You are on page 1of 4

Halimbawa ng Editoryal

Paninigarilyo sa pampublikong lugar


BALEWALA ang Republic Act 9211 (Tobacco Regulation Act of 2013). Sa ilalim ng batas na ito,
ipinagbabawal ang paninigarilyo sa pampublikong lugar at mga confined o enclosed areas gaya
ng ospital, gusali, sinehan, school, bus terminal, elevator, mga airconditioned room, klinika at
recreational facilities para sa mga bata.
Pero ang malungkot na katotohanan, hindi naipatutupad ang batas na ito. Matapos
pagkagastusan, pagbuhusan ng oras, pagdebatehan at talakayin nang matagal ay hindi rin pala
lubusang mapapakinabangan. Ang nakadidismaya, may mga mambabatas na sila pa ang
unang sumusuway sa batas. Sa halip na sila ang maging halimbawa para maipatupad nang
maayos ang batas, sila pa ang lumalabag.
Maraming naninigarilyo sa enclosed areas. Walang pakialam kahit na nasusulasok ang mga
nasa loob ng kuwartong airconditioned ng gusali. Walang pakialam kahit may magkasakit dahil
sa ibinubugang second hand smoke.
Isa ang gusali ng Senado sa mga lugar na hindi nasusunod ang R.A. 9211. Umanoy may ilang
senador na naninigarilyo rito at hindi na isinasaalang-alang ang kalusugan ng iba pang
nakalalanghap ng usok. May senador umano na naninigarilyo sa loob mismo ng kanyang
tanggapan. Dahil aircon ang tanggapan, hinihigop ito ng aircon kaya ang mga katabing
tanggapan ay nalalanghap din ang mabahong amoy ng sigarilyo. Sa halip na magbigay ng
halimbawa ang senador na huwag manigarilyo, siya pa ang pasimuno.
Sa ulat ng Department of Health, nangunguna ang cancer sa baga sa mga sakit na nakukuha
sa paninigarilyo at maraming Pilipino ang nagkakaroon nito. Ang iba pang sakit ay cancer sa
lalamunan, labi at dila at sakit sa puso. Kandidato rin sa pagkakasakit ang mga nakalalanghap
ng second hand smoke.
Ang mga mambabatas ang nararapat maging halimbawa sa pagpapatupad ng batas. Sila ang
dapat manguna at hindi yung sila pa ang nagpapakita nang kawalan ng respeto sa batas.
Sundin sana ng ilang mambabatas na matakaw sa yosi ang R.A. 9211.

Halimbawa ng Talumpati

Ang Buhay Estudyante sa Kolehiyo


Ano nga ba ang buhay estudyante sa kolehiyo? Mahirap ba? Madali? o tama lang?
Ang aking itatalumpati ay tungkol sa buhay estudyante sa kolehiyo. Alam na siguro natin ang
pakiramdam ng pagiging isang estudyante, pero, ang pagiging isang kolehiyo? Napakalaking
kaibahan pala ang maging isang kolehiyo sa elementarya at sekondarya, lalo nat tungkol sa
sunod-sunod na gawain na kailangan mong tapusin. Napakahalaga ang makapag aral sa
kolehiyo kaya hindi dapat tayo o ito binabalewala.
Hindi madali ang buhay estudyante sa kolehiyo, lalo na kapag sabay-sabay ang mga
gagawing proyekto, takdang-aralin, mga report, at meron pang pag pa-practice ng sayaw sa
P.E., dagdag pa natin ang pag re-review para sa exam. Ang hirap tuloy mag isip kung ano ang
uunahin. Sa paggawa natin ng mga ito ay dumadagdag pa ang problema sa puyat, kalaban mo
pa ang antok. Kaya minsan late nang makapasok sa umaga. Minsan naman ay dadagdag pa
ang mga bayarin na nag papabigat sa bulsa. Tulad ngayon, malapit nanaman ang exam kaya
marami nanamang kailangang gawin, pero normal lang naman yan dahil lahat yan ay talagang
mararanasan sa kolehiyo. Naaalala ko noong unang semestre, kapag nahuli ka ng kahit isang
minuto sa pag pasa ng proyekto ay hindi na ito tatanggapin ng instructor, wala naman tayong
magagawa dahil binigyan naman nila tayo ng oras at araw para tapusin iyon.
Sa kolehiyo, hindi rin nawawala ang pangongopya, nandyan pa rin ang lumiliban sa
klase dahil sa tamad nang pumasok. Marami siguro silang pang bayad, kaya ganoon. Ang iba
naman lumiliban dahil sa pag lalaro ng mga Online Games. Ang gumagawa lang ng mga
ganoong bagay ay mga estudyanteng tamad at hindi nag seseryoso, binabalewala nila ang pag
hihirap ng kanilang mga magulang para lang makapag aral sila. Mayroon din akong pinsang
ganyang, hindi naman sila mayaman pero ewan ko bat hindi siya nag seseryoso sa kanyang
pag-aaral, kaya hindi nag tagal ay pinahinto na lamang siya. Hindi rin nawawala ang mga
ligawan, mayroon pang mga nag lalakad na nakaholding hands at pasway sway pa. Mayroon
ding mga nag aasawa o nabubuntis ng maaga, dahil siguro sa sobrang pagmamahal.
Sa buhay kolehiyo ay hindi lang puro hirap sa pag aaral, nandyan parin ang
kasiyahan. Hindi rin nawawala sa barkada ang gumimik, pero minsan lang naman kung baga
konting pagliliwaliw. Masaya rin kapag pati ang instructor ay kasama mo sa lokohan, at kapag
may Tour ang buong klase. Maraming bagay ang masasaya basta lahat ay nagkakasundo.

Halimbawa ng Lathalain

Lathalain: Ang Pag-ibig


nga naman...
kaw bay may minamahal? Nais mo bang magkaroon ng ilang kaalaman sa panliligaw?
Gusto mo bang ipadama sa kanya ang tunay mong damdamin?

Ang panliligaw ay isa sa palasak na gawain ng mga kabataan. Ito rin ay naging bahagi na ng
kulturang Pilipino na di nawawala. Ito ay nagpapahayag at nagsisimbulo sa isang umiibig at
nagpaparamdam ng kanyang pag-ibig sa kanyang napupusuan. Noong unang panahon,
masyado silang pormal at kung magpapakita ng nararamdaman sa kanilang kabiyak. Minsan
pa nga ay pingkakagastusan pa nito ito at binibigyan ng kung anu-ano para lamang
mapaamo o ma-impress ang kanyang niligawan.
Ang babae naman kung minsan ay nagpapakipot pa kahit gusto naman o kaya naman ay
dahil sa istrikto ang mga magulang nito.
Sa ngayon ibang klase na ng panliligaw ang kinagawian ng mga kabataan ngayon.
Ligaw hindi na umaakyat ng ligaw sa bahay, kung kayat hindi alam ng mga magulang ng
babae na may nanliligaw sa anak nila o nililigawan ang anak nila. Kapag sinagot na ang
manlligaw hindi pa rin ito nakikilala ng kanilang magulang, kahit nga minsan ay isang araw
lamang nagtagal ang panliligaw ay sinasagot pa rin ito.
Motibo minsan ay babae na ang nanliligaw. May mga babaeng liberal na kapag sila ay
may nagugustuhang lalaki ay sila na unang nagpapkita ng motibo para mapansin ito.
Tulay may mga lalaking nagpapalakad na lang sa mga kaibigan ng babae upang
makapanligaw. Sila ang mga nagiging tulay upang magkalapit ang kanyang kaibigan na
babae sa lalaking nanliligaw.
Regalo merong mga lalaking nagbibigay ng mga tsokolate at mga rosas. Minsan pa nga
ay kahit na anong bagay, basta imported.
Atensyon gusto ng mga babae na sa kanila lang ang atensyon ng lalaki na kahit gumawa
ng iskandalo sa kalye dahil may nabalitanan siyang kabit nito. Ang gusto ng mga babae, lagi
silang binubuntutan ng mga lalaki.
Easy to get ang mga babae ngayon ay madaling mapasagot dahil natatakot silang
mawala ang lalaking nanliligaw lalo na kapag ito ay gwapo.
Two-timer mayroong mga lalakeng sinasabay sabay ang panliligaw para kung hindi sila
sagutin ng isa ay nay irereserba sila o kaya naman ay kabi-kabila ang girlfriend o boyfriend.
Panakip-butas mayroong mga lalaking mayroon ng kasintahan na kapag mayroon silang
hindi napagkasunduan ay hahanap ng babaeng mapaghihingahan ng sama ng loob at kapag
silay nagkaayos na, babalikan na ito at iiwan ang babaeng ginawang panakip-butas.
Hindi tayo kailangang magpadala sa takbo ng modernong panahon dahil hindi puro
kabutihan ang hatid nito. Tulad ng panliligaw, hindi natin kailangang makisabay sa agos ng
panahon, dahil kung lahat ng pagbabago sa ating kapaligiran ay pakikisabayan natin, hindi
magiging mganda ang idudulot nito. Minsan sakit, at kapighatian lang ibinibigay nito. Kung
kaya kailangang pag-isipan ang ganitong bagay upang hindi tayo masaktan at hindi tayo

makasakit ng iba. Pero higit sa lahat, pag-aaral muna at ang iyong kinabukasan ang iyong
unahin. Isinulat nina Jesusa Garcia at Alvin Hernandez

You might also like