You are on page 1of 19

MAYNILA

MAYNILA Ang Lungsod ng Maynila (Opisyal: City of Manila), kilala bilang Maynila, ay ang punong lungsod

Ang Lungsod ng Maynila (Opisyal: City of Manila), kilala bilang Maynila, ay ang punong lungsod ng Pilipinas at isa sa 17 lungsod at munisipalidad[bayan] na bumubuo ng Kalakhang Maynila. Matatagpuan ang lungsod sa baybayin ng Look ng Maynila na nasa

kanlurang bahagi ng Pambansang Punong Rehiyon na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Luzon. Isa ito sa mga sentro ng negosyo ng umuunlad na kalakhang pook na tinitirhan ng humigit sa 19 na milyong katao ..

Ang Maynila, na sumasakop ng 38.55 na kuwadrado ng kilometro, ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Pilipinas, na may humigit-kumulang na 1.6 milyong kataong naninirahan. Mas matao nga lang ang lungsod Quezon, ang dating punong lungsod ng bansa. Ang kalakhang pook ay ang pangalawang pinakamalaki sa Timog-silangang Asya.

Ang Maynila ay may 900 na kilometro ang layo mula sa Hongkong, 2,400 na kilometro ang layo mula sa Singgapur at mas marami ng 2,100 na kilometro ang layo sa hilagang- silangan mula sa Kuala Lumpur. Ang ilog Pasig ang humahati sa lungsod ng dalawa. Sa depositong alubyal ng ilog Pasig at look ng Maynila nakapwesto ang nakakaraming sinasakupan ng lungsod na gawa mula sa tubig.

Noong kapanahunan ng mga Hispano, itinaguyod ang lungsod na may umpok-umpok na pamayanan na pumapalibot sa nagsasanggalang haligi ng Intramuros (nahahaligihan), ang orihinal[tunay] na Maynila. Ang Intramuros ay isa sa mga pinakalumang nagsasanggalang na haligi[tanggulan] sa timog Silangan, ay ginawa at dinisenyohan ng mga misyonaryong Heswita para hindi masakop ng mga Tsino ang pamayanan at mailigtas ang mga mamamayan. Noong kapanahunan ng Amerikano, ilang pagsasaayos ang isinagawa sa katimugang bahagi ng lungsod at ginamit ang arkitekturang disenyo ni Daniel Burnham.

Ang Maynila ay tinatabihan ng ilang lungsod sa Kalakhang Maynila katulad ng lungsod ng Navotas at lungsod ng Kalookan sa hilaga, lungsod Quezon sa hilagang-silangan, lungsod ng San Juan at lungsod ng Mandaluyong sa silangan, lungsod ng Makati sa timog-silangan at lungsod ng Pasay sa timog.

Noong ika-13 dantaon, ang lungsod ay binubuo ng mga tindahan at tanggapan tagatanggap sa may tabi ng baybayin ng ilog Pasig, na nasa hilaga ng mga makalumang pamayanan. Ang opisyal na pangalan na binigay ng mga Malay sa lungsod ay Seludong/Selurung, na ginamit din sa isang bahagi sa pulo ng Luzon, at inimumungkahi na ito ang punong bayan/lungsod ng Kaharian ng Tondo. Ang lungsod ay nakilala rin sa pangalan na binigay ng mga pangkat etnikong mga Tagalog, ang Maynila, unang nakilala bilang Maynilad. Ang pangalan ay mula sa salitang nila, isang uri ng halamang mabulaklak na tumutubo sa baybayin ng look, na ginagamit para gumawa ng sabon para sa pakikipagkalakalan; nanggaling ito sa salitang may mila, na may unlaping ma- na tumutukoy kung saan ang isang lugar ay mayroong isang malagong bagay (ang nila ay maaaring Sanskrit na nila "punong indigo").(Ang sinasabing naging pangalan ng halaman ay nilad ay kathang isip lamang). Ang lungsod ay may humigit sa 100 mga parke na nakakalat sa buong lungsod.

Ang Maynila ang naging upuang kolonyal na pamahalaan ng Espanya noong opisyal na pinamahalaan ang kapuluan ng Pilipinas ng tatlong dantaon simula 1565 hanggang 1898. Noong namalagi ang Britanya sa Pilipinas, ang lungsod ay pinamahalaan ng dakilang Britanya ng dalawang taon simula 1762 hanggang 1764 na naging bahagi sa Pitong Taong Digmaan. Ang lungsod ay nanatiling punong lungsod ng Pilipinas sa pamamahala ng pamahalaang probisyonal ng mga Briton, na kumikilos sa pamamagitan ng mga arsobispo ng Maynila at ng Real Audiencia. Nasa Pampanga ang kuta ng mga nagaaklas laban sa mga Briton.

Ang Maynila ay nakilala noong may kalakalang Maynila-Acapulco na tumagal ng tatlong dantaon at nakapaghatid ng mga kagamitan simula sa Mehiko papunta ng Timog- silangang Asya. Noong 1899, binili ng nagkakaisang mga estado ng amerika ang Pilipinas sa mga Espanyol at pinamahalaan ang buong kapuluan ng hanggang 1946. Noong ikalawang digmaang pandaigdig, nawasak ang malaking bahagi ng lungsod. Ang lungsod ay ang pangalawang pinakawasak na lungsod na sumusunod sa Varsovia, Polonya noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ang rehiyon ng kalakhang Maynila ay gumanap na entidad na may kasarinlan noong 1975.

Ang Kaharian ng Maynila ay nakilala bilang Gintu (lupain o isla ng mga ginto) o Suvarnadvipa ng mga kalapit na lalawigan. Ang naturing kaharian ay yumabong sa mga huling sandali ng Dinastiyang Ming bilang resulta ng pakikipagkalakalan sa Tsina. Ang Kaharian ng Tondo ay nakagawian bilang kabisera ng imperyo. Ang mga namumuno rito ay itinuturing bilang mga hari, at tinatawag silang panginuan o panginoon, anak banua o anak ng langit, o lakandula, na nangangahulugang "diyos ng kahariang pinamumunuan".

Noong namamayagpag si Bolkiah (1485-1571), ang Sultanate ng Brunay ay nagpasyang wasakin ang Imperyo ng Luzon sa pakikiisa Tsina nang lusubin ang Tondo at itinaguyod ang Selurong (Ngayon ay Maynila) bilang base ng mga Bruneo. Sa pamamahala ng Salalila, may itinaguyod na bagong dinastiya para humarap/hamunin ang Kapulungan ng mga Lakandula sa Tondo. Ang kaharian ng Namayan ay itinaguyod bilang alternatibo na may kompederasyon ng mga barangay na biglaan ang pagdami noong 1175 at pinalawig simula sa look ng Maynila hanggang sa lawa ng Laguna. Ang kabisera ng kaharian ay ang Sapa, ngayon ay kilala bilang Sta. Ana.

Sa kala-gitnaan ng ika-16 na siglo, ang mga nasasakupang lugar ng kasalukuyang Maynila, ay parte ng isang malawakang pook na umaabot sa hangganan ng karagatan na pinamumunuan ng mga Raha. Sina Rajah Sulayman at Rajah Matanda ay namuno sa mga komunidad ng Muslim na matatagpuan sa timog ng ilog Pasig, at si Lakandula ang namuno sa Kaharian ng Tondo, ang Hindu-Budistang kaharian na matatagpuan sa timog ng ilog. Ang dalawang komunidad ng Muslim ay pinagsanib at dito naitaguyod ang kaharian ng Maynila. Ang dalawang lungsod-estado ay nagsasalita sa wikang Malay na mahusay makitungo sa sultanate ng Brunay na si Bolkiah, at ang mga sultanate ng Sulu at Ternate.

Ang Maynila ang naging upuang kolonyal na pamahalaan ng Espanya noong opisyal na pinamahalaan ang mga isla ng Pilipinas ng tatlong siglo simula 1565 hanggang 1898. Si heneral Miguel López de Legazpi ang nagpadala ng isang natatanging ekspedisyon at dito nadiskubre ang Maynila. Itinaguyod dito ang kanilang tanggulan, ang Kutang Santiago at kalaunan, pinalawig ang nasasakupan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga paaralan, tirahan, simbahan sa labas ng nagsasanggalang pader at ito ang nagbigay kapanganakan sa Intramuros. Noong inokyupa ng Britanya ang Pilipinas, ang lungsod ay pinamahalaan ng Gran Britanya ng dalawang taon simula 1762 hanggang 1764 na naging parte sa

Pitong Taong Digmaan. Ang lungsod ay nanatiling kabisera ng Pilipinas sa pamamahala ng pamahalaang probisyonal ng mga Briton, na kumikilos sa pamamagitan ng mga arsobispo ng Maynila at ng Real Audiencia. Nasa Pampanga ang kuta ng mga armadong rebelde laban sa mga Briton.

Ang tarangkahan ng Kutang Santiago sa Intramuros

Pitong Taong Digmaan. Ang lungsod ay nanatiling kabisera ng Pilipinas sa pamamahala ng pamahalaang probisyonal ng

Ang Maynila ay nakilala noong may kalakalang Maynila-Acapulco na tumagal ng tatlong siglo at nakapaghatid ng mga kagamitan simula sa Mehiko papunta ng Timog-silangang Asya. Noong 1899, binili ng Estados Unidos ang Pilipinas sa mga Espanyol at pinamahalaan ang buong arkipelago ng hanggang 1946. Noong ikalawang digmaang pandaigdig, nawasak ang malaking parte ng lungsod. Ang lungsod ay ang pangalawang pinakawasak na lungsod na sumusunod sa Warsaw, Poland

noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ang rehiyon ng kalakhang Maynila ay gumanap na entidad na may kasarinlan noong 1975. Ang kasalukuyang alkalde ng lungsod ay si Alfredo Lim.

Isang pandaigdigan lungsod ang Maynila at kilala bilang "Beta+" ayon sa Globalization and World Cities Study Group and Network noong 2008.

MAKATI

Ang Lungsod ng Makati ay ang isang lungsod ng Pilipinas at ay isang lungsod na parte
Ang Lungsod ng Makati ay ang isang lungsod ng Pilipinas at ay isang lungsod na parte

Ang Lungsod ng Makati ay ang isang lungsod ng Pilipinas at ay isang lungsod na parte ng Kalakhang Maynila. Ito ay ang sentro ng pananalapi at negosyo sa Pilipinas. Dito matatagpuan ang Makati Central Business District o MCBD. Maraming mga maimpluwensiyang mga negosyante tulad ng pamilyang Ayala ang nakatira dito. Dati itong matatagpuan sa lalawigan ng Rizal ngunit inilipat ito sa Kalakhang Maynila noong

1975. Tinatawag itong Kabisera ng Pananalapi sa Pilipinas (Financial Capital of the Philippines).

Noong 1470, nasa ilalim ng pamumuno ni Lakan Tagkan at ng kanyang maybahay na si Bouan ang lugar na sakop ngayon ng Makati.

Nakita ni kongkistador Miguel Lopez de Legaspi ang lugar noong 1571 at itinanong sa mga katutubo ang pangalan ng lugar. Sumagot ang mga katutubo ng “Makati-na” sa pag-aakalang ang itinatanong ay ang Ilog Pasig.

Noong 1578 hanggang 1670, napasailalim ang “visita”, isang distrito ng Sta. Ana de Saya sa pamamahala ng isang paring Fransiscano ng si Pedro de Makati. Tinawag ang lugar na “Sampiro”.

Kumita ang San Pedro de Makati o Sampiro sa pagbebenta ng paso noong 1608.

Naging isang bayan ng Maynila ang San Pedro de Makati noong 1890.

Nagkaroon ng isang pangulong municipal ang Makati matapos ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong 1900.

Noong 11 Hulyo 1901, sa pamamagitan ng Batas Komonwelt ng Pilipinas Blg.

137, isinama ang Makati sa lalawigan ng Rizal. Noong 28 Pebrero 1914, itinakda ng Batas Lehislatura ng Pilipinas Blg. 2390 ang

pagpapalit ng pangalang San Pedro de Makati sa Makati, na naging opisyal na pangalan nito.

Noong 1937, itinatag ang unang paliparan sa Timog-Silangang Asya, ang Toreng Neilson.

Itinayo ang Makati Commercial Center noong 1956.

Itinayo ang bagong gusali ng pamahalaang lokal noong 1962.

Itinalaga ni Pangulong Corazon Aquino si Jejomar C. Binay bilang OIC ng Makati. Nahalal siyang punong-bayan noong 1988. Muli siyang nahalal noong 1992, 1995, 2001 at 2004.

Nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Batas Republika Blg. 7854 noong 2 Enero 1995 na ginawang lungsod ang Makati. Pinagtibay ito ng mga mamamayan sa isang plebisito noong 4 Pebrero 1995.

MUNTINLUPA

Ang Lungsod ng Muntinlupa na matatagpuan sa timog Kalakhang Maynila, Pilipinas, mahigit-kumulang 20 km ang layo
Ang Lungsod ng Muntinlupa na matatagpuan sa timog Kalakhang Maynila, Pilipinas, mahigit-kumulang 20 km ang layo

Ang Lungsod ng Muntinlupa na matatagpuan sa timog Kalakhang Maynila, Pilipinas, mahigit-kumulang 20 km ang layo mula sa Maynila. Pumapaligid rito ang mga lungsod ng Taguig, Parañaque at Las Piñas sa hilagang bahagi, ang mga bayan naman ng Bacoor, Cavite at San Pedro, Laguna sa timog at ang lawa ng bay sa silangan. Hinahati ng South Luzon Expressway (SLEx) ang lungsod sa mga bahaging kanluran at silangan.

Tanyag ang Muntinlupa bilang lungsod na kung saan matatagpuan ang National Bilibid Prison, ang pambansang bilangguan na kung saan ikinukulong ang mga mapapanganib na taong nakagawa ng sala ng bansa, kaya naman matagal rin na naging singkahulugan ng Muntinlupa o Munti ang salitang bilangguan.

Nagsimula ang Muntinlupa bilang isang lupain na napasailalim sa pangangalaga ng mga paring Agustino noong 1601. May tatlong panig ang pinagmulan ng pangalang Muntinlupa bagama't walang nakakatiyak kung alin ang tama dahil sa kakulangan ng talaan o kasulatan tungkol dito. May isang panig na inu-ugnay ang pangalan nito sa manipis na luwad na matatagpuan sa pook. Mayroon namang iba na nanatiling may kaugnayan ito sa hugis ng lupain kaya't ang salitang "Monte", bundok sa wikang Kastila, ay isinalin sa Muntinlupa na ang ibig sabihin ay bulubunduking lupa. Mayroon din nagsasabing nagsimula ang pangalan dahil "Monte Sa Lupa" ang sagot ng mga naninirahan nang tanungin sila ng mga Kastila kung ano ang pangalan ng lugar sa pagaakalang ang pangalan ng kanilang nilalaro ang siyang tinatanong.

Naitala ni Padre Joaquin de Zuñiga, isang paring Katoliko, ang pangalan ng pook bilang La Poblacion Que Sigue Se Llama Muntinlupa nuong kaagahan ng ika-19 na dantaon. Ang barangay Poblacion lamang ang itinuturing na Muntinlupa nuong sinauna ngunit upang mapamahalaang mabuti ng mga Kastila ang lupain ay ipinailalim rin nila rito ang mga karatig na pook ng Alabang, Sucat, Tunasan at Cupang noong taong-1869.

Naging bahagi ng Morong, Rizal ang Muntinlupa noong 1901 at panandaliang naging bahagi ng bayan ng Biñan, Laguna noong 1903. Nagsampa ng pagtutol ang mga naninirahan kaya naman binalik muli ito sa lalawigan ng Rizal at naging bahagi ng Taguig noong 1905. Naging ganap lamang ang kasarinlang bayan ng Muntinlupa noong taong 1918 sa pamamagitan ng Executive Order 108 ni Gob. Harrison.

Taong 1975 nang hiniwalay ito mula sa lalawigan ng Rizal at naging bahagi ng Kalakhang Maynila. Naging ganap na lungsod ang Muntinlupa at naging ika-65 na lungsod ng Pilipinas noong ika-1 ng ika -3 buwan, 1995 sa pamamagitan ng Republic Act No. 7926[1]. Simula 2001, idinidiwang na isang Special Working Holiday sa lungsod ang ika-1 ng ika-3 buwan bilang Muntinlupa City Charter Day.

Bureau of Corrections Administration Building (Gusaling Pangasiwaan ng Kawanihan ng mga Bilangguan) - Ito ang harapang gusali ng bilangguan na itinayo noong 1941 at nagsisilbi ngayong pangasiwaan ng tanggapan. Ito rin ang nakilalang Bilibid sa 'telebisyon' at 'pelikula' bagama't sa kanlurang bahagi pa ng gusaling ito matatagpuan ang pinaka-mahigpit na piitan na binubuo ng 12 gusali na kung tawagin ay mga brigada.

Lawa ng Jamboree - Ito ang pinaka-maliit na likas na lawa ng bansa. Hilig itong tambayan ng mga taong nais magpalamig o magmasid sa kalikasan.

Memorial Hill - Isa itong maliit na burol sa loob ng 'reserbasyong' Bilibid na kung saan matatagpuan ang isang lumang 'kanyon' ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Dito rin sa burol na ito nakalibing ang tanyag na tagapangasiwa ng Bilangguan noong 1937 hanggang 1949 na si Eriberto Misa.

'Director's Quarters (Tahanan ng 'Direktor) - Ito ang 'opisyal' na tahanan ng tagapangasiwa ng Bilibid na itinayong kasabay ng gusaling pangasiwaan noong 1941. Mamamalas sa mahusay na pagkakagawa nito ang ambag ng 'arkitektura' ng panahong bago mag-digmaan at siyang nagbibigay-katangian sa malaking gusaling ito.

Japanese Garden Cemetery (Himlayang Halamanan ng mga Hapon) - sa halamanan na ito nakalibing si punong hukbo Tomoyuki Yamashita na naging tanyag noong pananakop ng mga Hapon sa bansa.

MANDALUYONG

Ang Mandaluyong ay isang lungsod ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Pinalilibutan ito ng ilang lungsod tulad
Ang Mandaluyong ay isang lungsod ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Pinalilibutan ito ng ilang lungsod tulad

Ang Mandaluyong ay isang lungsod ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Pinalilibutan ito ng ilang lungsod tulad ng Maynila, ang kabisera ng bansa na nasa kanluran, ang lungsod ng San Juan sa hilaga, ang lungsod Quezon at lungsod ng Pasig sa silangan, at ang Lungsod ng Makati sa timog. Binansagan ang lungsod bilang "Sawang lungsod ng

Pilipinas", "Puso ng Kalakhang Manila", at ang "Isang Kabisera ng mga matitinong Gobyernong di nagsasalubong sa Pilipinas".

Matatagpuan ang lungsod ng Mandaluyong sa puso ng kalakhang Maynila. Kabilang sa maraming atraksiyon ng lungsod ang kalahating parte ng lundayang Ortigas, isa sa mga pangunahing sentro ng negosyo at komersyo sa kalungsuran (nasa lungsod ng Pasig ang natitirang hati). Matatagpuan sa lundayang Ortigas ang pangunahing punong-tanggapan ng Asian Development Bank at ang punong tanggapan ng San Miguel Corporation, ang pinakamalaking korporasyon ng bansa. Matatagpuan dito ang SM Megamall, isa sa pinakamalaking shopping mall sa bansa pati na rin ang Shangri-la Plaza Mall at Star Mall. Sa silangan ng Ortigas Center matatagpuan ang Wack-Wack Golf and Country Club, sa hilaga nito matatagpuan ang La Salle Greenhills, isang tanyag na mataas na paaralang panlalaki. Ang estasyong ng MRT sa bulebard ng Shaw na itinuturing din isang mall, maliban na pagiging estayson, ay nagdurugtong ng tatlo pang mga mall (Star Mall, Shangri-La Plaza, at ang EDSA Central).

Sa mga nakatira dito, ang lungsod ng Mandaluyong ay laging ginagamit sa mga biro tungkol sa pag-iisip ng isang tao (halimbawa: ang isang tao na may kahinahinalang katayuan ng pag-iisip ay mula sa Mandaluyong). Ito ay marahil ang National Center for Mental Health (Pambansang Senter ng Kalusugan ng Pag-iisip) ay matatagpuan sa lungsod. Matatagpuan din sa Mandaluyong ang "Welfareville", isang malaking pook kung saan laganap ang kahirapan.

Nagmula ang pangalan ng Lungsod ng Mandaluyong sa salitang Tagalog na mga daluy. Ito ay batay sa maraming matatangkad na damo na dating tumutubo dito, ang mga damo ay parang dumadaloy sa hangin na ang ibig sabihin ay sentro ng kalakalan na inihalintulad sa produksiyon ng pinaka produkto ng palitan

MARIKINA

Ang Lungsod ng Marikina (Ingles: City of Marikina o mas pinaikli bilang Marikina), kilala bilang Sentro
Ang Lungsod ng Marikina (Ingles: City of Marikina o mas pinaikli bilang Marikina), kilala bilang Sentro

Ang Lungsod ng Marikina (Ingles: City of Marikina o mas pinaikli bilang Marikina), kilala bilang Sentro o Kabisera ng Sapatos sa Pilipinas, ay isang lungsod at bayan na bumubuo sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Dati itong punong lalawigan ng Maynila noong ipinahayag ang Kalayaan ng Pilipinas. Matatagpuan ito sa pulo ng Luzon, sa silangang hangganan ng Kalakhang Maynila, napapaligaran ang Marikina ng Lungsod

Quezon sa kanluran, Lungsod ng Pasig at Cainta, Rizal sa timog, Lungsod ng Antipolo sa silangan, ang kabisera ng lalawigan ng Rizal, at San Mateo sa hilaga na nasa Rizal din. Tinatayang 21 kilometro ang layo nito mula sa Lungsod ng Maynila.

Ang Lungsod ng Marikina ay isa sa bumubuo sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon sa Pilipinas, at nabibilang ito sa Silangang Distrito ng Kalakhang Maynila. Bahagi rin ito ng Metro Luzon Urban Beltway (Daanang-sinturon ng Mala- lungsod na Kalakhang Luzon). Ang Kalakhang Luzon naman ay binubuo ng Gitnang Luzon, Timog Katagalugan o Calabarzon at ang Kalakhang Maynila. Ang Kalakhang Luzon ay isa sa apat na Malalaking Rehiyon sa Pilipinas.

Tinanyagan ang Marikina bilang "Shoe Capital of the Philippines" o "Pambasang Kapital ng Sapatos ng Pilipinas", dahil sa kanyang sikat na industriya ng sapatos. Ang pinakamalaking pares ng sapatos na ginawa ng mga natatanging sapatero ng lungsod ay naitala sa Guinness Book of Records at makikita sa Riverbanks Mall ng naturang lungsod. Ang Museo ng Sapatos ay kilala din bilang tahanan ng tanyag na sapatos ng dating Unang Ginang Imelda Marcos.

Dumadaloy ang Ilog Marikina, isang sanga ng Ilog Pasig sa gitna ng lungsod. Sa katunayan, sinasakop ng lungsod ang bahagi ng Lambak ng Marikina at binabaha minsan kapag may mga bagyo (tulad ng nangyari noong Bagyong Ondoy). Kakambal na lungsod ng Marikina ang Brampton, Ontario sa Canada.

MALABON

Ang Lungsod ng Malabon ay isa sa mga lungsod at munisipalidad na bumubuo ng Kalakhang Maynila

Ang Lungsod ng Malabon ay isa sa mga lungsod at munisipalidad na bumubuo ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Matatagpuan sa hilaga ng Maynila, tinatayang 353, 337 ang populasyon nito noong 2010. Ito ay maituturing na isang pamayanan at industriyal na

lungsod at isa ito sa may pinakamakapal na populasyon sa Kamaynilaan. Mayroon itong kabuuang lawak na 19.76 kilometro kwadrado.

Bahagi ang lungsod ng isang sub-rehiyon ng Kalakhang Maynila na tinaguriang CAMANAVA. Binubuo ang CAMANAVA ng Lungsod ng CAloocan, MAlabon, NAvotas, at Lungsod ng VAlenzuela. Napapaligiran ang Malabon ng Caloocan sa timog at silangan, Navotas sa kanluran, at Valenzuela sa hilaga. Nasa hilagang-kanluran naman ng hangganan nito ang Obando, isang bayan ng lalawigan ng Bulacan.

Ayon sa haka-haka, galing sa salitang maraming labong ang salitang Malabon. Unang tinawag na bayan ng Tambobong, binuo ang Malabon bilang Visita ng Tondo ng mga Agustino noong May 21, 1559 at nanatili sa pamamahala ng Lalawigan ng Tondo mula 1627 hanggang 1688.

LAS PIÑAS

Ang Lungsod ng Las Piñas (populasyon: 528,011 Senso 2000) ay isang lungsod sa Kalakhang Maynila sa
Ang Lungsod ng Las Piñas (populasyon: 528,011 Senso 2000) ay isang lungsod sa Kalakhang Maynila sa

Ang Lungsod ng Las Piñas (populasyon: 528,011 Senso 2000) ay isang lungsod sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Napapaligiran ito sa hilaga at hilagang-silangan ng Lungsod ng Parañaque; sa silangan at timog-silangan ng Lungsod ng Muntinlupa; sa timog ng Munisipalidad ng Imus, Cavite; sa timog-kanluran at kanluran ng Munisipalidad ng Bacoor, Cavite; at sa timog-kanluran ng Look ng Maynila. Pamahayan (residential)

ang kalahati ng nasasakupan ng lupain samantalang pangkalakalan (commercial), industriyal at institusyunal ang natitirang kalahati. Binubuo ang kasalukuyang pisograpiya ng Las Piñas ng tatlong sona: Look ng Maynila, Coastal Margin at Guadalupe Plateau.

Ang kasaysayan ng 'Las Piñas' ang pangalan ay hindi malinaw, ngunit isang lumang simbahan KAMPANILYA sa loob ng museo ng Las Piñas Church ng parokya ay may

tatak na nagsasabing 'Siendo Cura-del Pueblo de Las Peñas el MRP Padre Diego Cera se Fundio Este equilon ano de 1820. ' Ipinapakita nito na kasing aga ng 1820, ang bayan ay tinatawag na 'Las Peñas' hanggang hindi pa natatagalan sa kasaysayan kapag ang pangalan ay binago sa 'Las Piñas.' Ang lungsod ay sikat para sa Bamboo organ na ay itinayo sa 1822 at gumagawa ng kanyang bahay sa loob ng St Joseph Church, kung saan ang Bamboo organ Festival ay gaganapin tuwing Pebrero. Las Piñas ay din ang site ng Philippine revolts sa panahon ng Philippine-Spanish rebolusyon ng 1896, kapag ito ay na inookupahan ng mga puwersa ng General Emilio Aguinaldo, at sa panahon ng World War

2.