You are on page 1of 1

Talumpati Sa Paktabo Bilang SSG President

Isang magandang umaga po sa ating lahat! Una sa lahat lubos po akong


nagpapasalamat sa lahat ng tiwala at supurta na ipigkaloob ninyo sa akin. Kayoy
makakaasa na hinding-hindi ko po sasayangin at babalewalain ang mga tiwala at
supurta ninyo sa akin. Simula sa araw na ito at hangang sa pagtatapos ng aking
pamumuno makakaasa po kayo na madarama ninyo ang kaayusan at kalinisan ng ating
pinakamamahal na paaralan.
Ang layunin ng aming kadidatura ay mabawasan o tuluyan ng mawala ang mga
kalat sa ating paaralan at mapanatili ang kaayusan at mabawasan ang mga hindi
sumusunod sa mga patakaran o batas ng ating paaralan.
Ang mga hakbabang na aming gagawin upang matupad ang aming layunin ay una
salahat ang isa sa mga pangunahing problema na kinahaharap ng ating paaralan ay
ang hindi pagsusuot ng uniporme alam kong pong marami po ngayon sa atin dito ang
hindi nag-uuniporme upang mabawasan ang problema na ito dadagan po namin ang
parusa ito ay ang pagtratrabaho sa paralan kapag talong besis kanang nahuling hindi
nag-uuniporme magtratrabaho ka ng limang araw tuwing uwian ng hapon ng 4:00pm
hangang 4:30pm. Pangalawa ang paglilinis ng paaralan magtatalaga ako ng mga
magbabatay sa mga istudyanting nagkakalat tuwing oras ng pagmimiryenda ang
sinumang mahuli ay magmumulta ng 5 pesos at magdadala ng sako upang
madagdagan pa ang basurahan sa ating paaralan. Pangatlo ang pakakaruon ng sports
day ito ay gaganapin tuwing sabado kagaya ng basketball,chess,at iba pa. Ang layunin
nito ay mabawasan ang mga bisyo ng mga kabataan kagaya ng sobrang paglalaro ng
computer,paninigarilyo,at iba pa. Pang-apat pagkakaruon ng malusog na katawan ng
bawat istudyante ang maga malilikom na pundo at donasyon ay gagamitin namin ang
iba sa ating mga kamag aral na kulang ang timbang magkakaroon ng libring pagkain sa
kanila. Pang-lima ay ang pagpapahalaga sa karapatan ng bawat istudyante ito ay
pagbibigay ng saloobin ng bawat magaaral sa mga maling nangyayari sa ating paaralan
bubuo kami ng isang grupo upang magsilbing sumbungan ng bawat istudyante
halimbawa may nakitakang binubully maaari mong isumbong sa amin ang iyong nakita
upang hidi na maulit pa at aming ipapalam sa guidance office ang nangyari at sila na
ang bahala sa parusa na iyong matatangap kong itoy napatunayang totoo. Ito ay bahagi
palamang ng aking mga plano upang mapaganda ang ating paaralan.
Ang mga batas na ito ay hindi isang harang sa iyong pagkatao. Ang patakaran na ito
ay ang siyang bumubuo ng ating pagkatao upang gawin ang tama at malaman ang
mali. Ang patakaran na ito ang tumutulong upang maging ganap na tao na may
malasakit sa kawa. Ang isang mabuting ihemplo ay marunong sumonod sa patakaran at
ginagawa nito ang kanyang tungkulin. Ayon nga sa ating pambansang bayani nasi Dr.
Jose Rizal ang kabataan ang pag-asa ng bayan
Hangang dito nalamang po marami pong salamat sa inyong pakikinig at sa oras po
ninyo ibinigay sa amin. Magandang umaga po ulit at paalam.

You might also like