KABANATA 26 BISPERAS NG PIYESTA

Ngayon ay ikasampu ng Nobyembre, bispiras ng pista. Bumangon ang bayan mula sa kanyang karaniwang ayos, at napaloob ito sa isang mabilis na kilusan na walang katulad;1 sa bahay, sa daan, sa simbahan, sa sabungan at sa bukid: ang mga bintana ay puno ng banderitas at mga kurtinang may sari-saring; sa lahat ng dako ay maririnig ang putukan at musika; ang simoy ay napuno ng kasayahan. Iba·t ibang minatamis na gawa mula sa mga katutubong prutas Sa ibabaw ng maliit na lamesa na nalalatagan nang maputing panapin na binurdahan, iniaayos ng mga dalaga sa mga lalagyang kristal. Sa bakuran ay sumisiyap ang mga tandang, kumakakak ang mga inahin, umuungol ang mga baboy, na puno ng takot dahil sa kasayahan ng tao.2 Akyat-panaog ang mga alila na may dalang mga kasangkapan, mga kubyertos na pilak: sa dako rito ay may kinagagalitan dahil sa pagkabasag ng isang pinggan, sa dako roon ay pinagtatawanan ang isang tangang babaing tagabukid: sa lahat ng dako ay may naguutos, may usap-usapan, nagsisigawan, nagpapapalitan ng palagay dahil sa nangyayari, ang bawat isa ay nag-uutos sa paggawa, at ang lahat ay kaguluhan, ugong at kaingayan. At ang lahat ng pagsusumakit na ito at ang lahat ng pagpapagod ay dahil sa dadalong kakilala o di kakilala; at upang libangin ang sinumang taong marahil ay hindi pa nakikita kundi noon lamang, ni hindi na naman makikitang muli pagkatapos, upang ang dalo, ang taga-ibang lupa, ang kaibigan, ang kaaway, ang Pilipino, ang Kastila, ang mahirap, ang mayaman, ay umalis na taglay ang kasiyahang-loob at kabusugan: hindi man lamang sila hinihingan ng utang na loob, ni hindi inaasahan silang hindi gagawan ng masama sa mapagpatuloy na mag-aanak samantalang natutunaw sa tiyan ang kinain o matapos ang gayon! Ang mga mayayaman, ang mga nakapuntang minsan man lamang sa Maynila at nakakita nang higit kaysa iba, ay nagsibili ng serbesa, champagne, mga alak at mga pagkaing galing sa Europa, mga bagay na bahagya na nilang matitikman

MGA PALIWANAG 1 Sa kapanahunan ng kapistahan ay nagiging mabilis ang aktibidad ng mga tao kahit na sa isang liblib na bayan. Ang bayan na sinasabihang tamad sa loob ng isang linggong pagdiriwang ay dadayuhin ng mga tao at bibilis ang pagkilos ng mga tao at ang pag-kot ng gulong ng komersiyo. 2 Ipinapakita na ang kasiyahan ng mga tao ay nakapangingilabot sa mga hayop.

332

o maiinom ang isang lagok. Ang kanilang mga dulang ng pagkain ay magara ang pagkakahanda.3 Sa gitna ay may disenyo na parang pinya, na mabuti ang pagkakagaya, na kinapapakuan ng mga panghinuki, na tinabas nang kahusayan ng mga bilanggosa mga sandaling ipinagpapahinga. May anyong pamaypay, may anyong tungkos ng bulaklak, isang ibon, isang bulaklak, isang palaspas o mga tanikala na pawang gawa sa isang putol na kahoy: ang gumawa ay isang naparusahan, ang kasangkapan ay isang masamang kampit at ang nag-udyok sa paggawa ay ang tinig ng bastonero.4 Sa tabi ng pinyang ito, na tinatawag na palillera, ay nangakatumpok sa mga lalagyang kristal ang matataas na bunton ng suha, lansones, atis, tsiko, at mangga, kahit na buwan ng Nobyembre.5 Pagkatapos, sa malalapad na pinggan sa ibabaw ng mga papel na may mga ukit at may pintang maiinam na kulay, ay may mga hamon na galing sa Europa, sa Tsina, isang malaking pastel na ayos-Agnus Dei o kalapati marahil, ay ang Espiritu Santo, mga relyenong pabo, atbp., at kasaliw ng mga tinuran ang pang-alis-suyang mga botelya ng atsara, na may sari-saring ayos, na bulaklak ng bunga at iba pang gulay at bungangkahoy, na mainam ang pagkakaputul-putol at nadidikit sa mga tagiliran ng garapon sa pamamagitan ng arnibal. Nililinis ang mga globong kristal na nagkasalin-salin sa mga magkakaanak;6 pinakikintab ang mga kagamitang tanso; inaalisan ng takip ang mga lamparang gas, na nakabalot sa cavass na pula na pinagtataguan sa buong santaon, sa langaw at lamok, na nakasisira sa kanila; ang mga almendras at palawit na kristal na may tapyas ay naggagalawan, mataginting na nag-uumpugan, umaawit, na parang nakikisabay sa kapistahan, nasasayahan at nagbibigay ng liwanag sa pagtatapon sa mga dingding ng sari-saring kulay ng bahaghari. Ang mga bata ay naglalaro, nagsasaya, hinahabol ang mga kulay,
3 Sa panahon ng kapistahan ay handang ipakain at ipatikim ng mga Pilipino sa kanilang mga bisista ang mga pagakin at inumin na bihira o hindi man lamang nila natitikman, sa araw-araw na buhay. 4 Ang mga kasangkapan sa mesa ay gawa sa bilangguan na ipinagbibili sa labas. Maging ang mga bilanggo ay mayroong angking pagka-malikhain at kahusayan sa sining. Mga kasanayan, na maaring natutuklasan at nagagawa lamang ng mga bilanggo sa panahon na sila ay nasa kulungan at doon lamang nila nasisiyasat ang kahusayan na hindi nila alam na taglay nila noong sila ay malaya pa. 5 Pagpapakita ni Rizal ng kakayahan ng mga Pilipino na makapagbunga ng mga prutas kahit wala sa panahon. Ang kamahalan ng mga prutas sa buwan ng Nobyembre na idinidikta ng malaking kahilingan (demand), ang susi sa pagtuklas ng mga Pilipino ng mga pamamaraan para magawa ang mga mahihirap na bagay. 6 Isa sa ipinapamana ang globong kristal na siyang pumapaloob sa isang ilawan na ginagatungan ng langis o kerosina² ipinapakita ang kamahalan at kahalagahan ng kasangkapang ito.

333

natatalisod, nakababasag ng mga tubo, ngunit ang bagay na ito ay hindi nakapipigil sa kasayahan ng pista: kung sa ibang araw lamang nangyari iyon ay iba sanang bagay ang ibabayad na luha ng kanilang mabibilog na mata.7 Kagaya ng mga iginagalang na mga lamparang iyon, ay nailalabas din sa tataguan ang mga gawain ng mga dalaga: mga takip na gawa sa gantsilyo, mga maliliit na alpombra, mga bulaklak na papel;8 lumalabas ang lumang bandehang kristal na ang ilalim ay may nakapintang isang munting lawa na may maliliit na isda, buwaya, kabibe, lumot, at talampas na bubog na may mariringal na kulay. Ang bandehadong ito ay pinupuno ng tabako, sigarilyo at maliliit na hitso na pinilipit ng mga makikinis na kamay ng mga binibini. Ang sahig ng bahay ay makintab na parang salamin; mga kurtinang pinya o husi sa mga pintuan; sa mga bintana ay nakasabit ang mga parol na salamin o papel na kulay-rosas, bughaw, luntian at saga:9 ang bahay ay puno ng bulaklak at mga pasong nalalagay sa mga pedestal na galing sa Tsina; pati na ang mga santo ay hinihiyasan, ang mga larawan at mga reliquia ay nag- -aanyong pista, inaalisan sila ng alikabok, nililinis ang mga salamin, at nilalagyan ng bulaklak ang kanilang mga sisidlan.10 Sa mga lansangan, may mumunting patlang na may mga nakatayong maiinam na arkong kawayan na iba·t iba ang pagkakagawa, na nalilibiran ng kaluskos, na sa pagkakita sa kanila ay nagpapasaya sa puso ng mga bata. Sa paligid ng patio ng simbahan naroroon ang malaki at mamahaling tolda, na ang tukod ay mga kawayan, upang madaanan ng prusisyon. Sa ilalim ng toldang ito ay naglalaro ang mga bata, nagtatakbuhan, nag-aakyatan sa kawayan, naglulundagan at napupunit ang mga bagong baro na dapat sanang isuot sa araw ng pista.11 Sa liwasan itinayo ang ang tanghalang kawayan, pawid at kahoy: doon magtatanghal ng kahanga-hanga ang kompanya ng Tundo12 at makikipag-agawan sa mga diyos sa kababalaghang walang
7 Nagiging mapagbigay at mapagpasensiya ang mga tao sa panahon ng kapistahan. 8 Paglalarawan sa kahusayan ng mga kababaihan sa gawaing kamay at ang kapistahan ay isang panahon na kanilang naipapakita sa maraming tao ang kanilang mga husay sa mga sining na ginagamitan ng kamay. 9 Ang kalinisan ng bahay ay pinag-iibayo sa araw ng kapistahan. Mapapansin na noon pa man, ang mga palayok na gawa sa Tsina ay isa na sa mga paboritong gamit ng mga Pilipino sa kanilang mga bahay. 10 Makikita na pana-panahon lamang ang debosyon ng mga Pilipino sa rebulto ng kanilang mga santo/santa ² hinahayaan nila ito sa isang lugar na inaalikabok sa loob ng isang taon at inilalabas lamang sa panahon ng kapistahan. Isang anyo ng debosyon na pakitang tao lamang. 11 Ipinapakita ni Rizal ang pagiging masayahin at likas na kalikutan ng mga batang Pilipino. 12 Ang Tondo ay nagsisilbing lugar ng mga mahuhusay na artista sa

334

katotohanan;13 doon aawit at magsasayaw sina Marianito, Chananay, Balbino, Ratia, Carvajal, Yeyeng, Liceria, atbp.14 Ang mga Pilipino ay mahilig sa mga dulaan at malugod na nanonood ng mga dula: tahimik na nakikig sa mga awit, humahanga sa sayaw at kilos, hindi sumisipol, ngunit hindi rin naman pumapalakpak.15 Kung hindi maibigan ang palabas ay nginunguya ang kanyang hitso o kaya ay umaalis nang hindi nakabubulahaw sa ibang marahil ay nagigiliw sa palabas. Maminsan-minsan lamang umuungol ang mga dukhang taong-bayan, kung hinahagkan o niyayakap ng mga

tanghalan. Maging si Andres Bonifacio ay naging artista sa entablado, noong panahon ng kaniyang kabataan. Sino ang magsasabi na ang mga artistang pulitiko ay ngayon lang ² si Bonifacio ang una sa kanila. 13 Ang isa sa mga orihinal na layunin ng pagtatanghal sa entablado ay isang pang-aliw na itinatakas ang isipan ng mga tao sa malagim na realidad ng buhay at ng kanilang lipunan, kaagaw ng mga diyos tinutukoy ang mga pamahiin at kuwento ukol sa mga himala ng santo at santa ng simbahan ay kakalabanin ng mga kababalaghan sa aksiyon at drama na itatanghal sa entablado. 14 Tinutukoy ni Rizal dito ay ang mga sikat na artista sa entablado noong kaniyang kapanahunan. Dahilan sa wala pa ang cinema, ang mga artista ay dumadayo upang magtanghal sa iba·t ibang lugar na mayroong kapistahan. Mga kilalang artista sa tanghalan sa kapanahunang iyon. Ito ang isinasaad ng Glosaryo: y Si Ratia ay artistang Pilipino na sumali sa maraming pagtatanghal ng sarsuwela sa Maynila at nakapagtanghal din sa teatro Felipe sa Espanya noong taong 1877-1878. y Si Jose Carvajal ay isang mestisong Espanyol na napabantog bilang komedyante. y Si Yeyeng na ang buong pangalan ay Praxedes Fernandez ay isang artistang lalong bantog at kinalugdan ng madla, maging ng mga Pilipino at mga Espanyol. Tinuruan siya ng isang artistang babaeng Espanyola na nagngangalang Elisea Raguer nang ang huli ay dumating sa Maynila noong 1880. Nagsimula si Yeyeng ng pag-aartista sa edad na labing-anim. Siya ay artistang matalino, kaakit-akit kumilos, maganda ang tindig, at magaang ang katawan sa tanghalan sa tuwing lalabas ay nakakabighani sa lahat. y Si Chananay ay pangalang pandulaan ng isang babaing Pilipina na ang tunay na pangalan ay Valeriana Mauricio. Siya ay maganda, kalugod-lugod, ang mukha ay kayumanggi at lubhang kinawiwilihan ng bayan ang kaniyang pagtatanghal. 15 Isang likas na kaugalian ng mga Pilipino ang ipinapakita dito ni Rizal. Ang tanghalan ay paboritong libangan at aliwan. Ang popularidad ng kahiligan ng mga Pilipino sa tanghalan ay nanatili sa ibang medium at makikita sa pagsubaybay natin sa panonood ng pagkahahabang telenovela.

335

artistang lalaki ang mga artistang babae, ngunit hindi na humihigit sa gayon.16 Dati ang mga drama lamang ang itinatanghal; ang makata sa bayan ay gumagawa ng isang dula na may labanan sa bawa·t sandali,17 isang magpapatawa at mga kababalaghang kasindak-sindak.18 Nguni·t sapul nang ang mga artista sa Tundo ay nangaglalaban sa bawa·t labinlimang segundo, nagkaroon ng dalawang tagapagpatawa at nagpapamalas ng salamangka na lalo pang di-mapaniniwalaan, ay nakamatay sa mga kahanap-buhay nilang tagalalawigan. Ang kapitan sa bayan ay malulugdin sa gayon, at ang napili, matapos magkasundo sila ng kura,19 ay ang komedyang ´Ang Principe Villardo o Ang mga Pakong Binunot sa Karumal-dumal na Yungib,µ dulang may mahika at paputok.20 Makaraan ang bawat sandali ay masayang nirerepike ang mga kampana, iyon ding mga kampanang may sampung araw pa lamang na tumugtog nang malungkot.21 Ang mga paputok at berso ay nagpapadala sa hangin ng kanilang tunog; ang magkakastilyong Pilipino, na natuto nang walang nagturo,22 ay magpapakita ng kanyang katalinuhan, naghahanda ng mga toro, mga kastilyong may luces de bengala, mga

16 Mauunawaan dito na ang paghalik at yapusan ng mga artista sa pagtatanghal ay hindi isang bagong bagay sa tanghalang Pilipino 17 Labis ang pagkahilig ng mga Pilipino sa palabas na mayroong aksiyon, na atin ding minana sa kasalukuyang panahon. 18 Katatawanan at mahika ay kinahihiligan ng mga Pilipino sa kapanahunan ni Rizal. Ang kahiligan kaya ng mga Pilipino sa katatawanan at mahika ay isang hindi halatang paraan ng panandalian nilang paglisan sa kanilang paniniwalang pang-relihiyon na nakasentro sa milagro. 19 Isang hanay ng pananalitang ipinahahalata ni Rizal na ang sensura ay nasa kamay ng mga prayle noon sa Pilipinas. Pinipili ang mga pagtatanghal na walang anumang linya na laban sa kolonyal na simbahan. 20 Pero bakit ganon ang pamagat? ´Ang mga Pakong Binunot sa Karumal-dumal na Yungibµ may mahika (kailangan ng bilis ng kamay o iba pang bahagi ng katawan) at paputok. Talagang ito si Rizal, pamagat lang ng dula, pag-iisipin ka pa ng maaring iba pang kahulugan. 21 Sampung araw lang ang nakakalipas ay tinutugtog ang kampanang iyon para sa kaluluwa ng mga namatay, ngunit ang higit na ipinararamdam ni Rizal sa kalungkutan ng tugtog ng kampana ay dahilan sa ang nagpatugtog niyon ay ang magkapatid na Basilio at Crispin. 22 Magkakastilyo ² ang kaniyang gawain ay ang maghanda ng mga luces at kuwitis. Ipinakita na ang kahusayan ng mga Pilipino ay likas o katutubo sa kanilang mga sarili (kahit hindi turuan).

336

globong papel na puno ng usok, mga bilog na nagtatapon ng apoy, mga bomba, kuwitis, atbp. Pag nakarinig ng malayong tugtugan ay matuling nagtatakbuhan ang mga bata, tungo sa labasan ng bayan upang salubungin ang banda ng musiko.23 Lima ang bandang nakuha, bukod sa tatlong orkestra. Ang banda sa Pagsanjan, na ari ng eskribano ay hindi dapat mawala roon, ni ang sa bayang S. P. de T (San Pedro de Tunasan) na noon ay bantog sapagkat ang nagtuturo ay ang gurong si Ginoong Austria, ang palalakad na si Cabo Mariano, na ayon sa balita ay taglay sa dulo ng kanyang baton ang kabantugan at kainaman ng tugtog. Pinupuri ng mga musiko ang kanyang marcha funebre na pinanganlang El Sauce, at pinanghihinayangan ang di niya pagkakapag-aral ng musika sapagkat dahil sa kanyang katalinuhan ay ipagkakapuri siya ng kanyang bayan.24 Ang musiko ay pumapasok sa bayan na nagpaparinig ng masasayang tugtugin, at sinusundan ng mga gusgusin o halos hubad na bata: mayroong ang suot ay damit ng kanyang kapatid at may nakasalawal ng salawal ng ama. Pagkatapos na makatugtog ang musiko ay naisasaulo na nila ang tugtugin, kanila nang inihuhuni, sinisipol at sinasabi ang kanilaang pasya ukol sa kagandahan ng tugtugin.25 Samantala naman ay nagdadatingan ang mga karumata, mga kalesa o karwahe, ang mga kamag-anak, mga kaibigan, ang mga dikilalang tao, ang mga manunugal na dala ang kanilang mga pinakamhusay na manok, mga supot ng salapi, at nangakahandang ipagsapalaran ang kanilang yaman sa ibabaw ng mesa ng sugalan o sa loob ng sabungan.26

23 Sa Pilipinas ang banda ng musiko ay may taglay na mahika nagagawa nilang mapalabas ang mga tao sa bahay at magtungo sa lansangan para panoorin ang kanilang pagdaraan. 24 Maraming mga maestro ng banda sa panahon ni Rizal ay walang pormal na edukasyon sa larangan ng musika. Sa kabila nito ay hindi hadlang ito upang ang kanilang mga pinamumunuang mga banda ay magtaglay ng kahusayan at kabantugan sa larangan ng musika. nakapanghihinayang na ang mga katalinuhan at kasanayan na ito ay limitado lamang sa idinidkta sa kanila ng mga mananakop. Kung tayo ay hindi sana naging biktima ng kolonyalismo sana higit na malayo ang mararating ng ating mga likas na katalinuhan at kasanayan. 25 Ang mga batang Pilipino sa kabila ng kahirapan ay makikita na kaya nilang sauluhin ang musika at hinihimig ito pagkatapos na tumugtog ang banda. Sa mga mambabasa ay ipinararating ni Rizal ang likas na katalinuhan ng mga bata sa Pilipinas, katalinuhan na hindi ganap na umuusbong dahilan sa nangingibabaw ay ang isang mapanupil at tiwaling sistema na kumikitil sa mga katalinuhang ito. 26 Ang kapistahan sa kabila ng pagiging kasayahang pangrelihiyon ay hindi nakaligtas sa mga manunugal na ginamit ang kasayahan para sa kanilang pagnanais na kumita mula sa sugalan.

337

´Ang alperes ay may limampung piso gabi-gabi!µ27 ang bulong ng isang taong matabang-pandak sa tainga ng mga bagong dating, ´si Kapitan Tiyago ay darating at maglalagay ng bangka, si Kapitan Joaquin ay may dalang labingwalong libo. Magkakaroon ng liampo: si Insik Carlos ay maglalagay at sampung libo ang puhunan. May darating na malalaking manunugal buhat sa Tanauan, Lipa at Batangas, at gayon din naman sa Sta. Cruz. ´Magiging malakas ang labanan, malakas na malakas! Datapwa·t uminom kayo ng sikulate. Sa taong ito ay hindi tayo tatalunin ni Kapitan Tiyago, na gaya ng taong nakaraan; wala siyang ginastusan kundi tatlong misa de gracia lamang,28 at saka mayroon akong mutya ng kakaw.29 At kumusta ang inyong mga anak at asawa?µ30 ´Mabuti po! Salamat!µ ang sagot ng mga dayo, ´at si Padre Damaso?µ ´Si Padre Damaso ay magsesermon sa umaga, at magbabangka sa gabi, na kasama natin.µ31 ´Lalong mabuti, lalong mabuti! Kung gayon ay walang panganib!µ ´Wala tayong talo! Bukod doom ay tataya pa si Insik Carlos.µ At umasta ang mataba na parang nagbibilang ng salapi. Sa labas ng bayan, ang mga tagabundok ay nangagbihis ng kanilang pinakamainam na suot upang magdala sa mamumuhunan ng matatabang inahing manok, mga baboy-ramo, usa, mga ibon; ang iba ay nagsasakay sa mga paragos ng kahoy, ang iba ay mga prutas, mga dapo, ang lalong bihirang dapo na nakukuha sa gubat; ang iba·y may dalang

27 Ang pinuno ng konstable (alagad ng batas) ay tumatanggap ng pera mula sa kinikita ng sugalan. Mahigit sandataon pagkatapos ng kolonyalismo ng Espanya ay makikita pa ang bakas ng mga alperes na ito sa mga tiwaling pinuno ng kapulisan. Sayang wala pang senado na magiibestiga sa kanila ² kung mayroon kasing inbestigasyon noon ay makikita sana natin na noon pa man ay wala ring kahihinatnan ang kanilang mga inbestigasyon. 28 Ang pagsusugal ay ipinagpapamisa ² papayag kaya ang mga santo na magwagi ang isa at matalo naman ang isa. Matatalo si Kapitan Tiyago dahilan sa tatlong misa de gracia lamang ang ginawa. Ibig sabihin ay sinusubaybayan ng mga sugarol ang kanilang mga kapwa sugarol ² hinigitan ng mga kalaban ni Kapitan Tiyago ang ang dami ng misa de gracia na ipinakaloob ng huli. 29 Mutya ng kakaw - mayroong pananalig ang mga manunugal sa taglay nilang anting-anting para manalo sa sugalan. 30 Sa mga manunugal ay inuuna muna nila ang kanilang mga usapan ukol sa sugal kaysa sa pangangamusta sa pamilya ng kanilang mga kapwa manunugal ² kahit sila ay mga magkukumpare. 31 Maging ang mga pari ng simbahan ay hindi nakaligtas sa pagkagumon sa sugal. Si Pray Damaso ay magmimisa sa umaga at uupo sa sugalan sa gabi.

338

biga na malalapad ang dahon, tikas-tikas na ang bulaklak ay kulay-saga upang ihiyas sa mga pinto ng bahay. 32 Subalit ang kinaroroonan ng higit na malaking galawan, na halos anyong kaguluhan na, ay doon sa parang isang kulob, sa kalapit ng bahay ni Ibarra. Ang mga padausdusan ay lumalangitngit, naririnig ang sigawan, at tunog ng batong dinudurog, ang pamukpok na nagbabaon ng isang pako, ang palakol na idinadaras sa hahaligihin. Isang pangkat ng tao ang humuhukay ng lupa at nagbubukas ng isang maluwang at malalim na balon; ang ilan ay naghahanay ng mga batong galing sa tapyasan ng bayan, nag-iibis sa lulan ng mga kariton, nagbubunton ng buhangin, naghahanda ng mga torno at mga salagunting.33 ´Dito! Iyan, doon! Madali!µ ang sigaw ng isang matanda na mukhang matalino, na ang tinutungkod ay isang metrong tanso ang mga gilid, na kinabibilibiran ng isang panukat. Siya ang namamahala sa pagpapagawa, si Ñor Juan, arquitecto, kantero, karpintero, mamiminta, panday-kaban, pintor, mananapyas ng bato at maminsan-minsa·y eskultor.34 ´Kailangang matapos ngayon din! Bukas ay hindi makagagawa at sa makalawa ay gagawin ang mga ceremonias! Madali!µ ´Iayos ninyo ang hukay upang makasama sa bilog na ito,µ ang sabi sa ilang mananapyas na nagpapakinis sa isang batong parisukat, ´sa loob nito matatago ang ating mga pangalan!µ At inuulit sa bawa·t mapalapit na dayo ang makalilibo na niyang nasabi. ´Alam ba ninyo kung ano ang aming itatayo? Isang paaralan na magiging tularan ng mga paaralang kagaya niya, kagaya ito ng nasa Alemanya, o higit pa!35 Ang may gawa ng plano ay ang arkitekto

32 Ang kapistahan ay isang pagkakataon upang makapagbili ang mga tagabundok (loob na bahagi ng bayan) ng kanilang mga paninda. Makikita rito ang tradisyon ng pagsipot ng maraming mga magtitinda sa isang bayan sa panahon ng kapistahan. 33 Ang paghahandang ginagawa sa bahay ni Ibarra ay kakaiba sa paghahanda ng mga bahay sa San Diego. Habang abala ang mga tao sa kapistahan, ang nagaganap sa bakuran ni Ibarra ay ang pagtatayo ng pundasyon ng isang bahay paaralan sa pamamagitan nito ay hinahati ni Rizal ang aktibidad ng kapistahan at ginamit niya rin ito bilang isang paghahanda sa paglitaw ng isang institusyon na gigising sa bayan mula sa higaan ng ignoransiya at pamahiin na kanilang kinahihimlayan sa loob ng daan-daan taon. 34 Ipinakikita ang pagkakaroon ng mga Pilipino ng maraming kaalaman at kahusayan sa iba·t ibang gawain. Malayong-malayo sa espesyalisasyon sa iisang gawain na ipinamumulat sa mga pabrika na pag-aari ng mga kapitalista. Ang ispesyalisasyon ay angkop lamang para sa mga insekto, ang mga Pilipino ay mga mapanlikhaing tao at hindi mga insekto. 35 Damahin ang bisyon ni Rizal ng isang napakahusay na edukasyon para sa mga Pilipino. Ang mga paaralan ng Alemanya ay naging duyan ng

339

na si Ginoong R.,36 at ako ang namamahala sa pagpapagawa! Opo, tingnan ninyo, ito ang magiging gusali na magkakaroon ng dalawang panig: ang isa ay sa mga batang lalake at ang isa ay sa mga batang babae. Sa gitna ay magkakaroon ng isang malaking halamanan na may tatlong daluyan ng tubig; sa mga tagiliran ay magkakaroon ng maraming puno, maliliit na taniman upang ang mga bata ay magtanim at mangalaga ng pananim sa sa panahon ng kanilang pagliliwaliw at sa ganito ay wala silang masayang na oras, at sa gayo ay huwag silang mag-aksaya ng panahon.37 Tingnan ninyo ang lalim ng mga cimiento! Tatlong metro at pitumpu·t limang centimetro!38 Ang paaralan ay magkakaroon ng mga bodega, mga lungga, mga kalaboso, na laan sa mga walang pagsisikap sa pag-aaral,39 at sa kalapit, lubhang malapit, na laruan at pook ng pagpapalakas upang marinig ng mga hindi nag-aaral ang paglalaro ng mga masisipag. Nakikita ninyo ang malaking puwang na iyan? Iyan ang liwasan upang makapagtakbuhan at makapaglundagan. Ang mga batang babae ay magkakaroon ng isang halamanan na may mga uupan, duyan, mga pook na may malalaking
mga dakilang henyo ng daigdig na nagbigay daan sa pagsulong ng pilosopiya at siyensiya. Ang nais ni Rizal na paaralan ng mga Pilipino ay makapantay ang ating mga paaralan sa mga nasa Alemanya o mahigitan pa. Makikita na ang bisyon na ito ay ginagawa sa kalagitnaan ng isang kapistahan, kung saan ang bayan ay nagtatapon ng kayamanan para sa pagsasagawa ng kaniyang mga pamahiing pangsimbahan. 36 Ang tinutukoy na arkitekto ay si Sr. Roxas na isang Espanyol-Pilipino nag-aral ng arkituektura sa Espanya at sa kapanahunang iyon ay kinikilala na pinakamahusay na arkitekto sa Pilipinas. 37 Sa bahaging ito ay ipinapakita ni Rizal ang kahalagahan ng pagsasama ng paggawa at ng edukasyon. Isang edukasyon na nakasalig sa aplikasyon. Ang panuntunan pang-edukasyon na ito ni Rizal na kaniyang isinulat sa Noli Me Tangere ay siya rin niyang isinagawa noong magkaroon siya ng pagkakataon na magtayo ng isang paaralan sa Dapitan noong siya ay ipinatapon sa nasabing lugar noong 1892-1896. 38 Pati sa detalye ng lalim ng pundasyon ay makikita na si Rizal ay may unawa sa arkitektura at inhinyerang sibil. Pansinin na sa di kraniwang lalim ng pagbabaunan ng pundasyon ay makikita ang binabalak na magiging tibay ng bahay paaralan. Isang simbolismo na nanawagan sa pangangailangan ng isang edukasyon na malalim at consistent sa kaniyang mga layunin. Hindi katulad sa ngayon na pabago-bago ang mga programa ng pagtuturo na nagpapalito sa mga mag-aaral guro, at magulang. 39 Malaman sana na ang kalaboso sa paaralan ay karaniwan sa mga matandang unibersidad sa Europa ² kung saan ang mga nagkakamaling mga mag-aaral ay ikinukulong ayon sa hatol ng opisyal at mga namumunong mag-aaral sa pamantasan. Subalit nilinaw na ang layunin ng kaparusahang ito sa paaralan na ipapatayo ni Ibarra sa Kabanata 19.

340

punong makalililim upang sila ay makapaglaro ng luksong lubid, magkaroon ng mga padaluyang-tubig, alagaan ng ibon, atbp. Ito ay lalabas na mainam!µ40 At kinukuyumos ni Ñor Juan ang kanyang mga kamay at iniisipisip na ang tatamuhin niyang kabantugan. Darating ang mga taga-ibang lupa upang tingnan iyon at ipagtatanong: ´Sino ang dakilang arkitekto na nagtayo nito? - Hindi ninyo alam? Wari namang kabalintunaan na hindi ninyo nakikilala si Ñor Juan! Malayo marahil ang inyong pinanggalingan!µ ang maaring isasagot ng lahat. Dala ang mga hakahakang ito·y payao·t dito sa magkabilang dulo, na minamataan ang lahat ng bagay at ang lahat ay sinisiyasat. ´Napupuna kong labis ang kahoy sa kailangan ng isang salagunting!µ ang sabi sa isang lalaking naninilaw na namamahala sa ilang manggagawa, ´sa ganang akin ay kasya na ang tatlong mahahabang haligi na magiging tungko at tatlong pamigilµ

´Aba!µ sagot ng taong madilaw na nakangiti ng kakaibang ngiti, ´kung gaanong laki ang anyong ibigay natin sa gawain ay gayon din naman ang paghangang ating tatamuhin. Ang kabuuan ay magkakaroon ng lalong mainam na anyo, lalong halaga at masasabing: gaanong paghihirap ang nagugol! Makikita ninyo, ang salagunting kong itatayo! At pagkatapos ay papalamutihan ko ng mga watawat, mga tali-taling dahon at bulaklak«at saka ninyo masasabi pagkatapos na mabuti ang pagkakatanggap ninyo sa akin na makasama ng inyong mga manggagawa, at wala nang mahihiling pa si Ginoong Ibarra!µ41
40 Maaring ito ay bahagi ng nobela, ngunit si Rizal mismo sa kaniyang sarili ay mayroong isang pagtatangka na magtayo ng isang colegio para sa mga kabataang Pilipino na nais niyang itayo sa Hongkong, at siya mismo ang naghanda ng plano ng gusali at programa ng pagtuturo. 41 Isang babala na nakatago sa magandang salita. ´Walang nang mahihiling pa si G. Ibarraµ

341

At ang lalaki·y ngumingiti at tumatawa: si Ñor Juan man ay ngumingiti rin at iginagalaw ang ulo. Sa may dako roon ay may dalawang kiyoskong magkakabit dahil sa isang balag na may dahon ng saging. Ang guro sa paaralan at ang may tatlumpung bata ang gumagawa ng mga corona, nagtatali ng mga banderitas sa maliliit na haliging kawayan na may balot na kayong puti na nakalulon. ´Pag-ingatan ninyong ang mga letra ay masulat na mabuti!µ ang sabi sa mga naglalagay ng mga itinatala, ´paparito ang alkalde, maraming kura ang dadalo, at marahil ay pati na ang Capitan General na naandito ngayon sa lalawigan!42 Kung makikita nilang mabuti kayong gumuhit ay marahil mapupuri kayo.µ ´At mabibigyan kami ng isang pisara«?µ43 ´Ano ang malay natin,44 nguni·t si Ginoong Ibarra ay nagpabili na ng isa sa Maynila. Bukas ay darating ang ilang bagay na ipamamahagi sa inyong bilang gantimpala« Datapwat hayaan ninyo sa tubig ang mga bulaklak na iyan, bukas na natin pagkumpul-kumpulin, magdala pa kayo ng bulaklak, sapagkat kailangang ang mesa ay mapuno ng bulaklak; ang mga bulaklak ay nakapagpapasaya sa paningin.µ ´Ang ama ko ay magdadala bukas ng bulaklak ng baino at isang bakol na sampaga.µ ´Ang ama ko ay nagdala rito ng tatlong karitong buhangin at hindi tumanggap ng upa.µ45 ´Ang amain ko ay nangakong uupa ng isang guro!µ ang dugtong ng pamangkin ni Kapitan Basilio. Tunay nga, ang balak ay tinugunan ng lahat. Hiniling ng kura na siya ang mag-ninong at magbabasbas sa paglalagay ng unang bato, bagay na idaraos sa huling araw ng pista, at siyang magiging isa sa mga pinakadakilang gagawin sa kapistahan. Pati ng koadhutor ay nangungunting lumapit kay Ibarra at iniaalay dito ang lahat ng halagang matatanggap niya sa pamisa, hanggang sa mayari ang bahay-

42 Maaring ipalagay na ang Kapitan Heneral ay nasa Los Banos, na noon ay pinakasikat na bakasyunan na katulad ng pagiging popular ng lunsod ng Baguio sa ating kapanahunan. 43 Nais na ipinapakita Rizal ang karukhaan ng paaralan sa Pilipinas. Isang pisara ang kanilang pangarap na ipapagkaloob ng bibisitang opisyal ng pamahalaan. Wala ring nagbago sa paaralan ng mga Pilipino, umaasa sa tulong ng iba para sa mga pangangailangan sa mga kagamitan sa paaralan. Sa ating kasalukuyang panahon, ang katulad nito ay ang mga paaralan na umaasa na mabibigyan sila ng computer. 44 Noon pa man ay hindi labis na naniniwala ang mga batang Pilipino sa mga pangakong materyales na kagamitan ng mga pinuno sa paaralan. 45 Isa pa rin sa karaniwang kagawian hanggang ngayon na ang mga magulang ay natulong sa mga gawain sa paaralan para mapagbuti ang kaayusan nito.

342

paaralan.46 At hindi pa iyon, si Hermana Rufa, ang mayaman at matipid na babae ay nagsabing kung kukulangin ng salapi ay maglalakad siya sa ilang bayan upang manghingi ng limos, na wala siyang ibang hinihiling kundi bayaran lamang ang magugugol niya sa paglalakbay at ang kanyang kakanin, atbp.47 Pinasalamatan siya ni Ibarra at itoay sumagot na: ´Wala tayong malaking mapapala, sapagkat hindi naman ako napakayaman at ang bahay na ito ay hindi naman simbahan.48 Saka ang isa pa ay hindi ko ipinangakong itatayo ito sa gugol ng iba.µ Ang mga binata, ang mga nag-aaral na galing sa Maynila upang makipamista ay humahanga sa kanya at siya ang inaakalang tularan; ngunit gaya ng nangyayari kahit kailan ibig nating tularan ang mga bantog na tao, ay wala tayong napaparisan kundi ang pinakamaliit nilang katangian, kung hindi pa mangyaring ang kanilang mga kasiraan ang siya nating natutularan, dahil wala tayong kaya kundi iyon lamang;49 ang marami sa mga humahangang ito ay nangakakapuna kung paano ang paglalagay ng corbata ng ating bagongtao, ang iba ay ang ayos ng leeg ng baro at hindi kakaunti ang nakapuna kung ilan ang butones ng kanyang americana at tsaleko. Ang mga kakila-kilabot na hinala ni Matandang Tasyo ay napawi mandin nang lubusan na. Gayon ang inihiwatig sa kanya ni Ibarra isang araw, ngunit ang matandang mapaghinala ng masama ay tumugong: ´Alalahanin ninyo ang sabi ni Baltazar: kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha at may pakitang giliw, lalong pag-ingatan at kaaway na lihim«µ50 Si Baltazar, bukod sa mabuting makata, ay mabuti pang palaisip.51 Ito at ibang bagay pa ang nangyayari nang bisperas, bago lumubog ang araw.
46 Ang paring Pilipino ay nakahandang tumulong sa paaralan sa pamamagitan ng pagbibigay ng lahat ng matatanggap niya sa pamisa ² pansinin na walang pinansiyal na ambag ang kura paroko. 47 Makikita dito ang pagiging tuso ni Hermana Rufa, nagkakawang-gawa na mayroong kapalit. 48 Isang simple ngunit malupit na parunggit ni Rizal sa pamamagitan ni Ibarra. Ang paaralan ay hindi simbahan na mabubuhay sa abuloy ng mga mamamayan ² sana maintindihan iyan ng mga paaralan na nanghihingi ng donasyon ² akala nila ang kanilang paaralan ay ekstensiyon ng simbahan. 49 O naintindihan ba ninyo yan mga pirata ng CD. 50 Makikita na si Rizal ay mayroong kaalaman sa Florente at Laura ni Francisco Balagtas na sa panahong iyon ay isang popular na panitikan sa mga Pilipino. 51 Si Baltazar, bukod sa mabuting makata, ay mabuti pang palaisip Ang bahaging ito ay pinakamataas na papuri ni Rizal kay Francisco Balagtas.

343