KABANATA 28 SULATAN

(Ang bawa·t isa·y ibinabalita ang perya nang alinsunod sa kanyang pagkakita).

Dahil sa wala namang naiibang bagay na naganap sa mga tao sa istoryang ito sa gabi ng bisperas at sa sumunod na araw ay malugod na sana naming lalaktawan ang araw na ito kung hindi lamang namin iniisip na marahil ay may taga ibang lupain na mambabasa na may pagnanais na malaman kung papaano isinasagawa ng mga Pilipino ang mga kapistahan.1 Upang magawa ito ay sisipiin naming buung-buo ang ilang sulat na ang isa sa kanila ay mula sa tagapagbalita ng isang bantog na pahayagan sa Maynila na iginagalang dahil sa kanyang katayuan at pagiging seryoso. Bahala nang iwasto ng aming mga mambabasa ang ilang maunti at sadyang kamalian. Ang sulat ng tagapagbalita ng kilalang pahayagan ay ito: ´Ginoong Direktor«µ ´Itinatangi kong kaibigan: Hindi pa ako nakakakita, at hindi ko inaasahang makakita sa mga lalawigan ng isang kapistahan sa pananampalataya na kasindakila, kasing-husay at kaakit-akit na gaya ng idinaraos sa bayang ito na pinamumunuan ng mga lubhang kagalang-galang at mababait na paring Pransiskano.µ ´Ang taong dumalo ay naparami: nagkapalad akong mabati ang halos lahat ng mga Kastilang naninirahan sa lalawigan,2 ang tatlong kagalang-galang na paring Agustino, ang galing sa lalawigang Batangas, ang dalawang kagalang-galang na paring Dominicano na ang isa sa kanila ay ang kagalang-galang na si Pray Hernando de la Sibyla na ang pagdalo ay nagbigay-dangal sa bayang ito, bagay na hindi dapat malimot ng mabubuting tagarito. Nakita ko rin ang maraming bantog na ginoong taga-Cavite, Pampanga, maraming mayamang taga-Maynila, at maraming banda ng musiko na kasama ang sa Pagsajan, na pag-aari ng eskribano na si Ginoong Miguel Guevara. Lubhang maraming mga Insik at mga Indio, ang una ay dahilan sa pagiging mausisa at ang huli ay dahil sa labis na pananampalataya at hinihintay ang araw ng pagdaraos ng dakilang kapistahan upang manood ng dulang comico²mimico-liricoMGA PALIWANAG 1 Nais na sana ni Rizal na iwasan ng ikuwento pa ang bahaging ito, subalit kaniyang isinulat upang maipakita sa mga dayuhan ang paraan ng pagsasagawa ng kapistahan sa Pilipinas. Ang Noli Me Tangere ay isinulat ni Rizal hindi lamang para basahin ng kaniyang mga kababayan, kundi upang ipakita sa mundo ang kabuuan ng lipunang Pilipino. 2 Ang kapistahan ay isang magandang panahon upang magkita-kita ang mga Espanyol na naninirahan sa isang lalawigan ² subalit ang mga taong bayan ang gumagastos at nag-aabala para sa kanila.

353

coreografico-dramatico, na ipinagtayo ng isang malaki at maluwang na tanghalan sa gitna ng liwasan.µ ´Ikasiyam ng gabi ng ikasampu ng buwan, bispiras ng pista, matapos ang masagana at masarap na hapunang idinulot sa amin ng Hermano Mayor, ay nakapukaw sa aming mga Kastila at mga prayleng nasa kumbento ang tugtugan ng dalawang banda ng musiko na sinasabayan ng maraming tao at tunog ng mga kuwitis at bombang malalaki, at pinangunahan ng mga maykapangayrihan sa bayan, ay tumungo sa kumbento upang kami ay kaunin at dalhin sa pook na inihanda at inilaan sa amin upang panoorin ang pagtatanghal.µ3 ´Napilitan kaming paunlakan ang mainam handog kahit na higit ko pang nais ang magpahinga sa mga bisig ni Morfeo4 at ipahinga ang pananakit ng aking katawan, dahil sa makalog na sasakyang pinagamit sa amin ng kapitan sa bayang B.µ5 ´Kami nga ay pumanaog, at pinaroonan naming hinanap ang mga kasamang naghapunan sa bahay dito ng mahabagin at mayamang si Ginoong Santiago de los Santos.µ ´Ang kura sa bayan, ang marangal na paring si Pray Bernardo Salvi at ang kagalang-galang na si Pray Damaso Verdolagas, na sa awa ng Poong Diyos ay magaling na sa mga sakit niyang dinaramdam, dahilan sa kagagawan ng isang lapastangang kamay,6 na kasama ng kagalang-galang na si Pray Hernando de la Sibyla at ang birtusong kura sa Tanawan, at iba pang Kastila, ay mga panauhin sa bahay ng Kresong7 Pilipino. Doon ay nagkapalad kaming humanga, hindi lamang sa maringal at katalinuhan sa paghahanda ng mga may-ari ng bahay, bagay na hindi karaniwan sa ugali ng mga tagarito,8 kundi pati sa marilag, napakaganda at mayamang anak na nagpakilalang isa sa mga lalong matalinong nag-aral ng arte ni Sta. Cecilia sa pagtugtog sa kanyang mainam na piyano (dahil sa kahusayan ay naala-ala namin si

3 Mapapansin dito ang malabis ng paggalang ng mga Pilipino sa mga dayuhang pari at mga Espanyol na nagiging mga panauhin sa kanilang mga kapistahan. 4 Morfeo ² sa mitolohiyang Griego ay diyos ng panaginip ² anak siya ni Hypnos na diyos naman ng pagtulog. Mula sa salitang ito hinango ang terminong morpina na katawagan sa gamot na pamatay ng kirot ng katawan. 5 Maging ang sasakyan na ginagamit ng tagapagbalita ay ipinahiram lamang sa kaniya ng isang Pilipinong punong bayan. Mapapansin din ang kawalan ng utang na loob ng Espanyol na tagapagbalita dahilan sa pinintasan pa niya ang sasakyan na ipinahiram sa kaniya. 6 Mauunawaan na dito na pinagbuhatan ng kamay si Pray Damaso at ang pananakit ay ibinibintang kay Elias. 7 Croessus ²huling hari ng Lydia na kilala sa labis na kayamanan. 8 Talagang hindi karaniwan dahilan sa mayaman si Kapitan mahihirap ang maraming Pilipino. Tiyago at

354

Galvez),9 ng pinakamabuting tugtuging Aleman at Italyano. Sayang at ang binibini ay naging lubhang mahinhin na inililihim ang kanyang mga katalinuhan sa mga kalipunan na ang idinudulot sa kanya ay puro paghanga.µ10 ´Hindi ko dapat malimutan na sa bahay ng may piging ay pinainom kami ng champagne at iba pang masasarap na alak na lubhang sagana, na gaya ng dating kaugalian ng bantog na masalaping ito.µ ´Kami ay nanood ng itinanghal, kilala na ninyo ang ating mga artistang sina Ratia, Carvajal at Fernandez, kami lamang ang nakabatid ng kanilang mga kainamang kumilos sapagkat ang mga hindi ilustrado ay walang alam kahit na maliit sa gayon.11 Sina Chananay at Balbino ay mabuti kahit na namamalat nang kaunti: itong isa ay nakabitiw ng isang pagpiyok subalit sa kabuuan at pagsisikap ay kahanga-hanga. Ang mga Indio, lalung-lalo na ang kapitan sa bayan ay nalugod na mabuti sa komedyang Tagalog: ang kapitan ay nagkukuyumos ng dalawang kamay at ang sabi sa amin ay sayang daw at hindi pinalaban ang prinsesa sa higanteng umagaw sa kanya, bagay na sa kanyang akala ay lalo pang naging kahanga-hanga sana, at lalo pa kung ang higante ay hindi sana tinatalaban kundi sa pusod lamang, gaya ng isang nagngangalang Ferragus na sinasabi sa kasaysayan ng Doce Pares.12 Ang kagalang-galang na si Pray Damaso,

9 Tinutukoy dito si Dna. Buenaventura Galvez y Mijares-Reyes na nagtapos sa konsebartoryo ng musika sa Madrid at pinakamahusay na piyanista ng kapanahunan ni Rizal at siya ay nagsilbing pangunahing tagapagturo ng piyano sa Maynila. (Glosaryo) 10 Pagpapakita ni Rizal ng kahusayan ng mga babae ng Pilipinas, ngunit sa kaniyang kapanahunan ay hindi nabibigyan ng pansin dahilan sa ang mga lalaki ang palaging nasa bungaran ng anumang kahusayan. 11 Talaga pati sa pagkukuwento ng tagapagbalitang taga Espanyol ay makikita ang kanilang pagmamaliit sa mga mamamayang taga probinsiya. 12 Mapapansin ang pagkahilig ng mga Pilipino sa komedyang Tagalog ² dahilan sa ito ay kanilang naiintindihan. Makikita rin ang isang ugali ng mga Pilipino na gumagawa ng komento sa mga napapanood nilang pagtatanghal.

355

dala ang kagandahang-loob na kanyang ikinatatangi ay sumasang-ayon sa kapitan at ang dugtong pa ay kung nangyari sana ang gayon ay bahala nang humanap ang prinsesa ng paraan upang makita ang pusod ng higante at bigyan sa lugar na iyon ng pamatay.µ13 ´Hindi ko na ipapaalam sa inyo na habang idinaraos ang pagtatanghal ay hindi pumayag ang magandang-loob na Rothschild14 na Pilipino na magkulang ng anuman; mga sorbetes, limonada, mga pamatid-uhaw, matamis, alak at iba·t iba pa ang walang hintong pagdudulot sa aming mga naroon. Lubhang napuna, ang hindi pagkakadalo ng kilala at bihasang binata na si Ginoong Juan Crisostomo Ibarra, na gaya ng inyong nalalaman ay dapat manguna bukas sa pagbasbas sa unang bato ng malaking monumento, na sa kagandahangloob ay kanyang ipinatatayo. Ang marangal na inapong ito ng mga Pelayo at mga Elcano (sapagkat ayon sa aking iniisip, ang isa sa kanyang mga nuno ay buhat sa isang bayan ng ating magigiting at mararangal na lalawigan sa Hilaga, marahil ay isa sa mga unang kasama ni Magallanes o Legazpi), ay hindi rin nakita sa buong nalalabi sa maghapong iyon dahil sa isang munting karamdaman. Ang kanyang pangalan ay siya na lamang nasasabi at nababanggit na may kahalong mga papuring hindi maikakailang ikagagaling ng karangalan ng Espanya at ng mga tunay na Kastila na gaya natin, na kailanman ay hindi natin naipagkakaila ang ating dugo kahit na ito ay mahaluan ng lubha.µ15 ´Ngayong ika-11 ay napanood namin sa umaga ang isang nakaakit na bagay. Sa araw na ito, gaya ng alam na ng lahat, ay kapistahan ng Birhen de la Paz, at ang nasabing pista ay ginagawa ng mga kapatid sa Santisimo Rosario.µ ´Bukas naman ang kapistahan ng patrong si San Diego at ang mga kalahok dito ay ang mga kapatid sa V.O.T. Ang dalawang kapisanang nabanggit ay may isang malinis na karibalan sa paglilingkod sa Diyos, at ang kagandahang-ugaling ito ay nakaabot hanggang sa pagkakaroon ng mga banal na alitan nilang dalawa,16 gaya ng nangyari

13 Parang napakahirap yata sa prinsesa na hanapin ang pusod ng higante lalo na kung nakatayo. Ano ang gusto ni Padre Damaso, pahigain ng prinsesa ang higante para makita ang pusod nito. Tandaan sana na ang isa sa pamagat ng dula ay MGA PAKONG BINUNOT MULA SA KARUMALDUMAL NA YUNGIB. 14 Apelyido ng isang Hudyong na kilala sa pagtatayo ng bangko at pilantropiya. Ang angkan ng Rothschild ay naging mainpluwensiya sa daigdig ng pagbabangko hanggang sa ngayon. Teka bankero at pilantropo! ² Papaano kaya ang isang bangkero ay magiging pilantropo? 15 Mababa ang tingin ng mga Espanyol na Peninsulares (ipinanganak sa Espanya) sa mga Creole, ngunit kapag ito ay nagpapakita ng labis na kahusayan ay lagi nilang iniuukol ang kahusayan na iyon sa pagkakaron nito ng isang dugong Espanyol ² tila walang maiidulot na mahusay ang dugo ng mga katutubo ng Pilipinas. 16 Nagkakaroon ng alitan ang mga mapanata dahilan sa kabanalan ²

356

kanina lamang dahil sa pag-aagawan sa dakilang predicador, na bantog sa lahat, ang nauulit-ulit na kagalang-galang na Padre Damaso,17 na siyang lalagay bukas sa pulpito ng Espiritu Santo at bibigkas ng isang sermon na magiging isang kahanga-hangang bagay ukol sa pananampalataya at sa magandang pangungusap, alinsunod sa akala ng madla.µ ´Gaya ng aming nasabi na, nakapanood kami ng isang banal at kaakit-akit na bagay. Anim na paring bata, tatlong magmimisa at tatlong katulong sa mga gagawin ang lumabas sa sakristia, at nang nakaluhod na sa harap ng dambana ay inawit ng kagalang-galang na si Padre Hernando de la Sibyla ang Surge Domine, na siyang panimula ng prusisyon sa paligid ng simbahan sa pamamagitan ng kanyang mainam na tinig at banal na anyo na kanyang kaugaliang kilala ng lahat at siyang nagiging sanhi ng paghanga sa kanya ng madla. Matapos ang Surge Domine, ang kapitan sa bayan na naka-prak at dala ang bandila, na kasunod ang apat na sakristang may mga incensario ay nanguna sa paglakad ng prusisyon. Sumusunod sa kanila ang mga kandelabrang pilak, ang mga pinuno ng bayan ng San Diego, ang magagandang santo, na nabibihisan ng satin at ginto, na naglalarawan kina Sto. Domingo, San Diego at Birhen de la Paz na may isang lambong na bughaw na may malalapad na palamuting pilak, na handog ng mabait na naging kapitan, na nararapat na pamarisan, at kailanman ay di sapat na napupuring si Ginoong Santiago de los Santos. Ang lahat ng larawang ito ay nasa mga andas na pilak. Sa likuran ng Ina ng Diyos sumusunod kaming mga Kastila at ang iba pang pari: ang oficiante ay nalulukuban ng isang palyo na dala ng mga kabisa, at ang pinakahuli ng prusisyon ay ang mga guwardiya sibil. Inaakala kong hindi na dapat sabihin na maraming Indio, na may mga dalang kandila, ang bumubuo ng dalawang panig ng prusisyon. Ang musiko ay tumutugtog ng mga marcha religiosa; mga sunud-sunod na putok ng mga bomba at rueda. Nakahahanga ang kabaitan at sigabo ng kaloobang ibinibigay sa puso ng mga deboto sa mga bagay na ito, ang malaki at malinis na pananalig nila sa Birhen de la Paz, ng kalakhan at marubdob na pamamanatang ipinamamalas nating mga nagkapalad na ianak sa ilalim ng kabanalbanalan at walang bahid-dungis na bandila ng Espanya kailanmat ginagawa ang mga ganitong kapistahan.µ ´Nang matapos na ang prusisyon ay sinimulan ang misa na sinabayan ng tugtog ng orkestra at ng mga artista sa dulaan. Makaraan ang Ebanghelyo ay umakyat sa pulpito ang kagalang-galang na si Pray Manuel Martin, Agustinong galing sa lalawigan ng Batangas, na
tandaan na ang gawaing na naka-ukol sa kabanalan ay hindi maaring pagawayan una dahilan sa ito ay dala ng malinis na pag-ibig ² kaya nag-aaway ang mga miyembro ng mga kapatiran sa simbahan ay dahilan sa nagkakayabangan sa kanilang paimbabaw na kabanalan. 17 ´gaya ng nangyari kanina lamang dahil sa pag-aagawan sa dakilang predicador, na bantog sa lahatµ Pinag-aawayan ng dalawang kapatiran kung sino ang pinakamahusay na magsermon ² dito marami ang kumampi na si Pray Damaso.

357

nagawang mabitin sa kanyang pananalita ang lahat ng nakikinig at lalung-lalo na ang mga Kastila sa mga paunang banggit ng sermon, na sinabi niya nang buong katapangan at may mga salitang mainam ang pagkakabigkas at angkop na angkop, na nagpasok ng sigabo at udyok na sumamba sa aming mga puso. Ang mga pangungusap niyang ito ay siyang naaangkop sa dinaramdam natin kapag ang natutukoy ay ang Birhen at ang ating iniibig na Espanya,18 at lalung-lalo na kapag nababanggit sa salaysay, yamang maaangkupan ng gayon, ang mga kaaralan ng isang prinsipe ng simbahan na si Cardinal Monescillo, na di mapag-aalinlanganang sabihin na siya ring opinyon ng lahat ng Kastila.µ19

´Matapos ang misa ay umakyat kaming lahat sa kumbento, kasama ang mga maykapangyarihan sa bayan at iba pang tanging ginoo, at doon ay

18 Ibig sabihin ang sermon na ibinigay ni Padre Martin ay pinaghalong pangangaral ng paghikayat sa kabanalan at ang pangangailangan ng mga Pilipino na magkaroon ng katapatan sa Espanya. 19 Kardinal Espanyol at Arsobispo sa Toledo, Espanya ² nakilala sa kaniyang mahigpit na pagtutol sa panukalang Saligang Batas ng Espanya ng 1869 na nagtatadhana ng Pagkakaroon ng Kalayaang Pangrelihiyon. Isang panunuya ni Rizal sa kaisipan ng mga Espanyol nasa Pilipinas na tila katulad sila ni Cardinal Montescillo sa paniniwala na hindi dapat magkaroon ng kalayaang pang-relihiyon ang mga mamamayan sa Pilipinas.

358

dinulutan nang buong suyo, lingap na pagpapasasa na ikinatatangi ng kagalang-galang na si Pray Salvi, ng tabako at isang masaganang tenteen-pie20 na inihanda ng Hermano Mayor sa silong ng kumbento sa lahat ng mangailangang pigilan ang pagkulo ng sikmura.µ ´Sa buong maghapon ay walang anumang naging kakulangan upang maging lubhang masaya ang kapistahan at upang mapalagi ang sigabong ikinatatangi ng mga Kastila na sa ganitong mga pagkakataon ay hindi mangakapagtimpi, na ipinamamalas sa pamamagitan ng awitan o sayawan, o kung minsan ay sa tulong ng ilang karaniwan at masasayang libangan, na sila ay may pusong matapat at matibay, na ang kalungkutan ay hindi nananagumpay sa kanila, at sukat nang magkatitipon sa isang pook ang tatlong Kastila upang mawala doon ang kalungkutan at di-kasiyahang-loob. Sinamba nga si Terpsikore21 sa maraming bahay, ngunit lalo na sa bahay ng bihasang mayamang Pilipino na pinaroonan namin alinsunod sa isang anyaya. Hindi ko na sasabihin na ang handa, na masagana at mainam ang pagkakadulot, ay naging pangalawa ng kasalan sa Cana22 o ni Camacho,23 ngunit lalo pang maayos at malaki.µ ´Samantalang nasarapan kami sa handa na pinamahalaan ng isang tagapagluto sa La Campana,24 nagpaparinig ang orkestra ng maiinam na tugtugin. Ang magandang dalaga sa bahay ay nakasuot mestiza at nakakalatan ng brilyante ang buong katawan, at gaya ng dati ay siyang naging reyna ng kasayahan. Ipinagdamdam naming lahat nang buong-puso na dahil sa isang munting pagkakalinsad na paa ay hindi siya nakasayaw sapagka·t kung huhulaan nang alinsunod sa ipinakikilala ng kanyang mainam na pangangatawan ay mahuhulaang parang silfide marahil kung sumayaw ang binibining de los Santos.µ ´Ang alkalde ng lalawigan ay dumating ngayong hapon upang parangalan ng kanyang pagdalo ang ceremonia bukas. Dinamdam niya ang pagkakasakit ng bantog na mayamang si Ginoong Ibarra, na, sa awa naman ng Diyos, alinsunod sa ibinalita sa amin, ay mabuti-buti na.µ25

20 Katawagan sa miryenda na idinudulot sa pagitan ng agahan at pananghalian na ang nagsisikain ay nangakatayo. 21 Musa ng sabayang awit at sayaw 22 Kasalan kung saan ginanap ni Cristo ang unang himala nang gawin niyang alak ang tubig. 23 Kasalan ni Camacho ay bahagi ng nobelang Don Quixote ni Cervantes kung saan ang ang mayamang si Camacho ay nilinlang ng babaeng kaniyang pakakasalan pagkatapos na magsagawa ng isang malaking handaan ang lalaki. 24 Talagang suki si Kapitan Tiyago ng restaurant na La Campana. 25 Ang katotohanan ay nagsakit-sakitan lamang si Ibarra para makaiwas kay Padre Damaso na nasa bahay ni Kapitan Tiyago.

359

´Ngayong gabi ay nagkaroon ng mainam na prusisyon, ngunit ang bagay na ito ay sa sulat ko na bukas ibabalita sa inyo sapagkat bukod sa putok ng mga kuwitis na nakatutulig at halos nakabingi sa akin ay pagod na pagod ako at matindi na ang aking pag-aantok. Samantala ngang kumukuha ako ng panibagong lakas sa mga bisig ni Morfeo o kaya ay sa katre ng kumbento, ay ninanasa kong magkaroon kayo ng mabuting gabi, tangi kong kaibigan, at hanggang bukas, na siyang magiging dakilang araw.µ ´Ang inyong masuyong kaibigan na h.s.i.k. (humahalik sa inyong kamay) Ang Tagapagbalita, San Diego, 11 ng Nobyembre.µ Ito ang isinulat ng mabait na tagapagbalita. *** Tingnan natin kung ano ang isinulat ni Kapitan Martin sa kaibigan niyang si Luis Chiquito.26 ´Minamahal kong Choy: Pumarito ka agad sapagkat masaya ang pista, akalain mo bang si Kapitan Joaquin ay halos sayad na: tatlong beses siyang tinalo ni Kapitan Tiyago at ang lahat ay sa unang bukas pa lamang ng baraha, kayat si Kabesang Manuel, ang may-ari ng bahay, ay lalo pang nanliit sa katuwaan. Binasag ni Padre Damaso sa isang suntok ang isang lampara sapagkat hindi pa tumatama kahit minsan. Naipatalo na ng consul, ang kanyang mga manok at bangka, kaya nawala sa kanya ang lahat ng perang tinalo niya sa atin sa pista sa Biñan at sa Del Pilar sa Sta. Cruz.µ ´Hinihintay naming dalhin dito ni Kapitan Tiyago ang kanyang magiging manugang, ang tagapagmana ni Ginoong Rafael, nguni·t ibig

26 Ang unang sulat ay gawa ng isang Espanyol at sa ikalawa ay gawa ng Pilipino - tingnan ang pagkakaiba ng paraan ng pagsulat at nilalaman ng dalawa kahit na sila ay kapwa nandoon sa Pista ng bayan ng San Diego. Si Luis Chiquito ay isang tunay na tao na kakilala ni Rizal.

360

yatang tumulad sa kanyang ama, sapagka·t hindi man lamang napakita. Sayang! Waring hindi mapakikinabangan kailanman.µ27 ´Si Insik Carlos ay kumikita nang malaki sa liam-po; naghihinala akong may itinatago, marahil ay isang suwerteng bato; madalas dumaing ng sakit ng ulo, na may tali, at kapag ang gulong ng liam-po ay marahan ng humihinto ay tumutungo siyang halos hanggang madikit na parang ibig makitang mabuti. Ako ay nagdudada na sapagkat mayroon akong nalalamang pangyayari na hawig dito.µ ´Adios, Choy; ang mga manok ko ay mabuti at ang aking asawa ay masaya at naglilibang.µ28 ´Ang iyong kaibigan,µ

´Martin Aristorenasµ *** Si Ibarra man ay tumanggap din ng isang munting liham na mabango, na ibinigay sa kanya ni Andeng, ang kapatid sa suso ni Maria Clara, nang kinagabihan ng unang araw ng pista. Ang sabi ng sulat ay ito: ´Crisostomo: Mahigit nang maghapong hindi ka nagpapakita; nadinig kong mayroon kang kaunting sakit, nagdasal ako nang patungkol sa iyo at nagtirik ako ng dalawang kandila29 kahit na ang sabi ni Tatay ay hindi
27 Inaasahan ng mga manunugal na maiinpluwensiyahan si Ibarra ng kaniyang magiging biyenan na si Kapitan Tiyago. Ngunit bigo dahilan sa higit na nakakainpluwensiya ang ama. Isang pagpapamalas ni Rizal na ang bisyong sugal ay namamana ng tao mula sa kaniyang mga magulang. Ang isang amang sugarol, kahit na hindi magtuturo ay asahan na makakagawa ng isang anak na sugarol din. 28 Kagaya ng unang nakita natin sa mga manunugal inuuna pang ibalita ang kanilang bisyo kaysa sa kanilang pamilya. Dito ay ipinapakita lamang kung ano ang prioridad sa buhay ng mga pusakal na manunugal. 29 Sa bahagi ng sulat ni Maria Clara para kay Ibarra ay naging mismong karanasan ni Rizal, noong siya ay magkasakit. Ang babaeng unang inibig ni Rizal na si Segunda Katigbak ay nagdasal noong malaman na ito ay may karamdaman. Nang malaman ni Rizal ang ginawang pagdarasal ng dalaga ay kaniyang sinabi sa halos ganitong paraan ´kapalaran pala na ako ay magkasakit, dahilan sa lagi ninyo akong naala-ala. Marahil ay maala-ala ninyo ako pag ako ay namatay.µ - Maaring pasakalye ng panliligaw ni Rizal iyon ng kaniyang nag-uumpisang kabinataan ² o isang pagpapahayag ng kaniyang maagang premonisyon na dinaan lamang niya sa anyo ng pagpapahayg ng pag-ibig.

361

malubha ang iyong sakit. Kagabi at ngayon ay nayayamot ako sa mga tao dahilan sa pagpapatugtog ng piyano at kaaanyayang sumayaw. Hindi ko batid na napakarami palang nakayayamot sa mundo! Kung hindi lamang dahil kay Padre Damaso na nililibang ako sa pagsasalaysay ng maraming bagay ay nagkulong sana ako sa aking silid upang matulog. Isulat mo sa akin kung ano ang kalagayan mo, at sasabihin ko kay Tatay na ikaw ay dalawin. Sa ngayon ay pinapunta ko si Andeng upang ipagluto ka ng tsa: siya ay mahusay magluto at marahil ay mabuti pa kaysa sa mga alila mo.µ30

´Maria Claraµ ´Pahabol ² Kung hindi ka paparito bukas ay hindi ako paparoon sa seremonya.31 Vale.µ

30 Pinapunta pa ni Maria Clara si Andeng para ipagluto ng tsa si Ibarra!!! Talagang itong si Rizal, hindi tatapusin ang kabanata ng nobela ng walang isinisingit na kapilyuhan. Bakit kaya talagang mapilit si Rizal na ipaalam sa mga mambabasa ang kahusayan ni Andeng sa pagluluto. Nakakaintriga na ito ² pero hindi kayo bibitinin ni Rizal sa Kabanata ??. 31 Ang seremonya na binabanggit dito ni Maria Clara ay ang paghuhugos ng batong panulukan para sa gagawing paaralan.

362