You are on page 1of 1

Angelica Panganiban and Derek Ramsay reconcile three weeks

after their breakup


By: Erwin Santiago

May lumabas na report ngayong araw,


March 3, sa isang daily broadsheet na nag-
break na raw sina Angelica Panganiban at
Derek Ramsay.

Three weeks ago raw nangyari ang


breakup nila. Ayon pa sa balita, dahil sa
pagiging "selosa" raw ni Angelica ang
dahilan ng paghihiwalay ng magkasintahan
at walang third party involved.

Napag-alaman ng PEP (Philippine


Entertainment Portal) mula sa isang
source, who is very close to both Angelica and Derek, na totoong nag-break ang
dalawa. Pero ayon sa aming source, nagkabalikan din agad sina Angelica at Derek.

Kagabi, March 2, lang daw nangyari ang reconciliation sa pagitan ng


magkasintahan. Ibig sabihin nito, naayos agad kung anuman ang hindi nila
pagkakaunawaan.

More than three years na ang relasyon nina Angelica at Derek, na parehong may
primetime soaps ngayon sa ABS-CBN. Si Angelica ay nasa Rubi samantalang si
Derek naman ay nasa Habang May Buhay.