
korido at awit. May sukat na wawaluhin ang korido habang lalabindalawahin
naman ang awit. Awit ang tanyag na Florante at Laura ni Francisco Balagtas.
Buhay din ang dula noong panahong ito. Dala ng mga Espanyol ang zarzuela
(dulang may kantahan at sayawan) pati na rin ang komedya. Ang komedya
ay patalatang dula. Nagmamartsa papasok at palabas ang mga tauhan sa
dula. May itinatampok itong batalla o labanan na may koreograpiya at
mahika.

Pangwakas na Pagtataya
1. Balikan natin ang KWHL chart na ginawa ninyo sa simula ng pag-aaral
ng panahon ng Espanyol. Talakayin ninyo sa klase ang mga sagot
ninyo sa KWHL chart. Paanong nagbago ang inyong mga pananaw at
naunawaan tungkol sa panahong ito ng ating kasaysayan? Paanong
nasalamin ng mga akda noong panahong ito ang kalagayang
panlipunan?
2. Magsaliksik tungkol sa iba pang anyo ng panitikan na lumaganap
noong Panahon ng mga Espanyol. Ibahagi sa klase ang mga
nasaliksik. Anong mga tema at damdamin ng mga akdang nasaliksik
ninyo?

55

ANG PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO


Mga Aralin

Dula
o Walang Sugat ni Severino Reyes
Maikling Kuwento
o Paglalayag sa Puso ng Isang Bata ni Genoveva Edroza Matute
Balagtasan
o Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan ni Jose Corazon de Jesus at
Florentino Collantes
Tulang Tradisyonal
o Bayan Ko ni Jose Corazon de Jesus
Tulang Modernista
o Ako ang Daigdig ni Alejandro G. Abadilla

Kaligirang Pangkasaysayan
Napunta sa kamay ng mga Amerikano ang Pilipinas noong 1898. Dahil sa
kanila nakarinig ang mga Pilipino ng balita sa radyo, nakasakay sa tranvia, at
nakakain ng cotton candy. Natuto tayo ng Ingles, nag-isip ng demokrasya, at
nalaman na ang A ay unang titik ng apple.
Tinawag tayong little brown brother ng Amerika, na sabay nagpapakita ng
pagmamahal at pagmamaliit. Pinadala ang mga Igorot sa 1904 St. Louis
World Fair at itinanghal bilang mga kawawang nakabahag at kumakain ng
aso kaya kailangang turuang maging sibilisado.
Bahagi ito ng paniniwala ng mga Amerika na itinadhana silang maghari.
Tinawag nilang Benevolent Assimilation o Mapagkalingang Pag-angkin ang
ginagawa nila. Ngunit alam ng mga Pilipino na hindi sila ganap na malaya.
Kaya ipinagpatuloy nila ang laban sa larangan ng politika, sa pamamagitan
ng armas, at sa tulong ng mga dula, tula, at kuwento noong panahong iyon.

Pagbabago sa Paksa
Natural na pumasok sa panitikan noong panahong iyon ang kulturang
Amerikano. Naging moderno ang mga paksatungkol sa mga indibidwal sa
gitna ng malalaking gusali at mga makinang mabilis ang takbo sa mga
sementadong kalsada.
Kasabay nito, naging mahalagang paksa rin ang buhay-probinsiya at mga
taong nagbubuklod upang maging isang bayan.

56

Pagbabago sa Anyo
Iba rin ang nausong porma ng panitikan pagdating ng mga Amerikano. Ang
mga dulang komedya at senakulo ay pinalitan ng sarsuwela at dulang
pantanghalan. Ang patulang larong katulad ng duplo ay naging balagtasan. At
ang mga tulang nagtataglay pa rin ng katutubong tugma at sukat ay
sinabayan ng mga tulang nasa malayang taludturan.

Ang Dula sa Panahon ng Amerikano


Bahaging-bahagi ng rebelyon ang mga manunulat ng mga panahong ito.
Pinamagatang Tanikalang Ginto ang isang dula ni Juan Abad. Pamagat pa
lang, alam na natin ang tinutukoy.
Rebolusyonaryo rin ang Kahapon, Ngayon, at Bukas ni Aurelio Tolentino.
May eksena rito kung saan kailangang kunin ng tauhang si Tagailog ang
bandilang Amerikano at apakan sa entablado. Dahil natakot ang artistang
gawin ito, si Tolentino mismo ang gumawa (Pineda 1979, 349). Dahil dito,
ikinulong siya katulad ni Abad at ng iba pang may bolpen na nagtatae sa
papel ng pamahalaan.
Ang dulang susunod ay tungkol sa giyera, pagkukunwari, at kung paanong
nagwawagi ang tunay na pag-ibig. Sinulat ito ni Severino Reyes na siya ring
nagsulat ng Mga Kuwento ni Lola Basyang. Kinikilala siya bilang Ama ng
Sarsuwelang Tagalog.

Gabay sa Pagbabasa:
1. Ano-anong detalye ukol sa Pilipinas ang makikita sa dula?
2. Ano-ano naman ang problema nina Teong at Julia?

Panitikan
Walang Sugat
Severino Reyes (1898)
buod batay sa Pineda (1979)
Unang Yugto
1
2

Nagbuburda ng mga panyolito si Julia. Darating si Teong.


Magkakayayaang magpakasal ang dalawa.
Darating si Lucas at ibabalitang dinakip ang ama ng binata.
Magpapaalam ang binata para sundan ang ama. Sasama si Julia at
ang inang nitong si Juana.
57

Maraming dumadalaw sa mga dinakip. Inaalipusta sila ng mga kura.


Tinatawag silang filibustero at mason. May hindi na makakain sa
dinanas na hirap. May namatay na.

Naroon si Kapitana Puten, ang ina ni Teong, na ibig makita ang


asawang Kapitan Inggo bugbog na sa palo.

Darating si Teong. Hindi siya hahalik sa kamay ng kura. Kagagalitan


ito ng ina. Sinabi ng binatang ang mga kamay na pumapatay sa
kapwa ay hindi dapat hagkan.

Isusumpa ni Teong na papatay siya ng mga kura kapag namatay si


Kap. Inggo. Mamamatay nga ang matanda. Magyayaya si Teong ng
mga kasama na magsikuha ng baril at gulok. Makikiusap si Julia na
huwag ituloy ni Teong ang balak dahil nag-iisa na ang ina ng binata.
Sasalakayin pa rin nina Teong ang mga kura.

Ikalawang Yugto
7

May manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman. Bugtong


na anak.

Nag-usap na ang ina ni Julia at ang ama ni Miguel tungkol sa


pagpapakasal ng dalawa. Hindi alam ni Juana ang tungkol kay Julia at
Teong. Magpapadala ang dalaga ng liham kay Teong sa tulong ni
Lucas.

Si Teong ay kapitan ng mga maghihimagsik. Walang takot sa


labanan. Matatagpuan din ni Lucas ang kuta nina Teong. Ibibigay ang
sulat ng dalaga. Isinasaad doon ang araw ng kasal nila ni Miguel.

10

Sasagutin sana ni Teong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan.


Maghahandang lumaban ang mga Katipunero.

Ikatlong Yugto
11

Sinabi ni Lucas kay Julia kung bakit hindi natugunan ni Teong ang
kaniyang liham. Nagbilin lamang ito na uuwi sa araw ng kasal.

12

Habang nanliligaw si Miguel kay Julia, si Teong pa rin ang nasa isip
ng dalaga. Ayaw niyang makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan
siya ng ina.

13

Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana.

14

Kinabukasay ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia


kay Lucas na tumakas upang pumunta kay Teong. Ngunit di alam ni
Lucas kung nasaan na sina Teong kaya walang nalalabi kay Julia
kundi ang magpakasal o magpatiwakal.

58

15

Pinayuhan ni Lucas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig


nito si Miguel ay buong lakas nitong isigaw ang Hindi po! Ngunit
tumutol ang dalaga dahil mamamatay naman sa sama ng loob ang
kanyang ina.

16

Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Teong


na sugatan, nasa punto ng kamatayan. Ipinatawag ng Heneral ng mga
Katipunero ang pari para makapangumpisal si Teong.

17

Pinakinggan ng kura ang kumpisal ni Teong. May huling kahilingan


ang binatana sila ni Julia ay makasal bago siya mamatay. Galit man
si Juana ay pumayag ito. Pumayag din si Tadeo dahil sandali na
lamang at puwede na uling ikasal si Julia at ang kaniyang anak.
Gayundin si Miguel.

18

Ikinasal sina Julia at Teong. Babangon si Teong mula sa


pagkakahiga at... Walang sugat! sigaw ni Miguel. At gayundin ang
isisigaw ng lahat. Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Teong ang
buong eksena.
Wakas

Pagpapayaman
Talakayan
1. Sa anong panahon at saan naganap ang kuwento?
2. Ilarawan sina Teong at Julia at ang kanilang relasyon.
3. Anong dalawang pag-ibig ni Teong ang humihila sa kaniya sa
magkabilang direksiyon?
4. Ano naman ang dalawang tunggalian sa kuwento ukol sa mga pag-ibig
na ito?
5. Paanong maaaring maging talinghagang rebelde ang kuwento nina
Teong at Julia?
6. Noong Panahong Amerikano, ano kaya ang nakitang kahulugan ng
mga tao sa dulang ito?
7. Sa kasalukuyang panahon, ano kaya ang sinasabi ng dula?
8. Makatarungan ba ang panlilinlang na ginawa nina Teong para
maikasal sila ni Julia? Bakit o bakit hindi?
Susunod naman ang isang sipi mula sa Ikalawang Tagpo ng Unang Yugto.
Para malasap mo rin ang mga aktuwal na tunog ng dula.

59

Gabay sa Pagbabasa:
1.
2.
3.

Panyo lamang ang pinag-uusapan nina Teong at Julia. Pero ano-ano


pa ang ibang usaping lumalabas sa diyalogo?
Paano naging tila isang laro/biruan ang pagliligawan nila?
Mas malalasap ang wika at laro ng dula kung bibigkasin. Bakit hindi
subukin?

Panitikan
Walang Sugat - Unang Yugto, Ikalawang Tagpo
Severino Reyes (1898)
1 TEONG:

Julia, tingnan ko ang binuburdahan1 mo

2 JULIA:

Huwag na Teong, huwag mo nang tingnan, masama ang


pagkakayari, nakakahiya.

3 TEONG:

Isang silip lamang, hindi ko na hihipuin, ganoon lang? ay

4 JULIA:

Sa ibang araw, pagka tapos na, oo, ipakikita ko sa iyo.

5 TEONG:

(Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na hubog


kandila, na anakiy nilalik2 na maputing garing3, ay may
yayariin kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang.

6 JULIA:

Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko.

7 TEONG:

(Nagtatampo) Ay!

8 JULIA:

Bakit Teong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka


palang mapagod.

9 TEONG:

Masakit sa iyo!

10 JULIA:

(Sarili) Nagalit tuloy! Teong, Teong(sarili) Nalulunod pala


ito sa isang tabong tubig!

11 TEONG: Ay!
12 JULIA:

(Sarili) Anong lalim ng buntonghininga! (Biglang ihahagis ni


Julia ang bastidor). (Sarili) Lalo ko pang pagagalitin.

13 TEONG: (Pupulutin ang bastidor at dla4). Julia, Julia ko. (Luluhod)


Patawarin mo ako; hindi na ako nagagalit
14 JULIA:
Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay!
1

burdadisenyong sinulid na itinatahi sa tela


lalikmakinang ginagamit sa pag-ukit
3
garingivory
4
bastidor at dalamga kagamitan sa pagbuburda
2

60

15 TEONG: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at


nakikita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang
pangalan ko.
16 JULIA:

Hindi a, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan

17 TEONG: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio; N. Narciso;


at F. ay Flores.
18 JULIA:

Namamali ka, hindi mo pangalan iyan.

19 TEONG: Hindi pala akin at kanino nga?


20 JULIA:

Sa among!5 Iyay iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng


pasko.

21 TEONG: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letray A, N, at


F?
22 JULIA:

Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin at ang F ay


Frayle.
Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Teong sa kanyang bulsa
ang posporo at magkikiskis ng maraming butil at nag-aalab na
magsasalita).

23 TEONG: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba?


Kapag hindi ko sinilaban, ay sinungaling ako mangusap
ka. Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban)
Musika No. 2
24 JULIA:

Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan.

25 TEONG: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit


at di mapigilan.
26 JULIA:

Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay


talagang iyo, sampu ng nagburdang si Juliang iniirog mo.

27 TEONG: Salamat, salamat, Juliang poon ko.


28 JULIA:

O, Teong ng puso, O, Teong ng buhay ko.

29 TEONG: Pag-iibigan tay kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi


paglingap mo sa akin kusang mamalagi huwag malimutan sa
tuwi- tuwi
Julia koy tuparin adhikain natin.
30 JULIA:
5

Tayoy dumulog sa paa ng altar.

amongbulgar na tawag sa pari

61

31 TEONG: Asahan mo.


32 SABAY:

Di mumunting tuwa ditoy dumadalaw, ano pat wari di na


mamamatay sa piling mo oh! (Teong) niyaring buhay

(Julia) maalaalang may kabilang buhay

Pagpapayaman
Talakayan
1. Ano ang ginagawa ni Teong sa talata 5?
2. Ano naman ang damdamin ni Julia sa talata 6?
3. Ano naman ang ibig sabihin ni Julia sa talata 10 sa pagsabi niyang
nalulunod si Teong sa isang tabong tubig?
4. Anong isyu ang nagsimulang lumabas sa talata 21?
5. Ano kaya ang damdamin ng musika 2 pagkatapos ng talata 23?
6. Paano tayo naihanda ng talata 32 sa mga susunod na mangyayari?
7. Ano ang paborito mong linya at bakit? Bigkasin ito.
8. Ano ang pagkakaiba at pagkakapareho ng ligawan sa dula at ligawan
sa kasalukuyang panahon? Alin ang mas ibig mo?

MAIKLING KUWENTO
Matagal nang nagkukuwentuhan ang mga Pilipino. May mga alamat at epiko
ang mga katutubo. Mayroon ding naisulat na mga kuwento ang mga
rebolusyonaryo at mga ilustrado noong panahon ng Kastila. Ngunit tinawag
lang na maikling kuwento o maikling katha ang mga ito nang dumating ang
mga Amerikano, na napag-alab dahil sa pag-usbong at paglaganap ng
teknolohiya ng imprenta.
Ang mga kuwento noong panahon bago dumating ang mga Hapon ay
karaniwang (Almario sa Matute 1992):
1.
2.
3.
4.

gumagamit ng Unang Panauhan o first person;


tumatalakay sa buhay-lungsod;
may katimpian sa pagpapahayag ng damdamin at paglalarawan;
may kalabuan ng pangyayari dahil may pagtatangkang hindi maging
lantad;
5. may paghahangad na pagandahin ang anyo;
6. malinis at tumpak ang pananagalog; at
7. nabibilang sa ibat ibang uri tulad ng pangkatutubong kulay (story of
local color), makabanghay (story of plot), makakaisipan (story of
ideas), makakapaligiran (story of atmosphere), at makatauhan (story of
character).

62

Ang susunod na maikling kuwento ay gawa ng isa sa mga pinakakilalang


pangalan sa genre na ito. Taong 1936 pa nang nalathala ang kaniyang mga
kuwento. At 1939 pa kinilala ang kaniyang kuwentong Walong Taong Gulang
bilang huwarang katha ng kaniyang panahon. Hindi man kapanahon ay
kaestilo ang susunod na kuwento ng pinakamahuhusay na kuwento ni Aling
Bebang.
Gabay sa Pagbabasa:
1. Pansinin kung paanong nagbabago at nananatiling pareho ang
pagkatao ng bata sa kuwento.
2. Pansinin din kung paano naaapektuhan ng guro at ng estudyante ang
isat isa.

Panitikan
Paglalayag sa Puso ng Isang Bata
Genoveva Edroza Matute (1947)
1

Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito


ay kung nakaligtas siya sa nakaraang digmaan ngunit ayaw kong
isiping baka hindi. Sa akin, siya'y hindi magiging isang binatang dikilala, isang ama, o isang alaala kaya ng Bataan. Sa akin, siya'y
mananatiling isang batang lalaking may-kaliitan, may kaitiman, at may
walong taong gulang.

Pagkaraan ng daan-daang tinuruan, mga sumipot, nanatiling saglit, at


lumisan pagkatapos, pagkaraan ng mga taong ang ila'y nagdumali,
ang ila'y nagmabagal at ang ila'y nakintal sa gunita, buhay na buhay
pa sa aking isipan ang kanyang mukha at ang kanyang pangalan.
Ngunit ang buhay sa lahat ay ang isang bagay na itinuro niya sa akin
isang araw nang siya ang aking maging guro at ako ang kanyang
tinuturuan.

Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin siya sa pinakapangit. Ang


bilog at pipis niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tingnan
lamang iyo'y mahahabag na sa kanya ang tumitingin. Kahit ang paraan
niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang
kakatuwang "punto" na nagpapakilalang siya'y taga-ibang pook.

Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa munti't pangit na batang ito,


kahit sa simula pa lamang. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit na
hindi siya hilingan ng gayon. Siya rin ang pinakahuling umaalis:
naglilibot muna sa buong silid upang pulutin ang mga naiiwang
panlinis. Lihim ko siyang pinagmamasdan habang inaayos niya ang
mga ito sa lalagyan, ipinipinid, at pagkatapos ay magtutungo sa likod
ng bawat hanay ng upuan upang tingnan kung tuwid ang bawat isa. At
63

sa pintuan, lagi siyang lumilingon sa pagsasabi ng "Goodbye,


Teacher!"
5

Sa simula, pinagtakhan ko ang kanyang pagiging mahiyain. Nakikita


ko siyang gumagawa nang tahimik at nag-iisa -- umiiwas sa iba.
Paminsan-minsa'y nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin upang
bawiin lamang ang kanyang paningin. Habang tinatanaw ko sa tuwing
hapon, pinakahuli sa kanyang mga kasamahan, ay naiisip kong alam
na alam niya ang kanyang kapangitan, ang nakatutuwang paraan ng
kanyang pagsasalita.

Unti-unti kong napagdugtong-dugtong ang mga katotohanan tungkol


sa kanyang buhay. Payak ang mga katotohanan: siya'y isang munting
ulilang galing sa lalawigan, lumuwas sa malaking lungsod bilang
utusan. At kalahating araw siyang pumapasok sa paaralan upang may
makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng kanyang panginoon.

Nadama ko ang kakaibang kalungkutan: Nais kong makita siyang


nakikipaghabulan sa mga kapwa-bata, umaakyat sa mga pook na
ipinagbabawal, napapasuot sa kaguluhang bahagi ng buhay ng bawat
bata. Kahit na hindi siya marunong, maging kanya lamang sana ang
halakhak at kaligayahan ng buhay-bata.

Tinatawag ko siya nang madalas sa klase. Pinagawa ko siya ng


marami't mumunting bagay para sa akin. Pinakuha ko sa kanya ang
mga tsinelas ko sa pinakahuling upuan sa silid. Naging ugali niya ang
pagkuha sa mga iyon, ang paghihiwalay sa mga iyon upang itapat sa
aking paa. Ang pagbili ng aking minindal sa katapat na tindahan,
hanggang sa hindi ko na kailangang sabihin sa kanya kung ano ang
bibilhin - alam na niya kung alin ang ibig ko, kung alin ang hindi ko
totoong ibig.

Isang tahimik na pakikipagkaibigan ang nag-ugnay sa munti't pangit na


batang ito at sa akin. Sa tuwi akong mangangailangan ng ano man,
naroon na siya agad. Sa tuwing may mga bagay na gagawin, naroon
na siya upang gumawa. At unti-unti kong nadamang siya'y lumiligaya sa paggawa ng maliliit na bagay para sa akin, sa pagkaalam na may
pagmamalasakit ako sa kanya at may pagtingin sa kanya. Nahuhuli ko
na siyang nagpapadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan
hanggang sa magkahiga-higa sa likuran ng silid. Nakikita ko na siyang
nakikipaghabulan, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal.
Nagkakandirit hanggang sa tindahang bilihan ng aking minindal. At
minsan o makalawa ko siyang nahuling nagpapalipat-lipat sa pagtapak
sa mga upuan.

10

At kung ang lahat ay wala na, kinakausap ko siya at sumasagot siya


nang pagaril sa Tagalog. At sa mga ganoong pagkakatao'y
nagmumukha siyang maligaya at ang kanyang, "Goodbye, Teacher,"
64

sa may-pintuan ay tumataginting. Sa mga ganoong pagkakatao'y


naiiwan sa akin ang katiyakang siya'y hindi na totoong napag-iisa at
hindi na totoong nalulumbay.
11

Isang mabagal na paraan ang pag-akit na iyon sa kanya at ang


pagtiyak na siya'y mahalaga at sa kanya'y may nagmamahal.

12

Napasuot na siya sa mga kaguluhang bahagi ng buhay ng bawa't bata.


Nanukso na siya sa mga batang babae. Lalo siyang naging malapit sa
akin. Lalo siyang naging maalala at mapagmahal. Maligaya na siya.

13

Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa mga


taong nagdaa'y naamin ko sa sariling ang lahat ng iyo'y aking
kasalanan. Mainit noon ang aking ulo, umagang-umaga pa. At ang
hindi ko dapat gawin ay aking ginawa -- napatangay ako sa bugso ng
damdamin. Hindi ko na magunita ngayon kung ano ang ginawa ng
batang iyon na aking ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay
ang matindi kong galit sa kanya, ang pagsasalita ko sa kanyang
ipinanliit niya sa kanyang upuan. Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa,
ang kanyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit at
pagtiyak sa kanyang siya'y mahalaga at minamahal.

14

Nang hapong iyo'y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay ng


upuan. Ngunit siya'y nagtungo sa huling upuan upang kunin ang aking
tsinelas, upang paghiwalayin ang mga iyon at itapat sa aking mga paa.
Nagtungo siya sa tindahang katapat upang bilhin ang aking minindal at
nagpaiwan siya upang likumin ang mga kagamitan sa paglilinis at
upang ayusin ang mga iyon sa lalagyan sa sulok. Pinagpantay-pantay
din niya ang mga upuan sa bawat hanay, gaya ng kanyang
kinamihasnan. Ngunit hindi siya tumingin sa akin minsan man lamang
nang hapong iyon.

15

Naisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso'y kinapopootan


niya ako ng pagkapoot na kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya
sa akin nitong mga huling buwan. Ang isa mang batang namulat sa
pag-iisa at sa kalumbayan ng pag-iisa't kawalan ng pagmamahal ay
makaaalam din sa kawalan ng katarungan. Ngayo'y paalis na siya, ang
naisip ko, nang may kapaitan sa puso.

16

Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong


kapasiyahan sa kanyang loob.

17

Nagtungo siya sa pintuan at ang kanyang mga yabag ay mabibigat na


tila sa isang matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon
lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng, "Goodbye, Teacher."
Lumabas siya nang tahimik at ang kanyang mabibigat na yabag ay
lumayo nang lumayo.

65

18

Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang itinanong
ko nang paulit-ulit sa aking sarili. Napopoot siya sa akin. At ito'y sinabi
ko rin nang paulit-ulit sa aking sarili.

19

Bukas. Marahil, kung pagpipilitan ko bukas

20

Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata'y nakita ko sa


pintuan. Ang mga mata niyang nakipagsalubungan sa aki'y may
nagugulumihanang tingin. "Goodbye, Teacher," ang sabi niya.
Pagkatapos ay umalis na siya.

21

Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin.

22

Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo, ay hindi ko na magunita


ngayon. Ang tangi kong nagugunita'y ang pagpapakumbaba ko sa
kalakhan ng puso ng munting batang yaon, sa nakatitinag na kariktan
ng kanyang kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging
guro.

Pagpapayaman
Talakayan
1.

Ano ang mga detalye mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig na


lumabas sa talata 1?
2. Ilarawan ang batang pinag-uusapan sa kuwento. Bakit siya dehado?
Bakit natutuwa ang guro sa kaniya? Ano ang kalagayan niya sa
buhay?
3. Paano naging malapit ang guro at bata sa isat isa? Ano ang
naganap na pagbabago sa bata dahil dito?
4. Ano ang nagawa ng guro? Ano ang nagbago sa kilos ng bata? Ano
ang hula ng guro na damdamin ng bata?
5. Ano kaya ang pinag-iisipan ng bata sa talata 16?
6. Ano ang naituro ng bata sa kaniyang guro sa araw na iyon?
7. Sino ang nagturo sa iyo ng ganoon ding leksyon?
8. Alin-alin sa mga pamantayan ng maikling kuwento sa itaas ang
natupad ng akdang ito? Bakit mo nasabing ganoon?
9. Anong uri kaya ito ng maikling kuwento?
10. Ipaliwanag ang pamagat.

BALAGTASAN
Parang paghinga na sa mga Pilipino ang pagtula, dala na rin ng malakas
nating tradisyong pabigkas sa panitikan. Mula pa sa mga bugtong,
salawikain, at epiko ng mga katutubo hanggang sa mga awit, korido, at
pasyon ng Panahong Kastila.

66

Sa Panahong Amerikano, lalo pang tumindi ang tradisyonal na tula.


Rumaragasang baha ang kulturang Amerikano. Dahil dito naghanap ng
kakapitan ang mga makatang Pilipino, isang punong malalim ang ugat at
hindi basta-basta mabubunot. Nahanap nila ito kay Balagtas at sa Florante at
Laura.
Matagal nang ipinagmamalaki ng mga Pilipino ang kagalingan ni Balagtas.
Kabilang sa mga ito si Jose Rizal na paulit-ulit binanggit si Balagtas sa
kaniyang Noli at nagsalita pa ukol sa Florante at Laura sa isang panayam sa
Alemanya.
Matagal na ring kinikilala ang Florante at Laura bilang akdang maka-Pilipino
at kontra-dayuhan. Kaya nang maghanap ng sandata laban sa bagong
mananakop ang mga makata noong simula ng siglo 1900, pinili nila ang
porma ng tulang ginamit ni Balagtasang Awit.
Sumusunod ang pamantayan ng pormang Awit:
1. may apat na linya;
2. bawat linya ay may 12 pantig;
3. may bahagyang hinto o sesura pagkatapos ng ika-6 na pantig ng
bawat linya;
4. kailangang magkakatugma ang apat4 na linya;
5. kailangang hindi katugma ng ika-anim na pantig ang ika-labindalawa;
at
6. madalas na magkaroon ng mga tayutay at talinghaga.
Isa sa naging bunga ng pagmamahal sa Awit ang tinatawag na Balagtasan.
Hindi si Balagtas ang nagsimula nito kundi ang mga umiidolo sa kaniya
kabilang sina Florentino Collantes at Jose Corazon de Jesus, ang tinaguriang
Hari ng Balagtasan. Sila ang nagsulat ng susunod mong mababasa. Ito ang
unang balagtasang itinanghal sa bansa, una sa napakaraming debateng
pinanood ng libo-libong Pilipino noong panahong ito.
Gabay sa Pagbabasa:
1. Mga Tauhan sa Balagtasan:
LAKANDIWAang tagapagpadaloy ng Balagtasan
PARUPARO at BUBUYOGang nagdedebate
KAMPUPOT6 o BULAKLAKang pinag-aagawan
2. Tingnan kung paanong sabay magkalaban at nasa parehong sitwasyon
ang Bubuyog at Paruparo?
3. Kung ikaw ang Kampupot, sino ang pipiliin mo?

kampupothalamang kapamilya ng sampaguita, mabango rin at maputi ang bulaklak ngunit mas
makapal ang talulot

67

Panitikan
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan
Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes (1924)
1

LAKANDIWA: Yamang akoy siyang Haring inihalal


Binubuksan ko na itong Balagtasan,
Lahat ng makatay inaanyayahang
Sa gawang pagtula ay makipaglaban.

Ang makasasaliy batikang7 makata


At ang bibigkasiy magagandang tula,
Magandang kumilos, may gata sa dila
At kung hindi ay mapapahiya.

Itong Balagtasa'y galing kay Balagtas


Na Hari ng mga Manunulang lahat,
Itoy dating Duplong tinatawag-tawag
Balagtasan ngayon ang ipinamagat.

At sa gabing itoy sa harap ng bayan


Binubuksan ko na itong Balagtasan
Saka ang ibig kong ditoy pag-usapan:
BULAKLAK NG LAHING KALINIS-LINISAN.

Tinatawagan ko ang mga makata,


Ang lalong kilabot sa gawang pagtula,
Lumitaw na kayot ditoy pumagitna
At magbalagtasan sa sariling wika.

PARUPARO: Magandang gabi sa kanilang lahat


Mga nalilimping kawal8 ni Balagtas,
Akoy paruparong may itim na pakpak
At nagbabalita ng masamang oras.

Nananawagan po, bunying Lakandiwa,


Ang uod na dating ngayoy nagmakata,
Naging paruparo sa gitna ng tula
At isang bulaklak ang pinipithya9.

Sa ulilang harding pinanggalingan ko


Laon nang panahong nagtampo ang bango,
Ngunit aywan bagat sa sandaling ito
Ay may kabanguhang binubuhay ako.

batikansanay, subok, mahusay


nalilimping kawalnatitipong sundalo
9
pithayahangad, ibig, nais
8

68

May ilang taon nang nagtampo sa akin


Ang bango ng mga bulaklak sa hardin,
Luksang Paruparo kung akoy tawagin,
mata koy luhaan, ang pakpak koy itim.

10

Bunying Lakandiwa, dakilang Gatpayo,


Yaring kasawiay pagpayuhan ninyo,
At si Lakan-ilaw ang gagamitin ko
Upang matalunton ang naglahong bango.

11

LAKANDIWA: Sa kapangyarihan na taglay ko na rin


Ikinagagalak na kayoy tanggapin,
Magtuloy po kayo at dito sa hardin,
Tingnan sa kanila kung sino at alin.

12

PARUPARO: Sa aking paglanghap ay laon nang patay


Ang bango ng mga bulaklak sa prang10,
Ngunit ang puso koy may napanagimpang11
Bulaklak ng lahing kalinis-linisan.

13

Ang bulaklak ko pong pinakaiirog


Ubod na ng gandat puti ang tallot12,
Bulaklak po ito ng lupang Tagalog,
Kapatak na luhang pangalay kampupot.

14

Kung kaya po naman di ko masansala


Ang taghoy ng dibdib na kanyang dinaya,
Matapos na siyay diligan ng luha
Nang siyay umunlad, nagtagonawala!

15

Isang dapit-hapong palubog ang araw


Sa loob ng hardin, kamiy nagtaguan,
Paruparo, anya kitay tatalian,
Akoy hanapin mot kung makitay hagkn13.

16

Isang panyong puting may dagta ng lason


Ang sa aking matay itinakip noon,
At ang Bulaklak koy bumaba sa dahon,
Nagtago pa mandin at aking hinabol.

17

Hinabol-habol ko ang bango at samyo


Hanggang makarating ako sa malayo,
At nang alisin na ang takip na panyo
Wala si Kampupot, wala yaring puso.

10

parangmalawak na kapatagan
napanagimpan--napanaginipan
12
talulotbawat hati ng bulaklak na parang dahong nakapalibot; petal sa Ingles
13
hagkanhalikan
11

69

18

Ang taguang biroy naging totohanan


Hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw,
At ang hinagpis ko noong akoy iwan,
Baliw na mistula sa pagsisintahan.

19

Sa lahat ng sulok at lahat ng panig


Ay siya ang laging laman niring isip,
Matulog man akoy napapanaginip,
Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib.

20

Sa apat na sulok ng mundong payapa


Ang aking aninoy tulang nabandila,
Paruparo akong sa matay may luha,
Ang mga pakpak koy may patak na luksa.

21

Ang sakdal kong ito, Lakandiwang mahal,


Ibalik sa akin, puso kong ninakaw,
At kung si Kampupot ay ayaw po naman,
Ay ang puso niya sa akiy ibigay.

22

BUBUYOG: Hindi mangyayari at ang puso niyay


Karugtong ng aking pusong nagdurusa,
Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha
Ang lalagutin moy dalawang hininga.

23

Pusong pinagtali ng isang pag-ibig


Pag pinaghiwalay kapanga-panganib,
Dagat mat hatiin ang agos ng tubig,
Sa ngalan ng Diyos ay maghihimagsik.

24

Ang dalawang ibon na magkasintahan,


Papaglayuin mot kapwa mamamatay,
Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay,
Bangkay ang umalis, patay ang nilisan.

25

Paruparong sawing may pakpak na itim


Waring ang mata moy nagtatakipsilim,
At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliw
Di man Kampupot moy iyong inaangkin.

26

Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo


At sa kasawiay magkauri tayo,
Ako may mayroong nawawalang bango
Ng isang bulaklak kaya naparito.

27

Buhat pa kanginang ikawy nangungusap


Bawat salita moy matulis na sibat,
Saka ang hanap mong mabangong bulaklak,
Luksang paruparo, siya ko ring hanap.

70

28

Ipahintulot mo, Paruparong luksa,


Dalitin ko yaring matinding dalita.
Itulot mo rin po, Hukom na dakila,
Bubuyog sa sawiy makapagsalita.

29

PARUPARO: Di ko pinipigil ang pagsasalaysay


Lalot magniningning ang isang katwiran,
Nguni tantuin mo na sa daigdigan
Ang bawat maganday pinag-aagawan.

30

LAKANDIWA: Magsalita kayo at ipaliwanag


Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas,
Paano at saan ninyo napagmalas
Na ito ang siya ninyong hinahanap?

31

BUBUYOG: Sa isang malungkot at ulilang hardin


Ang binhi ng isang halamay sumupling,
Sa butas ng bakod na tahanan namin
Ay kasabay akong isinisilang din.

32

Nang iyang halamay lumaki, umunlad,


Lumaki akot tumibay ang pakpak,
At nang sa butas ko akoy makalipad
Ang unang hinagkay katabing bulaklak.

33

Sa kanyang talulot unang isinangla


Ang tamis ng aking halik na sariwa,
At sa aking bulong na matalinghaga
Napamukadkad ko ang kanyang sanghaya.

34

Nang mamukadkad na ang aking kampupot


Sa araw at gabi akoy nagtatanod,
Langgam at tutubing dumapo sa ubod
Sa panibugho koy aking tinatapos.

35

Ngayon, tanda ko ngang kayoy nagtaguan


Habang akoy kanlong sa isang halaman,
Luksang paruparo nang ikawy maligaw
Ang aking halakhak ay nakabulahaw.

36

Ang inyong taguan, akala koy biro,


Kaya ang tawa koy abot sa malayo,
Nganit nang ang sayay tumagos sa puso
Sa akin man pala ay nakapagtago.

37

Lumubog ang araw hanggang sa dumilim


Giliw kong bulaklak di dumarating,
Nang kinabukasat muling nangulimlim
Ay hinanap ko na ang nawalang giliw.

71

38

Nilipad ko halos ang taas ng langit


At tinalunton ko ang bakas ng ibig,
Ang kawikaan ko sa aking pag-alis
Kung di makitay di na magbabalik.

39

Sa malaong araw na nilipad-lipad


Dito ko natunton ang aking bulaklak,
Bukong sa halik ko kaya namukadkad
Di ko papayagang mapaibang palad.

40

Luksang Paruparo, kampupot na iyan,


Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay,
Ang unang halik kong katamis-tamisan
Sa talulot niya ay nakalarawan.

41

PARUPARO: Hindi mangyayaring sa isang bulaklak


Kapwa mapaloob ang dalawang palad.
Kung ikaw at akoy kanyang tinatanggap
Nagkasagi sana ang kanitang pakpak.

42

Ikaw ay Bubuyog, sa unang sumilang


Nang makalabas kay saka mo hinagkan:
Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay,
Sino ang malapit sa pagliligawan?

43

Una muna akong nag-uod sa sanga


Na balot ng sapot ng pagkaulila,
Nang buksan ng Diyos yaring mga mata
Bulot dahon namin ay magkasama na.

44

Sa ugoy ng hangin sa madaling-araw


Nagduruyan kaming dalawa sa tangkay,
At kung bumabagyot malakas ang ulan,
Ang kanya ring dahon ang aking balabal.

45

Sa kanyang talulot kung may dumadaloy


Na patak ng hamog, aking iniinom;
Sa dahon ding iyon ako nagkakanlong
Sa init ng araw sa buong maghapon.

46

Paano ngang siya ay pagkakamalan


Na kamiy lumaki sa iisang tangkay,
Kaya nga kung akoy sa kanya nabuhay
Ibig ko rin namang sa kanya mamatay.

47

BUBUYOG: Huwag kang matuwa sapagkat kaniig


Niyaring bulaklak na inaaring langit,
Pagkat tantuin mo sa ngalang pag-ibig
Malayo mat ibig, daig ang malapit.

72

48

Saka ang sabi mong sa mutyang kampupot


Nakikiinom ka ng patak ng hamog,
Kaunting biyaya na bigay ng Diyos,
Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok.

49

Ikawy isang uod, may bulo kang taglay;


Sa isang bulaklak lasot kamatayan,
At akong bubuyog ang dala koy buhay
Bulong ng hiningang katamis-tamisan.

50

PARUPARO: Akong malapit nay napipintasan mo,


Ikaw na malayo naman kayay pano?
Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino,
Ay ubos na pala ang tamis sa bao.

51

Bubuyog na laging may ungol at bulong


Ay nakayayamot saan man pumaroon,
At ang katawan moy mayroong karayom
Pano kang lalapit, di naduro tuloy?

52

Di ka humahalik sa mga bulaklak,


Talbos ng kamote ang siya mong liyag,
Ang mga bintanay iyong binubutas,
Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab.

53

Ikaw ay bubuyog, akoy paruparo,


Iyong mga bulong ay naririnig ko;
Kung dinig ng lahat ang panambitan mo
Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo.

54

BUBUYOG: Kundi iniibig ang nakikiusap


Lalo na ang tahimik na tatapat-tapat,
Kung ang magsalitay di-magtamong-palad
Lalo na ang dungong di makapangusap.

55

Lilipad-lipad ka na payaot dito


Pasagilang-bingit, at patanaw-tao,
Pag ligaw-matanda sa panahong ito
Pagtatawanan ka ng liligawan mo.

56

Ikawy paruparo, ako ay bubuyog


Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod,
Ngunit saang panig nitong sansinukob
Nakakatuwaan ang paris mong uod?

57

Saka, Paruparo, dapat mong malamang


Sa mulat mula pay di ka minamahal,
Ang panyong panali nang ikaw ay takpan
Ikaw ang may sabing may lason pang taglay.

73

58

PARUPARO: Ganyan ang hinalang namugad sa dibdib,


Pagkat napaligaw ang aking pangmasid,
Hindi pala lasot dagta ng pag-ibig
Ang sa aking panyoy kanyang idinilig.

59

BUBUYOG: Dadayain ka ngat taksil kang talaga


At sa mga dahoy nagtatago ka pa.

60

PARUPARO: Kung akoy dinayat ikaw ang tatawa


Sa taglay kong bulo nilason na kita.

61

BUBUYOG: Pagkat ikawy taksil, akin si Kampupot.


Siyay bulaklak ko sa tabi ng bakod.

62

PARUPARO: Bulaklak nga siyat akoy kanyang uod.

63

LAKANDIWA: Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo,


Inyo nang wakasan iyang pagtatalo;
Yamang di-malaman ang may-ari nito,
Kampupot na iyay paghatian ninyo.

64

BUBUYOG: Kapag hahatiin ang aking bulaklak


Sa kay Paruparoy ibigay nang lahat;
Ibig ko pang akoy magtiis ng hirap
Kaya ang talulot niya ang malagas.

65

PARUPARO: Kung hahatiin poy ayoko rin naman


Pagkat pati akoy kusang mamamatay;
Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan
buo o wala ngunit akin lamang.

66

LAKANDIWA: Maging si Solomong kilabot sa dunong


Ditoy masisira sa gawang paghatol;
Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol,
Ngunit kung hatiiy kapwa tumututol.

67

Ipahintulot pong sa mutyang narito


Na siyang kampupot sabihin kung sino
Kung sino ang kanyang binigyan ng oo,
O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo.

68

KAMPUPOT: Ang kasintahan koy ang luha ng langit,


Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik,
At si Bubuyog pot Paruparong bukid,
Ay kapwa hindi ko sila iniibig.

69

PARUPARO: Matanong nga kita, sinta kong bulaklak,


Limot mo na baga ang aking pagliyag?
Limot mo na bagang sa buong magdamag
Pinapayungan ka ng dalawang pakpak?

74

70

KAMPUPOT: Tila nga, tila nga sa akiy mayroong


Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong,
Ngunit akala koy dahon lang ng kahoy
At di inakala na sinuman yaon.

71

BUBUYOG: At ako ba, Mutya, hindi mo na batid


Ang mga bulong kot daing ng pag-ibig,
Ang akin bang samo at mga paghibik
Na bulong sa iyoy di mo ba narinig?

72

KAMPUPOT: Tila nga, tila nga akoy may napansing


Daing at panaghoy na kung saan galing,
Ngunit akala koy paspas lang ng hangin
At di inakala na sinumat alin.

73

BUBUYOG: Sa minsang ligayay tali ang kasunod,


Makapitong lumbay o hanggang matapos.

74

PARUPARO: Dito napatunayan yaong kawikaan


Na ang paglililoy nasa kagandahan.

75

BUBUYOG at PARUPARO: Ang isang sanglang naiwan sa akin


Ay di mananakaw magpahanggang libing.

76

LAKANDIWA: Ang hatol koy ito sa dalawang hibang


Nabaliw nang hindi kinababaliwan:
Yamang ang panahon ay inyong sinayang
Kayat nararapat na maparusahan.

77

Ikaw ay tumula ngayon, Paruparo


Ang iyong tulain ay Pagbabalik mo,
At ang Pasalubong sa babaing lilo,
Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko.
(Pagkatapos tumula ni Paruparo)

78

LAKANDIWA: Sang-ayon sa aking inilagdang hatol,


Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon;
Ang iyong tulain ay ang Pasalubong
Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong.
(Pagkatapos tumula ni Bubuyog)

79

Minamahal namit sinisintang bayan,


Sa ngayoy tapos na itong Balagtasan;
At kung ibig ninyong sila ay hatulan,
Hatulan na ninyo pagdating ng bahay.

75

Pagpapayaman
Talakayan
1.
2.
3.
4.
5.
6.

7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.

15.
16.
17.

Ano-ano ang malalaman natin ukol sa kasaysayan ng Balagtasan sa


talata 3? Bakit ito kailangang ipaliwanag?
Ano ang mga katangian ng paruparo at ano ang kaniyang problema?
Lagumin ang kuwento kung paano nawala si Bulaklak kay Paruparo?
Ano ang hinihingi ni Paruparo sa talata 21?
Bakit daw hindi maaari ang hiling ni Paruparo?
Madalas makatagpo ng mga ginintuang parirala (quotable quotes) sa
mga awit at tula. Anong karunungan ang makikita sa talata 29? Sangayon ka ba rito o hindi? Bakit?
Ano naman ang kuwento ng pag-ibig ni Bubuyog?
Ano ang ginagawa ni Bubuyog sa talata 34?
Paano nagkurus/nagkita ang daloy ng kuwento nina Paruparo at
Bubuyog sa talata 35 at 36?
Ano ang mga dahilang ibinigay ng Paruparo kung bakit siya ang
karapat-dapat kay Bulaklak? Ano naman ang kay Bubuyog?
Ano ang solusyong ibinigay ni Lakandiwa sa talata 63? At ano ang
reaksiyon ng dalawa rito?
Bakit nabanggit si Solomon sa talata 66? Anong kuwento ukol sa
Haring ito ang katulad ng pinag-uusapan?
Sino raw ang gusto ni Kampupot sa talata 68?
Sa talata 73-75, bumibigkas ang Bubuyog at Paruparo ng mga
ginintuang butil mula sa Florante at Laura ni Balagtas. Ano-ano ang ito
at gaano ito katotoo para sa iyo?
Sa huli, sino ang maghuhusga kung sino ang nanalo sa Balagtasan?
Ano ang paborito mong linya/bahagi at bakit?
Paano nakatulong ang mga linya at mismong porma nitong Balagtasan
sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino?

TULANG TRADISYONAL
May mga naniniwalang kailangan nating manatiling nakaugat sa tradisyong
Pilipino para hindi matangay ng agos ng rumaragasang kulturang dayuhan.
At bahaging-bahagi raw nito ang tula. Dapat tungkol sa pag-ibig at buhaynayon. Dapat may makabayang tunguhin. Dapat panatilihin ang mga dating
anyo ng tulalalo na ang mga katutubong anyo tulad ng dalit at tanaga, at
ang anyong awit na ginamit ni Balagtas at makikita sa mga berso ng
balagtasan.
Ang susunod na tula ay isa sa pinakakilalang tulang Pilipino. Lalo pa itong
sumikat nang awitin ni Freddie Aguilar at gamitin sa mga kilos-protesta. Isa
ito sa mga kinanta sa EDSA 1986 at patuloy pa ring bumubuhay sa ating
diwang makabayan.
76

Gabay sa Pagbabasa:
1. Anong kalagayan ng bansa ang inilalarawan sa tula?
2. Anong larawan ang ginamit upang lalo pang palakasin ang mensahe?
3. Alam mo ba ang kantang ito? Pakinggan at awitin.

Panitikan
BAYAN KO
Jose Corazon de Jesus (1929)
1

Ang bayan kong Pilipinas,


Lupain ng ginto't bulaklk.
Pag-ibig ang sa kaniyang palad
Nag-alay ng ganda't dilg.14

At sa kaniyang yumi at ganda,


Dayuhan ay nahalina.
Bayan ko, binihag ka,
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad,


Kulungin mo at umiiyak!
Bayan pa kayng sakdl15 dilg,
Ang 'd magnasang makaalps?

Pilipinas kong minumutya


Pugad ng luh ko't dalita
Aking adhika:
Makita kang sakdl laya!

Pagpapayaman
Talakayan
1. Tukuyin ang tugma at sukat ng tula.
2. Sino ang nagsasalita sa tula at sino-sino ang kausap?
3. Ano ang larawang binubuo sa saknong 3 at 4 ng tula? Anong mga
salita ang bumubuo sa larawang ito?
4. Ano ang sinasabi ng talinghagang ito ukol sa kalagayan ng Pilipinas?
5. Totoo pa rin ba ito ukol sa Pilipinas ngayon? Paano o paanong hindi?
6. Ano ang pinakanagustuhan mong salita o linya? Bakit?

14
15

dilaggandang may ningning; dikit/rikit


sakdalnapaka, ubod

77

TULANG MODERNISTA
Ngunit may mga nagreklamo na masyado naman daw ang pagkapit ng ibang
makata sa tinatawag nilang makalumang gawi at paksa. Dahil daw gustong
gawing perpekto ang sukat at tugma, nakalimutan na raw ang diwa. At dahil
puro bayan ang iniisip at itinutula, nakalimutan na raw ng makata ang
kaniyang sarili.
Ganito ang sinasabi nina Alejandro G. Abadilla (o AGA) at ng kaniyang mga
tagasunod. Sila ang maaaring sabihing nagsimula ng Modernong Tula. Mga
tula itong madalas ay hindi na nakakulong sa sukat at tugma, at iniisip na ang
sarili. Hindi na nakatuon sa ideyal kundi sa totoong karanasan ng nagsusulat.
Ang susunod na tula ay ang tinatawag na manipesto ni Abadilla. Kung
magulat ka at maguluhan sa tulang ito, huwag kang mag-alala. Isipin mo na
lang ang galit at gulo at paghangang idinulot ng tulang ito noong Panahong
Amerikano.
Gabay sa Pagbabasa:
1. Ano-ano ang sinasabi ng tula ukol sa tula at sa makata?
2. Ano-ano ang kaibahan ng tulang ito sa mga tradisyonal na tula?

Panitikan
Ako ang Daigdig
Alejandro G. Abadilla (1940)
i
ako
ang daigdig
ako
ang tula
ako
ang daigdig
ang tula
ako
ang daigdig
ng tula
ang tula
ng daigdig
ako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig
78

ii
ako
ang daigdig ng tula
ako
ang tula ng daigdig
ako
ang malayang ako
matapat sa sarili
sa aking daigdig
ng tula
ako
ang tula
sa daigdig
ako
ang daigdig
ng tula
ako
iii
ako
ang damdaming
malaya
ako
ang larawang
buhay
ako
ang buhay
na walang hanggan
ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay
damdamin
larawan
buhay
tula
ako
iv
ako
ang daigdig
sa tula
79

ako
ang daigdig
ng tula
ako
ang daigdig
ako
ang tula
daigdig
tula
ako
Pagpapayaman
Talakayan
1.
2.
3.
4.
5.

Sino ang nagsasalita at sino ang kinakausap sa tula?


Ano-ano ang sinasabing relasyon ng tula at makata?
Ano-anong tradisyon o batas ang binalewala sa tula?
Bakit kaya binalewala ang mga ito?
Ngayong wala na ang lahat ng batas at tradisyon, ano na lang ang
naiwan sa tula?
6. Basahin ang huling tatlong salita ng tula. Sa ilang paraan mo ito
maaaring basahin? Ano ang nagbabago sa kahulugan depende sa
pagkakabasa/pagkakadugtong sa mga salita?
7. Ano ang paborito mong bahagi? Bakit?
8. Nakikita mo rin ba ang parehong pagnanais na lumaya sa tradisyon sa
iyong komunidad at sa iyong sarili? Paano?

Paghahambing ng Panitikan
Ikumpara pa ang dalawang tulang susunod.
Pag-ibig
Teodoro Gener
1

Umiibig ako, at ang iniibig


ay hindi ang dilag na kaakit-akit
pagkat kung talagang ganda lang ang nais,
hindi bat nariyan ang nanungong langit?

Lumiliyag ako, at ang nililiyag


ay hindi ang yamang pagkarilag-rilag
pagkat kung totoong perlas lang ang hangad...
di bat masisisid sa pusod ng dagat?
80

Umiibig akot sumisintang tunay,


di sa gandat hindi sa ginto at yaman...
Akoy umiibig, sapagkat may buhay
na di nagtitikim ng kaligayahan...

Ang kaligayahan ay wala sa langit


wala rin sa dagat ng hiwa(ga)ng tubig...
ang kaligayahay nasa iyong dibdib
na inaawitan ng aking pag-ibig...

Erotika 4
Alejandro G. Abadilla (1965)
1

Ang salitang ganday di para sa iyo,


Beybi Peys mong iyay mahahalikan ko.

Lagi kang may ngiti: ang ibig ko sana


Kahit sasandali ay maangkin kita.

Ngiti sa mata mo ay muslak na ngiti,


Ang musmos mong tawa ay lilindi-lindi.

Bakit ka ba ganyan, O, mutyang Musa ko,


Talaga bang akoy iyong tinutukso?

Sa guniguni koy kekendeng-kendeng ka,


O, aking Beybi Peys: mahal kaya kita?

Manika kang tila maring kalaruin,


Kaya itong puso ay bumabata rin.

Kaysarap-sarap mong pagkaing masarap,


Ibig kitang kaniy di kita malasap.

Ang salitang ganday di para sa iyo,


Beybi Peys mong iyay mahahalikan ko.

Talakayan
1.
2.
3.
4.

Alin ang tradisyonal? Alin ang modernista?


Ano ang pagkakaiba sa pagtrato nila sa parehong paksa?
Sino ang nagsasalita at kausap sa bawat tula?
Ano ang pagkakaiba sa porma, sukat, at tugma? Ano naman ang
pagkakapareho?
5. Ano ang pagkakaiba sa mismong sinasabi?
6. Ano naman ang bawal na ginawa/sinabi ng pangalawang tula?
7. Aling tula ang ipagmamalaki mo kung ikaw ang nagsulat? Bakit?
81

Gabay sa Pagbabasa:
1. Pag-ibig na naman ang paksa. Anong klaseng pag-ibig ng tao sa tao ang
inilalarawan?
2. Anong klaseng pag-ibig naman ng mamamayan sa kaniyang bansa?
PAG-IBIG
Jose Corazon de Jesus (1926)
1

Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha!


Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata;
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata;
Tumanda ka't nagkauban, hindi mo pa maunawa.

Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-puso!


Pag pinuso, nasa-isip, kaya't hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo'y naglalaho;
Layuan mo at kay-lungkot, nananaghoy ang pagsuyo!

Ang Pag-ibig na dakila'y aayaw nang matagalan,


Parang lintik16 kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang na halikan,
At ang ilog kung bumaha, tandaan mo't minsan lamang.

Ang Pag-ibig kapag duwag ay payapa't walang agos,


Walang talon17, walang baha, walang luha, walang lnos18!
Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod19,
Pati dangal, yama't dunong nalulunod sa pag-irog!

Ang Pag-ibig na buko20 pa'y nakikinig pa sa aral,


Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,
Ngunit kapag nag-alab na pati mundo'y nalimutan --Iyan, ganyan ang Pag-ibig, damdamin mo't puso lamang!
Kapag ikaw'y umuurong sa sakuna't sa panganib
Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip:
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig:
Pag umibig, pati hukay aariin mong langit!

Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-ibig ay di bulag;


Ang marunong umibig, bawat sugat ay bulaklak:
Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng kabiyak;
O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat!

16

lintikkidlat
talonpaglundag; agos ng tubig buhat sa itaas
18
lunospagkabagabag ng damdamin dahil sa lungkot o panghihinayang
19
anodpagsama sa agos ng tubig
20
bukobulaklak na hindi pa bumubuka; bunga ng niyog na hindi pa matigas ang laman
17

82

"Ako'y hindi makasulat at ang Nanay ay nakabantay!"


Asahan mo, katoto21 ko, hindi ka pa minamahal!
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay,
Minamahal ka na niya nang higit sa kanyang buhay!

Kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanais,


Kayong mga paruparong sa ilawan lumiligid,
Kapag kayo'y umiibig na, hahanapin ang panganib,
At pakpak ninyo'y masusunog sa pag-ibig!

Pagpapayaman
Talakayan
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.

21

Tukuyin ang sukat at tugma ng tula.


Ano ang larawan at mensahe ng bawat saknong?
Anong klaseng pag-ibig ng tao sa tao ang inilalarawan sa tula?
Ganito ba ang tunay na pag-ibig? Bakit o bakit hindi? Gamitin ang
teksto bilang patunay.
Dinig na dinig sa tula ang mensaheng makabayan. Ano-anong salita o
larawan ang bumuo nito?
Sa isang pangungusap, ano ang mensahe ng tula sa mga Pilipino
tungkol sa pag-ibig nila sa bayan?
Mahalaga pa ba ang mensaheng ito sa kasalukuyan? Bakit o bakit
hindi?
Ano ang paborito mong salita/linya/larawan/bahagi? Bakit?

katotokaibigan

83

ANG PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON


Mga Aralin

Maikling Kuwento
o Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes
Tula
o Tahimik ni Gonzalo K. Flores
o Ilang Halimbawa ng Haiku

Kaligirang Pangkasaysayan
Noong Disyembre 8, 1941, apat na oras pagkatapos bombahin ang Pearl
Harbor sa Hawaii, pinasabog din ng mga eroplanong Hapon ang Davao.
Sumunod ang Tuguegarao, Baguio, Iba, Tarlac, at Clark Field. Ganoon
nagsimula ang marahas na pagpasok ng mga Hapon sa ating bansa upang
itatag ang kanilang Greater East Asia Co-prosperity Sphere (Zaide 1956,
338).
Sinusugatan ng mga babae ang kanilang mga mukha para hindi maging
kaakit-akit sa mga sundalong Hapon (Fernandez 2013). Bayong-bayong na
pera ang kailangan para bumili sa palengke dahil sa baba ng halaga ng
Mickey Mouse Money. Pagtatanim ng kangkong sa mapuputik na lugar ang
nagligtas sa buhay ng libo-libong Pilipino dahil sa hirap ng buhay at
kakulangan ng pagkain (Agoncillo 1977, 460).
Kaligirang Pampanitikan
Ipinalaganap ang kultura at wikang Hapon sa pamamagitan ng mga paaralan
at media. At upang mabura ang mga bakas ng Kanluran, sinuportahan din
nang husto ang panitikang Tagalog. Iisa na lang ang naiwang pahayagan sa
wikang Inglesang Tribune. Namayagpag naman ang diyaryong Taliba at
ang magasing Liwayway sa tulong ni Kin-ichi Ishikawa, ang pinamahala sa
mga palimbagan nito (Pineda et al. 1979, 371). Nabayaran nang maayos ang
mga manunulat at kumalat ang kanilang mga akda sa pamamagitan ng
Liwayway. Dito lumabas ang mga maikling kuwento at tulang Tagalog na
kaestilo ng mga haiku ng Hapon (Agoncillo 1977). May mga kumikilala sa
panahong ito bilang Gintong Panahon ng Maikling Kathang Tagalog.
Tungkol sa Kuwento
Ang susunod na kuwento ay nagkamit ng Unang Gantimpala sa patimpalak
sa maikling kuwento ng Liwayway at inilathala sa kalipunang Ang 25
Pinakamabuting Katha ng 1943. Muli itong inilathala nina Abadilla, FB
Sebastian, at ADG Mariano sa kalipunang Maikling Kathang Tagalog noong
1954.
84

Gabay sa Pagbabasa
Pansinin mo ang pamagat - Lupang Tinubuan. Sa kuwento, dalawa ang
tinutukoy nito:
1. Ang Pilipinas. Pinaaalala rin ng pamagat ang pakikipaglaban ng mga
bayani para sa bayan.
2. Ang mas tiyak na lugar kung saan lumaki ang isang tao o kung saan
nanggaling ang kaniyang pamilya.
Habang nagbabasa ka, pansinin mo kung ano-anong detalye sa kuwento ang
tungkol sa Pilipinas, at kung ano-ano ang para sa lugar ng pamilya.

Gabay Tungo sa Mensahe ng Kuwento


Ikaw, saan ka lumaki? Ano ang probinsiya ng nanay mo? Ng tatay mo?
Mahalaga ba sa iyo ang mga lugar na ito? Bakit?
Ano naman ang kasaysayan ng mga lugar na tinukoy mo? Naging lugar ba
sila ng labanan laban sa mang-aapi? Alin-alin? Pinagmulan ba sila ng mga
taong namatay nang dahil sa bayan? Sino-sino?
Lupang Tinubuan
Narciso G. Reyes (1943)
1

Ang tren ay tumulak22 sa gitna ng sali-salimuot na mga ingay. Sigawan


ang mga batang nagtitinda ng mga babasahin, Tribune 23, mama,
Tribune, Taliba? Ubos na po. Liwayway, bagong labas.

Alingawngaw ng mga habilinan at pagpapaalam. Huwag mong


kalilimutan, Sindo, ang baba mo ay sa Sta. Isabel, tingnan mo ang
istasyon. Temiong, huwag mong mabitiw-bitiwan ang supot na iyan.
Nagkalat ang mga magnanakaw, mag-ingat ka! Kamusta na lang sa
Ka Uweng. Sela, sabihin mong sa Mahal na Araw na kami uuwi. Ang
pases24 mo Kiko, baka mawaglit. Maligayang Paglalakbay, Gng.
Enriquez. Ngumiti ka naman, Ben, hindi naman ako magtatagal doon
at susulat ako araw-araw. Kamusta na lamang. Paalam. Paalam.
Hanggang sa muli. Ang tren ay nabuhay at dahan-dahang kumilos.
Hs-s-ss.Tsug, tsug, tsug.

Naiwan sa likuran nina Danding ang takipsilim ng Tutuban, at silay


napagitna sa malayang hangin at sa liwanag ng umaga.

22

tulakpag-alis ng barko o tren patungo sa pupuntahan


Tribune (diyaryong Ingles), Taliba (diyaryong Tagalog), at Liwayway (magasing pampanitikan)mga
babasahin noong Panahong Hapon.
24
pasesTagalog na ispeling ng passes
23

85

Huminga nang maluwag ang kanyang Tiya Juana at ang sabi,


Salamat at tayoy nakatulak na rin. Kay init doon sa istasyon. Ang
kanyang Tiyo Goryo ay nakadungaw at nagmamasid sa mga bahay at
halaman sa dinaraanan.

Ang galaw ng makina ngayon ay mabilis na at tugma-tugma, tila pintig


ng isang pusong wala nang alinlangan. Napawing tila ulap sa isip ni
Danding ang gulo at ingay ng pag-alis, at gumitaw ang pakay ng
kanilang pag-uwi sa Malawig. Nagsasalita na naman ang kanyang Tiya
Juana, Ang namatay ay ang Tata Inong mo, pamangkin ng iyong Lola
Asyang at pinsan namin ng iyong ama. Mabait siyang tao noong siyay
nabubuhay pa.

Si Danding ay sinagian ng lungkot, bagamat hindi niya nakita


kailanman ang namatay na kamag-anak. Ang pagkabanggit sa
kanyang ama ang tumimo sa ilang bahagi ng kanyang puso, at
naglapit sa kanyang damdamin ang hindi kilalang patay. Naalala niya
na sa Malawig ipinanganak, lumaki at nagkaisip ang kanyang ama.
Bumaling siya sa kanyang Tiya Juana at itinanong kung ano ang anyo
ng nayong iyon, kung mayaman o dukha, kung liblib o malapit sa
bayan. At samantalang nag-aapuhap sa alaala ang kanyang butihing
ale ay nabubuo naman sa isip ni Danding ang isang kaaya-ayang
larawan, at umusbong sa kanyang puso ang pambihirang pananabik.

Sa unang malas, ang Malawig25 ay walang pagkakaiba sa alinmang


nayon sa Kalagitnaang Luzon. Isang daang makitid, paliku-liko,
natatalukapan ng makapal at manilaw-nilaw na alikabok. Mga puno ng
kawayan, mangga, niyog at akasya. Mga bahay na pawid, luma na ang
karamihan at sunog sa araw ang mga dingding at bubong. Pasalit-salit,
isang tindahang hindi mapagwari kung tititigan sa malapit. Doon at
dito, nasisilip sa kabila ang madalang na hanay ng mga bahay.
At sa ibabaw ng lahat, nakangiti at puno ng ningning ng umaga, ang
bughaw, maaliwalas at walang ulap na langit.

Walang maganda rito kundi ang langit, ang sabing pabiro ng kutsero
ng karitelang sinasakyan nila. Pinaglalabanan ni Danding ang sulak ng
pagkabigo sa kanyang dibdib. Hindi po naman, ang marahan niyang
tugon. Naisaloob niyang sa mga nayong tulad nito isinilang at nagsilaki
sina del Pilar, at iba pang bayani ng lahi, at sa gayong mga bukid
nagtining ang diwa ng kabayanihan ng himagsikan laban sa mga
Kastila. Ang alaalang iyon ay nakaaaliw sa kanya, nagbigay ng bagong
anyo sa lahat ng bagay sa paligid-ligid.

Kayrami pala niyang kamag-anak doon. Hindi mapatid-patid ang


pagpapakilala ng kanyang Tiya Juana. Sila ang iyong Lolo Tasyo, at
sila ang iyong Lola Ines. Ang mga pinsan mong Juan, Seling, Marya at

25

lawigtagal o haba ng panahon

86

Asyas. Ang iyong Nana Bito. Ang iyong Tata Enteng. Yukod at ngiti
rito, halik ng kamay roon. Mga kamag-anak na malapit at malayo,
tunay at hawa lamang, matatanda at mga bata. Ang lahat yata ng tao
sa bahay, buhat sa mga nangasapuno ng hagdan hanggang sa
nangasaloob ay pawang kamag-anak ni Danding. Mabuti na lamang
at likas na sarat ang ilong ko, ang naisaloob niya. Kung hindi ay
pulpol na marahil ngayon.
10

Sapagkat sila lamang ang nagsipanggaling sa Maynila, sa pagtitipong


iyon ay napako kina Danding ang pansin ng lahat. Umugong ang
kamustahan. Ang balana ay nagtanong kay Danding ng kung ano ang
lagay ng kanyang amang may sakit at ng kanyang inang siya na
lamang ngayong bumubuhay sa kanilang mag-anak. Sinulyapan ng
kanyang Tiya Juana si Danding at sinikap na saluhin ang mga tanong.
Bantd na26 siya sa pagkamaramdamin ng kaniyang pamangkin at
alam niyang ang kasawian ng ama nito ay talsalng27 na sugat sa
puso nito. Ngunit hindi niya maunahan ng pagtugon si Danding na tila
magaan ngayon ang bibig at palagay na ang loob sa piling ng mga
kamag-anak na ngayon lamang nakilala.

11

Isang manipis na dinding ng sawali ang tanging nakapagitan sa


bulwagan at sa pinakaloob ng bahay, na siyang kinabuburulan ng
patay. At sa bukas ng lagusan, na napapalamutihan sa magkabilang
panig ng mga puting kurtinang salo ng pinagbuhol na mga lasong itim,
ay walang tigil ang pagyayaot dito ng mga taong nakikiramay sa mga
namatayan at nagmamasid sa bangkay. Ngunit pagpasok na
pagpasok ni Danding ay nag-iba ang kanyang pakiramdam. Napawi sa
kanyang pandinig ang alingawngaw sa labas, at dumampi sa kanyang
puso ang katahimikan ng kamatayan. Dahan-dahan siyang lumapit sa
kabaong, at pinagmasdan ang mukha ng bangkay. Maputi, kaaya-aya
ang bukas, isang mukhang nagbabandila sa katapatan at kagitingan.
Nabakas ni Danding ang lapad ng noo, sa mga matang hindi ganap
ang pagkakapikit, at sa hugis ng ilong, ang bahagyang pagkakahawig
sa kanyang ama. Bigla siyang nakaramdam ng awa at lungkot.

12

"Hindi mo pa nababati ang Nana Marya mo, ang marahang paalala ng


kanyang Tita Juana. At ang pinsan mong si Bining, ang pabulong
pang habol. Humalik ng kamay si Danding sa asawa ng yumao, at
naupo sa tabi ni Bining, ngunit wala siyang nasabing anuman. Puno
ang kanyang puso. Pagkaraan ng ilang sandali ay umabot siya ng
isang album sa mesang kalapit, binuksan iyon, at pinagmuni-muni ang
mahiwaga at makapangyarihang kaugnayan ng dugo na nagbubuklod
ng mga tao.

26
27

bantad nasanay na, saw na


talusaling o talosalinglabis na maramdamin; balat-sibuyas; sensitibo

87

13

Pagkakain ng tanghalian ay nanaog si Danding at nagtungo sa bukid


sa may likuran ng bahay. Nakaraan na ang panahon ng paggapas, at
naimandala na ang ani. Malinis ang hubad na lupa, na naglalatang sa
init ng araw. Naupo si Danding sa ilalim ng isang pulutong ng mga
punong kawayan, at nagmasid sa paligid-ligid.

14

Hindi kalayuan, sa gawing kaliwa niya, ay naroon ang kanyang Lolo


Tasyo na nagkakayas ng kawayan. Ang talim ng matanda ay tila hiyas
na kumikislap sa araw. Tumindig si Danding at lumapit sa matanda. Si
Lolo Tasyo ang unang nagsalita.

15

Kaparis ka ng iyong ama, ang wika niya.

16

Bakit po?

17

Balisa ka sa gitna ng karamihan; ibig mo pa ang nag-iisa.

18

May mga sandali pong kailangan ng tao ang mapag-isa.

19

Ganyan din siya kung magsalita, bata pay magulang na ang isip.

20

Nasaksihan po ba ninyo ang kanyang kabataan?

21

Nasaksihan! Napahalakhak si Lolo Tasyo. Ang batang ito! Ako ang


nagbaon ng inunan ng ama mo. Ako ang gumawa ng mga una niyang
laruan. Naulila agad siya sa ama.

22

Tumayong bigla si Lolo Tasyo at itinuro ng itak ang hangganan ng


bukid. Doon siya malimit magpalipad ng saranggola noong bata pa
siyang munti. Sa kabilang pitak28 siya nahulog sa kalabaw, nang
minsang sumama siya sa akin sa pag-araro. Nasaktan siya noon, ang
akala koy hindi siya titigil sa kaiiyak.

23

Lumingon ang matanda at tiningala ang punong mangga sa kanilang


likuran. Sa itaas ng punong ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo
isang hapon, noong kainitan ng himagsikan, nang mabalitaang may
mga huramentadong29 Kastila na paparito. At doon, sa kinauupuan mo
kanina, doon niya isinulat ang kauna-unahan niyang tulaisang
maikling papuri sa kagandahan ng isa sa mga dalagang nakilala niya
sa bayan. May tagong kapilyuhan ang ama mo.

24

Napangiti si Danding. Ang dalaga po bang iyan ang naging sanhi ng


pagkakaluwas niya sa Maynila?

25

Oo, natigilan si Lolo Tasyo na tila nalalasap sa alaala ang mga


nangyari. Nahuli sila sa tabi ng isang mandala30 ng palay.

26

Nahuli po?

28

pitakbawat hating lupang naliligid ng pilapil; bawat hati ng tubigan


huramentadosinumang nadidiliman ang isip at gusto lang pumatay nang pumatay
30
mandalamalaki at mataas na bunton ng gapas na katawan ng palay na may uhay pa
29

88

27
28

Oo sa liwanag ng ilang aandap-andap na bituin.


Marami pang ibig itanong si Danding, ngunit naalala niya ang patay at
ang mga tao sa bahay; baka hinahanap na siya. Unti-unting pinutol
niya ang pag-uusap nila ni Lolo Tasyo, at iniwan ang matanda sa mga
alaala nito.

29

Ano ang pinanood mo sa bukid? ang usisang biro ng isa sa mga


bagong tuklas niyang pinsan.

30

Ang araw, ang tugon ni Danding, sabay pikit ng mga mata niyang
naninibago at hindi halos makakita sa agaw-dilim na tila nakalambong
sa bahay.

31

Ang libingan ay nasa gilid ng simbahan, bagay na nagpapagunita kay


Danding ng sumpa ng Diyos kay Adan sa mga anak nito, at ng
malungkot at batbat-sakit31 na pagkakawalay nila, na kamatayan
lamang ang lubusang magwawakas. Nagunita niya na sa maliit na
bakurang ito ng mga patay na nakahimlay ang alabok ng kanyang
ninuno, ang abang labi ng Katipunan, ng mga pag-asa, pag- ibig,
lumbay at ligaya, ng palalong mga pangarap at mga pagkabigo na
siyang pamana sa kanya ng kanyang angkan. Magaan ang pagyapak
ni Danding sa malambot na lupa, at sinikap niyang huwag masaling
maging ang pinakamaliit na halaman.

32

Handa na ang hukay. Wala nang nalalabi kundi ang paghulog at


pagtatabon sa kabaong. Ngunit ng huling sandali ay binuksang muli
ang takip sa tapat ng mukha ng bangkay, upang itoy minsan pang
masulyapan ng mga naulila. Nabasag ang katahimikan at naghari ang
impit na mga hikbi at ang mga piping panangis na higit na makadurogpuso kaysa maingay. Nabasag ang katahimikan at naghari ang impit
na mga hikbi at ang mga pag-iyak. Pinagtiim32 ni Danding ang
kanyang mga bagang, ngunit sa kabila ng kanyang pagtitimpi ay
naramdaman niyang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

33

Sandaling nag-ulap ang lahat ng kanyang paningin. Nilunod ang


kanyang puso ng matinding dalamhati at ng malabong pakiramdam na
siya man ay dumaranas ng isang uri ng kamatayan. Balisa at
nagsisikip ang dibdib ng damdaming ito, si Danding ay dahan-dahang
lumayo at nagpaunang bumalik sa bahay.

34

Ibig niyang mapag-isa kayat nang makita niyang may taong naiwan sa
bahay ay patalilis siyang nagtungo sa bukid. Lumulubog na ang araw,
at nagsisimula nang lumamig ang hangin. Ang abuhing kamay ng
takipsilim ay nakaamba na sa himpapawid. Tumigil si Danding sa tabi

31
32

batbat-sakitpuno ng sakit
tiimpagtutuong mariin ng ngiping itaas at ibaba sa pagtitimpi ng galit o sama ng loob

89

ng pulutong ng mga kawayan at pinahid ang pawis sa kanyang mukha


at liig.
35

Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos


sa nag-iinit na noo ni Danding. Huminga siya nang malalim, umupo sa
lupa, at ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang inunat niya ang kanyang
mga paa, itinukod sa lupa ang mga palad; tumingala at binayaang
maglaro sa ligalg33 niyang mukha ang banayad na hangin.

36

Kay lamig at kay bango ng hanging iyon. Unti-unti siyang pinanawan


ng lumbay at agam-agam, at natiwasay ang pagod niyang katawan. Sa
kapirasong lupang ito, na siyang sinilangan ng ama
niya, ay napanatag ang kanyang puso.

37

Palakas nang palakas ang hangin, na nagtataglay ng amoy ng lupa at


kay bango ng nakamandalang palay! Naalala ni Danding ang mga
kuwento ni Lolo Tasyo tungkol sa kanyang ama, at siyay napangiti
nang lihim. Ang pagsasaranggola sa bukid, ang pagkahulog sa
kalabaw, dalaga sa bunton ng palay, ang lahat ay nananariwa sa
kanyang gunita. Tumawa nang marahan si Danding at pinag-igi pang
lalo ang pagkakasalampak niya sa lupa. Tila isang punong kababaon
doon ang mga ugat, siyay nakaramdam ng pagkakaugnay sa bukid na
minsay nadilig ng mga luha at umalingawngaw sa mga halakhak ng
kanyang ama.

38

Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng


tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung
bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa ay napakabigat na parusa, at
kung bakit ang mga nawawalay na anak ay sumasalunga sa bagyo at
baha mauwi lamang sa Ina ng Bayan. Kung bakit walang atubiling
naghain ng dugo sina Rizal at Bonifacio.

39

Sa kabila ng mga magigiting na pangungusap ng pambihirang mga


pagmamalasakit, at ng kamatayan ng mga bayani ay nasulyapan ni
Danding ang kapirasong lupa, na kinatitirikan ng kanilang mga
tahanan, kinabubuhayan ng kanilang mga kamag-anak, kasalo sa
kanilang mga lihim at nagtatago na pamana ng kanilang mga angkan.
Muli siyang napangiti.

40

Sa dako ng bahay ay nakarinig siya ng mga tinig, at nauulinigan


niyang tinatawag ang kanyang pangalan. Dahan-dahan siyang
tumayo. Gabi na, kagat na ang dilim sa lahat ng dako. Walang buwan
at may kadiliman ang langit. Ngunit nababanaagan pa niya ang dulo
ng mga kawayang nakapanood ng paglikha ng unang tula ng kanyang
ama, at ang ilang aandap-andap na bituing saksi ng unang pag-ibig
nito.

33

ligaligdi-mapakali; naguguluhan

90

Pagpapayaman
Talakayan
1. Saan mula at saan patungo ang tren sa simula ng kuwento?
2. Ilarawan si Dandingilang taon na siya? Anong klase siyang tao? Ano
ang importante sa kaniya? Magbigay ng mga patunay mula sa
kuwento.
3. Alin-alin ang mga detalyeng tungkol sa Lupang Tinubuan bilang pinagugatan ng pamilya ni Danding?
4. Alin-alin ang mga detalyeng tungkol sa Lupang Tinubuan bilang
bayang ipinaglaban ng mga bayani?
5. Paano nagkaisa ang dalawang kahulugang ito ng Lupang Tinubuan?
Pansinin ang talata 31.
6. Ano ang sinasabi ng kuwento ukol sa pagmamahal sa bayan?
Kompletuhin ang pangungusap na ito: Ayon sa kuwento, mahalaga
ang Lupang Tinubuan dahil...
7. Mabuti na lamang at likas na sarat ang ilong ko. (talata 9) Ano pa ang
kahulugan ng hirit na ito kung titingnan na ang mensahe ng kuwento?
8. Tila isang punong kababaon doon ang mga ugat, siyay nakaramdam
ng pagkakaugnay sa bukid na minsay nadilig ng mga luha at
umalingawngaw sa mga halakhak ng kaniyang ama. (talata 37) Bakit
makasining ang pangungusap na ito? Anong larawan ang binubuo at
ano ang ipinakikita nito ukol sa relasyon ni Danding sa Lupang
Tinubuan ng kaniyang ama?
9. Basahing muli ang talata 29-30. Bakit araw raw ang tinitingnan ni
Danding? Ano kaya ang ibig sabihin nito? May kaugnayan kaya ito sa
mga bituin sa talata 27?
10. Basahin nang malakas ang talata 15-27. Paano dapat bigkasin ang
Nasaksihan! sa talata 21sigurado? sarkastiko? nakukulangan sa
salita?
11. Inilarawan ang tunog ng tren bilang pintig ng pusong wala nang
alinlangan (talata 5). Angkop ba ang paglalarawang ito sa mensahe
ng kuwento? Bakit?
12. Balikan ang talata 35. Bakit angkop ang paglalarawan sa kapayapaan
ng bukid dito?
13. Ano ang paborito mong bahagi at bakit?
14. May karanasan ka bang katulad ng kay Danding? Ano ang naiisip mo
ngayon ukol sa Pilipinas at sa sarili mong pinag-ugatan dahil sa
kuwento?
91

Tula
Nagpatuloy noong Panahon ng Hapon ang tulang:
1. matalinghaga;
2. makabayan; at
3. sumusunod sa tradisyonal at modernong anyo.
Ang sumusunod ay tulang lumabas sa Liwayway noong 22 Enero 1944.
Isinulat ito ng isa sa grupo ng mga manunulat na nagpauso ng malayang
taludturan (free verse) sa Pilipinas. Nailalathala rin ang kaniyang mga
maikling kuwento sa mga kalipunan na Mga Piling Katha (1948) at Maiikling
Katha ng 20 Pangunahing Awtor (1962).
Gabay sa Pagbabasa:
1. Maikli lang ang tula, kaya mahalaga ang bawat salita. Namnamin ang
mga ito.
2. May kakaiba rin sa porma nito.
3. Ano ang damdamin/mensaheng binubuo ng mga salita at ng porma?

Panitikan
Tahimik
Gonzalo K. Flores (1944)
tinitigan
ng palabng34 buwan
ang kuwago
sa kalansay na kamay
ng punong kapok35
Pagnamnam sa Akda:
1. Ano ang larawang nililikha ng tula? Idrowing.
2. Ano ang pakiramdam na nililikha ng tula? Anong mga salita ang
lumikha nito?
3. Ano ang kapansin-pansin sa porma ng tula? Ano ang naidagdag nito
sa mensahe at pakiramdam ng tula?
4. Bakit gabi ang nakalarawan sa tula? Bakit masasabing gabi rin sa
Pilipinas noong panahong iyon?
34
35

palbmabilog na liwanag na nasa paligid ng buwan


kapokbulak

92

5. Ano ang literal na inilalarawan ng kalansay na kamay? Bakit angkop


din ang salitang kalansay para sa Panahong Hapon?
6. Anong klaseng buwan ang tinutukoy ng salitang palaba? Ano ang
sinisimbolo ng ganitong klaseng buwan?
7. Puwede ring isipin na ang salitang-ugat ng palabang ay palaban.
Sinadya kaya ito ng may-akda? Nakatutulong ba sa tula ang posibleng
dalawang kahulugan ng salitang ito?
8. Noong Panahong Amerikano, isa sa pinakakilalang tawag sa mga
mananakop ang aves de rapia o ibong mandaragit (Agoncillo 1977,
298). May kaugnayan kaya ito sa tula? Ipaliwanag ang simbolismong
ito kung Panahong Hapon ang pinag-uusapan.
9. Nagutom ang mga Pilipino noong panahon ng Hapon. Isa sa mga
dahilan ay bulak ang tinanim sa mga dating palayan. Mas kailangan
daw ito ng mga Hapong nakikipaggiyera (Agoncillo 1977, 459). May
kaugnayan kaya ito sa tula?
10. Buwan ang nakatitig sa kuwago, hindi ang mga hayop na dinadagit ng
ibon. Paanong masasabi na panahon ang humahatol sa sitwasyon ng
Pilipinas noong Panahong Hapon? Paano naging pagbabadya ng
mangyayari noong 1945 ang tulang ito na isinulat isang taon bago
noon?
11. Sa kasalukuyan, sino ang kuwago, saan ito nakaupo, at ano ang
buwan?
Ilang Halimbawa ng Haiku
Noong panahong ito, itinakdang ituro at dakilain ang kultura at wikang Hapon
sa Pilipinas. Bilang epekto nito, nauso rin ang pagsusulat ng haikuisang
tradisyonal na pormang tula sa bansang Hapon.
Ang haiku ay isang uri ng tulang Hapon na (sa simpleng pakahulugan ay):
1. may 3 linya;
2. 5 pantig ang una at ikatlong linya, samantalang 7 pantig naman ang
pangalawa; at
3. may larawang mula sa kalikasan.
Isa sa mga pinakakilalang halimbawa ay mula kay Matsuo Basho (1686):
furu ike ya
kawazu tobikomu
mizu no oto
old pond . . .
a frog leaps in
waters sound
(salin ni Higginson 2003)
93

Matandang batis:
may palakang tumalon-tunog ng tubig.
Pansinin naman ang mga halimbawa mula kay Gonzalo K. Flores mula sa
edisyong Hunyo 1943 ng Liwayway:
Anyaya
Ulilang damo
sa tahimik na ilog.
Halika, sinta.
Talakayan
1.
2.
3.
4.
5.

Ano ang sukat ng tula?


May tugma ba?
Sino ang nagsasalita at sino ang kinakausap?
Ano ang kaibahan nito sa berso ni Basho?
Ano ang damdamin ng tula? Anong mga salita ang nagpakita nito sa
iyo?
6. Kailangan ba ang pamagat o hindi? Bakit?
Tutubi
Hila moy tabak...
ang bulaklak nanginig
sa paglapit mo.
Talakayan
1. Nasunod ba ang sukat ng haiku?
2. Sino ang nagsasalita at sino ang kinakausap?
3. Ano ang damdamin ng tula? Anong mga salita ang nagpakita nito sa
iyo?
4. Kailangan ba ang pamagat o hindi? Bakit?
5. Bukod sa insekto, may iba pa kayang posibleng paksa ang tula? Ano?
At ano ang bagong kahulugang nabubuo dahil sa bagong
interpretasyon?
6. Ano ang epekto ng haiku dahil sa ikli nito kumpara sa mas
mahahabang tula?

94

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Proyekto at Awtentikong Pagtataya sa Panitikan sa Panahon ng
Amerikano
1. Mag-isip ka ng mga kuwento/sitwasyon/larawan ng pag-ibig.
Alin sa mga ito ang posibleng may sinasabi tungkol sa bayan?
Hal. Natalo ko na ang karibal ko sa iyo. Akala ko akin ka na. Iyon pala
gusto mo lang akong gamitin para sa sarili mong hangarin.
2. Puwede rin ang kabaliktaran. Mag-isip ka ng sitwasyon ng bayan.
Paano ito katulad ng isang kuwento ng pag-ibig?
Hal. Ipinaglaban ng mga Pilipino na magkaroon sila ng sariling gobyerno.
Naging malaya na tayong mamahala sa sarili. Pero ang gobyernong
Pilipino mismo ang nanloloko sa taumbayan.
3. Gumawa ng maikling tula ukol dito. Malaya kang gumamit ng anumang
porma. Maaaring may sukat at tugma tulad ng tradisyonal na tula at awit.
Maaari ding malayang taludturan tulad ng modernistang tula.
Halimbawang tradisyonal:
Mga kamay ko, marumit duguan,
Anong tagal kitang ipinaglalaban,
Ngunit nang akalang ikay akin lamang,
Hangad mo lang palay aking kayamanan.
Halimbawang Modernista:
Noong nasa Malate ka pa,
inagaw kita sa kanila.
Hindi ka na babalik, nangako ka,
ako lang ang lagi mong kasama.
Pero bakit halik mo, katumbas ng pera?
Sa regalo ka lang lumiligaya?
Hanggang ngayon ba
isa ka pa ring
kalapating mababa ang lipad?
4. Puwedeng bigkasin sa klase ang naisulat.
Puwede ring ilagay sa isang blog. Puwede ring idaan sa maraming
pagpapakinissa tulong ng kaklase, sa tulong ng guro, sa tulong ng
grupo ng mga editor.
95

20 pts

17 pts

15 pts

12 pts

KAWASTUHAN

Wasto ang
balarila ng buo
o halos buong
akda.

Wasto ang
balarila ng
malaking
bahagi ng
akda.

May mga
pagkakamali
sa balarila
na
nakaapekto
sa bisa ng
akda.

Maraming
pagkakamali sa
balarila na
nakaapekto
nang labis
sa bisa ng
akda.

KAAYUSAN

Lohikal at
madulas ang
buo o halos
buong akda.

Lohikal at
madulas
ang
malaking
bahagi ng
akda.

Lohikal at
madulas
ang malakilaking
bahagi ng
akda.

Lohikal at
madulas
ang kalahati
o mas maliit
na bahagi
ng akda.

DATING o
ESTILO

Napakalakas ng
dating ng akda
sa madlang
pinag-uukulan.

Malakas ang
dating ng
akda sa
madlang
pinaguukulan.

May dating
ang akda sa
madlang
pinaguukulan.

Wala pang
dating ang
akda sa
madlang
pinaguukulan.

PAGHAHAIN

Nasunod nang
mabuti ang
lahat ng panuto
at kahingian ng
genre at
nahigitan pa.
Karapat-dapat
ipagmalaki sa
madla.

Nasunod
nang mabuti
ang lahat ng
panuto at
kahingian ng
genre.

Nasunod
nang mabuti
ang halos
lahat ng
panuto at
kahingian ng
genre.

Nasunod
nang
mabuti ang
ilan sa
panuto at
kahingian
ng genre.

Proyekto at Awtentikong Pagtataya sa Panitikan sa Panahon ng Hapon


Parehong tungkol sa kalikasan ang mga haiku at ang kuwentong binasa mo.
Nakita mo rin kung paanong may simpleng paglalarawan at mayroon ding
paglalarawan na may ibang kahulugan.
Mag-isip ng isang larawan mula sa kalikasan sa paligid mo o isang eksena sa
probinsiya ng pamilya mo, isang larawang may sinasabi ukol sa bayang
Pilipinas at ilagay ito sa pormang haiku.
96

Puwedeng may pamagat, pero mas magaling ang wala at buo pa rin.
Halimbawa:
1
Sa Katipunan
sa gilid ng bangketa
tumubong damo.
2
Alay kong rosas...
mula pa sa halamang
bigay ni nanay.
3
Cellphonenahulog.
Walang signal sa bundok.
Pusoy tumibok.
Ano ang larawan sa mga halimbawa?
At ano ang posibleng sinasabi ng mga ito tungkol sa bansa?
Puwede mong gamitin ang gabay na ito:
Ano ang larawang naisip mo mula sa kalikasan?
(isulat / iguhit)
Ano ang mensahe nito para sa bayan? (sa isang
pangungusap)
Ilagay sa pormang haiku.

Maaaring kolektahin sa isang kalipunan ang mga tula ng klase (parang sarili
ninyong Liwayway).
Maaari ding samahan pa ng drowing o letrato.
Maaari rin namang gawing poster at ilagay sa paligid ng klase, sa paaralan,
sa Facebook, o sa Instagram.

97

20 pts
KAWASTUHAN Wasto ang
balarila ng
buo o halos
buong akda.

17 pts
Wasto ang
balarila ng
malaking
bahagi ng
akda.

15 pts
May mga
pagkakamali
sa balarila
na
nakaapekto
sa bisa ng
akda.

12 pts
Maraming
pagkakamali
sa balarila
na
nakaapekto
nang labis
sa bisa ng
akda.

KAAYUSAN

Lohikal at
madulas
ang buo o
halos buong
akda.

Lohikal at
madulas
ang
malaking
bahagi ng
akda.

Lohikal at
madulas
ang malakilaking
bahagi ng
akda.

Lohikal at
madulas
ang kalahati
o mas maliit
na bahagi
ng akda.

DATING o
ESTILO

Napakalaka
s ng dating
ng akda sa
madlang
pinaguukulan.

Malakas ang
dating ng
akda sa
madlang
pinaguukulan.

May dating
ang akda sa
madlang
pinaguukulan.

Wala pang
dating ang
akda sa
madlang
pinaguukulan.

PAGHAHAIN

Nasunod
nang mabuti
ang lahat ng
panuto at
kahingian ng
genre at
nahigitan
pa. Karapatdapat
ipagmalaki
sa madla.

Nasunod
nang mabuti
ang lahat ng
panuto at
kahingian ng
genre.

Nasunod
nang mabuti
ang halos
lahat ng
panuto at
kahingian ng
genre.

Nasunod
nang mabuti
ang ilan sa
panuto at
kahingian ng
genre.

98

PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLAN


Mga Aralin

Dula: Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar


Mga Aspekto ng Pandiwa
Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat

Tulad ng sa iba pang panahon, malaki ang papel na ginampanan ng panitikan


sa buhay ng mga Pilipino sa Panahon ng Kasarinlan. Tumutukoy ang
panahong ito sa mga taon pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at
sa pagtatatag ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Naranasan ng mga
Pilipinong manunulat na maipahayag ang sariling damdamin at saloobin sa
pamamagitan ng mga pasalita at pasulat na akda na nagbukas sa isang
diwang makabansa.
Upang maunawaan ang konteksto ng panahong ito, magbabalik-tanaw tayo
sa mga manunulat at akdang pampanitikan na umusbong sa Panahon ng
Pananakop ng Amerikano, Komonwelt hanggang sa Panahon ng Kasarinlan
sa tulong ng isang timeline. Tingnan ang mga larawan ng manunulat sa p.
139. Kilalanin mo at piliin sa hanay A ang mga manunulat at hanay B naman
ang kanilang akda na isinulat at ilagay ito sa angkop na panahon na hinihingi
sa timeline. Gawin sa sagutang papel.
Panahon ng
Amerikano

Panahon ng
Komonwelt

Hanay A

Panahon ng
Kasarinlan

Hanay B

1. Liwayway Arceo

A. Ang Pagpupulis - Trapiko ay


Isang Sining

2. Epifanio Matute

B. Ako ang Daigdig

3. Alejandro G. Abadilla

C. Lupang Tinubuan

4. Amado V. Hernandez

D. Paglalayag sa Puso
ng Isang Bata

5. Narciso Reyes

E. Isang Dipang Langit


99

Dula: Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar


Isa sa mga akdang pampanitikan na nakilala sa panahong ito ay ang dula na
Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar. Upang mabigyan tayo ng sapat na
kaalaman tungkol sa akda, kilalanin muna natin ang anyo ng dula at si
Dionisio Salazar. Gawin din ang sumusunod:
1. Ilarawan ang mga kailangan, katangian, at hakbang ng isang dula-dulaan
(role play) o larong akting-aktingan. Ayusin ang inyong mga sagot sa
pamamagitan ng dayagram sa ibaba. Magbigay din ng isang halimbawa
ng ginawa o linahukang dula-dulaan o akting-aktingan sa loob o labas
man ng paaralan.
Dula-dulaan
o Akting-aktingan

Mga Kailangan

Mga Katangian

Mga Hakbang

Karanasan sa paglahok sa isang dula-dulaan o akting-aktingan:


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
________________
100

2. Sa tulong ng Venn Diagram, ipakita at ilahad ang pagkakaiba at


pagkakatulad ng maikling kuwento at dula. Maaaring gamitin bilang
batayan ang ginawa sa panimulang pagtataya sa araling ito. Gawin ito sa
sagutang papel.

Ang Dula
Isang tuluyan ang dula na kababakasan ng kulturang Pilipino. Ipinakikita rito
ang paraan ng pamumuhay noon hanggang sa pag-unlad nito sa
kasalukuyan, na naging pagkakakilanlan ng ating lahi. Sa Panahon ng
Kasarinlan, naipagpatuloy ng mga manunulat ang paggamit ng dula bilang
isang mabisang kasangkapan sa pagbibigay ng kamalayang panlipunan, sa
paggising ng damdamin, at sa pagpapakilos ng sambayanan.
Maliban sa sarsuwela na isa sa uri ng dulang pantanghalan na ipinakilala sa
iyo sa naunang aralin (Panahon ng Amerikano), may iba pang mga uri ang
dula. Ang dula ay isang akdang itinatanghal sa pamamagitan ng kilos at
galaw sa tanghalan. Ito ay naglalarawan ng isang kawil ng mga pangyayaring
naghahayag ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao. Gaya ng ibang
katha, ang dula ay naglilibang, pumupukaw ng damdamin, at humihingi ng
pagbabago. Higit na nakapagpapakilos ang dula kaysa ibang akda sapagkat
bukod sa naririnig ang mga salita, nakikita pa ang kilos at galaw sa
tanghalan.
101

Ang anumang uri ng dula ay binubuo ng sumusunod na sangkap:


a) tanghalan kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa isang
pagtatanghal
b) iskrip itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng
pangyayaring isinasaalang-alang o nagaganap sa isang pagtatanghal
ay naaayon sa iskrip
c) aktor gumaganap at nagbibigay-buhay sa dula; sila ang
nagpapahayag ng mga diyalogo, nagsasagawa ng mga aksiyon at
nagpapakita ng mga emosyon sa mga manonood
d) direktor nagbibigay ng interpretasyon at nagpapakahulugan sa
isang iskrip
e) manonood mga saksi o nakapanood ng isang pagtatanghal
f) eksena ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan
samantalang ang tagpo ang nagpapalit ng mga pangyayari sa dula.
Nakatulong nang malaki ang dula sa pagpapasigla at pagpapaunlad ng
panitikan sa Panahon ng Kasarinlan. Naging daan ito upang malinaw na
mailarawan nang buo ang kulturang Pilipino at kanilang pangkasalukuyang
kalagayang panlipunan. Naipakilala nila ang dula na isang mabisang
kasangkapan sa pagbibigay ng kamalayang panlipunan, sa paggising ng
damdamin at sa pagpapakilos.

Si Dionisio Salazar
Tubong-Nueva Ecija na ipinanganak noong Pebrero 8, 1919 si Dionisio
Santiago Salazar. Nagtapos ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas (kursong
AB) at Unibersidad ng Sto. Tomas (para sa kaniyang MA). Hindi matatawaran
ang kaniyang husay at galing, patunay na rito ang siyam (9) na nobelang
kaniyang isinulat at nailathala. Nagtamo siya ng ibat ibang parangal gaya ng
Carlos Palanca Award, National Balagtas Award, Dangal ng Lahi sa Dula,
Manila Cultural Heritage Award, at TOFIL Awardee for Drama and Literature.

102

Sinag sa Karimlan
Bago basahin ang dulang Sinag sa Karimlan, gawin ang sumusunod:
1. Isulat ang iyong hinuha o palagay kung ano ang ibig sabihin ng pamagat
ng akda.

Sinag sa Karimlan

Ang aking hinuha sa pamagat ay _____________________________


______________________________________________________________
______________________________________________________________
________________________________
2. Piliin sa ibaba ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasalungguhit at
gamitin sa sariling pangungusap.
a. nagbakbakan naman siguro.
Pangungusap:____________________________________________
b. masyadong kontrobersiyal
Pangungusap:_____________________________________________
c. nalalambungan ng dilim.
Pangungusap:_____________________________________________
d. paglililoy nasa kagandahan
Pangungusap:_____________________________________________
e. walang pagkukunwari
Pangungusap:_____________________________________________

103

naglabanan
pagpapanggap
natatakpan

pagtataksil
nakakubli

mainit na pinag-uusapan

SINAG SA KARIMLAN
Dionisio S. Salazar
MGA TAUHAN :
Tony, binatang bilanggo
Luis, ang ama ni Tony
Erman, Doming, at Bok, mga kapuwa bilanggo ni Tony
Padre Abena, pari ng Bilibid
Miss Reyes, nars
Isang Tanod
PANAHON: Kasalukuyan
TAGPUAN: Isang panig ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa
Muntinlupa.
ORAS:

Umaga

PROLOGO:
Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula
Moog ng katarungan Sagisag ng Demokrasya Salaming
pambudhi Palihan ng pusot diwawaterloo ng kasamaan
Hamon sa pagbabagong buhay May mga maikling gayong
dapat hubdan ng maskara at sa sinapupunan nito kailangang
iwasto ay hayut talinghagang mamamayagpag at umiiring sa
batas. Sa isang dakoy may mga walang malay na dahil sa
kasamaang-palad, kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito
humahantong; dito rin sinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan
at Katarungan Marami nang lubha ang mga pumasok at
104

lumabas dito. Walang makapagsasabi kung gaano pa karami


ang tatanggap ng kanyang tatakMay sala o wala, ang bawat
pumasok dito ay kabuuan ng isang marikit at makulay na
kasaysayan
PAGBUBUKAS ng tabing ay mabubungad ang isang bahay ng pagamutan
ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa. May anim na teheras ang
makikita rito. Ang dalawang nasa magkabilang gilid ay bakante. Sa dalawang
nasa gawing kanan ay magkaagapay si Tony (19 na taon) at si Bok (29); sa
gawing kaliwa naman ay naroroon si Mang Erman (45) at si Doming (30).
May munting durungawang nahahadlangan ng mga rehas na bakal na
makikita sa gawing likod, kalagitnaan. Hubad ang natutulog na si Tony. May
bakas ng dugo ang mga bendang nasa kanyang tiyan at kaliwang bisig. May
black eye rin siya. Si Bok na bilanggong labas-masok sa Bilibid, ay
nakakulubong may trangkaso siya. Si Mang Erman, na may apat na araw
nang naooperahan sa almoranas, ay gising at waring nag-iisip. Naka-plaster
cast naman ang isang paa ni Doming Paminsan-minsay maririnig ang
malakas ng paghilik ni Bok.
Doming

Ernan
Doming

:
:

Ernan

Doming

Ernan

Doming
Bok

:
:

Ernan
Doming
Bok

:
:
:

Doming
Bok
Doming

:
:
:

(Bibiling sa higaan, iangat ang ulo, at tatanungin si Bok)


Tipaningmayap, lakas namang mag-ilik ni Bok.
(Mangingiti) Pasensiya ka na Doming.
Kelan pa kaya lalabas dito yan, a Mang Ernan? Traga
malas hang. BABAYING. Ba, sino yan? . (Ingunguso si
Tony.)
Ewan, hatinggabi kagabi nang ipasok yan dito. Kawawa
naman. Dugu-duguan siya.
OXO seguro yan. O kaya Sigue-Sigue. Nagbakbakan
naman seguro. (Mamasdang mabuti si Tony.) Mukhang bata
pa.
At may hitsura, ang sabihin mo. (Mapapalakas ang hilik ni
Bok.)
Tipaning parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan.)
(Biglang mag-aalis ng kulubong; pasigaw) Saylens!
Magapatulog man kayo! Yawa.
Si Bok naman. Konting lamig, bigan.
Hisi lang, Tsokaran.
Tuluyan nang babangon: (matapos mag-inat at maghikab ay
susulyapan ang katabi) Nagapuyat ako kagab-i. Galaking
sugat nya. (Titingnan si Tony.) (Kikilos sa pagkakahiga at
mapapahalinghing si Tony.)
Kilala mo siya, Bok?
(Sabay iling) De-hin. Kung ibig nyo gigisingin ko
Ba, wag! (Makikitang kikilos si Tony.) O, ayan, gising na.

105

Tony

Ernan
Tony

:
:

Ernan
Tony
Ernan
Bok

:
:
:
:

Tony
Doming
Bok

:
:
:

Tony

Ernan

Bok

Doming

Tony

Ernan

Tony

(Matapos huminga ng paimpit na waring ayaw ipahalata ang


nararamdamang sakit) M-magandang umaga senyo
Gayundin sa yo. Este, ano ngang - ?
(Mauupo; mahahalatang nagpipigil pa rin sa sakit) Tony
hong pangalan ko. Tekayo! Kayo si Ginoong Ernani Alba, di
ho ba?
Ako nga.
Nababasa kong inyong mga akda. Hanga ako senyo!
Salamat, Tony.
(May pagmamalaki) ako gid, de-hin mo kilala? Di wan en
only Bok alyas Thompson Junior. Big bos ng Batsi Gang.
Marai padrino. Yeba! (Mangingiting makahulugan ang
lahat.)
(Haharapin si Doming; malumanay) Kayo?
Doming hang palayaw ko. Walang h-alyas .
(Kay Tony) OXO? Sigue Sigue? Bahala na?
(Pawang iling ang itutugon ni Tony.) Beri-gud Ginsama ka a
ming Batsi Gang, ha?
Salamat, Bok. Pero sawa na ko sa mga gang, sa mga
barkada. Dahil sa barkaday heto, magdadalawang taon na
ko dito sa Big House.
Mukhang makulay ang Puwede ba Toning kahit
pahapyaw ay ibida mo sa min ang iyong buhay?
(Bago makapangusap si Tony) Holdit, Tony boy! Bat
nagalaslas ang imong tiyan, ber? At teribol yang blakay
mo. Yawa.
(Mapapansin ang pangangasim ng mukha ni Tony)
Makakaya mo ba,Tony?
(Tatango muna bago umayos ng upo) Pumuga sina Silver
Boy kagabi. Nang hindi ako sumamay sinuntok ako. Mabuti
kanyot nailagan kong saksak dito (sabay turo sa kaliwang
dibdib), kundiy nasirang Tony na ko ngayon. Pero ang di
nailagay yung sakyod ni Pingas Nagpatay-patayan lang
ako kaya Aruy!
Sa narinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay tatlo ang
napatay. Tila lima ang patawirin. Ang ibay nahuli. (Sa sarili)
A, kalayaan, sa ngalan moy kay raming humahamak sa
kamatayan! (Kay Tony) mabutit tumanggi ka, Tony, kundiy
tay kung masakit yan ay saka na.
Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito (Hihinga muna nang
mahaba.) Mula nang madala ko rito, e nag-iba nang
takbong Naisip kong walang ibubungang mabuti ang
kasamaan Malaking utang na loob ko ke Padre Abena
sa aking pagbabago Totoo nga naman, walang utang na
hindi pinagbabayaran. Me parusa sa bawat kasalanan!
106

Ernan
Bok

:
:

Tony
Bok

:
:

Doming
Ernan

:
:

Tony

Ernan

Tony
Doming
Bok
Tony

:
:
:
:

Bok
Tony

:
:

Bok
Tony

:
:

(May paghanga) May sinasabi ka, Tony!


(Ngingiti-ngiti habang nakikinig sa pahayag ni Tony; sa himig
nagmamagaling) No dais, Tony, kun sila malalaki
naganakaw milyun-milyun, ba. Sigi lang, adre. Basta mi
lagay. Basta mi padrino!
Me relihiyon ka ba, Bok?
(Tatawa habang sumasagot; pauyam) Reliyun? Wala
kwenta yan. Hm, dami, dami nagasimba, pero ginluluko sa
kapwa. Dami gadasal, pero gin-nakaw, gin-ismagel, yawa.
Mabuti pay way na tayo maghusap tungkol sa relihiyon.
May katwiran si Doming. Ang paksang relihiyon ay
masyadong kontrobersiyal. Paris ng ibat ibang ismo, kaya
di dapat pagtalunan.
Pero, Mang Ernan, bat tayo matatakot magtalo? Kung
walang pagtatalo, walang pagkakaunawaan. Kung walang
pagkakaunawaan, walang pagkakaisa. Ang mga taong di
nagkakaisay pirming nag- aaway.
Tama yan. Ngunit ang pagtataloy dapat lamang sa taong
malaki ang puso; hindi sa mga maliit ang pinagkukunan.
Pero pinahahanga mo ako, Tony! Nag-aaral ka ba ng
batas? Ba, may kakaibang tilamsik ang iyong diwa.
Elementarya lamang ho ang natapos ko.
Kasi nga naman hasa mo habugado ka kung magsalita.
Ber, ber, mga pare! Yung istorya ni Tony!
Iimbitahin kita, Bok, isang araw, sa klase namin nila Padre
Abena. Marami kang mapupulot doon. At pakikinabangan.
Tiyak.
No ken du! Kun naytklab pa, olditaym!
(Matapos makitang handa na ang lahat sa pakikinig sa
kanya) BuwenoAkoy buhay sa sang karaniwang pamilya
sa Tundo. Empleyado si Tatay. Guwapo siya. Pero malakas
uminom ng tuba. At mahilig sa karera. Napakabait ng
Nanay ko. Kahit kulang ang iniintregang sahod ni Tatay e di
siya nagagalit, paris ng iba. Sang araw e nadiskubre ni
Nanay ang lihim ng Tatay ko; meron siyang kerida. Natural,
nag-away sila Umalis si Tatay. Iniwan kami. Awa naman
ng Diyos e natapos ko rin ang elementarya. Balediktoryan
ako
(Sisingit) Balediktoryan? Siga ka. Yeba!
(Magpapatuloy matapos ngitian si Bok) Namatay ang solo
kong kapatid na babae. Malubha si Nanay. Naospital siya
Naghahanapbuhay naman ako. Pero, kulang din, kasi mahal
ang lahat Nakakahiya pero dahil sa barkaday natuto
akong mandukot, mang-agaw, magsugal. Naglabas-masok
ako sa Welfareville Inilipat ako dito pagkatapos
107

Ernan

Tony
Doming
Tony

:
:
:

Ernan

Doming
Tony
Bok
Tony

:
:
:
:

Ernan

Tony

Ernan

Tony
Ernan

:
:

Doming
Ernan
Bok

:
:
:

Tony
Ernan

:
:

Tony

Santaon na lang ang natitira sa sentensya ko A, ang tatay


ko ang may sala ng lahat! Mabuti namat idinistino ako ni
Direktor sa ting library. Nakapagbabasa ako roon. Mahilig
akong magbasa ng
Magaling. Ang pagbabasay nakapagpapayaman ng isip.
Sabi nga ni Bacon ay Nakalilikha ng tunay na lalaki ang
pagbabasa
Mahilig din ho akong magsulat.
Teka muna, Tony! Hanong nangyari sa Tatay mo?
Mula nang umalis siyay di na namin nakita. O nabalitaan
kaya. Kinamuhian ko siya nang labis.
Huwag naman. Hindi tama yan. Ang ama ay ama
kailanman.
Kung magkita kayo, hanong gagawin mo?
Ayoko na siyang makita pa!
Gaisip ko reliyuso ka. Bat ngani?
Di ba maliwanag? Si Tatay ang nagwasak ng aming
tahanan. Siyang dahilan ng pagkaospital ni Nanay. Ng
pagkamatay ng aking kapatid ng aking pagkakaganito!
Kung sabagay ay madaling sabihing lumimot at
magpatawad. Subalit may kahirapan itong isagawa.
Gayunmay walang hindi napag-aaralan, kung talagang ibig.
Ako? Di ninyo naitatanong ay nagawa ko ring patawarin ang
mga naghangad ng aking pagbagsak.
Malaki ang inyong puso, Mang Ernan! Ma-malawak ang
saklaw ng inyong puso. Mang Ernan! Ma-malawak ang
saklaw ng iyong tingin. Pambihira kayo.
Salamat, iho. Ngunit alam mo bang ang pinakamabigat kong
kasawian ay ang di pagkakaroon ng anak?
Biyudo kayo?
Hindi, buhay ang aking asawa. Mabait siya. Maunawain.
Mapagmahal. Mapagkakatiwalaan. Pero ang mag-asawang
walang anak (Magbubuntunghininga) napaka hindi
ganap ang kanilang kaligayahan.
Hilang taon na kayo, Mang Herman?
Kwarentay singko na.
Tsiken pid! Ang akin lolo, sisenta na, gaaanak pa. (Maikling
tawanan.)
Gano na kayo katagal dito, tabi?
Nakakaisang taon na ako. May isa pa. Alam nyoy
kuwestiyon de prinsipyo ang ipinasok ko rito. Binayaran ko
lang yung multa. na sabi nga ni Bok ay tsiken pid lang ay
ligtas na ko sa pagkakabilanggo.
E bat naman kayo namultahan?

108

Ernan

Tony

Ernan

Tony

Ernan

Tony
Ernan

:
:

Tony

Ernan

Bok
Ernan

:
:

Bok

Tony
Ernan
Doming

:
:
:

Kakaiba ang aking pagkamakabayan. Isang araw ay sinunog


ng isang kapisanang pinangungunahan ko ang maraming
aklat na imoral, mga aklat kasaysayang mali-mali ang mga
ulat, mga nobela, komiks at magasin at iba pa na nakaw
lang sa iba ang nilalaman Nahabla kami. At namultahan
ng hukuman. Dahil nga sa prinsipyoy inibig ko pang
pabilanggo. Malaya naman akong nakapagsusulat dito, kung
sabagay.
Maaari ho bang paturo senyo ng pagsulat? Kay dami kong
ibig sulatin kasi, e.
Tulad ng isang beteranong mag-aalahas, agad kong
nakikilala ang batong may mataas na uri Ituturing kitang
parang tunay na anak. Mapapamahal ka rin sa king mabait
na maybahay Meron din kaming ilang ari-arian pagaaralin ka namin.
Ke buti nyo! . . . Me pangako rin si Padre Abena. Pagaaralin din daw ako. Pero nakakahiya na atang pumasok
sa klase. Baka tawanan.
Ang karunungan, iho ay walang kinikilalang edad. Ang
totooy walang katapusan itong pag-aaral ng buhay ng tao.
Ganyan din ho ang sabi ni Padre Abena, Mang Ernan.
Ang dunong ay yaman, ikaw, hagdan, kapangyarihan.
Walang marunong na nagkakaanak ng alipin.
Wala ring kuwenta ang masyadong marunong. Paris ni
Rizal, binaril
Iba ang kanyang panahon, iho. Pasalamat tayot dahil sa
kanyang pambihirang katalinuhan ay nabago ang takbo ng
ating kasaysayan. Kailangan natin ang marunong na lider,
Tony. Yaong taong matalino nay makabayan pa. Hindi
gahaman sa salapit karangalan. Hindi mapagsamantala
yaong walang colonial mentality.
Kalunyal mantiliti? Anu yun?
Diwang alipin, Bok. Pamamanginoon sa mga dayuhan.
Walang sariling paninindigan. Wal- (Kagyat na matitigil dahil
sa naririnig na takatak ng sapatos.) Bantay! (Habang
dumaraan ang may edad nang tanod ay walang imik sa
magkakasama.)
(Pagkatalikod ng tanod) Pwee, dedoso pang bu-ang! Gaisip
seguro magatakas tayo. Yawa. (Tawanan) Pano ngani?
Mi trangkaso Lumpo (Titingnan si Doming) Almoranas
(Susulyapan si Mang Ernan) Galaslas ang tiyan?
Ingunguso si Tony.Tawanan na naman.)
Maiba ko, Mang Ernan. Bat kayo naospital?
Hindi naman.
Sang tanong, Mang Ernan. Nagagawa bang makata?
109

Ernan

Tony
Ernan
Tony

:
:
:

Ernan

Doming
Ernan
Tony

:
:
:

Ernan

Tony
Ernan
Bok

:
:
:

Doming

Tony
Doming
Ernan

:
:
:

Bok
Doming

:
:

Tony

Isinisilang sila, Doming. Maalala ko nga pala! Di bat ikaw


Tony ang tumula nang dumalaw itong minsan ang
Presidente?
Ako nga ho.
Ang binigkas mong tulay
Pilipinas, ke gandang tula. Alam kong kayong gumawa
niyon.
Ibig kong malaman mo na ang tulang iyoy kasama sa
lalabas kong aklat ng mga piling tula kabilang na roon ang
mga sinulat ko rito.
Hanong pamagat?
Sinag sa Karimlan.
Sinag sa Karimlan? Wow, gandang pamagat! Bagay na
bagay sa saaa atin dito! Kelangan ng mga nasa dilim ang
sinag. Ang liwanag!
Walang taong hindi nalalambungan ng dilim. Lubhang
makapangyarihan ang karimlan! Subali naitataboy ang
dilim!
Sanay mabasa ko yon!
Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba.
(Nakahahalataan ng pagkabagot kapag pangkaisipan na
ang paksa) Ber, ber, Doming! Gin istorya mo naman pare
(Titingnan at tatanguan ng iba si Doming, bilang pag-ayon
sa pahiwatig ni Bok)
Akoy ahente ng seguro. Malakas ang aking komisyon. Sang
haraw, buat sa hisang prubinsya hay muwi ako dail sa
bagyo. Magugulat pero matutuwa ning asawa o, sabi ko. Sa
kusina hako nagdaan. Pero hanong nakita ko? Sus, hang
asawa kot matalik na kebigan hay Uling-uli ko sila.
Nagdilim hang aking tingin Binaril kong traydor nang
tumalon sa bintana Napatay ko siya. (Mapapasandal sa
dingding pagkatapos).
At nabilanggo ka dahil doon? Bakit ganon?
Hewan ko nga ba. (Magbububuntunghininga)
Nakikiramay kami sa yo, Doming. Alam mo Tony, ang
bilangguan ay hindi lamang para sa mga nagkakasala . Itoy
para rin sa mga sinamang palad. Sa mga kawawa. Sa
walang malakas na naapadrino, sabi nga ni Bok.
(May pananabik) Ber, ang imong waswas? Seksi?
Para sa hakiy siyang pinakamaganda sa ming bayan.
Kinuha syang mag-hartista. Marami kong naging karibal sa
kanya!
Tapat ang puso mot di nagunamgunam na ang paglililoy
nasa kagandahan Sino nga, Mang Ernan, ang nagsabi
niyon?
110

Ernan
Doming

:
:

Bok

Ernan

Bok
Tony
Doming
Bok
Doming
Ernan

:
:
:
:
:
:

Tony
Ernan

:
:

Tony

Ernan

Tony

Ernan

Doming

Tony

Si Balagtas, iho, ang Sisne ng Panginay


Hang sama ng loob koy yung pinakamatalik ko pang
kebigan hang (Haharapin si Tony.) Binata ka pa, Tony,
hano? Ikaw, Bok, binata rin? Wag kayong pakakasal sa
masyadong maganda.
A, pwee sa akon gano. Todas lahi sila lahat pag ako
ginaliko, hm
Kaya nga salungat ako sa sinabi ni Keats na A thing of
beauty is a joy forever. Dahil sa kagandahay daming
tahanan ang nawasak at patuloy na mawawasak. Daming
pagkakaibigang
napuputol.
Daming
kataksilang
nangyayari! Kung totoong nagbibigay ng inspirasyon ang
kagandahan, totoo ring lumalason ito. Pumapatay!
Asan ngayon ang imong misis Dom?
Magsasama kayo uli? Paglabas mo?
Indi na. Hisinusumpa ko!
Ilan ang imong anak? Sino gid gaalaga?
Wala. Yung panganay namin ay namatay sa eltor.
Tungkol sa kaibigan. Sadyang mahirap silang hanapin. Lalo
na ngayong namamayani ang diwa ng materyalismo. Ng
pagpapalaluan, pagkukunwari. Ba, kakailanganin ang
maraming Diogenes! (Dahil sa hindi lubos na maunawaan ni
Bok ang marami sa kanyang naririnig, mahihiga na siyat
magbabalot ng kumot.)
Panu hu makikilala ang tapat na kebigan?
Maraming paraan diyan. Subalit ang pinakamabuting
pagsubok ay sa mga oras ng kagipitan. Ng
pangangailangan. Nang pangungulila. Walang pagkukunwari
ang tapat na kaibigan. Lagi siyang handang magbigay.
Magpakasakit.
Paris ni Damon at Pityas, ano ho? Bat nga kaya
napakaraming mapagkunwari? Ke raming marumi na
naglilinis-linisan. At meron pang kaya lang nagbibigay e
dahil me inaasahang tubo o gantimpala. May
nagmamalukong ay kubaw; may nagmamatulis ay
pulpol.
Me kunwariy nagkakawanggawa, pero saan bay ibig lang
maperyodiko ang kanilang retrato o pangalan.
Kaya nga kaibigan natin ang moral regeneration
pagbabagong-buhay.
Napapansin kong alos pare-ong pare-o hang takbo ng hisip
mo, Tony, ke Mang Ernan.
Pwera bola, Doming! Malayong (Mauuntol ang sasabihin
dahil sa paglitaw ni Padre Abena) Aba si Padre Abena!
Magandang umaga po Padre.
111

P. Abena

Bok

Tony

P. Abena
Tony

:
:

P. Abena

Tony

P. Abena

Tony

Ernan

P. Abena

Tony

P. Abena

Tony

P. Abena

Tony
P. Abena

:
:

Magandang umaga sa inyong lahat. (Karaniwan lamang ang


taas ni Padre Abena. Isa siya sa pari ng Bilibid. Magaapatnapu na siya. Maamo ang kanyang mukha at malamig
ang tinig. Nakasutana siya. At nakasalamin habang
lumalapit) Tony, totoo bang? may sugat ka sa tiyan!... sa
braso! May blak-ay ka!
(Maliksing babangon) kondi magapatay-patayan yan, Padre
tay-pa na.
Totoo pong sabi ni Bok, Padre. Ganon nga ng ginawa ko
kaya lang iniwan ng mga tigasin.
Laking pagsisi ngayon ng mga nabigong mapupusok.
Sadyang walang unang sisi, Padre, E-e-e- pano po
ngayon, Padre maaabsen ako sa ting klase?
Ow, huwag mong intindihin yun, anak. Ikaw naman ang
pinakamarunong sa lahat, a Natutuwa akot hindi ka
naganyak sumama kagabi.
Padre, hindi ko mamantsahan ang inyong pagtitiwala sa kin!
Gayundin ang ke Direktor.
Salamat, anak. Huwag kang makalimot sa Diyos. Ang
tumatawag ay dinirinig. Ang napakupkop ay tinatangkilik.
Padre, ke buti-buti nyo! Siyanga pala, si Mang Ernay ibig
dingWala raw silang anak.
(Maagap) Totoo, padre, ang sinabi ni Tony. Gayunmay kung
may usapan na kayoy Padre, kami ng maybahay koy
labing limang taong umasa, nagnobena, namintakasi upang
magka-anak, subalitAywan ko ba kung bakit agad akong
nagkaamor kay Tony.
Talagang isa sa marami ang batang iyan. Masunurin siya.
Matulungin. Mapagkakatiwalaan at matalino. Balak ko
sanang pagpariin siya dangat ibang kurso ang kanyang ibig.
Natutuwa akot kayoy
Padre, posible po bang magkaroon ng dalawang amaamahan?
Bakit hindi? Mabuti ngang gayon at maraming titingin sa yo.
Pagdating naman ng araw ay kagustuhan din ng tatay mo
ang mangyayari.
(Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Padre. Sinabi ko na
senyong wala na akong Tatay!
Ikaw ang masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng iyong
nasugatang damdamin. May lambong ka pa ng karimlang
A, di na nga bale. Maiba ako, malalim bang naging sugat
mo, Tony?
Sabi ng doktor e di naman daw napinsala ang aking bituka.
Mabuti kung gayon. Buweno, huwag kang masyadong
maggagagalaw at nang hindi dumugo. (Sa bahaging itoy
112

P. Abena

Lahat
Tony

:
:

Ernan

Tony

Ernan

Bok

Tony

Bok
Ernan
Bok

:
:
:

aalingawngaw ang isang malakas na pagpapagibik buhat sa


ibang panig ng ospital. Matatahimik ang lahat at makikinig
sana) Tubig! Tubig! Mamamatay na ko sa uhaw! Tubiggg!
Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang
nagpapagibik na yon. (Susundan ito ng alis.)
Adyos, Padre.
(Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at nagkaroon ang bilibid ng
paring tulad niya Matutupad din ang pangarap kong
makapag-aral kung sakali
Sadyang mabait si Padre Abena. Sanay paris niya ang lahat
ng alagad ng pananampalataya Pero, tingnan mo, Tony:
sa karamihan ng kanyang gawain ay hindi mo siya
makakapiling sa lahat ng oras, samantalang ako Tuturuan
kita ng pagtula. Ng pagsulat. Pananalumpati. Pag-aaralin
kita hanggang ibig mo. Kailangan naming mag-asawa ang
tagapagmana.
Paumanhin ho, Mang Ernan Bukod sa makata, ano ho
ban
A, akoy peryodista. Propesor din ako sa isang unibersidad
sa Maynila. Kaanib sa ilang samahang pangwika,
pangbayan, pangkultura May malaki akong aklatan
magugustuhan mo . Guro naman sa piyano ang aking
maybahay. Magkakasundo kayo. Teka, ayan nang ating
butihing anghel! (Titigil sa pagsasalita pagkatanaw sa
pumapasok na nars. Magbibigay galang ang lahat. Ilalapag
ng simpatikat batang-batang nars ang lalagyan ng mga
gamot. Isa-isa niyang titingnan ang temperatura ng naroong
apat na pasyente. Hindi iintindihin ang may paghangat
pagnanasang tinging iniuukol sa kanya lalo na si Bok.
Alam niyang sa kaharian ng mga lalaki, ang pangit mang
babae ay nagiging pulot gata. Aalis siya pagkabigay ng
kaukulang gamot sa mga may karamdaman.)
(pagkatalikod ng nars) Wow! Talagang da-magan si Miss
Reyes! Kung magaibig lang siya ngani sa akon, pero
ginsama ang akon record. Yawa.
Bok, si San Agustin, bago naging santo ay naging isang
pusakal munang magnanakaw Tandaan mo to, Bok. Higit
na marangal ang masamang bumuti kaysa mabuting
sumama.
Galalim man ang imong Tagalog!
Malay natin, baka maging santo ka rin, Bok (Tawanan)
(Matatangay na rin ng biruan) Tama ka Mang Ernan. San
Bok (pagdadaupin ang mga palad sa tapat ng dibdib,
titingala ng bahagya at pipikit) santo santo gid ng mga
holdaper!... Nakakahiya, yawa. (Tawanan na naman.)
113

Ernan

Bok

Doming

Tanod
Tony
Tanod
Tony
Tanod

:
:
:
:
:

Doming
Tony
Tanod
Tony

:
:
:
:

Ernan
Doming
Bok

:
:
:

Tony

Ernan

Pwera biro, napansin kong may ibig sabihin ang tinginan ni


Tony at Miss Reyes. Lalaban ako ng pustahan na
(Haharapin si Tony.) Magtapat ka Tony, may
pagkakaunawaan na kayo ni Miss Reyes, ano? (Ngingiti
lamang ng makahulugan si Tony at ang palihim na pagsangayon sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay ay mapapansin
din nina Bok at Doming.)
Jackpot ka, Tony boy! Tsk, tsk, talaga man materyales
pwerte si Miss Reyes. Inggit ako sa imo.
Listo! Ayan na naman hang-tay-ban! (Darating ang dati ring
tanod.)
(Sa may pintuan) Antonio Cruzada!
(Itataas ang kanang kamay) Sir!
Miron kang bisita, ading.
Bisita? Asan, Sir? Sino ho siya? Kilala ba nyo sir?
(Iiling at susulyapan si Mang Ernan) Siguro sing, idad sa
kanya.
Kuwarentay singko.
Papunta na ba rito, sir?
Wen ading. (Aalis. Lalabas sa pintuang pinapasukan.)
(Kunut-noo) Sino kaya yon? Ba, siya ang una kong dalaw
sa loob ng dalawang taon.
Baka Tatay mo na yun, Tony
Baka naman hisang kamaghanak.
(Mapapabangon na naman) Gwapo bang imong derpa?
Paris mo Tony?
(Dahil sa pag-iisip ay hindi mauunawaan ang tanong ni Bok;
sa sarili) Pano niya malalamang narito ako? Anim na
taon! City Jail Welfareville Muntinlupa Imposible!
Hindi. Hindi maaaring siya! (Halos pasalubong) Huwag Mo
pong itulot, Diyos ko!
Sino manyon ay may kapit siya. Kung diy di siya
makatutuloy dito. Ayun! Siya na siguro yung dumarating!
(Papasok si Mang Luis, ang ama ni Tony. Kasama niya ang
dating tanod. May kataasan si Mang Luis, nakasalamin siya
ng may kulay. Mababasa sa kanyang anyo na siyay
dumanas o dumaranas ng maraming suliranin. Isang manhid
na barong tagalog ang kanyang suot. Sunog ang kanyang
balat, gayon may halata rin ang kanyang kagandahang
lalaki. Mag-aapatnapu pa lamang siya subalit mukha nang
lilimampuin. Pagagalain niya ang kanyang sabik na
paningin. Pagkunwat ituturo naman ng tanod para sa kanya
ang pinaghahanap na hindi kaagad mamumukhaan.
Pagtatama ng kanilang tingin ang anaki nakatanaw ng multo

114

Luis

Luis

Luis

Tony
Luis
Tony

:
:
:

Luis

Tony

Luis

Tony

si Tony. Akibat ng matinding tuwa at pananabik ay pasugod


na lalapit ang ama sa anak.)
(Madamdamin) Tony, anak ko! (Walang imik na
pagyayapos ang tila natatandaang si Tony. Magpapalipatlipat ang kamay ng naluluha sa galak na ama sa buong
katawan ng mutyang anak. Pagkaraan ng ilang saglit sa
gayong ayos ay pabigla at walang kibong magwawala si
Tony. Kahit nakararamdam ng kirot at tatayo siyat uurong
ng ilang hakbang. Tutop niya ang sugat sa tiyan. Tiim ang
kanyang mga bagang, may apoy sa mata at iaalon ang
kanyang dibdib. Mapapansin ni Mang Luis ang mga sugat at
black-eye niya.)
Anak ko, napano ka? (Hindi rin tutugon si Tony. Patuloy ang
pananalim ng kanyang sulyap, ang panginginig ng kanyang
ugat sa kalamnan ng kanyang panga, ang paninikip ng
kanyang dibdib. Samantalay walang kibuan ang lahat,
bagaman mataman silang nagmamasid at nakikiramdam.)
Tony, magsalita ka, anak ko. Hindi ka ba natutuwang akoy
makita? Pagkaraan ng may anim na taon? (Buhat sa
kinatatayuan ay hindi rin iimik o titinag si Tony. Unti-unti
siyang lalapitan ng ama.)
Huwag! Huwag kayong lalapit! Huwag!
(Matitigil!) Anak, di mo ba Ako ang Tatay mo
(Palibak) Tatay? Hm, ang nakilala kong amay anim na
taon nang p-p patay! Sayang lang ang inyong pagod!
(Lalapit pa ng isang hakbang; titigil) anak, patawarin mo
ko
Inuulit ko: wala na akong ama! (Lilingon sa gawi ng
bintana.) Mula nang iwan nyo kami dahil sa sang
(Magpapatuloy na hindi alumana ang sinabi ng ama) Dahil
sa keriday sapin-saping hirap ang aming dinanas lalo
nang aking Nanay Pati pag-aaral koy natigil Anong
gagawin ko? Me sakit si Nanay Me sakit si Baby
Nagkasangla-sangla kami At nang lumaoy wala nang ibig
magpautang sa min Sang araw e napilitan akong
Nang-agaw ako ng bag. Nahuli ako. Nagmakaawa ako at
pinatawad naman. Subalit nang dumating ako sa amin
ay (mababasag ang tinig) patay nang kapatid ko! Sa
tulong
(Nahihilam na sa luha) Tony, husto na! U-utang na loob
A-a alam ko nang lahat!
(Hindi rin papansinin ang samo ng ama) Sa tulong ng mga
kapitbahay e nailibing din si Baby Naospital si Nanay
Walang ibig kumupkop sa kin Baka raw me T.B. rin ako
Akoy naging kanto boy, nabarkada, hanggang Natuto ako
115

Bok
Tony

:
:

Luis
Tony
Luis

:
:
:

Tony
Luis

:
:

Tony
Luis

:
:

Tony

Luis

Tony
Luis

:
:

Tony

Luis

ng ibat ibang paraan ng pagnanakaw Natikman kong


matulog nang walang unan magtago sa ilalim ng tulay
(Mabilis na papatlang) Tsiken pid yan, Tony!
(Wawalaing bahala si Bok) Subalit me wakas ang lahat
Mula sa city jail e nalipat ako sa Welfareville. Naglabasmasok ako ron Nang magdisiotso akoy heto
Magdadalawang taon na ko rito (Hihinga ng mahaba at
malalim. Tutop pa rin ng kaliwang kamay ang sugat. Biglang
haharapin nang tuwiran ang lumuluhat mistulang korderong
ama. Makapangyarihan.) Kayo na dapat kong tawaging ama
ay tinatanong ko: Mangyayari kaya ang nangyari sa ming
mag-iina kung kayoy tumupad senyong tungkulin?
H-hindi ko na hindi ko na kayo iiwan K-k kelanman!
Pangako, hm Daling sabihin, daling sirain
Nagbalik ako upang upang pagsilbihan kayo
habambuhay
(Patuya) Bat di kayo bumalik senyong magandang kerida?
(Lipos pagpapakumbaba) Iniwan nya ako ang taksil!
nang hindi ko na masunod ang kanyang kapritso Salamat
sa kanyang ginawa at nagliwanag ang nalabuan kong isip.
Ngayoy
Huli na ang lahat!
Ang sakit mong magsalita, anakalam mo bang limang
buwan kitang pinaghahanap? At nang malaman kong
narito kay nilakad kong Nangako si Senador Bigat na
mabibigyan ka ng parole.
(Dahil sa ibang iniisip ay hindi maunawaan ang huling sinabi
ng ama) Ewan ko kung si Nanay e buhay pa o patay na.
(Pasigaw naman) Kayo! Kayo ang sanhi ng kanyang
kasawian! Aru-aruuuyyy!
Buhay ang nanay mo, anak. Nagkita na kami. Magaling na
siya.
(Magliliwanag ang mukha) Buhay! Salamat sa Diyos!
(Hindi mapapansin ang sariwang dugo sa kamay ni Tony)
Pinatawad na nya ako. At nagkasundo nga kaming hanapin
kita. Anak, magsama-sama tayong muli!
Mahal ko si Nanay, ngunit kayo Ibig ko pang mamatay
kesa sumama sa senyo!
(Mawawala ang pagtitimpi at paghaharian ng damdamingama. Isang matinding sampal ang ibibigay kay Tony).
Durugo ang bibig ng huli. Sa bahaging itoy nganingani nang
lundagin ni Bok si Mang Luis dangat makakambatan siya ni
Mang Ernan na huwag manghimasok. Sa sandaling itoy
nakatalikod naman at nasa may labas ang tanod.
Mapagwawaring ang nagawang kabiglaan, mabilis na
116

Tony

Ernan

Tony
Ernan

:
:

Tony
Bok

:
:

Doming

Bok
Ernan

:
:

Tony

lalapitan ang anak. Iigtad naman si Tony.) Patawarin mo ko,


anak!
(Matapos pahirin ng likod ng palad ang dumudugong bibig)
Lalo lamang ninyong pinalalayo ang ating daigdig! (Mabilis
na tatalikod.)
(Tigib-pagsisisi at panunumbat sa sarili, walang malamang
gawin o sabihin si Mang Luis. Naroong pisilin ang mga
kamao;
naroong
muling
tangkaing
lapitan
ang
nagmamalaking anak; tanawin sina Mang Ernan na parang
nagpapahabag at nagpapatulong. Wala namang imikan ang
nangamamasid. Pagkuway walang kibong lalabas. Titigil sa
may pintuan. Titigil sa may pintuan upang lingunit pagukulan ng may pagmamahal sa titig si Tony. Wala namang
kamalayan ang nagugulumihanan ding si Tony sa mga
ikinikilos ng kanyang ama. Muling babalikan ni Mang Luis
ang nakatungong bunso subalit hindi maisasagawa ang
balak na pagyapos dito. Mapapabuntunghininga na lamang
at tiim-bagang na aalis. Magkakatitigan sina Mang Ernan,
Bok at Doming. Pagkalipas ng ilang saglit ay dahan-dahang
nauupo sa gilid ng kanyang teheras si Tony. Kagat niya
nang mariin ang kanyang labi.)
(Malumanay subalit madamdamin) Ang buhay, Tony, ay
batbat ng ibat ibang uri ng pagsubok. Ang tagumpay, kaya
lalong tumitingkad ay dahil sa kakambal na pagpapakasakit.
Ang lalaking tumatakbo sa mga pagsubok at hamon ng
tadhana ay pinagtatampuhan ng tagumpay.
Mang Ernan, kayo man ang nasa lugar koy
Nauunawan kita, iho. (Titindig at aakbayan si Tony.
Mahihipo ang dugong nagmumula sa sugat sa tiyan.)
Dumudugo ang sugat mo! (Kay Bok) Pakitawag mo nga ang
doktor(Kay Tony) Mabutiy mahiga ka. Siguroy maaampat
yan.
(Habang nahihiga) Walang anuman ito Mang Ernan.
(Nakaupo pa rin subalit nakabalabal na ng kumot) Hm
tsiken pid yan.
Sabagay, hakuman yang nasa lugar ni Toniy hewan ko
nga ba
Bilib gid ako sa imo Gas-mati ka. Y-y-yeba! .
(Habang bumabalik sa kanyang teheras; sa sarili) A, kung
masusunod lamang ng mga tao ang Panalangin ni San
Francsico ng Asisi, sanay
(Biglang mapapabangon pagkarinig sa tinuran ni Mang
Ernan) Pagkaganda-ganda nga ng Panalangin ni San
Francisco Bathala, gawin Ninyo akong kasangkapan
Kung saan may galit
117

Ernan

Tony

Ernan

Bok
Doming

:
:

Nars

Tony

Nars

Tony

Nars

Tony

P. Abena

Tony
Bok

:
:

P. Abena

Tony

(Maagap) Bayaang nakapaghasik ako ng pag-ibig. Ang


isang maganda pang bahagiy yung Nasa pagbibigay
ang ating ikatatanggap nasa pagpapatawad ang ating
kapatawaran
(Mabilis) Mang Ernan Madali ngang sabihing Lumimot at
magpatawad, ano ho? Pero, ar ruyyy (Mapipikit at
aasim ang mukha. Hahawakan ang sugat sa tiyan.)
(Makikitang sa pag-aangat ng kamay ni Tony ay punungpuno yaon ng dugo) Tony! (Kagyat na nalalapitan ang binata
at pagyayamanin.) Doming! Bok! Pakitawag nyung doktor!
O nars! Madali kayo!
(Hindi pa rin mababakla; hindi titinag) Bals wals yan!
(Patikudtikod na lalabas subalit doon pay sisigaw na) Nars!
Nars! Narrsss! (Muling darating ang nars na nakarinig sa
malakas na sigaw ni Doming. Agarang lalapatan ng
pampaampat ng dugo ang sugat ni Tony. Samantalang
nagagamutan sila ay siya namang paglitaw sa may pintuan
ng magkasamang P. Abena at Mang Luis. Walang imik
silang magmamasid.)
Sariwa pang sugat mo, kaya huwag ka munang magsalita
nang malakas. At huwag kang maggagalaw ha, Tony?
Paglabas ko ritoy pupunta ko senyong bahay, ha, Lyd? A,
Miss Reyes pala!
Sabi nat puwera muna ang salita. Pag sinuway mo koy
Sige ka, hm
Okey. (Pipikit dapwat muling didilat. Masusulyapan si P.
Abena. Magpapalitan sila ng ngiti.)
O, hayan, tapos na. Be good, ha, Tony? Promise? Tatango
ang binata; hahanda siya sa pag-alis.)
Maraming salamat, L-Ly Miss Reyes. Hindi kita malilimot
kelanman! Alam mo na iyan matagal na. (Hindi pa rin
nakikita ni Tony ang ama sapagkat natatakpan ito ng
papalapit na pari.)
Magkakilala pala kayo ni Miss Reyes Mabait at masipag
ang batang yan. Paris mo
Siya nga po ang babaing handa kong
(Makahulugan ang ngiti) tingin koy ayos na silang dalwa,
Padre.
Hindi masama, pabor ako. (Saglit na titigil; kay Tony, sa
ibang tinig) Anak, ang tatay moy nagkita kami. Nakiusap
siyang (Malilimutan ang lahat; mapapabagong biglat puputulin ang
pagsasalita ng kausap) Padre! Na naman? (Hindi
mangungusap si P. Abena. Marahan na lang siyang
mapapailing; subalit maagap namang maaalayan si Tony. Si
118

Nars

Tony
Nars

:
:

P. Abena

Mang Luis naman, naroon pa rin sa may pintuan, ay


mapapabuntung-hiningat mapapakagat labi sa namamalas
na katigasan ng anak. Mauuntol ang balak niyang paglapit.
Si Miss Reyes naman na hindi pa tuluyang nakakalayo ay
magaganyak na manood sa tagpong yaong may pangako ng
kapanabikan. Lalapitan si Tony at masuyong pagsasabihan.)
Tony, di bat sabi ko sayoy huwag ka munang gagalaw
pagkat makasasama sa yo?
Patawarin mo ko, Ly este, Miss Reyes.
(Tatanguan si Tony) Patatawarin kita pero sa uli-uliy Sige,
higa na. (Susunod na sana si Tony subalit magkakatama
ang tingin nilang mag-ama. Matagal silang magkakatinginan.
(Makahulugan)
Anak,
tamo
si
Miss
Reyes,
nakapagpapatawad (Hindi tutugon si Tony. Mapapatango
siya. Ganap na katahimikan. Walang kakurap-kurap, at
halos hindi humihinga sina Mang Ernan sa pagmamasid sa
nangyayaring dula sa silid na yaon. Sa pagtaas ng mukha ni
Tony ay makikitang may luha sa kanyang pisngi.
Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Dahan-dahan siyang
lalapit sa bunsong ngayoy nakayupyop sa bisig ni Padre
Abena. Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng
butihing pari ang ulo ni Tony at siyay unti-unting uurong
upang mabigyan ng ganap na kalayaan ang mag-ama.
Ngayoy may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony. May
kakaiba ring ngiting dumurungaw sa kanyang mapuputlang
labi. At sa isang kisap-matay mayayapos siya ng kanyang
ama. Masuyo, madamdamin, mahaba ang kanilang
pagyayakap. Katulad ng dalawa, mapapaluha rin ang lahat.
Maging ang may bakal na pusong si Bok ay mapapakagatlabit mapapatungo nang marahan. Pagdaraupin naman ni
Padre Abena ang mag-ama, titingala ng bahagya at
pangiting bubulong.)

Upang maging mayaman ang pag-unawa sa akdang binasa, gawin ang


sumusunod:
1. Sagutin ang sumusunod na tanong ayon sa akdang binasa.
- May katuwiran ba si Tony na itakwil ang kaniyang ama? Ipaliwanag.
- Sa iyong palagay, bakit maraming tao ang napipilitang gumawa ng mga
bagay na labag sa batas?
- Kung ikaw si Tony, paano mo haharapin ang iyong ama sa likod ng
kaniyang mga pagkukulang sa inyong pamilya?
- Anong kalagayang panlipunan ang masasalamin sa dula? May
pagkakatulad o pagkakaiba ba ito sa ngayon?
119

- Makatuwiran ba o di-makatuwiran na isisi ng isang tao sa kaniyang


kapuwa ang masaklap na nangyari sa kaniyang buhay? Bakit?
- Sa iyong palagay, naging mabisang kasangkapan ba ng mga manunulat
sa panahong ito ang dula sa paghahayag ng kanilang damdamin,
saloobin, opinyon, at karanasan?
2. Ilarawan mo ang pagkilos, pananalita, saloobin, at paniniwala ng mga
tauhan sa dulang iyong binasa. Gawing batayan ang kasunod na tsart.
Mga
Tauhan
Tony

PAGKILOS

PANANALITA

Ernan

Doming

Bok

120

PANINIWALA

SALOOBIN

3. Isa-isahin ang mga bahagi ng dulang Sinag sa Karimlan na nagpapakita


sa katangian ng isang dula.

Simula

Wakas

Gitna

Mga Aspekto ng Pandiwa


Balikan natin ang pinakahuling bahagi ng dula. Tingnan ang mga
nakasalungguhit na salita.
P. Abena

(Makahulugan) Anak, tamo si Miss Reyes,


nakapagpapatawad (Hindi tutugon si Tony. Mapapatango
siya. Ganap na katahimikan . Walang kakurap-kurap, at
halos hindi humihinga sina Mang Ernan sa pagmamasid sa
nangyayaring dula sa silid na yaon. Sa pagtaas ng mukha ni
Tony ay makikitang may luha sa kanyang pisngi.
Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Dahan-dahan siyang
lalapit sa bunsong ngayoy nakayupyop sa bisig ni Padre
Abena. Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng
butihing pari ang ulo ni Tony at siyay unti-unting uurong
upang mabigyan ng ganap na kalayaan ang mag-ama.
Ngayoy may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony. May
121

kakaiba ring ngiting dumurungaw sa kanyang mapuputlang


labi. At sa isang kisap-matay mayayapos siya ng kanyang
ama. Masuyo, madamdamin, mahaba ang kanilang
pagyayakap. Katulad ng dalawa, mapapaluha rin ang lahat .
Maging ang may bakal na pusong si Bok ay mapapakagatlabit mapapatungo nang marahan. Pagdaraupin naman ni
Padre Abena ang mag-ama, titingala ng bahagya at
pangiting bubulong.)
Ang mga nakasalungguhit na salita ay mga pandiwa. Ang mga pandiwa ay
nagsasabi ng kilos. Mahalaga ang pagsasaad ng kilos sa dula dahil ito ang
nagtutulak ng pag-usad ng salaysay.
May mga aspekto ang mga pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi
pa nagaganap ang kilos, at kung nasimulan na at kung natapos nang ganapin
o ipinagpapatuloy pa ang pagganap. May apat na aspekto ang pandiwa:
aspektong perpektibo kung ito ay nagsasaad o nagpapahayag na ang kilos
na nasimulan na at natapos na; aspektong imperpektibo kung
nagpapahayag ng kilos na nasimulan na ngunit di pa natatapos at
kasalukuyan pang ipinagpapatuloy; aspektong kontemplatibo ay
naglalarawan ng kilos na hindi pa nasisimulan; at aspektong perpektibong
katatapos kung nagsasaad ito ng kilos na katatapos lamang bago nagsimula
o naganap ang kilos.
Upang pagyamanin ang kaalaman sa mga aspekto ng pandiwa, gawin ang
sumusunod.
1. Balikan ang dula at ihanay ang mga pandiwang nakapaloob dito ayon sa
mga aspekto nila.
ASPEKTO NG PANDIWA
Aspektong
Perpektibo

Aspektong
Perpektibong
Katatapos

Aspektong
Imperpektibo

Aspektong
Kontemplatibo

2. Magsalaysay ng ilang pangyayari sa iyong buhay noon na sa iyong


palagay ay nangyayari pa rin sa ngayon. Isaalang-alang ang simula, gitna
at wakas ng pagsasalaysay. Gamitin at salungguhitan ang mga aspekto
ng pandiwa sa gagawing pagsasalaysay.

122

3. Sinasabi na kung walang guro, walang iba pang propesyon tulad ng


doktor, abogado, at inhinyero. Kaya naman dapat lamang kilalanin ang
mahahalagang papel ng kaguruan sa paghubog ng lipunan. Kaugnay ng
paksang ito, gumawa ng isang maikling dula na nagpapakita sa halaga ng
mga guro. Tiyakin na itoy a) malikhain; b) nagkakaugnay-ugnay ang mga
eksena o pangyayari; at c) may wastong gamit ng aspekto ng pandiwa.

Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat


Mahalagang aspekto ng dula ang mga manonood. Dahil itinatanghal ito,
nalalaman ng mga nagtatanghal (at mga taong nasa likod nito) ang reaksiyon
ng mga nanonood. May mga dula pa ngang interaktibong nakikibahagi ang
mga manonood sa pagtatanghal. Kahalintulad sa dula, nakapagbibigay din sa
ibang anyong pampanitikan ang mga tao ng kanilang naranasan, nakita,
napanood, narinig, at nabasa ngunit hindi nga lamang ito direktang nakikita
ng mga manlilikha. Ang mga reaksiyon naman ay kadalasang pagsang-ayon
o pagsalungat.
Isang paraan ang pagsang-ayon o pagsalungat upang maging kapakipakinabang ang pakikilahok sa anumang usapan o pagbibigay ng mga palapalagay, opinyon, ideya o kaisipan. Sa paraang ito, mahalagang malaman
natin ang mga pananalitang dapat gamitin sa pagpapahayag ng pagsangayon at pagsalungat. Sa pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat ay
makabubuting pag-aralan o pag-isipan munang mabuti at magkaroon ng
malawak na kaalaman ukol sa isyu. Iwasang gumawa ng desisyong hindi
pinag-iisipan at maaaring dala ng desisyong itinutulak ng nakararami.
Mga Halimbawa:
*

Pahayag na karaniwang nagsasaad ng pagsang-ayon


Sang-ayon ako.
Tama.
Iyan ang nararapat.
Pareho tayo ng iniisip.
Ganyan din ang palagay ko.

Pahayag na nagsasaad ng pagsalungat


Hindi ako sang-ayon.
Mabuti sana ngunit
Ikinalulungkot ko ngunit
Nauunawaan kita subalit.
Ayaw.

123

Upang pagyamanin ang kaalaman sa mga pahayag ng pagsang-ayon at


pagsalungat, gawin ang sumusunod:
1. Isulat ang reaksiyon ng mga tauhan sa pangyayari mula sa dula.
a. Pananaw ni Mang Ernan sa buhay
b. Pagbabago ng kaisipan ni Tony sa kaniyang ama
c. Hindi naibigan ni Bok ang ginawang pagsampal ng ama ni Tony
d. Naging tugon ni Padre Abena sa ginawa nina Tony at Mang Luis
2. Pumili ng isa sa sumusunod na paksa at ilahad ang opinyon mo hinggil
dito.
- Dapat basahin at pag-aralan sa klase ang maikling kuwento at
dula.
- Dapat magkaroon ng tamang batas para sa mga inosenteng
indibidwal na nakukulong.
- Dapat magkaroon ng pantay na karapatan ang babae at lalaki.
3. Suriing mabuti ang mga pahayag. Sumasang-ayon o sumasalungat ka ba
sa mga ito? Lagyan ng tsek () ang bilog katapat ng iyong sagot at saka
ipahayag ang iyong pangangatwiran sa patlang.
- Ang pagpapatawad ay mahirap gawin.
Sumasang-ayon ako.
Sumasalungat ako.
Ang pangangatuwiran ko ay
_______________________________________.
-

Lubos na nakatutulong sa pagbabagong-buhay ng isang tao ang


relihiyon.
Sumasang-ayon ako.
Sumasalungat ako.

Ang pangangatuwiran ko ay
_______________________________________.
-

Ang tao ay sumasama dahil sa kaniyang kapwa.


Sumasang-ayon ako.
Sumasalungat ako.

Ang pangangatuwiran ko ay
_______________________________________.

124

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Upang subukin ang natutuhan mo sa araling ito, gawin ang sumusunod.
1. Dugtungan ang mga nasa kahon upang makabuo ng makabuluhang
pahayag. Tandaan na itala mo ang kabuuang konseptong natutuhan sa
araling ito sa mga idurugtong na pahayag.
Naliwanagan ako dahil sa

Naunawaan ko na

Nalaman ko na .

125

2. Ilahad ang iyong pananaw sa tanong na nasa loob ng bilog

Masasalamin pa
ba ang kulturang
Filipino sa mga
dulang
pantanghalan sa
kasalukuyan?

Naging mabisa
bang
kasangkapan ng
mga manunulat sa
pagpapahayag ng
kanilang
damdamin,
saloobin, opinyon,
at karanasan sa
dula?

Bakit mahalagang
matutuhan mo
ang tamang
paraan ng
pagpapahayag ng
pagsang-ayon at
pagsalungat?

126

3. Bilang presidente ng Samahan ng Mandudula sa inyong paaralan, ikaw ay


naimbitahang dumalo sa gaganaping seminar-workshop tungkol sa Dula
at Dulang Tagalog sa Modernong Panahon. Isa sa bahagi ng naturang
seminar ang pagpapanood ng isang video clip tungkol sa buhay ng isang
artistang nagwagi bilang pinakamahusay na aktres o artistang babae sa
larangan ng indie film. Batay sa napanood, gagawa ka ng orihinal na iskrip
na naglalarawan ng ilang pangyayari sa buhay ng naturang aktres at
pagkatapos itatanghal ito sa gitna ng mga manonood bilang awput.
Tatayain ito batay sa sumusunod na pamantayan: a) kaangkupan, b)
makatotohanan, c) masining, d) orihinal, e) kaakmaan ng
tunog/props/costume, f) taglay ang mga bahagi ng dula, g) kahusayan sa
pag-arte, at h) nagagamit ang pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat.
4. Ang layunin sa bahaging ito ay ilipat at isabuhay ang iyong natutuhan sa
pamamagitan ng pakikibahagi sa pagbuo at pagtatanghal ng isang video
presentation na nagpapakita ng kulturang Pilipino na nananatili pa sa
kasalukuyan, nagbago at nawala na. Unawain mong mabuti ang
sitwasyon upang maisagawa mo nang buong husay ang gawain.
Isa sa nakatutulong upang mapasigla ang ekonomiya ng bansa ay ang
pagpasok ng dolyar sa pamamagitan ng turismo. Marami ang nabibigyan
ng trabaho. Kaya naman patuloy sa pagbuo ng ibat ibang programa ang
Departamento ng Turismo upang higit na maipagmalaki ang kulturang
Pilipino sa buong mundo. Naglalayon na hikayatin ang mga turista na
balik-balikan ang Pilipinas dahil sa kagandahang taglay nito. Bilang
tagapangulo ng departamento ng lokal na turismo sa iyong probinsiya,
layunin mo na hikayatin ang mga turista na balik-balikan ang Pilipinas
dahil sa ating pamanang kultural. Kaya ikaw ay naatasan na bumuo at
itanghal ang isang video presentation na nagpapakita ng kulturang
Pilipinas na nagpapatunay na Its More Fun in the Philippines. Sa
nasabing presentasyon ay makikita ang kulturang Pilipinas na nananatili,
nabago at nawala na sa inyong probinsiya. Ang presentasyon ay batay sa
sumusunod na pamantayan: a) batay sa pananaliksik; b) makatotohanan;
c)orihinal; d)malikhain; e) may kaugnayan sa paksa; f) napapanahon; g)
taglay ang elemento ng pagbuo ng isang video presentation.

127

MGA ANYO NG KONTEMPORARYONG PANITIKAN


Mga Aralin

Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikan


- Pahayagan (Tabloid)
- Magasin
- Komiks
Antas ng Wika

Masasabing malaki na ang naging pag-unlad ng teknolohiya sa buong mundo


maging sa ating bansa. Ang paglaganap ng internet, pag-usbong ng ibat
ibang social media network gaya ng Facebook at Twitter, gayundin ang
pagkahumaling ng kabataan sa pagtangkilik sa mga website gaya ng
YouTube, ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kulturang Pilipino. Ang
pagkahilig ng marami, lalo na ng kabataan, sa mga kontemporaryong anyo
ng panitikan ang nag-udyok sa pagbabagong bihis ng tradisyonal na anyo
nito. Paano nga ba naiiba ang tradisyonal na uri ng panitikan sa panitikan sa
kasalukuyan? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyonal na
panitikang Pilipino tungo sa panitikan sa kasalukuyan?
Upang simulan ang pagkilala sa ilang anyo ng kontemporaryong panitikan,
gawin ang sumusunod.
1. Tukuyin ang mga salita sa crossword puzzle sa tulong ng mga gabay sa
ibaba.

Gabay
1. Kuwentong isinalarawan ng mga dibuhista
2. Pahayagan ng masa
3. Makulay na babasahin na hitik sa ibat ibang impormasyon
2. Tukuyin ang inilalarawan ng mga bugtong sa ibaba. Pagkatapos, isulat mo
ang mga titik ng iyong sagot sa mga kahon upang mabuo ang crossword
puzzle.
128

Mga Bugtong:

4
.

2
.

2 Kahong puno ng makukulay na


larawan at usapan ng mga tauhan,
tunay na kinagigiliwan ng kabataan!

3 Kuwadradong elektronikong
kagamitan, tampok ay ibat ibang
palabas na kinaaaliwan!

3
.

1P
.

1 Pinipilahan ng mga manonood,


sa pinilakang tabing itoy itinatampok!

5
.

4 Sa isang click lang mundong itoy


mapapasok na para mag- FB, Twitter,
o magsaliksik pa.

5 Musikat balita ay mapakikinggan na.


Sa isang galaw lamang ng pihitan, may
FM at AM pa!

6 Maliit na diyaryong inilalako sa daan;


balita, tsismis, at iba pa ang laman.

7
.

7 Pabalat nitoy may larawan pang sikat


na artista. Nilalamay mga artikulong
tumatalakay sa ibat ibang paksa.

3. Isulat sa kahon ang mga katangian na sa iyong palagay ay taglay ng


kontemporaryong panitikan at tradisyonal na panitikan. Bigyang-pansin
ang paksang kadalasang tinatalakay sa mga ito, wikang ginagamit at
midyum sa paghahatid nito sa mamamayan.
Tradisyonal na Panitikan

Kontemporaryong
Panitikan

Paksang Tinatalakay

_____________________
_____________________
_______________

_____________________
_____________________
__________________

Wikang Ginagamit

_____________________
_____________________
_______________

_____________________
_____________________
__________________

_____________________
_____________________
_______________

_____________________
_____________________
__________________

Paraan / Midyum sa
Paghahatid

129

Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikan


Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila ng
modernisasyon sa pamamagitan ng pagpasok ng teknolohiya. Marahil,
nagkaroon lamang ito ng bagong mukha. Kapansin-pansin sa kasalukuyan na
ang kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin gaya ng komiks at magasin
ay nauulit lamang ang paksa at tema sa mga akda sa tradisyonal na uri ng
panitikan. Kung susuriin, nagkakaiba lamang sa estilo, pamamaraan, at
kaalamang teknikal ang kontemporaryong panitikan.
Tabloid
Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng mga
balita sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sa
higaan hanggang bago matulog ay nakatutok tayong mga Pilipino sa
nangyayari sa ating paligid. Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng print
media ang kailanmay hindi mamamatay at bahagi na ng ating kultura.
Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni William Rodriguez mula sa kaniyang
blog sa Sanib-Isip (http://williamrodriguez11.blogspot) tungkol sa tabloid.
Tabloid: Isang Pagsusuri
William Rodriguez II
Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa
abot-kaya lang ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga
tabloid na makikita sa mga bangketa. Bumebenta pa rin, kahit ang
mga balita ay unang lumalabas sa telebisyon at naiulat na rin sa radyo.
May sariling hatak ang nasa print media dahil lahat ay di naman
naibabalita sa TV at radyo. Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo ay
may epekto pa rin sa mambabasa ang mga nilalaman nito.
Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo.
Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports,
literatura, o 'di kaya'y magsagot ng palaisipan. Pinagsama-sama na
yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong
pampalipas-oras kapag walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay
pangmasa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama't ilan dito ay ingles
ang midyum. Hindi katulad sa broadsheet na ang target readers ay
Class A at B. "Yun nga lang sa tabloid ay masyadong binibigyang-diin
ang tungkol sa sex at karahasan kaya't tinagurian itong
sensationalized journalism. Bihira lamang maibalita ang magagandang
kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa itinuturo ng aklat ng
dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita ay nasa
masamang balita?

130

Sa kasalukuyan ay mayroong 21 na national daily tabloid at apat lang


naman sa weekly tabloid na nagsi-circulate sa bansa. Huwag ng isama
ang mga diyaryo na wala sa merkado na kaya lang nakakapagpatuloy
ay dahil sa pagpi-PR sa mga politiko. Ang ilang tabloid ay konektado
rin sa broadsheet at mayroon ding mga publishing na dalawa o tatlo pa
ang hawak na diyaryo. Mapapansing marami sa mga tabloid na
ibinebenta ay pawang nagtatampok ng mga istoryang ukol sa sex at
nagpapakita ng mga larawang hubad ng kababaihan; pangiliti lang
daw. Ngunit ang totoo ay pinupuntirya nila ang libido ng tao para lang
makabenta. Tuloy, mababa ang tingin ng iba sa mga tabloid dahil sa
ganitong kalakaran. Pumasok din sa eksena ang mga smut tabloid na
sagad sa kalaswaan!
Mahalaga pa naman ang ginagampanan ng media sa paghubog ng
kaisipan ng mamamayan. Kaya nitong bumuo at magwasak ng isang
indibidwal o kahit institusyon. Mabuti na lamang at may matitino pa
ring tabloid. Siyempre, kabilang na rito ang PINAS na nagtataguyod ng
alternatibong pamamahayag.
Upang pagyamanin ang kaalaman sa tabloid, gawin ang sumusunod:
1. Sagutin ang sumusunod na tanong:
a. Sa iyong palagay, bakit higit na binabasa ng mga tao ang tabloid
kaysa broadsheet?
b. Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya, lalo na ang malaganap na
internet, bakit marami pa rin ang tumatangkilik at nagbabasa ng
mga pahayagan?
2. Kumuha ng isang kopya ng tabloid. Ilista, ilarawan, at suriin ang mga
bahagi o pahina nito. Sa pagsusuri, magiging pangunahing bagay kung
bakit inilagay ang bahaging iyon at kung ano ang inaasahan nitong
mambabasa.
Pangalan ng Tabloid:
Petsa ng Pagkakalathala:
Mga Bahagi

Deskripsiyon

Pagsusuri

3. Kumapanayam ng hindi bababa sa tatlong tao na palagiang nagbabasa ng


tabloid. Suriin kung ang ilang pahayag na inilatag sa pagsusuri ni William
Rodriguez II ay tumutugma o sumasalungat sa sagot ng kinapanayam mo,
lalo na sa mga dahilan ng pagbabasa nila ng tabloid.
131

Magasin
Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas.
Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela.
Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino.
Dinala nito ang panitikan sa mga kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago pa
man ang Digmaang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito ay
talaga namang inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan
din ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobela.
Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang
produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang
magpasukan ang ibat ibang magasin mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan,
naririto ang nangungunang mga magasin na tinatangkilik sa bansa.
1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilang
mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging
instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming
bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pagaalinlangan.
2. Cosmopolitan Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo rito
ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol
sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura, at
aliwan.
3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina.
Ang mga artikulong nakasulat dito ay tumutulong sa kanila upang
gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting
maybahay.
4. Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman
nito ay palaging bago, puno ng mga nakaw-atensiyon na larawan at
malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa
bansa.
5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping, at
mga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.
6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng
kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na mas
nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa.
7. Mens Health Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa
mga isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo,
pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na
132

kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay naging paborito ng


maraming kalalakihan.
8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang
mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito
rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pagaalaga ng mga gadget.
9. Entrepreneur Magasin para sa mga taong may negosyo o nais
magtayo ng negosyo.
Upang pagyamanin ang kaalaman sa mga magasin, magsagawa ng
pananaliksik sa mga guro sa inyong paaralan kung anong popular na
magasin ang binabasa nila. Gamiting gabay sa pananaliksik ang kasunod na
balangkas na nasa ibaba.
Pamagat: _______________________________________
Mga Natuklasan sa Naunang
Binasang Pananaliksik

Mga Natuklasan sa Isinagawang


Pananaliksik

KONGKLUSYON
____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
___
_____________________________________________________________
Komiks
___
_____________________________________________________________
Ang
komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay
___
ginagamit upang ihatid ang isang salaysay
o kuwento. Maaaring maglaman
_____________________________________________________________
ang
komiks ng diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga
larawan, na maaaring maglarawan o___
maghambing ng pagkakaiba ng teksto
upang higit na makaapekto nang may lalim. Bagamat palagiang paksang
katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng
sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang
mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.
133

Narito ang isang halimbawa ng komiks at mga bahagi nito:


KuwadroNaglalaman ng
isang tagpo sa
kuwento (frame)

Pamagat ng
kuwento
Larawang guhit
ng mga tauhan
sa kuwento

Kahon ng
Salaysay Pinagsusulatan ng
maikling salaysay
tungkol sa tagpo

Lobo ng usapanPinagsusulatan ng usapan


ng mga tauhan; may ibat
ibang anyo ito batay sa
inilalarawan ng dibuhista.
Isinulat ni Carlo J. Caparas.
Mula sa Komiklopedia.wordpress.com.

Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular na


babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba't ibang
kaalaman, at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay
binubuo ng mga manunulat at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon.
Ang pagiging malikhain ng mga manlilikha ng komiks ang nagpagalaw
maging sa mga bagay na walang buhay. Ipinakita nila ang hindi nakikita ng
iba. Lumikha sila ng mga bagay mula sa wala. Gumawa ng mahika.
Pinagkabit-kabit ang mga elemento. At kahit walang teleskopyo ay ginalugad
nila ultimong tuldok sa kalawakan, ipinakita na bukod sa ating mundo ay may
iba pang mundo, at may iba pa palang uri ng mga nilalang.
Maraming bata ang lumaki kasabay ng komiks at baon nila ang tapang ng
mga super karakter na lumalaban sa mga hamon ng buhay. Maraming
pinaligaya ang komiks, maraming binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig.

Mga larawan mula sa


Philippine Online
Chronicles

134

Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas magmula nang lumabas ito


sa mga magasin bilang page filler sa entertainment section nito noong 1920.
Magmula rito, nagsulputan na ang mga regular na serye ng Halakhak Komiks
noong 1946, Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks noong 1949, at Silangan
Komiks noong 1950.
Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina ang benta ng
komiks dahil sa ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos ang
paggamit ng murang papel. Naapektuhan nito ang kalidad at hitsura ng
komiks. Nagresulta ito nang pag-alis ng mga dibuhista ng komiks sa Pilipinas
para magtrabaho sa Amerika sa parehong industriya. Kabilang dito sina
Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Nio, at iba pa.
Pagkatapos ng Batas Militar muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sa
panahong ito sumikat ang manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron,
at Nerissa Cabral. Ang pagbabalik ng interes ng mambabasa sa komiks ay
tumagal lamang hanggang simula ng 1990 dahil nahumaling na ang mga tao
sa ibat ibang anyo ng paglilibang.
Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na muling buhayin ang
industriya sa bansa. Isa na rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J.
Caparas. Noong taong 2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang
tradisyonal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa nilang
komiks caravan sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas.
Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ng
komiks kundi maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin Salvador,
world-class ang kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks. Kinilala
ang galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at malikhaing
pagsulat sa lokal man at internasyonal na komunidad. Kabilang sa mga
komikerong Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan,
Whilce Portacio, Philip Tan, Alfredo Alcantara, at marami pang iba.
Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang komiks.
Ayon nga kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. Hindi
mamamatay ang komiks dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at
teksto. Isang kakanyahang hinding-hindi mamamatay sa kulturang Pilipino
hangga't ang mga Pilipino ay may mga mata para makakita at bibig para
makabasa -- magpapatuloy ang eksistensiya ng komiks.
Upang pagyamanin ang kaalaman sa komiks, gawin ang sumusunod.
1. Sagutin ang sumusunod na tanong.
a. Bakit patuloy na kinagigiliwang basahin ang komiks?
b. Mabisa bang midyum ang komiks upang mailarawan ang kultura,
tradisyon, at ang kasalukuyang kalagayan ng isang lipunan?
2. Lagyan ng angkop na salitaan ang mga larawang guhit sa bawat kuwadro
ng comic strip upang makabuo ng isang kuwento.
135

Isang araw,
ipinakita at
ikinuwento ng
lola ni Cyrus
ang mga
sumikat na
komiks noon
na siya ang
isa sa mga
dibuhista nito.

Mga Antas ng Wika


Ang mga nabanggit na anyo ng kontemporaryong panitikan ay gumagamit ng
ibat ibang antas ng wika. Nahahati ang antas ng wika sa dalawa: Pormal at
Di-pormal at sa loob ng bawat isa ay may iba pang antas. Sa Pormal, nariyan
ang pambansa, pampanitikan, at Teknikal. Samantala ang mga Di-pormal
naman ay lalawiganin, kolokyal, at balbal.
Sa araling ito, nagbigay tuon ang sumusunod: Ang pormal, di-pormal, at ang
balbal
1. Pormal Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga
aklat, mga panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga
paaralan. Ito ay impersonal, obhetibo, eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit
ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-arawaraw na usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo
ayon sa mga panuntunang gramatikal.
2. Di-Pormal Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple
lang ang bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiigsi
lamang. Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit
ng mga panghalip na ako at mo. Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit
ng din-rin, daw-raw, kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo at kolum sa mga
diyaryo na parang nakikipag-usap lamang sa mambabasa ay kadalasang
gumagamit ng mga wikang di-pormal. Ito rin ang mga wikang ginagamit sa
136

pagsulat sa mga kaibigan. Halimbawa nito ay ang salitang balbal


tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang wika na
karaniwang ginagamit ng mga mababa ang katayuan sa buhay. Kung itoy
hiram, binabago ang anyo nito upang maiakma sa paggamit.
Upang pagyamanin ang kaalaman sa mga antas ng wika, gawin ang
sumusunod:
1. Sumuri ng tig-iisang tabloid, magasin, at komiks. Tingnan ang antas ng
wikang ginagamit ng mga ito at kung bakit ganoon ang mga ginagamit
nilang antas ng wika.
Pangalan

Antas ng Wika

Bakit ganito ang


Antas ng Wika?

Magasin
Tabloid
Komiks
2. Kumapanayam ng tatlong tao na may ibat ibang uri ng trabaho (tulad ng
guro, kaibigan, at magulang). Ilarawan ang antas ng wika nila.
Paghambingin ang mga antas ng wikang ginagamit nila.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Batay sa mga natutuhan mong mga araling pampanitikan at pangwika,
bumuo ng isang literary folio ng klase na sumasalamin sa kasalukuyang
kalagayan ng isang barangay. Narito ang mga dapat isaalang-alang sa
paggawa ng folio.
1. Magkaisa ang buong klase kung ano ang magiging pamagat ng inyong
literary folio. Kasama na rito ang napagkasunduang logo, konsepto ng
pabalat ng aklat, at kinakailangang mga larawan.
Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales
Lungsod ng Mandaluyong
KALSADA-PASADA
(Mga Akdang Napulot sa Kalsada)

Literary Folio 2012

137

2. Sumulat ng Panimula, Pasasalamat, at Paghahandog sa unahang


bahagi ng inyong literary folio.
3. Kinakailangang makita rin ang Talaan ng Nilalaman bago ang
koleksiyon ng mga akdang pampanitikan na isinulat ng bawat isa.
Sikaping mauri ang bawat isa sa bahaging ito upang madaling makita
ng mambabasa kung tula, maikling kuwento, dula, at iba pang akdang
pampanitikan.
4. At ang pinakatampok sa literary folio ay ang koleksiyon ng ibat ibang
akdang pampanitikan na orihinal na isinulat ng bawat isa sa inyong
klase na dumaan sa proseso ng pag-eedit.
Ang sumusunod naman ay ang pamantayan sa pagsuri sa gagawin ninyong
literary folio.
Mga Pamantayan
A. Malikhain

B. Kaisahan (pagkakaugnay-ugnay ng mga


pangungusap)
C. Makatotohanan (Sumasalamin sa
lipunang ginagalawan)
D. Pormal at responsable ang gamit ng wika
E. Kawastuhan (Wasto ang gamit ng mga
salita at bantas)

LEYENDA
20 25...

Napakahusay

15 20 .

Mahusay

10 15 .

Katamtamang Husay

5 10 .
0 5 ..
rebisyon

138

Hindi mahusay
Nangangailangan

ANG BROADCAST MEDIA: MEKANISMO NG PAGBABAGO AT PAGUNLAD NG KULTURANG PILIPINO


Mga aralin
Ang Radyo at Pananaliksik
Kuwentuhang Media mula sa Online Balita
Konsepto ng Pananaw
Dokumentaryong Pantelebisyon
Kislap ng Bituin ni Jeystine Ellizabeth L. Francia
Dokumentaryang Pantelebisyon
Araling Pangwika: Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal
Broadcast Media
Panimulang Pagtataya: Paborito Ko!
Isulat mo sa loob ng larawan ng telebisyon ang iyong kinagigiliwang
palabas, at sa loob naman ng larawan ng radyo ang iyong paboritong
pinakikinggang programa. Ipaliwanag mo rin ang mga dahilan kung bakit mo
pinanonood o pinakikinggan ang mga programang iyong nabanggit.

Madalas na Pinanonood sa Telebisyon:


_________________________________
Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan:
___________________________________
___________________________________
_____________________________

Madalas na Pinakikinggang
Programa sa Radyo:
___________________
Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan:

______________________
_________________

139

Motibasyon: Pagkilala sa Media


Ang bahaging ito ang makapag-uugnay sa iyo sa mga bagay na dapat
mong malaman kaugnay ng Aralin 2 sa modyul na ito. Gumamit ng sagutang
papel sa pagsagot ng puzzle. Unawain at limiin ang isinaad na mga datos
upang maibigay ang tamang sagot. Bilugan ang mga letrang bumubuo sa
tamang sagot sa bawat bilang. Kopyahin at gawin ito sa papel.
1. Naghahatid ng balita at mga programang nakaaaliw at kawili-wili.
2. Isang palabas na maaaring maging daan upang maimulat ang
mamamayan sa katotohanan ng buhay sa kaniyang paligid.
3. Maaaring maghatid ng balita, talakayan, at impormasyon sa bayan
man sa nayon.
4. Isa sa mga naihahatid ng radyo na nagdudulot ng aliw sa marami.
5. Maaaring marinig o mapanood ang mga ito maging sa radyo o
telebisyon.
T

Gawaing Bahay: Mga Kilalang Boses sa Loob ng Media


Maraming tao ang lumalabas sa telebisyon at radyo. Karamihan sa
kanila ay kilala hindi lamang dahil sa kaledad ng kanilang mga pag-uulat kung
hindi pati na rin sa paraan ng kanilang pananalita. Bumuo ng isang grupo at
pumili ng isang kilalang programa sa radyo o telebisyon, subukang pagaralan ang paraan ng kanilang pananalita at pagbabalita. Ipresenta ang
paraan ng pagbabalita ng mga nasaliksik sa klase.

140

Mula sa mga gawaing ito, ating napatunayan na bahagi na ng ating


buhay ang pakikinig ng radyo at panonood ng telebisyon. Ngunit paano nga
ba nito nabago ang ating kultura at panitikan? Paano ito naipakilala ang ilang
bagay na dapat talakayin sa ating bansa?
Pagkilala: RADYOrific ang Hatid
Tuklasin mo kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa araling
ito. Gamit ang arrow ikonekta ang mga pahayag na may kaugnayan sa radyo
sa larawang nasa gitna. Nasa loob ng malilit na kahon ang nasabing mga
pahayag. Gawin sa iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat.
nagpapahatid ng
mga panawagan
naghahatid ng
musika

nagpapalabas
ng pelikula

nagpapalabas
ng variety
show

nagpapalabas
ng teledrama

nagpapakilala ng
isang produkto

nakikinig ng
mga awit

naghahatid ng mga
talakayan / pulso ng
bayan

nagbibigay ng
opinyon kaugnay
ng isang paksa
naghahatid ng
napapanahong
balita

Mapalalalim ang iyong kaalaman kaugnay ng gampanin ng radyo sa


pagkakaroon ng kamalayang panlipunan ng mamamayan. Matututuhan mo
rin kung paano makasusulat ng isang komentaryong panradyo gamit ang ibat
ibang konsepto ng pananaw. Sa ibaba ay mababasa mo ang ilang mga
gabay na tanong na maaaring makatulong sa iyo upang maging lubos ang
iyong pag-unawa sa araling ito.
Madali mo bang natukoy ang kahalagahan ng radyo? Masasabi mo
bang malaki ang naging bahagi ng kasalukuyang anyo ng radyo bilang
midyum ng pagpapalaganap ng panitikang popular? Ipaliwanag.
141

Sa bahaging ito ng aralin, basahin at unawain ang mga komentaryong


panradyo. Unawain ang mga bagay sa likod ng isang isyung tumatalakay sa
lipunang iyong ginagalawan, ang Freedom of Information Bill bilang pokus
ng isang komentaryong pagtalakay sa radyo, gayundin ang pakikinig sa isang
programang panradyo na komentaryo ang lapat.
Narito ang isang bahagi ng pagtatalakayan sa radyo.
KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF
INFORMATION BILL (FOI)
Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong
pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay at Macky
Francia at ito ang Kaboses Mo.
Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!
Macky: Magandang umaga partner!
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of
Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom Of
Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa
iyan kahit pa nakapikit!
Roel: Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI na yan partner?
Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng
kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na
transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.
Macky: Naku! Delikado naman pala yan! Eh di magdiriwang na ang mga
tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman
yan! Demanda dito, demanda doon!
Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi bat
dapat naman talaga na walang itinatago yang mga politikong yan
dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.
Macky: Sa isang banda kasi partner maaaring maging threat daw yan sa
mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.
Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas
maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na
opisyal.
Macky: Eh paano yan partner? Ayon kay Quezon Representative Lorenzo
Taada III, Pag hindi pa naipasa ang FOI bago mag-Pasko eh
mukhang tuluyan na itong maibabasura.
Roel: Naku! Naloko na!
Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay
at Maricar Francia mula sa:
http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/

142

Mga Gabay na Tanong


Ano ang mga bagay na nakapukaw sa iyong isipan habang binabasa
ang mga pahayag mula sa binasang halaw na pagtatalakayan sa radyo?
Mahusay ang iyong ginawang pagpapaliwanag. Ngayon na nabasa mo
na ang isang uri ng programang panradyo punan mo naman ang kasunod na
tsart. Unahing sagutin ang tatlong naunang kolum, ang KWH. Sasagutin
lamang ang huling kolum, na L pagkatapos na mapag-aralan ang araling ito.
Motibasyon: Radyopinyon
Basahin ang mga pahayag ng mga komentarista. Alin sa mga ito ang
nagsasaad ng positibo at negatibong pananaw? Isulat sa bituin ang positibo
at sa bilog ang negatibo. Gawin sa iyong sagutang papel.

K
W
H
Ano ang alam mo
Ano ang nais Paano mo makikita
na?
mong malaman?
ang nais mong
maunawaan?

L
Ano ang iyong
natutuhan/
naunawaan?

Aralin: Ang Radyo at Pananaliksik


Isa sa mga mahahalagang gawain ng mga personalidad sa radyo at
telebisyon ay ang pagpili ng paksang tatalakayin sa palabas. Maaaring isipin
na tulad din ito ng pagpili sa mga sasabihin sa pagsulat ng isang sanaysay o
sa isang proyekto. Ibig sabihin dapat na mahalaga rin ang pagpili ng mga
makabuluhang paksa sa mga pag-uusap sa radyo o telebisyon. Sa bahaging
ito susuriin natin kung papaano tayo matutulungan ng ilang gawain nila sa
ating pananaliksik
Ilan sa mga paksang madalas na talakayin ay ang sumusunod:
a. Politika
b. Mga pangyayari sa isang espisipikong lugar
c. Mga pagdiriwang sa Pilipinas
d. Katayuan ng ekonomiya ng Pilipnas
e. Mga interes at makabuluhang bagay para sa mga inaasahang
tagapakinig
143

Hindi mahirap alamin ang interes ng mga tagapakinig dahil sa ibat ibang
pamamaraan ng mga istasyon sa pagkilala sa manonood at tagapakinig.
Subalit hindi nila maaaring kunin sa kung saan lang ang kanilang
impormasyon. Dahil dito dapat silang manaliksik tungkol sa mga gustong
mapakinggan ng kanilang mga tagasubaybay. Ilan sa mga maaari nilang
gamitin sa ganitong pananaliksik ay ang survey at panayam.
Survey:
Gumagamit sila ng survey upang malaman ang mga ito tungkol sa
kanilang mga programa. Maaari din silang kumuha ng mga panayam tungkol
sa kanilang mga programa. Ang sumusunod ang ilan sa mga posibleng
lamanin ng isang survey.
1. Multiple Choice ito ang mas mabilis na paraan ng pagpapasagot sa
isang survey. Mas madali itong sagutin kumpara sa iba dahil sa pipili
lamang ang tinatanong ng sagot sa iilang titik.
Tingnan nang mabuti ang mga sitwasyon. Alin sa sumusunod na
pangungusap ang sa tingin mong sasabihin mo?
1. Katatapos lang ng inyong klase. Tinawag ka ng kaibigan mo para
kumain ng tanghalian.
a. Wait lang! May pinapakuha si Maam sa may Xerox.
b. Sandali lang! May pinapakuha si Maam sa may Xerox.
c. Please wait for me! Ill just get something from the Xerox.
2. Pumasok ka sa iyong klase nang ika-pito ng umaga ngunit
matapos ang ilang minuto, kinansela ang klase dahil sa bagyo.
a. I hate the rain. I should still be sleeping at this moment!
b. Kainis naman tong ulan. Dapat tulog pa ako eh!
c. I hate the rain. Dapat tulog pa ako eh!
3. Pinakuha mo sa iyong kaklase ang librong pina-photocopy.
a. How much lahat? May barya kayo sa one thousand?
b. How much? Do you have change for one thousand?
c. Magkano lahat? May barya kayo sa isang libo?
4. May pagsusulit kayo at wala kang panulat. Hihiram ka sana sa
iyong katabi.
a. May panulat ka pa ba na pwedeng hiramin?
b. May extra kang pen? Pwede borrow?
c. Do you have an extra pen I can borrow?

144

2. Pagkilala sa mga sinasang-ayunan Bukod sa simpleng multiple


choice maaari ding maglagay ng listahan na nagpapahayag ng
kanilang mga sinasang-ayunan at di sinasang-ayunan. Isang
halimbawa ang sumusunod.
Punan ng ekis ang sumusunod na kahon na malapit sa inyong ginagamit na
wika. Punan ng X ang SA kung sang-ayon, W kung Walang Sagot, at DS
kung Hindi Sang-ayon.
Mga Tanong
1. Napalalakas ng wikang gamit ko ang aking loob.

SA

DS

2. Madali akong naiintidinhan sa wikang ginagamit ko.


3. Hindi nakalilito ang wikang ginagamit ko.
4. Ang wikang gamit ko ay mas madaling gamitin sa
labas ng klase.
5. Naiintindihan ng lahat ang ginagamit kong
pamamaraan ng pagsasalita.
6. Madali kong naipapahayag ang aking mga ideya
gamit ang aking wika.
7. Pormal ang wikang ginagamit ko.
3. Likert Scale Ang Likert scale ay isa sa mga paraan kung papaanong
sinusukat ng isang tao ang sarili niya.
Bilugan ang bilang na tugma sa wikang ginagamit mo. 1 bilang mas malapit
sa Ingles at 5 bilang mas malapit sa Filipino.
Ingles

Filipino

1------------------2--------------------3------------------4-----------------5
Ilan lamang ito sa mga maaaring lamanin ng isang survey, maaari ding
ayusin at pahusayin ang paraan ng pagtatanong. Bukod sa mga ito maaari
ding gamitin ang pagkuha ng panayam sa mga tagasubaybay.
Panayam
Sa paggawa ng isang panayam kailangang planuhin din ang mga
dapat na gawin at tatanungin. Subalit kasabay nito ang pagiging handa rin sa
pagbuo ng mga pagpapalalim na tanong. Totoong may mga gusto tayong
malaman subalit minsan ay di natin makukuha ang nais nating sagot. Minsan
may pangangailangan ng pagdedetalye subalit kailangan pa ring tandaan na
dapat ay nasa paksa pa rin ang mga tanong.
145

Ang mga gawaing ito ang mga pangunahing batis o mapagkukunan ng


impormasyon. Maaaring kumunsulta sa mga libro o sa internet subalit mas
makatotohanan ang impormasyon na manggaling mismo sa isang
mapagkakatiwalaang batis. Ito ang tinatawag na pangunahing batis ng
impormasiyon.

BAGO SINIMULAN ANG PANANALIKSIK, BASAHIN MUNA ANG MGA


DAPAT TANDAAN SA PAKIKIPANAYAM UPANG MAISAKATUPARAN
ANG PAGBUO NG DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON
1. PAGHAHANDA PARA SA PANAYAM
* Magpaalam sa taong gustong kapanayamin
* Kilalanin ang taong kakapanayamin
* Para sa karagdagang kaalaman i-klik ang kasunod na site
http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm
Mga Dapat Gawin Bago Magpanayam
Teknik sa Pakikipanayam
Bago Magpanayam
2. PAKIKIPANAYAM
* Maging magalang
* Magtanong nang maayos.
* Itanong ang lahat ng ibig malalam kaugnay ng paksa.
* Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam.
http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm
Teknik sa Pakikipanayam
Tagumpay sa Pakikipanayam
3. PAGKATAPOS NG PANAYAM
* Magpasalamat.
* Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam
http://www.careerandjobsearch.com/post_interview.htm
Pagkatapos ng Panayam
Pagtatasa: Telehanayan ng Kasagutan
Sa gawaing ito, ikaw mismo sa iyong sarili ang makapagtatala ng mga
bagay na iyong natamo sa pag-aaral ng araling ito. Maging maingat at
matapat ka sa pagtugon sa hinihingi nito. Gamit ang talaan ng paglalahat na
nasa kabilang pahina sagutin ang unang apat na kolum, ang ikalimang kolum
ay iyong sagutin sa pagtatapos mo sa kabuuan ng aralin kaugnay ng
telebisyon.

146

Pagpapalalim: Pagbuo ng Sariling Pananaliksik


Bumuo ng grupong may tigatlo hanggang tiglimang miyembro at pumili
ng isang gustong gawin na paraan ng pananaliksik. Mula dito bumuo o
humanap ng paksa at bumuo ng isang concept web. Ipresenta ito nang tulad
ng isang skit ng talakayan o pag-uusap tao tungkol sa napiling paksa.
Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena
Botkin Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang
pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na
maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin
kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang
isyung kanilang napiling talakayan at pagtuunan ng
pansin. Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay
makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay
higit na maging epektibong tagapagsalita. Ayon pa
rin sa kaniya, ang unang hakbang upang
makagawa ng isang mahusay at epektibong
komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng
malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang
sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.

Ehersisyo: Radyomentaryo
Bilang bahagi ng iyong gawain puntahan ang alin man sa mga link sa
loob ng bilog. Makinig ng ilang napapanahong mga balita.

http://www.tv5.com.ph/ click radyo5


http://www.interaksyon.com/article/42031/te
odoro-l--locsin-jr---why-theyre-afraid-of-foi
tunein.com/radio/Radyo-Patrol-630-s14674/
radioonlinenow.com/2011/02/25/listen-to-923-news-fm-online/

Para sa mga walang internet sa klase, maaaring makinig sa radyo sa


anumang estasyon sa AM o kaya ay basahin ang kasunod na teksto na
kuwentuhang media.

147

Tandaan : Habang ikaw ay nakikinig, sikapin mong magtala ng ibat ibang


detalye tungkol sa:
1. Pamagat ng paksang tinalakay,
2. Mga batayan ng mga salaysay, at
3. Mga paksang pinag-uusapan.
Mga Gabay na Tanong:
1. Tungkol saan ang iyong napakinggan?
2. Paano naging malinaw at kapani-paniwala ang mga pahayag ng
mga komentarista?
3. Paano nagiging makabuluhan ang isang komentaryo?

BAGO MAKASULAT NG ISANG DOKUMENTARYONG PANRADYO


NARITO ANG MGA DAPAT TANDAAN
1. Magsaliksik ng mga impormasyon
2. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa
mga detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat
3. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa
KUWENTUHANG MEDIA
Posted by Online Balita on June 2nd, 2012
Nakatutuwang makakuwentuhan ang mga kasapi at pinuno ng media
sa okasyon ng kaarawan ng magaling na coordinator na si Liza Carreon sa
isang forum na kung tawagin ay Tuesday Club sa Pasig City. Magagaling,
matatalas, at analitikal ang kanilang mga pananaw sa halos lahat ng isyu o
pangyayari sa ating bansa, gaya ng mga usapin ng Panatag Shoal, at ni CJ
Renato Corona.
Kabilang sa media people na nakausap ko at nakapalitan ng kuro-kuro
ay sina Manila Bulletin Editor-in-Chief Cris Jun Icban; Butch Raquel, GMA
Vice President for Communications; BizNews Asia Magazine Editor-in-Chief
Tony Lopez, Tony Katigbak (Chairman ng Tuesday Club); Bong Osorio ng
ABS-CBN, ex-MMDA Chairman Bayani Fernando at ex-Marikina City Mayor
Marides Fernando; ex-Graphic Editor Manuel Almario; columnist Boo
Chanco; Pandan, Catanduanes Mayor Resty de Quiroz, dating reporter ng
DZRH, at iba pa.
Sa ganitong pagtitipon, hindi masasayang ang iyong oras dahil bukod
sa tawanan, biruan, at kumustahan, nakapupulot ka ng matatalino,
magaganda, at sariwang opinyon, analisis, at personal na paniniwala na
148

kontra o katig sa isang kontrobersiyal na personalidad o usapin. Ang club na


ito ay ipinundar ng yumaong sina Max Soliven at Art Borjal.
Binigwasan ng China si US State Secretary Hillary Clinton dahil sa
remarks nito tungkol sa gusot sa West Philippine Sea (South China Sea) na
rito ay lantarang dinuduro ng dambuhalang bansa ang sisiw na Pilipinas sa
Panatag Shoal. Ayon kay Hillary, lumalabis ang China sa pag-angkin nito sa
nasabing karagatan kontra sa ipinahihintulot ng United Nations Convention
on the Law of the Sea (UNCLOS). Nagbabala ang China na hindi dapat
makialam ang US sa usaping ito. Maliwanag ang pahiwatig ni Ms. Clinton na
tiyak na susugod ang US forces para tulungan ang ating bansa sa sandaling
ganap na salakayin at agawin ng China ang Bajo de Masinloc.
Sa kabila ng pagbatikos at pagsalungat ng mga makakaliwang grupo
na sagad-hanggang-langit ang galit at pag-ayaw sa United States, walang
magagawa o masusulingan ang Pilipinas kundi ang humingi ng tulong (kahit
hindi diretsahan) o sumandal sa puwersa ng bansa ni Uncle Sam laban sa
alinmang dayuhang lakas na ookupa at manduduro sa atin.
Mga Gabay na Tanong
1. Anong napansin mo sa mga pahayag mula sa tekstong iyong
binasa o sa mga pahayag na iyong napakinggan?
2. May mga salita bang ginamit ang may-akda o ang mamamahayag
upang maging susi sa paglalahad ng mga detalye?
3. Batay sa teksto, paano inilahad ang bahaging ginampanan ng
radyo bilang salik ng panitikang popular sa pag-unlad ng
kasalukuyang lipunan?
Pagtatasa: Radyopormasyon
Pagkatapos mong basahin at unawain ang mga pahayag sa binasang
teksto, punan ang kasunod na kahon ng tamang mga impormasyon. Gawin
sa papel.
Mga nagpapahayag
ng impormasyon
Mga pahayag ng
mga personalidad
Sariling pananaw

149

Motibasyon: Radyotik na mga Titik


Napansin mo ba ang mga salitang may salungguhit sa mga
halimbawa ng iskrip panradyo na iyong binasa? Ang mga iyon ay tinatawag
na konsepto ng pananaw.
Mula sa binasang teksto na Kuwentuhang Media, hanapin ang mga
salitang tumutukoy sa mga konsepto ng pananaw. Isulat ang iyong sagot sa
mga bilog. Gawin sa sagutang papel.

Ugnay Wika
Narito ang ilan pang dagdag na kaalaman upang lubos mong
maunawaan kung ano ang tinatawag na Konsepto ng Pananaw.
1.

May mga ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw.


Kabilang dito ang ayon/ batay/ para/ sang-ayon sa/kay, ganoon din sa
paniniwala/ pananaw/ akala ko/ ni/ ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga
ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi, o pinaniniwalaan ng isang tao.
Tulad nito:
Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang
Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng
komunikasyon at sistema ng edukasyon.
Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng
Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-impiyernong bansa na
pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na
pinamumunuan ng mga dayuhan.
Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man
ang kanilang plano.
Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko, wala nang gaganda pa sa
lugar na ito.
150

2.

May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng


paksa at/ o pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayon man,
mapapansing di tulad ng naunang mga halimbawa na tumitiyak kung
sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng
pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:
Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari
iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.
Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para
makapag-isip ka nang husto.

RADYOMENTARYONG MAKABAGO
Tandaan: Ang panitikang popular ay may malaking kaugnayan sa
kulturang popular na ang mga bagay ay pawang gumagamit ng mga
bagong kasangkapan, imahe, diwa, at iba pang kaugnay na paksa, upang
maitanghal ang isang uri ng kulturang kakaiba sa dating nakagisnan ng
mga Pilipino.
Mula sa mga gawaing iyong nabigyang-tugon mula sa simula ng
araling ito, bigyang tugon ang tsart na kasunod sa bahagi ng L.
K
W
H
L
Pagkatapos mong maitala ang mga bagay na iyong natutuhan,
bigyang-pansin ang mga bagay na nagdulot sa iyo ng maling pag-unawa.
Hingin ang tulong ng iyong guro upang mas malawak at mas komprehensibo
ang mga bagay na iyong natutuhan.
Sa huli, gumawa ng isang komentaryong sanaysay na tumatalakay sa
isang napapanahong isyu. Gawin ito ayon sa hinihinging pamantayan.
1. Dalawang talatang sanaysay na nagbibigay puna o nagsasaad ng
iyong sariling pananaw.
2. Gamit ang mga salitang nagsasaad ng konsepto ng pananaw.

151

Konteksto: Subukang gumawa ng pag-uulat sa susunod na sitwasyon


Bilang Pangulo ng Interact Club ng inyong bayan; sa pamamagitan mo ay
inanyayahan kayong magpakita ng pagtatanghal ng isang programang
panradyo bilang pagbibigay-pugay sa isang award winning radio broadcaster/
komentarista na mula sa inyong bayan, nagdiriwang din siya ng kaniyang
ika-60, kaarawan; kasabay ng pagdiriwang ng pagkakatatag ng Interact Club.
NARITO ANG MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA NG GINAWANG
PAGTATANGHAL NG ISANG PROGRAMANG PANRADYO
Napakahusay
4

Mahusay
3

Umuunlad
2

Masaklaw na
paglalahad ng
napapanahong
impormasyon

Komprehensibo
at makabuluhan
ang
napapanahong
mga
impormasyong
inilalahad sa
materyal
alinsunod sa
paksang
itinatampok.

Masaklaw,
makabuluhan
at
napapanahon
ang mga
impormasyong
inilalahad sa
materyal
alinsunod sa
paksang
itinatampok.

Makabuluhan
at
napapanahon
ang mga
impormasyong
inilalahad sa
materyal
alinsunod sa
paksang
itinatampok
ngunit may
mga detalyeng
hindi nailahad
na higit na
makatutulong
sa
pagtatanghal.

May
makabuluhan
at
napapanahong
mga
impormasyong
inilahad sa
materyal ukol
sa paksang
itinatampok
ngunit limitado
ang mga ito.

Masining at
maingat na
paggamit ng
wika

Natatangi ang
paggamit ng
wika ng
kabataan nang
higit pa sa
inaasahang
pamamaraan sa
materyal.

Masining at
maingat na
nagamit ang
wika ng
kabataan sa
kabuuang
pagpapahayag
sa nabuong
materyal.

Masining at
maingat na
nagamit ang
wika ng
kabataan sa
karamihan ng
pahayag sa
nabuong
materyal.

Masining na
ginamit ang
wika ng
kabataan sa
karamihan ng
pahayag sa
nabuong
materyal ngunit
hindi maingat
ang paggamit.

Pamantayan

152

Nagsisimula Kabuuang
1
Marka

Mahusay na
aspektong
teknikal

Tipong
propesyonal ang
pagkakagawa
sa materyal
dahil sa husay
ng pagtatagpitagpi ng mga
elemento nito.

Taglay ang
lahat ng
kailangang
elemento sa
mabisang
pagbuo ng
materyal.
Naipapamalas
ang kahusayan
sa teknikal na
pagganap.

Taglay ang
mga susing
elemento sa
mabisang
pagbuo ng
materyal at
naipamalas
ang angkop na
teknikal na
pagganap.

Naipamalas sa
materyal ang
minimal na
antas ng
pagtatagpitagpi ng
elemento at
teknikal na
pagganap.

Pagkapraktikal
ng
rekomendasyon

Ang mga
inilahad na
rekomendasyon
ay
nagmumungkahi
ng kaisipang
pangmatagalan
sa kamalayan
ng madla.

Malinaw at
FaFkapakipakinabang
para sa lahat
ang inilahad na
rekomendasyon.

Makabuluhan
ang karamihan
sa inilahad na
rekomendasyon.

May mga
rekomendasyong inilahad
ngunit hindi
malinaw ang
inimumungkahi
ng mga
kaisipan.
Kabuuang
Marka

Naging madali ba para sa iyo ang paggawa ng isang iskrip panradyo?


Paano nito naimulat ang iyong isipan sa katotohanan ng buhay? Gawin sa
papel.
SAGOT:
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_________________________.
Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng broadcast media at hindi
maikakailang bahagi ng buhay ng bawat Pilipino ang telebisyon. Naging
bahagi at sinasabing kasama nga sa daily routine ng mga Pilipino ang
panonood ng mga palabas sa telebisyon simula sa paggising sa umaga sa
mga morning show hanggang sa oras na bago matulog sa mga prime time na
mga panoorin kabilang na ang mga teledrama, balita, at mga
dokumentaryong pantelebisyon.
Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng telebisyon noong
panahon ng Batas Militar, sumibol naman ang mas matapang na anyo ng
153

balita at talakayan sa mas makabuluhang gampanin ng telebisyon sa


mamamayan. Unti-unting ipinakilala ang telebisyon bilang midyum sa
paghahatid ng mahahalagang kaganapan sa bawat sulok ng bansa sa
pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Dito kinilala ang mga
batikang mamamahayag na sina CheChe Lazaro, Abner Mercado, Jessica
Soho, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc, Kara David, at iba pa.
Nais mo rin bang maging isang sikat at pinagkatitiwalaang
dokumentaristang gaya nila? Paano mo lilinangin ang iyong kakayahan?
Sa araling ito, tatalakayin naman natin ang ilang mga hakbang upang
maging isa kang mahusay na dokumentarista sa telebisyon - kung
papaanong ang bawat galaw ng tao sa tunay na buhay ay mabibigyang kulay sa likod ng kamera, at kung paanong ang katotohanang ipinakikita ng
isang dokumentaryong palabas sa telebisyon ay naihahatid sa kaalaman ng
bawat mamamayan.

Panimulang Pagtataya: Paborito Kong Palabas!


Simulan pag-aralan ang tungkol sa telebisyon sa pamamagitan ng
pagkilala sa mga programang pantelebisyon sa ibaba. Alin ang pamilyar sa
iyo? Pumili ng tatlo at isaayos ayon sa madalas na panoorin. Ipaliwanag kung
bakit.
Weekend
Getaway

XXX

TV Patrol

Talentadong
Pinoy

ART Angel

Rated K

Matanglawin

TV Patrol

Umagang Kay
Ganda

i - Witness
Tween Hearts

154

Telembistiga
Pansinin ang mga pamagat ng palabas sa telebisyon na nakasulat sa
kasunod na mga kahon. Subukang panoorin o saliksikin ang sumusunod na
palabas. Ipaliwanag ang pagkakatulad nila.
INVESTIGATIVE

STORYLINE

DOCUMENTARIES

S. O. C. O.

REEL TIME

KRUSADA

REPORTERS
NOTEBOOK

Mga Gabay na Tanong


1. Ano-ano ang ipinakikita ng mga larawan?
2. Sino-sino ang tagapag-ulat sa mga programang nabanggit?
3. Paano nila tinatalakay ang kanilang mga paksa?
4. Papaanong maituturing ang telebisyon, bilang salik ng panitikang
popular, upang maging isang malaking impluwensiya sa paghubog ng
bagong kabataan? Pangatwirananan at ipaliwanag.
Pagpapalalim: Gulong ng Buhay Telebisyon
Magbigay ng mga dahilan kung bakit pinanonood ang programang
pantelebisyon. Subukang sagutin ang sumusunod na tanong at ipaliwanag:
1. Ano ang nakaeengganyong bahagi ng programa?
2. Saan ako interesado sa isang programa? Sa kuwento? Tauhan?
Lugar na pinagkuhanan?
3. Ano kaya ang genre na kinabibilangan ng programang gusto ko?

155

Panoorin: Teleisipan ng Buhay


Kung mayroon kang kompyuter at konesksyon sa internet, panoorin
ang dokumentaryong PAGPAG FOR SALE SineTotoo ni Howie Severino na
matatagpuan sa http://www.youtube.com/watch?v=5ERcIh2nJx0&feature=related.
Kung wala namay basahin mo ang blog para sa isang dokumentaryong
pantelebisyon.
Kislap ng Bituin
Jeystine Ellizbeth L. Francia
Panganay ako sa aming magkapatid, at maagang iminulat ni
mommy ang aking isipan sa tunay na takbo ng buhay. Tinulungan niya
akong buksan ang isip sa mga bagay na nagaganap sa labas ng aming
tahanan. Ginagabayan niya ako habang inuunawa ang mga ito. Bukod sa
mga panonood ni mommy ng mga palabas nina Howie Severino isa ang
dokumentaryo ni Kara David na Gamu-gamo sa Dilim ang nagbukas sa
mura kong pag-iisip sa kahalagahan ng edukasyon at sa kung paanong
dapat itoy pinatatatag.
Malaki ang iniiukit sa aking puso ng mga kaganapan sa Little Baguio
isang lugar kung saan may mga guro at batang hindi alam ang salitang
pagsuko sa kabila ng kanilang sitwasyon sa buhay. Bagamat kulong sila sa
rehas ng kahirapan at bulag sa dilim ng kanilang mga landas ay patuloy
silang nagsusumikap, nangangarap, at lumalaban upang maging mas
maliwanag ang kanilang kinabukasan.
Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito,
at sa paggabay ni mommy upang unawain ko ang mga ito, lalo kong
pinatatag ang matagal nang pangarap na maging sa hinaharap.
Mula noon hanggang ngayon, pinangarap ko na maging isang
tagapaglingkod ng mga mamamayan. Sumulat at maipakita sa lahat ang
tunay na kaganapan sa buhay ng tao. Pangarap na makatulong sa ibang
tao at maging boses at mata ng mga taong dapat pakinggan at dapat
paglaanan ng higit na atensiyon.
Hawak ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng
dokumentaryong Gamu-gamo sa Dilim, at ang pagiging guro ni mommy,
tutuparin ko ang makapaglingkod sa aking bayan at sa mamamayan.
Susulat ako ng mga mahahalagang impormasyong kakailanganin
upang mamulat ang mundo sa katotohanan ng buhay. Ipasisilip ko ang
lente ng camera upang baka sakali makita nila ang mga bagay na dapat
nilang makita, ang sakit ng lipunang aking ginagalawan ay higit kong
156

madama at maipadama sa buong mundo. Nais kong humawak ng panulat,


baka sakali, sa mga letrang isusulat ko sa papel ay higit na maunawaan at
makikilala ng mga tao ang kanilang mga sarili gayundin ang mga tao sa
kanilang paligid. Hangad kong, dumami ang mga katulad ni Myra, na sa
gitna ng kahirapan, sa gitna ng walang kasiguraduhang buhay at sa gitna
ng kadiliman ng paligid ay pilit na nilampasan ang lahat at naging isang
ganap na tanglaw at liwanag, naging isang makislap na bituin na
magsisilbing gabay ng mga taong naglalakbay sa gitna ng dilim.
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano-ano ang pumukaw sa iyong damdamin habang pinanonood ang
dokumentaryo?
2. Bilang kabataan, anong masasabi mo sa mga pangyayaring ito sa
iyong lipunan?
3. Anong gampanin ng telebisyon ang ipinakita sa dokumentaryong ito?
Narito naman ang mga dagdag kaalaman na dapat mong tandaan na
alam kong magagamit mo sa susunod na gawain:
Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay
maituturing ding isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at
gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Itoy mahalaga at
mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-espirituwal,
pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon, at iba pa. Malaki
ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang
nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan, at pananaw ng
isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng pinanonood na
mga programa sa telebisyon.
Dokumentaryong Pantelebisyon Mga palabas na naglalayong
maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na
sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura
at pamumuhay sa isang lipunan.

157

Paksa: Ang telebisyon ba bilang midyum ng panitikang popular ay may


malaking impluwensiya sa paghubog ng bagong kabataan?

Mga Nalaman Mga Patunay


Mga Nauna
at Natuklasan ng Nalaman at
nang Nalaman
Natuklasan

Katanggaptanggap na
mga
Kondisyon

Paglalahat

Telementaryo
Maraming makabuluhang kaisipan ang tinalakay sa dokumentaryong
iyong napanood. Subukin mong dugtungan ang kasunod na mga pahayag
upang makabuo ng kaisipang inilalahad nito. Gawin sa sagutang papel.
1. Dadalhin ang pagpag sa karinderya para _______________________.
2. Dahil _____________ kaya binubura sa isipan ang pinanggagalingan
ng pagkain.
3. Nililinis nilang mabuti ang pagpag nang sa ganooy _______________.
4. Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito,
_________________________________________.
5. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng
dokumentaryong Gamu-gamo sa Dilim, _______________________.
Napansin mo ba ang pagkakatulad ng mga pahayag sa itaas? Ano ang
iyong napuna? Tama, may mga salitang ginagamit upang makabuo ng mga
ekspresiyong nagpapahayag ng kaugnayang lohikal. Narito pa ang
karagdagang impormasyon hinggil sa mga ekspresiyong nagpapakita ng mga
konseptong may kaugnayang lohikal.

158

MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL


May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinagugnay o pinagsama. Halimbawa nito ang mga konseptong nagpapahayag ng
relasyon o kaugnayang lohikal tulad ng dahilan at bunga, layunin at paraan,
paraan at resulta, kondisyon at bunga o kinalabasan.
1. Dahilan at Bunga/ Resulta
Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi
naman ng bunga o kinalabasan ang resulta nito.
Tingnan ang halimbawang mga pangungusap na nagpapakita
ng relasyong dahilan/ sanhi at resulta/ bunga. Pansinin ang mga pangugnay na ginamit, gayon din ang padron ng pagsusunod-sunod ng
mga konsepto. (nakaturo sa resulta ang arrow o palaso)
Nag-aaral siyang mabuti

(dahilan + pang-ugnay+resulta)

kaya/ kaya naman natuto


siya nang husto.

Nag-aaral siyang mabuti.


Dahil dito/ Bunga nito/ Tuloy
natuto siya nang husto.

(dahilan + pu + resulta; may


Hinto sa pagitan ng dahilan at
resulta)

Sapagkat/ Pagkat/ Dahil

(pu + dahilan + resulta; may


hinto pagkatapos ng dahilan)

nag-aral siyang mabuti,


natuto siya nang husto.

Natuto siya nang husto

(resulta + pu + dahilan)

sapagkat/ pagkat/ kasi/ dahil


nag-aral siyang mabuti.
Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa ibat ibang
paraan. Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil,
dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi samantalang
naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya
naman, dahilan dito, at bunga nito.

159

2. Paraan at Layunin
Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang
layunin o naiisipan sa tulong ng isang paraan. Tingnan ang halimbawa.
Pansinin ang mga pang-ugnay, pati na ang padron ng pagpapahayag
ng relasyon. (Nakatuon sa layunin ang arrow o palaso)
Upang/ Para matuto nang husto,
nag-aaral siyang mabuti.

(pu + layunin + paraan


mayhinto pagkatapos ng
layunin)

Nag-aaral siyang mabuti


upang/ para/ nang sa ganooy
matuto nang husto.

(paraan + pu + layunin)

Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para,


upang, o nang sa ganoon upang maihudyat ang layunin.
3. Paraan at Resulta
Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang
resulta. Sa mga halimbawa, nakaturo sa resulta ang arrow.
Sa matiyagang pag-aaral,
nakatapos siya ng kaniyang kurso.

(paraan + resulta)

Nakatapos siya ng kaniyang


kurso sa matiyagang pag-aaral.

(resulta + paraan)

Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito.


Inihuhudyat ng sa ang paraang ginamit upang makamit ang resulta.
4. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan
Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan: Una,
tumbalik o salungat sa katotohanan ang kondisyon. Tingnan ang
halimbawa kung saan nakaturo sa bunga o kinalabasan ng arrow.
Kung nag-aaral ka lang nang mabuti, (pu + kondisyon + bunga)
sanay natuto ka nang husto.
Natuto ka sana nang husto
kung nag-aral kang mabuti.

160

(bunga + pu + kondisyon)

At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon; tulad nito:


`
`
`
`

Kapag/ Sa sandaling/ Bastat


nag-aral kang mabuti,

(pu + kondisyon + bunga)

matututo ka nang husto.


Matututo ka nang husto

(bunga + pu + kondisyon)

Kapag/ Sa sandaling/ Bastat


nag-aral kang mabuti.

Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang


pang-ugnay na kung at karaniwan itong sinamahan ng sana upang
maipakitang salungat nga sa katotohanan ang bunga o kinalabasan. Sa
ikalawa, ginamit ang kapag, sandaling o bastat upang ipahayag na
maaaring maganap ang isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.
Pagtataya
Sinematotohanang Kaganapan
Gamit ang mga salita o ekspresiyong nagpapakita ng mga ugnayang lohikal,
sabihin ang kaisipang isinasaad ng bawat larawan. Gawin sa papel.

kaisipan

Larawan ng Mag-inang
Pulubi sa Lansangan

kaisipan

kaisipan

kaisipan

Larawan ng mga Tirahan sa


Gilid ng Estero sa Tabi ng
Matatayog na Gusali

kaisipan

161

kaisipan

Pagkatapos mong makita ang mga larawan sa pahina sa itaas, sagutin mo


ang sumusunod na tanong.
1. Ano-ano ang paksa ng mga larawan?
2. Mahusay bang nabubuod ng larawan ang paksa? Ipaliwanag.
3. Ano pa kayang problema sa lipunan ang mahusay na gawing paksa ng
ganitong mga paglalarawan?

Motibasyon: DokPantele
Layunin mo sa gawaing ito na ilapat sa tunay na sitwasyon ang
mahahalagang konsepto tungkol sa dokumentong pantelebisyon na iyong
natutuhan.
Sitwasyon:
Taon-taon ay idinaraos ang pagdiriwang para sa pagkakatatag ng
inyong lalawigan. Ngayong taon, naatasan ang inyong Samahang
Pangkabataan ng Lalawigan (SPL) upang magkaroon ng isang palabas sa
gabi ng pagtatanghal. Bilang Pangulo ng inyong samahan, ikaw ang
naatasang manguna sa pagpapalabas na may layuning maipabatid ang
kasalukuyang kalagayan ng inyong lalawigan. Ito ay sa pamamagitan ng
dokumentaryong pantelebisyon. Ang dokumentaryong inyong itatanghal ay
dapat a) gumamit ng wika ng kabataan sa kasalukuyan, b) may mga
ekspresiyong nagpapakita ng mga konseptong may kaugnayang lohikal, at c)
estilo ayon sa halimbawang iyong nabasa o napanood at sa panlasa ng
kabataang tulad mo.
Bumuo ng isang plano kung papaano iprepresenta ang mga ito.
Bumuo ng balangkas ng takbo ng programa.

Pagnilayan at Unawain
Sa bahaging ito, subukang pagnilayan ang sumusunod na gawain
upang higit mong mapalalim ang iyong pag-unawa sa mahahalagang
konsepto na nakapaloob sa araling ito. Inaasahan na pagkatapos ng mga
gawain, ang lahat ng iyong maling akala o palagay ay naitama na dahil ito
ang daan upang mabisa mong mailipat sa tunay na sitwasyon ang
mahahalagang konsepto na iyong natutuhan. Ipaliwanag sa pamamagitan ng
sumusunod na dayagram kung paano nakatutulong ang Broadcast Media sa
ibat ibang kaparaanan sa ating araw-araw na pamumuhay.

162

BROADCAST MEDIA

TELEBISYON

RADYO

1.
2.
3.
4.

pagbibigay ng impormasyon
pagpapahayag ng mga pananaw at opinyon
pagpapabatid ng mga pangunahing suliranin
paglalatag ng mga solusyon sa mga
pangunahing suliranin
5. aksiyong naisagawa/solusyon sa ipinahatid na
mga suliranin (serbisyo publiko)

Buuin ang pahayag


Ang Broadcast Media ay nakatutulong sa ating araw-araw na
pamumuhay sapagkat______________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
________________________________________________________.

Pagpapalalim: Pagsasalin
Pagkakataon mo nang ilipat ang mahahalagang konsepto na iyong
natutuhan sa araling ito. Alam kong kayang-kaya mo ito. Kung mayroon ka
pang hindi nauunawaan, maaari mong tanungin ang iyong guro. Sa
pamamagitan ng mga kasanayang iyong natutuhan mula sa mga aralin
kaugnay ng broadcast media, tiyak na matagumpay na naisakatuparan ang
mga gawaing iyong isinagawa! Batid din ang papel na ginagampanan ng
broadcast media sa paghahatid ng mahahalaga at napapanahong
impormasyon na nagdudulot sa pagkakaroon ng kamalayang panlipunan ng
mamamayan. Muli, subukin natin ang iyong galing at talino. Nasa ibaba ang
isang gawaing tiyak kong kayang-kaya mong isakatuparan.

163

Isa kang mamamahayag o journalist / broadcaster. Ikaw ay


naatasang magsaliksik kaugnay ng napapanahong isyu sa ating
bansa.
Binigyan ka ng kalayaan na pumili kung ikaw ay lilikha ng
iskrip para sa isang komentaryong panradyo o kaya naman ay
para maging bahagi ng isang dokumentaryong pantelebisyon.
Para sa pagsasagawa ng komentaryong panradyo,
kinakailangan mong sumulat ng isang iskrip na magtatampok sa
batuhan ng ideya at komentaryo kaugnay ng iyong napiling paksa
o isyu. Inatasan kang manaliksik upang magkaroon ng wasto at
mapanghahawakang impormasyon mula sa mga personalidad na
may kinalaman sa paksa o isyu. Kinakailangang bumuo ka ng
iskrip para sa dalawang mamamahayag na siyang magbabasa
nito sa isang programa sa radyo ang KABOSES.
Kung ikaw naman ay makikiisa sa Pagbuo ng
Dokumentaryong
Pantelebisyon,
kinakailangan
mong
makipanayam sa isang tao na makapagbabahagi ng
impormasyon o kaya naman ay may mahalagang opinyon
kaugnay ng paksa o isyung iyong napili. Ang iskrip na iyong
mabubuo ay magiging bahagi ng isang dokumentaryong
ipalalabas sa KABOSES Station Channel.

Narito ang ilan sa mga isyu na maaaring maging paksa ng iyong


komentaryong panradyo o dokumentaryong pantelebisyon:

Dagdag na Taon sa Hayskul, Kailangan Pa Ba?


Ang Mundo Bay Sadyang sa Pera Umiikot?
Pamahalaan, Lagi Bang Handa sa Panahon ng Kalamidad?
Bagong Teknolohiya Sagot nga Ba sa Pag-unlad?

164

Katangiang Pang-Multimedia
Gumamit ng mga
grapiko, video,
tunog, at iba pang
multimedia na
makatutulong
upang higit na
maging
makabuluhan ang
presentasyon.
Sumunod sa batas
kaugnay ng
copyright sa
paggamit ng
multimedia
features.

Gumamit ng
multimedia upang
maisagawa ang
presentasyon.
Sumunod sa batas
kaugnay ng
copyright sa
paggamit ng
multimedia
features.

Gumamit n
g multimedia
upang maisagawa
ang presentasyon,
ngunit may mga
pagkakataong
nalalayo sa tema.
Sumunod sa batas
kaugnay ng
copyright sa
paggamit ng
multimedia
features.

Di-gumamit ng
multimedia upang
maisagawa ang
presentasyon

Pagiging Malikhain
Ang presentasyon
ay ginamitan ng
kakaibang mga
likhang sining
upang mahikayat
ang mga
manonood,
makadaragdag sa
pagpapalabas ng
layunin at tema ng
paksa.

Ang presentasyon
ay ginamitan ng
kakaibang mga
likhang sining
upang mahikayat
ang mga
manonood.

Sinubukang
gamitan ng
kakaibang mga
likhang sining
upang mahikayat
ang mga
manonood.

Walang ginamit na
kakaibang mga
likhang sining
upang mahikayat
ang mga
manonood.

Pagtatanghal
Pinaghandaang
mabuti ang bawat
linya at malinaw
na binigkas ang
bawat salita.
Naipakita ang
kabuluhan ng
paksa at tema
nito.

Pinaghandaang
mabuti ang bawat
linya at malinaw na
binigkas ang
bawat salita.

May mga ilang


pagkakataong
kinabahan habang
nagsasalita.

Di-napaghandaan
ang pagsasalita at
pagganap.

Bumuo muna ng concept web upang matulungan sa paghimay ng


paksa. Isulat ang matatapos mong iskrip sa isang bond paper. Tiyakin na
malinis at maayos ang pagkakasulat nito. Gagamitin sa pagtataya ng iyong
gawa ang mga rubrik na ginamit sa pagtataya ng komentaryong panradyo at
dokumentaryong pantelebisyon sa naunang mga gawain.

165

Ipresenta sa klase ang nabuo, sa pamamagitan ng pagtatanghal ng script.


Narito ang rubrik kung paano mamarkahan ang iyong produkto:
Rubrik para sa Multimedia Presentation
Pinakamahusay
4

Mahusay
3

Umuunlad
2

Nagsisimula
1

Ang
presentasyon ay
may tiyak na
paksa, at may
kaugnayan ang
mga ipinakita
rito sa paksa.

May tiyak na
paksa ang
presentasyon
ngunit ilang
bahagi lamang
ang nagpakita ng
kaugnayan sa
paksa.

Di malinaw na
naipakita ang
paksa at ang
karamihan sa
bahagi ay
walang malinaw
na kaugnayan
sa tema.

Sa tulong ng iba,
nakapaghinuha
ako ng isang
magandang
kongklusyon.

Di naging madali
ang paghinuha
ko ng
kongklusyon.

Nilalaman: Layunin
Ang
presentasyon ay
may tiyak na
layunin o tema.
Ang lahat ng
ipinakita rito ay
may tiyak na
kaugnayan sa
layunin at
lubhang
makabuluhan.

Nilalaman: Kongklusyon
Ginamit ko ang
aking natutuhan
at mga dati ng
kaalaman upang
mailahad ang
aking pag-unawa
sa mga datos na
nakalap.

Nakapaghinuha
ako nang
maayos na
kongklusyon
mula sa mga
datos na
nakalap.

166

Pangwakas na Pagtataya
Punan ang mga patlang sa bawat bilang upang mabuo ang mga
kaisipang isinasaad.
1. Sa pamamagitan ng mga programa sa radyo,
__________________________________________________________.
2. Sa panonood ng mga dokumentaryong pantelebisyon, ang kabataan ay
__________________________________________________________.

Pagbuo ng sarili kong palabas:


Bumuo ng grupong may tigatlong miyembro. Siguraduhing may isang
mahusay gumuhit, magsulat, at magsalita sa bawat grupo.
Para sa gawaing ito kailangang bumuo ang bawat grupo ng isang konseptong
palabas.
Konteksto: Ipalalabas ang pinakaunang episode ng inyong programa sa
susunod na linggo. Para dito kailangang makabuo ng sumusunod:
1. Pamagat ng programa
2. Logo para sa programa
3. Script kung saan ipinakikilala ang layunin at punto ng programa.
4. Guhit ng sumusunod
a. Talk Show hitsura ng set
b. Palabas tungkol sa krimen hitsura ng set
c. Palabas tungkol sa isyu - guhit ng lugar na bibisitahin
5. Mga elementong kailangan isama ayon sa format ng mapipiling
palabas
a. Talk Show mga magsasalita at mga dahilan kung bakit sila
iimbitahan
b. Palabas tungkol sa krimen isang kaso (maaaring inimbento)
c. Palabas tungkol sa isang espisipikong isyu lugar na bibisitahin
at maikling paglalarawan dito. Kailangan ding magbigay ng
dahilan kung bakit ito ang napili.

167

DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA: MIDYUM SA NAGBABAGONG


PANLIPUNAN
Mga Aralin
Mga Dokumentaryo at Pelikula
Bata, Bata... Paano Ka Ginawa? ni Lualhati Bautista
Susog na Ugnay Panitikan: Dokumentaryong Pampelikula
Elemento ng Pelikula
Mga Paraan ng Pagpapahayag
Pintig, Ligalig, at Daigdig ni Jet Oria Gellecanao

Pagkilala sa mga Termino


Panuto: Kompletuhin ang letra sa mga patlang upang matamo ang mga
sagot sa bawat bilang.
1. Isang uri ng pelikula na aktuwal ang pagkuha ng mga pangyayari
upang higit itong mas maging makatotohanan. D _ _ u _ _ _ t _ _ y
2. Mga pelikulang gawa ng mga estudyante o mag-aaral na inilalahok sa
mga patimpalak. S _ _ d _ _ t
I_d____d_n_
_i_m
3. Elemento ng pelikula kung saan nakapaloob ang mga eksena at
diyalogo ng mga tauhan at artista. I _ _ _ i _
4. Isa sa kinikilala at tinitingalang pangalan sa paggawa ng independent
film ay si B _ _ l l _ n t _
_ e _ d o _ a.
5. Si _ o _ _
_ a _ _ i n ay isa sa pinakamahusay na aktor sa
kasalukuyan at produkto ng indie films.
Batid ko na mayroon ka ng kaalaman tungkol sa mga dokumentaryo at
pelikula. Sa tinatawag nating panitikang popular ngayon, ito ay pinagsama,
kayat tinawag itong dokumentaryong pampelikula. Lubha kang magiging
interesado sa paksang ito, lalo na sa isang katulad mong kabataan na sa
kasalukuyan ay nabubuhay sa modernong panahon na laganap na ang mga
modernong teknolohiya na naging bahagi na ng iyong pang-araw-araw na
pamumuhay. Ngunit bago ang lahat, mayroon tayong mahalagang tanong
na magiging gabay mo sa pagtalakay ng araling ito. Aalamin mo kung
paanong ang isang dokumentaryong pampelikula ay mabisang instrumento
sa pagpapaunlad ng pagkatao at pagbabagong panlipunan? Makatutulong
sa iyo ang sumusunod na gabay na tanong upang sa pagtatapos ay
masagot mo nang tama ang mga ito.

168

Mga Gabay na Tanong:


1. Bilang isang uri ng panitikang popular sa kasalukuyan, paanong ang
kahalagahan ng isang dokumentaryong pampelikula, ganoon din ang
estilo at kaalamang teknikal ay makatutulong sa mga elementong
taglay nito?
2. Paano mabisang maipahahayag ang mga saloobin at damdamin sa
isang dokumentaryong pampelikula gamit ang angkop na pangkomunikatibong pagpapahayag?
Paano mabisang maipahahayag ang saloobin, damdamin, at mga pananaw
para sa isang dokumentaryong pampelikula bilang isang midyum para sa
pagbabagong panlipunan? Isulat ang iyong kasagutan sa papel. Gayahin
ang pormat.
Panimulang Pagtataya: Pag-analisa Batay sa Nakasaad sa Kahon
Pagmasdan at pag-aralan ang mga nakasaad sa kahon. Ibahagi ang iyong
mga kaalaman at pananaw kaugnay ng mga ito. Isulat ang iyong mga sagot
sa loob ng mga kahon sa 3-2-1 Chart. Gawin sa isang pirasong papel.

I-WITNESS DOCUMENTARIES

REELTIME DOCUMENTARIES

Ang Pagdadalaga NI
Maximo Oliveros

Ang Babae sa Septic Tank


169

Alin sa mga palabas o pelikula na


nakalarawan ang iyong
kinagigiliwan? Magbigay ng tatlo (3)
at ipaliwanag kung bakit.

Ano-ano ang eksena sa pelikula o


palabas ang tumatak sa iyong
isipan. Maglarawan ng dalawa (2) at
ipaliwanag kung bakit.

Kung bibigyan ka ng pagkakataon,


ano ang isang tanong na nais mong
tanungin sa mga tao sa likod ng
mga pelikula o palabas na ito?

_____________________________________
__
_____________________________________
__
_____________________________________
__
_____________________________________
__
_____________________________________
__

_____________________________________
_____________________________________
____

Pagtatasa: Ihasip Natin (Ihambing at Isaisip)


Suriin ang mga palabas na kinakatawan ng mga larawan sa itaas.
Subukin mong ipangkat ang mga ito sa dalawa sa tulong ng kasunod na
dayagram. Pagkatapos nito, itala mo ang pagkakatulad ng mga ito kaugnay
ng layunin, paraan ng paghahatid nito at mensaheng naiiwan sa mga
manonood. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.
PELIKULA

DOKUMENTARYO

B. Pagkakaiba

A. Pagkakaiba
C. Pagkakatulad

170

Paunlarin
Ang una mong dapat isagawa ay basahin ang buong teksto, ang iskrip
ng pelikula. Makatutulong ito upang malaman mo kung paanong ang isang
pelikula ay mabisang instrumento sa pagpapaunlad ng pagkatao at
pagbabagong panlipunan.
Narito ang isang halimbawa ng isang pelikula at ang isang bahagi ng
iskrip nito. Ito ay pinamagatang Bata, Bata...Paano Ka Ginawa? mula sa
panulat ng isang batikang nobelista na si Lualhati Bautista.
Simulan mo na ang pagbabasa ng iskrip. Tandaan ang mahahalagang
detalye nito para sa isasagawang mga pag-aaral at analitikong pagsusuri.
Patalasin mo ang iyong isip at pairalin ang iyong imahinasyon nang sa
ganoon kapag ito naman ay iyong pinanood bilang isang pelikula ay mas
malawak ang iyong magiging kaalaman sa isang pelikula na katulad nito.

Bata, Bata... Paano Ka Ginawa?


(Screenplay)
Lualhati Bautista
EKSENA 1

School ground day.

Magbubukas ang eksena sa isang choreographed dance number ng mga


batang babaing kasali sa miss kinder beauty contest. Ang tugtog: Butsiki.
Graduation day ito ng kindergarten class. Puno ang school ground. May mga
nanay pa nga na dala pati mga baby nila.
Habang ginaganap ang sayaw, kanya-kanyang hanap ng magandang
puwesto ang mga magulang na may dalang camera para makuhanan ang
kanilang mga anak. Kabilang na sa kanila si Lea. Siyempre, nasa kalipunan
din ng mga tao sina Ojie at Ding. Nakasampay sa kamay ni Ojie ang toga ni
Maya, isinusunod iyon kay Lea.
Ojie

Nanay, eto ang toga.

Lea

Mamaya na iyan, hawakan mo sandali.

Ojie

Ang init-init na po, e! Ayoko nang grumadweyt! Gusto ko


po bagsak na lang ako!

Isang batang lalaking ga-graduate ang basta na lamang umihi sa upuan niya.
Nagpulasan ang mga tao. Tilian ang mga babae, Aaaayyy! Aaaaayyy!
Isang batang nagkikislapan ang damit na kulay gold ang kinukurot ng palihim
ng kaniyang ina.
171

Ina ng batang kumikislap ang damit: Tahan ka na sabi dyan! Putris ka,
dalawang libo ang gastos ko sa baro mo!
SUPERIMPOSE, TITLE AND CREDITS
EKSENA 2

School ground. Same day.

Natapos ang sayaw ng grupo ng mga bata. Nagpalakpakan. Nagsalita na ang


teacher-emcee sa stage.
Teacher-Emcee :

At ngayon naman, magpapakita ng kanilang angking


talento ang mga kandidata. Sila ay aawit, tutula, at
sasayaw. Tawagin natin ang candidate number 1...si
Arlina de los Santos! (palakpakan)

Hahabulin ni Ding si Lea papuntang backstage. Mabilis na iniabot ni Lea ang


camera sa kanya. Sa background, sumasayaw ng Papa, Dont Preach ang
kandidata.
Lea

Hawakan mo, bibihisan ko yong bata!

Ding

(pahabol, may warning) Meyk-apan mo naman kahit


konti! Hindi mananalo iyan! (kakalabitin ni Ojie si Ding)

Ojie

(impatient na): Tatay Ding, eto yong toga.

Ding

Mamaya na iyan. Tutula pa raw yong kapatid mo.

EKSENA 3

School ground. Same day.

Makikita sa camera na halos natataranta ang mga ina sa pagbibihis ng


kanilang mga anak. From long gown to casual na kasi ang susunod na
eksena. Naghahabilin ang bawat isa. Nag-ooverlapping ang mga diyalogo.
Mother 1

Iyong lines mo, huwag mong kakalimutan ha (kakanta


sabay sayaw) Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe,
Matayog ang pangarap ng matandang bingi!

Lea

(Habang binibihisan si Maya) Huwag kang kakabahan.


Bastat banat lang nang banat, tapos! Katuwaan lang
naman to. Ang importante, kung ano ang laman ng utak
at puso. Hindi ng mukha (itataas ng daliri ang baba ng
anak) Sige, ha? Pagbutihin mo!

Shot ng emcee sa stage.


Emcee

Ang susunod naman pong magpapakita ng kaniyang


talento ay si candidate number 7. Estudyante ni Miss
Maglinao, kinder, section Pussycat, 7 years old, math
ang favorite subject niya: Maria Natalia Bustamante
Gascon.
172

Sisiksik si Lea papunta sa unahan, nakaumang na ang camera. Kasunod niya


sina Ding at Ojie.
Lea

Excuse me po! Excuse me po! Sa stage, uumpisahan na


ni Maya ang kanyang tula.

Kumpleto sa acting.
Ang tiyan ng nanay, malakit mabilog.
Ano iyon? Tanong ni Ojie sa nanay.
Bola? Bola ng basketbol?
Hindi, iba.
Puwedeng paglaruan?
Hindi at may laman.
Ano ang laman, ha Nay?
Sorpresa, sorpresa!
Ang sorpresa nang lumabas, ako pala!
Paanong ang bola ay naging si Maya?
Biglang tawa si Nanay:
Paglaki mo na Ojie...saka mo malalaman.

Maya

Ding

(kay Lea) Turo mo, turo mo yon? Pambihira ka...hindi


mananalo yon!

Magsisimula na ang graduation march. (Sa backstage) Nakaupo si Lea sa


harapan ng anak, mini-medyasan niya ito para sa sapatos na itim.
Ding

(kay Maya) Sana naman anak, iba na lang ang tula mo.
Hindi mananalo iyon.

Lea

Di bale, kahit hindi manalo no! Hindi naman yan


pagandahan.

Ding

Pambihira ka! E bat sumali ka pa sa beauty contest?

Maya

(Medyo magsisimangot konti) Kuya, akin na ang toga ko,


maka-graduate na. Kukunin na ni Lea ang toga. Hindi pa
rin ibababa ni Ojie ang kamay niya.

Ojie

(medyo naaasar na) Gusto nyong itanong kung anong


nangyari sa kamay ko? Namatay na, o...naging bato na!

Sa isang banda, medyo pa-ismid na binibihisan ng nanay ang batang nakagold na pahikbi-hikbi pa rin.
Ina

Wala na, natapos na ang Miss Kinder. Ang mahal-mahal


pa naman ng baro mo. Dalawang libo iyan.

Aatungal na naman ang bata.

173

Pagpapalalim: Hagdanaw (Hagdan at Pananaw)


Mula sa ibaba patungo sa itaas, sagutin ang sumusunod na tanong upang
makuha ang bandila. Lalo pa nitong palalalimin ang kaalaman, pagkilala sa
sarili, at pagkamulat sa kapaligiran. Isulat ang sagot sa papel.

Paano nakapagpapamulat ng
kamalayan ang isang uri ng
media tulad ng mga pelikula
na bahagi ng ating kultura at
panitikang popular?
Ipaliwanag.
Bilang kabataan, paano mo nakikita
ang iyong sarili bilang isang
mahusay na mag-aaral at pagiging
masunurin sa iyong mga magulang?
Bilang kabataan, ano ang iyong nadarama
kapag hindi ka masyadong
pinahahalagahan ng iyong pamilya? Paano
mo ito sinasabi sa iyong mga magulang?
Paano mo bibigyang-kahulugan ang bawat eksena
sa pinanood mong pelikula? Ano ang naging
implikasyon sa yo nito at sa taglay mong katauhan
bilang isang bata o isang kabataan ngayon sa
ating lipunan?
Paano mo ilalarawan ang mga pangunahing tauhan sa
pelikula, ayon sa mga taglay nilang katangian?
Ipaliwanag.
Sa iyong sariling pananaw, bagamat napakabata mo pa sa
iyong edad, mayroon ka na bang natatanging mga pangarap sa
buhay?

174

Higit pang palawakin ang iyong kaalaman tungkol dito. Basahin ang
sumusunod na Ugnay-Panitikan:
Ang ilan sa mga pelikula ay nagreresulta bilang dokumentaryong
pampelikula sapagkat pangunahing layunin nito ang magbigayimpormasyon, manghikayat, magpamulat ng mga kaisipan, at magpabago
ng lipunan. Sa mas malawak nitong pakahulugan, ito ay isang
ekspresyong biswal na nagtatangkang makita ang realidad at
katotohanan.
Sa mga unang taon noong 1900, nagsimula na ang paglikha ng mga
dokumentaryong pampelikula. Ito ay isang salitang Pranses na ang
pangunahing inilalarawan ay ang pagkuha ng ibat ibang mga eksena sa
anumang gawain ng mga tao sa araw-araw. Inilalarawan ito bilang ang
aktuwal na tanawin o eksena. At sa patuloy na pagdaan ng panahon,
naipakita sa mga tao ang nakakatulad na dokumentaryo tulad ng
travelogue, newsreel tradition, at cinema truth.
Malaki umano ang ginampanang bahagi nito sa bawat bayan noon,
sapagkat ito ang naging instrumento laban sa politika at maling
pamamahala, dahil sa ipinakita nito ang realidad. Naging wartime
propaganda, ethnographic film, at nagsilbing inspirasyon upang makamit
ang maraming tagumpay noon. Sa pamamagitan ng tinatawag na
Cinema Verite ang salitang French na nangangahulugang film truth o
pelikula totoo kung saan nagkaroon ng totohanan at aktuwal na
pagtatagpo at pag-uugnay ng mga pangyayari sa pagitan ng filmmaker o
tagalikha ng pelikula at ng kaniyang film subject o pinakapaksa ng
dokumentaryo. Sa pamamagitan nito, mas nagiging makatotohanan,
mabisa, at makabuluhan ang isang dokumentaryo.
Sa ating modernong kapanahunan ngayon at gaya na din ng ilang mga
nabanggit, karaniwang nauuso ang mga independent o indie films, short
films, advertisements, at mga video advocacies bilang bahagi ng
kulturang popular at panitikang popular nating mga Pilipino.

175

Aralin: Elemento ng Pelikula


Higit pa rito, dapat mong malaman na ang isang epektibong
dokumentaryong pampelikula ay nagtataglay ng sumusunod na elemento:
Mga Elemento ng Pelikula
a.

Sequence Iskrip Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari


sa isang kuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na
layunin ng kuwento.

b.

Sinematograpiya Pagkuha sa wastong anggulo upang


maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa
pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera.

c.

Tunog at Musika Pagpapalutang ng bawat tagpo at


pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo.
Pinupukaw ang interes at damdamin ng manonood.

Iba pang mga Elemento


a.

Pananaliksik o Research - Isang mahalagang sangkap sa


pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan
nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang
mga detalye ng palabas.

b.

Disenyong Pamproduksyon Pagpapanatili sa kaangkupan


ng lugar, eksena, pananamit, at sitwasyon para sa masining
na paglalahad ng biswal na pagkukuwento.

c.

Pagdidirihe - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung


paano patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula.

d.

Pag-eedit Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli


ng mga negatibo mula sa mga eksenang nakunan na. Dito
ay muling sinusuri ang mga tagpo upang tayain kung alin
ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa
kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang oras /
panahon ang isang pelikula.

176

Gawain: Patinikan sa Panitikan


Sa panonood mo ng mga dokumentaryo at pelikula ay may mga
senaryo na nakintal sa iyong isipan. Marahil tumagos pa nga sa iyong pusot
damdamin. Iguhit sa loob ng kahon ang ilan sa mga eksenang iyong
naibigan. Ipaliwanag kung ano ang kahulugan nito. Gayahin ang pormat.
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
__
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
__

177

Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera


1. Establishing / Long Shot Sa ibang termino ay tinatawag na
scene-setting. Mula sa malayo ay kinukunan ang buong senaryo o
lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magiging takbo ng
buong pelikula o dokumentaryo.
2. Medium Shot Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula
baywang paitaas. Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may
diyalogo o sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap. Gayundin,
kapag may ipakikitang isang maaksiyong detalye.
3. Close-Up Shot Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay
lamang, hindi binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay
ang pagpokus sa ekspresiyon ng mukha; sulat-kamay sa isang
papel.
4. Extreme Close-Up Ang pinakamataas na lebel ng close-up shot.
Ang pinakapokus ay isang detalye lamang mula sa close-up.
Halimbawa, ang pokus ng kamera ay nasa mata lamang sa halip
na sa buong mukha.
5. High Angle Shot Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang
anggulo o pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa
ilalim.
6. Low Angle Shot Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang
anggulo o pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.
7. Birds-Eye View Maaari ding maging isang aerial shot na anggulo
na nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa
ibabang bahagi. Halimbawa nito ay ang senaryo ng buong
karagatan at mga kabundukan na ang manonood ay tila isang
ibong lumilipad sa himpapawid.
8. Panning Shots Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang
kamera upang masundan ang detalyeng kinukunan. Halimbawa
nito ay ang kuha sa isang tumatakbong sasakyan o isang taong
kumakaripas ng takbo.

Mula sa mga naunang gawain, nabatid natin na upang maging


nakasisiya at mabisa ang isang dokumentaryong pampelikula, mahalagang
isaalang-alang ang bawat kuha at anggulo ng kamera na tinatawag na
camera shots and angles nito sapagkat lalo nitong pinagaganda ang
screenplay ng isang obra maestra. Malaki rin ang bahaging ginagampanan
nito sa emosyon, lalim at kakintalan, at ang magiging implikasyon ng isang
dokumentaryo sa mga manonood nito.
178

Pagtatasa: Kuha Ko, Hula Mo


Matapos mong matutuhan ang ibat ibang uri ng anggulo at kuha ng
kamera at ang kahalagahan nito sa pelikula, ngayon naman ay muli kang
gumuhit sa papel ng ilan sa mga eksena mula sa mga napanood mong
pelikula batay sa anggulo ng kamera na iyong natutuhan. Maaari ding
gumupit ng mga larawan ng mga eksena sa pelikula mula sa magasin o
pahayagan. Tukuyin lamang kung anong uri ng camera shot ang ipinakita at
ang nais nitong ipahiwatig.
Uri ng Kuha: _______________________
__________________________________

Nais Ipahiwatig:______________________
____________________________________
___________________________________

Uri ng Kuha: _______________________


__________________________________

Nais Ipahiwatig:______________________
____________________________________
___________________________________

Uri ng Kuha: _______________________


__________________________________

Nais Ipahiwatig:______________________
____________________________________
___________________________________
179

Isa pang mahalagang aspekto ng dokumentaryong pampelikula ay ang


Komunikatibong Paggamit ng mga Pahayag o Mga Uri ng Pagpapahayag. Sa
pamamagitan nito, higit nating naipauunawa ang mga ibig ipahiwatig ng
tauhan sa paraan ng kaniyang mga pananalita.
Aralin: Pagpapahayag
Lalo na sa wikang Filipino, ang bawat pahayag na ating sinasabi ay
tumutugon sa anumang layunin at pangkomunikatibong pahayag gamit ang
wika upang epektibo nating maiparating ang ninanais na mensahe o
reaksiyon. Pansinin mo ang sumusunod na pangungusap.
A. Pagpapahayag at pag-alam sa kaisipan at saloobin
1. Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo. (pagtanggap)
2. Maaari kayang
aalinlangan)

mangyari

ang

kaniyang

mga

hinala?

(pag-

3. Nakalulungkot isipin, ngunit hindi ko kailanman sinabi ang mga


pananalitang yaon. (pagtanggi)
4. Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon. (pagsangayon)
5. Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga
pahayag. (pagsalungat)
B. Pagpapahayag at pag-alam sa angkop na ginagawi, ipinakita, at
ipinadarama
1. Pagbibigay-babala
Mag-ingat ka sa lahat ng iyong mga lakad. (pagbibigay-babala)
Huwag kang magpabigla-bigla sa iyong mga desisyon.
2. Panghihinayang
Sayang, tama sana ang aking kasagutan.
Kung naipagtapat ko lamang sa kaniya ang lahat, hindi sana nangyari
yaon.
3. Hindi Pagpayag
Hindi yata sapat kung ganoon lamang ang inyong gagawin.
Bahala na kayo sa anumang hakbang na nais nyong isagawa.

180

Pagtatasa: Pahayag Ko, Tugon Mo


Bigkasin ang sumusunod na linya o mga pahayag batay sa iyong
napanood. Alamin kung anong gawi ng pagsasalita ang nakapaloob sa bawat
pangungusap. Pillin ang tamang sagot mula sa kahon sa itaas. Isulat sa
papel ang mga sagot.
Pagtanggi
Pagbibigay-babala
Panghihikayat

Pagsang-ayon
Panghihinayang
Pagsalungat

Ama mag-ingat ka sa iyong


paglalakbay, mapanganib sa
daan!

Hindi dapat maiwan si Jonalyn,


dapat kasama natin siya sa
pagboto.

1. ___________________________________

2. ___________________________________

Hindi na ako bomoto, dahil


naniniwala akong hindi naman ito
makapagpapababa at
makababawas ng aking
pagkatao.

Sa ginagawa nilang iyan,


inaagawan nila ng tahanan ang
mga ibon.

3. ___________________________________

4. ___________________________________

Ang sampagitang ito ay para sa


mga ga-gradweyt lamang, isuot
mo, huwag kang mahiya, bagay
sa iyo ito.

O sige, mag-aaral tayo


pagkatapos ng pananghalian
natin.

5. ___________________________________

6. ___________________________________

181

Aralin: Pahayag Ko, Interpretasyon Mo


Ngayon naman ay basahin mo ang sanaysay na ito. Sa pamamagitan
nito ay higit ka pang magkakaroon ng kasanayan sa ating tinatalakay na
paksang pangwika. Nakapaloob dito ang ilan sa mga pagpapahayag at pagalam ng mga kaisipan, saloobin, paggawi, at pagdama. Hanapin ang mga ito
mula sa sanaysay at isulat ang iyong mga kasagutan. Ipaliwanag din ang
kahulugan ng bawat pahayag. Isulat sa papel ang sagot. Sundin ang pormat.

Pintig, Ligalig, at Daigdig


Jet Oria Gellecanao
Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon. Ang bawat araw ay nagiging
mga oras, ang bawat oras ay nagiging minuto, ang bawat minuto ay nagiging
mga segundo na lamang. Kaya naman, maging ang pintig ng bawat sandali,
ng bawat puso, ng bawat bagay, at nilalang sa mundo ay sumasabay din sa
isang maligalig na daigdig.
Sa umpukan ng mga nakatatanda ay madalas marinig ang mga
usapang ito Talagang sang-ayon ako sa mga pahayag na ito, wika ng isang
lola. Kakaiba na ang panahon sa ngayon, mas higit na mapanganib! Mas
matigas na rin ang ulo ng mga kabataan! sambit naman ng isa. Sumagot
naman itong si lolo: Hindi ako sang-ayon diyan, mas marurunong at mas
maabilidad na ang mga bata sa ngayon. Kaya, kabataan, sino ka sa mga
nabanggit nila? Paano mo pinatunayan sa iyong sarili ang taglay mong mga
talento at taglay na kaalaman?
Madalas din silang magpayo sa atin: Mag-ingat ka sa iyong paglakad,
at baka ikay madapa, mas malalim ang sugat. Dapat lamang na pakinggan
natin ang mga payong ito sabay sambitin ang mga katagang, Taos-puso po
naming tinatanggap ang inyong mahalagang mga paalaala at mga gintong
kaisipan. Kaisipang nagpapaalala sa atin na naway tahakin natin ang tama
at tuwid na landas.
Sa kabilang panig, tanggapin natin ang katotohanan na may mga
pagbabagong nagaganap sa kasalukuyang panahon. Tunay ngang kakaiba
na talaga sa ngayon ang takbo ng buhay. Makikita ito sa uri at estilo ng
pamumuhay ng bawat isa. Sa paraan ng kanilang mga pananalita at gawi at
lalo na sa kanilang mga pananaw, paniniwala, at paninindigan sa buhay. Isa
sa mga higit na nakakaimpluwensiya sa mga tao ngayon ay ang pag-usbong
ng modernong teknolohiya. Idiniriin sa atin ang konsepto ng Globalisasyon
at ang paglitaw ng teoryang Global Village kung saan ang mundo, ang bawat
bansa at bayan na naririto ay wala nang anumang mga hadlang o
tagapamagitan lalo na sa larangan ng pakikipagtalastasan. Nariyan ang
182

Internet, Facebook, Twitter, YouTube, Skype, at iba pa upang mas higit na


mapadali at mapabilis ang komunikasyon.
Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, ay ang paniniwala ng
karamihan na dahil sa labis na ang kasamaan ng tao, sandali na lamang at
magugunaw na ang mundo. Maaari kayang mangyari ang ibat ibang mga
hula ng mga tao tungkol dito? Tandaan natin, nilikha ng Diyos ang tao at ang
daigdig hindi upang gunawin at sirain lamang ito. Sa halip, ang mga bagay na
hindi karapat-dapat manirahan dito ang siya lamang niyang aalisin. Tanging
siya lamang at wala nang iba pa ang nakaaalam kung kailan mangyayari ang
pagpuksa sa mga masasama at sa sumisira ng kanyang mga nilikha.
Kaya mga kapuwa ko kabataan, panahon na upang ikaw ay magbulaybulay. Ano na ang nagawa ko para sa aking sarili? Para sa aking kapuwa?
Higit sa lahat, ay ang iyong magandang kaugnayan sa Diyos. Kayat ito ang
tamang panahon upang harapin ang mga bagong hamon sa buhay.
Magpatuloy ka, upang minsan sa isang araw ng iyong buhay ay hindi mo
masambit ang mga katagang Sayang, kung ginawa ko lamang sana iyon.
Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon, ang bawat araw...nagiging
oras, nagiging minuto hanggang maging segundo. Ang bawat pintig,
pintig...at pintig sadyang may ligalig sa ating daigdig... Kabataan! Panahon na
upang tanggapin mo ang hamon sa iyo!

Pahayag:
_____________________________
Paliwanag/Interpretasyon: __________________________________
Pahayag:
_____________________________
Paliwanag/Interpretasyon: __________________________________
Pahayag:
______________________________
Paliwanag/Interpretasyon: ___________________________________
Pahayag:
______________________________
Paliwanag/Interpretasyon:____________________________________

183

Katutubo Kapatid, Kapamilyat Kapuso


Sumulat ng isang talata tungkol sa kung paano pahahalagahan ang
mga kapatid nating katutubo. Gumamit ng mga pangungusap na may angkop
na komunikatibong pagpapahayag. Lapatan ito ng sariling pamagat.

Gawaing Bahay: Ako sa Noon at Ngayon ng Aking Lugar


Magturo sa isang nakatatanda (maaaring lola, lolo, o magulang) ng
isang panibagong bagay o gawain na sa tingin ninyo ay kumakatawan sa
inyong henerasyon. Pagkatapos ay subukan ding magpaturo ng isang bagay
o gawain mula sa kanilang henerasyon. Pagkatapos nito ay sumulat ng isang
papel na naglalarawan sa ginawa at sumasagot sa sumusunod na tanong:
Anong kultura kaya ang nailarawan sa impormasyong
ibinahagi ninyong dalawa? Ano ang kapansin-pansin sa
inyong mga henerasyon?

Pagnilayan at Unawain
Mula sa mga naunang pinag-aralan, naging litaw ang mahahalagang
konsepto tungkol sa dokumentaryong pampelikula. Kabilang na rito ang
pagsusuri sa nilalaman nito at kung ano ang panlipunang kahalagahan nito
lalo na sa panahon ngayon. Ang isa sa pinakamahalagang elemento ng
dokumentaryong pampelikula ay ang iskrip kung saan nakapaloob ang mga
diyalogo o mga pananalitang namumutawi sa bibig ng mga artistang
gumaganap. Sa pananaw ng scriptwriter at ng direktor, ang mga diyalogong
ito ay may mas malalim na pagpapakahulugan, sapagkat mula sa mga ito ay
makukuha mo ang mga nakapaloob na mensahe upang magsilbi itong
kamalayan upang buksan ang isipan ng bawat isa tungkol sa mga isyung
panlipunan. Narito ang ilan pang gawain na may kinalaman dito upang higit
pa nating mapalalim ang iyong pag-unawa sa kung paanong ang isang
dokumentaryong pampelikula ay mabisang instrumento sa pagpapaunlad ng
pagkatao at pagbabagong panlipunan?

184

Pagtatasa: INTERDAYAL (Diyalogo Ko, Interpretasyon Mo)


Ang sumusunod na diyalogo ay halaw sa dokumentaryong napanood.
Paano ito maaaring bibigyang-pakahulugan? Ipaliwanag ang kaugnayan nito
sa tunay na buhay at sa kalagayan ng ating lipunang ginagalawan sa ngayon.
Isulat sa papel ang sagot
Hindi na ako bumoto, sapagkat
para sa akin, hindi ito
makapagpapababa
at makababawas ng aking
pagkatao

___________________________________
___________________________________
____________________

Huwag na, hindi na mahalaga


yon, pagsasayang lang ng oras
yan, narinig mo naman ang mga
Koreano, kelangan ko na mag-fillup ng aplikasyon.

___________________________________
___________________________________
____________________

Apo Namalyri, kamiy wala, kung


hindi dahil sa yo.
Makapangyarihang Isa
Kami ngayoy nangagtipon
Dito sa aming taniman
Kayo lamang ang makatutulong sa
amin.

_________________________________
_________________________________
________________________

Ipinakikita lamang nito na mahalaga sa mabisang komunikasyon ang


pagpapakahulugan sa mga diyalogo. Ngayon ay muling balikan ang ilang
diyalogo sa dokumentaryong pinanood na tumimo sa iyong isipan, bigyan ito
ng pagpapakahulugan.

185

Pagtataya: Pelskrip (Pelikula at Iskrip)


Sa iyong naunang mga gawain ay nalaman mo ang uri ng mga
pahayag na mahalagang bahagi ng epektibong komunikasyon na
nakatutulong upang magkaroon ng mas malalim na pagpapakahulugan ang
mga diyalogo o pahayag. Ngayon naman ay subukin mo ang iyong
kakayahan sa bagay na ito.
Umisip ng isa sa mga pelikulang napanood mo na at gumupit ng
larawan tungkol dito mula sa pahayagan o sa magasin at idikit ito sa papel.
Maaari ding iguhit ang ilang eksena mula sa pelikula. Subukin mong bumuo
ng mga diyalogo mula sa mga ito na ginagamitan ng ibat ibang uri ng mga
pahayag na ating tinalakay sa mga naunang aralin. Gawin sa papel.
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
_________________________________________

___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
________________________________________

186

Pagtatasa: Dokyufil: Pelikula at Dokumentaryong Pilipino


Epekto sa Iyo
Marami sa mga pelikulang Pilipino ang tahasang tumatalakay sa mga
isyu at suliraning panlipunan na nangyayari sa ating kasalukuyang panahon.
Karamihan pa nga sa mga ito ay ang ibat ibang mga indie films,
dokumentaryong pampelikula, at iba pang uri ng mga de-kalidad na pelikula.
Kayat ang matataas na uri ng mga obra-maestra na katulad ng mga ito sa
larangan at industriya sa paglikha ng pelikula ay nararapat lamang tangkilikin
bilang bahagi ng kultura at panitikang popular sa ating bansa. Hindi lamang
ito nakalilibang kundi naimumulat nito ang ating kamalayang panlipunan, at
kung ano ang naging implikasyon o bisa nito sa iyo bilang mag-aaral.
Ipaliwanag ang naging implikasyon sa iyo ng isang pelikula o
dokumentaryong pampelikula na iyong pinanood batay sa sumusunod na
aspekto. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.
Pamagat ng Pelikula:
__________________________

IMPLIKASYON
Kaugnayan sa Tunay na Buhay

SARILI

PAMILYA

LIPUNAN

_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
___________

_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
___________

_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
___________

187

Pagpapalalim: Ako Mismo, Kikilos Ako!


Ngayong alam mo na ang naging implikasyon sa iyo ng akda,
panahon na upang ibahagi mo naman kung paano ka makatutulong sa iyong
pamayanan bilang isang batang lider sa pagharap at paglutas ng mga
suliraning panlipunan na kinakaharap sa kasalukuyan. Magsimula sa
pamamagitan ng pagbuo ng sumusunod na concept web.

Ako Mismo,
Batang Lider

Pumili ng isang ideya mula sa nabuong concept web. Bumuo ng konkretong


plano kung papaano mo ito magagawa. Sumulat ng hakbang upang
maisakatuparan ito. Bukod dito bumuo rin ng maikling paliwanag kung bakit
ito ang napiling gawan ng plano. Sa pagsulat subukang patunayan ang
halaga ng gawaing ito.

Pagsasalin: Iskripkoto
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ikaw ay makalilikha ng
isang iskrip para sa isasagawang multimedia presentation gamit ang ibat
ibang uri ng mga pagpapahayag. Ngunit bago iyon, dapat mong malaman na
bago ka gumawa ng isang iskrip para sa mga diyalogo ay dapat mo itong
simulan sa pagbuo ng isang sequence script na magsisilbi mong
pinakapundasyon at pinakagabay sa iskrip na iyong isusulat. Narito ang isang
halimbawa, basahin, pag-aralan, at unawain mo itong mabuti.
188

ANG ISKRIP NG MGA EKSENA (SEQUENCE SCRIPT)


Eksena
Bilang at
Tagpuan
Eksena /
Sequence 1:
School
Grounds
(Graduation
Day)

Kuha at Anggulo
ng Kamera
Establishing
Shot sa school
ground
Medium Shot sa
mga taong
nakapaligid (ibat
ibang senaryo)
Close-Up Shot na
ipakikita ang ilang
mga batang paslit
at ilan sa mga
sanggol na buhat
ng kanilang ina

Eksena /
Sequence 2:
Sa isang dyip
na patungo sa
isang malayong
nayon

Long Shot sa
isang dyip na
patungo na sa
isang nayon
(maalikabok at
mabato ang mga
daanan)
Medium Shot sa
mga
nagsisipagtawanang mga ina
habang
nakasapnay ang
kanilang mga
sanggol.

Mga Detalye/
Paglalarawan at
Kaisipan ng
Eksena

Mga Tauhan at
Iba pang Datos
na Kinakailangan

Magbubukas ang
eksena sa school
grounds sa araw
ng graduation.
Hindi
magkamayaw ang
mga tao.
Masayangmasaya ang lahat
at lubos ang
pananabik.
Ngunit kasabay
nito ay ang pagiyak ng mga batat
sanggol. Maririnig
ang ilang mga
usapan.

Karamihan ng
mga tao sa isang
tipikal na
Graduation Day
(ibat ibang
eksena)
Isa sa mga unang
makikita ang
pangunahing
tauhan (isang
bata) kasama ang
ilang miyembro ng
kaniyang pamilya
(matatapos nang
masaya ang
graduation)

Ipakikita ang
andar ng isang
dyip sa mabato at
maalikabok na
daanan.

Mga ilang bata sa


elementarya na
nagtapos, mga
ina, sanggol at iba
pang mga batang
sumama sa
graduation at
tampok ang
pangunahing
tauhan

Masayang
nagtatawanan
ang mga tauhan
tungkol sa
katatapos na
graduation
hanggang sa
pagdating sa
kanilang lugar

Close-Up Shot sa
nagsasalitang
isang bata
(pangunahing
tauhan)
189

Gumawa ka ng isang iskrip pandiyalogo na maaaring isadula ng


pangkat ng mag-aaral kabilang ka sa loob ng limang minutong pagtatanghal
na may temang: Tiwala ang Tanging Sandigan Pagsisikap at Pagdarasal
Upang Malampasan ang Kahirapan.

Ehersisyo: Isulat ang wastong sagot sa patlang.


1. Ito ay isang uri ng camera shot na sa ibang katawagan ay scene setting.
____________
2. Isang elemento ng pelikula na ang pangunahing konsentrasyon ay ang
pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit, at sitwasyon
para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento.
____________
3. May katuturang pelikula totoo at katangian ng isang dokumentaryong
pampelikula upang maipakita ang realidad at aktuwal na pangyayari.
____________
4. Terminong French na ang ibig sabihin ay ang aktuwal na pagtatagpo at
pagkuha ng pangyayari ng isang filmmaker at ng kaniyang film subject.
Naging pamamaraan ng mga makabagong direktor sa kasalukuyan.
____________
5. Ito ang mga pelikulang may malayang tema at pamamaraan, sapagkat
pangunahing layunin nito na buksan ang kamalayang panlipunan ng
mamamayan.
____________

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Ipaliwanag kung paano nakaapekto at nakaimpluwensiya ang sumusunod na
aspekto o mga bagay sa pagbabago ng mga anyo ng panitikan mula sa
tradisyonal na uri tungo sa mga panitikang popular.
Lengguwahe / Wika
Tradisyonal
na
Anyo ng
Panitikan

Makabagong Teknolohiya
Mga Suliranin at
Kalagayang Panlipunan
Prinsipyo at mga
Paniniwala
190

Panitikang
Popular

Batay sa iyong natapos na gawain, buuin ang sumusunod na pahayag.


Napag-alaman ko na bilang anyo ng panitikan, ang tradisyonal ay
_________________________. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng
mga pagbabago mula sa tradisyonal na uri ng panitikan tungo sa popular
dahil sa ________________________. Nakatutulong ang panitikang
popular upang __________________. Bilang isa sa mga kabataan,
sisikapin kong ____________________________.

Pangwakas na Pagtataya: Basahin ang nakasulat sa loob ng kahon:


Nalalapit na ang Social Awareness Campaign na tatampok ng mga
likhang-sining na tumatalakay sa mga suliraning panlipunang
kinasasangkutan ng kabataan. Bukas ang patimpalak sa lahat at hinihikayat
ang mga barangay na lumahok dahil sa tampok na paksa. Nakita ng
pamunuan ng inyong barangay ang oportunidad ng naturang patimpalak sa
pagpapaigting ng responsibilidad at paninindigan ng kabataan sa inyong
barangay. Ikaw ang pinili ng barangay na maging kinatawan sa MAF.
Bumuo ka ng isang multimedia campaign o kampanya tungo sa
kamalayang panlipunan gamit ang multimedia na maglalahad sa isang
suliraning kinasasangkutan ng kabataan ng inyong barangay at mga paraan
upang masolusyunan ang mga ito. Ang materyal na iyong bubuuin ay
huhusgahan gamit ang sumusunod na pamantayan: komprehensibong
paglalahad, malikhaing paggamit ng wika, kahusayang teknikal, at praktikal
na mga rekomendasyon.
Ang mabubuong kampanya tungo sa kamalayang panlipunan o social
awareness campaign ay maaaring ilathala gamit ang ibat ibang midyum na
iyong natutuhan mula sa modyul na ito. Nariyan ang print media na gamit ng
mga kontemporaryong uri ng panitikan gaya ng komiks. Maaari ding bumuo
ng isang dokumentaryo o documentary clip sa anyong video na siya namang
ginagamit na midyum sa pagpapalabas ng mga dokumentaryo sa telebisyon
at pelikula. Maaari ding i-post sa internet ang malilikhang campaign material.
Inaasahang maitatampok sa bubuuing kampanya ang mga suliraning umiiral
sa inyong barangay at ang magagawa ng kabataan sa paglutas ang mga
umiiral na suliranin ayon sa inyong taglay na kakayahan at abilidad.
Ngunit bago ito tuluyang simulan, kinakailangang makalikha kayo ng
isang balangkas sa isasagawang campaign material. Kabilang na rito ang
191

mahahalagang mga plano para maisakatuparan ang proyekto. Maisasagawa


lamang ito kung makalilikha kayo ng sequence at dialogue script na siya
ninyong magiging batayan para sa pangkalahatang produkto.
Bago tuluyang isagawa ang nakaatang na gawain, narito ang ilang
mahahalagang paalala at mga hakbang sa pagbuo at paglikha ng iskrip para
sa mga eksena sequence script at iskrip na pandiyalogo
1. Tandaan na ang isasagawa mong iskrip ay dapat na maging
makatotohanan upang higit itong maging kapani-paniwala.
2. Magbigay lamang ng mga konkretong halimbawa, ngunit huwag
kalimutang maging malikhain.
3. Maging diretso sa punto kapag isinasagawa ang mga diyalogo.
Gamitin ang ibat ibang uri ng mga pahayag na pangkomunikatibo
gamit ang wastong wika nito.
4. Maging espisipiko kung sino ang partikular na iyong pinatutungkulan
sa pagsulat ng mga diyalogo.
5. Dapat na magkakaugnay ang bawat diyalogo at eksena ng isang
mabisang iskrip.
Narito naman ang magiging pamantayan sa mabubuong campaign
material

Orihinalidad at Pagkamalikhain

40 %

Pagkakaugnay ng Diwa at Eksena

20 %

Linaw ng Kaisipan at Mensahe

10 %

Epektibong Gamit ng Wika

20 %

Aplikasyong Teknikal

10 %
100 %

192

Kaugnay nito, narito ang mga batayan at pamantayan sa


pagmamarka ng isasagawang proyekto:
MGA
PAMANTAYAN

Kapugaypugay
4

Magaling
3

Umuunlad
2

Nagsisimula
1

Makabuluhan at
napapanahon
ang mga
impormasyong
inilalahad sa
materyal
alinsunod sa
paksang
itinatampok
ngunit may mga
detalyeng hindi
nailahad.
Masining at
maingat na
nagamit ang
wika ng
kabataan sa
karamihan ng
pahayag sa
nabuong
materyal.

May
makabuluhan at
napapanahong
mga
impormasyong
inilahad sa
materyal ukol sa
paksang
itinatampok
ngunit limitado
ang mga ito.

Masaklaw na
paglalahad ng
napapanahong
impormasyon

Komprehensibo
at makabuluhan
ang
napapanahong
mga
impormasyong
inilalahad sa
materyal
alinsunod sa
paksang
itinatampok.

Masaklaw,
makabuluhan, at
napapanahon
ang mga
impormasyong
inilalahad sa
materyal
alinsunod sa
paksang
itinatampok.

Masining at
maingat na
paggamit ng
wika

Natatangi ang
paggamit ng
wika ng
kabataan nang
higit pa sa
inaasahang
pamamaraan sa
materyal.

Masining at
maingat na
nagamit ang
wika ng
kabataan sa
kabuuang
pagpapahayag
sa nabuong
materyal.

Mahusay na
aspektong
teknikal

Tipong
propesyonal ang
pagkakagawa
sa materyal
dahil sa husay
ng pagtatagpitagpi ng mga
elemento nito.

Taglay ang lahat


ng kailangang
elemento sa
mabisang
pagbuo ng
materyal.
Naipamalas ang
kahusayan sa
teknikal na
pagganap.

Taglay ang mga


susing elemento
sa mabisang
pagbuo ng
materyal at
naipamalas ang
angkop na
teknikal na
pagganap.

Naipamalas sa
materyal ang
minimal na
antas ng
pagtatagpi-tagpi
ng elemento at
teknikal na
pagganap.

Pagkapraktikal
ng
rekomendasyon

Ang mga
inilahad na
rekomendasyon
ay
nagmumungkahi
ng kaisipang
pangmatagalan
sa kamalayan
ng madla.

Malinaw at
kapakipakinabang para
sa lahat ang
inilahad na
rekomendasyon.

Makabuluhan
ang karamihan
sa inilahad na
rekomendasyon.

May mga
rekomendasyong inilahad
ngunit mabuway
ang mga iminumungkahing
kaisipan.

Masining na
ginamit ang wika
ng kabataan sa
karamihan ng
pahayag sa
nabuong
materyal ngunit
hindi maingat
ang paggamit.

KABUUANG
MARKA

193

MARKA

GLOSARYO
Advertisement Ibat ibang anyo ng patalastas na matutunghayan sa ibat
ibang uri ng media, maging ito man ay sa print media, broadcast
media, films, at mga uri nito.
Adhikain layunin; gusto
Advocacy Isang salitang Ingles na ang katuturan ay isang adhikaing dapat
na maisakatuparan, suportahan, o itaguyod para sa isang natatanging
layunin.
Agam-agam hinala
Analitikal pagbuo ng mga ideya mula sa ibat ibang ideya upang makabuo
ng higit na estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng
buhay
Angkinin kunin
Arestuhin hulihin
Babae sa Septic Tank Isang independent o indie film na nagtatampok ng
mga isyung panlipunan at ang tunay na kulay ng showbiz na labis ang
pagiging prestihiyoso ngunit may mga kabulukan sa likod ng tabing at
kamera.
Bajo de Masinloc parte ng Philippine Sea
Balakid hadlang
Balangkas pagkakasunod-sunod
Beterano datihan
Bugso ng damdamin napatangay sa nararamdaman
Bulwagan lugar na pagdarausan
Camera Shots and Angles Tumutukoy sa mga kuha at anggulo ng kamera
para sa isang partikular na eksena. Sa pamamagitan nito, naipakikita
ang emosyong nais idiin ng isang senaryo.
Campaign Activity Isang gawain ng pangangampanya para sa isang
natatanging layunin. Sa gawaing ito ay isinasaalang-alang ang ilang
mahahalagang tuntunin.
Cinema Truth May katuturang pelikula totoo; katangian ng isang
dokumentaryong pampelikula upang maipakita ang realidad at aktuwal
na pangyayari.
Cinema Verite Terminong French na ang ibig sabihin ay ang aktuwal na
pagtatagpo at pagkuha ng pangyayari ng isang filmmaker at ng
194

kaniyang film subject, upang mas higit itong maging makatotohanan.


Isang uri ng pagsasa-pelikula sa kasalukuyan.
Coordinator tagapangasiwa
Corrupt Isang taong may posisyon at ginagamit ang pondo ng bayan sa
sariling kapakanan.
Dambuhala malaki
Dedikasyon pag-aalay
Dialogue Script Isang uri ng iskrip kung saan nakapaloob ang diyalogo ng
mga aktor at aktres ng bawat eksena. Nakabatay ito mula sa sequence
script.
Dinuro-duro minaliit
Diyalogo Tawag sa anumang usapan sa pagitan ng dalawa at maraming
mga tauhan sa loob ng isang dula.
Documentary for Television Ito ay mga palabas na naglalayong maghatid
ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa
katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa
isang lipunan.
Dokumentaryong Pampelikula Ekspresyong biswal, nagtatampok ng
realidad at katotohanan ng buhay ng isang lipunan. Nagbibigay ng
impormasyon, nanghihikayat, at nagpapamulat ng kaisipan at
kamalayang-panlipunan.
Elemento ng Pelikula Mga sangkap o mga bahagi ng isang pelikula upang
ito ay kilalanin bilang isang mataas na uri ng likhang-sining.
Estratehiko pamamaraan
Ethnographic Film Isang uri ng dokumentaryo na nagtatampok sa kultura,
kalagayan, at buhay ng mga katutubo sa isang lugar at lipunan.
Film Maker Ang taong bumubuo at lumilikha ng isang pelikula.
Film Subject Mga bagay o pinakapaksa sa pelikula na kinukunan ng
kamera upang maidiin ang nais ipahiwatig ng isang film maker.
FOI Freedom of Information
Forum pagtatalakayan, pakikipagtalastasan, pag-uusap, pagpupulong
Gusot problema
Halakhak malakas na pagtawa
Himukin hikayatin
Hinuha pagbibigay interpretasyon
195

Illiterate Nangangahulugang may kakulangan ng kaalaman sa isang


bagay o mga bagay na nakapaligid sa kaniya. Sa ibang salita ay
kamangmangan o pagiging ignorante.
Implikasyon Epektong pandamdamin, pangkaisipan, pangkatauhan, at
panlipunan at pagkatapos nito ay ang kasunod na aksiyon o resulta
Independent / Indie Films Mga pelikulang may malayang tema at
pamamaraan, sapagkat pangunahing layunin nito na buksan ang
kamalayang panlipunan ng mamamayan.
Information and Communication Technology (ICT) Isa sa pangunahing
midyum sa kasalukuyang panahon upang mas maging mabilis at
patuluyan ang proseso ng gawaing pangkomunikasyon at pagbibigayimpormasyon.
Interpretasyon sariling pag-unawa
Ipinipinid isinasara
Iskrip Pinakaluluwa ng isang dulang itatanghal sapagkat lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay nagmumula rito.
Kalumbayan kalungkutan
Kamalayang Panlipunan Pagiging bukas ang isipan sa mga nagaganap
sa paligid.
Kariktan kagandahan
Katig kakampi, kinampihan, kapanalig
Kawanggawa libreng serbisyo
Kinamihasnan kinamulatan
Komentaryo pagbibigay-opinyon
Komprehensibo kumpleto at kapani-paniwala
Kontrobersiyal makulay, maraming usapin, mainit na pinag-uusapan
Kredebilidad kapani-paniwala
Kultura Ang kalinangan ng isang lipunan. Sinasalamin nito ang mga
ideya, pananaw, kaugalian, kakayahan, at tradisyong umunlad ng
isang lipunan. Bahagi rin nito ang institusyong tagapaghubog ng
kamalayan ng mamamayan tulad ng paaralan (edukasyon),
pahayagan, midya, relihiyon, at mga establisimentong pansining.
Kulturang Popular sumasaklaw sa pag-aaral / pagsusuri ng ibat ibang
kulturang popular, halimbawa: pelikula, musika, komiks at pahayagan,
mga programang panradyo, pantelebisyon na nakaiimpluwensiya sa
paghubog ng sariling katalinuhan at identidad. Sinasabing kultura ng
196

panggitnang uri at para sa marami (sangguniin sa introduksiyon nito


ang malalim at malawak na talakay)
Kuro-kuro opinyon, saloobin
Lantaran kitang-kita, bulgar
Larawang-diwa o Imahe tumutukoy ito sa mga salitang kapag binanggit sa
akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng
mambabasa, nagpapatalas ito ng pandama.
Lihim sekreto
Likumin kolektahin
Lumalawig lumalawak
Lumuwas nagpunta sa malayong lugar
Mamamahayag tagapagbalita, tagapag-ulat
Martial Law Batas Militar
Masusulingan matatakbuhan, mahihingan ng tulong
Mauuntol matitigilan
Midyum daan, instrument
Minindal miryenda
Multimedia Tumutukoy sa ibat ibang uri ng media o midyum na ginagamit
sa komunikasyon. Karaniwang binubuo ng print media, broadcast
media, film, at information and communication technology.
Munti maliit
Nagkakandirit naglulundag na nakatingkayad ang paa
Nagkukumahog nagmamadali
Nagtungo nagpunta
Nagugulumihanan nalilito
Nagugunita naalala
Nalalambungan natatakpan
Napopoot nagagalit, matinding galit
Newsreel Nagsisilbing balita ng bayan na nagtatampok ng ibat ibang
pangyayari sa kapaligiran.
Obra-Maestra Isang uri ng likhang-sining na napagkalooban ng mataas na
uri ng parangal; kinilala; naging tanyag at kakaiba sa uri nito; may
taglay na kariktan.
197

Pagaril pagaralgal
Pagbatikos pagtuligsa, pagbibigay ng komento
Pagkiling pagkampi, pagpanig
Pagkukunwari pagpapanggap
Paglalayag paglalakbay
Paglililo pagtataksil
Pagod hapo
Pagpapahiwatig (foreshadowing) Isang pagpaparamdam, pagpapakilala,
pagbibigay ng mga babala o pahiwatig o pagpapauna sa unahan o
kalagitnaan ng kuwento upang ihanda ang mambabasa sa maaaring
mangyari sa hulihan ng akda.
Pagpapalaluan pagyayabangan
Pagsasahimpapawid ang sistema ng pagpapakinig ng isang programang
panradyo
Pahiwatig Mga pahayag o ideyang hindi lantad o hayag ang kahulugang
nais nitong iparating. May mga pantulong na palatandaan sa loob ng
pangungusap o sa mga bahagi ng akdang makatutulong upang
maunawaan ang kahulugang nais nitong sabihin.
Paksang-diwa o Tema (theme) Itoy pangunahing kaisipan ng tula, katha,
dula, nobela, sanaysay, kuwento ng isang pangkalahatang
pagmamasid sa buhay ng may-akda na nais niyang ipahatid sa
mambabasa. Hindi ito dapat ipagkamali sa sermon o aral. Hindi sapat
na sabihing tungkol sa pagiging ina ang tema. Paksa lamang itong
maituturing. Ilahad ito ng ganito; kung minsay puno ng pagkasiphayo
kaysa kaligayahan ang pagiging ina.
Pananaliksik Isang masusing pag-aaral sa isang paksa o problemang
inihahanap ng solusyon o kasagutan.
Panitikang Popular Anyo ng panitikan na makabago ang mga dulog at
pamamaraan. Dahil na rin sa makabago nitong mga pamamaraan,
estilo, at anyo. Partikular na itoy binabasa at pinanonood ng kabataan
sa panahong kasalukuyan.
Sa orihinal na legal na kahulugan, pag-aari ng mamamayan. Kawing
sa populace na ibig sabihiy hindi aristokrata, hindi aral, mababang uri.
May konotasyong inferior na uri ng literatura, hanggang sa tribyal
(pop). Sa usaping ideolohikal, bagamat tinatangkilik ng lahat ng uri ng
lipunan, may pagkakaiba batay sa pang-ekonomiyang lagay
(halimbawa: klase ng sineng pinapanood, klase ng komiks na
binabasa). Kasalukuyan, nakakawing ang konsepto ng popular sa mas
198

midya, kung ano ang naaabot nito, ang saklaw ang siyang may
kakanyahang maging popular. Ang popular ay may oryentasyong
komersiyal, o sa pagkita (profit).
Pasubali pag-aalinlangan, pagdadalawang-isip
Punto tono ng boses sa pagsasalita
Rehas harang, kulungan, hadlang
Resettlement Area lugar na pinaglipatan upang doon tuluyang manirahan
Sagad-hanggang-langit lubos, wagas, sukdulan, sobra, lubos
Salik bagay na naging daan
Sanggunian kalipunan
Sarat pango
Senaryo Termino sa pelikula na ang ibig sabihin ay tanawin o isang
eksena.
Sequence Script Isang uri at bahagi ng iskrip na nagtatampok ng mga
detalye at kaisipan ng bawat eksena ng isang pelikula o
dokumentaryo. Gayundin ng bawat camera shots and angles nito.
Short Films Maiikling uri ng pelikula na naghahatid ng mahahalagang
mensahe sa mga manonood.
Simbolo Ito ang mga salita na kapag binanggit sa isang akdang
pampanitikan ay nag-iiwan ng ibat ibang pagpapakahulugan sa
mambabasa, isang bagay o kaisipan na kumakatawan sa iba pang
konsepto at maaaring bigyan ng maraming antas ng kahulugan.
Simpatika malakas ang dating ng personalidad
Sisiw maliit, walang lakas, walang kapangyarihan
Social Awareness Sa tunay na katuturan nito ay kamalayang panlipunan
batay sa kaisipan at umiiral na moral ng isang lipunan tungo sa
pagkamulat sa katotohanan.
Tabloid Maliit at abot-kaya kumpara sa isang broadsheet. Sapagkat mas
maliit ang espasyo sa tabloid, mas maliit din ang inaasahang
pagkonteksto sa mga balita. May puntong naisasantabi na ang mga
pambansang isyu. Sa kaunting espasyong ito, nagkakasya ang
maraming sambahayan para sa balita at impormasyon.
Higit na binibigyang pokus ng mga tabloid ang mga police stories
(panggagahasa, pananamantala / molestation, kidnapping, atbp.) at
mga kuwentong ikamamangha ng mga mambabasa kumpara sa
pambansang isyung inilalatag ng mga broadsheet. Sa anyo ng balita

199

hanggang sa paggamit ng termino, pumapasok ang isyu ng tama o


mali.
Tangan-tangan hawak-hawak
Tanglaw liwanag, umiilaw
Teksto Sa tradisyonal na gawi, ang nakasulat na anyo. Sa pag-aaral, ang
teksto ay sasakop di-lamang sa nakasulat na anyo, pati na rin sa
praktikal na gawi sa produksyon ng literatura.
Teledrama mga drama sa telebisyon
Transaksiyon kasunduan
Travelogue Isang uri ng dokumentaryo na nagtatampok ng ibat ibang mga
lugar kung saan maaaring maglakbay.
Tumutukoy sa mga bagay na kinagigiliwan at kinahihiligan ng mga tao
sa kasalukuyang panahon, ito man ay may kinalaman sa adbertismo,
mga produktong ginagamit, uri ng libangan, paraan ng pananalita,
lebel ng wikang ginagamit, pinanonood, at maging binabasa.
Utusan katulong
Video Advocacies Mga adbokasiya, patalastas, at mga propaganda na
naglalayong manghikayat, magpabago ng pananaw, magpamulat ng
kaisipan at kamalayan.
Wartime Propaganda Ang mga dokumentaryong pampelikula noong
unang panahon ay nagsilbing
instrumento ng nasyonalismo,
pakikipaglaban, diskriminasyon, at pagkakabaha-bahagi.
Yabag tunog ng mga paa sa paglakad

200

SANGGUNIAN
Aklat
Baisa-Julian, Aileen G. at Dayag, Alma M., Pluma I Wika at Panitikan para sa
Mataas na Paaralan. Alma M. Quezon City, Philippines, Phoenix Publishing
House, Inc., 2009
Arrogante, Jose A. et al. Panitikang Filipino Pampanahong Elektroniko.
National Book Store. Mandaluyong City, 1991
Austero, Cecilia S. et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. UNLAD
Publishing House. Pasig City. 2007
Evasco, Eugene at Ortiz Will. PALIHAN Hikayat sa Panitikan at Malikhaing
Pagsulat. C & E Publishing, Inc. Quezon City. 2008
Glinofria, Maurita L. at Laxina, Teresita F., Kadluan ng Wika at Panitikan IV
Makati City, Philippines, Diwa Scholastic Press Inc., 1999.
Mag-atas, Rosario U et al., Panitikang Kayumanggi (Pangkolehiyo),
Valenzuela, Metro Manila, Philppines, National Bookstore, Inc. 1994.
Reyes, Soledad S. Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular. Ateneo de
Manila University Press. Quezon City. 1997
Rubin, Ligaya T. et al., Panitikan sa Pilipinas, Sampaloc, Manila, Philippines,
Rex Book Store: 2001.
Santiago, Lilia Quindoza et al., Mga Panitikan ng Pilipinas, C & E Publishing
Inc., 2007

Pahayagan
Pilipino Mirror. Eros Atalia. Dagling Katha, Oktubre 29, 2012

Magasin
Awake! Magazine, Social Networking, Watchtower Society, September 2010
Magasing Gumising! Gabay sa Paggamit ng Kompyuter, Oktubre 2011

201

Internet
Aonuevo, Roberto Alimbukad (http://alimbukad.com/2008/08/08/angeditoryal-bilang-lunsaran-ng-panunuri/)
http/www.youtube.com/watch
http://iskwiki.upd.edu.ph/images/1/12/Working_while_in_class.pdf
http://the1010project.multiply.com/journal/item/34/34?&show_interstitial=1&u=
%2Fjournal%2Fitem
http://www.ampedasia.com/forums/showthread.ph
http://www.balita.net.ph/2012/06/kuwentuhang-media/#.UKseSO_QVyw
http://www.gmanetwork.com/news/story/277577/ulatfilipino/balitangpinoy/free
dom-of-information-foi-bill-namimiligrong-mamatay-pagsapit-ng-disyembre
http://www.goodreads.com/author/show/562411.Liwayway_A_Arceo&docid=A
BGlKlbQ9ckHIM&imgurl=http://photo.goodreads.com/authors/1285673744p5/
562411.jpg&w=200&h=255&ei=qcWYUIG4Chttp://www.google.com.ph/images
http://www.google.com.ph/imgres?q=amado+v.+hernandez&num=10&hl=fil&b
iw=1366&bih=586&tbm=isch&tbnid=ea4EYMmffqTL9M:&imgrefurl=http://tl.wi
kipedia.org/wiki/Amado_V._Hernandez&docid=4iKXVzDQtavxDM&imgurl=htt
p://upload.wikimedia.org/wikipedia/tl/thumb/4/4d/Amado_V_Hernandez.jpg/20
0pxhttp://www.google.com.ph/imgres?q=epifanio+matute&num=10&hl=fil&biw=1
366&bih=586&tbm=isch&tbnid=ZLKmBTzQV0CoJM:&imgrefurl=http://www.p
anitikan.com.ph/authors/m/egmatute.htm&docid=_HCanklXMTkfgM&imgurl
http://www.google.com.ph/imgres?q=genoveva+edroza+matute&num=10&hl=
fil&biw=1366&bih=586&tbm=isch&tbnid=TGmUnIRphI7ZEM:&imgrefurl=http:/
/banareskimberly.blogspot.com/2012/07/ang-kuwento-ni-mabuti-nihttp://www.google.com.ph/imgres?q=manuel+l.+quezon&num=10&hl=fil&biw
=1366&bih=586&tbm=isch&tbnid=hZL8VgvZzhW9CM:&imgrefurl=http://www.
takdangaralin.com/history/philippine-presidents-history/manuelhttp://www.google.com.ph/imgres?q=narciso+reyes+lupang+tinubuan&num=1
0&hl=fil&biw=1366&bih=586&tbm=isch&tbnid=CPphnem0zXRMpM:&imgrefur
http://www.123people.ca/s/narciso%2Breyes&docid=
202

http://www.google.com.ph/imgres?q=rene+villanueva&hl=fil&biw=1366&bih=5
86&tbm=isch&tbnid=ZtEk2Y6A4zEuuM:&imgrefurl=http://eatingthesun.blogsp
ot.com/2007/12/rene-o-villanueva-1954
http://www.google.com.ph/imgres?q=severino+reyes&hl=fil&biw=1366&bih=5
50&tbm=isch&tbnid=LKWSzchujeP65M:&imgrefurl=http://en.wikipedia.org/wik
i/File:Severino_Reyes.jpg&docid=J7AUpzUBsdm2zM&imgurl=
http://www.youtube.com/watch?v=5ERcIh2nJx0&feature=related
http:/www.google.com.ph
Thefreedictionary.com
www.gmanetwork.com/news/video/shows/investigativedocumentaries
www.starcinema.com.ph
www.wikipedia.com

203

You might also like