KABANATA 7 SUYUAN SA ASOTEA

Pag-aawit ng mga puso.

Maagang nagsimba sina Tia Isabel at Maria Clara: ang dalaga ay nakagayak, may rosaryong ang mga butil ay bughaw na nakaikot sa kamay at ang matanda ay nakasuot ang kanyang salamin upang mabasa ang Ancora de Salvacion1 samantalang nagmimisa. Saglit pa lamang nakaaalis ang pari sa altar ay sinabi ng dalaga ang kagustuhang makauwi, na ikinamangha at hindi ikanasiya ng mabait na tiyahin na nag-aakalang ang kanyang pamangkin ay mapanata at maibigin sa dasal, na katulad ng isang monja. Tumindig na nagkukurus at paungulungol ang butihing matanda. ´Ba! Patatawarin ako ng mabait na Diyos, na nakakilala ng higit sa puso ng mga dalaga kaysa inyo, Tia Isabel,µ2 ang nais sanang sabihin sa kanyang tiyahin upang matigilan ang matigas na sermong na parang sa ina. Ngayon ay nag-aalmusal na sila at inaalis ni Maria Clara ang inip sa pamamagitan ng pagtahi3 ng isang supot na sutla, samantalang ang tiyahin ay nagpipilit na alisin ang mga bakas ng nakalipas na kasayahan, kaya sinimulan na ang pagpapagalaw ng walis. Abala naman si Kapitan Tiyago sa pagbabasa at pagrerepaso sa ilang kasulatan. Bawat ingay sa kalsada, ang bawat sasakyang dumadaan ay nagpapatibok sa dibdib ng dalaga at nagpapanginig sa kanya.4 Ah, ngayon ay ninanais niyang muli ang bumalik sa tahimik na beaterio, kasama ng kanyang mga kaibigan! Doon maaaring makita siya na hindi manginginig, at nababalisa! Ngunit hindi ba siya (Ibarra) ang kaibigan noong siya ay bata? Hindi ba naglalaro kayo ng mga walang katuturang laro, hanggang sa mauwi sa paminsan-minsang pag-aaway? Hindi ko na sasabihin ang mga dahilan; kung ikaw na bumabasa ay nakaiibig na ay iyong mauunawaan, at kung hindi ay walang kailangan ang sabihin ko sa iyo: ang mga hindi pa umiibig ay hindi nakakaalam ng mga misteryong ito. ´Sa aking palagay, Maria, may katwirang ang manggagamot,µ sabi ni Kapitan Tiyago. ´Dapat kang magpunta sa lalawigan, labis kang namumutla at kailangan mo ng ng mabuting hangin. Saan mo gusto, sa
MGA PALIWANAG 1 Aklat dasalan na sinulat ni Jose Mach na nalimbag noong 1878, naging popular noong kapanahunan ng mga Espanyol sa Pilipinas. 2 Para kay Maria Clara ay higit ang kaniyang pagpapahalaga kay Ibarra, kaysa magtagal sa simbahan. 3 Pakitandaan lamang po ito at may makikita tayong pagkakatulad nito sa kabanatang nakaukol kay Elias at Salome. 4 Nagawang nailarawan sa bahaging ito ang labis na pananabik ng isang dalaga sa pagdating kaniyang kasintahan na nawalay sa kaniya sa loob ng maraming mga taon.

87

Malabon« o San Diego?µ Sa pagkarinig sa huling lugar ito ay namulang parang amapola5 si Maria Clara, at hindi nakasagot. ´Ngayon ay pumunta kayo ni Isabel sa beaterio, kunin ang iyong mga damit at magpaalam sa mga kaibigan mo,µ patuloy ni Kapitan Tiyago na di nagtataas ng mukha, ´hindi ka na muli pang babalik doon.µ Naramdaman ni Maria Clara ang isang kalungkutan na dinadanas ng isang kaluluwa kapag iiwanan na sa buong buhay ang isang pook na naging saksi ng kaniyang kaligayahan, ngunit ang isang panibagong damdamin din naman ay nakapagpapalambot sa gayong kalungkutan. ´Sa loob ng apat o limang araw, kapag mayroon ka nang mga bagong damit ay pupunta tayo sa Malabon« Ang ninong mo ay wala na sa San Diego; ang batang kurang naandito kagabi, ay siyang bagong kura doon, isang banal.µ6 ´Lalong mabuti sa kanya ang San Diego, pinsan!µ ang sabi ni Tia Isabel, ´at isa pa ay lalong maayos ang bahay natin doon, at malapit na ang pista.µ Ibig sanang yakapin ni Maria Clara ang kanyang tiyahin, nguni·t nadinig niya ang pagtigil ng isang sasakyan, at siya ay namutla.7 ´Ah, siya nga!µ sagot ni Kapitan Tiyago, ngunit nagbago at nasabing, ´si G. Crisostomo!µ Nabitiwan ni Maria Clara ang hawak na tinatahi, nagtangkang kumilos, ngunit hindi nangyari: isang panginginig ang naglakbay sa kaniyang katawan. Nadinig ang mga yabag sa hagdanan at pagkatapos ay isang sariwang tinig ng lalaki. Para bang ang tinig na iyo·y may taglay na hiwaga, kaya natanggal ng binibini ang kanyang nararamdamanat tumakbo tungo sa silid na kinaroroonanng mga santo. Ang magpinsan ay nagtawanan, at si Ibarra ay nakadinig pa ng tunog ng isang isinarang pinto. Namumutla at humihingal na tinutop ng binibini ang kanyang kumakabog na dibdib at nakinig. Nadinig niya ang tinig, ang tinig ng minamahal, na sa mahabang panahon ay naririnig lamang sa kaniyang pangangarap, at siya ang itinatanong. Hibang sa kagalakan na hinagkan ang pinakamalapit na santo, na nagkataon na si San Antonio Abad, santong mapalad noong buhay pa sa anyo ng laman at maging ngayong siya ay isa ng kahoy. sapagkat palaging nagkaroon

5 Amapola ² isang halaman na ang bulaklak ay pulang-pula 6 Sa pagamit ng pananalita ay parang maayos ang pahiwatig ni Kapitan Tiyago, subalit sa malalim na pagsusuri rito ay higit itong isang anyo ng insulto at pailalim na pagbabala sa dalaga. Una wala na si Padre Damaso sa San Diego at ang batang kura roon ay isang banal. Sa nakalipas na kabanata ay maalala natin ang paraan ng pagdagil ni Rizal sa mga prayle sa pamamagitan ng paglalarawan ng alagang baboy ni San Antonio ² ang katotohanan ang halos pakahulugan ng salitang banal sa satirikong pamamaraan ni Rizal ay ´baboyµ. Maari rin tingnan ang ganitong pagkutya ni Rizal sa Kabanata 5 at 12. 7 Hindi nasasakyan ni Tia Isabel ang lihim na babala ng pangungusap na ang bagong kura ng San Diego ay isang banal.

88

ng magagandang tukso!8 Pagkatapos ay hinanap ang butas ng susian, upang makita at masiyasat ang lalaki: siya ay napapangiti,9 at nang abutan siya ng kanyang tiyahin sa kanyang panunubok ay naglambitin sa leeg ng matandang babae at pinupog ito ng halik.10 ´Ano ba, hangal na bata ka, ano ang nangyayari sa iyo?µ ang nasabi ng matanda na pinahid ang isang patak na luha sa kanyang kuluntoy na mata. Si Maria Clara ay napahiya at tinakpan ang mga mata ng kanyang mabibilog na bisig.11 ´Halika na, mag-ayos ka!µ ang dugtong na masuyo ng matanda. Samantalang kinakausap niya ang ama mo tungkol sa inyong« halika, at huwag mo siyang paghintayin.µ Ang binibini ay napadalang parang batang maliit at nagkulong sila sa kanyang silid. Si Kapitan Tiyago at si Ibarra ay nag-uusap na mabuti nang lumitaw si Tia Isabel na halos kinakaladkad ang kanyang pamangkin, na pasuling-suling ang mga mata ngunit hindi tumitingin sa tao. Ano kaya ang pinag-usapan ng dalawang kaluluwang iyon na nag-uusap sa pamamagitan ng ng mga mata, na lalong mabuti kaysa sa bibig, usapan ng mga kaluluwa upang ang tunog ay di makagulo sa kaligayahan ng damdamin? Sa mga sandaling ang isipan ng dalawa ay nagkakaunawaaan sa pamamagitan ng titig, ang salita ay nagiging mabagal, pahinto-hinto, at mahina, na nagiging parang maugong na tunog ng kulog sa nakasisilaw na liwanag at tulin ng kidlat: ipinahahayag ang damdaming kilala na, isang
8 Pansinin ang pagdagil na ito ni Rizal kay San Antonio Abad. Ang nabanggit na santo ay tinukso ng diablo sa disyerto at sa dakong huli ay namuhay na isang ermitanyo. Sinabi ni Rizal na mapalad si San Antonio dahilan noong buhay sa anyong laman ay nagkaroon ng tukso at sa pagkakataong ito ay hinalikan ni Maria Clara. Ang pakiramdam ni Ambet na taga Katipunan ay ito ang unang Machete na sa literaturang Pilipino. 9 Aba! naninilip pala si Maria Clara ng lalaki. Ano ang katunayan na naninilip si Maria Clara? Pansinin na napangiti ang dalaga habang pinagmamasdan ng lihim ang kaniyang kasintahan. (May katulad na pagbanggit sa Kabanata 24). 10 Ano ang karagdagang katunayan naninilip talaga si Maria Clara? Iyong damdamin niya o panggigil sa kasintahan ay napagbalingan si Tiya Isabel. Sa pagdating mo sa Kabanata 24 ay higit mo itong malilinawan. 11 Bakit napahiya si Maria Clara? Naabutan siya ng kaniyang tiyahin na naninilip sa butas ng pintuan at tapos ay pinaghahalikan pa ito. Naramdaman ni Maria Clara na nahalata ng kaniyang tiyahin ang kaniyang itinatagong damdamin para sa binatang sinisilip niya kanina.

89

isipang batid na, at kung ginagamit ang pangungsap ay sa dahilan lamang sa kasabikan ng puso, na nakakasakop sa buong pagkatao na inaagusan ng kaligayahan, ay may nasang ang buong sangkap ng tao, na kasama ang lahat ng kabagayan ng pag-iisip at katawan ay magpahayag ng maligayang kagalakang inaawit ng kaluluwa. Sa mapagtanong na titig ng pag-ibig, ay walang maisagot ang pangungusap: ang sagot na palagi ay ang ngiti, ang halik o buntunghininga.12 Pagkatapos nang pagtitigan ang magkasintahan, ay mabilis nilang tinakasan ang alikabok na ikinakalt ng walis ni tia Isabel at nagtungo sa asotea upang malayang makapagusap sa lilim ng munting balag, ano kaya ang pinag-usapan nilang pabulong, at kayong mumunting bulaklak na pula ng cabello de angel na nakikinig? Kayo ang magsabi sa amin, yamang kayo ay may mabangong halimuyak sa inyong hininga at may kulay sa inyong mga la bi; ikaw, cefiro na nag-aral ng mga di-karaniwang himig sa lihim na taglay ng gabing madilim at sa hiwagang taglay ng aming mga birheng kagubatan;13 kayo ang magsabi, mga sinag ng araw, na siyang maningning na larawan sa lupa ng Lumikha,14 tanging walang katawan sa pook ng mga nilalang, kayo ang magsabi, kayo, sapagkat ako ay walang abot na isalaysay kundi mga kabaliwang walang kainaman!15 Subalit ayaw kayong magsalita ay tatangkain ko nang gawin ito sa aking sarili. Ang langit ay bughaw: isang masarap na simoy na hindi pa
12 Hindi ko na lalagyan ng paliwanag ang mga nakaguhit dahil kung bata ka pa ² hindi mo rin maiintindihan, at kung matanda na po kayo ² nagkakaunawaan tayo. Ano kamo ate, hindi mo naiintindihan kahit matanda ka na? Nauunawaan kita, dahilan sa may mga tao na kahit na matanda na, bata pa rin ang isipan. 13 Cefiro ² sa alamat ng Griyego ay diyos ng hanging kanluran na nagbabadya ng pagsapit ng tagsibol, makikita sa itaas ang isang paglalarawan. Makikita ang mapagpahiwatig na mga pangungusap ni Rizal sa kakayahan ni Cefiro na malaman ang di kraniwang himig ng gabi at itinatagong hiwaga ng mga birheng kagubatan. 14 Pansinin ang sinabing ito ni Rizal - ang liwanag ng araw na maningning na larawan sa lupa ng Lumikha, ikumpara ito sa mga larawan at rebultong inanyuan upang maging mga santo/santa sa kolonyal na simbahan. Ito rin halos ang naging sagot ni Rizal sa kaniyang pakikipagtalong pangrelihiyon sa pamamagitan ng pakikipagsulatan kay Padre Pablo Pastell, sa panahon na si Rizal ay nasa Dapitan. 15 Ang hanay ng pananalitang ito ang susi sa mga magiging pilyong paglalarawan ni Rizal sa ilang bahagi ng kabanatang ito, at sa marami pang mga kabanatang susunod pa dito.

90

nasasamyuan ng amoy ng rosas ang nagpapagalaw sa mga dahon at mga bulaklak ng mga halamang gumagapang sa balag, kaya marahang gumagalaw ang mga cabello de angel, sa mga orkidyas na nakabitin, mga isdang tuyo at mga lamparang Insik. Ang tunog ng sagwan na humahalo sa malabong tubig ng ilog, ang pagdaraan ng mga sasakyan at karo sa tulay ng Binondo ay umaabot sa kanila, ngunit ang hindi nila naririnig, ngunit hindi ang ibinubulong ng ale. ´Mabuti nga, diyan at mababantayan kayo ng lahat ng kapitbahay,µ ang sabi nito.16 Sa simula ay walang pinag-usapan kundi mga bagay na walang kabuluhan, mga masasarap na kasinungalingan na katulad sa mga pagyayabang ng mga bansa sa Europa; naiibigan at nasasarapan ng mga mamamayan sa bayang nagsasalita ng kayabangan ngunit nagpapangiti o nagpapakunot ng kilay sa mga taga-ibang lupa.17 Ang babae, dahilan sa kapatid ni Cain, ay selosa, kaya nagtanong sa kanyang giliw: ´Palagi mo ba akong naalaala, hindi mo ba ako nalimutan sa iyong mga paglalakbay; sa gayon karaming malalaking bayan, na maraming magagandang babae«!µ18 Ang lalaki naman, ay isa pa ring kapatid ni Cain, marunong umiwas sa mga katanungan at sumagot na kaunting kasinungalingan: ´Maaari bang kitang malimot?µ ang sagot habang na nakatitig sa maitim na balintataw ng mga mata ng dalaga, ´maaari ba ako ay magtaksil sa isang sumpa,19 Naala mo ba noong gabing bumabagyo ay nakita mo akong nag-iisang umiiyak sa tabi ng bangkay ng aking ina ay lumapit ka sa akin, ipinatong mo sa aking balikat ang iyong kamay na matagal mong ayaw pahawakan sa akin, at sinabi mong: ´Nawalan ka nang ina at ako ay hindi nagkaroon kailanman,µ at umiyak ka din at sinamahan mo ako sa aking pag-iyak? Minamahal mo ang aking ina at ikaw naman ay minamahal niyang parang tunay na anak. Sa labas ng bahay ay umuulan at kumikidlat, ngunit para sa akin ay tila nakaririnig

16 Mapapansin na palaging may hinalang gagawing ´hindi mabutiµ ang magkasintahan. Ibig sabihin ni Tia Isabel ay mabuti na ang sila ay nasa asotea upang makita ng mga tao at makaiwas sa tsismis ang nag-uusap na magkasintahan. 17 Ang usapan ng magkasintahan ay mga kayabangan (pambobola) na ang layunin ay higit na magpatawa kaysa sa magpahanga. Katulad ng mga bansa sa Europa na nagyayabang ng kanilang mga kahusayan, na kinakainis ng kanilang mga bansang karibal sa kapangyarihan. 18 Makikita ang pagiging selosa ng mga babae sa buong panahon ng eksistensiya ng sangkatauhan ² ito pa rin halos ang hanay ng kanilang katanungan ngayon. 19 Ang mga lalaki ay sadyang nagsisinungaling subalit nakatingin pa sa mata ng dalaga. Ang pagsisinungaling ay upang umiwas sa mga pagdududa at paselos na tanong ng minamahal. Tandaan sa Kabanata 5 na ang isa sa ginawa ni Ibarra sa Europa ay ang pagbubuhos ng alak sa mga bulaklak.

91

ako ng tugtugan, sa palagay ko ay nakikita kong nakangiti ang namumutlang mukha ng bangkay« O, kung buhay pa sana ang aking mga magulang at ikaw ay makikita nila! Ang ginawa ko noon ay hinawakan ko ang iyong kamay at ang kamay ng aking ina, sumumpang kita ay iibigin, bibigyang-kaligayahan, maging anuman ang kapalarang ibibigay sa akin ng kalangitan, at dahilan sa ang pagtupad sa sumpang iyon ito ay hindi naging mabigat sa akin kailanman, ito ay inuulit kong muli sa iyo sa ngayon. Maaari ba kitang malimot?20 Malilimutan ba kita, ang alaala mo ang kasama ko sa lahat ng sandali,21 naglitas sa akin sa mga panganib na nilakaran, ang naging lunas sa pag-iisa ng aking kaluluwa sa ibang bayan; ang alaala mo ang sumira sa bisa ng loto sa Europa na nakapawi sa alaala ng mga pag-asa at kasawian ng marami nating kababayan sa ating lupang tinubuan!22 Sa panaginip ay nakikita kita sa dalampasigan ng Maynila, nakatitig sa malayo, at nababalot ng mainit na liwanag ng maagang liwayway; nakakarinig ako ng isang malambing at malungkot na awitin na gumigising sa namamanhid na damdamin, at nagpapagunita sa alaala ng aking puso doon sa mga unang taon ng aking kabataan, ang ating mga kasiyahan, ang ating mga paglalaro, lahat noong maligayang panahong nakaraan na pinasaya mo samantalang ikaw ay nasa aming bayan. Sa akin ay para kang isang diwata, ang diwa, ang matulaing sagisag ng aking bayang tinubuan, maganda, matapat, masuyo, mahinhin, anak ng Pilipinas, niyang magandang lupaing pinagsama ang mga dakilang asal ng Inang Espanya at ng maalindog na ugali ng isang batang bayang, gaya ng pagkakaisa sa buo mong pagkatao ng lahat ng kagandahan at kariktang nahihiyas sa dalawang lahing iyon; at dahil dito, ang pag-ibig sa iyo at ang pag-ibig ko sa aking tinubuan ay nagiging isang-isa lamang«23 Malilimot ba kita? Madalas na parang naririnig ko ang tunog ng iyong piyano at ang tinis ng iyong tinig,24 at sa sandaling sasapit ang
20 Pinakamasarap na maririnig ng babae mula sa minamahal ay ang minamahal ng buong katapatan at habang panahon. 21 Ang mga pananalitang ito ay waring lihim niyang ipinararating kay Leonor Rivera. 22 Ang bisa ng ala-ala kay Maria Clara ang gumawa upang hindi makalimutan ni Ibarra ang Pilipinas. Dito ay nagsusumbong si Rizal, na maraming mga kabataang Pilipino na nag-aaral sa Europa ang nakalimot sa Pilipinas ² ang masarap na pamumuhay sa bansang masagana at malaya ay nagbigay sa mga mag-aaral na kabataang Pilipino na doon na mamuhay at makalimutan ang kapakanan ng Pilipinas. (maging ang bahaging ito ay palihim niyang ipinatutungkol kay Leonor Rivera) 23 Dalawang tapat na pag-ibig ang ipinapakita dito ni Rizal - sa bayan at sa minamahal. Maaring nagpapaliwanag sa bahaging ito si Rizal kay Leonor, upang ipakita na ang pag-ibig sa bayan at sa babaeng minamahal ay magkapareho. 24 Si Leonor Rivera ay mahusay na umawit at magaling tumugtog ng

92

hapon sa Alemanya, kung ako ay naglalakad sa mga kagubatan, na nilagyan ng mga mahihiwagang nilikha ng kanilang mga makata at ng mga misteryosong alamat ng kanilang matandang panahon, ay inaalala ko ang iyong pangalan, sa wari ko ay nakikitakita sa ulap na sumisipot sa dako roon ng libis, sa pakiramdam ko·y aking naririnig ang iyong tinig sa lagaslas ng mga dahon, at kung ang mga taga-bukid ay pauwi na, matapos ang kanilang paggawa, at ipinaririnig mula sa malayo ang kanilang mga karaniwang awit, sa wari ko·y nakikiisa sa tinig ng na nasa loob ng aking isipan, na nangagsisiawit nang patungkol sa iyo at binibigyan ng anyong wari·y totoo ang aking mga pangarap na ginagawa sa aking isipan. Kung minsan ay naliligaw ako sa mga landas ng kabundukan; at ako ay pagala-galang inaabutan ng gabi, na doo ay untiunting lumalaganap, na hinahanap ko ang dapat daanan sa pagitan ng mga puno ng pino, haya at ensina; kung magkagayon, pag ang ilang sinag ng buwan ay makalulusot sa mga puwang ng mga sangang mayayabong, ay namamalas kita sa gitna ng gubat na parang isang masintahing anino na nakikisama sa liwanag at sa dilim ng kasukalan; at sakaling ipinaririnig ng nightingale ang kanyang sari-saring awit ay inaakala kong dahil sa ikaw ay kanyang nakikita at ikaw ang siyang sa kanya·y nag-uudyok na umawit. Kung naalala kita!! Ang simbuyo ng iyong pag-ibig ay hindi lamang nagbibigay ng init kundi kumukulay din sa yelo. Ang magandang langit ng Italya, dahil sa kanyang kalinisan at kalawakan ay naghahayag sa akin ng iyong mga mata; ang kanyang masasayang tanawin ay nagpapakita sa akin ng iyong ngiti, gaya rin naman ng mga kabukiran sa Andalucia na may mahalimuyak na simoy, nakakalatan ng mga alalahaning kasilanganan, puno ng mga tulain at kulay, ay naghahayag sa akin ng iyong pag-ibig! Sa mga gabing mayroong nagaantok na buwan, samantalang aking sinasagwan ang isang bangka, sa ilog ng Rhin,25 ay itinatanong ko sa sarili kung hindi kaya dinadaya lamang ako ng aking guni-guni kapag natatanaw kita sa mga punong nasa pampang, sa talampas ng Lorelay26 o sa gitna ng mga alon, na

piyano. Si Leonor Rivera ang kasintahan ni Rizal sa Pilipinas noong siya ay nasa Europa ² ang mga alalahanin ni Rizal para kay Leonor ay isa sa mga dahilan kung bakit ninais niyang magbalik sa Pilipinas upang pakasalan ang dalaga. Makikita rito ang kahusayan ni Rizal bilang isang manunulat, alam niyang sa anumang paraan ay mababasa ni Leonor ang kaniyang nobela at dito ay naiparating niya sa kasintahan ang tunay na nilalaman ng kaniyang puso. 25 Rhine ² isa sa mga pangunahing ilog ng Europa na may habang 1,320 kilometro at bumabagtas mula Switzerland patungo ng Austria, Liechtenstein, Pransiya, Alemanya, at Netherlands. Ang ilog ay malapad at maaring paglakbayan ng malalaking sasakyang dagat ²nagkaroon ito ng malaking inpluwensiya sa kasaysayan, kultura, at kabuhayan ng Europa mula pa noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan. 26 Lorelei ² isang mataas na batuhan sa kanlurang bahagi ng Gitnang Alemanya at may taas na 120 metro at nakatayo sa pagitan ng pampang ng

93

umaawit sa katahimikan ng gabi, gaya ng diwata na nakaaliw upang pasayahin ang kapanglawan at kalungkutan ng mga sirang kastilyong iyon!µ

Ilog Rhine. . Isang manunulat Aleman na si Clemens Brentano ay sumulat ng isang nobelang pinamagatang Goldwi na pinagmulan ng alamat ng isang magandang sirenang nakaupo at umaawit sa batuhan, na umaakit sa mga marino na lapitan siya upang sila ay mangamatay.

94

´Hindi ako nakapaglakbay na katulad mo, ako ay walang nararating kundi ang iyong bayan, Maynila at Antipolo,µ27 ang sagot na nakangiti ng babae sapagkat naniniwala sa lahat ng sinasabi ng lalaki,28 ´ngunit magmula nang sabihin ko sa iyo ang salitang ´paalamµ ay napapasok ako sa beaterio, naalaala kita palagi at hindi kita nalimot kahit na iniutos sa akin ang gayon ng aking confesor, na nagbigay sa akin ng maraming parusa.29 Naaalaala ko ang ating mga paglalaro, ang ating mga pag-aaway noong tayo ay bata pa. Pinipili mo ang pinakamagagandang sigay sa paglalaro natin ng sungka; hinahanap mo sa ilog ang lalong mabibilog at makikinis na maliliit na bato na may iba·t ibang kulay upang maglaro tayo ng sintak; ikaw ay napakatunggak, lagi kang natatalo at bilang parusa ay tinatampal kita sa pamamagitan ng palad, ngunit sinasadya kong huwag lakasan sapagkat naaawa ako sa iyo. Sa paglalaro ng sungka ay higit kang madaya kaysa sa akin, kaya madalas tayong mauwi sa pag-aaway.30 Naalaala mo ba, noong nagalit ka nang totohanan? Labis mo akong pinahirapan noon, ngunit matapos iyon, nang pumasok ako sa beaterio at naalala ang gayong pangyayari, ako ay napapangiti, ninanasa kong kita ay makasamang muli, upang muling tayong magkagalit« at pagkatapos ay magkasundo agad. Noong tayo ay maliliit pa ay naligo tayong kasama ang iyong ina sa batis, sa lilim ng kawayanan. Sa pampang ng ilog ay maraming bulaklak at mga halaman na sinasabi mo sa akin sa wikang Latin at Kastila ang kakaiba nilang pangalan, sapagkat nag-aaral ka na noon sa Ateneo.31 Hindi kita pinapansin sa iyong pinagsasabi; ang pinagkakaabalahan ko ay ang paghabol sa mga paruparo at tutubi, na sa kanilang maliit na katawan,

27 Mapupuna rito na si Maria Clara kahit nakaririwasa ay limitado lamang ang kaniyang nagawang paglalakbay. 28 Kahinaan ng babaeng umiibig ay ang madaling maniwala sa mga sinasabi ng lalaking iniibig. 29 Ipinapalimot ng confesor sa dalaga si Ibarra ² kahit wala pa ang binata ay pinapapatay na sa dalaga ang pag-ibig. Sino ang confesor na ito? 30 Sa edad na 18-19 na taon si Rizal habang nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas ay lumipat siya sa isang boarding house kung saan ang kaniyang kasero ay mayroong isang anak na dalagitang 13 taong gulang pa lamang at may pagkakataon na nakakalaro niya ang dalagitang ito ng larong sungka ² ang dalagitang ito ay walang iba kundi si Leonor Rivera. 31 Sinasabi noon ni Ibarra ang scientific name ng mga halaman, bagay na hindi alam o iniintindi ni Maria Clara.

95

na parang aspile, ay taglay ang lahat ng kulay ng bahaghari at lahat ng naaaninag sa kapis, na nagliliparan at naghahagaran sa paligid ng mga bulaklak;32 kung minsan ay aking sinubok na hulihin ng kamay ang mga isdang maliliit na matuling naglalagos sa mga lumot at mumunting bato sa pampang. Bigla kang nawala, at bumalik kang may dalang korononang gawa sa mga dahon at bulaklak ng suha na inilagay mo sa akin ulo at tinawag mo akong si Cloe,33 ang koronang iyon ay ginawa mo mula sa mga gumagapang na halaman. Sa kamalasan ay kinuha ng iyong ina sa aking ulo ang koronang halaman, dinurog sa isang bato34 at inihalo sa ating pang-gugo; napaluha ka at sinabi mong hindi siya nakaaalam ng mitolohiya. ´Tunggak, huwag kang umiyak!µ ang sagot ng iyong ina, ´makikita mo pagkatapos nito ay babango ang inyong ulo.µ35 Ako ay nagtawa, at ikaw ay nagalit sa gayon, ayaw mo akong kausapin, at sa buong maghapon ay wala kang imik at ako naman ay ibig nang umiyak. Nang pabalik na tayo sa bayan at dahilan sa napakainit ng araw ay kumuha ako ng mga dahon ng sambong na tumutubo sa mga tabing daan, ibinigay ko sa iyo upang ilagay mo sa loob ng iyong sumbrero at nang di sumakit ang iyong ulo. Ngumiti ka at sa gayon ay hinawakan ko ang iyong kamay at tayo ay nagkasundo. Si Ibarra ay napangiting puno ng kaligayahan, binuksan ang pitaka at kinuha sa loob ang isang papel na kinalagyan ng ilang dahong nangingitim-ngitim, tuyo at mabango. ´Ang iyong mga dahon ng sambong!µ ang tugon niya sa titig ng binibini, ´ito lamang ang naibigay mo sa akin.µ36
32 Kaya pala naman hindi pinapansin ang scientific name ay tuwang-tuwa si Maria Clara sa pag-ikot ng mga paro-paro at tutubi sa paligid ng mga bulaklak. Ang susi sa katotohanan ng imahinasyon na ito na ibinigay ni Rizal kay Maria Clara ay mababasa sa paliwanag sa Kabanata 31. 33 Si Chloe ay kasintahan ni Daphnis sa maalamat na mitolohiyang Griyego. Ang magkasintahan ay kapwa mga pastol sa pulo ng Lesbos at nakatira sa gitna nang tahimik na parang at nabubuhay ng walang kamalayan sa kasalanan. Hindi ibig sabihin ay wala silang ginagawang kasalanan sa puntos ng moralista, hindi nila alam na ang kanilang ginagawa ay kasalanan sa puntos ng moralista. 34 Ang larawan ng babaeng mayroong korona ng mga bulaklak sa ulo ay kay Leonor Rivera mula sa sariling guhit ni Rizal noong siya ay nagaaral pa sa Unibersidad ng Santo Tomas. 35 Gumawa ng koronang dahon si Ibarra para sa ulo ni Maria Clara, kinuha ng ina at inihalo sa gugo ² pansining mabuti ang usapan ni Ibarra at ng kaniyang ina at matatawa kayo. 36 Pansinin na sa paraan ng pagsasalita o pagkakasulat, dito ay mararamdaman na si Ibarra ay naghahanap. Kung ayaw mong maniwala, tingnan ang kasunod na talababa at mabibigla ka sa kahusayan ni Rizal sa paglalagay ng pagbibiro sa kaniyang sinulat. Ano pa kaya ang gusto ni Ibarra na ibigay sa kaniya ni Maria Clara?.

96

Madaliang dinukot ng babae mula sa dibdib ang isang suputsuputang sutlang puti. ´Pst!µ sabi ng babae na tinampal ang kamay ng lalaki, ´hindi ko ipinahihintulot na paglaruan iyan: ito ay isang sulat nang pagpapaalam.µ37 ´Iyan ba ang sulat ko sa iyo, bago ako umalis?µ ´Mayroon pa ba kayong ibang sulat, aking ginoo?µ ´At ano ba ang sinasabi ko sa iyo noon?µ Maraming kasinungalingan, tulad ng paumanhin ng balasubas!µ sagot na nakangiti ng binibini, na nagpapahiwatig kung gaano kasarap sa kanya ang mga kasinungalingang iyon.38 ´Huwag kang malikot,39 babasahin ko sa iyo, pero hindi ko babanggitin ang iyong mga papuri, upang di ka naman mapahiya.µ At matapos na itaas ang papel nang pantay-mata upang di makita ng lalaki ang kanyang mukha ay nagsimula: ´Aking«µ, hindi ko babasahin sa iyo ang kasunod dahil kasinungalingan!µ at dinaanan ng tingin ang ilang talata. ´Nais ng aking ama ang ako ay umalis, sa kabila ng aking mga pakiusap. ´Ikaw ay lalaki,µ sabi sa akin, ´dapat mong pagisipan ang iyong kinabukasan at mga tungkulin. Dapat mong pagaralan ang agham ng buhay, bagay na hindi maibibigay sa iyo ng sarili mong bayan, na magagamit mo balang araw.40 Kung mananatili

37 Pansinin ang pagkakasunod-sunod: Pagkaatapos na magsabi ni Ibarra ng ´ito lang ang naibigay mo sa akinµ ay nakita niya na binubuksan ni Maria Clara ang bahagi ng kaniyang damit sa may dibdib na parang mayroong dinudukot. Makikita rito ang kahusayan ni Rizal upang ang kaniyang mga mambabasa ay magkaroon ng dalawang magkaibang kaisipan. Ano kaya ang hindi pinahihintulutang ipalaro ni Maria Clara? Siguro noong sinusulat ni Rizal ang bahaging ito ay napapangiti siya ng labis-labis, sa maaring isipin ng kaniyang mga mambabasa. Ito ang isa sa mga suliraning ibinibigay ni Rizal sa mambabasa ng kaniyang nobela ² kapag hindi naiisip ang isang bagay, lilitaw na tanga ang mambabasa, kung iisipin naman ang ibang bagay, lalabas naman itong malisyoso. Ikaw, anong uri ka sa dalawang mambabasa ni Rizal. Dito kaya nagmula ang paniniwala at biruan ng mga naunang henerasyon sa kanilang pagsasabing si ´Ayaw magpahipo si Maria Clara.µ 38 Ipinapakita ang ugali ng mga babaeng Pilipina na natutuwa sa mga pambobola ng kaniyang minamahal. 39 Bakit kaya sinabihan ni Maria Clara si Ibarra na huwag malikot? ² Mapupuna ang labis na lapit ni Ibarra sa dalaga, at maaring ito patotoo sa malisyosong hinala ng kahulugan sa talababa ukol sa ayaw ipalaro ni Maria Clara. 40 Sa paliwanag sa sulat ng ama ni Ibarra ay ipinapakita na katungkulan ng mga kabataan ang mag-aral sa agham ng pamumuhay upang higit na mapaglingkuran ang bayan. Hindi kaylanman makapaglilingkod ng epektibo sa bayan ang mga kabataang mangmang.

97

ka sa aking tabi, sa ilalim ng aking anino, sa pamumuhay na itong puno ng ulap, ay hindi mo matutunang tumanaw sa malayo; at sa araw na ako ay mawala ay mangyayari sa iyo ang tulad sa halaman na sinasabi ng ating makatang Baltazar,41 na: ´halamang lumaki sa tubig, nalalanta ang dahon sa bahagyang hindi madilig, natutuyo sa sandaling init.µ Nakita mo na? binata ka halos ay umiiyak ka pa!µ Nasaktan ako sa pasabing iyon at ipinagtapat ko sa kanyang ikaw ay aking iniibig. Ang aking ama ay hindi kumibo, nag-isip at matapos maipatong sa aking balikat ang kanyang kamay ay sinabi sa aking sa nanginginig na boses, na: ´Sa akala mo ba ay ikaw lamang ang marunong na umibig, at ang ama mo ay hindi, at hindi daramdamin ang iyong paglayo? Di pa natatagaalan ang pagkamatay ng iyong ina: ako ay patungo na sa pagtanda, sa gulang na humahanap ng pag-akay at pag-aliw ng kabataan, nguni·t gayunman ay tinatanggap ko na ang aking pag-iisa, at hindi ko maalaman kung muli pa kitang makikita. Subalit dapat kong alalahanin ang lalong mahahalagang bagay« Ang kinabukasan ay nagbubukas para sa iyo at sa akin ay nagsasara; ang mga pag-ibig mo ay sumisilang at ang akin ay unti-unti nang napapawi; sumusulak ang init sa iyong dugo at ang panlalamig ay pumapasok na sa akin, ngunit gayunman ikaw ay umiiyak, hindi ka marunong isakripisyo ang kasalukuyan alang-alang sa isang makabuluhang kinabukasan para sa sarili at sa iyong bayan!µ42 Ang mga mata ng ama ko ay napuno ng luha, at humingi ako ng tawad at sinabi kong ako ay handa na sa paglalakbay«µ43 Ang pagkabalisa ni Ibarra ay nakapigil sa pagbasa: ang binata ay namumutla at nagpalakad-lakad. ´Napapaano ka? Ano ang nangyayari sa iyo?µ ang tanong ng babae. ´Dahil sa iyo ay nalimot kong mayroon akong pananagutan, dapat pala akong magtungo ngayon din sa aking bayan? Bukas ang kaarawan ng mga patay.µ Si Maria Clara ay huminto, ang kaniyang malalaki at mapangarap na mga mata ay napatingin sa

41 Baltazar/Balagtas - makikita ang pagiging labis na popular ng makata sa kapanahunan ni Rizal at maging si Rizal ay sumipi ng mga kaisipan ni Balagtas. Ngayon ay nakilala mo na ang nais sabihin ni Rizal sa Kabanata 2 ² noong sabihan ni Ibarra ang isa niyang kausap na ´makatang nagpanatili ng aking pag-ibig sa bayan.µ 42 Pagpapakasakit para sa isang kinabukasan na may kabuluhan para sa sarili at sa bayan ² Sa pamamagitan ng pangungusap na ito ay ipinararating ni Rizal na ang mga kabataan ng bayan ay nangangailangan ng gumanap ng isang sakripisyon upang mabago ang lipunan sa kinabukasan. 43 Mahalaga ang sulat na ito sa kabuuan ng nobela dahilan sa ito ay gagamitin laban kay Ibarra. Tingnan ang mga nilakihang mga pangungusap na nagtataglay ng mapangahas na kaisipan para sa bayan. Tandaan na sa bahaging ito ay mayroong nang dalawang sulat na tayong natatalakay dito ² ang nawawalang sulat ni Pray Damaso (Kabanata 1) at ang sulat ni Ibarra na nasa pag-iingat ni Maria Clara.

98

binata; at matapos kumuha ng ilang bulaklak ay malungkot na nagsabing: ´Pumaroon ka, hindi kita pinipigil; sa loob ng ilang araw ay magkikita tayong muli! Ilagay mo ang mga bulaklak na ito sa libingan ng iyong mga magulang!µ44 Makaraan ang ilang sandali ay pumapanaog na sa hagdanan ang binata na kaakbay si Kapitan Tiyago at si Tia Isabel samantalang si Maria Clara ay nagkulong sa kanyang pinagdadasalan. ´Ipakisabi lamang ninyo kay Andeng na ihanda ang bahay, sapagkat darating si Maria at si Isabel! Maligayang paglalakbayµ ang sabi ni Kapitan Tiyago samantalang si Ibarra ay sumakay sa sasakyan, patungo sa liwasang San Gabriel. At pagkatapos, bilang pang-aliw, ay sinabi kay Maria Clara na umiiyak sa harap ng isang larawan ng Birhen: ´Siya, magtirik ka ng dalawang kandilang nagkakahalaga ng dalawang real45 sa bawat isa, ang isa ay kay San Roque at ang isa ay kay San Rafael na patron ng mga naglalakbay. Ilawan mo ang lampara ng Nuestra Señora de la Paz y Buenviaje, sapagkat maraming tulisan. Mabuti na ang gumugol ng apat na reales at anim na kuwaltang langis kaysa magbayad ng malaking tubos sa pagkakabihag!µ46

44 Ang pagkuha ni Maria Clara ng bulaklak para sa puntod ng ama ni Ibarra ay nagpapakita na walang alam ang dalaga sa kinasapitan ng bangkay ni Don Rafael. (Ongoco) 45 Real ²salapi noong panahon ng mga Espanyol at nagkakahalaga ng 12.5 sentimos. 46 Inaliw ni Kapitan Tiyago si Maria Clara sa pagtitirik ng kandila para sa maluwalhating paglalakbay ni Ibarra. Ngunit makikita din ang pinansiyal na interes ng pagmamalasakit ²ito ay upang huwag madakip ng mga tulisan si Ibarra at makaiwas sila sa pagbabayad ng malaking ransom.

99