You are on page 1of 12

Linggwistiks Para sa mga Mag-aaral ng

AGHAM PANLIPUNAN 1
by Jessie Grace U. Rubrico
Linggwistiks
Ang linggwistiks ay ang syentipikong pag-aaral ng wika. Sinusuri nito ang aktwal
na paggamit ng wika sa mga katutubong nagsasalita (native speaker) nito. At
binabakas nito ang mga pagbabago na nangyayari sa wika sa loob ng ilang
dantaon. Ang paglalarawan sa aktwal na gamit at istruktura ng wika ay
tinatalakay sa synchroniclinguistics, na kung minsan ay tinatawag
ring descriptive o structural linguistics. Ang pagbabakas naman ng pagbabago
paglipas ng iilang dantaon ay siyang sinusuri sa diachronic o historical
linguistics.
Singkronikong Linggwistiks
Ito ang sangay ng linggwistiks na naglalarawan sa wika sa isang partikular na
panahon. Tinatalakay dito ang mga alituntunin sa pagsamasama ng mga tunog o
ponema (ponolohiya), sa pagbubuo ng mga salita o morpema (morpolohiya), at
ang pagbubuo ng mga prase at pangungusap (sintaks) upang sa ganon ay
makagawa ng isang gramatika na nagpapahayag sa nalalaman sa isang
katutubong nagsasalita tungkol sa kanyang wika (linguistic competence). Ang
pagsusulat ng mga gramatika at diksyonario ng isang wika ay mga bunga sa
pag-aaral na ito.
Ponolohiya. Tinatalakay sa ponolohiya ang mga tunog sa isang wika; ang mga
alintuntunin sa pagkasunod-sunod ng mga ito; ang pagpapantig; at ang mga
proseso na nagaganap sa mga ponema dahil sa mga katabi nitong ponema, o
iba pang dahilan. Ang bawat wika ay may kabuuang imbentaryo sa lahat na
tunog na ginagamit nito. Ang mga sumusunod ay ang mga tunog sa Filipino: ang
mga katinig, / p. b. m, w, f, v, t, d, n, s, l, r, ts, j, y, k, g, ng, ?, h /; at ang mga
patinig /i, e, a, o, u/ .

Tatlong bagay ang kailangan upang mabigkas ang isang tunog: hangin galing sa
baga; ang babagtingan o larynx kung saan naroon ang vocal folds; at, ang vocal
tract na binubuo ng lalaugan (pharynx), bibig, at guwang ng ilong (Tingnan ang
Fig. 1 sa ibaba).
Ang mga tunog ay maaring uriin batay sa bahagi ng vocal tract kung saan ito
nabibigyang realidad -- pharyngeal, kung sa pharynx; nasal, kung sa guwang ng
ilong; at, oral kung sa bibig. Nasa bibig ang dila, ngipin, mga labi, ngalangala
[palate at velum] na siyang nagbibigay anyo ng mga ponema. (Tingnan ang Fig.
2).:

Ang ponemang / p /, halimbawa, ay mabigyang realidad sa pamamagitan ng


pagsara ng dalawang labi. at pagbukas nito. Ganoon din ang ponemang / b /,
kaya lang nagba-vibrate ang vocal cords pagbigkas nito --kung kaya ito ay
tinatawag na voiced at ang / p / ayvoiceless.
Ang paraan sa pagbigkas ay isa ring mahalagang batayan sa pag-uuri ng mga
katinig. Ang / p / ay tinatawag na stop kasi hinaharangan muna ng dalawang labi
ang hangin bago ipalabas sa bibig. Dalawa lamang ang stops sa mga panlabing
ponema /p, b/. Ang mga ponemang nasal naman ay pinapalabas sa guwang ng
ilong. Nilalapat ang dila sa ngalangala upang hindi lalabas sa bibig ang hangin.
Ang mga tunog na "binibigkas nang paimpit sa bungad ng bibig" (Santos, et. al.,
1995: p.475) ay tinatawag na prikatib (fricative). Ang mga ponemang napabilang
nito ay may kasamang ingay na pasutsot. Angaffricate ay ang mga ponemang
nagsisimula bilang stop at nagtatapos bilang prikatib. Tuloy tuloy rin ang labas ng
hangin sa pagbigkas ng mga ponemang likwid (liquid) ngunit ang mga itoy
walang kasamang ingay na pasutsot. Ang mga ponemang /w at y/ ay tinatawag
na semi-vowel o malapatinig.
Samakatuwid ang nga katinig ay maaring uriin alinsunod sa paraan at sa punto
ng kanilang artikulasyon. at sa pamamagitan ng aksyon ng mga vocal
fold (voiced o voiceless). Tingnan ang tsart sa mga katinig sa Filipino sa
Hanayan 1

Hanayan 1 Mga Katinig sa Wikang Filipino


PARAAN NG
PAGBIGKAS

PUNTO NG ARTIKULASYON
-/
+
voi

sa
labi

pasara
(stop)

v
+
v

p
b

prikatib

v
+
v

afrikit

v
+
v

nasal

+
v

likwid

+
v

malapatinig

+
v

ngipin
at labi

gilagid
(alveolar)

ngalangala

velum

titigukan
(glottal)

k
g

t
d

f
v

ts
j

ng

l, r
w

Ang mga patinig naman ay inilalarawan sa pagitan ng posisyon ng dila --(1)


harap, gitna, at likod; (2) sa taas ng dila; (3) at sa pagbibilog ng mga labi. Ang
vowel tsart sa mga patinig sa Filipino ay nasa Hanayan 2.

Hanayan 2 Tsart sa mga Patinig sa


Filipino
1

Harap

Sentro

Likod

2 Mataas

u3

Gitna

o3

Mababa

Ang pagbubuo ng mga pantig ay magagawa kung alam natin ang mga alituntunin
sa pagkasunod-sunod ng mga tunog na ito (phonotactics). May mga tunog na
maaring magkatabi at meron namang hindi. Halimbawa, hindi pinapayagang

magkasunod ang dalawang magkaparehang konsonant. Ang alituntuning ito ay


tinatawag na phonotactic constraints.
Tinutuonan din nga pansin sa ponolohiya ang mga alituntunin na may kinalaman
sa pagbabago ng tunog sa isang ponema dahil sa katabi nitong tunog. Isa nito ay
ang asimilasyon ng mga tunog na Nasal - /N / --kung ang mga ito ay linalagyan
ng panlapi o afiks.
Hanayan 3 Mga halimbawa ng nasal na asimilasyon
(1) pang + bata > pa N + bata > pambata
(2) pang + bansa > paN + bansa > pambansa
(3) pang + tusok > paN + tusok > pantusok > pannusok >
panusok
(4) pang + kahoy > paN + kahoy > pangkahoy > pangahoy
(5) pang + karga > paN + karga > pangkarga >
pangngarga > pangarga

Nag-iiba ang anyo sa panlaping pang- alinsunod sa mga tunog na sumusunod


nito. Ang "bata" at "bansa" ay nagsisimula sa ponemang /b/ na nagkakaroon ng
realisasyon sa pagsara at pagbuka ng dalawang labi. Ang tawag nito
ay bilabial. Ang bilabial na tunog na ito ang nangangailanan ng Nasal na bilabial
rin, samakatuwid, /m/. Ang ponemang /t/ naman sa "tusok"
ay alveolar, nabibigkas sa pamamagitan ng paglapat ng dila sa ngalangala. Ito
ay nangangailangan ng Nasal na alveolar din, samakatuwid, /n/, at ito ay naging
pantusok. Ngunit ang mga ponemang /n at t/ ay parehang alveolar at
pinapayagang magkaroon ng asimilasyon ang /t/ at upang ito ay maging /n/ . Ang
resulta nito ay ang salitang "pannusok" na hindi naman tanggap dahil
sa phonotactic constraint na hindi pinapayagang magkatabi ang magkaparehang
konsonant. Kaya kailangang tanggalin ang isang /n/ sa pamamagitan ng
prosesong tinatawag na deletion o pagtatanggal ng ponema. Ito ang tinatawag
na ganap na asimilasyon. Ito din ang nangyari sa mga halimbawa bilang 4 at 5.
Nagkaroon ng ganap na asimilasyon ang mga ponemang /?/ at /k/. Ang /?/ ay
velar Nasal na siyang kinakailangan na katambal sa /k/ na nabibigkas rin sa
punto ding iyon.

Morpolohiya. Ang mga pantig ay maaring pagsamasamahin upang makabuo ng


mga morpema. Ang morpema ay ang isang kombinasyon ng ponema na may
kahulogan. Ang mga ponema ay walang kahulogan. Sila ay mga representasyon
lamang ng mga tunog. Ngunit kung silay pagsamasamahin, silay makakabuo ng

isang konstruksyon na makahulogan. Ang morpolohiya ay tumatalakay sa mga


proseso at mga alituntunin sa pagbubuo ng mga salita sa isang wika.
Isa sa mga proseso sa pagbubuo ng mga salita sa Filipino ay ang paglalapi
(affixation).May tatlong uri ng panlapi sa Filipino: unlapi-, -gitlapi-, at hulapi-. Sa
isang salitang ugat ay maaring mabuo ang 50 o mas mahigit pang salita dahil sa
paglalapi. Halimbawa, ang salitang ugat na "bili" ay maaring magbigay ng
sumusunod na mga salita: ibili, ibibili,, ibinili, ipagbili, ipinagbili, binili, binibili,
bilhin, bibilhin, bumili, bumibili, atbp.
Isa pang proseso ay ang tinatawag na compounding. Ito ay ang pagtatambal ng
dalawang salita upang ang tambalang iyon ay magkaroon ng bagong kahulogan.
Halimbawa, sampay-bakod, akyat-bahay, bantay-salakay, ligaw-tingin, kapitpatalim, akyat-panaog, dagdag-bawas, atbp.
Ang blending naman ay ang pagsamasama ng mga parti ng dalawa o higit pang
mga salita upang mabuo ang isang salita na may bagong kahulogan.
Halimbawa: ang tapsilog ay galing sa tapa, sinangag at itlog; ang iskargu, sa
isda, karne, at gulay; ang brenda, sabrain damage; ang tradpol o trapo,
sa traditional politician; ang altanghap, sa almusal, tanghalian, at hapunan.
Ang mga ito ay iilan lamang sa mga proseso sa pagbubuo ng mga salita sa wika.
Pansinin naman natin ngayon ang tatlong alituntunin sa morpolohiya: ang
paglalapi, metatesis at ang deletion o ang pagtatanggal ng ponema.

Hanayan 4 Halimbawa ng mga proseso sa morpolohiya


Paglalapi

Deletion

Metatesis

(6) silid > silid + -an > silidan

> sildan

> sidlan

(7) bili > bili + -han> bilihan

> bilhan

Ipinapakita sa (6) kung paano naging "sidlan" ang salitang ugat na "silid" --itoy
nilapian ng hulaping -an at ang nabuong salitang "silidan" ay tinanggalan ng
isang ponema (ang huling patinig sa salitang ugat), at makikita ang pagpalit ng
pwesto ng mga ponemang / d / at / l /. Pinapakita naman sa (7) ang paglalapi at
deletion..

Sintaks. Ang sintaks ay ang kombinasyon nga mga salita upang makakabuo ng
mga prase at ang pagsasamasama ng mga praseng ito upang makakabuo ng
pangungusap o sentens. Ito ay may dalawang
bahagi, linear at hierarchical. Upang mas maintindihan ito, tingnan ang mga

halimbawa sa ibaba:

Hanayan 5 Halimbawa ng Linear na kaayusan ng


pangungusap
Pangungusap

Panaguri

Simuno

(8) Maganda ang


dalaga. >

Maganda

ang dalaga

(9) Tumakbo ang pulis.


>

Tumakbo

ang pulis

(10) Bumili ng masarap


na pansit ang mabait na
pulis >

Bumili ng
masarap na
pansit

ang mabait na pulis.

(11) Nagpatayo ng
magarang
bahay ang mayor
>

Nagpatayo ng
magarang
bahay

ang mayor

Ang linear na kaayusan sa mga sentens sa itaas ay Panaguri + Simuno. Tawagin


nating PV ang ating Panaguri (Praseng Verbo) at PN (Praseng Noun) naman ang
ating Simuno. Samakatuwid, ang linear na kaayusan ay maisulat sa ganitong
pormula:
P.1

S ----> PV + PN

na ang ibig sabihin ay ang S [sentens o pangungusap] ay maaring ipahayag


bilang kabuuan ng Praseng Verbo at Praseng Noun.
Tunghayan naman natin ang hierarchical na kaayusan sa mga sentens bilang 8
hanggang 11. Ang kaayusang ito ay may kinalaman sa mga salitang bumubuo sa
mga prase. Ang mga salitang ito ay tinatawag na constituent. Ang PV sa bilang 8
at 9 ay binubuo ng tig-iisang salita lamangmaganda (adjective) at tumakbo
(verb). Samantalang ang sa 10 at 11 ay binubuo ng mga prase na may pandiwa
o verb (PV)--bumili at nagpatayoat ng obheto (object) ng verb na pawang mga
praseng noun (PN). Ang mga PV natin ay maaring isulat bilang ganito:

P.2

PV ---> PRASENG AJDECTIVE/

VERBO/
VERBO + PN

Ang Praseng Noun naman ay binubuo ng isang marker o pananda at ng


isang noun opangngalan. Kaya ang praseng ito ay maaring isulat sa pormulang:
P.3

PN ---> M + N

Tunghayan naman natin ang ating simuno o PN na binubuo ng marker na "ang"


at ng isang noun, sa bilang (11), may adjective ang noun. Samakatuwid, ang PN
ay maaring isulat bilang:
P.4

PN --> M + ADJ + N

Ang PN ay maaring mabuo sa pamamagitan ng isang maker ng noun, ng


adjective na maaring opsiyonal, at ng isang obligatori noun. Ang mga opsyonal
na komponenet ng prase ay nilalagay sa loob ng parentesis.
Ngayon maari na nating pagsamasamahin ang mga pormula natin na
naglalarawan sa kabuuan ng mga constituent ng ating sentens. Sa paggawa
natin nito ay mailarawan na rin natin ang hierarchical na kaayusan ng sintaks sa
sentens na ito.
P.1

S ----> PV + PN

P.2

PV ---> PAdj / V + PN

P.3

PN ---> M + (PAdj + linker) + N

(Ang linker ay ginagamit sa pag-uugnay ng adjective sa noun sa praeng ito.)


Upang maipakita ang hierarchy ay maari tayong gumawa ng syntactic tree para
sa sentens

Ang PN na nasa sanga ng S ay ang simuno ng sentens; habang ang PN sa


sanga ng PV ay ang object ng verbo.
Natalakay na natin ang tatlong mahalagang aspeto ng synchronic o descriptive
linguisticsang ponolohiya, morpolohiya, at sintaks. Itong tatlo ay may
kaugnayan sa istruktura ng wika, kaya tinagurian din itong structural
linguistics. Ang pag-aaral ng kahulogan osemantics ay maaring nangangailangan
ng mga extra-linguistic na aspeto sapagkat malaki ang kaugnayan nito sa
kultura.

Dayakronikong Linggwistiks
Ang pag-aaral ng mga pagbabago sa isang wika sa loob ng maraming taon ay
ang paksa ng diachronic o historical linguistics. Samakatuwid, tinitingnan ng mga
historical linguist ang ebolusyon ng isang wika. Binabakas nila ang mga
kapamilyang wika nito batay sa mga katangian na komon sa kanilang
ponolohiya, istruktura at leksikon. Ang mga magkapamilyang wika ay tinataya
nilang nanggaling sa isang wika lamang na tinaguriangproto-language . Ang
orihinal na wika na ito ay kanilang magawan ng reconstruction sa pamamagitan
nga mga salita na galing sa mga daughter languages nito na magkasinghulugan
at, humigit kumulang, magkasingtunog. Ang mga salitang ito ay tinatawag
na cognate sets.
Ang mga sumusunod ay cognate set ng mga wika sa pamilyang Malayopolynesian, kung saan napabilang ang mga wika sa Pilipinas: Ang salitang
"kahoy" ay ginagamit sa Cebuano, Hilgaynon, Tausug, Bikol; "kayu" naman ito sa
Ibanag; "kayo" sa Ilocano, Maranao, Maguindanao; "pohon kaju" sa Indonesia;
"pohon kayu" sa Malaysia; "kiew" sa Pangasinan; at "punongkahoy" sa Tagalog.
(Panganiban, 1972). Ang cognate set ay: kahoy, kayu, kayo, kiew, pohon kaju,
pohon kayu at punongkahoy. Sa pamamagitan ng pagkokompara ng mga
cognate set ay matataya ng historical linguist ang panahon ng paghihiwalay ng
mga wika sa isang pamilya at masasabi rin nila kung aling wika sa isang pamilya
ang mas matanda.
Ang wika ay buhay kaya inaasahang ito ay magbabago sa pamamaraang
gradwal. Kung babasahin natin ang mga sinulat sa wikang Tagalog noong mga
taong 1600, siguradong maranasan natin ang kahirapan sa pagbasa at pagintindi kasi iba ang ortograpiya nila noon, at may mga salitang hindi na ginagamit
ngayon. Marami ring mga salita na ginagamit ng mga kabataan ngayon na hindi
naman naiintindihan ng mga matatanda tulad ng gimik o praning. Kaya

karaniwang marinig ang mga ekspresyon na "gumimik ba kayo kagabi?" o


"nakakapraning ka naman!"
Isa sa mga dahilan sa pagbabago ng wika ay ang panghihiram o borrowing. Ang
pagkakalayo at pagkawala ng ugnayan ng mga nagsasalita ng isang wika ay isa
pang dahilan kung bakit nagbabago ang isang wika. May mga aspetong sosyal
din na naging dahilan sa pagbabago ng wika tulad ng katayuan sa lipunan,
relihiyon, o sa kinabibilangang lahi.