You are on page 1of 6

KABANATA I

INTRODUKSYON
1.1 Panimula
Maputing balat na mala-banyaga ang dating. Mamula-mulat makinis na mukha at
pisngi. Ilan na lamang sa mga habol ng karamihan sa mga kalalakihan at kababaihan
ngayon. Kapag maputi ka raw, malinis tingnan, hindi gusgusin, at kaaya-aya sa iba.
Presko. Sosyal. High-Class. Angat.
Parang umitim ka!, marahil isa na ito sa mga salitang ayaw na ayaw marinig ng
isang Pilipino dahil ang magiging intepretasyon nito sa taong sinabihan ay pumangit
ako. Sa pagdaan ng panahon, naging batayan nating mga Pilipino na ang pagkakaroon
ng maputing balat ay katumbas ng kagandahan.ng ka-angatan sa karamihan.
Sa ating bansa, ang pagkakaroon ng maputing kutis ng balat ay isang kalamangan
kumpara sa iba. Hahangaan ka ng karamihan, kai-inggitan ng ilan, at mapagkakamalan ka
pang mayaman. Ngunit kahit na ang ating bansa ay mula sa mga ninunong may
kayumangging kulay, itinuturo sa atin ng ating lipunan na hindi natin ito maipagmamalaki. Nariyan ang kabilaang produkto ng pampa-puti na makikita natin saan mang
sulok ng bansa. Mapa-telebisyon, radyo, billboards, isama na din na natin ang social
media, at ilan pang paraan ng pagpapalaganap na nagsasabing ang kanilang produktong
ibinebenta ay epektibo at makakamit ang maputing balat na hinahangad ng sino man.
Kahit ang mga artista ay ginagamit na din bilang taga-endorso ng mga produktong
pampapa-puti at nangangakong ikaw ay gaganda tulad nila.
Ngunit saan nga ba nagsimula ang mga ganitong kaisipan? Bakit maraming Pilipino
ang nais itago ang kanilang tunay na kulay ng balat? Ang pananaliksik na ito ay tatalakay
sa mga usaping may kaugnayan dito. Ang kasaysayan nito at kung saan at kailan
nagsimula ang kaibulan ng kaisipan na ang maputi ay maganda, ang mga produktong
mabibili sa merkado, at ang pananaw ng mga respondante sa pananaliksik na ito.
1.2 Kaligirang Pang-kasaysayan
Kayumanggi ang natural na kulay ng mga Pilipino. Sinasabing dahil ito sa mga una
nating mga ninuno na tinatawag na mga Aetas. Ang mga Aetas ay mga sinaunang ninuno
ng mga Pilipino na maitim, kulot at sarat ang ilong. Nang lumaon ay dumami ang mga
mamamayan sa Pilipinas at halos lahat ay nagkaron na ng kulay kayumanggi.
Nang dumating ang mga Kastilang mananakop, ibinahagi nila ang herarkiya
pagdating sa kulay ng balat na nakaka-angat ang mga mapuputi kaysa sa kayumanggi na
siya namang kulay ng mga Pilipino. Matapos ang mga Kastila, dumating naman ang mga
Amerikano na kilala bilang mga Caucasian o ang mga taong likas na mapuputi ang balat.
Ang mga Amerikano at Kastila ay nagbahagi din ng kanilang kultura at ideya na siya

naming malugod na tinanggap ng ating mga ninuno noong mga panahon na iyon. Nang
dumating sa bansa ang mga Kastila, ipinakita at ipinadama nila na ang pagkakaroon ng
kayumanggi o maitim na balat ay nangangahulugan na ikaw ay nabibilang sa
mabababang uri ng lipunan at ikaw ay hindi maganda.
Ang mga kayumanggi ay maihahalintulad sa mga mahihirap na manggagawa na
nagbabanat ng buto sa katirikan ng araw para lamang maka-kain. Samantalang ang mga
nakaka-angat naman sa estado ng buhay ay sapat ang kanilang kinikita at hindi na nila
kailangan kumayod pa sa kalagitnaan ng kainitan. Dahil dito ay naitanim sa utak na
Pilipino na kailangang magkaroon sila ng kutis mestizo/mestiza, kung kanila'y tawagin
noong unang panahon, upang sila ay maging bahagi ng mataas na uri ng lipunan.
1.3 Balangkas Teoretikal
Ang pananaliksik na may paksang Pananaw ng mga Piling Mag-aaral ng STIORCA sa Pagkahumaling nga mga Pilipino sa Pagkakaroon ng Maputing Balat
ay gumamit ng mga sumusunod na teoriya bilang sandigan:

Colonial Mentality Isang kaisipan na kung saan mas pina-paboran o mas


tinatanggap ng isang tao ang mga ideya at kultura na ipinapahayag o
ipinapakita ng mga dayuhan.
Inferiority Complex isang kaisipan ng tao kung saan mababa ang tingin
niya sa kanyang sarili o may mas mahalaga ang ibang tao kaysa sa kanyang
sarili.
Impluwensya ng Medya Nasasakop ng impluwensya ng medya ang
telebisyon, radio, internet at billboards. Sa lawak nito, maraming paraan ang
medya na maiparating sa tao ang kanilang nais ipabatid tulad ng pagbibigay
ng impormasyon, paghikayat, pagbe-benta, atbp.

1.4 Balangkas Konseptuwal

Pilipino

Impluwensy
a
Ng Medya

Colonial
Mentality

Inferiority
Complex

Pagkahumaling sa Pagkakaroon ng
maputing balat

Pananaw ng mga Piling Magaaral

Sa paunang paggawa ng pananaliksik at pagbabatay sa kasaysayan, dalawang dahilan


ang maituturing natin kung bakit ang mga Pilipino ay gusto baguhin ang kulay ng balat.
Una, ang colonial mentality. Sa kadahilanang nasakop ang bansang Pilipinas ng mga
banyaga, na-impluwensyahan na nila ang kaisipan ng mga Pilipino. Dahil na din sa taas
ng tingin sa kanila bilang mananakop, mas ginusto ng ilan na maging kakulay nila.
Pangalawa, ang impluwensya ng medya. Maraming patalastas ng mga produktong
nakaka-puti na ang maaaring makita kahit saan. Telebisyon, radyo, billboards at maging
ang social media. Lahat ng ito ay hinihikayat ang mga mamimili at kinukumbinsi na
puputi sila sa paggamit ng produktong kanilang ibinebenta at itinuturo sa mga manonood
na sila ay gaganda.
Ang mga Pilipino na natural na kayumanggi ay ipinipilit na itago ang kanilang tunay
na kulay. Nagiging mababa ang tingin nila sa kanilang sarili (inferiority complex) dahil
hanggang ngayon ay hawak pa din ang kaisipan na ang mga kayumanggi ay hindi
maganda at ang mapuputi ang madalas na napapansin. Dahil sa ganitong kaisipan,
nabubuo ang pagkahumaling ng mga mamamayan na baguhin ang kanilang tunay na
kulay.
Mula sa pagkahumaling ng mga Pilipino na pumuti ang kulay ng balat, aalamin ng
mga mananaliksik kung batid ba ng mga respondente ang mga epekto ng pagkakaroon ng
maputing balat, kung sumasang-ayon din ba ang respondente na ang mga mapuputi ay
magaganda, kung nai-impluwensyahan din ba sila ng mga patalastas na laganap sa
buong bansa tungkol sa mga produktong nakaka-puti. Isasama na din kung batid ba nila
ang mga produktong mabibili sa merkado sa Pilipinas.
1.5 Paglalahad ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na masagot ang mga sumusunod na
katanungan:
1. Gaano kahalaga sa isang tao ang pagkakaroon ng maputing balat?
2. Ilang bahagdan ng mga respondente ang nagsasabing kuntento sila sa kulay ng
kanilang balat?
3. Ilang bahagdan ng mga respondente ang nagsasabing gusto nilang baguhin
ang kulay ng kanilang balat?
4. Mapatunayan na ang mga respondente ay naniniwala na ang pagiging maputi
ay katumbas ng kagandahan.
5. Nais ba ng mga respondente na gumamit ng mga produkto para baguhin ang
kanilang pisikal na anyo at naniniwala ba sila sa pagiging epektibo ng mga
ito?
6. Ilang bahagdan ng mga respondente ang nagna-nais na gumastos ng
kaukulang halaga para pumuti ang kulay ng kanilang balat.
7. Mailahad ang mga positibo at negatibong epekto ng mga produktong pampaputi.
8. Batid ba ng mga respondente ang mga epektong hatid ng paggamit ng mga
produktong pampa-puti?

1.6 Kahalagahan ng Pag-aaral


Ang pananaliksik na may paksang Pananaw ng mga Piling Mag-aaral ng
STI-ORCA sa Pagka-humaling ng mga Pilipino sa Pagkakaroon ng Maputing Balat
ay magbibigay kahalagahan sa mga taong hindi lubos na nauunawaan ang mga epekto
ng pagkakaroon ng maputing balat. Magsisilbi itong gabay sa.taong nais sumubok na
baguhin ang kulay ng kanilang balat at ang epekto ng paggamit ng mga produktong
pampa-puti. Ito ay maaaring maging gabay din para sa mga taong nais makakuha ng
impormasyon tungkol sa mga produktong maaaring bilin sa merkado.
1.7 Saklaw at Limitayon
Ang pananaliksik na may paksang Pananaw ng mga Piling Mag-aaral ng
STI-ORCA sa Pagka-humaling ng mgaPilipino sa Pagkakaroon ng Maputing
Balat ay sumasaklaw lamang sa mga susmusunod:

kasaysayan nito at ang mga naunang pag-aaral na isinagawa kaugnay sa


produktong pampa-puti na mabibili sa merkado
mga produktong pampa-puti na mabibili sa Pilipinas
mga mabuti at masamang epektong dulot ng paggamit ng mga produkto.
mga sakit na may kaugnayan sa pagkakaroon ng maputing balat.

Hindi saklaw ng pananaliksik na ito ang tamang paggamit ng mga


produktong mabibili sa merkado at ang mga lunas sa masamang epekto dulot ng
paggamit ng mga ito.

1.8 Depenisyon ng mga Termino

Para sa ikaa-ayos ng pananaliksik, narito ang mga terminong ginamit:


Caucasian mga banyaga mula sa Kanluran at Amerika na may natural na
maputing kulay ng balat
Colonial Mentality Isang kaisipan na kung saan mas pinapaboran o mas
tinatanggap ng isang tao ang mga ideya at kultura na ipinapahayag o
ipinapakita ng mga dayuhan.
Impluwensya ng Medya Nasasakop ng impluwensya ng medya ang
telebisyon, radio, internet at billboards. Sa lawak nito, maraming paraan ang
medya na maiparating sa tao ang kanilang nais ipabatid tulad ng pagbibigay
ng impormasyon, paghikayat, pagbe-benta, atbp.
Mestizo/Mestiza Espanol na salita na naglalarawan sa isang tao na hindi
purong dugong Filipino (magkaiba ang nasyonalidad ng mga magulang) at
madalas ay maputi ang kulay ng balat.

You might also like