You are on page 1of 1

Ang El Amor Patrio o Pagmamahal sa Bayan ay isang essay na sinulat ni Jose Rizal

noong syang nasa ibang lupain noong Hunyo 1882. Inilithala ito sa Diaryong Tagalog sa Maynila
noong Agosto ng 1882. Makata ang pagkakasulat ni Rizal sa essay na ito; ginamit nya ang
kalikasan sa paglahad ng kanyang mga punto, tulad ng paggamit din nya ng simbolo ng
kalikasan sa Me Piden Versos.
Sa essay niya na ito unang lumabas ang konsepto ng Pilipino, ang pagiging makabayan
nito--- ang pagmamahal nito para sa bansang Pilipinas. Binigyan ng importansya ni Rizal na
bansang Pilipinas ang patria na binabanggit sa kanyang essay at hindi ang Espanya.
Lalong binigyan linaw ni Rizal yung pakiramdam ng pananabik para makapiling bayan
na pinakita nya sa Me Piden Versos. Ngunit sa essay na ito nilahad ni Rizal na di lang pananabik,
kundi pagmamahal na para sa bansang Pilipinas ang kanyang nadarama.
ang pag-ibig sa inang-bayay isang damdaming tunay na katutubo; sapagkat
naroroon ang mga kauna-unahang alaala ng kamusmusan sapagkat dooy nahihimbing
ang buong nakaraan at nababanaagan ang isang hinaharap
Saan man tayo mapunta, anuman ang makamit natin sa buhay, anuman ang mawala sa
atin sa buhay, babalik at babalik pa rin tayo sa Inang Bayan, sa kung saan tayo galing, kung saan
tayo lumaki; sa kung sino ang nag-alaga sa atin: hindi nawawala kapag sumaid na sa puso
dahil kasama nito ang isang marking hindi nawawala magpakailanman.
Sinasabi ng essay na mahalin dapat natin ang Pilipinas hanggang sa punto na tayoy
handang magsakripisyo para sa kanya, mamatay para sa kanya. Huwag daw natin din gamiting
yung pagmamahal sa bayan na turo ng mga prayle, na limitado sa malulupit na kabanalang
itinakwil at isinumpa ang tunay na kabaitang-asal at inang kalikasan.
Muli, ginamit niya ang kabataan bilang tagapagtaguyod ng nasyonalismo sa Pilipinas.
Pinakita din nya ang kahalagahan ng mga magulang sa pagpapalaki at pagiging ihemplo ng
pagiging makabayan para sa mga anak nila.