KABANATA 25 SA BAHAY NG PILOSOPOi

Sa umaga ng sumunod na araw, matapos na dalawin ni Juan Crisostomo Ibarra ang kanyang mga lupain, ay nagtungo ito sa bahay ni Matandang Tasyo. Ang kumpletong katahimikan ang naghahari sa halamanan sapagka·t ang mga langay-langayang nagliliparan sa harapan ng bahay ay bahagya nang makagawa ng ingay. Ang lumot na tumubo sa matandang bakod na bato na ginagapangan ng isang parang baging na nagiging palamuti sa bintana. Ang munting bahay na iyon ay mistulang mansiyon ng katahimikan. Maingat na itinali ni Ibarra ang kanyang kabayo sa isang tukod, at halos ang daliri lamang ng paa ang inilakad, na dumaan sa halamanang malinis at mabuti ang pagkakaalaga; inakyat niya ang hagdanan, at dahilan sa nakabukas ang pinto, ay pumasok. Ang unang nakita ng paningin ay ang matanda na abalang nakayuko sa isang aklat na sinusulatan. Sa mga dingding ay may sari-saring tinuyong insekto at mga dahon, kasama ng mga mapa at mga estante na puno sa aklat na nakalimbag at mga sulat-kamay.1 Labis na nakatuon ang isipan ng matanda sa kaniyang ginagawa kaya hindi napansin ang pagdating ng binata, kundi nang ito, sa pagnanais na huwag makaistorbo, ay nagbalak na umalis ng walang pasabi. ´Aba! Nariyan pala kayo?µ ang tanong na tinanaw na may pagtataka si Ibarra. ´Patawarin ninyo!µ ang sagot nito, ´napansin kong marami kayong ginagawa«µ ´Oo nga, nagsusulat ng kaunti, ngunit hindi naman kailangan na matapos na madali at ibig ko namang magpahinga. May maitutulong ba ako sa inyo?µ ´Malaki po!µ sagot ni Ibarra na lumapit, ´ngunit«µ at tinanaw ang aklat na nasa ibabaw ng hapag. ´Aba!µ ang bulalas na pahanga. ´mahilig pala kayong bigyan ng kahulugan ang mga geroglifico.µ2
MGA PALIWANAG i Sa kabanatang ito ang pag-uusap ng creole/ilustrado (Ibarra) at ng katutubong intelekwal na si Pilosopo Tasyo. Inilalantad ng katutubong intelekwal ang kalagayang palipunan ng Pilipinas sa isang creole/ilustrado. SA BAHAGING ITO AY IBUBUNYAG NI RIZAL ANG PARAAN UPANG MAUNAWAANG GANAP ANG MGA NILALAMAN NG NOBELANG NOLI ME TANGER. 1 Makikita sa ginawang paglalarawan ni Rizal sa labas at loob ng bahay ni Matandang Tasyo ang kapaligiran ng isang taong palaaral. 2 geroglifico - Paraan ng pagsulat sa pamamagitan ng mga tanda larawan na may kahulugang bagay, salita, titik, pantig at tunog ng mga wika. Kaiba

312

´Hindi!µ ang sagot ng matanda na inabutan siya ng isang upuan, ´hindi ako marunong ng Ehipsiyo, ni Kopto (matandang wikang ginagamit ng mga Ehipsiyo) man lamang, nguni·t nakauunawa ako ng kaunting paraan nila sa pagsulat, at sumusulat ako sa pamamagitan ng mga geroglifico.3 ´Sumusulat kayo ng geroglifico? At, bakit?µ tanong ng binata na alinlangan sa nakikita at naririnig. ´Upang huwag mabasa sa panahong ito ang aking 4 sinusulat!µ Si Ibarra ay napatitig sa kanya at sumagi sa isipan na may katotohanan ngang baliw ang matanda. Siniyasat niya ang aklat upang tingnan kung hindi nagsisinungaling at nakitang mabuting-mabuti ang pagkakalarawan ng mga hayop, mga bilog, mga kalahating bilog, mga bulaklak, mga paa, mga kamay, mga bisig, atbp.5
ito sa ating paraan ng pagsulat ngayon na ang gamit ay titik ponetiko, dahilan sa ating pagsulat at pagbasa ang bawat titik ay kumakatawan o nagpapabatid ng tunog. Maging si Rizal ay nagkaroon ng pagkakataon na pag-aralan ang sistema ng pagsulat geroglifico ng mga taga Ehipsiyo. Sa kabilang dako pansinin ang mga salitang ´mahilig pala kayong bigyan ng kahulugan ang mga geroglificoµ 3 ´sumusulat ako sa pamamagitan ng mga geroglifico.µ - Hindi sumusulat ng geroglifico Ginamit ni Rizal ang salitang geroglifico sa paraan ng pagsusulat ni Pilosopo Tasyo ² dito makikita ang henyo ni Rizal sa simbolismo, sapagkat ang paraan ng pagsulat niya ay hindi sa literal na geroglifico, kundi ito ay sa anyo ng paglalarawan ng mga bagay at pangyayari. ² sa ganitong paraan inilarawan ni Rizal ang kalagayan ng Pilipinas sa sarili niyang anyo ng ´geroglificoµ ² ang paglalarawang simbolikal sa pamamagitan ng mga titik at pananalita at hindi nang grapikal ng kalagayan ng bayan. 4 Isang aklat na hindi layunin na mabasa ng kaniyang mga kapanahon ² Ayon kay Ongoco, si Pilosopo Tasyo ay sumusulat ng kaniyang sariling Noli Me Tangere. Sana ang gawang ito ng inyong lingkod ay maging unang hakbang sa pagbubukas ng ating mga kaisipan upang unawain ang mga lihim na mensahe ni Rizal, para sa ating kapanahunan. 5 Siniyasat niya ang aklat upang tingnan kung hindi nagsisinungaling at nakitang mabuting-mabuti ang pagkakalarawan ng mga hayop, mga bilog,

313

´Bakit kayo sumusulat, kung ayaw ninyong mabasa ang inyong isinusulat?µ ´Dahilan sa hindi ko inilalaan sa ating mga kapanahon ang aking sinusulat kundi sa ibang panahong darating. Kung mababasa ng ating mga kapanahon ang aking mga sinusulat ay marahil susunugin ang aking mga aklat, ang aking hinarap na gawain sa buong buhay; samantalang sa isang dako, ang henerasyon na makakaalam sa kahulugan ng mga titik na ito ay pawang matatalino, mauunawaan nila ang ibig kong kong ipaalam at masasabi nilang:6 ¶Hindi ang lahat ay natutulog sa kapanahunan ng ating mga ninuno.·7 Ang lihim o ang mga di-karaniwang titik8 na ito ay siyang nakapagliligtas sa aking gawa sa kamangmangan ng tao,9 gaya rin naman ng pangyayaring ang lihim at mga kung anu-anong mga paraan ay siyang nakapagligtas sa maraming katotohanan sa mapanirang kamay ng mga kaparian.µ10
mga kalahating bilog, mga bulaklak, mga paa, mga kamay, mga bisig, atbp. Kaibigan, hindi ba ito ang paraan ng paglalarawan ni Rizal sa iba·t ibang mga bagay ukol sa Pilipinas at mapapansin ninyo ang malupit na pagsasa-detalye ng mga ito. Kapag ito ay inyong napansin, ay masasabi ninyong ang sinusulat ni Pilosopo Tasyo ay ang kaniyang sarili Noli Me Tangere ² at ang bahaging ito siyang isang susi na ibinibigay ni Rizal upang makilala ang kaniyang nobela. 6 Mga matatalinong henerasyon na may kakayahan na unawain ang nilalaman ng Noli Me Tangere at mauunawaan ang dahilan ng kahinaan ng bayan. 7 Ipinapakita na sa kabila ng isang mapanupil na lipunan at paghahari ng mga pamahiin na kumakalaban sa mga makabagong kaisipan ay mayroon pa ring mga tao na nag-iisip ng pagsulong at pag-unlad, at bumabatikos sa kababawan ng isang marumi at mapagsamantalang sistemang panlipunan. 8 Ang lihim o ang mga di-karaniwang titik ² ito ang magpapatunay na ang aklat na sinusulat ni Pilosopo Tasyo ay hindi talagang isinusulat sa literal na paraan kundi sa pamamagitan ng mga maayos, maingat at hindi simuladong paraan ng mga simbolismo at pagkakasalansan. 9 Ang lihim o ang mga di-karaniwang titik na ito ay siyang nakapagliligtas sa aking gawa sa kamangmangan ng tao. Binalak ng mga kalaban ni Rizal na sistematikong itago ang mga ideya ni Rizal sa Noli Me Tangere sa pamamagitan ng paglalabas ng mga peke at lugaw na nobelang ipinakikilalang ´Noli Me Tangereµ. Sa kabilang dako, hindi pa rin nila nagawa na burahing lahat, kahit na sa pinakapopular na expurgated edition ay hindi nila magawang maitagong ganap at kung babasahin sa pagitan ng mga hanay ay makikita pa rin ang nakatagong pagdagil sa pamahiin na pinalaganap noon ng mga alagad ng kolonyal na Katolisismo sa isipan ng mga Pilipino.

314

´At sa anong wika kayo sumusulat?µ tanong ni Ibarra matapos ang mahabang pagkakapatigil. ´Sa wika natin, sa Tagalog.µ ´At magagamit ba ang mga titik na geroglifico?µ ´Kung hindi lamang dahil sa kahirapan ng pagguhit ng mga larawan na kailangan ng panahon at patitiyaga11 ay masasabi ko halos na lalo pa silang nakahihigit kaysa alpabetong Latin.12 Taglay ng lumang Ehipsiyo ang ating mga tinig; ang ating o, na panghuli lamang at hindi kagaya ng sa Kastila, kundi isang tinig na pagitan ng o at u; gaya natin, ang Ehipsiyo ay wala ring tunay na tunog e; nasa kanya ang ating ha at ang ating kha na wala sa sa abakadang Latin na kagaya ng paggamit natin sa wikang Kastila. Sa halimbawa: sa salitang mukha,µ ang dugtong na itinuro ang nasa aklat, ´nailalagay kong lalong wasto ang pantig na ha sa pamamagitan ng anyong isdang ito, kaysa h ng Latin, na may iba·t ibang pagbigkas sa Europa. Sa isang pagbigkas na lalo pa manding mahina, sa halimbawa sa salitang hain, na ang h ay lalong malambot, ay ginagamit ko ang ulong ito ng leon o ang tatlong

10 Mapanganib ang mga kaparian sa panahon ng mga Espanyol, pinupugnaw nila ang kritikal na anyo ng intelekwal na pagkamalikhain ng mga Pilipino. Ang unang biktima ng kanilang mga mapagpugnaw na kamay ay ang mga matatandang kasulatan na ginawa ng ating mga ninuno sa panahon na hindi pa tayo nabibiktima ng kolonyalismo. Ang Noli Me Tangere ay humarap din sa tangkang direktang pagpugnaw ng mga dayuhang kaparian. Sa sulat na natanggap ni Rizal Sa pag-alis ni Rizal sa Pilipinas noong 1888, ganap na nilikom ng mga prayle ang mga nalalabing kopya ng Noli Me Tangere sa bansa. Matutunghayan ang katotohanan nito sa tinanggap na sulat ni Rizal kay Alex Schandenberg mula sa Vigan, Ilocos noong Abril 9, 1889 na nagbabalita na dumating sa nasabing lugar si Arsobispo Pedro Payo at maingat na nagtatanong ukol sa nobela sa paglalayon na sunugin ang lahat ng natitirang kopya. Hindi nagawang mapugnaw ang lahat ng kopya ng Noli Me Tangere at nakarating sa ating panahon at upang ito ay maitago ay pinunit ang nobelang ni Rizal, upang hindi mabasa ng buo ng maraming mga matatalinong mag-aaral ang kabuuan ng nobela na dapat sanang nagpakilala sa ating mga kahinaan at nagligtas sa atin sa maraming mga trahedyang panlipunan na kinauuwian natin sa kasalukuyan. 11 Na sa bahaging ito ay ipinapaalam ni Rizal sa kaniyang mga mambabasa na ang mga satiriko na nakapalaman sa Noli Me Tangere, sa kabila ng kahusayan ay pinag-isipan niya ng mahabang panahon at labis na pagiingat. 12 Ito ang pinakamataas na pagpapahalaga ni Rizal sa wikang Tagalog/Filipino ² Ang Latin ang naging wika ng dakilang imperyong Romano, ginagamit ng Kanlurang Europa hanggang sa ika-18 siglo at nanatili pa ring seremonyal na wika ng pandaigdig na simbahan. Si Rizal ay nagpapahayag ng kadakilaan at kahigitan ng ating wika ² ano ang kaya ang hindi magagawa at potensiyal ng mga taong nagsasalita ng ganitong wika ² sa panahon na ito ay mabibigyan sana ng isang tamang pagkakaon.

315

bulaklak na ito ng loto, alinsunod sa dami ng tinig. Hindi pa iyan, mayroon akong tunog na tinatawag na nasal na wala rin sa abakadang Latin na kinakastila. Inuulit kong kung hindi lamang dahil sa kahirapan ng pagguhit ng larawan na kailangang gawing wastung-wasto ay halos magagawang gamitin ang mga heroglipiko, nguni·t ang kahirapan ding ito naman ang nag-uudyok sa aking huwag magpakalawig at huwag maglagay, kundi iyong sadyang kailangan lamang, at saka ang isa pa·y siya kong nagiging kasama ang gawaing ito, kung ang mga tagapagdala ko ng sulat sa mga taga-Tsina at Hapon ay nangagsisialis.µ ´Ha, po?µ ´Hindi ba ninyo sila naririnig? Ang mga tagadala ko ng sulat ay ang mga langay-langayan;13 sa taong ito·y kulang ng isa ang bumalik; marahil ay nahuli ng isang pilyong batang Insik o Hapon.µ ´Bakit ninyo nalalaman na nakapanggaling sa mga bansang iyon?µ ´Madali lang: may ilang taon na, na bago sila umalis, ay tinatalian ko sa paa ng isang putol na papel na may sulat na pangalan ng Pilipinas sa wikang Ingles, sa pag-aakala kong hindi lubhang malayo ang kanilang mararating at dahilan sa wikang Ingles ang siyang gamit sa halos lahat ng mga lupain sa dakong ito.14 Mga ilang taong ang aking sulat ay di nagkaroon ng kasagutan, hanggang sa kahuli-hulihan ay ipinasulat ko sa wikang Insik, at nang sumunod na Nobyembre ay nangagsibalik ditong may ibang papel na aking pinaturingan ang kahulugan: ang isa ay nasa wikang Insik at ang laman ay isang pagbating buhat sa mga pampangin ng Huang-ho, at ang isa, sa akala ng Insik na aking pinagtanungan, ay wikang Hapon daw marahil. Datapwat inaabala ko kayo sa mga bagay na ito at hindi ko itinatanong kung papaano ko kayo mapaglilingkuran.µ ´Naparito ako upang kausapin kayo tungkol sa isang bagay na mahalaga,µ ang sagot ng binata, ´kahapon ng hapon«µ ´Nadakip ba ang nakakahabag na taong iyon?µ ang masiyasat na tanong ng matanda.15

13 Mayroon ng ideya si Pilosopo Tasyo ng airmail sa panahon na ang mga sulat ay sa ibang bansa ay ipinadadala sa pamamagitan ng mailboat. 14 Philippines ang ginamit ni Pilosopo Tasyo sa kaniyang mga sulat ng dahilan sa Ingles ang ginagamit ng maraming mga lugar na kalapit natin. Ang Malaysia, Singapore, at Hongkong ay sakop noon ng Britanya. Isa sa mga ipinagtataka ng bigrapher ni Rizal na si Austin Coates ay bakit sa panahon ng pagkakatapon ni Rizal sa Dapitan, ay tinuruan niya ng wikang Ingles ang kaniyang mga mag-aaral sa nasabing lugar. Sa pangungusap na ito ni Pilosopo Tasyo ay maaring maiuugnay ang dahilan sa likod ng pagsisikap ni Rizal na turuan niya ng wikang Ingles ang kaniyang mga magaaral sa Dapitan. 15 Noon pa man ay makikita na ang intelekwal ay may simpatiya sa isang ´tulisan.µ Na nakikitahan niya ng potensiyal na makapaghahatid ng pagbabago na kaniyang pinapangarap para sa lipunan.

316

´Si Elias po ba ang sinasabi ninyo? Bakit ninyo nalaman?µ ´Nakita ko ang Musa ng Guwardiya Sibil.µ ´Ang Musa ng Guwardiya Sibil! At sino ang musang iyon?µ ´Ang asawa ng alperes na hindi ninyo inanyayahan sa inyong piknik. Kahapon ng umaga ay kumalat sa bayan ang nangyari sa buwaya. Ang Musa ng Guwardiya Sibil ay may matalas na pang-amoy at mapag-isip ng masama, at ipinalagay niyang ang piloto ang pangahas na naghulog sa kanyang asawa sa putik at bumugbog kay Padre Damaso; at sa dahilang binabasa niya ang mga pasabi na dapat tanggapin ng kanyang asawa,16 bahagya pa lamang nitong nakararating na lasing at lito sa bahay, ay pinalakad, upang masira ang kasayahan ng piknik. Kaiingat kayo! Si Eva ay isang mabuting babae na galing sa kamay ng Diyos«si Doña Consolacion ay masama raw at hindi malaman kung kaninong kamay galing! Ang babae, upang maging mabuti ay kailangan kahit minsan man lamang ay naging doncella o naging ina.17 Si Ibarra ay ngumiti nang bahagya at tumugon, sabay sa pagkuha ng ilang papel sa kanyang taguan: ´Ang nasira kong ama ay malimit na humingi ng payo sa inyo ng ilang bagay, at naaalaala kong hindi nagsisi kailanman sa pag-sunod sa inyong payo. Mayroon ako ngayong hawak na isang munting balak na ibig kong makitang yari.µ At isinaysay sa kanya ni Ibarra sa maikling pagsasalaysay, ang balak na paaralan, na inihandog sa kanyang katipan, at inilahad sa namamanghang pilosopo ang mga plano na tinanggap niyang galing sa Maynila. ´Ibig ko sanang ituro ninyo sa akin ang mga taong dapat kong lapitan sa bayan nang lalong magtagumpay ang gawain. Nakikilala ninyo ang mga taong-bayan; kararating ko lamang at ako ay halos dayuhan sa aking sariling tinubuan.µ Siniyasat ni Matandang Tasyo, na luhaan ang mga mata, ang mga planong kanyang kaharap. ´Ang inyong gagawin ay minsang kong naging pangarap, ang pangarap ng isang nakahahabag na baliw!µ ang bulalas na halos mapaiyak, ´at ngayon ang una kong ipapayo sa inyo ay huwag kayong paparitong magtatanong sa akin kailanman!µ

16 Nakikialam ang asawa/kabit sa gawain ng isang pinuno ng pamahalaan. Mapanganib ang ganitong ginagawa ng mga paki-alamerang asawa/kabit sa gawaing opisyal ng isang pinuno. Ipapahamak ng mga paki-alamerang asawa ng opisyal ng pamahalaan, ang bayan. Ito ay sa katotohanan na nagkakaroon ang mga asawa ng interes sa kapangyarihan pampulitika ng kanilang mga asawa na pinuno ng pamahalaan para sa pagsulong ng kanilang personal na kabuhayan. Higit na ipapakilala ni Rizal ang inpluwensiya ng kabit ng isang opisyal ng kolonyal na pamahalaan sa nobelang El Filibusterismo. 17 Ipinakikilala ni Pilosopo Tasyo ang pagiging masamang babae ni Dna. Consolacion maagang nasira ang puri. Ang isang babae kahit na anong sama ay may mapipigang kabutihan kung ito ay magkakaroon ng pagkakataon na maging isang ina, ngunit si Donya Conslacion ay hindi naging anuman sa dalawa.

317

Nagtatakang tiningnan siya ng binata. ´Sapagkat aakalain ng mga taong matitino,µ ang patuloy na may mahapding kutya, ´na kayo man ay baliw din na gaya ko. Inaakalang baliw ng mga tao ang hindi katulad nila sa pag-iisip,18 kaya ipinalalagay na ako ay gayon, at pinasasalamatan ko sa kanila, sapagkat kahabag-habag ako! Sa araw na ipataglay na muli sa akin ang katinuan; sa araw na iyon ay aalisin nila sa akin ang kaunting kalayaan na kinamit ko lamang kapalit aking pagkamatino.19 At sino ang magsasabi kung sila ay nasa katwiran? Ang pag-iisip ko at pamumuhay ay hindi kaayon sa kanilang mga kagawian; ang aking mga tuntunin at mga layunin sa buhay ay iba sa kanila.20 Sa kanila ay may kabantugang matalino ang kapitan sa bayan, sa dahilang, kahit walang napag-aralan kundi ang magdulot ng sikulate at pagtitiis sa magagalitin si Padre Damaso, ay mayaman ngayon,21 ginugulo ang mga dukhang kalagayan ng kanyang mga kababayan at nakababanggit pa ng tungkol sa katarungan.22 ¶Iyan ang taong marunong!· ang akala ng karamihan; ¶tingnan ninyo at sa wala nanggaling ay naging malaki!· Datapwat ako, ako ay nagmana ng kayamanan, katangian, ako ay nagaral, at ngayon ako ay mahirap, hindi ako pinagkatiwalaan ng kahit na iyong pinakamababang tungkulin, at ang kasabihan ng lahat ay ¶Iyan ay isang baliw; hindi niya alam kung kung paano ang mabuhay!·23 Ako ay
18 Inaakalang baliw ng isang lipunan ang mga taong hindi nila kapaniwala sa pag-iisip. 19 Sa pag-aakala ng marami na siya ay baliw, ang kaniyang mga paniniwala ay kaniyang nasasabi ng malaya ng hindi napapatawan ng kaparusahan, kundi ang tanging parusa na lamang ay tawagin siyang ´baliwµ sa pamayanan pinaghaharian ng kahangalan. 20 ´Ang pag-iisip ko at pamumuhay ay hindi kaayon sa kanilang mga kagawian; ang aking mga tuntunin at mga layunin sa buhay ay iba sa kanila.µ Maging si Rizal ay isinagawa ang ganitong anyo ng pamumuhay. 21 Ito ang kontrast ng pamumuhay ni Pilosopo Tasyo - Sa isang materyalistikong lipunan, matalino ang taong yumaman dahilan sa pagiging sunud-sunuran. Ang kapitan mula sa salaysay ni Pilosopo Tasyo ay isang taong nilunok ang dangal para sa kayamanan na nagmula sa katiwalian. Ganyan din naman sa ngayon mayroong mga opisyal ng pamahalaan na handang lunukin ang delikadesa para lamang yumaman mula sa salaping pinaghirapan ng mga mararalita. 22 Pinarurunggitan dito ni Rizal ang mga opisyal sa kolonyal na pamahalaan ² na magkaiba ang sinasalita kaysa sa ginagawa. Nagsasalita ng kaunlaran at ang mga mamamayan ay nakasadlak sa kahirapan; nagsasalita ng malinis na pamamahala samantalang walang lugar sa ahensiya ng pamahalaan na hindi pinamumugaran ng katiwalian. 23 Datapwat ako, ako ay nagmana ng kayamanan, katangian, ako ay nagaral, at ngayon ako ay mahirap, hindi ako pinagkatiwalaan ng kahit na iyong pinakamababang tungkulin, at ang kasabihan ng lahat ay ¶Iyan ay

318

tinatawag na pilosopo ng kura, bilang panlilibak, at ang ibig sabihin sa gayon ay isa akong madaldal na nagyayabang ng mga napagaralan sa unibersidad, gayong ang mga bagay pa namang iyon ang siyang lalo kung hindi pinakikinabangan. Marahil ay ako nga ang tunay na baliw at sila ang matitino. Sino ang makapagsasabi?µ At iginalaw ng matanda ang ulo, na parang may isang pumasok sa isipan na ibig lumayo, at nagpatuloy: ´Ang pangalawang bagay na maihahatol ko ay ang magtanong kayo sa kura, sa kapitan, sa bayan, sa lahat ng taong may mabubuting kalagayan: makabuluhang payo, ngunit ang magtanong ay hindi ibig sabihin na sumunod, magpakunwari kayong kailanman ay sinusunod ninyo sila at inyong ibunyag na ang ginagawa ninyo ay ayon sa kanilang akala.µ24 Nag-isip sandali si Ibarra at pagkatapos ay sumagot: ´Mabuti ang inyong payo, nguni·t mahirap sundin. Hindi ko ba maaring maipagpapatuloy ang aking balak nang hindi siya magkakaroon ng kaunti mang suliranin? Hindi kaya makakatawid ito sa kaganapan sa gitna ng lahat ang bagay na mabuti, dahilan sa ang katotohanan ay hindi nangangailangang manghiram ng damit sa kamalian?µ ´Dahil nga diyan ay walang nakakaibig sa hubad na katotohanan!µ25 sagot ng matanda. ´Iyan ay mabuti lamang sa sabi, mangyayari sa mundong pinapangarap ng kabinataan. Nariyan ang guro sa paaralan na lumalangoy nang walang nilalanguyan; pusong bata na naghangad ng kabutihan at walang napala kundi pagkutya at halakhak.26 Ang sabi ninyo sa akin ay dayuhan kayo sa inyong sariling bayan, pinaniniwalaan ko.27 Mula sa unang araw ng pagdating
isang baliw; hindi niya alam kung kung paano ang mabuhay! Hindi kaya ang bahaging ito ay isinulat ni Rizal mula sa kaniyang nararamdaman ² sa kalagitnaan ng kaniyang paghihirap sa Europa? 24 Magkunwaring sumusunod upang huwag mapaghinalaan ng mga maykapangyarihan. Sinasabi na ang mga Pilipino ay sinungaling at mandaraya - ngunit ito ay produkto ng kolonyalismo- kailangan nilang itago ang tunay na damdamin at hangarin ² nag-aanyong sumusunod ngunit nag-iisip ng paraan na maipapalusot ang tunay na kagustuhan. 25 Ito ang dahilan kung bakit kakikitahan ng pagiging hipokrito ang mga tao. - Maging ang kasaysayan ay kailangang magmaskara ng objectivism o pakunwaring ´kawalan ng kinikilinganµ para maging katanggap-tanggap sa nakakarami na maaring masaktan sa paghahayag ng katotohanan ng kasaysayan. 26 Ang guro ay lumalangoy sa kaniyang ideyalismo ² mag-isa lang siya sumusuong na pasalungat sa malakas na agos ng makalumang pamamaraan at paniniwala at walang makitang suporta mula sa nakakarami. Pusong bata ² puno ng ideyalismo at pagnanais ng isang makahulugan at makabuluhang pagbabago. 27 Ito ang kalagayan ng creole/ilustrado ² dayuhan sa sariling bayan ² dito sila isinilang at lumaki, ngunit ang naituro sa kanila ng mga magulang ay

319

ninyo ay sinugatan ninyo ang damdamin ng isang paring may kabantugang banal sa mga tao at marunong sa kanyang mga kabaro.28 Loobin nawa ng Diyos na ang pangyayaring iyon ay hindi maging dahilan ng inyong kasawian sa kinabukasan.29 Huwag kayong manalig, na, sa dahilang tinitingnang pakutya ng mga Dominicano at Agustino ang isang abitong ginggon, ang kordon at ang kahiya-hiyang sapin, sapagkat naalaalang minsan ng isang dakilang doktor sa (Unibersidad ng) Sto. Tomas na ipinalagay ng Papa Inocencio III na ang kautusan ng ordeng ito ay lalong nababagay sa mga baboy kaysa mga tao,30 ay hindi dapat paniwalaan, dahilan sila nagsasama-samang lahat ng kamay upang patibayan ang sabi ng isang procurador na: ¶Ang lalong walang kabuluhang lay brother ay nakahihigit kaysa sa Pamahalaan, kasama pati ang lahat niyang kawal.· Cave ne cadas!31 Ang ginto ay lubhang makapangyarihan; inalis ng guyang ginto ang Diyos sa kanyang

ang kanilang mga kulturang Espanyol. Pinamimili ni Rizal ang mga creole kung saan bahagi ng bakod ng uring panlahi sila dapat na makabilang. 28 Ang ginawang pananakit ni Ibarra kay Padre Salvi ang itinuturing ni Pilosopo Tasyo na katunayan na istranghero sa sariling bayan si Ibarra. 29 Nakikini-kinita ni Pilosopo Tasyo ang masamang epekto ng pananakit ni Ibarra kay Padre Salvi, alam ng matanda na mapagtanim ang pari at naghihintay lamang ito ng tamang panahon ng paghihiganti. Si Ibarra naman ay tiwala sa maskara ng pagbabait-baitan ni Padre Salvi. 30 Sa bahaging ito ay ipinapakita ni Rizal ang lihim na panlilibak sa isa·t isa ng mga orden relihiyoso. Mababa ang pagtingin ng mga Dominicano at Agustino sa mga Pransiskano. Pansinin Na ang salitang baboy na ginamit ni Rizal na pang-iinsulto laban sa mga prayle ay hinango niya mismo kay Papa Inocencio III. Alalahanin sana ang Kabanata 6 na ang nais na ipahiwatig ni Rizal ukol sa baboy ni San Antonio Abad. Ito rin ang dahilan kung bakit sa Kabanata 1 ay masyadong mataas ang pagkakilala ni Pray Sybila (Dominicano) sa sarili, sa paraan ng kaniyang pakikipag-usap kay Pray Damaso (Pransiskano). 31 Cave ne cadas! ² mag-ingat ka, baka ka madapa. Paala-ala ni Pilosopo Tasyo na huwag maging padalos-dalos si Ibarra sa mga gagawin. Ipinapakita na ang mga ordeng pangrelihiyon sa kabila ng pagkakaroon ng lihim na pagaaway-away sa isa·t isa. Ngunit, nagkakaisa kung ang kalaban ay mangagaling sa labas ng simbahan lalo na sa pamahalaan. Tunay nga silang mga magkakapatid nag-aaway sa loob ng bakuran ng simbahan, ngunit magtutulungan kung may aaway sa isa sa kanilang mga kapatid. Ipinapakita ni Rizal sa pamamagitan ni Pilosopo Tasyo, kung gaano kahirap kalabanin ang mga prayle noong kaniyang kapanahunan.

320

damdana; sa maraming pagkakataon, mula pa sa mga araw ni Moises.µ32 ´Hindi ako pesimistiko, hindi ko iniisip na mapanganib ang mabuhay sa aking bayan,µ sagot ni Ibarra, na nakangiti. ´Iniisip kong ang mga takot na iyan ay labis kaysa totoong nagaganap, kaya hinihintay kong magagawa ang lahat kong hangarin nang hindi makakatagpo ng malaking sagabal sa dakong iyan.µ 33 ´Oo, kung ilalawit nila sa inyo ang kanilang kamay: kung hindi. Ang lahat ng inyong pagsisikap ay malalaglag sa mga pader na bato ng kumbento, galawin lamang ng pari ang kanyang cordon o pagaspasin ang abito; sa kahit anong maliit na kadahilanan/pretext ay ipagkakait sa inyo bukas ng alkalde ang ipinagkaloob ngayon sa inyo; walang inang magpapahintulot sa kanilang anak na dumalo sa paaralan,34 at sa gayon, ang lahat ng inyong paghihirap ay mamumunga ng hindi kabutihan kundi kasamaan: magpapalamig sa kalooban ng mga magbabalak ng mabubuting gawain sa susunod na panahon.µ ´Gayunman,µ salungat ng binata, ´hindi ko mapaniniwalaan ang kapangyarihang sinabi ninyo, at kahiman at ipalagay nating mayroon nga, tanggapin na natin, ay kakampi sa akin ang bahaging matalino ng
32 Ang mga alagad ng kolonyal na simbahan sa kabila ng panata ng pagiging mahirap ay nagpapayaman kung magkakaroon ng pagkakataon kahit na ito ay labag sa kanilang panatang sinumpaan sa harapan ng kanilang Diyos, at saksi pa ang mga santo. Sa bahaging ito ay dinadagil ni Rizal ang pagpasok ng komersiyalisasyon sa templo ng pananampalataya. Bakit kaya hindi naiintindihan ng mga taong nangangaral ng ´aralµ ni Cristo na ang simbolismo ng pagpalo ni Jesus sa mga komersiyante sa templo ni Yahwe sa Jerusalem ay ang pinakamataas at pinakamabagsik Niyang pagpapahayag ng kaniyang pagkamuhi sa pagsasanib ng komersiyalisasyon at ng relihiyon. Kung naririto lamang si Cristo ngayon sa lupa, tiyak na maraming mga alagad ng mga pananampalataya ang magkakaroon ng maraming latay sa likod. 33 Para sa kaniya, ang sinasabi ni Pilosopo Tasyo ay exaggeration lamang ng tunay na kaganapan. Tandaan na si Ibarra ay nanirahan ng matagal sa malayang Europa, kung saan ang lahat ng ideya ay pinapayagan ng mapagparayang pamahalaan ² at dahilan dito sa kaniyang pagbabalik ay nawala sa kanya ang mekanismong ginagamit ng mga katutubo para makaligtas sa isang mapanupil na lipunan ² ilan sa mga instrumentong ito na ginagamit ng mga nasasakupan ay ang magsuot ng maskara ng pakunwaring pagsang-ayon at pagsunod. 34 Maging si Rizal sa kaniyang buhay ay naranasan ang ganitong sitwasyon ² Sa Dapitan noong si Rizal ay nagtayo ng paaralan sa mga batang lalaki sa nasabing bayan, ang kura paroko ay gumawa ng paraan para mahadlangan ang pagpasok ng mga batang lalaki sa paaralan ni Rizal. Nakakalungkot na may mga magulang na sumunod sa mga payo ng kura paroko ng Dapitan ² dahilan sa pinagkaitan nila ng isang magandang pagkakataon ang kanilang mga anak na maturuan sa pinakaadbanseng paaralan noon sa Pilipinas na matatagpuan sa lupaing sakahan ni Rizal.

321

bayan, ang Pamahalaan na may mabubuting hangad, may taglay na malalaking balak at tunay na humahanap ng ikabubuti ng Pilipinas.µ35 ´Ang Pamahalaan! Ang Pamahalaan!µ ang bulong ng pilosopo na itinaas ang mata upang tanawin ang bubungan.36 ´Kahit na malaki ang pagnanasa niyang paunlarin ang bayan sa ikabubuti nito at ng Inang Espanya, kahit na ang mapagkaloob na budhi ng mga Haring Katoliko ay maalaala pa ng mangisa-ng isang kawani at sa sarili ay banggi-banggitin, ay hindi tumitingin ang Pamahalaan, hindi dumidinig, hindi humahatol, kung alinsunod sa pinatitingnan, ipinaririnig at pinahahatol ng kura o ng provincial; siya·y nananalig na sa prayle lamang nanghahawak;37 kung siya·y nabubuhay ay sa dahilang binabayaan siyang mabuhay, at ang araw na lumayo sa kanya ang mga prayle ay babagsak na parang isang tau-tauhang nawalan ng tukod.38 Ang Pamahalaan ay tinatakot sa pagbabantang paghihimagsikin ang bayan, at ang bayan ay tinatakot naman sa lakas ng Pamahalaan:39 dahil dito ay nangyayari ang isang bagay na nahahawig sa nangyayari sa mga matatakutin kung dumadalaw sa mapapanglaw na pook: inaaring multo ang sarili nilang anino at ibang tunog ang kanila ring naririnig. Samantalang ang Pamahalaan ay hindi komukonsulta sa bayan ay hindi makaaalis sa pasaning iyan: mabubuhay siyang kagaya niyang mga duwag na binatang natatakot sa tinig ng upahang nag-aalaga, na kaniyang labis na sinusuyo.40 Ang Pamahalaan ay
35 Makikita na si Ibarra bilang creole/ilustrado ay naniniwala na ang kolonyal na pamahalaan ng Espanya ay naghahangad ng mabuti para sa Pilipinas. Ang kaisipang ito ng mga creole/ilustrado ang dahilan kung bakit sila ay higit na mga repormista kaysa sa rebolusyonaryo. 36 Ibig ipakita ni Rizal dito na ang isang maayos na pamahalaan ay isa lamang mataas na ideya na hinahanagd ng bumababa ng sambayanan.. Hindi mo ba napapansin na ganyan din ang ating aktwasyon, kapag nakikita natin na ang pamahalaan ay naglulublob sa katiwalian. Kelan kaya bababa ang isang tunay at malinis na pamahalaan na maglilingkod sa bayan? 37 Para kay Pilosopo Tasyo anumang pagbabago na balakin ng pamahalaan ay hindi magaganap ng walang pag-sangyon ng mga prayle. Ang mga prayle ang tunay na makapangyarihan sa Pilipinas sa panahong iyon. 38 Paglalarawan ni Rizal sa kolonyal na pamahalaan o administrasyon na aalisan ng suporta ng mga dayuhang kaparian. 39 ´Ang Pamahalaan ay tinatakot sa pagbabantang paghihimagsikin ang bayan, at ang bayan ay tinatakot naman sa lakas ng Pamahalaanµ Ang galing naman ni Rizal ² alam niyang ginagamit lamang ng kolonyal na simbahan ang mga mamamayan para takutin ang pamahalaan upang mapasaunod sa kaniyang mga kagustuhan. 40 Ito ang pinakamahalagang malaman ng sinumang pinuno ² tiyakin niyang komukunsulta siya sa mga mamamayan at hindi sa mga dayuhan at iilang pangkat na mayroong mga interest na pangkabuhayan.

322

hindi nangangarap ng anumang lalong malusog na kalagayan sa hinaharap, siya ay isang bisig, ang ulo ay ang kumbento, at dahil sa ganitong hindi-pagkilos, na siyang ikinatutungo sa mga pagkakabaon, siya ay nagiging isang anino, nawawala ang kanyang katuturan, at sa kahinaan at kawalan ng sukat magawa ay ipinauubayan na lamang na lahat sa kamay ng mga upahan. Kung hindi tunay ang sinabi ko ay ipaghambing ninyo ang palakad ng ating pamahalaan sa pamahalaan ng mga bayang inyong nadalaw«µ ´Oh!µ ang biglang putol ni Ibarra, ´iyan naman ay paghingi na ng labis; dapat na tayong masiyahan sa pagkamalas na ang ating bayan ay hindi dumaraing, ni hindi naghihirap ng gaya ng sa ibang lupain, at ang iyon ay gawa ng Relihiyon at ng kabutihan ng pamahalaan.µ41 ´Ang bayan ay hindi dumaraing sapagkat pipi, hindi kumikilos sapagkat nahihimbing, at sinabi ninyong hindi naghihirap sapagka·t hindi ninyo nakikita ang pagdurugo ng kanyang puso.42 Ngunit makikita rin ninyo balang araw at inyo siyang maririnig, at magiging kahabag-habag ang mga may lakas na nakasandal sa kamangmangan o kapanatikuhan ng mga mamamayan!43 Kahabaghabag na mga nagsasaya dahil sa pandaraya at gumagawa sa dilim, dahil sa akalang ang lahat ay nakakatulog! Kapag tinanglawan ng liwanag ng araw ang mga inianak sa kadiliman,44 ay darating ang kakila-kilabot na pagbalikwas; ang lahat ng lakas na iyon na daandaang taong natimpi, ang gayon karaming buntung-hiningang nilunod ay sisipot sa maliwanag at bubuga« Sino ang magbabayad sa mga

41 Labis ang pagtitiwala ni Ibarra sa kabutihan ng kolonyal na simbahan at pamahalaan. Isang paraan ng pagpapakita ni Rizal ng pagiging walang pakialam ng mga creole sa kalagayan ng bayan. 42 Mapandaya ang katahimikan ng taong bayan ² sa mga mapagpasiyang sandali sa kasaysayan ng ating bayan, mapapansin ang pagiging biglaan ng kritikal na pagkilos ng bayan laban sa mga mapang-aping elemento ng lipunan. Hindi dapat na magsaya o maging komportable ang isang administrasyon sa pananahimik ng mga taong bayan ² tandaan na hindi umiihip ang hangin sa mga araw na ang isang lugar ay dadalawin ng malakas na bagyo. Makakatulad ito ng pangangatwiran ni Elias sa pakikipag-usap nito kay Ibarra sa Kabanata 49. 43 Hinuhulaan ni Pilosopo Tasyo na isa sa mga masasagasaan ng pagkilos ng bayan ay ang mga dayuhang kaparian. 44 Kapag naliwanagan na ang mga taong inapi o nabatid na nila ang tunay dahilan ng kanilang kasawian.

323

paniningil na ginagawa paminsa-minsan ng mga bayan, paniningil na matutunghayan sa mga madudugong dahon ng kasaysayan?µ45 ´Hindi papayagan ng Diyos, ng Pamahalaan at ng Relihiyon na dumating ang araw na iyan!µ sagot ni Crisostomo na pinasukan din ng takot kahit hindi niya ibig. ´Ang Pilipinas ay relihiyoso at umiibig sa Espanya; mababatid ng Pilipinas ang ginagawang pagsisikap nito para sa ikabubuti niya. May mga katiwalian, may mga depekto, hindi ko itinatanggi, ngunit ang Espanya ay gumagawa upang magpasok ng mga reporma na tutuwid sa gayon, nag-iisip ng mabubuting plano, hindi siya nagsasarili sa kabutihan.µ46 ´Alam ko iyon, at iyan ang siya pa ngang lalong masama. Ang mga pagbabagong nagbubuhat sa itaas ay nawawalang-bisa sa ibaba dahil sa masasamang bisyo ng lahat,47 gaya halimbawa ng pagkagahamang yumaman sa madaling panahon48 at sa kamangmangan ng bayan na sumusunod sa lahat ng bagay.49 Hindi nagagamot ng isang
45 Dito ay direktang binabanggit ni Pilosopo Tasyo ang posibilidad ng himagsikan sa pagdating isang panahon na ang bayan ay kailangan ng maningil sa mga uri na nagsasamantala sa kanila. Tandaan na nalimbag ang nobelang ito noong 1887, halos sampung taon bagong maganap ang himagsikan ng 1896. Nakikinita ni Rizal ang pagdating ng panahon ng pagbalikwas ng bayan laban sa mga mapaniil na uri. Ito ay dahilan sa ang mga bayan ay nagsasagawa rin sa pagsasamantala at ang kanilang mga pagkilos ay natala sa mga madudugong dahon ng kanilang kasaysayan. Sige maningil na kayo ng maningil, taasan pa ninyo ang mga sinisingil sa aming mga dukha ² kung kulang pa ang sinisingil ninyo ² dagdagan pa ninyo ² taasan pa ninyo ang presyo ng koryente, tubig, pati na ang bayad sa expresway, gasolina, at lagyan na ninyo tax pati hangin para makapagbayad tayo sa mga dayuhang bangko na pinagsasanlaan ng pamahalaan ng kinabukasan ng bayan ² dagdagan pa ninyo, isagad pa ninyo ang paniningil hanggang mabutas ang bulsa ng sambayanang Pilipino, kunin na ninyo pati na ang nalalabi naming salapi na pambili ng noodles para iulam sa mumurahing bigas na aming inuutang sa tindahan. Kapag nangyari iyon, ang bayan naman ang maniningil at itatala ng bayan ang mga kaganapan sa isa sa mga madugong pahina ng ating kasayayan. MAY LIMITASYON ANG PAGTITIMPI NG BAYAN 46 Mapapansin na ang sagot ni Ibarra sa pesimistikong pananaw ni Pilosopo Tasyo ay isang pananalita na nangngatwiran sa matanda, ngunit ang tunay na mensahe ni Rizal sa pamamagitan ng pananalitang ito ni Ibarra ay ang paghikayat niya sa Espanya na maglapat ng mga kalunasan sa mga suliraning panlipunan. 47 Walang anumang pagbabago magaganap, hanggang ang pamahalaan ay nakalublob sa pusali ng katiwalian. 48 Ipinakikita rito ni Rizal na ang panunungkulan sa pamahalaan ang pinakamadaling paraan upang ang isang tao ay yumaman. Ngunit ito naman ay isa sa nagiging dahilan ng pagbagsak ng anumang pamahalaan.

324

kautusan ng hari ang mga katiwalian habang walang isang masikap na kapangyarihang magbabantay na maipatupad iyon,50 samantalang hindi walang kalayaan ang pagsasalita ng laban sa mga anomalya ng mga hari-harian; ang mga reporma ay naiiwang balak lamang, ang mga katiwalian ay katiwalian din, at kahit gayon ang nangyari ay payapang magpapahinga ang ministro na panatag na panatag ang kalooban.51 Hindi pa iyon, sakaling may maparitong mataas na taong may mabubuti at dakilang isipan, ay agad-agad nang tatawaging ulok kapag nakatalikod. Sa harap niya ay sasabihin: ¶Hindi kilala ng inyong karilagan ang bayang ito, ang ugali ng mga Indio, pasasamain ninyo sila, ang mabuti ninyong gawin ay magtitiwala kayo kay Fulano at kay Zutano52 at sa ganitong mga tao, atbp.· at sa dahilang hindi nga kilala ng marilag na ginoo ang bayang ito, na, sa akala niya ay nasa Amerika, at saka mayroon din naman siyang mga kasiraan at dakong kahinaangloob, ay napapariwara.53 Naaalaala rin ng marilag na ginoo na bago niya matamo ang katungkulan ay pinagpawisan muna siya nang marami at nagtiis nang kaunti, na tatlong taon lamang niyang hahawakan ang gayong tungkulin,54 siya ay matanda na at kailangang huwag mag-isip ng maaring makagambala ukol sa kanyang kinabukasan: isang mansion sa Madrid, isang bahay-bakasyunan sa bukid, at isang mabuting kinikita ng mula sa nakulimbat, upang makapamuhay nang pasasa sa kapitolyong kinaroroonan ng hari; itong-ito lamang ang tanging dapat na

49 Ang mga mangmang at duwag na mamamayan ay isa pa rin sa sanhi ng kabulukan ng pamahalaan. 50 Walang kuwenta ang anumang magandang batas, kung walang mahusay at responsableng mga tao, mga ahensiya at mga pamamaraan upang ito ay maipatupad. 51 Ito ang trahedya sa isang lipunan na walang malayang pamamahayag ² maaring mawala ang malayang pamamahayag hindi lamang sa pamamagitan ng represyon sa mass media kundi sa pamamagitan ng kolaborasyon ng mga establisamento ng pamamahayag sa isang pamahalaan dahilan sa ang establisimento ng mass media ay isa rin sa mga instrumento na nagpapahirap sa sambayanan. 52 Fulano at Zutano ² isang mapanlibak na katawagan ni Rizal sa arsobispo ng Maynila at sa mga pari na kumokontrol noon sa punong ehekutibo ng Pilipinas. Fulano ² isa sa mga kulay sa kasuotan ng arsobispo at Zutano ay para sa kasuotan ng mga pari. 53 Ang mga bagong pinunong Espanyol sa Pilipinas kahit na mahusay ay nakukuha sa bulong ng mga prayle na may interes na pino-protektahan. 54 Si Pilosopo Tasyo ay hindi kasang-ayon ng maikling panunungkulan dahilan sa gagamitin lamang ng pinuno ang nasabing maikling panahon hindi para sa bayan kundi para sa sariling kapakanan. Tatlong taon lamang sa kapangyarihan ang pinuno ng bayan ² parang hindi ito nabasa ng gumawa ng ating kasalukuyang Saligang Batas.

325

pakinabangin sa Pilipinas.55 Huwag tayong humingi ng mga kababalaghan, huwag nating hingin na magsumakit sa ikabubuti ng bayan ang napaparitong taga-ibang lupa upang magpayaman, at pagkatapos ay aalis. Ano ang kabuluhan sa kanya ng pagkilala ng utang na loob, o ng mga sumpa ng isang bayan na hindi kilala, bayang hindi kinalalagakan ng kanyang mga pag-ibig?56 Ang kabantugan, upang maging masarap, ay kailangang umalingawngaw sa pandinig ng ating mga iniibig, sa simoy sa ating tahanan o ng tinubuang lupa na magtatago ng ating mga kalansay; ibig nating ang kaluwalhatian ay lumuklok sa ibabaw ng ating libingan upang mapainit ng kanyang sinag ang lamig ng kamatayan, upang tayo ay huwag umuwing lubos sa wala, upang may malabing kaunting bagay na sadyang atin.57 Ang
55 Nagawang ipakita ni Pilosopo Tasyo ang kaisipan ng mga nanungkulan sa pamahalaan, ang pagkakitahan ito para sa panahon na wala na sa kapangyarihan. Ito rin ang kaisipan ng mga kasalukuyang tiwaling pinuno ng pamahalaan sa pandarambong sa kabang-yaman ng bayan ² (Mansion, rest house, malaking interes mula sa perang nakulimbat) walang nagbabago pagkatapos ng mahigit 100 taon ² kundi ang mga tao ngunit hindi ang kaniyang masamang bisyo. Makikita ang higit na paliwanag ukol dito sa Kabanata 34 56 Mapansin sana na maging ang mga dayuhang mamumuhunan ay hindi nakaligtas sa malupit na pamumuna ni Rizal na kaniyang ipinarating sa pamamagitan ni Pilosopo Tasyo Ang mga foreign investor ay nagtutungo lamang sa Pilipinas (noon pa mang panahon nila Rizal) para magpayaman at sa unang banta ng kaguluhan ay lilisan na taglay ang malaking kinita nila mula sa pagsasamantala sa ating bayan. Pansinin ang sinulat ni Rizal ukol sa mga dayuhan sa Pilipinas: The foreigners, among whom we place the Chinese in the first row, laugh at everything that is going on and take advantage of the faults and defects of the ruled and the rulers in order to utilize them. They are the happiest: They come when they like; they remain as long as they please, and they depart when it suits them. No duty binds them to the country; neither does it matter to them whether the government is more or less serious, nor whether its inhabitants are more or less slaves; like the locust, they lay waste the fields without caring for the sowers or the land. The most unfortunate thing is that there are Spaniards and Filipinos who resemble these locust in their way of thinking and acting. Rizal: How The Philippines is Governed 57 Lahat ng tao ay nagnanais ng kabantugan na lalampas hanggang sa kamatayan. Sa kamatayan ng isang tao ay nawawala siya sa mundo at sa ilang panahon ay malilimutan, mapalad ang ilang mga dakilang tao na hindi nawala sa isipan ng mga sumunod salintao kahit sila namatay ² si Rizal ay isa sa mga katulad nito. Ipinakikita ni Rizal sa bahaging ito ang posibilidad ng imortalidad ng mga bayaning magmamahal at mag-uukol ng isang mahusay na paglilingkod sa bayan.

326

alinman sa mga bagay na ito ay hindi natin maipangangako sa pumaparitong namamahala sa ating kapalaran. At ang lalo pang masama, sa lahat ng ito, ay ang pangyayaring sila·y umaalis, kapag nakikilala na nilang unti-unti ang kanilang katungkulan. Datapwat napapalayo tayo sa ating pinag-uusapan.µ ´Hindi, bago natin siya balikan, ay kailangan kong liwanagin ang ilang bagay,µ ang putol na bigla ng binata. ´Maaaring sang-ayunan ko na hindi kilala ng Pamahalaan ang bayan, nguni·t inaakala ko na lalo pa manding hindi kilala ng bayan ang Pamahalaan. May mga kawaning walang kabuluhan, masasama, kung gayon ang ibig ninyong ipalagay, nguni·t mayroon din namang mabubuti, at kung ang mga tinurang ito ay walang magawa ay sa dahilang ang natatagpuan nila ay isang patay na lukan: iyang mga taong-bayang hindi nakikilahok sa mga bagaybagay na nauukol sa kanya.58 Nguni·t hindi ako naparito upang makipagtalo sa inyo tungkol sa bagay na iyan: naparito ako upang hingan kayo ng isang payo at ang sabi ninyo·y iyuko ko ang aking ulo sa mga diyus-diyusan na puno ng kahalayan«µ ´Opo, at aking inuulit, sapagkat dito·y kailangang iyuko ang ulo o bumagsak ito.µ59 ´Iyuko ang ulo o bayaan siyang lumagpak?µ ulit ni Ibarra na nagbubulay-bulay. ´Napakahirap na pagpilian ang butas na iyan! Subalit bakit? Hindi ba maaaring matagalay ang pag-ibig ko sa aking

58 Patay na lukan ² katawagan sa isang tao o mga taong walang paki-alam o pasibo sa mga kaganapan sa kanilang lipunan. Mga taong lumitaw sa mundo para kumain at gumawa lamang para sa kanilang mga sarili, ngunit hindi nakapag-ambag ng kanilang katalinuhan o mga katangian para sa higit na pagpapabuti ng kanilang lipunan. Ang kawalan ng paki-alam sa mga usapin na nauukol sa atin ang siyang susi upang pagsamantalahan tayong mga taong bayan. ITO ANG PANGUNAHING IKINAMUMUHI NI RIZAL SA MGA PILIPINO, NA IPINAHAYAG LAMANG NIYA SA PAMAMAGITAN NG MAGALANG NA PARAAN. HINDI TAYO MARUNONG MANINDIGAN BILANG ISANG BANSA, HIGIT TAYONG NAKASENTRO SA ATING MGA SARILING KAPAKANAN. Bibigyan ito ng malaking pansin Kabanata 35. 59 Mapapansin na pinapanukala ni Pilosopo Tasyo kay Ibarra na sumunod o magkunwaring sumusunod sa mga maykapangyarihan upang maisulong lamang ang planong paaralan. Isang anyo ng pagkukunwari ang gustong mangyari ni Pilosopo Tasyo. Ipinapakita ni Rizal na ang pagsisinungaling ay isang anyo ng pakikitungo at lihim na paraan ng pakikipaglaban sa mga maykapangyarihan. Ang mahabang panahon ng pagtitiis ng ating mga ninuno sa daan-daang taon ng brutal at hindi makatarungang pamamahala, pagsasamantala, paghihirap at pagmamaliit. Sa ganito, nagkunwari silang sumusunod ngunit naghihintay ng pagkakataon na maisakatuparan ang tunay nilang gusto sa isang pagkakataon. Pinatay ng kolonyalismo ang ating likas na kabutihan dahilan sa ang mga mabubuti at tapat sa kanilang mga damdamin at adhikain ay namamatay/pinapatay bilang mga filibustero o rebelde.

327

tinubuan na kasama ang pag-ibig ko sa Espanya?60 Kailangan bang maging sunud-sunuran upang maging mabuting Katoliko, salaulain ang sariling budhi upang maisagawa ang isang mabuting layunin? Iniibig ko ang aking tinubuan, ang Pilipinas, dahil sa utang ko sa kanya ang aking buhay at ang aking kaligayahan, at katungkulan ng sinumang tao ang ibigin ang kanyang tinubuan; iniibig ko ang Espanya, ang tinubuan ng aking mga ninuno, sapagkat anuman ang sabihin, ay utang at magiging utang pa sa kanya ng Pilipinas ang kaligayahan at magandang kinabukasan;61 ako ay Katoliko, malinis ko pang taglay ang pananalig ng aking mga magulang at hindi ko maunawa ang dahilan kung bakit ko iyuyuko ang aking ulo gayong maaari ko naman itong itaas, at ipagkakaloob ko sa aking mga kalaban, maari ko silang tuntungan.µ ´Sapagkat ang lupaing ibig ninyong taniman ay hawak ng inyong mga kaaway at kayo ay walang lakas na panlaban sa kanila« Kailangan muna ninyong hagkan ang kamay na iyan«µ Datapwat hindi siya binayaang magpatuloy ng binata at napabulalas ng: ´Humalik? Nalimot ninyong sila ang pumatay sa aking ama, nag-alis sa libingan« subalit akong anak ay hindi ko malilimutan ang gayon, at kung hindi ko ipinaghihiganti ay sa dahilang iginagalang ko ang Relihiyon.µ62 ´Ginoong Ibarra,µ ang marahang sagot pagkatapos na maitungo ang ulo, ´kung inyong itinatago ang mga alalahaning iyan, mga alaalang hindi ko kayo uudyukan na na inyong limutin, ay iwan ninyo ang inyong pinapakay at sa ibang dako ninyo hanapin ang ikagagaling ng inyong
60 Ibarra bilang isang mestiso ay may parehong pag-ibig sa Pilipinas at Espanya. Ito rin ang damdamin ng mga propagandista sa panahon ni Rizal at ng maraming mga Pilipinong may dugong Espanyol noon. Sa panahon na hindi pa nagigising ang ating bayan sa simulain ng paghiwalay mahal nila ang Espanya at tintitingnan nila ito na kanilang amangbayan (Patria Grande) at ang Pilipinas naman ang maliit nilang bayan (Patria Chica). 61 Sa pagiging creole ni Ibarra ay iniibig niya ang Pilipinas, dahil dito siya isinilang (gayundin ang kaniyang lolo at ama) may dugo siyang Espanyol ngunit nabantuan ng dugo ng mga inang mestisang Tsino at maging si Ibarra ay anak ng isang ina na purong Pilipina. Ang pag-ibig ni Ibarra sa Pilipinas ay dahilan sa ito ang kaniyang lupang tinubuan at ang kaniyang angkan ay nagkaroon ng mabuting kapalaran. Dito ay ipinapakita ni Rizal kung ano ang dapat na maging damdamin ng mga creole sa Pilipinas, isang panawagan na ang mga creole ang dapat na maghanap ng ikabubuti ng Pilipinas dahilan sa sila ay nakikinabang dito, at nagtataglay ng inpluwensiyang pampulitika dahilan sila ay nagtataglay ng dugong Espanyol. 62 Ipinapakita ni Ibarra ang kaniyang pagiging tapat na Katoliko kahit alam na niya ang ginawang mga paglulubog ni Padre Damaso laban sa kaniyang ama noong ito ay nasa bilanguan at sa huli ang paglapastangan nito sa libingan ng kaniya ama. Pinalampas ito ni Ibarra dahilan sa pagiging isang mabuting anak ng simbahan.

328

mga kababayan.63 Ang gawaing iyan ay mangangailangan ng ibang tao, sa dahilang upang ito ay magawa ay hindi sapat na ang ibigin lamang at magkaroon ng salapi; bukod sa mga bagay na iyan, sa ating bayan, ay nangangailangan pa ng pagtitiis, katigasang-loob na di magmamaliw, at pananalig, sapagkat ang lupa ay hindi pa nahahanda; walang tanim kundi pawang tinik.µ64 Napagkilala ni Ibarra ang halaga ng mga sinabing iyon, ngunit hindi nababagay ang siya ay manlupaypay; Naalala niya na ang paaralan ay inihandog niya kay Maria Clara; at kailangang yariin ang kanyang handog sa minamahal. ´Wala na bang iba kayong maiimumungkahi sa akin, maliban sa mabigat na paraang iyan?µ ang mahinang tanong. Hinawakan siya ng matanda sa bisig at inilapit sa binatana: Isang malamig na paunang hangin sa tag-ginaw, ang humihihip; sa kanyang pananaw ay nalantad ang halamanan na ang kahanggan ay ang malalapad na kagubatang pinakakulob. ´Bakit hindi natin tularan ang ginagawa niyang munting sangang iyan na maraming bulaklak at buko?µ ang sabi ng pilosopo na itinuro ang isang magandang punong-rosal. ´Humihihip ang hangin, siya ay ipinapagaspas, at siya ay yumuyukong na parang itinatago ang kanyang mahalagang dala. Kung ang sanga ay magmamatigas ay mababakli, isasabog ng hangin ang mga bulaklak at masasawi ang mga buko. Pagkaraan ng hangin ay muling tumutuwid ang mga sanga, na nagmamalaking dala rin ang kanyang kayamanan. Sino ang makakasumbat sa kanya sa pagyuko dahil sa kailangan ang gayon? Tingnan ninyo ang malaking kupang na iyon na mahinay na iginagalaw ang kanyang mataas na sangang pinagpupugaran ng lawin. Maliit pa ng kunin ko iyan sa gubat, ilang buwan kong tinukuran ng kawayan ang kanyang maliit na puno. Kung dinala ko ritong malaki na at malusog ay marahin ay hindi mabubuhay at iginupo siya ng hangin bago makakapit na mabuti sa lupa ang kanyang mga ugat, bago lumagong mabuti sa paligid at mabigyan siya ng sapat na dagtang kailangan ng kanyang laki at taas. Ganyan ang mangyayari sa inyo, punong inilipat buhat sa Europa sa lupang ito na mabato, kung hindi hahanap ng sandigan at kayo ay magpapakaliit. Masama ang inyong kalagayan, kayo ay nag-iisa at mataas: ang lupa ay umuuga, ang langit ay nagbabala ng bagyo at nakita nang ang mga nasa itaas ng puno ng inyong angkan ay palaging umaakit ng kidlat.65 Hindi katapangan,
63 Pagsasabi ni Pilosopo Tasyo na ang mga creole ay dapat na sa ibang lugar na lamang gumawa para sa kabutihan ng bayan. Isang maagang pasaring ni Rizal sa mga propagandistang Pilipino na nasa Europa. 64 Mayroong ibang dapat na taglayin na pag-uugali ang mga nasa Pilipinas na lumalaban para sa kapakanan ng bayan ² ito ay nakita ni Pilosopo Tasyo kay Elias at ang dahilan ng pagpapahayag ng simpatya dito sa unahan ng kabanata. 65 Puno ng angkan ² family tree ² ipinapaalam ni Pilosopo Tasyo na mayroong mga pamilya ng creole na pinag-iinitan ang kolonyal na pamahalaan at simbahan dahilan sa maaring maging banta sa kanilang kapangyarihan.

329

kundi kapangahasan,66 ang lumabang mag-isa sa lahat nang sa ngayon ay umiiral; walang nakapipintas sa piloto na kumakanlong sa isang daungan sa unang pag-ihip ng bagyo. Ang pagyuko, kung dumaraan ang punglo ay hindi kaduwagan; ang masama ay ang harapin siya upang bumagsak at huwag nang muling makabangon.µ ´At ang pagtitiis bang iyon ay magbibigay ng bungang aking inaasahan?µ tanong ni Ibarra, ´Paniniwalaan ba ako at lilimutin ng pari ang kanyang pagkapahiya? Tapat ba nilang tutulungan ako sa paaralang makikiagaw sa mga kumbento ng kayamanang-bayan?67 Hindi kaya magkukunwaring sila ay kaibigan, magpamalas pakunwaring ng pagtulong, at sa ilalim, sa gitna ng kadiliman, ay tunggaliin upang mapag-iwan na lalong madali, kaysa bakahin ng harap-harapan?68 Sang-ayon sa mga bagay-bagay na nanaganp na noong una ay inyong maakala at mahihintay ang lahat!µ69 Ang matanda ay patuloy sa pananahimik na hindi makasagot. Nag-isip sandali at sumagot: ´Kung gayon ang mangyayari, kung hindi matuloy ang balak, ay magiging pampalubag-loob sa inyo ang kaisipan na inyong ginawa ang lahat ng inyong magagawa, at kahit man sa ganoon, ay mayroon ding napala: nailagay ang unang bato, naihasik ang unang binhi, at matapos makaraan ang bagyo, marahil ay may tutubong paisa-isang butil, na matitira mula sa kasawian, na gagawa upang hindi mawala ang pananim at siyang magsisilbing binhi na maaring magamit ng mga anak ng mga namayapang magsasaka. Ang halimbawa ay maaring makahikayat sa iba na natatakot lamang na magsimula.µ70 Tinimbang-timbang ni Ibarra ang mga katwirang ito, namalas ang sariling kalagayan, at nakilala niyang kahit na mahilig sa kawalan

66 Pinag-iingat ni Pilosopo Tasyo si Ibarra na baka mapagkamalan na ang kapangahasan ay katapangan. 67 Tutulungan kaya ng mga alagad ng kolonyal na simbahan ang paaralang bayan na kaagaw ng kanilang mga paaralan? Maliit lamang ang paaralan na planong ipatayo ni Ibarra, ngunit ang tono nito ay higit na hinango sa balakin sa panahon ni GH de la Torre na pagtatayo ng Instituto Filipino bilang isang pampublikong sekondaryang paaralan na maaring makakompitensiya ng San Jose, San Juan de Letran, at Ateneo. Maging sa kapanahunan ni de la Torre ay nagkaroon ng panukala na ang Unibersidad ng Santo Tomas ay gawing unibersidad ng estado na tatawagin na Unibersidad de Filipinas. 68 Pamamaraan ng mga prayle. Nagkukunwari silang nakalimutan na ang lahat ng suliranin upang maging malapit at sa ganon ay madali nilang magagapi ang binata. 69 Matuto sa kasaysayan, nagtuturo ang mga karanasan. 70 Hindi dapat na mabantulot sa ating mga nabigong pagtatangka, dahilan sa palaging may magpapatuloy ng mga naiiwang mabuting layunin. Sinasabing ang unang kabiguan kabiguan ay ang hindi pagtatangka.

330

ng pag-asa ang matanda, ay mayroon namang malaking katwiran ang kaniyang tinuturan. ´Naniniwala ako sa inyo,µ ang wikang kinamayan ang kausap. ´Hindi walang kabuluhan na hinanap ko kayo para sa inyong mabuting pagpapayo. Ngayon din ay makikipag-unawaan ako sa kura, sa isang dako ay wala namang nagawang masama sa akin at marahil ay mabuti naman siya, sapagkat hindi naman ang lahat ay kagaya ng umusig sa aking ama. At saka ang isa pa ay ipapakiusap ko sa kanyang lingapin ang kahabag-habag na baliw at kanyang mga anak:71 Inilalagak ko ang aking pag-asa sa Diyos at sa tao!µ Nagpaalam sa matanda, at matapos makasakay sa kabayo ay umalis. ´Tumatak!µ ang bulong ng matandang hindi-mapaniwalain, na sinundan siya ng tingin, ´panoorin natin kung papaano isasalansan ng katalagahan ang dulang nagsimula sa libingan.µ Sa bagay na ito ay maling-mali nga siya; ang dula ay nagsimula nang malaung-malaon na kaysa kanyang pinaniniwalaan.72

71 Walang kamalay-malay si Ibarra na ang mismong sanhi ng kasawian ng mga anak ni Sisa ay si Padre Salvi. 72 Bakit mali si Pilosopo Tasyo sa kaniyang akala? Ang labanan sa pagitan ng mga liberal at pangkat ng mga reaksiyonaryo ay nagsimula na noon pa mang panahon ni Burgos. Dito ay makikita na ang kaganapan na mangyayari sa mga huling katapusan ng kabanata ay nauna na nang naganap. Kung magaganap man ang masakit na wakas kay Ibarra ito ay pag-uulit na lamang ng naunang pangyayari na hinango ni Rizal mula sa tunay na historikal na kaganapan.

331