“IBONG ADARNA” Scene 1 (Palace) Narrator: Sa kaharian ng mapayapang Berbanya, tatlong magigiting na prinsipe ang naging bunga ng pagmamahalan

nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Panganay na anak si Don Pedrong may tindig na pagkainam, sumunod si Don Diegong malumanay at ang maginoong totoo na si Don Juan. Sila’y lubos na minamahal ng kanilang magulang. Don Fernando: Kayong tatlo’y mapapalad, angkin ninyo ang mataas na pangalang mga panta. Yamang ngayo’y panahon nang kayo’y tumalaga, mili kayo sa dalawa, magpari o magkorona? Don Pedro, Diego at Juan: Ang paghawak ng kaharia’t bayan upang mga ito’y paglingkuran ay aming naiibigan. Don Fernando: Ipinapagmalaki ko kayo mga anak… Scene 2 (Don Fernando’s room) Narrator: Isang gabi nang mahimbing na natutulog si Don Fernando, napanaginipan niyang kanyang bunsong anak na si Don Juan. Diumano, ito’y nililo at pinatay ng dalawang tampalasan. (a short re-enactment of the king’s dream) (Sa sususnod na araw)… (Don Fernando’s wife and sons worriedly gathered to see the ill king) Donya Valeriana: Naku, mahal ko, ano ba ang nangyari sa iyo?(looks at husband sadly) Manggagamot: Sakit mo po, Haring Mahal ay bunga ng pangimpan, mabigat man at maselan, may mabisang gamutan. May isang ibon na ang pangalan ay Adarna, pag ito’y narinig mong kumanta, ang sakit mo ay mawawala. Ito

ay tumatahan sa kabundukang Tabor kung saan makikita ang Piedras Platas, punong tirahan ng ibong Adarna. Don Fernando: Diego, anak, hanapin mo ang ibong adarna para ako’y gumaling na. Huwag mong dalhin ang iyong kabayo sa paglalakbay sapagkat ito’y…. Sundin mo ako.

Scene 3 (Mountain) Narrator: Sa kasamaang palad, sumuway sa utos ni Don Fernando si Don Pedro. Una siyang naglakbay sa kabundukan na higit sa tatlong buwan bago narating ang Bundok Tabor kung saan makikita ang Piedras Platas, punong tirahan ng ibong Adarna, siya ay dumaan sa mga iba’t ibang pahamak sa kanyang paglalakbay upang makuha lang ang lunas para sa kanyang amang mahal . Don Pedro: (Climbs Tryingly) Malas naman nito, namatay ang aking kabayo… Narrator: Hanggang sa… Don Pedro: Natanaw ko na ang Piedras Platas… Ang ganda ng kapaligiran lalong-lalo na ang punongkahoy na ginto… (Breathing Heavily)…(Walks toward the tree)….(sits under the tree) (Ibong Adarna came, lands on the tree and begins to sing) Don Pedro: (yawns, (count1234 silently) and sleeps) (Ibong adarna drops on Don Pedro) (Don Pedro becomes stone) Scene 4 (Palace)

Narrator: Nainip ang mga tao sa kaharian sa tagal ng paghihintay kay Don Pedro kaya minabuting hanapin naman ito ni Don Diego. Mga tao(group of commoners): Nasaan na kaya si Don Pedro? May pag-asa pa ba kayang gumali ang mahal na hari? Don Diego, matagal na tayong naghihintay para sa pagbabalik ng iyong nakatatandang kapatid na si Don Pedro kaya panahong ika’y pupunta sa bundok ng Tabor upang hanapin ang iyong kapatid at ang Ibong makapaggagaling sa iyong ama Don Diego: (confidently says): Hindi ko po kayo bibiguin… Kayang-kaya ko ito. Scene 6 (Mountain) Narrator: Naglakbay si Don Diego patungo sa bundok Tabor na hindi nagpaalam sa kanyang mga magulang. Inabot ng limang buwan ang paglalakbay ni Don Diego bago nakarating sa patutunguhan. Dumaan muna siya sa hirap bago nakarating sa Piedras Platas. Don Diego: Ano bang laking hiwaga, punong ganda’y nakakaakit sa mata!… Lumalalim na ang gabi, ako’y mamahinga muna(sits on a rock). (Ibong Adarna comes and sings) Don Diego: (sleeps) (Ibong Adarna drops on the prince, then he becomes a rock.) Narrator: Tulad rin sa nangyari kay Don Pedro’y naging bato din si Don Diego. Scene 7 (King’s room)

Donya Valeriana: (paces back and forth) Mahal ko, masama ang kutob ko sa nangyayari kina Don Pedro’t Don Diego. Ano ba ang dapat gawin natin?(worried) Don Fernando: (looks at Don Juan) Anak, ikaw nalang ay ang aking pag-asang ako’y gumaling na sa pamamagitan ng paghahanap sa mahiwagang Ibong Adarna. Don Juan: Ama, gagawin ko po ang aking makakaya… Paalam po sa inyo. (walks out of the king’s room) Scene 8 (Mountain) Narrator: Masakit man sa kalooban nina Don Fernando’t Donya Valeriana na mawalay ang pinakamamahal nilang anak ay wala silang magawa dahil sa paghahangad ni Don Juan. Kababaan ng loob at pagpapala ng Diyos ang tanging naging baon niya sa kanyang paglalakbay. (Don Juan tryingly hikes) Ermitanyo: Tulungan mo ako, ako’y gutom na gutom… Don Juan: (Gets bread) Ito ho, isang tinapay na baon para sa aking paglalakbay. Ermitanyo: Salamat! Ano po ba ang aking ipaglilingkod sa iyo bilang gantimpala sa iyong kabaitan? Itong tinapay ay ibabalik ko sa iyo… Don Juan: Huwag po, para sa iyo ang tinapay. (Hermit disappears) Don Juan: (See Piedras Platas with amazement then sees a small house and knocks) Ermitanyo: Tumuloy ka, halika’t sumalo sa akin sa pagkain. Don Juan: (sits down) Ang aking ama po’y may sakit at ang tanging lunas lamang ay ang Ibong Adarna. Ermitanyo: Don Juan, ang Ibong Adarna ay may engkanto na wala pang tumatalo.

Don Juan: Titiisin ko ang lahat para lang gumaling ang aking ama. Ermitanyo: Ang punungkahoy na makinang na iyo nang naraanan, ay doon nga namamahay ang Ibong Adarna. Ang ibon ay dumadating sa hatinggabi, kumakanta ito ng malambing at magpapalit ng itsura ng balahibo hanggang ika’y aantokin. Bwat kantang pakinggan ang palad mo ay sugatan, saka agad mong pigaan ng dayap ang hiwang laman kung hindi mo ito magagawa, ikaw ay magiging bata katulad ng iyong mga kapatid na sina Don Pedro’t Don Diego. Dalhin mo rin itong sintas, itali mo pagkahawak sa Ibong Adarna. Don Juan, hayo ka na, ito’y oras na talaga ng pagdating ng Ibong Adarna. Narrator: Nang nakarating na si Don Juan sa Piedras Platas, sinunod niya ang ipinayo ng matandang ermitanyo. Don Juan: Nandito na ang ibon… (Bird sing and changed color) Don Juan: (does the things that the hermit said and then gets the bird with the rope) Ngayong nasa akin na ang Ibong Adarna, panahon nang aking iligtas ang aking mga kapatid. Ermitanyo: (appears) Iyang banga ay kunin mo, punin mo ng tubig at dahan-dahan mong ibuhos sa dalawang bato. Don Pedro’t Don Diego: (hugs Don Juan) Salamat at kami’y binuhay mo… Ermitanyo: Maghanda kayo sapagkat kayo’y uuwi na. Magingat kayo… Don Pedro, Diego’t Juan: Salamat po. Hanggang sa muli… (wave at the hermit) Narrator: Pauwi na ang tatalo sa kaharian, isang masamang balakin ang nabuo sa isipan ng nakatatandang kapatid na sinang-ayunan sa bandang hui ng ikalawang kapatid. Don Pedro: Bugbugin natin si Juan hanggang siya ay masaktan at mamatay. Nakawin natin ang ibong Adarna, ibigay natin kay ama, ipapagmalaki tayo ni ama at sa huli’y tayo’y magiging hari ng Berbanya, ang lahat ng kapangyarihan upang mamuno ay nasa atin sa huli… Don Pedro and Diego: (punch Don Juan, grabs the ibong adarna and then run away)

Scene 9 (King’s room) Don Pedro: Mahal kong ama, kami’y naririto na’t dala ang ibong makakapaggamot sa iyong karamdaman. Don Fernando: Nasaan si Don Juan? Don Diego: Ama, hindi po namin alam kung saan ang aming kapatid. Ngunit bumalik kami upang kayo ay gamutin. O ibong adarna, ikaw ay kumanta na. (Ibong Adarna does not sing and turns ugly) Don Fernando: Ano ang nangyari?!?! Scene 10 (Mountain and Hermit’s house) Ermitanyo: (appears and helps Don Juan lie down) Prinsipe, malubha ang iyong sugat hayaan mong gamutin ko ito. Narrator: Ilang araw ang nakalipas, maginhawa at handang umuwi na si Don Juan dahil sa tulong ng Ermitanyo. Don Juan: Salamat po sa lahat. Ako’y babalik na sa Berbanya. (Shakes the hermit’s hand) Scene 11 (King’s room) Don Juan: Ama, ako’y nandito na… Don Fernando: Anak ko, ako’y maligaya sapagakat ikaw na ay dumating. Narrator: Nang nakita ng Ibong Adarna si Don Juan, ito’y biglang kumanta at gumanda. (Ibong Adarna sings) Donya Valeriana: Mahal ko, ano na ngayon ang iyong pakiramdam? Don Fernando: Ako’y bumuti na! Ang ganda ng aking pakiramdam!

Tao: Aba, Haring Don Fernando,si Don Juan po’y nagtiis ng madlang hirap, kamatayan ay hinamak at sa utos mo’y tumupad. Siya po’y tinaksil ng iyong mga anak na sina Don Pedro’t Don Diego. Don Fernando: Don Pedro’t Don Diego, ako ay hindi natuwa sa inyong ginawa. Ako’y galit na galit sa inyo! Dahil diyan nais ko kayong ipatapon. Don Juan: Ama, huwag na po kayong magalit. Mga kapatid ko’y aking pinapatawad at sana’y patawarin ninyo po sila ama. Nais po naming bantayan ang ibong adarna, bawat isa sa ami’y may tatlong oras sa pagbabantay. Don Fernando: Magandang ideya iyan anak. Narrator: Magkasundong nagbantay sa ibon ang magkakapatid hanggang sa… (Don Juan sleeps) Don Pedro: Diego, halika’t sabay tayong magbantay nitong ibong Adarna. Gisingin mo si Don Juan pagdating dito ay iwa’t huwag mo siyang halinhan. Don Diego: At paano naman siya tatanod nang makalawa? Don Pedro: Huwag kang mag-alala’tmay magandang plano ako. (Both exits) Don Diego: Juan, gumising ka na… Don Juan: (goes out to see the bird) Hay naku, ang sarap ng tulog ko kagabi, magpapahinga muna nga ako…(sits on the chair and sleeps) Don Diego at Pedro: (Sneak towards the room and release the bird) Narrator: Pagkagising ni Don Juan, tumambad sa kanya ang bukas na hawla ng Ibong Adarna. Don Juan: Naku! Nasaan na ang Ibong Adarna?!?! Ako’y aalis na sa palasyo para sa ikabubuti ng aking mga kapatid, hindi ko gustong sila ay mapahamak. (runs away) Narrator: Bago mitak ang umaga, si Don Juan ay umalis na upang pagtakpan ang ginawang kasalanan ng mga kapatid. Don Fernando: Nasaan na ang Ibong Adarna!?!?!

Don Diego: Ama, hindi po naming alam. Don Pedro: Ang alam lang naming ay si Don Juan ang huling nagbantay sa Ibong Adarna…. Don Fernando: Mga anak ko, hanapin ninyo ang inyong bunsong kapatid na si Don Juan at iuwi ninyo siya dito sa palasyo… Don Pedro: Ama, huwag po kayong mag-aalala, aming hahanapin si Don Juan. Scene 12 (Mountain) Narrator: Mga bukid, burol at bundok, bawat dako’y sinalugsog upang hanapin si Don Juan, ngunit sila’y walang nakita. Don Diego: (stops) Wala, wala si Don Juan…Ako’y pagod na pagod, Nasaan na kaya siya? Narrator: Lakad, tanaw at silip ang kanilang ginawa ngunit wala pa rin nakita si Don Juan. Hanggang sa, nakita na rin nila si Don Juan sa Armenyang Kabundukan. Itong Bundok ng Armenya’yisang pook na maganda at napaliligiran ng tanawing kaaya-aya. Sa Armenya tumahan si Don Juan upang doon pagsisihan ang nagawang pagkukulang Don Diego: Juan, sa wakas ay natagpuan ka na naming… Don Pedro: Ang ganda ng lugar na ito, gusto kong tumira dito. Don Diego: Pedro, ako’y nahihiya na sa ating kapatid na si Juan, ang dami ng mga masasamang bagay ang ginawa natin sa kanya. Don Pedro: Ikaw sana’y huwag ganyan, lakasan mo ang iyong loob at ang kahihiya’y ipaglihim mo kay Juan.( says it to Don Diego silently)Kung ibig ninyong huwag nang balikan ang ating mga magulang, pabayaan mo na sila sa Berbanya’t dito na tayo tumira sa Armenya. Tuklasin nating tatlo ang ating kapalaran sa ibang kaharian. Narrator: Masaya silang naninirahan sa Armenya, nang ipasyang akyatin nila ang bundok na hindi pag nila nahahalughog.

Don Juan: Ang balong ito’y may hiwaga, ihugos ninyo ang tali nang dahan-dahan, huwag ninyong bitawan hanggang aking sasabihin. Don Diego: Ako’y matanda sa iyo, kaya marapat ay ako ang ihugos muna ninyo. Don Pedro: Wala ka ring karapatan, pagkat ako ang panganay. Don Juan at Don Diego: Kung gayon, ikaw ang mauna at kami nama’y bahala. Don Pedro: (Goes inside the well) Hindi ko matagalan ang nakakatakot na dilim para akong sinasakal. (Goes up) Don Diego: Ako naman…(Goes down and then goes up) Ang lalim at ang dilim ng balong ito… Don Juan: Handa na akong pumasok sa balon (Goes down) Narrator: Si Don Jua’y walang takot na binaba ang balon. Don Pedro: Ang tagal naman nitong si Juan! Don Diego: Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Scene 13 (Inside the well) Narrator: Nang nakarating si Don Juan sa loob ng balon, siya ay namangha sa ganda ng palasyong gawa sa ginto at pilak at lalonh-lalo na sa ganda ni Donya Juana. Don Juan: (looks around and then sees Donya Juana) O, mahal na prinsesa, ang ganda mo’y nakakasilaw, gusto kong ipahayag sa iyo ang aking tunay na pagmamahal. Donya Juana: Tanggapin mo ang aking puso, pusong iyan pag naglaho’y nagtaksil ka sa akin. Don Juan: Hinding-hindi kita pagtataksilan sapagkat ikaw ay ang aking buhay. Donya Juana: May isang higanteng nagbabantay sa akin, kailangan mo siyang matalo bago ako’y mapasayo. Don Juan: Kung gayon, gagawin mo ang lahat para sa iyo. (Giant appears) (Don Juan gets sword and fights until the giant is dead) Don Juan: Ngayong natapos ko na ang higanteng bantay, balak kitang iuwi sa aking kaharian.

Donya Juana: Bago mo gawin iyan, ang hiling ko sana’y iyong iligtas ang aking kapatid na si Donya Leonora mula sa serpyenteng nagbabantay sa kanya sa isang palasyo. Don Juan: Para sa iyo, aking isasakatuparan ang iyong hiling. (runs) Scene 14 (Donya Leonora’s palace) Donya Leonora: Sino ka ba at ano ang iyong kailangan? Don Juan: Magandang prinsesa, ako si Don Juan na magliligtas sa iyo laban sa Serpyenteng nagbabantay sa iyo sa palasyong ito. Don Juan: Serpyente! Papatayin kita! (runs toward the serpent) Narrator: Bawat ulong matigpas ni Don Juan ay binubuhusan niya ng balsamo upang ito’y hindi na muling mabuhay. (Serpent appears and fights with Don Juan, every then dies) Donya Leonora: Don Juan, ang iyong tapang at lakas ay aking hinahangaan. Don Juan: Prinsesa kong mahal, halikana’t umalis na tayo dito. Kumapit ka sa akin ng mahigpit at pupunta tayo sa Kaharian ng Berbanya. Narrator: Umiral na naman ang inggit kina Don Pedro at Don Diego sa kanilang bunsong kapatid nang muli itong magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa ilalim ng balon. Dagdag pa rito si Leonorang pagkaganda na bumihag sa puso ni Don Pedro. (Donya Leonora holds Don Juan tightly) Narrator: Paalis na sana silang lahat upang magbalik sa Berbanya ngunit… Donya Leonora: Juan, ang aking singsing ay aking naiwan. Paano na iyan?

Don Juan: Huwag kang mag-alala sapagkat aking kukunin ang iyong singsing. Babalik rin ako. (Goes down) Narrator: Dahil sa selos, suklam na suklam si Don Pedro sa kanyang bunsong kapatid at nagawa niyang…. Don Pedro: (cuts rope) Donya Leonora: Huwag! Don Juan: (falls down and screams) Narrator: Nagtuloy sina Don Pedro’t Don Diego sa kaharian ng Berbanya na kasama ang magkapatid na prinsesa. Scene 15 (Palace) Don Fernando: Mga anak! (hugs sons) Matagal ko kayong hinintay, natagpuan ba ninyo si Juan? Don Pedro: Ama, walang burol, nayo’t bundok na di naming nahalughog, siniyasat naming ang bawat tumok, sapa, batis at ilog, ngunit hindi po naming nakita ang iyong minamahal na si Don Juan. Donya Valeriana: Nasaan na kaya ang aking minamahal na Juan? Don Fernando: Hindi ito maaari… Don Diego: Ama, sila po’y magkapatid na prinsessang sa balon po tumitira, aming niligtas sila sa kapahamakan. Don Pedro: Si Leonora ang aking minamahal at si Don Diego’y nais ikasal din kay Donya Juana. Donya Leonora: Haring mahal, hiling ko pong ipagpaliban muna ang kasal ng pitong taon. Hiling ko naman po’y iyo akong bigyan ng silid upang doon ako matulog. Don Fernando: Isasakatuparan ko ang iyong hiling, Donya Leonora. Ikaw naman, Donya Juana, maghanda ka na’t sa ika-siyam na araw ay ika’y ikakasal kay Don Diego. Scene 16 (Donya Leonora’s room) Donya Leonora: Aking alaga lobo, iligtas mo si Don Juang aking giliw upang siya ay mapasaakin. Don Juan, ako’y nangungulila sa iyong pagamamahal! (cries)

Scene 17 (Mountain) Narrator: Nanumbalik ang lakas ni Don Juan, matapos siyang gamutin ng lobong alaga ni Leonora.Nang naging mabuti ang pakiramdam ni Don Juan, siya’y iniwanan na. Ibong Adarna: Mahal na prinsipe, hanapin mo si Maria Blanca ng kahariang Cristalinos at kalimutan mo na si Donya Leonora. Ang payo ko ay makabubuti sa iyo. (flies away) (Man goes to Don Juan) Don Juan: Tulungan ninyo po ako. Ako po ay naglakbay patungo sa De los Cristal ngunit hindi ko po iyon makita. Lalaki: Ang bundok na iyong paruroonan ay nasa ikapitong hanay. Doon ay may ermitanyong sasalubong sa iyo, ang barong na ito’y ipakita mo sa kanya. (gives the barong) Kaya humayo ka na’t baka ikaw ay didilimin sa daan. Don Juan: Salamat po. Scene 18 (Palace) Don Pedro: (knocks on Leonora’s door) Leonora, aking giliw, paki-usap buksan mo ang pinto. Donya Leonora: (crying) Hindi ko gustong maikasal sa iyo! Ako ay maghihintay kay Don Juan, siya ang tunay kong minamahal at hindi ikaw! Don Pedro: Kahit anong mangyari ay hihintayin kitang buksan ang iyong puso para sa akin. (sadly goes out) Scene 19 (Mountain) Ermitanyo: Umalis ka dito! Layuan mo ako, ikaw ay isang distorbo! Don Juan: (gives the baro)

Ermitanyo: Isang galak ko na pagkakita sa baro mo. Patawad sa aking inasal, ano po ba ang ipaglilingkod ko sa iyo? Don Juan: Marangal na Ermitanyo, saan ba matatagpuan ang Reyno de los Cristales? Ermitanyo: Ikaw ay ililipad sa kaharian ng Cristalinos ng aking alagang agila. Scene 20 (Lake) Narrator: Narating ni Don Juan ang kahariang Cristalinos sa tulong ng agilang alaga ng ermitanyo. Unang pagkakita ni Don Juan kay Donya Maria Blanca ay nabihag na ang kanyang puso. Don Juan: O prinsesang sadyang marikit, ako’y humahanga sa iyong kagandahan, pakay ko ay maglahad ng aking pagirog sa iyo. Ako si Don Juang nais magbigay sa iyo ng ligaya habang-buhay. Donya Maria: Huwag kang maingay at baka marinig tayo ni ama. Don Juan: Para sa iyo, ako’y buong tapang na magpapakilala ng aking sarili sa iyong ama. Scene 21 (Haring Salermo’s palace) Don Salermo: Ano ang iyong pangalan, nasaan ka nanggaling at ano ang iyong sadya? Don Juan: Mahal na hari, ang ngalan ko po ay Don Juan, ako’y nanggaling sa kaharian ng Berbanya at nandito po ako upang magpahayag ng pag-ibig sa iyong mahal na anak na si Donya Maria Blanca. Don Salermo: Kung gayon, bibigyan kita ng mga pagsubok na dapat mong pagtagumpayan kung hindi, ikaw ay mamamatay. Don Juan: Tanggap ko po ang iyong hamon, Mahal na hari. Don Salermo: Ang unang hiling ko ay dapat mong patagin ang bundok upang pagtaniman ng trigo, patubuin, pagkataposay anihin at sa aking paggising ay may tinapay na akong aalmusalin.

Narrator: Ang unang hiling ng hari ay nagtagumpay sa tulong ng kapangyarihan ni Donya Maria Blanca. Haring Salermo: Ang pangalawa mong pagsubok ay kailangan mong hulihin ang labindalawang maliliit na mga negrito na aking pawawalan sa laot ng karagatan at sa huli’y sila ay isisilid mo sa prasko. Narrator: Nagtagumpay na naman ang prinsepe sa tulong ni Donya Maria. Haring Salermo: Ang huli mong pagsubok ay ang pagpapaamo ng aking kabayo. Narrator: Sa huli ay nagtagumpay si Don Juan sa tulong ni Donya Maria. Pagkatapos ng kanyang huling hamon, ipinaopunta ni Haring Salermo si Don Juan sa isang kwarto na may tatlong pinto na may butasna nakalitaw ang mga hintuturo ng mga prinsesa. Haring Salermo: Ituro mo kung saan ang hintuturo ni Donya Maria Blanca. (Don Juan points) Narrator: Sa tulong ng mahika ni Donya Maria ay nagtagumpay si Don Juan. Haring Salermo: Hindi ito maaari! Hindi kita gusto para sa aking anak… Donya Maria: Wala na ho kayong magawa, ama. Ako’y sasama kay Juan at mamumuhay ng mapayapa. (runs with Don Juan) Don Salermo: Pagsisisihan ninyo ito, hindi kayo magtatagumpay at magiging masaya magpakailanman! (dies because of heart attack) Scene 22 (Nayon) Narrator: Pansamantalang itinigil ni Don Juan sa isang nayon si Donya Maria. Don Juan: Mahal ko, ako’y babalik muna sa Berbanya upang magbigay alam sa lahat na tayo’y magpapakasal. Babalikan kita. Donya Maria: Mag-ingat ka’t balikan mo ako…

Don Juan: Pangako… Scene 23 (Palace) Narrator: Ngunit nakalimot si Don juan sa kanyang pangako kay Donya Maria… Donya Leonora: Don Juan, aking mahal! Ako’y maligaya’t ikaw ay bumalik para sa akin…Amang hari, ako po’y magpapakasal kay Don Juan. Siya po ang aking tunay na mahal. Don Fernando: Kung gayon, kayo’y ikakasal. Scene 24 (Nayon) Donya Maria: Nagtaksil sa akin si Don Juan, hindi dapat ito mangyari… Siya ay para sa akin lamang. Scene 25 (Palace) Narrator: Nagsadya sa palasyo si Donya Maria sakay ang isang magarang karosa at suot ang isang napakagandang kasuotan. At siya ay naghanda ng palabas tungkol sa pagiibigan nila ni Don Juan upang muli siyang maalala nito. Donya Valeriana: Magandang pagdating, Emperatris. Don Fernando: Itigil muna natin ang kasal upang ating ipakita sa Emperatris ang ating malugod na pagtanggap sa kanya. Donya Maria: Ako’y maghahandog ng palabas sa inyo na ipinagbibidahan ng mga maliliit na mga negrito Narrator: Sa kasawiang palad ay hindi pa rin maalala ni Don Juan si Donya Maria. Kalaunan, nagbalik sa alaala ni Don Juan ang kanyang sumpa kay Donya Maria sa pamamagitan ng pagsasalaysay nito at ng mga negrito ang mga pangyayari. Don Juan: Ikaw nga, ang Mariang aking mahal… Tayo’y magpapakasal ngayon din.

Donya Leonora: Hindi! Akin si Don Juan , sa akin siya magpapakasal. Don Juan: Leonora, arsobispo at ama tunay ko pong mahal si Donya Maria. (Archbishop ang the king talk) Don Fernando: Ako at ang Arsobispo’y nagkasundo. Si Don Pedro’y ikakasal kay Donya Leonora at si Don Juan ay para kay Donya Maria. Donya Leonora: Kung saan ka masaya Don Juan ay doon din ako. Tanggap ko nang kayo’y magpapakasal kay Donya Maria. Donya Maria: Maraming salamat, Leonora. (hugs Leonora) Arsobispo: Don Juan, matatanggap mo ba si Donya Maria bilang iyong asawa? Don Juan: Opo. Arsobispo: Don Pedro, matatanggap mo ba si Donya Leonora bilang iyong asawa? Don Pedro: Opo. Arsobispo: Don Pedro, tanggapin mo itong setro’t korona bilang bagong hari ng Berbanya at Donya Leonora, tanggapin mo itong dyadema bilang simbolong ikaw na ang bagong reyna ng Berbanya. Kayo Haring Pedro’t Reyna Leonora, at Don Juan at Donya Maria Blanca ay tanggap na mag-kabiyak. Tao: Mabuhay ang bagong ikinasal! Mabuhay! Don Juan: Mahal kong ama, ina at ang aking mga kapatid, kami ni Maria ay uuwi na sa Cristalinos upang doon manirahan at mamuno ng mapayapa. Don Juan at Donya Maria: Paalam sa inyong lahat! Narrator: Naiwan ang Berbanya sa pamumuno ni Don Pedro at nagbalik naman sina Don Juan at Donya Maria sa Kaharing Cristalinos upang doon magsimula ng bagong buhay… At dito nagtatapos ang makulay na kwento ng Ibong Adarna mula sa akda ni Florante C. Garcia.