P. 1
suring pelikula

suring pelikula

5.0

|Views: 23,185|Likes:
Published by mhie_dhie

More info:

Published by: mhie_dhie on Mar 07, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

10/12/2014

pdf

text

original

Mga Tauhan

:

Vilma Santos - Josie (inay nina Carla, Daday at
Michael; asawa ni Rudy)

Claudine Barretto - Carla (panganay na anak ni
Josie)

• • •

Joel Torre - Rudy (asawa ni Josie) Amy Austria - Lyn (matalik na kaibigan ni Josie) Cherrie Pie Picache - Mercy (matalik na kaibigan ni
Josie)

• • • • • •

Baron Geisler - Michael (anak na lalaki ni Josie) Leandro Munoz - Brian (kasintahan ni Carla) Sheila Mae Alvero - Daday (bunsong anak ni Josie) Jodi Sta. Maria - Bernadette (nililigawan ni Michael) Cris Michelena - Arnel Odette Khan - Mrs. Madrid

Buod ng Pelikula:

Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic helper. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Binangggit niya na ginagawa nya ito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Bagama't siya ay malayo sa kanila, tiniis nya ang mga pasakit ng kanyang amo at ang kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki. Nagsimula sa isang masayang mag-anak, nagkawatak watak ang buhay ng mga anak ni Josie magmula ng yumao ang kanilang ama na syang kasama nila sa bahay. Dito nagsimulang masuklam si Carla (Claudine Baretto) sa kanyang ina. Nagpadala sila ng sulat sa inang nasa Hong Kong upang malaman ang nangyari at nang sya'y umuwi. Gayunpaman, hindi nabasa ni Josie ang sulat dahil sya ay kinulong ng kanyang amo sa loob ng kanilang bahay nang sila'y lumipad sa Estados Unidos ng isang buwan. Nabasa ni Josie ang sulat pagkaraan ng isang buwan, ngunit hindi pa rin siya pinayagan ng kanyang among umuwi kahit magmakaawa pa siya. Pagkaraan ng ilang taon, umuwi na rin si Josie. Nagawa nya ito dahil itigil na nya ang kanyang trabaho sa Hong Kong. Nagnanais siyang magtayo ng isang negosyo na kasosyo ang kanyang dalawang kaibigan. Namuhunan silang tatlo ng taksi para ipasada sa kalsada. Masaya ang kanyang pagbalik pagkaraan ng anim na taong pangungulila. Gayunpaman, naharap nya ang matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday, ang bunso, ay hindi sya kilala. Si Michael (Baron Geisler) ay mahiyain at

walang kimi at si Carla, na hindi man lang ginagalang ang ina at iniitsa-pwera lamang. Ninais ni Josie na makuha ang simpatiya ng mga anak sa pamamagitan ng mga pasalubong. Hindi ito tinanggap ni Carla. Sa pagdaan ng panahon, unti-unti nakikita ni Josie ang mga bisyo at karanasan ni Carla, paninigarilyo, tattoo, paghihithit ng droga, panlalalake at paglalaglag ng bata. Dagdag pa dito ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga anak. Nabangga pa ang taksing pinundar ni Josie at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos niya ang perang ibabahagi sana niya. Sa sunud-sunod na problema ni Josie, gusto na sana niyang sumuko. Pinagtatabuyan siya ni Carla. Lumala pa ang alitan ng lumayas i Carla sa bahay at lalong nalulong sa kanyang bisyo. Nang mawala ang iskolarship ni Michael, nagsimula ng mag-init ang ulo ni Josie dahil ang dami na ng kanyang binabayaran. Dahil dito, napahiya sa Michael sa mga pangarap na gusto ng ina niya sa kanya. Lumayas din si Michael. Nagtuluy-tuloy ang kamalasan ni Josie kasabay ng pagkaunti ng kanyang inimpok na salapi para sa kanyang pamilya. Dahil dito, napilitan siyang magbalik sa Hongkong. Isang gabi bago siya babalik sa Hong Kong, napuno si Josie sa pagtrato sa kanya ni Carla. Malaki ang alitan ng dalawa hanggang sa binuhos nya ang lahat lahat ng kanyang nararamdaman sa mga anak. Sa oras na ito, namulat ang mga mata ni Carla sa katotohanang sya ang sumira sa buhay niya at wala na siyang mapagbabalingan ng sisi kundi ang sarili nya dahil sa pagpapalalo nya sa kanyang bisyo. Ang kanyang paglaki

ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo sya sa kanilang tabi.

Direksyon :

Ang pelikulang ito ay nasa ilalim ng direksyon ni RoryB. Quintos. Siya ang nanguna sa pagsasaayos ng pelikula upang ito ay maging maganda at kahanga-hanga ang magiging kinalabasan. Masasabing mahusay ang direksyon ng pelikula. Mahusay na naipabatid ng director ang mensahe ng kwento. Mahusay nya ring nagampanan ang pagiging responsable sa pag gisa ng bawat tagpo at eksena sa sistema ng audio visual. Makikita rin na mahusay niyang binigyan ng motibasyon ang mga gumanap upang maisagawa o maipakita ang isang eksena o sitwasyon. Ang mahusay na pagtuturo sa mga gumanap ay mababakas sa kanilang paraan pagdala sa parte ng pelikula. At ito ang dahilan kung bakit naging kahanga – hanga ang pelikulang ito.

Istoryang Pampelikula :
Ang istoryang pampelikula ay mahusay. Ang mga pangyayari sa istorya ay nabigyang - linaw sa pamamagitan ng salaysay, dayalogo upang palutangin ang istorya.

Gayun pa man, ang takbo ng mga pangyayari sa pelikulang ito ay madaling hulaan ng mga manonood dahil sa mga takbo ng pangyayari.

Pagganap:

Masasabing sa kabuuang pagsusuri ay katanggap tanggap ang pag ganap. Ang pag ganap ng mga artista sa pelikulang ito ay naisabuhay ng maayos at kahanga-hanga dahil naisabuhay nila ng maayos ang emosyon at damdamin ng kani kanilang karakter na ginagampanan.

Madali nilang nabuo ang kani kanilang mga ginanapan, dahil sila naming lahat ay magagaling at mahuhusay na artista, kahanga hanga ang mga pag ganap nila sa mga pangyayari o sa bawat eksena na kani kanilang ginampanan.

Sinematograpiya:

Maayos naman ang sinematograpiya ng pelikula. Ang pag gamit nila ng mga liwanag at mga ilaw, naaangkop sa bawat eksena ang mga emosyon , damdamin, at iba pang ginagawa ng bawat karakter ay umaangkop sa sinematograpiya nito. Mahusay ang nagawa nilang sinematograpiya.

Disenyong Pamproduksyon:
Naaayon ang set na ginamit sa pelikulang ito. Mahusay ang kanilang mga disenyo sa set. Naaayon sa eksena o sitwasyon ang kanilang napiling set, at lugar na pinagyarihan ng bawat eksena. Kahanga hanga ang bawat set na kanilang inayos Dahil ang lahat ay nagmukhang totoo.

Editing:

Ang haba ng istorya ay naaangkop lamang dahil ito ay mayroong dalawa o dalawa’t kalahating haba ng pagtakbo ng pelikula.

Mahusay ang editing ng istorya dahil kalimitn o halos lahat sa mga eksena ay mahalaga. Masasabing naisaayos na mabuti ang pelikula dahil sa pagkakasunod – sunod ng mga eksena nito.

Musikal Iskoring:

Mahusay na nalapatan ng musika ang bawat tagpo sa pelikula. Kapag ang isang karakter ay umiiyak, masaya, nagagalit, naiirita, natutuwa. Ang musika ay maayos na nagpapalit palit.

Ang ibang eksena na walang dayalogo ay pinapaganda nalang ng mga tunog o kaya’y mga iba’t ibang musika na umaangkop sa eksena na nagpapaganda sa isang sitwasyon o eksena.

Paglalapat ng Tunog:

Ang mga dayalogo ay malinaw at hindi nahuhuli o nauuna sa iba’t ibang eksena o sitwasyon. Ang mahusay na paglalapat ng tunog ay makikita sa pelikulang ito dahil sa mabagal at hindi rin naman mabilis na sumasabay sa mga eksena.

Mahusay na inilapat ang mga tunog sa bawat sitwasyon o eksena, iba’t ibang eksena man ay nalapatan nla ito ng tunog na naaangkop sa mga sitwasyon o eksena.

Aral na nakuha sa kwento:

Ang istorya ng pelikula ay angkop sa mga kabataan ngayong , kailangan ang mga kabataan ay sumusunod sa mga magulang dahil hindi naman hinangad ng mga magulang na may mangyaring nakakasama o magdudulot sa kanilang mga anak sa kapahamakan.

Ang lagi lang namang gusto ng mga magulang para sa kanilang mga anak ay sila ay mapabuti at magpunta sa tamang daan, ang gusto lang ng mga magulang ay ating suklian ang pagmamahal at pag aaruga na kanilang ibinuhos para sa atin.

Kaya kahit sa pagsunod lamang sa kanila at pagmamahal sa kanila ng walang hinihinging kapalit ay Masaya na sila. Lagi nating tandaan alam ng magulag kung ano ang nakabubuti sa atin.

Talaan ng Nilalaman:

1.Direksyon 2.Istoryang pampelikula 3.Pagganap 4.Sinematograpiya 5.Disenyong Pamproduksyon 6.Editing 7.Musikal Iskoring 8.Paglalapat ng Tunog 9.Buod ng Kwento 10.Aral na nakuha sa kwento

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->