KABANATA 27 PAGTATAKIPSILIM

Maging sa bahay ni Kapitan Tiyago ay malaki rin ang ginawang paghahanda. Kilala ang may-ari ng bahay sa kanyang pagiging pagkamarangya at sa pagmamalaki, dahil sa siya ay taga-Maynila ay dapat niyang mahigitan sa karingalan ang mga taga probinsiya. At may isa pang dahilan na pumipilit sa kanyang higitan ang iba; kasama niya ang kanyang anak na si Maria Clara, at naroroon ang kanyang mamanugangin na siyang paksa ng usapan ng lahat. At tunay nga: ang isa sa mga lalong iginagalang na pahayagan sa Maynila ay naglalathala ng isang patungkol sa kanya, sa unang mukha, na ang pamagat ay Huwaran ninyo siya! na pinag-ukulan siya ng parangal at pinaglaanan ng ilang papuri. Pinanganlan siyang bihasang binata at mayamang mamumuhunan; sa ikatlong talata naman ay ang dakilang pilantropo; sa susunod na salaysay ay ´ang nag-aaral kay Minerva na tumungo sa Inang-Bayan upang batiin ang tunay na lupain ng mga sining at agham,µ1 at sa ibaba pa nang kaunti ang Kastilang Pilipino,2 atbp. Si Kapitan Tiyago ay nagkaroon ng labis na mabuting hangad na makapantay doon at iniisip nang siya man ay dapat ding magtayo ng isang kumbento sa sarili niyang gastos.3 Bago sumapit ang kapistahan ay dumating sa bahay na tinitirhan ni Maria Clara at ni Tia Isabel ang maraming kahon na puno ng mga pagkain at mga alak-Europa, mga malalaking salamin, mga kuwadro at piyano ng dalaga.

MGA PALIWANAG 1 Ang mga diyaryo sa Maynila ay ipinagyayabang ang Espanya. ´tunay na tahanan ng sining at aghamµ Sa kapanahunang iyon, ang Espanya ay nalalampasan na nang malaki ng mga bansa sa Kanluraning Europa sa mga nabanggit na larangan. Kaya nga si Rizal ay sa Pransiya at Alemanya kumuha ng espesyalisasyon sa optalmolohiya. Mapapansin dito ang isang patagong pag-insulto ni Rizal sa kayabangan ng mga Espanyol sa Pilipinas na ipinagyayabang ang huwad na kadakilaan ng Espanya. 2 Ugali ng Espanyol noon sa bansa na maliitin ang mga creole dahilan sa sila kahit na mga dugong Espanyol ay hindi puro at ipinanganak sa Pilipinas. Subalit kapag ang creole ay napabantog ay inaangkin nila ito at pilit na ipinakikilala ang pagiging dugong Espanyol. Si Ibarra ay ikatlong henerasyon na lamang, ang kaniyang lolong si Pedro Eibramendia at ang kaniyang mga lola ay mga mestisong Tsino o katutubo at ang ina ni Ibarra ay mula sa lahi ng taal na taga-rito. (Ongoco) 3 Makikita rito ang kayarian ng isipan ng isang Pilipinong panatiko sa relihiyon ² ang kaniyang salapi ay handang gastusin para sa simbahan. Samantalang si Ibarra sa kabila ng pagiging relihiyoso ay binigyan niya ng pansin ang panlupang pangangailangan ng kaniyang mga kababayan.

344

Si Kapitan Tiyago ay dumating nang bispiras ng pista: nang humalik sa kanya ng kamay ang kanyang anak ay hinandugan niya ng isang magandang agnos,4 na may esmeralda at brilyante, na may lamang isang maliit na piraso ng bangka ni San Pedro, sa dakong inupan ng ating Panginoong Hesukristo noong sila ay nangingisda.5 Ang pakikipagkita sa magiging manugang ay lubhang nakakainggit; gaya nang maasahan ay napag-usapan ang paaralan. Ang nais ni Kapitan Tiyago ay tawagin itong paaralan ni San Francisco.6 ´Maniwala kayo sa akin,µ anya, ´si San Francisco ay mabuting pintakasi! Kung panganganlan ninyong Instruccion Primaria ay wala kayong mahihita. Sino ba si Instruccion Primaria?7 Nagdatingan ang ilang kaibigan ni Maria Clara at niyaya itong maglakad-lakad. ´Datapwat umuwi ka agad,µ sabi ni Kapitan Tiyago sa kanyang anak nang ito ay humihingi ng pahintulot, ´alam mong dito kakain ng hapunan sa atin mamaya si Padre Damaso na kararating pa lamang.µ At nilingon si Ibarra na nagbubulay-bulay at nagpatuloy: ´Kayo man ay makisalo na sa amin; kayo·y mag-iisa sa inyong bahay.µ

4 Ang agnos na ito ni Maria Clara ay magkakaroon ng malayong mararating, ang katotohanan ito ay muling susulpot sa nobelang El Filibusterismo. 5 Ang kuwento ng mga mag-aalahas na ang tinitindang alahas ay mayroong relikyang kahoy ng bangka ni San Pedro sa dakong inupuan ni Cristo ² ito ay salestalk sa Pilipinas upang mabili agad ng higit na mahal ang kanilang inilalakong alahas. Inilantad ni Desiderius Eramus na isang humanist mula sa hilagang Europa na ang ganitong mga salestalk sa Europa noong Gitnang Panahong (marami sa mga nagbibili ay pari) at sa dami ng naipagbiling alahas na may nakalagay na kahoy ng bangka ni San Pedro ay naging biruan ng mga taong malalayang palaisip ay nagsabi na ´kung pagsasamasamahin ang mga kahoy ng bangka ni San Pedro na nakalagay sa mga naipagbiling alahas ay sapat na para makagawa ng isang malaking barko.µ 6 Ang nais ni Kapitan Tiyago na pangalan ng paaralan ay San Francisco (St. Francis) ay isang lihim at mahapding pagpapatawa ni Rizal. Maaring hindi nalalaman ng marami, na isinulat ni Rizal sa kaniyang munting aklat na Ang Bisyon ni Fray Rodriguez na si ´San Francisco de Asisi ay isang hangal na santoµ. Maaring itanong ng mambabasa kung bakit. Tandaan na ang payo ni Cristo sa kaniyang mga alagad ay ipangaral ang salita sa mga tao, si San Francisco sa kaniyang kahangalan ay pinangaralan ang mga ibon at hayop. 7 Ayaw ni Kapitan Tiyago ng Instruccion Primaria para maging pangalan ng paaralan, dahilan sa hindi naman santo at sino iyon?. Makikita rito ang katunggakan ni Kapitan Tiyago hindi niya alam ang literal na kahulugan niyon. Makikita rin na nilisan na ni Ibarra (ang iba hanggang ngayon ay hindi pa) na itulad ang kanilang paaralan sa pangalan ng mga santo. (Paumanhin sa mga paaralan na may pangalang Saint Francis.

345

´Ibig ko nga sana, nguni·t dapat akong lumagi sa bahay dahil baka may dumating na panauhin,µ ang sagot na pabulong ng binata na iniwasan ang tingin ni Maria Clara. ´Isama ninyo ang inyong mga kaibigan,µ ang sagot na walang nakangani-ngani/hesitation ni Kapitan Tiyago, ´sa bahay ko·y maraming pagkain kahit kailan« At saka ibig kong kayo ni Padre Damaso ay magkaunawaan«µ ´May panahon pa sa bagay na iyan!µ sagot na nakangiting pilit ni Ibarra at umayos na samahan ang mga dalaga. Sila ay nagsipanaog. Si Maria Clara ay nakapagitna kay Victoria at kay Iday, si Tia Isabel ay sumusunod. Ang mga tao ay magalang na lumalayo upang sila ay makaraan. Si Maria Clara ay kahanga-hanga sa ganda: ang kanyang pamumutla ay nawala, at kahit ang kanyang paningin ay malamlam din, ang bibig naman niya ay parang walang alam kundi ang ngumiti. Taglay ang pagkamasuyo ng isang mapalad na binibini ay binabati niya ang kanyang mga kakilala noong siya ay bata pa, na ngayon ay pawang humahanga sa kanyang maligayang pagdadalaga. Wala pang labinlimang araw at nabalik ang dati niyang tapat na kapalagayangloob, iyong pananalitang bata na waring natulog sa loob ng mga pader ng beateryo; masasabing nang maiwan ng paruparo ang supot ay nakilala na niya ang lahat ng bulaklak; naging sukat na ang lumipad nang kaunti at magpainit sa kulay-gintong sinag ng araw, upang maalis ang pamamanhid ng katawan sa loob ng kinasuputan.8 Ang bagong buhay ay namamalas sa buong pagkatao ng dalaga: ang lahat ng bagay ay mabuti at mainam sa kanyang malas; inihahayag ang kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng malinis na anyo, na, sa dahilang wala siyang kilala kundi mga walang dungis na pag-aakala ay hindi nila alam kung ano at kailangan ang mga balatkayong pagkahiya.9 Gayunman, ay tinatakpan ng pamaypay ang kanyang mukha kapag siya ay sinasabihan ng masayang biro, nguni·t kung magkagayon ay ang kanyang paningin ang ngumingiti at isang pangingilabot ang lumalaganap sa kanyang katawan. Unti-unti nang nagliliwanag ang mga bahay, at sa mga lansangan na ginagalaan ng musiko ay iniilawan na ang mga sulong kawayan at kahoy na katulad sa mga ilawan sa simbahan. Mula sa daan, sa pagitan ng mga bukas na bintana, ay nakikita ang galawan ng mga tao sa loob ng mga bahay, na puno ng liwanag at bango ng mga bulaklak, sabay sa tugtog ng piyano, alpa o orkestra. Gumagala sa mga lansangan ang mga Insik, mga Kastila, mga Pilipino; sa mga huling tinuran ay may nakagayak-Europeo at may nakasuot Tagalog. Magkakahalong nagkakasikuhan ang mga alilang may dalang
8 Talagang dito natin maaring hangaan si Rizal ² May kinalaman kaya sa pagbabago ni Maria Clara ang magandang pangyayari sa kaniya sa Kabanata 22. 9 Pagpapakita ng pagpuna ni Rizal sa paaralan na ekslusibo sa kababaihan.

346

karne at inahing manok, ang mga nag-aaral ay puting-puti ang kasuotan, mga lalake at babae, na halos masagasaan ng mga kalesa na hirap makaraan kahit na walang hinto ang sigaw na tabi ng kutsero.10 Sa tapat ng bahay ni Kapitan Basilio ay binati ng ilang binata ang mga naglalakad at inanyayahan silang umakyat. Ang masayang boses ni Sinang na patakbong pumapanaog ay siyang tumapossa mga pagdadahilan. ´Umakyat muna kayo sandali upang ako ay makasama sa inyo. Naiinip ako rito sa gitna ng maraming taong hindi ko kakilala at walang pinag-uusapan kundi manok at baraha. Sila·y nagsipanhik. Ang kabahayan ay puno ng tao. Ang ilan ay sumalubong upang batiin si Ibarra, na batid na ng lahat ang pangalan; hinangaan ang kagandahan ni Maria Clara, at ang ilang matandang babae ay bumubulong, saamantalang ngumunguya ng hitso: ´Kamukha ng birhen!µ Doon ay pinilit silang uminom ng sikulate. Si Kapitan Basilio ay naging matalik na kaibigan at tagapagtanggol ni Ibarra, mulanang araw ng piknik sa gubat. Nabatid niya, dahil sa telegrama na inihandog sa anak niyang si Sinang, na alam ni Ibarra na ang usapin ay nahatulan nang pabor dito,11 kaya sa ayaw na matalo sa kagandahang-loob ay tinangkang pawalangkabuluhan ang pinagkasunduan sa paglalaro ng ahedres. Ngunit sa dahilang si Ibarra·y ayaw pumayag, ay ipinalagay ni Kapitan Basilio na ang salaping dapat ibayad sa gugulin sa pag-upa ng isang guro sa itatayong paaralangbayan. Dahil dito ay ginagamit ng mananalumpati natin ang kanyang pananalita upang ang ibang kalaban ay huwag nang maghabol, at sinabing: ´Maniwala kayo: sa mga usapin, ang nananalo ay nahuhubaran!µ12 Nguni·t wala siyang mapapaniwala sa gayon, kahit na tukuyin pa ang matatandang mga Romano.
10 Noon pa man ay matigas na ang ulo ng mga Pilipino sa batas ng trapiko. Talaga yatang isinilang ang mga Pilipino na pasaway sa kaligtasang pantrapiko ² mukhang tayo lang yata ang bansa sa mundo na may mga overpass pero sa ibaba pa rin nagtatawiran ang mga tao. 11 Tandaan na ang kalahati ng telegrama na ukol sa kaso sa hukuman ay ipinagkaloob ni Ibarra kay Sinang. Na ang kahulugan ay binabalewala na ni Ibarra ang kapasiyahan ng hukuman sa kabila ng pagiging pabor nito sa kaniya. Ang isang ugali ng mga Pilipino ay madaling magpatawad, lalo na kung ang dalawang magkalaban ay mayroong magkaparehong kaibigan. 12 Isang pagpuna sa hukuman sa Pilipinas, kahit na manalo pa ang isang tao ay napakalaki ng kaniyang nagiging kabayaran sa gastusin ukol dito. Ito ang dahilan kung bakit ang mga mahihirap ay hindi nanalig dito, lalo na

347

Matapos makainom ng sikulate, ang ating mga kabinataan ay napilitan pang makinig ng tugtog ng piyano, na tinugtog ng organista sa bayan. ´Kung naririnig ko siyang tumutugtog sa simbahan,µ ang sabi ni Sinang na itinuturo ang tumutugtog, ´ay ibig-ibig kong sumayaw; ngayong tumutugtog ng piyano ay pumapasok sa loob ko ang magdasal; kaya ako ay sasama sa inyo.µ ´Ibig ba ninyong makisama sa amin mamayang gabi?µ ang bulong ni Kapitan Basilio sa tainga ni Ibarra nang ito ay magpapaalam, ´si Padre Damaso ay siyang magiging bangka. Si Ibarra ay ngumiti at sumagot sa galaw ng ulo na hindi masabi kung oo o hindi. ´Sino iyan?µ ang tanong ni Maria Clara kay Victoria na itinuro sa pamamagitan ng isang mabilis na tingin ang isang binatang sumusunod sa kanila. ´Iyan, iyan ay isang pinsan ko,µ ang sagot na parang hindi maintindihan.13 ´At iyong isa?µ ´Iyan ay hindi ko pinsan,µ ang biglang sagot ni Sinang, ´iyan ay anak ng aking tiya.µ14 Nagdaan sila sa tapat ng kumbento, na isa rin sa mga bahay na may kasayahan. Hindi napigil ni Sinang ang isang
kapag ang kanilang kalaban ay mga mayayaman at may kakayahan na kumuha ng mahuhusay na abogado. 13 Nagdadahilan si Victoria na ´pinsanµ niya ang lalaking sumusunod sa kanila. 14 ´Iyan ay hindi ko pinsan,µ ang biglang sagot ni Sinang, ´iyan ay anak ng aking tiya.µ ´es un hijo de mi tía.µ Biglang pumasok sa usapan si Sinang Mukhang may ibinubunyag dito si Sinang ukol sa kaniyang tiyahin. Maaring isang pagbibiro ito ni Rizal, ngunit ang maaring nagtulak sa kaniya na isulat ang mababaw na birong ito ay isang masakit na kaganapan sa kaniyang buhay at ito ay ang asawa ng kaniyang tiyuhin na si Jose Lorenzo Alberto na kapatid ng kaniyang ina. Nang ang kaniyang tiyuhin ay nasa ibang bansa, ang asawa nito ay sumama sa ibang lalaki at nang magbalik sa Pilipinas ay natagpuan nito na abandonado na ang kaniyang tahanan. Pinilit ng ina ni Rizal na muling magsama ang nagkasirang magasawa, ngunit pagkalipas ng ilang linggo ay isinakdal si Donya Teodora ng asawa ni Jose Alberto-Alonzo ng tangkang panlalason. Sa ganito ang ina ni Rizal ay pinaglakad ng mahaba at nabilanggo ng mahigit sa dalawang taon sa kulungan ng Santa Cruz, Laguna. Inaanyayahan ko rin na basahin ninyo ang artikulong Discovery in Biñan ni Ambeth Ocampo at mapapansin dito ang malamig na pagtanggap sa manunulat ni Don «. at umiiwas sa kaniyang mga katanungan. Higit na mapapansin ang ibinilin ng matanda sa manunulat na ´Don·t make chismis.µ Sa nasabing artikulo ay mapupuna na paiwas sa pagsagot ang binisita.

348

bulalas na paghang nang makitang may ilaw ang mga lamparang matatandang-matatanda na ang ayos, na hindi pinaiilawan kailan man ni Padre Salvi upang huwag magastusan sa petroleo. Naririnig ang mga sigawan at malalakas na tawanan, natatanaw na naglalakad nang madalang ang mga prayle na iginagalaw ang ulo, na sabay sa paggalaw ng malaking tabakong nasa bibig. Ang mga hindi pari na kahalubilo nila ay nangagpipilit na gumaya sa mga prayle. Dahil sa suot taga-Europa na kanilang bihis, sila mandin ay mga kawani o mga maykapangyarihan sa lalawigan. Nabanaagan ni Maria Clara ang mabibilog na hugis ng katawan ni Padre Damaso katabi ng mainam na katawan ni Padre Sibyla. Hindi kumikilos sa kinalalagyan ang malihim at malungkuting si Padre Salvi. ´Malungkot!µ sabi ni Sinang, ´iniisip ang kanyang magagastos dahil sa dami ng dumalo. Subalit makikita ninyong hindi siya ang magbabayad ng lahat ng iyan kundi ang mga sakristan. Ang kanyang mga bisita ay laging sa ibang bahay kumakain.µ ´Sinang!µ ang sabi ni Victoria na kinagalitan ang nagsalita. ´Ayoko na iyang makita mula noong sinira ang Rueda de la Fortuna; hindi na ako mangungumpisal sa kanya.µ15 Sa lahat ng bahay ay natatangi ang isa na walang ilaw at nakalapat ang mga durungawan: iyon ang sa alperes. Ipinagtaka ni Maria Clara ang gayon. ´Ang bruha! Ang Musa ng guwardiya sibil gaya ng sabi ng matatanda!µ ang bulalas ng matalas na si Sinang. ´Ano ang pakialam niya sa ating mga kasayahan? Marahil ay nagngingitngit! Bayaan mong dumating ang kolera at makikita mong magbibigay ng handaan iyan.µ ´Datapwa, Sinang!µ ang muling saway ng kanyang pinsan. ´Kailanman ay kinainisan ko iyan, at lalo nang guluhin ang ating piknik sa pamamagitan ng kanyang mga guwardiya sibil. Kung ako lamang ay Arsobispo ay ipakakasal ko iyan kay Padre Salvi«16 at makikita mo ang mga magiging anak! Sukat ba namang ipahuli iyong kaawa-awang piloto na tumalon sa tubig sa pagsunod«µ Hindi natapos ang salita; sa sulok ng liwasan na kinalalagyan ng isang bulag na umaawit sa tulong ng isang gitara, ay may isang kakaibang nangyayari.17
15 Isang pailalim na paraan ni Rizal para tahimik na ipahiwatig ang paglayo sa kumpisalan dahilan sa sinira nito ang aklat ng rueda de fortuna. Papaano kayang ang simbahan ay makakahingi ng pangungumpisal sa mga tao, kung ito mismo ay isa sa mga nagbalak na ilihim ang nilalaman ng Noli Me Tangere. 16 Sa nobela ang talagang magkahawig sa anyo at kaanyuan ay sina Dna. Consolacion at Padre Salvi. Kung sila ang nagkatuluyan o may lihim na relasyon ay masasabi natin ang kanilang magiging pag-iibigan ay made in hell. Bakit naisip ni Rizal na ang dalawa ang bagay? May makikita kayong nakakagulat na kasagutan sa kabanata 39. 17 Ang kapistahan ay isa ring pagkakataon upang lumabas maging ang mga

349

Isang taong nakasalakot nang malapad na dahon ng buli at gulagulanit ang suot. Ang kanyang kagayakan ay binubuo ng isang lebitang punit-punit at sirang salawal na maluwang, na tulad ng sa Insik. Sandalyas na luma ang suot ng kanyang mga paa. Ang kanyang mukha ay hindi makita dahil sa salakot, ngunit sa dilim na iyon ay minsanminsang kumikislap ang mga mata na agad napapawi. Siya ay mataas, at ayon sa kanyang mga kilos ay maiiisip na siya ay binata. Inilalagay sa lupa ang isang bakol, at pagkatapos ay lumalayong bumibigkas ng mga ungol na hindi maintindihan ang ibig sabihin; siya ay nakatayong nagiisa, siya at ang karamihan ng tao ay sadyang naglalayuan. Sa gayon ay lumalapit sa bakol ang ilang babae at nag-iiwan doon ng mga prutas, isda, bigas, atbp. Kapag wala nang lumalapit ay lumalabas sa dilim na iyon ang ibang ungol na higit na malulungkot, ngunit hindi na lubhang kahambal-hambal, marahil ay pagpapasalamat; kukunin ang kanyang bakol at lalayo upang ulitin ang gayon sa iba namang pook. Kumutob sa loob ni Maria Clara na doo·y may isang kasawian at nagsiyasat tungkol sa katangi-tanging taong iyon. ´Iyon ang ketongin,µ ang sagot ni Iday, ´may apat na taon nang taglay ang sakit na iyan, sabi ng ilan ay dahil sa pag-aalaga sa kanyang ina, at ang sabi naman ng iba ay dahil sa pagkakapiit sa malamig na kulungan. Sa bukid siya naninirahan, malapit sa libingan ng mga Insik; hindi nakikipag-usap sa kaninuman, ang lahat ng tao ay lumalayo sa kanya sa takot na mahawa. Kung makikita mo ang kanyang bahay! Iyon ang bahay na giring-giring:18 ang hangin, ang ulan at ang araw ay labas-pumasok doon na gaya ng karayom sa canvass. Ipinagbawal sa kanya ang humipo ng pag-aari ng sinumang tao. Isang araw ay may nahulog na bata sa isang batis, na hindi malalim, ngunit dahil sa nagdaraan siya sa kalapit na pook na pinangyarihan ay tinulungan niya ang bata sa pag-ahon. Nalaman ang gayon ng ama ng bata, isinuplong sa kapitan at ipinag-utos nitong siya ay hagupitin ng anim na palo sa gitna ng daan at ipinasunog ang yantok pagkatapos. Iyon ang kakilakilabot! Ang ketongin ay tumatakbong umiilag, hinahabol siya ng pumapalo at isinisigaw sa kanya ng kapitan ang: ¶Matuto ka! Mabuti pang malunod ang isang tao kaysa magkasakit nang katulad mo.µ 19 ´Siya nga!µ ang bulong ni Maria Clara. At halos di batid ang ginagawa ay biglang lumapit sa buslo ng ketongin at inilagay ang agnos na kabibigay pa lamang sa kanya ng kanyang ama. ´Ano ang ginawa mo?µ ang tanong ng mga kaibigang babae.
taong sawi sa buhay. Mga taong nabubuhay sa likas na kabutihan at awa ng mga tao. 18 Sa ating panahon ang higit nitong kahulugan ay ang bahay na giraygiray. Nangangahulugan na malapit ng masira sapagkat umuuga at wala ng kakayahan na makapagkanlong sa ulan, araw at hangin. 19 Makikita na ang kamangmangan ng tao ang sanhi ng malupit na pakikitungo sa ketongin.

350

Wala akong ibang bagay na maibigay!µ sagot na itinago sa isang ngiti ang luha niya sa mata. ´Eh, ano ang gagawin niya sa isang agnos?µ sabi ni Victoria, ´minsan ay may nagbigay sa kanya ng kuwalta, ngunit inilayo niya sa tulong ng isang patpat: ano nga naman at tatanggapin niya, sa walang taong tumanggap ng anumang nanggagaling sa kanya? Kung ang agnos sana ay makakain!µ Tiningnan ni Maria Clara nang tinging may pagka-inggit ang ilang babaeng nagbibili ng mga kakanin at ikinibit ang balikat.20 Lumapit sa buslo ang ketongin, hinawakan ang hiyas na kuminang sa kanyang mga kamay, lumuhod, hinagkan, at matapos iyon ay nag-alis ng salakot at isinubsob ang noo sa lupang tinuntungan ng binibini. Ikinanlong ni Maria Clara ang kanyang mukha sa pamaypay at nagpahid ng panyo sa mata. Samantala ay lumapit sa ketongin ang isang babaeng nagdarasal. Ang mahabang buhok ay sabog at gulo, at sa tulong ng liwanag ng parol ay namalas ang pagmumukhang putlang-putla ng baliw na si Sisa. Nang maramdaman ang pagkalapit ng babae ay napatili ang ketongin at biglang tumayo. Ngunit kumapit sa kanyang bisig ang baliw, sa gitna ng pagkasindak ng taong nangaroroon, at ang sabi ay: ´Manalangin tayo, manalangin tayo! Ngayon ang araw ng mga patay!21 Ang mga ilaw na iyan ay siyang buhay ng mga tao;22 manalangin tayo nang patungkol sa aking mga anak!µ ´Ilayo ninyo ang babae, paghiwalayin ninyo sila! Mahahawa ang baliw!µ sigawan ng karamihan ng tao, ngunit walang makapangahas na lumapit. ´Nakikita mo ang ilaw na iyon sa tore? Iyon ay ang aking si Basilio na pumapanaog sa lubid! Nakikita mo iyong nasa kumbento? Iyon ang anak kong si Crispin, ngunit hindi ko sila mapaparoonan upang tingnan sapagkat ang kura·y may sakit at mayroon siyang maraming onsa at ang mga onsa ay nawawala. Manalangin tayo, manalangin tayo nang patungkol sa kaluluwa ng kura!23 Siya ay

20 Naiinggit si Maria Clara dahilan nasa kanila ang paninda na sana ay maibibigay niya sa ketongin. 21 Pinalabas ni Rizal si Sisa sa panahon ng kapistahan at sabihin na ito ay araw ng mga Patay. Isang malaking pag-insulto ni Rizal sa araw ng kapistahan. 22 Makikita ang husay ni Rizal ng pagtatalaga ng mga ipapahayag ng kaisipan ng kaniyang mga tauhan ² sa pamamagitan ng baliw na si Sisa ay ibinigay ni Rizal ang susi upang maunawaan na ang salitang liwanag sa nobela ay siyang kumakatawan sa kaisipan. 23 Ipahiwatig ni Sisa sa gitna ng kaniyang kabaliwan, na ang kura ang may kasalanan at ipinagdarasal pa ang kaluluwa ng prayle. MAKIKITA ANG HUSAY NI RIZAL SA PAGSASABI NG MGA KATOTOHANAN NA HINDI SIYA MANANAGOT SA KASONG LIBELO ² Ang tagapagsalita ng kaniyang mga lihim na panunulsol ay mga taong hindi normal ang pagkakilala ng lipunan. Si Tasyo ang ´baliwµ ay ginamit ni Rizal sa pinakamaanghang na pagbatikos sa kolonyal na pamahalaan, sa dogmang pansimbahan, at

351

dinalhan ko ng ampalaya, sarsalida; ang aking halamanan ay puno ng bulaklak, at mayroon akong dalawang anak. Ako ay may halamanan, nag-aalaga ako ng bulaklak, at ako·y may dalawang anak!µ At matapos mabitiwan ang ketongin ay lumayong umaawit ng: ´Ako ay may halamanan at bulaklak, ako ay may mga anak, halamanan at bulaklak!µ ´Ano ginawa mo para sa babaeng iyan?µ ang tanong ni Maria Clara kay Ibarra. ´Wala! Nang mga araw na nakaraan ay nawala sa bayan at hindi siya makita!µ ang sagot na may pagkagulumihanan ng binata. ´At saka marami akong ginawa, nguni·t huwag kang magdamdam; ipinangako ng kurang ako ay tutulungan, at sinabi sa aking lubhang kaiingat at maglihim, sapagkat tila kagagawan ng guwardiya sibil. Malaki ang pagkaawa sa kanya ng kura!µ24 ´Hindi ba sinabi ng alperes na ipahahanap niya ang mga bata?µ ´Oo, nguni·t noon ay«nakainom nang kaunti!µ Bahagya pang nasasabi ito, ang baliw ay kaladkad halos ng isang sundalo: si Sisa ay nanlalaban. ´Bakit ninyo hinuhuli? Ano ang ginawa?µ ang tanong ni Ibarra. ´Ano? Hindi ba ninyo nakitang nanggulo?µ ang sagot ng bantay ng katahimikang-bayan.25 Dali-daling kinuha ng ketongin ang kanyang buslo at lumayo. Si Maria Clara ay nagtangka nang umuwi sapagkat nawala na ang kanyang kasayahan at kasiyahang-loob. ´May mga tao rin palang hindi mapapalad!µ ang kanyang bulong.26 Nang dumating sa pinto ng kanyang bahay ay naramdamang naragdagan ang kanyang kalungkutan nang makitang ang kanyang kasintahan ay ayaw umakyat at nagpapaalam: ´Kailangan!µ sabi ng binata. Inakyat ni Maria Clara ang hagdanan na iniisip-isip ang pagkabagot sa mga kaarawan ng pista, kapag dumating ang pagdating ng mga panauhin mula sa ibang bayan.

kahangalan ng mga Pilipino. Si Sisa sa pagkakataong ito ay isang baliw ay pinagsalita ni Rizal ukol sa krimen ng isang alagad ng simbahan. 24 Sa usapan ni Ibarra at Padre Salvi ay gumagawa ng impresyon ang huli, na anuman ang nangyari sa mga anak ni Sisa ay ang alperes ang maaring sisihin. Minamaniobra ni Padre Salvi ang isipan ni Ibarra upang ilayo sa kaniya hinala. 25 Sa kapanahunan ng Espanya sa Pilipinas ² ang baliw ay ikinukulong din sa bilangguan na kasama ng mga nagkasala sa batas. Malayo sa ating panahon na magkaibang institusyon ang pinagdadalahan sa kanila. 26 Sa unang pagkakataon na natambad kay Maria Clara ang pagkakaroon ng kasawian ng lipunan. Kasawian na sa mahabang panahon ay ikinubli sa kaniya nang ekslusibong paaralan na kaniyang pinasukan.

352