KABANATA 3 ANG HAPUNAN

Kunwari ay ayaw, pero gusto naman

Si Pray Sibyla ay labis na nasisiyahan, tahimik na naglalakad at sa kaniyang pinong labi ay mababakas ang pagwawalang bahala; Nagmababangloob at minarapat niyang kausapin ang pilay na si Doctor de Espadaña, na sumasagot ng paisa-isang salita dahilan sa pagiging utal. Hindi maitago ng Pransiskano ang pagkayamot, tinatadyakan ang mga silyang nakaharang sa kaniyang dinadaaanan, hanggang masiko pati na ang kadete.1 Ang tinyente ay seryoso; ang iba naman ay masayang nag-uusap at pinupuri ang mainam na handa. Si Donya Victorina ay ikinukunot ang kaniyang ilong,2 ay biglang itong nagalit na tila isang serpenteng natapakan--, natapakan ng tinyente ang palawit ng kanyang saya. ´Wala ba kayong mata?µ ang sabi.3 ´Mayroon po, senyora, dalawa at mas malinaw kaysa mga mata ninyo; ngunit nakatingin ako sa mga kulot ng inyong peluka,µ ang walang pitagang sagot ng opisyal, at lumayo.4 Tila likas na sa kanilang kaugalian, ang dalawang prayle ay sabay na nagtungo sa dakong ulunan ng hapag,5 at tulad ng inaasahan, naganap ang katulad sa mga nagtunggali sa katungkulan sa pamantasan: Pinupuri sa salita ang mga kahusayan at kalamangan ng kanilang kalaban, ngunit malinaw
MGA PALIWANAG 1 Isa itong paraan ng pagpapakita ni Rizal sa kaugalian ng mga prayle sa kaniyang kapanahunan ² kapag may sumpong ay nagbabarumbado na walang pinangingilagan, 2 Nakakunot na ilong ² pagpapakita ng pagmaliit o kawalan ng kasiyahang loob sa dinaluhan niyang pagtitipon. Wala ba kayong mata? - Mula sa isang galit na pagtatanong ni Donya Victorina ay nagawa ni Rizal na iparamdam sa mga tapat na opisyal ng kolonyal na pamahalaan na buksan nila ang kanilang mga mata sa mga nagaganap sa pamahalaan. Nararamdaman mo na ba ang kahusayan ni Rizal na magpahiwatig ng kaniyang kalooban sa pagitan ng bawat hanay ng mga salita. Masasalaming muli sa paraan ng pagsasalita ni Donya Victorina, ang kaniyang mapangahas na ugali na walang takot at pakundangan sa pagsasalita, kahit ito ay opisyal ng kolonyal na pamahalaan. 4 Kaya natapakan ni Tinyente Guevarra ang buntot ng serpente, este ang saya ni Donya Victorina ay dahilan sa nawiwili siyang panoorin ang kulot ng babae. Bakit tinitingnang mabuti ni Tinyente Guevarra ang kulot ni Donya Victorina? Labis na namamangha ang tinyente sa kagayakan ng buhok ng babae, maaring hindi pa muna ninyo masakyan ngayon kung ano ang dahilan, sa pagsapit ng kaukulang kabanata ay makikita ninyo kung ano ang tunay na anyo ni Donya Victorina mula sa lihim na paglalarawan ni Rizal sa Kabanata 42. Sa kabilang dako mapapansin ang malalim na layer sa nais na ipahiwatig ni Rizal ukol sa opisyal ng kolonyal na pamahalaan ² malapitan lamang ang kanilang nakikita at wala silang pang malayong pagmalas sa mga mahahalagang bagay na maaring mangyari. Ipinararamdam ni Rizal sa kaniyang mga mambabasa ang kawalan ng foresight ng kolonyal na hukbo pamahalaan sa kaniyang kapanahunan. 5 Maaring nagkakaroon pag-uunahan sina Padre Damaso at Sybila sa cabecera ng hapag-kainan, subalit ito ay isang pailalim na paglalarawan ni Rizal sa ugali ng mga prayle na nag-uunahan sa mga bagay na ukol sa kanilang mga personal na kapakinabangan at maging sa pang-korporasyong karangalan na nagiging dahilan upang sila-sila rin ang nagkakaaway-away.

42

Kabanata 3 ² Ang Hapunan

namang ipinahihiwatig ang kabaligtaran, at bubulong-bulong kapag hindi natamo ang hinahangad na katungkulan.6 ´Para sa inyo ang upuang ito, Pray Damaso!µ ´Para po inyo, Pray Sibyla!µ ´Kayo ay matagal ng kakilala« confesor ng yumaong asawa«7 nakahihigit sa katandaan, katungkulan at kapangyarihan«µ ´Kung sa katandaan ay lubhang hindi naman, subalit kayo ang kura ng parokya!µ ang maasim na sagot ni Pray Damaso, na hindi naman bumibitiw sa upuan. ´Kung utos ninyo, ako po ay sumusunod!µ ang tapos ni Padre Sibyla na nakahanda na sa pag-upo. ´Hindi ko iniuutos,µ ang pagtutol ng Pransiskano, ´hindi ko iniuutos!µ8 Mauupo na sana si Pray Sibyla, na binabale-wala ang tutol ng kapwa prayle, nang magkasalubong ang tingin nila ng tinyente. Ang pinakamataas na opisyal ayon sa palagay ng ng mga kaparian sa Pilipinas ay mababa kaysa isang tagalutong uldog.9 Cedant arma togae,10 sabi ni Ciceron sa Senado; cedant arma cottae,11 ang kasabihan ng mga prayle sa Pilipinas. Ngunit si Padre Sibyla ay may sapat na pakundangan at sinabing: ´Ginoong Tinyente, tayo ay nasa mundo at wala sa simbahan; sa inyo dapat ang upuang ito.µ Ngunit sa tono ng salita ni Pray Sybila, ang pahiwatig ay kahit nasa mundo ay sa kanya nakalaan ang silyang iyon.12 Ang tinyente marahil, ayaw

6 ´Ang papuring hindi totoo ay isang patagong insulto - Malaman sana na ang istilong ito ng pagpuri na may pabaligtad na kahulugan ang pinakamahusay na istilo ni Rizal sa kaniyang magiging panunudyo sa mga prayle. Maraming ganitong istilo sa nobelang ito at sa iba pang mga sinulat ni Rizal. Magbibigay agad si Rizal ng ganitong halimbawa sa kabanatang ito. 7 Si Pray Damaso ang confesor ng yumaong asawa ni Kapitan Tiyago!!! Ang pagiging confesor ni Padre Damaso ay susi upang makilala ang pinaghanguan ng pangalan ng paring ito. 8 Ang mga prayle ay mayroon iringan kung sino sa kanila ang higit na dapat na pahalagahan sa mga okasyong sosyal. Talagang magaganap ang banggaan ng dalawang o higit pang mga tao na nagtataglay ng labis na pagkakilala sa sarili. 9 Lay Brother ² kaanib sa ordeng relihiyoso, ngunit hindi tumanggap ng gawaing pagkapari, kinakatulong sila sa gawain ng kanilang orden sa mga gawaing pangkomunidad tulad sa mga paaralan at pagamutan ; ang ilan ay nakatalaga sa gawaing manwal - isa sa mga ito ay ang pagluluto. Sa kabila ng abang katayuan na ito ng isang lay brother sa orden religioso, ang tingin ng mga prayle sa mga ito ay higit na makapangyarihan pa sa pinakamataas na pinuno ng pamahalaang kolonyal ng Espanya sa Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo. (Glosaryo) 10 Ibaba ang armas sa nakasuot ng toga ² salawikaing legal sa panahon ng matandang Republikang Romano na hanggang ngayon ay umiiral sa mga gobyernong demokratiko upang ipakilala ang pangingibabaw ng kapangyarihan ng pamahalaang silbilyan sa pangkating militar. 11 Ibaba ang armas sa naka-abito ² isang imposisyon ng mga prayle na pinaiiral noong panahon ng mga Espanyol sa Pilipinas, upang ipakita ang pangingibabaw ng dayuhang kaparian sa pangkating militar ng Espanya sa Pilipinas. 12 Gaya ng pagpapakilala sa Kabanata 1 ² si Padre Sybila dahilan sa kaniyang mataas na edukasyon ay mayroong pakunwaring pagpapahalaga sa pamahalaan, subalit sa ilalim ng kaniyang isipan ay napakababa ng kaniyang pagtingin dito.

43

Anotasyon ng Noli Me Tangere

na magambala o ayaw maupo sa gitna ng dalawang prayle, ay matigas na tumanggi.13 Walang sinuman sa mga nag-aagawan ang nakaalaala sa may-ari ng bahay. Nakita ito ni ni Ibarra na nakangiting pinapanood ang mga pangyayari. ´Don Santiago, hindi ba kayo sasabay sa amin?µ Ngunit ang lahat ng upuan ay may tao na: ´Si Luculo ay hindi kumakain sa bahay ni Luculo.14 Diyan kayo! Huwag kayong tumayo,µ sabi ni Kapitan Tiyago na pigil sa balikat ang binata. ´Ang hapunang ito ay ipinagkaloob ko bilang pasalamat sa Birhen dahil sa inyong pagdating. Nagpaluto ako ng tinola, na siguradong matagal na panahong hindi ninyo natitikman.µ Dinala ang isang malaking lalagyan ng umuusok na tinola. Matapos na masabing pabulong ng Dominicano ang dasal bago kumain, na halos walang sumagot ay nagsimula ang pagbabahagi ng laman ng lalagyan. Marahil sa kawalan ng ingat ng tagapagsilbi o ano mang dahilan, napunta kay Padre Damaso ang platong may lamang maraming kalabasa15 at sabaw at isang hubad na leeg at isang matigas na pakpak ng inahin, samantalang ang iba ay kumakain ng mga hita at pitso, lalo na na si Ibarra na nagkapalad na mabigyan ng mga lamang loob. Ang Pransiskano, sa pagkakita ng lahat ng iyon, ay dinurog ang mga kalabasa, humigop ng kaunting sabaw, ibinagsak nang malakas ang kutsara at biglang itinulak ang pinggan. Ang Dominicano naman ay abala sa pakikipag-usap sa binatang may mapulang buhok. ´Gaano katagal na nawala kayo mula sa bayan?µ tanong ni Laruja kay Ibarra. ´Halos pitong taon.µ ´Kung gayon ay maaring nalimutan na ninyo ang lahat sa bayang ito?µ

13 Isang simple ngunit masakit na pagbibiro ni Rizal sa pamamagitan ng pabaligtad na sitwasyon ² tandaan si Cristo ay inilagay sa gitna ng dalawang magnanakaw at sa nobela ay nais paupuin si Tinyente Guevarra sa pagitan ng dalawang prayle. 14 Tinutukoy dito ay si Lucio Licinio (99-50 BC) heneral Romano na na isinalaysay ng manunulat na si Plutarch sa kaniyang akdang Parallel Lives. Sa panahon ng pagreretiro ni Luculo sa hukbo ay ginugol niya ang kaniyang malabis na kayamanan sa karangyaan at isa na rito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng marangyang handaan na naghahain ng masasarap na pagkain para sa kaniyang mga panauhin. Isa sa anekdota sa kaniyang buhay ay sinasabing isang araw ay walang panauhin si Luculo sa kaniyang bahay at dahilan dito ang tagapagluto ay naghain lamang ng karaniwang pagkain. Nang makita ito ni Luculo ay tinanong niya ang tagapagluto kung bakit iyon lamang ang nakahanda sa hapag-kainan. Sumagot ang tagapagluto na ito ay dahilan sa wala namang mga bisita. Pagalit na sinabihan ni Luculo ang tagapagluto na hindi sapagkat walang mga bisita ay hindi na dapat na maghain ng sagana at masarap na pagkain. Dapat na maghain ng sagana dahilan sa araw na ito ´Si Luculo ay kakain sa bahay ni Luculoµ. Ito ay kabaligtaran sa sinabi ni Kapitan Tiyago na ´Luculo ay hindi kumakain sa bahay ni Luculoµ Ang maling pagsipi ni Kapitan Tiyago ay isang pagpapakilala ni Rizal ng kawalan ng sapat na kaalamang pangkasaysayan ni Kapitan Tiyago at maari din naman ng kaniyang istilo ng pagsulat sa pamamagitan ng pabaligtan na paraan na may nakatagong kahulugan. 15 Malimit na maitanong sa akin ng aking mga estudyante noon sa kursong Rizal kung bakit kalabasa ang nakahalo sa tinola, imbes na papaya. Sa kapanahunan iyon, ang kalabasa ay siyang inilalahok sa tinola. (Antonio Codorniú y Nieto. Topograpia Medica de las Islas Filipinas p. 143.)

44

Kabanata 3 ² Ang Hapunan

´Kabaligtaran po: kahit na ang aking bayan ay parang nakalimot sa akin, ay inaalala ko siya sa lahat ng sandali.µ16 ´Ano ang ibig ninyong sabihin?µ ang tanong ng binatang may mapulang buhok. ´Ang ibig kong sabihin ay may isang taon nang hindi akong nakatanggap ng balita mula dito, katulad ko ay isang istranghero, hindi nalalaman kung kailan at papaano namatay ang kanyang ama!µ17 ´Aha!µ ang naibulalas ng tenyente.18 Nasaan kayo naroroon at hindi nakatelegrama?µ ang tanong ni Donya Victorina. ´Nang kami·y ikasal ay tumelegrama kami sa Peninsulaµ19 ´Senyora, nitong nakalipas na dalawang taon ay nasa Hilagang Europa ako: sa Alemanya at sa dako ng Poland, na sakop ng Rusya.µ Si Doktor De Espadaña, na hindi man lamang nangangahas na magsalita ay naniniwala na pagkakataon na siyang makapagsasalita ´Ma« may, kilala ako sa Espanya na isang Polanko taga Wa« warsaw, na ngalan ay Stadtnitzki,20 kung hindi ako nagkakamali sa aking pagkakatanda; siguro ay nakita ninyo siya doon?µ ang pahiyang tanong na halos namumula. ´Maari nga po,µ ang masuyong sagot ni Ibarra, ´ngunit hindi ko lang matandaan ngayon.µ
16 Sa pananalita ni Ibarra ay nagawa ni Rizal na masabi ang isa sa kaniyang damdamin sa panahon na siya ay nawalay sa Pilipinas mula 1882 hanggang 1887. Ano ang katunayan na palaging laman ng isipan ni Rizal ang Pilipinas? Ang kaniyang mga buhay at ginagawa ay nakasentro sa pagpapabuti ng kalagayan ng Pilipinas. Ang katotohanan nga nito, si Rizal ay maaring magkaroon ng oportunidad na pangkabuhayan sa Europa, subalit hindi ito ang kaniyang hinarap. Nagdanas siya ng mga pagtitiis na rito ang kasukdulan ay hindi kumain para lamang sa kaniyang misyon na magkaroon ang mga Pilipino ng isang malayang kaisipan na maari nating magamit sa pagpapabuti ng kalagayan ng ating lipunan. Ang pinakamalaking ebidensiya ng hindi paglimot ni Rizal sa Pilipinas sa panahon na siya ay nasa Europa ay ang kaniyang mahabang panahong ginugol sa pagsulat ng Noli na isang paglalarawan sa kalagayan ng lipunang Pilipino sa ilalim ng paghahari ng kolonyal na pamahalaan at simbahan. 17 Walang nangahas na magpabatid kay Ibarra sa kinasapitan ng ama ² isa sa mga ugali ng mga Pilipino ang bantulot na magpahatid ng pangit na balita. Sa kamatayan ng ama ni Ibarra ay hindi lamang pagka-bantulot kundi ang takot sa implikasyon ng balita sa binata at sa magbabalita. 18 Bakit nakapagbulalas ng ´Aha!µ si Tinyente Guevarra? - Ang hindi pagpapabatid kay Ibarra ng mga malalapit sa binata ay kumukumpirma sa kaduwagan ng mga Pilipino. Tandaan sana ang sinabi niya sa Kabanata 1 na ´Ang bayan(g San Diego) ay napakaduwag. 19 Mapapansin na ang pagtatanong ni Donya Victorina ay nais na magyabang sa kaniyang kausap. Ito ay dahilan sa mayroon siyang access sa makabagong paraan ng teknolohiya sa telekomunikasyon noong kaniyang kapanahunan ² ito ay dahilan sa kamahalan ng presyo nang paghahatid ng telegrama sa Espanya. Sa kabilang dako, mayroong nais na iparamdam si Rizal sa kaniyang mga matatalinong mambabasa noon. Madali na para sa mga Pilipino maging sa kaniyang kapanahunan ang iparating ang kanilang kalagayan sa Madrid dahilan sa mayroon ng adbanseng teknolohiyang pangkomunikasyon na nagli-link sa Pilipinas at sa Espanya upang epektibo nitong masubaybayan ang mga kaganapan sa Pilipinas. 20 Stadtnitzki ² ang apelyidong ito ay hinango ni Rizal sa isa sa kaniyang mga nakasabay na pasahero at naging kaibigan sa panahon nang paglalakbay noong 1882 sa barkong Djemnah mula Singapore hanggang Pransiya.

45

Anotasyon ng Noli Me Tangere

´Pero, hindi ninyo siya maipagkakamali kahit kanino!µ ang dagdag ng doktor, na lumalakas na ang loob, ´parang ginto sa kapulahan ang buhok at napakasamang magsalita ng Kastila.µ ´Aba, magandang palatandaan iyan, kaya lamang ay hindi ako nakapagsalita doon ng wikang Kastila kundi sa ilang konsulado lamang.µ21 ´At papaano kayo nakikipag-usap?µ ang nagtatakang tanong ni Donya Victorina. ´Ang mga wikang ng bansang pinupuntahan ko aking ginamit, senyora.µ ´Nagsasalita rin ba kayo ng Ingles?µ ang tanong ng Dominicano na nanirahan sa Hongkong at mahusay magsalita ng Pidgin-English22 iyong mapanirang paggamit sa wika ni Shakespeare ng mga anak ng Imperio ng Kalangitan.23 ´Nanirahan ako sa Inglatera sa loob ng isang taon, kasama ng mga taong walang ibang wikang ginagamit kundi ang Ingles.µ ´Aling bayan ang higit ninyong naibigan sa Europa?µ tanong ng binatang may mapulang buhok. ´Matapos sa Espanya, na pangalawa kong bayan, ay kahit na aling bayan sa malayang Europa.µ ´Parang marami kayong nalakbay« alin ang higit na natatangi?µ tanong ni Laruja. Si Ibarra ay tila nag-isip. ´sa papaanong paraan, natatangi?µ ´Sa halimbawa« tungkol sa buhay ng mga mamamayan« ang kanilang lipunan, pulitika, relihiyon, sa kabuuan, sa pinakabuod at diwa, sa kalahatan na«µ Matagal na nag-isip si Ibarra. Ipinagtatapat kong lubos, na humanga sa mga bayang iyon, kung isasantabi lamang ang taglay nilang mga pambansang kapalaluan«24 Bago ko dalawin ang isang bansa ay sinisikap kong pag-aralan muna ang kanilang kasaysayan, ang kanyang Exodo25 kung malalaman ko ito, pagkatapos ang aking makikita ay natural na lamang; Namasid kong ang kasaganaan o kahirapan ng bawat bayan ay dahilan sa taglay nilang kalayaan o pinagkaabalahan26 at umaayon sa mga mga pagkakapagkasakit o pagiging makasarili ng kanilang mga ninuno.µ27
21 Napilitan na umayon si Ibarra sa pagpipilit na nakita nito ang Polanko na si Stadtnitzki. Dahilan sa ang palatandaan na ibinigay ni Don Tiburcio ay tipikal na katangiang taglay ng lahat ng mga Polanko (Ongoco). 22 Garil na pag-iingles ng mga Insik sa Hongkong ² isang paraan ng pagpapakita ni Rizal sa kaibahan ng patakaran ng kolonyalismong British sa Hong Kong, kung saan hinihikayat ng mga ito na ang mga nasasakupang Tsino ay matuto ng wikang Ingles, samantalang sa Pilipinas ay pinipilit ng mga prayle na ang wikang Espanyol ay huwag matutunan. 23 Katawagan sa Imperyo ng Tsina. 24 Pambansang Kapalaluan ² paniniwala ng mga bansa na sila ay nakakahigit sa iba. 25 Exodo ² Pamagat ng isang aklat sa Matandang Tipan ng Biblia na tumatalakay sa paghihirap at pagsubok na pinagdaanan ng mga Hebrero bago nila maitatag ang kanilang bansa. Ginamit ang salitang ito sa nobela upang ipakita na sa likod ng pagkakatatag ng isang bansa ay dumaan muna ito sa malaki at mahirap na pagsubok, na positibo at kolektibong tinugunan ng mga mamamayan. Ang kasaysayan ay produkto ng patuloy na mga pagtugon ng mga tao sa hamon na nasa kanilang kinakaharap. 26 Sa bahaging ito ay makikita ang pananaw ni Rizal sa ukol sa kaunlaran ng isang bansa. Kinakailangan na ang mga mamamayan ay maging malaya sa isang mapanupil

46

Kabanata 3 ² Ang Hapunan

´Wala kang nakita ng higit pa diyan?µ ang magkasabay na pakutyang ngisi at tanong ng Pransiskano, na buhat ng magsimula ang hapunan ay hindi umiimik kahit isang salita, na marahil ay labis na nalilibang wari sa pagkain. ´Walang naging kabuluhan ang pag-aaksaya mo ng kayaman upang natutunan mo ang ganyang kaliit na bagay! Kahit sinong bata sa paaralan ay alam iyan!µ28 Napalagay si Ibarra sa isang nakakahiyang sitwasyon; at ang iba namang nabigla ay pinagmasdan silang dalawa at at natatakot na makakita sila ng isang iskandalo. ´Matatapos na ang hapunan at inyong reverencia ay bundat

na pamahalaan at ang pamahalaan naman ay kinakailangan na malaya mula sa panghihimasok o dikta ng mga mapagsamantalang dayuhang pamahalaan, instistusyong pananalapi, at maging sa sakim na interes pang-negosyo na nasa loob ng bansa. Huwag umasang magkakaroon tayo ng kaunlaran, hanggang hindi natin natutunan na tumayo sa ating mga sariling paa bilang isang tunay na malayang bansa. Sumunod na sangkap sa kaunlaran ay ang tinatawag na pinagkakaabalahan ² umutukoy ito sa pinagkakaabalahang industriya ng mga mamamayan ng isang bansa, higit sa lahat ang pinagkakaabalahan ay dapat na mayroong direksiyon na nakaayos sa isang pambansang planong pangkabuhayan. Huwag tayong umasa ng isang matinong pambansang planong pangkabuhayan, hangga·t ang patuloy nating isinasanla ang tadhana ng ating bansa sa mga panlabas na pinagkakautangan. 27 Tandaan ng mga mambabasa na ang kadakilaan ng isang bansa ay hindi isang biyaya na mahuhulog at lalong hindi ipagkakaloob ng mga dayuhang nagnenegosyo sa atin. ² Ito ay produkto nang pagsisikap at pagpapakasakit ng isang henerasyon na hindi makasarili, na gagawa hindi para lamang sa pakinabangan ng kanilang kapanahunan, kundi para sa higit na kapakinabagan ng kanilang magiging mga anak at mga apo. Sa isa sa artikulong sinulat ni Rizal ay kaniyang sinabi ang mga sumusunod na kaisipan. Makikita mo kung ano ang nais ni Rizal na alisin ng mga Pilipino sa kanilang mga isipan. ´Concerning his country every Filipino thinks this way: Let her settle her affair alone, save herself, protest, struggle; I ¶m not going to lift a finger, I·m not the one to settle things: I·ve enough with my own affairs, my passions, and my whims. Let others pull out the chestnut from the fire, afterwards we shall eat it. Filipinos do not seem to know that triumph is the child of struggle, that joy is the flower of many sufferings and privations, and that redemption presupposes martyrdom and sacrifice. They believe that with regretting, folding thir arms, and letting things go on as they are, they have fulfilled their duty. Others, it is true, pretend to do something more and give pessimistic or discouraging advice: The advise that nothing to be done. There are some, however, who begin to see clear and do all that they can. Rizal: How The Philippines is Governed Kung hindi lilitaw sa kasalukuyan ang isang henerasyon na magmamalasakit sa bayan ² manigas tayo pare-pareho at umasa nang higit pang malaking bilang ng mga Pilipinong maghihirap sa hinaharap na rito ay kasama ang ating mga anak at apo. Ang ninunong nagpapa-alipin ay nagbibigay daan sa pagsilang ng mga apong alipin. 28 Sa pananalitang ito ni Pray Damaso ay masasalamin ng mga mga mambabasa ang kaisipan ng mga prayle sa kaniyang kapanahunan, ito ang paniniwala na ang pag-aaral ay hindi dapat bigyan ng sapat na pondo. Mula rito ay mababakas ang isang kaisipan na nais buksan ni Rizal ² ang kawalan ng sapat na pondo para sa edukasyon ang ugat ng patuloy napaghina ng sistema ng edukasyon noon hanggang sa kasalukuyan. Isang masakit na katotohanan na naiwan tayo ng mga bansa sa Timog Silangang Asya sa larangan ng pangkabuhayang kaunlaran dahilan sa napabayaan natin ang ating edukasyon.

47

Anotasyon ng Noli Me Tangere

na,µ29 ang ibig sanang sabihin ng binata, ngunit nagpigil at sinabi na lamang sa ibang mga kasamahan sa kainan na: ´Mga ginoo, huwag ninyong ikabigla ang ganitong pamilyaridad na ginagawa sa akin ng aming dating kura; ganyan din po niya ako tinatrato noong ako·y bata pa;30 at tila ang mga taon na lumipas ay hindi gumawa ng pagkakaiba sa kaniyang reverecia31 at pinasasalamatan ko ito, sapagka·t ipinaaalaala niya sa akin ang mga araw na ang reverencia ay malimit na dumadalaw sa aming bahay at nakakasalo namin sa hapag kainan ng aking ama.µ32 Ang Dominicano ay sumulyap sa Pransiskano na nanginig. Nagpatuloy si Ibarra ay nagpatuloy, at kasabay ang pagtindig. ´Hayaan sana ninyo na ako ay makapagpahinga na, sapagkat kararating ko pa lamang, at bukas ay kailangang umalis agad ako, maraming mahalagang bagay ang kailangan kong harapin. Ang pinakamahalagang bahagi ng hapunan ay natapos na at iinom lamang akong bahagya ng vino at bahagya lamang tumitikim ng likor. Mga ginoo, lahat ng ito para sa Espanya at Pilipinas!µ33 At tinungga ang laman ng isang kopang maliit na bago ang mga sandaling iyon ay hindi pa niya nagagalaw. At tahimik siyang tinularan ng matandang tinyente.34 ´Huwag ka munang umalis!µ ang marahang sabi sa kanya ni Kapitan Tiyago. ´Darating na si Maria Clara: umalis si Isabel, para sunduin siya. Paparito din ang bagong kura sa bayan, na isang taong banal.µ35
29 Mayroong pagnanais si Ibarra na bastusin din si Pray Damaso ² subalit namayani sa kaniyang kaisipan ang hinahon. Mayroong pailalim na kahulugan ang pangungusap na tapos na ang hapunan at kayo ay bundat na. Ito ay higit na pagbabanta sa pangkatin ng mga taong nagsasamantala sa bayan, bago ang maganap ang isang himagsikan. 30 Dito ay nagpakita si Ibarra ng isang pagkutya kay Pray Damaso na mga edukado lamang ang makakagawa ganyan din po niya ako tinatrato noong ako ay bata pa ² bata pa ako bastos na talaga ang prayleng iyan. (Ongoco) ² Balikan ang Talahuli Blg. 7. 31 Isang maayos na pananalita na may masakit na kahulugan ´tila ang mga taon na lumipas ay hindi gumawa ng pagkakaiba sa kaniyang reverecia ipinagkaloob ni Ibarra ang isang masakit na pag-alimura kay Pray Damaso na ang ibig sabihin ay tumatanda ng walang pinagkatandaan. (Ongoco). Alalahanin ang Talababa 7. 32 Sa mga ´magandaµ niyang pangungusap ay nakatago ang pag-alimura na ² walang utang na loob pagkatapos na pakainin namin iyan sa aming bahay. (Ongoco) 33 Ang lahat ng ito ay para sa Espanya at sa Pilipinas ² binigyan ni Rizal ng isang kahalagahan ang ginawang patagong pang-iinsulto ni Ibarra kay Pray Damaso at ang layunin nang pang-iinsulto ito ay para sa kadakilaan ng Espanya at Pilipinas. Isang lihim na pagpapahiwatig sa kahalagahan na ang mga Pilipino at ang pamahalaang kolonyal ay dapat na magsalita laban sa pagmamalaki at manipulasyon ng mga prayle. Ang katotohanan, ang eksenang ito nang pagbibigay ng toast para sa Pilipinas at Espanya ay naganap mismo sa buhay ni Rizal noong Hunyo 1884, nang magkaloob si Rizal ng talumpating parangal kina Luna at Hidalgo na ginanap sa Café Ingles sa lungsod ng Madrid bilang pagpupugay sa pagwawagi ng dalawang Pilipinong alagad na sining sa ginanap na paligsahan sa pagpipinta. Sa nasabing pagbibigay pugay ay ininsulto ni Rizal ang mga prayle bilang mga unano na hindi nakikita ang kahahantungan ng bayan. 34 Ang lihim na panggagaya at pagsabay ni Tinyente Guevarra sa pag-inom ng alak ay isang indikasyon na nasakyan niya ang lihim na nais iparating ni Ibarra ² ang ginawang lihim na pang-iinsulto ni Ibarra sa prayle ay para sa karangalan ng Espanya at ng Pilipinas.

48

Kabanata 3 ² Ang Hapunan

´Paparito ako bukas bago umalis! Ngayon ay mayroon akong gagawing isang mahalagang pagdalaw.µ At patuloy na umalis. Samantala naman ay ibinubulalas ng Pransiskano ang kanyang sama ng loob at nakapanumbalik na sa kaniyang dating postura. ´Nakita na ninyo?µ ang sabi sa binatang mapula ang buhok at ikinukumpay ang cuchillo na gamit sa matamis.36 ´Iyan ay pagmamataas! Hindi nila matanggap na ituwid sila ng kura! Inaakala na sila ay mga kagalang-galang na mga tao! Iyan ang masamang resulta ng pagpapadala ng mga binata sa Europa! Dapat ipagbawal iyan ng Pamahalaan.µ ´At ang tinyente?µ sabi ni Donya Victorina na nakigaya sa Pransiskano, ´hindi na naalis ang kunot ng noo sa buong gabi; mabuti nga umalis dito! Kaytanda na, ay tinyente pa!µ Hindi malimutan ng babae ang panlalait sa mga kulot ng kaniyang peluka at ang natapakang palamuti ng kanyang kagayakan. Nang gabing yaon, ang binatang may mapulang buhok ay sumulat ng iba·t ibang bagay sa kanyang Estudios Coloniales,37 at isinulat ang sumusunod na talata: ´Kung papaano ang isang leeg at isang pakpak ng manok na napalagay sa isang pinggan ng tinola ng isang prayle ay maaring maging dahilan ng pagkasira ng kasayahan ng isang piging.µ At sa mga paunawa ay kasama ang ganito: ´Sa Pilipinas, ang maituturing na walang kabuluhan sa isang hapunan o pista ay ang taong nagbigay nito, maari nilang ihagis sa kalsada ang may-ari ng bahay at patuloy na walang balakid ang lahat. Sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan ay maaring isang kabutihan na huwag payagang umalis ang mga Pilipino sa kanilang lupain, o turuan man silang bumasa«µ38

35 Ang bagong kura ng San Diego ay isang taong banal ² inaanyayahan kong tandaan ng mga mambabasa ang ginamit na salita ni Rizal sa pagpapakilala ng bagong kura ng San Diego na darating din sa nasabing okasyon. Sa nasabing salita ay makikita ninyo ang lupit ni Rizal sa sining ng panunudyo na mababasa sa pagpapakahulugan ng ´banalµ sa Kabanata 6. 36 Pansinin ang lupit ni Rizal sa simbolismo Galit si Pray Damaso kay Ibarra habang ikinukumpay ang kutsilyo ² pagpapakita ng agresyon ni Pray Damaso at kahandaan na gumamit ng kutsilyo laban sa kabataan na nagdadala ng makabagong kaisipan (subalit pinalambot ni Rizal ang epekto dahilan sa ang kutsilyo na ikinukumpay ay ginagamit sa matamis ² isipin mo kung ginawa ni Rizal na ang kutsilyong ikinukumpay ng galit na si Padre Damaso ay kutsilyo sa karne). Tandaan ang ginawang pagpatay ng mga prayle kay GH Fernando Bustamante. 37 Isang notebook na pinagtatalaan ng kaniyang mga naging obserbasyon at pag-aaral sa kalagayang panlipunan ng Pilipinas. Ang isa sa mga mahahalagang estudio coloniales na nabasa ni Rizal ay ang aklat na sinulat ng Aleman na si Jagor ukol sa ginawa nitong pagdalaw sa Pilipinas noong 1859-1860. Maliban kay Jagor ay marami pang nabasang mga estudio coloniales si Rizal, na ang iba nga ay isinangkap pa niya sa nobelang ito at sa sa nobelang El Filibusterismo. 38 Tandaan ang sinabi ni Pray Damaso sa binatang mapula buhok sa Kabanata 1, na magbabago ang pananaw ng binata ukol sa mga katutubo ng Pilipinas pagkatapos nitong makakain ng maraming tinola. Ngunit sa unang tikim pa lamang nito ng literal na tinola (hindi pa siya nakakatikim ng simbolikal na tinola, nakakadalo sa mga sayawan at nakakahiga sa mga katre) ay nagbago na ang kaniyang pananaw sa Pilipinas at sa mga Pilipino. Ipinapakita rito ni Rizal kung gaano kabilis nagbabago ng pananaw ang mga bagong dating na mga Espanyol na may sinaunang magandang layunin para sa ating bayan, dahilan sa inpluwensiya ng mga prayle.

49