You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Filipino 8

Maikling kwento
. LAYUNIN:
A. Natutukoy ang Apat mahahalagang sangkap ng maikling kwento.
B. Naisasagawa ang pagsasadulang may kinalaman sa kabutihan ng isang guro.
K. Naiuugnay ang ilang pangyayari sa kwento sa tunay na buhay
II. PAKSANG ARALIN:
Paksa: Kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza Matute
Sanggunian: Daloy ng Mithi III (pahina 21-25)
Kagamitan: Babasahing papel,Bidyo presentasyon,scotch tape,kartolina at pentel pen
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
a. Pagganyak
Sa salitang MABUTI Bigyan ang bawat mag aaral ng tig iisang letra. Sumunod
ay bigyan ng positibing kahulugan ang letrang nakuha ayon sa
pagkakakilala sa
sarili.

b.Pag-alis ng Sagabal
Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng mga letra at kanila itong aayusin upang
mabuo ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita:
1. Karakter - hautan 2. Paksa - amte 3. Burador - aabnghy 4. Tipanan - tgaupan k.Panunuod sa Kwento
Magpakita ng isang maikling bidyo Ang kwento ni mabuti
d. Pagtatalakay sa Kwento
- Ano nga ba ang Maikling kwento?
Sagot: ito ay naglalahad ng madulang pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan at nag-iiwan ng kakintalan sa isipan at damdamin ng mambabasa.
Ang Apat sangkap ng Maikling Kwento
1. Tagpuan- tumutukoy ito sa pook o lugar na pinangyarihan ng kuwento.
Naglalarawan ito ng ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan.
Sa kwento ni mabuti ano ang tagpuan? Sagot: Sa Paaralan

2. Tauhan- ang nagbibigay buhay sa kuwento, makikilala sila sa kanilang


panlabas na kaanyuan- pisikal at pananamit, kilos na magpapahiwatig ng
kanilang ugali at diyalogo.
Sa kwento ni mabuti sino-sino ang mga tauhan? Sagot: Si Mabuti na isang guro,
si Fe, mga estudyante
3. Banghay- ito ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
Bahagi ng Banghay
a. simula
c. saglit na kasiglahan
e. kakalasan

b. suliranin
d. kasukdulan
f. wakas

4. Tema o Paksa- ito ang sentral na ideya sa loob ng kuwento o ang


mahalagang pangkaisipan ng akda.
Ano ang tema o paksa ng kwento? Sagot: kuha sa kwento Iyon lamang
nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang nakakikilala sa lihim na
kaligayahan Ibig sabihin Sa kabila ng dinadala ni Mabuti ay
patuloy pa rin
niyang inuusad ang kaniyang buhay. Hindi niya ipinapakita sa iba
ang kaniyang
pinagdaraanan pagkat alam niyang siya lamang ang pinakamakatututlong sa
sarili niya. At dahil nga sa ganitong paghawak niya sa
kaniyang sitwayson ay
masasabing namulat rin siya sa mga lihim na
kaligayahan. Alam niyang mayroon
pa rin siyang dapat ipaglaban sa buhay na ito--ang
kanyang anak.
- Ano ang kaugnayan ng kwento sa totoong buhay? Sagot: Ito ay upang
malaman natin na ang kwentong ito ay maaaring maging inspirasyon
upang tayo
ay maging mabuti/mabait sa ating kapwa gayundin alam natin na
isa ang
kwentong ito kung bakit may mabait pa rin sa mundong
ating ginagalawan
bagkus may mga tao pa rin na hindi mabait o may
kasamaan ngunit lahat ng yun
ay may hangganan tanging tiwala sa sarili at wag
kalimutan ang pananalig sa
maykapal.
e. Pagpapahalaga
- May naging guro ka na ba na laging nagpapayo sa klase? Ano ang mga payo
niyang kinalulugdan mo?
- May naidulot ba ito sa iyong buhay-estudyante?
f. Malikhaing Gawain
- Papangkatin sa tatlong pangkat ang klase. Mula sa grupong kanilang

pamamagitan

kinabibilangan, sasagutin nila ang mga katanungang hininihingi sa


ng pagsasadula:

Unang Pangkat - Ikaw ay naging isang guro sa isang paaralang malayo sa


kabihasnan. Walang sapat na mapagkukunan ng panibagong kaalaman,
walang
maayos na palikuran at kulang ang mga kagamitang
pampagtuturo. Nasanay ka
na sa mga marurusing at maiingay na mga
estudyante sa paaralang iyon. Isang
araw ay inalok ka ng isang kilala at
pampribadong institusyon sa bayan.
Tatanggapin mo ba ang magandang
oportunidad o mananatili sa piling ng mga
batang nangangailangan sa iyo
bilang isang pangalawang ina?
Pangalawang Pangkat - Narinig mong nag-uusap ang mga kaklase mo tungkol
sa isa niyong guro. Nalaman mong usap-usapan na sa bayan ang
pagpapakasal
niya sa nobyo niyang German. Balak daw nilang manirahan na sa
ibang bansa.
Ang gurong iyon pa naman ang pinakamalapit sa iyong puso.
Marami kayong
mga bagay na pinagkakaisahan at natutunan sa isat isa.
Ano ang gagawin mo
kung totoo nga ang mga narinig mo?
Pangatlong Pangkat - Magreretiro na sa serbisyo ang inyong guro. Ilang beses
ka na niyang pinagalitan sa klase. Magdaraos ang buong klase ng isang
malaking salu-salo. Linapitan ka niya bago ang araw ng
pagdiriwang ng naturang
okasyon. Kinausap ka niya na pumunta ngunit may lakad
sana ang buong
pamilya sa araw na iyon, ang unang pagkakataong
mamamasyal ang pamliya
niyo. Alam mong magagalit sa iyo ang iyong guro
sapagkat minsan lamang siya
kung mang-imbita ngunit nakatakda rin ang
pamamasyal ng inyong pamilya.
Saan ka dadalo? Sa salu-salo o sa
pamamasyal?
IV. PAGTATAYA: Sagutan ang mga sumusunod
Tama o Mali. Sagutin kung tama ba o mali ang isinasaad ng sumusunod na mga
pangungusap.
1. Siyay tinatawag naming lahat na Mabuti kung siyay nakatalikod.
2. Ang ama ng batang may kaarawan ay konduktor.
3. Tagpuan ang tawag sa pangunahing ideya o paniniwala ng kwento.
4. Si Mabuti ay balo.
5. Ang may akda ng kwento ay si Jose Corazon de Jesus.
6. Anim na taong gulang na ang anak ni Mabuti.
7. Iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring
makakilala ng mga lihim na kaligayahan ay pangungusap ni Mabuti.
8. Ang tagpuan ay sa kusina kung saan siya nakita ni Mautiing kumakain.
9. Ibig nilang maging manggagamot ang anak ng kanilang guro.
10. Ang salitang mabuti ay palaging binabanggit ng guro.
V. TAKDANG ARALIN:
- Gumawa o gumuhit ng isang larawan ng gurong nagpapakita ng katangiang
gusting-gusto mo sa isang guro. Idikit o iguhit ito sa isang malinis na
puting papel
(bond paper). Tukuyin ang katangian at ipaliwanag kung bakit iyon ang
katangiang gusto mo sa isang guro.

Inihanda ni:
G. Erwin Mark Poblete
BSED-IV

I.

TAGPUAN
Ang tagpuan ay sa isang paaralan. Paaralan na walang pinta. Doon kung saan sila unang nagkita. Sa isa sa mga lumang
silid sa ikalawang palapag. Sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay
matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero.

II.

TAUHAN
Mabuti - isang guro sa pampublikong paaralan. Hindi Mabuti ang tunay niyang pangalan , naging Mabuti lamang ang
tawag sa kanya sapagkat ito ang palagi niyang sinasabi sa klase sa simula at katapusan. Kung minsan ay
sinasabi niya rin ang salitang mabuti kapag wala na siyang masabi o nalilimutan niya ang dapat niyang sabihin. Si
Mabuti ay isang lapad na tauhan dahil hindi siya nagbabago ng katauhan.
Fe ang estudyante ni Mabuti sa kwento kung saan siya ang batang nadatnan ni Mabuti sa sulok ng silid- aklatan. Si Fe
ay isang bilugang tauhan. Sapagkat, dati ay negatibo siya mag-isip, simpleng problema pakiramdam niya siya na
ang may pinakamabigat na problema sa buong mundo. Ngunit nang makilala niya si Mabuti, naging positibo na
ang paningin niya sa buhay.

III.

BANGHAY
Isang guro na tinatawag na Mabuti ng kanyang mga estudyante kapag nakatalikod dahil sa lagi niya itong
tinuturan kapag wala siyang masabi. Tinuturuan niya ang mga mag-aaral sa Panitikan dahil dito siya bihasa.

Magtatakip-silim na n gang isang mag-aaral ay umiiyak sa isang sulok ng silid-aklatan dahil sa isang maliit na
problema. Nilapitan siya ni Mabuti at kinausa, inusisa at pinatahan. Namangha ang bata dahil doon din tumatangis si
Mabuti sa sulok na iyon. Tinanong niya si Mabuti kung ano ang dahilan ng kanyang pagtangis sa sulok na iyon ngunit
hindi siya nasagot ni Mabuti. Simula noon, ang mag-aaral ay nagkaroon ng matinding damdamin sa pagtuklas sa
suliranin ni Mabuti na pilit ikinukubli ng guro.
Isang araw, nagkwento si Mabuti tungkol sa kanyang anak mag-aaral na sa susunod na pasukan. Nasambit
niya na nais niyang maging manggagamot ang kanyang anak, isang mabuting manggagamot. Bigla niyang narinig ang
bulung-bulungan ng dalawang estudyante na ang sinasabi ay Gaya ng kanyang ama!. Tumakas ang dugo sa mukha ni
Mabuti na parang isang puting tela. Gayunpaman, siya ngumiti ng pilit at sinabing, Oo, gaya ng kanyang ama. Sa
pagkabigla at pagkakilabot sa narinig nay nakuha parin niyang ngumiti bagamat pilit. Ilang araw din ang itinagal ng
pagkamutla ng kanyang mukha. Samantala, napgtagpi-tagpi na ng bata ng mga impormasyon ngunit bigo parin siyang
matuklasan ang lihim at suliranin ni Mabuti.
Natuklasan ng mag-aaral na nagging malapit kay Mabuti, na kasalukuyang nakaburol ang asawa ngunit hindi
sa tinitirhan ni Mabuti.
Lubos na naunawaan at nabatid ng mag-aaral na naging malapit kay Mabuti ang lahat at iyon ang nagpagaan
ng damdamin nito.
IV.

PUNTO DE VISTA
Ang panauhan ng kwento ay nasa unang tauhan sapagkat inilagay ng may-akda na si Genoveva Matute ang
kanyang sarili saisa sa mga tauhan at ito ay si Fe. Bilang patunay ito ang unang pangungusap sa akda Hindi ko na siya
nakikita ngayon.

V.

TONO
Ang kwento ay ma-emosyon. Naipakita ng mga tauhan ang kanilang damdamin sa tulong ng mga paggamit ng angkop
na mga salita. Isa pang nakatulong ditoy dahil angkop ang kilos ng mga tauhan sa kung paano sila inilarawan. Sa huling
bahagi, ang tonong nangibabaw ay malungkot. Kung susuriing mabuti, akma lamang ang tonong nakita sa kwento sa
mga pangyayari.

VI.

PAKSA O TEMA
Iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang nakakikilala sa lihim na kaligayahan
Sa kabila ng dinadala ni Mabuti ay patuloy pa rin niyang inuusad ang kaniyang buhay. Hindi niya ipinapakita sa
iba ang kaniyang pinagdaraanan pagkat alam niyang siya lamang ang pinaka-makatututlong sa sarili niya. At dahil nga
sa ganitong paghawak niya sa kaniyang sitwayson ay masasabing namulat rin siya sa mga lihim na kaligayahan. Alam
niyang mayroon pa rin siyang dapat ipaglaban sa buhay na ito--ang kanyang anak.

VII.

TEORYA/DULOG
Ang teoryang ginamit sa kwento ay Teoryang Humanismo. Itoy sa kadahilanan na ipinapakita rito ang
kabutihang tinataglay ni Mabuti sa kabila ng kanyang mga problema.

VIII.

REAKSYON/KOMENTO
Isinulat ang ''KWENTO NI MABUTI'' upang malaman natin na ang kwentong ito ay maaaring maging
inspirasyon upang tayo ay maging mabuti/mabait sa ating kapwa gayundin alam natin na isa ang kwentong ito kung bakit
may mabait pa rin sa mundong ating ginagalawan bagkus may mga tao pa rin na hindi mabait o may kasamaan ngunit
lahat ng yun ay may hangganan tanging tiwala sa sarili at wag kalimutan ang pananalig sa maykapal. Isang napakagandang kwento ang Kwento ni Mabuti.

Malikhaing Gawain
- Papangkatin sa dalawang pangkat ang klase. Mula sa grupong kanilang
kinabibilangan, sasagutin nila ang mga katanungang hininihingi sa pamamagitan
ng pagsasadula:

Unang Pangkat - Ikaw ay naging isang guro sa isang paaralang malayo sa


kabihasnan. Walang sapat na mapagkukunan ng panibagong kaalaman,
walang
maayos na palikuran at kulang ang mga kagamitang
pampagtuturo. Nasanay ka
na sa mga marurusing at maiingay na mga
estudyante sa paaralang iyon. Isang
araw ay inalok ka ng isang kilala at
pampribadong institusyon sa bayan.
Tatanggapin mo ba ang magandang
oportunidad o mananatili sa piling ng mga
batang nangangailangan sa iyo

bilang isang pangalawang ina?


Pangalawang Pangkat- Magreretiro na sa serbisyo ang inyong guro. Ilang beses
ka na niyang pinagalitan sa klase. Magdaraos ang buong klase ng isang
malaking salu-salo. Linapitan ka niya bago ang araw ng
pagdiriwang ng naturang
okasyon. Kinausap ka niya na pumunta ngunit may lakad
sana ang buong
pamilya sa araw na iyon, ang unang pagkakataong
mamamasyal ang pamliya
niyo. Alam mong magagalit sa iyo ang iyong guro
sapagkat minsan lamang siya
kung mang-imbita ngunit nakatakda rin ang
pamamasyal ng inyong pamilya.
Saan ka dadalo? Sa salu-salo o sa
pamamasyal?

Malikhaing Gawain
- Papangkatin sa dalawang pangkat ang klase. Mula sa grupong kanilang
kinabibilangan, sasagutin nila ang mga katanungang hininihingi sa pamamagitan
ng pagsasadula:

Unang Pangkat - Ikaw ay naging isang guro sa isang paaralang malayo sa


kabihasnan. Walang sapat na mapagkukunan ng panibagong kaalaman,
walang
maayos na palikuran at kulang ang mga kagamitang
pampagtuturo. Nasanay ka
na sa mga marurusing at maiingay na mga
estudyante sa paaralang iyon. Isang
araw ay inalok ka ng isang kilala at
pampribadong institusyon sa bayan.
Tatanggapin mo ba ang magandang
oportunidad o mananatili sa piling ng mga
batang nangangailangan sa iyo
bilang isang pangalawang ina?
Pangalawang Pangkat- Magreretiro na sa serbisyo ang inyong guro. Ilang beses
ka na niyang pinagalitan sa klase. Magdaraos ang buong klase ng isang
malaking salu-salo. Linapitan ka niya bago ang araw ng
pagdiriwang ng naturang
okasyon. Kinausap ka niya na pumunta ngunit may lakad
sana ang buong
pamilya sa araw na iyon, ang unang pagkakataong
mamamasyal ang pamliya
niyo. Alam mong magagalit sa iyo ang iyong guro
sapagkat minsan lamang siya
kung mang-imbita ngunit nakatakda rin ang
pamamasyal ng inyong pamilya.
Saan ka dadalo? Sa salu-salo o sa
pamamasyal?

You might also like