You are on page 1of 2

Krisia Mae Luistro IV-1 (Rizal)

PARUSANG KAMATAYAN

Krisia Mae Luistro IV-1 (Rizal) PARUSANG KAMATAYAN Bawat nilalang na naririto sa ating mundo ay pinagkalooban

Bawat nilalang na naririto sa ating mundo ay pinagkalooban ng buhay na nagmula sa Diyos. Buhay na dapat ay pinapahalagahan at dapat na iniingatan ng lubusan. Hindi basta-basta sinasayang at ipinagwawalang bahala. Alam naman natin na lahat ay nagkakasala at may mga sala talagang mabigat, ngunit nararapat lamang ba na buhay ang kapalit o kamatayan ang parusa sa ganitong pagkakasala?

Hindi talaga maiiwasan ang magkasala, lalo na kung alam nating ang magiging bunga nito ay tama at makakabuti sa lahat. Ngunit, kung ito man ay walang kabuluhan at hindi naman talaga makakatulong sa lahat kahit sa sarili ay hindi pa din nararapat ang parusang kamatayan para sa kanya o sa taong nagkasala. Hinding-hindi maganda ang pagpatay sa kapwa kahit na malaki pa ang naging kasalanan nito. Walang sinuman ang may karapatang pumatay ng kahit sinuman. Gaya ng nakasaad sa isa

sa Sampung Utos ng Diyos, na 'Huwag lang papatay'. Kung kaya't kahit gaano man kalaki ang kasalanang nagawa ng taong iyon ay hindi pa din niya deserve ang parusang pagkakasala, wala pa ding karapatan ang kahit sinuman na patayin siya.

sa Sampung Utos ng Diyos, na 'Huwag lang papatay'. Kung kaya't kahit gaano man kalaki ang

Sa buhay ng tao, madami talaga ang mga pagkakamaling nagagawa ng bawat isa. May ibang napipilitan lang at gusto talagang gawin iyon. Ngunit kahit ano pa man iyon ay hindi talaga kailangang kumitil ng buhay. Isipin natin na isa lang ang tanging makakapaghusga sa taong iyon. Isa lang ang maaaring magparusa sa ating lahat kung tayo man ay magkasala. Kung kaya't kahit na ano man ang pagkakasala sa atin ng ating kapwa ay hindi pa ako payag sa parusang kamatayan, hahayaan ko na lang na Diyos ang sa kanya. Diyos na ang bahala sa kanya dahil alam kong siya ang mas may alam sa kung ano ba ang dapat gawin sa atin.