You are on page 1of 1

Salamat aking Kaibigan

Bukod tanging ikaw lang ang naiba sa lahat
Ngiting maamo at may pusong busilak
Tulad moy isang bituin nagnining-ning sa ulap
Sakupin man ng dilim,itoy kusang liliwanag.

Ngiting walang bahid ng anino
Naglalarawan ng tunay mong pagkatao
Huwag sanang mawala o itoy magbago
Tunay na kaibigan na walang pagbabalatkayo!
Salamat kaibigan sa mga tulong mong ibinigay
Salamat at ikaw ay nagging bahagi ng aking buhay
Sa mga panahon na ang mundo ko ay balot ng dilim
Ang aking mga pasanin sayo ay hindi nagging lihim
Mahinahon mong pinakinggan ang aking mga daing
At matiyagang nagbigay payo at habilin
Marahan mong pinunasan ang mga luha
Mga luhang ikinubli sa likod ng seryosong mukha
Sa kabila ng mga problema nagawa mo akong mapangiti
At pinilit mong kaligayahan sa akin ay maibahagi
Salamat kaibigan sa oras na sa akin inilaan
Salamat ang tinig ko ay iyong pinakinggan
Bagamat malayo ika ay nagging matatag na sandalan ko
Binigyan ng panibagong lakas upang di sumuko
Ngayon bilang pagkilala sa isang tunay na kaibigan
Sa iyong pagbagsak ikay sasaluhin

Meron pa ba akong hihilingin?
Sa katulad mong tingin ko'y napakalambing
Sino ba ang d' mabibighani sa ngiti mong walang asim
Kahit sinomay mapapa ah kapag sa iyo ay tumingin.
Taos pusong pasasalamat ang aking inaalay
Handog na tula nasa atin ay nag-uugnay
Ating pagyamanin at gawing isang gabay
Panatilihing matatag habang tayo'y nabubuhay......