You are on page 1of 16

Guyyss Eto na Po yung Tanong Sa S.

S Para po sa Hindi
nakaka alam...
Gabay na Tanong :
Saan nagsimula ang kabihasnang Minoan?ano ang Dahilan ng pag unlad ng kabuhayan ng mga
minoan?
Sino Sino ang mga pangkat ng tao sa pamayanang Minoan?
Bakit nagwakas ang Kabihasnang Minoan?
Pamprosesong Tanong :
1. Batay sa mga Tekstong binasa, ano ang katangian ng kabihasnang Minoan at Mycenean?
2. Ano- ano ang mga nakita mong pagkakaiba at pagkakatulad ng kabihasnang Minoan at
Mycenean.?
3. Sa Iyong Palagay, ano ang epekto ng nabanggit na mga Kabihasnan sa Pag usbong ng
kabihasnang Greek...
Ok That's All Po...

SINAUNANG KABIHASNAN NG GRESYA

Hangganan:

1. Silangan Aegean Sea


2. Kanluran Ionian Sea
3. Timog Mediterranean Sea
- Estratehikong lokasyon para sa kalakalan at pangingisda
- mga daungan o look
- maganda sa labas, ngunit mabato, mabundok at malubak sa loob
- highly motivated ang mga Griyego sa kanilang kapaligiran, kayat mataas ang antas ng lakas at
talino
Heograpiya:
- Timog Silangan ng Europe
- Balkan Peninsula
- Irregular ang baybay dagat at maraming magandang daungan
- Binubuo ng 1000 pulo
- Hindi nabiyayaan ng mainam na yamang likas ang kalupaan ng Greece
- 75% - kabundukan
- Mabato, hiwa-hiwalay, pulu-pulo, mabundok at hindi patag ang mga lupain kaya ang nabuong
kabihasnan ay mga watak-watak na lungsod-estado

Sinaunang Kabihasnan ng Minoan at


Mycenaean
Archaic Greece (1450 - 700 B.C.E.)

Kabihasnang Minoan

kauna-unahang kabihasnang umusbong sa Greece

Crete

Pinamunuan ni Haring Minos na anak ni Zeus at Europa

Cretan mahuhusay na manlalayag at mangangalakal

Sir Arthur Evans isang English na arkeologong nakadiskubre sa kabihasnang Minoan nang
mahukay ang Knossos noong 1899

Knossos maunlad na lungsod at sentro ng Minoan na nasira dahil sa lindol, pagkasunog at


pananalakay ng mga dayuhan

Minotaur isang dambuhala na may ulo ng toro at katawan ng tao na nasila ni Theseus, hari
ng Athens

Kabihasnang Mycenaean
- Kilalang hari si King Agamemnon ng Mycenae
- nadiskubre ni Heinrich Schliemann
- Mycenaean = Achaeans
- Mycenae pinakamalaking lungsod ng Mycenaean
- Ang karibal ng Troy, isang mayamang lungsod sa Asia Minor

Kulturang Hellenic
Hellen ninuno
Hellenic kabihasnan
Hellas bansa
Hellenes tao
Tinatayang nagsimula sa unang pagtatanghal ng paligsahan ng mga laro bilang parangal kay Zeus
(Olympics, 776 BCE)
Mga Akda ni Homer:
1. Iliad tungkol sa digmaan ng mga Griyego at Trojan (Trojan War)
2. Odyssey Odysseus pagbalik sa Greece matapos ang Trojan War

12 Olympians
Pangalang Griyego:
Diyos/ Diyosa ng:
Zeus
Chief God at pinuno ng Mt.
Olympus; diyos ng
kalangitan, kidlat at
hustisya.
Hera
Reyna ng mga Diyos at ng
langit; diyosa ng mga
kababaihan, ng kasal at ng
pagka ina.
Poseidon
Diyos ng Karagatan; lindol;
gumawa ng ma kabayo
Demeter
Diyosa ng Fertility,
agrikultura, kapaligiran at
mga panahon

Hestia

Diyosa ng hearth at
tahanan
Aphrodite
Diyosa ng pag-ibig,
kagandahan, desire, at
fertility.
Apollo
Diyos ng Araw, liwanag,
pagpapagaling, musika,
tula, propesiya, archery at
katotohanan
Ares
Diyos ng Digmaan,
pagkagalit, at pagdanak ng
Dugo
Athena
Diyosa ng Katalinuhan, at
strategic battle.
Hephaestus
Panday ng mga Diyos; diyos
ng apoy
Hermes
Kartero ng mga Diyos;
diyos ng komersyo, bilis,
magnanakaw at kalakalan
Hades
Diyos ng impyerno
Dionysus
Diyos ng alak
Lungsod-Estado ng Athens at Sparta

Demokratikong Polis

Cradle of the Western Civilization

Malapit sa karagatan (kalakalan)

Kapatagan na may mga burol at bundok (Mt. Lyccabettus)

Iniwasan ang sentralisadong pamumuno at monarkiya

Pamahalaan
- Isinilang ang DEMOKRASYA pamahalaan ng nakararami
- Solon (638-559 BCE
- Lumikha ng Council of 400
- Pisistratus (608-527 BCE)
- Cleisthenes
- Ostracism pinahihintulutan ang mga mamamayan na palayasin ang sinumang opisyal na
mapanganib sa Athens
- Pericles (443 429 BCE)
- Tugatog ng demokrasya
- Pag-upo sa opisina ng mga karaniwang mamamayan
- Direct Democracy direktang nakababahagi ang mga Athenians sa pagpili ng kinatawan at
maaaring manungkulan
- Subalit hindi kasama ang mga babae at banyaga

Mandirigmang Polis ng Sparta

manidirigmang polis

matatagpuan sa Peloponnesus

sandatahang lakas at militar

pananakop ng lupain at pagpapalakas ng militar

Lacedaemon dating pangalan

Oligarkiya

Karibal ng Athens

Pamahalaan
Mga Hari

lahi ni Hercules

2 inihahalal ng aristokrato

Pangunahan ang sundalo at panrelihyong ritwal

Assembly

kalalakihan lampas 30 taong gulang

magpasa ng mga batas, magpasya kung digmaan o kapayapaan

Ephors at Elders

5 bagong miyembro ng Ephors

28 na tao lampas 60 taong gulang ang mga Elders

Uri ng Lipunan

1.

Aristocrats mayayaman, pakikidigma

2. Perioeci mangangalakal, malalayang tao


3. Helots magsasaka, alipin

4.

Limang Halimbawa ng Pabula


Ang Daga at ang Leon
Isang magandang araw ang bumungad sa masiyahing daga. Nasa kalagitnaan siya ng pamamasyal
at paglalaro nang makita niyang himbing na natutulog ang isang malaking leon. Natuwa siya sa
malawak na likuran nito na animoy isang malaking padausdusan kayat naisip niyang umakyat doon
at magpadausdos paibaba. Hindi niya naman namalayan na nagising ang natutulog na Leon. Sa
pagkagising ng Leon ay agad niyang dinakma sa buntot ang kawawang daga at umaktong isusubo
ito, nang malapit na sa bibig ng Leon ay nagsalita ang Daga at humingi ng paumanhin.
Kaibigang Leon, ipagpaumanhin mo ang aking kalapastanganan, hindi ko sinasadyang gisingin ka
sa gitna ng iyong pagtulog, labis lang akong natuwa kung kayat naisipan kong maglaro sa iyong
likuran. Naway patawarin mo ako at hayaan akong mabuhay pa. Huwag mo kong kainin sapagkat
akoy malansa at hindi ka mabubusog sa kakarampot kong katawan. Anang Daga.
Naawa naman ang Leon sa Daga kung kayat pinakawalan niya ito.
Sa susunod ay wag mo nang gagambalain ang pagtulog ko. Makakalaya ka na. Sabi ng Leon.
Salamat Kaibigan, baling araw ay masusuklian ko din ang kabutihang loob mo. Sabi ng daga.
Ang isang maliit na dagang gaya mo? Ano naman kayang pabor ang magagawa mo para sa isang
malakig hayop na gaya ko. Nagpapatawa ka Kaibigan.
Balang araw Kaibigan, matutulungan din kita. Hanggang sa muli, Paalam!
Lumipas ang mga araw na masayang namumuhay ang Daga hanggang sa minsan sumagi sa isip
niya kung kamusta na kaya ang kalagayan ng kaibigan niyang Leon. Naisipan niyang dalawin ang
Leon sa tahanan nito pero laking gulat niya nang makitang nasa loob ng lambat na nakasabit sa
isang puno ang malaking Leon. Agad agad namang nginatngat ng Daga ang lubid na lambat at

matapos ang ilang minuto ay naputol ang lubid at nakawala ang Leon.
Maraming Salamat Kaibigang Daga. Minaliit ko ang kakayahan mo, di ko inakala na ikaw pa ang
makapagliligtas sa akin. Utang ko sayo ang aking kalayaan at ang aking buhay. Maraming Salamat
Kaibigan!
Walang anuman Kaibigan, hindi bat sinabi ko sayo? Matutulungan din kita baling araw. Maliit man
ako, maabilidad naman ako!
END
Aral: Huwag maliitin ang kakayahan ng isang tao batay sa kanyang anyo o laki, maliit ka man hindi
ibig sabihin nito na limitado lang ang maari mong gawin.
Ang Aso at ang Kanyang Anino
Naglalakad ang aso sa kahabaan ng kalsada ng may maaninag siyang nakaumbok sa lupa. Agad
niya itong nilapitan at natuwa siya ng makitang isang malaking buto ang nakatusok sa lupa. Dali-dali
niya itong hinukay at kinagat. Tuwang-tuwa siyang naglakad pauwi bitbit ang buto sa kanyang bibig.
Sa kanyang paglalakad ay napadaan siya sa isang tulay upang makauwi ng mas mabilis, sa ilalim
ng tulay ay ang ilog, habang naglalakad ay napagawi ang tingin niya sa ilog at nagulat siya sa
repleksyong nakita niya. Isang malaking aso na may bitbit na malaking buto ang kanyang nakita, sa
pag-aakalang ibang aso ito, tinahulan niya ito ng tinahulan, upang itoy matakot at ibigay sa kanya
ang buto. Kakatahol, nabitawan niya ang bitbit na buto at nalaglag pa siya sa ilog. Umuwi siyang
basang-basa at ang buto namang dapat ay dala niya ay naanod sa ilog.
END
Aral: Huwag maging ganid bagkus ay makuntento ka sa kung anong meron ka.
Ang Madaldal na Pagong
Isang umagang maganda ang panahon ay nagkita-kita ang magkakaibigan sa sapa, Sina Inang
gansa, Amang gansa at Madaldal na pagong. Silay nagkwentuhan ng kung anu-anong bagay
hanggang sa magpaalam ang dalawang gansa na silay uuwi na.
Naisipan ng Pagong na nais niyang sumama sa tahanan ng mga gansa. Bakit hindi ninyo ako
isama sa inyong tahanan? Nais kong sumama!
Ngunit wala kang pakpak Pagong. Paano ka makakalipad papunta sa aming tahanan? sabi ni
Inang Gansa.
Nag-isip ang tatlo ng paraan kung paano makakasama si Madaldal na Pagong.
Alam ko na! sabi ni Amang Pagong. Kukuha tayo ng kahoy na maari nating kagating tatlo.
Kakagatin namin ni Inang gansa ang magkabilang dulo at ikaw ay kakagat sa bandang gitna at
sabay kaming lilipad. Sa ganoong paraan ay makapupunta ka sa aming tahanan. Ngunit lagi mong

tatandaan, huwag na huwag kang magsasalita kundi ikay mahuhulog sa lupa.


Pangako, tatandaan ko! anang Pagong.
Napangiti si Pagong sa ideya at dali-daling humanap ng kahoy. Maya-maya pa ay lumipad na ang
dalawang gansa bitbit ang madaldal na Pagong.
Labis na natuwa ang Pagong dahil sa bagong tanawin na kanyang nakikita.. Maya-maya ay
nagtumpukan ang mga bata sa ibaba at sinisigaw ang kanilang pagkamangha sa nakikita.
Ang galing ng Pagong! Siyay lumilipad! Ang galing! sigaw ng mga bata.
Labis na natuwa ang Pagong at naisipan niyang magyabang sa mga bata.
Ako ang Dakilang Pago
Hindi na naituloy ng pagong ang kanyang sasabihin dahil nahulog siya mula sa pagkakakagat sa
kahoy. Lumagpak siya sa lupa at sising-sisi,dahil sa pagmamayabang ay nahulog siya at di
nakasama sa mag-asawang gansa.
END
Aral: Ang Pangako ay dapat tinutupad. Kahit na anong tagumpay mo, kung paiiralin mo ang
kayabangan ay wala kang mararating.
Ang Agila at Ang Maya
Isang araw ay nakasalubong ni Maya ang mayabang na Agila habang ipinagmamalaki nito ang bilis
di umano nito sa paglipad, dahil nayabangan si Maya, naisip niyang yayaing makipagdwelo sa Agila.
Makulimlim ang kalangitan at tiyak niyang uulan mamaya-maya kung kayat nakaisip ng magandang
ideya ang Maya. Agila, akin kitang hinahamon sa pabilisang lumipad.
Niloloko mo ba munting Maya? Ako? Ang Agila? Ay hinahamon sa isang dwelo? anang Agila na
sinundan ng mapanglait na tawa.
Oo, magaling na Agila. Tama ka. Hinahamon kita. Paunahang makarating sa bundok na iyon!
Ngunit lilipad tayong may bitbit, mamili ka, asin o bulak?
May bitbit? Napaisip ang Agila, kung ang bulak ang dadalhin niya ay tiyak na mananalo siya dahil
itoy magaan hindi gaya ng asin na ubod ng bigat. Akin ang bulak!bulalas ng Agila.
Lihim na napangiti ang Maya sa desisyon ng Agila. Magaling, Bulak ang iyo, Asin ang akin. Tayo
nang mag-umpisa!
Sa pag-uumpisa ng karera ay talaga namang hirap na hirap ang munting Maya sa paglipad lalo na at
kay bigat nang dala niyang asin. Tuwang-tuwa naman ang Agila dahil alam nyang siya na ang
mananalo.

Ano ba naman kasi ang nasa isip ng Maya na iyon? Nagawa pa kong hamunin e alam naman ng
lahat na mabilis talaga akong lumipad. Kaawa-awang Maya. Ako na naman ang mananalo!
Sa kalagitnaan ng karera ay nag-umpisa nang bumuhos ang ulan, sa pagpatak nito ay siya namang
tuwa ng Maya. Unti-unting gumaan ang dalahin ng Maya dahil unti-unting natunaw ang Asin na daladala niya. Kabaligtaran naman nang kay Agila na mas bumigat ang dalahing bulak dahil nabasa ito
ng tubig. Dahil sa paggaan ng dala ni Maya ay unti-unti siyang nakabawi sa karera at kalaunan ay
nanguna sa dwelo. Lumong-lumo ang Agila ng makarating sa bundok, mabigat man sa loob ay
tinanggap niya ang kanyang pagkatalo.
END
Aral: Huwag maging mayabang sa ating kapwa bagkus ay maging mapagkumbaba. Huwag
mangmaliit ng kakayahan ng iyong kapwa.
Ang Alitaptap at ang Paru-paro
Isang araw habang naghahanap ng nectar ang Paru-paro ay may batang nanghuli sa kanya at siyay
pinaglaruan. Iniwan siya nitong nakabaligtad at panay ang kawag sa lupa.
Sumigaw si Paru-paro upang humingi ng tulong, narinig siya ng kaibigang Langgam ngunit dahil
madami itong gawain ay iniwan siya nito. Makalipas ang ilang oras ay dumating ang kaibigan niyang
gagamba ngunit hindi rin siya nito tinulungan sapagkat ayon dito ay aayusin pa nito ang bahay nito.
Malapit nang gumabi ngunit nanatili pa ding nakabaligtad ang Paru-paro. Pagod at gutom ang
nararamdaman nang Paru-paro. Pinanghihinaan siyang may mga kapwa insekto pang makakita sa
kanya lalo nat magdidilim na. Hanggang sa maya-maya ay may naaninag siyang munting ilaw na
papalapit sa kanya.
Anong nangyari sayo Paru-paro? tanong ng Alitaptap.
Ikaw pala Alitaptap, kaninang umaga ay nangunguha ako ng nectar ng may batang lumapit at
pinaglaruan ako.
Ganun ba? Hayaan mo at tutulungan kita. Sabi ng Alitaptap.
Maraming Salamat , Alitaptap.
Tinulungan nga ng Alitaptap ang Paru-paro at dahil doon ay nakalipad na ang Paru-paro at umuwi
sa kanyang tahanang bulaklak.
END
Aral: Sa oras ng kagipitan ay nakikilala natin kung sino ang ating mga tunay na kaibigan.

http://www.iliked.me/ano-ang-pabula-at-mga-halimbawa-nito/

Otoman.

Tinaguriang "Duyan ng Sibilisasyong Kanluranin" at pinagmulan ng


demokrasiyang pamahalaan, pilosopiyang kanluranin, agham pampolitika, ang
mga larong Olimpiko, panitikang kanluranin, mga prinsipyo ng karunungan at
teatro.

Ang kasaysayan ng Gresya ay mahaba ay makulay at ang kulturang


naiwan nito ay naipamana sa mga lupain sa Hilagang Aprika, sa Gitnang Silangan
at

naging

basehan

ng

kultura

ng

Europa

na

tinawag

na

Kanluran.

I.
Heograpiya
ng
Gresya
II. Sinaunang Kabihasnang Aegean
III.
Ang
Polis
IV.
ATHENS:
Ang
Demokratikong
Lungsod-estado
V. SPARTA: Ang Mandirigmang Polis

VI. Mga Digmaan sa Imperyong Griyego


VII.
Pagkakaisa
ng
Gresya
VIII.
Kabihasnang
Heleniko
IX. Greek Gods and Goddesses

Isang mahalagang salik sa heograpiya ng Sinaunang Gresya sa uri ng


sibilisasyong sumibol dito. Naging mahalagang daan ang pananakop ng mga
teritoryong Aegean at Mycenaean.

Pagdating ng 1400 BC, naging makapangyarihan ang mga Mycenaean sa


paligid ng Aegeab at yumabong ang sibilisasyong Mycenaean. Subalit dahil sa
patuloy na digmaan sa pagitan ng mga yumayabong na iba't ibang sibilisasyon ,
tinawag ang panahon na ito na dark age o madilim na panahon.

Naging sentro ng kaunlaran ng Sinaunang Gresya ang Athens. Sa kanyang


ginintuang panahon (416-404 BC) yumabong ang kultura, sining at pilosopiya at
pulitikang gresya.

THE GRANDEUR THAT WAS ROME

Ang sinaunang Romano ay isang sinaunang kabihasnan sa Europa na


umiral sa Italyanong Peninsula. Ang maliit na agrikultural na lungsod ay lumaki at
naging isa sa mga pinakamalawak na imperyo sa sinaunang panahon sa Dagat
Mediteraneo.

Sa mga siglo ng pag-iral, ang Romanong kabihasnan ay naging kaharian,


isang oligarkiyang republika at naging malakas na imperyo.

Daan-daang taong kinontrol ng mga Romano ang kabuuan ng kanlurang


Europa pati na rin ang buong kasakupang pumapalibot sa Dagat Mediteraneo at
bahagi ng kasakupang pumapalibot sa Dagat Itim.

Bumagsak ang Kanlurang Imperyong Romano noong 476 AD sa mga


barbaro habang ang Silangang Imperyong Romano ay tumagal hanggang 1485
AD

bago

omano.

bumagsak

ang

kabisera

nito

sa

Turkong

Otoman.