You are on page 1of 5

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2014

by KOMISYONSAWIKA on Jul 1, 2014 3:20 p07No Comments

ANG FILIPINO BILANG WIKA NG PAGKAKAISA


Buwan ng Wikang Pambansa 2014
Ngayong Buwan ng Wika 2014, ibinabandera ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang halaga ng wikang Filipino bilang
wikang nagbubuklod sa bansa. Filipino: Wika ng Pagkakaisa ang tema ng pagdiriwang ngayong taon na magtatampok ng
mga gawaing pangwika at pangkultura na pangungunahan ng KWF sa buong bansa.

Alinsunod ang pagdiriwang sa Proklamasyon Blg. 1041 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel Ramos. Ipinahahayag nito ang
taunang pambansang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto. Dagdag pa, ang dating Pangulong Manuel
L. Quezon, na itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa, ay isinilang noong 19 Agosto 1878. Sa bisa ng proklamasyong ito,
nangunguna ang KWF sa pagsasagawa ng mga makabuluhan at napapanahong mga programang may kinalaman sa wika at
kulturang Filipino.
Bubuksan ng KWF ang pagdiriwang sa 4 Agosto sa Lungsod Batangas, Lalawigan ng Batangas. Magdaraos ngpormal na
pagbubukas ng Buwan ng Wika sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ng Punong Lalawigan Vilma Santos-Recto. Ipoproklama
ang Lalawigan ng Batangas bilang huwaran o pilot ng E.O. 335. Inaatasan ng E.O. 335 ang mga ahensiyat tanggapan ng
pamahalaan na gamitin ang Filipino bilang opisyal na wika ng korespondensiya at komunikasyon.

Mula 45 Agosto ay magsasagawa rin ang KWF ng Pagsasanay sa Korespondensiya Opisyal (KO) at Implementasyon
ng E.O. 335 sa Lungsod Batangas, Lalawigan ng Batangas. Nagsisilbing gabay ng mga tanggapan ng pamhalaan ang KO sa
paggawa ng mga opisyal na komunikasyon sa wikang Filipino. Lalahok ang mga kawani mula sa ibat ibang tanggapan ng

. Nagdaos rin ng patimpalak sa pagguhit ng poster at nagkaroonng


isang timpalak sa talumpatian ayon sa paksa. Masiglang nakilahok angmga magaaral sa ikaapat hanggang ikaanim na baitang
Lalawigan ng Batangas.

[baguhin]Selebrasyon

Gagawin naman sa 4 Agosto ang taunang pagtataas ng watawat ng KWF sa Palasyo ng Malacaang. Naimbitahang
panauhing pandangal si Kgg. Herminio Coloma, Kalihim ng Presidential Communications Operations Office.

Mangyayari naman ang Pambansang Kongreso sa Salin mula 79 Agosto sa UP Visayas, Lungsod Iloilo. Magtitipon-tipon
ang mga tagasalin, dalubhasa, guro, at mag-aaral upang paksain ang mga napapanahong isyu sa pagsasalin. Pakay ng
Kongreso na idiin ang halaga ng pagsasalin sa pambansang pag-unlad.

Sa 15 Agosto, ilulunsad ang KWF Aklat ng Bayan sa Pambansang Museo, Lungsod Maynila. Binubuo ng 18 titulo ang
Aklat ng Bayan na inilimbag ng KWF noong 2013 at 2014. Minimithi ng Aklat ng Bayan na bumuo ng isang Aklatan ng
Karunungan na magtatampok sa wikang Filipino bilang wika ng paglikha at saliksik.

Kabilang sa Aklat ng Bayan ang Ortograpiyang Pambansa, Manwal sa Masinop na Pagsulat, Korespondensiya
Opisyal, Hambingang Wika, Panitikang Popular, Kung Sino Ang Kumatha kay Balagtas, Panitikan ng Rebolusyon(g) 1896, Si
Balagtas at ang Panitikan ng Kalayaan, Bisayan Grammar and Notes, Gabay ng mga Senior Citizen, Pangalan ng Tanggapan
ng Pamahalaan, Vocabulario de la Lengua Tagala, Mena Pecson Crisologo, mga Lektura sa Panitikan, Baybayin: Ortograpiya
at mga Tuntunin sa Pagsulat sa Wikang Tagalog,Kaalamang-bayan ng Cordillera, Panitikang Meranaw, at Pandiwa.

Sa Araw ni Quezon, 19 Agosto, mag-aalay ng bulaklak ang mga kawani ng KWF sa Quezon Circle, Lungsod Quezon.
Susundan ito ng pagdiriwang ng Araw ng Pagkakatatag ng KWF at Gawad sa Sulo Hotel, Lungsod Quezon. Naimbitihan
bilang panauhing pandangal si Kgg. Sitti Djalia A. Turabin-Hataman, Kinatawan ng Anak-Mindanao Party List.
Pararangalan ang mga nagwagi sa mga patimpalak at gawad ng KWF. Ang mga ito ang Dangal ng Wikang Filipino, Ulirang
Guro sa Filipino, Kampeon ng Wika, Sali(n) Na! 2014, at KWF Gawad Sanaysay.

Bilang pagsasara sa Buwan ng Wika, makikiisa ang ahensiya sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) sa kanilang
taunang UMPIL Congress mula Agosto 2830.

ULAT SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA

Ano nga ba ang Wikang Pambansa? Naisip nyo ba kung gaano ito kalahaga sa
atin. Ang Wikang Pambansa ay mahalaga sa kadahilanang ito ang wikang

sumasailalim sa ating pagka-Pilipino. Kung wala tayong Wikang Pambansa ay hindi


tayo makikilala sa ibat ibang panig mundo dahil angwika ang siyang kaluluwa ng
isang bansa. Ngayong Buwan ng Wika 2014, ibinabandera ng Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF)halaga ng wikang Filipino bilang wikang nagbubuklod sa
bansa. Filipino: Wika ng Pagkakaisa ang tema ng pagdiriwang ngayong taon
magtatampok
ng mga gawaing pangwika at pangkultura na pangungunahan ng
KWF sa buong bansa.

Alinsunod ang pagdiriwang sa Proklamasyon Blg. 1041 nilagdaan ni dating


Pangulong Fidel Ramos. Ipinahahayag nito ang taunang pam bansang pagdiriwang ng
Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto.
Dagdag pa, ang dating Pangulong
Manuel L. Quezon, na itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa, ay isinilang noong 19
Agosto 1878 Sa bisa ng proklamasyong ito, nangunguna ang KWF sa pagsasagawa ng
mga makabuluhan at napapanahong mga programang may kinalaman sa wika at
kulturang Filipino.

Nais na ipahiwatig ng ating tema ng buwan ng agosto ay wika ang siyang isa
ating mga kultura kung saan tayo ay nagkakasundo at kung saan tayo ang
nagkakaisa.Pagkakaisa ng wika ay parang pagka
isa ng bawat
bansa. Nangagahulugan na mahalin, gamitin palaganapin
natin ang wikang Filipino
dahil ito ang susi ng matatag na pagkakaisa.
Pagyamanin natin an gating wika dahil ito ay nanalaytay sa ting dugo na nagbibigay
sa ating lakas tung sa matuwid na landas dahil ditoang mga Pilipino ay nagkakaisa
sa mga mithiin sa buhay at nagkakaisa sa pagharap ng hamon sa dagok ng buhay.

Ano ang kahalagahan ng Wika sa pagkakaisa?


Kung iba-iba ang ang ating wika hindi tayo ngakakaintindihan. Wala tayong
pagkakaisa.

Ang Paaralang Elementarya ng Dulangan M. abid, Macasendeg Pikit ay


ipinagdiriwang ang buwan ng wika, sa buwan ng agosto 28 taung
2014-2015.
Nagkaroon ng palatuntunan na kung saan ay ipinakita ang galing ng bawat baitang
ang husay nila sa pag awit, sabayang bigkas, tula at balagtasan. Masaya at
masiglang nakilahok ang mga mag mga mag- aaral.

Department of Education

Department of Education
Division of Cotabato
Region XII
West Pikit District
DULANGAN M. ABID ELEMENTARY SCHOOL
Macasendeg , Pikit, Cotabato

ULAT SA BUWAN NG WIKA


TEMA:

Prepared by:
LEAH P. ELEAZAR
SCHOOL FILIPINO COORDINATOR

Submmitted by:
MAMPUROK A. AKMAD
SCHOOL HEAD