KABANATA 34 ANG PANANGHALIAN

Ang mga prominenteng tao ng lalawigan ay nagsisikain sa ilalim ng pinagandang kiosko, Nakaupo sa isang dulo ng mesa ang alkalde; si Ibarra ang katapat. Sa kanan ng binata ay nakaupo si Maria Clara, at sa kaliwa ang eskribano. Si Kapitan Tiyago, ang alperes, ang kapitan sa bayan, ang mga prayle, ang mga kawani, at ang ilang binibining nalalabi ay nakaupo nang hindi ayon sa kanilang tungkulin kung saan nila naibigan. Ang pananghalian ay mayroong masasayang usapan, subalit sa kalagitnaan ng pagkain ay dumating ang kawani ng telegrapo na may dalang telegrama at hinahanap si Kapitan Tiyago. Nagpasintabi si Kapitan Tiyago upang basahin ang sulat, at gaya nang maaantay ay pinakiusap sa kanya ng lahat na sundin ang pagbasa.1 Ikinunot muna ng kapitan ang kilay, pagkatapos ay itinaas ang namutlang mukha, lumiwanag at matapos na matiklop na bigla ang papel at makatindig, ay: ´Mga ginoo,µ ang nasabing nagmamadali, ´darating mamayang hapon ang Heneral upang maging panauhin sa aking bahay!µ At nagtatakbong dala ang sulat at ang servilleta(cloth napkin), kahit walang sumbrero, na habol ng mga paghanga at tanungan. Kahit ang balita mang papasok ang mga tulisan ay hindi makapagbibigay nang gayong kaguluhan. ´Teka, hintay kayo! Kailan darating ang Heneral? Isalaysay ninyo sa amin! Si Kapitan Tiyago ay malayo na. ´Darating ang Heneral at tutuloy sa bahay ni Kapitan Tiyago!µ ang bulalas ng ilan na hindi na inalintana na naroroon ang anak at ang mamanugangin. ´Mabuti ang pagkakapili ng bahay!µ Ang mga prayle ay nagkatinginan; ang ibig sabihin sa tingin ay: ´Nilalapastangan tayo ng Heneral, iniinsulto tayo, dapat sanang sa kumbento tumuloy.µ2 Ngunit dahilan sa ito ang
MGA PALIWANAG 1 Isa sa mga kaugalian natin sa Pilipinas ay ang kasiyahan na marinig ang nilalaman ng sulat o telegrama mula sa ibang tao. 2 Ang pagtigil ng Kapitan Heneral sa bahay ni Kapitan Tiyago ay isang insulto para sa mga prayle. Nais nilang sa kumbento tumigil ang Kapitan

418

nasa isip ng mga prayle ay hindi sila umimik at walang nagsabi ng inaakala. ´Nasabi na sa akin kahapon ang bagay na iyan,µ sabi ng alkalde, ´ngunit hindi pa lubos ang loob ng Heneral kung tutuloy.µ ´Alam po ba ng inyong kamahalan, Ginoong Alkalde, kung gaano ang itatagal dito ng Kapitan Heneral?µ ang tanong ng alperes na di-mapalagay.3 ´Hindi ko matiyak; maibigin ang Heneral sa mga surpresa. ´Narito pa ang ibang pabalita!µ Ang mga telegramang iyon ay ukol sa alkalde, sa alperes, at sa kapitan sa bayan na ang sinasabi ay gaya rin nang sa una: napupuna ng mga prayle na ang kura ay walang tinatanggap.4 ´Ang Heneral ay darating sa ikaapat ng hapon, mga ginoo!µ sabi ng alkalde, ´maaaring makakain tayong mahinahon!µ Si Leonidas, nang nasa Termopilas, ay hindi nakabanggit ng mga salitang bubuti pa kaysa roon5 ´Ngayong gabi ay maghahapunan tayong kasalo ni Pluton!µ 6
Heneral at hindi sa bahay ng isang indio na katulad ni Kapitan Tiyago. Tandaan na ang pagtigil ng isang napakahalagang tao ay nagbibigay kahalagahan sa may-ari ng bahay na kaniyang panunuluyan. Subalit para sa mga prayle ang pagtigil ng Kapitan Heneral ay tanda ng pagpapailalim sa kanilang bubungan ² magagamit nila ang panahon na ito para makahingi ng pabor o makaimpluwensiya sa Kapitan heneral. 3 Hindi mapakali ang alperes sa magiging pagtigil ng Kapitan Heneral dahilan sa baka maungkat ang pagtanggap niya ng malaking suhol mula sa pasugalan. 4 Ang hindi pagpapadala ng telegrama para sa kura ay isang malaking insulto. Nagpapakita ito na ang Kapitan Heneral ay hindi tau-tauhan ng mga prayle. 5 Si Leonidas ay hari ng Sparta na noong 480 BC ay sumama sa alyansa ng mga Griego para labanan ang hukbo ng mga Persiano na nagbabalak na sakupin ang Gresya. Ang kaniyang maliit na hukbo na binubuo ng 300 katao ay pinigil sa masikip na paso ng Thermopylae ang mga Persiano na umaabot sa libo-libong katao at napigilan ang pagpasok nito sa loob ng dalawang araw. Sa labanang ito, si Leonidas at ang kaniyang mga tauhang taga Sparta ay nasawi. 6 Pluton ² ang diyos ng kamatayan, sinasabi sa mga alamat na sa gabi bago maganap ang kamatayan ng 300 Spartan sa labanang naganap sa makipot na Paso ng Thermopylae ay nakasabay nilang maghapunan si Pluton. Sa pamamagitan ng pahabol na pananalitang ito ay maaring ipalagay na ang nais ipakita at iparamdam ni Rizal sa mga mambabasa sa kaniyang kapanahunan ay ang maaring gawing pagpapasasa ng mga

419

Ang salitaan ay nauwi sa dati. ´Napupuna kong wala rito ang ating dakilang tagapangaral!µ ang sabing nangingimi ng isang kawani, na anyong mabait, na hindi pa nangungusap kundi nang kumakain na lamang at iyon ang kanyang unang bigkas sapul sa umaga. Lahat ng nakaaalam ng naganap sa ama ni Crisostomo ay nagkilusan at kumindat, na ibig sabihin ay: ´Ang taong ito! Unang tanong pa lamang ay mali na!µ7 Nguni·t ang ilang may pagkamaawain ay sumagot na: ´Marahil ay napapagud-pagod.µ ´Marahil ay pagod na pagod?µ ang bulalas ng alperes, ´patang-pata marahil kung susundin ang karaniwang kasabihan dito. Naku, ang sermong iyon!µ8 ´Isang sermong dakila, mahusay!µ sabi ng eskribano. ´Mainam, malalim!µ ang dugtong ng tagapagbalita ng pahayagan. ´Upang makapagsermon nang gayong kahaba ay kailangang magkaroon ng isang matibay na baga na kagaya ng sa kanya,µ sabi ni Padre Manuel Martin. Ang tanging minamahalaga ng Agustino ay ang baga ng nagsermon.9 ´At ang kahusayang bumigkas,µ ang dugtong ni Padre Salvi.10
maykapangyarihan sa kolonyal na pamahalaan ² hanggang sa kanilang huling hapunan na makakasabay nila si Pluton. Sapagkat sa kinabukasan ay kakaharapin nila ang malakas na puwersa na uubos sa kanilang lahat. Ano ang posibilidad na ang hapunan ng mga makapangyarihang tao ay nais pasaluhan ni Rizal kay Pluton? Malaman sana na sa gagawing pagpapasabog ng lampara sa El Filibusterismo ay itinaon ito sa gabi ng hapunan para sa kasal ni Paulita Gomez at Juanito Pelaez. 7 Paglalarawan ni Rizal ng kaugalian ng mga taong walang pakundangan sa pagsasalita. Itinuturo rito na ang isang tao ay dapat na maging maingat sa pagbubukas ng anumang paksang pag-uusapan. 8 Naasar nang labis ang alperes sa haba ng sermon ni Padre Damaso. 9 Mapapansin na ang kalaban ni Pray Damaso sa pahusayan ng sermon ² na ang kaniyang hinahangaan sa kaniyang karibal sa kabanalan ay ang malaking baga ni Pray Damaso. Ipinakikita ni Rizal na ang mga prayle ay nagtataglay din ng inggit at inis sa isa·t isa. 10 ´At ang kahusayang bumigkas,µ ang dugtong ni Padre Salviµ Dito ay pinagtatanggol ni Padre Salvi si Pray Damaso (na kapwa niya Pransiskano) sa insulto ni Padre Manuel Martin. Dahilan sa ang hinahangaan lamang ng huli ay ang malaking baga ni Pray Damaso.

420

´Alam ba ninyong ang tagapagluto ni Ginoong Ibarra ay siyang pinakamabuti sa lalawigan?µ ang sabi ng alkalde na pumutol sa salitaan. ´Iyan nga ang sabi ko, nguni·t ang magandang kapiling ni Ginoong Ibarra ay ayaw magpaunlak sa pagkain dahilan sa bahagya nang sumubo,µ ang sagot ng isang kawani. Si Maria Clara ay namula. ´Napasasalamat ako sa ginoo« pinag-aabalahan ninyo akong lubha,µ ang mahinang sabi, ´ngunit«µ ´Nguni·t lubos na ninyong pinararangalan ang piging sa pakikiharap man lamang sa amin,µ ang sabi ng mapagpuring alkalde, at nang makalingon kay Padre Salvi ay: ´Padre Kura,µ ang dugtong na malakas ang salita, ´napupuna kong sa maghapon ay wala kayong imik at nag-iisip«µ ´Ang ginoong alkalde ay lubhang magaling magmasid!µ ang bulalas ni Padre Salvi sa pamamagitan ng isang pagbigkas na katangi-tangi. ´Iyan ang ugali ko,µ ang bulong ng Pransiskano, ´ibig ko pa ang makinig kaysa magsalita. ´Kailanman ay hangad ninyo ang manalo at hindi matalo!µ ang sabing pabiro ng alperes. Hindi inaring biro ni Padre Salvi ang gayon: Kumislap sandali ang mata at sumagot: ´Alam na mabuti ng ginoong alperes na sa mga araw na ito ay hindi ako ang lalong nananalo o natatalo kaya!µ11 Sa pamamagitan ng isang ngiti ay pinagtakpan ng alperes ang sundot at inaring hindi sa kanya patama ang salitang iyon. ´Subalit mga ginoo, hindi ko malaman kung bakit ang pananalo at pagkatalo ang pag-uusapan,µ ang hadlang ng alkalde, ´ano na lamang ang masasabi sa atin ng mga may magagandangloob at mabibining dalagang nagpaparangal sa atin? Sa ganang akin, ang mga dalaga ay waring mga arpas ng kalangitan sa gitna ng gabi; dapat silang pakinggan at matyagang mabuti, upang ang kanilang kaiga-igayang tinig na nagdadala sa kaluluwa sa langit ng mga pangarap«µ12 ´Nagiging makata yata ang inyong karilagan,µ masayang sabi ng eskribano, at silang dalawa ay tumungga. ´Hindi mangyayaring hindi magkagayon,µ ang sabi ng alkalde, samantalang nagpapahid ng labi, ´ang pagkakataon, kahit hindi palaging nagbibigay-daan upang ang isang tao ay maging magnanakaw, ay

11 Parunggit ni Padre Salvi sa alperes dahilan sa malaking nakukuha nitong suhol sa sugalan. 12 Aba ginawa pang musical instrument ang mga dalaga. - Ikaw ba ano ba ang ginagamit mo sa pagpapatugtog ng musical instrument na may kuwerdas?

421

nagiging sanhi naman upang maging makata. Ako ay nakagawa rin ng tula noong aking kabataan, at hindi naman lubhang kasamaan.13 ´Kung gayon, nagtaksil ang inyong kamahalan sa mga Musa, dahil sa pagsunod kay Themis!µ ang sabing walang kapingas-pingas ng tagapagbalita.14 ´Pshe! Ano ang ibig ninyo? Ang marating ko ang lahat ng anyo ng pamumuhay panlipunan ang siya kong laging pangarap.15 Kahapon ay namimitas ako ng bulaklak at ako ay umaawit, ngayon ay hawak ko ang tungkod ng katarungan at naglilingkod ako sa sangkatauhan, bukas«µ ´Bukas ay itatapon ng inyong kamahalan sa apoy ang tungkod upang makapagpainit sa taglamig nang buhay, at ang makakuha ng pagtatalaga sa pagka-ministro sa gabinete,µ ang dugtong ni Padre Sybila. ´Psh! Siya nga«hindi« ang maging opisyal ng gabinete ay hindi siya kong ambisyon: kahit na sinong nagsisimula ay nagiging ministro. Isang villa sa Hilaga upang mapagbakasyunan sa tag-init, isang tahanan sa Madrid at ilang pag-aari sa Andalucia na madadayo sa tag-ginaw« doon mabuhay na inaalala itong minamahal na Pilipinas.16 Sa akin

13 Pansining Mabuti: Na ang alkalde ay hindi kahusayan sa pagiging makata, kung ganoon ang kahusayan niya ay sa pagnanakaw. 14 Sa pagtatanong ng tagapagbalita ay medyo nagpapatay malisya pa si Rizal ² dahil parang hindi nasakyan ng tagapagbalita ang ibig sabihin ng alcalde ´ang pagkakataon, kahit hindi palaging nagbibigay-daan upang ang isang tao ay maging magnanakaw, ay nagiging sanhi naman upang maging makata. ´Ako ay nakagawa rin ng tula noong aking kabataan, at hindi naman lubhang kasamaanµ Si Themis ay Diyosa ng batas at katarungan sa matandang Gresya. Ang kaniyang istatwa ay isang babaeng na may hawak sa isang nakataas na timbangan, upang dito niya timbangin ang mga inihaharap sa kaniyang mga usapin. Ang alkalde parehong nagtaksil sa mga musa ng tula at higit sa lahat ay kay Themis. 15 ´Pshe! Ano ang ibig ninyo? Ang marating ko ang lahat ng anyo ng pamumuhay panlipunan ang siya kong laging pangarapµ Sa ganitong paraan ay ipinaamin ni Rizal ang pagiging tiwali ng alcalde ng lalawigan ² iyon ang nasa likod ng kanyang ambisyong pulitikal. 16 Tandaan na ang mga pangarap na ari-arian na ito ng alkalde ay hindi kayang makuha mula sa kaniyang legal na sahod sa pamahalaan. Kung magkaganoon, mula sa kaniyang pangarap ay makikita ang kaniyang determinasyon na magkamal ng malaking salapi mula sa kaniyang

422

ay hindi masasabi ni Voltaire ang salitang Nakikisama tayo sa mga taong ito, upang tayo ay yumaman, at saka pagkatapos, sila ay paratangan.17 Sinabi ito ng alkalde sa wikang Pranses, sa paniniwalang ng mga kawani na ang alkalde ay bumigkas ng isang katatawanan, kayat sila ay naghalakhakan upang hangaan:18 ginayahan sila ng mga prayle sa dahilang hindi alam na si Voltaire ay siyang Voltaire na pinakalalait nila at inilagay sa impiyerno. Gayunman, si Padre Sybila ay nakaalam noon, kaya·t hindi tumawa, at inakalang ang

hinahawakang tungkulin sa pamahalaan. Pansinin na ang alkalde ay pinuno ng isang lalawigan, ngunit ang kaniyang pinapangarap na ari-arian ay ganap na napakalaki, kung ikukumpara sa kaniyang kinikita mula sa pamahalaang kolonyal. Sa mga unang panahon ng pananakop ay kaunti lamang mga Espanyol ang nagnanais na manirahan at magsilbing pinuno sa mga lalawigan. Karagdagan pa dito ang opisyal kaliitan ng suweldo para sa tungkulin ay hindi sapat na pang-akit para kunin ng isang Espanyol ang puwesto. Sa ganito ay halos isina-legal ng kolonyal na pamahalaan ang pagpapayaman ng opisyal sa anyo ng pagbibigay sa kanila ng 3% ng kabuuang buwis na masisingil sa lalawigan, kasama pa dito ang pangangalakal na tinatawag na indulto de comercio. Sa taong 1844, ay inalis ang karapatan sa pangangalakal at itinakda na sila ay magkaroon ng kwalipikasyon na maging mga abogado upang epektibong manungkulan na mga hukom ng lalawigan. Sa ganito, ang mga nanungkulang alcalde ay nagkaroon ng pagkakataon na magpayaman sa panunungkulan. Nakita ni Rizal na ang masasamang opisyal ng pamahalaan ay walang tunay na pag-ibig sa bayan, kung nagmamalasakit man sila na ito ay umunlad (halimbawa sa aspekto ng mga inprastraktura) ay katulad lang ng isang nag-aalaga ng baboy na inaayos at hinuhusay hindi dahilan sa mahal nila ito, kundi para pagkakitahan ng malaki. 17 Magpapayaman ang mga opisyal ng pamahalaang kolonyal at magbubunga ito ng paghihirap ng bayan. Upang pagtakpan ang pagnanakaw ay pararatangan ng mga maling bagay ang mga taong bayan ² tulad ng tamad, tanga, at iba pang mga masakit na bagay na panakip sa kanilang tiwaling pamamahala. 18 Bakit madaling tayong matawa sa mga biro ng mga taong nakakataas sa atin? Kung nasa mababa kang katungkulan ay makitawa ka na lang sa napakakabaw na patawa ng nakakataas sa iyo at magiging paborito ka niya. Kung ikaw ay nasa mataas na katungkulan, asahan mong tatawa ang lahat ng nasasakupan mo sa iyong mga biro kahit ito ay narinig na ng lahat ng henerasyon ng mga Pilipino magmula pa sa mga unang tao na nanirahan sa yungib ng Tabon sa Palawan.

423

alkalde ay bumigkas marahil ng isang erehiya o ng isang tungayaw.19 Sa kabilang kiyosko naroroong kumakain ang mga bata sa pangunguna ng guro. Kung sa likas na kaugaliang ng mga batang Pilipino ibabatay, ay malaking ingay na ang nagagawa nila sapagkat ang karaniwan sa kanila kapag kumakain at nasa harapan ng ibang tao ay madalas pang makagalitan sila dahil sa kakimian kaysa kagaslawan. Kung magkamali ang isa sa paggamit ng kubyertos ay agad-agad pinagsasabihan ng katabi; dahil sa walang kumikilala sa karunungan ng iba sa bagay na iyon ay nagkaroon ng gulo, na tulad ng usapin sa pagka-diyos ni Cristo at nangangatwiranan silang katulad sa pagtatalo ng mga teologo.20 Ang mga magulang ay nagkikindatan, nagsisikuhan, naghuhudyatan, at mahuhulaan sa kanilang ngiti ang kaligayahan.21 ´Ah!µ ang sabi ng isang babaeng taga-bukid sa isang matandang lalake na nagdudurog ng hitso sa kalikot, ´kahi·t na ayaw ng aking asawa ay magpapari ang aking si Andoy. Mahirap nga kami, subalit bahala na kaming maghanap-buhay, at kung kailangan ay

19 Ipinakita ni Rizal na sa kaniyang kapanahunan ay maraming mga prayle ay hindi ganap na marurunong. Nakitawa sa pagbanggit ng alkalde sa sinipi ni Voltaire na noong nabubuhay ay kalaban ng simbahan. Subalit sa kalipunang ito ng mga prayle ay makikita na may malalim na alam si Padre Sybilla. 20 Pinagtatalunan ng mga bata ang tamang paggamit ng kubyertos sa pagkain ² dahilan sa nasanay silang nakakamay kumain sa kanilang mga tahanan. Bakit sila nagkakamay noon sa pagkain? Kasi mahirap kumain na ang ipinansusubo sa bibig ay paa. Subalit sa pagtatalo ng mga bata ay nandoon ang nakatagong pagtalakay ni Rizal ² ukol sa pagtatalo ng mga teologo ² Pansinin na palihim niyang tinatalakay ang usapin ukol sa pagkadiyos ni Cristo ² tandaan na nagpapasok si Rizal ng monoteismo sa mga Pilipino ² Kabanata 6, 12, at 33. Ang pinakamahigpit na pagtatalo ng mga teologo ay naganap sa Konseho ng Nicea noong 325 AD, kung saan ipinatupad ng simbahan na bahagi ng artikulo ng pananampalataya na si Cristo ay Diyos. Alam kaya ni Rizal na ang opisyal na pagkilala sa kadiyosan ni Cristo ay nagsimula lamang sa Nicea? 21 Ang mga magulang na tagabukid dahilan sa hindi nakapag-aral ay nasisiyahan na lamang na makita ang kanilang anak ay nasa maayos na lugar ² kahit hindi nila naiintindihan ang kalagayan ng kanilang anak doon.

424

mamalimos kami. Hindi mawawalan nang magbibigay ng salapi upang ang isang mahirap ay makapagpari.22 Hindi ba ang sabi ni Hermano Mateo, isang taong hindi nagsisinungaling, na si Papa Sixto23 ay isang dating pastol ng kalabaw sa Batangas?24 Tingnan ninyo ang aking si Andoy, tingnan hindi ba kamukha ni San Vicente!µ Tumutulo ang laway ng mabait na ina habang tinitingnan ang kaniyang anak, na kumakin na hawak sa magkabilang kamay ang tinidor.25 ´Tulungan nawa siya ng Diyos!µ ang dugtong ng matanda habang ngumunguya ng nganga, ´kung si Andoy ay maging Papa, ay magtutungo tayo sa Roma, he ha he! Nakalalakad pa kaya akong mabuti. At kung ako·y mamatay«he he!µ26 ´Huwag kayong matakot, lelong! Kahit na maging papa pa si Andoy ay hindi niya malilimot na tinuruan ninyo siyang gumawa ng buslo at dikin.µ27

22 Nagkakaroon na nang pangarap ang mga taga-bukid na magkaroon ng anak na nakapag-aral. Ang paglitaw ng paaralan sa isang bayan ay pintuan sa katotohanan ng pangarap ng karaniwang tao na umangat sa buhay. 23 Papa Sixto ²walang binanggit si Rizal na partikular na bilang ng nasabing Papa ng simbahan. Ngunit sa pag-aaral ay mayroong dalawang Papa na nagtaglay ng ganitong pangalan sina: Sixtus IV (nanungkulan 1471-84) na ang panunungkulan ay napuno ng intrigang pampulitika at katiwalian at. Ang ikalawa ay si Sixtus V (nanungkulan 1585-90) na nagbigay ng malaking suporta sa misyon ng simbahan sa Silangan. Alinman sa dalawa ay maaring siyang tinutukoy ni Rizal, sa pagpili ng babanggiting Papa ng kaniyang mga tauhan ay mababakas ang malalim na kaalaman ni Rizal sa kasaysayan ng simbahan. 24 Hindi nga nagsisinungaling si Hermano Mateo, pero katangahan naman ang ikinukuwento. 25 Talaga itong si Rizal ² pati ang mag-ina naging biktima ng kaniyang katatawanan: Ang ina na tumutulo ang laway habang pinapanood na kumakain ang anak na si Andoy na ang hawak sa magkabilang kamay ay tinidor. 26 Ang tawa ng matandang lalaki ay susi upang maunawaan ang magiging mapang-insultong papel na kaniyang gagampanan. 27 ´Huwag kayong matakot, lelong! Kahit na maging papa pa si Andoy ay hindi niya malilimot na tinuruan ninyo siyang gumawa ng buslo at dikinµ

425

´May katwiran ka, Petra;28 sa akala ko man ay magkakaroon nang mabuting kapalaran ang iyong anak« maging patriyarka man lamang.29 Hindi ako nakakita nang kagaya niyang kaydaling natuto! Maaalaala nga niya ako kung siya ay papa na o obispo kayang naglilibang at gumagawa ng buslo para sa kusina. Magmimisa siya nang patungkol sa kaluluwa ko, he he he he!µ At puno ng pag-asa na siniksikan ng maraming ng ikmo ng mabuting matanda ang kanyang kalikot.30
buslo ² mga kasangkapan sa pangingisda. dikin ² isang malaking singsing na ginagamit sa pag-iipon ng mga tingting upang maging walis tingting. Tandaan na ang isa sa pinakamahalagang simbolo ng kapangyarihan ng papa ng simbahan ay ang singsing ng mangingisda at ang tiara sa kaniyang ulo ay hugis bibig ng isda. Sapagkat si Pedro na unang papa ay isang mangingisda. Parang nais ni Rizal na ang magiging unang papang Pilipino ay magsuot ng buslo ng mangingsida sa ulo at singsing na dikin sa daliri. 28 Pansanin sana na ang pangalan ng ina ni Andoy na na nangangarap na ang kaniyang anak ay maging papa at PETRA. Ito ang susi upang maunawaan na ang nilibak ni Rizal sa bahaging ito ng kabanata ay ang Papa ng simbahan. 29 Para sa matanda ay higit na mabuting kapalaran para sa batang si Andoy ang maging Patriarka ² obispo ng Simbahang Orthodox sa Silangan. Ito ay dahilan sa walang malaking eskandalong pangkasaysayan na nasulat ukol sa mga ito. 30 PALIWANAG Talaga palang napakalupit mang-insulto ni Rizal y Magmimisa siya nang patungkol sa kaluluwa ko, he he he he!µ Ang tawa ng tauhan ni Rizal ay parang isang malinis na katuwaan. Subalit para sa manunulat ay isang tawa na puno ng pang-iinsulto o kawalan ng paniwala. y ´Maaalaala nga niya ako kung siya ay papa na o obispo kayang naglilibang at gumagawa ng buslong para sa kusinaµ At puno ng pag-asa na nilagyan ng maraming ng ikmo ng mabuting matanda ang kanyang kalikot. y Nasakyan mo ba? Kung oo ² isa ka na talagang bonafide na erehe-he he he Kung hindi ² magresearch ka sa iba pang pinaggamitan ng salitang kalikot.

426

´Kung pakikinggan ng Diyos ang aking dalangin at masusunod ang aking inaantay, ay sasabihin ko kay Andoy: ¶Anak ko, alisan mo kaming lahat ng kasalanan at ipadala mo kami sa langit. Hindi na namin kailangan ang magdasal, mag-ayuno at bumili ng indulehensiya.· Ang may isang anak na Santo Papa ay makagagawa na ng mga pagkakasala!µ31 ´Papuntahin mo bukas sa bahay, Petra,µ sabi ng matanda na tuwang-tuwa, ´tuturuan kong gumawa ng buslo!µ ´Hmhn! Aba! Anong akala ninyo, lelong? Ang akala ba ninyo ay iginagalaw pa ng mga papa ang kanilang mga kamay? Kung ang mga kura lamang ay kung nagmimisa lamang gumagawa« kapag umiikot-ikot! Ang arsobispo ay hindi na umiikot, paupong nagmimisa; kaya ang papa« ang papa ay nagmimisang nakahiga, at may pamaypay! Ano ba ang akala ninyo?µ32 ´Hindi magiging kalabisan, Petra, na matuto siyang maghanda ng nito. Mabuti na ang makapagbili siya ng mga salakot at sukluban upang huwag manghingi ng limos, gaya nang ginagawa rito ng kura taun-taon, sa ngalan ng papa. Nahahabag akong makakita ng isang santong maralita, kaya·t ipinagkakaloob ko ang lahat ng aking naiipon.µ33 Isang lalaking taga-bukid ang lumapit sa kanila, at ang sabi ay:
31 Ang sinabing ito ng ina ni Andoy na si PETRA ay may kaugnayan at susi upang maunawaan na ang kayabangan ni Manong PEDRO na Maestro ng Kapatiran ay ipinatutungkol ni Rizal sa Papa ng simbahan Kabanata 18. 32 Ang pinagsalita ni Rizal sa pagmamasid sa mga gawain ng iba·t ibang opisyal ng kaparian ay isang mangmang na tagabukid, ngunit sa pagmamasid ay nakikita nila at malaya nilang nakukuro. Kahit ang mga mangmang dahilan sa kakulangan ng edukasyon ay mayroon ding katutubong talino na makapag-isip at gumawa ng sarili nilang pagkukuro-kuro. Katulad ng pagtagos ng liwanag sa makapal na belo na nakatabing sa kanilang mga isipan. Ano ang akala nila sa ating mga hindi nakatapos ng mataas na pinagaralan ² Hindi nag-iisip. 33 Isang marikit na insulto ni Rizal - tuturuan ng matanda si Andoy na gumawa ng mga salakot para kapag naging Papa ay hindi mamalimos taon-taon, naging kaugalian ng mga prayle na mamalimos sa pangalan ng papa sa kapanahunan ng Espanya. Sa panahon ng Espanya ay ginamit ng mga prayle ang panghihingi ng limos sa mga Pilipino upang maalisan ng malaking obligasyon pampinansiyal ang papa ² ito ay isa sa naging patakaran na pinasimulan ni Papa Sixto V.

427

´Akin ng pinatitibayan, kumare, ang anak ko ay magiging doktor; wala nang hihigit pa sa maging doktor!µ ´Doktor! Tumigil kayo, kumpare,µ ang sagot ni Petra, ´walang gagaling pa sa maging kura!µ ´Kura? Prr! Kura? Ang doktor ay kumikita ng maraming salapi; sinasamba siya ng mga maysakit, kumare!µ ´Mag-isip kayo! Ang kura ay iikot-ikot lamang ng tatlong beses o apat at bibigkas ng deminus pobiscum, nakakain na ang Diyos at tatanggap na ng salapi. Ang lahat pati ng mga babae ay nagsasabi sa kanya ng kani-kanilang lihim!µ ´At ang doktor! At ano ba sa akala ninyo ang doktor? Nakikita ng doktor ang lahat ng itinatago ng mga babae, pumupulso sa mga dalaga«! Maging doktor sana ako sa kahit sa loob ng isang linggo!µ34 ´At ang kura? Hindi ba nakikita rin ng kura ang nakikita ng doktor? At higit pa! Batid na ninyo iyong sawikaing: inahing mataba at mabilog na hita, ay sa kura!µ35 ´At ano? Ang mga manggagamot ba ay kumakain ng tuyong isda? Napupudpod ba ang daliri sa pagdidildil ng asin?µ ´Narurumihan ba ang kamay ng kura na gaya ng mga manggagamot? Kung wala sana silang malalaking lupain,36 at kung sila ay gumagawa ay sinasabayan ng tugtog at tulong ng mga sakristan!µ ´At ang pagpapakumpisal, kumare? Hindi ba iyon ay isang gawain?µ ´Gawain! Maano na ngang makumpisal ko ang lahat ng tao! Tayo ay nagkakahirap upang malaman kung ano ang ginagawa ng mga lalake at babae, kung ano ang ginagawa ng ating mga kapitbahay! Ang kura ay uupo lamang at sinasabi na sa kanya ang lahat ng bagay; kung minsan pa nga ay nakakatulog, nguni·t magbibigay ng dalawa o tatlong bendiyson at tayo ay muli

34 Kung sinulat man ni Rizal ang bahaging ito ay kaya niyang patotohanan ² sapagkat si Rizal ay isang manggagamot at kumuha ng aralin sa Ob/Gyn. 35 Isang pabirong kasabihan na pamumuhay ng mga prayle. nagpapahiwatig ng malaswang

36 Ipinakita ni Rizal ang mga prayle bilang mga tunay na panginoong may-ari ng lupa ² may malaking lupain ngunit hindi nadudumihan ang mga kamay sa gawaing ukol sa lupa.

428

na namang magiging mga ng Diyos! Sana naman maging kura ako sa isang hapon ng kuwaresma!µ 37 ´At ang« magsermon? Hindi ninyo masasabi na magaang na gawain. Kundi, ay tingnan na lamang ninyo ang pawis kanina ng kurang malaki!µ tutol ng lalake na paurong na sa laban ng salitaan. ´Ang magsermon? Mahirap bang gawain ang magsalita? Nasaan ba ang pag-iisip ninyo? Sana nga na ako ay makapagsalita ng kalahating araw sa pulpito, na kinagagalitan at minumura ang lahat, nang walang makapangahas na sumagot, at babayaran pa ako! Sana naman maging kura ako kahit na isang umaga man lamang, kapag nangagsisimba ang mga may utang sa akin! Tingnan ninyo, tingnan na lamang ninyo kung gaano ang itinaba ni Padre Damaso sa pagmumura at pamamalo!µ Nang mga sandaling iyon ay dumarating nga si Padre Damaso na ang lakad ay lakad ng taong mataba, nakangiti nang ngiting napakatangi, kaya nang makita siya ni Ibarra ay naputol ang pananalita nito.38 Si Padre Damaso ay binati ng lahat, na kahit may pagtataka ay may malaking kagalakan naman, maliban lamang kayIbarra. Nasa pagtatapos na ang pagkain at ang champana ay bumubula sa mga kopa. Ang ngiti ni Padre Damaso ay naging ngiting pilit nang makitang si Maria Clara ay nakaupo sa kanan ni Crisostomo;39 ngunit matapos na makaupo sa isang silya sa tabi ng alkalde ay tumanong sa gitna ng katahimikan: ´Mayroon ba kayong pinag-uusapan, mga ginoo? Ipagpatuloy ninyo!µ ´Nagtatalumpatian,µ ang sagot ng alkalde. ´Isinasalaysay ni Ginoong Ibarra ang lahat ng tumulong sa kanya sa gawain at tinukoy ang arkitekto, nang kayo ay«µ

37 Ang karaniwang tao, gagawa ng iba·t iba at mahirap na pamamaraan para makakuha ng lihim ng iba. Ang tsismis ay isa sa mga pangunahing libangan at kinahihiligan ng mga Pilipino. Napakapalad ng mga pari na nasa kumpisalan. Bakit ito ang wish ng babaeng tagabukid? ´Sana naman maging kura ako sa isang hapon ng kuwaresma!µ Para marami siyang malamang tsismis, dahilan sa ang panahon iyon ay maraming nangungumpisal. 38 Mapapansin na pumunta si Pray Damaso sa handaan na ginaganap sa bahay ni Ibarra kahit hindi siya iniimbitahan ² isang indikasyon ng taong walang sapat na kahihiyan at pakundangan. 39 Ang ngiting pilit ni Padre Damaso ay katulad sa ngiti ng isang ama, kung makikita ang kaniyang anak na dalaga ay nasa piling ng isang kasintahan na hindi niya nais para sa kaniyang anak na dalaga.

429

´Wala akong ganap na alam tungkol sa arkitektura,µ ang putol ni Padre Damaso, ´subalit pinagtatawanan ko lamang ang mga arkitekto at ang mga hangal na may kailangan sa kanila. Nakita ninyo na ako ang gumuhit ng plano ng simbahang iyan at mabuting-mabuti ang pagkakayari: ayon ang sabi sa akin ng isang nagtitinda ng alahas na natirang minsan sa kumbento. 40 Upang makagawa ng isang plano ay sukat na ang magkaroon ng dalawang daling noo.µ ´Subalit,µ ang sagot ng alkalde nang makitang si Ibarra ay hindi umiimik, ´kapag ang itatayo ay isang bagay, na gaya halimbawa ng paaralang ito, nangangailangan ng isang perito«µ ´Ano bang perito (dalubhasa) ni peritas!µ ang bulalas na pakutya ni Padre Damaso. ´Ang mangailangan ng isang perito ay isang perrito (tuta)! Kailangang pa ban g higitan pa sa kamangmangan ang Indio, na nakapagtatayo ng sarili nilang bahay, upang huwag matutong magtayo ng apat na dingding na bato at lagyan ng isang takip, na siyang kabuuan ng isang paaralan! Ang lahat ay napatingin kay Ibarra, ngunit ito, kahit namutla, ay nagpatuloy sa kanyang kunwaring pakikipag-usap kay Maria Clara. ´Datapwa·t dapat ninyong konsiderahin«µ ´Tingnan ninyo,µ dugtong ng Pransiskano na hindi pinayagang makapagsalita ang alkalde, ´tingnan ninyo kung papaano nagawa ng isang naming lay brother, na pinakamahina sa lahat, na nakapagpatayo ng isang bahay ampunan, mainam at kaunti lamang ang nagastos. Napagawa niyang mahusay ang mga tao at walang ibinayad kundi walong kuwalta lamang isang araw sa bawat isa sa mga nanggagaling pa sa ibang bayan. Iyan ang marunong magpasunod sa mga manggagawa, na hindi kagaya ng ilang palalo at mga mistisilyo na

40 Ang isang kahinaan ng mga prayle sa kaniyang kapanahunan ² madaling bolahin. Sa panahon ng Espanya, ang kumbento ay nagiging pansamantalang tirahan ng mga manlalakbay na nagtutungo sa malayong lugar ng bansa (maging si Jagor ay nakapanirahan sandali sa kumbento), Sa ganito ang mag-aalahas ay nakipanirahan lamang sa kumbento ng isa o ilang araw, natural naman na hindi magsasalita ng masama o masakit na puna ang panauhin sa nagpapatuloy sa kaniya.

430

nagpapasama sa kanila dahil sa pagbabayad ng tatlong bahagi o isang salapi.µ41 ´Ang sabi po ninyo Padre ay walong kuwalta lamang ang ibinabayad? Hindi po yata mangyayari ang gayon!µ anang alkalde na may tangkang baguhin ang tungo ng salitaan. ´Opo, ginoo, at iyon ang dapat pamarisan ng mga may nasang masabing sila·y mabubuting Kastila. Iyan ang nangyayari, magmula nang mabuksan ang Canal de Suez, ang kasamaan ay nakarating dito. Noong araw, na kailangan pa na umikot sa Cabo ay hindi nakararating dito ang maraming masasama ni hindi nakapaparoon sa Espanya ang iba upang maging masama!µ42 ´Datapwa·t Padre Damaso«!µ ´Alam na ninyo kung ano ang Indio; kapag natuto na nang kaunti ay nagmamarunong na. Lahat niyang uhuging napaparoon sa Europa«µ

41 Ipinapakita ni Rizal sa pamamagitan ni Pray Damaso, ang maliit na pasuweldo ng mga taong simbahan sa kanilang mga manggagawa ² 8 kuwalta (maaring katumbas ng 5 sentimos, kumpara sa isang real na umiiral sa panahon na dinalaw ni Jagor ang Pilipinas na 12.5 sentimos o higit na mas malaki pa sa mga mangaggawang may kasanayan na kumikita ng 4 na real.) Pati ang pasuweldong malaki ni Ibarra sa kaniyang mga trabahador ay pinuna ni Pray Damaso. Mapapansin na dahilan sa liit ng ipinasuweldo ng uldog, maging ang alkalde ay hindi makapaniwala. Ipinapakita rito ang pagiging mura ng ng pa-trabaho sa kolonyal na simbahan. Minsan ay maaring makapagbiro, na ang uldog na ipinagmamalaki ni Pray Damaso ang ninuno ng mga mapagsamantalang kapitalista sa ating kasalukuyang panahon. 42 Sa mga unang siglo ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas, ang mga manlalakabay na mga Espanyol ay dumadaan sa Cape of Good Hope, nang magawa ang Suez Canal na ang haba ay 195 kilometro at pinasimulang gawin noong 1858 ng a Compagnie Universelle du Canal Maritime de Suez, pinabilis NITO ang paglalakbay ng mga taga-Europa sa Silangan. Nagkaroon ng epekto ito sa kasaysayan ng Pilipinas dahilan sa dumating dito sa Pilipinas ang maraming mga Espanyol na nakikipagsapalaran na ang iba ay nagtataglay ng liberal na kaisipan at hindi mauto ng mga alagad ng simbahan. (Sa panahon ni GH de la Torre, ang ilang liberal na kasama niya ay namahagi pa ng mga babasahin na anti-prayle) Ikinainis ng mga paring Espanyol ang paglitaw ng mga liberal na Espanyol sa Pilipinas dahil sa nakainpluwensiya sila sa mga mapanatang Pilipino na nagigising sa kawalang katuturan ng kanilang panatikong pagsamba.

431

 

´Subalit pakinggan ninyo, Padre«!µ ang hadlang ng alkalde na hindi mapalagay dahil sa kataliman ng gayong mga pangungusap.43 ´Lahat sila ay matatapos sa nararapat na hangganan,µ ang patuloy, ´ang kamay ng Diyos ay namamagitan, kailangan ang maging bulag upang huwag makita ang gayon. Sa buhay pang ito ay tumatanggap na ng kaparusahan ang mga ama ng mga ganyang ulupong« ay namamatay sa bilangguan, he! he! At nawala na lamang ng basta «µ Datapwat hindi pa natapos ang sinasabi. Namumutlang sinusundan siya ni Ibarra nang tingin; nang madinig ang pagbanggit sa kanyang ama ay biglang tumayo, at nilundag na pinatama ang kamay sa ulo ng pari, na napabaligtad sa pagahilo. Gitla at sindak ang pumasok sa lahat, kaya walang nangahas na umawat. ´Lumayo kayo!µ ang sigaw ng binata, na ang boses ay nakapangingilabot, kinuha ang isang matalas na kutsilyo, samantalang dinidiinan ng paa ang leeg ng prayle, na nililipasan na ng pagkahilo, ´ang ayaw mamatay ay huwag lumapit!µ Si Ibarra ay puno ng galit: ang kanyang katawan ay nanginginig, ang kanyang mga mata ay nanlilisik na nagbabala. Si Padre Damaso ay nagpumilit na makatindig nguni·t sinunggaban ni Ibarra sa batok at niliglig hanggang sa mapaluhod sa dalawang tuhod. ´Ginoong Ibarra! Ginoong Ibarra!µ ang marahang sabi ng ilan. Subalit kahit isa man, pati ng alperes, ay hindi naglakas loob na lumapit dahil sa nakikita ang kintab ng kutsilyo, at tinataya ang lakas at kalooban ng binata. Lahat ay di-makaimik. ´Kayo diyan! Kayo·y hindi nangagsihuma, ngayon naman ay ako. Iniwasan ko siya, ang Diyos ay siyang nagdala sa kanya sa akin, humatol ang Diyos!µ Ang binata ay bahagya nang makahinga, ngunit hawak din ng kamay niya ang Pransiskano na hindi makawala. ´Ang tibok ng puso ko·y panatag, ang kamay ko·y walang ngatal«µ At nang matingnan ang kanyang paligid, ´una muna, bago ko gawin ang gagawin ko, mayroon ba sa inyo, kahit isa, na hindi umibig sa inyong ama, kahit isang anak sa kahihiyan at sa kaabaan ay hindi mamumuhi sa kaniyang ala-ala«?44 Nakita mo na? Nadinig mo ang katahimikang iyan? Alagad ng isang Diyos ng kapayapaan, na ang bibig ay puno ng kabanalan subalit ang
43 Ipinapakita rito ni Rizal na si Si Pray Damaso na kura paroko lamang ng isang bayan ay walang pakundangan sa alkade ng lalawigan. 44 Inanak sa kahihiyan (anak sa labas) - anak sa kababaan (anak ng dukha).

432

puso naman ay puno ng kasamaan, hindi mo marahil alam ang kahalagahan ng isang ama« naalaala mo sana ang ama mo! Sa kapal ng taong iyan na iyong inaalipusta ay wala isa mang kagaya mo! Nahatulan ka na!µ Dahil sa inakala ng mga nakaplibot sa kanya na siya ay papatay ng tao ay nangagkilusan. ´Lumayo kayo!µ muling sigaw na ang boses ay nagbabala, ´ano, natatakot ba kayo na mabahiran ng masamang dugo ang aking kamay? Hindi ba sinabi ko sa inyong ang puso ko ay tumitibok nang payapa? Lumayo kayo sa amin! Pakinggan ninyo, mga pari, mga hukom, na nag-aakalang kayo ay naiiba sa lahat at ikinakapit ninyo sa sarili ang iba pang karapatan! Ang ama ko ay isang taong may dangal, itanong ninyo sa bayang na gumagalang sa kanyang alaala. Ang ama ko ay isang mabuting mamamayan: nagkahirap dahil sa akin at sa ikabubuti ng bayan. Ang kanyang hapag ay nakahain sa mga dayo o sa itinatapon na lumalapit sa kanya dahil sa karalitaan! Mabuting kristiyano: palaging umugali nang mabuti at kailan man ay hindi gumigipit sa mga sinisiil, ni nagpapahirap sa hikahos« Ito man ay (tinutukoy si Padre Damaso) pinagbuksan din ng pinto sa kanyang bahay, pinaupo sa kanyang hapag at tinawag na kanyang kaibigan. Ano ang iginanti? Siniraan niya, pinag-usig, inuto ang mga mangmang upang labanan ang aking ama na ang sinangkalan ay ang banal niyang tungkulin, nilapastangan ang kanyang libingan, siniraan ang namayapa kong ama, at pinag-usig hanggang pagpapahinga sa libingan. At hindi pa nasiyahan ito ay pinag-uusig ngayon ang anak! Iniwasan ko ang kami ay magtagpo« kayo ay nakadinig sa kanya kaninang umaga na sinalaula ang pulpito, itinuro ako sa bulag na konsensiya ng bayan,45 at ako ay nagsawalang-kibo. Ngayon ay nagparito upang ako ay guluhin at awayin;46 kahit kayo ay nagtataka ay nagtitimpi ako subalit inulit ang pag-alimura sa mahalagang alaala sa harap ng isang anak« Kayong mga narito,

45 Mapapansin na tiniis lamang ni Ibarra ang mga parinig ni Pray Damaso sa loob ng simbahan, habang binabatikos siya sa harapan ng bulag na konsensiya ng bayan. bulag na konsensiya ng bayan ² IKAW BA KAIBIGAN NA NAGBABASA AY NAGTATAGLAY NG BULAG NA KONSENSIYA NG BAYAN. 46 Mapapansin na tiniis lamang ni Ibarra ang mga parinig ni Pray Damaso sa loob ng simbahan, habang binabatikos siya sa harapan ng bulag na konsensiya ng bayan. Ganyan din nila babatikusin ang trabahong ito at sasang-ayunan nila ang gagawin nilang pagbatikos dahilan sa sila ay nagtatagalay ng sinasabi ni Rizal na bulag na konsensiya ng bayan.

433

mga pari, mga hukom, nakita ba ninyo ang inyong matatandang magulang na nagpupuyat sa paghahanapbuhay nang dahil sa inyo, lumayo sa inyo dahil sa inyong kagalingan, namatay sa lungkot sa isang bilangguan, nagnanais na labis na kayo ay mayakap, na naghahanap ng isang makaaaliw sa kanya, nag-iisa, may sakit, samantalang kayo ay nasa ibang bayan« at madinig ninyong pagkatapos ay iniinsulto ang kanyang alaala, natagpuan ba ninyong walang laman ang kanyang libingan nang binalak ninyong manalangin sa ibabaw ng puntod? Hindi! Hindi kayo umiimik« kung gayon ay kinikilala ninyo ang sala nito!µ Itinaas ang bisig, nguni·t isang binibini, matuling gaya ng liwanag, ang napagitna, at sa tulong ng kanyang mahihinang kamay ay pinigilan ang bisig na maghihiganti: siya·y si Maria Clara. Tinitigan ni Ibarra ang dalaga ng isang tinging parang nagpapahayag ng kabaliwan. Dahan-dahang nagluwag ang nakahigpit na daliri ng kanyang mga kamay at binayaang bumagsak ang katawan ng Pransiskano at ang kutsilyo, at matapos na matakpan ang mukha ay nagtatakbo sa gitna ng karamihan ng tao.

434