You are on page 1of 2

Manny Pacquiao - Bosingero

Si Manny
Pacquiao ay
isang
propesyon
al
na Filipinong boksingero at pulitiko. Pandaigdigang kampiyon
siya ng walong dibisyon sa boksing (eight-division world
champion), ang unang buksingero sa kasaysayan na nanalo ng
sampung pandaigdigang titulo (10 world titles), at ang unang
nanalo sa walang dibisyon ng timbang (weight divisions).
Binansagan siyang Fighter of the Decade ('Manlalaban ng
Dekada') para sa 2000's ng Boxing Writers Association of
America (BWAA). Tatlong beses din niyang nakamit ang
titulong Fighter of the Year ('Manlalaban ng Taon') mula sa magasing The Ring at
BWAA sa taong 2006, 2008, at 2009.
Sa ngayon, si Pacquiao ang WBC Super Welterweight World Champion at WBO
Welterweight World Champion (Super Champion). Siya rin ang itinuturing na numero
unong pound-for-pound best boxer sa daigdig, ayon sa karamihan ng mga websayt na
patungkol sa isports at boksing tulad ng The Ring, BoxRec.com, Sports Illustrated,
ESPN, NBC Sports, Yahoo! Sports, Sporting Life at About.com. Mayroon siyang tala na
54 na panalo, 3 talo, at 2 patas. Ang 38 na panalo niya ay bunga ng knock-out (K.O.),
kung saan napatumba niya ang kalaban.
Maliban sa boksing, sumabak din si Pacquiao sa pag-aartista, pag-awit, at
pulitika. Noong Mayo 2010, nahalal siya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ika-15
Kongreso ng Pilipinas, kung saan siya ang tumatayong kinatawan ng probinsya
ng Sarangani. Siya ang natatanging aktibong boksingero na naging konresista
sa Pilipinas.
Rachel Ann Go Miss Saigon Mang-aawit
Si Rachelle Ann Go ay isang Pilipinang mang-aawit, modelo at
artista sa Pilipinas.Ipinanganak noong Agosto 31, 1986 sa Maynila.
Maraming patimpalak ang kanyang sinalihan at ang kanyang pinakaunang palabas sa telebisyon ay sa Eat Bulaga! sa edad na labing-isa.
Si Go ay nagtapos sa Paaralan ng La Immaculada Concepcion
sa Pasig. At nagtapos ng BS-Business Administration sa Kolehiyo ng
San Beda. Nahirang din siyang bilang Binibing San Beda noong 2004.
Napabilang siya sa isa sa mga bida sa Party Pilipinas noong 2010. Isa
siya sa gumanap sa Miss Saigon sa London bilang Gigi.
Cecile Licad piyanista

Si Cecile Licad (Ipinanganak 11 Mayo 1961) ay isang


tanyag na Pilipinang piyanista. Maaga siyang natutong tumugtog
ng piyano. Isa siya sa magagaling na Pilipinong iskolar sa musika
na pinag-aral sa Estados Unidos. Nanalo na siya sa ilang
paligsahang pandaigdig sa pagtugtog ng piyano. Binansagan
siyang "piyanista ng isang piyanista" ng The New Yorker, ang
kanyang kasiningan niya, ay pinaghalong likas na musikero at
mahusay na pagsasanay."
Si Cecile Licad naman ay isang tanyag na piyanista sa buong
mundo. Maaga siyang natutong tumugtog ng piyano. Isa siya
sa magagaling na Pilipinong iskolar sa musika na pinag-aral sa Estados Unidos. Nanalo
na siya sa ilang paligsahang pandaigdig sa pagtugtog ng piyano.
Apo Hiking Society Mang-aawit
Ang Apolinario Mabini Hiking Society, mas tanyag bilang Apo
Hiking Society o payak na Apo lamang, ay isang grupong
mang-aawit sa Pilipinas[1] na unang binuo noong kalagitnaan
ng dekada 1970. Isinaplaka nila ang awiting "Ang Nobya Kong
Sexy"
noong 1975 at
ito
ay isinapelikula nina Vic
Vargas at Gloria Diaz bilang Sexy. Ang pangkat ay binubuo
nina Danny Javier, Jim Paredes, at Boboy Garrovillo.
Kilala rin sila sa ibang bansa. Kanilang itinaguyod at pinaunlad
ang mga musikang Pilipino sa pamamagitan ng pag-awit sa
mga konsiyerto sa ibang bansa.

Rafael "Paeng" Nepomuceno


Isang tanyag na manlalaro ng bowling sa Pilipinas at ibang
bansa si Paeng Nepomuceno. Marami na siyang napanalunang
World Cup. Ang disiplinado niyang pagsasanay ay nagbubunga
ng pagwawagi niya sa Pilipinas at sa ibang bansa. Naging isa
sa mga Ten Outstanding Young Men (TOYM) si Paeng nang
siya'y 20 taong gulang pa lamang. Siya ang pinakabatang
binigyan ng ganitong karangalan. Pinarangalan din siya noong
1976 at 1980 bilang Sportsman of the Year.