KABANATA 42 ANG MAG-ASAWANG ESPADAÑA

Nakatapos na ang kapistahan; at muli na namang naunawaan ng mga taong-bayan, na kagaya rin ng ibang nakalipas na mga taon, lalong naging dukha ang kanilang mga kabang-yaman, nagpagod sila, nagpatulo ng pawis at nagpuyat nang hindi naman tunay na nagsaya, hindi-nagkaroon ng mga bagong kaibigan; sa isang salita, binayaran nila ng mahal an kanilang kaguluhan at mga sakit ng ulo. Subalit walang kailangan; sa taong darating ay gayon din ang gagawin, gayon din sa isang daang taong susunod, sapagkat ito ang kinaugalian.1 Naghahari ang malaking kalungkutan sa bahay ni Kapitan Tiyago: nakasara ang lahat ng bintana, bahagya nang marinig ang lakad ng mga tao sa sahig, at sa kusina lamang maaring mag-usap nang malakas. Ang kaluluwa ng pamamahay, si Maria Clara, ay nakahiga; sa kanyang kalagayan ay nababakas sa mukha ng lahat, na gaya ng pagkakabakas ng mga damdaming taglay sa mukha ng isang tao. ´Ano sa akala mo, Isabel: maglimos kaya ako sa krus sa Tunasan o sa Matahong?µ ang tanong na marahan nang naghihinagpis na ama. ´Ang krus sa Tunasan ay lumalaki, ngunit ang sa Matahong ay nagpapawis: alin ang inaakala mong lalong milagroso?µ2 Si Tia Isabel ay nag-isip, iginalaw ang ulo at bumulong: ´Lumalaki« ang paglaki ay nakakahiti kaysa sa pagpapawis: lahat tayo ay pinapawisan ngunit hindi lahat tayo ay lumalaki.µ
MGA PALIWANAG 1 Ipinapaalam ni Rizal na wala naman talagang natatamo ang bayan sa pagdaraos ng kapistahan. Kasalatan ang iniiwan nito sa mga mamamayan ng bayan. Mapansin ang sinabi ni Rizal na ´sa sandaang taon na susunod ay ganito ang gagawin nila, sapagkat ito ang nakaugalian.µ Sa kaisipan ng mga Italyano ay nakatala na ´Nagtatapos ang Kapistahan, Hindi ang kahangalan. 2 Sa panahong iyon ay laganap ang paniniwala sa pagmimilagro ng mga santo upang magbigay daan sa paggaling ng isang maysakit.

484

´Tunay nga, Isabel, ngunit tingnan mo ang « pagpawisan ang isang kahoy na ginagawa sanang paa ng bangko ay hindi mumunting kababalaghan«3 Ang lalong mabuti kaya ay kapwa natin limusan ang dalawang krus, sa gayon ay hindi magselos ang isa·t isa at mapapadali ang paggaling ni Maria Clara« Ayos ba ang silid? Batid mo nang kasama nina doktor ang isang ginoong tila kamag-anak ni Padre Damaso; dapat na walang magkulang na anuman.µ Sa kabilang dulo ng kainan ay naroroon ang magpinsang si Sinang at si Victoria, na naroon upang samahan ang maysakit. Tinutulungan sila ni Andeng sa paglilinis ng mga kasangkapang pilak na kagamitan sa pag-inom ng tsa. ´Kilala ba ninyo si Doktor Espadaña?µ ang masusing tanong kay Victoria ng kapatid sa suso ni Maria Clara. ´Hindi!µ ang sagot ng tinanong, ´ang tanging alam ko tungkol sa kanya ay mahal kung sumingil,4 ayon sa sabi ni Kapitan Tiyago.µ ´Kung gayon ay dapat maging mabuti!µ ang sabi ni Andeng, ´ang nag-opera sa tiyan ni Aling Maria ay mahal kung sumingil, kaya marunong.µ ´Hangal,µ ang bulalas ni Sinang, ´hindi ang lahat ng mahal kung sumingil ay marunong. Tingnan mo si Doktor Guevara; matapos na hindi makapag-paanak na mabuti, at pinutol pa ang ulo ng bata, ay siningil nang limampung piso ang balo«ang nalalaman ay ang sumingil nang mahal.µ5 ´Ano ang malay mo?µ ang tanong ng pinsan, na marahang sumiko sa kanya. ´Hindi ko malalaman? Ang asawa, na naglalagare ng kahoy, matapos na mawalan ng asawa ay nawalan pa ng bahay, dahil
3 Naipakita ni Rizal ang kaniyang kahusayan sa pagkutya sa panatisismo ² ipinapaalam ni Rizal na ang krus na kahoy ay ginawa sanang upuang bangko, ngunit ang mapalad na kahoy ay naging krus na niluluhuran at pinagdadasalan ng tao samantalang ang kaputol nito ay ginagawang upuan at maaring minamamalas na nakakatanggap ng di kananais na amoy na ipinagkakaloob ng kaniyang pinagmagandahang loob na paupuin. Iisang kahoy na pinagmulan, nagkaroon ng ibang pagtingin at pagpapahalaga ayon sa pagkakagawa sa kanya. Mapalad ang mga bahagi ng PUNO na nagiging PUON. Dahil meron ng Santa Mesa, maari na rin sigurong magkaroon ng Santa Silya. 4 Ang katanyagan ni Dr. Espadaña ay hindi sa kahusayan sa panggagamot (hindi naman ito manggagamot) kundi sa kamahalan ng kaniyang paniningil. 5 Isang pagkutya at pagkondena sa mga mangaggamot na nakagawa ng malpratice sa propesyon.

485

pinilit siyang magbayad ng alkalde, na kaibigan ng manggagamot« hindi ko malalaman? Si Tatay pa ang nagpautang sa kanya ng kuwalta upang makaparoon sa Sta. Cruz.6 Isang sasakyang huminto sa tapat ng bahay ang pumutol sa mga usapan. Patakbong pumanaog ng hagdanan si Kapitan Tiyago, kasunod si Tia Isabel upang salubungin ang mga bagong dating. Ang mga dumating na ito ay sina Doktor Don Tiburcio de Espadaña, ang asawa na si Doktora Victorina delos Reyes de de Espadaña, at isang binatang Kastila na may mainam na tindig at pagmumukhang may mainam na anyo. Ang suot ng babae ay isang sutlang balabal na may mga bulaklak at sumbrerong may isang malaking anyo ng loro na halos pitpit sa mga sintas/lace na pula at bughaw; tila nakadagdag sa mga kulubot ng kanyang mukha; ang alikabok sa daan na nahalo sa pulbos sa kanyang pisngi; gaya nang makita natin siya sa Maynila ay nakakapit din sa bisig niya ang kanyang pilay na asawa.7 ´Ipinakikilala ko sa inyo ang aming pinsang si Don Alfonso Linares de Espadaña!µ ang sinabi ni Donya Victorina, na itinuro ang binata, ´sila ay inanak ng isang kamag-anak ni Padre Damaso; pribadong kalihim ng lahat ng ministro«µ8 Ang binata ay yumuko: si Kapitan Tiyago naman ay halos napahalik sa kamay ng binata. Samantalang iniaakyat ang maraming maleta at mga sacos de viaje/travelling bag, samantalang inihahatid sila ni Kapitan Tiyago sa kani-kanilang magiging silid, ay isalaysay natin ang ilang bagay tungkol sa mag-asawang ito na bahagya na nating nakilala sa mga unang kabanata.

6 Ang kuwento ay hango sa katotohanan dahilan sa may katulad itong kaganapan sa Calamba. (Poblete) 7 Maaring isipin kung bakit inilarawan ni Rizal ang mag-asawang de Espada a na laging nakakapit/akay ni Donya Victorina si Don Tiburcio. Isang paglalarawan ng maraming mga mag-asawang Espanyol at Pilipina. Ang katotohanan ay pasanin ng mga asawang babae (na mayayaman) ang kanilang asawang Espanyol, na ang ilan ay mga hampas lupa lamang sa Espanya. Kaya ang mga lalaking Espanyol na ito ay nagtungo sa Pilipinas ay para maghanap ng mga mayayaman o mga tagapagmanang mapapangasawa. 8 Pribadong kalihin ng lahat ng ministro ² sa paraan pa lang ng pagpapakilala ni Dna.Victorina ay makikita na ang labis na kayabangan. Una ang isang ministro sa kagawaran ay marami ng gampanin - tapos ipakikilalang pribadong kalihim ng lahat ng ministro. Ipinapakita ni Rizal kung papaano ipinakikila ng mga Espanyol ang kanilang sarili mga bagong dating na kamag-anak sa Pilipinas. Pinalalaki ang sarili para hangaan ng mga Pilipinong tubo sa bansa.

486

Si Donya Victorina ay isang babaeng nagtataglay ng apatnapung limang Agosto, na katumbas ng tatlumpu·t dalawang Abril, ayon sa sarili niyang pagtaya sa pagbilang.9 Ayon sa lagi niyang sinasabi, siya·y naging maganda noong kanyang kabataan, nagkaroon ng mainam na pangangatawan, ngunit dahil sa mahilig sa pagmamalas sa sariling kagandahan ay hindi niya pinansin ang maraming Pilipinong nangibig sa kanya sapagka·t ang kanyang nais ay ang makatagpo ng ibang lahi.10 Ayaw niyang ipagkaloob kaninuman ang kanyang maliit at maputing kamay, ngunit hindi dahil sa kakulangan sa pagtitiwala, sapagka·t madalas na nagkakaloob siya ng mga hiyas at mga pag-aaring mahahalaga sa ilang nagbabaka-sakaling taga-ibang lupa at tagarito.11 Anim na buwan muna bago nangyari ang aming istorya sa kabanatang ito ay nakita niyang naging katotohanan ang kanyang pinakamagandang pangarap, ang pangarap niya sa kaniyang buong buhay, na siyang sanhi ng pagpapawalang-kabuluhan sa mga tamis ng kabataan at maging sa mga pangako sa pag-ibig ni Kapitan Tiyago, na ibinulong sa kanyang mga pandinig o inawit sa isang harana. Natagalang lubos bago nangyari ang pangarap; ngunit si Donya Victorina, na kahit na masamang mangastila, ay higit pa sa pagiging-Kastila kay Agustina de Zaragoza,12 ay

9 45 anyos si Dna Victorina, ngunit ang pagpapakilala ay 32 pa lang. 10 Ano ang tunay na anyo ni Donya Victorina? Matutulala ka kapag nabasa mo ang tunay na nais ilarawan ni Rizal ukol sa babaeng ito, at maaring ito rin ang dahilan kung bakit nais niyang makapag-asawa ng isang Espanyol. 11 Ang trabaho ni Donya Victorina ay sumososyo o nagpapahiram ng puhunan sa mga katutubo at dayuhang negosyante sa Pilipinas sa kaniyang kapanahunan. 12 Agustina de Aragon ang tunay na pangalan ² ipinaganak noong Marso 3, 1786 at namatay noong Mayo 29, 1857. Nakilala siya sa kaniyang ginawang partisipasyon sa pakikibahagi pagtatanggol sa lunsod ng Zaragosa na noon ay kinukubkob ng mga Pranses. Siya ang kinikilalang Joan of Arc ng Espanya. Maaring basahin ang Agustina de Aragon sa sa www.wikipedia.org. Ang pangalang Agustina ang isa sa mga dahilan upang mapagdugtong na hinango ni Rizal ang tauhang ito sa isa niyang kamag-anak na si

487

nakababatid nang salawikaing: ´mabuti na ang tumagal kaysa hindi mangyari,µ at inaaliw niya ang sarili sa pagbanggit ng ´walang lubos na kaligayahan sa lupa,µ na isa sa kanyang mga salawikaing laging nasasabi-sabi sa sarili sapagkat ang mga salitang ito ay hindi lumalabas sa kanyang mga labi sa harap ng ibang tao. Si Donya Victorina na dumaan sa una, pangalawa, pangatlo, at pang-apat niyang kabataan, na hawak ang lambat upang mabingwit sa lawak ng mundo ang dahilan ng kanyang mga pagpupuyat, ay napilitang umayon sa ipinagkaloob sa kanya ng kapalaran. Kung sa halip ng tatlumpu·t dalawang Abril ay naging tatlumpu·t isa lamang ang kanyang dalahin (bagay na sa kanyang aritmetika ay isang malaking agwat),13 ay isinauli sana niya ang huli na ipinagkaloob ni Kapalaran, upang mag-antay ng ibang huli na lalong kapit sa kanyang hangad. Ngunit sa dahilang nasa tao ang pagbabalak, ay nasa kagipitan naman ang pagpapasya, 14 siyang nangangailangang lubha ng isang asawa at napilitang masiyahan sa isang lalake na ibinuga ng Extremadura,15 at matapos na makalaboy ng anim o pitong taon sa mundo, na parang bagong Ulises, ay nakatagpo rin sa pulo ng Luzon ng

Agustina Medel. 13 Habang tumatanda ay nagpapabata ng edad si Dna. Victorina. 14 Binago ni Rizal ang talata ng Biblia na ´Datapwa·t sa dahilang nasa tao ang pagbabalak, ay nasa Diyos naman ang pagpapasyaµ at pinalitan ng isang kaayusan na ´ang tao ay nagpaplano sa mga maayos na panahon, ngunit nagpapasiya sa panahon ng biglaang kagipitan.µ 15 Extramadura - isang rehiyon sa Timog-kanluran ng Espanya na nasa hangganan ng bansang Espanya at Portugal. Matatagpuan sa rehiyong ito ang mga probinsiya ng Badajoz at Caceres. Dito nagmula si Don Tiburcio de Espadaña. Bakit pinili ni Rizal na ang pagmulan ni Don Tiburcio ay ang rehiyon ng Extramadura sa Espanya? Bagay na bagay ang lugar na ito para kay Don Tiburcio, dahilan sa ang rehiyon ng Extramadura ang pinakamahirap sa buong Espanya. Subalit sa rehiyon na ito sumilang ang maraming mga mananakop na Espanyol katulad ni Hernando Cortez, Francisco Pizarro, Pedro de Alvarado, Pedro de Valdivia at marami pang iba. Ang paggamit ni Rizal sa Extramadura bilang pinagmulan ni Don Tiburcio ay isang pagpapakita na ang huling Espanyol na ibubuga ng Extramadura ay isang inutil. Isang patagong panlilibak ni Rizal sa Espanya, upang ipakita ang patuloy na paghina nito sa bawat paglakad ng panahon.

488

matutuluyan, salapi at isang tuyot na Calipso,16 ang kanyang kabiyak na dalandan« ay! at ang dalandang ito ay maasim. Ang pangalan ng kahabag-habag na ito ay Tiburcio Espadaña at kahit may tatlumpu·t limang taon at mukhang matanda ay bata kay Donya Victorina na may tatlumpu·t dalawa. Ang sanhi nito ay madaling mahinala, ngunit mapanganib sabihin.17 Siya ay nagtungo sa Pilipinas na oficial quinto18 sa Aduana nguni·t sa sama ng palad, bukod sa nahilo at nabalian ng isang paa sa paglalayag. Makaraan ang labinlimang araw ng pagtatrabaho at nang wala na ni isang kuwalta, ay inalis sa katungkulan at inuutos na pauwiin sakay ng bapor Salvadora.19

16 Si Donya Victorina ay isang tuyot na Calypso ² isang insulto ni Rizal sa kaniyang tauhan, dahilan sa ang tunay na Calypso ay isang batang nimpa ng dagat sa mitolohiyang Griyego, naninirahan na mag-isa sa sa mitikal na pulo ng Ogygia sa Dagat Ionian. Nang ang bayaning Griyego na si Ulyses ay mapadpad sa Ogygia, ang nimpa ay umibig sa kanya at ginawang halos isang bilanggo sa loob ng pitong taon. Ipinangako ni Calypso ang kawalan ng kamatayan at panghabang panahong kabataan kung mananatili ang lalaki sa kaniya, subalit hindi ito naging sapat upang hindi hanapin ni Ulyses ang umuwi sa kaniyang tahanan. Sa panghihimasok ni Zeus ay nakaalis si Ulyses sa pulo at si Calypso ay namatay sa labis na kalungkutan pagkatapos na umalis ng lalaki. 17 Isang pagbibiro ni Rizal na kaya madaling tumanda si Don Tiburcio ay dahilan sa pagmamaltrato ni Donya Victorina. Subalit ang hanay na ito ng pananalita ay kaniya ring iniuukol sa isang lipunan na walang pagpaparaya sa malayang pamamahayag. Madaling hinalain, mapanganib na sabihin. 18 Mababang opisyal sa kawanihan ng pamahalaan. 19 Ang bapor na ito ay siyang sinakyan ni Rizal noong una siyang umalis ng Pilipinas noong Mayo 1882.

489

Dahilan sa masamang karanasan sa dagat ay ayaw ng bumalik sa Espanya nang hindi nakakakita ng kapalaran, at binalak niya ang maghanap. Ang karangalan niya sa pagkaKastila ay hindi magpahintulot na siya ay magbatak ng buto;20 inibig nga sana niya ang gumawa upang mabuhay nang mabuti, nguni·t hindi siya pahintulutan ng kadakilaan ng mga Kastila, at ang kadakilaang ito ay hindi naman makapagligtas sa kanya sa mga pangangailangan. Sa pasimula ay nabuhay siya sa gastos ng ilang kababayang Kastila, subalit si Tiburcio ay taong may kahihiyan, nagiging mapait sa kanya ang kinakain, kaya hindi tumataba kundi lalo pa ngang namayat. Sa dahilang wala siyang nalalamang karunungan, ni salapi, ni rekomendasyon maiharap kahit kanino upang mapasok sa isang kawanihan ay pinagpayuhan siya ng ilang kababayan, upang siya·y mapalayo sa kanila, na tumungo sa lalawigan at doon ay magpakilalang parang doktor.21 Ayaw sanang pumayag sa gayon ang ating lalake sapagkat kahit na siya naging utusan sa pagamutan ng San Carlos ay hindi naman siya nakapag-aral ng anuman tungkol sa panggagamot: ang kanyang tungkulin ay ang magpalis ng alikabok ng mga upuan, lagyan ng apoy ang mga darangan,22 at ito ay sa sandaling panahon lamang. Datapwat sa dahilang lalong nauuwi sa kagipitan ay pinakinggan din niya ang payo, nagtungo siya sa lalawigan at sinimulan ang pagdalaw sa ilang maysakit na sinisingil niya nang mura, alinsunod sa idinidikta ng kanyang konsensiya. Nguni·t

20 Ikinahihiya ng mga Espanyol na nagtutungo sa Pilipinas ang gawaing kamay. Ang mga Pilipino ay mahawa sa kanilang kahangalan ² ito ay nagbunga ng ating pagtuturing na ang gawaing kamay ay isang ´mababang uri ng trabaho.µ 21 Isa sa personal na karanasan ni Jose Rizal ay nang siya ay nag-aaral sa Unibersidad Central de Madrid ay nakatagpo niya ang dati niyang propesor sa Medisina sa UST na ang pangalan ay Dr. Franco. Sa panahon na si Rizal ay nag-aaral sa UST, ang nasabing propesor ay walang ginawa kundi takutin ang kaniyang mga estudyante na ibabagsak sa kaniyang itinuturong aralin. Laking pagtataka ni Rizal, dahilan sa ang kaniyang propesor ay naging kamag-aral niya sa isang aralin sa Medisina sa Unibersidad Central, at ang kaniyang dating propesor na naging kamag-aral ay bumagsak sa aralin na kapwa nila kinukuha. 22 Isang metal na kagamitan na ginagamit sa labas ng bahay kung saan sinusunog ang karbon o uling para magamit sa paluluto o pampainit ng mga tao sa panahon ng taglamig.

490

gaya noong binatang pilosopo na sinasabi ni Samaniego23 ay nagtapos sa pagsingil nang malaki at tinaasan ang sinisingil sa kanyang pagdalaw sa mga maysakit; dahil dito ay ipinalagay na siya ay mabuting manggagamot at marahil ay yumaman sana siya kundi nabalitaan ng protomedicato24 sa Maynila ang kanyang malaking pagsingil at pakikiagaw sa panggagamot sa iba. Namagitan at ipinagtanggol siya ng ilang katao at mga guro, ´Kayo naman!µ sabi nila sa naiinggit na si Dr. C., ´bayaan na ninyong kumita nang kaunti, at kumita iyan ng mga anim o pitong libong piso ay makababalik na iyan sa kanyang bayan at mamumuhay doon nang payapa.25 Ano na lamang ang mawawala sa inyo? Dahil sa inulol niya ang mga walang muwang na Indio? Sila ang mag-ingat. Iyan ay isang kaawa-awa; huwag ninyong alisan ng tinapay sa bibig; kahabagan ang kapwa Kastila!µ26 Ang doktor ay may paglingap sa pagka-Kastila at pumayag na sumang-ayon sa ganitong pananaw; ngunit ang balita ay nakarating sa mga taong-bayan, ay unti-unting nawalan sa kanya ng tiwala, at sa kaunting panahon lamang ay naubos na ang nagpagamot kay Don Tiburcio Espadaña, at muli na namang halos siya ay magpalimos ng kakainin para sa araw-araw. Nang panahong iyon nabalitaan mula sa isang kaibigan, na naging matalik na kaibigan naman ni Donya Victorina, ang kagipitang kinalalagyan ng babaeng ito, pati na ang kanyang pag-ibig sa Espanya at kagandahang-puso ng babae. Doon ay nakabakas si Don Tiburcio ng munting bahagi ng langit at hiniling siya ay ipakilala. Si Donya Victorina at si Don Tiburcio ay nagkita. buto na lamang ang natitira sa mga taong nahuhuli sa handaan ang

23 Samaniego ² may-akda ng isang aklat ng pabula na nakasulat sa Espanyol at ginagamit noon sa mga paaralan. 24 Lupon ng mga manggagamot na nagtatakda ng alituntunin sa paggagamot at sa pagsingil. 25 Pansinin na ipinagtatanggol ng mga Espanyol ang kanilang mga kapwa Espanyol ² ang katulad nito sa ating panahon ay ipinagtatanggol ng mga kakampi sa pulitika ang pagkakasala ng kanilang mga kasama sa partido. 26 Walang pagmamalasakit ang lupon ng mga manggagamot sa mga Pilipino. Pinalusot ang katiwalian o iregularidad ni Tiburcio dahilan sa ito ay Espanyol o kakampi nila. Nakakahabag ang mga walang muwang na Pilipino na nagiging guinea pig ng mga walang pakundangang manggagamot.

491

naibulalas niya marahil kung siya·y marunong ng Latin! Ang babae ay hindi na labis lamang sa pagkahinog, laos na; ang kanyang makapal na buhok ay naging isang munting pusod na lamang, na ayon sa sabi ng alilang babae ay kasinlaki ng isang ulo ng bawang;27 ang mga mata niya·y nagdamdam na rin nang malaki; kailangan niyang madalas na ipikit nang kaunti upang makakita nang malayu-layo: ang ugali na lamang niya ang tanging nalalabi. Nang makaraan ang kalahating oras na pag-uusap ay pakiramdaman sila at nagkamabutihan. Ang gusto sana ng babae ay isang Kastilang hindi pilay, hindi utal, hindi panot, hindi pingot, hindi natalsik ang laway kung nagsasalita at mayroong ng kaunti pang isip at mataas na katungkulan, na gaya nang sinasabi-sabi;28 ngunit ang mga Kastilang ganito ay hindi nakitungo sa kanya kailanman upang hingin ang kanyang kamay. Hindi miminsan niyang nadinig ang sabing: ang pagkakataon ay panot kung ilarawan at inakala niyang buung-buo na si Don Tiburcio ay siya nang tunay na pagkakataon sapagkat dahil sa mga malulungkot na gabing dinanas ay nagtaglay na ng maagang pagkapanot.29 Sinong babaeng may tatlumput dalawang taon ang hindi maingat? Sa lugar naman ni Don Tiburcio ay nakaramdam ito ng isang munting kalungkutan nang maisip ang kanilang honeymoon. Ngumiti nang ngiting pagtitiis at inalaala ang larawan ng gutom.30 Hindi siya nagtaglay ng malaking hangad na magkasalapi at matangi: ang kanyang mga hangarin ay maliliit, ang kanyang isipan ay maikli, nguni·t ang kanyang puso, na hindi pa nakakaramdam ng pag-ibig ay nangarap ng iba kaysa gayong diwata. Noong kanyang kabataan, kapag siya·y mahihigang pagod sa isang masamang higaan, matapos makain
27 Nauubos ang buhok, ito ang dahilan kung bakit gumamit ng peluka na pula ng kulay ng buhok. 28 Dito ay makikita ang istilo ni Rizal sa panunudyo ² hindi niya direktang sinabi kung ano ang hitsura ni Don Tiburcio, ngunit ipinakita niya ito sa pagsasabi ng mga kapangitan na malayo sa tunay na gusto ni Dna. Victorina. 29 Si Don Tiburcio ay panot at ito na ang pagkakataon ni Dna. Victorina. 30 Ano kaya ang hitsura ng isang babae na ang asawang lalaki ay natatakot o nandidiri na makasama sa gabi ng honeymoon? Ito na ang kasukdulan ng pagkutya ni Rizal sa pangit na anyo ng kaniyang tauhan na si Dna. Victorina. Para kay Tiburcio, kung pangit si Dna. Victorina ay higit na pangit kaharapin at makapiling ang gutom.

492

ang munting hapunan at upang maparaan ang pagkatunaw ng gazpacho ay natutulog siyang binubuo sa isip ang isang nakangiti at mapang-akit na larawan ng isang kadalagahan. Makaraan ang panahong iyon, nang ang mga sama ng loob at mga paghihirap ay nadagdagan, ay dumaan ang mga taon at ang kagiliw-giliw na larawan ay hindi dumating. Ang inisip na lamang niya·y isang mabuting babaeng masipag, masikhay sa buhay, na makapagdadala sa kanya ng isang munting bigay-kaya, makaaaliw sa kanyang kapagalan sa paggawa at aaway sa kanya maminsanminsan; kung isip-isipin niya ang mga away ay waring isang kaligayahan! Datapwa·t nang mapilitan siyang magpalabuy-laboy sa mga bayan-bayan, hindi na upang humanap ng isang kayamanan kundi ng isang mabuti-buting kalagayan na lamang upang maparaan ang kaunti niyang buhay na nalalabi; nang magpangarap siya dahil sa mga salaysay ng kanyang mga kababayang nanggagaling sa kabila ng dagat ay tumungo sa Pilipinas at ang kanyang mga isipan ay natungo sa isang mistisang makiyas, sa isang magandang India na may malalaki at maiitim na mata, nababalot sa mga sutla at madadalang na kayo, puno ng brilyante at ginto, naghahandog sa kanya ng pag-ibig, mga sasakyan, atbp. Dumating sa Pilipinas at inakalang mangyayari na ang kanyang mga pangarap sa dahilang ang mga dalagang nagtutungo sa Luneta at Malecon, na sakay ng mga sasakyang pinilakan, ay tumingin sa kanya nang tinging may pagsisiyasat.31 Subalit nang siya ay maalis sa tungkulin, ang mistisa o India ay nawala, at kahit mahirap ay napilitan siyang ibaba ang balak sa larawan ng isang balo, ngunit balong makalulugod. Kaya nang makitang bahagi lamang ng kanyang pangarap ang naging totoo ay nalungkot siya, ngunit sa dahilang mayroon siyang kaunting pagmumuni-muni, nasabi sa sa sarili na: ´Iyon ay isang pangarap, at sa mundo ay hindi nabubuhay sa pangangarap!µ Sa ganitong paraan niya nilulutas ang kanyang mga pag-aalinlangan: ang babae ay gumagamit ng polvos de arroz, pwe! pag sila·y nakasal ay saka na niya ipaaalis: totoo na maraming kulubot ang mukha ng babae, nguni·t higit na marami ang sira at sulsi ng kanyang amerikana;32 ang babae ay isang matandang mapagmalaki, mapagmataas at dominante, ngunit ang gutom ay lalong dominante, mapagmalaki at
31 Naismiran si Tiburcio ng mga babaeng Pilipina, kahit na siya ay Espanyol ² ipinakikita ni Rizal na ang mga babaeng Pilipina kahit na noong kaniyang kapanahunan ay may mataas na panlasa. 32 Sa bandang huli ay naging praktikal si Don Tiburcio sa pagpili ng babaeng magiging asawa.

493

mapagmataas, at saka ang isa pa ay ipinanganak naman siyang may matamis na ugali. At sino ang nakaaalam? Nababago ng pag-ibig ang mga ugali; napakasama magsalita ng Kastila, ngunit maging siya man ay hindi rin tumpak alinsunod sa sabi ng pinuno ng Kagawaran nang ipaalam sa kanya ang pagkakaalis niya sa katungkulan, at saka ano ang kailangan kung ang babae ay matanda, pangit at kakutya-kutya? Siya naman ay pilay, walang ngipin at panot! Ibig pa ni Don Tiburcio na siya na ang mag-alaga kaysa siya ay alagaan dahil sa sakit at gutom. Kapag siya ay minaliit ng isang kaibigan ay sumasagot na: ´Pagkalooban mo ako ng tinapay at tawagin mo akong hangal.µ33 Sa karaniwang sabi, si Don Tiburcio ay isang taong hindi nakagagawa ng masama kahit sa isang langaw; walang kakayahan na magtago ng masamang kaisipan, hindi siya palalo, nagpari sana siya kung noong unang panahon.34 Ang kanyang pagkakalagi sa Pilipinas ay hindi nakapagbigay sa kanya ng paniniwalang siya ay nakakahigit, mahalaga at may malaking katangian, na sa iilang linggo lamang ay tinataglay na ng marami sa kanyang mga kababayan.35 Ang kanyang puso ay hindi nagtataglay kailanman ng pagkamuhi; hindi pa siya nakakatagpo ng isang pilibustero; wala siyang nakikita kundi mga kaawa-awang tao na kailangang alisan ng pag-aari kung hindi hangad ang maging kaaawa-awa pa kaysa kanila. Nang binalak na siya ay isakdal dahil sa pagkukunwaring manggagamot ay hindi sumama ang kaniyang loob, hindi dumaing; kinikilala niya ang katwiran at walang isinagot kundi: ´Kailangang lamang na mabuhay!µ36 Nagkasalan nga sila o nagkasakalan, at nagtungo sila sa Sta. Ana upang idaos ang honeymoon, ngunit nang kinagabihan ng kasal ay nakaramdam si Donya Victorina ng matinding sakit sa tiyan dahil sa empatso, at napasalamat sa Diyos si Don Tiburcio, nagpakita ng pagiging masuyo at pagkamaingat. Gayunman, nang sumunod na gabi ay tumupad siya ng dapat gawin ng isang
33 Isang desperadong pananaw ng isang taong labis na naghihirap. 34 Ang lakas na mang-insulto ni Riza sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga katangian na iyon ni Don Tiburcio ay angkop para maging pari noong unang panahon ² nais na iparamdam ni Rizal na hindi na iyon ang ugali ng mga pari sa kaniyang panahon. 35 Si Don Tiburcio ay hindi nahawa sa masamang ugali ng mga Espanyol na naninirahan sa Pilipinas na nagiging labis na mayabang sa kanilang kapanahunan, dahilan sa pagmamaliit sa mga Pilipino. 36 Ito rin ang linya o paliwanag na ginagamit na rasyonal ng mga empleyado at pinuno ng pamahalaan na nagugumon sa katiwalian.

494

mabuting lalake, at kinabukasan, nang siya ay manalamin, ay malungkot na napangiti dahil sa pagkakamalas sa kanyang gilagid na ulila: nang gabing iyon ay hindi bababa sa sampung taon ang kanyang itinanda.37 Dahil sa nasiyahan si Donya Victorina sa kanyang asawa ay ipinagpagawa ng pustiso, pinasukatan ng damit sa mga mahuhusay na mananahi sa siyudad; nagpabili mga arana at kalesa, humingi sa Batangas at sa Albay ng pinakamatuling kabayo at pinilit pang magkaroon ang lalake ng dalawang kabayong patatakbuhin sa karera ng kabayo.38 Samantalang iniiba ang ayos ng kanyang asawa ay hindi naman nalimot ang kaniyang katawan; pinalitan ng kagayakang taga-Europa ang sayang sutla at barong pinya; pinalitan ang pusod-Pilipina ng mga pelukang kulot-kulot at sa tulong ng kanyang mga kagayakang hindi angkop sa kanyang katawan ay ginulo ang kapayapaan ng mga tahimik at mapag-usisang mga kapit-bahay.39 Kailanman ay hindi niya pinalalabas na naglalakad ang asawa; ayaw ang babae na makita ng mga tao na ito ay pilay; dinadala siyang mamasyal sa mga pook na walang mga dumadaan, bagay na isinasama ng loob ng babae, na may pagnanais na itanghal ang asawa sa mga dakong lalong maraming tao, ngunit hindi umiimik dahil sa paglingap sa kanilang honeymoon. Nagsimula ang pag-unti ng buwan, panahon na para punahin ng lalake na ang pagamit ng pulbos sa mukha ay mali at hindi siyang totoong kulay (masagwa); ikinunot ni Donya Victorina ang kilay at tiningnan ang ngiping pustiso ng lalake. Ito ay huminto at nakilala ng babae at naunawaan ng lalaki ang kaniyang kahinaan.40

37 Naging isang malaking suliranin para kay Don Tiburcio ang kaniyang gagawing pakikipag-honeymoon sa asawa. Gaano ba talaga kapangit si Donya Victorina? 38 Aba nag-enjoy si Donya Victorina kay Don Tiburcio ² mapapansin na si Donya Victorina ay naging isang asucarera de mama. 39 Sa kapanahunan pa man ni Rizal ang pagbabago ng kaanyuan ng isang babae ay nagiging dahilan ng mga usap-usapan at pagsisiyasat ng mga kapit-bahay. Maging sa ating panahon, lalo na ang pagbabago ng kaanyuan (at maging ng kasarian) sa pamamagitan ng medisina ay isa pa ring dahilan ng usap-usapan at pagsisiyasat. 40 Sa pagkakataong ito ay ipinakita na ni Donya Victorina ang kaniyang pagiging dominante. Isa sa mga katangian ni Donya Victorina ay ang kaniyang kakayahan na dominahin ang isang Espanyol na nasa kaniyang pangangalaga.

495

Hindi naglaon at inakala ng babae na siya ay nagdadalangtao at ibinalita ang gayon sa lahat ng kanyang kaibigan. ´Sa buwang darating, ako at si de Espadaña ay magtutungo sa Peñinsala:41 ayokong ipanganak dito ang aking anak at matawag na rebolusyonaryo.µ Nilagyan ng isang de ang apelyido ng kanyang asawa; ang de ay hindi naman ginagastusan at nakapagbibigay-uri sa pangalan. Pag siya ay lumalagda ay inilalagay niyang: Victorina de los Reyes de de Espadaña; itong de de Espadaña ang kanyang kinahuhumalingan; hindi naalis sa isip ang gayon ng kanyang asawa ni ng litograpong gumawa ng kanyang mga calling card. ´Kung iisang de lamang ang ilalagay ko ay aakalaing walang de ang iyong apelyido, hangal!µ sabi sa kanyang asawa. Walang malimit na pinagsasabi kung hindi ang kanyang paghahanda para sa isang paglalakbay, isinaulong lahat ang mga bayang titigilan, kaya·t kalugud-lugod na siya ay pakinggan kung nagsasalita: ´Titingnan ko ang ismo sa canal sa Suez; inaakala ni De Espadaña na iyon ang pinakaminam sa lahat, at nalibot na ni De Espadaña ang buong mundo. Marahil ay hindi na ako babalik sa bayang ito ng mga salvaje. Hindi ako ipinanganak upang mabuhay dito; mabuti sa akin ang Aden o Port Said; mula pagkabata ay inakala ko na ang gayon, atbp.µ42 Binabahagi ni Donya Victorina ang
41 Tiwaling bigkas ng peninsula, na ang tinutukoy ay ang tangway ng Iberia na kinaroroonan ng Espanya. 42 PALIWANAG NA MAGBIBIGAY DAAN UPANG MALAMAN ANG TUNAY NA ANYO NI DONYA VICTORINA: mabuti sa akin ang Aden² mayroong dalawang ipinakikita dito si Rizal. Si Rizal sa kaniyang talaarawan ay sinabi na ang ´Aden ay isang pook ng mga bundok ng batong-buhay at hubad sa anumang mga bagay na nabubuhay« Ni isang dahon o ugat man lamang. Ang mga tao dito ay maiitim na parang uling« ang buhok ay parang balahibo ng tupa; ang sa ilan ay may ay may kulay pula at may isang anyong kakaiba. Sa unang pagkakita ay parang gumagamit ng peluka:µ Una ang kahinaan ni Dna. Victorina sa larangan ng heograpiya, SUBALIT ANG PINAKAMAHALAGA ay ang: Pangalawang nais na ipakita ni Rizal ay ang tunay na kaanyuan ni Dna. Victorina. Ito ang dahilan kung bakit sa Kabanata 3 ay naapakan ni Tinyente Guevarra ang saya ni Donya Victorina habang tinitingnan nito ang peluka ng babae.

496

mundo alinsunod sa sarili niyang heograpiya, sa Pilipinas at Espanya, kaiba ng mga chulo43 na binabahagi sa Espanya at Amerika o sa tawag na Tsina. Alam ng asawa na ang ilan sa mga bagay na ito ay kababawan, ngunit hindi kumikibo upang di siya sigawan at ipamukha sa kanya ang pagkautal. Nagkunwaring naglilihi upang maragdagan ang kanyang pangangarap na maging ina, at nagsusuot ng mga makulay, puno ng mga bulaklak at mga ribbon at naglakad na naka robe sa Escolta;44 ngunit ay! nakaraan ang tatlong buwan at ang pangarap ay napawi, at sapagkat wala nang dahilan upang katakutan ang pagkakaroon ng isang anak na rebolusyonaryo, sa ganito ay hindi na itinuloy ang paglalakbay. Nahumaling sa pagtatanong sa mga manggagamot, hilot, matatanda, atbp., ngunit walang nangyari; kahit sumama ang loob ni Kapitan Tiyago ay biniru-biro niya si San Pascual Bailon, 45 ayaw siyang lumapit sa kaninumang santo o santa46 kaya nasabi tuloy sa kanya ng isang kaibigan ng kanyang asawa, na: ´Maniwala kayo sa akin, kayo ang tanging espiritu fuerte,µ sa bayang ito na nakaiinip!µ47 Ang babae ay ngumiti nang hindi
Port Said ² isang lugar sa Hilagang silangan ng Ehipto na siyang bukana ng Suez Canal ² Sa paglalakbay dito ni Rizal ay natagpuan na ang mamamayan ng lugar na maitim ang kulay ay nagsasalita ng mga dayuhang wika. ² Talagang bagay sa dalawang lugar na ito si Dna. Victorina. 43 Chulo ² pangkat ng mga tao sa Madrid na tinitingnan ng mga naninirahan sa lungsod bilang mga tao na na mga walang dangal, manduduwit, hampas-lupa. 44 Isipin na si Dna. Victorina ay naka-robe sa Escolta. Gaano kaya karaming pawis ang lumabas sa kaniyang katawan. 45 Sa kabanata 6 ay nagkaroon ako ng mapangahas na pagpapakahulugan ukol kay San Pascual de Baylon bilang simbolismo ng mga prayle na nakakabuntis ng mga babae sa Pilipinas. Sa bahaging ito ay kinukumpirma ni Rizal sa pamamagitan ng paglalarawan niya sa kaisipan ni Donya Victorina ² na ang pagbanggit niya sa San Pascual de Baylon ay isang anyo ng panunudyo sa mga dayuhang kaparian na nakakabuntis ng mga babae sa Pilipinas. 46 Hindi siya lumalapit sa mga santa at lalo sa mga santo (mga prayle) para magdalang-tao. 47 Maraming kahulugan sa Espanyol ang ´espiritu fuerteµ, ngunit ang maaring pakahulugan ni Rizal ay pangahas o matapang, masigla. Maaring si Dna. Victorina ay isang hangal sa kaniyang pagkukunwaring Espanyola, ngunit ang kaniyang katangian ay makikita sa kaniyang mga

497

naiintindihan kung ano ang espiritu fuerte, at nang kinagabihan, nang matutulog na, ay itinanong sa kanyang asawa. ´Ineng,µ ang sagot nito, ´ang e«espiritu fuerte na nakikilala ko ay ang amonya: marahil ay binanggit iyon ng pa«re«retorika.µ Mula noon ay sinasabi niya sa mga usapan, na: ´Ako ang tanging amonya sa nakaiinip na lupaing ito,48 kung paretorikang salita, gayon ang sabi ni G.N. de N. taga-peninsula na may malaking katangian.µ Ang lahat nang masabi niya ay siyang gagawin; nakapangingibabaw na buung-buo sa lalake na hindi naman tumutol nang bahagya kaya naging parang munti at masunuring aso sa kandungan ng babae. Kapag nagagalit sa kanya ang babae ay hindi siya pinapamasyal, at kapag totoong galit na galit ay inaalisan siya ng ngipin at binabayaan siyang gayon ng isa, dalawa o tatlong araw ayon sa laki ng galit. Naisipan ng babae na ang asawa ay dapat maging doktor sa Medicina at Cirugia49 at ipinahayag niya dito ang gayon. ´Ineng! Ibig mo bang ako ay mahuli?µ ang tanong na maysindak. ´Huwag kang hangal at bayaan mo, ako ang bahala!µ ang sagot, ´hindi ka manggagamot, ngunit ibig kong tawagin kang doktor at ako·y doktora!µ50
pangahas na pananalita laban sa panatisismo ng kaniyang panahon. Hindi siya lumalapit sa mga santo/santa at binibiro-biro pa ang San Pascual de Baylon. Ang tunay na kahulugan ng espiritu fuerte sa nakakainip na bayan na ito mula sa hanay ng pananalita ni Rizal ay isan babae na hindi kayang tuksuhin ng mga inip (bored) na mga paring Espanyol. 48 Isang pagpapatawa ni Rizal na ipinasabi niya kay Donya Victorina upang itago ang tunay na kahulugan ng espiritu muerte. 49 Cirugia ² ang ipinagawang pagyayabang ni Dna. Victorina para sa kaniyang asawa ay labis na nakakatakot sa dahilang ang pagtitistis (surgery) sa anumang bahagi ng panloob na katawan ng tao ay ipinagkakatiwala lamang sa mga tunay at dalubhasang manggagamot. Paano kung may mga mangmang na katutubo na maniwala ² katulad ni Kapitan Tiyago. 50 Mapapansin na ang vanity ni Dna. Victoria ay nagpapatuloy pa rin ngayon sa mga taong kumukuha o pinipilit na magtapos ng doctoral degree sa iba·t ibang larangan ng kaalaman na hindi abot sa pamantayan ng kinakailangang kapantasan. Nagkaroon nga ng titulo ngunit hubad naman sa kapantasan na dapat sanang kaagapay ng karangalan.

498

At nang kinabukasan ay tinanggap ni Rodoreda51 ang pagawang ukit sa isang putol na maitim na marmol ang: DR. DE ESPADAÑA, ESPESYALISTA SA LAHAT NG URI NG KARAMDAMAN. Kinakailangan na tawagin sila ng lahat ng alila sa kanilang bagong katawagan, at dahil dito ay naragdagan ang dami ng mga flequillos, ang pulbos sa mukha, ang mga sintas, at laso, at higit na naragdagan ang pag-alipusta ni Donya Victorina sa mga kahabag-habag at sawimpalad na kababayang babae, na ang mga asawa ay may maliit lamang katangian kaysa kanyang asawa. Sa araw-araw ay inaakalang lalong higit ang kanyang pagiging dakila, at sa ganito ay aakalain niya, pagkaraan ng taon, na siya ay buhat sa langit. Sa kabila ng mga malaking kahibangang ito ay hindi makapigil upang sa bawat araw na dumaan ay lalong maragdagan ang kanyang katandaan at kakutya-kutyang ayos. Kailanman at magtatagpo sila ni Kapitan Tiyago at maaalaala nito ang pag-ibig niyang walang napala ay nagpapadala ng piso sa simbahan upang ipagmisa bilang pasasalamat.52 Subalit kahit man gayon ay iginagalang na lubha ni Kapitan Tiyago ang asawa dahil sa katangiang especialista sa lahat ng sakit, at taimtim niyang pinakikinggan ang mangilan-ngilang salita na lumalabas sa bibig dahil sa kautalan. Dahil dito, at sa dahilang ang doktor na ito ay hindi dumadalaw sa kahit sino, na gaya ng ibang manggagamot, kung kaya siya ang pinili ni Kapitan Tiyago na gumamot sa kanyang anak. Ang tungkol sa binatang si Linares ay iba naman. Nang binabalak ng mag-asawa ang magtungo sa Espanya ay inakala ni Donya Victorina na iwan sa isang tagapangasiwang Kastila ang kanyang mga pag-aari, dahil wala siyang tiwala sa mga Pilipino; naalaala ng asawa ang isang pamangking nasa Madrid na nagaaral nang pagka-abugado at siya ang pinakamatalino sa kanilang angkan; sinulatan, binayarang pauna ang magugugol sa paglalakbay, at nang magwakas na ang pangarap ni Donya Victorina na makapaglakbay ay nasa gitna na ng paglalayag patungo sa Pilipinas ang binata. Ito ang tatlo taong bagong dating. Samantalang kumakain ng almusal ay dumating si Padri Salvi at ipinakilala rito na kakabit ang lahat ng titulo ang
51 Francisco de Rodoreda ² isang mangangalakal na nagmamay-ari ng Isang pagawaan ng ng mga kagamitang marmol. Matatagpuan ito noon sa daang Carriedo sa distrito ng Santa Cruz, Maynila. 52 Nagpamisa ng pasasalamat si Kapitan Tiyago para sa isang pag-ibig na walang napala. Kung natauhan si Kapitan Tiyago na dapat niyang ipagpasalamat sa Diyos ang isang pag-ibig na walang napala.

499

binatang Linares na namula.53 Gaya nang dapat mangyari ay napag-usapan si Maria Clara; ang binibini ay nagpapahinga at natutulog. Napagkuwentuhan ang paglalakbay; Nagsimula si Donya Victorina ang kanyang matalas na pananalita sa pagpintas sa ugali ng mga taga-lalawigan, ang kanilang mga bahay na pawid, ang mga tulay na kawayan, at hindi malimot ang pagsasabi sa kura na siya ay kaibigan na ng Segundo Cabo,54 ng Alkalde, ng Oidor,55 ng Intendente,56 at iba pang mga taong may mataas na katungkulan sa pamahalaan na nagbibigay ng pakundangan sa kanya. ´Kung naparito kayo nang mga dalawang araw ang nakalipas, Donya Victorina,µ sabi ni Kapitan Tiyago sa isang munting pagkakatigil, ´ay natagpuan sana ninyo ang Kapitan Heneral: diyan umupo.µ ´Ano? Papaano? Naparito ang Kapitan Heneral? At sa bahay ninyo? Kasinungalingan!µ ´Sinasabi ko sa inyong diyan umupo! Naparito sana kayong mga dalawang araw muna«µ ´Ah! Sayang at hindi napa-aga ang pagkakasakit ni Clarita!µ57 ang bulalas ng babae na taglay ang tunay na sakit ng loob at hinarap si Linares. ´Nadinig mo pinsan? Nagparito ang Kapitan Heneral! Nakita mo na at may katwiran si De Espadaña nang sabihin sa inyong hindi bahay ng isang timawang Indio ang iyong papanhikin?58 Sapagkat sukat ninyong maalaman Ginoong
53 Ikaw man ang ipakilala na alam mo namang hindi totoo ang mga ipinagpaparangalan sa iyo sa harapan ng isang mas nakakahigit sa iyo ay tunay na nakapanliliit at makapagpapamula ng mukha (kung may kahihiyan). 54 Ang segundo cabo ay pumapangalawa sa Kapitan Heneral at gumaganap na pansamantalang kapalit ng KH sa pagkakataon na mamatay, magkasakit, o biglang alisin sa tungkulin. 55 Oidor ² hukom ng Audencial Real na siyang pinakamataas na hukuman ng kolonyal na pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas. 56 Intendente de Hacienda - Pinuno sa kagawaran ng pananalapi ng kolonyal na pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas. 57 Taklesa ² walang pakundangan kung masasaktan ang kausap sa binibitiwang mga salita. 58 Talagang si Maria Clara ang sadya ni Dna. Victorina para sa ireto sa binata. Pansinin na si Don Tiburcio ang nagkukuwento kay Linares sa positibong katangian ng dalaga. Talagang prospector si Don Tiburcio.

500

Santiago na ang aming pinsang ito, sa Madrid, ay naging kaibigan ng mga ministro at mga duke at madalas kumain sa bahay ng Konde del Campanario.µ ´Duke dela Torre, Victorina,µ pagtutuwid ng asawa. ´Isa na rin iyon, kung ikaw pa ang magsasabi sa akin«!µ59 ´Matatagpuan ko po ba si Padre Damaso sa kanyang bayan?µ ang putol ni Linares na nagtanong kay Padre Salvi, ´may nagsabi sa aking malapit daw rito.µ ´Naririto ngayon at mayamaya nang kaunti ay paparito,µ ang sagot ng kura. ´Mabuti kung gayon! Mayroon akong dalang isang sulat para sa kanya,µ sabi ng binata, ´at kung hindi dahil sa mapalad na pagpunta ko dito, ay sadya ko siyang pupuntahan upang dalawin.µ Samantala naman ay nagising ang mapalad na pagkakataon. ´De Espadaña,µ ang sabi ni Donya Victorina nang matapos ang pagkain, ´tingnan natin si Clarita,µ at kay Kapitan Tiyago naman ay, ´Dahil lamang sa inyo! Ang asawa ko·y hindi gumagamot kundi sa matataas na tao lamang at hindi pa sa lahat! Ang asawa ko·y hindi kagaya ng mga tagarito« sa Madrid ay wala siyang dinadalaw kundi mga taong may matataas na katungkulan.µ Nagsituloy sila sa silid na kinalalagyan ng maysakit. Ang pook na iyon ay madilim, nakasara ang mga bintana dahil sa takot sa simoy ng hangin, at ang tanging ilaw na ay nanggagaling sa dalawang kandilang nasa harap ng isang larawan ng Birhen ng Antipolo. Ang binibini ay nakahiga sa kanyang kamang kamagong na may mga tabing na husi at pinya, siya·y may taling panyong basa ng cologne sa ulo, ang katawan ay nababalot nang mapuputing kumot na nakatakip sa kanya. Ang kanyang buhok na nakabakod sa kanyang payat na mukha ay nagpaparagdag pa sa pamumutlang binibigyang-buhay ng dalawang malalaking mata na puno ng kapighatian. Nasa kanyang tabi ang dalawang kaibigan at si Andeng na may hawak na isang kumpol na asusena. Pinulsuhan siya ni De Espadaña, siniyasat ang dila, bumanggit ng ilang tanong sa maysakit at sabay sa mga pagilingiling ng ulo, ay sinabing: ´Ma« may sakit, ngunit mapapagaling.µ

59 Makikita ang paglalaro ng mga salita, Konde del Campanario at Duke de la Tore ² Nais na sabihin ni Dna. Victorina ay ´maski kampanario o tore, magkapareho lang iyon.µ Ang Duke de la Torre ay isang titulo para sa grandee ng Espanya na may pribilehiyo na makausap ng personal ang hari/reyna ng Espanya.

501

Mapagmalaking minalas ni Donya Victorina ang mga kaharap.60 ´Liquen at gatas, jarabe de altea,61 dalawang pildoras na cinoglosa,µ ang utos ni De Espadaña. ´Lakasan mo ang iyong loob, Clarita,µ ang sabi ni Donya Victorina, ´naparito kami upang gamutin ka« Ipakikilala kita sa aming pinsan!µ62 Si Linares ay napatigil dahil sa pagtingin sa mga mata ng dalaga na parang may hinahanap, kaya hindi nadinig ang pagtawag sa kanya ni Donya Victorina. ´Ginoong Linares,µ upang maalis ang pagkatunganga ng binata sa dalaga ay sinabi ni Padre Salvi, ´hayan at dumarating si Padre Damaso.µ63 Si Padre Damaso nga ay dumarating, maputla at malungkot; nang makabangon sa banig ay si Maria Clara ang unang-una niyang dinalaw. Hindi na siya ang dating Padre Damaso na malaki ang katawan at masalita; ngayo·y tahimik na lumalakad at may pagka-bantulot nang kaunti.

60 Nakapagmamalaki pa sa kakayahan ng asawa niya ² na alam niyang siya mismo ang humuwad. 61 Katas ng marshmallow ² mula sa puno ng Athaea officinalis na ang pinulbos na ugat kapag hinalo sa tubig ay kumakapal. 62 Tandaan na hindi talaga panggagamot ang dahilan ni Dna. Victorina dahil alam naman niyang hindi tunay na manggagamot ang asawa niya ² ang tunay niyang balak ay ireto si Linares kay Maria Clara na itinapat sa panahon ng pagkakasakit ng dalaga. 63 Nagsismula na ring pagselosan ni Padre Salvi ang pagtitig ni Linares kay Maria Clara.

502