You are on page 1of 16

Ang Cancer

DIANA R. MENDOZA, MD, RN


FACULTY, COLLEGE OF NURSING
NORZAGARAY COLLEGE

Ang

cancer ay pangatlo sa
pangunahing sanhi ng kamatayan
sa Pilipinas. Kahit sino ay maaring
magkaroon ng Cancer.dito sa
Pilipinas, ang cancer ay mas
madalas na nakikita sa matatanda
na may pitumput-limang
porsyento(75%) ng lahat ng uri ng
cancer samantalang tatlong
porsyento (3%) naman sa mga
labing-apat (14) na taong gulang
pababa.

Ang cancer ay abnormal na pagdami ng


mga cells ng ating katawan na walang
relasyon sa pangangailangan ng organ
na iyon.

Ang isang normal na cell ay maaring


magparami hanggang animnapung (60)
beses, ngunit ang isang cell na may
cancer ay maaring magparami kahit na
ilan.

Dahil dito, maaring magkaroon ng mga


malalaking tumpok ng cells o Tumor.
Kapag ang paraan ng pagpaparami ng
cells ay hindi maayos, ang abnormal na
pagdami ng cells ay magaganap.

Mga Uri ng Tumor

Kung minsan ang mga tumor ay hindi nagdudulot ng kanser. Ang


mga ito ang tinatawag na hindi mapaminsalang tumor
(benign tumors). Ang mga ito ay binubuo ng selula na
kamukha ng malusog na himaymay. Ang ganitong klase
ng tumor ay nananatili sa isang lugar at hindi kumakalat
sa ibang malusog na himaymay at mga organo ng
katawan.

Ang mga tumor ng kanser ay tinatawag ring mapaminsalang


tumor (malignant tumors). Ang kanser mula sa mga
tumor na ito ay kumakalat sa pamamagitan ng dugo at
sistema ng limpa sa ibang bahagi ng katawan.

Kapag kumalat ang kanser, tinatawag itong metastasis.


Naglalakbay ang mga selula ng kanser sa buong katawan
mula sa tumor, na tinatawag na pangunahing
kinaroroonan, patungo sa ibang bahagi ng katawan.

Kapag

ang tumor ay kumalat


sa iba pang parte ng katawan,
tinatawag itong cancerous o
malignant at maaring
humantong sa mas malalang
karamdaman. Galing sa
kanyang pinagmulan, ang
cancer ay maaring lumaki at
dumami sa maraming paraan
tulad ng:

Ang

paglakad nito sa katabing tissue

Ang

paglusob nito sa malapit na


body cavity

Sa

mga daluyan ng lymph

Naglalakbay

sa mga lymphatic
vessels galing sa mga lymph nodes
na kung saan nagmula ang cancer
cell

Naglalakbay

sa mga daluyan ng
dugo papunta sa ibat-ibang parte
ng katawan lalu na sa baga, atay at
mga buto.

Ang mga sintomas

Ang mga ito ay kadalasang


sintomas ng cancer
C- change in bowel or bladder habits (pagdalas o pagdalang ng pagdumi o pag-ihi)
A- a sore that does not heal (sugat na hindi gumagaling)
U- unusual bleeding or discharge (pagdugo ng walang dahilan)
T- thickening or lump in breast or elsewhere
(pagkakaroon ng bukol sa dibdib o sa iba pang parte ng katawan)

I- indigestion or difficulty in swallowing


(hindi pagkatunaw ng kinain o nahihirapang lumunok)

O- obvious change in wart or mole (pagkakaroon ng kakaibang nunal o kulugo)


N-

nagging cough or hoarseness (kakaibang ubo o pagkapaos)

U-unexplained anemia (hindi maipaliwanag na sanhi ng anemia)


S-sudden unexplained weight loss (biglaang pagbabawas ng timbang)

Ang mga risk factors


ng cancer

1. Edad
Maaring

magkaroon ng
cancer ang anumang
edad.
Ngunit, ito ay mas
madalas sa mga
matatanda..

2. kasarian
May

mga pagkakaiba ng
uri ng cancer na
tumatama sa mga babae
at sa mga lalaki tulad ng
breast cancer. Ito ay mas
mandalas sa mga
kababaihan ( na may 99%)
kaysa sa mga kalalakihan
(na may 1%)

3. Lahi
Ang

mga katangian na mayroon sa


isang uri ng lahi tulad ng kulay ng
balat, pagkain at mga kaugalian ay
nakaka-apekto sa pagkakaroon ng
sakit na cancer.

Halimbawa,

hindi madalas sa mga


lahing mayroong maitim na kulay ng
balat ang skin cancer ngunit ito ay
madalas makikita sa mga lahi na
may mapuputing kulay ng balat.

4. Trabaho o hanapbuhay

Napatunayan na ang uri ng hanapbuhay na


mayroon ang isang indibidwal ay nakaka-apekto

Pag-iwas

Maaari ninyong mabawasan ang inyong


panganib sa kanser sa pamamagitan ng:

Hindi paninigarilyo o paggamit ng tabako

Paggamit ng ipinapahid sa katawan na


pantabing sa araw (sunscreen), sombrero o
damit upang maprotektahan ang inyong balat
habang kayo ay nasa labas

Paglilimita sa dami ng alkohol/alak na iniinom

Paglilimita sa dami ng kinakain na pagkaing


maraming taba, lalo na mula sa mga hayop

Pagkain

ng maraming prutas,
gulay at mga pagkaing maraming
hibla (fiber)

Pagiging aktibo sa mga pisikal


na gawain

Pagpunta sa doktor bawat taon.


Ang mga pagsusuri sa kanser ay
maaaring makatulong upang
matuklasan ang kanser habang
maaga pa at madali pa itong
gamutin.

You might also like