You are on page 1of 5

El Filibusterismo

Kabanata 1 Sa Kubyerta
Tauhan:
Donya Victorina
Kapitan
Don Custodio
Ben-Zayb
Padre Irene
Simoun
Padre Camorra
Padre Sybila
Padre Salvi
Pangyayari:
Sa Bapor Tabo na sumasalunga sa Ilog Pasig ay
nakasakay ang ilang mga katauhan na mahalaga
sa kwento. Silay ipinakilala at isinalaysay din
ang tungkol sa nangyaring pagtakas ni Don
Tiburcio kay Don Victorina dahil sa takot nang
sinaktan niya ito. Nagkaroon ng pagtatalo sa
pagitan ng mga padre ukol sa pagpapalalim ng
ilog. Ito raw ay ipatuwid ng ayos; nagbigay si
Simoun, ang mag-aalahas, ng isang lunas:
humukay ng matuwid na kanal, sarhan ang
dating Ilog Pasig gamit ang lupa at mapapaikli
pa ang paglalakbay. Nakipagtalo si Don Custodio
ukol dito dahil wala silang salapi na maibabayad
sa mga manggagawa. Ayon naman kay Simoun

ay hayaan ang sapilitang paggawa nang walang


bayad. Nag-aalala ang padre sa maaaring
paghihimagsik. Ayon kay Simoun, ang mga
maggagawa naman sa Ehipto at Romana ay
hindi naghihimagsik. Sinabi naman ni Don
Custodio na maaaring mag-alaga ng itik o pato
na makakakain din ng lupa. Si Donya Victorina
naman ay nandiri na lamang at tumutol.
Kaugaliang Pilipino:
Pagbibigay halaga sa mga dayuhan
Sakit ng Lipunan:
Sa pagkakaroon ng dalawang lugar ng mga tao
sa kubyerta ang mga makakapangyarihan sa
itaas, at indyo, instik at iba pa sa ibaba
ipinapakita ang kalagayan ng pamahalaan kung
saan mas binibigyang halaga ang mga kastila,
mayayaman at prayle.
Ang pagpapanggap ng pamahalaan ng kalinisan
nito (simbolismo ng puting pintura) ngunit
mayroong mga kadumihan at kaharasan sa
likuran nito.
Ang mabagal na pag-unlad dala ng kahinaan ng
pamahalaan.

Kabanata 2 Sa Ilalim ng Kubyerta


Tauhan:
Kapitan Basilio
Basilio
Isagani
Simoun
Padre Florentino
Pangyayari:
Sa ilalim ng kubyerta matatagpuan ang
karamihan ng mga tao kasama ng mga
makina, bulwak na tubig na nakahalo, at walang
tigil na paswit ng bapor mayroong mga intsik,
mga kabataan, mga mag-aaral at indyo.
Ipinakilala si Basilio, isang mag-aaral ng
medisina, at si Isagani at isinalaysay ang
kalagayan ni Kapitan Tiyago na siyang nasubsob
sa paghithit ng apyan. Pinag-usapan nila
kasama ni Kapitan Basilio ang ukol sa panukala
nila ukol sa Akademya ng wikang Kastila.
Dumating si Simoun at silay nagtalo ukol sa
pag-inom ng alak, na sabi ni Isagani ay sanay

Kabanata 3 Mga Alamat

Tauhan:
Padre Florentino
Padre Sybila
Padre Irene
Padre Camorra
Padre Salvi
Simoun
Pangyayari:
Ang pangkat na nasa ibabaw ng kubyerta ay
nagbibiruan at nagsasayahan. Pinag-uusapan
nila ang kalagayan ng kalakalan ng mga indyo
at intsik na tila lumalagpak at ang mga
kahirapan nito. Nagsimula silang magkwento

makabubuti sa lahat at magtatangumpay sila.


Matapos umalis ni Simoun ay inisinalaysay ang
buhay ng padreng kumupkop kay Isagani, si
Padre Florentino, at sinabihang anak na huwag
magpapakita sa kapitan upang hindi ito
anyayahing umakyat.
Kaugaliang Pilipino:
Paniniwalang ang bata ay may kinabukasan pa;
pagnanais sa pagkakaisa at pagtutulungan
tungo sa kaunlaran; pagsang-ayon ng anak sa
mga kagustuhan ng magulang, labag man ito sa
kalooban niya; kalagayan ng pag-iisip muna sa
balakid bago ang kabutihan kayat hindi
natutupad ang mga balak.
Sakit ng Lipunan:
Ang pag-inom ng serbesa o alak at paghithit ng
payan na silang nakakasira ng mga tao;
pagtanggi ng pamahalaan na bigyan ng sapat na
edukasyon ang kabataan, lalo na sa wikang
Kastila
ukol sa mga ibat ibang alamat ang Malapadna-Bato na tinitirhan ng espiritu bago pa
dumating ang mga Kastila; ang tungkol kay
Donya Geronima na ang kasintahang nangakong
siyay pakakasalan ay nag-arsobispo; si Simoun
at nakipagtalo ukol sa ginawa kay Donya
Geronima na kinulong sa isang kweba; ang
pagsaklolo ng isang Intsik sa Panginoong hindi
nya pinaniwalaan dahil sa paglabas ng isang
demonyong buwaya; ang huliy tungkol sa isang
Ibarra na siyang tumalon sa lawa, siyay binaril
at nagkaroon ng kulay dugo ang lawat hindi na
siya muling nakita.

Kaugaliang Pilipino:
Pananampalataya sa Panginoon; paniniwala sa
mga espiritu; paniniwalang ang arsobispo ay
laging tama; pagtigil sa paniniwala sa pamahiin
at espiritu dala ng mga Kastila, lalo na sa
Kristiyanismo.

Sakit ng Lipunan:
Pagpapatapon sa isang mabuting tao sa
kulungan para lamang matahimik ito; pagtutugis
sa taong walang sala

Kabanata 4 Kabesang Tales


Tauhan:
Kabesang Tales
Tandang Selo
Lucia
Tano
Juli
Pangyayari:
Dahil sa paghihirap nila ay inangkan nila ang
isang pook sa may gubat, at dahil ditoy
namatay ang asawat panganay na anak ni
Tales. Ipinagpatuloy pa rin ang pagsisikap na
pag-ani sa lupaing ito, at siyay umunlad dahil
ditoy sinakop sila ng mga kastila. Naging
masagana ang ani ni Tales, at tumataas pa lalo
ang buwis na sinisingil sa kanya. Siyay
ginawang Cabeza de Barangay sapagkat siya
ang pinakamasipag nang dahil ditoy
dumadami ang babayarin ni Tales. Hindi na
nakapag-aral ang kanyang mga anak. Dahil sa
pang-aapi ng mga prayle at
makakapangyarihan, siyay nalublob sa utang,
at naghimagsik; hindi na siya nagbabayad, at
ibibigay nya lamang ang lupa sa taong didiligan
muna ito ng dugo ng kanyang asawat anak.

Patuloy ang pagbabantay ni Tales sa lupa na


may hawak na baril. Si Tano ay naging gwardya
sibil. Nadakip din si Tales ng mga tulisan;
naiwan si Tandang Selo at Juli na may mga
utang, at si Juli ay namasukan bilang katulong
ng isang matandang pumayag na pautangin sila
ng salaping kailangan para sa pagpapalaya ni
Tales.
Kaugaliang Pilipino:
Katamaran ng mga Pilipino (at dahil ditoy iba
ang nananagutan); paniniwalang gaganda ang
kinabukasan at magkakaroon ng mirakulo sa
pamamagitan ng pag-aalay ng alahas at
kayamana sa imahen
Sakit ng Lipunan:
Pang-aapi at panglilinlang sa mga indyo dahil
lamang silay mapagkikitaan nga mga Kastila;
ang hindi pagbayad ng buwis ng mamamayan
kayat ang Cabeza de Barangay ang kailangang
magbayad mula sa sariling bulsa; pagsanay sa
mga Pilipino na magtiis na lamang sa halip na
ipaglaban ang sariling kabutihan at kung may
nanga-iba ritoy malalagot sila.

Kabanata 5 Ang Bisperas ng Pasko sa Isang Kutsero


Tauhan:
Basilio
Kutsero
Kapitan Basilio
Simoun
Alperes
Pangyayari:
Umuwi na si Basilio sa kanyang tahanan sa San
Diego, kung kalian mayroong mga pista at silay
naabala sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang
kanyang sedula at kinailangang bugbugin pa ito
ng gwardya sibil. Mayroong inilalakad na
prusisyon ng mga imahin ng dalawang Kastila,
taltong Haring mago, birhen at mga batang may
dalang parol. Nabugbog nanaman ang kutsero
dahil wala itong ilaw. Nabatid ni Basilio ang
usapan sa loob ng bahay ni Kapitan Basilio,

Kabanata 6 Si Basilio

Tauhan:
Basilio
Simoun
Kapitan Tiyago
Pangyayari:
Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Basilio
kayay siyay nagtungo sa kagubatang datiy
pagmamay-ari ng mga Ibarra, at patuloy siya sa
paglalakad sa loob nito hanggang sa marating
niya ang isang bunton ng bato kung saan
nakalibing ang kanyang ina. Siyay nag-isip at
naalala ang kanyang nakaraan. Marami siyang
mga paghihirap na dinaanan: pagtakas sa
Maynila, paghihiling na sana ay masagasaan na

kasama ng alperes at ni Simoun. Tila sila


lamang ang may masayang kalagayan sa bayan
at silay nagdaraos ng kalakalan sa mga alahas
ni Simoun; pagkadating sa bahay ni Kapitan
Tiyago ay ginagalang si Basilio habang siyay
binibigyan ng mga ulat ng katiwala sa mga
nakaraang pangyayari nang itoy nasa ibang
lugar. Nabalitaan niya ang nangyari kay
Kabesang Tales.
Kaugaliang Pilipino:
Pagsasagawa ng mga prusisyon at pagpapalakad
ng mga imahen na ginagalang tuwing pista at
bisperas ng Pasok
Sakit ng Lipunan:
Pagbubugbog sa mga taong hindi sumusunod sa
tradisyon o batas sa halip na silay bigyan ng
patas at maayos na parusa
siya ng mga kabayo, hangggang sa siyay
kupkupin nila Kapitan Tiyago. Siyay
nagsimulang magsikap sa pag-aaral, kahit na
siyay hindi pinapansin ng mga guro kaya naman
siyay laging nakapapasa. Unti-unting bumubuti
ang kanyang kapalaran sa pag-aaral at siyay
inilipat sa Ateneo mula sa San Juan de Letran
hanggang sa siyay magtapos at kumuha ng
kurso sa Medisina. Sa kanyang pag-unlad ay
sinikap niyang kalimutan ang paghihirap ng
nakaraan at ipagpatuloy na lamang ang
pagsisikap.
Kaugaliang Pilipino:

Pagpapawalang-halaga sa pag-aaral ng mga


ibang mag-aaral, lalo na sa mga mayayaman;
katamaran sa pag-aaral;
Sakit ng Lipunan:
Pag-diskriminasyon sa mga Indyo, lalo nat kung
iuukol sa kadamitang suot; ang pagpasok ng
mga mag-aaral hindi para matuto, kundi upang
makapasa lamang sa mga pagsusulit; ang

pangangailangan ng maraming kaibigan at


koneksyon sa mga makakapangyarihan upang
manalo sa pagtatanggol ng mga abogado sa
halip na umasa sa kakayahan nito; miski ang
mga guro ay tamad din magturo; dami ng magaaral sa isang klaset kaya mahirap matuto;
hindi pantay na pag-unlad at kaibahan ng
paaralan ng Ateneo at San Juan de Letran

Kabanata 7 Si Simoun
Tauhan:
Simoun
Basilio
Pangyayari:
Habang si Basilio ay nasa gubat, nakarinig siya
ng mga yapak ng isang tao sa kagubatan at
nang siyang nagmasid, nakita niyang ito ay si
Simoun. Dahil hindi nito suot ang kanyang
salamin, nakilala ni Basilio ang mag-aalahas na
siya palang si Crisostomo Ibarra na tumulong
din kay Basilio na ilibing ang kanyang mahal na
ina. Tinutukan siya ng baril ni Simoun, at
ipinaliwanag naman ni Basilio na si Ibarra ay
isang taong mahal sa kanya, dahil sa pagliligtas
at pagtulong sa paglilibing ng kanyang ina. Sabi
ni Simoun ay dapat silang magtulungan dahil
pareho silang uhaw sa katarungan. Isinalaysay
ni Simoun ang kanyang paglalakbay sa mundo
upang magpayaman, at nanumbalik upang
maghimagsik at makitang muli si Maria Clara.
Tutol si Simoun sa pagpapatayo ng mga
kabataan ng isang paaralan para matuto ng
Kastila sapagkat isang paraan daw ito upang
makalimutan ang sariling wika, humina ang
nasyonalismo. Ang wika ang pag-iisip ng isang

Kabanata 8 Maligayang Pasko


Tauhan:
Tandang Selo
Juli
Pangyayari:
Paggising ni Juli ay nabatid niyang walang
nangyaring himala at dalawang daat limampung
piso na dapat ibabayad para sa kalayaan ni
Kabesang Tales. Kakailanganin niyang magpaalila at naghanda na siya upang tumungo sa
bahay ng amo. Siyay umalis na habang si
Tandang Selo ay nanatiling napakalungkot kahit

bayan at kanyang kalayaan. Pinagtanggol


naman ni Basilio na itoy paraan upang
maunawaan, mapaunlad ang pamamahala ng
mga Kastila. Ayon kay Simoun, dapat ay
sumama siya sa paghihimagsik sapagkat pareho
silang tinaksil ng sariling bayan at dumanas ng
napakasakit na mga karanasan. Nabatid ni
Simoun na hindi niya nakukumbinse si Basilio.
Sinabi na lamang niyang kung magbago ang isip
ni Basilio at kailanganin ang tulong niya,
mayroon siyang bahay sa Escolta.
Nagpasalamant si Basilio at umalis. Si Simoun
naman, na punung-puno ng kamuhian at
paghihimagsik, ay naalala ang kanyang mga
pinagdaanan, sina Elias, Don Rafael at Maria
Clara.
Kaugaliang Pilipino:
Pagdadalaw sa mahal na yumao na at
pagbibigay galang at dasal dito; pagpapahalaga
sa utang na loob.
Sakit ng Lipunan:
Ang pagpapaalipin ng Pilipinas sa wikang Kastila,
pati sa mga dayuhan; ang pagtanggi sa karapatdapat na edukasyon.

na pasko na. Dahil sa labis na kalungkutan ay


napipi ang matanda!
Kaugaliang Pilipino:
Pagbati ng Maligayang Pasko sa araw na iyon;
pagtuturing sa araw na ito na araw ng mga bata
at pagdaraos ng misa kasama sila; ang ibay
tumatanggap ng mga aginaldo
Sakit ng Lipunan:
Ang pagdaraos at pagdiriwang ng Pasko nang
hindi abot sa puso o kayay pilit laman

Kabanata 9 Si Pilato
Tauhan:
Mga nag-uusap-usap
Hermana Penchang
Pangyayari:
Naging usap-usapan ang nangyari kay Tandang
Selo at ang karamihan ay walang pakialam.
Pinagchismisan nila ang mga nangyari at
maaaring nangyari kung hindi lamang umalis ng
bahay si Kabesang Tales. Pinagbintangan naman
ni Hermana Penchang, ang bagong amo ni Juli,
na parusa raw ito dahil sa kakulangan ng
pagdadasal at hindi pagturo nito kay Juli nang
maayos. Sinabi rin niyang si Basilio ay isang

demonyong nagbabalatkayong demonyo. Si


Kabesang Tales ay nakauwi na rin, ngunit nang
nakita ang kalagayan ng tahanan ay naupo na
lamang sa isang sulok nang walang kibo.
Kaugaliang Pilipino:
Pagchichismis ukol sa mga pangyayari nang
hindi inaalam ang katotohanan; paniniwala sa
kaparusahan dala ng hindi pagdadasal
Sakit ng Lipunan:
Ang kakulangan sa awa at pagtulong sa mga
mahihirap; paghahatol sa tao, pagpaparusa, at
matapos ay aasal na parang wala siyang
kasalanan.

Kabanata 10 Kayamanan at Kahirapan


Tauhan:
Tandang Selo
Kabesang Tales
Simoun
Pangyayari:
Tumuloy si Simoun sa tahanan ni Kabesang
Tales, kung saan siya nagdaraos ng kanyang
pagtitinda ng mga ibat ibang alahas at hiyas na
talagang hinahangaan ng lahat. Pinapakita niya
ang mga hiyas na galling sa ibat ibang mga
basa, orihinal, at may mahalagang kasaysayan.
Marami ang na-engganyo at bumibili sa kanya.

Kinabukasan ay nalaman na lamang ni Tales na


nawala na ang kanyang rebolber sapagkat
inanakaw ito ni Tales. Nabalitaang mayroong
mga pinatay si Tales sa madugo at walang
awang paraan.
Kaugaliang Pilipino:
Pamimili ng mga alahas na may halaga at
kasaysayan
Sakit ng Lipunan:
Ang agwat sa pagitan ng mga mahihirap at
mayayaman ay maaaring magdala ng sama ng
loob, himagsik at trahedya.

Kabanata 11 Los Banos


Tauhan:
Kapitan-Heneral
Padre Camorra
Padre Irene
Padre Sybila
Don Custodio
Mataas na Kawani
Padre Fernandez
Simoun
Pangyayari:
Ang kapitan-heneral at mga padre ay naglalaro
ng tresilyo. Nagpapatalo ang mga padre
sapagkat gusto nilang makipag-usap dito
tungkol sa paaralang gustong ipatayo ng mga
kabataan, ngunit sabi ng Heneral na sa susunod
na raw pag-usapan iyon. Nainis si Padre
Camorra sa pagpapatalo ng mga padre, at
umalis. Si Simoun ang pumalit. Nagbiro na itaya
nya raw ang kanyang mga brilyante. Pumayag si
Simoun, kapalit ng pagpapangako ng mga padre
na bitawan ang kabaitan ng loob at maging
marahas sa mga indyo at mahigpit na
pagpapatupad ng mga batas. Nang itanong siya
kung anong mapapala niya rito, sagot niyay

lilinis daw ang bayan. Matapos ay pinag-usapan


na ang tungkol sa paaralan; pinaglaban ito ni
Don Custodio ngunit ang ibay tutol, sapagkat
baka raw isa itong paraan ng paghihimagsik,
dapat daw ay hindi humigit ang mga paaralan sa
Pilipinas, at iba pa. Nagtalo sila rito ngunit ang
pagtutol ni Simoun ang maaaring
pinakamalaking balakid ng mga kabataan.
Pinalaya ng heneral si Kabesang Tales.
Kaugaliang Pilipino:
Pagsusugal at paglalaro; pagsipsip sa mga may
kapangyarihan
Sakit ng Lipunan:
Ang pangangailangan ng mataas na posisyon o
kayay pakikipagkaibigan sa makapangyarihan
upang maisakatuparan ang mga balak; ang
paniniwala ng mga Kastila at prayle na
mayroong likas na kasamaan ang mga indiyo at
ang kahit anong panukala nila ay maaaring may
nakatagong masamang balak; pagpapahalaga
ng kapitan-heneral sa sarili at personal na
imahe.

Kabanata 12 Placido Penitente


Tauhan:
Placido Penitente
Juanito Pelaez
Paulita Gomez
Pangyayari:
Dito isinalaysay ang mga nangyari kay Placido,
isang mag-aaral na may angking talino na
nagdala sa kanya sa Pamantasan ng Santo
Tomas. Hindi niya na gusto mag-aral ngunit
kailangan pa rin sapagkat pinaghirapan ng
kanyang mga magulang na dalin siya rito. Sa
loob ng klase ay mababatid ang mga mag-aaral
na iba-iba at may kanya-kanyang gawain upang
libangin ang sarili habang hinihintay ang guro.
Nang papunta na si Placido sa sariling klase ay
tinawag siya ng isang mag-aaral at sinabing
lumagda sa isang kasulatan. Gusto niya pang

basahin ang kasulatan bago lumagda, ngunit


mahuhuli na siya sa klase. Pagdating sa klase ay
linakasan ang yapak upang siyay mapansin
ngunit masama ang tingin sa kanya ng guro.
Kaugaliang Pilipino:
Pagpapalagda sa kung sinu-sino para matupad
ang mungkahi
Sakit ng Lipunan:
Makikita ang pagkakaiba ng mga tao na mga
taga-Ateneo at mga taga-Santo Tomas ang
pagitan sa mga mayayaman at iba pa; ang
paglalagda sa mga kasulatan nang hindi man
lamang binabasa ang sinasabi nito; pagpapadala
at pagsasang-ayon sa mga sinasabing
mapagkakatiwalaan dahil lamang sa reputasyon
nila at hindi dahil sa sariling pag-iisip

Kabanata 13 Ang Klase ng Pisika


Tauhan:
Placido Penitente
Padre Millon
Juanito Pelaez
Pangyayari:

Inilarawan ang kalagayan ng klase may mga


kakulangan, kasikipan, at kagamitang panlabas
lamang. Si Padre Millon, ang guro, ay mahilig
magtanong sa mga mag-aaral, lalo na sa mga
walang maisagot, sapagkat ikinatutuwa niya ang
kawalang alaman ng mga ito. Pinapasaulo niya

lamang ang leksyon at siyay magtatanong na.


Tinawag niya ang isang mag-aaral upang isaad
ang leksyon at nagbigay ng mga tanong na
hirap itong sagutin. Si Juanito Pelaez naman ang
sunod na kanyang tinawag, at itoy humihingi ng
tulong mula kay Placido. Nang mapansin ng
padre ang pagbubulong ng mag-aaral, pinaupo
si Juanito at pinatayo si Placido. Sunud-sunod
ang mga tanong niya sa bata na nakasasagot
naman, hanggang sa bandang huli ay hindi na
mabigay ang tamang sagot. Siyay ipinahiya ng
padre at sinabing hindi na maaaring pumasok pa
ito sa paaralan dahil parang wala naman siya sa
klase. Nagalit si Placido, at umalis. Matapos ng

klase ay wala rin naman natutunan ang mga


mag-aaral.
Kaugaliang Pilipino:
Mapagtimpi, mapayapa, at marunong magtiis;
kung maubusan na ng pasyensya ay marunong
naman lumaban.
Sakit ng Lipunan:
Masikip at kulang-kulang sa kagamitan ang mga
silid-aralin; walang natutuhan ang mga bata sa
pag-aaral nila; may mga kagamitan sa paaralan
na naroon lamang para masabing kumpleto sila
sa kasangkapan, ngunit hindi naman talaga
ginagamit para makatulong sa pag-aaral ng mga
kabataan; ang mga guro ay walang kwenta

Kabanata 14 Sa Bahay ng mga Estudyante


Tauhan:
Macaraig
Pecson
Pelaez
Sandoval
Isagani
Pangyayari:
Si Macaraig ay isang mayaman na may malaking
bahay. Dito ay nagtitipon-tipon ang mga
pangunahing estudyante kung saan pinaguusapan nila ang tungkol sa pangukala nilang
paaralan. Habang ang ibay niniwala na silay
nagtagumpay, si Sandoval naman ay mayroong
pag-aalinlangan. Ibinalita na si Padre Irene ay
kampi sa kanya at kailangan nila ang pagkiling
ni Don Custodio upang magtangumpay

Kabanata 15 Si Ginoong Pasta


Tauhan:
Ginoong Pasta
Isagani
Pangyayari:
Tumungo si Isagani sa tahanan ng manananggol
na si Ginoong Pasta at siyay hindi muna
pinansin habang itoy nagtatrabaho binigyang
halaga lamang siya nang nalaman na ang
kanyang amain ay si Padre Florentino. Silay
nagtalo ukol sa pagpapatayo ng paaralan ng
kastila, at si Isagani ay nagbibigay ng mga
katwiran na hindi masagot nang mahusay ng
Ginoo. Sa bandang huli ay hindi nila maaasahan
ang pagtulong ng manananggol sapagkat tutol
siya rito at walang nais na makialam sa
panukala. Ayon kay G. Pasta ay kung marami
lang sana silang mga kabataan na gayon magisip, hindi sana siya tumanggi.
Kaugaliang Pilipino:
Mayroong mga Pilipino na ninanais ang
pananatili sa ilalim ng pananakop ng mga Kastila
subalit mayroon din namang iba na nais ang
sariling kalayaan at karunungan.
Sakit ng Lipunan:
Ang pagtatanggi ng ibang mga Pilipino na
makiisa sa pagpapaunlad ng ating bansa; silay
walang pakialam at hindi rin nais makialam.
Ipinapakita nito ang kakulangan ng
nasyonalismo at pagpapa-impluensya sa mga
dayuhan.

magagawa nila ito sa pamamagitan ng


pagkausap kay G. Pasta na manananggol o kay
Pepay, isang mananayaw na kaibigan nito.
Nagpasya silang lapitan ang manananggol.
Kaugaliang Pilipino:
Pagtitipon-tipon sa bahay ng isang kaibigan;
mayroong mga takot sa panindigan ang sariling
bansa.
Sakit ng Lipunan:
Ang pagbabawal ng masamang pag-uusap laban
sa Heneral sapagkat silay maaaring madakip
buhat dito; ang pagiging impluensyal ng mga
tao sa paligid ng Heneral kayat tila wala siyang
sariling pag-iisip, kundi nakikinig lamang sa mga
pinagkakatiwalaang prayle

You might also like