You are on page 1of 3

Ruffa Gutierrez and Shaina Magdayao settle issue about nasty

text messages
By: Noel Orsal & Glen P. Sibonga

Ruffa Gutierrez (left) and Shaina Magdayao


have finally settled their misunderstanding
over nasty text messages that they have
been receiving. The camps of the two
Kapamilya stars initially suspected each
other as responsible for sending these text
messages. But Ruffa and Shaina have
cleared the issue through a meeting set up
by Star Magic. The two actresses are being
linked to actor John Lloyd Cruz.

Hindi na napigilan ni Boy Abunda ang


kanyang sarili at nagsalita na siya sa The
Buzz last Sunday, February 28, para
ipagtanggol ang kaibigan at co-host na si
Ruffa Gutierrez tungkol sa mga negative
text messages na natatanggap diumano ng aktres recently, gayundin ng isa pang
Kapamilya star na si Shaina Magdayao.

"Tungkol ito sa mga text messages napapadalang...nasty text messages sa pagitan


po ni Ruffa Gutierrez at saka ni Shaina Magdayao," umpisa ni Boy. "Masakit ang
mga text messages na hindi malunok-lunok, 'ika nga. I saw some of the text
messages. Nagkaroon na po ng pagkakataon, mga kaibigan, na magkaharap si
Ruffa at saka si Shaina.

"Ruffa doesn't know this, that I'm going to talk today. Nagkaharap ho sila.
Disenteng nag-usap, tahimik na nag-usap. At klaro na po sa dalawa na hindi
nanggagaling sa kaninuman sa kanila ang mga text messages na ito. Kung sinuman
ang responsible for this, huwag na ho nating pag-awayin pa si Ruffa at saka si
Shaina. They are okay. Both are wonderful girls. They're moving on. And balato na
lang po natin sa dalawang ito," pakiusap ni Boy.

Nagbigay naman ng maikling paliwanag si Ruffa tungkol sa isyu.

"At saka kumare ko si Vina Morales, her [Shaina's] older sister. At saka Tito Boy,
wala naman talagang dapat pag-awayan," sabi niya.
"Korek, huwag na natin pag-awayin pa silang dalawa," segunda ni Boy kay Ruffa.
"Why am I saying this? Sasabihin nila, 'Boy you're doing The Buzz. What are you
talking about?' Opo, pero weeks na po ito na sobra po ang sakit na idinudulot kay
Shaina at kay Ruffa. Kaya hangga't maaari po sana ay tantanan na. You know what
I'm saying? Tantanan na po natin kahit kaunti lang po. Balato na lang po natin kay
Ruffa."

Nagpasalamat naman si
Ruffa sa mga executives
ng Star Magic na naging
tulay para magkita at
magkausap sila ni Shaina.

"And I would like to thank


Mr. M [Johnny Manahan]
and Ms. Mariole [Alberto]
who are watching. Sila
ang nagsilbing Good
Samaritan that brought us
together bago pa
magkaroon pa ng gulo na
hindi inaasahan," ani
Ruffa.

Sa parte naman ni Shaina,


nagpasalamat siya kina
Ruffa at Boy sa pamamagitan ng ipinost niyang mensahe sa kanyang Tweeter
account kahapon, March 1. Aniya, "Thank you Ms. Ruffa and Tito Boy for clearing
my name (The Buzz). I sincerely appreciate it. We both already changed our
numbers to have peaceful no-more-hate-texts-received days ahead. Let us just pray
for the texters soul."

THE BACK STORY. Nagkakaroon ng isyu sa pagitan nina Ruffa at Shaina dahil sa
pagkaka-link ng dalawa sa aktor na si John Lloyd Cruz. Natsismis na diumano'y
sinulot o inagaw raw ni Shaina si John Lloyd kay Ruffa.

Alam naman ng lahat na unang na-link si John Lloyd kay Ruffa. Kinabitan pa ito ng
iba't ibang kontrobersiya lalo nang mapaulat na nakitang magkasama ang dalawa
sa U.S., with matching photos pa na lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment
Portal) habang papasok sila ng SLS Beverly Hills Hotel sa Los Angeles, California at
habang naglalakad sa harap ng Salvatore Ferragamo boutique sa Rodeo Drive.

Na-link naman si Shaina kay John Lloyd nang matsismis na ang aktor daw ang
boyfriend ngayon ng aktres matapos itong makipag-break kay John Prats. May
lumabas ding picture dito sa PEP na magkasama sina John Lloyd at Shaina sa isang
bike shop.