You are on page 1of 12

MAR

22

vvAng Pitong Wika ni Jesus sa Krus


Inihanda
Rev.
Union
.......................................

Anacleto

ni
Guerrero
Seminary

G.
Theological

Panimula
Sa loob ng tatlong oras, mula sa katanghaliang tapat hanggang sa ikatlo ng hapon (cf. Lucas 23:44-47),
nasaksihan ng sansinukob ang pagkapako ni Cristo sa krus na ang tanging layunin ay iligtas ang sangkatauhan
sa parusa ng Diyos na nakalaan para sa isang makasalanang daigdig. Sa mga siglong nagdaan hanggang
ngayon, ang mga pangyayari sa bundok ng Calvario ay napakahalaga sa buhay ng iglesia at ito'y binigyan ng
mga mananampalatayang Cristiano ng diin at kahulugan. Kung ano man ang nakikitang pagbabago sa buhay
ng mga taong sumunod at nanampalataya kay Cristo ay nag-iiwan sa mundong ito ng isang testimonyo na
kailan
man
ay
hindi
matatawaran
ng
anumang
pangyayari.
Ang

Pagtanaw

sa

mga

Pitong

Wika

Ang apat na ebanghelista na sumulat sa mga ebanghelio tungkol sa mga pangyayari, kabuoan man o mga
bahagi, ay hindi nag-ukol ng pansin sa mga pagkakasunod-sunod ng kasaysayan. Hindi kronolohia ang
kanilang pangunahing pakay, kundi ang kabuoan at layunin ng kasay-sayan. Halimbawa, tatlong wika ang
binabanggit ni Lucas --- ang una, ang pangalawa, at ang panghuli (Lucas 23:34a, 23:43, at 23:46). Ang
binanggit ni Juan naman ay tatlo --- ang pangatlo, ang panglima at ang pang-anim (Juan 19:26b-27, 19:28, at
19:30). Ang pang-apat ay binanggit ng dalawang ebanghelista --- si Mateo (sa Mateo 27:46) at si Marcos
(Marcos 15:34). Mayroon bang posibilidad na ang apat na ebanghelista ay may nakaligtaan? Walang
makapagsasabi.
Diyos
lamang
ang
nakakaalam.
Sa mga sandaling ito, pag-ukulan natin ng pansin ang mga binanggit ng apat na ebanghelista, ang pitong wika
ni Jesus sa krus. Ang mga ito ang tinanggap at kinilala ng iglesia at naging sandigan ng pananampalataya ng
lahat na tagasunod ni Cristo. Maging tayo ngayon na naririto, nasa pitong wika ang puno at simula ng
maraming makabuluhang doktrina na nagsisilbing pundasyon ng pananampalatayang Cristiano, at ng lahat ng
tagasunod
ni
Cristo.
Ang

Mga

Pitong

Wika

ni

Jesus

sa

Krus

Pag-ukulan po natin ng pansin ang bawat wika o salita ng ating Panginoon. Tunghayan natin ang sinasabi ng
Banal na Kasulatan. May dinala pa silang dalawang salarin upang pataying kasama ni Jesus. (Cf. Lucas 23:32).
Dinala si Jesus sa lugar na tinatawag na "Bungo" (o sa Golgota), ipinako nila sa krus si Jesus. Ipinako rin ang
dalawang
salarin,
isa
sa
gawing
kanan
at
isa
sa
gawing
kaliwa.
1. "Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa" (Lucas 23:34a).
"Kapatawaran" ang susing salita sa unang wika. Nang si Jesus ay nakabayubay na sa krus, nasambit niya ang
una sa tatlong panalangin na narinig mula sa krus. Ipinakikita dito ang kaganapan ng kanyang turo o katuruan
na pagmamahal sa kaaway. At ito'y higit pa sa kanyang pagmamahal sa sangkatauhan. Ipinakikita nito ang

paraan ng pakikiisa kay Cristo sa pamamagitan ng pagpapatawad sa mga taong hindi "nakakaalam sa kanilang
mga ginagawa." Ito'y isang panalangin para sa mga makasalanan, sa mga liko ang landas, sa mga hindi
kumikilala sa Anak ng Diyos. Sinabi ni Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Roma (Roma 3:25-26):
"Siya ang itinakda ng Diyos na maging handog upang sa pagbububo ng kanyang dugo ay maipatawad ang
kasalanan ng tao sa pamamagitan ng pananalig sa kanya. Ginawa ito ng Diyos upang ipakilalang siya'y
matuwid, sapagkat noong una, nagtimpi siya at ipinagpaumanhin ang mga kasalanang nagawa ng mga tao. At
sa ngayon, pinawalang-sala niya ang mga nananalig kay Jesus upang patunayang siya'y matuwid."
Sinu-sino ang dapat patawarin? Sa buhay natin may mga nagkukulang at nagkakasala. Sino nga ba ang dapat
na patawarin? Ang mga kaaway at ang mga mahirap mahalin. Kinukutya si Jesus ng mga nakapaligid sa kanya
--mga
naroroon,
mga
pangulo
ng
mga
Judio
na
nagsasabi,
"Ang mga tao'y nakatayo roon at nanonood; nililibak naman siya ng mga pinuno ng bayan. Sinabi nila,
Iniligtas niya ang iba; iligtas naman niya ngayon ang kanyang sarili, kung siya nga ang Mesias, ang hinirang
ng
Diyos!'"
(Lucas
23:35).
Ganoon din ang mga kawal na nagsasabi, "Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili"
(Lucas 23:37). At pati na rin ang isang salarin na nakabayubay sa tabi ni Jesus. Mayroon bang kahulugan ang I
Juan
1:9
dito?
"Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, maaasahan nating ipatatawad sa atin ng Diyos ang mga ito
at
lilinisin
tayo
sa
lahat
ng
ating
kasamaan
sapagkat
siya'y
matuwid."
2.

"Sinasabi

ko

sa

iyo:

ngayon

din

ay

isasama

kita

sa

Paraiso"

(Lucas

23:43).

"Katiyakan" ang nasa loob ng wikang ito. Ang ibig sabihin nito'y isang nakahandang pagpapahalaga ng Diyos
sa isang nagsisising makasalanan, maging ito'y nasa bingit ng kamatayan. Ito'y bunga ng pag-uusap ng
dalawang makasalanang kasama ni Jesus sa bundok ng Calvario. Ang patuyang sinabi ng isang nakabitin na
kasama ni Cristo, "Hindi ba ikaw ang Mesias? Iligtas mo ang iyong sarili, pati kami!" Ngunit pinagsabihan
siya ng kanyang kasama, "Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ikaw ma'y pinarurusahang tulad niya. Matuwid
lamang na tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang ginawang
masama." At sinabi niya kay Jesus, "Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na [sa ibang salin:
"pagdating mo sa iyong kaharian"]." At sumagot si Jesus, "Sinasabi ko sa iyo, ngayon di'y isasama kita sa
Paraiso."
(Lucas
23:39-43).
Ito'y isang katiyakan sa nagsisising makasalanan na makakasama si Jesus sa kanyang Paraiso --- sa mga
sandaling iyon. Sa araw ding iyon, nakamit ang katuparan ng pangako. Ano mang pagpapahalaga na makaabot
kay Cristo, ito'y kanyang sinasagot. Hindi niya pinawawalang halaga ang anumang paglapit at pagtawag sa
kanya. Kahit sinumang tao kung siya'y lalapit kay Cristo ay makakamit niya ang isang katiyakan na galing sa
Tagapagligtas. Ito'y parehong katiyakan na ibibigay ni Cristo sa sinumang lalapit at mananampapataya sa
kanya. Hindi ba sinabi ni Jesus, Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang nananalig sa akin, kahit
mamatay ay muling mabubuhay; at sinumang nabubuhay at nananalig sa akin ay hindi mamamatay kailanman"
(Juan 11:25-26a). Ayon kay apostol Pablo, "Ngayon ang araw ng kaligtasan" (2 Corinto 6:2 ).
Sinasabi pa sa Banal na Kasulatan, "Sapagkat bawat isa ay haharap sa hukuman ni Cristo upang tumanggap ng
kaukulang ganti sa kanyang ginawa, mabuti man o masama, nang siya'y nabubuhay pa sa daigdig na ito" (2
Corinto 5:10). At sa 2 Corinto 5:15, "Namatay siya para sa lahat upang ang mga nabubuhay ngayon ay huwag
nang mabuhay para sa sarili, kundi para kay Cristo na namatay at muling nabuhay para sa kanila" (2 Corinto
5:15).
3. "Babae, narito ang iyong anak. . . . Narito ang iyong ina!" (Juan 19:26b-27). [Sa ibang sa salin, ito ay
"Ginang." Sa Griego, ito ay "Babae."] ---"Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid na

babae nitong si Maria, na asawa ni Cleofas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Jesus ang
kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, "Babae, narito ang iyong anak. . . .
Narito ang iyong ina!" (Juan 19:26b-27). [Sa ibang sa salin, ito ay "Ginang." Sa Griego, ito ay "Babae."]
Dalawang bagay ang ating matututuhan sa wikang ito: "pagiging kabahagi" ("belongingness") at
"pagkakatiwala" ("trustworthiness"). Nagsalita si Jesus ng walang pasubali sa kanyang ina, gayon din sa kanyang alagad na naroroon. Mayroon pa bang nakakahigit na damdamin at kaganapan na ang isang mahal sa
buhay ay nasa kamay at kalinga ng isang responsableng tao na pagkakatiwalaan? Kanino mo ihahabilin ang
isang ina, at kanino mo ihahabilin ang isang anak kundi sa isang taong mapagkakatiwalaan? Maliwanag ang
ipinakita ni Jesus kung saan tatayo ang isang tao, maging ang kanyang pagiging tao. Ang pagiging mag-ina
nila'y hanggang sa pagiging tao ni Jesus, at ang kanyang katungkulan bilang isang anak ay kanyang
inihahabilin sa isang mapagkakatiwalaang alagad. At sino ang "ina" at "alagad" para sa atin? Pakinggan ang
sinasabi
ni
Jesus
sa
Mateo
12:48-50:
"Sino ang aking ina, at sinu-sino ang aking mga kapatid?" Itinuro niya ang kanyang mga alagad at sinabi, "Ito
ang aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kaloobnan ng aking Amang nasa langit
ang
siya
kong
ina
at
mga
kapatid."
Sa paligid natin, napakaraming ina at mga anak na dapat ihabilin sa mga taong pagkakatiwalaan. Kung ang
iglesiya'y parang ina sa atin, huwag nating ito'y pabayaan. Kung ang ating mga kabataan o mga kaanib sa
iglesiya ang mga anak, huwag natin silang ihabilin sa maling pag-iisip at katuruan.
4. "Eli, Eli, lama sabach-thani?" ibig sabihi'y "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" (Mateo 27:46b)
[Sa Marcos 15:34 --- "Eloi, Eloi, lema sabachtani?" na ang ibig sabihi'y "Diyos ko, Diyos ko! Bakit mo ano
pinabayaan?"] [Ginamit ni Mateo ang "Eli, Eli" --- Hebreo. Ginamit ni Marcos ang "Eloi, Eloi" --- Aramaic.]
"Mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon ay nagdilim sa buong lupain. Nang mag-ikatlo ng
hapon, sumigaw si Jesus, "Eli, Eli, lama sabach-thani?" ibig sabihi'y "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako
pinabayaan?" (Mateo 27:46b) [Sa Marcos 15:34 --- "Eloi, Eloi, lema sabachtani?" na ang ibig sabihi'y "Diyos
ko, Diyos ko! Bakit mo ano pinabayaan?"] "Narinig ito ng ilan sa mga nakatayo roon at sinabi nila, Tinatawag
niya si Elias.' Agad tumakbo ang isa sa kanila at kumuha ng espongha, tinigmak ng maasim na alak at
ipinasipsip
kay
Jesus."
(Mateo
27:47-48).
Nasa ika-apat na wika ang "pakikiisa ng nagkatawang taong Diyos" sa mga tao. ("Identification with men).
Ito'y isang panaghoy ng paghihirap na makikita sa salmo ni David (Salmo 22:1a --- "Diyos ko! O Diyos ko!
Bakit ako pinabayaan?). Ito'y isang katuparan ng isang kalagayan sa Lumang Tipan. Bilang isang Judio, alam
ni Jesus iyon. At ngayon nakikita natin ang ibig sabihin. Isang panalanging tanong na nagmumula sa isang
taong nasa masakit na kalagayan. Ito'y hindi tanong ng pagdududa; ito'y isang panaghoy na humihingi ng
kapayapaan at katahimikan. Ito'y hindi naintindihan ng mga nakarining sa kanya. Hindi nila nakilala ang Diyos
na nagkatawang tao, na ang kanyang panaghoy ay panaghoy ng sangkatauhan, isang panaghoy ng buong
nilalang, isang panaghoy ng bawat taong nakakadama ng hungkag na kalagayan, maliban sa kalinga ng Diyos
at pagpapahalaga ng isang Tagapagligtas. Kung nakiisa si Cristo sa sangkatauhan, hindi ba maaaring makiisa
rin tayo kay Cristo? Ano nga ba ang kasagutan sa mga taong nakikilala sa ngalan ni Cristo --- ang mga
Cristiano? Ito'y pakikiisa ni Cristo, hindi kapabayaan ng ating Diyos Amang sumasalangit.
5. "Nauuhaw ako!" (Juan 19:28). Sinasabi ng Banal na Kasulatan, "Pagkatapos nito, alam ni Jesus na naganap
na ang lahat ng bagay; at bilang katuparan ng Kasulatan ay sinabi niya, Nauuhaw ako!'"
Ang ipinahihiwatig ng panlimang wika ay isang "Panganga-ilangan." Nalalaman ni Jesus ang lahat ng
kaganapan at nagaganap. Narinig ito ng mga naroroon, lalung-laluna ang mga sundalo na nakapaligid. At dahil
may isang mangkok doon na puno ng maasim na alak, itinubog nila rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga
ng isopo at idiniit sa kanyang bibig. Ito marahil ang kaganapan ng isang salmo o isang hula sa Banal na
Kasulatan,

"Sa
Ang
Suka

halip
dulot
at

na
sa
di

tubig

pagkain,
aki'y
ang

"Itong
aking
lalamuna'y
tuyong
Ang
dila
ko'y
dumidikit
sa
Sa
alabok,
halos
patay
na
ako
ay

nang
mabagsik
ipinainom."
abo
bubong
iniwan

ako'y
na
(Salmo

magutom,
lason.
69:21)

ang
kapara,
ng
ngalangala.
na."
(Salmo
22:15)

Sa kabilang dako, ipinakikita ng wikang ito ang pangangailangan at kailangan ni Jesus na dapat tugonan. Hindi
ba siya ang "tubig na buhay"? Bakit ang tubig na buhay ay nauuhaw? Kagaya ito ng sinabi ng isa sa mga
nakabayubay sa tabi ni Jesus, "Kung ikaw ang Cristo (ibig sabihin "Tagapagligtas"), iligtas mo ang iyong sarili
at iligtas mo rin kami." Nangangailangan ito ng isang pagtugon upang mapawi ang "uhaw" ng Panginoon na
namatay para sa kasalanan ng daigdig. Ang kanyang uhaw ay mapapawi lamang sa pamamagitan ng ating
pagsuko at pananalig at pananampalataya na dapat nating taglayin hanggang sa dulo ng ating buhay. Ang
bawat isa sa atin ay may mga pangangailangan din, at nauuhaw din sa maraming pangangailangan at ang
katugunan ay nasa kalinga't pagmamahal ng "Buhay na Tubig" o ang ating Panginoong Jesus.
6. "Naganap na! (Juan 19:30). "May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Itinubog nila rito ang
isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa kanyang bibig. Nang masipsip ni Jesus ang alak ay
kanyang
sinabi,
Naganap
na!'
(Juan
19:19-30).
Ang wikang ito ay isang sigaw ng "Tagumpay." Ipinakikita dito ang kaganapan ng isang layunin at adhikain sa
buhay bagama't ito'y nagtatapos sa isang kamatayan. Ito'y isang tagumpay ng misyon, "Mission
accomplished!" ika nga. Ang kabuoan ng misyon ni Cristo sa mundong ito ay ang sigaw ng tagumpay. Hindi
ba't sinabi ni Jesus sa Juan 10:10b, "Naparito ako upang ang mga tupa'y magkaroon ng buhay --- isang buhay
na
ganap
at
kasiya-siya!"?
Kung ganoon, ang kamatayan ni Jesus ay buhay nating lahat na tumanggap at nananampalataya sa kanya
bilang sarili nating Taga-pagligtas. Naganap na ang kanyang gawain, ang kanyang buhay sa lupa ay nagwakas
na, at ito ang nagbukas ng pintuan ng buhay na walang hanggan para sa kanyang mga anak at tagasunod sa
pananampalataya.
Maliwanag
ang
sinasabi
sa
Hebreo
12:2,
"Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang pinagmulan ng ating pananampalataya, at siya ring
nagpapasakdal nito. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya ikinahiya ang mamatay sa krus, at
siya
ngayo'y
nakaluklok
sa
kanan
ng
trono
ng
Diyos."
7. "Ama, sa mga kamay mo'y ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu!" (Lucas 23:46) "Nang magiikalabindalawa ng tanghali, nagdilim sa buong lupain hanggang sa ikatlo ng hapon. Nawalan ng liwanag ang
araw; at ang tabing ng templo'y napunit sa gitna. Sumigaw nang malakas si Jesus, "Ama, sa mga kamay mo'y
ipinagtatagubilin
ko
ang
aking
espiritu!"
(Lucas
23:46)
Ang panghuling wika ay isang panalangin ng "Pagtatalaga" (prayer of commitment). Ito'y nagpapaalaala sa
atin sa isang panalangin ni David na nagsasaad ng buong pagtitiwala sa kamay ng Diyos. Ito ang mababasa
natin: "Kupkupin mo ako at iyong ingatan, Ang pagliligtas mo sa akin ay pakamtan; Ikaw ang aking Diyos, na
tapat
at
tunay."
(Salmo
31:5)
Sa mga sandaling iyon, mag-iikatlo ng hapon, nahati ang kurtina sa Templo. Ang kurtina ang naghihiwalay sa
"Dakong Kabanalbanalan" at "Dakong Banal" (Mababasa ito sa Hebreo 9:2-3). Ang pinunong pari o ang
pinakamataas na saserdote ang puwedeng pumasok sa Dakong Kabanalbanalan at ito'y minsan lamang sa isang
taon. (Once a year.) At ang Dakong Banal ay siyang lugar na ginagamit ng mga pari upang ganapin nila ang
kanilang mga pang-araw-araw na tungkulin. (Mababasa ito sa Hebreo 9:5-6). Nasa Dakong Kabanalbanalan
ginaganap ng Punong Saserdote ang isang napakahalagang bagay. Sa Hebreo 9:7 mababasa natin ito,

"Ngunit tanging ang Dakilang Saserdote ang naka-papasok sa ikalawang bahagi, at minsan lamang sa isang
taon. Siya'y may dalang dugo na inihahandog sa Diyos dahil sa mga kasalanan niya at ng mga tao, kasalanang
nagawa
nila
nang
hindi
nalalaman."
Noong mamatay si Cristo, nagkaroon ng malaking pagbabago sa Templo. Mayroong pangyayari na kakaiba.
Nahati ang kurtina sa loob ng Templo. Nawala na ang paghihiwalay sa loob ng Templo --- ang Dakong
Kabanalbanalan at ang Dakong Banal. Ito ang ating makikita sa Hebreo 7:26-27,
"Si Jesus kung gayon, ang Dakilang Saserdoteng maka-tutugon sa ating pangangailangan. Siya'y banal, walang
kapintasan o kasalanan, nahihiwalay sa mga makasalanan at mataas pa kaysa sangkalangitan. Hindi siya
katulad ng ibang mga dakilang saserdote na kailangang maghandog ng mga hain araw-araw, una'y para sa sarili
nilang kasalanan, at pagkatapos, para sa kasalanan ng mga tao. Minsang naghandog si Jesus --- at iya'y
pangmagpakailanman--nang
ihandog
niya
ang
kanyang
sarili."
Ang pagtatalaga sa Panginoon at pagtitiwala sa Diyos ay namalas sa krus nang mamatay si Jesus. Ito ang dapat
na maging pagtatalaga at pagtitiwala ng lahat ng mga mananampalataya bago sila babalik sa Diyos na
lumalang sa kanilang kamatayan. Ang kahulugan ng buhay at ang lahat na gawain ay magtatapos sa diwa ng
misyon ng ating Panginoon at ang banal na buhay ng mga mananampalataya.
Pangwakas
Ipinakikita ng mga huling pitong wika ni Jesus sa krus ang kabuuan ng misyon ng Diyos sa pamamagitan ni
Cristo. May napapanahon na tagubilin si Pedro, isa sa mga alagad ni Jesus noong sinabi niya, "Ang pagtitiis ng
hirap ay bahagi ng pagkahirang sa inyo ng Diyos; sapagkat nang si Cristo ay magtiis para sa inyo, binigyan
niya
kayo
ng
halimbawang
dapat
na
tularan"
(1
Pedro
2:21).
Sa araw ng pagkamatay ni Jesus, parang iyon na ang katapusan ng lahat na kanyang ginawa, subalit
pagkatapos na pagkatapos lamang na mamatay si Jesus, nasaksihan ng opisyal ng mga kawal na naroroon, ang
kapitan, ang lahat ng nagaganap at nangyayari at siya'y nagpuri sa Diyos at sinabing, "Tunay ngang matuwid
ang taong ito!" (Lucas 23:47). Dagdag pa rito, ang sabi sa Lucas 23:48, "Ang nangyaring ito'y nakita ng lahat
ng taong nagkakatipon at nagmamasid; at umuwi silang dinadagukan ang kanilang dibdib.
Sa araw ding iyon, nagsimula ang isang uri ng bagong "Exodus" --- ang paglalakbay ng maraming tao sa
kanilang pananampalataya at pagsunod sa ipinakong Cristo. Hanggang sa mga araw na ito, marami ang
nagpapasiya na sumama sa paglalakbay sa pananampalataya putungo sa buhay na walang hanggan. Kasama ba
tayo
sa
paglalakbay?
Ang kahulugan ng mga pitong wika ng Panginoon sa krus ay isang mahalagang pahiwatig sa matagumpay na
mensahe ng pagkabuhay na mag-uli. Ang kamatayan ni Jesus ay isang tagumpay ng Tagapagligtas upang
mapatawad ang kasalanan at mawala ang tibo ng kamatayan ng mga tao. Ang huling pitong wika ay pintuan sa
malawak na biyaya at pagmamahal ng Diyos na hahantong sa kapatawaran ng kasalanan at higit sa lahat sa
buhay na walang hanggan.
Posted 22nd March 2005 by Rev. Anacleto G. Guerrero
7

View comments
1.

Bible_sponge7:49 AM, March 28, 2005


Wow!
LOL
If
I
only
knew
every
language.
Tower
of
Babel
made
all
languages
differ.
Thank God that we all need God though right? English sounds to plain to me....I like other languages. LOL
God
Bless
ya!
http://thebibleinmyhands2.blogspot.com
Reply
2.
rex9:09 AM, March 12, 2010
Ang ganda nito! More power and good luck to all!!!
Reply
3.
Rayden Montalbo1:40 PM, April 02, 2010
i was so happy i found this. thank you for posting Rev. Guerrero, i felt i was there too. i thank God foe
everything
and
i
know
he's
with
us
always.
many thanks to this, and now i know i realize what 7 last words means. i'll share this for everyone to let
them
think
of
what
Jesus
have
done
just
for
us.
have a good days folks. :)
Reply
4.
Anonymous3:33 AM, April 22, 2011
Thanks for sharing the wonderful love of God through His Seven Last Word.
Reply
5.
Anonymous9:44 AM, March 15, 2012

Thank you po... ang ganda nito... more power and God Bless po...
Reply
6.
dumarao.i.ph1:19 PM, April 02, 2012
Thumbs up Rev. Sana Makapunta ka Nang Capiz!
Reply
7.
Anonymous7:00 PM, March 29, 2013
salamat po. nasa saudi po ako kya napakaganda at may mababasang katulad nito sa panahon ng mahal
na araw.
Reply

Thinking Aloud

The online newsletter, journal and


sermons of Rev. Anacleto G. Guerrero

Classic

Flipcard

Magazine

Mosaic

Sidebar

Snapshot

Timeslide

JUN

17

"Lord, first let me go and bury my father"


On a whim, I opened my Dad's email account to see who else he chatted with during his last days. I saw
this.
While Dad was alive, I thought that his almost continuous grief over the death of his mother a bit OA (overacting). I did not understand then. I had underestimated the ties that bind. My grandfather and
grandmother had died before... I was close to them, but I moved on. I was also close to my cousin, Kuya
Noel... he was a friend not just to me but my wife and he was my choice to give the homily during my
wedding; he had died very suddenly and unexpectedly, but I had moved on.
I had been very close to my Dad. As this image proves, I was constantly in touch. Thanks to modern
technology, my move to Australia had not been as traumatising as I had feared. We chatted. We "skyped".
OCT

I Am Back
It sounds to be centuries ago, but I am back to my blogger. I really hope this will work after several tries.
SEP

Test post
APR

25

PACE RETIRED MINISTERS


By Rev. Anacleto G. Guerrero
PACE Chair, Commission on Archives and History
Four of our more active ministers in the conference have finally retired from active ministerial functions.
They are the following:
1. Rev. Gernomino Garong. His last church appointment was The Living Word UMC in Marikina City. He
has reached the 70-year old mandatory retirement age. Two of his children have become lawyers, one is
now a judge in one of the courts in Nueva Ecija.
APR

15

BACK TO THE BLOG

By Rev. Anacleto G. Guerrero


Blog Administrator
I'm back to the blog. Some friends were wondering why I have not posted anything for many months. I
was not only busy in the ministry; I was busy with some personal and family concerns. One of my sons
got married to a fine beautiful lady. They are now residing in Australia. His twin brother is pursuing his
Master of Divinity at Union Theological Seminary. The youngest got another beautiful baby girl, his
second daughter.
AUG

On Second Thought
By Rev. Anacleto G. Guerrero
FPUMC Administrative Pastor
In his book, Whats So Amazing About Grace, Philip Yancey said, God dispenses gifts, not wages.
None of us gets paid according to merit, for none of us comes close to satisfying Gods requirements for a
perfect life. If paid on the basis of fairness, we would all end up in hell. (Chapter Five, The New Math of
Grace, pp. 59-72.) Read it again and reflect. It boils down to grace only God can bestow.
AUG

At the LUK FOO Restaurant


Rev. Anacleto G. Guerrero
FPUMC Administrative Pastor
Simulataneous with the State of the Nation Address (SONA) of President Gloria Macapagal-Arroyo on
July 25, 2006 was our time to settle a last payment premium at the Jocfer Building along Commonwealth
Avenue. It was about three o'clock in the afternoon and typhoon Glenda (actually it was previously named
"Gloria" by the PAG-ASA at the start of 2006) was raging. There were strong winds and heavy rains.
AUG

Sharing Table with a Seminary President


By Rev. Anacleto G. Guerrero
FPUMC Administrative Pastor
It was lunchtime, July 19, 2006 at the Philippine Baptist Theological Seminary (PBTS) Canteen (Baguio

City) when Dr. Joyce Abugan, newly installed president of this seminary, joined us in one of the dining
tables. She "invited" herself to join us at the table and we were not caught unaware because we saw her
coming to where we were seated. Actually, I have not met her before as far as I can remember.
AUG

Delayed Vacation
By Rev. Anacleto G. Guerrero
Fairview Park UMC
Claire and I are on a delayed vacation and we decided to go to two places -- Moncada and Baguio City. It
could have been in early May but many church concerns have to be attended to -- preparation for the 27th
Church Founding Anniversary at Fairview Park UMC; funeral of an old member of the church; finalizing
BS schedule; visitingthe sick in the hospital; seminar-workshops; district planning retreat; etc., etc.
JUL

15

Meeting a Former Provincial Governor and Retired Army General


By Rev. Anacleto G. Guerrero
FPUMC Administrative Pastor
It was Tuesday evening, July 24, 2006, during the wake of the late Atty. Domingo Ferrer, 78, that I heard a
man pay tribute to his "classmate in high school" (1st - 4th years). They parted ways in college: his
classmate went to Silliman University for his Ll.B. and himself to Diliman (U.P., Quezon City) where he
earned his baccalaureate degree (AB) and his Masteral and Doctoral degrees.

Loading
Dynamic Views template. Powered by Blogger.