You are on page 1of 1

Ang Pluma

Ang pluma, marahil, isang bagay lamang,


Sa ordinaryong gamit ay walang lamang.
Itoy walang silbi kung nakatiwangwang.
Ngunit kung subukin mo itoy di sayang.

Itong pluma ay kaibigan kong tunay.


Anumang sigwa, siyang kahawak-kamay.
Ang kanyang tinta, laging handang ialay,
Papel na lantay ay binibigyang kulay.

Itong pluma ang naging tagapagligtas


Ng mga bayani sa yugto ng dahas.
Sa sakit ng bayan, itoy naging lunas.
Sa dayuhan namay siyang nagpalayas.

Itong plumay mapagkakatiwalaan


Sa pagsulat ng piyesang kailangan
Para tuwa sa pagbasay maranasan
Ng mga mambabasa sa sanlibutan.

Ang laman ng isip naisasalaysay


Sa pamamagitan