You are on page 1of 5

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
Sangay ng mga Paaralang Lungsod ng Mabalacat
SILANGANG DISTRITO NG MABALACAT
Lungsod ng Mabalacat
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO IV
Taong Panuruan 2014-2015
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino IV
Pangalan: ______________________________________
Paaralan: ______________________________________

Iskor:________________
Petsa:________________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
PAKIKINIG
Pakinggang mabuti ang babasahing teksto ng impong guro at sagutin ang mga kasunod
na tanong 1-4.
Gabi noon. Pinatay ni Mang Lucio ang ilaw para matulog. Walang ano-anoy may narinig siyang
ingay. Lito, sabi ng ama. Isara mo ang gripo natin. Marahil nakalimutang isara ng nanay mo
kanina, patukoy ni Mang Lucio. Bukas na po, sabi ni Lito, tutal, hindi naman po nauubos ang
tubig. oo nga, sagot ng ama, pero lalaki ang babayaran nating konsumo sa tubig, at
bumangon si Mang LUcio para kumpunihin ang gripo at makatipid sa tubig.
1. Ano ang narinig ni Mang Lucio pagkapatay niya ng ilaw?
a. malakas na ulan
c. tumutulong tubig sa gripo
b. umiiyak na sanggol
d. sigawan ng mga tao
2. Bakit kailangang ayusin kaagad ni Mang LUcio ang gripo?
a. upang di-maaksaya ang tubig
c. upang madali siyang makatulog
b. upang di-masira ang gripo
d. upang di-na utusan si Lito
3. Sino-sino ang nag-uusap?
a. Mang Lucio at kapitbahay
c. Mang Lucio at asawa
b. Lito at nanay
d. Mang Lucio at Lito
4. Ano ang relasyon nina Mang Lucio at Lito?
a. mag-asawa
c. mag-ama
b. magpinsan
d. magkapatid
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa?
a. Matalino kang bata
c. Ang dumi-dumi mo. Umalis ka nga
b. Kumain ka na ba? Heto ang baon
d. Linisan mo ang buong kabahayan
ko. Sa iyo na.
6. Ikinalulungkot ko at hindi ako makakarating sa iyong kaarawan. Anong pahiwatig ang ginamit
sa pagtanggi?
a. ikinalulungkot
c. makararating
b. iyong
d. kaarawan
7. Alin ang karaniwang anyo ng pangungusap sa ibaba?
a. Ang mga magsasaka ay mabilis magsipagtanim
b. Mabilis magsipagtanim ng punla ang mga magsasaka.
c. Ang mga punla ay mabilis na itinanim ng mga magsasaka.
d. Ang mga punla ay itinanim nang mabilis ng mga magsasaka.
8. Aling pangungusap ang nasa di-karaniwang ayos?
a. Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,000 pulo.
b. Ito ay matatagpuan sa timog-silangang Asya.
c. Ang mga kabukiran ay sagana sa malulusog na pananim.
d. Malalawak ang kanyang kapatagan.
9. Alin ang pangkat ng pangngalang konkreto?
a. damit
b. saya
c. kaligayahan
d. kapayapaan
10. Pagsasaka ang hanapbuhay ng ama ni Noel. Alin ang pangngalang di-konkreto?
a. pagsasaka
b. ama
c. hanapbuhay
d. Noel
11. Ang Lungsod ng Baguio ay tinaguriang Summer Capital ng Pilipinas. Ang nakasalungguhit ay
ginagamit bilang ______.
a. panaguri b. paksa o simuno c. Layon ng pang-ukol
d. Layon ng pandiwa
12. Ang Cordillera ay may malawak na minahan. Ang nakasalungguhit na pangngalan ay ginamit
bilang _____.
a. panaguri b. paksa o simuno c. Layon ng pang-ukol
d. Layon ng pandiwa
13. Maraming mag-aaral ang sumama sa lakbay-aral. ____ ay naaliw nang husto.
a. Kami
b. Sila
c. Tayo
d. Kayo

14. Aling ang hindi dapat gamiting panghalip? Mila sa _____ ba niatas ang mga gawaing iyan?
a. kanya
b. iyo
c. kanila
d. mo
15. Kata ay magsimba bukas. Ang may salungguhit na panghalip ay nasa _____ kailanman.
a. isahan
b. dalawahan
c. tatluhan d. maramihan
16. Sina Darlene, Arvin at Mary Joy ay maiiwan muna. ___ ang magliligpit ng pinagtulugan.
a. Kami
b. Sila
c. Tayo
d. Kayo
17. Ipinakilala ni Angie ang kanyang kapatid kay Liza. Liza, siya ang ____ kapatid, ang sabi ni
Angie.
a. ko
b. aking
c. atin
d. amin
18. Tingnan mo ang bahay na kulay asul. Iyang ang ____ bahay.
a. ko
b. kanya
c. amin
d. iyo
19. _______ ang mga nagsidating sa mga kaklase mo?
a. Ano-ano b. Alin-alin c. Ilan-ilan d. Sino-sino
20. _______ ang pangunahing direksiyon?
a. Alin
b. Sino
c. Ano
d. Ilan
PAGBASA
21. Alin ang wastong pagkasunod-sunod ng mga pangyayari?
a. Ihiwalay ang kulay puti sa may kulay na damit
b. Isampay ang mga damit
c. Kusuting mabuti ang mga damit
d. Isilong at itupi nang maayos ang mga damit.
e. Isilong at itupi nang maayos ang mga damit.
a. abcde

b. acdbe

c. adceb

d. acbed

Basahin at sagutin ang kasunod na mga katanungan.


Mahalaga ang tubig sapagkat ito ay lubhang kailangan ng tao, hayop at maging halaman.
Dapat nating gamitin ang tubig sa wastong paraan. Mahalaga ang tubig sa pagluluto, paglilinis,
paglalaba at iba pa. Mamamatay ang lahat ng may buhay kung walang tubig.
22. Ano ang pangunahing diwa ng seleksyon?
a. kailangan ng tao
c. mamamatay ang mga tao
b. kahalagahan ng tubig
d. malinis na tubig
23. Alin ang mamamatay kung walang tubig?
a. tao
b. hayop
c. halaman d. lahat ng may buhay
24. Siya ang saksi sa mga pangyayaring naganap sa aksidente. Ano ang ibig sanihin ng
nakasalungguhit na salita?
a. nakasubok
b. nakakita c. nakaranas d. nakaalam
25. Kailan itatanghal ang magandang sayaw na itinuro sa inyo?
a. ipalalabas b. sasanayin c. eensayuhin
d. itatanglaw
26. Basahin ang seleksyon at piliin ang pamaksang pangungusap.
(1) Paninirahan sa dalampasigan ang ginagawa ng mga taga Jolo, Sulu. (2) Madali at
marami ring paraan ng pagaangkop ang ginagawa nila. (3) Hanapbuhay nila ang
pangingisda at paninisid ng perlas. (4) Matitiyaga at
masisipag silang manisid.
a. pangungusap 1 b. pangungusap 2 c. pangungusap 3 d. pangungusap 4
27. Ano ang ibig sabihin ng hanapbuhay?
a. trabaho b. bahay
c. tirahan
d. dalampasigan
28. Piliin ang pangungusap na hindi dapat mapasama sa talata.
(1) Humahabi ng telang ginagawang damit ang mga tao sa daigdig. (2) Ibat ibang uri ng
tela ang kanilang ginagawa. (3) May telang paplin, lana, seda, satin at iba pa. (4) Inaangkat sa
ibang bansa ang mg a isda. (5) May
mga bansang nagbibiyahe ng mga produktong tela sa
ibang bansa.
a. 1 b. 2 c. 4 d. 5
29. (1) Ang mga Ita ang unang taong dumating sa bansa. (2) Dumaan sila sa mga lupang-tulay.
(3) Palipat-lipat sila ng tirahan upang maghanap ng ikabubuhay (4) Kulot na kulot ang kanilang
mga buhok. (5) Sakay sila ng bangkang balangay.
a. 1 b. 3 c. 4 d. 5
30. Matiwasay na nagpulong ang mga kabataan sa plasa. Ano ang ibig sabihin ng matiwasay?
a. magulo
b. maingay c. maayos d. marami
31. May mga salita kang hindi mauunawaan sa binabasa mong teksto. Saan mo hahanapin ang
kahulugan nito?
a. Talaan ng nilalaman
b. Talahulugan
c. Talatuntunan
d. Talahanayan
32. Kapit-bisig silang naglinis ng mga kanal at kapaligiran. Ano ang ibig sabihin ng
nakasalungguhit na salita?
a. hawak-kamay
c. hiwa-hiwalay
b. tulong-tulong
d. ulit-ulit

33. Aling pangungusap ang nagpapakita ng ugnayang sanhi at bunga?


a. Kaya siya nabasa, hindi niya nadala ang payong niya.
b. Ang paniniwala ni Jose, malusog ang batang mataba.
c. Matalino si Julie kahit may kapansanan.
d. Makulit at malikot na bata si jayson.
34. Alin ang sanhi sa pangungusap?
Nagkasakit si Nelson dahil nabasa ng ulan.
a. Nagkasakit si Nelson
c. Nabasa ng ulan
b. si Nelson
d. nabasa
35. Nagsauli ng sobrang sukli ang mag-aaral kaya siya pinuri ng tindera. Ang may salungguhit na
bahagi ay isang _____.
a. sanhi
b. bunga
c. dahilan
d. rason
Pagsulat
(36-40) Isulat ang mga sumusunod na pangungusap sa isang talata. Gamitin ang wastong
baybay, angkop na bantas at malaking titik.
Si Guillermo Tolentino ay isa sa mga bantog na iskultor na pilipino. siya ay nakapag-aral ng
Fine Arts sa Unibersidad ng pilipinas Amerika at sa Roma. Siya ang gumawa ng monumento ni
Bonifacio sa Balintawak. Ito ang pinakatanyag sa kanyang ginawa.

Certified true and correct:L


RIVERA
JANET D. AGUILAR
Principal II

Prepared and submitted by:


ROSALINDA C.
MT-1-Teacher

Department of Education
Region III
City Schools Division of Mabalacat
Mabalacat East District
Mabalacat City
Talahanayang Ispesipikasyon sa Filipino IV
Ikalawang Markahan
S.Y. 2014-2015
Mga Layunin
PAKIKINIG
1. Natutukoy ang pangunahing ideya at paksa sa
balita/seleksyon

Bilang
ng Araw

Bahagda
n

Bilang ng
Aytem

Ayte
m
Bilang

.03

1,2

2. Natutukoy ang konstekto sa isang usapang napakinggan,


sino ang nag-uusap, papel na ginagampanan, saan at kaylan
nag-uusap, layunin at paksa ng usapan.

.05

3,4

3. Naisasagawa ang mga pahayag ng pagmamamalasakit sa


kapwa.
4. Nakasasagot sa tanong na bakit tungkol sa seleksyong
napakinggan.
5. Nakikilala at nagagamit ang mga salita sa pagtanggap at
pagtanggi, pagbibigay puna/obserbasyon at panghihikayat.

.02

.03

.05

.05

7,8

1
2

.03
.05

2
2

9,10
11,12

.05

13,14

.03

15,16

1
1

.03
.03

2
2

17,18
19,20

.05

21

.05

22,23

.02

24,25

.05

26

.02

27

.05

28,29

19. Nagagamit nang wasto and diksyonaryo.


20. napipili nang mahusay ang angkop na kahulugan sa
diksyonaryo.

2
1

.05
.02

2
1

30,31
32

21. Natutukoy ang mga pangyayarina pinaguugnay ng sanhi at


bunga.

.05

33

22. Natutukoy kung alin ang sanhi o bunga sa seleksyong


binasa.

.05

34

23. Naibibigay ang angkop na bunga sa inilahad na sanhi.

.02

35

.02

36-40

.05

.05

PAGSASALITA
6. Nakapagpapahayag at nagagamit ang pangungusap na
nasa karaniwan at di-karaniwang ayos.
7. Napag-uuri-uri ang pangngalan konkreto at di-konkreto.
8. nagagamit ang pangngalan bilang paksa at panaguri ng
pangungusap.
9. Nagagamit ang angkop na panghalip sa pangngalang
hinahalinhan.
10. Nagagamit ang isahan, dalawahan at maramihang anyo ng
panghalip na panao sa magkakaugnay na pangungusap.
11. Nagagamit sa pangungusap ang panghalip na paari.
12. Nakapagpapahayag ng sariling karanasan na ginagamit
ang panghalip na patanong.
PAGBASA
13. Naibibigay ang lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga
ideya sa balita/kuwento.
14. Naibibigay ang pangunahing diwa ng kuwento o seleksyon
binasa.
15. Nagagamit and dating kaalaman sa pagbibigay kahulugan
sa ibang salita at parirala.
16. Natutukoy ang mga pamaksang pangungusap sa
seleksyong binasa.
17. Natutukoy ang kahulugan ng salita ayon sa konstekto sa
pangungusap.
18. Natutukoy ang detalyeng walang kaugnayan sa
pangunahing diwa.

PAGSULAT
24. Naisusulat ng mga wastong baybay ang mga salita sa
talata.
25. Nagagamit ang angkop na batas sa pagsulat ng talata.
26. Nagagamit nang wasto ang malaking titik sa pagsulat ng
talata.

Total

Certified true and correct:L


RIVERA
JANET D. AGUILAR
Principal II

40

100%

40

40

Prepared and submitted by:


ROSALINDA C.
MT-1-Teacher

You might also like